4 minute read
H A M
Acne, kayang iwasan nang walang binabayaran
Ikaw ba ay mayroong sobrang daming acne sa mukha at sobra-sobra na ang nagastos mo sa mga skincare products pero wala namang nagbabago?
Advertisement
Nais mo bang maiwasan ang pagdami ng acne mo? Kung oo, halina't alamin ang ilan sa mga natural na paraan na maaari mong gawin upang maiwasan na ang iyong mga minamahal na acne
Elon Musk's SpaceX Starship, mag-oorbit na
Target ng SpaceX na ilunsad ang kanilang Starship rocket system sa orbit nito sa unang pagkakataon sa unang bahagi ng Disyembre Isang pivotal demonstration flight ang gaganapin habang naglalayong maipadala ng NASA ang kanilang mga astronaut sa buwan sa mga susunod na mga taon, sinabi ito ng isang opisyal ng U.S. noong Oktubre 30, 2022
Ang bilyonaryong si Elon Musk ay naghangad ng maraming taon para maipadala ang matayog na nextgeneration rocket system sa orbit nito mula sa mga pribadong kumpanya sa Texas Naglunsad ang mga ito ng mga prototype sa itaas ng Starship na mga 10km ang taas upang maipakita lamang ang mga landing attempts
"We track four major Starship flights The first one here is coming up in December, part of early December," wika ni Mark Kirasich, isang official senior ng NASA, sinabi sa isang live-stream na pulong ng NASA Advisory Council
Ang U S Federal Aviation Administration na nangangasiwa sa kaligtasan ng commercial launch site ay hindi pa nagbibigay ng lisensya para sa misyon sa SpaceX, bahagi na rito ang mga kompanya ni Musk tulad ng Tesla at Twitter
Tutukuyin pa ng FAA kung bibigyan nila ng lisensya ang SpaceX, "only after SpaceX provides all outstanding information and the agency can fully analyze it" sinabi noong lunes ng tagapagsalita ng FAA
Sa unang pagkakataon mula noong 1972, pinili ng NASA noong 2021 ang SpaceX's Starship para mapunta ang mga astronaut sa buwan sa taong 2025 Ang misyon na iyon, sa ilalim ng humigit-kumulang $3 bilyong kontrata, ay nangangailangan ng ilang pagsubok sa spaceflight nang maaga na maaaring maantala ang 2025 moon landing mission
Aklatatinternet
Sa panahon ngayon, hindi maikakaila na malaki ang papel na ginagampanan ng internet sa ating pang-araw-araw na buhay Ginagamit natin ito sa iba't ibang layunin, tulad ng komunikasyon, trabaho, at libangan Ngunit, pagdating sa pag-aaral ay may laban pa nga ba ang mga libro sa panahon na laganap na ang makabagong teknolohiya?
Parehong may sariling pakinabang ang internet at mga libro, pareho rin itong mapagkukunan ng impormasyon. Sa internet, palaging maa-access ng mga mag-aaral ang pinakabagong impormasyon Maaari rin manood ng mga video, makinig sa audio, at lumahok sa mga online na talakayan na makatutulong upang mas maunawaan ang mga bagay na nais nilang malaman Mas gusto rin ng ilang mga estudyante ang pag-aaral gamit ang kanilang mga kompyuter o telepono Dahil dito ay maaari nilang ilagay ang lahat ng kanilang mga impormasyong kinakailangan sa isang app at madali nila itong mabubuksan kahit saan Bukod pa rito, maaari nilang i-customize ang kanilang kapaligiran sa pag-aaral upang mas angkop sa kanilang mga pangangailangan Halimbawa na lamang ay kaya nilang makontrol ang liwanag, temperatura, at maghiglight ng ilang mga salita sa kanilang telepono Kung kailangan naman nilang magpahinga, maaari lamang nilang isara ang kanilang device at lumayo At sa internet ay maaring makakuha ang mga tao ng impormasyon online kahit saan man at anumang oras
Sa kabilang banda, ang mga libro ay mas mahusay pa rin kaysa sa internet pagdating sa pagaaral Ang pagbabasa ng mga libro ay makakatulong na mapabuti ang ating pang-unawa, magpalawak ng ating kaalaman at magpaunlad ng ating imahinasyon at pagkamalikhain Makatutulong din ang libro pagdating sa ating kalusugan Dahil ayon sa isang pag-aaral ng Unibersidad ng Pennsylvania, ang mga taong nagbabasa ng mga libro sa loob ng 30 minuto sa isang araw ay nabubuhay ng isang average ng dalawang taon na mas mahaba kaysa sa mga taong hindi nagbabasa Natuklasan din ng pag-aaral na ang pagbabasa ng mga libro ay nagbabawas ng panganib na mamatay mula sa iba't ibang mga problema sa kalusugan, kabilang ang sakit sa puso, stroke, at kanser Sa libro rin ay tumpak at maaasahan ang ating mga impormasyong kukunin dahil karaniwang ang mga eksperto ang nagsusulat dito hindi tulad sa internet na maaaring isulat ng sinuman kaya't hindi mo masasabing ito ay tama Nag-aalok ang mga aklat ng mas tradisyonal na karanasan sa pag-aaral, habang ang internet ay nagbibigay ng mas modernong paraan sa pag-aaral May mga kalamangan sa parehong pag-aaral
Ngunit kung ikaw ay isang mag-aaral na nais kumuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon, huwag ka nang magdalawang isip sumadya sa lugar kung nasaan ang mga libro
Ang acne ay isa sa mga pinakakaraniwang kondisyon sa balat na nakakaapekto sa higit sa 85% na mga teenager. Ayon sa mga eksperto, ang acne ay nagsisimula sa pagbibinata at pagdadalaga ng isang tao at karaniwang nareresolba sa edad na 20 pataas
Matulog ng 7-9 oras araw-araw,
-Totoo bang nakaka-tigyawat ang pagpupuyat? Oo, kapag ang isang tao ay nagpuyat o kulang sa tulog, maaari itong makadagdag ng stress sa kanya na maaaring maging sanhi ng pagdami ng cortisols sa katawan na isa sa mga dahilan ng tigyawat
Iwasan ang sobrang pagkain ng matatamis at paginom ng alkohol
-Ang pagkain ng matatamis at pag-inom ng alak ay hirap iwasan ng karamihan Ngunit lagi nating tatandaan na ang lahat ng sobra ay masama, may kemikal ang mga ito na nakakapagpapalala ng tigyawat ng isang tao
Pumili ng acne-friendly na make-up
-Kung ikaw ay mahilig gumamit ng make-up at makapal kung maglagay dahil sa tingin mo ay napakaganda mo, iwasan mo na yan dahil malaki ang epekto nyan! Sa paggamit ng make-up, siguraduhin na kaunti lamang paglalagay at siguraduhing nakalagay sa label na "oil free o non-comedogenic" Kung ang makeup mo ay walang nakalagay na ganyan, ihinto mo na yan at magpalit ka na dahil hindi para sayo yan
Kumain ng masustansiyang pagkain
-Ang mga tigyawat ay maiiwasan sa pagsunod sa pagkain ng masustansyang pagkain Hangga't maaari ay iwasan ang mga pagkain na mayaman sa carbohydrates, sugar, at dairy products Kumain ng mga prutas, gulay, at uminom din ng higit sa 8 basong tubig kada araw
Ang pahayag na ito ay ilan lamang sa mga natural na paraan, mas makabubuti pa rin kung lalapit sa isang dermatologist kung nais mong mawala ang mga minamahal na acne na yan nang mabilisan
Alamniyoba?
Na ang ating bansa ay tinaguriang pintuan ng Asya dahil sa estratehikong lokasyon nito Ang bansang Pilipinas ay ang bansang bumubungad sa malawak na Karagatan ng Pasipiko. Sa tinatawag na geopolitics, ang Pilipinas ay kabilang sa mga interes ng bansang United States sapagkat ang Pilipinas ang nagsisilbing "proxy base" nila upang mapanatili nila ang kanilang presensya sa Asya.