Alay ng Sarangani

Page 1

A

tomo xviii bilang 1

hunyo -nobyembre 2017

NG ALAY

NG SARANGANI

ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MATAAS NA PAARALAN NG ALABEL, SANGAY NG SARANGANI, REHIYON DOSE, POBLACION, ALABEL , SARANGANI PROVINCE

ADHIKA NG ISANG DUKHA. Hindi alintana ng inosenting bata ang abang kalagayan habang sumusulat sa isang pinunit na kartun gamit ang itinapong plastik na kutsara sa gilid ng itinatayong apat na palapag na silid-aralan ng ANHS, ang batang ito ay 4 na taong gulang, masapantaha ang musmos ngunit kumikinang na pangarap na magkaroon ng kaalaman sa kanyang sariling pamamaraan at nananalig na edukasyon ang sandigan upang ang binathang paghihirap at karukhaan ng maraming kabataan sa Alabel ay matuldukan. “Enhanced Educational Package ng Zero Collection Policy ang kalasag ng munisipalidad para sa mga kabataan,” ito ang inihayag ng Alkalde Vic Paul M. Salarda sa kanyang State of Municipality Address kamakailan.

DEKALIBRENG EDUKASYON PARA SA LAHAT Pagbuwag sa Hazing, suportado ng CHED; ANHS, pinaigting

ang ‘No Gang Rule’ ni JUDY COROÑA

“Kailangan nang buwagin ang ‘hazing’ at dapat na ring amendahan ang Anti-Hazing Law of 1995 upang bigyang-pansin ‘di lamang ang pagmamalabis sa mga baguhang estudyante pati na rin ang mapanganib na ‘initiation rites’ ng mga kapatiran,” ito’y ayon pa sa opisyal ng Commission on Higher Education (CHED), Setyembre 24. Sa panayam ng dzBB, iginiit ni CHED Executive Director Julito Vitriolo na nararapat lamang na tuluyan nang ipagbawal ang “hazing” batay na nga sa Republic Act No. 8049 kung saan nakasaad ang karampatang parusa sa “dangerous practices” ng “fraternities” at “sororities.” Mas pinaigting naman ng pamunuan ng Alabel National High School (ANHS) ang “No Gang Rule” sa paaralan sa pamamagitan ng mas intensibong Student Evaluation at Parent Counselling buwan-buwan. “Despite the recent incident, fraternities or sororities should not be abolished, but rather be regulated for its bad practices. Well in the case of ANHS as a secondary school, gangs and other rebel groups inside the school must turn into their extinction,” paglilinaw ni Carlito Panuncillo, School Disciplinarian upang ‘di na kailanman masundan ang pagpatay sa UST Law student na si Horacio “Atio” Castillo at para mahinto na ang iligal na mga gawaing sangkot ang mga estudyante.

Alabel, kaagapay, katuwang ang Zero Collection Policy NI JOHN MARK POLISTICO

Matapos matulungan ang 2.2 milyong kabataang may kapansanan, gayundin ang nasa mga rural na pamayanan na hindi abot ng mga programang pang-edukasyon, kamit na ng DepEd ang isa sa Millenial Goals ng United Nations (UN) na Education for All (EFA) sa pamamagitan ng Inclusive Education Program. Sa pahayag ng ahensya noong Pebrero 24, nasa 648 SPED Centers at paaralan ang nag-aalok ng naturang programa kung saan 471 sa elemenantarya at 177 naman sa sekundarya. Noong taong-panuruan 2015-2016, nakapagtala ang kagawaran ng 250,000 elementary students na may natatanging pangangailangan habang 100,000 naman sa high school. “We are proud to say that we have accomplished a big goal as our thrust as a department which is to give quality and inclusive education for all,” ayon pa rito. Nangako naman ang DepEd na papalawigin pa ang sistema sa tulong ng pribadong sektor.

03 BALITA

ESTADO NG ALABEL Kumpyansa naman si Mayor Vic Paul M. Salarda na kaagapay ng LGU-Alabel ang Deped sa pag-abot ng “quality and inclusive education for all” sa pag-amenda ng Zero Collection Policy na ngayo’y nasa ikalawang taon na. Alinsunod sa nirebisang Memorandum of Agreement, karagdagang P100 ang ibubuno sa P200 bilang tugon sa mga aktibidad at kaganapan sa loob ng mga silid-aralan. Ayon kay Salarda, ang pagpasa ng lokal na pamahalaan sa nasabing programa ay epektibong hakbang upang maiangat ang antas ng partisipasyon ng kabataan sa paaralan na siyang pangunahing tunguhin din

07

Pangangailang Piñol pinuri Ng May ang Sarangani EDITORYAL Kailangan Kapansanan

10% NANINIWALA 80% DUDA

PAGMAMALAKI. Taas-noong ipinagmalaki ni PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos na walang Extrajudicial Killings (EJK) na naganap sa ilalim ng administrasyong Duterte sa kanyang talumpati bilang tugon sa ipinalabas na sarbey ng Social Weather Stations (SWS) noong Oktubre 6. (Larawan mula sa httpswwwscoopnestcom)

10

ng Inclusive Education na nakasaad sa DepEd Memo No. 72 ng 2009.

ANHS AT ZERO COLLECTION POLICY Sa kasalukuyan, ang buong populasyon ng Alabel National High School na mahigit 3000 ay nakikinabang sa programa. Ayon pa kay Loreto J. Gindap, Principal I, malaki ang naiambag ng Zero Collection Policy sapagkat natutugunan nito ang pangangailangang pinansyal ng institusyon gayundin ang pagkumbinsi sa mga batang pumasok sa paaralan dahil ito’y libre. Ayon sa bagong kasunduan, ilalaan ang karagdagang P100 sa mga aktibidad at kaganapan sa loob ng mga silid-aralan kaya labis ang kagalakan ni Ginalyn Villaflores, tagapayo ng Grade 10 - Faraday. “I’m very grateful that LGU initiated an increase, though there’s no collection, our classroom facilities are really in need of your financial support,” pahayag pa ni Villaflores.

16

sa LATHALAIN Naiiba AGHAM MASKARA lahat

ANHS, duda sa ‘No EJK’ ng PNP NI MARY NICOLE RAMOS

Walo sa sampung pinagsamang estudyante’t guro ng Alabel National High School (ANHS) ang duda sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na walang “Extrajudicial Killings” na nagaganap sa ilalim ng adiministrasyong Duterte. Ito ang resulta ng sarbey na isinagawa ng Alay ng Sarangani noong Oktubre 6 kaugnay sa pagpapatupad ng kampanyang “War on Drugs” ng pamahalaan. Ayon pa kay Jocelyn Cavan, guro sa Pilosopiya, ang malawakang pagpatay sa mga inosenteng mamamayan ay patunay na umiiral ang EJK sa bansa. “Yong ibang napapatay ng mga pulis, hindi nila nabibigyan ng patunay o ebidensya na sila talaga ay drug users,” sambit pa ni Cavan. Taliwas din siya sa salaysay ng PNP na “nanlaban” umano ang mga suspek kaya nila napatay ang mahigit 1000 kinilalang drug users at pushers. Tiwala siyang mas marami ang bilang ng tropa na imposibleng pang labanan ng mga suspek tuwing silay may clearing operations. Sa kabilang banda, 10% ng

kabuuang istadistika ang pumanig sa PNP. Wala daw umanong dahilan upang pagdudahan ang PNP sapagkat sila ang may awtoridad na maglabas ng naturang ulat, ito ang paniniwala ni Je Elorde, Grade 11. “Kagaya lang ‘yan pag sinabi ng guro na nagturo sila ngayong araw. Hindi mo pwedeng sabihing hindi sila nagturo kasi sila yong nakakaalam ng ginagawa nila,” paliwanag pa niya. Samantala, sinabi ni Cherry Uchi, Guidance Counselor ng nasabing paaralan, suportado niya ang “War on Drugs” ngunit di raw maikakaila na may kaso ng mistaken identity. “Naniniwala ako sa sinabi nila, ngunit hindi maitatanggi na may biktima rin ng mistaken identity,” ayon pa kay Uchi. Sinabi ng tagapagsalita ng PNP ang naturang pahayag bilang tugon sa ipinalabas na pagtataya ng Social Weather Stations (SWS) kung saan pito sa sampung Pilipino ang may takot na maaaring mabiktima rin sila ng EJK.

Sa tala, umabot sa mahigit isang milyon ang kabuuang halagang naitulong ng LGU sa naturang paaralan mula noong nakaraang taon. PERSPEKTIBO Higit pa rito, sa pamamagitan ng 2 TVL Laboratories, 4-storey 20 classroom PAGCOR building at 2 pang 4-storey 12 classroom ng DepEd, mapaglalaanan ang bawat mag-aaral ng oportunidad na maging “globally competitive learner.” Positibo naman si Gindap sa pagpapatupad ng SPED Program sa ANHS. “We will pursue our stride towards quality and inclusive education by adapting educational programs that could cater students regardless of race, size, shape, color, ability, disability or financial stability,” aniya. Umaasa naman ang punongguro na sa pamamagitan ng Zero Collection Policy ay mas mapapalawig pa ang adhikain ng Inclusive Education at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.

ASEAN 50

Pagkonserba ng Kultura, Sining, isinagawa ng Historian Club ni RHODA EBAD

Kasabay ng “Budayaw Festival: 2017 BIMP-EAGA Festival on Culture and the Arts,” isang ekspidisyon sa pagkonserba ng kultura at sining ang isinagawa ng Historian Club ng ANHS sa KCC Mall of Gensan noong Setyembre 27, 2017. Sa pangunguna ni Jeah Pean Asumbra, Club Adviser, napagtagumpayan ng samahan ang isang araw na pagsasanay kung saan tampok ang likas na yaman ng Pilipinas at iba pang bansang kabilang sa BIMPEAGa at ASEAN. Layunin ng nasabing programa na maragdagan ang kaalaman ng kabataan para sa konserbasyon, pagpapahalaga pati na rin sa malawakang pagtataya, klasipikasyon at pangangalap ng mga datos at imbentaryo ng yamang-natural. Bahagi ito ng paggunita ng ika-50 na anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nataon kung kailan ang Pilipinas ang itinalagang Chairman ng ASEAN. Sa bansa rin ginanap ang ASEAN Packaging Conference noong Oktubre 26 at 39th Meeting of the ASEAN Consultative Committee on Standards and Quality Working Group 1 (ACCSQWG1) noong Oktubre 30.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.