3 minute read

BALITA

'Kapag guro ka, kailangan may puso ka.'– Gng. Navera

Advertisement

"Kapag guro ka, kailangan may puso ka" Ito ang binatawang pahayag ni Gng. April Navera bilang

Most Outstanding Teacher (MOT)

Sabay sa ika-75 anibersaryo ng Quezon City High School ang pagbigay ng parangal kay Gng April Navera bilang Most

Outstanding Teacher(MOT), guro sa Technology and Livelihood Education(T L E) ng baitang sampo

Ayon sa kaniya, hindi lang dapat puro classroom teaching sapagkat kailangan mong hulihin ang kanilang pangangailangan, kailangan nila ng motibasyon hindi lang aral

Gayunpaman, kahit maraming estudyante ang hirap sa pag-aaral, nagkakaroon pa rin sila ng sipag at dedikasyon sa pagpasok dahil sa mga gurong madaling pakisamahan at nagbibigay ng sapat na kaalaman

"In everything i've do , I've always put my best Nagp-plano ako kung paano ko gagawin ang pagkatuto sa kanila, hindi lang para sa isang estudyante o dalawa kun'di sa kapakanan ng lahat

Kapag ako ay nagtatrabaho, ina-assure ko talaga na ako ay may kalidad at ang trabaho na ginagawa ko bilang isang guro ay pinupunuan ko ng passion, commitment at pagpapahalaga " wika ni Gng Navera

Samantala, pinarangalan din ang ilang mga guro ng pagkilala sa iba't ibang larangan dahil sa kanilang ibinigay na serbisyo sa ating mga quezonian at paaralan

QCHS, nakasungkit ng Parangal

atagumpay na nakasungkit ng mga parangal ang Quezon City High School sa kanilang pagsabak sa 2023 Division Secondary Schools Press Conference noong Pebrero 28 sa San Francisco High School.

Nagkaroon ng mahigit dalawang buwang paghahanda ang mga mamamahayag ng Quezon City High School matapos ang kanilang matagumpay na pagsabak sa 2022 District IV Secondary Schools Press Conference

Nakasungkit ng mga parangal ang “Ang Parola” mga mamamahayag sa Filipino at “The Capitol” para sa Ingles

Para sa “Ang Parola”, Ikawalong pwesto sa Pagkuha ng

Larawan, Ervie Mae Aurelio, Ikasiyam na pwesto sa Pagsulat ng

Editoryal, John Patrick Clavo, Ikasampung pwesto sa Mobile Journalism, Michael Angelo Espina at para sa “The Capitol”, Ikalimang pwesto sa News Writing Tiffany Gertude Calda

Modus opirandi, roberry, itinuro paano madidiskartehan ng mga guro

A ktibong ginanap sa loob ng AVR(Audio Visual Room) nitong Abril 28 taong kasalukuyan sa Quezon City High School(QCHS) ang pagkakaroon ng diskusyon tungkol sa Protocol in Handling Serious Untoward Incidents in School(PHSUIS) sa ganap na 2:00 hanggang 4:00 ng hapon.

Dumalo rito ang mga guro mula sa iba't ibang departamento ng paaralan (QCHS) kung saan sila'y nabigyan ng pag-aaral tungkol sa mga iba't ibang klase ng Modus operandi at robbery na nagaganap sa mga pampublikong lugar at sakayan lalo na sa mga matataong lugar

Nakapaloob din sa kaganapang ito ang pagkakaroon ng mga kaso at krimen na ginagawa ng mga labingwalong taong gulang pababa kung saan tinukoy dito na sila'y nabibigyan ng karampatang parusa na naaayon sa kanilang edad at bigat ng krimeng ginawa

Ito'y binigyang paliwanag ni Police Lieutenant Colonel (PLTCOL) Robert Amoranto, at pinalawig niya pa ang kaalaman ng ating mga guro tungkol sa ganitong mga insidente sa pamamagitan ng open forum na pinangunahan nina Bb Carmelita D Maceda at G. Ramil Mante. Ang oryentasyong ito para sa mga guro ng QCHS ay inihanda nina Gng Abelaida R Tolibas, Guidance Counselor at Jessie A Matriano, GAD Focal Person ng ating paaralan

Presidente ng U.S—Joe Biden, muling tatakbo sa halalan 2024

Opisyal nang inanunsyo ng kasalukuyang presidente ng Estados Unidos(USA) na si Joe Biden nitong Abril 25(Martes) ang muli niyang pagtakbo sa susunod na halalan 2024.

Inalabas ang kaniyang video campaign noong Abril 25, kung saan humihiling siya sa mga botante ng Amerika na panatilihin ang kaniyang trono upang tapusin ang trabaho tungkol sa kaguluhang nagaganap sa ekonomiya at pandemya ng COVID-19 para sa kabutihan ng mga mamamayang Amerikano

Ayon sa kanya, ang katanungang bumabagabag sa bansa ay kung sa susunod bang mga taon ay magkakaroon sila ng mas malaking kalayaan o mas mababang kalayaan "More rights or fewer I know what I want the answer to be and I think you do, too This is not a time to be complacent That’s why I’m running for re-election” saad niya pa

Ipinakita niya rin ang iba pa niyang mga adbokasiya sa video campaign na napapatungkol sa mga proyektong imprastraktura, domestic microchip manufacturing, proteksyon ng mga beterano sa toxic burn pits at ang same-sex marriage sa bansa "This is ours Let's finish this job " Joe Biden

DSWD, handang tulungan ang bawat mamamayang Pilipino

Nagkaroon ng online briefing noong Martes, Abril 25 sina Secretary Rex Gachalian kasama ang iba’t ibang field offices upang masuri ang kahandaan ng Regional Directors at iba pang mga opisyales para sa nasabing El Niño

Binigyan ni Gatchalian ng kasiguraduhan ang publiko na magkakaroon ng sapat na pondo ang ahensya at ganon din para sa mga food and non-food items o FNFIs na kanilang ibabahagi sa mga direktang maaapektuhan ng init at tagtuyot sa nararanasan nating El Niño

Nakaabang na rin ang mga Social Welfare and Development Teams sa iba't ibang rehiyon sa bansa at patuloy ang kanilang pakikipag -ugnayan sa mga LGU upang kanilang matukoy kung papaano nila matutulungan ang mga maaapektuhan ng El Niño lalo na sa mga magsasaka at sa mga manggagawang bukid

Mayroon namang higit kumulang na 1 35 bilyon na pondo ang DSWD Central Office, FOs at National Resource Operations Center Nagbigay utos si Gatchalian sa lahat ng Field Officers na ipagpatuloy lamang nilang subaybayan ang kani-kanilang lugar upang ang angkop na tugon ay agad na maibigay

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na tiyaking wala nang magugutom na pamilya sa bansa

This article is from: