2 minute read

SEAG gold, muling napasakamay ng Gilas Pilipinas

Next Article
Wushu team

Wushu team

Matapos mabasag ng Indonesia ang 13 Gold medal streak ng Gilas Pilipinas noong 31st SouthEast Asian Games, gigil na nagbalik ang Gilas sa 32nd SEAG para muling mapasakamay ang Gold medal kontra Cambodia matapos nila itong mapataob sa iskor na 80-69 noong Mayo 16, 2023 na ginanap sa Modorok Techo National Stadium, Phnom Penh

Advertisement

Pumukol ng 23 points, 7 rebounds at 4 assists ang Naturalized player ng Gilas na si Justin Brownlee katuwang si Chris Newsome na nakapagpatala ng 16 points

"We just tried to keep fighting It feels great to win" saad ni Brownlee

Kakasimula pa lamang ng laban ay agad na nagpakawala ang Cambodia ng 5-0 run matapos nilang maipasok ang isang tres at jumpshot

Hindi naman pumayag si Brownlee at binasag ang run ng Cambodia sa pamamagitan ng off-thedribble jumper

Naging mabagal ang pag-usad ng iskor sa unang kwarter, nagtapos ito nang may isang kalamangan ang Cambodia sa Pilipinas, 22-21

Pangalawang kwarter, rebounds at ang mga naipasok na free-throw ng Gilas ang isa sa mga dahilan kung bakit natambakan ang Cambodia ng 11 points sa iskor na 44-33

Mainit ang naging simula ng Cambodia sa ikatlong kwarter sapagkat sinubukan nilang habulin ang kalamangan, sa puntong naging lima nalang ito

'Nag-ala "kayod kalabaw' ang mga Naturalized playesr na sina Brodie Patterson, Sayeed Pridgett at Darrin Dorsey/

Ginawa ng Gilas ang lahat ng kanilang makakaya upanh mapanatili ang kalamangan hanggang sa dulo

"Besides, this wasn’t about payback This was about redemption A year ago, the national team suffered what once was thought to be an improbable setback losing the title the country held for more than three decades and winding up with a silver behind Indonesia

Olympics comnews

Yulo, namayagpag sa SEAG Artistic Gymnastics

Muling namayagpag si Carlos Edriel Yulo matapos niyang mag-uwi ng Gold medal sa South-Eeast Asian games Gymnastic men's individual all-around finals noong May 8, 2023 sa National Olympic Stadium's Marquee Tent

Ang medalyang ito ang pangatlong magkasunod na Ginto ni Yulo sa SEA games matapos nitong mauwi ang Gintong medalya sa nagdaang dalawang SEA games

Inungusan ni Yulo ang dalawang pambato ng Vietnam na sina Le Thanh Tung at Dinh Phuong Thanh na nakakuha ng Silver at Bronze medal

Pinagharian ni Yulo ang laban matapos nitong makapagpatala ng matataas na puntos; floor exercise(14 350), vault(15.00), parallel bars(14 00), rings(14 150), pommel horse(12 650) at high bar(12 90), dahilan para makuha niya ang kabuuang iskor na na 84.00 at maangatan ang kaniyang mga kalaban

Tinulungan din ni Yulo ang Pilipinas na makakuha ng Silver medal sa men's team all-around, kasama niya rito sina John Ivan Cruz Jan Timbang Justine Ace de Leon, Juancho Miguel Besana at Jhon Romeo Santillan kung saan sila ay may kabuuang 302 250 na puntos

Kung susumahin, apat na medalya ang naiambag ni Yulo sa Pilipinas, dalawang Gold at dalawang Silver

“I came here prepared and I gave my best shot, so I’m really happy ” ani ni Yulo

Sa katatapos lamang na 32nd South-East gsian games na ginanap sa Cambodia, narito ang opisyal na talaan ng mga medalyang nakamit ng mga bansang nakilahok dito

Bagama't ang Pilipinas ay nakakamit ng ikaapat na pwesto noong nakaraang SEA games, ngayon naman ang Pilipinas ay bumaba sa ika-limang pwesto Sa kabila nito, nag-uwi naman ang Pilipinas ng 58 na mas maraming gintong medalya kaysa noong nakaraang SEA games

This article is from: