1 minute read
Dagli
Ingay
Salamatsapagtuturo Ako'ynatuto Salamatsapagtitiyaga
Advertisement
Mgapayonakahitminsanay akingnakalilimutan
Salamatsapangarap Salamatsasuporta Salamatsalahat
Yamannahindiipagpapalit kaninoman
Dilag
Ako'y may pasyente, ngalan niya ay Mikael
Sa ganda niyang taglay, ako'y parang mahihimatay Porselana ang ganda Mga matang kumikislap, kutis na napaka pula Isang Binibining maihahalintulad ko kay
Maria Clara Nang ibuklat ko ang kaniyang palda, siya pala ay binata na
Ako'y nagising sa pagkakatulog dahil sa ingay na aking narinig sa labas Tinanaw ko ang aming bintana at nakita ko ang aking kapatid na naglalakad papuntang paaralan Nakita ako ng aking kapatid at inayang "tara kuya mahuhuli na tayo "
"Sige hintayin mo ako, mag-aayos lang ako ng aking sarili " Kami ay nakarating na ng aking kapatid sa paaralan at nag-aral ng walong oras Hinihintay na lamang namin tumunog ang kampana bago umuwi Makalipas ang ilang oras ay tumunog ang kampana at bigla akong nagulat at nagising
"Kuya ansarap ng tulog mo ah, tama na at mangangalakal pa tayo "Ang aking narinig ay hindi kampana ng isang paaralan ngunit mga latang aming naipon mula sa inyong mga tapunan
TULA Buhay na kay sarap
Kay sarap ng ating buhay Mga bulsa’y buhay na buhay, Pitaka’y puno ng pera Kwarta’y ‘di pinoproblema
Ngunit mga bulsa’y nabutas Salapi ay nagsilikas, Buhay ay lubog sa presyo Buong bansa’y apektado
Marami ang mas naghirap
Naglaho sa isang iglap
Ang mga nabuong pangarap
Kahirapa’y lumaganap
Mundo ay hindi na patas
Problemang hindi malutas
O mahal kong Pilipinas
Kailan kaya maliligtas