1 minute read

Project RED, isinagawa

Isinagawa noong Mayo 12 sa Quezon City High School ang Project Risk and Existing Disaster(RED) alert training seminar para sa mga piling magaaral ng baitang 7 hanggang Senior High kasama ang mga guro, SPTA, at ilang mga barangay official na ginanap pasado 1:30 hanggang 3:38 ng hapon sa new Covered Court ng

QCHS

Advertisement

Ang nasabing RED alert training seminar na inihanda ni G Sherwin Garvida (SDRRMO coordinator ng paaralan) at ng Supreme Student

Government sa pamumuno ni Bb

Ma Cristina R Doloso at sa koordinasyon ng Paglisahan Fire Substation na nagturo at gumabay sa mga manonood kung ano ang mga dapat gawin sa panahon ng mga hindi inaasahang pangyayari

Ibinida sa aktibidad na ito ang tamang pagsasagawa First Aid sa anumang uri ng bone injury, Cardiopulmonary resuscitation(CPR) at heimlich maneuver na idinemo at itinuro ni SFO2 Helen Grace Rasonable, samantala ipinakita at tinuro naman nina FO3 Richard Dean Caramat, FO2 Rina Encinares at FO1 Ronson Novem Grayda ng Bureau of Fire Protection ang tamang paghawak ng fire extinguisher at kung paano maaapula ang apoy, na kanilang ipinasubok sa mga mag-aaral

Sa pagtatapos ng aktibidad ay nagbigay ng panapos na pananalita at pasasalamat si G Sherwin Garvida sa mga tumulong at nakilahok dito kabilang ang ating bagong punongguro na si Gng Josehpine M Maningas, mga opisyal ng Supreme Student Government, sa mga nakinig at nakilahok sa nasabing aktibidad, at lalo na sa mga guest speakers na nagbahagi ng kanilang kaalaman

This article is from: