DEBITFORD
THE TRAVELING SALAKOT MARARISON, ANTIQUE PROVINCE
DEBITFORD
THE TRAVELING SALAKOT MARARISON, ANTIQUE PROVINCE
DEBITFORD: #THETRAVELINGSALAKOT MARARISON, ANTIQUE PROVINCE VOLUME 1 - NO. 1 NO PART OF THIS PUBLICATION MAY BE REPRODUCED IN ANY FORM OR BY ANY MEANS WITHOUT PRIOR PERMISSION FROM THE OWNER. ALL RIGHTS RESERVED 2018 TEXTS FORDY MAYOYO PHOTOS FORDY MAYOYO LAYOUT & DESIGN EMMAN JOSE
MARARISON, ANTIQUE PROVINCE
Antique Province Simulation Map by Antique Local Governance Performance Management System
I MET this old lola sa Antique, and it was so nakatatakot.
Earlier that day, isinabit lang ako ng tourism office sa isang boat ng isang group of two couples — instant fifth wheeler ako. Wala pang anu-ano’y tinanong na ako ng isa sa kanila, “sa isla ka matutulog?” Tumango ako, nagtataka sa entrada nung babae. “Ah, okay,” dagdag niya. Lucky day again, I was able to join a group sa boat pati na rin sa trek nila. If solo kong lahat yun, I would have paid Php950. Php110 lang ung actual kong ambag. The boatman earlier asked me if may tutulugan na ako, I told him wala pa. I was hypnotized na para bang napasunod niya lang ako pagbaba ng boat.
Bet sana sa beachfront pero tuloy ang lakad namin, paanan na ng mga burol yung bahay na pinagdalhan niya sa akin. Hostel. Hotel. Motel. Inn. Lodge. I’ve tried them all. Pero homestay? Never yet.
The salakot was worried of what awaits him. Until pinakilala na ako ni kuya sa tiyahin niya. Isang lola. Maputi ang buhok. Naka ternong bistida. Seryoso ang ngiti. “Pasok ka.�
“Ano ito? Para akong nasa isang horror movie.” At sumabog na ang mga masasamang bagay sa isip ko. “Ano ito, para akong nasa horror movie” Bahay na yari sa kahoy ang tinuluyan ko. Solo ko ang kwarto. Manipis ang kudtyon, maraming unan, kawayan ang sahig, may tela sa kisame na akala mo’y inilagay para protektahan ka sa mga tiktik. “May dalawang babae sa kabilang kwarto” sabi ni lola. Pero wala akong naririnig, naisip ko’y sila ung naunang dalawang biktima sa kwentong katatakutang ito.
Natapos na akong mag-ayos ng gamit ay hindi ko pa rin maramdamang may tao nga sa kabilang kwarto na manipis na plywood lamang ang dingding. Ako’y lumabas na ng bahay at bumalik sa grupong nakasama ko kanina. Simula na ng pag-akyat namin. Tahimik pa rin ang paligid. Ako’y napadasal na sa akin ay walang masamang mangyari. Kung anu-anong mga bagay pa rin ang tumatakbo sa isip. Hindi man ako mahilig umakyat ay pinatos ko na ang paandar na ito. Tubig kasi ang elemento ko, tubig naman ang view so keri na. Aarte pa?
Pero ang init. Ako’y napakamot ng ulo. Charot. Dapat ay sa oras ng paglubog ng araw ako aakyat, pero dahil sa naghahabol ng oras ang aking mga bagong kaibigan, ako’y sumaka na sa kanila. Salamat sa aking salakot na proteksiyon ko sa mainit na sinag ng araw. Na tila galit na galit nung araw na iyon. Maliwanag ang kalangitan, manipis ang mga ulap. At simula na naman ng kodakan, siyempre mapapansin kong pinagbubulungan na ang parating tanong ng mga nakasasalamuha ko, “bading ba ito?” Pero so what? Tuloy ang awra. HAHAHA
Tuloy ang ahon sa burol kahit gaano pa kainit ang panahon. Simula naman ng mga kwento ni kuyang guide. Sabay turo niya sa kakaibang halaman na ito na roon ko lang nakita. Dumarayo pa raw ang mga eksperto(mga taga-UP gaya ng kanyang sabi) roon para sila’y obserbahan at aralin. Sa islang iyon lang daw sila nakikita. Bawal hawakan o pitasin pero pwedeng litratuhan. Isnt it amazing? Chot
At pagdating sa tuktok ay kita na ang bawal sulok ng mundo. Nakabibighani. Kita mula roon ang mga pinakamataas na kabundukan ng isla ng Panay. Maihahalintulad ang kaniyang ganda sa mga bundok ng New Zealand. Chot, ‘di ko pa napuntahan. At sa tabi ng mga damo ay mga maliliit na halaman. Sa likod naman ng isla’y meron talagang kwento ng katatakutan. Sa kabila ng kanyang ganda’y hindi maiwasang isipin o pag-usapan ang kuwentong bayan. Pero yun na nga bilang walang preno ang bibig ko minsan, tinanong ko na sa guide namin. At siya’y nagkwento naman. Wala man siyang karanasan ay ayaw niya ring patotohanan.
Dati’y payong, naging balabal, saka naging salakot ang aking kaagapay. Baklang-bakla man ay bawat isa sa kanila mga litrato ko ay binuhay. Payong sa ulan at init Balabal sa araw at lamig Salakot ako pinaka-umibig Matapos ang aming pagtawid at walang tigil na tagaktak ng pawis kami ay nagpahinga.
Sambit ko’y “Oo. Kararating niya.” Sa isang maliit na tenga ng isla ay may mga samalamig ang isang ale na ibinebenta. At habang nakaupo’y may nagtanong kung doon ba ay may sirena. Sambit ko’y “oo, kararating niya.” Hala, tawanan na sila! Hello, ako nga pala si Ford Mayoyo. At ito ang aking tunay na anyo. Charot.
At kami’y sa bahay ni lola’y bumalik na. Nagtanong ako kung saan may poso at ako’y maglalaba. Kinakabahan pa rin, nagdududa, at nahihiya na. Dahil panay asikaso sila at nag-igib pa. Matapos magsampay ay nagpahinga. Kinausap si lola, di makatingin sa mata. Pero ilang sandali ako ay napanatag na. Walang ibang pwedeng gawin kundi magtiwala. Hanggang ako’y sa kwarto pumasok na. Humiga, pumikit, nakatulog. Sumunod na araw ay nagising, katawan ay kumpleto pa.
Tunay ngang kwentong bayan lamang ang katatakutan ng Antique. O malas lang ako kasi hindi ko naranasan ano kaya Pero isa lang ang napatunayan ko sa kanya, tunay mang nakatatakot ay makulay ang kanyang ganda. Itutuloy...