1 minute read

CARAGA RNC, TINUTUTUKAN ANG NUTRISYON NG ILANG VULNERABLE SECTORS SA MGA LUGAR NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG BAGYONG ODETTE

Habang patuloy na isinasagawa ang relief operation sa mga lugar sa Caraga Region na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette, nakatutok din ang Regional Nutrition Cluster sa pangunguna ng National Nutrition Council (NNC) sa pagsiguro na naibibigay ang tamang nutrisyon sa mga bata, lactating mothers, at senior citizens.

Sa tulong rin ng mga barangay nutrition scholars (BNS) at nutrition action officers (NAOs) sa mga apektadong probinsya, namomonitor ang kalagayan ng mga vulnerable sector lalo na sa mga evacuation centers.

Advertisement

Ayon kay Dr. Niño Archie Labordo, OIC-Regional Nutrition Program Coordinator ng NNC-Caraga, tinitiyak ng Regional Nutrition Cluster na naibibigay ang nutrition package intervention kabilang dito ang infant and young child feeding practices, micronutrients supplementation, supplementary feeding, at integrated management acute malnutrition.

“Ibig sabihin, layon ng nutrition cluster na masiguro ang nutritional status ng mga apektadong populasyon lalo na ang mga vulnerable groups – ang mga bata, buntis, breastfeeding mothers, older persons, people with disabilities, at iba pa na kabilang sa vulnerable groups. Ito ay para walang pagbaba ng nutrisyon o hindi gaano apektado ang kanilang nutrsiyon kahit paman sa panahon ng emergency o sakuna sa pamamagitan ng koordinasyon at pakikipagugnayan sa iba pang sector na may kinalaman sa nutrition response clusters,” ani ni Labordo.

Nagsasagawa rin ng blanket feeding ang mga lokal na pamahalaan para masigurong may makakain ang mga apektadong residente.

Binigyang-diin din ni Dr. Labordo na kailangan ng malinis na inuming tubig ang mga residente para sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. Malaki ang epekto sa kalusugan ng mga residente kung walang sapat na mapagkukunan ng malinis na tubig.

“Kailangan talaga nila ng potable water, isa ito sa ating naging obserbasyon doon sa mga evacuation centers. May naitalang kaso na rin ng Diarrhea dahil may pamilya doon na uminom ng tubig mula sa spring, kung saan hindi talaga ligtas inumin,” dagdag ni Labordo.

Maliban din sa nutrisyon, tinututukan din ng cluster ang pagtugon sa mental health para maiwasan ang matinding depresyon sa mga apektadong residente. Pinasalamatan din ni Dr. labordo ang iba pang ahensya ng pamahalaan na nakatuon din sa pagpapatayo ng mga bahay sa mga apektadong pamilya. (JPG/PIACaraga)

PROVINCIAL NEWS

This article is from: