Inspiring Global Filipinos in Japan
Vol. 5 Issue 77 July 2018
Murang cosmetics all made in Japan www.dk6868.net
FREE DELIVERY
BALITANG SPORTS
BALITANG SHOWBIZ
Mukhang sineseryoso talaga ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang darating na laban sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur.
Matapos mapasali sa isang motorcyle accident, kasalukuyang nagpapagaling si Mister International 2014 Neil Perez.
PacMan, tuloy-tuloy ang sparring sessions para sa laban kay Matthysse
Dating Mr. International Neil Perez, ooperahan matapos ang aksidente
ROMBLON
If you purchased 10,000yen or more of our hundreds of Health Supplements and Beauty Products here @DKSTORE Sundan sa Pahina 12, 13, at 20
Sundan sa Pahina 19
Sundan sa Pahina 21
NAGIGING ALTERNATIBO NG BORACAY
KONTRIBUSYON USAPANG OFW ni KUYA ERWIN
66 na bansa, visa-free na para sa mga Pilipino
Bago Mag-For Good: Mag-Negosyo Na Agad Habang Nasa Abroad Pa (Part 1)
Sa unang tatlong araw ng klase ng programa ng Ateneo Leadership and Social Entreprenuership (LSE) dito sa Tokyo, parehong lumabas ang plano sa pag-nenegosyo.
sundan sa Pahina 8
TAMPOK
The National Shrine and Parish of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas
Kakaiba sa ibang trip ko rati sa Batangas ay talagang nagsimba lang kami sa National Shrine and Parish of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas. Ang akala ko ay mahabang viaje at araw ang gugulin naman dito pero kaya naman pala ng ilang oras lang mula Maynila.
Mas dumami na ang mga bansa na puwedeng bisitahin ng mga Pilipino nang walang visa. Ito ay matapos naidagdag sa listahan ang tatlong bansa na nagbigay ng visa-free access sa mga Pilipino. Ibig sabihin nito ay 66 na ang mga bansa na may ganitong arrangement sa Pilipinas. Ang China, South Korea at Taiwan ang tatlong pinakabagong bansa na napalibang sa visa-free countries na ito. Ino-offer ng China ang visafree access sa mga Pilipino...
BALITANG GLOBAL PINOY
Pinakaunang Resort Airport Terminal sa mundo, magbubukas sa Cebu sa Hulyo Sa Pilipinas, makikita ang pinakaunang resort airport terminal ng mundo. Ang airport terminal na ito, na magsisilbing pangalawang terminal ng Mactan International Airport sa Cebu, ay pinasinayaan na ni Pangulong Duterte noong Hunyo 7. Binubuo ang terminal ng may kabuuang 65,500 na square meters. Inaasahang makakaya nitong humawak ng hanggang walong milyong pasahero kada taon. Ang terminal na ito ay gawa ng isang consortium na binubuo ng Megawide Construction Corporation ng Pilipinas at GMR Infrastructure Ltd. ng India. Ang GMR ay ang operator ng Hyderabad International Airport at Delhi International Airport ng India.
BALITANG GLOBAL
Sundan sa Pahina 5
Anim na mga estudyante KA-DALOY OF THE MONTH sa Taguig, panalo sa isang science exhibit sa Malaysia Pinay, grumaduate ng sundan sa Pahina 14
Sundan sa Pahina 2
Summa Cum Laude sa UCLA sa Amerika
K
atunayan, isa na namang Pilipina ang grumaduate ng summa cum laude sa University of California at Los Angeles (UCLA) kamakailan. Siya si Patricia Bunda na nagtapos ng Bachelor of Science in Molecular, Cell, and Developmental Biology, Minor in Biomedical Research.
Sundan sa Pahina 7
Anim na estudyante mula sa Taguig Integrated School ang nakakuha ng ginto at pilak na medalya sa isang malaking international engineering invention and innovation congress sa Malaysia. Nanalo sila dahil sa kanilang makabago pero praktikal na mga gamit sa bahay. Ang dalawang produkto na ito ay ang Euphorbia Hirta Dengue-Relieving Tea at Coconut Oil, basil and Beeswax Anti-Bacterial and Mosquito Repellant Candle. Ang tsaa na nakakuha ng gold medal ay gawa ng pangkat ni Franxes Keisha Joven, Francis Elija Valdez at Kenth Andrew Gallarda.
Mga Pulis na naghihilik habang on-duty, dapat sampulan Kamakailan, napabalitang nagkaroon ng raid sa ilang mga istasyon na ang layunin ay hulihin ang ilang mga pulis na tulog habang naka-duty. Oo't mahirap ang isang pagiging pulis, ngunit dapat ding isaalang-alang ng ilang mga nahuling pulis na maraming dapat na gawin kapag sila ay naka-duty.
Sundan sa Pahina 6
BALITANG SHOWBIZ
Alden Richards, at ang Ex Battalion, nagsama para sa theme song ng bagong serye Dual ang magiging role ni Alden Richards sa kanyang bagong fantasy teleserye na "Victor Magtanggol." Bukod sa bida siya, siya rin ang isa sa kakanta sa theme song ng bagong palabas na pinapatugtog sa simula. Sundan sa Pahina 22
McCoy de Leon at Elisse Joson, may pagbibidahang pelikula
Opisyal nang magkakaroon ng pelikula ang love team na McLisse. Binubuo nina McCoy de Leon at Elisse Joson, ang love team na ito ay never pang bumida sa isang film project. Sundan sa Pahina 23
FB FAN PAGE
DIGITAL VERSION
ORDER WEBSITE
Sundan sa Pahina 4
D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
EDITORIAL
sundan sa Pahina 7
TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com
Daloy Kayumanggi
JULY 2018
2
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
66 na bansa, visa-free na para sa mga Pilipino MAS DUMAMI na ang mga bansa na puwedeng bisitahin ng mga Pilipino nang walang visa. Ito ay matapos naidagdag sa listahan ang tatlong bansa na nagbigay ng visa-free access sa mga Pilipino. Ibig sabihin nito ay 66 na ang mga bansa na may ganitong arrangement sa Pilipinas. Ang China, South Korea at Taiwan ang tatlong pinakabagong bansa na napalibang sa
Palawan, na-feature sa US Network na TLC
ITATAMPOK sa pinakaunang regional cruise-themed program na The Philippines' Last Frontier ang Palawan. Ang programa, na kasama sa mga aktibidad ng Department of Tourism (DOT), ay nasa sentro ng regional camapign na isasagawa sa iba't ibang parte ng kontinente. Ang programa ay may apat na episodes. Kada episode ay may 30 minuto na running time na naglalayong isabuhay ang natural wonders at cultural traditions sa Palawan. Isa sa mga destinasyon na pupuntahan ng programa ay ang Mt. Tapyas sa Coron. Ito ang pangalawang pinakamataas na bundok sa isla. Sigurado ring may shoot sa mga rock formation sa Coron at sa Maquinit Hot Springs, isa sa mga iilan lang na saltwater hot springs sa mundo. Ang Palawan ay parte ng pinakaimportanteng bahagi ng bansa para sa tourism sector. Kabilang dito ang Boracay at Maynila, o ang tinatawag na Turquoise Triangle. Ie-ere ang The Philippines' Last Frontier sa Discovery-TLC. Ang American network na ito ay mageere ng episodes sa Southeast Asia, India at Taiwan sa susunod na taon.
visa-free countries na ito. Ino-offer ng China ang visa-free access sa mga Pilipino kung pupunta lang sila sa Hainan province ng bansa. May visa-free access na rin ang mga Pinoy sa Taiwan simula noong Nobyembre 2017. Ang South Korea naman ay panandaliang nag-offer ng visa-free access dahil sa 2018 Winter Olympics. Dahil sa nadagdag na mga bansa sa visa-free countries, ang mga Pinoy ay nasa pampito na sa pinakamalakas na passport sa Southeast Asia. Nasa pinakamataas na puwesto ng global rankings ang Japan, Singapore,
South Korea, Finland, France, Italy, Spain at Sweden.
Pilipinas, country in focus sa 2018 Singapore Media Festival
film work. Ang Singapore Media Festival ang pinakamalaking international media event sa Southeast Asia. Kabilang sa mga event dito ay ang Singapore International Film Festival (SGIFF), Asian Television Awards (ATA) at Asia TV Forum & Market. Pinamumunuan ito kada taon ng government agency na Infocomm Media Development Authority of Singapore (IMDA). Ang 2018 Singapore Media Festival ay gaganapin sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 9 ngayong taon.
Tourism campaign ng DOT, nanalo ng tatlong YouTube Ad Awards
Pilipinas, most improved ang Internet connection sa Asya
ANG PILIPINAS ang magiging Country in Focus sa 2018 Singapore Media Festival. Ang event na ito ay magbibigay ng pansin sa mga magagandang kuwento at talento ng mga Pilipino. Inanunsyo ng mga organizers ng media festival ang pagkakapili ng Pilipinas dahil sa gusto nitong makiisa sa pagdiriwang ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino. Ayon kay Liza Dino, na Chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), magandang oportunidad daw ang Singapore Media Festival upang ipakita ang galing ng mga Pilipino sa media at
IBINIGAY ng YouTube Ads Awards Philippines sa Department of Tourism (DOT) ang tatlong award nito upang purihin ang kanilang tourism campaign. Pinamagatang "Anak," ang ad na ito na tumatagal ng isang minuto ay sumasagot sa katanungan kung bakit "It's More Fun in the Philippines." Ang tatlong awards na nakuha ng DOT ay ang Best in Overall Performance, Creative and Media, ang pangatlong posisyon sa Travel, Transportation, Automotive and Leisure category at pangatlong premyo sa Corporate Image and Public Service category. Nakakuha na ng kabuuang 14.5 milyon na views ang "Anak" sa YouTube. Ito ay mula noong inilabas ito sa platform simula nung Enero 2017. Malaking parte ng shooting ng advertisement na ito ay isinagawa sa Enchanted River sa Hinatuan, Surigao. Nasa ad ang interaksyon sa pagitan ng isang inang Pilipina at ng foreign tourist na si Jack Ellis. Sinundan ng “Anak” ang sikat na tagline ng DOT na “It’s More Fun in the Philippines.”
AYON SA DATOS NG OOKLA, ang Pilipinas ang may pinaka-improved na Internet connection sa Asya. Lumakas ng mahigit limang beses ang broadband download speeds ng bansa. Sa Speedtest Global Index Report ng Ookla, umabot na ng 17.62 Mbps sa Abril 2018 ang fixed broadband download speed sa Pilipinas. Lumaki ito ng 403 percent mula sa download speed noong 2014 na nasa 3.5 Mbps lamang. Ang paglakas ng Internet speed sa Pilipinas ay sanhi ng mga investment ng mga telecommunication company sa kanilang mga pasilidad. Sa kasalukuyan, ang Globe ang may pinakamalawak na 4G availability sa bansa. Naghahanda na ng $850 milyon hanggang $900 milyon ang kumpanya upang mas palakasin ang kanilang Internet speeds. Sa unang tatlong buwan pa lang ng 2018, gumastos na ang Gobe ng Php6.6 bilyong upang palawigin ang kanilang network. Parte ito ng mga ginagawa ng Globe upang mas palakihin pa ang subscriber base at data demand nila. May 934 na LTE sites ang naitayo sa iba't ibang parte ng bansa sa unang quarter ng 2018.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
3
3
Pinakaunang resort airport terminal sa mundo, magbubukas sa Cebu sa Hulyo
SA PILIPINAS, makikita ang pinakaunang resort airport terminal ng mundo. Ang airport terminal na ito, na magsisilbing pangalawang terminal ng Mactan International Airport sa Cebu, ay pinasinayaan na ni Pangulong Duterte noong Hunyo 7. Binubuo ang terminal ng may kabuuang 65,500 na square meters. Inaasahang makakaya nitong humawak ng hanggang walong milyong pasahero kada taon. Ang terminal na ito ay gawa ng isang
consortium na binubuo ng Megawide Construction Corporation ng Pilipinas at GMR Infrastructure Ltd. ng India. Ang GMR ay ang operator ng Hyderabad International Airport at Delhi International Airport ng India. Ang Mactan International Airport ay ginawan ng pangalawang terminal, dahil sa lumalaking tourism market nito sa ibang bansa. Sa katunayan, ang Cebu na ang top tourist destination ng Pilipinas, lalo na sa mga bansa gaya ng South Korea, China, at Japan.
AirAsia, magsasagawa ng mas madaling baggage check-in
INANUNSIYO ng Malaysian-owned, Philippinebased carrier na AirAsia Philippines na ipatutupad na nila sa mga susunod na buwan ang kanilang ipinagmamalaking "seamless" baggage check-in. Ito ay upang hindi maging mahirap para sa mga pasahero ng airline ang pag-check in ng kanilang mga bagahe kapag sila ay lilipad. Ayon kay AirAsia Philippines CEO Dexter Comendador, magagawa na ng mga pasahero ang pag-check in nang sila lang. Kailangan lang daw siguraduhin ng mga pasahero na hindi hihigit sa 20 kilo ang mga bagahe at maleta na kanilang dala. Kung hihigit ito, hindi lalabas ang printed check-in
Opisyal na magbubukas sa publiko ang Terminal 2 ng Mactan International Airport sa Hulyo 1. Sa petsa na ito, magsisimula na ang mga commercial flights sa paliparan.
receipt at kailangan munang magbayad sa counter. Ang bagong sistemang ito ay parte ng mga ginagawa ng AirAsia upang mas maging digital ang kanilang mga serbisyo. Bukod sa bagong check-in system, ginagawa na rin ng AirAsia ang kanilang makakaya upang masimulan ang pagpapatupad ng Phase 2 ng kanilang safety management system. Ang system na ito ay nagmo-monitor sa mga nangyayari sa loob ng eroplano at kung ano ang ginagawa ng piloto habang nasa himpapawid.
Bloomberry, magtatayo ng pangalawang resort sa Metro Manila
INAASAHAN ng Bloomberry Resorts Corp. na magsisimula na ang pagtatayo ng kanilang planong resort at casino sa Quezon City sa susunod na taon. Ang proyekto na ito ang magiging pangalawang commitment ng kumpanya sa bansa. Ang kumpanya ang nagtayo ng Solaire Resorts and Casino. Kasalukuyan na lang daw na tinatapos ang disenyo ng resort. Kasama sa gumagawa ng disenyo ang engineering consultants at in-house designers nila. Tantiya ng kumpanya na matatapos ang bagong resort na ito sa 2022. Bagama't mas maliit ang resort and casino property kung ikukumpara sa Solaire Resorts and Casino, malaki ang tiwala ng kumpanya na magiging kasing matagumpay ito.
Isa sa mga dahilan kung bakit gustong palawakin ng Bloomberry Resorts ang kanilang operasyon sa bansa ay dahil sa paglago ng tourism sector. Ayon sa estimate ng CEO na si Enrique Razon, Jr., umabot ng $300 milyon ang nai-contribute ng tourism industry sa gaming revenues ng bansa noong isang taon.
Pilipinas at South Korea, pumirma ng loan agreement para sa Cebu Seaport
PUMIRMA ang Pilipinas at South Korea ng isang kasunduan kung saan pahihiramin ng South Korea ang bansa upang masimulan ang pagpapatayo ng international container port sa Cebu. Ito ay upang mas maging epektibo ang paggamit sa seaport ng siyudad na isa sa mga pinakaimportanteng port cities sa Southeast Asia. Ang kasunduang ito ay parte ng limang agreements na parte ng loan accord sa pagitan ng dalawang bansa. Pinirmahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez bilang kinatawan ng pamahalaan ang loan agreement kasama si Sung-Soo Eun, ang kasalukuyang chairman at
presidente ng Export Import Bank of Korea. Ang Cebu International Container Port na ito ay magkakahalaga ng Php 10.1 bilyon. Ito ay itatayo sa 25 ektarya ng reclaimed land sa bayan ng Consolacion. May counterpart na Php1.4 bilyon ang Pilipinas sa halagang ito. Ang loan na ito ay may maturity period na 40 taon. May nakalakip itong grace period condition na 10 taon.
Philippine Pavillion sa Venice Biennale, binuksan na
OPISYAL NANG BINUKSAN sa publiko ang pavilion ng bansa sa ika-16 na Venice Architecture Biennale. Ang entry na pinamagatang "The City Who Had Two Navels," ay inaabangan ng mga pupunta sa exhibit. Dalawang tanong ang tuon ng entry ng Pilipinas. Ang una ay kung maiiwasan nga ba ang kolonyalismo at kung ang neoliberalismo na nga ba ang bagong anyo ng kolonyalismo. Hinihikayat ng entry ang mga manonood na isipin at pagnilayan ang sagot sa mga tanong na ito. Si Edson Cabalfin ang napiling curator ng Philippine entry. Ang kanyang proposal ang napili ng Coordinating Committee sa 12 proposal na naisumite. Nauna nang binuksan sa private viewing o vemmisage ang entry ng Pilipinas noong Mayo 24. Ang Philippine Pavilion ay isang proyekto na gawa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), the Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Tourism (DOT). Tumulong din ang Office of Senator Loren Legarda sa exhibit. Parte ang Philippine Pavilion sa Biennale na inorgaisa ng La Biennale di Venezia. Ang event na ito ay magtatagal hanggang Nobyembre 25.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
JULY 2018
4 4
BALITANG GLOBAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Anim na mga estudyante sa Taguig, panalo sa isang science exhibit sa Malaysia ANIM NA ESTUDYANTE mula sa Taguig Integrated School ang nakakuha ng ginto at pilak na medalya sa isang malaking international engineering invention and innovation congress sa Malaysia. Nanalo sila dahil sa kanilang makabago pero praktikal na mga gamit sa bahay. Ang dalawang produkto na ito ay ang Euphorbia Hirta Dengue-Relieving Tea at Coconut Oil, basil and Beeswax Anti-Bacterial and Mosquito Repellant Candle. Ang tsaa na nakakuha ng gold medal ay gawa ng pangkat ni Franxes Keisha Joven,
Filipino-Belgian, panalo sa Belgium`s Got Talent
ANG FILIPINO-BELGIAN na si Ian Lodens at ang kanyang dancing partner na si Natashca Van Es ang nanalo sa katatapos lang na 2018 season ng "Belgium's Got Talent." Natalo nina Lodens ang 11 iba pang mga acts sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang acrobatic dance routine. Dahil sa pagkapanalo ni Lodens, mag-uuwi siya ng cash prize na 50,000 euros. Sabi ni Lodens na malaki ang kanyang pagpapasalamat sa premyo. Nagpapasalamat din siya sa kanyang partner na si Natascha dahil sa sobrang galing nito. Gagamitin niya ito upang bisitahin ang Pilipinas kasama ang kanyang ina. Naging emosyonal si Lodens nang inanunsyo ang kanyang pagkapanalo. Masaya na daw sana siya bilang isang three-time world jujitsu champion pero ibang saya daw ang dala ng pagkapanalo sa reality competition. Pinuri niya rin ang ibang mga katunggali niya. Masaya ang inang Pilipina ni Lodens at malaking tulong daw ang panonood at pagboto ng mga Pinoy upang masungkit ni Lodens ang premyo.
Francis Elija Valdez at Kenth Andrew Gallarda. Ang kandila naman ay gawa nina Issachar Philippe'e Zerda, Ivan Gabriel de Lumen at Vien Kiosoffe Lopez. Ginanap ang International Engineering Invention and Innovation Exhibition sa Universiti Malaysia Perlis sa Perlis, Malaysia. Ang mga nag-organisa nito ay ang International Federation of Inventors' Association at ang World Invention Intellectual Property Association. Ang mga koponan na ito ay tinulungan ng mga faculty members na sina Rosenda Puno,
Grace Binalla at Georgie Amaranto. Nagbigay rin ang Aboitiz Foundation ng mga learning facilities at tulong-pinansiyal.
Bollywood star, nagsuot ng gown ni Michael Cinco PINAHANGA ni Bollywood superstar Aishwarya Rai ang red carpet crowd sa katatapos lang na 71st Cannes Film Festival. Suot niya sa event na ito ang isang gown ng sikat na designer na si Michael Cinco. Ang idinisenyo ni Cinco ay hango sa anyo ng mga paru-paro. Binubuo ito ng mga kulay lila na Swarovski crystals. May kabuuang tatlong libong oras ang ginugol upang matapos ang gown. Ayon kay Cinco, naging inspirado raw niya ang proseso ng metamorphosis na pinagdadaanan ng mga paru-paro. Sinabi niya ito sa isang post sa kanyang Facebook account. Hindi ito ang unang beses na nagsuot si Rai ng isang gawa ni Cinco. Noong 2017 Cannes Film Festival din, suot niya ang isang skirted powder blue gown.
Filipino-American, ginawaran Pilipina, magtratrabaho sa ng Emerging Artist Laureate sa Victoria`s Secret California
PINANGALANAN ang Filipino-American na si Tasi Alabastro bilang Emerging Artist Laureate sa 2018 Silicon Valley Arts Awards. Inanunsyo si Alabastro bilang fellow dahil sa kanyang pagmamahal sa sining. Inilalarawan ng SVLaureates program si Tasi bilang isang aktor at online content creator. Ang mga obra niya ay nakatuon sa paglalarawan ng kultura at komunidad na nagpapalibot sa kanya. Ang kanyang mga gawa ay napakita na sa iba't ibang mga galleries sa San Francisco. Naitampok na rin ito sa mga pahayagan gaya ng Content Magazine at Tayo Magazine. Bukod sa kanyang trabaho bilang isang online content creator at aktor, parte din siya ng Square Marden, isang media production team. Isa din siya sa gumawa ng web series na The Chronicles of EMS, isang web series na nagtatalakay ng iba't ibang mga issues na kinakaharap ng healthcare at emergency medical services. Ipinanganak si Tasi bilang Ryan Tasi Francisco Alabastro. Parehong Pilipino ang kanyang mga magulang. Lumaki siya sa American Samoa.
NAKAMIT na ng Kapampangan commercial model na si Kelsey Merritt ang isa sa kanyang mga pangarap matapos siyang mapasali bilang siya sa mga modelo ng Victoria's Secret sportswear sa New York. Kinumpirma ni Kelsey na may stint siya sa Victoria's Secret sa kanyang opisyal na Instagram account. Inihayag niya ang kanyang kasiyahan sa pagkakabilang niya sa mga models ng sikat na kumpanya. Ang Pilipina na kasalukuyang nakabase sa Amerika ay 21 taong gulang pa lang. Mula pa noong 2017 nang nag-tweet siya na balang araw maging VS model din siya, umangat na ang pangalan ni Kelsey. Ilang taon din niyang pinagsabay ang pag-aaral sa Ateneo de Manila University at ang kanyang karera bilang isang ramp at commercial model. Maaalalang naging miyembro ang Filipino-American model ng Professional Models Association of the Philippines (PMAP) noong andito pa siya sa bansa.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Romblon, nagiging alternatibo sa Boracay MATAPOS ISAILALIM ang isla ng Boracay sa rehabilitation, unti-unting umuusbong ang Romblon bilang isang top tourist destination sa bansa. Ang probinsya, na sikat bilang Marble Capital of the Philippines, ay may magagandang mga isla na makikita lang din malapit sa Boracay. Isa sa isla ng probinsya ang tinatawag na Cresta de Gallo, na matatagpuan malapit sa Sibuyan Island. Halos hindi pa ito binibisita ng mga turista pero may taglay itong magandang beach na puno ng puting buhangin. Inilista din ng Department of Tourism (DOT) ang mga isla ng Tablas, Cobrador, Bon-Bon at Nonok-Nonok bilang mga magandang mga attractions sa Romblon. Kailangan din na bisitahin ng mga turista ang mga talon ng Busay, Trangkalan at Dagubdub.
Mga lumang simbahan, nilagay sa commemorative posts ng PHLPost
SAMPUNG mga lumang simbahan ang inilagay sa mga commemorative stamps na inilabas upang ipagdiwang ang National Heritage Month. Layunin ng proyektong ito na ipagmalaki ang magandang arkitektura na nailabas noong panahon ng mga Kastila. Ang mga stamp na ito ay magandang paraan upang mapangalagaan ang kagandahan ng mga simbahang ito. Ang sampung mga lumang simbahan na nasali sa mga stamps ay ang Santa Monica Parish (Pampanga), San Matias Parish (Isabela), Santa Monica Parish (Capiz), Tayum Church (Abra), Namacpacan Church (La Union), Boljoon Church (Bohol), Santa Maria Parish (Ilocos Sur), Dauis Church (Bohol), Miag-ao Church (Iloilo) at Mahatao Church (Batanes).
Bukod diyan, nagiging sikat na rin sa mga mountaineers ang Mount Guiting-Guiting. Nagbibigay ito ng magandang hamon para sa kanila dahil sa mahirap na terrain. Hindi pa man naaabot ng Romblon ang kasikatan ng ibang destinasyon gaya ng Cebu at Palawan, nagiging alternatibo pa rin ito sa mga turista.
Matatandaang malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mga Spanish colonial churches na ito kaya pinapalakas ang preservation efforts sa pamamagitan ng pagpapalawig ng kaalaman ng mga tao at exhibits patungkol sa mga lumang simbahan. Ang commemorative stamps na ito ay proyekto ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), PHLPost at ng photography group na FUNtastic Philippines.
Malagos Chocolate ng Davao, Dalawang Choir sa Cavite, nanalo ng limang premyo sa nanalo sa isang kumpetisyon Inglatera sa Bulgaria
NAKUHA NG MALAGOS CHOCOLATE ng Davao ang limang tropeo sa katatapos lang na 10th Academy of Chocolate Awards sa United Kingdom. Napanalunan ng Malagos ang Silver para sa Plain milk-based drinks category. May bronze medal ang kumpanya sa Plain milk-based drinks at bronze sa Tree to Bar category. Malaking karangalan ang limang awards na nakuha ng Malagos Chocolate lalo pa at 1,200 entries ang naisumite para sa konsiderasyon. Ito na ang pang-apat na taon na nanalo ang chocolate maker sa prestihiyosong awards giving body na nakabase sa London. Nanalo na rin ng ilang tropeo ang Malagos Chocolate sa parehong award-giving body noong 2015, 2016 at 2017. Ang mga nanalo ay pinili ng ilan sa mga pinakakilalang chocolatiers sa industriya. May mga award na din sila mula sa mga award-giving bodies mula sa ASEAN, UK, Germany at France.
5
5
DALAWANG CHORAL GROUPS mula sa Cavite ang nanalo ng mga malalaking awards sa kakatapos lang na 39th International May Choir Competition Prof. George Dimitrov. Ang Imusicapella, ang church choir sa Our Lady of the Pillar Parish sa Imus, ang nag-uwi ng prestihiyosong 2018 Grand Prix Varna award. Napanalunan din nlia ang first prize sa Chamber Choir Category at ang Best Interpretation of a Bulgarian piece by a Foreign Choir. Matagumpay ang grupo dahil sa epektibong pamumuno ni Tristan Ignacio. Dahil sa pagkapanalo nila ng Grand Prix, mapapasali ang Imusicapella sa 2019 European Grand Prix for Choral Singing sa Arezzo, Italy. Ang The Philippine Meistersingers naman ay naguwi din ng ibang set ng mga parangal. Co-awardee ito ng Imusicapella sa Chamber Choir category. Sa pamumuno ni Ramon Molina Lijauco, nakamit din nito ang 3rd Prize sa Mixed Choir category. Ang The Philippine Meistersingers ay dating tinatawag na the Adventist University of the Philippines Ambassadors.
Abogado, nanalong Miss Summer World 2018 ANG PILIPINANG si Kaycee Coleen Lim ang nanalo sa pageant na Miss Summer World 2018. Siya ang pinakaunang Asyano na nag-uwi ng korona sa pageant na ito. Ito ang ika-15 beses na ginanap ang pageant. Nagpapasalamat si Kaycee sa kanyang biyaya dahil sa pinaghirapan niya umano ito. Marami raw siyang isinakripisyo upang mapanalunan ang titulo. Bukod sa kanyang pagkapanalo, nakuha rin niya ang continental award na Miss Sumer Asia. Naiuwi ni Kaycee ang Best National Costume na hango sa Pintados Festival mula sa kanyang pinanggalingang probinsya na Samar. Malawak na ang kanyang karanasan sa mundo ng timpalak-pagandahan, dahil marami na siyang pageant na nasalihan. Hawak niya rin ang titulo ng Miss Swimsuit UK at Best Model 2017. Si Kaycee ay kasalukuyang nakatira sa London, United Kingdom. Katatapos niyang kunin ang law degree mula sa BPP University Law School. Ginanap ang Miss Summer World 2018 sa Durres, Albania.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
JULY 2018
6
6
EDITORIAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
CLICK HERE TO WATCH VIDEOS REGARDING THIS EDITORIAL
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Jagger Aziz Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists & Contributors: Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Erwin Brunio (ebrunio@gmail.com) Mario Rico Florendo (Facebook: mario.florendo) Martin Paul Sabinet Henderson (hendersonmartinpaul@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi
editor`s note LOREEN DAVE CALPITO
MGA PULIS NA NAGHIHILIK HABANG ON-DUTY, DAPAT SAMPULAN
K
amakailan, napabalitang nagkaroon ng raid sa ilang mga istasyon na ang layunin ay hulihin ang ilang mga pulis na tulog habang naka-duty. Oo't mahirap ang isang pagiging pulis, ngunit dapat ding isaalangalang ng ilang mga nahuling pulis na maraming dapat na gawin kapag sila ay naka-duty. Isa na rito ang pagpapatrolya sa kanilang nasasakupan. Isa pa, doble na ngayon ang isinasahod sa mga miyembro ng ating kapulisan. Kung kaya, marapat din sana na ipakita ng ilan sa mga ito ang kanilang dedikasyon sa trabaho. Dapat lamang na mahiya ang ilan sa mga naka-uniporme sa kanilang mga kapwa alagad ng batas na masisipag
at tapat sa kanilang pagseserbisyo sa bayan. Nawa ay masampulan ang mga nahuli ng karampatang parusa para hindi na sila pamarisan pa ng iba.
Malaking hamon ito ngayon sa mga namumuno ngayon sa PNP na dapat matugunan. Dahil hangga't maraming mga nahuhuling ginagawang tulugan lang ang presinto nang wala namang matinding parusa, pihadong hindi masasawata ang ilang mga pasaway sa hanay ng PNP.
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
BALITANG KA-DALOY KA-DALOY GLOBAL OF THE PINOY OF MONTH THE MONTH 7
Impormasyon ng Pilipino
ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
Pinay, grumaduate ng Summa Cum Laude sa UCLA sa Amerika Talagang mahuhusay ang mga Pilipina.
K
atunayan, isa na namang Pilipina ang grumaduate ng summa cum laude sa University of California at Los Angeles (UCLA) kamakailan. Siya si Patricia Bunda na nagtapos ng Bachelor of Science in Molecular, Cell, and Developmental Biology, Minor in Biomedical Research.
“As a kid, one of my biggest dreams was to graduate from the best university in the Philippines, but by God’s grace and favor, today, I graduated from one of the best universities in the world. It took me 7 years, 3 schools, in 2 countries to get my degree, definitely not the traditional route. But if I were to do it again, I would not change it one bit,” ika niya sa isang Facebook post. “Although it seems like this achievement is a good way to end a story, my journey as a student is far from over. I am hoping to pursue an MD-PhD degree and eventually return to my home country to help cultivate its research field. I hope that someday my story will inspire more Filipino students to pursue careers in research and realize their potential as future scientists who can make a big impact in society.”
Tunay ngang nakaka-inspire si Bunda hindi lamang sa mga kabataang gustong abutin ang kanilang mga sari-sariling bituin kundi pati na sa lahat ng mga taong gustong magtagumpay sa buhay.
Daloy Kayumanggi
JULY 2018
8 8
KONTRIBUSYON KONTIRBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
usapang ofw ni kuya erwin
Bago Mag-For Good: Mag-Negosyo Na Agad Habang Nasa Abroad Pa (Part 1)
S
a unang tatlong araw ng klase ng programa ng Ateneo Leadership and Social Entreprenuership (LSE) dito sa Tokyo, parehong lumabas ang plano sa pag-nenegosyo. Karamihan sa mga nag-enrol sa kursong ito ay nabanggit na gusto nilang maging financially-free at ang magkaroon ng negosyo pag-uwi sa pinas. Marami-rami din ang nagbanggit na meron na silang negosyo sa Pinas ngayon pero nais nilang matutunan kung paano nga ba talaga magpatakbo ng negosyo. Kung kaya sila ay nag-engganyo na mag-LSE. Matagal ko na ring naririnig itong plano ng mga migrant Filipinos na magtayo ng negosyo. Isa ito sa pinaka priority ng mga nais ng mag-for good. Ang magtayo na lang ng negosyo para hindi na mag-abroad at tuluyan ng mag-for good. Bilang graduate ng unang LSE batch sa Tokyo nuong 2017, naging bahagi na sa akin ang regular na mag-aral tungkol sa marketing, financial literacy at entrepreneurship. Regular akong nagbabasa ng libro, uma-attend sa mga online seminar o webinar at maging mga paid online courses (naka enroll ako ngayon sa 3 online courses). Isa sa pinag-enrollan ko ay ang Startup Blueprint Masterclass ng Leapreneur. Ang Leapreneur ay may adhikain na matulungan ang mga Pinoy na tumalon (leap) mula sa empleyado na maging entrepreneur. Sa kurso ng Leapreneur, isa sa mga pinaka importanteng leksyon na natutunan ko ang tamang layunin at kahalagahan ng iyong unang negosyo. At sa tingin ko, ito din ang pinakamahalang ideya na dapat maintindihan ng mga nais mag-for good at gustong magtayo ng negosyo. Ayon sa Leaprenuer, ang pinaka purpose ng unang negosyo ay hindi kumita. Ang tunay na layunin nito ay upang matutunan mo ang “triangle of expertise” o ang tatlong (3) aspeto para sa isang successful na negosyo. Bonus na lang kung ikaw ay kumita. Ang pinakamahalaga ay magkaroon ka ng experience bago pa man i-invest lahat ng ipon o kapital sa iisang negosyo. Sa amerika, tinatayang may mahigit 1 milyong katao ang nagsisimula na mag negosyo kada taon. Ito ay ayon kay Michael Gerber na nagsulat ng pamosong libro na “The E-myth Revisited - Why Most Small Business Don’t Work and What to do about it”. Subalit, sa loob ng isang taon, 40% sa mga ito ay magsasara. Sa loob ng 5 taon, 80% sa kanila ay tuluyan ng magsasara. Pagdating ng 10 taon, 40,000 na lang ang mag-su-survive. Kung tutuusin, 4% lang ang mag-survive sa loob ng 10 taon. Ibig sabihin, kung ang pagnenegosyo ang plano mo sa pag-for good, ang tsansa mo na maging successful at magtatagal sa loob ng 5 taon ay 20% lamang. Sa 10 na mag-nenegosyo, 2 lang ang matitira. Kung first time mo mag-negosyo, kaano ka kasigurado na ikaw ang 2 sa matitira? Kaya mo bang ipagsapalaran ang source of income ng iyong pamilya sa isang negosyo na ang chance of success ay 20%? Kung ikaw ay may edad na, kaya mo ba pang mag balik abroad sakaling pumalpak? Kahit na ikaw ay uugod-ugod na? Ang aking pakay ay hindi upang ikaw ay i-discourage. Sa kabilang banda, ang layunin ko ay upang ito ay iyong malaman at makapaghanda. Normal sa mga naging successful na negosyante ang makaranas ng ilang beses na pagkalugi o pagsarado ng negosyo, bago pa man niya makita ang kanyang successful niche o product. Sa isang interview kay Jerry Iliao, ang founder ng Leaprenuer at mayari ng Print-All-You-Can, nakatatlong negosyo at 1 milyon na pesos ang kanyang nagastos bago pa man niya matamaan ang successful na Print-AllYou-Can na kanyang negosyo. Sa una niyang negosyo, naging challenge sa kanya ang inventory. Lumalakas nga ang kanyang negosyo pero dumadami naman ang mga item na naka stock lang at hindi naibebenta. Sa pangalawa niyang negosyo, nagkaroon naman siya ng challenge papaano i-manage ang mga tao, mula sa hindi pag-report sa tamang kita, absentism at maging
ERWIN BRUNIO #090-7428-5744 EMAIL: ERWIN@ERWINBRUNIO.COM
paano ang tamang treatment ng staff sa customer. Sa pangatlong negosyo naman, kahit na ito ay patok sa mga customer, nagkaroon naman siya ng issue sa seguridad ng lugar. Gaano ka kasigurado na ang una mong negosyo ay magiging successful agad? Ang sagot ay hindi. Kahit sabihin na naka jackpot ka na kumikita kaagad ang iyong unang negosyo, maraming aspeto na dapat mong paghandaan kung gusto mo na ito ay panghabang buhay na successful at tunay nga na susuporta sa pag for good mo. Balik tayo sa Leaprenuer, ayon dito, ang purpose ng unang negosyo ay upang matutunan ang triangle of expertise. Kumbaga ito ay iyong real MBA sa business. Ang Leaprenuer’s Triangle of Expertise ay ang 1) sales and marketing, 2) technical, at 3) operation. Dapat matutunan mo paano ibenta at i-market ang iyong produkto o serbisyo. Dapat mo ring malaman ang technical na aspeto gaya ng pag-papaganda ng quality, pag-source ng mga materials at pag-kontak sa mga suppliers. Dapat mo ring matutunan ang operation, lalo na kung papaano mo i-manage at i-motivate ang iyong sarili o staff. Kaya bago pa man umuwi sa Pinas para mag-for good at mag-expiremento ng pagnenegosyo duon, sumubok na muna ng pag-nenegosyo habang ikaw ay nandito pa sa abroad. Ito ay upang may mahaba ka pang panahon na makapag-aral at makapag-practice. Magsimula agad ng negosyo habang abroad pa. ********
(Ito ay part 1 ng 2-series na issue natin sa pag-nenegosyo sa mga gustong umuwi na sa Pinas ng pang-habang buhay. Sa ikalawang serye, ating alamin ang triangle of expertise, at mga business ideas kung paano makapagsimula agad habang nasa abroad.)
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
BALITANG GLOBAL TIPS /PINOY ANUNSYO
Impormasyon ng Pilipino
Fashion Tips sa mga Lalaki
ISA SA MGA pinaka-importanteng bagay na dapat isaalang-alang ng isang tao na gustong maging fashionable ay ang magandang paghahalu-halo ng mga kulay ng mga damit. Ang tatlong tips na ito ay epektibo sa mga kalalakihan: Gumamit ng complementary colors Isa sa mga pinakaepektibong color combination ay ang paggamit ng complementary colors. Magiging makulay ang iyong outfit kung ganito ang iyong gagamitin.
Sanayin ang sarili sa paggamit ng neutral colors para sa base Ang maganda sa mga paggamit ng neutral colors ay maraming puwedeng i-pares dito. Ang
kalimitang mga ginagamit na neutral colors ay ang itim, puti at beige.
Maglagay ng accents Kung sa tingin mo ay may kulang sa iyong outfit, mag-accessorize ka. Kahit scarf o kuwintas ay malaki na ang magagawa. Dapat maging mas matalino sa pagpili ng mga damit. Kailangang bagay sa isa't isa ang kulay ng mga damit upang maganda itong tingnan.
9
3 tips para maging fashionable ang isang lalaki para sa trabaho
ANG FASHION ay napaka-importanteng parte ng buhay bilang isang empleyado. Ito ay isang opportunity para magpahanga sa iyong mga katrabaho. Isa rin itong marka ng professionalism. Ang tatlong tips na ito ay pwedeng sundin para i-apply sa trabaho: Siguraduhin na fit ang damit Karamihan sa mga empleyado na nagtatrabaho ay gumagamit ng mga damit na masyadong malaki para sa kanilang body build. Ngunit, kung sa trabaho gagamitin ang damit, mas maganda kung ang gagamitin ay yung fit. Huwag bumili ng damit nang mag-isa lang Sa pagbili ng damit para sa trabaho, importante na marinig mo ang opinyon ng iba. Ito ay dahil sila ang mas nakakakita kung bagay ba sa’yo ang suot mo. Huwag kang mag-depende sa mga opinyon ng mga sales lady, dahil karamihan sa kanila ay gusto lang makatanggap ng commission kapag binili mo ang damit. Kung gusto mo ng rustic na vibe, magsuot ng Bumili ng magandang sapatos rugged pants at ipares ito sa sleek blazers. Ang isang magandang sapatos ay isang maiging Ang pag-i-style ng isang pantalon ay madali investment, lalo na kapag malinis at mukhang bago lang lalo kung may karanasan ka na sa "alteraito. tion" ng mga damit.
3 Paraan upang I-Style ang pantalon ng babae
SA NAKARAANG mga dekada, nagiging sikat na ang mga pantalon sa mga kababaihan. Noong mga 1950s, mas ginagamit ng mga babae ang mga palda dahil sa konserbatibo na buhay nga mga tao. Ang mga sumusunod na tips ay mga paraan upang i-style ang mga pantalon ng mga babae: Pumili ng jeans na fit Kung maganda ang iyong katawan, mas mabibigyan ito ng pansin kung gagamit ka ng fitted jeans. Pumili ng fitted jeans na may dark na kulay upang magamit ito sa halos kahit anong okasyon. I-pares ang leggings sa mataas na boots Maganda tingnan ang leggings kung may mataas na boots ka. Gumamit ng rugged pants para sa sleek blazers
PHILIPPINE CONSULAR OUTREACH IN GIFU CITY Ang Philippine Consulate General Osaka, sa pakikipagtulungan ng ASFIL GIFU, ay magsasagawa ng serbisyo konsular sa Lungsod ng Gifu.
Philippine passport (renewal, first time application), Report of Birth, Report of Marriage, LCCM, NBI, SPA, Notarization/Authentication
3 In-demand na kurso para sa mga incoming Freshmen sa Kolehiyo
NAAALALA MO PA BA noong ikaw ay kakatapos lang ng high school tapos nahihirapan ka kung anong kurso ang iyong kukunin? Ganyan din ang nararamdaman ng mga bagong graduate sa high school ngayon. Kung isa ang iyong anak sa mga hindi pa nakapili ng kurso para sa pasukan, pwede nilang isaalang-alang ang mga in-demand na kursong ito: Psychology Hindi lahat ng mga psychology graduates ay kailangang maging psychologist o psychometricians. Ang iba ay napupunta sa ibang mga larangan na hindi mo maiisip ay kailangan ng mga psychological theories. Ilan sa mga psychology graduates, ay napupunta sa mga political campaigns habang iilan ay nagiging parte ng human resource departments ng mga korporasyon. Computer Science Ang computer science ay isa sa mga pinakamabilis ang paglawak na fields sa ngayon. Ito ay sanhi ng paglobo ng dami ng mga taong gumagamit ng iba’t ibang computing devices. Creative Writing Ang creative writing ay mananatiling mabenta na kurso. Pero sa halip na sa panitikan lang sila magfocus, maaari rin silang maging parte ng content creators sa marketing. Booming din sa ngayon ang paggawa ng blogs para sa iba’t ibang websites.
USE COMICA EVERYDAY
When: Agosto 18 & 19, 2018 (Sabado at Linggo) Agosto 18: 9:30am~ buong araw Agosto 19: 9:30am~hanggang tanghali lang Where: Heartful Square G (gusaling karugtong ng JR Gifu Train Station), 2F, Chu Kenshu Shitsu (1-10-23Hashimoto-cho, Gifu City) ●TINGNAN AGAD ANG DETALYE SA WEBSITE NG KONSULADO: www. osakapcg.dfa.gov.ph/ ●I-download at i-print ang application forms galing sa website ng Konsulado. Makakahingi din sa Gifu International Center (2F Chunichi Building, nasa Yanagase, Gifu City. ) Magtanong din sa ASFIL GIFU kung saan pa maaaring makahingi.
Philippine Consulate General Osaka: Fax: 06-6910-8734/ email: queries.osakapcg@gmail.com
*ASFIL GIFU: 090-3935-6004 (Edna)
44min 18sec.
BUY 10,000yen
30min 36sec.
21PCS!
From Landline From Cellphone
GET
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
JULY 2018
10
10
PINOY KA BA?
Impormasyon ng Pilipino
It`s Joke Time!
common sense teacher Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher... Teacher: Bakit blank ang work mo? Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo. Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo? Bata: Ubos na po,kinain ng baka. Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka? Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? Siyempre umalis na po. Common sense naman mam! spanish and english Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish. Pedro: What is more important? Heart or Mind? Juan: Spanish!!! maka-diyos na bf Dad: Mabait ba ang boyfriend mo? Anak: Yes, Daddy. Daddy: Maka-Diyos? Anak: Sobra Dad. Daddy: Nasaan siya? Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!
langaw sa lomi Cholo: Ah, waiter, bakit may langaw itong Lomi ko? Waiter: E, kasi po sir, sa sobrang sarap ng Lomi namin pati langaw gusto makatikim.
ang suspek Pulis: Ano ang itsura ng suspek? Saksi: Naka-orange po siya at dilaw ang buhok. Artist: (gumuhit) Bossing, hindi natin kayang hulihin ‘to… Pulis: Bakit? Artist: Dilaw raw ang buhok at nakaorange… Kung hindi si Naruto, si Son Goku ‘to!
Agawang Sulok Sekyu Base Araw-Lilim
Impormasyon ng Pilipino
Bati-Cobra Calahoyo Declan Ruki
magandang asap JUAN: Nay alam niyo pinatayo ako ni itay sa bus para ibigay upuan ko sa babae! INAY: Anak magandang asal yun! JUAN: Kahit nakakandong po ako kay itay? Artist: Dilaw raw ang buhok at nakaorange… Kung hindi si Naruto, si Son Goku ‘to! milyomaryong juan GURO: Imagine na kayo ay MILYONARYO. Isulat ang iyong activities. ALL: Yes mam! GURO: Juan ba’t di ka nagsusulat? JUAN: Intay ko po ang SECRETARY ko!
bf at gf BF: Kainis si Juan, sabihin ba naman na mukha ako MAGSASAKA ‘pag katabi kita! GF: HAHAHA! Wag ka na magalit nagbibiro lang yun. Bakit niya naman daw nasabi? BF: Kasi mukha ka daw KALABAW! GF: GRRR!
love letter ni monday AMO: Eto yung binili kong chalk na pamatay sa ipis, isulat mo sa pader! INDAY: Yes mam! Nagsulat si Inday sa pader: “EPES, MAMATAY KAYO! Love, Enday”
ang translation TEACHER: Juan, give me a sentence. JUAN: Ma’am is beautiful, isn’t she? TEACHER: Very good! Please translate in Tagalog. JUAN: Si ma’am ay maganda, hindi naman di ba?
good news INAY: Binigay na ba card niyo? PNOY: Opo nay, good news ala na po
Holen Iring-Iring Jack'N'Poy
Piko Lagundi Bulong-Pari
ako line of 7! INAY: Talaga? Patingin! English-65 Math-60 Science-69 Pilipino-67… Ala nga! nakuha kay itay Son: Dad, pinapagalitan ako ng titser ko. Dad: Bakit? Son: Hinalikan ko seatmate ko! Dad: Itong anak ko manang-mana sa akin, masarap ba? Son: Opo, pogi nga po eh!
coke liters by inday Amo: Inday, ilang liter meron sa isang litrong coke? Inday: 4 liters po. Amo: Sigurado ka? Inday: Upo, ati, Liter C, liter O, liter K, liter E. Di ba 4 liters yun? bulol ANAK: May dumarating na darko! TATAY: Ano ka ba naman lakilaki mo na bulol ka pa rin. Dapor ang tawag dun! NANAY: Hay! Ano ba naman kayong mag-ama. Dangka yun!
sayaw ka Sa party,nilapitan ng isang gwapong lalaki ang isang babaeng nakaupo sa isang tabi... BOY: Sasayaw ka ba? (tuwang tuwa ang babae at tumayo) GIRL: Oo, sasayaw ako! BOY: Hay salamat! Paupo ako ah? love Sabi nila, mali raw magmahal nang sobra. Mali rin daw ang kulang. Kailangan daw, ‘yung tama lang. Paano nga ba magmahal nang tama? Kung wala ka namang syota?!
Pityaw Tumbang Preso Patintero
Presohan Taguan Takip-Silim
walang ulam Cholo: Nay, meron ba tayong ulam? Nanay: Tingnan mo na lang sa ref, anak. Cholo: Eh wala naman tayong ref, di ba?
ang pusa at ulam Pedro: Alam mo, yung pusa namin, kahit nakalagay sa lamesa at walang takip ang ulam namin, hindi kinakain! Juan: Maniwala ako?! Pedro: Totoo! Juan: Ano ba ang ulam nyo? Pedro: Asin! si tirso cruz III Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III? Erap : (natawa) Trick question ba yan anak? Eh, di pang-lima, kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba? ang regalo Wife: Honey, anong regalo mo sa’kin sa 25th Anniversary natin? Husband: Dadalhin kita sa Africa. Wife: Wow! how sweet naman eh sa 50th Anniversary natin? Husband: Susunduin na kita. Tawag Ng Pasahero Lumulubog ang barko... Pari: San Pedro! San Jose! San Juan! Madre: Sta Maria! Sta Clara! Sta. Lucia! Chinese: Anu ba yan! Lubok na nga barko tawak tawak pa kayo ng pasahero!
Historical Man1: Away kami ni misis, nagHistorical siya. Man2: Pare baka ang ibig mo'ng sabihin ay nag-Hysterical. Man1: Hindi, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko! mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
Teks Siyato Ubusan Lahi
www.tumawa.com
Ten-Twenty Tinikling Sipa
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
11
KONTRIBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
11
Mga Kwentong
Makabuluhan
ni
MARTIN PAUL S. HENDERSON HENDERSONMARTINPAUL@YAHOO.COM
S
a mga isla ng Okinawa, Hapon, Kung saan ay tinatayang aabot sa 1.3 milyon ang populasyon, tinatayang halos 740 ang sentenaryo noong 2006—90 porsiyento ay kababaihan. Nangangahulugan ito na sa bawat 100,000 katao ay mga 50 ang sentenaryo.
Ayon sa pananaliksik na isinagawa ni D r. M a k o t o S u z u k i n g O k i n a w a Centenarian Study ay karamihan umano sa mga mauunlad na bansa ay may tinatayang 10 hanggang 20 sa bawat 100,000 katao ang proporsiyon. Ang pananaliksik na ito ay sinasabing “ang pinakamatagal nang isinasagawang pag-aaral sa mga sentenaryo sa buong d a i g d i g ,” N a p a g - a l a m a n d i n n a “napakaraming sentenaryo ang malulusog.”
Para malaman kung bakit ay sinuri ni Suzuki at ng kaniyang grupo ang istilo ng pamumuhay at gene ng mahigit 900 sentenaryo, kasama pa ang maraming taga-Okinawa na edad ay 70 pataas. Natuklasan nila na ang mga may-edad nang ito ay karaniwan nang maliliit ang mga katawan subalit malalakas at malulusog, hindi rin daw barado ang kanilang mga ugat, at kapansin-pansing kakaunti lamang sa kanila ang may mga sakit na kanser at sakit sa puso.
"ALAM MO BA NA ANG MGA TAONG MAY MAHAHABANG BUHAY SA MUNDO AY MATATAGPUAN SA OKINAWA JAPAN?" Sa mga indibiduwal na halos 100 taong gulang pataas naman ay mas kakaunti lamang ang may dementia kung ihahalintulad sa mga kaedaran nila sa ibang mauunlad na bansa. ANG SEKRETO? Isang mahalagang salik ang gene. Pero marami pang ibang mga salik— ito ay ang hindi paninigarilyo, katamtaman o kakaunting pag-inom ng alak, at wastong pagkain. Mas marami silang kinakaing gulay at prutas, at karaniwan nang mababa sa kalori ang pagkain ng mga taga-Okinawa karaniwan nang mababa sa kalori at mga pagkaing mayaman sa natural fiber at good fat (omega-3, monounsaturated fat).
Nakaugalian nadin ng mga tao rito na tumigil na sa pagkain kapag mga 80 porsiyento na nilang naramdaman na sila ay busog, ayon din kay Dr. Bradley Willcox, isa sa mga mananaliksik sa isinasagawang pag-aaral na iyon. “Mga 20 minuto pa ang lumilipas bago malaman ng utak na tayo ay busog na.”
Laging naeehersisyo ang mga tagaOkinawa dahil sa paghahalaman, arawaraw na paglalakad, tradisyonal na pagsasayaw, o iba pang mga gawain. Lumilitaw rin sa pagsusuri na ang mga sentenaryo ay positibong mag-isip at madaling makibagay. Kaya nilang harapin ang tensiyon, at ang mga kababaihan lalo na ay “maraming malalapít na kaibigan.” “Walang makahimalang gamot” na pampahaba ng buhay, ang sabi ni Dr. Willcox. Gaya ng ipinakikita sa pag-aaral, mahahalagang salik ang gene, pagkain, ehersisyo, mabubuting kaugalian, “at tamang mga paraan ng pagharap sa tensiyon.”
JULY 2017
12
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
JULY 2018
14 14
TRAVEL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
tampok
HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM
THE
National Shrine and Parish of St. padre pio sa sto. tomas, batangas
K
akaiba sa ibang trip ko rati sa Batangas ay talagang nagsimba lang kami sa National FB/TWITTER/INSTAGRAM/ Shrine and Parish of St. Padre Pio sa Sto. Tomas, LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI Batangas. Ang akala ko ay mahabang viaje at website: www.hoshilandia.com araw ang gugulin naman dito pero kaya naman pala ng ilang oras lang mula Maynila. Ito na rin bale ang CLICK HERE TO SUBSCRIBE AT MY ikalawang simbahan na napuntahan ko na ang patron ay CHANNEL si Saint Padre Pio.
Bakit, anong mayroon sa National Shrine and Parish of St. Padre Pio?
Sanktuaryo ng Banal na tubig. Isa sa nakakasabik puntahan ay ang Holy Water Sanctuary na mga banga ng holy water sa paligid. Sa ilang simbahan na napuntahan ko ay talagang pipila ka para mabasbasan ng holy water. Dito ay kahit ilang pa ang salukin (pero ‘wag naman igibin). Hindi ako sigurado kung pwede nga inumin ang nasa mga galong bangaw pero may nakikita akong umiinom.
Magara rin ang disenyo ng Sanctuary na ito na ang sentrong aktraksyon ay ang higanteng rebulto ni Padre Pio na nakaupo. Iyong upuan n’ya ay nakapatong sa bukal ng tubig at “wishing well.” Ang nakikita ko naman rito ay hinihilamos na ng mga tao. Bukal ng Pag-asa. Mayroon din itong lugar na kung tawagin ay Fountain of Hope o Bukal ng Pag-asa. Ang sentro nito ay ang higanteng rebulto ni Padre Pio at ni Hesus. Nakapako ang isang kamay ni Hesus sa Krus, pero isa n’yang kamay ay nakahawak sa likod ng nakatingalang si Padre Pio.
Nalaman naman ito mula sa isang kaibigan na nirekomenda itong puntahan. Ayon sa kanya ay marami na raw sa kahilingan n’ya ang natupad dito. Sa ibang banda, mayroon ding Padre Pio Chapel sa Eastwood, Quezon City. Ito ang unang simbahan na narating ko na may kinalaman kay Padre Pio ng Pietrelcina, Italy. Maganda at napakatahimik sa simbahan na iyon, bukod pa sa mga patotoo ng mga kaibigan ko na nagkataon na may mga magulang na may sakit na cancer. Pagdating sa architecture ay mayroon din akong inaasahan sa mga simbahan na nasa probinsya. Ito ay kung ‘di man makasaysayan at magara, ay talagang kakaiba. Isa pa ito sa aking ikinasasabik sa pagbisita sa National Shrine of Padre Pio. Samantala, ang isa pang mainam at kilalang simbahan sa Batangas ay ang Taal Church o Basilica of St. Martin of Tours. Ito ang pinakamalaking simbahang Katolika sa Pilipinas at buong Asya.
Paano makapunta ng National Shrine at Parish of St. Padre Pio?
Nakapakadali na makahanap ng masasakyan papunta sa Parish of St. Pio. May mga byahe papunta rito ang Jam Liner (Kamuning or Taft), Jac Liner, DLTB, at Lucena Lines. Sa aming pagsakay ay nasa Php 107 lang ang pamasahe kada pasahero at ang pinakamainam ay alas-4 ng umaga pa lang ay nasa terminal na. Humigit kumulang na dalawang oras lamang ang aming byahe. Samantala, kung nasa Sto. Tomas, Batangas na o ‘pag sinabing malapit na ang Padre Pio Church ang landmark ay ang tinatawag ay mini palengke at may kalapit na foot bridge. Pagkababa sa San Pedro (eksaktong lugar) ay sasakay sa tricycle papasok. Tatlo kaming sumakay at ang singil sa amin ng driver ay Php 40.
Sa Saint Padre National Shrine …
Malawak ang buong lugar ng Saint Padre Pio National Shrine. Hindi ko alam alin ang eksaktong pinakamalawak, pero maihahambing ko ito Manaog Church (Pangasinan) at Our Lady of
Lourdes Grotto (San Jose del Monte, Bulacan). May dalawa o tatlong dome at clam shell-style structure rito na nagpapaalala sa akin sa Sto. Nino de Paz sa Greenbelt, Makati at Parish of Holy Sacrifice sa U.P. Diliman. Pero hindi gaya sa dalawa ay hindi naman ito ganoon kabilog na puwede ka pumasok sa kahit anong direksyon. Ginamitan din ito ng mga materyales na tila tulad sa paggawa ng malaking kubo. May dalawa o hanggang tatlong chapel dito at kasama na rito ang Divine Mercy chapel at Jubilee of Mercy church. Masusulit din ang pagdayo rito dahil sa iba’t ibang tampok na bahagi nito gaya ng Holy Water Sanctuary, Fountain of Hope, Relic of the Holy Cross, Mother of Mercy Belfry, at iba pa. Siempre kasama rin dito ang sindihan ng mga kandila at souvenir shops. Samantala, may mga ginagawa pang istraktura at baka mayroon pa kaming hindi napuntahan pero itong mga nabanggit ko ay talagang mga atraksyon.
May umaagos na tubig sa paligid ng mga rebulto. Pero ang agaw-pansin sa bahaging ito ay ang hilera ng mga panyong nakatali. Noong una ay hindi ko mawari kung anong meron dito, pero noong nakita ko na ang dasal sa pagkakando ay nakuha ko na. Iyong iba na hindi kandado (may nabibili rin lock sa lugar) ang nilagay ay panyo, bandana, o balabal na lamang. Prayer candles. Sa Padre Pio National Shrine ay may 8 kulay na kandila Brown candle- for thanksgiving, aniversaryo, at kaarawan Green candle- Good health Blue candle – Job, travel, at exam Yellow candle – materials and financial blessings Orange candle – family and friends Pink candle – love and having a baby Violet candle – forgiveness and reconciliation Red candle – Life Crisis Tandaan na hindi pare-pareho ang sinisimbulo ng kulay ng kandila sa mga simbahan. Ang orange sa pagkakaalam ko sa Monasterio De Santa Clara ay business at financial, habang ang green sa St. Peter Shrine (Commonwealth) ay abundance of wealth. Sa ibang church din ay tinanggal na ang kulay, sa St. Jude Shrine ( Mendiola, Manila) ay white and red or brown na lang. Imahe ng Mother of Perpetual help sa loob ng Holy Water Sanctuary
Important notes: Sa mga deboto ni Padre Pio, may mga importanteng kaganapan na mangyayari ngayong taon. Sa Setyember o Oktober ay anibersaryo ng National Shrine at darating doon ang relic ng puso ni Padre Pio na hindi pa naaagnas, ito ay sa kabila na September 23, 1968 pa s’ya namatay. Siyam na araw ang relic sa simbahan na ito saka dadalhin sa Visayas at Mindanao.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
15
JULY 2018
16
16
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
17
TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
3 Bagay na Makakatulong sa Pagpili ng T-Shirt Para sa mga Lalaki Ang t-shirt ang ilan sa mga pinakakaraniwang suot ng mga lalaki. Puwede itong isuot sa opisina, sa mall o kahit saan gustong pumunta ng isang tao. Kailangan lang na ang shirt na isusuot ay bagay sa taong gagamit nito. Ang mga tips na ito ay malaki ang tulong sa pagsiguro na tama ang men’s shirt na pipiliin. Dapat magkasya ang dalawang daliri kung isinara ang kwelyo Isara ang iyong kuwelyo. Kung magkakasya ang dalawang daliri dito, ibig sabihin nito ay kasya ang shirt.
Hindi dapat masyadong masikip ang manggas
Isuot ang damit at itaas ang mga kamay Upang masiguro na kasya ang iyong long sleeves, itaas mo ang iyong kamay hanggang magporma ng isang letter “T� ang iyong buong katawan. Kung kaya mo itong gawin nang hindi lumalabas mula sa pantalon ang shirt tail, okay ang kasya nito.
3 Tips Upang Maayos ang Pagtulog
Dapat sakto lang ang manggas upang hindi Importante ang pagtulog sa pagsiguro na ikaw ay malumahirapang gumalaw ang nagsusuot. sog. Dahil dito, kailangang magkaroon ka ng sapat na Dapat hindi limitado ang mga galaw na oras sa higaan kada gabi. Ang mga tips na ito ay makatutulong upang maging maayos ang iyong pagtulog: puwedeng gawin Ang torso ay dapat hindi ganoon kasikip. Ito ay upang may freedom of movement ang taong nagsusuot nito.
Karaniwan man ang suot na shirt, magiging mas maganda ito kung pinili mo ito nang maayos. Dapat tama ito sa iyong katawan at okasyon na pupuntahan.
3 Paraan Upang Magandang Tingnan ang Long Sleeves Kumplikado ang pagpili ng long sleeves o dress shirt. Ano man ang okasyon na iyong pupuntahan, kailangang gugulan ng panahon ang pagpili ng tamang long sleeves. Ang mga tips na ito ay makakatulong na masigurong maganda ang iyong long sleeves:
17
Mag-ehersisyo kada araw Ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang magkaroon ng regular na pagtulog. Mas maganda kung gawin ito kada umaga upang may sapat na enerhiya buong araw. Matulog sa parehong schedule Siguraduhin na regular ang schedule ng iyong pagtulog. Mas makatutulong din kung pareho rin ang iyong oras ng paggising kada araw. Huwag matulog kapag hindi pa gabi Kahit ang ilang minuto na nap ay makakaapekto sa iyong pagtulog sa gabi. Upang maging maganda ang iyong pagtulog, mas okay kung lubus-lubusin mo na ang pagpapahinga tuwing gabi.
Pumili ng long sleeves na naayon sa okasyon Dapat ang long sleeves na iyong gagamiKung maayos ang iyong pagtulog, mas malaki ang titin ay bagay sa okasyong pupuntahan mo. yansa na maging matagumpay ka sa iyong trabaho. Mas Ito ay upang umayon sa tema ng event na mataas din ang iyong enerhiya buong araw, dahil nadadaluhan mo. kapagpahinga ka nang maayos. Labhan nang maayos ang long sleeves Alagaan nang maayos ang long sleeves sa pamamagitan ng tamang paglaba.
Ang long sleeves ay puwedeng isuot kahit saan ka man pupunta.Kaya kailangan mong maging magaling sa pagpili ng susuutin mo.
3 Tips Para Magmukhang Matangkad ang Isang Babae Kung ikaw ay hindi nabiyayaan na magkaroon ng mataas na height, malaki ang tiyansa na hindi ka masyadong seseryosohin ng mga tao. Malilimitahan din ang mga bagay na puwede mong gawin sa pag-style sa iyong sarili. Ang mga tatlong tips na ito ay makakatulong upang mas magmukha kang mataas: Gumamit ng flared jeans Ang flared jeans ay mga pantalon na malaki ang butas sa ibaba. Gumagawa ito ng ilusyon na mas matagkad ang nagsusuot ito. Magsuot ng maxi skirt Kagaya ng flared jeans, gumagawa din ng ilusyon ang maxi skirt na mas mataas ang
babaeng nagsusuot nito. Kung magsusuot ng shorts, maikling short ang gamitin Magsusuot ka na lang din ng short, gawin mo nang mababa ang iyong piliin. Dahil, mas malawak ang balat na iyong ipapakita, mas magmumukhang mataas ang iyong binti.
May mga tips na pang-fashion na makatutulong upang magmukhang matangkad ang isang babae. Madali lang itong gawin para sa kanila kaya puwedeng sundin ang mga tips na ito.
3 Tips Upang Maiwasan ang Sobrang Asukal
Masarap man ang asukal, dapat alamin na hindi ito masyadong maganda para sa katawan. Maaari itong magresulta ng diabetes at iba pang mga isyu sa iyong kalusugan. Ang mga ito ay mga tips upang maiwasan ang asukal sa katawan:
Bumili ng prutas at huwag kumain ng dried fruit o juice Kung kakain ka lang ng prutas, gawin mo na itong fresh fruit. Ang isa sa pinakaimportante na makukuha sa prutas ay ang fiber at kung juice or dried fruit ang iyong bibilhin, wala na ito. Pigilan ang pagkain ng processed food Ang processed food ay kalimitang may malaking content ng asukal. Ito ay dahil sa preservative ang asukal. Iwasan ito kung maaari. Limitahan ang dessert na kinakain Hindi naman kailangang iwasan talaga ang mga dessert. Kahit simpleng pag-iwas ay puwede na. Puwedeng kumain lang ng panghimagas isang beses kada linggo.
Upang mas maging malusog, kailangan mong isakripisyo ang asukal sa iyong diyeta. Kung hindi, baka magkaroon ka ng sakit sa iyong katandaan.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
JULY 2018
18
18
ANUNSYO / HOROSCOPE
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
INTRODUCING NEW PRODUCT!! OF DKSTORE Vinta Sano " Akareishi 2020" A New Health supplement from Vinta Sano which contains 3 various healthy plants. Which boost your healthy living and giving your health much more energy for everyday living. Reishi Mushroom
* Boosting your immune system from viral infections * Prevents lung conditions * Prevents Heart Disease * Prevents High Blood Pressure also High Cholesterol * Other uses of these plant is to reduce your stress and prevent fatigue in you everyday lifestyle.
Cordyceps
Natoginseng
* Managing Blood Sugar Levels * Protecting the Heart * Protecting the Kidneys * Strengthening the Immune System * Enhancing libido * Fighting Fatigue and Improving Exercise Performance * Cancer Fighter * Gives Strenght and Stamina
* Can relieve pain by promoting blood circulation. * Can aid in physical growth * The ability of Notoginseng to enhance circulation and prevent blood stasis is said to improve the flow of nutrients to growing bones and around the body. * Notoginseng can be beneficial for preventing and treating heart disease, lowering cholesterol. Studies have also suggested that Notoginseng can help reduce chest pain caused by coronary heart disease.
Vinta Sano "Natto Kinase 3388FU"
A New Health supplement from Vinta Sano, contains a 3388FU of Natto Kinase, Nattokinase is an enzyme (a protein that speeds up biochemical reactions) that is extracted from a popular Japanese food called natto. Natto is boiled soybeans that have been fermented with a bacterium called Bacillus natto. Natto has been used as a folk remedy for diseases of the heart and circulatory system (cardiovascular disease) for hundreds of years. You won’t find nattokinase in soy foods other than natto, since nattokinase is produced through the specific fermentation process used to make natto. Nattokinase is used for cardiovascular diseases including heart disease, high blood pressure, stroke, chest pain (angina), deep vein thrombosis (DVT), “hardening of the
SCOPIO Okt.24 - Nob. 22
‘Wag masyadong magpastress. Lumabas kasama ang mga kaibigan para malimot sandali ang iyong problema. Hindi magtatagal at mareresolba din ito. Alagaang mabuti ang kalusugan lalo na sa mga susunod na buwan. Lucky numbers ay 2, 15, at 12. SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21
Mag-umpisa nang magipon ngayon palang upang siguradong mayroong gagastusin pagdating ng pasko. Hindi maganda ang dating ng pera sa mga susunod na buwan kung kaya’t ‘wag kang gagastos kung hindi naman importante. Lucky numbers ay 5, 20, at 17.
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Huwag munang sumama sa mga lakad ng barkada kung marami ka pang kailangang gawin. Kung nais mo talagang sumama, siguraduhing tapos na ang iyong trabaho. Hindi magada ang impresyon ngayon sa iyo ng iyong boss kung kaya’t nararapat lamang na magpa-impress ka muna. Lucky numbers ay 20, 18, at 15.
AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19
Huwag basta-basta maniniwala sa tsimis, lalo na kung ito ay patungkol sa isang malapit na kaibigan o kamag-anak. Mas mabuting kausapin ang taong ito bago humusga. May darating na magandang balita bago matapos ang buwang ito. Lucky numbers ay 13, 26, at 23. PISCES Peb. 20 - Mar. 20
Magpahinga muna bago muling sumabak sa trabaho. Samantalahin ang day off upang makatulog at makapagpahinga nang maayos. Saka na mag-schedule ng lakad kapag mas nakaluwag-luwag ka na sa pera at oras. Lucky numbers ay 9, 22, at 19.
ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Hindi ito ang tamang panahon upang maghanap ng bagong trabaho. Hayaang matapos muna ang taon bago umalis sa trabaho mo ngayon. Isang kamag-anak ang hihingi ng tulong sa iyo ngayong buwan. Lucky numbers ay 7, 20, at 3.
arteries” (atherosclerosis), hemorrhoids, varicose veins, poor circulation, and peripheral artery disease (PAD). It is also used for pain, fibromyalgia, chronic fatigue syndrome, endometriosis, uterine fibroids, muscle spasms, infertility, cancer, and a vitamin-deficiency disease called beriberi. How does it work? Nattokinase decreases the ability of blood to clot. This "thins the blood" and might protect against conditions caused by blood clots such as stroke, heart attack, and others.
CALL US NOW! FOR MORE INFO! Japanese
TAURUS Abr. 21 - May. 21
Isang kaibigan ang kokontak sa’yo upang humingi ng pabor. Matagal mo nang hindi nakakausap ang kaibigan na ito at maaaring magdalawang-isip ka bago pagbigyan ang kaniyang hiling. Pag-isipan munang mabuti kung kakayanin mo ba ang sinasabi niya. Lucky numbers ay 5, 18, at 15. GEMINI May. 22 - Hun. 21
‘Wag ubusin ang oras sa Facebook at sa halip ay subukang tapusin lahat ng iyong gawain. Isang dating kasintahan ang susubukang makipag-balikan sa iyo. Hangga’t maaari ay ‘wag ka munang papayag na maging kayo ulit hangga’t hindi niya pa napapatunayan ang kanyang sarili. Lucky numbers ay 11, 24, at 21.
CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Maganda ang takbo ng iyong buhay pag-ibig ngayon taon, Cancer. Maaaring mahanap mo ang iyong tadhana. Kung nasa relasyon ka na, malaki ang tyansang siya na ang matagal mo nang hinihintay. Lucky numbers ay 1, 12, at 9.
03-5835-0618
LEO Hul. 23 - Ago. 22
Isang mahal na kaibigan ang aalis ngayong buwan. Maaaring pupunta siya ng ibang bansa o lilipat ng trabaho. ‘Wag mag-alala dahil hindi ito ang huli niyong pagkikita. Lucky numbers ay 7, 16, at 17. VIRAGO Ago. 23 - Set. 23
Maganda ang pasok ng pera para sa mga susunod na linggo. Siguraduhin lamang na hindi ka masyadong gagastos upang may maihanda para sa bagong taon. Lucky numbers ay 3, 26, at 19. LIBRA Set. 24 - Okt. 23
‘Wag masyadong magalit sa iyong kapareha. Pareho kayong maraming kailangang gawin at tapusin para sa mga susunod na buwan. Intindihin na lamang ang kaniyang sitwasyon at tandaan na hindi niya rin gusto ang mga pangyayari. Babalik din kayo sa dating gawi. Lucky numbers ay 11, 12, at 14.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
19
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS BALITANG SPORTS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
19
Ama ng NBA player na si Enes Kanter, kinasuhan dahil sa umano’y pagiging kasapi ng Turkish terror group KAMAKAILAN, nag-isyu ng warrant of arrest ang Turkish government sa ama ng NBA player na si Enes Kanter, dahil sa umano’y pagiging miyembro nito ng isang teroristang grupo. Batay sa balita, sa pahayag ng mga prosecutors, kanila umanong sisikaping mahatulan at makulong ng lima hanggang 10 taon si Memmet Kanter, isang propesor. Hindi pa rin malinaw sa ngayon kung kailan magsisimula ang pagdinig sa kaso ni Memmet na idaraos sa western Tekirdag province. Dahil dito, nasibak sa public service ang nakatatandang Kanter at nakulong ng
Anti-Gay Chant sa FIFA, iimbestigahan
limang araw nitong summer. Nakasaad sa indictment na kinocontact daw nito ang nasa 120 suspects na may ugnayan umano kay Gulen kung saan gumagamit daw ito ng isang sikretong smartphone app para magkaroon ng komunikasyon sa isa’t isa. Kinansela rin ang kanyang pasaporte noong nakaraang taon. Nagbigay video naman si Enes sa kanyang Twitter Account “Playing basketball is what I love to do, I may be equally known [these days] for being a critic of the Turkish government and its president.”
PacMan, tuloy-tuloy parin ang sparring para sa laban kay Matthysse
MUKHANG SINESERYOSO talaga ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang darating na laban sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia kay Lucas Matthysse. Tuluy-tuloy kasi ang sparring sessions ng fighting senator sa General Santos City kamakailan. Ilan pa sa mga ehersisyo para mapataas ang kanyang endurance ay and double end, sit-up at speed ball. Target umano ng kanyang kampo na umabot ng 12 rounds ang sparring sessions ni Manny at ibaba uli bago sumabak sa labanan sa Malaysia sa susunod na buwan.
Iimbestigahan umano ng FIFA ang paggamit ng fans ng Mexico ng diumano'y anti-gay chant matapos ang 1-0 panalo ng bansa laban sa Germany, ang dating kampeon. Sa ika-24 na minuto ng laro, sumigaw rin umano ang mga supporters ng nasabing slur habang naghahanda Tatlong Pinoy nanalo ng si German goalkeeper Manuel Neuer. Gold Medal sa Boxing sa “Further updates will be communicated in due course. As proceedRussia ings are ongoing please understand Eumir Felix Marcial, Nesthy Petecio and Carlo we cannot comment further at this Paalam nanalo ng malaki sa kani-kanilang mga stage,” ika ng FIFA. kalaban ng 3 gold medals para Pilipinas sa kamakailang Kortkov Memorial Boxing Champion na ginanap sa Khabarovsk, Russia. MMA fighter Jack Pinatumba ni Marcial at Petecio ang kanilang McGann, sasabak sa koponan na galing North Korea habang si Paalam boxing naman ay galing sa South Korea ang kanyang koponan. Pangatlong medalya na ni Petecio ngayong taon na nagmula sa mga kanyang laban sa India, Poland at itong sa Russia. Maricial naman nagchampion na noong 2011 sa sea games, habang si Paalam naman ay naging gold medalist narin noong 2014 sa Asian Games. Mag-iiba ng direksiyong tatahakin ang dating Mixed Martial arts fighter na si Jack McGann. Ito'y matapos itong makapagdesisyon na sasabak naman sa mundo ng boxing. Unang makakalaban nito si MMA star Dwain Grant, 25 anyos, para sa middleweight category (6 rounds). Layunin umano ni McGann na patunayan sa fans na hindi lang siya sa MMA mahusay, kundi sa boxing din.
Serbia, nakakamit ang kampeonato sa 2018 FIBA 3X3 Basketball World Cup
Muli na namang nasungkit ng Serbia ang 2018 FIBA 3X3 Basketball World Cup title na isanagawa sa Pilipinas kamakailan. Ito na ang italong beses na manalo ng Serbia. Pinaupo nila ang Netherlands sa iskor na 16-13. Si Dusan Bulut ang naging susi ng tagumpay ng nasabing koponan, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.
Federer, Nadal nagpalitan sa top ranking
Naluklok na naman si Swiss tennis super star Roger Federer sa pinakataas na ranggo sa ATP Rankings. Ang dahilan -- ang pagkakapanalo niya ng titulo sa grass-court tournament na idinaos kamakailan sa Stuttgart, Germany. Samantala, sinasabing ang pamamahinga naman ni Rafael Nadal matapos ang pagkakapanalo nito sa 11th French Open title ang dahilan kung bakit ito naging top 2 na lamang sa
nasabing ranking.
MARCH 2018
20
20
HOROSCOPE / ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
21
Impormasyon ng Pilipino
Dating Mr. International Neil Perez, ooperahan matapos ang aksidente MATAPOS MAPASALI sa isang motorcyle accident, kasalukuyang nagpapagaling si Mister International 2014 Neil Perez. Ito ay dahil sa dami ng kanyang mga natamong mga sugat. Isinugod si Neil sa Metropolitan Medical Center sa Sta. Cruz, Manila ilang minuto matapos masangkot sa aksidente. Ayon sa manager niyang si Jonas Gaffud, hinihintay ng pamilya at mga kaibigan ni Neil ang
Jameson Blake, inamin na may tinanggihan na proyekto
UMAMIN ang Hashtags member na si Jameson Blake na kinailangan niyang tanggihan ang isang malaking proyekto ilang buwan na ang nakalipas. Ayon sa kanya, indie film daw ang pelikula na ito at hindi pa ito naipalabas sa mga sinehan. Ang dahilan kung bakit niya tinanggihan ang proyekto ay dahil sa isa itong musical. Hindi raw siya singer kaya tinanggihan niya muna ito. Hindi naman daw siya naging masyadong mapili. Alam niya lang na may mga limitasyon ang kanyang mga kakayahan. Unang sumikat si Jameson nang mapasali siya sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015.
resulta ng mga lab test kung kailangan bang sumailalim ni Neil sa operasyon. May natamo raw kasing fracture malapit sa mata si Neil. Naging sikat si Neil sa bansa noong 2014 nang mapanalunan niya ang Mister International crown sa South Korea. Bago pa noon ay kilala na siya ng mga tao bilang isang gwapong pulis na nakakuha ng atensiyon ng publiko.
Siya ay tinawag na Ang Responsible Son ng Pampanga. Naging parte siya ng boy group na Hashtags ng "Showtime." Sa una niyang pelikula na "2 Cool 2 Be Forgotten," nanalo siya ng CinemaOne Originals Film Festival Best Supporting Actor trophy. Bida si Jameson sa kalalabas lang na pelikulang "So Connected." Susunod siyang makikita sa teleserye na "Nostalgia," kung saan makakasama niya si Julia Barretto at Joshua Garcia.
Miguel Tanfelix, gustong KZ Tandingan, hindi makatrabaho ang dating nagmamadali na magpakasal `Starstruck` batchmate na si Paul Salas
BAGAMAN nasa iisang station na sila, hindi pa raw nagkikita sa GMA sina Paul Salas at Miguel Tanfelix. Ang dalawang teen stars ay magkabatch sa unang season ng StarStruck Kids noong 2004. Ayon kay Miguel, ang huling pagkikita at paguusap daw nila ay noon pang concert ni Bruno Mars sa MOA Arena noong isang buwan. Ayon kay Miguel, gusto raw niyang ka-trabaho ang dating ka-batch. Lalo pa at kakabalik lang ni Paul sa Kapuso Network matapos ng ilang taon sa kabilang station. Ang huli raw kasi nilang trabaho kasama ang isa't isa ay noong 2006 nang sila ay maging parte ng fantaserye na "Majika." Bida sa nabanggit na serye sina Dennis Trillo at Angel Locsin. Matatandaang maagang natanggal sa StarStruck Kids si Paul. Naging runner-up si Miguel ng nanalong si Kurt Perez. Kasama nila sa season na iyon sina Sam Bumatay, Ella Guevara at Bea Binene.
KAHIT SIGURADO na siya sa estado ng kanilang pag-iibigan ng nobyo na si TJ Monterde, hindi raw nagmamadaling magpakasal ang singer na si KZ Tandingan. Apat na taon na nga ang relasyon nilang dalawa pero darating naman daw sila kung mangyayari talaga ito. Hindi naman daw paligsahan ang pagpapakasal upang madaliin. Kahit nasa edad na siya na puwede na siyang magpakasal, kailangan niya raw itong gawin kung handa na siya. Sa kasalukuyan daw kasi, nasa priority nila ang kanilang mga karera. Kontento din daw siya sa relasyon nila ni TJ at nagpapasalamat siya na matagal na silang mag-nobyo. Naging mas matibay pa nga daw ang kanilang relasyon sa mga nakaraang buwan. Ito ay lalo na noong pumunta si KZ sa China upang sumali sa Singer 2018. Malaking tulong daw ang video call sa kanila, lalo pa at walang social media access doon. Kasalukuyang ikinakasa ni KZ ang pagrerelease ng isang English album sa China.
Kris Aquino, sabik na sa bagong pelikula sa Star Cinema
SABIK NA SABIK na si Kris Aquino na maipakita sa publiko ang kanyang comeback film sa Star Cinema. Pinamagatang "I Love You, Hater," makakasama ni Kris si Julia Barretto at Joshua Garcia. Ang pelikulang ito ay isang romcom film na ayon kay Kris ay may family values. Gustung-gusto ni Kris ang working process sa pelikulang ito dahil "meticulous" daw. Ayon sa kanyang tantiya, nakakatapos lang daw sila ng dalawang sequence kada araw. Ibig sabihin nito ay hindi talaga minadali ang pagkakagawa ng pelikula. Ayon kay Kris, may isa raw na eksena sa pelikula na maipagmamalaki niya talaga ang kanyang acting talent. Nang panoorin daw ang eksena, nagpalakpakan ang mga crew members at writers sa editing phase. Hindi man nakumpirma kung ano ang istorya ng pelikula, maaari itong patungkol sa isang boss na naghahanap ng mga assistant. Ang "I Love You, Hater" ay ilalabas sa mga sinehan sa Hulyo 11. Ito ang unang pelikulang pagbibidahan ni Kris sa loob ng tatlong taon. Ang bagong direktor na si Giselle Andres ang gumawa ng pelikula.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
JULY 2018
22
22
BALITANG SHOWBIZ
Sofia Andres, inaming may anxiety disorder
MATAPANG na inamin ng batang aktres na si Sofia Andres na meron siyang anxiety disorder. Inamin niya ito sa pamamagitan ng mga tweets sa kanyang opisyal na account. Sinabi niya sa mga followers niya na hindi raw magandang karanasan ang kanyang nararamdaman dahil sa mental health disorder na taglay niya. Panawagan niya sa kanyang followers na mahalaga raw na may mga taong nakapaligid sa iyo bilang support system. Kakailanganin mo raw ito kung magkakaroon ka ng mahirap na karanasan na may kinalaman sa iyong mental health. Ibinahagi niya na nagpakonsulta siya sa isang therapist at counsellor. 'Di raw kasi talaga maiwasan ang sobrang pagaalala dahil lagi kang nababahala sa halos lahat ng bagay. Sinabi niya rin na masyadong toxic para sa kanya ang nakalipas na dalawang taon. Buti na lang daw at alam na niya kung paano i-manage ang kanyang anxiety. Matapos ang kanyang pag-amin, maraming mga netizens ang pumuri sa kanya dahil sa kanyang tapang.
Datng Asawa ni Vina Morales, hinatulan ng guilty sa kidnapping ng anak
NAHATULAN na guilty beyond reasonable doubt ang dating karelasyon ni Vina Morales na si Cedric Lee sa kaso na kidnapping. Isinampa ni Vina kay Cedric ang kaso matapos niyang hindi ibalik sa bahay ni Vina ang anak nilang si Ceana sa loob ng anim na araw. Nilagdaan ni Presiding Judge Anthony Fama ng Mandaluyong City Regional Trial Court ang desisyon na nagsasaad na "malicious" at "premeditated" ang hindi pagbalik ni Cedric kay Ceana. Kailangang magbayad ng Php 50,000 na damages ni Cedric kay Vina. Ayon kay Vina, nagkaroon daw ng negatibong epekto sa kanilang anak ang ginawa ni Cedric. Bago pa ang insidente na nangyari ilang taon na ang nakalipas, napagkasunduan na ng kampo nina Cedric at Vina ang visitation rights. May nakabinbin ding kaso si Cedric laban kay Vina. Nagsampa siya ng anim na counts ng libel sa singer-actress. Na-dismiss na ang dalawa sa mga ito ng mga korte.
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Alden Richards, at ang Ex Battalion, nagsama para sa theme song ng bagong serye
DUAL ang magiging role ni Alden Richards sa kanyang bagong fantasy teleserye na "Victor Magtanggol." Bukod sa bida siya, siya rin ang isa sa kakanta sa theme song ng bagong palabas na pinapatugtog sa simula. Makakasama niya sa pagkanta ng theme song ang hip-hop group na Ex Battalion. Pinamagatang "Superhero Mo," inilabas na ng GMA Drama unit ang lyric video ng kanta. Nasa lyric video ng kanta ang behind-the-scenes ng recording session para sa theme song. Ang Ex Battalion ang nagsulat ng kanta. Nasabik
daw ang mga miyembro ng grupo nang malaman nila na makakatrabaho nila si Alden. Si Alden pa naman ang isa sa mga pinakamalaking pangalan sa network. Si Ai-ai Delas Alas daw ang nagsabi sa kanila na inatasan silang gawin ito. Kaya, nang malaman nila, agad silang nagsulat ng mga verse. Si Ai-ai, na co-host ni Alden sa "Sunday Pinasaya," ay ang talent manager ng hip-hop group.
Bianca Gonzalez at JC Intal, magkakaroon ng pangalawang anak MAGKAKAROON na ng pangalawang anak ang athlete na si JC Intal at dating PBB host Bianca Gonzalez matapos ianunsyo ng host na buntis siya. Nag-post ang mag-asawa ng isang video kung saan ipinakita ang kanilang unang anak. Ang caption nito ay "Hi, I'm Ate Lucia." Ipinakita rin sa video na hinahalikan ni Lucia ang baby bump ni Bianca. Hindi pa ibinunyag ni Bianca kung ilang buwan na siya at kung anong buwan puwedeng lumabas ang sanggol. Maaaring gawin nila itong sorpresa muna para sa pamilya. Dalawang taon nang ina si Bianca. Ipinanganak si Lucia noong Oktubre 2015. Kasalukuyang abala si J.C. bilang isang player para sa Phoenix
Fuel Masters sa Philippine Basketball Association (PBA).
Zayn Malik, masaya sa bagong "home" sa US
NASA AMERIKA na ngayon ang dating miyembro ng One Direction na si Zayn Malik. Ayon sa kanya, happy raw siya sa pagiging welcoming ng mga taga-US. Aniya, noong una ay nag-adjust umano siya sa pagiging masyadong palakaibigan ng mga Amerikano. Ngunit, kalaunan ay napamahal na rin daw siya sa kanyang bagong tahanan. Katunayan, balak umano niyang sumabak sa politika sa US. Matatandaang, 2015 pa nang kumalas si Zayn sa kanyang sikat na grupo.
Sharon Cuneta, gustong makasama si Regine sa Stage
INIHAYAG ng Mega Star na si Sharon Cuneta na gusto niyang makatrabaho si Regine Velasquez. Ito ay nalaman ng mga tagahanga ng dalawang artista matapos nagkomento si Sharon sa isang Instagram post ng Asia's Songbird. Matindi raw ang kanyang paghanga kay Regine. Matagal na raw niyang ipinagdarasal na magkasama sila ni Regine sa isang concert. Hanggang duet pa lang ang nagagawa nila sa ilang mga television show. Natuwa ang mga tagahanga ng dalawang singer sa palitan ng komento ng dalawa. Sila pa naman ang dalawa sa mga pinakamalaking music icons sa Philippine showbiz. Kasalukuyang nagpapagaling pa si Sharon matapos siyang sumailalim sa isang surgery. Noong Abril 2018, inalis ang lipoma sa batok niya. Preventive ang dahilan nito upang hindi ito pumutok at kumalat pa. Kasalukuyang may iba't ibang proyekto sa telebi-
syon, pelikula at musika sina Sharon at Regine. May mga concert at iba pa silang tinatrabaho para sa kanilang karera.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JULY 2018
23
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Tweet ni Idol
McCoy de Leon at Elisse Joson, may pagbibidahang pelikula
Kumusta mga idol? Ito na naman ang ating Tweet ni Idol -- ang paglilista ng ilang sikat na celebrities at ang kanilang mga tweets kamakailan.
Tara!
OPISYAL nang magkakaroon ng pelikula ang love team na McLisse. Binubuo nina McCoy de Leon at Elisse Joson, ang love team na ito ay never pang bumida sa isang film project. Ayon sa kanilang dalawa, nakaka-flatter daw na pinili sila na maging leads ng pelikulang ito. Naghanda nang husto ang dalawang teen stars sa pelikula na ito dahil una nila itong pelikula bilang mag-loveteam. Naging magkasama sina McCoy at Elisse sa isang season ng Pinoy Big Brother noong 2016. Kahit naging sikat silang magkatambal, mas marami silang individual projects. Marami nang nagawa na "Wansapanataym" at "MMK" episodes sina Elisse at McCoy. Gagawin ang pelikula ng McLisse ng direktor ng "I'm Drunk, I Love You" na si JP Habac. Ipo-produce ito ng Quantum Films at Star Cinema. Kasalukuyan na silang nagsu-shooting. Makakasama nila sina Chai Fonacier, Bembol Roco at Markus Paterson sa proyekto. Lalabas ang pelikula bago matapos ang taon.
( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )
Elmo Magalona (@elmomagalona)
"You are always missed. Today is just another excuse to miss you more. Happy Father's day papa. And to everyone with fathers / acting fathers, make sure you show them how much you appreciate them, even just for today because they work so, so hard for us. You are appreciated."
Yasmien Kurdi (@yasmin_kurdi)
"Happy Father's Day to the man of my heart, the father of my child, the love of my life. I love our family and I love you sooooo much! Proud of you #fathersday #dinner #familydinner"
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta)
"God has blessed me with a new product endorsement, and I am shooting my first TV commercial for it today. Praise God for His goodness and faithfulness! Namiss ko ito!! Yippee!!!"
Fashion Show ng Miss Tourism Philippines Beauties, ilulunsad sa Ilocos Sur
Robert De Niro inulan ng batikos mula sa Trump supporters UMIINIT ang bangayan ng beteranong actor na si Robert De Niro at US President Donald Trump. Ito ay matapos na nagsagawa ng tila kilos protesta ang mga supporters ni Trump habang magsisimula ang Broadway musical kung saam director ang actor. Bago pa lamang magsimula ang nasabing musical ay naglabas ng mga plakard ang mga pro-trump supporters na may nakalagay na “Trump 2020”. Hindi naman na nagbigay pa ng anumang komento ang actor sa naganap na insidente. Magugunitang uminit ang bangayan ng dalawa ng batikusin ng actor si Trump noong nakaraang Tony’s award.
23
UPANG MAKATULONG sa promosyon ng mga produkto at sa mga magagandang lugar sa Ilocos Sur, magsasagawa ang Miss Tourism Philippines beauties ng isang fashion show sa nasabing probinsiya. Isa lamang sa mga produktong inaasahang maitatampok sa nasabing event ay ang abel-Iloco ng probinsiya. Ayon sa provincial government, sa pamamagitan daw ng nasbing fashion show, inaasahang mas marami pang mga local at international tourists na daragsa sa probinsiya.
Rapper XXXTentacion Pumanaw na
IKINALUNGKOT ng kaniyang kapwa rappers ang pagkamatay ni XXXTentacion. Binaril ng hindi kilalang suspek ang 20-anyos na rapper na si Jaheh Onfroy sa tunay na buhay habang ito ay nasa Florida. pagnanakaw naman ang nakikitang motibo ayon sa mga otoridad. Naharap na rin ito sa iba’t-ibang uri ng kaso gaya ng pananakit sa mga kababaihan. Ilan sa mga nagbigay ng pakikiramay ay si Kanye West at ang rapper na si Diddy na kung saan nagpost pa ang mga ito ng larawan ng yumaong rapper.
Morissette Amon, itinangging sinapawan niya si Jessica Sanchez
IDINIIN ni Morissette Amon na malaking karangalan para sa kanya na makasama sa entablado si "American Idol" runner-up Jessica Sanchez. Ito ay matapos na ikumpara silang dalawa ng mga netizens kamakailan nang gumawa sila ng isang duet sa isang variety show. Upang maiwasan ang kontrobersiya, nagpost si Morissette ng isang picture sa kanyang Instagram account. Sa kanyang caption, sinabi niya na masaya siya na naka-duet niya ulit si Jessica. Pinuri niya ang vocal ability ng Filipino-Mexican-American singer. Positibo rin ang sinabi ni Jessica patungkol kay Morissette at sa kanyang talento sa pagkanta. Naging mixed ang reaction ng mga netizen sa duet nina Morissette at Jessica ng "Stone Cold" ni Demi Lovato sa ASAP. Ayon sa ilang mga netizens, sinapawan daw ni Morissette si Jessica kaya hindi gaanong kuminang ang bituin ni Jessica sa entablado. Nadismaya ang mga fans ni Jessica dahil sa ginawa raw ng dating "The Voice of the Philippines" runnerup.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
M
araming maraming salamat po mga Ka-Daloy sa maraming taong pagtangkilik ninyo sa ating dyaryo. Sa paglabas ng mga bagong paraan ng pagsagap ng mga impormasyon gaya ng online website, Facebook at iba pa, dumating na ang tamang panahon para sa pagtiklop ng Daloy Kayumanggi.
Subalit, patuloy pa rin ang pagseserbisyo ng Daloy Kayumanggi Store (DK Store). Ang newspaper lang ang mawawala pero nandiyan pa rin kami para sa inyo. Bumisita lamang sa aming website sa www.DK6868.net o kaya sa aming Facebook account (https://www.facebook.com/ daloykayumanggi) para po sa aming mga promo at discounts sa mga produktong binebenta po namin. Muli po kaming nag papasalamat sa maraming taon pagtangkilik sa DaloyKayumanggi Newspaper.
Mabuhay po kayo!