Alay ng sarangani 2019

Page 1

AS

Bungal noon, bigyan

ALAY NG

SARANGANI Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

BALITA v

OPINYON v

LATHALAIIN

ng Pangil ngayon

Ang batas ay ginagawa lamang bilang isang disenyo na kahit kalian gustuhin ay pwedeng balewalain”

SUNDAN SA PAHINA 6

AGHAM v

SINULAT NI MARK PARAN

ISPORTS v

SUNDAN SA PAHINA4

MGA ARAL NG

LINDOL

Kasanayan sa pagligtas ng buhay ng mga ‘school-based rescuers’, mas pina-igting Matapos ang sunod sunod na kalamidad partikular na ang malalakas na lindol na tumama sa Mindanao na naminsala ng mga gusali at kumitil ng buhay, mas pinaigting pa ngayon ng pamunuan ng Alabel National High School at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Unit (MDRRM) ang kahandaan sa sakuna ng mga “school-based responders”.

NI KAREN MONTARGO

AGARANG TUGON Aplikasyon ng Ladol ES bilang IS, ibinasura SUNDAN SA P2 68 freshmen, sinalba ng Alabel NHS

SINULAT NI JOHN MARK POLISTICO

D

obleng pasanin ang dapat harapin ni Jaynard Lequin dahil hindi lamang kaba ng pagiging bagong estudyante sa hayskul ang kanyang bitbit kundi pati na rin ang problema sa akreditasyon ng kaniyang paaralan na papasukan niya. Para sa kanya, magkakaroon na sana ng mas malapit na oportunidad sa pagkakaroon ng kaalaman, pero sa kasamaang palad, hindi na muna ito matutuloy sa ngayon. Isa lamang ang binatilyo sa 68 na high school freshmen na inilipat ang rehistrasyon sa Alabel National High School matapos tanggihan ng DepEd ang aplikasyon ng Ladol Elementary School na maging Integrated School. Batay sa isinagawang pagsusuri ng kagawaran, ang kakulangan sa espasyong SUNDAN SA PAHINA 5

pagtatayuan ng mga gusali gayon din ang mababang bilang ng mga tagapagturo ang naging dahilan nang di-pagpayag ng pamunuan na dagdagan ng High School Program ang institusyon. “Nag-expect na gyud sad mi sa akong bana na di na kaayo mi magastuhan sa pagpaskwela sa among kay duol na lang sa

amuang balay ang high school, pero unsaon taman gi disaprubahan” pangangamba ni Ester Lequin, magulang ni Jaynard. Sa kabila ng pagkadismaya, positibo pa rin si Tito Maslog, Principal I ng Ladol Elementary School na maipapasa sa susunod na pagkakataon ang kanilang aplikasyon.

Alab sa Puso ng Pilipino Kuwento ng Kabayanihan ng isang Alabelian sa Australian Wildfire

SUNDAN SA

LATHALAIIN

P10

P8

Pagkakait at Paghuhusga

ANHS alumnus nagbigay karangalan; dalawang Board Exams, naipasa

474 M

Isa na namang karangalan ang maipagmamalaki ng Alabel National High School dahil isa sa alumni nito na si Joshua Alarin ng Mindanao State University Gensan ay pumailanglang ng dalawang tagumpay sa licensure examination.

NI RHODA EBAD

SUNDAN SA

P3

Pagpapasara ng 55 Lumad Schools, kinundena ANHS, duda sa ‘left-leaning ideologies’ ng DepEd

S

iyam sa 10 mag-aaral ng Alabel National High School ang duda sa pahayag ng Department of Education na ang mga eksklusibong paaralan para sa mga lumad sa Mindanao ay nagtuturo sa mga mag-aaral ng ‘left-leaning ideologies’ at magrebelde sa pamahalaan na naging dahilan upang permaneneteng ipasara ang 55 na lumad schools sa Rehiyon ng Davao.

Ito ang resulta ng sarbey na isinagawa ng Ang Alay ng Sarangani noong Nobyembre 4 sa Alabel National High School. Ayon pa kay Joy Lyn C. Requiso, mag-aaral ng ikalabing-isang baiting, HUMMS strand, ang pagpapasara ng Salugpungan Ta’ Tanu

Igkanogon Community Learning Centers o STTICL sa Mindanao particular sa Davao Region, ay nagpapatunay na ang Kagawaran at ang pamahalaan ay hindi sumusunod sa misyon nito na protektahan ang karapatan ng bawat kabataan sa tamang edukasyon.

SINULAT NI MARY NICOLE RAMOS | SUNDAN ANG BUONG KUWENTO SA PAHINA 2

Ang nakatagong katutuhan ng Muslim Community sa Tokawal

63% mag-aaral, walang sapat na kakayahan sa pagsuri ng fake news

B

atay sa pag-aaral na isanagawa ng Stanford University sa America ukol sa paglaganap ng "fake news", napag-alaman na ang mga mag-aaral ay walang sapat na kakayahan upang masuri ang peke sa tamang balita. Samantalang hindi naman naliban sa naturang resulta ang mga mag-aaral sa Alabel National High School ayon sa parehong sarbey na isinagawa ng Alay ng Sarangani.

63%

Nasungkit ni Eng. Alarin ang ikalimang pwesto sa September 2018 Master Electrician Board exam at

tumgon sa “job expansion” at “job creation” para sa mga Sarangan

SUNDAN SA PAHINA 4


02

ALAYNGSARANGANI BALITA

Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

sa gitna ng lindol ANHS Savers, mga guro pinuri sa mabilis na pagtugon P

inuri ng tagapangasiwa ng paaralan ang mabilis na pagtugon ng mga miyembro ng Service Auxiliary Volunteers for Emergency and Relief of the Students (SAVERS) Club at ng mga guro ang pamumuno sa mga mag-aaral patungong Safe Holding Area sa panahong tinamaan ng 6.4 magnitude na lindol ang SOCCSKSARGEN noong ika-29 ng Oktubre. Ayon sa Punong Guro na si Ernesto Yuzon, ang eksena kung paano ibinahagi ng SAVERS at ng mga guro ang evacuation protocol ay karapat-dapat na bigyang-puri. “With their quick response, presence of mind and calm aura, students’ evacuation went well,” idiniin ni Yuzon. Sinabi rin ni Fire Officer Joseph Ferolino ang pinsala ay maaaring naging malala kung ang SAVERS at ang mga guro ay hindi napakalma ang nga estudyante at nagsagawa nagsagawa ng evacuation plan. “I think, the response time was incredible,” banggit pa niya. “They did a good job”. Ayon naman sa tagapagsalita ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na si ginang Carmela Lumantas na ang kabayanihan ng mga miyembro ng SAVERS at ang ‘presence of mind’ ng mga guro sa gitna ng lindol ay naging dahilan upang walang sinuman sa mga mag-aral at

63% mag-aaral, walang sapat na kakayahan sa pagsuri ng fake news sundan sa pahina 4

NI NICOLE RAMOS

ni NIKO GEOLAGA

With their quick response, presence of mind and calm aura, students’ evacuation went well” @Ernesto yuzon, Punong Puro mga empleyado ng paaralan ang nakapagtamo ng pinsala. Gayunpaman, pinayuhan niya ang mga guro at magaaral na magduble ingat at paghandaan ang susunod pang mga lindol sapagkat ang Mindanao ay maraming mga aktibong ‘fault lines’ na anu mang oras ay maaring gumalaw. Walang naitala na mga nasaktan sa naturang lindol maliban na lamang sa labing-isang estudyante na nawalan ng malay sa Safe Holding Area. Minarkahang “green” o ligtas ang gusali ayon na rin sa resulta ng mabilisang pagsuri sa mga pinsala at pangangailangang isinagawa ng Munivipal Engineering Office.

MAPAGKALINGA. Agad pinkalma ni Bb. Marell Regidor ang kanyang mag-aaral matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa ANHS. Kuha ni Apple Guatlo

de numero

SUNDAN SA PAHINA 7

Malaking tulong para sa paaralan lalong lalo na para sa mga mag-aaral ang pinansyal na tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Alabel. Malaking kaginhawaan ang dulot nito sa mga guro.- Ernesto Yuzon, Punong Guro

200,000.00 INISYAL NA ‘FINANCIAL SUBSIDY’ MULA SA LGU-ALABEL PARA SA ANHS SA BUWAN NG HUNYO HANGGANG OKTUBRE

BALITANG ANALISIS

mula pahina 1

Pagpapasara ng 55 Lumad Schools, kinundena; ANHS, duda sa ‘leftleaning ideologies’ ng DepEd

“Sa pagpapasara ng mga paaralang ito, masasabi kong hindi tinutupad ng pamahalaan at ng DepEd ang tungkulin nitong mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat bata dito sa Pilipinas,” sambit ni Requiso. Sinasang-ayunan naman ni Angelina Cayuna, isang Lumad at mag-aaral ng ANHS ang mga pahayag ni Requiso at sinabing malalagay sa alanganin ang seguridad ng kapwa niya lumad at ang mga guro nito dahil sa maling aligasyon at pagbibigay ng DepEd ng utos ng walang kaukulang legal na proseso. Dagdag ni Judith Delamente, ika-12 na baiting, binali ng DepEd ang ugnayan nito sa STTICL kaagapay ng programa nitong Indigenous People Education o IPEd. “With the STTICL’s long run since 2007, it has long since been recognized by the DepEd as a constituent of its IP Education Program at binali nila ang ugnayang ‘yon without due process and I am really against it,” ayon pa sa kanya. Sa kabilang banda naman, 10 porsyento ng kabuuang istadistika ang pumanig sa DepE. Wala daw umanong problema ang pagpapasara ng mga lumad schools sapagkat isa itong pag-aalala sa nasyonal na seguridad na pangunahing isinusulong nga pamahalaan, ayon kay Kier Cababat, ika-9 baitang. Samantala, labis namang kinondena ni Gng. Mary Joy Beniola, Guidance Advocate ng nasabing paaralan, ang pagpapasara ng 55 lumad schools sa davao region. Hindi man daw ito direktang nakaaapekto sa paaralan, ngunit may epekto ito sa moral ng mga lumad na nag-aaral sa Alabel National High School. “I am really don’t get it. Even wala siyang direct effect sa school, but the morale of the IP students studying here ay dapat nating isaalang-alang.” Sa huli, kampante naman ang DepED na ang pagpapasara ng lumad schools sa Mindanao ay isang positibong hakbang upang isulong ang dekalidad at basic education para sa lahat .

RELASYON ni KHAIRYLLE GINDAP

‘Di na Uso si Pinocchio Buwagin ang Kultura ng

Kasinungalingan

Aplikasyon ng Ladol ES bilang IS, ibinasura; 68 freshmen, sinalba ng ANHS (mula pahina 1)

Isa lamang ang binatilyo sa 68 na high school freshmen na inilipat ang rehistrasyon sa Alabel National High School matapos tanggihan ng DepEd ang aplikasyon ng Ladol Elementary School na maging Integrated School. Batay sa isinagawang pagsusuri ng kagawaran, ang kakulangan sa espasyong pagtatayuan ng mga gusali gayon din ang mababang bilang ng mga tagapagturo ang naging dahilan nang di-pagpayag ng pamunuan na dagdagan ng High School Program ang institusyon. “Nag-expect na gyud sad mi sa akong bana na di na kaayo mi magastuhan sa pagpaskwela sa among kay duol na lang sa amuang balay ang high school, pero unsaon taman gi disaprubahan” pangangamba ni Ester Lequin, magulang ni Jaynard. Sa kabila ng pagkadismaya, positibo pa rin si Tito Maslog, Principal I ng Ladol Elementary School na maipapasa sa susunod na pagkakataon ang kanilang aplikasyon. “As early as now, we we’re looking for ways for us to address

the discrepancies in our application,” pangako pa ni Maslog. Ang Integrated School (IS) ayon sa “Integrated Public Schoos Act” ay isang pampublikong paaralan na nag-aalok ng pinagsamang Kinder Garten, Elementary at Junior High School Programs. “This IS may be expanded to include senior high school education, as necessary, to be determined by the Department of Education (DepEd),” ayon pa sa panukala. Sa Pilipinas, nasa 8,159 lamang ang public secondary schools, mas maliit sa 38,688 na public elementary schools o katumbas sa isang High School para sa limang Elementary Schools (1:5). “Students are in need of an accessible high school within their community. The government should pay immediate attention and address the gross shortage of public secondary high schools to reduce the number of out of school youths in the country. Establishing more secondary schools will open opportunities for students to access complete basic education at a lower cost and meet the growing educational needs of the youth given that this schools must meet the needed requirements, “ ani pa ni Vilma Santos-Recto, may-akda ng naturang panukala.

Seguridad ng ANHS mas pinaigting; CCTV cameras dinagdagan

Upang masiguro na lahat ng mag-aaral ay ligtas, ang adminitrasyon ay naghahanap ng bagong pamamaraan para siguraduhing ang kaligtasan ng paaralan at mga mag-aaral sa panahon ng krisis.

MONITORED. Kuha ng bagong kabit na CCTV malapit sa quadrangle ng paaralan. Kuha ni Bien Caliao

Sa bagong polisiya, ang mga pakultad, mga guro, at mga magulang ay kinakailangang magsuot ng ID habang nasa loob ng kampus kasunod ng mga kabi-kabilanga kaso ng pagnanakaw particular sa baiting pito at walo. Dalawang PNP officers rin ang dinagdag upang magbantay sa seguridad lalo na sa pagmonitor sa labas at pasukan ng paaralan at inaasahang magbantay sa lahat ng aktibidad. Dagdag pa rito, ang paaralan ay inaasahang palalakasin pa ang seguridad sa mga tuntunin ng mga bisita. “We’re looking into what is called a visitor management system,” sambit ni Ernesto Yuzon, Principal I. “it’s a system that a lot of private schools in the city use where the visitors has to present a driver’s license, and it’s scanned through a machine that essentially does a background check,” Sa pagkonsulta ng paaralan sa ilang eksperto sa seguridad sa lokalidad, nais itong ikonsidera ang paglalagay ng motion-based lightings at nagdagdag naman ng karagdagang tatlong surveillance camera system lalo na sa ika-pito at walong baiting. Ngunit, ayon sa punongguro, ang planong ito ay nangangailangan ng malaking halaga kaya ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, stakeholders, at iba pang organisasyon ay kinakailangan upang maisagawa ang planong ito. “Since we can’t afford the advanced security system at the moment, being aware serves as our best initiative in the event of possible crisis,” dagdag pa niya. Sa huli, umaasa si Yuzon na mabawasan ang mga nakawan at ilang di magandang pangyayari sa paaralan kasunod ng paglalagay ng karagdagang CCTV cameras. NI KAREN MONTARGO


Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

ANHS suportado ang weekly earthquake drill ni Karen Montargo

Suportado ng Alabel National High School (ANHS) ang utos ni Regional Director Allan Farnazo sa pagsasagawa ng earthquake drill lingo-lingo. Ito ay matapos na niyanig ng magkasunodsunod na lindol ang rehiyon sa buwan ng Oktubre. Ayon kay Robert D. Baluyot-Permanent Alternate School Disaster Risk Reduction Management Coordinator ng ANHS, nararapat lamang na mas paigtingin ang kahandaan ng paraaral sa mga sakuna lalo na’t lumulubo ang bilang ng nga sugatang mag-aaral sa nakaraang pagyanig. “We shouldn’t wait for the time where many lives will be put at stake because of the lack of readiness of the school,” ani niya. Ibinida naman ni Baluyot ang ANHS Savers na silang unang rumesponde noong kasagsagan ng lindol. “I am proud that we have the ANHS Savers who are very quick in responding to the needs especially during last earthquake.” “There’s no substitute to preparation kaya dapat lagi tayong handa,” pagtatapos niya

ANHS alumnus nagbigay karangalan; dalawang Board exam, naipasa by RHODA EBAD |G12 News Writer

Photo from Joshua Alarin’s Facebook Account

Isa na namang karangalan ang maipagmamalaki ng Alabel National High School dahil isa sa alumni nito na si Joshua Alarin ng Mindanao State University Gensan ay pumailanglang ng dalawang tagumpay sa licensure examination. Nasungkit ni Eng. Alarin ang ikalimang pwesto sa September 2018 Master Electrician Board exam at ika-sampu naman sa April 2019 Electrical Engineers Licensure examination. Hindi inakala ng bagong inhenyero, na naging CumLaaude rin, na mangibabaw siya sa dalawang eksaminasyon, gusto niya lamang pumasa. “I only wanted to pass the exam to compensate my family’s effort in providing everything I need kahit sobrang kapos na but God gave me more than I expected,” ayon kay Alarin. Alinsunod sa Alabel Childrens Welfare Code, article 10 of the Municipal Ordinance No. 122-2017132, na nilagdaan noong Hulyo 2017, nakatanggap ng P125,000 si Alarin bilang cash incentives mula sa Local Government Unit ng Alabel.

BALITA

ALAYNGSARANGANI

03

DEKALIBRENG EDUKASYON ANHS, kaagapay, ang Zero Collection Policy

Ito ang isa sa Sustainable Development Goals ng United Nations na matagal ng nakamit ng Departmentof Education matapos matulungan ang 2.2 milyong kabataang may kapansanan gayundin ang mga nasa mga rural na pamayanan na hindi abo tang programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng Inclusive Education Program.

Sa pahayag ng ahensya, nasa 648 SPED Centers at paaralan ang nag-aalok ng naturang programa kung saan 471 sa elementarya at 177 naman sa sekondarya. Sa kasalukuyang taong panuruan, nakapagtala ang kagawaran ng mahigit 300,000 mag-aaral mula sa elementarya na may espesyal na pangangailangan habang mahigit 150,000 naman sa sekundarya. Nangako naman ang DepEd na palalawigin pa ang sistema sa tulong pribadong sektor. ESTADO NG ALABEL Sa apat na taong pagpapalawig sa Zero Collection Policy sa bayan ng Alabel, kumpyansa si Mayor Vic Paul Salarda, kaagapay ang LGU-Alabel at DepED, sa pagabot ng dekalidad na edukasyon para sa mga kabataang Alabel. Alinsunod sa nirebisang memorandum of agreement, karagdagang P200 ang ibubuno sa P200 bilang tugon sa mga aktibidad at kaganapan sa loob ng silidaralan. Ayon kay Salarda, ang pagpasa ng local na pamahalaan sa nasabing polisiya ay magiging epektibong hakbang upang maiangat ang antas ng partisipasyon sa kabataan sa loob man o sa labas ng paaralan gaya na lamang ng paglahok sa iba’t-ibang pang-akademik at isports na patimpalak na siyang pangunahing tunguhin din ng inclusive education na nakasaad sa DepEd Memo No. 72 s. 2009.

pangangailangang pinansyal ng institusyon gayundin ang pagkumbinsi sa mga batang pumasok sa paaralan dahil ito’y libre. Ayon sa bagong kasunduan, dadagdagan ang inilaang P100 ng P100 na gagamitin sa mga aktibidad at kaganapan sa loob ng mga silid aralan na ikinatuwa ng mga guro. Sa tala, umabot sa mahigit isang milyon ang kabuuang halagang naitulong ng LGU sa naturang paaralan mula noong nakaraang taon.

ANHS SA BUGSO NG ZERO COLLECTION POLICY Sa kasalukuyan, ang buong populasyon ng Alabel National High School na mahigit 3300 ay nakikinabang sa programa. Ayon pa kay Ernesto S. Yuzon, Principal I, Malaki ang tulong ng Zero Collection Policy sapagkat natutugunan nito ang

PARTISIPASYON NG ANHS KAAGAPAY ANG ZERO COLLECTION POLICY Kahit pa man na minsan ay natatagalan ang pagrelease ng subsidiya, positibo pa rin ang mga tagapayo sa iba’tibang patimpalak gaya ng Schools Press Conference, athletic meet, Integrated

LIBRE Na, BUSOG PA. Nilalasap ng mga batang ito ang libreng pakain ni Mayor Vic Paul Salarda matapos ang kanyang State of the Children address. (Kuha ni Keichele Belila Competitons, at iba pa, sa ambag ng nasabing polisiya lalo na sa pambayad sa rehistrasyon, pagkain, at transportasyon na labis na ikinatuwa ng mga mag-aaral. Bukod pa rito, Malaki rin ang tulong nito lalo na sa mga aktibidad na buwanang idinadaos gaya ng Buwan ng Wika, Intramurals, English Festival, at iba pa kahit pa man may Mode of Operating Expenses o MOOE na. Ayon pa kay Yuzon, kahit pa man ng MOOE, hindi pa rin matutugunan lahat na pangangailangan ng paaralan sapagkat hindi naman lahat ng gastusin saklaw ng nito. Sa huli, umaasa ang punong-guro na sa pamamagitan ng Zero Collection Policy ay mas mapapalawig pa ang adhikain ng dekalidad at dekalibreng edukasyon at maiangat pa ang partisipasyon ng mga mag-aaral ng Alabel National High School sa iba’t-ibang patimpalak.

‘Minor setback, major comeback’ ANHS, nabawi ang kampeonato sa Filipino Broadcasting Matapos ang tinaguriang “Major Upset “ balik sa kampeonato ang Alabel National High School (ANHS) nang magtagumpay sa kanilang kampanyang pagresbak sa Filipino Broadcasting ng DSPC 2019. Naiuwi ng grupo na binubuo nina Donna Labuga, Ivan Jinx Jelongos, Shydelinn Callo, Eden Grace Corona, Key Mark Villasante, Ariston Lim at Nazwa Alaba ang Unang Gantimpala sa Over-all Production pati na rin ang Best in Infomercial, Best Anchor at Best News Presenter. Pumangalawa naman ang Alabel National Science High School na nakuha naman ang Best in Script habang nasa pangatlo naman

ang Alabel Central Integrated SPED Center. “I’m so happy that we bring back the crown where it truly belongs. I really believe that teamwork and trust are the keys to our success,” ayon pa kay Alaba. Aniya pa ni Labuga, tiwala sa Poong Maykapal ang nagdala sa kanila upang gumana at makapagsalita ng maayos sa harap ng daan-daang mga mamamahayag. Matapos ang matagumpay na kampanya, sasabak at kakatawan sa Sangay ng Sarangani ang mga naturan sa Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa General Santos City sa darating na Disyembre 8-10. NI NICO GEOLAGA

BALIK SA DATING GAWI Investment schemes ipinasara; Mag-aaral na Alabellian, apektado

Dalawang taon makalipas ang pag-usbong ng kabi-kabilang investment o pyramiding schemes, nabigayan ng pag-asa ang mga mamamayan ng Alabel upang makawala sa kumunoy ng kahirapan at mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang mga anak; ngayon sa isa isang pagsasara ng mga ito, ang parehong problema ang nararamdaman. Balik sa normal na pamumuhay ang mamamayan ng Alabel matapos sunod-sunod na ipasara ang investment o pyramiding scams gaya na lamang ng KaPa (Kabus Padatuon) investment scheme, Rigen Marketing, Forex Marketing, Shantal Marketing, at iba pa noong buwan ng Hunyo hanggang Agosto. Halimbawa na lamang si Jasper Sayson ng ika-12 baitang. Plano sana ng pamilya niya na paaralin siya sa isang sikat na unibersidad sa Manila dahil sa tulong ng investment schemes ngunit matapos ipasa ang mga ito, umaasa pa

rin si Sayson na maibalik ito at matuloy ang pangarap na makapag-aral sa paaralang gusto niya. Si Cresel Montanez, ika-11 baitang, ay umaming lumipat sa Alabel National High School na noo’y nag-aaral sa Mati National High School sa Davao upang makipagsapalaran sa mga investment scams. At ngayo’y sirado na ang mga opisina nito sa Alabel, walang ibang masabi si Cresel kundi tanggapin nalang ito. Ilan lamang si Jasper at Cresel sa daan-daang mag-aaral ng Alabel ang nabigo ang pangarap na makapag-

aral sa mga paaralang gusto nila at sa mga mamahaling unibersidad kapag sila ay nasa kolehiyo na dahil sa pagsara ng mga investment schemes na ikinabahala naman ni Mayor Vic Paul Salarda na no’ng una’y nagpalabas ng pahayag ng pagsuporta dito. Samantala, positibo naman ang Alkalde na marami pa ring mga kabataan ng Alabel ang makakapag-aaral sa kolehiyo lalo pa’t libre na ang pag-aaral sa Primasia Foundation College Inc. na nakabase sa Alabel dahil saklaw ito ng Zero Collection Policy na apat na taon nang ipinapatupad ng LGU-Alabel. Sa huli, naniniwala pa rin si Rosemarie Paran, magulang, na ang pagpapasara ng mga investment schemes sa Alabel ay ayon sa plano ng Diyos at sinabing hindi dapat umasa sa mga investment schemes dahil panandalian lang ito at ang bawat sintimo ng pera ay dapat paghirapan. NI MARK PARAN

NAGBABASAKALI. Matyagang ina-antay ng mamang ito ang kanyang “blessing” bilang pangako ng isang investment firm sa Alabel. Kuha ni Celesty Guatlo.


04

ALAYNGSARANGANI BALITA

Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

PARA SA KALIGTASAN. Matiyagang sinuong ng mga rescuers ng ANHS ang nanggalit na ulan maisakatuparan lng ang isang rescue mission simulation sa barangay Spring.Caliao

MGA ARAL SA NAGDAANG LINDOL Kasanayan sa pagligtas ng buhay ng mga ‘school-based rescuers’, mas pina-igting

ANHS SSG Officers, namahagi ng tulong sa Kidapawan ni NIKO GEOLAGA Upang maibsan ang krisis na hinaharap ng mga Kidapawenos pagdating sa pagkain, maiinom at damit, namigay ng mga relief goods ang Alabel National High School (ANHS) Supreme Student Government (SSG) sa tulong ng mga mag-aaral nito sa Kidapawan, Nobyembre 16. Ito ay matapos sa naganap na tatlong sunod sunod na lindol na tumama sa lugar na nagdulot ng malaking pinsala na aabot ng ilang milyon. “Ang sarap sa feeling makatulong kahit sa maliit na bagay. I am praying and hoping na magiging okay sila sa kabila ng lahat. It’s a big trial that we need to surpass but we need to take it positively,” ayon pa kay Jiah Pean Asumbra, ANHS SSG Adviser. Tumama ang lindol sa halos kaparehong lugar na tinamaan ng magnitude 6.3 na lindol noong Oktubre 16, na ikinamatay ng nasa 7 tao at Itinuturing na "main quake" ang lindol noong Oktobre 29 kaysa sa lindol na tumama noong Oktubre 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Nilinaw naman ng Phivolcs na walang banta ng tsunami dahil nasa lupa ang sentro ng lindol.

150K KABUUANG PERA AT DONASYON NA NALIKOM NG SSG PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDO SA kIDAPAWAN

Rescue training na ginanap sa Spring, Alabel dahil kahit sa kalagitnaan ng malakas na ulan ay pursigidong tinapos ng mga rescuers ang hamon na hanapin ang mga biktima ng landslide. Nagbigay rin ng pagsasanay ang Bureau of Fire Protection Alabel para sa mga miyembro ng ANHS Savers para ihanda ang mga naturan sa posibleng banta ng sunog ito’y matapos matupok ang bahagi ng Gaisano Mall of Gensan noong Oktubre 16, ilang oras matapos niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang syudad. Sa sunod-sunod na naganap na malakas na pagyanig sa buong rehiyon, hindi naman naaksaya ang pagod ng ANHS Savers mula sa kanilang mga pagsasanay nang pinuri sila ng pamunuan ng paaralan sa kanilang “quick response” noong kasagsagan ng 6.5 magnitude

na lindol noong Oktubre 31. “We are very glad that we have these very quick student-responders who really helped the students and even the teachers who have fainted during the tremor,” sambit ng punong guro ng ANHS na si Ernesto Yuzon. Samantala, hindi lang nangunguna ang ANHS Savers at MDRRMO Alabel sa kanilang mabilis at pulidong serbisyo sa munisipyo, kundi panalo rin sila sa labanan sa pagalingan sa pagresponde laban sa iba pang grupo sa probinsya. Sa katunayan, itinanghal na kampyon sa pangatlong pagkakataon ang Alabel 3 na pinangungunahan ng ANHS Savers sa ginanap na School-children Disaster Risk Reduction Rescuelympics 2019 noong Nobyembre 8 kung saan matagumpay nilang naisagawa

ang Vehicular Accident Simulation, Hailing, Bandaging, Man’s Carry at Cardio Pulmonary Resuscitation (CPR) Exercise. Nasungkit rin ng kupunan ng MDRRMO Alabel ang inaasam na “grand slam” sa Sarlympics 2019 na ginanap sa Capitol ground noong Nobyembre 15 kung saan inuwi nila ang 100,000 bilang papremyo. “Sa kasagsagan ng mga sakuna ngayon, nararapat lamang na mas maging handa ang bawat isa para maiwasan ang mga casualty kasi we are really eyeing for zero casualty dito sa Alabel. We are very much ready to respond anytime, the ANHS Savers are equipped,” ani ni ANHS Permanent Alternate School Disaster Risk Reduction and Management Coordinator Robert Baluyot. NI RHODA MAE EBAD

kulang sa kaalaman 63% mag-aaral, walang sapat na kakayahan sa pagsuri ng fake news

nico geolaga Baitang 09

Batay sa pag-aaral na isanagawa ng Stanford University sa America ukol sa paglaganap ng “fake news”, napag-alaman na ang mga mag-aaral ay walang sapat na kakayahan upang masuri ang peke sa tamang balita. Samantalang hindi naman naliban sa naturang resulta ang mga mag-aaral sa Alabel National High School ayon sa parehong sarbey na isinagawa ng Alay ng Sarangani. Noong Oktubre 4, nagbigay ng tatlong magkaibang ulo ng balita ang publikasyon; dalawa mula sa kilalang news site at ang isa naman ay ginawa lamang ng kasapi ng publikasyon. Napagalamang 16 lamang sa 44 o 63% na estudyante ang nakapagsuri ng tamang headline.

16 44

Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang impluwensya ng social media sa kawalan ng kakayahan ng mga estudyante na alamin ang tama sa pekeng balita. Ito ay napatotohanan naman nang lumabas din sa resulta ng sarbey na karamihan sa hindi nakakuha ng tamang sagot ay kumukuha ng balita sa Facebook at Twitter. Samantalang nanonood naman ng balita sa telebisyon at nagbabasa ng dyaryo ang 10 sa 16 na mga nakakuha ng tamang sagot. “I thought I was right. Di na kasi ako nanonood ng balita sa TV and I’m more into Facebook kaya don nalang din ako kumukuha ng news updates,” sambit ni Rochelle May Ebad matapos mapili ang ulo ng balita na gawa lang ng ang Alay ng Sarangani. Bagamat nagdagsaan ang mag pekeng balita sa social media, marami pa rin ang naniniwala sa kakahayan ng responsableng

sa

Matapos ang sunod sunod na kalamidad partikular na ang malalakas na lindol na tumama sa Mindanao na naminsala ng mga gusali at kumitil ng buhay, mas pinaigting pa ngayon ng pamunuan ng Alabel National High School at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Unit (MDRRM) ang kahandaan sa sakuna ng mga “school-based responders”. Noong Oktubre 26, dalawang linggo matapos unang niyanig ng 6.3 magnitude na lindol ang rehiyon, nagsagawa ang MDRRM Alabel ng Hailing o Mountain Search and Rescue kasama ang ilang volunteers mula sa ANHS, upang maturuan ang mga school-based rescuers sa pagtunton sa mga landslide victims. Sa naturang pagsasanay, makikitang seryoso at taimtim sa kanilang gampanin ang mga kalahok sa Mountain Search and

bilang ng mga mag-aaral na nahihirapan sa pagsuri ng fake news

pamamahayag na buksan ang isipan ng mga tao sa mga nangyayari sa lipunan. “Young journalists like you can help open people’s eyes as your watchdog role which is obviously critical nowadays. You must deliver news which are truthful and just,” paghamon ni Ernesto Yuzon, prinsipal ng ANHS.

KABAYANIHAN HANGGANG IBAYONG DAGAT Bomberong Alabelian isa sa mga rumesponde sa bushfire sa Australia

Muli na namang bumida ang kabayanihan ng Pinoy sa ibang bansa matapos nanguna sa pag-apula ng bushfire sa Australia ang bomberong Pinoy na tubong Alabel. Pinangunahan ni Joseph Salvador ang grupo ng mga bombero ng Queensland,Australia sa pag-apula sa isa sa mga itinuturing na pinakamalaking bushfire na naitala sa estado na tumagal ng mahigit dalawang linggo. "The biggest problem was that there was no fire hydrant there and there was nowhere else to get water. We were lucky that the Wondai fire team was also there and gave us another 2,000

litres of water,” sabi ni Salvador sa panayam sa kanya ng SBS Filipino. Lalo pang napahanga ang mga Pilipino sa kabayanihan ni Salvador nang mapag-alamang muntik na rin pa lang tupukin ng apoy ang kanyang payahupan sa Proston ngunit mas pinili pa nitong rumesponde sa kalapit na sunog. "I know too well the perils that Queensland residents and farmers will further face should extreme dry conditions continue." “A few weeks ago, we attended to a fire incident in Hivesville. We defended the exposure of about 20 houses that were under threat," dagdag pa niya.

Ayon sa kanya halos dalawang taon na raw na hindi umuulan sa Australia kaya laganap ang bushfire sa bansa. " We haven’t had rain for nearly two years now. And that’s one of the reasons why we are experiencing fires that we haven’t seen before." Sa kabila ng panganib sa paglaban sa sunog, pursigido pa rin 30 anyos na bombero na ipagpatuloy ang pagresponde. " Even if they are not our kababayans, I'm still dedicated to help because its innate in our blood as Filipinos to serve and protect mankind," pagtatapos niya. NI RHODA EBAD


Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

TAPATAN

P6

OPINYON

ALAYNGSARANGANI

05

7M, Nawa’y ‘di malustay, gamitin sa pag-unlad (sundan sa baba)

474 MILYON

Nagsakatuparan ng “job expansion” at “job creation” para sa mga Sarangan

Ang batas ay ginagawa lamang bilang isang disenyo na kahit kalian gustuhin ay pwedeng balewalain”

Bungal noon, bigyan ng Pangil ngayon

Mga Kasong Nalutas

ng pagkakabit ng dagdag na CCTV Nakawan

38

Pagkawala ng Gamit

20

Pagpasok ng mga ‘out sider’

32

EDITORYAL

SEGUridad nararapat pRayOridad

Sa kasalukuyan, pangkaraniwan at prayoridad ng tao ang pagkabit ng closed-circuit television o CCTV. Marami ang benepisyong dulot ng nito isa na rito ang dokumentasyon, paglutas ng krimen, pag-iwas sa masasamang loob, lalong lalo na sa tahanan o establisimyento. Upang matuldukan ang kriminalidad sa ating lipunan, ang pagkabit ng CCTV kamera sa paaralan ay isang importanteng at epektibong katibayan upang matukoy agad ang tunay na nangyari at ang maysala na dapat managot sa anumang insidente tulad ng pagransak ng mga klasrum, bullying at paggamit ng bawal na gamot. Sa pamamagitan ng pagkakabit nito, buong oras naka-record ang kaganapan sa bawat sulok ng paaralan at mababantayan ang mga estudyante, guro at non-teaching personnel at mga bisita ang paglabas-pasok sa

paaralan. Mapapanatag ang kalooban ng mga administrasyon at mga guro sa seguridad ng mga mag-aaral. Kaya upang maprotektahan ang confidentiality at non-disclosure ng mga CCTV footage, mariing ipinagbabawal ang paglalabas, pagpapanood at pagbebenta ng anumang kuha ng video o larawan sa kahit sino. Ngunit sa oras ng pangangailangan maha¬laga na magkaroon ng maayos na pagkuha at pagpanood sa mga imahe sa video upang maresolba ang mga pangyayaring naganap dulot ng salut ng lipunan sa loob ng

paaralan. Magkaroon ng mahigpit pamantayan na kailangang sundin sa instalasyon at pano¬nood ng mga nasabing materyales upang maitama ang maling mga pamamaraan o pana¬namantala ng pagkuha ng access nito tulad na lamang ng mga naiuulat na insidente ng nangyari sa isang Elementary School na naisahimpapawid sa #raffytulfoinaction, Nobyembre 13,2019. Sa kabilang dako, upang matugunan ang mga kriminalidad sa lipunan, isinumite ang Senate Bill No. 742 o ang CCTV Act of 2019.

MAKABATA ni MARY NICOLE RAMOS

7M, Nawa’y ‘di malustay, gamitin sa pag-unlad Pangkalakalan at pagsulong ng kaunlaran ang hatid ng pitong munisipalidad (7M) ng probinsiya ng Sarangani, nagdala ng oportunidad upang makapasok sa ikalima na puwesto (5th) bilang “Most Competitive Province” sa taonang “Cities and Municipalities Competitiveness Index”(CMCI). Handa ka na sa pagbabago? Makisabay sa agos ng dambuhalang probinsiya? Sa katunayan, Itinatag ang Build, Build, Build program na may layuning palaguin ang imprastraktura gamit ang makabagong teknolohiya na nagkakahalaga ng mahigit 36 bilyon dolyar, kaya ang Sarangani ay isa sa mapalad na probinsiya na nabibiyaan ng bilyon-bilyong halaga para imprastraktura kalusugan, at edukasyon ang panguhing paggugulan ng pundo bunga nito’y naging malago ang ang lalawigan na nagdala upang makapasok sa isa sa malagong probinsiya ng Pilipinas. Hindi maikakailang ramdam ng mamamayan ang pag-unlad na tinaguriang “Land of Beauty” isa na rito ang katatapos lang na Sarangani Provincial Hospital at pagpapatayo ng Legislative Building na nagkakahalaga ng mahigit 90 milyong piso at pagpapalawak ng mga kalsada na mahigit 474 milyon, ito’y nagdudulot magandang resulta na nagdadala upang lumago ang kalakalan ng probinsiya upang maisakatuparan ang “job

ALAYNGSARANGANI

Isaisip at isapuso ang kaugalian na maging resposableng mamamayan ng Sarangani na kabalikat ng pagbabago tungo sa kaakit-akit na lungsod na kaagapay SA progRAma NG pAguNlad ng 7 munisipyo

expansion” at “job creation” para sa mga Sarangan. Dagdag pa rito ang mga tourists spot sa buong lalawigan na nabibigay halina sa turista upang subukin ang kaibig-ibig na taglay ng mga likas na yaman ng Sarangani. Sa kabuoan, naging mabilis ang pag-unlad ng 7 munisipyo ng lalawigan subalit kailangan pa rin ang pagkakaisa at suporta upang maiangat ang probinsiya sa ikauunlad ng bayan. Ito ay hudyat ng pag-asa para sa patuloy na magandang resulta ng pagkakaisa at higpit na pananalig sa patuloy na makabuluhang kinabukasan para sa Sarangani. Bukod ba rito, ang iba pang mga samahan ng mga namumuno sa ibang lugar, hinangad sa pagkakaisa sa pagtatag ng samahan na mag¬karoon ang mga miyembro ng platapormang makapagbago sa daan tungo sa tagumpay ng bawat lungsod. Lubos na maipagmalaki ang maaaring ibahagi ng bawat isa sa paraang ikabubuti ng probinsiya. Lalo na sa panahon ngayon kung saan sadyang nangingibabaw ang globalisasyon. Hawak-kamay, magkaisa, magtulungan, isaisip at isapuso ang kaugalian na maging resposableng mamamayan ng Sarangani na kabalikat ng pagbabago tungo sa kaakit-akit na lungsod na kaagapay SA progRAma NG pAg-uNlad ng 7 munisipyo.

Patnugutan

Layon nitong ilatag ang mga pamantayan sa pagkakabit at paggamit ng CCTV camera sa mga pribado at pampublikong paaralan, maging sa mga kalye, hotel, mall, restaurant, pawnshop, palengke, gasolinahan, money remittance center, fast food centers, ospital, paliparan at iba pa. Hangad ng lahat na maging tiyak na mailayo sa panganib ang mga kabataang mag-aaral sapagkat ipinagkakatiwala ng mga magulang sa paaralan ang pangangalaga, kaligtasan at SEGURIDAD ng kanilang anak ay dapat isang PRAYORIDAD.

Liham sa

Patnugot Mahal na Patnugot, Batid natin na ang mga kabataan sa kasalukuyan ay nagkakaroon na ng hindi kaaya-ayang mga gawain. Makikita natin sa lansangan ang mga kabataang tumahak sa maling landas na tinatawag na “sukaraps.” Sila ang mga kabataang halang ang bituka na marahas na nakikipag-away sa loob at labas ng paaralan. Ako ay nag-aalala sa seguridad ng mga mag-aaral dahil sila ay nakakapasok sa loob ng kampus at naghahanap ng gulo. Ito ay nagdudulot ng abala sa klase at hindi magandang imahe sa paaralan; at higit sa lahat ang nangyaring gulo noong nakaraang buwan na isinugod sa ospital. Ako ay umaasa na matugunan at masulosyunan ang bagay na ito. Taos-pusong sumasainyo, APOL

Tugon ng

Patnugot Makakatanggap ng personal na liham tugon ang mga magaaral na nagpadala ng kanilang liham para sa patnugot makaraan ang dalwang araw matapos malathala ang pahayagang ito.

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

Punong Patnugot: Mark Paran, Pangalawang Patnugot: Celsty Belle Guatlo Tagapangasiwang Patnugot: Jasper Sayson Patnugot sa Lathalain: KIMVERLIE Y. MOMO, Patnugot sa Isports: Araine Macalua Tagaguhit: SHENNABEL A. CENAS, PRINCESS HANNAH S. PELIGRO, Kenneth Serrano Mga Larawang Pamahayagan: TRISHA M. GUATLO, LOVELY DILLA, Bein Calliao Pagwawasto ng Sipi: BREANNA ALYX R. ABAYON Mga Kontributor: RHODA MAY B. EBAD, JOhn Mark Polistico, Niko Geolaga, Karen Montargo, NAZWA ALYZA T. ALABA, Maritone Cueme ,AMMOR SEBASTIAN DUMPA, DONNA MAE N. LABUGA, REYMARK PARAN, CELESTE GUATLO, LADY TRAYA, MARIEL MANTE, Janlyca P. Reponte, Pearl Mingo, Marian Mante Tagapayo : ELLEN D. OLMOGUEZ, CANDELYN L. CALIAO Filipino Koordineytor: Elizabeth Sollano Related Subject Department Head: ROLLY G. VILLANUEVA Punong-guro:ERNESTO YUZON

AS

SDS :CRISPIN SOLIVEN JR ASDS: DIOSDADO ABLANIDO CID Chied: Donna S. Panes Division Journalism Coordinators: LAFOREZA L. MAGUATE, ANALIZA DOMINGO


06

ALAYNGSARANGANI OPINYON

Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

Bungal noon, bigyan ng Pangil ngayon

TAPATAN ni REY MARK PARAN

Ang kabisaan ng R.A 8049 o Anti-Hazing Law ay muli na naming kinekwestyon sapagkat ang bayolenteng initiation rites ng isang kapatiran ay umangkin na naman ng panibagong buhay ng isang Kadete ng Philippine Military Academy.

Sa loob nang halos sampung taon, masasabing hindi naging epektibo ang antihazing law sapagkat simula noong 1995 nang una itong naisabatas, natatayang mahigit 15 na ang namatay dahil dito. Ayon sa batas, ang direktang pananakit sa neophyte na naging sanhi ng pagkabalisa, pagkainutil, pagkabulag, at pagkamatay ay siguradong mananagot sa batas ngunit mapapansing iilan lamang sa mga suspek ang nakukulong. Isang malaking kamalian ang hindi maayos na pagpapatupad sa batas na ito kaya nararapat lamang na

suriin ang mga kakulangan sa batas na ito. Marami na ang namamatay dahil sa hazing. Kung matatandaan, noong nakaraang taon, isang freshman law student ng University of the Santo Thomas na si Horacio Castillo III ang binawian ng buhay matapos sumali at sumailalim sa hazing ng Aegis Juris Fraternity noong Setyembre. Kung taon-taon na lang ay may nabibiktima ng hazing, mahihinuhang may kamalian at kakulangan ang batas. Sa mahigit 15 biktima ng hazing mula 1995, iilan lamang

ang nabiyayaan ng hustisya dahil sa umiiral na “ometa” o code of silence sa lahat ng mga fraternity na pumoprotekta sa kanilang karapatan na dapat ay buwag na dahil sa umiiral na batas. Mabuti man ang layunin ng fraternity o kapatiran ngunit dahil sa hazing, nadudungisan ang imahe ng fraternity sapagkat ang iba ay ginagawa lamang ang batas bilang isang disenyo na kahit kalian gustuhin ay pwedeng balewalain. Maraming buhay na ang nasayang

AKSIYON ni JHANICA LOPEZ

KKK sa K+12 Karunungan, Kalidad, Kapahamakan

Kurapsiyon sa karunungan . Hangad ng mamamayang Pilipino na makamit ang tugatog ng tagumpay ng bawat mag-aaral, “ Karunungan ay Kayamanan” kaya walang batang maiiwan sa daan dapat nasa paaralan. Naisabatas ang K+12, Batas Republika BLG. 10533, isang batas na nagpapabuti sa sistema ng batayang edukasyon sa Pilipinas sa pagpapalakas ng kurikulum nito at pagdadagdag ng bilang ng mga taon para sa batayang edukasyon, paglaan ng pondo para rito at para sa iba pang layunin. Naglaan ng 38.1 bilyong piso para sa konstruksiyon rehabilitasyon ng mga silid-aralan ngunit aanhin ang naglalakihang gusali ng paaralan kung dulot nito’y kapahamakan? Kalidad sa kalamidad. Dambuhalang mga gusali na may 10 magnitude ang kakayahan ng pundasyon ang tumubo sa mga paaralan ngunit dito nasusukat ang katotohanan na ang kalidad malalaman kapag dumating na kalamidad. Niyanig ng tatlong lindol ang Mindanao, 6.3Oktubre 16, 2019(7.37pm), 6.6(9.07 am)Oktubre 29, 2019,6.5(9.15am) Oktubre 31, 2019. Nakapanlulumong isipin na ang mahigit 50 milyong pisong budyet na nilaan sa isang 12- classroom building maraming mga bitak ang makikita. Totoong magagarang imahe ng gusali makikita sa

RELASYON ni RUWILA LUMBAB

Huwag Magpagabi Ang mamamayan ay hindi na ligtas sa masasamang kaasalan sa ibat ibang sulok ng pamayanan ay ating ma sasaksihan. Mga lansangan sa gabi ay may palaboy mga “batang hamog” na pinapabayaan ng mga magulang. Ang mga magulang ay naiwan sa kalagayan ng pagkatakot at pagkabahala sa mga pangyayari sa paligid. Naiulat sa pahayagan na 25% na mga kabataan sa kasalukuyan ay natatakot sa mga nangyayaring patayan at panganib sa gabi dulot ng mga taong mararahas sa kapwa. Bilang tugon sa nakasisindak na isyu, may mga ordinansang nagpapatupad ng kurpyo na pinapatupad ng mga kapulisan at ng lokal na pamahalaan upang pigilan ang paglubo ng insidente sa bawat barangay. Ito ang mga salitang binitiwan ng Pangulo sa panahon ng kompanya na magtulungan sa pagpuksa ng krimen at karahasan gaya ng mga kautusang ipinatupad sa Davao City. Isa sa mga ito ay ang pagpapatupad kurpyo mula (9pm-5am). Ang ordinansang kurpyo ay ipinatupad ng mga pulis at mga barangay tanod na tinatawag nilang “Oplan Rody”(Rid of the streets of Drunkards and Youths). Unang pagpapatupad nito dinadampot at dinadala ang mga kabataan sa barangay hall at presinto at saka pinagsasabihan ang mga ito. Sa pangalawang pagkakataon na mahuli ay mananagot ang mga magulang. Malaki ang responsibilidad ng magulang kung bakit palabuylaboy sa kalye ang kanilang mga anak ang iba ay kinulong. Kasabay sa pagpapatupad ng kurpyo ay ang paghuhuli sa mga kalalakihang nag-iinuman sa kalye, nagvivideoke na nakabubulahaw sa mga kapitbahay at mga nakahubad baro ay hindi pinapatawad na naging dahilan sa pag-iwas ng mga kabataang lumabas sa lansangan mula (9pm-5am). Kasali rito ang mga umiinom ng alak at walang damit pang-itaas. Dapat paigtingin din ang pagbabantay sa mga menor de edad

at patuloy na nasasayang kung hindi pa mareresolba ang problemang ito. Panahon na upang mas paigtingin pa ang kampanya ukol ditto at siguraduhing hindi na umiiral ang hazing sa mga organisasyong pampaaralan gaya ng fraternity. Hindi sapat ang batas lang upang tuluyang masawata ang hazing, kailangan din ng gawa at sigaw na puksain ang hazing. Bungal man ito sa ngayon, sisiguraduhin nating sa susunod na mga taon, may pangil na ang batas na ito.

RELASYON Hangad ng lahat na ang budyet ay huwag ibulsa gamitin sa ito sa tama, buhay ng sangkatauhan ay pahalagahan. Bilyong pondo ng K+12 ay ginamit sa mabuting paraan at hind imaging KKK sa kasalukuyan

malayuan ngunit mababang uri na materyales na ginamit kung malapitan. Nakababahala ang sitwasyon pagkatapos ng lindol sapagkat ang kompanyang nagpatayo ay nakatuon sa malaking kita hindi sa kalidad ng kanilang gawa. Hahayaang nalang ang talamak na kurapsyon, maging bulag, pepe at bingi sa mga “under the table” na transaksiyon sa Kagawaran ng Edukasyon. Hahayaang huli na ang lahat kapalit ng perang ibinulsa buhay ang mawawala. Kapahamakan sa kaalaman. “LIGTAS ang may ALAM”, pinaghahandaan ng gobyerno ang KALAMIDAD bunsod nito ay agarang ipinatupad ang sa bansa ang EARTHQUAKE DRILL at iba pang programa upang mapaghandaan ang mga darating na sakuna subalit hindi naman mapoprotekatahan ng mga programang ito ang pagguho ng mga gusali dulot ng substandard na materyales ang mga mag-aaral mga kaguruan. Higpitan ang pananalig sa pagdating ng The Big One ay magkaroon ng sapat na oras upang makalabas at mailigtas ang buhay. Kaya hangad ng lahat na ang budyet ay huwag ibulsa gamitin sa ito sa tama, buhay ng sangkatauhan ay pahalagahan. Bilyong pondo ng K+12 ay ginamit sa mabuting paraan at hind imaging KKK sa kasalukuyan.

Bumaba ang porsiyento sa mga naiulat na pagnanakaw, paghahablot ng bag at cellphone at iba pang mahahalagang bagay mula ng ipatupad ang kurpyo na kakalat-kalat sa kalye na walang kasamang magulang o guardians. Lalong nakaamba ang panganib sa mga bata na edad 18 pababa kapag nasa kalye sa dis-oras ng gabi. Sila ang nabibiktima at napapahamak at kinakasangkapan sa kasalukuyan ng drug syndicates. Karaniwang ginagawang runner ng illegal na droga ang mga bata para hindi matunugan ng mga alagad ng batas. Dagdag pa rito ang mga estudyante sa sekondarya ay pinagbebenta na rin ng marijuana. Layuning ng kurpyo na protektahan ang bawat barangay sa panganib. Ang pagpapatupad ng kurpyo ay nabunga ng magandang resulta sapagkat nabawasan na ang krimeng kinasasangkutan ng mga kabataan. Bumaba ang porsiyento sa mga naiulat na pagnanakaw, paghahablot ng bag at cellphone at iba pang mahahalagang bagay mula ng ipatupad ang kurpyo. Ngunit sa kabila nito’y may mga lugar na natigil ang an pagpapatupad ng kurpyo sapagkat nag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Supreme Court at pagsampa ng reklamo ng mga grupo ng kabataan na labag daw sa Juvinile Justice and Welfare Act o ang Republic Act No. 9344. Subalit nawalang parang bula ang paghihigpit sa mga batang kakalatkalat sa kalye kaya muli na namang nagsulputang parang kabute sa kasalukuyan. Kapansin-pansin ang mga batang hamog na nag-uunahan sa pag-akyat sa mga nakatigil na truck kung trapik at ninanakaw ang mga gamit. May mga batang kalye na pinagtutulungang pagnakawan ang mga pasahero ng dyipni o di kaya’y tinatapunan ng bato ang mga sasakyan na nagdudulot ng disgrasya. May mga namamalimos na bata sa dis-oras ng gabi at nasa panganib ang buhay sapagkat maaaring mahulog sa dyipni o masagasaan. Ilan sa mga bata ang nahuli ng mga pulis pero hindi makasuhan dahil 13-anyos lang. Ayon sa Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na inakda ni Sen. Francis Pangilinan, edad 15 lamang ang criminally liable kaya ipinagkatiwala na lamang sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may edad 14 pababa.

ni LADY MAE TRAYA

Sa Rehas ng Banal na Kasal Walo sa 10 mga guro ng Alabel National High School ay hindi sang-ayon sa Senate Bill 2134 o ang Divorce Bill na nakabimbin ngayon sa Senado. Ito ay ayon sa ginawang sarbey ng Ang Alay ng Sarangani, opisyal na pahayagan ng nasabing paaralan, Biyernes, Setyembre 19. Ayon sa Philippines Statistics Authority o PSA, 23 porsyento ng mag-asawang Pilipino ay hiwalay o ‘separated’ ngunit hindi ito malaking bagay sa atin sapagkat nangyayari na ito noon pa man. Sa malalim na talakayan tungkol sa Divorce Bill, ang benepisyo at kasahulan ay patuloy na nagtatalo ngunit isa lang ang sigurado-ang masusing pagaanalisa sa panukalang batas na ito ay dapat isaalang-alang.

Ang divorce bill ay hindi dapat isaalangalang dahil walang mahirap na sitwasyon ang hindi kayang masulosyonan sa tama at maayos na paraan. Kadalasan lamang sa mga sitwasyong ito ay pinapalala ng sutil at bulag na pagkahumaling sa galit at mga maling desisyon dulot ng kataksilan.

Sa nakalipas na sampung taon, lumubo sa halos 580 ang kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan. Naging maiging batayan ito sa muling pagsulong ng diborsyo sa bansa na may maraming biktima ng karahasan at pang-aabuso sa loob mismo ng tahanan. Kadalasan sa kanila ay napipilitang manatili sa malungkot at mapanghinang rehas ng banal na kasal dahil sa kakulangan ng legal na opsyon kaya ang panukalang batas na ito ang nakitang solusyon nga ating mga mambabatas sa kamara at senado. Ang pananatili sa hindi maayos na pamilya ay hindi dapat mangangahulugang karahasan, kakulangan ng suporta, pang-aabuso, kahirapan, at imoralidad bagkus, ang pagbuo ulit ng pamilya ang dapat isaalang-alang. Sa kabilang banda naman, ang turo at batas ng simbahang Katoliko- bilang ang Pilipinas ay isang Kristiyanong bansaay tutol sa Divorce Bill dahil sa suporta ng mga kasulatan sa banal na bibliya. Isa pa, ang pagkakaroon ng panibagong pamilya sa legal na batayan ay hindi naggagarantiya ng matagumpay na pagsasama. Nangangahulugan lamang itong panibagong gastos. Bukod pa rito, ang diborsyo ay nag-uugat rin ng masamang epekto lalo na sa emosyonal at sikolohikal na aspeto sa mag-asawa at sa kanilang anak. Kung ang Pilipinas na lamang, bukod sa Vatican, ang bansang di nagpapatupad ng diborsyo, hindi ito hadlang upang hindi ito maisabatas ngunit kung ang ating konstitusyon na lamang ang pumoprotekta sa kasal bilang banal, matibay at permanenteng pagsasama, isa ito sa mga bagay na dapat ipagmalaki. Ang divorce bill ay hindi dapat isaalang-alang dahil walang mahirap na sitwasyon ang hindi kayang masulosyonan sa tama at maayos na paraan. Kadalasan lamang sa mga sitwasyong ito ay pinapalala ng sutil at bulag na pagkahumaling sa galit at mga maling desisyon dulot ng kataksilan. Ang kasal ay nabibigo dahil gusto ng kabilang panig na ito ay mabigo. Maaaring ayaw mo sa Divorce Bill, o ayaw mo na sa karahasan, imoralidad, at pang-aabuso ngunit ang sigaw ng karamihan ang dapat nating ipaglaban


Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

RELASYON ni JILLIANE MARAGARETTE TAULE

Sapat na ang Respeto at Kabutihan Kamakailan lamang ng mangyari and insidente ng pagpapalabas sa isang transwoman na si Gretchen Diez sa pambabaeng palikuran. Naging hudyat rin ito upang muling ipagpatuloy ang pag sulong ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality bill o SOGIE Bill sa kamara. Maganda ang hangarin ng panukala ngunit hindi na kailangan pa na maipasa bilang batas ang SOGIE bill upang mawala at maiwasan and diskriminasyon sa mga miyembro ng LGBT+Q community. Meron naman tayong mga batas na nagpoprotekta sa karapatan ng bawat mamamayan. Una,sakaling ma-isa batas ang SOGIE bill magkakaroon ng kalituhan sa pag papatupad ng panukala sapagkat meron ng mga nagawang batas na nag tatanggol sa bawat karapatan ng mamamayan.Sapat na ang bill of Rights ng saligang batas ng Pilipinas upang matugonan ang problema sa diskriminasyon. Ayon la dito bawat isa ay may karapatang magsalita,maghanap ng pagkain,pwede lahat hanggat hindi lumalabag sa batas at walang pagkatao ang na aapakan. Pangalawa,ang pagpasa sa SOGIE bill para maging batas ay

OPINYON

Kung respeto ang dahilan ng panukalang ito,lagi nating tatandaan na ang respeto ay hindi hinihingi bagkus kusang natatamo

ALAYNGSARANGANI

07

PULso Tinanong ng Ang Alay ng Sarangani ang mga guro at mga mag-aaral kung pabor ba sila sa pagpasa ng panukalang SOGIE. Narito ang kanilang mga tugon.

3% 2% tila pagbibigay ng special treatment sa miyembro ng LGBT+Q community.Ano ba ang pinag ka iba nila sa mga normal na tao?Wala at tanging presepsyon lang ang pinagka iba.Ayon pa kay Gretchen Diez gusto niyang magka roon ng sarilong palikuran para sa mga bakla at tomboy.Ngunit abg suhestyon niyang ito ay nag papahirap sa mga may ari ng establisyemento at sa gobyerno narin lalo na't mayroon na tayong pampublikong palikura .Dagdag gastos na naman para sa pamahalaan. Hindi na kailang ng mga bagong batas upang ma solusyonan ang mga mga bagong problema na hinaharap ng ating bansa at mamamayan.Pwede naman na gamitin at pakinabangam ang mga dating batas upang maipag laban ng bawat isa ang kanilang dignidad at karapatan.Ang Tanging kailangang gawin lang ay striktong pagpapatupad ng mga ito. Kung respeto ang dahilan ng panukalang ito,lagi nating tatandaan na ang respeto ay hindi hinihingi bagkus kusang natatamo.Ang kailangan mo lang ay ang mamuhay ng naayon sa batas at sa gawi ng Diyos.

95% OO LUMIBAN

HINDI

Sa 60 na tumugon, mahigit 90 pursiyentoang nagsabi na hindi na kailangang ipasa ang SOGIE Bill sapagkat may buhay na batas pa na nagproprotekta sa karapatan ng mga miyembro ng LGBT+Q.

Sama samang tahakin ang Daan paG-unlad sa 2030 Sa taong 2030, inaasahang makakamit ng United Nations ang 17 na Sustainable Development Goals o SDG na may sagisag na ‘regalo sa sangkatauhan.’ Habang maraming mga proyekto na ang naisasagawa mula noong 2015, marami pa ring mga trabaho ang hindi pa nagagawa at naisakatuparan. Nirerepresenta ng SDG ang praktikal na depenisyon ng sustinableng pag-unlad na maaaring magamit ng bawat bansa na kasapi ng United Nations. Ang malawakang pagtutulungang sosyal, ekonomikal, at pangkapaligirang layunin ang nagiging repleksiyon ng pag-angat dahil sa pagkatatag ng ‘target’ at indikasyon. Sa panahong ganito, maiging ipaunawa sa mga nagkakasundung bansa ang diwa ng pagtutulungan. Sa katunayan, ang SDG ang sumusubaybay sa progreso sa paraang pinopokus ang lahat ng 17 na layunin na nais makitang naisakatuparan ng bawat bansa. Sa pagtatalakay sa SDG, nais nitong mabigyan ng sapat na pondoS ang mga proyekto upang siguraduhing walang bansa ang maiiwan – maiwan sa pag-abot ng layunin,

pagpapalakas ng kasunduan sa pagitan ng bawat bansa, pagpapatatag sa kasunduan ng publiko at pribadong sektor, at pagpapatibay sa plano ng bawat kasaping bansa. Maituturing itong napakalaking hakbang ng UN sapagkat ang dating mga plano lamang ay unti-unti ng tinutupad. Sa kabilang banda naman ng usaping ito, ang hamon sa pagpapatupadng SDG ay humahadlang sa pagkakaroon ng progreso dahil ang SDG ay sumasaklaw sa mas malawakang isyu. Maganda ang sayuhay ngunit ang epektibong polisiya, totoong aksyon, at tamang pagbibigay ng pondo ang mahirap isagawa at sustinihin. Halimbawa rito, ang kasalukuyang target ng SDG ay hindi sumasaklaw sa kabuoang indicator sapagkat mapapansing iilan sa mga key indicator ay may kakulangan. Dagdag pa rito, ang mga pangako ng mga miyembro o stakeholder ng bansang kasapi ng UN ay lupaypay lalo na sa mga bansang nagpapatupad ng ‘top-down approach’ sa pambansang plano. Hindi lahat ng bansa ang tumutulong sapagkat ang iba ay pinagsawalang-

BOSES NG ANHS Erika Nicole Castillo( Grade 10-Galileo Galilei) Bigatan parusa para lalong magkaroon ng takot ang mga ito. Hindi maganda ang idinudulot ng pagkakalat ng pekeng balita sapagkat nagkakaroon ng kaguluhan.

Jefte Caliao(Grade 10- Antoine Lavoisier) Dapat maging maingat ang mga indibidwal na huwag basta maniniwala sa mga maririnig, mababasa lalo na sa social media. Magkaroon muna ng pag-verify bago maghayag o mag-akusa ng indibiduwal.

Dionalyn Nizzia Lalisan(Grade 7- Angel Alcala) Mahalagang suriin ang

gumagamit ng social media sa bawat pag click ng ads at huwag maniniwala agad sa balita na maaaring hindi totoo o isang fake news. Hindi maniwala agad sa mga bagay bagay dahil ang isang matalinong tao ay isang critical thinker.

bahala ang Sustainable Development Goals. Ang pagtatakda ng plano at tunguhin ay isang malaking igtad upang lahat ng mga bansa ay makilahok ngunit sana’y hindi lamang mananatiling plano ang lahat ng ito. Sa 193 na mga bansang kasapi, ang pondong inilaan na 2.5 trilyong dolyar ay maaaring sapat o kulang ngunit hindi ito totoong maging sapat kung walang pagkakaisa ang bawat kasaping bansa. Tunay ngang ang SDG ay regalo sa sangkatauhan ngunit wag nating sayangin ang regaling ito sapagkat ang 17 na adhikain, 193 mga bansa, at 9 bilyong tao ay naghahanda para sa isang nagkakaisa at sustinableng kinabukasan ng mundo.

RELASYON ni KHAIRYLLE GINDAP

‘Di na Uso si Pinocchio Buwagin ang Kultura ng

Sa pag-aanalisa sa katotohanan, mas nagiging bukas ang ating isipan sa tama. Higit pa sa pagbabasa at paghahanap ng makatotohanang impormasyon, maigi ring kumunsulta sa mga mas nakakaalam lalo na sa mga eksperto

Kasinungalingan

Sa pagpasok ng ika-21 siglo, ang makabagong teknolohiya kasabay ng ‘social media platform’ gaya ng Facebook, Twitter, at iba pa, ay nagiging mas madali ang pagpasok ng katotohanan. Ngunit ang masakit na katotohanan rito ay ang mga makabagong teknolohiya at iba pang ‘social networking sites’ ay ginagawang lugar sa iresponsableng pamamahayag na maaaring sumira at makaapekto sa publiko. Sa isang pindot lang, maraming impormasyon na ang pwedeng makuha at magamit ngunit nararapat lamang na suriing mabuti ang mga nababasa at naririnig na balita dahil ang paniniwala sa maling impormasyon ay maaaring magresulta sa kapahamakan mo o ng iba. Malungkot isipin ngunit karamihan sa atin lalo na ang mga estudyante ay may ugaling maniwala kaagad sa mga bagay na nababasa lamang ng walang ginagawang karagdagang pag-aanalisa at pagsasaliksik at sila ay nalilinlang sa lumulubong problema ng yellow journalism fake news sa paraang isinasawalang-bahala ang katotohanan ay tinuturing na lamang na normal at mainam. Ang pagsambulat sa maling impormasyon at

kasinungalingan ay dapat ihinto. Sa pag-iisip ng matalas at mapanuri sa mga purong katotohanan, sa pamamagitan ng mga mapagkakatiwalaan at awtorisadong ahensya dahil ang kailangan natin ay sugpuin ang hindi maganang epekto ng mali at mapagmalabis na balita. Sa pag-aanalisa sa katotohanan, mas nagiging bukas ang ating isipan sa tama. Higit pa sa pagbabasa at paghahanap ng makatotohanang impormasyon, maigi ring kumunsulta sa mga mas nakakaalam lalo na sa mga eksperto upang hindi tayo mabiktima ng balitang mapagmalabis. Kung ang mismong mamamahayag ang nagpapakalat ng maling balita, hindi ito katanggap-tanggap dahil bilang mga mamamahayag, ang pagsiwalat sa katotohanan at tanging katotohanan lamang ay dapat isaalang-alang sapagkat tayo ay may kakayahang humubog ng kaisipan ng agting mga mambabasa. Dapat ba tayong maniwala sa lahat ng ating nababasa? Mainam, malaking proseso ang dapat nitong pagdaanan - pag-analisa higit sa pagbasa, pagsisigurado higit pa sa siguro.


08

ALAYNGSARANGANI LATHALAIN

Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

Walang ‘di kayang Aralin kay ALARIN

NI KIMVERLIE MOMO

Tatak ANHS! Panibagong Kuwento ng Tagumpay

A

ng mundo ay singkad ng mga nakapanlulumong pagsubok na nagiging dahilan ng paghihirap ng karamihan at pagkalugmok sa buhay. Maaaring ang iba ay ituring ito bilang karimarimarim na pagkakataon at nangangamba sa bawat sandaling harapin ito at bigyang solusyon. Subalit, para sa iilan ito ay mga biyaya sa langit na nagbibigay aral at leksiyon nang mas mahubog at makilala ang kanilang mga sarili.

L

abis na sinusubok tayo ng panahon dahil sa mga hamon na ating kinakaharap sa bawat araw, at lahat ng mga hamon na ito ay posibleng malampasan at masolusyunan ng sino man. Isa ang binatang si Joshua Alarin sa magpapatunay na ang mga nakapanghihilakbot na mga pagsubok na ito ang maghahatid sa atin sa rurok ng tagumpay. Isa siya sa daan-daang karaniwang kabataan na nangarap na maabot ang mga hangarin sa buhay at nitong taong pangkasalukuyan, sa edad na 24, napabilang siya sa 'Topnotchers Registered Electrical Engineer' at nakuha ang ikasampung pwesto. Hindi niya lubos maisip at maipinta sa kanyang diwa na sa dinami-dami ng tulad niyang kabataan na kumuha ng pagsusulit ay napabilang siya sa sampung pinakamahusay. Noong nag-aaral pa lamang siya sa kolehiyo sa Mindanao State University, sumagi na minsan sa kanyang isipan na maging 'topnotcher' subalit hindi niya inakalang magiging totoo ang noon ay pinapangarap niya lang maabot.

A

ng kanyang pamilya ang isa sa mga dahilan ng kanyang katagumpayan at ang tanging rason kung bakit niya nalampasan ang mga pagsubok na pilit humahadlang sa kanyang daan. Sila ang kanyang naging sandigan sa mga panahon na pilit siyang nilulugmok ng mga problema. Kinailangan ring pagbutihin ni Joshua ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo upang mapanatili ang kanyang iskolarsip at tulungan ang kanyang sarili sapagkat hindi sa lahat ng panahon naibibigay ng kanyang mga magulang ang kanyang mga pangangailangan at kagustuhan. Rurok ng tagumpay ay abot na ng kanyang mga kamay at ilang hakbang na lang ang kanyang tatahakin maaabot na ang matagal niyang inaasam-asam. Labis na nagagalak ang kanyang kaibuturan at patuloy na nagbubunyi ang kanyang puso sa kaligayan dahil sa kanyang napagtagumpayan na pinapangarap na maabot ng karamihan. "Be humble and always keep your feet on the ground"

I

sa ito sa mga pinaninindigan niyang prinsipyo at lagi niyang ikinikintal sa kanyang isipan na palaging magpakumbaba sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya at huwag maging mapagmataas sa mga tagumpay na naabot.

N

ais niya ring ipabatid sa kapwa niya kabataan na patuloy lang mangaparap dahil ang pagtatagumpay ay hindi isang paligsahan na kung sino ang unang makakaabot ay siyang mananalo. Ang tagumpay ay isang mahabang proseso na kinakailangan ng mahabang pasensya at sakripisyo. Kinakailangan ng tiyaga at determinasyon upang maabot ang mga mithiin at ipaalala sa iyong sarili na lahat ng pagsubok at kabiguan ay posible mong malagpasan. Magkaroon ng isang positibong pag-iisip at huwag agad sumuko kung sakali mang ikaw ay nabigo. Lahat ng ito ay taglay na ng isang Joshua Alarin na naging dahilan upang marating niya kung ano ang narating niya ngayon.

PAGKAKAITat PAGHUHUSGA Ang nakatagong katutuhan ng Muslim NI KIMVERLIE MOMO Community sa Tokawal

“God has no religion”—Mahatma Gandhi. Mula sa iyong kinatatayuan ay makikita ang harapan ng isang Mosque na kung saan iyong masisilayan ang nakatatakot na tikas ng nagniningning na araw. Ang katahimikan ay hindi naayon sa mapanghalinang araw na nagsasaad ng kasayahan. Iyong mapagtanto na ang nakabibinging katahimikan ay may nakatagong kahulugan na sila lang ang nakakaalam, na maaring ito’y hindi pagkakaunawaan ng dalawang mundo na kainlanma’y hindi nakita ng sinuman. Nawawala ang pag-aalinlangan at agam-agam habang minamasdan ang ngiti at kaway ng mga kabataan na nagpapakita ng pagkagiliw at kasayahan. Samantala, sa loob ng Madrasa ay mga kabataang Muslim, na nag-aaral ng Arabic, na kung iyong titingnan at pakinggan, para kang nanonood ng mga batang mahusay na nagtatanghal sa saliw ng orkestra. Ang mga kaugaliang nakagisnan ng mga Muslim na naninirahan dito ay walang pagbabago, hindi nag-iiba kung sa musika hindi nagbabago ang tono, nakayayamot na, pero sa lahat ng ito, masasalamin sa kanilang mukha ang pagkamasayahin at pagiging positibo. Sa katunayan, ang komunidad na ito ay nagpapamalas ng katatagan, pakikiisa, sama-sama at may pagkakaisa sa anumang minthiin ng buhay mayroon sila. Gayunman, hindi pa rin masasabing perpekto at tahimik ang lugar na ito lalong lalo na, ito’y napapalibutan ng mga isyu, suliranin, maling pagkakaintindi at pakahulugan sa paniniwala at pananampalataya ng bawat isa. Ang ating lipunang ginagalawan ay mapanghusga. Napakahusay magparatang ng mga kamalian tungkol sa mga tao at relihiyong ginagisnan nito na walang sapat na basihan kundi pansariling opinyon lamang na kung susuriing mabuti ay hindi patas, malinaw na may kinikilingan at hindi

makatuwiran. Tama ang tinuran ni Gandhi, ngunit ang Muslim community sa Tokawal, Alabel ay patuloy ang kanilang pakikibaka sa kanilang karapatan. Umaasang matuldukan na ang isyu ng kanilang pagkatao, maunawaan ang kanilang kultura at higit sa lahat maalis sa isipan ng bawat tao ang maling pagtingin sa kanila.


Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

09

LATHALAIN

Kawalan ng

Katapatan NI KIMVERLIE MOMO

“Honesty is the best policy” Ito ay isa sa mga gasgas sa tengang kasabihan na madalas nating binabanggit lalo na kung ang paksa ay tumatalakay sa katapatan. Simpleng kasabihan subalit may malalim na kahulugan na tiyak malaki ang epekto sa bawat isa sa atin. Ang pagiging matapat ng isang indibidwal ay maaring subukin sa maraming paraan, at ang pinakamagaan sa lahat ng paraan ay ang pagsubok sa katapatan ng mga mag-aaral sa tuwing may ginagawang pagsusulit o eksaminasyon. Karamihan kasi sa mga kabataan ngayon ay tamad ng mag-aral at nakatuon na ang buong atensyon sa mga gadgets at umaasa na lamang sa sagot ng katabi, sa hulahula at kadalasang nandadaraya makukha lamang ng malaking puntos sa maruming pamamaraan. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap ngayon ng paaralan ay ang

pandaraya at pangongopya ng mga magaaral sa mga isinasagawang pagsusulit na kinakailangang pagtuunan ng atensiyon ng mga guro. Sa pananaliksik na isinagawa sa mataas na paaralan ng Alabel National High School, 4 sa 10 estudyante ang nangongopya sa mga pagsusulit o eksaminasyon. Ayon sa gabay tagapayo ng naturang paaralan, ang kadalasang dahilan ng ganitong pangyayari ay katamaraan sa pag-aaral ng leksiyon at paglalaro ng mga mobile games. Sa halip na magbasa ng mga araling tinalakay, nakatuon na ang kanilang atensiyon sa paglalaro ng mobile games na nagsisilbi nilang libangan. Sa panahon ngayon na modernisado na ang mundong ating ginagalawan at laganap na ang mga makabagong imbensiyon, mabibilang na lamang sa daliri ang mga taong tapat lalong-lalo na sa mga kabataan na itinuring na pag-asa ng bayan. Pagdating sa mga usaping pagsusulit, iilan

Biyayang minimithi sa Ulan Nakakubli Makulimlim ang paligid, ramdam ang bigat na dinadala ng ulap, bumuhos ang malakas na ulan sa di kalayuan maaninag ang musmos nagtampisaw sa nag-aagawang malaputik na tubig sa dalampasigan sa ilog ng Ladol hindi upang maligo kundi mahintay kung kailaan titila ang ulan. Sa pagtulak ng ulan makikitang banayad na ang kapaligiran, bakas sa mukha ang di mababayarang kagalakan. Nagpapalakpakan ang munting malamig at nagniningning na mga kamay. Namutawi sa mga innosenting labi ang pagpapasalamat ang sagot sa panalangin. “Salamat Panginoon!” sigaw ng isang batang lalaki. Kung tatanungin kung bakit siya nagpasalamat, sagot niya’y “dahil sa ulan”. Hinimod at binasa ng ulan ang kanilang maamong mukha sa kaligayahan, sapagkat ang ulan ay “nagdadala ng pera” sabi niya. Bahaghari sa kasalaulaan Paboritong dagat-paliguan ang Ladol ng mga kabataan ngunit para sa iba ay ang ilog na katabi nito. Ang ilog ng Molo ay mahaba na nangagaling sa Bayan ng Pag-asa Alabel papunta sa dagat ng Ladol. Kapag umuulan, ang ilog ay napupuno ng maraming tubig at ang mga Batang nakatira sa ladol ay masayang isinasagawa ang kanilang nakagawian – ang kanilang bahaghari pagkatapos ng ulan – ang pangingisda gamit ang kanilang mga munting kamay. Isa sa mga bata na sumisisid at nangingisda sa ilog na ito ay si Bodok. Siya ay nakatira sa tabing-dagat ng ladol. Siya ay labindalawang taong gulang pa lamang pero kung magsalita ay para bang siya ay matagal ng nangingisda sa ilog. “Natuklasan ko ang lugar na ito sa aking mga kaibigan na pareho ring nangingisda dito. Kaya matagal na panahon na kaming gumagawa nito. Isa pa wala naman kaming ginagawang masama,” saad niya. Si Bodok kung titingnan ay maliit at marupok lamang ang katawan, ngunit

kapag napuno ang ilog ng tubig ulan ay nagsisimula silang magmukhang malakas at makikisig. Hindi sila nagdadalawang-isip na sumisid sa ilog sa kabila ng malaputik at maruming tubig dala ng mga itinapong mga basura, mga diyaper, plastik na pambalot at minsan ay mga dumi pa ng mga tao galing sa mga kabahayang malapit sa ilog. Sa gitna ng polusyon, itinuturing niya ang sariling eksperto sa pagsisisid. Ipinagmamalaki niya na kaya niyang sumisid habang bukas ang mga mata’t bibig para lang mahagilap ang isdang parag ginto na sa kanya. “Ang paglalangoy ay madali, napakadali,” pagmamalaki ni Bodok habang ipinapakita niya paano sumisid sa kabila ng baradong tubig na kanyang kinakaharap. “Kailangan mo lang igalaw ang iyong mga paa gaya nito para hindi ka malunod at banatin ang ‘yong kamay para mahagilap ang mga isda.” Ang mga kabataan ngayon ay handa ng pumunta sa ilog na itinuturing nilang biyaya. Hinuhubad nila ang kanilang mga tsinelas at damit at inilalagay sa damuhan pagkatapos ay sumuong na sa ilog kasama ang kanilang mala-imortal na paniniwala ng pagkukuha ng mga isda gamit lamang ng kanilang mga munitng kamay at sa katapusan ay kanilang ibinibenta sa mga mamamayan. Ayon sa

na lamang sa kanila ang masasabing mong tapat sa pagsagot ng mga katanungang pinaghirapang gawin ng mga tagapagturo. Ang iba pa nga'y harap-harapang nangongopya sa tapat ng guro at hindi man lang nakakaramdan ng takot at hiya sa kanilang ginawa. Marahil iilan na lang din sa atin ang nagbibigay halaga sa tanyag na kasabihang honesty is the best policy sapagkat binabasura na lamang ito ng iba. Sa paglipas ng panahon unti-unti ng binabalot ng kasinungalingan ang ating mundo at dahan-dahan ng naglalaho ang mga salitang tapat at totoo.

Kuwento ng pagliban sa klase ng batang mag-aaral na nangingisda sa ilog Molo kanila, ang mga taong ito ay matakaw dahil hindi wala silang pakialam kung ang mga isdang ito ay galing sa maruming ilog. “May isa lang akong misyon ngayong araw,” sabi ni Bodok na nasa ubig, lublob ang katawan habang pinapahid palayo ang mga basurang nakadikit sa kanya. “Kailangan kong punuin ang plastic na ito para makapagbenta ng maraming tilapia, dahil ito ang pinakamahal.” Ligalig sa buong Magdamag Makalipas ang ilang minuto sa dagat, sila ay maliliksi pa rin sa panghuhuli ng isda gamit ang kanyang kamay lamang. Sa bawat pag-angat ng ulo at pagtaas ng kamay ni Bodok mula sa ilalim ng tubig ay makikitang hawak-hawak ng kanyang munting kamay ang maliliit na isda na nagpupumiglas at pilit kumawala .. Lahat na nahuhuling niya isda ay kanyang inilagay sa plastik na sisidlan. Kadalasan, ang kanyang nahuling isda ay ipinagbili sa halagang P20 hanggang P25 bawat plastik ng isda na katumbas ng isang oras na pangingisda. Pero sa araw na ito, nagpatuloy siya panghuhuli ng isda sa paghahangad na magkaroon siya ng mas malaking kita. Humugit kumulang dalawang oras ang nakalipas, nagpasya si Bodok na umahon sa tubig at tingnan ang kanyang mga nahuling isda. Iniyukyok niya ang kanyang katawan sa damuhan at inihagis ang sisidlan ng isda pataa,pababa . Lahat na maliliit na isda na nahuli ay tumilapon, nabalot ng putik at lahat ay namatay. “Walang bibili nito” dismayadong sabi ni Bodok na may lungkot ang mukha. Tanungin mo ako bakit? “Dahil napakaliit nila at parang buto’t balat, walang silbi” . Sa ilang sandal pa, umupo si Bodok sa damuhan, inisip niya na kailangan manghuli uli siya ng isda ngunit siya ay pagod na. “Kailangan kung mangisda muli upang kumita ng pera” malumanay niyang sabi

sabay tingin sa mga isda na naklatag sa damuhan na wala ng buhay. “Hindi ako mapapagod, sir”. Lumusong siya muli sa sapa, ngunit sadya yatang pinagkaisahan siya ng tadhana ni isa wala siyang nahuling isda. Habang namamahinga, nilalaro ni Bodok ang kanyang sugatang siko. Bago siya pumunta sa sapa ng Molo aksidenteng nasugatan siya. “Takot ka bang maimpeksiyon ito?” Tanong niya sa sarili. Tumawa siya at ang sabi “Hindi!” sabay lusong sa tubig. “Kailangan kong makahuli ng isda dahil baka wala akong makain sa gabing ito, wala akong dalang pera”. Namulat at lumaki si Budok sa gilid gilid ng Molo River kaya kilalang kilala siya ng mga tao sa lugar sa kaniyang kakanyahan sa pangingisda. Higit pa rito, iginiit na libre ang pampublikong paaralan sa elementarya upang maibigay ang pangangailangan ni Budok, siya ang enroll subalit tumigil sa pagpasok sa sili-aralan. Lahat ng ito ay nakasalalay sa kanyang bilang ina at magulang, hindi ako pabor na sa musmos na edad pinagtatrabaho ang bata. May anak rin ako , hindi ko kayang tiisin na makikita ko ang aking anak na mangingisda sa murang edad. Tinanong kung kalian simulan ang planong programa para kay Budok, ngayon na sagot niya. Hindi kami nakatuon sa ganitong isyu prayoridad naming ngayon ang programa sa kompanya kontra druga. “Hindi namin siya resposibilidad”, dagdag pa niya Ang kanilang adhika ang sa ilog nagmula. Kung walang ulan ito’y parang patay na sapa at nakakalat na basura ang makikita. Mabaho man at marumi malakas ang pintig ng puso dahil dito’y nagmahal ng sandali sapagkat ang biyayang hinihingi sa ulan nakakubli.


10

ALAYNGSARANGANI LATHALAIN

Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

Pampa GOOD Vibes

Alab sa Puso ng Pilipino

Kuwento ng Kabayanihan ng isang Alabelian sa Australian Wildfire NI JOYCE NADINE UY

“Bayang magiliw, perlas ng silanganan Tila ba’y isang ilusyon lamang kung maituturing na tawagin bilang isang bayani ng isang dayuhang bansa lalo na kung nagmula ka sa bansang kung tawagin ay “perlas ng silangan”. Malimit kasi kung magkaroon tayo ng malaking trabaho sa isang tanyag na kompanya sa ibang bansa sapagkat kadalasang kasambahay o kaya nama’y caregiver ang trabaho ng mga pinoy sa ibayong dagat. Hindi maikakailang mababa ang pagtingin ng ibang lahi sa kapasidad nating mga Pilipino lalo pa’t isa tayo sa mga bansang may pinakamalaking populasyon at ang bansang nakakaranas ng matinding kahirapan. Alab ng puso sa dibdib mong buhay Ngunit pinatunayan ng pilipinong si Jonathan Salvador na tubong Alabel, Sarangani at produkto ng Alabel National High School na sa kabila ng hirap ng buhay na kinakaharap ng bawat Pilipino na mas piniling makipagsapalaran sa ibang bansa, hindi kailanman matitinag ang puso ng isang Pilipino. Sa likod ng kabi-kabilang sunog na nangyari sa bansang Queensland, Australia, hindi niya kailanman inalintana ang naglalagablab na apoy at posibleng posibleng kapahamakan sa kanyang buhay. Si Salvador ay isang bayani na nagpakita ng kadakilaan at nag-aalab na puso ng isang Pilipino na walang ibang layunin kung hindi ang tumulong at itaas ang bandera ng kanyang bayang sinilangan, ang Pilipinas.

