10 minute read
ohmyGAD!
Tayo’y may kasarinlan sa ating kasarian na siyang nagiging daan sa paghubog ng ating buong potensyal. AKO, SIYA, SILA, TAYO ay may kasarinlan na piliin ang ating kasarian batay sa ating kagustuhan at sa ating tahanan o di kaya sa paaralan natin unang binubuksan ang klosetang ating ikinubli dahil sa maraming alinlangan.
Tahanan at Paaralan ang ating maituturing na Comfort Zone ngunit ito'y maraming pagkakaiba, isa na rito ang pagsusuot ng gusto nating kasuotan na nagpapahayag ng kalayaan natin bilang isang indibidwal at ito ay ating mga nakasanayang gawin sa ating tahanan na maaring hindi maituturing na pormal sa loob ng paaralan na ating pangalawang tahanan
Advertisement
Ang Gender And Development ay isinagawa upang mas mabigayang Kalayaan ang bawat indibidwal sa kanilang nais naisin para sa kanilang kasarian Isa rin sa mga layunin ng gender and development ay mapalago ang buong potensyal ng bawat indibidwal kasama na ang pagpapalago ng kanilang kasarian Ang gender and development ay nakasaad din sa Batas Republika 9710 o mas kilala bilang Magna Carta of Women na sinasabing ang gender na deveploment ay isang pananaw sa pag-unlad o proseso ng akikisangkot o pagbibigay ng kapangyarihan; pagkakapantay-pantay; kaayusan; respeto sa karapatang pantao; suporta sa pagkilala sa sarili at pagtuklas sa kakayahan at potensyal ng isang indibidwal
Subalit ang pagpapahayag ng ating mga damdamin at kagustuhan ay hindi maaring masunod sa lahat ng pagkakataon isa na rito ay ang Paaralan na may mga sinusunod na patakaran para sa ikabubuti ng bawat magaaral nito
Ang bawat paaralan ay may sinusunod na patakaran na nagmula sa mga kinauukulan
Kaya naman isang malaking isyu mapa-hangggang sa ngayon ang pagpapahayag ng mga nais ng mga miyembro ng lgbtq sa ating paaralan at lipunan
Ang paggalang sa bawat isa ay malaking hakbang para sa pagababago na inaasam natin na matamasa Kaya naman isang reaksiyon lamang ang aking iiwan sa magulong sistema at patakaran OH MY GOD!
Mahal ko o
Mahal ako
Sinong pipiliin ko mahal ko o mahal ako?
Jepney ang pinakasikat na paraan ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas. Kilala rin ito sa kanilang makulay at masiglang anyo, gayundin sa mga kakayahan nitong magsiksik ng maraming pasahero. "Hari ng kalsada" kung tawagin ang mga dyipni sa ating bansa, dahil kahit saan ka man lumingon ay may makikita kang dyip.
Tadisyunal na jeepney na nga ang nakasanayan nating mga Pilipino dahil bukod sa abot-kaya ang presyo nito ay mayroon tayong mga eksena sa dyip na talaga namang hindi malilimutan
Ilan na lamang dito 'yung araw na pilit mong isinisiksik 'yung sarili mo para lang makasakay dahil ang sabi ay kasya pa raw 'Yung mga taong bigla-bigla na lang matutulog sa balikat mo dala ng pagod 'Yung mga araw na dapat sana ay papunta ka pa lang sa pupuntahan mo pero nagmumukha ka ng pauwi dahil sa haggard na biyahe At 'yung mga dyip na ang lakas-lakas ng tugtog at nakikijamming ka rin Ilan lamang yan sa mga eksena sa tradisyunal dyip na talaga namang sa atin Gayunpaman, sa paglipas ng panahon ay may mga Modern Jeepney na ang lumitaw Kung ang ating tradisyunal na dyip ay nagbubuga ng makakapal na usok, ngayon naman ang mga e-jeep na Ito ay air-conditioned, mayroong free WIFI connection at Television bukod pa rito ay nakatutulong din itong mabawasan ang polusyon sa ating bansa
KOLUM SOFT DRINKS PA MORE!
Sa mga soft drinks lover diyan na walang awat sa pag-inom o nakararami sa isang araw, para sa inyo ang babala na ito Maraming tao ang gusto ng softdrinks lalo na kung ito ay malamig isa ito sa mga inumin na masarap ipares sa paborito mong pagkain ngunit mabuti ba ito para sa ating kalusugan?
Paaralan ang ating maituturing na pangalawang tahanan ngunit sila’y maraming pagkakaiba, isa na rito ang pagsusuot ng gusto nating kasuotan na nagpapahayag ng kalayaan natin bilang isang indibidwal at ito ay ating mga nakasanayang gawin sa ating tahanan na maaring hindi maituturing na pormal sa loob ng paaralan na ating pangalawang tahanan
Sa isang typical can ng soda, ayon sa
Harvard School of Public Health, mayroon ang softdrink mula 7 hanggang 10 ng kutsaritang asukal kaya kahit isang bote lang ng softdrink ang inumin mo ay katumbas na ito ng maraming asukal Kung mahilig ka talagang uminom ng softdrinks, maaari kang tumaba
Dahil bukod sa maraming asukal, naglalaman din ito ng maraming calories na maaaring humantong sa labis na katabaan Kung ayaw mong maging obese, ngayon pa lamang ay dapat itigil mo na ito
At kung ginagawa mo ng tubig ang softdrinks ay baka magkaroon ka na ng sakit sa bato Mayroong mga kemikal sa soft drinks na maaaring makapinsala sa ating kidney kaya mas mabuti kung iiwasan na natin ang pag-inom nito Huwag nating sanayin ang katawan na uminom ng softdrinks, mas mainam na uminom ng tubig o kaya naman ay lemon juice
Mahalagang iwasan ang pag-inom ng labis na softdrinks kung gusto mong manatiling malusog at maiwasan ang mga komplikasyon sa kalusugan
Oh ano? Iinumin mo pa ba yang boteng hawak mo?
Mas komportable ito at nagbibigay ng mas maayos na biyahe Ito rin ay pinalinis na bersyon ng kilalang uri ng pampublikong transportasyon, mukha man silang mini-bus ngunit tinatawag silang electric jeepney Ito rin ay matipid sa gasolina at naglalabas ng mas kaunting mga pollutant Ngunit, mahal nga lamang ang presyo nito dahil ito ay nagkakahalaga ng 2 2 hanggang 4 na milyong piso na lubos na makapagpapahirap sa mga Jeepney Driver na mapalitan ang kanilang tradisyunal na dyip
Kaya naman nasa iyo pa rin ang desisyon sinong pipiliin mo yung tradisyunal na jeepney mahal mo o yung modernong jeepney mahal ka?
54% 36% 10%
Kolum
Sex Education: Isulong para sa direksyon!
Isa sa mga napapanahong isyu ng lipunan ngayon ay ang bilang ng mga kabataan na nagkakaroon ng anak sa murang edad o kilala rin sila sa tawag na mga “Batang Ina” at “Batang Ama”. Bukod sa ibang pagkakataon na kagustuhan ang ipinairal, may panahon din na salat na edukasyon ang nararapat na may kasalanan. Sapat na nga ba itong dahilan upang isulong na ang sex education sa mataas na paaralan?
Ayon sa United Nations Population Fund (UNPF), mayroong 9 7 milyong kababaihan na may edad 10 hanggang 15 na kung saan pagtungtong ng 18 taong gulang, isa sa kanila ay nagiging ina na Kung patuloy ang pagtaas ng porsyento ng mga babaeng kabataan na nagdadalang tao ay maaari rin itong magdulot ng paglaki ng ating populasyon Hindi na nga maipagkakailang marami pa rin sa mga kabataan ngayon ang hindi nabibigyan ng sapat na kaalaman at gabay sa mga ganitong usapin
Kasakiman Sa Kalikasan
Mas mahalaga ang kinabukasan ng ating mamamayan at kalikasan kaysa sa paghahangad para sa sariling kapakanan Sapagkat ang pag-iisip para sa ating sariling kapakanan ay pagiging ganid at sakim. Ang pangaangkin sa Masungi Georeserved ay isang pagmamalabis sa kapwa at kalikasan. Sabihin mang ang kagubatan ay mapakikinabangan ng mga opisyal ng Bureau of Correction para sa planong pabahay ay magreresulta sa isang piligrong ang lahat ay mapipinsala.
Sampong taon na ang nakalipas nang umpisahang proteksyunan at pangalagaan ang Masungi Georeserved sa Tanay, Rizal Forest Rangers ang nangalaga sa nasabing kagubatan hanggang opisyal itong igawad nina Gina Lopez ang Masungi Georeserved
KOLUM
Foundation dahil sa layon nitong palaguin at pangalagaan ang kagubatan Ang Masungi Georeserved ay sentro ng Reforestation sa Tanay, San Mateo, Antipolo, Rizal at ito ay ang paanan ng Marikina water shed na nagsusuplay ng tubig sa mga karatig lungsod nito
Malaki ang epekto ng pang-aangkin Masungi dahil isa nanamang kagubatan ang masisira at may posibilidad na bahain ang mga karatig lungsod nito dahil sa pagkasira ng ng kagubatan at malaki ang magiging epekto nito sa ating mga ordinaryong mamamayan Ngunit ano nga ba ang dahilan ng pang-aangkin sa Masungi Georeserved? Ito ay dahil sa titulong Gloria Macapagal Arroyo Malaki ang epekto ng magiging kahinatnan ng kapalaran ng Masungi Georeserved
Kaya naman ating itigil ang hindi magandang plano na makaaapekto sa nakararami ''We don't have to sacrifice a strong economy for a healthy environment'' wika nga ni Dennis Weave, kalikasan muna bago ang kasakiman
Inklusibong paaralan, magtatasa ng kaalaman
Ikalawang tahanan kung ating tawagin ang paaralan, dito ay mas nahuhubog natin ang ating kaalaman at natututo ng mahahalagang aral na hindi lamang sa akademiko kundi pati na rin sa kabutihangasal Ngunit kung ating isasaalang-alang ang mayroon ang isang paaralan, ano nga ba ang mas lamang? Isang pampubliko o pribadong paaralan?
Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), mahigit 18 1 milyong mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan samantalang 2 4 milyon naman ang nakarehistro sa mga pribadong paaralan para sa taong 2022-2023 Hindi maipagkakailang mas marami ang mga estudyante na pumasok sa pampublikong paaralan
Gayunman, malaki ang magiging positibong epekto kung isusulong ang sex education sa ating bansa Madadagdagan ang kaalaman ng mga estudyante at malalaman nila ang pagkakaiba ng “good touch” sa “bad touch” na makatutulong sa kanila upang maiwasan ang maging biktima ng sexual harassment o mga pang-aabuso
Bukod dito, maiiwasan din ang pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy, at pagkakaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) at Sexually Transmitted Diseases (STD) sa ating bansa Ang mga babaeng teenager na maagang nabubuntis ay kadalasang nakararanas ng depresyon, pagkabalisa, at maaaring humantong sa pagpapatiwakal Dahil sa kawalan ng kamuwangan ng mga batang magulang, hindi nila lubusang maiintindihan ang anyo ng pamumuhay na pinasok nila Sa kabilang banda, marami sa mga bata ngayon ang takot, ikinakahiya, o pinagtatawanan ang mga salita pagdating sa sensitibong parte ng katawan ng tao Halimbawa na lang dito ang pagsasabi ng "tite" at "pepe" na kadalasan ay pinapalitan ng "pempem" o di kaya ay "tutoy" na HINDI NAMAN TAMA Sa pamamagitan ng sex education ay mabibigyan ng LINAW na ang mga salitang ito ay NORMAL at hindi dapat binibigyan ng malisya Marami ng suliranin ang kinahaharap ng ating bansa kaya naman ay huwag na natin itong dagdagan pa Magkaroon ng kaalaman at impormasyon patungkol sa sekswal na edukasyon, MAGKAISA at magtungo sa TAMANG DIREKSYON Sekswal na edukasyon ay dapat isulong na, nang maituro at maisabuhay ng BAWAT ISA!
Sa kabilang dako, ang mga pribadong paaralan ay mahal at eksklusibo Ang kanilang mga matrikula ay maaaring lumampas sa taunang kita ng isang karaniwang pamilya Samantalang sa pampublikong paaralan ay mas abot-kaya, dahil dito ay libre Pagdating sa gastos sa edukasyon tulad ng libro ay sakop na ito ng gobyerno Nangangahulugan lamang na sa pampublikong paaralan, kahit ano pa man ang iyong antas sa buhay ay maaari kang makakuha ng isang de-kalidad na edukasyon nang walang pinansiyal na pasanin Dagdag pa, ang pampublikong paaralan ay BUKAS para sa sinuman Ito ay dahil ang pampublikong eskwelahan ay kinakailangang tanggapin ang lahat ng mga mag-aaral, anuman ang kanilang katayuan sa buhay, lahi, relihiyon, o kasarian Ito ay nagtataguyod ng paggalang at inihahanda rin ang mga mag-aaral para sa tunay na mundo kung saan sila ay makikipag-ugnayan sa mga tao anuman ang kanilang aspeto
Bilang isang mag-aaral sa isang pampublikong paaralan ay masasabi kong maganda ang aking naging karanasan lalo na't mayroon akong mga kaibigan na talaga namang maasahan Nariyan rin ang aking mga guro na walang sawang nagtuturo upang kami pa ay matuto
Kaya kung ikaw ay magpapasya sa paaralang iyong papasukan, ang mga pampublikong paaralan ay isang praktikal na opsyon na dapat ISAALANG-ALANG
Lihamsapatnugot
Minamahal naming Patnugot,
Ang liham na ito ay aking isinusulat upang ipaabot na nakarating sa aking pansin na nananatiling isyu ng paaralan ang kakulangan sa mga
CCTV cameras
Sa halos limang taon na pananatili ko sa Quezon City High School, ito ang isa sa mga isyung mas lalo kong napagbigyang pansin bilang isang SSG officer Iilan lamang ang naka-estadong CCTV camera sa kabuuang saklaw ng paaralan at madalas, hindi pa ito gumagana. Nagiging problema ito lalo kapag may pagkakataong kailangan tumingin sa footage ng CCTV tulad ng paghahanap sa nawawalang gamit, pagtuklas sa mga positibo o negatibong pangyayari, at matiyak ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, guro, at iba pang manggagawa sa eskwelahan
Tiyak na mas makabubuti sa kalahatan ang pagkakaroon ng mas marami at mas maayos na pagkakapwesto ng mga CCTV cameras Kaya’t kung maaari ay mabigyan nawa ito ng pansin ng pamunuan at huwag nang makaabot sa puntong pagsisisihan na lamang na hindi ito inasikaso kaagad
Sumasainyo,
Nikki Claire T Brillante, (11-Athens)
SSG
Vice President
No Homework Policy: Nakatutulong ba o nakaaabala?
Nagsasaad ang No Homework Policy na ang mga mag-aaral ay hindi pinapayagan na mag-uwi ng anumang trabaho mula sa paaralan tuwing sabado at linggo. Ito ay patakaran na pinagtibay ng ilang paaralan sa pagsisikap na alisin ang takdang-aralin. Ngunit marami ang sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa patakarang ito.
Ayon sa aking pananaliksik, sumang-ayon ang karamihan sa patakarang ito sa kadahilanang magkakaroon ng mas malalim na ugnayan ang isang pamilya. Tuwing sabado at linggo ay maaring mag-bonding ang isang pamilya nang walang iniisip na takdang-aralin ang kanilang mga anak Mababawasan din ang stress level ng isang mag-aaral at mas makakapokus sila sa mga bagay na kanilang gagawin
Bukod dito, ang patakarang ito ay makatutulong din sa mga magaaral na bumuo ng kanilang mga personal na interes at libangan Dahil sa sobrang daming dapat gawin sa paaralan at mga takdangaralin na dapat tapusin ay nalilimitahan ang kanilang oras at lakas upang ituloy ang kanilang mga hilig Sa pamamagitan ng patakarang ito, ang mga mag-aaral ay may karangyaan sa paggalugad at pageksperimento sa kanilang mga interes, na maaaring mapahusay at mapagbuti ang kanilang pangkalahatang mga karanasan sa buhay.
Gayunpaman, may mga hindi rin sumang-ayon sa patakarang ito Hindi sila pabor dahil para sa kanila maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral Maraming mga tagapagturo at mga magulang ang naniniwala na ang takdang-aralin ay kinakailangan upang mapalakas ang mga natutunan sa klase at upang magkaroon ng magandang gawi sa pag-aaral ng mga magaaral
Ako, bilang isang mag-aaral alam ko ang pakiramdam na bitbit ang isang mabigat na bag na puno ng mga libro at asignatura. Madalas kong napapansin ang aking sarili na nagpupuyat upang tapusin ang takdang-aralin, na nagiging sanhi ng mas kaunting tulog. Sa patakarang ito ay natutulungan ako sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na oras sa aking sarili at makasama ang aking mga kaibigan at pamilya sa araw ng sabado at linggo Nakatutulong din ito upang balansehin ang aking personal na buhay at buhay paaralan, na mahalaga sa pagpapanatili ng isang malusog na pamumuhay. Kaya naman ay pabor ako sa patakarang ito Ikaw? Oo ikaw na nagbabasa nito, para sa iyo nakatutulong ba o nakaabala ang patakarang ito?