1 minute read
DALAWANG KABAYO
Ang kabayo ay nananahimik lamang sa gilid, kinuha siya ng isang kabalyero para sa digmaan ng dalawang magkaribal na bayan Ang kabalyero ay tinutulak ang mga kaaway gamit ang kabayo, ngunit nang mapalibutan ay iniwan na lamang ng kabalyero ang kabayo upang iligtas ang sarili Ang kabalyero ay kumuha muli ng isa pang kabayo Tulad ng nakaraan ay sumugod sila ulit sa kalaban, sa pakikipaglaban ay nakatapat niya ang isang pari na nahirapan niya pang kalabanin ngunit kalaunan ay nanalo rin siya rito Pagkatapos, nakatapat niya ang kapwa kabalyero na lumalaban para sa kabilang bayan, ang nakakataka ay iniwasan lamang siya nito, patuloy siyang lumalim sa teritoryo ng kalaban hanggang sa makita niya ang isang lalaki, hinabol na ito at nang maabutan ay sumigaw siya ng "Checkmate!" at kinamayan niya ang kaniyang kalaro
Advertisement