Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.com
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.2 Issue 24 June 2013
www.daloykayumanggi.com
TIPS
Masayang Pagsasama
TRAVEL
Nara's Giant Buddha
10
15
SHOWBIZ
Kris Tatakbo sa 2016
23
SEN. ANGARA KINILALA NG JAPAN
ANGARA NG PIKTYUR! Students, Professionals and Embassy Officials led by Ambassador of the Philippines to Japan Ambassador Manuel Lopez pose with Sen. Edgardo Angara and his wife for an official photo-op after the latter's visit to the Embassy of the Philippines in Roppongi last May 10, 2013. (Photo taken by Tet Marty Manalastas-Timbol)
P
ormal na ginawaran ng Japanese government ng Grand Cordon of the Order of the Rising Sun si Sen. Edgardo Angara sa pamumuno ni Emperor Akihito sa Imperial Palace sa Tokyo, Mayo 9. Ang parangal na ito kay Angara ay bunsod ng malaking ambag ng senador sa pagpapalago sa “friendly relations” at pagpapatibay ng “economic cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at Japan. Matatandaang si Angara ang unang pangulo ng Philippines-Japan Parliamentarians Association (PJPA) noong 1988 at ang kasalukuyang Secretary General ng naturang organisasyon. Kinilala din ng Japanese Government si Angara sa kanyang pakikibahagi sa pagpapayabong sa bilateral economic relations sa pamamagitan ng kanyang pagsuporta sa ratipikasyon ng Japan Philippines Economic Partnership Agreement (JPEPA).
Sundan sa Pahina 7
Poe, nanguna sa senatorial race
COMELEC: Generally peaceful ang Election 2013
indi inaasahan ang pagiging topnotcher ng dating MTRCB chairman at anak ng yumaong Fernando Poe, Jr., na si Grace Poe-Llamanzares, sa listahan ng mga nanalong bagong senador batay sa ipinalabas na opisyal na tally ng Commission on Elections (COMELEC). Nagulat ang maraming mga Pilipino nang magpalabas ng partial at unofficial na mga resulta ang poll body’s citizen at ilang mga media group, sa gabi pa lang ng Mayo 13, dahil hindi inaasahang makita sa unahan ng listahan ang pangalan ni Poe. Matatandaang lagi namang napapasama sa mga pre-election survey ang pangalan ni Poe, ngunit hindi kailanman nailagay sa unahan ang kanyang pangalan.
a kabila ng ibinabatong kritisismo, ipinagmalaki pa rin ng Commission on Elections (COMELEC), sa pamumuno ng chairman nitong si Sixto Brillantes, ang nakaraang midterm election nitong Mayo 13.
H
D&K PROMOS Congrats sa Winners!
16
S
Sundan sa Pahina 7
Sundan sa Pahina 7
NTT EVENTS D&K Free Tabehodai
17
SPORTS Goodbye Beckham
20
2
June 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Pinoy Iskolars at Propesyunals, nakipagdayalogo kay Sen. Angara
10 Mayo 2013 – Mainit na tinanggap ng mga Pinoy iskolars at propesyunal si Sen. Edgardo J. Angara sa kaniyang pagbisita sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo isang araw pagkatapos gawaran ng bansang Hapon. Pormal na binuksan ng Ambassador ng Pilipinas sa Japan na si Amb. Manuel Lopez ang dayalog sa pamamagitan ng isang paunang mensahe. Pagkatapos ay nagbigay si Sen. Angara ng mensahe sa mga kabataang nag-aaral at nagtatrabaho dito sa Japan. Hinikayat niya silang pagbutihin ang
Dalawang Pinoy students, panalo sa Harvard competition
kanilang pag-aaral o trabaho at pagkatapos ay dalhin sa Pilipinas ang kanilang natutunan at karanasan para makatulong sa ikauunlad ng bansa. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mahigit dalawampung mga estudyante at propesyunal mula sa Tokyo, Chiba at Niigata pati na rin ang kasalukuyang Consul-General ng Pilipinas sa Japan na si G. Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio. (Mario Rico Florendo) c
harvardidc.com
I
nanunsyo na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalaya sa apat na sundalong Pinoy na bahagi ng United Nations Disengagement Observer Force (UNDOF), matapos ang limang araw na pagkakabihag sa Golan Heights na nasa border ng Syria at Israel. Tinangay ang naturang mga peacekeepers noong Mayo 7 ng mga nagpakilalang Yarmouk Martyrs, mga armadong Syrian, habang sila ay nagsasagawa ng isang misyon at obserbasyon sa Al Jamlah sa Syria. Iniulat din ng DFA na maayos ang kalagayan ng mga nadakip kasabay ng panawagan sa ilang mga grupo na panatihin sana ang “freedom of movement, safety and security” ng mga UNDOF peacekeepers, alinsunod na rin sa isinasaad ng international law. Nakabase ang grupo ng mga nadakip na Pinoy observers sa Camp Ziuoani sa Golan Heights.
8 International poll observers, bibisita sa Pampanga
P
M
insan pang napatunayan na ang mga Pinoy ay mahuhusay sa larangan ng edukasyon. Ito’y sa pamamagitan ng dalawang Pinoy na nagwagi kamakailan ng pang-apat na pwesto sa International Development Conference (IDC) na ginanap sa Harvard University Kennedy School of Government. Tinalakay nina Gian Miranda at Janeca Naboya, parehong mag-aaral mula sa Ateneo de Manila University, ang mga developmental problem sa Haiti, ang itinuturing sa kasalukuyan bilang pinakamahirap na bansa sa kanluran. Bilang pagtugon ito sa pangunahing tema ng naturang kumpetisyon: “The End of Development? Why International Development Must Adapt or Fail.” Nakatunggali ng dalawa ang iba’t ibang mga magaaral, practioner at maging eksperto. Mayroon ding nagmula sa mga international group, kagaya ng
DFA: 4 Pinoy UN peacekeepers laya na
The United States Agency for International Development, International Monetary Fund, at United Nations. Taunang isinasagawa ang IDC na pinatatakbo at inoorganisa ng mga mag-aaral na may layong makabuo ng produktibong network at mas mapalago ang komunikasyon nang sa gayon ay makabuo ng mas magandang mundo.
inili ng walo sa tatlumpung international poll observers ang Pampanga sa pagsasagawa ng monitoring sa idinaos na 2013 National Elections nitong Mayo 13. Napagkasunduan ng walo na naging saksi ang probinsya ng Pampanga sa ilang “iconic electoral battles” na sinubaybayan ng buong bansa. Ilan sa mga ito ang laban sa pagka-congressman nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Atty. Vivian Dabu, at sa pagka-gobernador nina Ed Panlilio, isang dating pari, at Lilia Pineda. Masusing pananaliksik ang ginawa ng grupo. Inobserbahan nila ang naganap na botohan maging ang isyu ng political dynasty, vote buying, at mga karahasan na nagaganap tuwing eleksyon. Bahagi ang grupo sa Compact for Peaceful and Democratic Elections-International Observers Mission 2013 (Compact-IOM 2013). Samantala, ang Pampanga ay isa sa 15 probinsyang itinala ng Department of Interior and Local Government sa election areas of concern.
wagi sa Taiwan, sisingilin ng pyansa ang Pilipinas Pinoy, UNESCO art contest
P
wanchinatimes.com
N c
agsalita na ang Pangulo ng Taiwan na si Ma Ying-jeou hinggil sa pagkakabaril ng Philippine Coast Guard sa isang mangingisdang Taiwanese nang pumasok umano ang bangka nito sa Balintang Channel at nagsimulang manlaban. Ayon sa Pangulo ng Taiwan, pagbabayarin ng pyansa ng Taiwan ang Pilipinas kung hindi pormal na hihingi ng tawad ang mga ito hinggil sa naganap na insidente. Itinanggi rin ni Pangulong Ma ang pagpasok ng bangka ng napaslang na mangingisdang kamakailan. Ayon sa kanya, ang fishing vessel na Kuang Ta Hsing ay nasa katubigan pa rin ng Taiwan at ito ay nasa pagitan lamang ng economic zone overlap ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ng deputy presidential spokesperson na si Abegail Valte na umaasa siyang hindi mababahiran ang relasyon ng Pilipinas at Taiwan. Pinaghahandaan na ng pamahalaan ang paghingi ng patawad at pagbibigay ng kumpensasyon sa Taiwan.
analo ang isang 11 taong-gulang na mag-aaral mula sa Navotas City sa isang timpalak sa pagguhit na inorganisa ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), kung saan 800 mga entry ang pinagpilian mula sa iba’t ibang mga bansa sa Asia-Pacific Region. Kasama si Lord Ahzrin Bacalla sa 15 pinarangalang mga kabataan, 18 taong-gulang pababa, mula sa naturang rehiyon ng United Nations Girls’ Education Initiative (UNGEI), isang branch ng UNESCO. Nagtapos si Bacalla sa Kapitbahayan Elementary School at kasalukuyang nasa pamamatnubay ni Fernando Sena, isang visual artist, sa ilalim ng Art Discovery Learning Foundation. Batay sa panayam ng isang news organization sa bansa (GMA News Online) kay Bacalla at ng ina nito, mula umano pagkabata niya ay hilig na ni Lord ang mag-drawing. Gayundin, pangarap daw niyang maging isang popular na pintor, kagaya ng kanyang kasalukuyang trainer. Ang gawa ni Bacalla ay nakaayon sa pangunahing tema ng naturang timpalak: “What can a teacher do to ensure girls and boys benefit equally from quality education?”Hinggil ito sa promosyon ng gender equality. Kasama ang gawa ng iba pang mga nanalo, maitatampok ang gawa ni Bacalla sa mga kwaderno at lesson plan covers na ipamimigay ng UNGEI at ipapamudmod sa buong rehiyon. Ang iba pang mga panalo ay mula sa mga sumusunod na bansa: Bangladesh, Bhutan, China, India, Indonesia, Kazakhstan, Lao PDR, Malaysia, Maldives, Nepal, Pakistan, Sri Lanka, Thailand, at Vietnam.
3
June 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Mga Aberya sa Eleksyon, naitala ng PPCRV
c
philstar.com
H
indi pa man nangangalahati ang araw, dinagsa na ng mga reklamo at ulat ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) hinggil sa ilang aberya sa eleksyon na naranasan mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas nitong Mayo 13. Ayon kay Ana De Villa-Singson, ang Media Director ng PPCRV, ilan sa mga natanggap nilang ulat ang pagkawala ng pangalan ng ilang botante sa Computerized Voter’s List (CVL) ng COMELEC. May naging insidente naman daw ng pagkawala ng voting precinct sa Batangas National High School sa Lipa City. Nagkaroon din ng manual voting sa nasabing siyudad dahil hindi gumana ang PCOS machines. Marami ring bayan sa Luzon ang nawalan ng kuryente at nabigo sa paggamit ng voting ballot dahil hindi ito kasya sa PCOS machines at walang serial number ang ilan sa mga ito.
Dagdag-benepisyo sa mga retiradong pulis aprub
M
ay panibagong benepisyong matatanggap ang mga retirees ng Philippine National Police. Ito’y matapos aprubahan ng palasyo ang pagpapalabas ng halagang P1.39 billion na nakalaan para sa mga pension benefits ng mga retiradong pulis. Si Budget Secretary Florencio Abad na mismo ang naganunsyo na may basbas na ng palasyo sa pagpapa-enroll ng mga ito sa automated teller machine system ng Land Bank of the Philippines. Mahahati umano sa dalawa ang naturang nakalaang budget. Una, ang P715 milyon, ay mapupunta sa pension requirements ng 8,890 na mga retiradong opisyales at personnel mula Enero hanggang Disyembre, ngayong taon. Ang ikalawa naman, ang P675.5 milyon, ay mapupunta naman sa mga retiradong pulis na dati nang nakalista sa PNP retiree database na may bilang na 15,899. Sa kabuuan, 63,550 na ang bilang ng mga retiradong pulis na nasa database ng PNP. Ayon kay Abad, 95% na ng kabuuang bilang na ito ay validated at cleared na para tumanggap ng panibagong dagdag-benepisyo.
Kalayaan, mariing binabantayan
Arroyo, hindi nakaboto c
pinoyrepublic.net
c
echopollo.hubpages.com
c
philstar.com
S
a kabila ng mga banta ng Tsina hinggil sa Kalayaan Group of Islands, nasa lookout ang militar sa Ayungin Reef at mariing binabantayan ang iba pang mga isla matapos pumasok ang 30 Chinese vessels mula sa Hainan sa 200 nautical mile Philippine exclusive economic zone. Mainit ang mata ng militar sa grupong Tsino na namataang nakakalat at paligid-ligid sa Mischief Reef of Panganiban Reef na sinasabing sangtwaryo na ng mga Tsinong mangingisda. Matatandaang nasakop ng Tsina ang Mischief Reef noong 1994. Ayon sa mga ulat, mayroon nang itinayong mga istruktura ang mga Tsino rito at ang ilan ay kahawig ng military installations. Samantala, nakiusap na ang pamahalaan ng Pilipinas na lisanin ng Tsina ang Mischief Reef ngunit nagtaingangkawali lamang ang Tsina sa pakiusap.
Mga pumanaw na, nasa voter's list pa rin
“
She’s detained, that’s why,” pahayag ng dating First Gentleman at abogadong si Mike Arroyo nang tanungin ng isang major broadsheet (Inquirer) ang hindi pagboto ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tumakbong muli si Arroyo bilang house representative ng ikalawang distrito ng Pampanga. Ayon naman sa karibal niya sa puwestong si Vivian Dabu, ““If [her families and her allies] show her to the people, this is going to confirm that she is sick and weak and could not serve us in the second district.” Kataka-taka ang hindi pagboto ng dating pangulo nitong nakaraang eleksyon kumpara sa naunang limang beses na pagboto niya nang maaga sa Pampanga. Binanggit naman ng dating first gentleman na sasailalim pa ang dating pangulo sa isang operasyon. Hindi pumayag ang pamahalaan sa paglabas ng bansa ni Arroyo upang makapagpagamot. Na-diagnose si dating Pangulong Gloria Arroyo ng isang kakaibang sakit sa buto. Kasalukuyan siyang naka-detain sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
c
voanewscom
I
tinala ng National Citizens Movement for Free Elections ang mahigit sa 400 mga pumanaw na nasa computerized voter’s list pa rin ng Commission on Elections. Ayon sa ulat na ginawa ng Namfrel, ang citizen’s chapter ng COMELEC, mahigit 340 pumanaw ang mula sa Ilocos Sur, samantalang ang natitira ay nasa Mandaluyong, Guimaras, Malabon, Camarines Sur, at Aklan. Bukod pa rito, itinala rin ng grupo ang pagsama pa rin sa listahan ng mga pangalan ng mga nangibang-bansa na. Iniulat din ng grupo ang ilang centenarian voters na nasa listahan. Ayon sa kanila, ang ilan sa mga ito ay hindi naitala ang araw ng kapanganakan kaya Enero 1, 1900 ang naitala sa kanilang profile sa COMELEC.
4
June 2013
Promosyon
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
5
June 2013
Kultura at Sining
6
June 2013
Editoryal
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Mario Rico Florendo marioflorendo@daloykayumanggi.com 090-1760-0599 Sales and Marketing: Erwin Brunio (English,Tagalog) erwin@daloykayumanggi.com 090-6025-6962 Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@daloykayumanggi.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Philippine Correspondent: Dave Calpito Japan Correspondent: Aries Lucea Columnist: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Carlo Aiyo Bugia The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 1010027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.daloykayumanggi.com
 www.facebook.com/daloykayumanggi
The Tent City and the Barbarism of Saudization
A
n empty square facing the Philippine Consulate in Jeddah has been turned into a city made out of tents, reminiscent to the make-shift town of ancient nomadic desert tribes. But instead of camels and Arabs, the anxious, old and sickly undocumented Filipinos were the occupants of the make-shift city. They are hoping to be immediately repatriated to our beloved home country before the three-month reprieve on the crackdown against illegal workers expires (July 2013). There are more or less 20,000 undocumented Filipinos in Saudi Arabia according to the report of Philippine Overseas Labor Office (POLO) in 2012. Most of them have expired contracts from previous employers but decided to take chances in earning extra money, as undocumented foreigners, to continue supporting their families back home. But now our undocumented brothers and sisters, who are mostly unskilled laborers, don’t want to wait for the worst nightmare to come. Because once caught they will be forced to pay a steep fine of 1,000 to 50,000 Saudi Riyals (PHP11,000-PHP550,105) plus jail time. This nightmare is officially called Nitaqat
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
Global Pinoy By: Jong Pairez dmpairez@up.edu.ph or Saudization. It was first conceived in 2006 by the conservative government of Saudi to answer the problem of growing unemployment among its locals. However, some experts speculate, especially the Filipino anthropologist Michael L. Tan, that Saudization is part of a broader strategy to bargain over the conditions of foreign workers. But for me, Saudization is rather an excuse to cheapen the price of foreign labor and to legalize their continued maltreatment of domestic helpers. Numerous reports on various abuses by Saudi employers namely, rape, sexual harassment and domestic violence can attest to this. With Saudization, it only fortifies the barbaric and backward pasts of the ancient nomadic desert tribes of Arabian Peninsula even at this day and age of Globalization. ###
Balita
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
c
c
philstar.com
mb.com.ph
mula pahina 1 mula pahina 1 Sa isang panayam ng ANC kay Poe, aminado ang bagong senadora na hindi niya inaasahang maging number one siya sa naturang race. Patuloy umano siyang nagdasal na sana man lang ay hindi siya mailagay sa panglabing-isa o panglabindalawang spot. Sa iba pa niyang mga panayam, patuloy na pinasasalamatan ni Poe ang kanyang kaibigan at reelectionist na si Francis “Chiz” Escudero dahil sa patuloy na pag-alalay at pagsuporta niya sa buong campaign period. Nagtapos sa Boston College si Poe.
mula pahina 1
c
tokyo.philembassy.net
7
June 2013
Sa termino ni Brillantes, “generally peaceful” umano ang pagdaraos ng nakaraang halalan. Ito ay ayon sa mga natanggap na iba’t ibang report ng COMELEC mula sa iba-ibang panig ng bansa. Kung ikukumpara raw kasi sa May 2010 automated polls, mas kaunti raw sa ngayon ang mga nagkaproblemang mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines sa ilang mga lugar sa bansa. Tinatayang 200 PCOS machines umano ang sinasabing pumalya, kumpara sa 400 na PCOS machines noong May 2010. Ayon kay Chairman Brillantes, wala raw naitalang failure of elections sa buong bansa, kahit pa walang nangyaring botohan sa ilang mga bahagi ng Baguio City at Compostela Valley bunsod ng nangyaring pagkakapalit sa mga balota ng mga lugar na ito. Ang iginawad na imperial honor ay itinuturing ng Japanese government na isa sa pinakamataas na pagkilala sa mga natatanging foreigners. Ilan sa mga nabigyan na ng naturang award ay sina Ambassador Alfonso T. Yuchengco at Carlos P. Romulo. Sa isang statement, ipinahayag naman ng senador ang kanyang kasiyahan at pasasalamat na makapagbigay ng dagdag na pagkilala sa bansa. “It is proof of how far we have come together as genuine partners in development,” pahayag ni Angara.
Erap, bagong Manila City mayor
c
manilatimes.com
P
ormal nang nakabalik sa political limelight ang dating naging pangulo ng bansa. Ito ay bunsod ng pagkakaproklama ng Commission on Elections (COMELEC) kay dating Pangulong Joseph Estrada bilang mayor-elect ng lungsod ng Maynila, Mayo 14 ng hapon. Hudyat ito ng pagbabalik sa eksena ni “Asiong Salonga” at pamamaalam naman ng tinaguriang “Dirty Harry” ng Maynila. Ang pagiging mayor ng Maynila ang kanyang kauna-unahang posisyong hinawakan mula nang patalsikin siya sa puwesto noong 2001. Matatandaang naconvict si Erap ng plunder noong 2007 at sinentensyahan pa nga ng habang buhay na pagkakabilanggo. Ngunit, sa panahon ng panunungkulan ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, nabigyan siya ng pardon. Samantala, kapwa ring panalo ang kanyang running-mate na si Isko Moreno mula rin sa United Nationalist Alliance (UNA) bilang bise-alkalde ng Maynila.
OFW, isinauli ang napulot sa NAIA
M
c
pinasnewsfeed.wordpress.com
insan na namang napatunayan na ang mga Pinoy ay mapagkakatiwalaan. Ito’y matapos isauli kamakailan ng papaalis na Overseas Filipino Worker (OFW) ang isang brown envelope na naglalaman ng malaking halaga ng pera sa MIAA-Airport Police Department (APD) na kanyang napulot sa isang ganchair sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1. Kinilalang si Myrna dela Cruz, 35, may-asawa at residente ng Pasay City. Papaalis noon ang naturang OFW sakay ng Cathay Pacific Flight CX-900 patungong Hong Kong. Nagtatrabaho siyang Physical Therapist sa isang ospital sa Riyadh, Saudi Arabia. Tinatayang P80,000 ang laman ng envelope na napulot ni dela Cruz.
8
June 2013
Global Filipino
M
insan ng napansin ng mga akademiko at iskolar na isa ang Pilipinas sa may pinakamahabang panahon ng eleksyon. Sa katunayan, isa sa mga tampukan ng biruan ay ang pagkakaroon daw ng Pilipinas ng tatlong seasons kapag taon ng eleksyon--rainy season, summer season at siyempre, election season. Nakakatuwa o nakaka-offend man sa ibang tao, ito ang katotohanan na kinagisnan natin. At hindi rin nakalusot sa iba’t ibang puna at komento lalo na sa pagsikat ng social networking sites ang tagasuporta ng mga nanalo at natalo, ang mga artista, at pati na rin sa mga nakikibalitang Pinoy dito sa Japan. Kung kaya’t narito ang ilang kompilasyon ng mga kaisipan mula sa mga Pilipino mula sa buong mundo na nahanap ko sa social networking sites tungkol sa katatapos lamang na eleksyon:
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan"
mga kabataang Pilipino ngayun, kasama ka na, iyan ang Pilipinas sa hinaharap...” Minsan, totoo naman talaga, ang hilig nating tumingin ng muta ng iba, pero ang trosong nakabalandra sa mga mata natin, hindi natin nakikita....Good night! ok lang kahit hindi mo ilike! MANANALANGIN NA LANG AKO PARA SA PILIPINAS KONG MAHAL! Facebook Memes
Mark Idol Gonzales Marcelo (Estudyante, Tokyo)* Hindi talaga ako makatulog sa dami ng naiisip ko na status dahil sa mga nakachat kong kapwa Pilipino. Lalo na ngayong eleksyon, kaya palitan ng iba`t ibang hinaing at suwestiyon sa mga usapin sa Pilipinas.
Naalala ko bigla yung isang babaeng nakausap ko rito, matagal na siya rito sa Japan, napagkwentuhan namin ang sitwasyon ng Pilipinas, sabi nya “wala ng pag-asa ang Pilipinas”, sabi ko naman, “pano nyo po nasabi?”. “Walang Disiplina”, sagot nya. Kanina, habang nagbabasa ng mga status dito sa FB, may nabasa ako na, “paano uunlad ang Pilipinas, sa pagpila palang wala ng disiplina”. Matagal ko ng napansin ito, minsan ng pumila ako sa PRC, ganito rin ang nangyayari, akong si “Juan” nagpupumilit na magpakaayos ng sarili eh nakikita ang mga “kapwa Juan” niya na sa simpleng patakaran ay di makasunod. Disiplina Tapos, may kaibigan akong nakachat ko kagabi lang. Sabi nya sa akin, “kuya, nakakainis, si Binay at Villar, mukhang mananalo.” Napaisip naman akong bigla. Sa tagal kong nagbabasa ng FB, sangkaterbang “anti-Binay” ang nabasa ko. (Lilinawin ko lang po, bago ko ituloy ang kuwento ko, hindi po ako pro or anti Binay) Pero hindi ba ninyo naisip, na sa lalo ninyong ipinagsisigawan na ayaw nyo ay lalo syang nakikilala? Isa pa, pati kulay, anyo at kung ano ano pang pamimintas sa kapwa Pilipino ang nababasa ko. Kung narinig kayo ng Prof. ko sa History 1 eh ibinagsak na kayo dahil pinipintasan ninyo ang kulay ng isang Pilipino. Ok lang naman sana na mamuna, nabasa ko nga sa INQUIRER kanina, “Even this administration needs a CONSTRUCTIVE OPPOSITION”.
Kapwa Pilipino Minsan, dumalo ako ng isang “forum” na pinangasiwan ng kapwa iskolar dito. Nang natapos ang aktibidad, napansin ko ang mga kapwa ko Pilipino na habang naglilinis kami, kahit maliliit na kalat, pinupulot. Okay na sana, bata, batang bata, matanda, matandang matanda, nagtutulungan sa pagsasa ayos at paglilinis ng pinagganapan ng aktibidad. Kaso, sabi ng isang Pilipino, “naku (nakaturo sa maliit na kalat) dapat pulutin ito, hindi naman kasi dito katulad sa Pilipinas.” Aray! Minsan naiisip ko, talaga bang sa gobyerno ang problema ng Pilipinas o sa mismong “sangkap na gumagalaw” na bumubuo ng Pilipinas? Kung may problema ang gobyerno, dadagdag pa ba ang bawat isa sa atin sa problemang ito? Problemang kung tutuusin ay kaya nating sulusyunan dahil sarili lang naman natin ang makakaresolba nito? Lagi ba nating iaasa sa gobyerno at mga pulitiko ang kinabukasan ng Pilipinas? Hindi ba natin nakikita na ang bawat isa sa atin ang susunod na henerasyon ng Pilipinas. Tinanong ko dati ang isa kong kaibigan na matanda sa UP Los Banos, sabi ko, “ano po kaya ang itsura ng Pilipinas, 30 mula ngayun?”, sabi nya, “tingnan mo ang
Ilan sa mga binanggit ni Mark na pamumuna ay nahanap ko sa internet. Kasabay ng pagiging sikat ng facebook, ay ang mga tinatawag na memes. Karaniwan, naglalaman ito ng litrato ng isang tao sa isang partikular na sitwasyon. Ang ginagawa ng mga gumagawa ng memes ay lagyan ito ng caption na maaaring nakakatuwa, nakakaantig o nakakakuha ng atensyon ng titingin ng litrato. Mayilang Magagawa Pa Ang dalawang memes na ito ay inilabas oras pagkatapos ng eleksyon sa atin. Ang kay Nancy ay nagpapakita resulta ng Masasabing ang BilangBinay gradweyt ng UP, akalang kopangungutya noon ang lakisananaging ng naitutulong koeleksyon. sa bansa noong magturo gumawa ng meme na ito ay hindi sang-ayon sa naging resulta eleksyon ngayong ako sa lokal na unibersidad sa probinsya namin; na may utangngnasenatorial loob na ang Pilipinas taon. sa akin kapag naipo-promote ko sa mga kaibigang Hapon at mga dayuhan ang ganda ng Ang pangalawa namang meme litrato ni Dick Gordon hanggangkong sa ngayon ay nasa Pilipinas, pero wala pa pala ito saay hirap at sakripisyo ng mgana kababayan andito sa ika-labintatlong Medyo kailangan may pagkabastos, pero sinadya ito ng gumawa para lalong Japan. Bukod sapuwesto. mga pamilyang nilang buhayin at palaguin, sila rin ay mga maiparating ang mensahe na gusto niyang ipaabot, ang si Dick sa Senado. bayaning Pilipinong nagtatrabaho at naghahangad ng mailusot kaginhawaan ngGordon kapwa Pilipino at ng kanilang bansang Pilipinas sa pangkalahataan. No Vote, No Voice Isa lang ito sa naging social networking ang isang Ngayong nandito na akokapangyarihan sa Japan, kungng babalikan ko ang mgasites—maikampanya katagang sinasabi ng t-shirt adhikain personal sentimyento. akong na hinding nat-shirt bumubuto na iyon,ohindi ko nana kailangan pangGayunpaman, mainggit dahilmarami hindi man akokilala nakatanggap dahil nawalan nanoong sila ngtaon tiwala sa ating sa kahirapan, uunlad design na iyon na iyon, alamgobyerno--na ko sa puso ataangat isip kopa natayo walang duda, totoona iyon, pahindi ang Pilipinas o nako minsan, rin ang karapat-dapat sa puwesto. marami dahil pwede sanangmananalo maisuot iyon ng paulit-ulit, maitago sa akingPero aparador o pa rin akong kilala, lalosanakaibigan, ang mgakundi kabataan, excited sa kanilang pagboto. mahingi mula dahilna napatunayan ko siya dito sa Japan. Anuman ang naging resulta ng eleksyon, nanalo o natalo man ang manok ninyo, nangampanya ka man sa twitter o facebook, lang siguro magandang senyales ng lahat Kung kaya’t wala tayong dapat ikahiya kapagisa tinanong tayoang ng ibang lahi kung taga saan ngtayo ito--mas aktibo na tayong mga Pilipino sa kung“from sino where ang magiging dahil nagiging pwede nating itaas ang ating mga noo atpagdating isagot sa kanila: I come lider natin. pa man siguro bago mawakasan ang paghahari ng piling pamilya o tradisyunal from,Malayo everybody’s a hero!” na pulitiko sa ating bansa, pinapakita ng iba’t ibang kuro-kurong ito na kapag pinagsama-sama ang boses ng mga botong ito, maririnig din tayo. *ilang bahagi ng sulatin ay in-edit para sa artikulong ito pero ginawa sa paraang hindi nakakaapekto sa kabuuang kaisipan ng sulatin.
*ang artikulong ito ay para sa lahat ng Pinoy dito sa Japan na nagsisikap tulungan ang kapwa Pilipino sa dito man o Pilipinas at nagpupursige na mapabuti ang kalagayan ng kanyang pamilya at ng kapus-palad na Pilipino. Saludo ako sa inyo!
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Ang Magulang Bilang Bespren
9
June 2013
Personal Tip: Pamilya
R
esponsibilidad ng mga magulang, hindi lamang ang pagbibigay o pagpuno ng mga materyal na pangangailangan ng kanilang mga anak, kundi mas higit ang pagpuno sa kanilang emosyonal na pangangailangan. Ibig sabihin nito, mas maganda kung magi-invest ang isang magulang sa emosyonal na aspeto ng kanyang mga anak. At para magawa ng isang magulang ang responsibilidad na ito, maganda rin kung maging bespren ka ng iyong mga anak. Maglaan ng oras na makipag-kwentuhan sa iyong mga anak. Alamin ang mga update sa kanilang buhay—makibalita sa mga nangyayari sa kanilang eskwelahan, pati na sa kanilang buhay-pag-ibig. Maging open sa mga anak. Hangga’t maaari, ipaalam din sa kanila ang mga importanteng pangyayari sa buhay mo. Dahil kung ganoon ka sa kanila, mas magiging open din sa’yo ang iyong mga anak. Makipagtawanan. Manood ng comedy films / shows o ‘di kaya’y makipagkwentuhan ng mga nakatutuwang mga bagay at sabayan silang maghalakhakan. Mas napapatibay ng ngiti at tawa ang inyong samahan. Damayan mo sila. Halimbawa’y kung dumaraan sila sa problema, agad mo silang lapitan—aluin at hangga’t maaari ay i-divert ang kanilang atensyon sa mas makabuluhang bagay. Ta n d a a n : n a g s i s i m u l a a n g m a t i b ay n a pundasyon sa isang relasyon sa pagkakaibigan. Ganoon din sa inyong relasyon sa iyong mga anak.
Bonding Moments sa mga Tsikiting
Kilala ka pa ba kaya ng mga anak mo? Masakit man pakinggan ang tanong na ito, pero kung natamaan ka, siguro, panahon na para magisip-isip. Baka kasi ikaw yung tipo ng tao na masyadong workaholic—trabaho at tulog lang ang ginagawa; wala nang oras na makipag-bonding pa sa pamilya. Ika nga ng ilan, “Hinga-hinga rin ‘pag may time.” Totoo po ‘yon. At para makahinga o makaluwag mula sa masyadong stressful na trabaho, maiging makipag-bonding sa pamilya. Ito ang mga possibleng maging bonding moments ninyo: 1. Makipaglaro sa mga anak. Bumalik sa pagkabata. Isang mabisang stress-reliever ay ang pakikipaglaro sa mga anak, dahil lumalabas ang iyong mga happy hormones. Gayundin, nakakasama mo pa ang iyong mga anak. 2. Manood ng sine. Hindi pa rin siyempre
nawawala sa listahan ang panonood ng sine. Kasi, pagkatapos ng inyong panonood, siguradong may mapag-uusapan kayo ng inyong mga anak. 3. Mag-shopping. Kakaiba ang tuwang dulot ng pagsa-shopping, lalo na ‘pag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay. 4. Mag-videoke. Likas sa mga Pinoy ang hilig sa pagkanta. Sa mga mall, nagkalat na rin ang mga videoke station na pwedeng-pwedeng daanan ninyo ‘pag nagagawi sa mall. Sulitin sa pagkanta ng inyong mga paboritong kanta ang panahong kayo ay magkakasama. 5. Mag-cycling. Pwedeng gawin ito sa lugar kung saan makakalanghap kayo ng sariwang hangin, halimbawa’y sa parke. Hindi lang ito masaya, healthy pa. Ang pinakamahalaga sa lahat, may oras ka sa pamilya mo—lalo na sa iyong mga anak na nangangailangan ng kalinga at pagmamahal mo.
Magluto Kasama ang mga Anak Paano Makasundo ang Biyenan
H
M
adalas, pinagbabawalan natin ang ating mga anak na pumunta o maglagi sa kusina. Ito ay dahil, oo nga naman, baka mapaano ang ating mga anak. Nandidiyan ang posibilidad na baka sila masugatan o ‘di naman kaya’y makagawa ng apoy bunsod ng mga delikadong appliances sa kusina. Pero, alam niyo bang isang magandang bonding spot ang kusina? Sa halip na ituring itong delikadong lugar para sa ating mga anak, mas magandang gumawa ng mga paraan para mas mahalin ng inyong mga anak ang kusina—dahil kasama ka nilang naghahanda ng pagkain. Turuan silang mag-bake. Gawing bonding session ang paggawa ng simpleng cake o cookies. Lagyan ng disenyo na gawa mismo ng inyong mga anak. Mag-eksperimento ng isang partikular na resipi. Hayaang sila mismo ang bumuo ng pangalan para sa kanilang eksperimento. Maaaring ilista ang proseso ng paggawa nito at lutuin itong muli sa ibang pagkakataon. Isama ang inyong mga anak sa pag-aayos sa kusina. Sa pamamagitan ng simpleng bagay na ito, hindi lang mag-eenjoy ang iyong mga anak, ito pa ang perpektong pagkakataon para maturuan mo sila sa mga simpleng gawaing-bahay. Muli, sa halip na pagbawalan ang iyong mga anak sa kusina, sikaping bumuo ng mga routine na magsisilbing paraan para magenjoy ang iyong mga tsikiting sa lugar na ito sa bahay.
indi na bago ang atin ang mga usapin o isyu hinggil sa ating mga biyenan. Madalas, hindi nakakasundo ng isang asawa ang kanyang biyenan. Marami itong mga kadahilanan: 1. Marahil ay naunsyami ang pangarap ng biyenan sa kanyang anak, lalo pa kung siya lang ang inaasahan sana ng pamilya; 2. Masyadong perfectionist si byenan, kaya m a d a l a s , p i n a p a k i a l a m a n a n g pamamalakad ng mag-asawa; 3. Nakikita ng mga biyenan na walang masyadong maipagmamalaki, dahil walang trabaho; 4. O maaari rin naming nagseselos ang biyenan sa kanyang manugang, sapagkat sa tingin niya, napupunta sa kanya ang sinasahod ng anak (na sana ay sa kanila mapunta). Ilan lamang ‘yan sa mga dahilan. Ngayon, p a a n o m a s o s o l u s yo n a n a n g h i n d i pagkakasundong ito? 1. ‘Wag manirahan sa iisang bubong. Oo’t mahal ang magrenta ng bahay o magpatayo ng sariling bahay. Pero, bago pa man mabigyan ng lamat ang pagsasama ninyo ng inyong biyenan, mas maiging makipaghiwalay ng tirahan. Sabi nga nila: “Mas alam mo kung wala kang asin o mantika kung kayo ay nakabukod na.” 2. Makipag-kaibigan sa biyenan. Ano pa man ang ugali ng iyong biyenan, sikaping hanapin ang inyong common ground— alamin ang interes niya na maaaring i n te re s m o r i n n a m a n . D o o n , m a s mapapatibay ang iyong relasyon sa iyong biyenan. 3. ‘Wag masyadong dibdibin ang kanyang mga sinasabi. Kasi, maaaring masama ang mood minsan ng iyong biyenan, bunsod ng karamdaman o ng kanyang edad. Ang gawin: “pasok sa isang tainga,
ilabas sa kabila.” Sigurado, magto-tone down naman ang iyong biyenan. Hindi rin kasi healthy kung sasagutin mo pa. Tandaan na, ang iyong biyenan ay magulang ng iyong asawa. Ibig sabihin nito, sa ayaw at sa gusto mo, bahagi na siya ng buhay mo. Kaya naman, marapat lamang na maglaan kahit papaano ng pagmamahal at respeto, nang sa gayon ay ganoon din ang balik sa’yo.
10
June 2013
Tips Para 'Di Magsawa si Misis o si Mister
H
indi na bago sa atin ang mga isyu ng hiwalayan sa mga mag-asawa. Madalas, ‘pag dumarating na sa ikatlong taon ng kanilang pagsasama, diyan na nagsisimula ang kabi-kabilang ‘di pagkakaunawaan. Normal lang naman ang away sa mga magasawa (dahilan nga sa maraming pagkakaiba ninyo). Nagiging masama lang ‘pagka lagi-lagi na lang. Diyan na magsisimula ang pagkakasawaan sa pagitan ng mag-partner o magasawa. Ngayon, anu-ano bang mga epektibong pamamaraan para ‘di magsawa si mister kay misis o si misis kay mister? Sundan ang mga tips na ito, ayon kay Dr. Willie T. Ong (sa kanyang artikulong “Anong
Gagawin Kapag May Babae Si Mister?”): 1. ‘Wag pabayaan ang sarili. Hindi porket mag-asawa na kayo ay wala ka nang pakialam sa iyong itsura. Ang sikreto pa rin para lagi kang naiisip ng iyong asawa ay ang pangangalaga sa iyong itsura. Maaaring pumunta sa salon (sa mga kababaihan) o sa gym (sa mga kalalakihan naman) para manatiling fresh ang itsura sa mata ng asawa. 2. Mag-date sa iba-ibang lugar. Kapag magasawa na ang mag-partner, madalas ay nakakaligtaan na ng karamihan ang importansya ng pagka-karoon ng pribadong oras para sa asawa. Kung may time, ‘wag kalimutang yayain sa isang date ang iyong asawa—nang sa gayon ay manumbalik o ‘di kaya’y mapanatili ang init ng pagmamahalan ninyo ng iyong
Mga Pamamaraan Para Maipadama ang Pagmamahal sa Partner
S
abi nila, isa sa pinakamabisang mga pamamaraan para hindi magsawa si partner at hindi humanap ng iba ay ang pagpapakita ng iyong pagmamahal sa kanya. Oo’t mayroong ibang hindi talaga nature ang pagpapakita ng pagmamahal, pero mahal niya ang isang tao, pero mas maganda pa rin kung talagang magpakita ng mga patunay ng iyong nararamdaman. Kumbaga, nagsisilbi rin kasi itong assurance para sa iyong asawa na mahal mo talaga siya. Ito ang mga bagay na maaari mong gawin:
1. Masahe. Ang simpleng pagmamasahe ay malaking bagay sa isang relasyon. Dito, naipapahayag ng iyong mga haplos ang iyong nararamdaman sa iyong asawa. Siguradong maa-appreciate ito ng iyong asawa, lalo na kung siya ay pagod sa pagtatrabaho.
Mga Sikreto sa Masayang Pagsasama
Daloy Kayumanggi
Personal Tips: Pamilya
S
asawa. 3. Magbigay ng sweet messages at regalo sa asawa / partner. Epektibo rin itong hakbanging ito. Ibalik ang mga sweet na mga pagkakataon noong kayo ay magkasintahan pa lamang. Siguradong maa-appreciate ito ng iyong oneand-only. 4. Huwag maging nagger; maging karinyosa. Kung nanonood tayo ng ilang interbyu ng mga taong nakipaghiwalay sa kanilang asawa, ang madalas na sinasabing dahilan ay ang pagiging nagger o bungangera ng kanyang asawa. O ‘di kaya, ang hindi pagiging sweet ng asawa. Kaya naman, siya ay naghanap ng ibang ‘di hamak na mas karinyoso / karinyosa kaysa sa kanyang asawa. 5. Makipag-usap sa asawa. Ang komunikasyon ay isa sa pinakamahalaga (kung ‘di man ang pinakamahalaga) sa pag-aasawa. Mayroong mga taong naghahanap ng ibang mapag-
2. Surprise kiss. Iba rin ang epekto ‘pag walang anu-ano’y hinalikan mo mula sa likuran ang iyong asawa. May posibilidad na magpapakipot pa ‘yan (siyempre, natural na reaksyon ‘yan ng katawan, lalo na ‘pag ‘di mo naman ito normal na ginagawa). Pero, sa loob-loob niyan ay sobra-sobra ang kanyang kasiyahan. 3. Pagbibigay ng simpleng note. ‘Pag maaga kang gumigising at pumupunta sa trabaho, habang tulog pa ang iyong partner, magandang ideya kung gumawa ng simpleng “I love you” note at idikit sa lugar kung saan niya ito siguradong makikita (e.g. salamin, pintuan, headboard ng kama, at iba pa). 4. Paghahanda para sa asawa. Iba pa rin kasi ‘pag pinagsisilbihan mo ang iyong asawa, kahit paminsan-minsan lang. ‘Wag lang iasa sa inyong kasambahay ang paghahanda. Sa pamamagitan kasi nito, tila ba ginagawa mong prinsesa o prinsipe ang iyong asawa. Mas matutuwa siya kung saluhan mo ito ng matamis na halik. 5. Flying kiss. Mas epektibo ito kung aalis, halimbawa, papuntang trabaho sa umaga. Siguradong maiiwan sa iyong asawa ang kilig at impresyon na nagsisikap ka para mabigyan siya / sila ng inyong mga anak ng magandang buhay. Mayroon pang ibang mga bagay na pwedeng gawin. Mga bagay na, kung iisipin, simple lang pero mabisa upang maipakita sa iyong asawa na mahal mo siya. Nang sa gayon, maging mas matibay ang inyong pagsasamahan at pagmamahalan.
a panahon ngayon, tila ba nagiging “trend” ang hiwalayan sa mga mag-asawa. Nakakalungkot mang isipin pero totoo. Bunsod kasi ng mga modernong mga bagay, kagaya ng pag-usbong ng Internet, naaapektuhan ang masayang pagsasama ng mga mag-asawa. Nakakabalita tayo ng mga mag-asawang naghiwalay dahil sa isang pinost na larawan sa Facebook o Twitter, halimbawa. Pero, anu-ano bang mga pamamaraan para mas masaya at mas exciting pa ang pagsasama ninyo ng iyong asawa (para maiwasan ang hiwalayan)? Naririto’t basahin mo ang ilang mga mabisang pamamaraan: 1.Ilagay sa gitna ng pagsasama ang Panginoon. Bilib ako sa mga mag-asawang nakaaabot ng 50 taon ng kanilang pagsasama; o ‘di kaya’y ng mga mag-asawang uugud-ugod na pero sweet na sweet pa ring namamasyal sa mall o sa parke. Ang madalas na sagot nila ‘pag tatanungin mo sila, ang isasagot nila, “Dahil nasa gitna naming
"Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
sasabihan ng kanilang saloobin sapagkat hindi marunong makipag-communicate ang asawa—hindi marunong umintindi, makinig, at makipag-usap. Ito rin ang madalas na nakakaligtaan ng ilang lovers na nasa magkaibang lugar o bansa, kaya nauuwi sa hiwalayan. Kaya, kung gusto mo pang mas mapatibay ang inyong relasyon ng iyong ka-partner / asawa, pwedeng-pwede mong sundin ang mga tips na nabanggit sa itaas. Maaari mo ring ibahagi ang mga ito sa mga kakilalang nasa “brink of danger” ang relasyon sa kanyang ka-partner.
Kahalagahan ng Pagkonsulta sa Marriage Counselor
K
umusta ang pagsasama niyo ng iyong asawa? Kapag medyo “on the rocks” ang status ng inyong relasyon ng iyong asawa o partner, maaari nating marinig mula sa mga kaibigan o kapamilya na nahihingan natin ng advise na “Bakit hindi niyo subukang lumapit sa marriage counselor?” Sino nga ba ang marriage counselor? Karaniwan, sila ay mga psychologist; sila ang mga eksperto sa paglutas sa mga problemang may kinalaman sa pagsasamahan ng mga mag-asawa. Sa dami ng kanilang mga napagdaanang kaso ng mga nagkakaproblemang mag-asawa, mayroon na silang mga naipong mga istratehiyang tutugon o aayos sa mga sigalot sa magka-partner. Pero siyempre, dapat, kapag kumokonsulta ng isang counselor, kinakailangan din ng suportang manggagaling mula sa mga mag-asawa. Dapat ay nakahanda sa anumang mga suhestiyon na sasabihin ng eksperto. Maging bukas sa lahat ng mga bagay.
ang panginoon. Nagdarasal kami nang sabay. Ugali naming magbasa ng mga salita ng Diyos.” 2. Mag-date. Siguro, sasabihin mong, “Ano ba ‘yan? Ang tanda-tanda na nga nagde-date pa rin? Wala na ‘yan sa bokabularyo namin.” Kung isa ka sa mga nagsasabi ng ganitong linya, malamang sa hindi na hindi masaya ang inyong relasyon ng iyong asawa. Sa pagde-date kasi, mas napapatibay ang samahan, dahil nababalikan ninyo ang inyong masasayang alaala noong nagliligawan pa lang kayo. Nakakapag-usap din kayo nang masinsinan. 3. Trust and respect. Ang pagmamahal, pagtitiwala, at respeto ay magkakaugnay. Isang malaking lamat sa relasyon ‘pag sinubukan mong maghanap ng iba. ‘Pag ginawa mo kasi ang isang bagay, siguradong matutuklasan din ‘yan. At, kung matutuklasan ‘yan, masisira ang tiwala at respeto sa’yo ng iyong asawa—at kinalaunan, pagmamahal. Ang masayang mag-asawa ay may buong pagtitiwala at respeto sa isa’t isa. 4. Gawing exciting ang pagsasama. Iwasan ang
Maganda rin kung magkaroon ng positibong atityud. Sa halip na itanong sa sarili kung maghihiwalay ba kayo ng asawa mo o hindi, mas maiging tanungin ang sarili: “Paano mapapanumbalik ang dating masaya naming pagsasama?” Tandaan na, kaya kayo pumunta sa isang eksperto para maging mas masaya ang inyong pagsasama—puno ng pagmamahalan at respeto. Maganda ring isipin na ang aktong ito ng paglapit sa isang counselor ay para rin sa inyong mga anak (kung mayroon na kayong mga anak). Isipin kung ano ang magiging epekto ng inyong paghihiwalay sa inyong mga anak. Sikaping hanapin ang pinakamabisang pamamaraan o mga pamamaraan para mas mapalago ang inyong relasyon. Dahil, kapag nagawa niyo iyon, siguradong magle-level-up din kayo sa kasiyahan at katiwasayan—‘di lamang kayong magasawa, kundi mas higit ng inyong mga anak.
mag-stick sa tinatawag na mga routinary activities—ito yung mga masaya lang sa una, pero ‘pag lagi-lagi nang ginagawa, nakakasawa. Ang gawin: ilista ang mga boring na bagay at palitan ito ng bago at mas exciting na bagay na ginagawa niyong mag-asawa. 5. Magkaroon ng sapat na komunikasyon. Maging open sa iyong asawa. Kung may problema ka, sabihin mo. Kung may hinanakit ka, ilabas mo sa iyong asawa. Kung may hindi ka gusto sa iyong asawa, sabihin mo lang. Dahil kung gano’n ka, siguradong magiging ganoon din sa’yo ang iyong asawa. Ilan lamang ito sa mga simpleng pamamaraan. Ang pinakamahalaga sa lahat, piliin ninyong mag-asawa na maging masaya sa isa’t isa. Dahil, ika nga: “Ang pag-aasawa ay hindi kanin na ‘pag napaso na, iluluwa mo na.” Komon man ang linyang ‘yan pero may katotohan, at marapat lamang na gawin din itong gabay tungo sa masayang pagsasama.
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Personal Tips: Pamilya
Salu-salo sa Pamilyang Pilipino
Gaano ba kahalaga ang pagkain? Natural na sa katawan ang magutom. At, kailangang maibsan ang kagutuman sa pamamagitan ng pagkain upang muling magkaroon ng lakas at resistensya sa ating mga pang-arawaraw na gawain. Ngunit, hindi lamang kagutuman ng tiyan at katawan ang naiibsan kapag kumakain. Sa kulturang Pilipino, nakasanayan na ng bawat mag-anak na magsalu-salo sa pagkain. Isa itong manipestasyon ng pagiging family-oriented ng mga Pinoy. Nararanasan niyo pa ba ito (o
Pagbating May Ngiti
A
ng tahanan ang kanlungan natin mula pagkabata hanggang paglaki. Habang tayo ay lumalaki at lumalawak ang saklaw ng ating buhay at pananaw, minsan, ang tahanang siyang iniikutan dati ng ating buhay ay nagiging pahingahan na lamang. Sa pagiging abala sa ibang bagay sa labas ng tahanan, hindi na natin napapahalagahan ang mga pang-araw-araw na ginagawa natin sa loob ng tahanan. Ang simpleng pagbati ng “magandang umaga” pagkagising sa mga anak, magulang, o iba pang kasama sa bahay ay maaaring maging pundasyon para sa isang matiwasay na pagsasamahan sa tahanan. Ang pagbati sa mga kasama paggising sa umaga ay maaaring magdala ng tuwa sa kanila sapagkat nangangahulugan din ito ng “natutuwa akong makita at makasama ka sa isang panibagong araw.” Pero, hindi sa lahat ng oras ay verbal ang pamamaraan ng pagbati natin sa ating mga mahal sa buhay. Kung minsan nga, mas malakas ang epekto ng simpleng pagtitig at pagngiti lang sa iyong mahal / mga mahal. Mas tagos, ika nga, sa puso. Mas ramdam ng iyong binibigyan ng makahulugan at punung-puno ng pagmamahal na titig at ngiti ang mensaheng nais mong iparating. Sa pamamagitan ng simpleng pagbati, napahahalagahan ng bawat miyembro ng pamilya ang isa’t isa. Sa pamamagitan nito, tila ba napapawi ang lahat ng lungkot at pagod ng bawat isa. Kaya naman, sa susunod na madatnan mo ang iyong magulang, habang naghahanda ng inyong makakain, ‘wag kalimutang tapunan siya ng isang matamis na ngiti. Sigurado, mapapawi ang lahat ng kanyang pagod, sa pamamagitan lang ng isang simpleng ngiti.
11
June 2013
dati lang)? Hindi lamang simpleng kainan ang nagaganap tuwing kumakain ang mag-anak na Pilipino. Ito ang oras na nagkakasama-sama at nagkakaharapharap sa hapag ang pamilya. Bukod sa pagkain, pinagsasaluhan ng pamilya ang mga kwentuhan, kamustahan, at mga tuwa at lungkot sa bawat kwentong maibabahagi ng isa’t isa. Sa pamamagitan din ng pagkain nang sabay-sabay, malalaman ang kalagayan ng bawat isa. Mahalaga ito lalo na para sa mga magulang at kanilang mga anak. Sa pamamagitan
Halaga ng Bonding Session sa Pamilya
S
a panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, madalas nang nakaharap sa computer ang mga bata. Dahil dito, mas lumalaki ang distansya sa pagitan ng mga kasapi ng pamilya. Madalas itong magresulta sa pagkalayo ng loob ng mga bata sa kanilang mga magulang. Kaya naman, hindi masisisi ang mga magulang na nagsasabing, “Di ko na maintindihan ang mga kabataan ngayon.” Hindi maiiwasan ang tinatawag na generation gap. Napapailing na lang ang ilang mga magulang at hinahayaan ang kanilang mga anak sa kanilang pinagkakaabalahan. Ngunit paminsan-minsan, kailangang tawagin ang atensyon ng mga anak at ipakilala ng mga magulang ang mga posibilidad at oportunidad na naibibigay ng mundo sa labas ng computer at internet. Kailangang mag-bonding ng pamilya. Sa pamamagitan nito, nakapaglalaan ng oras ang bawat isa para sa pamilya. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paglabas sa bahay, o kung mas nais ng matipid, sa loob na lamang. Maaari kayong mamasyal, halimbawa, sa isang resort malapit sa inyo. Iba pa rin ang sayang hatid ng piknik sa pamilyang Pilipino, laluna sa tabi ng dagat. Ito’y dahil marami kayong pwedeng gawin sa lugar na ito, lalo na ang mga bata. Idagdag pa ang ganda ng view nito. Kung nasa sentro naman kayo ng syudad at malayo sa tabingdagat, pwedeng-pwedeng maging bonding session ng pamilya ang pagpunta sa pinakamalapit na parke, zoo, o ‘di kaya’y amusement park. Ang mga lugar na ito ay maganda kapag mayroon kayong mga batang kasama. Ang mahalaga, mayroon kayong quality time na napagsasaluhan. Sa pamamagitan ng pagsasalu-salo sa iisang karanasan – ang pageenjoy – mas mapalalapit ang bawat miyembro ng pamilya sa isa’t isa.
ng kwentuhan sa harap ng hapagkainan, nalalaman ng mga magulang ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga anak; at nalalaman ng mga anak ang iniisip ng mga magulang para sa kanila. Sa pamamagitan nito, masasanay ang bawat kasapi ng pamilya na maging bukas at handang makinig sa isa’t isa. Kung palaging nagsasalu-salo ang pamilya, maiiwasang maging malayo ang loob ng isa’t isa. Ika nga, “Ang masayang pamilya, sa hapag ay nagkakasa-kasama.”
Paggawa ng Mga Simpleng Bagay sa mga Kapamilya
M
insan, sa dami ng ating ginagawa, nakaliligtaan na natin ang halaga ng mga simpleng bagay. Katunayan, tuwing may espesyal na okasyon tulad ng Pasko, Kaarawan, Araw ng mga Ina o Ama na lamang yata natin naiisip na regaluhan o batiin ang ating mga mahal sa buhay. Ngunit, marapat din lamang na isipin natin ang mga simpleng bagay na ito kahit walang okasyon. At, hindi rin nangangailangan ng enggrandeng preparasyon ang mga bagay na tulad nito. Halimbawa, sa pamamagitan ng paghahanda ng makakain tuwing umaga, bago gumising ang buong mag-anak, maaari nang ikatuwa ng buong pamilya ang pagboboluntaryong iyong ginawa. Ang pagtulong sa gawaing-bahay ay hindi lamang nakagagaan sa mga gagawin ng maiiwan kundi nakapagdudulot din ng gaan sa pakiramdam dahil sa tuwang naidudulot nito. Kung isa ka namang taong may-asawa, ang pagtimpla ng kape o paghilot sa nananakit na bahagi ng katawan ng asawa ang ilan sa mga paraan upang maiparamdam ang mga simpleng reward na nais niyong ibigay sa kanila. Kung bagong sahod ka naman, aba eh, maganda rin siguro kung i-treat sa labas, paminsan-minsan, ang iyong mga mahal. Hindi nangangailangang sa mahal na restawran mo sila dalhin; ang mahalaga, ang sayang dulot ng pagdala mo sa kanila sa isang lugar na maaaring makapagdulot sa kanila ng tuwa na kayo ay magkakasamang masaya. Ang paggawa ng mga simple ngunit espesyal na mga gawaing tulad nito ang malinaw na nagpapahiwatig na nagpapasalamat ka sa mga ginagawa ng iyong mga mahal sa buhay at naa-appreciate mo sila bilang mahalagang bahagi ng iyong buhay.
12
Ads
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Ads
13
14
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Filipinos in Japan" Impormasyon ng Pilipino
15 June 2013
Travel
16
June 2013
Komunidad
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Free Interpretation Service
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
17
June 2013
Komunidad
"Ang NTT card at Daloy Kayumanggi ay nag-su-sponsor ng mga events kagaya nito (Church event, charity, birthday party, group party, etc. para sa mga Pilipino na nasa Japan. Para sa mga detalye, tumawag lang sa 090-6025-6962 at hanapin si Erwin
18
June 2013
Daloy Kayumanggi
Global Filipino
MAN OF STEEL From the director of 300 and WATCHMEN Zack Snyder and writer of Christopher Nolan’s Dark Knight trilogy David S. Goyer gives us a modern retelling of your favourite superhero of all time superman. In this version we will see a youngboy learns that he has extraordinary powers and is not of this earth. As a youngman he journeys to discover where he came from and what he was sent here to do. But the hero in him must emerge if he is to save the world from annihilation and become the symbol of hope for all mankind. Starring Henry Cavill (Immortals), Amy Adams (Enchanted), Michael Shannon (Iceman), Laurence Fishburn (Matrix), Russel Crowe (Gladiator), and Kevin Costner (Water world).
MUST WATCH!
THIS IS THE END An all-star cast of comedians and writers using their real names in this movie, Starring James franco (Oz), Seth Rogen (Green Hornet), Johan Hill (21 Jump street), Emma Watson (Bling Bling), Jay Baruchel (she’s out of my league) Danny McBride(Tropic Thunder) Craig Robinson (Peeples) and much more. It’s a story about this guys while attending James franco’s house party an alien race attacked earth. How will they survived and what will they do to survived will being attacked by an alien race. It’s a pure comedy and action packed movie directed by Even Goldberge (Super Bad) and Seth Rogen.
MUST WATCH!
"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
MONSTER UNIVERSITY
WORLD WAR Z
WHITE HOUSE DOWN
They’re back, really back before they were the Monster Inc. Monster University is a story between your favourite monster’s inc characters Mike Wazowski and James P. Sullivan, a look back between these two characters relationship how they started their years as a student in Monsters University, when they weren’t really best friends at all. Starr i n g J o h n G o o d m a n ( Re d State), Billy Cristal (Parental Guidance), Nathan Fillion (Castle), Helen Miren (RED 2), Steve Buscemi (Grown Ups 2) and Bonnie Hunt (Toy Story 3).
Another Zombie genre movie starring Brad Pitt (The Counselor), Eric West (X-Men: Days of Future Past), Matthew Fox (Speed Racer) and David Morse (The Green Mile) and Directed by Marc Foster (Quantun of Solace). Based on the novel by Max Brooks, it’s about a United Nations employee Gerry Lane traverses the world in a race against time itself to stop the Zombie pandemic that is toppling armies and government, and threating to decimate humanity itself.
While on a tour of the White House with his young daughter, a Capitol policeman springs into action to save his child and protects the president from a heavily armed group of paramilitary invaders. Starring Channing Tatum ( 21 Jumpstreet 2), Jamie Foxx (The Amazing Spiderman 2 ), Maggie Gyllenhaal (The Dark Knight) and James Wood (Casino) and directed by Roland Emmerich (Independence Day).
MUST WATCH!
MUST WATCH!
MUST WATCH!
FREE NEWSPAPER Tawag lamang sa 090-1760-0599
19
June 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Globalng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
SI MAID AT SI DONYA
DONYA: Yaya ha, tandaan mo na ang almusal dito sa bahay na ito ay alas-sais empunto! MAID: No prob sa’kin yo’n ma’am. Kung tulog pa ako sa oras na yun, mauna na kayong mag almusal!
ANG RESULTA
TATAY: Ipasa mo yung exam, Juan! ‘Pag ‘di ka pumasa ‘wag mo akong tatawaging tatay. Naiintindihan mo? JUAN: Opo nman ‘tay! Ako pa?! (Pagkatapos ng exam…) TATAY: Oh? Kumusta exam mo? JUAN: Ayos nman BROD...
JOKE, JOKE, JOKE
MISIS: Dok, kumusta ang aking mister? DOK: Sorry, po. Mula ngayon, ikaw na ang magpapaligo at magpapakain sa kanya. kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa. MISIS: HAH?! HINDI NGA?! DOK: He! He! He! Ninerbyos kayo, ‘no?! Joke lang! Patay na siya!
BINGI
MANONG DRIVER: Saan po kayo papunta? ABNORMAL: Sa dentista, magpapa-opera ng mata kasi nabibingi na ako... MANONG DRIVER: Ano?!
ICE CREAM O SOFTDRINKS
Ice cream ba talaga yung inendorse in Pacquiao sa TV ad niya under Nestle Ice Cream? Akala ko kasi, softdrinks. Kasi, sabi niya, “Oh
CANCER Hun. 22 - Hul. 22
mga bata, Mirinda na!”
KOREK ISPELING
Kausap ni Erap ang Abu sayyaf—nagnenegotiate pra mapalaya ang mga dinukot. ABU SAYYAF: Papalayain ko ang aming biktima kung mai-ispel mo ang Mississippi. ERAP: Ha? Nosebleed naman ‘yan! Pwede Manila Bay na lang? hehe
ANG COOK
BABAE: Order ako ng ham. TINDERA: OK. (Lumipas ang 30 minuto.) BABAE: Ate tagal ng pagkain ko gutom na ako! Ilan ba ang cook niyo dito? TINDERA: Ay sorry mam, wala kaming Cook, Pepsi lang.
ANG F SA CARD
TATAY: Anak! Anu ‘tong F sa card mo ha? ANAK: (kinakabahan habang nag-iisip) Tatay... Fasado po ibig sabihin niyan. TATAY: Ahh... Akala ko naman Ferpect!
ETHICS CLASS
TITSER: Class, what is ETHICS? NILO: Etiks are smaller than ducks.
HOMELESS NGA
INTERVIEWER: Ano ang plano niyo sa mga homeless? ERAP: Marami, kaso may problema. INTERVIEWER: Ano po yun? ERAP: Ang hirap nilang hanapin, kasi wala silang address.
LIBRA Set. 24 - Okt. 23
‘Wag basta-basta mangignore ng ibang tao. Baka kasi yung mga taong hindi mo pinapansin ay sila pa ang makapagaalalay sa iyo tungo sa magandang kinabukasan. Masuwerte ka sa mga numerong 3, 1, at 9. Kulay blue naman ang swak na kulay sa’yo ngayong buwan.
H i n d i ka b a s t a - b a s t a natitinag. Hindi ang isang pangyayari ang pipigil sa’yo upang magpatuloy. Mas magiging focused ka ngayong buwan sa iyong goal. Masusuwerteng mga numero: 32, 23, at 8. Masusuwerteng kulay: yellow at orange.
Oo’t maraming kang mga re s p o n s i b i l i d a d . Pe ro , mas maiging maghinay-hinay lang. Ayusin ang iyong mga prayoridad sa buhay. Isa-isahin ang mga gawain at ‘wag biglaan. Maroon ang okay na kulay sa’yo; 1, 24, at 29 naman ang sa numero.
Ang talent mo ang makapagbibigay sa’yo ng bagong oportunidad. Linangin mo ito at paghusayan. Maganda rin kung humingi ng paggabay mula sa isang eksperto sa’yong talent. Yellow-gold ang swerteng kulay sa’yo; 20 at 31 naman ang mga numero mo.
LEO Hul. 23 - Ago. 22
VIRGO Ago. 23 - Set. 23 ‘Wag magtanim ng galit. O ‘di naman kaya’y ‘wag magbalak ng paghihiganti. Mas makabubuti sa’yo kung ipasa-Diyos na lamang at magpatuloy lang sa iyong buhay. Lucky color at numbers: Brown; 21, 6, at 5.
SCORPIO Okt. 24 - Nob. 22
SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21 May tendensiyang mamimisinterpret ka ng ibang tao. Mas maigi kung mag-ingat-ingat sa iyong mga galaw. Pag-isipan ding mabuti ang bawat salitang bibitawan sa ibang tao. Masuwerte sa’yo ang kulay na yellow-green. Numerong 2, 6, at 16 naman ang okay sa iyo.
FIELDTRIP
TEACHER: (pointing to a deer in the zoo) Juan, what do you call that? JUAN: Ewan ko po, mam. TEACHER: What does your mom call your dad? JUAN: TARANTADO ba tawag diyan Ma’am?
SLEEPING PILLS
NURSE: Miss, gising na! PATIENT: Ah, bakit? NURSE: Oras na ng pag-inom ng gamot. PATIENT: Anong gamot? NURSE: Sleeping pills.
3 MEALS A DAY
DOC: Iha, mukhang pumapayat ka at hinanghina pa. Sinunod mo ba advice ko na 3 meals a day? GIRL: Diyos ko! 3 meals a day ba? Akala ko 3 males a day eh!
NATIONAL ANIMAL
HOST: What “K” (kalabaw) is the national animal of the Philippines? CONTESTANT: Kuto? HOST : Hinde. Clue, it tills the land. CONTESTANT : Kutong Lupa!
ANG BIKTIMA AT ANG SUSPEK
ATTY: Idescribe mo nga yung nanghold-up sayo BIKTIMA: Maitim,panot,pango,tigyawatin at bungal po. SUSPEK: Sige manlait ka pa perfect ka,
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20
perfect? Ganda mo the! Aamin na nga pipintasan pa. Bka gusto mong gawing MURDER ang kaso ko.
PANGALAN NG ASO
PULIS: Sir bakit K9 ang tawag sa mga aso natin? P03: Kasi pag K10 hindi na yun aso yun! PULIS: Eh ano tawag sa kanila? PO3: Eh anak ng pusa…..
BATTLE OF THE BRAINLESS
QUIZMASTER: What is the national bird of the Philippines? Clue, it starts with the letter “M” (Maya) TEAM A: Manok? QUIZMASTER: Hindi, brown ang kulay nito. TEAM B: Piniritong manok? QUIZMASTER: Hindi, nagtatapos sa letter “A” TEAM C : Piniritong manoka? QUIZMASTER: Hindi, mas maliit pa sa manok. TEAM D: Maggie chicken cube?
BIRTHDAY CELEBRATION
DODONG: Pare ano handa mo sa birthday mo kahapon? EMPOY: PATA! DODONG: Waw, anong klaseng ng pata? EMPOY: PATA-galan ng kwento, alang pera eh... mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp www.tumawa.com
ARIES Mar. 21 - Abr. 20
Medyo kumplikado ngayon ang iyong lovelife. Ang gawin mo, gamit mo hindi lang ang iyong puso kundi ang iyong isipan. Maging intelihente. Ang green ay masuwerte sa’yo. Ikonsidera rin naman ang mga numerong 40, 34, at 5.
Ngayon mo matututunang magdesisyon nang mag-isa. Kung dati ay takot ka na baka ito mauwi sa wala o maling landas, ngayon, mas magiging risk taker ka. Kinakailangan lang ng presence of mind para siguradong tama ang landas na tatahakin. Power numbers: 5, 24, at 3. Lucky color: red.
‘Wag masyadong maging judgemental. Busisiin mong mabuti ang isang tao bago siya husgahan. Baka kasi makasakit ka ng ibang tao. Maging mapanuri bago bumitiw ng isang desisyon o ng isang salita sa ibang tao. Power numbers at colors: 21, 3, at 8; dark green.
May bagong oportunidad na darating sa buhay mo—na maaaring makapagluwag-luwag sa’yo at sa iyong pamilya. Kinakailangang marunong na alagaan ang oportunidad na ito, nang sa gayon ay tuluy-tuloy ang swerte. Swerte sa’yo ang aqua blue. Ang mga numero mo naman ngayong buwan ay 15, 17, 19, at 30.
AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19
PISCES Peb. 20 - Mar. 20 Iwasan ang sarili sa palagiang galit. Pagtuunan ng pansin ang kalusugan at ‘wag masyadong subsob sa trabago. Numbers of the month: 5, 17, 26. Color of the month: puti.
TAURUS Abr. 21 - May. 21
GEMINI May. 22 - Hun. 21
Matutong tanggapin ang mga taong dati ay hindi mo gusto o hindi mo kasundo. Mas higit na makakaluwag ito sa loob mo at mas gaganda pa ang relasyon mo sa ibang tao. Ang iyong color of the month ay orange. Numero mo naman ngayon ang 3, 1, 26, at 16.
20
June 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
Pacquiao, haharapin si Mayweather sa susunod na taon
Manny Pacqiuao Boxer / Governor / Actor / Model / TV Host / Icon c
mp8.ph
M
atapos ang halos tatlong taong pagkaudlot ng dream fight ng pound-for-pound king na si Manny Pacquiao at ng hindi matinag-tinag na si Floyd Mayweather, kinumpirma ng dalawang boksingero ang mangyayaring harapan sa susunod na Mayo. Ayon sa ulat, tinawagan umano ni Mayweather si Pacman upang planuhin ang laban. Sumang-ayon naman si Pacquiao sa face-off sa kondisyong 50-50 ang kanilang hatian sa kita, na tinatantyang humigitkumulang sa 100 milyong dolyar—ang
SCORE UPDATES NBA Playoffs BOX
VS
New York Knicks
VS
Chicago Bulls
Miami wins series 4-1
PBA Finals 87-70 ( Game 1 )
VS Alaska Aces
VS
Ginebra San Miguel
104-80 ( Game 2 )
VS Alaska Aces
VS
mp8.ph
pinakamalaking income sa kasaysayan ng boxing. Gusto ni Mayweather na sa Mayo 5 sa susunod na taon ang planong araw ng laban samantalang ipinapakiusap ng team ni Pacquiao na ilipat ito sa ibang araw upang mapagplanuhan nang maayos ang outdoor arena na inaasahang magpapataas sa kita sa laban ng dalawa. Samantala, matatandaang naudlot ang laban ng dalawa noong 2010 nang magkaroon ng isyu sa drug testing na nagpasimula ng kontrobersya sa lifestyle ng dalawang boksingero.
SPORTS UPDATES
Azkals, mapapasabak ngayong Hunyo
Indiana wins series 4-2
94-91 ( Game 5 )
VS Miami Heat
c
106-99 ( Game 6 )
VS Indian Pacers
Flyodd Mayweather Boxer
Ginebra San Miguel
Alaska Leads the series 2-0
S
sports.inquirer.net
c
mb.com.ph
Alaska Coach sa Spotlight
P
alaging nasa likod ng isang magaling na team ang isang mahusay na coach. Ito ang pinatunayan ng Alaska Coach na si Luigi Trillo matapos makapasok sa PBA finals ang Alaska Aces sa loob lamang ng tatlong game. Muling ibinalik ng bench tactician ng Alaska ang team. Tatlong taon nang nakararaan nang makasali sa finals ang Alaska. Ayon sa kanya, tinitingala niya ang dating coach ng Alaska na si Time Cone. Sa nalalapit na final game para sa PBA Commissioner’s Cup, sinabi ni Trillo na handa na sila, anumang team ang makalaban nila.
Spokesperson: David Beckham, marreretiro na c
N
fanpop.com
agulat ang maraming football fans nang inanunsyo kamakailan ng isang spokesperson ang nalalapit na pagreretiro ng professional football icon na si David Beckham. Sa buong karera ng 38-year-old na atleta, naging bahagi na siya ng iba’t ibang mga team, bilang midfielder: ang Los Angeles Galaxy, AC Milan, Manchester United, Real Madrid. Pinanalo niya rin ang England ng 115 caps, at kamakailan lang, nanalo ang kanyang team Paris Saint-Germain (PSG) sa French League 1 championship. “If you had told me as a young boy I would have played for and won trophies with my boyhood club, Manchester United, proudly captained and played for my country over one hundred times, and lined up for some of the biggest clubs in the world, I would have told you it was a fantasy. “I’m fortunate to have realized those dreams,” pahayag ng sikat na football player sa BBC. Buo rin ang pasasalamat ni Beckham sa PSG sa pagbibigay umano sa kanya ng oportunidad para sa kanyang karera. Sa ngayon, nakapagtala na ang manlalarong Briton ng anim na league titles para sa apat na mga bansa: ang England, Spain, United States, at France.
a halip na palagiang training ang gagawin ng Philippine Football Team na Azkals, sasabak sila sa tatlong magkakaibang competition ngayong Hunyo, bilang paghahanda sa AFC Challenge Cup sa Maldives sa susunod na taon. Ito ang kinumpirma ng National Football coach na si Michael Weiss. Ayon pa sa kanya, sasamantalahin ng Azkals ang international break na kanilang tinatamasa ngayon. Sa kasalukuyan, ibinunyag ng Philippine Football Federation ang isang friendly match laban sa Hong Kong sa Hunyo 4 sa Mongkok Stadium samantalang makakalaban ng Azkals ang team ng Jakarta sa Indonesia sa Hunyo 8. Sinabi rin ng German coach na ihahanda niya ang mga kasapi ng Azkal’s Challenge Cup para sa training matches. “We will be relying mostly on local players and these are the players we need to take care of,” banggit ni Weiss sa pahayagang Inquirer. “It (ang tournament) is a good pressure situation and we’ll see how many of the players are ready for the national team.”
Rios, naniniwalang mapapabagsak si Pacman
S
inabi ng hard-hitting boxer na si Brandon Rios na nagkamali si pound-for-pound king Manny Pacquiao sa pinili niyang kalabanin sa kanyang ring comeback matapos mapatumba ni Juan Manuela Marquez sa 6th round ng kanilang laban. Kumpirmado na ang tagisan ng kamao ng dalawang boksingero sa Nobyembre 24 sa Cotai Arena ng Venetian Resort Hotel sa Macau, China. Binanggit din ni Rios na pinili siya ni Pacman dahil napatumba rin siya ng nakaharap niyang si Mike Alvarado sa ikaanim na round at nabigong makuha ang titulo sa pamamagitan ng 12 round unanimous decision. “This is my chance to show what I can do with a great fighter in front of me. I got to come out in a smarter way. I’ve got to fight different than I usually do, because Pacquiao can hurt you. He’s got a good knockout percentage. When I’m inside the pocket (at close quarters), that’s my game. I can fight very well. I’ve proven it,” banggit pa ng boksingero na nailathala sa Manila Standard Today. c
philstar.com
21
June 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Bagong Aunor, sasabak sa Showbiz
S
a patuloy pa ring pamamayagpag ni Superstar Nora Aunor, eentra naman sa spotlight ang kaniyang pamangkin na si Marion Aunor. Nagwagi si Marion ng Third Place sa 2013 Himig Handog at ngayo’y contract artist na under Star Records. Ginawa niya ang kaniyang television debut noong February kasabay ng kantang If You Ever Change Your Mind na sarili niyang katha. Mula nang pumirma siya ng kontrata sa Star Records, sumabak na rin sa guesting ang 21-year old na dalaga sa Kris TV at ASAP 18.
Marion Aunor Singer / Actress c
videokeman.com
Naging bahagi rin siya ng World Tour ng hit-noontime teleserye na Be Careful With My Heart. Bahagi rin ng soundtrack ng Apoy sa Dagat ang kanyang If You Ever Change Your Mind. Ni-release ni Marion ang kaniyang album na may orihinal niyang mga komposisyon nitong April with Vehnee Saturno as her manager. Nagtapos siya ng Communication Technology Management sa Ateneo de Manila University at balak niyang ipagpatuloy ang career sa showbusiness.
Golden Screen Awards night, naging simple lamang Eddie Garcia Actor c
ph.omg.yahoo.com
Comics ni Mars Ravelo, ipo-produce ng ABS-CBN
N
aging simple at light-hearted ang naganap na 10th Golden Screen Awards for Movies na inorganisa ng Entertainment Press Society kamakailan sa Teatrino, Greenhills, San Juan
City. Hindi ang patalbugan ng mga designer clothes ang naging sentro ng c orangemagazinetv.com awards night kundi ang bonding ng mga artista, lalo na ang mga hindi a k a p a g p i r m a h a n n a n g sion series simula 1977. Matunog sa isang panayam na inilathala ng pa masyadong nakikitang magkasama. Bagamat may tensyon sa lugar kontrata ang ABS-CBN at ang mga pangalan nina Angel Locsin, Inquirer. dahil sa hinahangad na mga award, hindi naman nito nahigitan ang sina Rita Ravelo-dela Cruz Jessy Mendiola, Sarah Geronimo, KC Ibinalita ng kaniyang manager enjoyment ng mga stars at movie personalities na present sa gabing at Rex Ravelo, mga anak ng sikat na Concepcion, at Cristine Reyes sa mga na si Ethel Ramos na magkaka- ito. comics author na si Mars Ravelo, posibleng gaganap sa title role. roon si Angel ng isang romanticKabilang sa mga nanalo sina Alfred Vargas bilang Best Actor (drama upang makuha ang exclusive rights Paano naman si Angel Locsin na drama series kasama sina Paolo category) para sa Supremo na nakuha niya kasama ng batikang aktor para mai-produce ang mga gawa ng gumanap nang Darna para sa GMA-7 A v e l i n o a t A n d i E i g e n m a n n . na si Eddie Garcia para naman sa Bwakaw. Wagi namang Best Actress namayapang comics novelist. noong 2005? Samantala, nakita naman sa Face- si Gina Alajar para sa Mater Dolorosa habang Best Actor para naman Naging usap-usapan na nga kung “Na-miss ko ang role. [But] you book ang posts ni Cristine Reyes na sa musical at comedy category si Aga Muhlach. Samantala, ang partsino ang gaganap sa pinakasikat na have to consider how audiences nakasuot ng Darna costume. ner ni Aga sa Of All The Things na si Regine Velasquez ang nakakuha babaeng superhero na si Darna na would feel. They may want someone Kung sino man ang gaganap na Dar- ng Best Actress para sa same category. Naiuwi naman ni Mother Lily nagkaroon na ng 14 film productions new. I don’t want to force myself on na, tiyak na magiging kaabang-abang Monteverde ang Lino Brocka Lifetime Achievement Award. simula noong 1951 at tatlong televi- them,” banggit ng magandang aktres ito. Hosted by John ‘Sweet” Lapus, hindi lamang naentertain ang lahat sa bonding with fellow stars sa movie industry kundi sa kabuuan ng mga naganap na Golden Screen Awards.
N
Jed Madela, may bagong album
U
pang ipagdiwang ang 10th year ng Grand Champion Performer of the World na si Jed Madela, maglalabas siya ng kaniyang unang album with Star Records na pinamagatang All Original. Isa na namang blessing ito sa singing career ni Jed na nauna nang nahirang sa Performing Arts Hall of Fame ng Hollywood. “Everything sounds different and the songs express different feelings. Actually, each one can be a single,” banggit ng singer sa kaniyang press conference sa Quezon City (na inilathala sa Manila Standard Today). Ayon pa sa kanya, malaking challenge
ang kinaharap niya sa pagkanta ng mga bagong awiting ito. Maglalaman ng sampung original compositions ang All Original album. Kabilang dito ang Ikaw Na ni Soc Villanueva; Wish ni Jonathan Manalo at Garlic Garcia; When Love was Once Beautiful ni Genevieve de Vera at Raizo Chabeldin; Dito Lang ni Francis Salazar; Ipinapangako Ko ni Christian Martinez; Sa Habang Buhay ni Wilson Escaner; Dalangin Ko ni Jimmy Antiporda; Will Forever ni Jungee Marcelo; Home to You ni Trina Belamide; at, Tanging Ikaw na binuo mismo ng singer.
Kuya Germs, Golden Anniversary na sa Showbiz
German Moreno Manger / Host / TV Icon / Actor / Singer c
jonathan2rivers.blogspot.com
W
Lovi Poe, 'di pa handang muling umibig
Jed Madela Singer c
www.abs-cbnnews.com
alang artista ang hindi nakasama ang nag-iisang si German Moreno o Kuya Germs sa nakararami. Kaya naman sa pagdiriwang ng kaniyang 50th year on showbusiness, hindi kataka-takang maging star-studded ang selebrasyon sa tribute na pinamagatang 50 Years With the Master Showman. Kabilang sa mga pumunta ang mga batikang aktor at aktres na sina Gloria Romero, Susan Roces, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Raymond Lauchengco, Rachel Alejandro, Kimpee de Leon, at maging ang international singer na si David Pomeranz. Ilan sa kanila ang nag-alay ng performance at nagbahagi ng kanilang moments with Kuya Germs. Bukod sa mga well-established na personalidad sa showbiz, dumalo rin sa tribute ang mga batang actors and actresses na sina Alden Richards, Bea Binene, Aljur Abrenica, Barbie Forteza, at Louise de los Reyes. Nagpakitang-gilas din sila sa pamamagitan ng isang dance number para kay Kuya Germs. Ni-launch din sa tribute na ito ang coffee table book n a pi n a ma ga t a n g Kuya Ge r ms: 5 0 Ye a r s i n Showbiz ng GMA Network.
A
Lovie Poe Actress / Singer / Model c www.showbiz-portal.com
yaw munang mag-commit sa isang relasyon ng actress na si Lovi Poe. Kahit na napapabalitang very close sila ng actor na si Jake Cuenca, hindi pa siya handang muling pumasok sa isang relasyon. “So many things happened to me for the past few years,” sabi niya sa “The Buzz” interview noong April 28. “I want to take my time first kasi ‘di rin talaga biro ‘yung nangyari sa akin.” Inamin niya namang special at sobrang mabait ang nali-link sa kaniyang si Jake. Ayon sa kanya, sinusuportahan nila ang isa’t isa in a positive way. Matatandaang nasabit sa kontrobersya ang pangalan ni Lovi Poe nang makasuhan ng drug possession ang kaniyang kasintahan noong 2011 na si Ronald Singson. Itinanggi naman niyang ang isyu ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng batang pulitiko. “Aside from the distance and time together, there are a lot of people around us that I couldn’t deal with anymore,” banggit pa niya. Samantala, nananatili pa rin naman daw silang magkaibigan ni Singson dahil hindi rin biro ang pinagsamahan nilang dalawa.
22
June 2013
Zendee, maglalabas ng Album
Zendee Rose Tenerefe Singer / YouTube Sensation c
purpleplumfairy.blogspot.com
G
umagawa na ng sariling pangalan si Random Girl ngayon. Ang youtube sensation na si Zendee Rose Tenerefe o mas sikat sa pangalang Zendee ang “random girl” na nakitang kumakanta ng And I’m Telling You I’m Not Going sa isang mall. Ngayon, hindi na siya isang random girl dahil naglabas na ng kaniyang sariling album entitled I Believe ang 21-year old lass from General Santos City. Prinoduce ng Warner Music Philippines ang nasabing album at nang tinanong kung bakit nirelease ang album ngayong hindi na mainit na issue ang tungkol kay Zendee, binanggit ng album producer na si Neil Gregorio na hindi naman daw kasi minadali ang album ni Zendee. Mas priority raw kasi nila ang quality kaysa quantity. Sulit naman ang paghihintay ng followers ni Zendee dahil mga international composers ang kinomisyon upang gumawa ng kanta para sa album, kabilang na ang The Ones You Love na original composition ng hitmaker na si Dianne Warren.
Daloy Kayumanggi "Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Ariella Arida, aariba sa Miss Universe 2013
M
atapos malunod ng mga tao sa iba’t ibang klaseng walk ng mga Philippine representatives sa Miss Universe nitong mga nakaraang taon, umaariba naman sa kaniyang sariling yapak ang Bb. Pilipinas-Universe winner na si Ariella Arida. Excited na ang bagong beauty queen na gampanan ang kaniyang role bilang ambassadress ng goodwill. At, hindi lamang ito ang kaniyang responsibilidad. Ayon pa sa kaniya, gusto niya nang sumali at sumama sa Bb. Pilipinas Charities Operation Smile, isang medical mission para sa mga bata. Binanggit din ng 24-year old na Chemistry
graduate mula sa UP Los Banos na bagamat may mabigat siyang responsibilidad upang irepresenta ang bansa sa pageant, hindi niya pa rin malilimutan kung paano at saan siya nagsimula. Aminado si Ara na siya ay isang late bloomer—pumapasok na naka-pajama, walang make-up na parang bagong gising. Ngayon ngang rarampa siya sa stage ng Miss Universe ngayong taon gamit ang kaniyang Ariba Walk, nararamdaman niyang nasa hot seat siya at ang lahat ng mga mata ay nasa kaniya.
Ariella Arida Model c
ph.omg.yahoo.com
Bagong Manliligaw ni KC NBA Player
M
aka-score kaya sa tv host singer and actress na si KC Concepcion ang napapabalitang bago niyang manliligaw? Puno ng pang-iintriga mula kay Kris Aquino sa kaniyang programang Kris TV ang natanggap ni KC nang tanungin siya ng host kung may laro ba ang Houston Rockets. “Sinabi mo na ang Houston Rockets may laro today? Wala namang masama kung may laro sila. If they win, may chance pa silang tumuloy. Kung matalo, tanggal na, babu. So, darating na siya rito kung matalo,” patuloy na pang-aasar ni Kris sa dalaga. Napatili naman dahil sa kilig ang
ilang miyembro ng audience. Itinanggi naman ito ni KC at sinabing friends lamang sila. Si Chandler Parsons ng Houston Rockets ang binabanggit ni Kris na rumored suitor ni KC. Follower ito ng dalaga sa kaniyang Twitter at napabalitang nagpapalitan ng mensahe ang dalawa ilang buwan na ang nakakaraan. Nauna nang umamin ang Black Eyed Peas singer na si apl.d.ap sa panliligaw sa dalaga ngunit tinigilan ito nang maging busy. Samantala, wala pang naging boyrfriend si KC matapos makipaghiwalay kay Piolo Pascual noong 2011.
KC Conception Actress / TV Host / Model c
httpboardwalk.com.ph
23
June 2013
Daloy Kayumanggi "Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"
HOT TV, nanlamig na
c
c
TV. Sa mga nakaraang buwan, bunsod ng election season, kapansin-pansin ang unti-unting pagkalagas ng mga mainstay host nito na sina Roderick Paulate, na nag-leave dahil sa pagtakbo ng councilor sa Quezon City; at Raymond Gutierrez na tinutulungan naman ang inang si Anabelle Rama sa pagtakbo ng huli bilang congresswoman sa Cebu City. Huling nag-anunsyo ng kaniyang leave ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez upang makapagrecover sa kondisyon na acid reflux. Matatandaang, inanunsyo ito ng singer-actress noong Abril 28, matapos payuhan ng kaniyang doktor na mag-leave muna sa kaniyang trabaho sa loob ng isang buwan. Nakatakda ring sumailalim sa endoscopy si Regine Velasquez. Si Jennylyn Mercado na lamang ang natirang mainstay host ng Hot TV. Dahil dito, nagdesisyon ang team na mag-off air.
philippinenews.com
Amalia Fuentes Actress whynotcoconut.com
C
onfirmed na ang pagsasama ng dalawang reyna ng pelikula sa isang teleserye ng ABS-CBN starring Julia Montes at Enrique Gil. Maghahandog sa mga manonood ng muling pagsasama nina Susan Roces at Amalia Fuentes sa Muling Buksan ang Puso sa Primetime Bida. Huling nagkasama ang dalawang
M
atapos ang siyam na buwan sa ere, itinigil na ang pagpapalabas ng Sunday afternoon showbiz program ng GMA 7 na Hot
Amalia, Susan, magsasama sa Primetime malaking pangalan sa mundo ng pelikula at telebsiyon noong 1968 para sa pelikulang Cover Girls. Naging mainit na magkaribal ang dalawa noong 1960s at muli itong bubuhayin sa kani-kaniyang role para sa nasabing teleserye. Kontrabida ang gagampanan ni Amalia na siyang sisira sa buhay ng karakter ni Susan
The Lylas, inilabas na ang album
Susan Roces Actress whynotcoconut.com
c
Roces. Nakasentro ang kanilang pagaaway sa pag-ibig ni Susan Roces na gagampanan naman ng batikang aktor na si Dante Rivero. Kahit na matinding awayan at salpukan sa kani-kaniyang gaganapan ang dalawang aktres, matalik silang magkaibigan sa totoong buhay.
Kris Aquino Actress / TV Host / Model c
kalatas.com.au
Kris, papasok sa pulitika
M
ukha ngang politics is in her blood. Nagpahayag na si Kris Aquino ng intensyong tumakbo bilang gobernador ng Tarlac sa 2016 national elections. Susundan na ni Kris ang yapak ng kaniyang national hero father na si Benigno Aquino at first woman president mother na si Cory Aquino. Ngayon ngang nasa ikatlong taon na ng termino sa pagkapangulo ang kaniyang kuya Noynoy, mukhang handa na ang Queen of All Media na sumabak sa pulitika. Bagamat matagal nang usap-usapan ang kaniyang nalalapit na pagtakbo, marami ang nag-akala na sa Makati, kung saan siya residente, siya tatakbo bilang Mayor. Matatapos na ang termino ng Gobernador ng Tarlac na si Vic Yap na muling tumatakbo sa pagka-mayor ngayong taon. Gusto raw kasi ng presidential sister na may maiambag sa kanyang bayan. Sa ngayon, pinaghahandaan ni Kris ang pagkuha ng kurso sa Governance.
H
indi na lamang ang half Pinoy singer / composer / producer na si Bruno Mars ang aabangan ng mga Pinoy sa ‘Pinas at sa buong mundo. Nakikipagsabayan na rin sa kaniya ang apat pa niyang mga kapatid na babae na mas kilala bilang Lylas o pinaikling Love you like a sister. Ngayong buwan inilabas ng Lylas ang kanilang album na pinamagatang Come Back. Mula sa pamilyang pinalaki sa pagmamahal ng musika, ipinakita ng Lylas ang kanilang malalamig na tinig at himig. Patutunayan din ng mga nagggagandahang dalagang ito na ang pamilya Hernandez mula sa Hawaii ay hindi lamang naghatid sa buong mundo ng tinig ni Peter Hernandez – o Bruno Mars – kundi ng the Lylas din na binubuo nina Tiara, Tahiti, Presley at Jaime Kailani. Pinaghahandaan ng magkakapatid na mga half-Pinay ang kanilang planong concert sa Pilipinas ngayong taon.
Ogie Alcasid Singer / Actor / TV Host / Comedian c
Camille Prats Actress / Model / TV Host c
c
www.josepvinaixa.com
Arnel Pineda, gustong maging entreprenuer
M
arami nang nalampasang pagsubok sa buhay si Arnel Pineda bago pa siya naging lead singer ng international group na Journey. Ngunit ngayon, may bago siyang kahaharapin sa kaniyang pag-venture sa business. Bago pa siya naging sikat na singer, nagbukas si Arnel Pineda ng isang kainan sa Balintawak na pinamahalaan ng kaniyang asawa. Nagbukas din siya ng isang music bar na pingalanan niyang Rockville sa Timog Avenue, Quezon City. Hindi nagtagal ay kapwa nagsara ang dalawang store ni Arnel. Mayroon naman siyang natutunan sa mundo ng entrepreneurship. Kailangang alam ng businessman ang magandang lokasyon para sa kaniyang business. Isa sa mga dahilan kung bakit nagsara ang kaniyang music bar ay dahil sa kaliitan ng parking space. Hindi pa rin sumusuko si Arnel at nagpahayag siya ng kagustuhang matuto ng business. Ngunit hindi naman umano niya iiwanan ang kaniyang singing career anuman ang mangyari.
www.philstar.com
www.philstar.com
GMA-7, may game show para sa mga bagets
M
Ariel Pineda Singer c
biography.com
ukhang may bagong pagkakaabalahan ang mga kids bunsod ng pinakabagong game show ng GMA-7 at ng Wyeth Nutrition – ang Bonakid Pre-School Ready, Set, Laban. Ang show na hosted by singer-composer Ogie Alcasid, ay may iba’t ibang challenges na naka-set bilang obstacle course. Bawat episode, dalawang mother-kid tandem ang maglalaban at pagdadaanan ang lahat ng challenges. Ang Triple Boost Maze naman ang main challenge na tiyak na susubukin ang talino at lakas ng mga mag-iina. Excited naman ang celebrity dad na si Ogie Alcasid na mag-host ng isang family-oriented program. Natutuwa siyang makita na nalalampasan ng mga kids ang bawat challenge habang sinusuportahan sila ng kanilang mga nanay. Bukod sa fun and bonding na mararanasan ng bawat pamilya, isang milyong piso rin ang at stake sa larong ito. Mapapanood ang Bonakid Pre-School Ready, Set, Laban tuwing Sabado ng tanghali, bago ang Eat Bulaga.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino