2018
Palatuntunan
IEmmensity
Literary Folio
2
PAUNaNG SaLITa Four years ago, we said HELLO to one another, HOW FAST TIME FLIES REALLY! Now, wether we like it or not, we have to stay GOODBYE! Ika nga sa linya nang isang kanta ....” The trouble with hello is goodbye.” My dear co-graduates, in just few hours, our high school year will be over and everything will just be memories.... Memories that we will forever cherish and remember. Allow me to say that our stay here has been FOUR LONG YEARS and also, FOUR SHORT YEARS. Why did i say so? Why four long years? Aminin na natin napakaraming pagkakataon na tayo ay tambak tayo sa dami ng gawain. Assingment dito,Activity doon,requirements,project at marami pang iba.Pag pinapabasa tayo kahit two page lang,bored na bored na tayo,Pero kapag Facebook&Twitter naman,kahit mag spend tayo ng ilang oras, ayos lang, matambayan lang ang wall ng crush nyo. Kapag may mga kadramahan, nakatampuhan ang kaibigan,naka-galit ang bf/gf, wish naten.. Sana matapos nayung school year nato at nang magkahiwa-hiwalay na. Those instances made our stay here four long years! Why four short years ? It is because of the LIFE LONG FRIENDSHIP WE ESTABLISHED; THE LASTING MEMORIES WE MADE and the TRULY INTERESTING and AMAZING THINGS WE LEARNED. Kaya di naten mamalayan, ga-gradweyt na pala tayo. But GOOD or BAD, BORING or EXCITING, I am very sure that ALL OF US will remember this place; this institution that serve as our second home.. Home that cared, loved & nurtured us for four years .. FOUR MEANINGFUL, MEMORABLE & COLORFUL years of our lives Dear fellow graduates, as your class valedictorian, I am deeply honored & privileged to stand before you in this momentous occasion ang act as your representative in expressing your feeling & emotions. Tunay nga sa anumang larangan , paligsahan o laban ng buhay , napaka-halaga na tayo ay may kasama, kakampi o KA-TEAMWORK. Kaya nga nag champion ang Sanmig Coffe Mixer sa Basketball at Ateneo sa volleyball kailan lang ay dahil sa matindi nilang teamwork Sa ating paaralan, si Sir Efren ay ka-teamwork ang ating mga guro. kaya naman di mabilang na parangal , karangalan at tagumpayang ating nakamit. Tayo rin ay may ka-teamwork kaya natin tinanggap ang diploma. Kaya naman, marapat lang na sila’y ating pasalamatan.
Una at karapat-dapat sa lahat ay ang ating Panginoon na kailan may ay hinde tayo iniwanan, hinde tayo binigo. Sa kanyang galing ang lahat nang mayroon tayo ngayon at nakasisiguro tayo at patuloy niya tayong pupusousin ng pagpapala. SA IYO PO AMANG DIYOSTAOS- PUSONG PASASALAMAT!
3 Isa pa nating ka-teamwork mula noong tayo ay isilang ay ating mga magulang. Ang ating magulang na lahat ay laang isakripisyo para sa ating kapakanan. Ang ating magulang na gagawin at titiiisin ang lahat nang hirap masiguro lamang ang ating magandang kinabukasan. Ang ating magulang na ginagawang araw ang gabi maibigay lamang ang lahat ng ating pangangailangan. Ang ating magulang na laging laan na tayo ay unawain at patawarin sa ating bawat pagkakamali. Sa aking mga magulang, Mr. & Mrs. Francisco and Imelda Ramirez, Mama, Papa. Maraming maraming salamat po sa mga paghihirap at pagtitiyaga niyo saken, sa pagpapasensya sa katigasan ng ulo ko, sa patuloy na pagtataguyod saming magkakapatid sa kahirapan ng buhay at sa walang sawang pagmamalasakit at pagmamahal. Mahal na mahal ko kayo! Wag po kayong mag-alala babawi po ako. To our class advisers since we first stepped in this institution : Ma’am Jocelyn Flores, Ma’am Monaliza Marquez, Ma’am Aileen Majares and Ma’am Florence Galang. Thank you for being a good teachers, a friends and a mother to all of us. Thank you for bearing w/ us & caring for us we are your own children. And take our apology for the instances that we hurt your feeling. To all other teacher much. As the saying goes, ‘’ A good teacher explains, a superior teacher demonstrates and a great teacher inspire.’’ You are all great because you inspired all of us. At syempre sa mga kaklase ko kaibigan at mga kapatid ko sa ibang magulang na naging karamay ko sa lahat ng pagkakataon. Mga bes kong maituturing. Maraming maraming salamat sainyo for making everschool day a party, for sharing your lunch w/ me , for talking nonstop kahit walang sense mga usapan naten, sa kalokohan, sa tawanan, sa pag uwi ng gabi sa gala sa pagiging supportive , sa love & care sa lahat,Lahat. Ipinadama at binigay nyo ng kulay at kabuluhan ang high school life ko. Isa sa mga experience na ite-tresure ko habang buhay. Mamimiss ko kayo. Mahal ko kayo guys! As we tread our path into a new phase of our lives and step on higher level. Let us never forget all the lesson we learned from the corner and portals of this institution, lessons that we will cherish and keep in our hearts wherever life lead us. We are now graduates. Everything that we have learned, the challenges that we faced. Let us make them our tepping stones to achieve our dreams and goal. Starting tomorrow we have a choice to make. How do we want to live our lives? What kind of person do we want to become? How will our character, our trueselves, our innermost personalities, combine to set the coures for the rest of our lives. I known that we are all capable in achiving our dreams if we remember what we have learned and keep that faith that we can achieve. So I say to you all, Enjoying something that you do makes achieving things effortless. Sometimes, it pays not to worry so much about where you ranked but rather thing about the enjoy you get with what you do. I know that all everyone feels extremely happy and our parents are proud that we are able to recieve a diploma after all these years. Let’s kive out our dreams. let our personalities shine through and have no regrets. CONGRATULATIONS BATCH 2014! WE DID IT! God bless everyone & good morning!
-Franchesca Ramirez
4
Takdang Aralin::
*Liham Pasasalamat Noisy* *Aly *Aliza “ate pakz xs� Joswa Da Greyt *Ann Paulene *Rellie Boy *Angeline *Denise
*Kim - EIC **ilapag nyo sa table ko sa HC
Sa isang room sa may 3rd floor ng Federizo Hall iemmensity literary folio 2018
5
Faith. Hope. Love. Aly
Five years ago, I never knew how I am going to be successful in college. I was warned that college is difficult and far away different from my happygo-lucky high school life, and as soon as I stepped into it, I come across many challenges. But with the favor and grace of God, I had overcome such things through faith, hope, and love. Faith. I believed that through faith I can move mountains. No matter how gigantic my problem was, I knew I can deal with it. Not because I am very confident with myself - when in fact, I am nothing and I am not able to do so without our powerful God - but, I trust in Him that He will give me a way to overcome any challenges. Faith opens the door to miracles. It was faith that led me through during those times I failed. It was faith that made me strong whenever people discourages me. It was the “Kaya ko ‘to” (I can do this!) in this world full of “Ayoko na” (I quit). Faith is the assurance of things we hoped for. Hope. Without hope, I will never reach this point of my life. I believed that hopes and dreams are our first step into success. It will be our guide and path to our goals so that we will have directions and not get lost. I hoped to rise my family from poverty and lived in prosperous life that is why I chose to strive harder to finish my studies. I hoped to have good friends that I can rely on, a physically fit body to do all my tasks, a sufficient allowance, and other things that I knew that will make me happy. All in all, I have hope in God, iemmensity literary folio 2018
6 hope that He will provide everything I need through this journey - and guess what? He did. He did provide everything, my necessities and desires through the helping hands of my family, relatives, and friends I loved. Love. If you want to experience God’s awesome blessings, the best thing to do is to love unconditionally. Loving God is the first and foremost thing we need to put in our hearts and minds, and trust that everything will follow. Love is obeying Him - do His will and you’ll never go wrong. Love people and things around us even if we think that there is no gain for us, believe me there is always a good result in this. Have compassion to people less fortunate than you, be sensitive to your environment, love yourself and let go the things that makes you sad; because I know that these simple things can become great things. Love can also be the force that drives us to get something we really want. Let your passion be your profession. If I don’t love the course, I will never overcome those five years and be an Industrial Engineer. If I don’t love, then who am I, what am I, and where will I ever be belonged? I cannot describe how grateful I am for everything I went through - the amazing people I met, all experiences and opportunities that comes my way, the failures and achievements, and so much more that builds my character and made the person that I am today. TINTEIJTB. Every glory belongs to God.
iemmensity literary folio 2018
7
“Thesis is Life” Aliza Asuncion Hindi makakain, Hindi na rin makatulog, Daig pa ang adik sa pagkasabog. Sinubukan kong umiwas, Nag-walwal, lumamon, nag-kdrama, Ngunit hindi mawari, Ang hiwagang iyong taglay Sa kabila ng lahat, Sa iyo pa din ang bagsak. Hindi man kita nabuntis, Asahan mong ika’y pangangatawanan, Pagkat dugo, pawis, at luha ang naialay. Ngayon pa ba susuko? Kung kelan nalamayan, nadasalan, Nananalig sa mga santo’t nagtiwala kay Batman, Isinasabaw ang utak sabay higop ng kape. Hamakin ka man ng sinoman, Buong dangal with cross fingers na ipagtatangol, Para saan pa’t hinaba-haba man ng prusisyon, Sa bookbind din ang bagsak mo. Kaya’t ngayo’y aakyat na, Malugod na nagpapaalam aking giliw, Nawa’y wag na tayong magtagpo, Adios aking thesis.
iemmensity literary folio 2018
Roxas Hall
8
ANG LIHAM PASASALAMAT NG BIBONG AKO Joswa Da Greyt
Isa akong estudyante‌ Maraming gustong gawin sa buhay Maraming gustong patunayan sa sarili Maraming nagawa, ngunit marami ring muntik nang sa akin ay mawala Sa lahat ng nangyare sa akin at lahat ng taong nakasama ko sa loob ng limang taon ko sa kolehiyo PARA SA INYO ‘TO! Isa akong Writer‌ Hindi ko alam kung may naitulong ba ako sa publikasyong ito Pero nagpapasalamat ako sa pagkakataong binigay sakin ng pagiging bahagi nito Marami akong nadiskubre sa aking sarili at sa ibang tao Marami ring samahan akong nabuo dito Nakatikim ng talo at matamis na mga panalo Salamat sa pagpapaalalang may matinong magagawa ang mga letrang nilalabas ng isip ko At hindi lang mga katagang sakit sa ulo ng makakarinig nito Kaya sa lahat ng nakasama ko dito Salamat sa inyo
iemmensity literary folio 2018
9 Isa akong Quizzer‌ Miski ako, kinukwestyon ko ang sarili ko kung matalino ba talaga ako Maraming ibang pedeng makasali bukod sakin, yan ang paniwala ko Pero sadyang malakas yata talaga ang bilib ko sa sarili ko Samahan mo pa ng matinding paniniwala ng nanay ko, Kaya ayon, nakapag-uwi naman ng kampeonato – dahil sa mga kagrupo ko Maraming salamat sa inyo, Salamat sa pagsakay sa mga kalokohan ko Salamat sa pagtanggap sa mga kahinaan ko Lalo na sa pagbibigay importansya sa kaunting kalakasan ko Salamat kay Maam Dyan sa pagtitiwalang naliligo ako Habang kinukwestyon ito ng buong mundo Salamat teammates sa pagsali sa Vlogs ko Hindi ko kayo malilimutan kahit sikat na ako Pero eto seryoso, Salamat sa lahat ng ala-alang kasama kayo Sa review-ng mas marami ang itinawa kesa ikinatuto Salamat sa lahat ng panalong kasama kayo At sa mga talong magkakakapit padin tayo Pamilya ko kayo, mahal ko kayo Isa akong dancer‌ Simula second year hanggang sa huling taon ko Kahit na muntik nang di ako makasali dito Nagawan pa rin ng paraan ng lolo mo Iba siguro talaga kapag iyong gusto
Kuha mula sa 2nd floor ng Carpio Hall iemmensity literary folio 2018
11 Kahit ano kakayanin mo Maraming humarang sa pagsayaw ko Miski sarili ko pinipigilan na ako “mamahinga ka naman”, sabi ko Pero “kaya pa ‘yan” and sagot nito Walang pagsisisi, puno lamang ng pasasalamat ang puso ko Na hindi lang ang matagal na hinintay na kampeonato ang nakuha ko Nakilala ko din ang mga bagong pamilya ko Sa katauhan ng mga taong medyo may topak and maluluwag ang turnilyo Salamat sa lahat ng ala-alang kasama kayo Lahat ng sayaw na iginiling kasabay kayo At lahat ng kantang inilaban nang kasama kayo Alam kong alam niyo ‘to Pero gusto ko pading sabihin, mahal ko kayo Isa akong Presidente… na hindi masyadong kagagalang-galang at karespe-respeto Pero sa kabila non ay marami pading tumanggap at nagmahal mula sa inyo Sa inyong mga ka-IE, na tunay na mahal ko Salamat, maraming salamat sa inyo Hindi mawawalan ng kokontra, at hindi sasang-ayon sa ibig ko Pero maraming salamat dahil sa mga ito ako natuto Dalawang bagay lang naman ang natutunan ko sa inyo Una, tanggapin ang pagkakamali at itama ito
iemmensity literary folio 2018
10 Pangalawa, manindigan sa alam kong tama at totoo Salamat sa mga co-officers ko Hindi ko alam kung paanong maitatawid ang term na ito nang wala kayo Madalas mang naiinis ako sa tuwing nalelate kayo Gusto kong malaman niyo, na mahal ko kayo No joke, seryoso ‘to Salamat sa inyo.. Salamat sa mga professors sa mga paalala ninyo Nagkukulang ma’y iniintindi ninyo kami, lalo na ako Pasensya napo sa mga kakulangan ko sa departamentong ito At marami pong salamat sa lahat ng aral mula sa inyo Sa lahat ng mga estudyanteng tulad ko Mahal ko kayo Kayo ang dahilan kaya di ako sumusuko Kahit mahirap na, nakakapagod na, ang toxic na, lumaban padin para sa inyo Kasi nagtiwala kayo sa greatness ko Kaya inalay ko ang kahuli-hulihang patak ng greatness ko para sa inyo Sa umpisa ma’y pakiramdam kong maling desisyon itong pinasok ko Kayo ang nagpapaalala sa akin na tama ako Tama akong paglingkuran kayong mga ka-IE ko Kayong pamIElya ko Mahal ko kayo Salamat sa inyo
Kuha mula sa 2nd floor ng Carpio Hall iemmensity literary folio 2018
12
Lingon PAharap Ann Paulene Villanueva
Aabot ako sa dulo.. dulong pinakahihintay ko. Dulong inaasam ko. Sa tamang oras. Sa oras na inasahan ko.. Oo, heto na nga ako. Makakaalis na ako.. Sa wakas! Ngunit bakit tila nga yata’t gusto ko bumagal ang oras. Patagal nang patagal nang patagal. Sana tumagal pa.. Pero bakit nandito na ako? Ipikit ang mga mata upang ang katapusan ay di ko muna makita. At napalingon nga ako. Sariwa pa sa aking mga ala-ala ang una kong kaba, na napalitan na ng saya. At ang una kong iyak ay napalitan ng mga halakhak. Mga unang memorya na masarap balik balikan. Na sya ring nagpapatibay sa bawat samahan na kapag ginugunita dala ay ligaya na hindi binigla. Ginugusto mong maulit, pero hindi moalam kung ano ang uunahin mong iguhit. Dahil ba hindi mo na kaya? O dahil hindi mo na sila makakasama? Kusang dumarating ang mga tao sa buhay mo. Depende nalang kung may malaking epekto o hahayaan mo nalang dumaan ang mga ito. Nasa sa iyo kung pahahalagahan mo ang bawat oras na kasama mo sila o hahayaang dumaan na lang kasi nga ay wala lang. Matagal ang hinintay ko para sa sandaling ito, ang makawala at maglakbay pa nang malayo Di ko inaasahan na may mga tao at bagay rin pala akong papahalagahan at iiyakan kapag dumating na yung araw na hindi na kami magdadalddalan.. Malaki ang epekto sa akin ng mga tao sa paligid ko. Lalo na’t sila na yung mga nakasanayan ko. di ko hiniling ngunit binigay sa akin, isa lang ang ibig sabihin.. dapat ko silang alagaan din upang hindi mawala at magsawa sa akin. Kay sarap alalahanin mga unang bagay na nagawa natin. At hindi inakalang pagkakaibigan ay magtatagal rin. Kuha mula sa graduation sa Valencia Hall iemmensity literary folio 2018
13
Isa lang naman ang aking hiling. Kahit matapos na ang araw na nagkikita, wala sanang makakalimot sa mga memoryang ating nalikha. Kalimutan mo na ang bawat mukha nila, basta’t puwang sa puso ay mayroon na. hindi ko akalain na magiging ganito kahalaga ang memorya ng isang pagiging kolehiyala. Okay lang kahit walang sipag na sumasapi, basta’t may karamay ka. Ang mga kaibigan kong kasama ko mula una, ay hindi mapapalitan ng kahit ano pa man kaya nga sa nalalapit na pagtapak sa dulo, nais ko sana ang oras ay mapabagal ko. Hindi ko ata kaya na sa pagdilat ko sa umaga ay wala na kayo.. mga taong nakagisnan at nagpapasaya sa aking pagkatao. Ang mga nabuo nating samahan, alam kong solid na ‘yun, magpakailanman. Kaya nga hiling ko lamang ay wala sanang kalimutan.. Oo, sa pagharap ko, alam kong realidad na ng mundo ang kahaharapin ko, wala na kayong lagging kasama ko, ngunit alam ko naman na lagi lang kayong nandito. Napaisip nga ako sa kantang “Ayokong tumanda kung hindi ka kasama” dahil iba rin ang nabuo sa loob ng limang taon, pano nalang pagkatapos non? Tanging nag uumapaw na salamat ang nais kong sabihin at ipadama, sa mga tao na naging bahagi at nakasama ko sa twina. Walang mapagsidlan ang tuwang aking nadarama dahil alam kong isa ka sa nakahubog sa aking pagkatao. Sinusulat ko ‘to, ibig sabihin ay naging bahagi rin ako ng pamilyang ito, salamat sa pakikisama, sa pagtitiwala, at sa pagbibigay ng chance na maipahayag ko ang bawat nararamdaman ko at naipapamahagi ko sa pamamagitan ng mga salita. Maraming salamat. Oo malapit ko nang marating ang dulo at makakaalis na ako.. ngunit bakit parang… mamimiss ko?
iemmensity literary folio 2018
14
NGiTI BILaNG PASaSaLaMaT Rellie Boy Quilantang Ngiti lang! Laging sambit para sa aking sarili. Naging motibasyon sa bawat pagsubok na dumaan. Mga hamon na sinubok ang aking katatagan. Na sa bawat hamon ay pagod at luha ang kasama. Pero pagkalipas naman ay ngiti ang dadatnan. Ngiti na alay sa sarili at sa inyo rin. Aaminin ko iba ang gusting tahaking landas. Ngunit kusang lumihis ang daan papunta sa kung saan ay walng ideya’t kaalaman. Kulehiyo na hindi inaasahan at kursong di napasok sa aking isipan. Pero eto na, nakapasok na ako sa tarangkahang iba ang laman. Ang kaialngan nalang ay alamin kung bakit dito ang tungo ng lumihis na daan. Hirap agad ang inasahan dahil wala akong kaalaman sa aking pinasukan pero aking sinambit nalang ay “RB ngiti nalang at may dahilan yan”. Pagpasok ko sa kolehiyo ay bagsak agad ang dinatnan kaya ngiti ko ay biglang napalitan ng kalungkutan. Ngunit di sumuko at patuloy na lumaban hangga’t ngiti ay muling maranasan. Sa patuloy na pag-usad sa daang tinuluyan, mga bagong tao ay aking nadatnan. Taong nagbigay ngiti kahit problema ko ay nariyan. Ngiti para sa mga iemmensity literary folio 2018
15 professors na nagmulat sa akin sa kung ano ang aking pinasukan at nagbigay liwanag sa kung ano ang aking dadatnan sa daang pinasukan. Ngiti para sa mga naging kaibigan kong naniniwala na kaya kong tahakin ang landas na ito. Ngiti sa unibersidad na aking napasukan. Ngiti para sa departamento at mga kaklase kong kasabay ko sa paglalakbay na ito. Ngiti para sa pamilya kong walang sawang sumusuporta, tumutulong at isang malaking inspirasyon para sa laban na ito. At ngiti para sa ating Diyos na walang sawang gumagabay sa bawat tahakin kong landas. At ngayon ang dulo ng daang napasukan ay akin ng namamasdan. Ngiti sa aking mga labi ay hindi na mapigilan. Kaya hanggang ngayon ay ngumingiti habang tinatype ito dahil tunog na “dan-dan..dadadadan-dadadada-dadan.....� ay akin naring naririnig. Lahat ng ngiting ito ay alay lamang sainyo. Simbolo ng pasasalamat ko sa pagiging parte ng paglalakbay na ito. Ngiti sa nagsasabing mayroong KAYO sa buhay ko! Kaya sa pagdating ko sa dulo neto, samahan nyo ko sa pagngiti ko!
Kuha mula sa 2nd floor ng Carpio Hall iemmensity literary folio 2018
16
Ako naman Ngayon Rose Angeline Geronimo
“Naks, college ka na ah”, bati sa’kin ng bunso kong kapatid. “Kinakabahan nga ako”, sabi ko habang nakatingin sa salamin. “Mommy, alis na po ako” Dumating ako sa sakayan ng jeep, time check,6 am. Uy may isang oras pa ko. Dumaan ang isa, dalawa, tatlong jeep pero wala akong masakyan, puno lahat ng mga estudyanteng naka sibilyan at naka uniporme. Time check, 6:30 am, kalahating oras na lang bago ang first subject ko. Sige, sasakay ako kahit puno na ang jeep, hindi pwedeng ma-late! May dumaang jeep, puno, pero dedma na, basta sasakay ako. Di ko naman inakalang halos lahat pala ng pasahero sa BulSU bababa, so ano? Buong biyahe akong naka squat? Good luck self. “Hello BSU”, gusto ko yang isigaw pagkapasok ko ng gate kaso may pride pa naman ako, buti hindi naubos sa jeep. Lakad here, lakad there. “Kuya san po yung engineering building?” “Ayun, sa natividad hall”, sabi ni kuyang hindi ko alam kung kuya ba talaga or ate, pero cute siya, pwede na. Lakad here, lakad there. Sabi sa COR ko, COEng 206, so malamang sa 2nd floor yon. Pero nasan? Parang wala namang nagkaklase? Lakad here, lakad there. Dalawang, tatlong beses ko na atang nalibot yung 2nd floor pero wala, nagmukha lang akong trumpo kakaikot. Sige bye pride na. iemmensity literary folio 2018
Natividad Hall's "Fountain"
“Ate, uhm excuse me po, tanong ko lang po sana saan yung coeng 206?”, tanong ko kay ate na mukhang mabait para naman medyo konting pride lang mawala. “Ay, hindi dito yon, nasa likod ng nursing building yon”, sabi ni ate na mukhang naaawa na sakin kasi hello, tatlong beses ko nilibot ang second floor. “Ay ganon po ba? Sige po thank you po”, sabi ko kay ate na may pilit na ngiti sa labi. Time check, 7:15 am. So late na nga ako, pagod pa ko, nabawasan pa pride ko. Pero san ba yung nursing building? Lakad here, lakad there. “Kuya san po yung COEng?”, naglakas loob na ko, bahala na sa pride, late na kaya ako, plano ko pa naman maging suma cum laude sa graduation tapos ganto. “Ah diretsuhin mo lang yan tapos makikita mo na yung building na katabi ng canteen, tapos sa ikod non ayun na yung coeng”, sabi ni kuyang savior. “Salamat po”, sabi ko with ngiting tagumpay. Lakad here,lakad there. Ayan na nakikita ko na ang building, ang canteen, and bulding sa likod ng building, ang hagdan papanik ng 2nd floor, ang pinto ng room 206, at pag pasok ko sa room. Na in love agad ako…biro lang study first. “Good morning, sir, sorry I’m late”, sabi ko habang nakatingin sa kanya at sa mga kaklase ko na mga nasa sampu pa lang ata. Limang taon na pala ang nakalipas noong mangyari yon. Gagraduate na rin ako ngayong taon, hindi man suma cum laude, pero magtatapos ako at makukuha ko ang diploma ko. Ang sarap isipin habang nakatanaw ka sa may garden with fountain ng Natividad hall. “Ate, excuse me po, itatanong ko lang po sana kung san yung COEng 206”, tanong ng isang estudyente sakin habang halata mong pagod na siya kakalakad. “Ay, hindi dito yon, sa likod yun ng nursing building”, sabi ko na may ngiti sa aking mga labi. iemmensity literary folio 2018
17
18
Para sa’yo Denise Mae Unsay
Ang liham na ‘to ay para sa’yo. Ito ay para sa’yo, sa nagsilbing ikalawang tahanan ko. At para sa’yo na tumayong gabay ko. Sa araw-araw na leksyon na itinuro niyo, sa mga aral na babaunin ko, salamat sa inyo. Ito ay para sa’yo, sa departamentong pinili ko. Dahil sa’yo nadiskubre ko ang ibang kakayahan ko. Sa mga oportunidad na binuksan mo para sa akin, salamat sa iyo. Ito ay para sa’yo, sa nakasama ko sa paglalakbay na ‘to. Maraming salamat sa kwentuhan, iyakan, damayan, at kasiyahan. Isa ka sa dahilan kung bakit ayoko pang matapos ‘to. Magkakahiwalay man, nandito lang lagi ako.
iemmensity literary folio 2018
19
Ito ay para sa’yo, sa naging inspirasyon ko. Dahil sa sakripisyo at pawis mo, untiunti ko nang naaabot ang pangarap ko- ang pangarap mo. Sana sa nakamtan kong ito ay nasuklian ko ang paghihirap mo. Balang araw ay maibibigay ko rin sa’yo ang magandang buhay na inaasam mo. Maraming salamat sainyo. Ito ay para sa’yo, sa wakas napagtagumpayan mo. Salamat hindi ka sumuko. Hindi biro ang limang taong pag-aaral ngunit nalagpasan mo. Sulit lahat ng pagod at puyat mo para sa mga taong sumuporta sayo. Simula pa lang ito. At para sa’yo, salamat dahil hinayaan mo akong ipahayag ang nararamdaman ko gamit ang pagsusulat. Hindi ko makakalimutan ang aral at higit sa lahat ang samahan na nabuo sa likod ng pahayagang ito. Salamat kolehiyo!
Kuha sa tapat ng Federizo Hall iemmensity literary folio 2018
20
“Alas Dose” Kim Rey Rondina
Bilang isang editor ng mga grapikong representasyon at mga litrato, minsan sa drowing pero madalas sa pag-aayos ng kung paano ilalagay ang napakahahabang hugot ng ating mga mahuhusay na manunulat, iyan ang aking nakagawian simula nung natanggap ako sa IEmmensity. Nagsimula ako bilang isang estudyate na hindi inaasahang mapupunta sa ganitong grupo, ano ba naman ako noon, isang taong pinasok ang kursong ito ng sabihin na natin, tulak, bahala na kumbaga. Nakita ko ang sarili kong sinusulat ang pangalan sa isang papel, nilagay ko lang doon na “layout artist”, may background ako sa photoshop at mga edit. Naalala ko yung salitang “inquisitive” parang ganon, tinanong ko pa siguro yon dun sa EIC dati, sabi nya matanong daw ‘yon, na chineckan ko naman. Sa interview naman e tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi nila, mga editor pa noon sina ate Hazel, si ate Athena, Paolo saka yung iba, tanda ko pa sila. “Ikaw ba ay handa sa mga time pressure?” parang ganito ang tanong ng EIC sakin, sagot ko naman na “opo, kaya naman po siguro”, totoo, pero hindi ko rin alam non kung paano yun mangyayari, baguhan lang ako sa grupo noon. Dumaan naman ang ilang mga linggo, buwan at napromote ang lolo nyo bilang editor, bilis naman nito, sumasama na ako sa mga meeting ng mga editor, minsan wala akong alam kung ano pinaguusapan nila, kumbaga nakikibagay, pero sabi nila minsan “ok ka paba dyan?”, sagot ko “ayos pa naman po”, tapos tatawa nalang ako sa isip ko habang nakangisi, pero basa narin ang damit ko sa pawis, kabado rin ako minsan at baka matanong ako sa subjects. Pero ayun sinundan ko ang pagiging graphics editor at sa tingin ko naman tama ang desisyon ko. iemmensity literary folio 2018
21 Dumaan ang mga taon na mahirap pagsabayin ang acads sa Iemmensity, nagpupuyat din ako madalas para lang may ma-edit sa dyaryo. Masakit kaya sa ulo ang mga papers saka layout ng sabay, dadaanin sa kape at ang labas sa umaga parang di ako makapag focus sa topic ni sir at maam. Patawad po sa mga nakakatulugan kong subjects, minsan nakikita nalang ako ng tropa tapos sinisitsitan ako, “par okay ka pa ba dyan haha?” napagdaanan ko na yon, nalate narin ako sa klase, lumiban sa klase, siguro madalang o hindi talaga ako lumiban, baka may pa exam bawal mawala sayang ang katabi. Ayon na nga at ang simpleng editor nyo ay napunta sa isa pang affiliate, sa ienteractive pero di ko na kwekwento yon, patayan kasi doon este puyatan. Sa aking pakuwari e buti nalang at hindi nagsasabay ang gawain sa parehas na affiliate, kundi baka di na ako makahiga, namimiss ko rin ang higaaan paminsan minsan. Marahil iniisip niyo na Mahirap ang maging editor, di ko naman sasabihin na madali ito dahil sa nagagawa ko naman ang mga iniaatas sa akin. May pagkukulang din ako, di naman tayo perpekto na isang arangkada lang ay sapat na. maraming pagbabago, maraming puna, maraming oras ang igugugol mo sa isang issue, makatapos lang at may magsabing “okay na ‘to, for print na” , haaay makakatulog narin. Masarap sa pakiramdam na nagawa mong lampasan yung ganong hirap at maipakita sa lahat ng magbabasa nito. Masarap na sa isang saglit ng buhay mo ay kasama ka sa isang dyaryo, hindi dahil ikaw ang nakasulat doon kundi ikaw ay isa sa gumawa noon. Sabi nga nila, hindi mo mararanasan ang sarap ng hangin sa taas kung hindi mo paghihirapang akyatin ito. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, nasasaktan ako kapag nakikitang nasa lapag ang aming pinaghirapan, tinatapakan, hindi naibibigay at hindi nababasa. Ganoon lang talaga yon, hindi ko, hindi ko maiaalis ‘yon sa akin na magdamdam. Kuha mula sa ikalawang palapag ng Carpio Hall iemmensity literary folio 2018
22 Hindi ko sinasabi ang kwento na ito upang mawalan kayo ng interes sa pagiging editor ng dyaryo, maski sa mga balita or mga tula at maikling kwento. Sinasabi ko to sa kadahilanang hindi nyo malalaman ang hirap kung hindi nyo nasubukan, wala kayong matututunang ibang bagay kung nasa loob lang kayo ng isang parisukat na kwarto tulad ng 309 at 102. Hindi ninyo matututunang ipamalas ang inyong lakas kung mananatili lang kayo sa iisang pwesto. Napakaraming oportunidad ng departamento ng Industrial Engineering. At baka madagdagan pa ito, courtesy of sir Ivy. Marami kang pwedeng pagpilian, hindi lang tali ang iyong sarili sa mga numero at calculator, bagkus pwede kang sumali sa ibat ibang larangnan na makakapagpalakas pa sa iyong mga kakayahan, anong malay mo na may matuklasan ka pa at maidagdag sa iyong kakayahan. Maraming salamat sa mga taong nakasama ko sa IEmmensity, pati narin sa mga natutunan ko sa grupong ito, hindi ako magiging kung ano ako ngayon kung hindi ako napabilang sa isang mahusay na pangkat na binubuo ng mga mahuhusay na tao tulad ng IEmmensity at tama ang naging desisyon ko na sumali. Pramis mga idol ko kayong lahat. Isang patunay ang napanalunan nating kompetisyon na magkakasama. Kahit di tayo manalo sa cheer, nakakawindang parin na isang departamentong may pahayagan ang napapabilang sa listahan ng magagaling magbalita, magagaling tumula’t sumulat at magagaling gumuhit. Patunay na may ibubuga ang bawat isa sa atin laban sa iba na pinagaaralan pa kung paano ito pagtagumpayan. Ito lamang ang aking masasabi at baka kulangin ang isang papel ng folio na ‘to sa dami ng gusto ko pang ilahad. Ako rin nga pala ang mag-eedit nito. Alas dose narin pala at kailangan ko nang matulog. Tulog tulog din pag may taym!
Kuha mula sa ikalawang palapag ng Carpio Hall iemmensity literary folio 2018
23
Iba’t ibang URi ng Estudyante Mga Tula, Dagli, at maikling Kwento
iemmensity literary folio 2018
24
The Sosyal Joswa Da Greyt
“Excuse me, tita.. how much is this?” ang sabi ng customer kong sosyal habang tinatanong kung magkano yung toge sa eskaparate ng tindahan ko, syempre laban lang ang lola mo no. “it’s tweynti peysos ownli. with lugaw you know?” Sagot ko naman, with a bit of a britis aksent. “how about this one?” habang nakaturo sa tokwa’t baboy. “it’s terti peysos ownli, with lugaw also.” Laban pa din para sa mga nasa laylayan ng lipunan. “oh, I see. May I ask what’s in it?” habang nakaturo ulet sa toge. Medyo nahihilo nako sa part na’to pero laban padin para sa ekonomiya.. “well basically, it’s made up of towge, you know towge? Before it’s monggow, it’s towge first and then carrots, string beans and singkamas.”
iemmensity literary folio 2018
25
“what’s singkamas?” “ano nga ba English ng singkamas?” tanong ko sa katrabaho ko habang pinagpapawisan ng malagkit.
“aba malay ko jan! ako’y tagaluto lang dine e!” ang beastmode na sagot ng katrabaho ko “ahmm, actually, we’re not putting singkamas pala, fakenews, fakenews”, palusot ko nalang
“oh, I see, isang lugaw egg nalang pala sakin ate. Ayoko ng toge pag walang singkamas e. Salamat.” Ang huli niyang sabi bago siya maupo sa upuan niya. Mahinahon akong lumapit sa inglisera kuno kong kostumer at binigay ang order niyang lugaw egg. Dahil tuwang tuwa ako sa kaniya, ako na mismo ang naglagay ng egg sa lugaw niya.. NANG MAY BALAT!!
iemmensity literary folio 2018
26
Bakit Siya Bully? Papa Hawold
Panibagong araw sa eskwela nanaman Kaklaseng mula sa akin, sa paglayo’y nag-uunahan Mga mukhang may takot ang nasa paligid Sapagkat ang bully ay nasa loob na ng silid Hindi makikinig sa guro, wala nang natutunan Bagkus katabi’y lalaitin at pag umiyak ay tatawanan Para ‘di ka maapi, akin na ang pera mo. Sino saking hindi bibilib? Kung ikaw ay papalag, uulanin ka ng kamao sa dibdib Walang may nais magsumbong kahit kanino man Mas piniling manahimik kaysa masaktan Kay sayang makita ang pighati sa kanilang titig Mga masasakit na salita ang nais lumabas sa bibig Patapos na ang araw at ako’y pauwi na galing paaralan Pagbungad sa bahay, si tata’y lasing nanaman Ibaling sakin ang galit ay kanya nang naging hilig Ako’y sasaktan hanggang matumba na sa sahig Bawat araw ay di na namamalayan Naging bully na dahil sa kapaligirang nakasilayan Wala nang pagmamahal ang madadama sa bawat pintig Sapagkat sa puso ng bully’ng ito ay paghihiganti nalang ang maririnig
iemmensity literary folio 2018
27
The Ngisi All The Time retsam_023
Hinding hindi maikukubli Ang ngisi sa’king mga labi ‘Pag mukha mong mumunti Ako sa tuwina’y binabati Madalas mapagkamalang baliw Ewan bakit ako naaaliw Sa mga ngiti mo aking giliw Tila ako’y mumunting sisiw Oh marikit na binibini Ako’y iyong nabighani Panalangin ika’y mapangisi Bagkus iyon aking mithi Ako ang iyong mister ngisi At ikaw ang aking misis ngisi Habang buhay tayong ngingisi All the time, ngisi ngisi ngisi
iemmensity literary folio 2018
28
The Crush ng Bayan Joswa Da Greyt
Alas siete nanaman ng umaga ang klase, hindi nako nag-wax ng buhok, baka malate pa kasi ako, kakanta pa ko ng Perfect ni Ed kapag hindi ako umabot. Bukod dyan, sure na naghihintay na mga chikababes ko. Nasa 4th floor palang ako may sumasalubong na saking chikababes, paglingon ko sa likod, may nakabuntot na din na chikababes, diretso lang ako papuntang room namin sa 5th flr habang nakabuntot sakin yung mga chikababes na nakasalubong ko sa hagdan. Hanggang upuan nakasunod sila, wala pang wax yan ha, partida. Nakapalibot na sa akin lahat ng chikababes, may maganda, sexy, maputi, matangkad, maka-Diyos, makakalikasan at makabansa. Hindi na ako magkamayaw sa aking upuan, hindi ko na alam ang gagawin ko nang biglang may bigotilyong chikababes ang bumanat nang, “labas mo na assignment mo, masyado kang pabebe, pakopya na! darating na si ma’am.�
iemmensity literary folio 2018
29
The Funny One Aira De Belen
You laugh because you’re happy For something that is really funny For the person that jokes daily Is he really happy? Sometimes we laugh To show were happy But deep inside we are lonely Because laughter can hide feelings And jokers are best in hiding
iemmensity literary folio 2018
30
The Sleeping Beauty retsam_023
Ninanais ko’y matamis mong halik Ngunit ang bigay mo maingay na hilik Sa tuwi-tuwina ako’y napahahagikhik Kapag ginigising ka at tinatawag na biik Huwag ka sanang magagalit Pag ika’y ginigising na pilit Hindi gustong grade mo’y sumabit Karangalan sa pagtulog’y di makakamit Sana’y lagi mong maalala Mga pag-usog na sayo’y pinatatama Dapat iya’y makasanayan mo na Upang hindi na mainis, pag ika’y asawa na Oh aking sleeping beauty Wala man akong maraming money Pag-graduate nati’y lagi kang ililibry Pero hanggang dun lang kay Jollibyy
iemmensity literary folio 2018
31
The source MOO
Ikaw? Sinong source mo Sus kunwari ka pa, wag ka ngang pabibo Alam naman ng lahat na may source ka, sya, pati na ako, Magbago na tayo Wag na nating kunin yung papel ng ating katabi Atsaka kopyahin ng sagad lahat ng sagot sa patlang Maawa na tayo sa puyat at pagod niya Maawa na tayo sa hirap niya sa pagkakabisa Maawa na tayo sa sarili nating natuto ng wala At nabubuhay sa kopya Higit sa lahat Kung wala na talagang pag-asang may magbabago pa Matuto ka namang magpasalamat Hindi yung kokopya ka, tataasan mo pa sya Tapos wala manlang ni HO ni HA Magmali ka naman ate at kuya Kahit isa Bilang pagtingin ng utang na loob sa KANYA
iemmensity literary folio 2018
32
The Beauty Guro! Aira De Belen
I’m not inherently pretty But being feelingerang make up artist I have always called a woman with beauty I wear foundation to hide my flaws Wear concealer to cover my pimples Make my lips so red and glow Perfect to do a dark and thick brows I do this to cover my imperfections And to get out of negative reactions But I realize Personality is more than beauty And your comments can not make me pretty
iemmensity literary folio 2018
33
Ang pag-uusap ng guro at ng laging late MOO
“Late ka na naman Juan Pawis na pawis ka na namang pumanik sa ikatlong palapag ng paaralan Di ka na ba nagsasawa sa kahihiyan? Lagi ka nalang napagtatawanan Di mo manlang magawang plantsahin ang iyong kasuotan” “Pasensya na po sa aking kasalanan Kung kasalanan mang maituturing ang pagkahuli sa di mabilang na dahilan, Kung kasalan mang gampanan ang mga di nagampanan ng aking mga magulang, Kung kasalanan mang kumayod sa gabi kasabay ng pag-aaral para sa pagsusulit na nakalaan, Patawad po Maam”
iemmensity literary folio 2018
34
P. Petiks vs. P. Duterte MOO
“Wala ka sa pangulo kong Petiks Malupet Wala ni isang maling nagawa, Wala ring nagawang tama Sa ikababago at ikauunlad ng ating bansa O diba? Ang galing magsalita Ang galing din naman sa gawa Kaso panay boka, pag hinanapan mo ng katunayan ng likha, Wala” “Abay, oo nga ano? Ni walang panama si Digong sa president mo, Sariling utak lang ang sa kanyay nagpapatakbo Sabi nga nila pasakit ang pagkakaupo niya sa pwesto Pasakit ang di mabilang na pagkasawi ng mga tao, Ngunit alin ba ang mas mali? Ang mabuhay sa hindi totoo? O ang mabuhay sa sakit at pasakit, Upang mabuhay sa sariling pagkatao?”
iemmensity literary folio 2018
35
The Biretera and Biretero Nikka Galman
Ako. Ako nga pala ang taong gusto kumanta sa harap ng maraming tao Maganda man o pangit ang boses ko Maihayag lamang ang laman ng aking puso Maipakita lang sa kanila ang aking kakayahan sa pagkanta ng buong buo Ako. Ako nga pala ang taong ayain mo kumanta ay hindi tumatanggi Kumanta man ako ng kusa at hindi magpapapilit Maririnig nyo ang aking boses na aking pinagmamalaki At ilalakas ko pa ito para inyong marinig Ako. Ako nga pala ang taong nahihiya ring kumanta Kumanta sa harap nila pero kaylangan Hindi malaman kung paano humarap sa maraming tao na naghihintay Naghihintay na marinig ng iyong mga kababaihan Ako. Ako nga pala ang taong handang kumanta sa harap nila Maririnig nila ito ng may maipagmamalaki at tunay Pinaghandaan para sa inyong lahat Kayong makakarinig ng aking boses na handang handa Kami. Kami ang may ibat ibang boses at marami pang iba May handa, may nahihiya, may malakas ang loob at iba pa Pero may boses na maikakanta sa inyo pangit man o maganda Maririnig nyo ang boses na ibibirit namin paras sa inyong lahat Itong boses na nanggaling sa aming puso’t isipan
iemmensity literary folio 2018
36
Balik Ka Na. AMdVI
Pagsulyap mo dati ay kinaiinis ko, Dahil kung titigan mo ako ay parang mundo mo Tumatagos sa katawan at kaluluwa ko Teka, bakit parang natatakot ako? Nakilala kita, bigla bigla. At ang munting mundo ko ay napunuan mo bigla. Alam ko na kung bakit nalang ganon ang pagsulyap mo Unti unti ka na palang nahuhulog sa kung anu anong mga kilos ko. Nung tinanong mo ako kung ano bang meron satin Gusto ko na agad iyon sagutin Ngunit buti nalang sarili koy pinilit pigilin. Upang hindi magsisi sa bandang dulo rin. Mula nung napasin ko ang pagtitig mo Bakit ganoon nalang ang kuryosidad ko Nakuha ko ba ng atensyon mo O nakuha ko ang iyo? Ilang buwan na ang lumipas Bigla nalang nawala iyong paglinga Di ko alam kung ako ba ay may nagawa O sadyang ikaw ay nagsawa. iemmensity literary folio 2018
37
Di ko akalain na aking hahanap hanapin Iyong mga nakakamatay na tingin Gusting gusto ko ulit ulitin Ang tanong mo sakin na “ano bang meron satin� Balik ka na at aking itatama Mga nagawa kong nagpabago sa paningin mo bigla. Hindi na ako sanay na sa pagsulyap ko sayo’y ikaw ay wala Pati narin ang iyong titig na nakakamangha. Di ko ata kaya Na sa pagdating ng panahon iba na iyong makikita. Bibigyan ng pansin at tititigan Teka bakit ako ay nasasaktan? Hindi ba pwedeng sakin nalang yan Mga titig mong kaysarap balik balikan Pruweba na ako lang iyong tinitignan At ang atensyon mo ay sakin lang. O asan na, ibalik mo na naman..
iemmensity literary folio 2018
38
Kailan Magiging Totoo? AMdVI
Kunwaring mahalin ang gaya ko, Iyan ata ang motto mo. Paulit ulit nalang ba tayo, Babalik ka at iiwan din ako. Hinawakan mo ang aking kamay, Akala kong hanggang huli ating paglalakbay. Sa simula lang pala kita makakasama Teka, bakit dating mahigpit ay ngayon bumibitaw na. Sa harap nila ay may kayo Bakit pag di nakaharap, nag eexist ang “tayo� Eto na lamang ba ng magiging role ko Ang tiga salo kapag absent sya sa tabi mo. Mahirap. Masakit. Di dapat Pero kung heto lang ang kaya ay masasapat Wala ba akong magagawa Sadyang laging turing nalang ba ay pang pangalawa?
iemmensity literary folio 2018
39
Ligo ligo din! MOO
Pagpasok pa lang, mapapanganga ka na Mapapaisip ka nalang, at matutulala Masasabi mo nalang sa isip, “malamig ba?” “Bakit kaya parang tinamad siya?” Sa mga nagbubulagbulagan dyan, wag na tayong mahiyang maging prangka Halika na’t sabihin sa kanya, “maglagay ka ng mainit na tubig sa umaga” “maganda ka pero aanhin mo ang ganda kung sa paliligo lang ay tinatamad ka” “alam mo? Ang puso ko’y iyo ng inangkin” “pero mahal? Ligo ligo din”
iemmensity literary folio 2018
40
The Nerd retsam_023
Cool ka naman sa iyong salamin Di alam bakit pangit sa kanilang paningin Marahil wala silang matanglawin Na kayang tumanaw sa linis ng damdamin Hindi mo kailangan magbago Dahil sarili mo ang ‘yong maloloko H’wag ka padaig sa dikta ng mundo Maging masaya ka at sa sarili’y totoo Ipamukha mo sa kanila ang ‘yong diploma Eto nga pala yung taong iniinsulto nila Hindi man mabitbit ng angking ganda Basta sa sarili’y may napatunayan ka Ang salitang Nerd ay salita sa diksunaryo Hindi kailanman ito maglalarawan sa’yo Sapagkat ang nagbibigay ng kahulugan ay tao Tao, walang pinagkaiba tao na katulad mo
iemmensity literary folio 2018
41
Pakopya PRE MOO
“Cute mo pre”, pakopya ko mamaya ha” “Pre? Ano sagot sa one? Sa two? Eh sa three?” Kulang na lang sabihin mo ”Pre? Anong sagot from one to the positive infinity?” Wag mo namang dagdagan ang pressure sa utak ni kuya at ate Na nahihirapang magsagot dahil sa kakatawag mo Upang tanungin ang sagot sa lahat ng tanong na kinapos ka sa kaalaman Kahit sa totoo lang, eh wala ka naman talagang alam Dahil mas pinili mong matulog sa halip na mag-aral Mas pinili mong humilata Sa halip na busugin ang sarili sa mga dapat lang na matutunan Mas pinili mong mabuhay sa sarap upang magising sa bukas ng “hirap” Sa halip na mabuhay sa hirap upang harapin ang umaga ng may nagaabang na “sarap”
iemmensity literary folio 2018
iemmensity literary folio 2018
Palatuntunan ay Handog sa inyo ng
Editorial Board A.y. 2017-2018
Neil Christhoper L. Antonio
Editor-In-Chief Denise Mae M. Unsay
ASsociate Editor Alyssa T. Soriano
managing Editor Ann Paulene W. Villanueva
news Editor Rose Angeline S. Geronimo
Features Editor Kim Rey F. Rondina
Lay-out and Graphics Editor Haven Bryan C. Duran Jasper Kevin C. Dionisio Harold D. Dela Cruz Adrian Christian F. Dizon Joshua M. Espiritu Aira DL. De Belen
Staff Writers
Aliza I. Asuncion Michael Jhay M. Pagdanganan Camille A. Nanip
Cartoonists Rellie Boy C. Quilantang Nikka Julene C. Galman
Photojournalists
Ivy Mar J. Ramos, MBA,PIE,ASEAN Engr. ADVISER
Marianne B. Calayag, PIE, ASEAN Engr. ADVISER
all Rights rEserved