ISIPANG

Lupang hinirang, duyan ka ng magiting Sa loob ng ilang taong serbisyo niya bilang “butcher” sa isang kilalang sakahan sa naturang bansa, hindi niya minsan mang inakalang magiging isa siyang tanyag na firefighter sa bansang pinili niyang paglaanan ng pagserbisyo. Tunay ngang kagitingan ang ipinakitang pagtulong ni Salvador lalo pa noong pinili rin nitong ipagpatuloy ang nasimulan nito bilang bombero at nang ibahagi nito ang sari-saring kaalaman sa mga dayuhan patungkol sa kaniyang tungkulin at kung gaano kaimportante ang pagiging handa sa anumang sakuna. “The biggest problem was that there was no fire hydrant and there was nowhere else to get water. We haven’t had rain for nearly two years now. And that’s one of the reasons why we are experiencing fires that we haven’t seen before.” Pagpapaliwanag nito sa kaniyang pinagdaanang hirap sa gitna ng pagsiklab ng init sa mga naitalang sunog sa naturang lugar. “Such a pleasure,” sabi pa nga ni Jonathan, dahil minsan lamang dumating sa kanyang buhay ang naturang opurtunidad. “Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta, buhay ay langit sa piling mo” Tunay ngang bukod sa pagkilala ng ibang bansa, maituturing ring langit sa piling ng isang pilipino ang isilang sa bayan ng mga dakila at bantog na mga bayani na minsan na ring itinaas ang bandera ng ating bansa.

NI ABIGAIL MACALUA

MAPAGMALABIS I

lang araw na ang sumibol sa kaniyang matamlay na umaga subalit ang tanikala na kaniyang nararanasan ay tila paulit-ulit lamang. Bago pa man tumunog ang matinis na ingay ng orasan ay dilat na ang kaniyang mga mata na kung titignan ay para bang pinagkaitan ito ng kasiyahan. Walang emosyon na tinitigan ng kaniyang walang latoy na mga mata ang sariling repleksyon sa salamin at tulad ng nakasanayan, pilit niyang ipininta ang maskara ng ngiti sa kaniyang mga labi. Simula nang mamulat siya sa patakaran ng lipunan ay kagyat na nagbago ang kaniyang pananaw sa buhay. Pagod na siyang mag kunwari sa harap ng madla, takot siya sa maaring sabihin ng iba at tila'y mawawalan na siya ng pag-asa. Isang emosyon na sadyan bago sa kaniyang sistema. Ayon sa American Psychological Association, ang stress o kilala rin sa tawag na tensiyon ay nakakasama sa kalusugan ng isang tao sapagkat maaring maapektohan nito ang isipan at ang pisikal na kaanyuan ng isang idibidwal. "Pag 'yan grades mo bumaba, malilintikan ka talaga sa akin!" Wika ng ina. Pilit na ipinagsisiksikan ang malaking halaga ng karinungan sa isipan ng anak na may maliit lamang na espasyo. "Kailangang maipasa niyo ang inyong takdang-aralin kinabukasan." Ani ng guro. Hindi man lang inisip namaaring may iba pang guro na nagbigay ng proyekto at ang itinakdang araw ng pasahan ay pare-pareho. "Pangit na nga, lampa pa." Pambubuska ng kamagaral na kahit minsan ay hindi inisip ang nararamdaman ng kapwa. Ayon sa Psycom, mayroong ibat-ibang salik kung saan nagmumula ang stress o tensiyon. Una na sa mga ito ay ang salik pang Akademiko king saan nababahala ang isang indibidwal na hindi matugunan ang mga inaakala ng mga magulang at guro. Pangalawa naman ay ang pamilya, kaibigan at ang lipunan.Nakasabunot ang kaniyang nanginginig na mga kamay sa kaniyang gulong-gulo na buhok at ang mga kataga na sa kaniya ay binitawan ay nagmistulang isang sirang plaka na paulit-ulit na bumubulong sa kaniyang tenga at nais niya na lamang magbingi-bingihan. Kaniyang napagdisesyonan na magkulong na lamang sa isang sild na nababalot ng kadiliman upang kahit papaano ay matakasan ang mundong salat sa pag-unawa na hindi lahat ng bagay ay kayang matugunan sa isang kumpas lamang ng kamay. Ayon sa isang doktor, ang stress/angst ay kadalasang nabubuo dahil sa labis na pag-iisip ng isang tao. Mga bagay na gawa-gawa lamang ng isipan at kung tutuusin ay malabong maisakatuparan. Dahil dito, napatunayan ang kasabihan na "Ang isipan ang ating pinkamatinding kalaban. " Biglang bumigat ang talukap ng kaniyang mga mata at ang kaniyang malay tao ay dagliang nawala. Diwa ay lumisan sa mapagmalabis na isipan.

Aming ligaya na pag may mang-aapi, ang mamatay ng dahil sa’yo “Magsisimula kang bayani; Magtatapos kang bayani,” ika nga nila. At kahit pa’y dumaan pa ang maraming dekada, ang kabayanihang ginawa ng isang Jonathan Salvador ay di malilimutan ng bayang kanyang sinilangan.

232,386 Kabuuang dami o bilang ng Overseas Filipino Workers na nasa Australia ngayon. Datos mula sa Department of Foriegn Affairs

De NUMERO

60% 05%

ng mga batang pinoy ang nakararanas ng stress at depression ayon sa sarbey ng Philippne star nitong Abril

nuuwi sa pagpapatiwakal


Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

AGHAM

ALAYNGSARANGANI

11

Plastik na nagkalat sa daan, pinakinabangan ECO-Bricks na yari sa Plastik, ibinida ng mag-aaral ng ANHS MAY SILBI PA. Si Donna Labuga, Senior High School, habang inaayos ang gamit sa pgawa ng eco bricks. Kuha ni Sugar Santarin

ni Jhanlyca Reponte

"Anak ng Pasig naman kayo" Awiting nagpamamulat upang pangalagaan ang inang kalikasan. Hindi lang naman sa Pasig may basura. Kahit saan magpunta, naglipana ang plastik sa kalsada ang nakikita. "Sa taong 2050, ipinahayag ng mga dalubagham na posibleng marami pa ang basura partikular na ang mga plastik kaysa sa mga isda sa dagat na mahigit 6.3 bilyong toneladang plastik ang ginawa simula 1950 at siyam na porsyento lamang nito ang nirecycle, 12 porsyento ang sinunog at 4.9 bilyon tonelada

No Smoking Ordinance, ipinatupad sa Maitum MAITUM, Sarangani (Hunyo 29, 2019) – Dr. Junie F. Basmillo, Rural Health Unit (RHU) head, naglagay sa motorsiklo ng "No Smoking" ng sticker sa bilang paalala sa paglunsad ng Municipal Ordinance No. 2018 - 09 or "The Comprehensive Anti-Smoking Ordinance sa Maitum Sarangani Province” ginanap sa Himnasyo ng Munisipyo, Hulyo 26. Pagkatapos nito, aktibong nakilahok ang mga tauhan ng RHU sa aksyon Pulot Upos sa palengke. (John James I. Doctor/MAITUM INFORMATION OFFICE)

ang napunta sa dagat. Nakatatakot at nakababahala ang ganitong sitwasyon dahilan ng pagkamatay ng mga isda sa dagat. SUNUGIN? Ang plastic kapag sinunog ay kemikal na talagang makaaapekto sa ating pinagkukunan ng tubig at mga bukirin kung plastik ay susunugin. Ipinagbabawal sapagkat ang usok ang naging dahilan na nagiging manipis ang ozone layer na siyang pomoprotekta sa atin sa sinag ng araw.

SAGOT AY ECOBRICKS Sa tulong ng pananaliksik, nakatuklas ng bagong paraan ang mga mag-aaral ng Alable NHs na sina Donna Labuga at Sugar Santarin upang mapakinabangan ng husto ang plastik na nagkalat sa daan. Katuwang ang Alabelian Engineers at Entrepreneurs nakabuo ang pares na isang Eco bricks na gawa sa 100 laminadong plastik na may basang semento na magagamit sa pagpapagawa ng ibat ibang imprastraktura gaya bahay, paaralan at mga gusali.

Sa tulong ng Ecobricks, kahit upuan, daanan, establishimento o haligi nito ay maaaring magagawa. "Let us aim to be the first single use plastic free city in the country through the promotion of ecobricks usage"-katagang mula kay Weni Gomez na nagpamulat sa aking mata na problema sa basura'y tuldukan. Sana lahat ay magtulungan, pamahalaan o ordinaryong tao lang. Mangolekta ng mga plastik sa kapaligiran nang wala ng kaplastikan.

HIGIT PA SA PAGLILINIS Libreng Serbisyong Medikal, ipinagkaloob sa ANHS BE ‘19 Sa paniniwalang ang National Schools Maintenance Month ay hindi lamang nagtatapos pagpapanumbalik sa ganda ng paaralan kundi pati na rin ang pagbibigay tulong , sinimulan ng Alabel National High School ang Brigada Eskwela 2019 sa pamamagitan ng Medical-related activities noog Mayo 15. Sa temang “Isang DepEd, Isang Pamayanan, Isang Bayanihan Para sa Handa at Ligtas na Paaralan,” nakapagtala ang paaralan ng 5,173 volunteers mula sa publiko at pribadong mga sektor bitbit ang adhikaing di lamang para

makatulong pati na rin ang makapag-abot ng tulong medikal. Ilan sa mga isinagawang aktibidad na may kaugnayan sa kalusugan ay ang sumusunod: PunDuk Sa tulong ng Philippine Red Cross volunteers, malugod na sinalubong ng mga tauhan ng PunDuk o Pundo ng Dugong Kabrigada ang mga “blood donors” na nakahandang tumulong upang mapababa ang mataas na antas ng kaso ng dengue sa Alabel. Project Baskog Ang ligtas na paaralan ay

kanlungan ng malulusog na mga kawani. Layunin ng Project Baskog na makapagbigay ng serbisyong medikal kaya inihandog ng Provicial Municipal Health Officers ang libreng ckeck-up para sa mga guro at ANHS staff. KAPISKAY SA LAWAS Naghandog naman ng libreng “physical therapy” ang mga local therapist para sa mga Senior Citizens at batang may kapansanan sa unang araw ng Brigada Eskwela sa tulong narin ng mga parmasya sa Alabel na nagbigay ng libreng gamot at

kagamitan. Ayon kay Loreto J. Gindap, Principal 1 ng naturang paaralan, lubos ang kanyang kagalan dahil sa matagumpay na pagsisimula ng BE’19. “I am very happy that we started very well and uniquely. Surely, this is an extra mile on the way how we implement Brigada Eskwela and I am very thankful to those who lend their hands to us,” saad niya na may positibong pananaw na ang pagsisimulang ito’y hihimok ng mas maraming magagandang-loob. NI Pearl Mingo

LGU – Alabel at DENR, nagsanib puwersa para sa “government’s greening program”

PARA INANG KALIKASAN. Matiyagan tinantanim ng isang scout ang isang halaman kaugnay ng paglalalgda ng kasunduang pangkalikasan ng lgu at MENRO. Kuha ni Vien Caliao

Ang Local Government Unit ng Alabel at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagkasundong pagisahin ang kanilang kahusayan sa pagpapatupad ng “National Greening Program (NGP)” sa pamamagitan ng proyektong Arboretum. Mayor Vic Paul Salarda ng Munisipyo ng Alabel at ang OIC-PENR opisyal Engr. Mama G. Samson ay legal na sinelyuhan ang kanilang alyansa para sa lalong ikabubuti ng “National Greening Program” sa pamamagitan ng pagpirma ng Memorandum of Agreement ( MOA ) noong September 25, sa tanggapan ng punong lungsod ng Alabel. ANG KASUNDUAN Sa ilalim ng kasunduan, ang DENR at LGU-Alabel ay magtatag at mangalaga ng isang seed bank

at arboretum para sa mga hayop na nanganganib na maubos; magkaroon ng kagamitan at paraan sa pagdodokumento o database sa pamamagitan ng website, maghanda ng magagamit at kinakailangang mga datos na mahalaga para sa pagsulong at pagpapaunlad ng “policies and guidelines for reforestation”; at pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng nasabing proyekto. PROYEKTONG ARBORETUM Ang Arboretum ay tungkol sa pagpupunyaging mangulekta ng mga buhay na ispesimen para sa siyentepikong pag-aaral, “conservation of genetic resources, learning area for dendrology and for reproduction of tree species.” Sa pamamagitan ng proyektong ito, tinitiyak ng DENR at LGU-Alabel ang sistematikong

pagpapatupad upang mapanatiling maging makabuluhan ang proyekto ng reforestation sa isang mainam na katatayuan. Ang panukalang ito ay itatayo sa looban ng Septage Treatment Facility (STF) sa Sitio Mahayahay, Barangay Bagacay, Alabel Sarangani Province. MABUBUTING IBUBUNGA NG PROYEKTO Naniniwala si Mayor Salarda na ang balaking ito aay maging matagumpay sa pakikipagtulungan ng PENRO. “This project is the first serious reforestation effort of our administration that is geared to rescuing native tree species. I am positive that this project with DENR PNRO will help restore our environment”, ayon sa kanya.


12

ALAYNGSARANGANI LATHALAIN

Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

Hithit, Buga Sigarilyo’t E-cigs Walang Pinagkaiba EDITORYAL Sa bawat pagkalatis Nadaragdagan ang posibilidad ng pagdapo ng sakit sa iyong katawan. Sa bawat paghithit Ang kulay ng balat mo’y nag-iiba’t ika’y nagkakaroon ng kulubot sa talukap ng mata. Sa bawat pagbuga Ang tagal ng iyong buhay sa mundo ay mas lalong napapadali. Masarap sa pakiramdam, nakagagaan ng kalooban. Iyan ang hatid ng puting usok na nahihithit papasok sa lalamunan diretso sa baga. Ito’y nagdudulot ng limang beses na nikotina kaysa regular na sigarilyo, likidong nagging formaldehyde na dahilan ng sakit na kanser sa katawan ayon sa FDA na mga siyentipiko. Nakapipinsala ng lalong lalo na sa tinatawag na “secondhand smokers” nakapagdudulot ito ng paligiang pagkasakit tulad ng impeksiyon sa tainga, sipon, bringkitis, pulmonya, hika at problema sa paghinga. Lahat ng bahagi ng organo sa katawan ay sinisira paghitit, kabilang n gang puso . umabot sa isa’t kalahating porsyento ng pagkamatay ay sanhi ng paninigarilyo. Kaya dapat itong ikabahala sapagkat ayon sa pag-aaral, kapag ika’y gumagamit nito, tumataas ang tyansang ika’y magkaroon ng popcorn lung at kapag ika’y nagkaroon ng sakit na ito, ito’y dadalhin mo hanggang sa ikaw ay malibing sa hukay. Kahit walang lunas ang ganitong uri ng sakit, maaari mo itong mapagaan. Ayon kay Dr. Michael Blaha, M.D., M.P.H., director ng klinikal pananaliksik sa Johns Hopkins Ciccarone Center for the Prevention of Heart Disease, nagkaroon ng outbreak sa sakit sa baga at pagkamatay sanhi ng vape. Tinatayang mahigit apatnapu (40) ang namatay na pasyente dahil sa e-cigarette, o vaping, product use associated lung injury (EVALI). Mapapagaan ng mga gamot ang sakit na ito ngunit hindi mo na maiaalis ang katotohanang panghabang buhay mo na itong dadalhin kapag ipinagpatuloy pa ang bisyo ng mga tenedyer. Magkakaroon ka ng sakit, bubutas pa ang bulsa mo, bakit ka pa maninigarilyo? Kung ang e-cigs hatid sa inyo’y saya, ipagpapalit mo ba ang buhay mo sa panandaliang saya na ito?

sa likod ng sarap at kapusukan may posibleng kapahamakan kaya’t nararapat lamang na mag-ingat

KONTROL ni Jhanlyca Reponte

Pinoy na namumuhay na may ganitong uri ng sakit. Sa isang datus mula sa Kagawaran ng Kalusugan, lumalabas na sa taong 2010-2017, bumaba sa 18% ang mga taong may HIV sa buong mundo ngunit kabaliktaran naman ang pagtaas ng porsyento ditto sa Pilipinas na umabot sa 600% sa magkakaparehong taon. Sa pagdaan ng panahon, pabata ng pabata ang edad ng mga nagkakaroon ng HIV. Kung ihahambing sa dati, 20-34 ang edad ng mga taong nagkakaroon nito ngunit ngayon ay bumaba na sa 15-24 ang edad ng may HIV. Sa ngayon ay wala paring gamot upang mapuksa ito at magpahanggang nagyon, patuloy parin itong pinag-aaralan ng mga eksperto. Mayroon parin namang paraan upang mas mapahaba ang buhay ng mga taong may HIV. Ito ay ang paginom ng gamot na antiretrovirus kung saan pinapahina ang pagkalat at pagrami ng birus sa katawan ng tao na may HIV. Subalit, hindi parin nito kayang alisin ang nasabing birus sa katawan ng tao. Kamakailan lamang na pagsasaliksik, buwan ng Mayo taong 2019, may naitalang 318 na nasawi sa mga taong namumuhay na may HIV. May kabuuang 3,357 ang nareport na nasawi mula ‘nung January 1984 hanggang May 2019, 23 naman sa mga ito ay 15 taong gulang pababa lamang. Nananatiling, ang pakikipagtalik ang pangunahing dahilan ng HIV transmisyon. Kung kaya’t nararapat lamang na mag-ingat ang mga tao lalo na ang mga kabataan dahil ito ay maaring makaapekto hindi lamang sa kanilang kalusugan ngunit pati na rin sa kanilang kinabukasan. Laging tatandaan na, sa likod ng sarap at kapusukan may posibleng kapahamakan kaya’t nararapat lamang na mag-ingat, alalahanin ang kalusugan at pangalagaan ang katawan.

Sakit na sikat, patuloy sa pagkalat Birus at Mikrobyo, ano ba ang epekto? Human Immunodeficiency Virus (HIV) ay isang nakakahawa at hindi nagagamot na sakit dulot ng mga birus at mikrobyo na maaring makuha sa hindi ligtas na pakikipagtalik. Marami pang ibang paraan upang makuha ang ganitong sakit, isa na rin diyan ang pagkakaroon ng maraming katalik. Hanggang ngayon ay patuloy parin ang pagtaas ng bilang ng mga taong nagkakaroon ng HIV. Tinagurian ang birus na ito bilang “The fastest mutating organism” sapagkat ito ay nagmumultiplika ng isang bilyon sa loob lamang ng isang araw ayon kay Dr. Edsel Maurice Salvaña M.D, isang espesyalista sa “general material” na konektado sa mga bacteria, birus at mikrobyo. Isa sa mga bansang mayroong maraming naitalang kaso ay ang Africa na may 20 milyong positibo sa HIV. Samantala, umabot naman sa 60, 000 ang bilang ng mga

Pagpapatiwakal ay wakasan: Depresyon ay tuldukan Ang mga pisikal at emosyonal na sintomas nito ay: • Pananakit ng ulo • Insomnia • Panghihina • Kakapusan ng hininga • Mabilis na pagkapagod • Pagkayamutin • Palaging nininerbyos • Kakulangan sa pagganyak • Kawalang ng interes sa mga bagay-bagay Lungkot. Problema.Pag-iisa Iilan lamang sa mga maaaring sanhi ng malawak na karamdaman na depresyon, isang sakit na hindi matukoy. Dating itinuturing bilang isang uri ng neurasthenia sa ilalim ng kategorya ng banayad na karamdaman sa pag-iisip. Ang mga taong may ganitong uri ng sakit ay may matagal na mababang kalooban, kawalan ng gawaing pampisikal na kadalasang nakakawala ng enerhiya. Nakaugnay ito sa pagbabago sa “bio-chemical” sa utak ng isang tao. Nagpapadala ang utak ng mga senyales mula sa isang selula patungo sa isa pa sa pamamagitan ng mga kemikal na kung tawagin ay “neurotransmitter” kung saan kabilang sa mga ito ang serotonin, noradrenaline at dopamine na hindi gumagana ng maayos sa mga taong may

depresyon. Responsible ang mga ito sa pagsasaayos sa iba’tibang pisikal at sikolohikal na paggana, tulad ng lagay ng kalooban, pag-iisip na higi na nakakaapekto sa pag-uugali ng isang indibiduwal. Walang pinipiling edad, tao, lugar, oras at panahon ang depresyon. Kadalasang tinatamaan nito ay ang mga may mahihinang kalooban at negatibong kaisipan, Maaaring magkaroon nito dahil sa pisikal, sikolohikal, pangkapaligiran at genetikong kadahilanan. Sa isinagawang pagsasaliksik noong 2016, umabot na sa 300 libong pasyente ang may depresyon sa bansa, 100 milyon naman ang naitala sa buong mundo, ngunit mas mababa sa 25% sa kanila ang kailanman ay humingi ng gamut ayon sa World Health Organization. Tinataya na sa

taong 2020, magiging pangalawa ito sa pinakamalalang kalagayan sa kalusugan kasunod ng sakit sa puso sa buong mundo. Maaari itong magaot at kapag maaga itong nasimulan, mas mabisa. Gumagana ang anti-depressants upang gawing normal ang mga neurotransmitter sa utak. Nakakatulong naman ang tranquilizer upang pansamantalang bawasan ang pagkabalisa. Ang psychotheraphgy ay isa pang paraan upang mabago ang mga negating estilo at pag-iisip. Palaging tandaan, kapag ikaw ay mayu pinagdadaanan, ipaalam sa iyong pamilya’t kaibigan ang iyong tunay na nararamdaman upang ang iyong mga problema ay masolusyunan sa tamang pamamaraan.


Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

AGHAM

ALAYNGSARANGANI

Try nyo ‘Te ang Ternate Tumingin sa iyong paligid. Lila, asul at puting kulay na bulaklak iyong hanapin. Ba't hindi subukang ihain? Bulaklak kung ituring, ngunit benepisyong hatid ay labis labis. Di mo man pansin, ito'y madaling hanapin. Hindi mahal, ngunit nagbibigay sustansya sa katawan at lumalaban sa sakit na para sa iyo'y pait. Ano nga ba ito?? Lila, asul at puti ang maaaring kulay ng bulaklak na clitoria ternatea o mas kilala sa tawag na ternate. Asul ang kalimitang nakikita sa bakuran ng iilan na kung tawagin ay blue butterfly pea. Eh Ano Ngayon? Pagpapatibay ng buhok, may kakayahang gumamot ng problema sa pag-ihi, problema sa mata, pagpapatagal sa pagtanda, may properties na mabuti para sa dugo, ay iilan lamang sa benepisyong makukuha sa halamang ternate na ayon nga sa pananaliksik ni Ranal Patel, nagtataglay ito ng anxiolytic and anti-depressive actions kaysa sa ibang halaman gamit lamang ang katas nito. Ano Pa? Mayroon Pa Ba? Iniinom ang katas ng iilan, bakit hindi gamitin, ihalo sa kanin at ihanda sa hapagkainan. Narito ang paraan sa pagluto nang mabigyang kulay at maging mas masustansya ang kanin na ihahanda sa ating tahanan. * Magbilad ng bulaklak ng clitoria ternate. *Mag pakulo ng tubig. *Ilagay sa kumukulong tubig ang binilad na bulaklak at patagalin ng hindi bababa sa limang minuto. *Para sa kanin, linisin ang bigay nang dalawang beses. *Matapos linisan, ang magsisilbing tubig ng bigas ng lulutuin ay ang pinakuluang ternate o ang katas nito. *Ilagay sa rice cooker o anumang klaseng paglulutuan nito. Hintaying maluto at ihain. Kahit saang putahe, maaari mong ihalo ang katas ng bulaklak na ito. Pwedeng gawing Jam, o inumin man. Makagagamot sa katawan, magbibigay kulay pa ng simpleng kanin, putahe o inumin sa tahanan. Subukan mo, nang makita mo. nI JHANLYCA REPONTE

13

Panganib sa Konsumo ni PEARL MINGO

Ang makatawag pansing balita na ngayo’y kumakalat sa medya ukol sa African Swine Fever. “The African Swine Fever is a highly contagious viral disease impacting pigs”, ayon sa isang artikulo. Ayon sa World Health Organization, ang naturang bayrus ay hindi naman direktang nakahahawa sa isang indibidwal, ngunit posible itong maisalin sa katawan ng tao kapag nakakain o nakahawak ng kontaminadong karne. Sa isang pag-aaral, ang bayrus ay unang natuklas sa Sub-Saharan Africa noong taong 1920 at ang unang outbreak nito ay naitala sa Portugal noong 1957. Sa kabila ng masusing pag-aaral upang makahanap ng bakuna ukol rito, hanggang ngayon wala pa ring nadidiskubreng vaccine na may kakayahang puksain ang naturang bayrus. Higit na nakikita ang ASF bilang banta na naglilimita sa negosyong pangkalakalan na maaaring mag-udyok sa pagkalugi. Fever. Sanhi nito ay ang “double-stranded” na bayrus sa DNA na nagreresulta ng “hemorrhagic effect” sa mga apektadong baboy. Iilang lamang sa mga kakikitaang sintomas sa mga apektadong baboy ay ang: pagkawalan ng ganang kumain, pamumula ng balat, pagsusuka pagtatae, pagkakaroon ng mataas na lagnat. Kaya siguraduhing ligtas ang kinukonsumong karne mula sa pamilihan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng bayrus ng paboritong pang-ulam dulot pala ay PANGANIB sa kalusugan at kalakalan.

MISYON

Ang responsableng pagtatapon ng basura ay maaaring maging unang hakbang hinggil sa suliraning ito. Huwag hintayin na may pagsisihan sa huli, KUMILOS habang hindi pa huli ang lahat

ni Jhanlyca Reponte

Kumilos ka, Ngayon NA Batid mo na ang ating mundo ay unti-unting nasisira dahil sa pagiging pabaya at abusado nating mga nilalang? Iyo bang nawawari ang maaaring kahihinatnan ng iyong mga galaw? Ang suliranin sa solid waste ay isa sa mga problemang kinakaharap ng ating bansa na hanggang ngayo’y pilit na nireresolba. Hindi naman ito agarang nasusolusyunan dahil na rin sa patuloy na pagiging iresponsable nating mga tao. Sa naturang pananaliksik, ang “residential waste” ay binubuo ng 56.7 % na kinabibilangan ng mga basurang nanggagaling sa mga tahanan gaya na lamang ng mga basura sa bakuran, sa kusina, papel at karton, foil, mga bote, at sirang baso, plastic na lalagyan at bag, maruming tissue, at mga espesyal na basura. Habang ang “commercial waste” naman ay naitalang 27.1% na hatid ng mga komersyal na establisimiyento, at publiko o pribadong merkado. Ang “institutional waste” naman ay nanggagaling sa mga tanggapan ng gobyerno, institusyong pang-edukasyon at medikal na aabot sa 12. 1%, habang ang natitirang 4.1% ay ang mga basurang nagmumula sa sektor ng industriya. Usok na nagmumula sa mga basurang pinagsusunog partikular

sa mga tahanan na maaaring magdulot ng polusyon sa hangin, pinsala sa ozone layer at banta sa kalusugan. Bukod sa polusyon sa hangin maaari rin itong maging sanhi ng pagkapolyutado ng lupa at tubig. Ang mga basurang naglalaman ng mapanganib na kemikal ay maaaring magdulot ng peligro sa kalusugan. Resuta nito, ang mga taong mga taong may mga medikal na kondisyon gaya ng asthma, chronic sinusitis, at chronic lung cancer ang may mataas na posibilidad na maaapektuhan ng masangsang na amoy na nagmumula sa mga basurang nabubulok. Bilang tugon sa suliraning ito, natuklasan ang upcycling. Ito ay isang proseso ng pagrere-use ng mga basurang maaari pang magamit at gawing isang produktong mas may malaking ambag at pakinabang sa ating mga tao at sa kalikasan. Ang responsableng pagtatapon ng basura ay maaaring maging unang hakbang hinggil sa suliraning ito. Kung iyong nanaisin na magkaroon ng pagbabago, kinakailangang isaalang-alang ang mga maaaring dulot ng iyong bawat hakbang. Huwag hintayin na may pagsisihan sa huli, KUMILOS habang hindi pa huli ang lahat

Bakunang pangligtas, maraming buhay ng kinalas ni PEARL MINGO

Isa ang dengue sa nakahahawang sakit ito’y hindi tuwirang kumalat ng stao sa tao. Nakapagdulot ng bayrus, isang mikrobyong nakukuha mula sa kagat ng Aedes o mga babaeng lamok na nagiging sanhi ng mga malalang komplikasyom. Ang mga unang sintomas ng pagkakaroon ng ganitong sakit ay ang sumusunod: biglang pagkaroon ng lagnat na umaabot sa 40°C na tumatagal ng dalawang (2) hanggang pitong (7) araw, malubhang pananakit ng ulo, pananakit sa likod ng mata, pagkakaroon ng skin rashes” o mamula-mulang butlig o patse sa buong katawan, pagkahilot pagsusuka, pananakit ng kalamnan at kasukasuan, panghihina ng buong katawan at ang pagdurugo ng ilong. Kadalasan nagtatagal

ng limang (5) hanggang walong (8) araw. Kasunod ng mga nauna ay ang malalalang sintomas: una ang pagsusuka na may kasamang dugo, malalang pananakit ng tiyan, pamamasa ng kamay at paa, “ mental confusion at paghirap sa paghinga. Umaabot sa 390 milyong tao bawat taon ang tinamaan ng dengue. Mahigit 9.5 milyon o 25% ng biktima ay namatay. Noong 2015, umabot sa 25,000 ang nagkaroon ng ganitong sakit, 6,250 nito ay nasawi. Pinakamaraming naitala na kaso ay sa Metro Manila na umabot 10, 103, Calabarzon Area na may 9, 852 at Central Luzon na may 5, 045. Nauna nang pinahayag ni DOH Secretary Francisco Doque na

hinahanapan nan g paraan upang maging epektibo at ligtas na ang dengvaxia bilang panlunas sa sakit na dengue. Kung matatandaa’y ang dengvaxiaay naging sanhi ng pagkamatay ng mahigit animnaput dalawang (62) mga bata na naturukan ng bakuna. “As of now, we are still gathering more medical informations and conduct more laboratory tests. “ dagdag pa ni Doque. Kaya magtulungan at magkaisa ang lahat upang maging malinis ang kapaligiran sa ganitong paraan maiwasan ang pagkalat ng ganitong sakit, hind imaging biktima ng Bakunang pangligtas, maraming buhay ang kinalas.


14

ALAYNGSARANGANI ISPORTS

AKSIYON

pagkakaunawan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat tao at ng pangkat na pinanggalingan. Dahil sa larong pampalakasan, mapalaganap ang mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa

ni JAMES SACABIN

Kumilos ka, Ngayon NA Madalas nating nakikita ang mga magagaling na atleta sa paaralan na tumatakbong dala-dala ang nag-aalab at umapoy na sulo na naghuhudyat ng pagbubukas ng larong pampalakasan kagaya ng “intramurals”. Ngunit may mga kuwento na kung saan isinantabi ang pagpapailaw ng sulo bilang pagbubukas ng larong pampalakasan. Sa Greece, kung saan pinaniniwalaang dito nagmula ang isports , ang pagpapailaw ng sulo ay isang talinghagang sumasagisag ng pag-asa at pagbuo ng mga pangarap at pagtupad sa mga hangarin na tanging sa paglalaro lang makamtan. Sa makatuwid, ito ay nangangahulugang ang isports ay may kapangyarihang baguhin ang mundo. Maliban sa tagumpay at panalo, ang laro ay isang paraan din sa pagkakaroon ng ligtas at mapayapang

GISING NA TIMBANGIN LAHAT

6

nagpapatalino

Napatunayan ng mga siyentipiko sa Florido na ang palagiang paglalaro ng isports ay nakapagpapatalas ng utak. Alamin sa baba ang anim sa mga isports na nakakatalino.

BASKETBALL

MARTIAL ARTS BODY BUIDLING

SOCCER

GALAWAN

Hindi na natin mababago ang polisiyang ito dahil naipatupad na ito at wala na tayong magagawa ukol dito at nararapat lamang gawin ng mga student-athlete ay ang pagsiguro na mababalanse ang kanilang oras sa pag-aaral at pag-eensayo dahil sa una pa lang pumupunta na tayo sa paaralan para mag-aral at ang pagsali sa paligsahan ay bunos na lamang.

at hindi na nila mapamahalaan ang kanilang mga oras. Sa kabilang banda naman, hindi naman maikakaila na malaki ang maitutulong ng ECA. Ang ECA ay magiging daan din para sa mga estudyante sa magandang oportunidad para malinang ang kanilang kakayahan sa larangan ng isports. Tinutulungan din ng ECA na makamtan ng mga estudyante ang kanilang mga tunguhin sa buhay, mapataas ang kanilang “selfesteem” at mapataas pa ng bawat isa ang tiwala sa kanilang sarili. Higit pa rito, ang karangalang dala nila para sa paaralan ay karapatdapat lamang na parangalan at isa sa mga paraan para maipakita ang suporta sa kanila ay ang pagbibigay ng puntos.

Nararapat lamang na bigyan ng insentibo ang mga student-athlete para mabayaran naman ang kanilang mga pagsisikap at dalang karangalan para sa ating paaralan pero nararapat ding tingnan natin ang binigay na pribilehiyo para sa kanila ay di naabuso. Hindi na natin mababago ang polisiyang ito dahil naipatupad na ito at wala na tayong magagawa ukol dito at nararapat lamang gawin ng mga student-athlete ay ang pagsiguro na mababalanse ang kanilang oras sa pag-aaral at pag-eensayo dahil sa una pa lang pumupunta na tayo sa paaralan para mag-aral at ang pagsali sa paligsahan ay bunos na lamang.

Isport “Center” mas “Better” Isa sa napakagandang panukala ay ang pagpapatayo ng “Sarangani Sports Academy” na magbibigay ng libreng paaral sa mga may potensiyal na atleta na nagmula sa mga mahihirap na pamilya. Ang lalawigan ng Sarangani ay naglaan ng P300M para sa pagpapatayo ng “Sports Center” bilang paghahanda sa pagkakaroon ng “Sports Academy” na may kompleto at makabagong “Sports facilities”. Ang nasabing panuklala ay nakatuon sa mga mag-aaral na may kakayahan at hilig sa laro sa buong bayan ng Sarangani. Ang hakbanging ito ay nagpapahiwatig ng mataimtim na hangarin ng pamahalaan na mapaunlad ang larangan ng isport na kung saan hahasa sa mga batang manlalaro. Ito rin ay nagpapatunay na ang pangasiwaan ay taos-pusong binigyan ng atensiyon at kahalagahan ang makabagong henersyon na magbibigay ng papuri at dangal ng ating bayan. Isang pagpupugay sa mga namumuno ng nasabing balakin na may hangaring mahubog at mapahalagahan tungo sa pagkamit ng magandang kinabukasan ng mga batang sarangan.

EDITORYAL

na Isports na

CHESS

pamayanan. Sa bawat laban at pagtungtong ni Pacman sa “ring” walang naitalang karahasan. Ang paniniwalang ito ay pinatotohanan ni Nelson Mandela ang tinaguriang mala-alamat na pinuno ng “South Africa” na malaki ang naiambag ng paglalaro sa maraming pagbabago na hindi nagawa ng mga “rallies and deplomacy”. “Sports can create hope where once there was only despair. It is more powerful than government in breaking racial barriers”, sabi ni Mandela. Sa pamamagitan ng pahayag na ito, pinatutunayan na napapayaman ng isports ang pagkakaunawan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat tao at ng pangkat na pinanggalingan. Dahil sa larong pampalakasan, mapalaganap ang mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa.

NI LADY TRAYA

NI JHANIXA LOPEZ

“Every person wants to be at his best.” Ito ang mariing pahayag ni Edmar Joy Sonsona, manlalaro ng basketball ng Alabel National High School nang ipinahayag niya ang pagkadismaya sa bagong polisiya ng DepEd na kung saan aalisin na ang “extra-curricular points” sa Sistema ng paggagrado. Ito rin ang hiyaw ng mga estudyanteng palaging kinakatok ang paaralan para sumali sa mga kompetisyon. Malinis ang intensiyon ng DepEd na ang bawat estudyante ay dapat balansehin ang kanilang oras at sa parehong oras ay ang mag-aral ng mabuti para hindi sila maiwan sa kanilang mga aralin. Pero parang sinakop na ng ensayo ang mga atleta

Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL | PROBINSIYA NG SARANGANI | REHIYON DOSE

TENNIS

PAMPALAKASAN HINDI PALAKASAN Atleta. “Select the best” ang batayan sa pagpili ng manlalaro sa iba’t-ibang uri ng laro. Natutunan sa edukasyong pampalakasan ang mga sumusunod ng katangian; pagkakaisa, pagiging tapat, pakikipagkapwa at pagtanggap sa kabiguan. Nakatutulong ito sa pagharap ng kabataan sa tunay na buhay. Ngunit hindi maipagkakaila ang labanan sa pagpili ng atleta lalo na’t kung pag-uusapan ang estado sa buhay saisang manlalaro. Naisasantabi ang kakayahan sapagkat nagbubulag-bulagan ang tagapagsanay dahil sa binabatayan ang katayuan ng atleta sa pamayanan. Pondo. hangad ng mga Pilipinong atleta na

matugunan ang lahat na pangangailangan ng pampalakasan. Subalit palaging buslot ang bulso kaya nakamkam ng hindi lehitimong isports ang badyet.Kurapsiyon ang malaking isyu kaya bumuo ng panukala ng Philippine Sports Commission upang bubusisiin ang gawi at buhay ng naupong opisyales Ahensiya. Halos lahat na institusyon ang nahaluan ng kurapsiyon lalo na sa larangan ng isports. Kahit saan man idako ang mga mata at ituon ang tenga, makikita ang naglalakihang tarpaulin na nakaukit ang larawan at pangalan ng mga taong namumulitika. Nagbibigay kuno ng tulong pinansiyal na nagpapabango ng

pangalan, iyon palay hanggang press release lamang at hindi nahiyang gamitin ang pangalan sa pondo na mula sa kaban ng bayan Administrasyon. Pumutok ang isyung “Special Treatment” sa paggawad parangal sa mga atletang nagbigay ng karangalan, local o nasyonal man. Nararapat tuldukan ng mga nasa katungkulan ang patas na pagtrato ng mga atleta hindi na tutulong para sa magamit sa sariling interes at pakinabang.Dapat gampanan ang tungkulin na maglingkod sa bayan nang buong katapatan. Gumawa ng hakbang sa ikauunlad ng isports sa bansa.

Katutubong Laro: Pagyamanin, Tangkilikin Takyannnnnnnn……. Sa modernong panahon ng kompyuter at cellphone, may alam ka pa bang larong Pilipino? Nakapaglilibang pa ba sa labas sa bakante ninyong lote ng mga larong ito? Pagbalikgunitain natin ang isang larong Pinoy na hindi mo maiwawaglit sa iyong memorya hanggang sa ika’y tumanda. Maghanda. Ito ay mayroon lamang dalawang koponan na may tigdadalawang (o higit sa dalawa) manlalaro. Sa larong ito, kinakailangan mo lang ng straw (kahit anong kulay) ay flat washer o tansan na may butas. Gupitin ang straw namay pantay nah aba. Kunin ang washer o tansan at itali dito ang mga piraso ng straw. Ibuka ang straw para magiging maganda ito. Alamin. Ang mga manlalaro ay pupuwesto sa kani-

kanilang lugar. Ang naunang koponan ang siyang sisipa ng takyan(washer na may straw). Magsisimula ito ayon sa pinagkakasunduan ng dalawang panig. Ang takyan ay sisipain ng unang manlalaro o koponan hanggang sa kanyang makakaya. Bilangin ang bawat sipa at iwasan na mahulog sa lupa ang takyan upang maiwasan na ma-awt. Kung pagod na sa kasisipa ang manlalaro kailangan niyang sipain sa malayo ang takyan upang hindi masipang muli ng kalaban. Sipaan. Ito ang bahagi ng laro na magugustuhan mo. Pagnatamaan mo ang takyan na sinipa ng kalaban, kailangan mo itong sipain naman sa malayo upang maiwasang makuha at masipa muli para tuluyang ma-awt ang katunggaling koponan. Ilista ang eskor ng bawat koponan. May imumungkahi lang ako upang lumaki ang

iyong puntos. Kinakailangan mo lang sipain nang buong lakas papalayo ang takyan na hindi maabutan ng kalaban, upang tuloy-tuloy ang sipaan ng iyong koponan at maka-ipon ng malaking eskor. Kalalabasan. Sa larong ito kailangan mong makapuntos at masipang muli ang takyan. Ang nakakaaliw lang dito ay ang paraan ng pagpaparusa sa natalong koponan. Kung ano ang inyong napagkasunduan. Maaring ang koponang talunan ay siyang taya sa kanilang minindal o di kaya’y patatakbuhin ka. Di ba para kang baliw na si Sisa? Ang saya na maranasan ang larong Pilipino, kasi ang mga laro noong una, ehersisyo na, nakakbusog at nagpapasaya pa. Kaya halina’t magsaya katutubong laro; ating pagyamanin at tangkilikin sumigaw ng takyannnnn… ni ARIAN MACALUA


Himig ng Katotohanan, Sandigan ng Kabataan TOMO 20 BILANG ISA | HUNYO - NOBYEMBRE 2019

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL

| PROBINSIYA NG SARANGANI |

ISPORTS

ALAYNGSARANGANI

15

FLEX KO LANG San Felipe trio, umariba sa gymnastics NI JASPER SAYSON

Umarangkada ang maasim pride trio, Juliana Villacuna, Adrianne Mohawk at Glimcy Faye Caluyong ng mala akrobatik sa ginawang Gymnastic demonstration kanina na ginanap sa San Felipe Elementary School. Nagpasikat ang tatlong atleta saibat-ibang kategorya ng gymnastics tulad ng ribbon,ball at rope sa panimula ng presentasyon.“ Mahal ko ang aking ginagawa.” Ani ni Glimcy Caluyong. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagasa. Tumbling doon spilt dito, ito ang ipinamalas ng tatlo sa ribbon category. Habang pagbabalanse ng

bola naman ang ipinakita sa pangalawa. Magandang routine ang ipinamalas ng trio sa kabuoang presentasyon. “ Sipag at tiyaga lang ang puhunan”. Saad ni Coach Maricel Puhot sa kanyang pagdidisiplina sa mga atleta. 5th placer ng nakaraang taon ang koponan ni Coach Puhot sa Sarangani Regional Athlethic Assosiciation at balak makasali sa aero gymnastics competition. Maagang nagsasanay ang koponan bilang paghahanda sa palapit na torneo.

SPORT

Generation MAGILIW NA GALAW. Matagaumpay na naisagaw ni Glimcy Caluyong ang ribbon routine kaugnay ng gymnastic competition sa Maasim. Kuha ni Apple Guatlo

Kabataang ipinanganak sa Generation Z 1995 hanggang 2015 ay tinaguriang malikhain at matalino kapag hindi nakasabay sa uso aba’y taga- planet mars ang tawag sa iyo. Hindi pahuhuli ang millennials, gen X lalong lalo ang boomers ay on the go na rin sa uso. Sandakot nalang ang nagsasagawa at nakaaalam sa katutubong laro na nakaugalian ng mamamayang Pilipino. Nakalilimutan ang mga pinapahalagahang tradisyonal na laro o laro ng lahi ng karamihan tulad ng: patintero, tumbang preso, luksong-tinik, piko, Chinese garter, holen, bahay-bahayan, sipa, shatong at iba pa. Ang yaman ng lahing ito ay tinatangi ng bawat henerasyon na paboritong pampalipasoras ng mga kabataan na ipinamana ng ating mga ninuno. Kung ihahambing sa kasalukuyang henerasyon, nakapanlulumong masaksihan ang nakabulagtang kalagayan sa silid-aralan, kabahayan, at pampublikong lugar mahigpit na nakahawak ng cellphone nakatuon sa maliit, makasarili at makamundong pagtangkilik ng mga app dulot ng birtuwal na mundo. FB, instagram, youtube ang mga nangungunang ginagamit na sites sa social media araw-araw, dagdag pa nito ang dota, ML AT point blank tila sigarilyong hinihithit unti-unting inuubos hindi lang panahon sa pag-aaral, pakikisalamuha sa

Z

kaibigan at higit sa lahat PAMILYA. Nilalamon ang kalusugan, sinasakmal pati ang perang pinaghirapan ng magulang. Napapabayaan ang mga responsibilid na dapat gampanan. Tunay ngang malaki ang papel na ginagampanan ng Larong Pinoy sapagkat nahuhubog nito ang katauhan ng isang musmos gaya ng: pagkintal ng pagkamabayan, tulay sa pagbubuklod ng pamilya, pasiglahin ang kumunidad sa pamamagitan ng pagbalik-saya ng magkalapit-bahay. Bunsod ng malawakang paggamit ng mamamayan ng social media itinatag ang proyektong Magna Kultura Foundation sa pamumuno ni Mr. Dickie Aguado na naglalayong isulong ang pagpapaunlad ng kalusugang pisikal, mental at sosyal. Hinuhubog ang kakayahan sa pag-angat ng aspeto sa buhay kaya, hayaang maglaro ang mga paslit sa pamanang ipinagkaloob ng mga ninunong inialay ang dugo, pawis at buhay upang imulat ang nakapikit na mata, magbigay liwanag na gisingin ang bawat isa sa kulturang nakalimutan na dapat gamitin at pagyamanin. Ipinanganak ka man sa mundo ng Generation Z, taas noo pa ring ipagmalaki ang LARO NG LAHI.

Bola ng aking buhay NI THOMAS BELDAD

Isang bola ang tumama sa aking likod, bolang magpapabago sa aking buhay. Para sa nakararami ang larong balibol ay isa lamang larong pampalakasan kung saan napapatunayan ang pagiging grupo ng isang koponan, subalit para sa akin ito ay isang tahanan, kung saan ang aking pangarap ay nabuo at ang aking buhay ay binago. Payat man akong tingnan, ito’y di hadlang sa pagkamit ko sa aking pangarap, ang makalaro ang mga batikan sa nasabing laro, kagaya ng idolo kong sina Marc Espejo at Bryan Bagunas, sila ang dalawang mga athletang Pilipino na aking tinitingala dahil sa kanilang ipininapakita sa larangan ng balibol. Kagaya nila nais kong makapaglaro para sa aking bayan, nais kong irepresenta ang watawat ng Pilipinas, pagkat ang larong balibol ay di lamang laro kundi ito ang aking paboritong laro

NI JASPER SAYSON


AS ISPORTS ALAYNGSARANGANI

TAPANG AT LAKAS Generale, umiskor ng ginto sa SPAA '19 NI JASPER SAYSON

Nanaig ang mabilis na kamao ng batang Alabel, Dexter Generale upang sakmalin ang Panalo laban sa pambanto ng Glan, James Plenios sa pamamagitan ng unanimous decision sa ginawang Pin Weight boxing Championship ng 2019 Sarangani Provincial Athletic Association Meet na ginanap sa Maitum. Ayon sa 15 taong gulang na boksingero hindi madaling talunin si Plenios sapagkat Sraa player ito dati. " Ang sarap sa pakiramdam manalo", saad niya pa. Sa unang round pa lang ay agresibo na si Dexter na nagpakawala ng body shot at hook combo Nagpatuloy ang aggressive punching ni Generale sa ikalawang round at ipinakita ang mabilis na footwork Muntikang bumagsak si James ng matamaan ng right hook sa katawan pero nasurvive ang round Malaking bagay kay Generale na makuha ang huling round ng magbitiw siya ng right hook sa tagiliran ni Plenios. Muntikang bumagsak si James Plenios na nanatiling nakatindig bagamat nasaktan. Humina si Plenios sa huling round pero lumaban hanggang sa clossing bell. Piniru ni Generale si James pagkatapos ng laro," This Guy, He can Fight" ani Dexter sa harap ng Sarang-ini junior writersSa pagkapanalo malaking tsansa na makapasok si Dexter Generale sa Palapit na SRAA meet

SAPOL!. Naisakatuparan ni Plenios ang isang left straight diretso sa headguard ni Generale subalit bigo pa rin siyang makuha ang panalo. Kuha ni Celesty Guatlo

P14

AKSIYON

pagkakaunawan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng bawat tao at ng pangkat na pinanggalingan. Dahil sa larong pampalakasan, mapalaganap ang mensahe ng kapayapaan at pagkakaisa

ni JAMES SACABIN

Kumilos ka, Ngayon NA

Alabel NHS Arnis team sumungkit ng 4 na ginto NI JASPER SAYSON

Apat na ginto na kasing kinang ng diyamante ang nakopo ng Smiling A arnis team sa unang araw ng Arnis Tournament na ginanap sa Malalag Central Elementary School no'ng ika-17 ng Nobyembre. Pinangunahn ni Kyline Marie Fuentes ang pagratsada ng Alabel NHS nang masungkit ang unang ginto ng koponan sa "Labanan" featherweight Category sa pamamagitan ng kanyang mala astig na presentasyon nasungkit din niya ang ang ikalawang pwesto sa anyo kasunod kay Amisador, sagpaka panalo may nakalaang puwesto para sa kaniya sa parating na SRAA meet. Habang nasungkit naman ni Kiah Joy Lumagod ang pangalawang ginto ng Smiling A matapos pataobin ang kalaban sa finals ng "Labanan" Bantamweight Category. Sa kabilang dako nasakmal naman ni Shena Lyn Laya ang pilak sa Labanan Extra Lightweight Category. Nsungkit ni Nucleous Serrano ang pangatlo sa apat na ginto ng Alabel NHS team sa finals ng Labanan Halflight Category at nakakuha din siya ng puwesto sa SRAA. Nakuha din ng koponan ang tanso sa lahat ng Anyo (Espada y daga at double weapon). Ipinagmamalaki ng beteranong Coach ng Smiling A, Lellani Papa ang kanyang koponan na kahit konting lang ang kanilang oras sa pagsasanay ay naipanalo din nila ang laro. "Sipag at Disiplina lang ang aming Puhunan", dagdag niya pa


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.