1 minute read

GRAMATIKA D

"Ay nako anak! Mali-mali na naman ang iyong gramatika, paano ka makakakuha ng mataas na marka niyan? Kung sa simpleng rito at dito ay hindi mo maitama!" sambit ng aking guro sa Filipino sapagkat sa gan'to kong edad ay mali-mali pa rin ang aking gramatika. Ako si Ben, hilig ko ang pagsulat, pagsulat ng istorya. Nakahiligan ko ito noong ako'y bata pa lamang. Siguro kanonood ko ito ng mga balita at kababasa ng mga istorya ng mga alamat Akala ko'y pagtungtong ko ng ika-pitong baitang ay handa na ako Akala ko kasi noong ako'y elementarya ay tama na ang aking mga ginagamit na gramatika. Nagugulat pa nga ang aking mga guro dahil kaagad kong natatapos ang aking mga sanaysay. Napaisip ako na baka minamarkahan nila ang laman at hindi ang gramatika. Malaya akong nakapagsusulat, malikot kasi ang aking imahinasyon lalo na kapag nakakakita ako ng isang bagay o pangyayari Baitang pito, taong 2019. Tuwang-tuwa ako dahil nagpagawa ng isang sanaysay ang aking guro sa Filipino Nagtataka ako kung bakit mayroong bilog ang aking mga gawa. 'Yun pala ay dahil mali ang aking paggamit ng maikiling NG at mahabang NANG Baitang walo, taong 2020 Kalagitnaan ng pandemya, dito ay nasubok ang aking galing. Kinausap ako ng aking guro Sabi niya'y "Anak magaganda ang iyong mga gawa ngunit sayang, dahil mali-mali ang iyong mga gramatika" Tugon ko naman ay "Paumanhin po Ginang" Baitang siyam, taong 2021 Akala ko ay tapos na, akala ko ay natuto na ako Akala ko naitama ko na. Ang guro ko ay binabasa ang aking mga gawa at nakakakuha ako ng matataas na marka. Siguro ay tama na ang aking mga gramatika. Pinapasuri ko pa kasi ito sa aking kamag-aral bago ipasa Baitang 10, taong 2022 Si Gng. Matapat Oo, matapat ang kaniyang huling pangalan Ang sabi niya sa amin ay "Mga anak, matataas kayo sa aking awtput dahil hindi ko minamarkahan ang inyong gramatika" Akala ko natuto na ako Biglang sabi niya "Pagdating ng ikalawang markahan ay mamarkahan ko na ito" Kabang-kaba ako, natuto pero ewan ko mali-mali pa rin talaga Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin Ako nga pala ay parte ng pamahayagang pangkampus sa aming paaralan Oo, isa akong mamamahayag. Sa baitang sampu ay tinuruan naman ako kung paano ang tamang paggamit ng rito at dito Samantala, sa mahabang NANG at maikling NG ay kinakailangan ko pang pagbutihin Natuto at patuloy na sinusubukan, hanggang sa nakakuha na ako ng matataas na marka sa awtput

Tuwang-tuwa ako dahil kahit papaano ay may nangyayari. Malayo na, pero malayo pa. Gramatika ang kalaban ng mga manunulat Ako bilang mamamahayag, masasabi kong mahalaga ang pagtama ng gramatika. Isa na akong sikat na manunulat dahil sa dito at rito ako'y natuto

Advertisement

This article is from: