alayngsarangani 19 ang
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
1
alayngsarangani ISPORTS
ang TOMO 19 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2018
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
ANHS’ Sepak takraw, umukit ng kasaysayan 5 sunud-sunod na kampyonato , naibulsa
Tatak Sarangan!
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE
MITHING IPINAGKALOOB. Katulad ng hiling ng mga musmos na ito na magkabarya, tinupad naman ng lokal na pamahalaan ng Alabel na dagdagan ang subsidiya para sa mga mag-aaral ng munisipyo upang mapunan ang mga pagkukulang noong unang taon ng Zero Collection Policy ng gobyerno. (Kuha ni Celesty Guatlo)
342
SEGURIDAD SA ANHS, HINIGPITAN. Walang “Special Treatment” sa Mataas na Paaralan ng Alabel. Lahat ay kailangang sumailalim sa mahigpit na ‘security inspection’. Alamin kung bakit sa pahina 2
sa 342 o 100 pursiyento ng mga mag-aaral sa senior ang nakapasa na TESDA National Certificate II assessment. Sundan ang buong kuwento sa pahina 4
DEKALIBRENG EDUKASYON
KULANG PA!
PAGCOR building, bukas na ; mag-aaral, guro dismayado
JOHN MARK POLISTICO Matapos ang dalawang taong pag-iral ng Double Class Shifting, ginhawa para sa mga taga-ANHS nang ibalik sa regular na iskedyul ang klase. Ito ay bunga ng pagbubukas ng 4-storey Philippine Amusement and Gaming Corporation
(PAGCOR) Building na may 20 classrooms, magkabilaang 4-storey, 12 classrooms na handog ng DepEd at iba pang mga imprastraktura na angkop para sa mahigit 3,000 magaaral ng paaralan. Gayunpaman, dismayado pa rin ang mga mag-aaral at mga guro dahil, bagamat ay ginagamit na, nasa 95% pa rin ang konstruksiyon
Self-reliance rate ng mga mag-aaral,
tumaas sa 95% 64.7%, ipagpapatuloy ang SH sa ANHS
KAREN MONTARGO
Hindi na alintana ang kaso track shifting para sa magaaral ng ANHS nang maitala ang 27% na pagtaas sa antas ng kahandaan para sa Senior High School. SUNDAN SA PAHINA 3
ng naturang gusali ng PAGCOR na matatandaang sinimulan pa taong 2015. Pagkaantala Ayon pa kay Edilberto Pantaleon, School Facility Coordinator, ang pagkaantala ng gusali ay bunga ng hindi pagkakaunawaan sa kontrakwalisasyon. “The delay was due to the subcontracting system. Bussbar
Construction Services was not the original contractor who bid with DPWH for the project. It was Gemma Construction,”paglilinaw pa ni Pantaleon. Napag-alamang ang Bussbar ay nakatuon sa mga proyektong panlansangan tulad ng mga kalsada at tulay at baguhan pa sa
SUNDAN SA PAHINA 3
6 sa 10 mag-aaral, bilib kay Duterte sa kabila ng 6.4% inflation rate JOHN MARK POLISTICO
Kasabay ng pagtaas ng “satisfaction rating” ni Pangulong Rodrigo Duterte mula “good” patungong “very good” ay ang paghatak din paitaas ng tiwala ng sambayanan sa kaniyang administrasyon sa gitna ng mataas na inflation rate. Pumalo man sa 6.4% ang pagtaas ng mga bilihin sa buwan ng Agosto, buo pa rin sa 60% (6 sa 10 katao) ang tiwala ng Alabel National High School para sa kasalukuyang gobyerno. [infographics] gawa ni Mark Polistico
SUNDAN SA PAHINA 2
P100 dagdag subsidiya sa bawat mag-aaral, handog ng LGU
John Mark Polistico “Wala ng batang Alabelian na makikita sa lansangan, lahat ay nasa paaralan dahil ang edukasyon ay libre, ito’y para sa lahat.” Ito ang malakas na paninindigan ni Vic Paul Salarda, alkalde ng Alabel, kung kaya’t kaisa ito sa mithiing “Education for All” (EFA) ng United Nations sa pamamagitan ng pagpapalawig ng Zero Collection Policy sa buong munisipyo na ngayo’y nasa pangalawang taon na. Alinsunod sa nirebisang Memorandum of Agreement ng 2016, karagdagang P100 ang ipupuno sa P200 bilang
tugon sa mga aktibidad at kaganapan sa loob ng mga silidaralan at noong Setyembre. “I’m very grateful that LGU initiated an increase, though there’s no collection, our classroom facilities are really in need of your financial support,” pahayag pa ni Ginalyn S. Villaflores, guro at tagapayo ng ANHS. Hangad ng sistemang ito na matugunan ang lumalalang pagdami ng Out of School Youth (OSY) at para mabigyan ng karagdagang suporta ang mga magulang at mag-aaral sa pagkamit ng libre at de kalidad na edukasyon.
Wala ng batang Alabelian na makikita sa lansangan, lahat ay nasa paaralan dahil ang edukasyon ay libre, ito’y para sa lahat.”-Mayor Salarda
KUHA NI JAKE NARTE
HIYAS NG LIPI. Ipinamalas ni Mary Joy Cordero, 8 taong gulang ang kanyang talento sa pagtugtog ng katutubong musika kaugnay ng Consultative Meeting on Strengthening the Zero Collection Policy ng mga sa lideres ng bayan ng Alabel sa Kalunbararak Skyline Rigde, Malungon, Sarangani Province
2
HUNYO -NOBYEMBRE 2018 BALITA sa 10, bilib kay Seguridad sa ANHS, hinigpitan; 6Duterte sa kabila ng
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
(mula sa pahina 1)
6.4% inflation rate
No Uniform, No ID, No Entry Policy, mas pinaigting JOHN MARK POLISTICO
Hindi na nakapasok si Kimverlie Momo, Grade 11, sa kanyang unang klase para sa araw ng Huwebes nang harangin siya ng sekyu sa di niya pagsuot ng angkop na uniporme. Kagaya rin niya, di rin nakalusot ang isa sa mga guro, nang maiwan niya ang kanyang ID, dahilan upang balikan niya ito makapasok lang. Ito’y dahil sa intensibong implementasyon ng NO UNIFORM, NO ID, NO ENTRY ng Alabel NHS matapos ang ilang banta ng pambobomba sa rehiyon. Ayon kay Loreto J. Gindap, punong-guro , noong Setyembre 24, “We should be strict sa lahat ng papasok dito sa school…we don’t know what may happen that’s why our ID’s will be of good help especially in case of emergency .” Bukod pa rito, mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok ng mga “outsiders,” maliban na lamang kung may permiso mula sa pamunuan. “The main concern of the school is the safety of the persons inside the premises. Importante talagang ma-regulate kung sino ang pumapasok at lumalabas ng paaralan,” dagdag pa ni Gindap
Anti-distracted Act, binigyang linaw ng LTO Alabel, mga mag-aaral pinayuhan
SEGURIDAD PINAIGTING. Ipinamudmud ni SPO1 Nilda Blase ang mga polyeto upang magbigay ng dagdag kaalaman sa seguridad ng paaralan ng Alabel National High School, Setyembre 24.(kuha ni Trisha Nicole Guatlo)
matapos ang mga pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat noong Agosto 28 na sinundan naman sa Brgy. Apopong, General Santos City pagkaraan ng 26 araw. Puspusan din ang isinasagawang pagroronda ng PNPAlabel sa buong munisipyo upang
maiwasan ang mga iregularidad. “We still do the same intensive protocols on security up until the end of the year just like what we did last Kasadyaan Festival,” ayon pa kay PSInsp Benjie O. Ancheta, PNPO Alabel Chief, sa panayam ng Ang Alay ng Sarangani noong
Oktubre 3. Bagama’t nasa 12 kilometro ang pagitan ng dalawang bayan (Alabel at GenSan), marapat pa ring isaalang-alang ang kaligtasan ng nakararami lalo na’t nasa karatig bayan lamang ang napinsala ng IED explosions, dagdag pa ni Ancheta.
Kakayahang labanan ang HIV, pinagtibay
MARY NICOLE RAMOS Dumayo’t nagbahagi ng kaalaman at impormasyon ang Land Transportation Office (LTO) Alabel sa bawat mag-aaral ng Alabel National High School noong Agust0 2018 sa mismong paaralan nito. Inilahad nila ang bawat Rules and Regulations, fines at mga batas patungkol dito at isa na nga sa kanilang tinutukan ay ang Republic Act 10913 o mas kilala sa tawag na Anti-Distracted Driving Act. Ito ay isang bagong batas na ipinalabas noong Mayo 18, 2017 sa buong bansa na kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng mga communication devices at iba pang electronic entertainment and computing gadgets habang sila ay nagmamaneho o temporaryang nakahinto sa traffic light mapa pribado o pampublikong sasakyan man ito. Ang mahuhuling lumabag ay may kaukulang pataw na limang libo para sa first offense, sampung libo naman para sa second offense at 15,000 para sa third offense at may tatlong buwan na suspensyon ng lisensya. Kapag lumagpas ka naman dito ay mawawalan ka ng lisensya at may pataw na dalawampung libo. Ayon pa kay Ephraim Dimpuan, LTO Head Alabel na hindi sila nagkulang ng paalala para sa mga motorista’t byahesta at mahigpit na ipinagbabawal talaga ang pagmomotor ng mga estudyante na wala pa sa tamang edad o 18 pataas at sa mga taong hindi marunong sumunod sa mga dapat gawin ay hindi talaga nila palalampasin. Sa huli, siya ay umaasa na sana nakinig ng mabuti at buong pusong sumunod sa mga rules and regulations ang humigit kumulang 3,000 mag-aaral ng ANHS dahil para din naman ito sa kaligtasan at kabutihan ng lahat.
Bagama’t kinukulang na ang Php 20.00 na baon ni Mildred Elorde pambili ng biskwit at juice, naniniwala siyang matutugunan ng gobyerno ang gusot na ito sa tulong ng mga ekonomista. “I know there’s a solution for this inflation, nakaya gani nato ‘tong 2009 (kinaya nga nating noong 2009), how much more today that we have expert economists behind our president,” ayon pa sa kanya. Hindi naman pasanin para kay Christine Serrano ang paglobo ng presyo ng softdrink na paborito niya kung kaya’t hindi nakaapekto ang inflation sa pananalig niya kay Duterte. “I don’t see any problem between inflation and president’s leadership after all. Besides, I’m not the breadwinner, so hindi ko nafi-feel ang inflation, dagdag pa ni Serrano. Tatlo naman sa 10 ang nagsabing may mali sa sistema ng pamamalakad kung kaya’t nagkaroon ng malaking pag-angat sa dati lang 5.7% sa buwan ng Hulyo. “Dili na gyud ko satisfied kay Duterte kay mas nagkalisod ang kinabuhi tungod sa pagtaas sa presyo sa mga palitunon (Wala na talaga akong tiwala sa pamunuang Duterte dahil mas lalong humirap ang buhay sa pagtaas ng presyo ng mga bilihan), ayon pa kay Ralph Castillo. Nakikita naman ni Angelica Sali na gobyerno ang dapat sisihin sapagkat depektibo umano ang pagmanipula ng materyales at mga produkto. “No one else to blame. If the government chose the right persons to regulate the flow of raw materials and goods, then there could be no problem,” giit ni Sali. Pumagitna naman si Karen Damicog sa isyu dahil aniya hindi marapat na sukatin ang pamumuno batay sa pangmadaliang problema sa ekonomiya. “It would be so unfair if we will rate the leadership of a person with this economic problem. Besides, we are Filipinos, we should help address this,” paglilinaw ni Damicog. Ang inflation rate ay buwanang ipinapalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) upang maipakita ang antas ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin sa buong bansa.
Techno-based instruction, pinatatag KAREN MONTARGO
EDUKASYON ANG SANDATA: Sumailalim sa Training on Peer Education on Sexuality Trasmitted Desease Infections (STI) at Acquired Human Immuno Deficiency Syndrome(AIDS) ang buong puwerso ng ANHS SSG Officers at School Leaders sa pangunguna ni Je Elorde sa Dolores Hotel, Agosto 8-10. (kuha ni Celesty Guatlo)
RALPH CASTILLO Nakiisa ang anim na Supreme Student Government (SSG) Officers na sina Je E. Elorde - SSG President, Joselito Bahinting – SSG Vice President, Ralph Castillo – SSG Treasurer, Celeste Guatlo – SSG Auditor, Mary Nicole Ramos at Stephany Joy Villanueva na parehong Grade 10 Representatives kasama ang kanilang tagapayo na si G. Jiah Pean Asumbra sa Training on Peer Education on Sexually Transmitted Infections (STI), Human Immunodeficiency Virus (HIV) and Acquired Immunodefiency Syndrome (AIDS) for School leaders na ginanap sa Dolores Hotel noong Agosto 8-10,
2018. Tinuruan sila kung paano maiwasan, ano-ano ang mga sakit at sintomas ng bawat ito katulad ng mabilisang pagbaba ng timbang, ubo, lagnat, depression, diarrhea, memory loss at marami pang iba. May mga batas rin na naimplementa na ibinahagi sa kanila kagaya ng Republic Act No. 8504 o Philippine AIDS Prevention and Control Act of 1998. Ayon pa kay Mark James L. Jabines, RN hindi biro ang magkaroon o madapuan ng iba’t ibang uri ng sakit kung gayon prevention is better than cure pa rin at maging maingat nalang sa bawat hakbang na gagawin. “Breaking stigma by empowering YOUth,” dagdag pa niya
matapos tanungin patungkol sa mga estudyanteng naglaan ng oras para dito. Sinasabing 12 ang naitalang HIV cases sa lungsod ng Alabel at tinatayang nasa 55 naman ang bilang ng HIV cases sa buong Sarangani mula 1984 hanggang December 2017 at panglima and dibisyon sa buong Rehiyon Dose. Masasalamin din sa datos na mula Jan-Dec 2017, tatlo ang sa Bisexual, dalawa sa heterosexual at 14 sa homosexual. Ang tatlong araw na ensayo ay nagtapos sa pamamagitan ng Post Assessment kung saan may sampung nangibabaw at dalawa dito ay nagmula sa ANHS.
Upang makasabay sa 21st century education, naghandog ang administrasyon ng Alabel National High School (ANHS) ng tatlong LED TV sa Senior High School Department bilang parte rin ng kanilang “ANHS turns techy goal.” Kabilang sa mga tumanggap sa nasabing 12-inch TV ay ang Grade 11 – Aquarius, Libra at Capricorn. Ayon naman kay Jovert Llavado, tagapayo ng Grade 11- Libra ang handog na TV ang importante sa kanila lalo na’t nasa 21st century. “We are very thankful for it, at least it will not be hard for us (teachers) to teach because we can now use Powerpoint presentations and just flash it on TV,” sambit niya. Dagdag pa ni Loreto J. Gindap, Principal I ng paaralan, pinagsisikapan nilang maghatid ng kalidad na edukasyon. “21st Century, iba na ang mga bata, they are more to technology kaya dapat, kahit sa school, we can offer them good education where they can also feel that they are learning with technological advancement,” ayon kay Gindap. Sabi pa niya na ang flat-screen TV sa Grade 11 Capricorn ang secondhand lamang ngunit mas mabuti na rin iyon dahil mas kailangan ng mga estudyante ang TV.
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
PHP300,000 Pinakamalaking insentibong ibibigay sa indibidwal na mag-aaral ng Alabel na makakuha ng unang puwesto sa isang national career examination gaya ng Board at Bar examinations. Basahin ang “CASH INCENTIVES PARA MAG-AARAL, KALOOB NG LGU ALABEL” sa baba.
BALITA
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
(mula sa pahina 1)
Tatak Sarangan!
3
PAGCOR building, bukas na ; mag-aaral, guro dismayado
pang-institusyong gusali – ito ang pinakadahilan ng pag-urong sulong ng proyekto. “There were also confusions as to who will shoulder and finance the material and labor costs. The school administrator has been complaining because the classes are distracted and and affected that’s why as soon as possible, they want the contractor to finish the PAGCOR building,” dagdag
pa ng koordineytor. Sa kasalukuyan ay nasa pamamahala na ng Gemma Construction ang proyekto at ngayo’y tinutugunan na ang mga kakulangan tulad ng pisara, door jambs, tiles, jealousy at iba pa. Samantala, sa kabila ng pagkaantala, positibo pa rin ang pamunuan ng ANHS na sa sandaling matapos ang konstruksyon ay tiyak na
mapapalago nito ang mga operasyon sa loob ng paaralan. “It will be beautiful and functional campus when it is finished,” ayon pa kay Loreto Gindap, punong-guro. Ang konstrusyon ng PAGCOR ay sinimulan noong 2015 at tinayang matapos ng Marso 2017 ngunit mas napatagal pa hanggang Nobyembre ngayong taon.
(mula sa pahina 1)
Self-reliance rate ng mga mag-aaral, tumaas sa 95%
64.7%, ipagpapatuloy ang SH sa ANHS Mula sa 68% noong 20172018, umangat sa 95% ngayong taon ang self-reliance rate ng mga magaaral mula Baitang 10. Ito ang resulta ng sarbey ng Ang Alay ng Sarangani noong Oktubre 1 sa 435 estudyante na papasok sa Senior High School sa taong panuruan 2018-2019. Ang naturang pag-alsa ay bunsod ng patuloy na Career Guidance Advocacy Program ayon pa kay Isabelita R. Jabines, Ph.D., SHS Coordinator. “Very ready na for SH yung Junior High natin knowing that they are the 4th batch ng K-12 Program and also they have already made decisions based on their observations and testimonials from their elders,” dagdag pa niya. Maliban pa rito, napagalaman ring nasa 64.7% o kabuoang 278 estudyante ang mananatili sa naturang paaralan upang ipagpatuloy ang Grade 11 at Grade 12. Ayon pa kay Claire Nicole Cabigas, 10-Faraday, mas makabubuti kapag dito siya sa ANHS dahil mas malapit at upang hindi siya mahirapang magpatala. “Gipili nako na mag-stay sa ANHS kay lisod if magtransfer ko and burden na pud sa akong parents ‘financially’. Sa kabila naman ng pagdududa, mas pinili ring manatili ni Jade Alegre, 10-Einstein, dahil sa de
Cash incentives para sa mag-aaral, kaloob ng LGU Alabel
kalidad na edukasyong maaari niyang matanggap mula sa mga guro. “Considering the learning experience, though kulang pa talaga sa facilities, I bet to stay kay all of us know na high-caliber ang SH teachers here in ANHS. 45% o 125 mula sa 278 ang magpapatala sa Academic Track habang sa TVL Track naman ang natitirang 153. Subalit, 35.3% o 152 sa 435 ang lilipat sa ibang karatig na paaralan sa Alabel at General Santos City kabilang na ang Alabel National Science High School, Mindanao State University at Notre Dame of Dadiangas University. “It would be better if I will transfer to a private school because they have more advanced facilities where I can improve my ICT skills,” ayon pa kay Dwight Dominic Diagbel, 10-Ampere. Gusto namang ipagpatuloy nina Quinzy Suico at Maxinne Regidor ang pagiging atleta kung kaya’t napili nilang magpatala sa pribadong institusyong mayroong Sports Track. Ang self-reliance rate survey ay taunang isinasagawa upang masukat ang kahandaan ng mga mag-aaral at maitala ang mga kinakailangang datos para sa implementasyon ng Senior High School sa ANHS.
DIKTA NG PUSO. Taliwas sa desisyon ng kanyang mga kaibigan na lumipat ng paaralan, mas pinili ni Miko Lantingan na manatili sa ANHS dahil na rin sa libreng matrikula ng paaralan. Isa siya sa mga kukuha ng Academic Track-ABM ngayong school year 2019-2020. (kuha ni Lovely Dilla)
Solon, suportado ang panukalang pagtaas ng sahod ng mg guro
SPPC namanata ng patuloy na ugnayan sa ANHS
JOHN MARK POLISTICO Matapos aprubahan noong July 2017 ang Alabel Childrens Welfare Code, Article 10 of the Municipal Ordinance No. 12-2017-132, napagkalooban ang humigit kumulang 100 estudyante mula sa iba’t ibang lugar ng Alabel ng cash incentives galing sa Local Government Unit (LGU). Nakasaad dito na ang mga batang nangibabaw sa larangan ng isports, academic, leadership, literature, Culture for the Arts, Quarantines of International fellowship at sa kahit anong Licensure Bar Exams ay makakatanggap ng pera depende sa sinalihan. Para sa Regional Events, makakakuha ng limang libo para sa indibidwal, sampung libo naman sa grupo at kalahati sa tagapayo samantalang sa National events naman ay makakakuha ng sampung libo sa indibidwal at dalawampung libo sa grupo at kalahati pa rin sa tagapayo. Sa International events naman ay makakatanggap ng tatlumpong libo ang indibidwal at limampung libo sa grupo. Pagdating naman sa akademikong usapan, mapapasakamay ng estudyanteng makakasungkit ng With Highest Honor ang dalawang libo, 7,500 sa Magna Cumlaude at sampung libo sa Summa Cumlaude. Sa Bar Exam, makakatanggap ng tumatagingting na 300,000 ang Top 1, 200,000 sa Top 2, 100,000 sa Top 3, 70,000 sa Top 4 at 5 at 50,000 sa Top 6,7 at pang walong pwesto. Ngunit upang makuha ito, may mga requirements na kailangang isumita sa loob ng anim na buwan katulad ng ID, Voters ID kung hindi pa rehistrado ay sa magulang at Certificate of Appreciation.
NICOLE RAMOS Nangako si Southern Philippine Power Corporation (SPPC) Manager, Bernardo Zamora ng patuloy na ugnayan sa Alabel National High School (ANHS) hangga’t ang kanilang programa sa edukasyon ay kailangan, ito’y ayon sa panayam ng Alay ng Sarangani.
KUMPAS NG PAGSUPORTA: Nagpahayag ng pagsang-ayon si Gobernador Steve Solon na pataasan ang sahod ng mga pampublikong guro sa bansa sa ginanap na DepEd Sarangani Foundation Anniversary, Agosto 8. (Kuha ni Kim Tablani)
NICOLE RAMOS ALABEL NATIONAL HIGH SCHOOL- Gobernador Steve ChiongbianSolon, nagpahayag ng kaniyang suporta kaugnay sa panukala ng senado na taasan ang sahod ng mga pampublikong guro sa bansa, sa ginanap na DepEd Sarangani Founding Anniversary noong Agosto 08. Binigyang diin ni Solon ang kahalagahan ng pagtaas ng sahod ng mga pampublikong guro bilang paraan upang mahalina at manatili ang mga magagaling na tagapagturo sa ating bansa. “Our learners would be more competitive and intelligent if they have best teachers. How can we lure the performing instructor to teach in our public schools when the salary of our public school teachers lags behind teachers on our neighboring countries in Asia? We have to give them better salaries” ayon sa kanya.
Oktubre 9 – Nagbahagi ng 240 arm chairs at 80 gallons ng pintura sa 10 paaralan ang SPPC kung saan 40 sa mga upuan at lima sa mga galon ng pintura ay napunta sa ANHS sa Turn-over Ceremony na isinagawa ng naturang paaralan. Kabilang sa kanilang mga benepisyaryong paaralan ang Spring IS, Lun Padidu NHS, Tokawal NHS, Alegria NHS, Alabel Regional, Science HS, Ladol ES, Datu Abdula ES at Datu Acad Dalid ES. Sinabi ni Zamora na ang walang sawang suporta nila sa edukasyon ay bahagi ng kanilang “social responsibility bilang isang
kompanya at isang pamilya. “It’s best to invest in education because the assurance is there and besides, this is our social responsibility as company and family,” pahayag pa niya habang minamataan ang mga natulungang mag-aaral na yao’y magiging empleyado nila pagkaraan ng ilang taon. Kaugnay ng pagsuporta ng SPPC sa ANHS, may kabuuang 25 na iskolar ang kompanya mula sa paaralan para sa SY 2017-2018 na nakatatanggap ng Php 1,300 bawat taon. Inihayag naman ni Loreto Gindap, Principal 1 ang kanyang pasasalamat sa kagandahang-loob ng SPPC at kaanib nitong Alson’s Corporation at Alcantara Foundation. “Sana’y itong mga bagong binigay nila na mga upuan ay huwag naman pabayaan ng mga estudyante at pahalagahan ang lahat ng ito. Nawa ri’y magpatuloy pa ang pagtulong nila (SPPC) sa paaralan maging sa iba pang institusyon,” ayon pa sa kanya.
Php 1,300 halaga ng pinansyal na supporta na natatangap ng mga iskolar ng Southern Philippine Power Corporation (SPPC) buwan-buwan.
4
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
BALITA
HUNYO -NOBYEMBRE 2018 Ekonomiya ng Pilipinas, lumago sa 6.8% JOHN MARK POLISTICO
MAGTIPID SA BADYET: Nagmumunimuni si Ivy Cerilo, mag-aaral sa ikatlong taon ng elementarya sa kanyang bibilhin upang pagkasyahin ang baong pera sa harap ng paaralan ng ACISC, ika-13 ng hulyo. (larawang kuha ni Trisha Nicole Guatlo)
Inflation, dagdag pasanin sa mga estudyante - NatWest JOHN MARK POLISTICO Hamon para kay Willy Mark Taer, mag-aaral ng Baitang 11, na pagkasyahin ang P50 araw-araw kung kaya’t apektado ang kanyang badyet kasunod ng 5.2% na inflation sa buwan ng Hulyo. Nahihirapan din si Jen Jen Dewil, working student, na hatiin ang pera para sa kanyang pag-aaral at personal na pangangailangan, Sila’y kabilang lamang sa mga estudyanteng nagsabing dagdag pasanin ang patuloy na tumataas na inflation rate sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa tala ng Natwest Student Living Index 2018, 45% sa kabuoang bilang ng mga mag-aaral sa bansa ang lubhang nahihirapang (antas 7 o mas mataas) pangasiwaan ang
kanilang pera bunsod ng matataas na inflation rate simula Enero 2018. Epekto ng TRAIN Law. Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law naman ang nakikitang pangunahing dahilan ng paglobo ng presyo ng mga bilihin batay sa 3,407 na tumugon sa naturang NatWest survey. “The TRAIN Law really affects us, average earners like me or consumers…I got no choice but to adjust the situation like lessen the intake of coffee and other sweet products,” ayon kay Antonio Mantahinay, Baitang 10. Ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 3.4%-5.2% ang antas ng inflation mula pagpasok ng 2018, mas mataas sa 2.7%-2.9% noong 2017 kung kailian wala pang TRAIN Law.
Solusyon sa inflation. Ang epektibong kaalaman sa financial literacy at pagtitipid ang minamataang solusyon ng gobyerno upang maibsan ang kasalukuyang suliranin sa ekonomiya. “Students could find part-time work or spend money carefully to temper the effects of higher prices,” dagdag na payo ni Zak Yuson, government liaison for think tank action for Economic Reforms, para sa mga kabataang Pilipino na naaapektuhan ng Inflation. Pumalo naman sa 6.7% ang inflation rate ngayong Setyembre na ayon sa NEDA ay bababa na sa susunod na buwan dahil sa mga interbensyon ng pamahalaan tulad ng pag-angkat ng bigas at paghatak paitaas ng halaga ng piso.
Bunga ng mataas na antas sa paggawa, umangat sa 6.8% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa unang quarter ng 2018 sa kabila ng mataas na inflation, mahinang produksiyon sa agrikultura at kakulangan sa kalakal. Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumangalawa ang bansa sa may pinakamataas na antas ng pinagsamang produkto at serbisyo, kapantay ang China, kasunod sa 7.2% ng Vietnam. Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), ang mataas na bahagdan sa paggawa na nasa 7.9% at 7.0% sa serbisyo ay ang mga dahilan ng naturang pag-angat mula sa mas mababang 6.5 % noong 2017. “Our economy remains to be one of the best performing economies in Asia due to the significant increase of production in our industrial and service sectors,” ayon kay Ernesto Pernia, NEDA Socio-economic Planning Secretary. Tagahatak Paitaas, Paibaba Pawang tumaas ang Government Consumption sa 13.6% at Capital Formation sa 12.5% kung kaya’t naging malaking ambag ang Expenditure Share sa kabuoang pagtaas.
Mahina rin ang pagluwas at pag-angkat ng mga bilihin mula Enero-Marso na nagresulta sa mas mababang gastos ng pamahalaan. Dumausdos sa 6.2% ang dating 17.7% sa pag-angkat habang 9.4% kabuoang pagbaba naman sa pagluwas. Bahagya mang pumailalim ng 0.3%, mahalaga pa rin ang kontribusyon ng household consumption na nasa 5.6%. Paglago sa kabila ng Inflation Mula pagpasok ng 2018, nasa 3.4%-5.2% ang naitalang inflation rate sa bansa, mas mataas sa 2.7%2.9% noong 2017, kung kaya’t umaasa si Pernia na magtutuloy-tuloy na ang pagyabong ng ekonomiya sa susunod pang mga taon. “We all hope that this growth will continue throughout to somehow overshadow the prevailing dilemma of inflation…this is something we need to keep an eye on,” ayon pa sa kalihim. Ang naitalang GDP ay kapantay lamang ng minamataang antas ng pamilihan at kalapit din sa inaasintang 7.0%-8.0% ng bansa para sa 2018. Ang GDP ay ang pinagsamang bilang ng produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng bansa sa tiyak na panahon.
100% passing rate, napagtagumpayan ng SH TVL students JOHN MARK POLISTICO 342 sa 342 mag-aaral ng Senior High School – TVL Track ang matagumpay na ipinasa ang National Certificate II (NCII) sa kani-kanilang larangan mula Oktubre 22-26, 2018. Bilang tugon sa atas ng kanilang espesyalisasyon, 80 mag-aaral sa Computer Hardware Servicing (CHS) ang nairaos ang Oral at Hand-on tests, 85 naman sa Electrical Installation and Maintenance (EIM), 125 sa Food
and Beverages habang 55 naman sa Beauty Care. “We really made major adjustments in our hand-on training to surpass NCII at its best results – and I think we did it,”ayon kay Teresita Gindap, SHS TVL Department Head. Umaasa ang buong pamunuan na masusundan pa ang naitalang passing rate na pangalawa na sa kasaysayan simula nang ipatupad ang STVEP Curriculum sa paaralan.
ANHS Multi-purpose court, nagbukas na
Php 4,000,000.00 PONDONG LAAN SA PAGPAPATAYO NG MULTI-PURPOSE COVERED AREA
Guro ng Alabel, pinarangalan NICOLE RAMOS
Ginawaran ng parangal bilang Most Outstanding Teachers sa elementarya si Bb. Shirley May F. Andico na kasalukuyang nagtuturo sa Alabel Central Integrated SPED Center at sa sekondarya naman ay si G. Bryll O. Regidor mula sa Alabel National High School na parehong nakatanggap ng 20,000 cash at Plaque of Appreciation noong Setyember 5, 2018 kasabay
Municipal Teachers Day na dinaluhan ng 1,200 na mga guro. Bukod dito, binigyan din ng parangal bilang Most Outstanding Principal si Susana S. Sumagka galing sa Alegria National High School na nakakuha ng 60,000 cash, 30,000 para sa kanyang sarili at 30,000 naman para sa pagpapaunlad ng kanilang paaralan. Wala mang nakakuha ng Most Outstanding Teachers
sa Alternative Learning System (ALS) at Tertiary dahil hindi nila naabot ang standard of criteria, pinaghatian naman ang kabuuang pera na dapat sa makakuha ng parangal na umabot sa 30,000 ng 30 mga guro at prinsipal mula sa iba’t ibang paaralan ng Alabel na nag-apply para sa Most Outstanding Teachers at karamihan dito ay mula sa Alabel National High School.
tayo sa mga mahahalagang naggawa ng mga piling clubs ng paaralan sa nakalipas na limang buwan. RAWND AP Magbalik-tanaw nagsagawa ng kaunaNakibahagi sa sa taunang
Brigada Eskwela dahilan upang makuha ng paaralan ang 2nd Best Brigada Eskwela 2018 Implementer for Mega School category na karangalan sa buong Sarangani.
unahang Historian Camp na dinalohan ng 80 na mag-aaral mula sa Alabel National High School
DIWA NG KABATAAN.
Nakalikom ng Php 80,000 mula sa fund-raising activity, sapat upang makabili at makapaglagay ng drinking fountain and highend speakers sa paaralan
MATIBAY NA PUNDASYON: Dugo’t –pawis ang pinuhunan ng mga manggagawa na sina Alex Granada(kaliwa), Rudy Suamil (Gitna) at Deony Alfie (kanan) ng tanggalin ang molder ng poste ng ANHS Multi-purpose Court, ika -15 ng Setyembre. (kuha ni Bien Caliao)
DONNA LABUGA Matapos lamang ang anim na buwang konstruksyon, bukas na sa mga mamamayan ng ng ANHS ang Multi-purpose Court na handog ni Sarangani Congressman Roel Pacquiao. Ang naturang pasilidad ay may alokasyong PhP 4,000,000.00 mula sa resinsertion fund ng kongresista na sinimulan noong Hunyo at nagtapos nga noong Setyembre. “Beneficial talaga ‘tong pagtatayo ng gymnasium knowing that the school has so many activities. Mabuti at natapos ang construction just in time,”ayon pa kat Edilberto Pantaleon, School Facility Coordinator.
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
BALITA
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
MDRRMO Chief, pinuri ang ANHS Savers Ni Mary Nicole Ramos Umulan ng papuri ang Alabel National High School (ANHS) Savers mula kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Admin & Training Ian Ebona matapos mapagtagumpayan ang ilang mga aktibidades pagdating sa Life Saving. Ilan sa mga ensayong kanilang nilahukan ay ang Basic Life Support (BLS) na kung saan tuturuan ka ng Bandaging, Carry, Healing, Cardiac Pulmonary Recisitation (CPR) noong July 2017 at Basic Water Safety na tuturuan ka paano lumangoy at iba’t ibang uri ng paglangoy na ginanap sa Lagare Swimming Resort, GSC. Kaagapay ang Alabel Rescue Team, pinangunahan nila sa pagtutulong at pagbabantay ang Alabelians sa ika-47th Kasadyaan Festival noong Setyembre. Ayon pa kay Ebona, hanggang hanga siya sa mga bata dahil sa ganitong edad pa lamang ay nahahasa na sila sa Life Saving at kitang kita mo talaga ang dedikasyon sa pagtutulong. “The more you expose, the more you will have an experience, the more you gain knowledge. It’s one way to improve individual in terms of Life Saving,” dagdag pa niya. Sa huli, bilib din siya sa magandang pamumuno ni Gng. Carmela P. Lumantas, ANHS Savers Adviser kasama ang mga opisyales nito at ang tanging hiling niya lamang para sa mga bata ay huwag sana silang magbago, kung may nangangailangan ng tulong, tulungan ng walang pag-aalinlangan at huwag lumaki ang ulo dahil sa huli sila rin naman ang makikinabang nito.
