ANG BANgKA SARBEY
“
Pabor ba kayo na palitan ang huling linya ng Lupang Hinirang?
MAIDEN ISSUE | ABRIL - Oktubre 2018
YES 0%
NO
100%
Ayon kay Maricel Ramon Pua Jr, hindi dapat palitan ang huling linya ng pambansang awit ng Pilipinas sapagkat kalapastangan ito sa mga taong nagbuwis ng buhay para sa ating kalayaan.
Nanunumpa ang mga bagong halal na pinuno ng San Antonio National High School sa kanilang katungkulan na naganap bilang bahagi ng induction program. Kuha ni Jose Rafael P. Guiyab
P1 M fencing project ng SHS, aprubado na AVEGAIL P. NAVARRO
SANHS, wagi sa Brigada Eskwela ‘18 Paaralan, nagtamo ng malaking pagbabago NICA MAE U. MADAMBA
Matapos dumalo ang punong guro ng San Antonio National High School (SANHS) Honorato Malabad sa isang pagpupulong kasama ang Delfin Albano mayor Arnold Edward Co, napag-alaman na ang ibibigay na pondo sa fencing project para sa SANHS- Senior High School Campus na nagkakahalaga ng isang milyon. Sa naganap na pagpupulo sa Munisipyo ng Delfin Albano, inihayag ang pagapruba ni Governor Bojie Dy III sa nasabing proyekto na ipinangako sa SANHS noong inagurasyon nito sa nakalipas na taon. Sa panayam kay Malabad, sinabi niyang nasa bidding process na ang naturang proyekto. “For implementation na yung project baka next month masisimulan na. Basta ang target ay within this school year.” Ani Malabad. Ngunit, ayon sa punong guro, hindi sapat ang naturang budget para mabakuran ang paaralan na tinatayang may isang hektaryang lawak. Sinabi rin ni Malabad na kung hindi mababakuran ang buong paaralan, maaaring unahin ang likurang parte nito upang magkaroon ng harang ang paaralan at ang San Antonio Core Shelter. “Mas priority ko ang likod, yun ang uunahain kung sakasakaling hindi magkakasiya ang allotted fund na ibibigay saatin.” Isasakatuparan ang naturang proyekto bilang pasimula sa kagustuhan ng punong guro na gawing ‘malaparaiso’ ang SANHSSHS campus.#
Nasungkit ng San Antonio National High School (SANHS) ang unang puwesto sa 2018 Brigada Eskwela Area Level contest Large school category matapos pataobin ang 12 na paaralan sa Area 1. Sa Brigada Eskwela na isinagawa noong ika-28 ng Mayo
hanggang ikadalawa ng Hunyo sa JHS at SHS, sa tulong ng mga stakeholders, naging malaki ang isinaayos ng paaralan kabilang na ang paglalagay ng fire safety facilities, hand washing facilities at paglalagay ng evacuation area kapag nagkaroon ng lindol, rain water catcher, paglalagay ng pavement sa SHS at repainting sa mga imprastraktura at mga
landscaping sa mga lawn areas. Ayon sa mga stakeholders, naging malaking tulong ang pagsasagawa ng isang linggong Brigada Eskwela sa pagpapaganda ng paraalan. “Ang isang linggong Brigada Eskwela ay nagdulot ng madaming pagbabago sa mukha ng paaralan lalo na sa facilities nito upang lalong maging
45 computers, handa ng gamitin NICA MAE U. MADAMBA Naisaayos na ang mga bagong computer sa San Antonio National High School na handog ng Kagawaran ng Edukasyon tugon sa programa nilang “DepEd Computerization Program” upang maihanda ang mga estudyante sa hamon ng modernong pamumuhay. Nitong ika-31 ng Agosto nakahanda nang gamitin ang mga 45 computer— 43 terminal, dalawang sub-host, at isang server, dalawang projector, dalawang laptop, at isang printer na maaaring gamitin para mapadali ang pagtuturo at pagiintindi sa mga leksiyon. Ayon kay Mary Jean Magday, guro ng technical drafting, magiging malaking tulong ito hindi lang para sa mas magandang paraan ng pagtuturo para sa kanilang guro
kundi upang malaman din ng mga estudyante ang paggamit sa makabagong teknolohiya. “Magiging maalam ang mga estudyante sa pagmamanipulate ng mga computer kasi malaki rin itong tulong hindi lang sa pag-aaral nila kundi para sa kinabukasan nila kapag magtatrabaho na sila gaya sa technical drafting,” sabi ni Magday. Bagamat maayos na ang mga computers, ayon kay Magday may mga kailangan pa sa computer laboratory gaya ng tiles para mapabilis ang pag-lamig ng kwarto at maiwasan ang pag-ooverheat ng mga computer.
Binabakunahan ng DOH personnel ang mag-aaral ng SANHS bahagi ng immunization program ng DepED.
“conducive and safe for learning” ang SANHS,” sabi ni Ramon Pua, dating presidente ng PTA. Sabi naman ng punong guro na si Honorato Malabad, Jr., bahagi ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela ng kanyang pagnanais na gumawa ng “paraiso sa loob ng paaralan”.
PAHINA 03
NILALAMAN
GITLING Opinyon: Kung sana ako’y dalawa
P/11
Masigasig na nagtuturo si Jaime Lopez sa kanyang mga STEM students gamit ang mga bagong computers na galing sa DepEd. KUHA NI JOSE RAFAEL P. GUIYAB
Gayunpaman, sinabi ni Magday na asahan pa ang mga magaganap na karagdagang proyekto sa SANHS. “Tatlong taon mula ngayon. Siguro sa 2019 hanggang 2021 makikita pa ang karagdagang pagbabago,” ani Magday.#
1 sa bawat 3 Pamilyang Pilipino nakalaya sa kahirapan Q1; 1 sa bawat 8 bumaba sa kahirapan. DATOS MULA SA SOCIAL WEATHER STATION
Lathalain: Sa Bawat Pagsalba ni Doc Jay
P/07
PAGBABALIK TANAW sa husay ng
mambabaklay
LATHALAIN
P/07
PELIGRONG DULOT NG PAGKATUNAW NG YELO AGHAM AT TEKNOLOHIYA
P/10