2 minute read
I Juander MINDANAO?
Kung kilala ng mga turista ang Mindanao na nakakatakot at puno ng giyera, kayo ay nagkakamali sapagkat malingkat o maganda sa Mindanao, punong-puno ng istorya at talaga naman ang mga islang tago ay ating palilitawin at ating aalamin. Kung ikaw ay balak maging "traveller" tara na't ipakikilala ko sa'yo ang mga natatagong ganda na sa Mindanao lang natin makikita.
Advertisement
Kari kaw!
Sa bayan ng Hadji panglima tahil lalawigan ng Sulu mayroong isla na ang pangalan ay Silungan Malinis at talaga namang babalik-balikan dahil sa pino at mala pulbos nitong mga buhangin at malinaw na dagat Tulad ng ibang isla layunin din nilang pangalagaan ang kalinisan sa pagpasok ng turismo sa kanilang lugar kaya naman tara sa Silungan
Rahmat dive resort sa bayan din ng hadji panglima tahil, tayo’y aakyat na halos isang daang hagdan marating lamang ang ganda at ang tunay na pahinga. Ito ay binuksan sa publiko taong 2018 at tulad ng Silungan ang kanilang buhangin ay sobrang pino rin at ang kanilang dagat sa sobrang linaw ikaw ay parang nasa “ocean park” sapagkat nakikita mo ang mga nasa ilalim tulad na lamang ng mga isda,halamang dagat at mga coral reef
Dahil sa ganda at tingkad nitong tanawain unti-unti na itong nakikilala at dumarami narin ang turistang pumupunta rito Isang malaking tulong, hindi lang ang kanilang lugar kundi na rin sa mga taong nakatira rito sapagkat sila’y nabigyan ng trabaho Layunin nila na makilala at magkaroon ng economic activity sa kanilang lugar sapagkat ito ay isang tulong para sila’y maging tanyag at makilala
Kung gusto makilala ang isang lugar, dapat ito’y maayos at madaling daanan na isa ito sa mga layunin ng pamahalaang lokal sa bayan ng Patikul lalawigan ng Sulu sapagkat ilang ektarya at malubak na daan bago marating ang Taung beach at hindi mo na kailangan pang pumunta ng Siargao para lamang mag surfing sapagkat plano ng pamahalaan na gawing surfing site ito dahil sa lakas at taas ng alon
Ang tatlong lugar na ito ay maituturing na tago at hindi kilala, pero dahil sa pagyabong ng kaalaman at kagandahan ito ay talaga namang pupuntahan at dadayuhin ng turista Sa Sulu ay maayos at tahimik, ating burahin sa ating isipan ang salitang digmaan sa gitna ng Sulu, sapagkat ating alamin muna ang kahalagahan at yaman ng karagatan na pinagkaloob ni Allah at ng ating pook maykapal
Masayakabasanaratingmongmataasnapwesto?
O,paimbabawnaligayasapusoaydamamo?
Mgakilalasaatinglipunanangiyongpinuhunan Sarilinggalingba?Omasmalakiangtulongngiba?
Paanomopatutunayanhuwadnakarangalan? Gayungmaynaggugumam-gumandapatkabanghangaan?
Diba’tmasmasayakungnakamitmo’ypinaghirapan?
Nasabawatpagbatimgangitiangmamumutawi
Subalitkungkarangalanaynakamitngdipantay Paanonakakayanangmagingmasayasabuhay?
Dimanmatagumpaysalarangannghanapbuhay
Basta’tangmganakakasamatunayangpagpupugay
Mgakaluluwanginakaysapatasnapamumuhay
Silarinanghuhusgasadipagkakapantay-pantay
Masmaluwalhatiangpagpapagalatpagpapanday
Sakalaunanmaiwawastonatinanglipunan
Masmasaraplunukinangpinagpagurangpagkain
Pagpapagalmaygantikasiyahangdipansarili Atingpaghandaanangkayamanansakalangitan TunaynakasiyahansaKANYAlamangmakakamtan.
Angkas
May daan ng kabutihan at kasamaan, nakalilito kung saan ka dadaan sapagkat hindi mo alam ang destinasyon na iyong pupuntahan Ang buhay ay nakakabit sa teknolohiya, malayo na ang napupuntahan at iba't ibang mundo na ang nadaraananan Sa mundo ng nakabibinging katahimikan mayroong mga salita at pag-uusap sa social media ang babasag ng katahimikan at mag bubulgar ng iyong kasamaan.
Nauuso ngayon sa mga kabataan ang pag-uusap na tila hindi na makatao ang galawan Sila ay kampante dahil mayroong mga pangyayari na natataon na tayo'y nagsasalita na parang tinatanggalan natin ng karapatan ang isang indibidwal Karapatan sa sariling pagkakakilanlan, mayroon ring mga tao na nagkakalat ng mga "Conversation" ng kanilang pag-uusap upang makapag espiya Pagkatapos nito ay ikakalat sa mga kamag-aral o sa social media