Sarangani Tribute, humakot ng parangal
ICT skills ng mga guro, pinaigting
October 17 - Upang makasabay sa mga pagbabagong teknolohikal, ipinagkaloob ng Globe Communications ang “full-packed” ICT equipments para maisulong ang adbokasiyang “ANHS turns techy” ng paaralan. Sa tulong nina Ginalyn Villaflores at Emegeline Velarde, Global Filipino Teachers, napasakamay ng ANHS ang 10 Virtual Reality Glasses, 10 Globe Superstick, 2 Globe Chrome Cast, projector, Globe prepaid wi-fi, 20 tablets at GFS Mobile Cast. Kaugnay nito ang Digital Thumbprinting (DTP) – isang sanayan ng Adopt-a-school program na kinapalooban ng anim na module at naging daan upang mapasakamay ang tulong-teknikal.
5
Bagong pamunuan ng Alabel District III, itinalaga; Principal at Assistant kinilala NAZWA ALABA Matapos ang sunod - sunod na Administrator re-assignment, nakilala na rin ang panibagong pamunuan ng Alabel District III. Ito ay sina Ernesto Yuzon bilang bagong Punong-guro ng Alabel National High School (ANHS) na nagmula pa sa Banate National High School at Remegio Silvano bilang Assistant Principal ng nasabing paaralan sa Senior High Department na nanggaling na rin sa ANHS ilang taon na ang nakalipas. Sila ay dumating at sinalubong ng mga faculty and staff noong ika24 ng Oktubre 2018 sa paaralan ng ANHS.
Inform people with accuracy – Reyes JOHN MARK POLISTICO
PAGPAPAKITA NG KAGITINGAN AT KAHANDAAN. Nagsilbing tagapagligtas si Jam Briones, isang boy scout-responder, matapos tulungan at gamitin ang angkop na pangunang lunas sa estudyanteng nasugatan nang pangasiwaan ang 25th NSED 2018. (Kuha ni Celesty Guatlo)
Retiradong mga guro, binigyang-pugay
Ni: Karen Montargo “Paid-off lahat
ng paghihirap.” Ito ang bukambibig ng mga mamamahayag ng ANHS matapos tanghaling pinakamagaling na pamahayagang papel sa Ingles ang “Sarangani Tribute” sa buong rehiyon para sa taong 2017. Kampeon ang naturang pahayagan sa Science and Technology Page, Sports Page, Editorial Page, pangalawa sa Editorial Page at pangapat sa pawang News Page at Lay-out. “We’ve been working since before Division Schools Press Conference (DSPC) 2017 and all the hardwork rendered was meant to be recognized by this,” ayon pa kay Bryll Regidor, SPA nang tanggapin ang kauna-unahang kampeonato sa rehiyon bilang tagapayo. Bagamat hindi nakatuntong ng Panlimang puwesto dahil sa diskwalipikasyon, iginawad pa rin sa Ang Alay ng Sarangani ang pansampung pwesto sa Pahinang Editoryal.
Tatak Sarangan!
“As journalists, you have the responsibility to inform people exactly with accuracy.” Binigyang paalala ni Linda S. Reyes, English Coordinator ng ANHS ang mga mamamahayag tungkol sa kanilang mga responsibilidad matapos maimbitahang tagapagsalita sa Mini Press Conference. Oktubre 1. Dahil na rin sa lumalalang kaso ng “Fake News” sa bansa, iginiit ng guro na ang pagdadaloy ng balita na hindi tama ay ang pinakamabigat na kasalanan bilang diurno. “The worst mortal sin a journalist could commit is that she or he is giving news which is not really genuine,” tugon pa ni Reyes sa Ang Alay ng Sarangani. Tahasang inihayag ng ginang, na nasa sampung taon na sa panunungkulan, na tunguhin ng mga manunulat na maglahad ng balita at hindi pamemeke o pagsira ng buhay ng iba. “If you have that malicious intention to destroy other personalities, then it’s a big NO!, you need to inform not to distort,” paglilinaw pa niya.
29
BILANG NG MEDALYANG NAIUWI NG ANHS SA KATATAPOS LANG NA DSPC
94
TALA NG MEDALYANG NAKUHA NG AHNS SA DSPC NOONG NAKARAANG TAON DIBUHO AT PAGPUPUGAY: Inabot ng Alabel National High School ang mga larawan na ginuhit nina Nelson Esmeralda at Ascer Abellon , sa apat na retiradong guro bilang pagpupugay sa ginanap na School-based Teachers’ Day noong Oktubre 5. (Kuha ni Nicole Guatlo) JOHN MARK POLISTICO “Ang awiting ito’y para sa’yo…dahil iyong narinig mula sa labi ko, Salamat.” Di hamak na mas makabuluhan ang pagdiriwang ng araw ng mga guro ng Alabel National High School matapos bigyang-pugay ang apat sa retiradong mga guro ng naturang paaralan bilang bahagi ng School-based Teachers’ Day Celebration noong Oktubre 5. Sa pangunguna ng pamunuan ng paaralan at ng Supreme Student Government (SSG), pinarangalan
sina Mrs. Diana Lagui, Mrs. Cecilia Matunog, Mrs. Melodwina Matillano at G. Carlito Lumantas ng gawad pagkilala sa serbisyong inialay nila sa mahigit tatlong dekada. Iniabot din sa apat na naturang guro ang kanilang “tokens” at “charcoal portraits” na gawa nina Nelson Esmeralda at Ascer Abellon, pawang mga guro ng ANHS. Samantala, pormal namang “retirement rite” ang inialay para kay Lumantas matapos maudlot ang pagtuturo dahil sa “mild stroke.” Nagpahayag naman ng
pagkagalak si Matillano nang makasama ulit ang kapwa mga guro na parte ng kanyang 35 taon sa paglilingkod. “It was a reunion and I’m very happy that I still feel that I’m part of this school,” sambit pa niya. Sa kasaysayan, ito ang unang pagkakataong isinama ang mga “exteachers” sa pagdiriwang kung kaya’t nangako si Loreto Gindap, Principal 1, na ipagpapatuloy ang pagbibigaypugay sa mga taong minsang naging parte ng institusyon.
PHP 80,000.00
NALIKOM NA HALAGA NG FILIPINO DEPARTMENT MULA SA KANILANG FUND RAISING ACTIVITY PARA SA PROYEKTONG WATER FOUNTAIN SA PAARALAN
ANHS, kampeon sa DSPC ’18 | MARK POLISTICO Bahagya mang bumaba ang bilang ng titulo kumpara noong nakaraang taon, itinanghal pa ring kampeon ang ANHS para sa sekundarya sa Division Schools Press Conference ng Sarangani noong Oktubre 9-11 sa Lun Padidu NHS, Malapatan. Ito’y matapos dominahin ng paaralan ang naturang preskon kung saan naibulsa nila ang 22 medalya. Nasa 10 na ginto, 2 pilak at 10 tanso ang naiuwi ng ANHS na mas mababa sa nakaraan nitong tala na 94 medalya. Matapos ang matagumpay na kampanya, sasabak at kakatawan sa Sangay ng Sarangani ang mga naturan sa Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa General Santos City sa darating na Nobyembre 19-21.
6
OPINYON
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
HUNYO -NOBYEMBRE 2018 EDITORYAL
PAGCOR BUILDING: Paasa sa Umaasa?
Iginuhit ni Hannah Princess Peligro
Batang Hamog: Pag-asa pa ba ng PERLAS NG SILANGAN? Ang mamamayan ay hindi na ligtas sa masasamang kaasalan sa ibat ibang sulok ng pamayanan ay ating ma sasaksihan. Mga lansangan sa gabi ay may palaboy mga “batang hamog” na pinapabayaan ng mga magulang. Ang mga magulang ay naiwan sa kalagayan ng pagkatakot at pagkabahala sa mga pangyayari sa paligid. Naiulat sa pahayagan na 25% na mga kabataan sa kasalukuyan ay natatakot sa mga nangyayaring patayan at panganib sa gabi dulot ng mga taong mararahas sa kapwa. Bilang tugon sa nakasisindak na isyu, may mga ordinansang nagpapatupad ng kurpyo na pinapatupad ng mga kapulisan at ng lokal na pamahalaan upang pigilan ang paglubo ng insidente sa bawat barangay. Ito ang mga salitang binitiwan ng Pangulo sa panahon ng kompanya na magtulungan sa pagpuksa ng krimen at karahasan gaya ng mga kautusang ipinatupad sa Davao City. Isa sa mga ito ay ang pagpapatupad kurpyo mula (9pm-5am). Ang ordinansang kurpyo ay ipinatupad ng mga pulis at mga barangay tanod na tinatawag nilang “Oplan Rody”(Rid of the streets of
REPLEKSIYON ANGELICA M.SALI
@angelsali@gmail.com
Drunkards and Youths). Unang pagpapatupad nito dinadampot at dinadala ang mga kabataan sa barangay hall at presinto at saka pinagsasabihan ang mga ito. Sa pangalawang pagkakataon na mahuli ay mananagot ang mga magulang. Malaki ang responsibilidad ng magulang kung bakit palabuy-laboy sa kalye ang kanilang mga anak ang iba ay kinulong. Kasabay sa pagpapatupad ng kurpyo ay ang paghuhuli sa mga kalalakihang nag-iinuman sa kalye, nagvivideoke na nakabubulahaw sa mga kapitbahay at mga nakahubad baro ay hindi pinapatawad na naging dahilan sa pag-iwas ng mga kabataang lumabas sa lansangan mula (9pm-5am). Kasali rito ang mga umiinom ng alak at walang damit pang-itaas. Dapat paigtingin din ang pagbabantay sa mga menor de edad na kakalat-kalat sa kalye na walang kasamang magulang o guardians. Lalong nakaamba
ang panganib sa mga bata na edad 18 pababa kapag nasa kalye sa dis-oras ng gabi. Sila ang nabibiktima at napapahamak at kinakasangkapan sa kasalukuyan ng drug syndicates. Karaniwang ginagawang runner ng illegal na droga ang mga bata para hindi matunugan ng mga alagad ng batas. Dagdag pa rito ang mga estudyante sa sekondarya ay pinagbebenta na rin ng marijuana. Layuning ng kurpyo na protektahan ang bawat barangay sa panganib. Ang pagpapatupad ng kurpyo ay nabunga ng magandang resulta sapagkat nabawasan na ang krimeng kinasasangkutan ng mga kabataan. Bumaba ang porsiyento sa mga naiulat na pagnanakaw, paghahablot ng bag at cellphone at iba pang mahahalagang bagay mula ng ipatupad ang kurpyo. Ngunit sa kabila nito’y may mga lugar na natigil ang an pagpapatupad ng kurpyo sapagkat nag-isyu ng
Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court at pagsampa ng reklamo ng mga grupo ng kabataan na labag daw sa Juvinile Justice and Welfare Act o ang Republic Act No. 9344. Subalit nawalang parang bula ang paghihigpit sa mga batang kakalat-kalat sa kalye kaya muli na namang nagsulputang parang kabute sa kasalukuyan. Kapansin-pansin ang mga batang hamog na nag-uunahan sa pag-akyat sa mga nakatigil na truck kung trapik at ninanakaw ang mga gamit. May mga batang kalye na pinagtutulungang pagnakawan ang mga pasahero ng dyipni o di kaya’y tinatapunan ng bato ang mga sasakyan na nagdudulot ng disgrasya. May mga namamalimos na bata sa dis-oras ng gabi at nasa panganib ang buhay sapagkat maaaring mahulog sa dyipni o masagasaan. Ilan sa mga bata ang nahuli ng mga pulis pero hindi makasuhan dahil 13-anyos lang. Ayon sa Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na inakda ni Sen. Francis Pangilinan, edad 15 lamang ang criminally liable kaya ipinagkatiwala na lamang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may edad 14 pababa.
Handa nga ba ang mga paaralan sa panibagong pahina ng edukasyon sa ating bansa? Ito na ba ang kasagutan na paraan o alternatibo upang matamasa ang pangarap ng mga mag-aaral na magkaroon ng silid-aralan? Kabilang ang mga mag-aaral ng SHS ng Alabel National High School sa benepisyaryo ng PAGCOR Building na sa kasalukuyan ay naghihirap sa naudlot na konstruksiyon mula taong 2015, kaagapay ba ng institusyong ito o dagdag pasanin sa departamento? Ang K+12 kurikulum ay magbibigay-puhunan sa bawat indibidwal na mahasa ang kakayahan ng mga magaaral sa kanyang sariling pagsisikap at kakayahan tungo sa pagkamit ng adhikain upang makipagsabayan sa global na kalakaran kaya nagpatupad ang DepEd ng agarang solusyon ang Basic Educational Fascilities Fund (BEFF) budyet F.Y. 2014 R.A. 10633 (Continuing Apropriations) at R.A 10651 F.Y. 2015 kaakibat nito ang PAGCOR kung saan nagpatayo ng 4 storey 20 classroom building na nagkakahalaga ng 42 milyong piso ngunit patuloy na umaasa ang mga mag-aaral at guro na matapos ang naturang mga silid-aralan sapagkat sila’y naghihirap na ng dalawang taon sa double-shifting class mula 2015-2018. Umani ng samut-saring reaksiyon sa mga mamamayan ang gusali mula noong 2017, naitala noong oktubre 2017 ang datos na kailangang pang ikabit ang mga sumusunod: electrical wirings, paglagay ng fire pro, door jambs, waterline, at paglagay ng pintura. Resulta ng hindi matapos-tapos na konstruksiyon mahigit 484 na grade 11 at 351 na grade 12 ang apektado, ngunit sa kabila ng mga ito ay ginamit parin ang silid-aralan upang makapag-aral ang mahigit kumulang 800 na mga mag-aaral ng SHS. Kulang man sa kagamitan pilit paring nagpupunyagi ang mga mag-aaral at ang paaralan upang makamit ang kanilang mga adhikain. Sa huling ulat ng BussBarr Construction Services mahigit 96% na sa kabuoan ang natapos, bagama’t patuloy ang konstruksiyon na nakaaapekto pa rin sa mga magaaral lalong-lao na ang debris na nahuhulog mula itaas na maaring makadulot ng disgrasya. Hihintayin pa ba nating mangyari ang sakunang walang pinipili kahit sino? Sa kabilang dako, patuloy ang pagmomonitor na DepED at DPWH upang matugunan at bigyang pansin ang napakatagal nang hinaing ng mga mag-aaral. Daan sana ito upang magkaroon na maganda at matiwasay na silidpaaralan ang bawat isa, aasahan ng umaasa na matapos na ang sakripisyo ng SHS na mga mag-aaral.
PATNUGUTAN
7M: KAAGAPAY SA PROGRAMA NG PAG-UNLAD Pangkalakalan at pagsulong ng kaunlaran ang hatid ng pitong munisipalidad (7M) ng probinsiya ng Sarangani, nagdala ng oportunidad upang makapasok sa ikalima na puwesto (5th) bilang “Most Competitive Province” sa taonang “Cities and Municipalities Competitiveness Index”(CMCI). Handa ka na sa pagbabago? Makisabay sa agos ng dambuhalang probinsiya? Sa katunayan, Itinatag ang Build, Build, Build program na may layuning palaguin ang imprastraktura gamit ang makabagong teknolohiya na nagkakahalaga ng mahigit 36 bilyon dolyar, kaya ang Sarangani ay isa sa mapalad na probinsiya na nabibiyaan ng bilyon-bilyong halaga para imprastraktura kalusugan, at edukasyon ang panguhing paggugulan ng pundo bunga
AKSIYON JOHN MARK POLISTICO
@jmpolistico@gmail.com
nito’y naging malago ang ang lalawigan na nagdala upang makapasok sa isa sa malagong probinsiya ng Pilipinas. Hindi maikakailang ramdam ng mamamayan ang pag-unlad na tinaguriang “Land of Beauty” isa na rito ang katatapos lang na Sarangani Provincial Hospital at pagpapatayo ng Legislative Building na nagkakahalaga ng mahigit 90 milyong piso at pagpapalawak ng mga kalsada na mahigit 474 milyon, ito’y nagdudulot magandang resulta na nagdadala upang lumago ang kalakalan ng probinsiya
upang maisakatuparan ang “job expansion” at “job creation” para sa mga Sarangan. Dagdag pa rito ang mga tourists spot sa buong lalawigan na nabibigay halina sa turista upang subukin ang kaibig-ibig na taglay ng mga likas na yaman ng Sarangani. Sa kabuoan, naging mabilis ang pag-unlad ng 7 munisipyo ng lalawigan subalit kailangan pa rin ang pagkakaisa at suporta upang maiangat ang probinsiya sa ikauunlad ng bayan. Ito ay hudyat ng pag-asa para sa patuloy na magandang resulta ng pagkakaisa at higpit
na pananalig sa patuloy na makabuluhang kinabukasan para sa Sarangani. Bukod ba rito, ang iba pang mga samahan ng mga namumuno sa ibang lugar, hinangad sa pagkakaisa sa pagtatag ng samahan na mag¬karoon ang mga miyembro ng platapormang makapagbago sa daan tungo sa tagumpay ng bawat lungsod. Lubos na maipagmalaki ang maaaring ibahagi ng bawat isa sa paraang ikabubuti ng probinsiya. Lalo na sa panahon ngayon kung saan sadyang nangingibabaw ang globalisasyon. Hawak-kamay, magkaisa, magtulungan, isaisip at isapuso ang kaugalian na maging resposableng mamamayan ng Sarangani na kabalikat ng pagbabago tungo sa kaakit-akit na lungsod na kaagapay SA progRAma NG pAg-uNlad ng 7 munisipyo.
Punong Patnugot: John Mark Polistico Pangalawang Patnugot: Karen Damicog Tagapangasiwang Patnugot: Lorie D. Bapor Patnugot sa Balita: MARY NICOLE T. RAMOS Patnugot sa Lathalain: KIMVERLIE Y. MOMO Patnugot sa Isports: JASPER STANLEY T. SAYSON, LORIE MAE C. BAPOR Tagaguhit: SHENNABEL A. CENAS, PRINCESS HANNAH S. PELIGRO, MCZOMAR DONQUE Mga Larawang Pamahayagan: TRISHA M. GUATLO, LOVELY DILLA Pagwawasto ng Sipi: BREANNA ALYX R. ABAYON Mga Kontributor: RHODA MAY B. EBAD, RALPH GABRIEL R. CASTILLO, VINA FIEL V. DIAZ, ANGELICA M. SALI, NAZWA ALYZA T. ALABA, ERICK JAMES N. TUERCO,AMMOR SEBASTIAN DUMPA, DONNA MAE N. LABUGA, REYMARK PARAN, CELESTE GUATLO, LADY TRAYA, MARIEL MANTE Tagapayo : ELLEN D. OLMOGUEZ CANDELYN L. CALIAO Filipino Koordineytor: CANDELYN L. CALIAO Related Subject Department Head: ROLLY G. VILLANUEVA Punong-guro: LORETO J. GINDAP
HUNYO -NOBYEMBRE 2018 Pagpapatuloy ng War on Drugs: ILaw sa daan tungo sa InaasaM na kapayapaan?
OPINYON
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
7
Iginuhit ni Hannah Princess Peligro
KAPITBAHAY REYMARK PARAN
@reymark@gmail.com
All of us want peace, not the peace of the dead of course, but the peace of the living.” Ito ang mga katagang tumatak sa ating isipan sa unang State of The Nation Addres (SONA) ng ating pangulong Rodrigo Duterte. Sino ba ang hindi gusto ng kapayapaan? Isa sa mga nailatag na solusyon ng ating pangulo ukol dito ay ang war on drugs. Sa unang tatlong buwang panunungkulan ng ating pangulo ay ramdam na natin ang ginhawa sa bawat paghinga. Tila ba’y nabunutan ng tinik ang ating mga lalamunan. Dahil sa matagal na nating inaasamasam na kapayapaan, inilahad ng ating pangulo ang kanyang solusyon. Marami ang sumoporta sa kampanyang ito, subalit marami rin ang bumatikos rito dahil nauuwi ito sa vigilante killings o pinatay ng mga dikilalang mga tao at iniwanan ng karatulang “pusher ako ‘wag tularan”.Ang mga “Human Rights advocate” ay naniniwala na ito ay maituturing na extrajudicial killings na talaga namang bawal. Masasabi nating isa itong malaking problema ng ating bansa dahil, una, :labag ito sa ating karapatang pantao na nakasaad sa ating saligang batas, pangalawa: ito ay nakakapekto sa pagbaba ng ating ekonomiya dahil matatakot na ang mga dayuhan na mamuhunan sa ating bansa dahil narin sa mga inaasta ng ating pangulo na di kaay-aya, at pangatlo: mababahiran ng masama ang kampanyang ito. Sa huling ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa tulong ng Philippine national police (PNP), 3817 drug personalities na ang
napapatay,22971 ang naaresto at 734,231 ang sumuko sa “Oplan Tokhang.” Sa kasagsagan naman ng engkwentro at pakikipagbakbakan sa mga “drug personalities” ay 13 na mga kapulisan ang magbuhis ng kanilang buhay at walo naman ang sugatan. Konting tiis nalang daw at matatakpan na ang sugat at makakamit na natin ang ating inaasam-asam na kapayapaan. Subalit maiisip natin na panandaliang gamot lamang ito sa kirot at pagkagising natin kinaumagahan ay makikita nating walang pagbabago ang minsa’y nasabi nating solusyon, at sa ating napapansin , walang pagbabago ang laman ng mga pahayagan at sa ating telebisyon at lalo pa itong lumalala. Sige pa. Kulang pa ba? Lilinawin lang natin para walang lito: gusto natin ang payapa at maayos na bansa . Kapayapaan na nireresolba sa maayos na paraan at walang gulo at hindi ang kapayapaang dumaan sa digmaan at binuhisan ng maraming buhay bago nakamit. Bilang mga Pilipino hiling rin natin sa ating mahal na pangulo na sanay na makamit ang kapayapaan sa pamamaraang hindi mapapatay ang dapat hulihin dahil aniya “change is coming.” Sabi nga ni Martin Luther King, “Darkness cannot drive out darkness,only light can do that. Hate cannot drive out hate, only love can do that.” Hindi masosulosyunan ang isang problema ng isa pang problema, pagkakaisa lang ang makakagawa nito. Isang hinga pa at malulusob na natin ang mundo ng kapayapaan at sana’y magsilbi itong ilaw sa daan patungong kapayapaan.
BUKAS NA LIHAM Para sa Lahat, “Ang katalisikan ay hindi lamang nasusukat sa apat na sulok ng silid-aralan.” Ito ay bansag na madalas nating naririnig araw-araw. Sa taong panuruan 2016-2017 nagsimula ang implementasyon ng Policy Guidelines on Awards and Recognition para sa K to 12 Basic Education Program. Marami ang tumutol ng talakayin ang nasabing paksa lalong lalo na ang mga mag-aaral na aktibong lumalahok sa Extra-Curricular Activities (ECA) ginawang ng pulong ng PTA sa paaralan. “DepEd order no. 36 s. 2016 sumasaklaw at binigyang diin ang sumusunod: Honors are purely academic based; ECA are not included as part of the criteria in selecting honors; and ECA shall have separate awards.” Ang nabanggit ay nagbibigay diin sa hindi pagsasama ng ECA sa ranking of honors. Ito ang dahilan ng pagkayamot at panghihinayang ng mga mag-aaral sa kanilang pagpunyaging magsikap. Lahat nang kanilang kagalingan ipinakita ay nawalan ng saysay. Ang nagbigay ng kauutusan ito ay bigong isaalang-alang ang paghihirap na dinanas ng mga mag-aaral upang maipakita lamang ang natatagong kahusayan sa ibat ibang aspeto ng kanilang talento sa bawat sinalihang patimpalak. Higit pa rito, ang kanilang pagsisikap na pag-aralan ang naiwang leksiyon na nakokompromiso paglahok sa patimpalak. Sa madaling salita, ang mga estudyanting nangunguna sa pang-akademikong gawain ay aktibo rin sa ECA, ibig sabihin ang mga mag-aaral na ito ay mapagkakatiwalaan sa responsabling pagbabalanse sa parehong pang-akademiko at ECA na mga aktibiti. Samakatuwid, sila ay nararapat lamang bigyang-puri sa pamamagitan ng pagsasama ng ECA sa ranking process. Malungkot mang sabihin na ang paglabas ng kautusang ito ay nakapagpupukaw ng mga gurong nag-aalinlangan payagan ang mga kalahok at pinapayuhang huwag nang sumali sa paligsahan kaya, ito ang nagpahina sa sigasig ng mga mag-aaral. Ang ECA ay hindi ituring na nakapagpadagdag ng gayak at gastos kundi ito’y humuhubog at nagpapatibay ng sangkatauhan upang maging isang “ globally competitive individual.” Ayon sa isang pilosopo “Learning could be best taught if you experience it; for experience is the best teacher.” Kaya, ang kaalaman ating nakuha ay magiging mabisa kung ito’y ilagay sa kilos. Kung gayon, ang ECA ay behikulo sa pagpapaunlad kasanayang nararanasan ng isang indibiduwal na hinding-hindi makalimutan. Ang tagumpay na natamasa ng isang mag-aaral sa patimpalak ay nagbibigay karangalan at legasiya sa paaralan.
TRAIN LAW: tatak nga ba ng pagbabago o sasagasa sa maralitang Pilipino? Mangapit-bayan sa Enero 2019 ay ipatutupad ang ikalawang yugto¬ ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), naglalaman ng tax reform package na tinatayang makapagbibigay ng 130 billion pesos na pondo sa pamahalaan, subalit tinuligsa sa TRAIN Act ng administrasyon sapagkat iginiit na may pakinabang ang makasaysayang batas na makatutulong sa bayan subalit sa iba’y nagsasabi na sasagasa sa mahihirap na mamamayang Pilipino. Naging kasiya-siya ang pagtanggal ng buwis sa mga manggagawa na may P25 libo kada buwan pababa. Subalit nakakatakot naman ang magiging dambuhalang pagtaas sa bilihin ng mga kalakal dahil sa kanila ipapataw ang sinisingil na tax. Sa kabuoan, baka maging mas bibigat pa ang pasanin ng mga kababayan nating mahihirap. Samantala, kung makukulekta lang ng tama ang buwis, hindi na kailangan ng dagdag tax. Ngunit talamak sa ating bansa ang katiwalian bunga nito’y mawakawak na naman ang
Alay ng Sarangani
ALAY NG SARANGANI
GUMAWA NG LIHAM
Inbox Nabasa Importante Naipadala
3
KASANGGA FELIPE WATA
@watataps@gmail.com
buwis na ibinabayad ng mga taxpayers. Ayon sa mga ekonomista, napakaliit lang daw – 0.4 percentage points o 26.7% – ang epekto ng Train sa lumulobong halaga ng mga bilihin. Ang 0.7 percentage points o 46.7% naman dulot ng pananamantala ng mga negosyante sa mga mamimili. Tumataginting na 73% ang pinagsamang epekto nito sa inflation. Kaya panahon upang hubarin ng mga ekonomista ng pamahalaan ang rose-tinted glasses na itapak nila ang paa sa lupa. Hindi lingid sa ating kaalaman na hindi nakararanas ang mga kalihim tulad ni Ben Diokno na kumain ng instant noodles dahil sa kawalan ng “basic-needs” gaya ng pambili ng bigas, gulay, at karne; maglakad sa kalsada
INBOX NG EDITOR “Apol” Guatllo Dear Editor..... Phoenex Hi Editor..... Meo Eow Editor..... Update your ..... CSdropbox........ See previous<<<
na basang-basa ulan dahil sa kakapusan ng pamasahe; at maputulan ng kuryente o tubig dahil sa kasalatan pambayad sa nagmamahalang panglingkurang-bayan. Ayon kay Secretary Carlos Dominguez III, tumaas nang 21.4% ang Foreign Direct Investments nitong 2017 kumpara sa 2016. Pero bumagsak naman ang Pilipinas nang 9 na antas sa World Competitiveness Yearbook rankings. Bumagsak din ang Pilipinas sa pang-113th galing sa 99th pagdating sa ease-ofdoing-business rankings. Samantala, hindi apektado ang ating mga kababayang overseas Filipino workers ang maluwat piso na naitala nasa pinakamababang antas sa loob ng 11 taon, kinain din ng inflation ang benepisyo ng mataas na palitan ng dolyar
sa piso. Samakatuwid, ang literal na hinagupit ngayon ay ang mga maralitang mamamayang Pilipino. Ayon sa mga pag-aaral, higit pa sa lambalin ang pagsagasa ng TRAIN law ng inflation sa dukha kumpara sa epekto nito sa makuwalta. Lalong ni yolanda ang tama sa mga disumasahod o nasa inpormal sektor, tulad ng mga tindero at namamasada. W a l a n g biyayang dulot sa kanila ang tax exemptions. Mapalad nalang kung naaabot sila ng non-conditional cash transfer (4P’s) na dapat ay pantustos sa mga pag-aaral ng mahihirap. Naniniwala ang karamihan na may mabuting ibubunga sa ikauunlad ng buhay ng maraming Pilipino sa gitna ng kaliwa’t-kanang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, makatotohanang hindi “linear” ang pag-unlad ng isang bansa, madalas ito’y urong-sulong na tila’y ba’y isang hakbang pasulong at dalawang hakbang paurong ang nangyayari ngayon ng TRAIN LAW: tatak nga ba ng pagbabago o sasagasa sa maralitang Pilipino?
Mensahe mula kay Apol Celeste Belle “Apol” Guatllo ALABEL, SARANGANI PROVINCE
Mahal na Patnugot, Batid natin na ang mga kabataan sa kasalukuyan ay nagkakaroon na ng hindi kaaya-ayang mga gawain. Makikita natin sa lansangan ang mga kabataang tumahak sa maling landas na tinatawag na “sukaraps.” Sila ang mga kabataang halang ang bituka na marahas na nakikipag-away sa loob at labas ng paaralan. Ako ay nag-aalala sa seguridad ng mga mag-aaral dahil sila ay nakakapasok sa loob ng kampus at naghahanap ng gulo. Ito ay nagdudulot ng abala sa klase at hindi magandang imahe sa paaralan; at higit sa lahat ang nangyaring gulo noong nakaraang buwan na isinugod sa ospital. Ako ay umaasa na matugunan at masulosyunan ang bagay na ito.
Taos-pusong sumasainyo, APOL
8
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
LATHALAIN
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
Street
Dancing: kuha ni Apple Guatlo Nawalang mga indakan, sayawan, at makukulay na kasuotan, bumalik, heto na naman. Makalipas ang halos ang isang dekadang paghihintay, nabusog ang mga mata ng mga Alabelians sa masisiglang indakan at malalakas na musika matapos buksang muli ng local na pamahalaan ang kompetisyon ng Streetdancing sa Kasadyaan Festival. Matatandaang noong 2007 huling nagkaroon ng naturang paligsahan. Nasungkit ng Kawas National High School ang Unang Gantimpala na nag-uwi ng P40,000.00. Itinuring din silang “powerhouse” matapos ang tatlong sunod-sunod na pagkamit ng kampeonato simula noong 2005. Taong 2015, muling nag-alab ang entablado ng 14th Kasadyaan Fest nang umarangkada ang Streetdancing Competition na bukas para sa mga mananayaw sa loob at labas ng
munisipalidad. Sa anim na grupong lumahok, nangibabaw ang galing at husay ng Landan National High School-Performing Arts Group na nakatanggap ng P100,000.00. Kamakailan lamang, noong ika-10 ng Setyembre, 2018, naging lunduyan na naman ang paligid ng munisipyo ng maaalindog at masisiglang indakan kasabay ng mga ritmo’t mga hihmig. Suot ang mga makikintab na damit, ibinida ng limang kalahok mula General Santos City ang kahalagahan ng tuna sa kanilang kabuhayan. Kabilang dito ang General Santos Secondary School of Arts and Trades-Main C a m p u s ( G S S S AT ) , P e d r o Acharon Sr. Central
Pun
Tanawing nagbalik sa Kasadyaan Fest
Mabi
Tungo sa M
Dest
Elementary School (PACES), Lagao National High School (LNHS) at Fatima National High School (FNHS). Sa pamamagitan naman ng pagsasadula at pagsasayaw, pinabilib ng GSSSAT-Annex ang mga Alabelians sa pagpapakilala ng Kalton Festival. Sa huli, itinanghal na kampeon ang PACES na nakapag-uwi ng P100,000.00. Pumangalawa naman ang GSSSAT-Annex (P80,000.00) na sinundan naman ng LNHS (P60,000.00). “Sa lahat ng saya at ligayang hatid nito, hindi maitatangging ang sayaw na ito ay isang sining na nakakapagbigay ng ligaya. Sa lahat ng ‘Ohhh’ at ‘Ahhh’ na kalakip nito – ang Streetdancing bilang isang kompetisyon at kasiyahan… ay siguradong matatanaw sa bawat pagdaos ng Kasadyaan Festival,” sambit ni Hon. Joel Aton, Municipal Councilor. ni KAREN DAMICOG “Excited na gyud ko musakag 4th floor ug magklase didto ba!” Buong sayang sambit ng grupo ng mga mag-aaral sa Senior High. Tila pinababatid ang kanilang kagalakan bunga ng kaisipang papasok na sila sa pinakabagong mga silid ng paaralan. “Class, board work sana tayo. Pero wala tayong board.” Sa araw-araw at patuloy na pagtahak ng mga mag-aral sa daan tungo sa nais nilang paroonan, hindi lamang balakid ng tisikong mga aralin ang nagpapagulumi ng kanilang isipan, tangan din nila ang suliranin ng kanilang kinaroroonan. Bilang kabataang Juan dela Cruz, di mo mawari kung ika’y masisiyahan sa kadahilanang hindi na
Panginoon
[Larawan ni Duterte na nakatayo (2016)] Retrieved from: https://www.topgear.com.ph/ columns/the-drive-by-shooter/duterte-at-motogprace-a29-20160630
“I am a Christian and my God is not stupid.” Ito ang puna ng mga masugid na mananampalataya ni Kristo matapos namutawi ang mga salitang karima-rimarim mula sa pangulo ng bansang Pilipinas, Rodrigo Roa Duterte. Pag-igtad at pagkontrol ng pinsala ang kinailangan ng pamahalaan ng Pilipinas noong mga nakaraang buwan, buwan ng Hulyo taong kasalukuyan. Sa pagkakataong ito, ang dahilan ay taliwas sa mga karaniwang kinahaharap ng bansa. Hindi ito tungkol sa kahirapan, natural na kalamidad at lalong hindi tungkol sa kampanya ng pamahalaan kontra droga. Naging
Kritiko
sentro ng pinsalang ito ang tila pagsasawalang-bahala sa pundasyon ng Kristiyanismo. “Adam ate (the apple), then malice was born. Who is stupid God? This son of bitch is stupid if that’s the case.” Pagsusugid niya ng Bibliya. Ito ang mga katagang walang habas niyang binitawan sa ginanap na Technology Summit sa bayang kaniyang kinalakhan. “What I said was your God is not my God because your God is stupid. Mine has a lot of common sense.” Tila naging ugat nito ang sunod-sunod na mga kahindikhindik na pangyayaring kinasasangkutan
ng Kaniyang
ni KAREN DAMICOG
ng mga kasapi ng simbahan tulad ng pagpatay sa tatlong pari sa loob lamang ng pitong buwan ngunit mabilis pa sa alas dose na itinaggi ng kasalukuyang administrasyon ang persekusyon ng mga klero at sinabing hindi ito ang nais ipabatid na pangulo. Simula’t sapul, hindi na lingid sa kaalaman ng mamamayang Pilipino na kakambal ng pagkakakilanlan ng ulo ng bansa ang maruming pananalita na lampas sa retorika, ang mga polisiyang marahas at may kakaibang estilo na tila nag-iiwan ng bitak sa lahat ng madadaanan nito. Sa loob ng ilang taong kaniyang pamamahala, nabuo
na ang kabatiran sa isip ng mga Pilipino ang kaniyang kakaibang paraan sa pagsugpo ng mga problemang kinahaharap ng bansa. Minsa’y hindi na nga maitatanggi na nasanay na ang mga Pilipino sa kaliwa’t kanang balita ng patayan sa bansang kanilang kinabibilangan. Mayroon pa bang puso Pilipinas? Ano sa iyong palagay? Tila ang pangyayaring ito ay nagpapakita sa ugat ng mga karahasang nagaganap na siyang tuluyang nagpapalugmok sa bansa. Ibang usapan na ang isyung ito dahil sa pagkakataong ito, tila nasagasaan ang Panginoon ng kaniyang kritiko.
maipapatuloy ang aralin at hindi ka na mahihirapan o mababagabag dahil tila dumaan na ang apat na buwan ngunit hindi pa rin natutugunan ang mga pangangailangan. Isiniwalat ng Komisyon sa Pagsusuri (COA) ang mga suliranin hinggil sa iilang establisyementong hindi pa napapakinabangan at kulang na mga kasangkapan sa pag-aaral dahil sa mga depekto sa imprastruktura at kawalan ng pahintulot sa paggamit ng nakatataas sa mga lalawigan ng Metro Manila, Ilocos at Cebu. “The Basic Education Facilities Fund was intended to address the surmounting classroom shortage the schools are experiencing at present.” Napag-alamang ilan sa mga
Sangka ni KAREN DAMICOG Sa kaniyang kabutihan, nagpamalas siya ng hindi mabilang na mga bagay na matatawag mong inspirasyon. Sa kabilang banda, siya lamang ay isang mamang iyong makasasalubong sa daan—nakasuot ng sandong butas at purontong na kupas. “Be humble.” Hindi lamang isang beses niyang isinaad ang mga katagang ito nang siya’y aking kapanayamin sa tulong ng makabagong teknolohiya. Hindi ko man siya nakausap ng harapan, sa kaniyang bawat katagang isinasaad, bantad na bantad ang kaniyang pagiging disente at pagiging respetadong indibiduwal. Sa simpleng pakikipagpanayam ko sa isa sa mga mag-aaral noon ng aking paaralan, sandamakmak na kaalaman ang aking natutuhan. Bagay na nagbigay sa akin ng kaba sa tuwing may binabato akong katanungan sa kaniya. “Sir, naisip niyo po ba talaga noon na mararating niyo po kung saan man kayo ngayon tulad ng pagkakaroon ng
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
LATHALAIN
ndasyon
tinasyon
kuha ni Apple Guatlo establisyementong pinaglaaan ng P326.31 milyon sa mga paaralang itinayo ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ay hindi pa nagagamit dahil sa iba’t ibang problema ng mga ito. “OUT OF ORDER” Dagdag pa ang mga salitang ito na nagpapalamlam sa mga litidlitiran at nagpapangatod sa mga kasukasuan ng mga mag-aarla sa panahong nagbabadya na namang maglaro ang tadhana. “Thus, the non-utilization of the completed school buildings due to lack of electricity and water and school facilities and delayed turnover hindered the delivery of quality basic education to the intended beneficiaries.” Paglalahad ng Komisyon sa Pagsusuri
“If not corrected or rectified by concerned contractors, it may result in wastage of government funds and deprive the public of the maximum use of the infrastructure.” Dagdag ng naturang komisyon. Nawa’y matakpan na ang butas na sumisira sa ating itinuturing na pundasyon nang hindi tuluyang rumagasa ang hangin na untiunting hahawi sa nasimulan ng mga Pilipinong mag-aaral. Agarang aksyon ang kinakailangan sa mga balakid na ito at hindi dapat natin hayaang matapos ang paglalagom ng kaisipang ito rito, sana’y sa araw-araw na pag-inog ng mundo, magpatuloy ang pangungulikil sa kaisipang ang mabisang pundasyon ang susi tungo sa minimithing destinasyon.
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
magandang trabaho sa Bangko Sentral ng Pilipinas?” Ito ang linyang naging dahilan upang magsalimbayan ang aking samu’t saring emosyon at mabuo ang maraming katanungan. “No. Never crossed my mind. I just want to have a simple job in Gensan perhaps... Any dignified job will do.” Ang kaniyang tugon ay tila naging hudyat sa pag-ibabaw ng mga palaisipan sa aking isipan. “So sir, sino o ano po ang nagtulak sa inyo para marating sa kinalalagyan niyo ngayon? “I really don’t have any idea at first kung ano ung napasok ko.” Ayon nga sa kaniya, gaya ng karamihan, isa lamang siyang simpleng tao. Isang simpleng anak, kapatid, mag-aaral, kaibigan, katrabaho at mamamayan. “With God’s help. Lahat naman I believe kasi na if it's for you then it is for you. Opportunity din siya so just do your best.” Tunay ngang ang pagkatuto ay walang patid na proseso. Siya ay
bilang ng aksidenteng nangyayari sa daan sa buong lupalop ng Pilipinas ayon sa World Health Organization
Yolanda sa Kalsada ni KAREN DAMICOG “Ang sana’y masayang joy ride ng magbabarkada, nauwi sa trahedya.” Sumilakbo ang damdamin ni Joy, isang simpleng mag-aaral nang sumahimpapawid sa pahayagan ang balitang ito. Sa pahat na isipan ng mga mag-aaral, kay sayang mag-aliw diba? ‘Yung tipong kay sarap damhin ng makulay na buhay subalit sa lubos na kasiyahang nadarama, madalas nating nakaliligtaang isipin na hindi natin hawak ang lahat. Wala ni isa ang may kabatiran kung ang sana’y masayang pagsasama-sama ay mauwi sa karimarimarim na trahedya. “Mga beshy, joyride tayo!” Paglalahad ni Joy sa mga naunang pangyayari. Nasa loob pa lamang ng paaralan, walang humpay ng namutawi sa bibig ng kumpol ng mga mag-aaral ang mga katagang ito. Ano nga ba ang sayang dulot nito sa kanila? Isa-isang ihahatid sa kani-kanilang tahanan. Pauso pa nila, ang may pinakamalayong bahay ang siyang unang ihahatid. Lulan ng isang maliit na sasakyang mababanaag mong luma na ay nakikipagkarera pa rin sa iba at kahit nagsisiksikan, purong kasiyahan ang iyong masisilayan sa mata ng bawat isa,
kahit pa yata isampal mo sa kanila ang karatulang sumisigaw ng “NO OVERLOADING” tutuloy at tutuloy pa rin. “Nong, marami kami. Discount ha!” Pagsasalaysay ni Joy sa mapanuyong sambit ng kaniyang kaklase sa nag-aabang na tsuper. Hindi maikukubling isa rin ito sa dahilan ng ibang mag-aaral. Hindi nila inaalintana ang maaari nilang kahihinatnan, makatipid lamang ng kakarampot na piso. Lumalabas sa pagsusuri ng World Health Organization (WHO) na kadalasang sangkot sa mga trahedya sa daan ay ang mga pampublikong sasakyan. Ayon sa datos, mayroong 1,512 na bilang ng mga kasong naiulat subalit tinatayang umaabot sa 10, 351 ang bilang ng aksidenteng nangyayari sa daan sa buong
lupalop ng Pilipinas. “Isang mas mahigpit at masusing pag-iinspeksyon ang aming ipapatupad” Ito ang tugon ng Land Transportation Office (LTO) sa binabatong puna ng madla. “Nagsisi po talaga kami sa aming ginawa. Sana po ay hindi na tularan ng iba.” Puno ng pagtatangis ang kaniyang mga mata sa bawat katagang kaniyang ipinapahayag. Sariwang-sariwa pa sa kaniyang gunita ang masaklap na kinahinatnan nila. Na sa kanilang pag-uwi sa kanilang mga pamilya ay pantay na ang paa ng kaniyang mga kasama. Batid ng lahat na hindi matatapos ang paglalagom ng isyung ito rito subalit sana’y ang pagkaalpas ng buhay ng iilan ay magsilbing paalala sa’ting lahat. Sana’y magkaroon ng kabatiran ang mga mamamayan na kahit hindi man natin tuluyang maiwaglit ang disgrasyang babagyo sa daan, sana’y ating maiwasan ang tuluyan nitong pagragasa ng hindi natin alintana, ang Yolanda sa kalsada.
Alvin Gamat
tiyak na dilat sa kaalaman. Siya mismo ay nakipagsapalaran, tinahak ang sa kaniya’y nag-aabang na oportunidad, nakadama ng karangyaan sa buhay at nasilayan ang iba’t ibang kagila-gilalas na lugar hindi lang sa Pilipinas. ”Kung masasabi ko man na achievements tong mga nagawa ko, after you got it, enjoy it for a while then forget about it. Pag nandito ka, you would realize ang dami-dami pang dapat matutunan. So I think, one must really be humble.” Aking tiningala ang kompiyansang sinisigaw ng kaniyang bawat salita. Nabuo ang aking paniniwala na balang araw, matatagpuan din ng katotohanan ang ngayo’y isa lamang mithiing nag-aapuhap sa puso ng tulad kong kabataan. “Life should not be measured by money. It should be by… Are you happy with your life? It should boil down to that and respect. Respect people whoever they are especially yung elders natin. They have more wisdom.”
9
ang
ap ng Pagpupunyagi ng isang
Tatak Sarangan!
10,351
isang
Minimithing
alayngsarangani ang
Ang kaniyang pagpupunyagi ang magsasalita para sa kaniya. Siya ay nagtagumpay sa pamamagitan ng paghugot sa maraming posible mula sa hindi mabilang na imposible nang puno ng pagpapakumbaba sa puso at tiwala sa sarili. Sa patuloy na pag-inog ng mundo, ito sanay magsisilbing tagapagligtas at tagasibol ng pag-asa sa bawat kabataan. Ang pagkakaroon ng kabatiran na ang tunay na susi ng tagumpay ay hindi lamang kaalaman, sangkap rin nito ang pagtitiwala sa sarili, pagpapakumbaba, pagsusumikap at pagkakaroon ng respeto sa kapwa. Maaari ay natagpuan na niya ang puwang na marapat sa kaniya ngunit siya pa rin ang totoy na naging mapagmahal na anak, maunawaing kapatid, mabuting kaibigan, responsableng mamamayan, Mr. Gamat ng kaniyang mga propesor at kapuripuring Sir Alvin Gamat sa kaniyang mga guro at sa mata ng kabataang tulad kong nangangarap.
Photo Credits:Larawang mula mismo kay Alvin Gamat
10alayngsarangani OPINYON ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
REAKSIYON
MARYNICOLE RAMOS
@MARY-@gmail.com
Tatak ng Pilipino, isa ka ba sa kanila?Hangal. Tanga. Gunggong. Mga katagang mailalarawan ng mga dayuhan sa mga lahing kayumanggi subalit sa kabila ng mga panghahamak tila hindi nakaaapekto sa pang-araw-araw na pakikipagsapalaran sapagkat makikita natin ang katangian ng isang taong kilala sa kanyang katalisikan sa pakikibaka sa mapanglait na mundo ng katotohan. Masakit isiping laitin tayo ng mga nakapalibot sa atin ngunit pilit na iwinaksi sa damdamin at isipan ang mga pangyayaring napagdaanan upang maipagpatuloy ang pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay. Tatak “Maňana Habit” ang iba’y tawagin. Indiyo naman ang ikinintal ng mga Espanyol sa diwa ng nagsusumamong mga Pilipino. Ayon kay Jessica Soho
isang batikang mamamahayag, ang panlalait ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Nagsimula pa ito sa panahon ng mga kastila subalit ang mas malaking tanong ng karamihan, hindi nga ba ito maaring tapusin kahit kailan? Niyayapakan na ang pagkatao ngunit pilit pa ring bumagon upang ipakita sa mundo na matatag at taasnoo kahit kanino. Iba ang biruan sa panlalait. Ang panlalait ay di naging bahagi ng mga tunay na katangian nang mabubuting Pilipino. Ito’y dapat kundinahin sapagkat di ito makatarungan at nakasasakit ng kapwa. Kalokohan ang isipin o tanggapin ito bilang isa sa ating mga katangian bilang mga Pilipino ayon kay Bong Ablay isang Pilipino. Pilit na ipinaglaban ang lahi sa kabila ng mapanghamak na mundo na nagpapatunay na may dugong Pilipino.
Alay ng Sarangani
ALAY NG SARANGANI
GUMAWA NG LIHAM
Inbox
3
INBOX NG EDITOR
BANTAY JADE ALEGRE
@jmpolistico@gmail.com
Liham para sa aming mga Guro
Ating masasaksihan ang pagpupunyagi ng iba nating kababayan. Kasabay ng mga kalahi nating sumikat sa iba’t ibang larangan isa na rito si Sen. Manny Pacquiao, Pia Wurtzbach at marami pang iba. Nagpapakita na ang mga Pilipino ay may katangiang ipagmalaki lokal man o internasyonal. Hindi lingid sa ating kaalaman kapag may hindi kaayayang mga salita ang mamutawi sa mga labi ng karamihan na dustain ang sinoman ay may karampatang parusa na tinatawag na “persona non grata” upang protektahan tayo sa pagalipusta ng mga taong mapanghamak. Sa katunayan, nagpapakita ng positibong resulta ang pagpupunyagi ng mga kalahi na ipagmalaki sa buong mundo na tayo ay Pilipino sapagkat marami ng patibay na naipakita na may kakayahan tayong makipagsabayan sa globalisasyon na aakay sa atin sa rurok ng tagumpay. Kaya malaki ang maitutulong kapag may integridad ang bawat isa upang itatak sa kanilang isipan na tayo ay hindi isang INDIO kundi isang tunay na lahing Pilipino sa ISIP sa SALITA at sa GAWA.
Dear Ma’am/Sir, Noong kami’y nagsimula sa inyo kami ay estranghero subalit sa pagdaan ng bawat araw na tayo’y magkasama kami ay inyong kinilala’t hinulma. Kung tadhana’y maglalaro kapag tayo’y muling magtatagpo taas noo naming saludo ay sasalubong sa inyo. “Ma, kaila pa ka asa inyong mga maestra sa una?” Biglaang tanong ko kay mama tungkol sa kaniyang mga guro. Hindi ko inilathala ang akdang ito upang ipaalam ang kadakilaan ng ating mga bayani sa silid-aralan dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang kabatiran ng lahat tungkol dito. Nabuo ang pagtataka sa aking isipan nang minsa’y sumagi rito kung nasaan na nga ba ang mga bayaning tila tinapos na ang misyon sa pagsubaybay sa mga kabataan sa pagtahak sa proseso ng habambuhay na pagkatuto. “Wala na oy. Tigulang na gani ko, sila pa kaha?” Tila umatras ang aking dila at hindi na naitanong ang sanay’ kasunod pang tanong nang sinambit ni mama ang mga katagang iyon.Oo nga naman, tama si mama. Ang ilan siguro sa kanila ay masaya ng ginugugol ang kanilang buong oras sa mga mahal nila sa buhay. Ang iba’y ipinagpapatuloy pa rin siguro ang pagtuturo sa mga miyembro ng kanilang pamilya, siguro’y ninanamnam na nila ang pagiging lolo at lola at hindi rin imposibleng kasabay ng kanilang pagtanda, sila’y matatag na nakikipaglaban sa kanilang karamdaman. Sa iniibig nating Pilipinas, lubos na kinikilala ang malaking ambag ng ating mga guro sa pagpapanday ng magandang kinabukasan ng bawat kabataan. Kasabay ng pagkilala sa kanila ay ang pag-alala sa minsan na nilang pambubulyaw sa klase, pagpapatawa, pagiging istoryador, pagiging istrikto, pagiging inspirasyon at marami pang katangiang tinatangi ng ating dakilang mga tagapagturo. Ano mang paglalakbay ang mayroon tayo, lahat ito ay may pareparehong dulo. Isa-isa tayong babalik sa ating manlilikha. Gayunpaman, ang kaalamang ibinahagi ng bawat tagapayo sa buhay ng mga mag-aaral, magpakailanma’y mananatili. Ang kaalaman na aming tinataglay ay katumbas ng alaala ng bawat gurong aming nakilala. Lisanin man nila ang silid-aralan, sila’y habambuhay na mananatili sa aming pahat na mga isipan.
Tugon ng Patnugot JOHN MARK C.POLISTICO-
ALABEL, SARANGANI PROVINCE
“Apol” Guatllo Dear Editor..... Phoenex Hi Editor..... Meo
Nabasa
Eow Editor..... Update your .....
Importante
CSdropbox........
Naipadala
Pangangailang Kailangan Ng May Kapansanan
Ang Edukasyon ay isang mahalagang pamumuhunan sa buhay na binibigyang diin upang ang karunungan ng bawat indibidwal mag adhikang mapabuti ang buhay sa kanyang sariling pagsisikap at kakayahan. Alinsunod sa DepEd Memo. No. 72, s. 2009- Inclusive Education as Strategy for Increasing Participation Rate of Children, nangangahulugang ang mag-aaral na kinakailangang handugan ng espesyal na kalinga ngunit marami pa ang dapat isaalang-alang sa usaping ito. Handa ba ang mga paaralan sa panibagong pahina ng edukasyon sa ating bansa? Ito na ba ang kasagutan na paraan o alternatibo upang matamasa ang pangarap ng irregular at espesyal na bata? Kabilang ang mga batang espesyal katulad ng may autism na talagang malawak ang saklaw. Kaagapay ng programang ito ang masinsinang pagpaplano at pagsasanay sa departamento. May mga programang hindi lingid sa ating kaalaman nariyan ang SPED program ng departmento ng edukasyon na naglalaan ng tulong sa mga nangangailangan na mga may kapansanan. Layunin nito na mabigyan at magkaroon ng pantay-pantay na kalidad na edukasyon ang bawat isa. Walang labis, walang kulang, iyan dapat ang turingan ng lahat sa isa't isa, at may iisa talagang naiiba na nangangailangan ng ekstrang atensyon kaya dapat ay marunong tayong umunawa, sapagkat kailangan din nila ng suporta ng kapwa niya mag-aaral at mga guro, dahil hindi natin masasabi baka siya ang makapagbabago ng landas ng ating bansa na tinatahak ngayon. Bigyang priyoridad ang pangangailangan na kailangan ng may kapansanan.
Iginuhit ni Hannah Princess Peligro
INDIO
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
See previous<<<
Apol, Sumasang-ayon ako sa iyo na mahalagang maramdaman na sila ay pinangangalagaan at mabigyan ng halaga dahil ang paaralan ay tinatawag na pangalawang tahanan ng mga mag-aaral. Tungkol naman sa mga taong tagalabas na pumapasok at sanhi ng kaguluhan sa paaralan, tinitiyak kong bibigyan ng kaukulang aksiyon sa pamamagitan ng pahayagang ito lalong lalo na ang guwardiya na magampanan nila ang kanilang tungkulin sa pagbabantay sa seguridad ng mga mag-aaral. Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa Punong-guro na si G. Loreto J. Gindap kasama ang School Governing Council, gumawa na sila ng hakbang upang matugunan ang naturang suliranin sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga pulis sa loob at labas ng kampus. Sana naliwanagan ang iyong isipan at salamat sa iyong pag-aalala. Nawa’y ipagpatuloy ang iyong matayog na imbulog.
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
LATHALAIN
“When I grow up, I will travel around the world.” Sa isipan ng mga kabataan, madalas pa sa madalas nilang ninanais ang malibot ang buong mundo. Maraming pagkakataong pinangarap nilang maglakbay sa ibang bansa. Marating ang Korea at makita ang iniidolong KPOP stars. Makaabot sa France, masilayan ang Eiffel Tower at lasapin ang mga masasarap na pagkain. Makapunta sa Cambodia para makita ang Angkor Wat o bisitahin ang pinakamalaking istatwa ng Buddha sa Tsina. Mabusog ang mga mata sa museo ng Louvre, masilayan ang Mona Lisa, ang iba’y pinapangarap pang makatungtong sa tuktok ng Mt. Everest at marami pang pook na kagila-gilalas. Subalit sa tulad kong isang simpleng mag-aaral na malayo-layo
Kislap Mula sa Dawis ng Kahapon ni KIMVERLY MOMO
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ay ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Dumaloy sa kanan at kaliwang pisngi hanggang sa ito'y bumagsak sa lupa. Walang tigil sa pag-agos ang mumunting tubig na nagmumula sa kanyang mapanglaw na mga mata. Kakabit ng bawat pumapatak ay sakit at dawis. Nakatingala sa kawalan habang mataimtim na pinagmamasdan ang nangingitim na kalangitan. Inaalala ang kahapon. Kahapon na labis niyang pinagsisihan at ayaw niyang muling balikan. Magulo ang kinagisnan niyang buhay. Alak at sigarilyo ang halos araw-araw niyang nahahawakan. Dalawang bagay na itinuring niyang parang kayamanan at ayaw niyang sa kanya'y mahiwalay. Pagsapit ng dilim, nakapalibot sa isang mesa kasama ang mga barkada. Pinagpasa-pasahan ang maliit na baso na may lamang dilaw na likido. Kasabay ng paghithit niya ng sigarilyo ay ang pagtungga ng isang basong alak. Tawanan at asaran ang maririnig sa gitna ng kanyang kasiyahan. 'Di niya alintana
ang lumalalim na gabi at patuloy sa nararamdamang kaligayahan kasama ang mga kaibigan. Sa kanyang pakikipagsapalaran sa buhay, kasama ang mga barkadang itinuring kasangga sa buhay, sumubok tumikim ng ipinagbabawal na gamot. Naengganyo. Nasiyahan. Nabaliw sa droga. Iba't-ibang klase ng droga ang kanyang nasinghot, nahithit at natikman. Hindi nakuntento at sumali sa isang kapatiran. Pagmamalabis at pananamantala ang kanyang naranasan sa kamay ng mga taong abusado. Tadtad ng sugat ang buong katawan at naliligo ng sariling dugo. Nasira at naging miserable ang kanyang kapalaran. Itinakwil at nilayuan ng sariling pamilya dahil sa marungis niyang pagkatao. Doon niya napagtanto ang malaking pagkakamali na naging sanhi ng kanyang pagkalugmok. Nais niyang magbago. Magsimula ng bagong kabatana sa kanyang paglalakbay. Suminsay sa mga bisyo na naging dahilan ng kanyang pagkasadlak. Nilayuan ang mga
kaibigan na naghatid ng masamang impluwensya at nagturo ng maling landas. Sa muli niyang pagharap sa mga hamon, naging positibo ang kanyang perspektibo at pananaw. Isinantabi ang takot, sindak at pangamba ng kanyang puso. Nilimot ang kanyang mapait na kahapon at pinilit magbagong buhay sa gabay ng Poong Maykapal. Hindi nag-atubiling pumasok sa isang bahay-tanggapan o kung tawagin ay "rehabilitation center". Iginugol ang oras sa mga gawaing makabuluhan. " Hindi pa huli ang lahat" ang nabanggit niya sa sarili at sumilay ang napakatamis na ngiti sa kanyang labi. Nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata dahil sa labis na kaligayahan. Tumingala sa kawalan at nagwika. "Tuluyan ko nang ibabaon sa limot ang mapait kong nakaraan. Sa muli kong pagharap sa panibagong kabanata ng aking buhay, hindi ko na kailanman uulitin ang pagkakamaling labis kong pinagsisisihan. Hindi pa huli para magbago", pumapatak na luha, nilimot ang kanyang madilim na kahapon.
PINATINGKAD NG KAHAPON ni KIMVERLY MOMO
Larawang kuha ni Richard Ybanez
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
11
Naggala ko na ang Mundo: Lakbay Sanaysay ng Isang Mag-aaral
ni KAREN DAMICOG
kuha ni Richard Ybanez
alayngsarangani ang
Ang isang ginto ay hindi matatamasa nang walang katambal na pagsusumikap at pawis na nagmumula sa matinding pagkahapo na sinasabayan ng pagbaybay ng luha mula sa namamarak na mukha. Tanyag ang pangalang Crispen Soliven na kilala bilang Schools Division Press Conference Superintendent ng Dibisyon ng Sarangani na dating naglingkod sa Dibisyon ng South Cotabato. Isa sa kagalang-galang at respetadong
pa ang daang tatahakin para maabot lahat ng iyan at umaasa lamang sa kakaunting allowance na inaabot ng mga magulang, kahit pa yata isang taon kong hindi gastusin at ipunin ang baong iyon, matagal-tagal ko pa ring maisasakatuparan lahat ng ninanais kong marating. Gayunpaman, mas masaya ang aking araw-araw na paglalakbay dahil marami kami sa pamamasyal na ito. Ang aming paaralan ang aming mundo. Ang Tsina ay ang school entrance kung saan sasalubong sa iyo ang istatwa nina Jose Rizal at iba pang magigiting na mga bayani. Ang aming school canteen ay ang bansang France kung saan aming naamoy ang masasarap na pagkaing aming nabibili. Ang speaker sa tuktok ng admin office ay tila Eiffel Tower. Ang aming school ground ay ang Piazza Navona sa Italya kung saan napakaraming mga bisita, kaibigan, at
mga kamag-aral ang nagkukumpolan para magkwentuhan. Ang aming silid-aralan ang tutok ng Bundok Everest kung saan tumatayog ang aming mga kaalaman. Ang aming guro ang aming Mona Lisa, laging nakangiti. Hindi lang yan, sa buong paligid ng paaralan ay mala-Korea, makasasalubong mo ang iba’t ibang mag-aaral na tila KPOP stars sa gwapo’t ganda. Sa pagtayo mo sa aming paaralan, tila nalibot mo na ang buong mundo. Sabi nga ng isang manunulat “Ang tunay na daigdig ay hindi laging isang napakalaking bato na nakalutang sa kalawakan. Minsan, ang mundo ay maaari ring sinliit ng puso.” Sa aking paaralan, dito ko natagpuan ang kakaibang mga karanasan at kasiyahan.Sinong magaakalang noon ko pa pala nalibot ang buong mundo.
TUGUNAN MO ANG PAGBABAGO Napakalaking epekto ang dulot ng maya’t maya’t pagtaas ng halaga ng mga produkto at serbisyo sa mga pampublikong pamilihan lalong-lalo na sa mga mamimili na walang sapat na pagkukunan ng salapi. Sa isang mini press conference na ginanap sa Lun Padidu National High Shool, kinuha namin ang pagkakataong mahingan ng payo ang naimbitahang tagapagsalita na si G. Crispen Soliven ukol sa mga paraan sa pagtugon sa napapanahong pagbabago na inflation rate. Narito ang tatlo sa pinakamahalagang bagay na dapat nating tandaan upang maiwasan ang paggasta ng pera at kung paano matutugunan ng isang indibidwal ang inflation rate:
1 2 3
Gamitin ang pera sa matalino at madiskarteng pamamaraan. Magtipid sa kuryente upang hindi lumaki ang bayarin. Bilhin lamang ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain.
Umaasa ang pahayagang ito na makatutulong sa inyo ang mga naibigay na tips ni G. Soliven upang kayo ay mas maging epektibo at produktibong indibidwal. Sa munting pamamaraan, matutugunan natin ng mabilisang pagtaas ng presyo ng mga bilihin . Maging isang responsableng mamamayan para sa ikauunlad ng ating bayan.
personalidad ng Kagawaran ng Edukasyon na pumukaw sa maraming nalugmok na indibidwal at makamit ang kanilang hinahangad. Ang agos ng kanyang buhay ay tila ba pinagkaitan ng kapalaran dahil sa kahirapang kinagisnan. Siyam silang magkakapatid at nakatira sa isang bahay na yari sa pinagtagpi-tagping arbol. Namulat siya sa karukhaan at binalot ang kanyang paligid ng kagipitan. Ngunit sinong mag-aakala
na sa kabila ng kahirapan na kanyang pasan-pasan sa mundong kanyang ginagalawan ay makakabangon siya sa karalitaan. Isa ng matagumpay na indibidwal at marami ng narating sa kanyang mahaba-habang paglalakbay. Ang Crispen Soliven na naging mahusay na tagapagsalita sa ginanap na mini press conference na naghatid ng makapukaw damdamin na mensahe para sa nangangarap na daan-daang mamamahayag na maabot ang sukdulan ng tagumpay.
12alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
AGHAM
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
Pagpapahalaga sa Agrikultura, tampok sa SCI-Camp ALLAN PAREJA Upang pasiklabin at buhayin muli ang pagkawili ng mga mag-aaral sa agrikultura, ang National Science Club Month 2018 ay binigyang kahalagahan ang agrikultura bilang agham na naghahain ng pagkain sa ating hapag kainan. Kalakip ng tema ng selebrasyon ang “Agrinnovate” ang YES-O club ng Alabel National High
School ay nagkaroon ng tatlong araw na tinatawag na Agriversity na kung saan magkaroon nang lubusang pagbabago sa pananaw upang mapanatili ang pagsulong ng agrikultura noong Septiyembre 20- Oktubre 02 sa Alabel. Sarangani Province. “Ngayong naranasan ko kung gaano kahirap ang kanilang trabaho, napagtanto ko na hindi sayangin ni
isang butil ng bigas sa bahay” sabi ni Francis Jason Boholst isa sa mga campers pagkatapos maranasang maging magsasaka sa Galido farm, Kawas Alabel. Bukod pa rito,ang hangaring maipakita ang totoong kahulugan ng pagsasaka ay naisakatuparan sa tulong ng mga pangkat ng YES-O, sa pamumuno ni John Mark Polistico, pangulo ng YES-O, Gng. Rolicel
Tribunalo, tagapayo, mga guro at ibang kawani na tumulong. “Maliban sa pagkakaroon ng kaalaman at pagkaaliw, natutunan rin nila ang kahalagahan ng pagsasaka sa ating pang-arawaraw na pamumuhay.Higit sa lahat, naipakita nila ang kanilang sarili at napatunayan na may magaganda sila magagawa” sambit ni Gng. Rolicel Tribunalo.
Flower Inducer, ibibida ng ANHS LEA KATE CABARRUBIAS
Ibibida ng mga batang mananaliksik mula sa Alabel National High School ang kanilang proyekto tungkol sa Flower Inducer ngayong DIC, September 27-29, sa Kiamba, Sarangani Province. Sina Rhoda Ebad at Jarah Miana na pawang nasa ika-sampung baitang, pangkat Isaac Newton ang mga napiling kumatawan sa paaralan ng Alabel National High School upang ipakita ang kanilang angking galing sa larangan ng siyensya. Ayon sa mga representante, ang kanilang SIP o Science Investigatory Project ay isang flower inducer na nagmula sa katas ng pinaghalong maskubado at linigis na saging at ito’y ipinapakain nila sa kanilang inaalagaang Vermi Worm. Ang dumi ng Vermi worm na tinatawag na Bermi cast ay ginagawang pangwisik o spray para sa mangga na kanilang ginawa noong ika-22 ng Agosto taong 2018 sa Comlab 1. Ipapakita ng mga diputado ang kanilang kahusayan sa pag iimbestiga na may kaugnayan sa agham ngayong darating na DIC, September 27-29 sa Kiamba, Sarangani Province.
ANG MGA FILIPINO AY NAKAPAGPAPADALA NG KARAMPATANG BILANG NA
700,000,000 SMS MESSAGES ARAW-AWAW
SOURCE:ADMA SOCIAL& DIGITAL MEADIA YEARBOOK
GRAPHICS GAWA NI MARK POLISTICO
Sarangani humakot ng 27 Health Awards ALLAN PAREJA Nagbunyi ang buong probinsya ng Sarangani matapos makakuha ng 27 na parangal mula sa ginanap na Mega Awards na pinangunahan ni Department of Health (DOH) Assistant Secretary Abdullah Dumama noong October 16. Isa sa mga iginawad sa programang pangkalusugan ng probinsya ay ang Zero Open Defecation Award (ZOD) kung saan nanguna ang Sarangani sa buong rehiyon sa may pinakamaraming naitalang barangay na may mga kubeta na ang bawat kabahayan. Samantala, ayon kay Provincial Health Officer Doctor Arvin Alejandro, ang naturang parangal ay bunga ng pagkakawang-gawa ng mga opisyal ng probinsya at maging a Barangay Health Workers "These awards are worth rejoicing for but let us not forget that this is another challenge for us to make the best of ourselves to better serve our community," saad pa niya.
Gilas ng STEM Archetypes, namukod-tangi LEAH KATE CABARRUBIAS
LIGTAS ANG MAY ALAM. Bilang parte ng Serbisyong Smile sa Paaralan, nagsagawa ng “Basic Life Support and Fire Fighting Skills Training” ang Alabel FIre Station at MDRRM Officers sa mga estudyante ng Alabel National High School noong May 27.(kuha niCeleste Guatlo)
ANHS hinasa ang kakayahang magsalba ng buhay ALLAN PAREJA
Upang mahasa ang kakayahan at galing ng mga mag-aaral sa pagtugon sa anumang mangyayaring sakuna maging natural o gawa ng tao, ang Alabel National High School ay nagsagawa ng kauna-unahang 3-araw na school-based Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) pagsasanay na may temang "Saver's Camp" noong Hulyo 20-22. Kasama ang Municipal DRRM team, sa pamumuno n Ian Donaire, EMT, ang "SAVER's" ay binigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kaalaman at kakayahang magsagawa ng "Basic Life Techniques kagaya ng paglapat ng "Cardiopylmonary Resuscitation (CPR) sa panahong ang biktima ay "no pulse, no breathing", Basic First Aid, at Man's Carry. Bukod dito, ang Fire Protection ay nagbigay
rin ng kabatiran tungkol sa wastong paggamit ng fire extinquisher at Backet-relay bilang alternatibong paraan sa pagpuksa ng apoy. Hinasa rin ang mga "SAVERS" sa pagsagawa ng "Hailing" na kung saan bahagi ito ng Search and Rescue techniques sa paghahanap ng mga nawawalang biktima sa oras ng landslide o di kaya'y tectonic quake. Sa huling araw ng nasabing gawain, ang MDRRM ay nagsagawa ng Simylation exercises (Simex) upang masukat ang natutunan ng mga "SAVERS" sa tatlong araw na pagsasanay. "This is not just a mere camp, this is a preparation for the unwanted events that may happen and I'm proud that almost 80 students accepted this challenge" ayon kay Carmela Lumantas, School DRRM Coordinator.
Pagbangon. Taglay ang mantrang “Filipino: Wika ng Saliksik,” namayagpag sa larangan ng pag-indak, padudula at pag-awit ang 25 mag-aaral ng Baitang 12-Polaris o STEM Archetypes nang mapagtagumpayan nila ang kampeonato sa ADuSay sa HimnasyoAlabel, Setyembre 14. Sa mahigit kumulang 1000 manonood, umangat ang walongminutong presentasyon ng grupo tangan ang konseptong “Pagbangon ng mamamayang Pilipino.” Nakapagtala sila ng kabuoang 92 na puntos dahilan pang ungusan ang Baitang 10 na nasa pangalawang puwesto sa iskor na 90 at Baitang 11 na may 87 puntos na nagtapos sa tanso sa kanilang “EJK-inspired routine .” Nasa pang-apat, panlima at panghuling gantimpala naman ang Baitang 9, 8 at 7. Ang kompetisyong ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ng Alabel National High School na kinapalooban din ng iba pang patimpalak tulad ng Pagguhit ng Poster, Paggawa ng Slogan, Pagsulat ng Tula, Isahang Pag-awit, Paglikha ng Modernong Filipiniana, Sabayang Pagbigkas at ang Mutya at Lakan ng Wika. “Ang pagsama ng komite sa Adusay sa tradisyonal na hanay ng aktibidad ay maituturing kong ‘missing link’ sa buong-buwang pagdiriwang ,” paliwanag pa Robert Baluyot, tagapayo ng Diwa ng Kabataan Club.
AGHAM
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
13
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
Alighong Kaligayahan EDITORYAL
Hungkag na kamalayan ng isang indibiduwal ang makararanas ng
napakasimbuyong karamdamang iwaksi man sa isipan nanalaytay naman sa iyong marupok na bena ng katawan, isang pangalan na ginamit upang mailarawan ang isang kumbinasyon ng mga maaaring nakamamatay na mga impeksiyon at kanser na maaaring magdulot ng maagang pagkitil sa buhay kapag ang immune system ng isang tao ay nasira ng HIV-AIDS. sang sakit maaaring maipasa sa sinoman na nagangailangan ng atensiyong medikal upang maipagamot. Ang mga sintomas ay nag-iiba mula sa tao hanggang sa tao. Ang tanging paraan upang matiyak na may HIV ay ang magkaroon ng isang HIV test napakahalaga na ito ay masuri upang makapaghanda, mabigyan ng pagkakataon makapagamot, mapangalagaan at pananatiling mabuti. Ayon Department of Health (DOH) ay nag-ulat ng 993 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV), na nakakaapekto sa kabataan, sa Hunyo 2018 sa buong bansa. irus na nag-iiba ay mula sa bawat isa na rito ang mga kombinasyon ng mga anti-HIV na gamot ay maaaring mapanatili ang immune system na malakas dahil dito ang bilang ng mga taong na-diagnosed na may AIDS ay bumagsak dahil sa epektibong paggagamot sa HIV, maraming tao na nagdevelop ng AIDS ay magaling na ngayon at maaaring umasa sa isang mahaba at malusog na buhay kaya umabot ito 2.2 porsiyento na mas mababa kaysa sa 1,015 mga kaso na iniulat sa parehong buwan noong nakaraang taon. Sa 993 bagong kaso ng HIV, 77 ang namatay mula sa sakit, ayon sa isang ulat mula sa National HIV / AIDS & STI Surveillance at Strategic Information Unit (NHSSS) ng DoH's Epidemiology Bureau. ng tao na may maikling sakit na tulad ng trangkaso, madalas na tinatawag na 'seroconversion' na sakit, sa lalong madaling panahon pagkatapos na sila ay nahawaan ng HIV. Kabilang sa mga tipikal na sintomas ang lagnat, namamagang lalamunan, namamagang glandula, sakit at panganganak, at isang pantal na pantal. Labing-walo porsiyento o 174 taong nabubuhay na may HIV ang nasuri na "clinical manifestations of advanced HIV" o nakuha na immunodeficiency deficiency syndrome (AIDS), ayon sa NHSSS. to ay kumalat sa pamamagitan ng sekswal na pakikipag-ugnayan ay pa rin ang nakapangingibabaw na paraan ng paghahatid na may 977 na mga kaso (98 porsiyento). Ang walong daan at animnapung isang kaso (88 porsiyento) ay kasangkot sa mga lalaki na nakikipagtalik sa mga lalaki (MSM). Kasama rito Idinagdag nito na mayroong 594 na kaso ng sexual contact na lalaki-sa-lalaki, na sinusundan ng 267 mula sa pakikipagtalik sa parehong lalaki at babae at 116 ang nagmula sa sex sa lalaki-sa-babae. Dagdag sa iba pang paraan ng paghahatid ang pagbabahagi ng karayom sa mga gumagamit ng injecting na may pitong kaso at pagbubuntis na may dalawang kaso. umami ang nababahala sapagkat may ilang mga anti-HIV na gamot ay maaaring maging sanhi ng isang allergic reaction. Dapat i-screen para sa anumang mga panganib na kadahilanan, binigyan ng babala tungkol sa mga posibleng sintomas, reaksiyong alerdyi, makipag-ugnay sa klinika sa HIV o Accident at Emergency sa lokal na ospital. Ang mas epektibong side-effects ay maaaring magamit ng mas mataas na antas sa mga taba ng dugo at sugars, mga pagbabago sa pag-andar ng bato o atay, o paggawa ng mga buto. Ikaw ay sinusubaybayan upang makita kung ikaw ay bumuo ng mga maagang palatandaan ng alinman sa mga epekto na ito. a katunayan may unang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) ay naitala, ang 2,705 na indibidwal, karamihan sa millennials, ay namatay na mula rito. Nagkaroon ng kabuuang bilang ng 56,275 na nakumpirma na kaso na iniulat sa HIV / AIDS at Art Registry sa Pilipinas (HARP), o "opisyal na talaan ng kabuuang bilang ng mga nakumpirma na laboratoryo na mga positibong indibidwal na HIV." Bilang tugon sa nakababahalang bilang ng biktima ipinanukala ang Philippine HIV and AIDS Policy Act of 2018 upang matugunan ang kumakalat na bayrus at maprotektahan ang bawat indibidual sa isang malagim na kahihinatnan kaya maging responsabling mamamayan upang hindi mabiktima ng ISANG KALATIS LANG NG ALIGHONG KALIGAYAHAN HUKAY ANG IYONG PATUTUNGUHAN.
I
V
A
TERey NATEn LEAH KATE CABARRUBIAS
Tumingin sa iyong paligid. Lila, asul at puting kulay na bulaklak iyong hanapin. Ba't hindi subukang ihain? Bulaklak kung ituring, ngunit benepisyong hatid ay labis labis. Di mo man pansin, ito'y madaling hanapin. Hindi mahal, ngunit nagbibigay sustansya sa katawan at lumalaban sa sakit na para sa iyo'y pait. Ano nga ba ito?? Lila, asul at puti ang maaaring kulay ng bulaklak na clitoria ternatea o mas kilala sa tawag na ternate. Asul ang kalimitang nakikita sa bakuran ng iilan na kung tawagin ay blue butterfly pea. Eh Ano Ngayon? Pagpapatibay ng buhok, may kakayahang gumamot ng problema sa pag-ihi, problema sa mata, pagpapatagal sa pagtanda, may properties na mabuti para sa dugo, ay iilan lamang sa benepisyong makukuha sa halamang ternate na ayon nga sa pananaliksik ni Ranal Patel, nagtataglay ito ng anxiolytic and anti-depressive actions kaysa sa ibang halaman gamit lamang ang katas nito.
Ano Pa? Mayroon Pa Ba? Iniinom ang katas ng iilan, bakit hindi gamitin, ihalo sa kanin at ihanda sa hapagkainan. Narito ang paraan sa pagluto nang mabigyang kulay at maging mas masustansya ang kanin na ihahanda sa ating tahanan. * Magbilad ng bulaklak ng clitoria ternate. *Mag pakulo ng tubig. *Ilagay sa kumukulong tubig ang binilad na bulaklak at patagalin ng hindi bababa sa limang minuto. *Para sa kanin, linisin ang bigay nang dalawang beses. *Matapos linisan, ang magsisilbing tubig ng bigas ng lulutuin ay ang pinakuluang ternate o ang katas nito. *Ilagay sa rice cooker o anumang klaseng paglulutuan nito. Hintaying maluto at ihain. Kahit saang putahe, maaari mong ihalo ang katas ng bulaklak na ito. Pwedeng gawing Jam, o inumin man. Makagagamot sa katawan, magbibigay kulay pa ng simpleng kanin, putahe o inumin sa tahanan. Subukan mo, nang makita mo.
I
D
S
Tigalgal na Pakiramdam LEAH KATE CABARRUBIAS
Umiyak.Sumuko.Maglaho. Ang kadalasang pumapasok sa isip ni Ana. "Ayoko naman talagang mamatay, ayoko lang ng ganitong pakiramdam. Wala na akong pakiramdam sa mundo." "Matulog, iyan ang gusto ko. Nawawalan ako ng interes sa mga bagay bagay na dati'y interesado ako." Karamdaman na binabalewala ng iba, yun ay sakit na pala. Kabilang si Ana sa mahigit 350 milyong taong may iba't ibang edad na may sakit sa pag-iisip kung saan nakararanas ang isang tao nang labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya'y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa neurotransmitters(mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress at trauma ba maaaring matagalan o pabalik balik. "Nak, naghiwalay na kami ng mama mo." Biglang naalala ni Ana ang mga katagang binitiwan ng kaniyang ama na labis bumiyak ng kaniyang puso. Tanging tango lamang ang naisagot
niya rito. Isa ang paghihiwalay o pagdidiborsyo ng mga magulang sa mga sanhi ng pagkakaroon ng depresyon. Ang iba rito ay ang pagkamatay ng mahal sa buhay, pisikal o seksuwal na pang-aabuso, malubhang aksidente, pagkakasakit o problema sa pagkatuto. "Hala! Hindi na kasali sa top 10 si Ana." "Ano ba yan, akala ko matalino eh diba consistent honor student yan?" "Nak di ka na honor student ah?" Mga tanong na nanatiling walang sagot. Nais ni Ana na tumakbo papalayo ngunit kahit na anong pilit tila'y di niya matakasan. Tuluyan siyang nanghihina. Sobrang taas ng inaasahan mula sa isang tao-sanhi ng pagkakaroon ng depresyon ayon sa American Psychiatric Association (APA). "Nak? Anong problema? Maaari ba nating pag-usapan iyan?" Maging bukas ang magulang sa mga nangyayari sa kanilang anak.
Malaking bahagi ang pamilya sa pagpapanatili ng kalusugang pangkaisipan ayon kay Dr. Ranoy, isang psychologist. Mahalagang malaman ng magulang ang mga palatandaan ng sakit na ito. At tagubilin sa magulang na maging mahinahon sa pakikipag usap sa mga anak at iparamdam na may karamay sila. Pamahalaan, mahalagang papel ang ginagampanan. "Kung nasaan ka man sa Pilipinas, may tulong. Help is here" ayon kay PJ Tanglao na katulad ni Ana, nakaranas ng depresyon at siya'y na diagnosed dahil sa sakit na ito. Nilagdaan ni Pangulong Duterte kamakailan lang ang Philippine Mental Health Law o Republic Act 11036 na nakapaloob sa batas na ito na cover ng PhilHealth ang hospitalization sa pasyente ng acute attacks of behavioral o mental disorders sa package rate na P7,800. Maging mapanuri. Hindi natin alam ang iba'y nagkakaroon na ng tigalgal na pakiramdam na maaaring humantong sa di kanais nais na katapusan-ang kamatayan.
(kuha ni Celeste Guatlo)
14alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
ISPORTS
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
Full time Atleta, Part Time Mag-aaral “LULUBOG,LILITAW” Ito ang karaniwang panunuya sa mga mag-aaral na makikita lamang tuwing intramurals at iba pang aktibidad na may kinalaman sa larong pampalakasan gaya ng municipal meet at pagkatapos ay naglalaho sa panahon ng klase. Taunang ginaganap ang Intramurals ay isa sa pinakamagandang pagdiriwang sa paaralan. Dito naipamamalas ng mga mag-aaral ang galing at husay sa kanilang kinahihiligang mga laro. Kahit papaano ay magaganyak silang pumasok sa paaralan upang masukat ang kanilang kakayahan. Totoong, maraming mga mag-aaral na hindi matatawaran ang galing kung ang pag-uusapan ay tungkol sa palakasan. Gayunman, dahil sa kanilang pagkahumaling sa napiling laro, ipinagpalit at inilagay sa kompromiso ang akademiko na siyang sentro ng pag-aaral. Bunga nito malimit nating marinig sa mga guro ang umaangal sa palagiang huli at pagliban sa klase. Ayon sa datos na nakalap mula sa School Form 2 ng Basic Education Information System (BEIS) buhat sa 2,594 na mag-aaral ng Alabel National High School, 10% ng kabuuang populasyon ay binubuo ng mga manlalaro at 4 sa 10 nito ay tinaguriang “lulubog, lilitaw”. Sa suliraning ito ay nagbigay pangamba hindi lamang sa mga guro pati rin sa administrasyon. Nalagay ang mga guro sa walang katiyakang sitwasyon upang magnilay-nilay kung ito ba ay ipapasa o hindi, sa kadahilanang halos buong panuruan rin na wala sa klase. Madalas, sila ang nagbibigay pribilehiyo at n a k i n a b a n g nang malaki sa kasalukuyang DepEd Policies gaya ng Mass Promotion and Access to Education. Iniisip ng iba na hindi ito patas lalo na sa mga magaaral na nagpupunyagi at nagsisikap sa kanilang pag-aaral. Ngunit kung susuriin nating mabuti, ito ay hindi makatarungan para sa mga estudyante na palaging lumiliban sa klase dahil wala silang natutunan at nakuha sa malaking karunungang iniaalay sa kanila. Ang pagiging mahilig sa paglalaro ay hindi masama. Katunayan, ito ay mabuting libangan upang makaiwas sa bisyo gaya ng paninigarilyo at pagdodroga. Gayon pa man, may kasabihan tayo ”ang labis ay nakasasama”. Kung ang pagkahumaling sa isport ay nagdudulot ng hindi maganda sa pagaaral, mainam na magkaroon nang maayos at tamang patnubay upang maging kapakipakinabang ito. Tandaan natin na pumapasok tayo sa paaralan upang hasain ang ating sarili na maging mabuting mamamayan at magkaroon ng magandang kinabukasan, ang buhay sa mundong ibabaw ay hindi palaruan. Bilang paglilinaw, ang larong pampalakasan ay palamuti lamang upang malagpasan ang hamon ng mundong ating ginagalawan. Ito ay may kinalaman sa pangkalahatang paghubog sa ating sarili. Mangyayari lamang ito kung makikilahok tayo sa mga gawain sa paaralan at laging pumapasok sa klase. Huwag nating ituring na isang karaniwang lugar na papasok lamang tayo kung may kompetisyon. Ang pamahalaan, lalong-lalo na ang ating LGU- Alabel ay gumawa nang paraan upang tayo ay mabigyan ng libreng edukasyon, sa pamamagitan ng “Zero Collection Policy” at bilang mag-aaral dapat nating sulitin ang magandang pagkakataong ibinigay sa atin.
EDITORYAL
Higit pa sa liwanag Madalas nating nakikita ang mga magagaling na atleta sa paaralan na tumatakbong dala-dala ang nag-aalab at umapoy na sulo na naghuhudyat ng pagbubukas ng larong pampalakasan kagaya ng “intramurals”. Ngunit may mga kuwento na kung saan isinantabi ang pagpapailaw ng sulo bilang pagbubukas ng larong pampalakasan. Sa Greece, kung saan pinaniniwalaang dito nagmula ang isports , ang pagpapailaw ng sulo ay isang talinghagang sumasagisag ng pag-asa at
AKSIYON LORIE BAPOR
@LORIEMAIE@gmail.com
pagbuo ng mga pangarap at pagtupad sa mga hangarin na tanging sa paglalaro lang makamtan. Sa makatuwid, ito ay nangangahulugang ang isports ay may kapangyarihang baguhin ang mundo. Maliban sa tagumpay at panalo, ang laro ay isang paraan din sa
KAMI AY AKTIBO Animnapung porsiyento sa 25 ng 42 ANHS mamamahayag ay aktibo sa isports, ang natitirang 40% o 17 magaaral ay walang interes maglaro dahil ikinasiya nilang magbasa.
pagkakaroon ng ligtas at mapayapang pamayanan. Sa bawat laban at pagtuntong ni Pacman sa ring walang naitalang karahasan. Ang paniniwalang ito ay pinatotohanan ni Nelson Mandela ang tinaguriang mala-alamat na pinuno ng South Africa na malaki ang
40%60%
Timbangin ang lahat
LARO LARO CARL THOMAS BELDAD
@carlthomas@gmail.com
“Every person wants to be at his best.” Ito ang mariing pahayag ni Edmar Joy Sonsona, manlalaro ng basketball ng Alabel National High School nang ipinahayag niya ang pagkadismaya sa bagong polisiya ng DepEd na kung saan aalisin na ang “extra-curricular points” sa Sistema ng paggagrado. Ito rin ang hiyaw ng mga estudyanteng palaging kinakatok ang paaralan para sumali sa mga kompetisyon. Malinis ang intensiyon ng DepEd na ang bawat estudyante ay dapat balansehin ang kanilang oras at sa parehong oras ay ang mag-aral ng mabuti para hindi
sila maiwan sa kanilang mga aralin. Pero parang sinakop na ng ensayo ang mga atleta at hindi na nila mapamahalaan ang kanilang mga oras. Sa kabilang banda naman, hindi naman maikakaila na malaki ang maitutulong ng ECA. Ang ECA ay magiging daan din para sa mga estudyante sa magandang oportunidad para malinang ang kanilang kakayahan sa larangan ng isports. Tinutulungan din ng ECA na makamtan ng mga estudyante ang kanilang mga tunguhin sa buhay, mapataas ang kanilang “self-esteem” at mapataas pa ng bawat isa ang tiwala sa kanilang sarili.
Higit pa rito, ang karangalang dala nila para sa paaralan ay karapat-dapat lamang na parangalan at isa sa mga paraan para maipakita ang suporta sa kanila ay ang pagbibigay ng puntos. Nararapat lamang na bigyan ng insentibo ang mga studentathlete para mabayaran naman ang kanilang mga pagsisikap at dalang karangalan para sa ating paaralan pero nararapat ding tingnan natin ang binigay na pribilehiyo para sa kanila ay di naabuso. Hindi na natin mababago ang polisiyang ito dahil naipatupad na ito at wala na tayong magagawa ukol dito at nararapat lamang gawin ng mga student-athlete ay ang pagsiguro na mababalanse ang kanilang oras sa pag-aaral at pag-eensayo dahil sa una pa lang pumupunta na tayo sa paaralan para mag-aral at ang pagsali sa paligsahan ay bunos na lamang.
naiambag ng paglalaro sa maraming pagbabago na hindi nagawa ng mga rallies and deplomacy. “Sports can create hope where once there was only despair. It is more powerful than government in breaking racial barriers”, sabi ni Mandela. Sa pamamagitan ng pahayag na ito, pinatutunayan na napapayaman ng isports ang pagkakaunawan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat tao at ng pangkat na pinanggalingan. Dahil sa larong pampalakasan, mapalaganap ang mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa.
Ang pagtatapos ng “Mega Kicker” Era RHODA EBAD Ito na marahil ang huling pagsabak ng “Mega Kicker” ng Alabel National High School (ANHS) sa taekwondo arena matapos ang kanyang limang taong pamamayagpag sa larangan ng isports-Taekwondo. Hindi na makapaglalaro ang batikang Taekwondo player na si Patricia Mae Pagay dahil siya ay nasa ika-labindalawang taon na sa high school. Ang limang taong pamamayagpag ni Pagay sa Women’s Taekwondo ay nagbukas sa kaniya ng mga oportunidad gaya ng pagrepresenta niya ng rehiyon dose sa Palarong Pambansa sa ikatlong pagkakataon at Philippine National Games ay nagbigay daan sa kaniya upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa mas mataas na lebel. Nanghihinayang naman ang kaniyang tagapagsanay na si Marilou Herceda sa huling pagsasama nila ng manlalaro sa mga athletic meets. “Everything needs to come a close. I know she will continue to learn and will always hold the learnings she had during her journey here in high school,” saad ni Herceda na may halong kalungkutan. Samantala pinag-iisipan naman ng Mega Kicker kung ipagpapatuloy niya ba ang kanyang karera sa National University dahil sa scholarship na handog nito sa kaniya. “I’m thankful for the offer na ibinagay nila sa akin… ngayon I’m in the process of foreseeing the possibilities kung itutuloy ko ba o hindi nalang,” wika niya. Aalis man sa paaralang naghubog sa kaniyang kakayahan, pangako ni Pagay na dadalhin niya ang kaniyang natutunan sa mas malaking karerang kanyang tutunguhin.
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
ISPORTS
15
alayngsarangani ang
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
Pagay, nasilat ang panalo kontra Fatadillo, 23-18 LORIE BAPOR
ANHS Sepak takraw, umukit ng kasaysayan 5 sunud-sunod na kampyonato , naibulsa JASPER SAYSON Ibinaon ni Onnier Papasin ang kanyang mapanganib na bicycle spike bilang pangwakas sa huling set ng sepak takraw upang masungkit ang kampeonato laban sa Tokawal NHS noong Agosto, 19, sa Alabel Central Integrated SPED Center quadrangle, at maangking muli ang limang sunud-sunod na kampeonato ----kaunaunahang nangyayari sa
Tanoy sumisid ng ginto RHODA EBAD
kasaysayan ng ANHS, sa Municipal Meet. Ang koponan ng Alabel na hinahangaan ng mga mag-aaral, ay kinabibilangan nina Onnier Papasin, Jayson Castro at Ronilo Pajo, na lumaban sa Tokawal punto sa punto sa unang set at panalo, 21-10. Dahil sa pagkatalo sa unang set, nagising ang Tokawal at pinaskawalan ang kanilang bagong istelo sa unang bahagi ng ikalawang
set ngunit sa pamamagitan ng pinaghalong depensa ni Pajo at Castro nahadlangan ang paghihiganti ng kalaban at naging dagok ito upang sumuko, 16-21 pabor sa Alabel National High School. Ayon kay Ronilo Pajo, puno ng koponan balak nilang mag-uwi nang maraming karangalan sa paaralan lalo na sa pagkuha ng mailap na ginto sa pamamagitan ng kanilang pakikipaglaban sa darating na SPAA Meet 2016.
“Para sa amin, hindi sapat ang manalo nang limang sunod-sunod na taon sa Municipal Meet. Gusto naming maiuwi ang ginto sa SPAA ,” sabi ni Pajo. Umaasa rin ang mga manlalaro na magkakukuha ng suporta mula sa LGU at pribadong indibidwal upang matugunan ang kanilang pangangailangan lalong lalo na sa ngayon na pinairal ang Zero Collection Policy sa paaralan.
Sinigurado ni John loyd Tanoy ng Golden Dragons na sa kanyang leeg isasabit ang gintong medalya matapos malangoy ang 75-meter sa loob ng 1:37 segundo sa Maria Lourdes Resort sa kasagsagan ng taunang Intramural, August 3. Naging dikit ang
labanan pagdating sa 25 m. backstroke. Nanguna si Reynald Ritas na may 37 segundo habang tabla nman sa pangalawang pwesto si Tanoy at Liray , 40.12.
kanyang lakas pagdating sa 50 m. breast stroke upang makahabol. Kayud-marino niyang isinukbit ang unang pwesto sa oras na 1:05. Sinundan ito ni Ritas, 1:12 at Liray sa 1:19.
BACKSTROKE Dahil sa naging resulta, dinoble ni Tanoy ang
FREESTYLE Pagpatak ng freestyle,
Umalingawngaw ang pangalang Patricia May Pagay sa buong Alabel National High School open ground nang matalo niya ang kalabang si Shienrose Fatadillo nang irehistro niya ang isang round house kick upang mahawakan ang panalo, 23-18 sa kanilang laro noong ika-4 ng Agosto, 2018. Sa unang yugto ng laban ay nagpakitang gilas agad ang dalawang manlalaro, at nagpamalas si Fatadillo nang sunod sunod na corner kick upang masilat agad ang unang iskor ngunit bumawi naman si Pagay at nagpakawala ng sunod sunod na 45 kick upang mailista ang iskor na 9-6 pabor kay Pagay. Agad na bumawi si Fatadillo at nagpakawala ng sunod sunod na corner kick upang makuha ang tyansang makalamang kay Pagay at tumipa ng 10-13 pabor sakanya. Rumatsada si Pagay at nagpamalas ito ng kanyang dalawang corner kicks ngunit sinabayan ito ni Fatadillo na nagbigay ng kanyang dalawang 45 kicks upang mag-agawan sa kalamangan at nailista ang
iskor na 18-15 sa huling 10 segundo ng unang yugto ng laban pabor kay Pagay. Nag-init ang sagupaan ng dalawa sa pagpasok ng ikalawang yugto ng laban ng dominahan ni Pagay ang laro tumipa ng 3 sunod na corner kick upang hindi makaalma si Fatadillo at ipako ang iskor sa 20-15. Naging agresibo si Fatadillo nang nakakita ito ng butas upang makaiskor at nagpakawala siya ng isang 45 kick upang humabol pa sa laban, 20-18. Hindi na nagpaawat si Pagay at agad na bumawi at nagpamalas ng kanyang malakas na round house kick sa huling 10 segundo ng laro upang masilat ang panalo 2318 na nagdala sakanya sa rurok ng tagumpay. “Kailangan ng puspusang training para mas maipakita ang iyong galing. Masaya ako sa nagging resulta ng aming laro.” Saad ni Pagay. Ang manlalarong si Patricia Pagay ay aabante sa provincial meet at tatangkaing maagaw ang trono ng defending champion ngayong darating na Nobyembre 19, 2018 sa Glan Sarangani.
P 850, 000 PONDONG LAAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG ALABEL PARA SA SPORTS-RELATED ACTIVITIES NG BAYAN
hindi na hinayaan pang maagaw ng katunggali ang pangunguna ni Tanoy. Samantala, nawala naman sa linyada ng Top 3 sina Ritas at Liray at pumasok sina Adrian Bazar at Thirdy Omila ng Blue Wild Cats at Pink Flamingo. Nanguna si Tanoy na may kabuuang 1:48 segundo ,
sinundan naman ito ni Bazar na nakapagtala ng 1:53 at Omila sa ikatlong puwesto na natapos ang laro sa 1:55. Ito ang kaunaunahang panalo ni Tanoy matapos siyang matalo noong nakaraang taon ng batikang swimmer na si Dave Pag-ong na nasa kolehiyo na ngayon
Pinongpong naibulsa ang panalo kontra Perez
LORIE BAPOR
Lawakan ang isipan at sabayan ang indayog ng kalaban upang hawakan ang kalamangan. Taktikang pins at skewer ang naging puhunan ng beteranong chess prowess, Jonald Pinongpong upang dominahan ang baguhang manlalarong si Lei Perez matapos maisibak sa trono sa panlimang galaw ng piyesang Bg5 ang pamatong reyna hudyat upang iwanan sa nalalabing minuto ng kapanapanabik na pagtutuos sa Chess, Himnasium ng Alabel National High School, Agosto 4. Napatunayan ng hasang si Jonald Pinongpong ang kanyang kagalingan sa pagbuo ng mga pamatay na istratehiyang pins at skewer sa pamamagitan ng pag-ubos sa mga hadlang na pawns sa unang minute ng laro. Pinakitaan ni
Pinongpong ng isang galaw ang katunggali sa pagarangkada ng dalawa sa 30 minutong sagupaan upang masilat ang kalamangan. Hindi nagpatalo sa galawang lohikal si Perez matapos mailusot ang mga skewer strategy ni Pinongpong gamit ang mga pananggalang na discovery ng kanyang Bf8 upang mapukaw ang nalalantang pag-asa ni Perez na makamit ang momentum. Pinalasap ni Pinongpong ang kanyang pamatay na kombinasyong double knight attack sa walang pilit na back rank push ni Perez hudyat upang dahan dahang ubusin ang mga pawns ni Perez at isilyo ang pag-asang manalo sa laro sa 5 minutong salpukan. Sagupaan ng talino at lakas ang larawang makikita sa huling bahagi ng laro nang nahawakan ni Pinongpong ang momentum ng laro
at mahuli sa kaniyang panlimang galaw ng piyesang Bg5 ang armas na reyna ni Perez. Nagpakita ng push at discovery ang sandalan ng piyesang hari ni Perez sa pakikipagsapalaran sa board ngunit hindi nagpatalo si Pinongpong nang nagpakawala ito ng skewer attacks upang makorner at hindi na makagalaw ang Kg4 ng kalaban sa pagpatak ng 3 segundo ng laro at masilat ang panalo, 1-0. “Nahirapan ako kasi ang galing ng ipinakita ni Perez pero masaya ako kasi nanalo ako.” Sambit ni Jonald Pinongpong. Si Jonald Pinongpong ay aabante sa provincial meet at tatangkaing maagaw ang trono ng defending champion ngayong darating na Nobyembre 19, 2018 sa Glan Sarangani
MATE. Pinuntirya ni Pinongpong queen piece ng kalaban upang maiusad ang reyna dahilan upang ma “checkmate” ang kalaban at maibulsa ang panalo. (kuha ni Celeste Guatlo)
isports
alayngsarangani 16 alayngsarangani ang
ang
HUNYO -NOBYEMBRE 2018
TOMO 19 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2018
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan
Tatak Sarangan!
Tatak Sarangan!
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA
PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE
Grey Wolves nanalasa, nilaos ang Golden Dragons, 1-0
KUHA NI APPLE GUATLO BILIS AT BUNGISNGIS. Walang maggawa ang mga kalaban ni Garry Laya kundi ang tumingin nalang nang maglagpasan niya ang dalawang bantay at mailusot ang natatanging goal para sa kanayang koponan.
LORIE BAPOR
LAMANG SA MALAMANG Lozadas, naiwasan ang kabiguan, pasok sa SRAA’18
DE numero
17
Kapitan ang natitirang paraan upang makalamang sa laban. Buong tikas na itinayo ni Garry Laya ang bandera ng Grey Wolves nang maibuslo niya ang isang penalty kick upang masilat ang panalo kontra sa Golden Dragonsa ginanap na soccer finals match, 1-0, noong ika-4 ng Agosto sa Capitol open ground. Sa unang yugto ng laban ay agad na naginit si Laya ng Grey wolves nang magpakawala ito ng kanyang dalawang sunod na attempts upang makaiskor ngunit di ito makalusot dahil sa galing ng goalkeeper ng Golden dragon. Agad na bumawi si James at nagpamalas ng kanyang corner kick upang makatala ng iskor ngunit bigo rin itong makapuntos dahil sa matibay na depensa ng goalkeeper ng Grey wolves at natapos ang unang bahagi ng laban sa iskor na 0-0. Biglang umulan sa kasagsagan ng ikalawang yugto ng laro ngunit hindi ito naging hadlang kay Laya upang pumukol ng sunod sunod na attempts para makapuntos. Sa pagpatak ng 15 segundo ng laro ay na foul ni James si Laya at pumwesto ito sa penalty area at naipasok ang kanyang penalty kick upang kumana ng 1-0 at sa pag-alingawngaw ng pito ng referee ay hudyat ng pagtatapos ng laro. Hindi na nakabawi pa ang Golden Dragon. “Akala ko hindi na kami makakapuntos pero salamat sa ulan dahil siguro doon hindi ako nagpatalo.” Saad ni Garry Laya. Pangungunahan ni Garry Laya ang alyansa ng Alabel Soccer team na aabante sa provincial meet at tatangkaing maagaw ang trono ng defending champion ngayong darating na Nobyembre 19, 2018 sa Glan Sarangani.
bilang ng mag guro ng Alabel National High School na hahawak ng individual and team event in the Provincial Meet 2018
120
bilang ng mga medalyang nakopo ng Alabel National High School sa ginanap na Municipal Meet 2018
Panagtigi Dance Sports Contest
Bacus, Lamoste, nangibabaw LORIE BAPOR
Nag-apoy ang mga mata ng higit sa 500 manonood matapos pasiklabin ng tinaguriang “Power Duo” ng Grade 11 Golden Dragons na si Phoebe Kate M. Bacus at Rodel Lamoste, ang entablado ng Alabel Gymnasium sa ginanap na Dancesport Competition ng Panagtigi 2018.
LIBRENG BOLA. Alam ni Lozadas ang gagawin sa libreng bola mula kay Bagit kaya agad nilikyad ang bolang ito sa dulo ng palaruan. (Kuha ni Celesty Guatlo)
LORIE BAPOR Nagawang matiis ng beteranang si Kristine Felaine Lozadas ang banta ng 6th game break point (40-40) mula sa bagitong si Mary Bagit sa kasabik-sabik na Lawn Tennis Championship match ng 2017 Municipal Meet sa Alabel Tennis Court, Oktubre 17. Napanatili ni Lozadas ang six-to-five (6-5) na laro laban kay Bagit sa sa isang set na duwelo sa 23 minutong aksyon. Ang unang bahagi ng laban ay tila pamilyar lang na tanawin nang subukang limitahan ng parehong panig ang pinsalang dala ng kani-kanilang forehand attacks.Ngunit nangingibabaw pa rin ang ideyang nakakubli kay Lozadas dahilan upang makuha ang una hanggang sa pang-apat na game. Namalagi pa rin momentum ni Lozadas sa 5th
game na nakapagtala ng 12-40 na bentahe hanggang sa mawalan ng pokus dahil sa sunod-sunod na errors na agad namang sinunggaban ni Bagit at makabawi ng isang game, 5-1. Nagpatuloy ang pagragasa ng kaliwa’t kanang faults para kay Lozadas sa mga sumunod na games. Sa pamamagitan naman matitinding backhand attacks at 4 na service aces, naiangat ni Bagit ang kanyang laro, 5-5. Palitan ng taktika’t atake ang naganap sa 6th game nang magharap ang dalawa sa 40-40 deadlock. Apat na pagkakataon ang ibinato ni Bagit ngunit nagawa pa ring baguhin ng beterana ang laro sa pamamagitan ng forehand attack, 6-5. “A lot of younger guys are playing well, doing well, and it’s going to help me step up,” pahayag pa ni Lozadas.
Sa pamamagitan ng matitinding foot works, facial expression at routine, nanguna ang dalawa mula sa lima pang ibang katunggali. Naungusan nina Bacus at Lamoste sina Leizly Brao at Ariston Santarin ng Grade 12 Gray Wolves na nagtapos sa pangalawang pwesto pati na rin si Francis Nicole Amador at Renz Dangculis ng grade 9 Blue Wildcats sa tanso. Sumalang ang anim na pares ng mananayaw sa indak ng Cha-cha-cha, Rumba, Samba at Jive sa Elimination, Semis at Finals rounds ng buong kompetisyon. Kilala naman si Bacus na isang local dancer simula pa no’ng siya’y nasa elementarya pa. Ayon pa sa kanya, ang maging kinatawan ng kanyang baitang ay isang pribilehiyo. “I’ve been dancing since I was elementarya but I had to take a break to give way for my studies. I’m glad to be able to compete again,” ayon sa kanya. Sinabi naman ni Adams Joy Sayson, tagapayo sa Senior High School at tagapangasiwa, ang pagsama ng Dancesport sa Intramural ay hakbang upang mapalawak pa ang isang buwang pagdiriwang na karaniwang dinodomina ng mga “ballgames.” “Dancesport brought new look sa ating selebrasyon ng Intramurals. May bago na namang bubusog sa ating mga mata,” wika pa ni Sayson.
KUMPAS AT GALAW. Hindi magkamayaw ang mga manonood nang magpasiklab sina Bacus at Lamoste sa kanilang ‘daring dance routine’ sa kanilang Dance Sports performance. (Kuha ni Apple Guatlo)