3 minute read

Family day sa QCHS, nagbalik

Ginanap ang Family day sa Quezon City High School nitong Mayo 6(Sabado), ito ay naiwang tradisyon noong nakaraang dalawang taon dahil sa pandemya na ngayo'y muling nagbalik para sa ating mga Quezonians.

Nagsimula ito ng 7:30 ng umaga hanggang 12:00 ng hapon kasama ang pamilya ng mga batang Quezonians mula baitang pito hanggang Senior High Students

Advertisement

PBBM, binisita ang bagong hari ng UK

Binuo at pinaghandaan ang okasyong ito ng dalawang gurong Tagapangasiwa mula sa baitang sampu na sina G Ernesto C Balubar at Bb. Christina Doloso

Kasabay ng Family day, ang araw na ito ay releasing of cards na rin upang mas maging masaya ang nasabing okasyon, sapagkat hindi lang ang performance ng kanilang pamilya ang pinakita kundi pati na rin ang performance ng kanilang anak sa buong ikatlong markahan

Dagdag pa riyan, nagkaroon din ng pa-raffle ang ating paaralan para sa mga Quezonians

Pagpinta ng Quezonians, ipinamalas sa Roxanians

Dumalo sa kauna-unahang pagkakataon ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr kasama ang kanyang asawa na si First lady Liza Araneta-Marcos sa koronasyon ng bagong hari at reyna ng United Kingdom na sina King Charles III at Queen Consort Camilla nitong Mayo 6(Sabado) sa Buckingham Palace, London Dito mas pinaigting ni Pangulong Marcos ang pakikipag-ugnayan at relasyon ng ating bansa sa estado ng UK

“Binibigyan-diin namin ang umuunlad na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom, na nangangako sa pagtaas ng kalakalan, pamumuhunan, at pagpapalitan ng kultura para sa mamamayang Pilipino,” saad ni Pangulong Marcos sa kanyang Twitter post noong sabado

Sa pagbisita ni Marcos, naglibot at tiningnan din nila ang mga pasilidad ng London Gatwick Airport kasama ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas dahil sa hangaring mas mapaunlad ang pagpapatakbo ng mga paliparan dito sa ating bansa

WHO, idineklara na ang pagtatapos ng COVID-19 pandemic

"COVID-19 is nothing to worry about " Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus

Matapos ang tatlong araw na sesyon sa pagpipinta ng ilang mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan ng

Lungsod Quezon kabilang ang

Quezon City High School nitong Lunes hanggang

Huwebes (Mayo 8-10) para sa

Mural painting contest na may temang "Imagine Rotary: Dream big and take action", naging mas makabuluhan at makulay ang mga pader ng

Manuel A Roxas High School, kung saan ito naganap

Ang nasabing Mural painting contest ay binuo at inorganisa ng Rotary club sa MRHS

Ang labing dalawang

Quezonians na nakilahok sa patimpalak ay miyembro ng

CIC samaka club ng ating paaralan (QCHS), at nasa ilalim ito ng pangangalaga ni Gng Erna

C Golveque na sina Trilce

Gamo, Angelica Vicente at iba pa nitong mga kasama mula sa baitang pito, walo at siyam

Malalaman natin ang buong resulta ng mga nanalo sa darating na Biyernes (Mayo 12) at matatanggap naman ang medalya at parangal sa darating na Hunyo 2,2023

Ang mga mananalo ay makatatanggap ng tropeyo at sertipiko kalakip ang perang kanilang mapapanalunan

Samantala, ang mga hindi naman magwawagi ay makatatanggap pa rin ng isang libo dahil sa ipinakita nilang dedikasyon at ganda ng talento sa larangan ng sining

Opisyal nang inanunsyo noong biyernes (Mayo 5) ng Director-General ng UN World Health Organization(WHO) na si Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus ang pagtatapos ng pandaigdigang emergency status tungkol sa COVID-19 pagkaraan ng tatlong taon Si Director-General Ghebreyesus ang nagpasya kung itutuloy ba ang rekomendasyon ng emergency committee ng pandaigdigang ahensya ng kalusugan sa pulong noong huwebes(Mayo 4) kasama ang WHO

Sa conference call ng WHO upang ipaalam sa press ang desisyon, naging emosyonal ang ilang miyembro ng organisasyon habang hinihimok nila mga bansa na gawing aral ang tatlong taong pandemya

"We can't forget those fire pyres We can't forget the graves that were dug None of us up here will forget them," saad ni Maria Van Kerkhove, technical lead sa COVID

Carmelite Missionaries, binisita ng Ang Parola

Bumisita nitong Mayo 13 ang mga mamamahayag ng "Ang Parola" sa

Carmelite Missionaries upang magkaroon ng Outreach program; layunin ng "Ang Parola" na magkaroon ng maagang selebrasyon para sa darating na Araw ng mga

Ina

Ang Carmelite Missionaries ay isang relihiyosong institusyon ng pontifical right sa simbahang katoliko na itinatag ni Francisco

Palau kung saan binibigyang halaga nila ang mga bata

Ang programang inihandog para sa mga bata na may temang

"INAalala ka palagi" ay inahanda ng mga miyembro ng "Ang Parola" na pinamunuan ng kanilang tagapayo na si Gng Christy F Baccoy sa koordinasyon kay Gng

Joylene Sto Domingo

Bilang pampasigla, nagkaroon muna ng Zumba at upang mas mabigyan pa ng buhay ay naghandog ang Ka-Patnugot ng

"Ang Parola" na si John Robin D Nicolas ng spoken poetry na may pamagat na "Ilaw" at story telling para sa mga bata; nagpalaro rin ang Punong Patnugot na si John Patrick C Clavo ng mga tradisyonal na palaro gaya ng stop dance at bring me Para mas mabigyang halaga pa ng mga bata ang kanilang mga ina lalong-lalo na sa darating na Mother's day bukas (Mayo 14) ay nagkaroon ng aktibong partisipasyon ang mga bata sa paggawa ng appreciation card bilang pasasalamat sa kanilang mga ina

Bilang panapos, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat si Gng Baccoy sa pamunuan ng Carmelite Missionaries, kay Gng Sto Domingo at sa mga bata

This article is from: