Inspiring Global Filipinos in Japan
Vol. 5 Issue 74 April 2018
Murang cosmetics all made in Japan www.dk6868.net
FREE DELIVERY
BALITANG SHOWBIZ
Nagsimula nang maghanda si People’s Champ Manny Pacquiao para sa kanyang laban sa Argentinian boxer na si Lucas Matthysse.
Wala nang makakapigil pa sa bagong remake ng “Darna” na pagbibidahan ni Liza Soberano.
Manny Pacquiao, inanunsyo na ang training plans para sa susunod na laban
If you purchased 10,000yen or more of our hundreds of Beauty and Health Products
Sundan sa Pahina 12, 13, at 20
Sundan sa Pahina 19
Investment sa
BALITANG SPORTS
‘Darna’ ni Liza Soberano, tuloy na tuloy na
Sundan sa Pahina 21
Bohol
inaasahang mas lalaki pa
M
aganda ang pananaw ng mga investment authorities sa 2018 dahil inaasahan nilang mas lalaki pa ang investment capitalization sa probinsya ng Bohol. Ito ay matapos ihayag ng Bohol Investment Promotion Center (BIPC) ang kanilang positibong forecast. Isa sa mga dahilan sa kanilang positive forecast ay ang pagkakumpleto ng Panglao Airport. Sundan sa Pahina 4
KONTRIBUSYON
USAPANG OFW ni KUYA ERWIN
Personal Growth
Sumikat na ang Haring Araw, mainit-init na at napakasarap ng lumabas at mamasyal sa mga parks upang maglaro, mag-relax at manood. sundan sa Pahina 8
TAMPOK
7 Must-see places around Baguio
Hindi matatawag na Summer capital of the Philippines ang Baguio (a.k.a. City of Pines) kung malamig lamang dito.
sundan sa Pahina 14
TOKYO BOY PRO
Jobs of the Future
Para sa karamihan, hindi matatawaran ang impluwensiya ng social media sa kanilang buhay. Dati-rati ay bago kumain nagdadasal muna, ngayon kailan picturan muna.
Mga Pilipino, isa sa mga advanced ang pagunawa sa mga natural disasters
Ayon sa isang eksperto sa natural disasters at hazards, isa ang mga Pilipino sa mga pinakamagaling ang "understanding" sa mga natural disasters. Inihayag ni Dr. Alfredo Mahar Francisco Lagmay ito sa ASEANnale forum sa University of the Philipppines, ayon sa ulat ng Rappler. Aniya, ito marahil ay produkto ng maraming mga sakuna na naranasan na ng mga Pilipino.
Sundan sa Pahina 2
eCourt, inaasahang magpapabilis sa court process
Mas bibilis na ang mga court processes nga-yon dahil sa eCourt project na inilunsad ng Korte Suprema. Ang eCourt system na ito ay mas magpapadali sa case workflows at magpapaliit sa fees ng mga abogado. Hindi na kailangan ng mga litigants na magkonsulta sa kanilang mga abogado hinggil sa status ng kanilang mga kaso. Ang eCourt ay puwedeng magamit sa pamamagitan ng mga electronic kiosks na inilagay ng pamahalaan sa labas ng mga korte. Sundan sa Pahina 4
BALITANG GLOBAL PINOY
EDITORIAL
Japan, tutulong sa pagpondo sa mga Infra Projects ng Pinas
Pantay na karapatan kay Juana, isulong
Tutulong ang Japan sa pagpondo ng anim sa 13 infrastructure projects ng National Economic Development Authority (NEDA). Kinumpirma ng ahensiya ang balita sa isang joint meeting ng mga economic officials ng dalawang bansa. Magbibigay ang Japan ng total na Php 750 billion na gagamitin para sa socioeconomic spending ng bansa. Kasali na rito ang mga proyekto na parte ng transportation at public works sector. Isa sa mga proyekto na gagawin sa pondong ibibigay ay ang pinakaunang subway ng Metro Manila. Sundan sa Pahina 3
BALITANG LOCAL
3 Siyudad sa Pilipinas, kasali sa WWF One Planet KA-DALOY OF THE MONTH City Challenge sundan sa Pahina 17
Kauna-unahang Multinational Crown, nasungkit ng Pinay
H
indi lang magaganda ang mga Pinay, sadyang matatalino rin. Bilang patunay nito ay ang pagkakapanalo ni Miss Philippines Sophia Senoron ng Miss Multinational title. Siya ang kauna-unahang nakasungkit ng koronang ito.
Sundan sa Pahina 7
Tatlong malalaking siyudad sa Pilipinas ang napasali sa One City Challenge (OPCC) ng World Wide Fund. Ang mga siyudad na ito ay ang Makati at Pasig sa Metro Manila gayundin ang San Carlos sa Negros Occidental. Kasali ang tatlong siyudad na ito sa 40 mga finalists mula sa 133 mga siyudad ng 23 mga bansa. Ayon sa ulat ng WWF Philippines, ang mga nasabing siyudad ay maglalaban-laban base sa kanilang binubuong solusyon para magkaroon ng "low-carbon" at "climate-resilient environment."
Sundan sa Pahina 6
BALITANG SHOWBIZ
Sexy Photo ni Marian Rivera, pinagkaguluhan ng nitezen pati na celebrities Naging viral kamakailan ang sexy photo ni Marian Rivera na nakasuot ng bikini. Hindi lang mga netizens ang nakapansin sa kanyang kaseksihan, kundi ang mga celebrities.
Sundan sa Pahina 22
Catriona Gray, handa nang sumabak sa Miss Universe
Matapos makuha ang kanyang pinakaminimithi na Binibining Pilipinas-Universe, handa na raw sumabak si Catriona Gray sa isang bagong international pageant. Ayon kay Catriona, malaki raw ang kanyang pasasalamat na mabibigyan siya ulit ng pagkakataon... Sundan sa Pahina 23 FB FAN PAGE
DIGITAL VERSION
ORDER WEBSITE
Sundan sa Pahina 5
D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Kamakailan, inilunsad ng Philippine Commission on Women (PCW) ang 2018 National Women's Month Celebration. Sa temang “We Make Change Work for Women," na ginagamit mula 2017 hanggang 2022, pangunahing layunin nitong ma-"empower" ang mga kababaihan sa bansa sa lahat ng aspeto at sa lahat ng lebel ng lipunan.
sundan sa Pahina 7
TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com
Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
2
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Grab Philippines, inilunsad ang service sa Clark Airport
MAS MAGIGING MADALI na ang pagsakay sa Clark Airport dahil opisyal nang nagsimula ang service ng Grab PH sa Clark International Airport. Halos 400 na unit ang puwedeng i-book ng mga pasahero sa pangalawang pinakamalaking gateway airport ng bansa. Ayon sa kumpanya, ang mga Grab cars na ito ay puwedeng magamit sa halos lahat ng sulok
ng probinsya ng Pampanga lalung-lalo na sa Angeles at San Fernando. Nauna nang itinaas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang cap na 250 car units ng kumpanya sa probinsya. Itinaas ito dahil sa inaasahang pagtaas ng passenger traffic sa Clark Airport, lalo pa at madadagdagan ang bilang ng mga flights sa paliparan. Ito ay matapos magdesisyon ang Manila International Airport Authority na ilipat ang ilang flights nila sa Clark upang ma-decongest ang Ninoy Aquino International Airport
Mga Pilipino, isa sa Net Income ng Belle mga advanced ang Corporation, tumaas nang pag-unawa sa mga 13 percent natural disasters TUMAAS NG 13 PERCENT ang net income ng
AYON sa isang eksperto sa natural disasters at hazards, isa ang mga Pilipino sa mga pinakamagaling ang "understanding" sa mga natural disasters. Inihayag ni Dr. Alfredo Mahar Francisco Lagmay ito sa ASEANnale forum sa University of the Philipppines, ayon sa ulat ng Rappler. Aniya, ito marahil ay produkto ng maraming mga sakuna na naranasan na ng mga Pilipino.
Mahusay rin daw ang teknolohiya na gamit ng mga Pilipino upang maiwasan ang grabeng pinsala sa mga ari-arian at kabuhayan na dala ng mga natural disasters na ito. Ito ay dahil sa matalinong pag-invest ng pamahalaan sa mga nakaraang taon sa mga teknolohiya at metodolohiya para sa climate change adaptation (CCA) at disaster risk reduction. Ayon pa sa kanya, mahalaga rin daw na maging self-reliant ang Pilipinas pagdating sa paggawa ng mga teknolohiyang makakatulong sa prebensiyon ng pagkakaroon ng casualties. Si Lagmay ang direktor ng UP Nationwide Operational Assessment of Hazards na nagsasaliksik sa disaster science and development.
Belle Corporation matapos magtala ito ng Php 3.5 billion na kita sa 2017. Ang pinakamalaking parte ng kita ng kumpanya ay nanggagaling sa Premium Leisure Corporation, ang operator ng City of Dreams Manila. Nagkaroon ito ng Php 2.6 billion na kita sa nakaraang taon, ayon sa ulat ng rappler.com. Ang Belle Corporation din ang may-ari ng Tagaytay Midlands at Tagaytay Highlands na mga real estate properties na may sales at property management activities.
Cagayan North International Airport, opsiyal nang bubuksan
OPISYAL NANG magkakaroon ng mga commercial flights ang Cagayan North International Airport (CNIA) simula Marso 23. Ang flight na ito ay manggagaling sa Macau, China. Magkakaroon na rin ng domestic flight ang CNIA mula sa Maynila. Ang bagong paliparang ito ay matatagpuan sa bayan ng Lal-lo, na tatlong oras ang layo mula sa punong lungsod ng probinsya, ang Tuguegarao. Ang pagbubukas ng CNIA ay parte ng paglago ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport. Magiging virtual link ito ng bansa sa iba’t ibang mga bansa sa East Asia.
Mas malapit din ito sa resort town na Santa Ana kung ikukumpara sa Tuguegarao. Matatagpuan ang Palaui Island dito na itinuturing na isa sa mga pinakamagandang beach sa mundo ayon sa CNN. Marami pang ibang mga pristine white beaches sa lungsod na ito. Ipagpapatuloy rin ang paggawa ng mas malawak pa na runway ng airport upang mas maraming mga eroplano ang makalapag dito.
(NAIA). Sa buong 2017, 1.5 million na mga pasahero ang dumaan sa mga facility ng Clark Airport.
Plano ng kumpanya na i-expand ang City of Dreams Manila complex sa mga susunod na taon. Maaari rin silang magtayo ng isa pang malaking casino complex sa labas ng Metro Manila. Ang Belle Corporation ang gaming and property arm ng Sy family. Ang Sy family ay pinamumunuan ni Henry Sy, ang pinakamayamang Pilipino sa kasalukuyan. Siya ang ika-52 na pinakamayamang tao sa mundo dahil sa kanyang SM chain of malls at iba pang mga negosyo.
Senado, iimbestigahan ang nakaw-load sa mga prepaid phones MATAPOS makatanggap ng maraming mga reklamo hinggil sa mga pagkawala ng kanilang load sa kanilang mga mobile phones, magsasagawa ang Senate Committee on Science and Technology ng imbestigasyon sa nakaw-load scheme na ito. Pangungunahan ng chairperson ng committee na si Sen. Bam Aquino ang mga hearing para sa scheme na ito. Ayon sa kanya, hindi raw dapat hayaan ang mga Pilipino na magdusa bilang mga biktima ng pagnanakaw kahit load lamang ito. Hindi na raw dapat binabalewala ang mga hidden charges at mga mechanism na sanhi ng pagkawala ng load ng mga prepaid users. Nauna na siyang nag-file ng Senate Resolution 595 na naglalayon na utusan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na protektahan ang mga prepaid mobile users sa mga pang-aabusong ito. Ayon sa datos, halos 95 percent ng mga 120 million mobile subscriptions sa mga mobile networks ng Pilipinas ang maaaring maging biktima ng nakaw-load scheme na ito.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
3
3
Fintech Firm sa Pilipinas, magbibigay ng 1 milyon na microinsurance policies
MAMIMIGAY ang FINTQ ng Voyager Innovations ng isang milyong microinsurance policies sa 42,000 na barangay sa buong bansa upang marating ang karamihan sa mga mahihirap na
Pilipino na walang bank account. Ang pamimigay ng mga insurance policies na ito ay parte ng financial inclusion initiative na ginagawa ng FINTQ. Ang programa na ito ay tinatawag na KasamaKa at inaasahang makatutulong sa kanila kung sakaling makaranas ng mga trahedya sa buhay, gaya ng mga natural disasters at mga aksidente. Magiging libre ang pagkuha sa mga microinsurance policies na ito lalo na kung ang iyong kita ay maliit lamang. Ang mga beneficiaries ay makakakuha ng iba’t ibang mga claims, gaya ng
Php 5,000 para sa fire cash assistance at Php 20,000 para sa accidental death at disablement. Ang FINTQ ang financial technology arm ng Voyager Innovations. Ang Voyager Innovations ay parte ng PLDT Group of Companies na pagaari ng bilyonaryong si Manny Pangilinan.
PH contruction industry, lumalago
MAGANDA ANG EPEKTO ng programang Build, Build, Build ng pamahalaan sa construction industry ng bansa, dahil unti-unti itong lumalago habang niro-roll out ang infrastructure program. Ayon sa datos, ang construction industry ang isa mga pangunahing job creating sectors ng bansa. Inaasahang mas lalaki pa ang construction industry, dahil sa mga proyekto na sisimulan at ipagpapatuloy sa 2018. Malaking tulong ang Build, Build, Build sa industriyang ito dahil 100,000 na trabaho ang nalilikha sa kada bilyong dolyar na ginagastos sa bansa, ayon sa ulat ng ABS-CBN News. Puhunan sa construction industry ang pisikal na lakas at technical skills na mayroon ang 3.54
Universities of London, nagbukas ng Philippine Studies Forum
NAKATANGGAP ang School of Oriental and African Studies (SOAS) ng University of London ng ÂŁ75,000 mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang magbukas ng Philippine Studies forum sa prestihiyosong unibersidad. Layunin ng grant na ito na mas mapalawig pa ang suporta sa Philippine Studies sa institusyon na ito. Ito ang pinakaunang grant na naibigay ng Pilipinas sa isang malaking unibersidad sa United Kingdom. Magiging digitally published ang Philippine Studies at SOAS (PSS) project. Nagpasalamat ang head ng School of Languages, Cultures, and Linguistics sa institusyon dahil
million na construction workers sa bansa. Ilan sa mga pinaka-popular na mga kailangan ng industriya ay ang mga steelman, mason, karpintero, painter, safety engineer, at heavy equipment operator. Pinakamalakas ang construction industry sa NCR, Region IV-A o Calabarzon, Region III, at Region VI. Karamihan sa mga projects ng pamahalaan ay naka-concentrate sa mga rehiyong ito.
TUTULONG ang Japan sa pagpondo ng anim sa 13 infrastructure projects ng National Economic Development Authority (NEDA). Kinumpirma ng ahensiya ang balita sa isang joint meeting ng sa suporta ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamga economic officials ng dalawamagitan ng grant. Maraming academic activities at ng bansa. studies ang mapopondohan ng grant. Nanguna sa pagbigay ng grant na ito ang pangunahing sponsor ng grant na si Senate Committee on Finance chairperson Loren Legarda. Nasa seremonya rin si Philippine Ambassador to the UK na si Antonio Lagdameo.
DILG, ire-rekomenda ang shutdown ng Boracay para sa rehab
NAGLABAS NA ng pahayag ang Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa mga planong ipasara muna ang ilang mga establishment sa Boracay upang maibalik ang dating ganda nito. Ang rekomendasyon ng kawanihan ay magkaroon ng shutdown na hindi liliit sa 60 araw sa ilang mga business establishments upang magawa ang kailangang upgrades sa sewerage system ng isla. Hindi pa nakapag-desisyon ang departamento kung ang pagpapasara ay by area o by date. Nauna nang kinontra ng mga residente at business owners sa isla ang planong shutdown.
Japan, tutulong sa pagpondo sa mga infra projects
Iginiit nila na ang mga establishments lamang na gumawa ng violations ang dapat ipasara ng ilang linggo. Ang Boracay ang isa sa top tourist destinations sa bansa. Ayon sa datos mula sa Department of Tourism, may dala na Php 56 billion ang isla sa ekonomiya ng bansa. Dinidinig sa Senado ang planong rehabilitasyon sa Boracay upang mas maayos na maresolba ang problemang ito.
Magbibigay ang Japan ng total na Php 750 billion na gagamitin para sa socioeconomic spending ng bansa. Kasali na rito ang mga proyekto na parte ng transportation at public works sector. Isa sa mga proyekto na gagawin sa pondong ibibigay ay ang pinakaunang subway ng Metro Manila. Inaasahang isa ito sa magiging solusyon sa malalang traffic sa Kamaynilaan. Ito ay matapos malaman ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na umabot na sa Php 3.5 billion ang economic loss ng bansa kada araw dahil sa traffic. Ilang taon lang ang nakalipas, Php 2.4 billion lang ang economic loss ng Pilipinas na dala ng traffic sa Metro Manila. Ang pito pang proyekto ng NEDA ay popondohan ng World Bank, South Korea, Asian Development Bank, at China.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
4 4
BALITANG GLOBAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
PIA, nagbigay ng parangal sa ASEAN advocates NAGBIGAY ng mga parangal ang Philippine Information Agency (PIA) sa mga partner government agencies at civic and social organizations nito na tumulong sa pag-promote ng mga layunin at adbokasiya ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa awarding ceremony na ito, pinarangalan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Trade and Industry (DTI). Pin-
uri rin ang mga local government units sa iba’t ibang parte ng bansa sa kanilang dedikasyon sa ASEAN. Nakatanggap din ng papuri mula sa PIA ang karamihan ng mga malalaking media companies sa bansa dahil sa kanilang mga positibong coverage sa mga benepisyo ng ASEAN. May mga kumpanya rin na pinuri ang PIA dahil sa kanilang tulong sa pagkakaroon ng ASEAN Information Kiosks sa kanilang pasilidad. Ang PIA ang pangunahing ahensiya ng
gobyerno na nagsusulong ng pagbibigayimpormasyon hinggil sa ASEAN, gaya ng mga economic benefits nito.
Investment sa DA, nagpagawa ng Bohol, inaasahang molecular lab sa Bohol mas lalaki pa NAGBIGAY ang Department of Agriculture (DA)
MAGANDA ang pananaw ng mga investment authorities sa 2018 dahil inaasahan nilang mas lalaki pa ang investment capitalization sa probinsya ng Bohol. Ito ay matapos ihayag ng Bohol Investment Promotion Center (BIPC) ang kanilang positibong forecast. Isa sa mga dahilan sa kanilang positive forecast ay ang pagkakumpleto ng Panglao Airport na magdadala ng malakas na investor confidence at boost sa tourism at business industries. Bagama’t hindi raw maabot ng numero sa 2018 ang pagtaas ng investment capitalization noong 2011, malaki pa rin daw ang surge sa taong ito dahil sa mabilis na pagtaas noong 2016 at 2017. Maaalalang tumaas mula Php 800,000 hanggang Php 1.7 billion ang investment capitalization noong 2011. Bumaba ang investment growth noong 2013 dahil sa lindol na naranasan ng probinsya sa taong iyon.
Ang Bohol Investment Promotion Center ay isa sa mga opisina na nasa ilalim ng Office of the Governor ng Bohol. Ito ay pinangungunahan ni Maria Fe Dominese.
ng pondo upang masimulan na ang pagtatayo at operasyon ng isang genetic molecular laboratory sa Ubay Stock Farm sa bayan ng Ubay sa Bohol. Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, base sa ulat ng ia.gov.ph, ang molecular laboratory na ito ay magiging malaking tulong upang maisulong ang livestock industry sa probinsya at sa buong rehiyon. Kalakip din ng pagbubukas ng molecular laboratory ay ang pagpapasok ng limang libong girolando cattle breeds na gagamitin para sa genetic engineering at artificial insemination. Ang girolando ay isang breed ng baka na mas mataas ang kapasidad upang gumawa ng gatas para sa produksyon. Galing ang breed na ito sa
Brazil.
Sa pamamagitan ng laboratory na ito, magkakaroon na ng progresibong pasilidad para sa mga mananaliksik sa mga disiplina na makatutulong sa pag-aalaga ng mga livestock gaya ng baka at kalabaw. Ilan sa mga focus ng molecular lab ay ang reproductive physiology, animal health, at biotechnology.
Paghahabi ng inaul, eCourt, inaasahang ipinagdiwang sa Maguindanao magpapabilis sa court process
ITINAMPOK ng mga taga-Maguindanao ang ganda ng kanilang hinahabi na Inaul sa kakatapos lamang na Inaul Festival sa bayan ng Buluan. Ayon sa assistant festival director na si Monina Macarongon, ang pagdiriwang na ito ay isang patunay na pinahahalagahan ng pamahalaan ng probinsya ang kanilang kultura. Inihayag ng provincial government na isa sa mga pangunahing atraksyon sa teritoryo ang selebrasyon na ito. Isa sa mga aktibidad na sikat sa pistang ito ay ang “kapag-inaul” na isang paligsahan sa paggawa ng magandang tela na ito kahit na walang gamit na modernong makinarya. Isa sa mga layunin nila sa pag-organisa ng patimpalak na ito ay upang maipamalas ang galing ng mga kababaihang Maguindanawon na gumagawa nito. Ang Inaul ay isang importanteng parte ng sining at kultura ng kababaihang Maguindanawon. Kada tela at disenyong gawa ay iba’t iba pero representante pa rin ng dignidad at dangal ng kultura ng mga naninirahan sa probinsyang ito.
MAS BIBILIS na ang mga court processes ngayon dahil sa eCourt project na inilunsad ng Korte Suprema. Ang eCourt system na ito ay mas magpapadali sa case workflows at magpapaliit sa fees ng mga abogado. Hindi na kailangan ng mga litigants na magkonsulta sa kanilang mga abogado hinggil sa status ng kanilang mga kaso. Ang eCourt ay puwedeng magamit sa pamamagitan ng mga electronic kiosks na inilagay ng pamahalaan sa labas ng mga korte. Mas magiging mabilis din ang pagkuha ng mga hurado sa mga dokumento na kailangan nilang basahin upang makapagdesisyon sila. Paperless na rin ang proseso na ito na makakatulong sa pagbaba ng basura na nangagaling sa mga korte sa buong bansa. Sa pamamagitan ng eCourt din, magkakaroon ng email notification ang mga defendant at plaintiff kung may update sa kaso nila. Una nang inilunsad ang eCourt project noong 2013, pero mas naging mabilis lang ang implementation nito sa mga nakaraang mga taon dahil sa pag-roll out nito sa sampung lungsod sa bansa na may pinakamaraming case loads.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
5
5
3 Siyudad sa Pilipinas, kasali sa WWF One Planet City Challenge
TATLONG malalaking siyudad sa Pilipinas ang napasali sa One City Challenge (OPCC) ng World Wide Fund. Ang mga siyudad na ito ay
ang Makati at Pasig sa Metro Manila gayundin ang San Carlos sa Negros Occidental. Kasali ang tatlong siyudad na ito sa 40 mga finalists mula sa 133 mga siyudad ng 23 mga bansa. Ayon sa ulat ng WWF Philippines, ang mga nasabing siyudad ay maglalaban-laban base sa kanilang binubuong solusyon para magkaroon ng "low-carbon" at "climate-resilient environment."
Ang nasabing kampanya ay sisimulan ng Mayo 7 at magtatapos ng Hunyo 2018. Matatandaang, noong 2015 at 2016, naging finalists na rin ang Makati at San Carlos sa nasabing kumpetisyon. Inilunsad ang OPCC noon pang 2011 bilang Earth Hour City Challenge. Layunin nito na gawing aktibo ang mga siyudad tungo sa pagkakaroon ng low-carbon at sustainable na kinabukasan.
Ricky Vargas, nahalal na bagong PH Olympic Committee president SI RICKY VARGAS na ang bagong presidente ng Philippine Olympic Committee (POC) matapos ang kumplikadong proseso kung saan kailangan pang mag-issue ng court order para sa eleksyon. Pinasalamatan ni Ricky Vargas ang iba't ibang mga national sports associations (NSAs) na sumuporta sa kanyang pag-kandidato. Natalo niya para sa posisyon ang incumbent na si Jose "Peping" Cojuangco, Jr. na presidente ng asosasyon sa loob ng 13 taon. Nakakuha si Ricky ng 24 na boto laban sa 15 na natanggap ni Peping. Si Ricky din ang kasalukuyang head ng Association of Boxing Alliances in the Philippines. Maliban kay Ricky, nanalo rin si Abraham Tolentino sa chairmanship ng POC. Siya ang presidente ng Integrated Cycling Federation of
#ShiftED, inilunsad ng Globe MyBusiness
INILUNSAD na ng Globe MyBusiness ang isang platform kung saan puwedeng mas maging handa ang mga estudyante upang maging globally competitive. Pinamagatang #ShiftED, layunin ng programang ito na magkaroon ng “ecosystem of enablers� upang maging handa ang mga estudyante sa buhay pagkatapos ng kolehiyo. Sa pamamagitan ng mga produkto, programa, software at collaborative opportunities, ang #ShiftED ay magiging kasangga ng mga eskuwelahan at pamahalaan upang mas maging madali ang pagkuha ng mga digital tools at resources. Isa sa mga education activities ng #ShiftED ay ang Digital Thumbprint program, kung saan tinuturuan ang mga estudyante kung paano maging mas responsable ang paggamit ng Internet. Ang PRISM naman ay para sa mga guro upang mas maging digitally literate sila. Kasama ng Globe MyBusiness ang OJT.ph at Spring Valley sa pagsiguro na may oportunidad ang mga estudyante sa magagandang trabaho kapag sila ay nagtapos na ng pag-aaral, lalo na sa umuusbong na tech industry.
the Philippines at kasalukuyan ding kongresista ng Cavite. Isa sa mga pinakamalaking proyekto na hahawakan ni Ricky at Abraham sa kanilang termino ay ang pag-host ng Pilipinas sa South East Asian (SEA) Games sa 2019.
Mga gold medalist sa SEA Games, ASEAN Para Games, pinrangalan
PINARANGALAN ang lahat ng mga gold winners para sa Pilipinas sa Southeast Asian Games at ASEAN Para Games. Ito ay para sa karangalan na kanilang naiambag para sa bansa at sa Philippine sports. Isa sa mga pinarangalan ay si Trenten Anthony Beram. Siya ay nanalo ng mga gintong medalya sa 200m at 400m run sa SEA Games. Sa ASEAN Para Games naman, nanalo ng mga gintong medalya ang mga track athletes na sina Cendy Asusano at Cielo Honasan. Ang mga awardees ay tumanggap ng citations mula sa pinakaunang media organization sa Pilipinas. Co-sponsors sa award show na ito ang Cignal TV at MILO. Ginanap ang San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Maynila Hall ng Manila Hotel noong Pebrero 27. Ginanap ang SEA Games at ASEAN Para Games noong isang taon sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang overall ranking ng Pilipinas sa SEA Games ay sixth habang fifth naman sa ASEAN Para Games.
Dating Lady Eagles, tumulong sa Marawi
PINANGUNAHAN ni Charo Soriano ang mga effort ng mga dating Ateneo Lady Eagles upang matulungan ang mga biktima ng Marawi siege noong isang taon. Ang mga naging parte ng donation drive na ito ay mga dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles Women's Volleyball team at ang mga kasalukuyang players ng mga BanKoPerlas. Ilan sa mga tumulong sa donation drive ay sina Gretchen Ho, Alyssa Valdez, Charo Soriano at Amy Amohiro. Lumipad ang mga dating atleta na ito sa Marawi at nagpatawag ng call for donations upang maibigay sa mga biktima sa ground. Ilan sa mga materyal na kanilang ipinamigay ay ang mga non-perishable goods, mga kumot, at iba pa. Ang kanilang mga pinuntahan na parte ng Marawi ay ang Camp Bagong Amai Pakpak Elementary School at ang Marawi State University. Ang kanilang pagpunta ay isang partnership sa pagitan ng Volleyball Community Gives Back program at ng Kusinang Kalinga.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
6
6
EDITORIAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
CLICK HERE TO WATCH VIDEOS REGARDING THIS EDITORIAL
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Jagger Aziz Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists & Contributors: Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Erwin Brunio (ebrunio@gmail.com) Mario Rico Florendo (Facebook: mario.florendo) Martin Paul Sabinet Henderson (hendersonmartinpaul@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi
editor`s note LOREEN DAVE CALPITO
PANTAY NA KARAPATAN KAY JUANA, ISULONG
K
amakailan, inilunsad ng Philippine Commission on Women (PCW) ang 2018 National Women's Month Celebration. Sa temang “We Make Change Work for Women," na ginagamit mula 2017 hanggang 2022, pangunahing layunin nitong ma"empower" ang mga kababaihan sa bansa sa lahat ng aspeto at sa lahat ng lebel ng lipunan.
Nangangahulugan ito ng pantay na pagtingin sa lahat ng mga kababaihan maaaring bilang opisyales o empleyado ng gobyerno, miyembro ng pribadong sektor, ng akademya, non-government organizations, o bilang pribadong indibidwal. "It emphasizes our collective effort, collaboration and participation to ensure that women will not be left behind in the pursuit of change," ika ng PCW.
Isa sa pinakamahalagang aktibidad na inilunsad ng ahensiyang ito ng gobyerno ay ang Photo at PosterMaking Contest, halimbawa, na may layunin pa ring maitampok ang bahaging ginagampanan ng mga kababaihan sa lipunan. Sa pakikipagtulungan ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Ibig sabihin nito, aktibong nakikiisa ang gobyerno sa pagsusulong sa pantay na karapatan ni Juana sa lipunang kanyang ginagalawan. Ibig sabihin nito, may aksiyong ginagawa ang gobyerno para masawata at tuluyang mapigilan ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan sa bansa, maging sa ibang lugar sa buong mundo. Kung matatandaan, naging laman ng telebisyon, radyo, at pahayagan ang karumal-dumal na krimen na
ginawa sa Pinay na si Joanna Demafelis. Kung saan, natagpuan siyang patay sa loob ng isang freezer. Ang mga suspek -- ang kanyang mga empleyado. Si Joanna ay isa lamang sa libu-libong mga Pinay na nakararanas ng pang-aabuso 'di lamang sa ibang bansa kundi pati na rin dito sa loob mismo ng bakuran ng Pilipinas. Nangangahulugan ito na malayo pa ang umaga para tuluyang maging malaya si Juana mula sa kamay ng mga mapang-abusong mga tao -- na ang tingin sa kaniya'y "utusan," "mas mababang uri," o 'di naman kaya, "walang silbi."
Nawa ay mas marami pang mga programa ang ilunsad ng pamahalaan na may layuning bigyan ng halaga ang mga kababaihan sa bansa. Nasa tamang direksiyon na ito. Daragdagan na lamang nito ng mas marami at makabuluhang mga programa o aktibidad. Sana rin ay darating ang panahong malaya nang nakagagalaw ang lahat ng mga Juana at nailalabas ang kanilang sariling boses sa loob ng kanikanilang lipunang ginagalawan.
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
BALITANG KA-DALOY KA-DALOY GLOBAL OF THE PINOY OF MONTH THE MONTH 7
Impormasyon ng Pilipino
ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
Kauna-unahang Multinational Crown, nasungkit ng Pinay
H
indi lang magaganda ang mga Pinay, sadyang matatalino rin.
Bilang patunay nito ay ang pagkakapanalo ni Miss Philippines Sophia Senoron ng Miss Multinational title. Siya ang kauna-unahang nakasungkit ng koronang ito. Inungusan ni Senoron ang 50 iba pang mga contestants at nag-uwi siya ng dalawang special awards: ang Miss Speech at Miss Environment.
“Our very own Sophia Senoron is the first winner of MISS MULTINATIONAL 2017 – 2018! Mabuhay ang Pilipinas!”
ika ni Arnold Vegafria, ang national director ng Miss Multinational pati na ng Miss World Philippines. Hindi nakapagtatakang naiuwi ni Senoron ang nasabing titulo dahil isa siyang champion debater sa San Beda University. Sa kasalukuyan, ang 18-year old na dalaga ay kumukuha ng Financial Management sa parehong unibersidad.
Si Senoron ang pinakahuling Pinay na nakasungkit ng korona sa isang international beauty pageant para sa Pilipinas.
Kaya naman, hindi maitatatangging inspirasyon siya sa maraming mga Pilipino. Walang duda, siya ang ating Ka-Daloy of the Month.
APRIL 2018
8 8
KONTRIBUSYON KONTIRBUSYON
PERSONAL GROWTH
S
umikat na ang Haring Araw, mainit-init na at napakasarap ng lumabas at mamasyal sa mga parks upang maglaro, magrelax at manood ng sumasabog na ganda ng iba’t ibang bulaklak. Syiempre, sentro ng atensyon ang pag-bloom ng sakura. Ang sakura season ay panahon ng graduation, bagong trabaho, lipat ng bahay, apply ng bagong visa at iba pa. Biglang nilabas ang mga nakatagong dapat gawin nuong tiglamig, at sabay sabay na binuksan sa pagpasok ng Marso. Parang sakura, na biglang namulaklak. Busy, pero lahat ng tao ay pawang nakangiti. Maging ang mga paru-paro, ibon at mga bulaklak ay masasaya at pawang nakangiti. Nagmistulang mga bulaklak naman ang grupo naming mga Panaynon sa aming general meeting na may surprise 60th birthday party sa isa naming miembro. Hawaiian attire ang aming napagkasunduan at nakakatuwang pagmasdan ang ibang ibang color namin, na parang isang sakura season din. Kamakailan lang din ay nagkaroon kami ng graduation sa SEELS Teachers Academy. Apatnapu’t siyam (49) na mga Filipina na naman ang nagkaroon ng tsansa na mapabago ang landas ng kanilang buhay at magkaroon ng growth sa sarili. Kasi bilang tao, natural sa iyo ang humanap ng personal growth. Ito ay isa sa mga basic need upang maging satisfied ka bilang tao. Kahit mayaman ka na at kompleto ng magarang bahay, sasakyan at mga branded bags, minsan nafe-feel mo pa rin ang kakulangan sa buhay. Kapag wala kang personal growth, parang kulang ang buhay mo. Nagtapos din ang iba sa 5-days once-a-week na computer course. Dito, pinag-aaralan gamitin ang computer, hanggang paano gumawa ng report gamit ang document (o Microsoft Word), paggawa ng spreadsheet at Powerpoint presentation. Sa huling klase, ang mga students ay mag-de-demo ng kanilang gawang mga slide presentation bago ang awarding ng certificate of completion. Kayat tunay na ang sakura season ay isang malaking senyales sa bawat isa na ugaliing mapabuti ang sarili. Na matuto ng bagong kaalaman o kakayahan. Para maging satisfied sa iyong buhay, dapat laging may personal growth. Learn something new today. Ang surprise 60th Birthday presentation ng mga Panaynon
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
usapang ofw ni kuya erwin
ERWIN BRUNIO #090-7428-5744 EMAIL: EBRUNIO@GMAIL.COM
( Graduation sa SEELS Basic Computer Course kung saan ako ang isa sa mga instructor. ) 4th Graduation Ceremony ng SEELS Teachers Academy para sa nais maging English teachers (Photo by Cesar Santoyo)
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
BALITANG GLOBAL PINOY TIPS
Impormasyon ng Pilipino
3 Benepisyong pangkalusugan ng Mangga ANG MANGGA na marahil ang pinakasikat na prutas sa Pilipinas. Dahil sa sarap nito, mabenta ito kahit saang sulok ng Pilipinas. Ang hindi alam ng karamihan ay ang dami ng mga health benefits na maaaring makuha sa palaging pagkain ng mangga. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito: Nakakabuti sa eye health Ang mangga ay rich source ng vitamin A. Ang bitamina na ito ay nakatutulong upang mas mapabuti ang iyong paningin. Naagapan din nito ang night blindness at panunuyot ng mga mata. Nakaka-maintain ng alkali reserve ng katawan Ang mangga ay may tartaric acid, malic acid, at citric acid na benepisyal para maging
Nakakalakas ng brain function Ang green tea ay nagtataglay ng mga antioxidants na nakatutulong para gawing aktibo ang utak. Ito ay mga stimulants na hindi ganoon kanegatibo ang epekto, hindi kagaya ng kape. Nakakabilis ng pagkawala ng taba sa katawan Epektibo ang green tea bilang fat burning agent dahil itinataas nito ang fat oxidation at
3 Benepisyong pangkalusugan ng Apple Cider Vinegar
maintained ang alkali reserve ng katawan. Nakatutulong agapan ang heat stroke Ang pagkain ng mangga ay nakababawas sa tyansa na mag-overheat ang katawan.
Hindi lang sikat ang mangga sa mga masasarap na dessert na nagagawa mula rito. Sikat din ito sa mga benepisyong dala nito upang mas mapatatag ang kalusugan ng isang tao.
3 Benepisyong Dala ng Green Tea
BAGAMA'T hindi ganoon kadalas ang paginom ng mga Pilipino ng green tea, may mga parte ng mundo, gaya ng South Korea at Japan, kung saan halos araw-araw ang consumption nito. Isa ito sa mga sinasabing dahilan kung bakit mataas ang lifespan ng mga nakatira sa mga bansang ito. Ang mga sumusunod ay mga health benefits na puwedeng makuha sa pag-inom ng green tea:
9
energy expenditure. Nagpapabilis din ito ng metabolism. Nakakabawas ng panganib ng cancer Ang mga antioxidants ng green tea ay mga properties na nakatutulong sa paglaban sa sakit na kanser. Tama lang na ipinagmamalaki ng mga Hapon at Koreano ang green tea dahil sa marami talaga itong dalang health benefits. Ang haba ng buhay ng mga lahi na ito ay isa sa mga pruweba ng mga benepisyong handog nito.
HINDI MAN masyadong ginagamit sa pagluluto, nagiging popular na ang apple cider vinegar. Ibang-iba ito sa mga suka na ginagamit sa Pilipinas dahil sa ibang lebel ng asim na taglay nito. Isa rin sa mga dahilan kung bakit sikat ito ay dahil sa mga magagandang health benefits na dala nito. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga health benefits ng Apple Cider: I-regulate ang lebel ng blood sugar Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-inom ng apple cider vinegar ay nagpapababa ng blood sugar levels ng hanggang 31 percent. Ito ay dahil sa nakakadagdag sa sensitivity ng insulin ang hormone na naghahatid ng sugar mula sa dugo sa tissues. Nagpapababa ng blood pressure Epektibo ang apple cider vinegar na magpababa ng blood pressure ng isang tao. Makakatulong ito sa pagpapanatili ng kalusugan ng puso. Nakagaganda ng balat Kung ipapahid sa balat, makakatulong ang apple cider vinegar upang maayos ang acne at mawala ang scarring.
Ang apple cider vinegar ay hindi lang pansahog sa mga niluluto, marami rin itong mga benepisyong handog sa iyong kalusugan.
3 Benepisyong pangkalusugan ng Sayote 3 Protein sources bukod sa karne
ANG SAYOTE ang isa sa mga pinakamadalas na gamitin na gulay sa kusina. Bukod sa masarap ito, isa sa mga dahilan kung bakit marami ang may gusto nito ay dahil sa maganda ang naidudulot nito sa kalusugan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga benepisyong dala ng pagkain ng sayote sa kalusugan: Nakakapayat ng katawan Maliit lang ang calorie count ng sayote. Kaya naman, kung masipag kang mag-exercise, mas malaki ang tysansa na mawala ang iyong mga taba. Nakakababa ng cholesterol sa bloodstream Kung ikaw ay may mataas na cholesterol level, ang sayote ay magandang kainin palagi. Puwede nitong mapababa ang cholesterol sa iyong bloodstream dahil wala itong saturated fat at maliit lang ang calorie content nito. Nakakawala ng kidney stones May research na nagpapatunay na nakakatulong ang pagkain ng sayote sa pagpapaliit ng mga kidney stones. Bagama't hindi paboritong kainin ng karamihan ang sayote. marami naman itong health benefits na maidudulot sa iyong kalusugan.
ANG PROTEIN ay mahalaga na nutrient sa kalusugan. Ito ay importante lalo na kung ikaw ay nagwo-workout at nagpapalaki ng katawan. Isa sa mga source ng protein ay ang mga karne, gaya ng baboy at baka. May mga alternatibo ring protein sources na hindi karne. Ang mga sumusunod ay mga alternative protein sources na puwedeng bilhin: Palitan ang karne ng tofu Epektibo na alterantive sa karne ang tofu. Halos magkapareho lang ang lasa nito at may protein din ito. Pero puwede ito sa mga vegan at mga vegetarian. Uminom ng organic soy milk Ang organic soy milk ay magandang source ng protein. Nakatutulong din ito sa prebensiyon sa sakit na cancer, kaya subukan mo na ito. Kumain ng asparagus Maraming protein content ang asparagus. May B vitamins at folate din ito.
Hindi lang karne ang mga source ng protein. Sa katunayan, maraming mga pagkain ang mas may malaking healthy protein content.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
10
10
PINOY KA BA?
Impormasyon ng Pilipino
It`s Joke Time!
SPAGHETTI Isa sa mga patunay na totoo ang Law of Gravity ni Newton ay ang kanta ng Sexbomb Girls na "Spaghetti." Sabi nga nila, pababa at pataas lang ang pagkilos ng mga bagay. ANG UWAK Guro: Juan, gawin mong English ang pahayag na ito. Juan: Ano po, mam? Guro: "Ang uwak ay hinang-hina sa paglalakad" Juan: "The wak wak weak weak wok wok..."
SOMETHING FISHY Anong sinasabi ng isda kapag mamamatay na sila? "Da-ing" Ano naman ang isdang dehydrated? "Tuyo" Ano naman sa isdang matanda na? "Century Tuna" Paano naman kung mas matanda pa? "555"
WALANG PAG-ASA! Dalaga: Alam mo, iba ka sa mga lahat ng manliligaw ko. Binata: Bakit? Paano naman? Dalaga: Ikaw lang ang walang pag-asa!
ANG AKING MAGANDANG GURO Guro: Juan, bigyan mo ako ng sentence sa English. Juan: Ma'am is beautiful, isn't she? Guro: Magaling! Please translate it to Tagalog. Juan: Si Ma'am ay maganda, hindi naman diba? ANG BEHAVED NA PUSA Pedro: Ang galing ng pusa namin. Kahit may ulam sa mesa, hindi
Frozen Lion king Snow white
Impormasyon ng Pilipino
Cinderella Bambi Peter Pan
ginagalaw. Juan: Hindi ako naniniwala. Pedro: Totoo nga! Juan: Ano ba ulam niyo? Pedro: Asin!
Juan: Jose Rizal po ma'am. Guro: Nakatsamba ka ah. Juan: Eh maam. Kilala mo si Sonya? Guro: Hindi. Sino siya? Juan: Ayan. Puro kasi kayo turo at aral. Kabit yun ng asawa mo!
ANG LUPA SA LIKOD NG BAHAY Lolo: Apo, mukhang mamamatay na ako. Magpakabait ka ha? Apo: (umiiyak) Opo, lolo. Lolo: Nakikita mo yung lupain sa likod ng bahay natin? Wag mong ibebenta yun ha? Apo: Hindi naman po sa atin yan ah. Lolo: Kaya nga! Baka makulong ka.
MAYABANG NA MGA DAGA May tatlong daga nagpapasiklaban... Daga 1: Mga pare, alam niyo ba na kumain ako ng cheese sa loob ng mouse trap! Daga 2: Wala yan! Ako kumain ako ng pagkain na may racumin. Daga 3: Wala naman pala kayong binatbat. Come with me and let's play with a cat.
TANGA SI JUAN Isang araw umakyat si Juan sa puno ng guyabano upang alamin kung may hinog na ba... Juan: Uy! May mga hinog na. Bababa na ako upang masungkit siya
KETCHUP AT TUYO Amo: Yaya, magluto ka ng hapunan ah. Yaya: Ano pong ulam? Amo: It's all up to you Nang maghapunan na... Amo: Yaya, bakit ketchup at tuyo lang? Yaya: Sabi niyo po kasi kitsap at tuyo eh. Amo: It's all up to you kasi, yaya!
TANGGAP AGAD Sa isang job interview.... Manager: Okay! Ano ba alam mo? Applicant: Alam ko kung saan nakatira asawa mo at kung sino kabit mo. Manager: Tanggap ka na! MATALINO KA NGA Guro: Juan, late ka na naman. Feeling mo lagi matalino ka. O, sige nga. Sino ang national hero natin?
Tangled Coco Fantasia
Tarzan Hercules Cars
NAGBIGTI SI KUYA Anak: Nay! Si Kuya, nagbigti sa banyo. Nanay: Anak, wag ka magbiro ng ganyan. Anak: Joke lang. Sa sala siya nagbigti.
KANDONG Pasahero: Mamang tsuper, may bayad po ba kapag bata? Driver: Wala Pasahero: Kapag kandong? Driver: Wala din Pasahero: Ok anak. Umupo ka na. Kakandong ako. HOMEBASED WORKER Juan: Pare, musta? Berto: Eto, nagagalit sakin ang misis ko kasi inuuwi ko sa bahay yung mga hindi ko natapos na trabaho. Juan: Bakit, ano ba trabaho mo? Berto: Embalsador. NAGTAAS NG KAMAY Ina: Anak, nagtaas ka ba naman ng kamay mo kapag nagtatanong ang
Mulan Dinosaur Holes
Underdog Enchanted Bolt
teacher mo? Anak: Opo 'Nay. Kagaya lang kanina. Ina: Galing naman ng anak ko! Ano ba tinanong niya? Anak: Kung sino daw sa amin ang may nanay na nagsusugal. ANG COBRA Juan: Pare, natuklaw ng cobra yung paa ko! Tulungan mo naman ako. Pedro: Tatawag ako ng doktor. Pedro: (tumawag sa telepono) Dok, natuklaw ng cobra ang kaibigan ko, ano po gagawin ko? Dok: Sipsipin mo ang dugo kung saan natuklaw ang kaibigan mo! Juan: Ano sabi ng doktor? Pedro: Mamamatay ka na raw! ANG MULTO AT SI JUAN Naglalakad si Juan nang sundan siya ng isang multo.... Juan: Sino yan? Magpakilala ka? Multo: Multo ako! Juan: Patunayan mong multo ka! Multo: Ito ang certificate ko! KNOCK KNOCK JOKE 1 Knock knock Who's there? Mayon! Mayon who? When tomorrow comes I'll be on MAYON
KNOCK KNOCK JOKE 2 Knock knock Who's there? My thoughts! My thoughts who? My thoughts, my knees, my shoulder, my head. mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
Up Planes Bears
www.tumawa.com
Moana Dumbo Pocahontas
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
11
KONTRIBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Mga Kwentong
Makabuluhan
ni
MARTIN PAUL S. HENDERSON HENDERSONMARTINPAUL@YAHOO.COM
H
uwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party… pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan… no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan… kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 70 yrs old na… “ Magandang hapon po ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo ay pliers jan?” ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin. Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang deperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako. Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon… sabi nya pasensya na daw ako kasi nagiisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating dyipney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yun… pumunta sa kusina ang matanda siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawan… siguro family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang. Tama ako, sabi ni mang Roman anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, mejo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatangihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura. “kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin, “ Jun po”, sagot ko naman. “ kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.” “naku wag na po, meron po ako nasa hiraman nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?” tanong ko “Si Danny, Engineer ko yan… may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding… nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yan… nakapag asawa ng taga Davao at doon na nanirahan… yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito eh… kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko ng aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak. Pinagbili ko na rin yung jeep ko,
11
KWENTO NG
MAGULANG okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nila”. “Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean po… sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?” “isang taon na siguro na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa telepono… kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nila… yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalaw… pag-namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengke”. “Hindi po ba kayo nahihirapan?” “mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawan… pero siguro ito ang buhay ko, pag may nasakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap siguro yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si pareng kanor jan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatira… kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apo…. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nya… yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nila… pero alam mo, Masaya si pareng kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nya… minsan naiingit ako, iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayon”. “ paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?” “ kapitbahay jun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamot… sapanahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin dito… kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang na…. o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nun… pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanila… alam ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.”
“ ayaw nyo po bang tumira sa kanila?” “ magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, siguro pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon jun? kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na siguro ay busy sila sa kanilang buhay… mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabala”. Napalunok ako saa king mga narinig, naawa ako sa kanya… “ Ikaw Jun, may magulang ka pa ba? “Nanay ko na lang po, nasa bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.” “kailan mo sya huling dinalaw?” tanong nya… hindi ako nakapagsalita, huli akong pumunta sa bukidnon noong pasko… malapit na naman ang pasko hindi pa uli ako nakakapunta doon. “sana madalaw mo uli ang iyong magulang Jun, sigurado ako… gustong-gusto ka na nyang makita katulad ng kagustuhan kong makita ang mga anak at apo ko… subukan mo, alam ko magiging maligaya sya” Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamat… nagpasalamat din sya sa akin, nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap, sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa talyer. Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako. Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si mang Roman pero sarado na ang bahay… nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si mang Roman tatlong araw ang nakakalipas, pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si mang Roman at pina-cremate. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mang Kanor, iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni mang Roman… “bilin ni Roman ay ibigay ko raw syo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Bukidnon, baka ka daw masiraan sa daan”. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni mang Roman sa kanyang mga anak at apo. Nagdesisyon ako, magfifile ako ng leave… uuwi ako sa Bukidnon para dalawin ang nanay ko, tama si mang Roman tiyak matutuwa yun pag nakita ako.
Mensahe ng isang magulang: Anak.., kung nasaan ka man sana maalala mo ako. Sana dalawin mo ako kahit minsan lang. Sabik na akong makasama at makausap kang muli. Kung may pagkukulang man ako… patawad anak, Gusto kong malaman mo… mahal kita higit sa pagkakaalam mo.
JULY 2017
12
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
14 14
TRAVEL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
tampok
HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI
website: www.hoshilandia.com CLICK HERE TO SUBSCRIBE AT MY CHANNEL
H
indi matatawag na Summer capital of the Philippines ang Baguio (a.k.a. City of Pines) kung malamig lamang dito. Marami pa ritong masarap puntahan gaya ng paglakad-lakad lang sa Burnham Park. Narito ang ilang must-visit places in and around Baguio na hindi mo dapat palagpasin na puntahan.
Strawberry farm (La Trinidad) Sadyain ang lugar na ito pero mabuting isa ito sa dapat mong unahin bago pa maubos ang iyong pera o huwag kaligtaan na daanan bago umuwi. Magandang mamalengke dito dahil bukod sa sariwa ay napakamura ng mga gulay. Sa 100 pesos mo ay may 3 kilong gulay ka na assorted na mabibili. Naku matutuwa ang mahihilig magluto ng pinakbet at chopsuey o gumawa ng salad. Kung sawing-sawi ka sa mahal ng brocolli, cauliflower at lettuce sa s’yudad, dito panalong-panalo ka. Siyempre panalo ang pagbili dito ng strawberry (Presa in Tagalog). Hindi ko alam kung alin ang mura pero huwag kalimutan tumawad at mas mahal daw ang strawberry picking. Nagtataka ka ba’t ang mahal gayong ikaw na nga kukuha? Well, may nabasa akong magandang rason… Dahil hindi ka naman automatic na marunong dito at may chance na mali at makasira ka ng tienes dun. Anyway, dahil sa Forevermore ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) ay deadma sa mahal ang mga turista doon. Iba ang dami ng tao at itsura ng ng strawberry farm na nakita ko more than 5 years ago.
Bell church Hindi ko alam kung bakit halinang-halina ako sa lugar na ito, pero siguro dahil sa interesante at bibihira ako makapasok ng Chinese temple (not until makapag-Bindondo photowalkako). Hindi ito madaling makita dahil nasa looban pero ang landmark ay ang marque ng “Welcome to La Trinidad.” Night market /ukay-ukay in Baguio City- Madalas traffic na sa Baguio city lalo ‘pag summer o Panagbenga (Flower Festival). Pero ganun talaga, mas dinisenyo ito para sa tao kaysa sasakyan at sanga-sanga ang daan. Ang masaya talaga ay maglakad lalo na sa gabi o kahit pa sa maghapon. Unang -una ay hindi naman mainit at maraming mapupuntahan ( like Baguio Museum, Botanical Garden, Baguio Cathedral, Burnham Park, at iba pa). Isa pa’y napakaraming interesanteng establishments (maliban sa SM baguio na walang aircon), especially for foodies at fashionistas. Hinahanap ko pa yung resto na nag-o-offer ng organic food. Pagbalik ko doon ay isa iyon sa pupuntahan ko kasama na ang BenCab museum.
Camp John Hay Lakas makaibang bansa ng Camp John Hay, lalo na ng masubukan namin ang style ng Starbucks doon. Para kang nasa isang country style setting. Sa ibang banda dito ay masarap mag-pictorial, gumawa ng music
video, exercise, magnilay-nilay. Ang gusto kong parts dito ay kissing lane (picnic areas), the lost cemetery of negativism, at yung amphitheater malapit sa Bell House. Pero siempre maigi rin na makapask sa pamosong Bell House na yan na hinango sa name ni General J. Franklin Bell at itinayo noong 1903. Magkakalapit lang cemetery at old house, baka isipin mo na bakit may nakaisip ng kalokohan na lugar na iyan sa isang heritage house na tirahan noon ng mga commanding general sa Pilipinas? Pero in fairness sa cemetery may inilalaban na mensahe. Ilibing ang nega! By the way, ang amphitheater ay isa shooting location ng Princess Sarah ni Camille Prats kung di ako nagkakamali. Check mo yung may story telling session sila.
Our Lady of Lourdes Grotto Ayon sa tsika ay 252 steps ang kailangan mong iakyat para marating ang altar ng Our Lady of Lourdes. Nakakapagod? Challenging naman, sa mga walang tiyaga pero puno ng pananampalataya ay iba namang daan . Sa mga nagutom at napagod, marami ring tindahan sa paligid, dito ako nakatikim ng strawberry taho.
Philippine Military Academy Para sa akin mainam na makita natin ang mga kadete para maitindihan natin sila nang may lalim. Kung paano sila makisalamuha, at yung tindi ng training na kanilang pinagdadaanan. Bago ako makarating dito, di ko naiisip kung paano sila sa personal pero ang impression ko ay nakaka-intimidate sila at istrikto. Pero sa mga nakausap ko na opisyal ay mababait naman at binigyan pa ako ng souvenirs. Anu-ano ba ang makikita sa PMA? Ang mga lumang klase ng sasakyang pandigma sa lupa at himpapawid, PMA museum, at souvenir shop. Nung una ako nakarating dito ay nakabili pa ako ng 2 camouflage t-shirts na lagi kong sinusuot pero may nakapagsabi sa akin na baka bawal na raw at delikado para sa akin, so… I recommend na pasukin mo din ang museum. Hindi naman boring kung may curious kang isipan at mapang-unawang puso. Pero para sa isang traveler, nandoon ka sa isang lugar ay matutuhan mo na ang kasaysayan o kultura nito.
Mines View/ Good Shepherd convent Mas gusto ko sa museum like sa Baguio and Benguet pero di rin dapat palagpasin ang place na ito. Maganda ang overlooking view, may pagka-solemn ang lugar, at makakatulong ka pa sa mga natutulungan ng mga madre kapag bumili ka ng kanilang mga produkto. Masarap ang paninda sa Good Shepherd convent lalo na ang ube jam. Para mas cool, huwag ding palagpasin Wright Park lalo na ang horseback riding dito, Tam-Awan Village, The Mansion, Easter Weaving Room, Aguinaldo Museum at iba pa.
*Ang artikulo na ito ay bahagyang in-edit at orihinal na lumabas sa hoshilandia.com
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi 3 Tips sa Diyeta kung nage-exercise Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
15
BALITANG GLOBAL PINOY TIPS
Impormasyon ng Pilipino
KUNG NAGPAPAPAYAT KA, hindi sapat ang exercise lang. Kailangan mo ring gumawa ng plano upang mabago ang mga pattern ng iyong pagkain. Isang paraan na magawa ito ay ang pagda-diet. Ang mga sumusunod ay mga tips upang magkaroon ka ng tamang diet upang mas maging epektibo ang mga exercise na iyong ginagawa:
Kumain ng almusal Hindi makatutulong sa iyong pagpapapayat ang hindi pagkain ng almusal. Mas mahalaga nga ito dahil ito ang magbibigay sa iyo ng enerhiya sa buong araw. Huwag magpatukso sa junk food Huwag mong ugaliin na kumain ng junk food. Maraming mga calories at fats ang mga
3 Tips para magkaroon ng magandang workplace culture
MINSAN, hindi lang sweldo ang dahilan kung bakit tayo nagtatrabaho sa isang kumpanya. Kadalasan, gusto natin na magtrabaho din sa isang workplace na may oportunidad ka na mag-grow bilang isang indibidwal habang nakikipagkaibigan sa iba't ibang mga tao. Ang mga sumusunod ay mga epektibong tips upang mapaganda ang workplace culture: Hayaan ang mga employees na matuto Kahit may isinasagawang training ang iyong kumpanya, magkakamali pa rin talaga ang mga employee mo. Hayaan mo silang matuto sa kanilang pagkakamali upang maging accountable sila. Makinig sa mga nagtatrabaho
ito na maaaring mas maging sagabal sa pagpapapayat mo. Iwasan ang alcohol Oo, may maraming calories ang alcohol. Kung iinom man, kailangang hindi ito mas marami sa iyong daily calorie count. Ang diyeta ay magandang kapares ng ehersisyo upang maging payat ka. Ngunit, dapat mong pagplanuhan itong mabuti.
15
3 Tips para sa epektibo na negosasyon sa trabaho
HINDI MAIPAGKAKAILA na mahalaga ang negosasyon bilang skill sa trabaho. Maaaring ito ang maging dahilan upang magtagumpay ka sa ilang aspeto ng iyong mga ginagawa. Dahil dito, dapat alam mo ang mga basic na kailangang malaman upang maging magaling na negotiator. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga ito: Huwag matakot na hingin ang gusto mo Ang mga magagaling na negotiators ay marunong na ipilit ang gusto nila. Dapat may kakayahan ka na sabihin na ayaw mo ang isang bagay. Maging handa na umalis kung kailangan Minsan, kapag nakikipag-negotiate, dapat alam ng kumpanya na handa kang umalis kung kailangan. Kung may halaga ka sa kanila, pipigilan ka nilang gawin ito. Ipakita sa kumpanya kung ano ang mawawala sa kanila Alamin mo kung ano ang iyong personal value sa kumpanya at gamitin ito laban sa kanila.
Kung gusto mo na maging matagumpay sa kung anong karera man ang gusto mong gawin, ang negotiation skills ay importante. Mas makukuha mo kung ano ang iyong gusto kung marunong ka nito.
3 Tips upang mabawasan ang sugar intake
Kailangan ng mga empleyado na maramdaman na importante ang kanilang mga boses sa pagpapalakad ng opisina. Maging transparent Kung may mga problema, maging tapat sa mga empleyado. Mas mararamdaman ng lahat na nirerespeto sila bilang parte ng kumpanya kung ganoon. Napatunayan na isang malaking factor ang magandang workplace culture upang magtagal ang isang employee sa kumpanya. Maiging pag-aralan ito nang maigi.
PHILIPPINE CONSULAR OUTREACH IN GIFU CITY Ang Philippine Consulate General Osaka, sa pakikipagtulungan ng ASFIL GIFU, ay magsasagawa ng serbisyo konsular sa Lungsod ng Gifu. Philippine passport (renewal, first time application), Report of Birth, Report of Marriage, LCCM, NBI, SPA, Notarization/Authentication
When: May,12 & 13, 2018 (Sabado at Linggo) 9:30am~ Where: Heartful Square G (gusaling karugtong ng JR Gifu Train Station), 2F, Chu Kenshu Shitsu (1-10-23Hashimoto-cho, Gifu City) â—?TINGNAN AGAD ANG DETALYE SA WEBSITE NG KONSULADO: www.osakapcg.dfa.gov.ph/ â—?I-download at i-print ang application forms galing sa website ng Konsulado. Magtanong din sa ASFIL GIFU kung saan maaaring makakuha.
MASARAP MAN ang matatamis na pagkain, may masamang epekto ang malimit na pagkain ng food items na maraming asukal. Maaari itong maging sanhi ng diabetes at iba pang mga sakit. Ang mga sumusunod ay mga mabisang paraan upang mabawasan mo ang iyong sugar intake:
Basahin nang mabuti ang ingredients Kung ikaw ay bibili ng mga food products na nasa package, siguraduhing binasa mo ang ingredients at hindi ang label. Piliin ang least processed na mga porma ng asukal Kung hindi mo kayang iwasan ang asukal, ang pinakamagandang gawin mo ay ang piliin ang mga mas natural at puro na porma nito gaya ng coconut sugar at dates sugar. Puwede ka ring gumamit ng pure honey. Gumamit ng real cream, hindi gatas Mas pampalusog ang real cream kung ikukumpara sa gatas dahil ang gatas ay may 3 teaspoons ng asukal. Importante na limitahan ang iyong sugar intake upang mas maging malusog. Marami kang maiiwasan na mga sakit kung ito ay iyong gagawin.
Contains High Concentration, High purity, low molecular collagen 160,000mg 410ml, Made in Japan, 15ml per day about 1 month usage
Philippine Consulate General Osaka: Fax: 06-6910-8734/
email: queries.osakapcg@gmail.com *ASFIL GIFU: 090-3935-6004 (Edna)
Call us for PRice!
090-6025-6962
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
16
16
ANUNSYO
Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
INTRODUCING NEW PRODUCT!! OF DKSTORE Vinta Sano " Akareishi 2020" A New Health supplement from Vinta Sano which contains 3 various healthy plants. Which boost your healthy living and giving your health much more energy for everyday living. Reishi Mushroom
* Boosting your immune system from viral infections * Prevents lung conditions * Prevents Heart Disease * Prevents High Blood Pressure also High Cholesterol * Other uses of these plant is to reduce your stress and prevent fatigue in you everyday lifestyle.
Cordyceps
Natoginseng
* Managing Blood Sugar Levels * Protecting the Heart * Protecting the Kidneys * Strengthening the Immune System * Enhancing libido * Fighting Fatigue and Improving Exercise Performance * Cancer Fighter * Gives Strenght and Stamina
* Can relieve pain by promoting blood circulation. * Can aid in physical growth * The ability of Notoginseng to enhance circulation and prevent blood stasis is said to improve the flow of nutrients to growing bones and around the body. * Notoginseng can be beneficial for preventing and treating heart disease, lowering cholesterol. Studies have also suggested that Notoginseng can help reduce chest pain caused by coronary heart disease.
Vinta Sano "Natto Kinase 3388FU"
A New Health supplement from Vinta Sano, contains a 3388FU of Natto Kinase, Nattokinase is an enzyme (a protein that speeds up biochemical reactions) that is extracted from a popular Japanese food called natto. Natto is boiled soybeans that have been fermented with a bacterium called Bacillus natto. Natto has been used as a folk remedy for diseases of the heart and circulatory system (cardiovascular disease) for hundreds of years. You won’t find nattokinase in soy foods other than natto, since nattokinase is produced through the specific fermentation process used to make natto. Nattokinase is used for cardiovascular diseases including heart disease, high blood pressure, stroke, chest pain (angina), deep vein thrombosis (DVT), “hardening of the
arteries” (atherosclerosis), hemorrhoids, varicose veins, poor circulation, and peripheral artery disease (PAD). It is also used for pain, fibromyalgia, chronic fatigue syndrome, endometriosis, uterine fibroids, muscle spasms, infertility, cancer, and a vitamin-deficiency disease called beriberi. How does it work? Nattokinase decreases the ability of blood to clot. This "thins the blood" and might protect against conditions caused by blood clots such as stroke, heart attack, and others.
CALL US NOW! FOR MORE INFO! Japanese
03-5835-0618
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
17
TIPS KONTRIBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
17
TOKYO BOY PRO MARIO RICO FLORENDO FACEBOOK: MARIO.FLORENDO
Si Tokyo Boy ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang project manager sa isang Japanese company sa Tokyo. Nagtapos siya ng kaniyang masters sa University of Tokyo habang naging officer ng Association of Filipino Students in Japan (AFSJ) ng dalawang taon. Nilalayon ng kolum na ito na makatulong sa mga estudyante, housewife, at propesyunal dito sa Japan. Para sa mga katanungan, magpadala lamang ng mensahe sa mrico.03@gmail.com.
P
ara sa karamihan, hindi matatawaran ang impluwensiya ng social media sa kanilang buhay. Dati-rati ay bago kumain nagdadasal muna, ngayon kailan picturan muna ang pagkain bago i-post sa instagram. Dati-rati nakikibalita lang tayo kung ano ang nangyari sa isang pagtitipon pero ngayon dahil sa FB live, para na rin tayong kasali sa isang event kahit wala tayo roon. Dahil sa kontribusyong ito ng social media sa kasalukuyang pamumuhay ng mga tao, hindi maiiwasang naiimpluwensiyahan rin nito kung ano ang mga bagong trabahong nabubuo. Kung noon nakaraang dekada ay kinukunsedera lang na libangan ang paglabaslabas sa YouTube videos, ngayon ay itinuturing na itong multi-million business. Gayundin ang pagiging isang travel blogger kung saan marami sa kanila ang iniwan ang kanilang day job at ipursige ang paglalakbay sa buong mundo habang kumikita sa kanilang travel blogsite. Ilan lamang ito sa mga halimbawa kung paano nakabuo ang SNS (social networking sites) ng bagong kategorya ng mga propesyunal. At ang maganda dito, ang mga trabahong ito ay ginagamit natin sa pang-araw-araw na buhay kaya kung gusto mong pagkakitaan o maging full-time na trabaho ang nakakaaliw na mundo ng SNS, halina at tuklasin ang mga trabahong naghihintay sa iyo:
① YouTuber Kahit ako, hindi ko siguro maituturing na fulltime na trabaho ang pagiging isang YouTuber kung hindi dahil sa sempai ko dati sa trabaho na nag-resign dahil gusto daw niyang tuparin ang pangarap na lumabas sa YouTube videos. Madalas, nagsisimula sa pagbuo ng fan base o “subscribers” ang isang YouTuber sa pamamagitan ng pag-post ng mga kuwela at interesanteng bidyo. Kapag nakalikom na ng sapat na subscri-bers, maaari nang kumita ang isang YouTuber sa pamamagitan ng sponsored posts o videos na inisponsoran ng isang kompanya para sa promosyon ng kanilang produkto o serbisyo. Ayon sa datos ng mediakix.com, tumatayang aabot sa $125,000 ang isang sponsored post para sa isang YouTuber na may isa hanggang tatlong milyong subscribers. Kung ikaw ay may natatagong talento sa paggawa ng bidyo, sa pagpapatawa, o sa pagbibigay ng payo gamit ang internet, siguro ito ang tamang trabaho para sa iyo. Narito ang ilan sa mga pamosong Pinoy YouTubers na pwede mong i-subscribe: Michelle Dy: https://www.youtube.com/user/ michelledy051 (Beauty & Fashion) Mikey Bustos: https://www.youtube.com/
user/MikeyBustosVideos (Skit/Comedy) Jessica MacCleary: https://www.youtube.com/ user/jmacarooonxo/featured (Pinoy Abroad)
② Travel Blogger Halos kapareho ng pagiging isang YouTuber, ang travel blogger ay kumikita sa mga sponsored trips at pati na rin sa bilang ng mga taong bumibisita sa kanilang blogsite. Madalas ginagamit ng mga tourism organizations at tourism board ang tulong ng mga travel bloggers para i-promote ang isang lugar dahil na rin sa rami ng kanilang fans o blog “followers.” Noong ako ay nagtrabaho sa travel company dati, madalas ay lumalapit kami sa travel bloggers na naka-base sa ibang bansa para tulungan kaming pasukin ang isang bagong market. Dahil na rin sa analytics o datos na kaakibat ng promosyong ginagawa ng mga travel bloggers, madaling makikita kung epektibo ang isang promosyon at kung paano pa ito mapapaigting para sa mga susunod pang kampanya. Ang trabahong ito ay para sa mga gustong ma-maintain ang kita habang ine-enjoy ang pagkain at tanawin ng iba’t ibang kultura sa iba’t ibang bansa. Para makakuha ng tips sa mga aspiring travel bloggers, bisitahin ang Top Travel Bloggers na ito: The Poor Traveller: https://www.thepoortraveler.net/ The Pinay Solo Backpacker: https://www. thepinaysolobackpacker.com/ Out of Town Blog: https://outoftownblog.com/
③ Influencer Ayon sa www.innov8tivedd.com, ang isang influencer ay “someone who is recognized… as the go-to person for a specific subject.” Kumbaga, maaari siyang kumbinasyon ng mga social media celebrities na binubuo ng mga bloggers, vloggers, Youtubers, Instagrammers, at LinkedIn influencers na may malalim na kaaalaman sa isang ispesipikong paksa. Dahil na rin sa kanilang epektibong paggamit ng kaalaman para mai-promote ang isang produkto o serbisyo, sinasabing ang 2018 ang taon ng “Influencer marketing.” Puhunan ng mga influencers ang pagkakaroon ng magandang reputasyon sa industriya kung kaya bago pasukin ang pagbo-blog, siguro marahil ito muna ang kailangan mong unahin kung balak mong maging influencer sa hinaharap. Para sa mga naghahanap ng trabaho o professional advice sa kanilang trabaho, narito ang mga influencers na dapat mong i-follow: Jonathan Yabut (Apprentice Asia Winner) https://www.linkedin.com/in/jonathan-allenyabut-06b02149/ Gary Vaynerchuk (Book Writer & Public Speaker) https://www.linkedin.com/in/garyvaynerchuk/ ④ Social Media Specialist / Strategist Para sa mga hirap makalikom ng fans/subscribers para sa kanilang page o profile, siguro pwede niyo ring subukang maging social
media specialists o strategists. Kasama sa pangangailangan ng lahat ng kumpanya ng online presence ay ang taong magma-manage ng kanilang brand online. Kaiba sa tradisyunal na marketing, nakatuon ang trabahong ito sa social media fans/followers ng kumpanya, sa pagtugon sa kanilang mga sumbong/daing at sa pag-analisa sa mga kustomer. Para sa mga seryosong maging propesyunal sa ganitong larangan, unti-unti na ring nagbubukas ang mga unibersidad ng mga kurso tungkol dito. Gaya na lamang ng College of Journalism and Communications ng University of Florida kung saan nago-offer sila ng 38-credit na online Master’s Program in Social Media. Para sa mga seryosong mag-aral ng tungkol dito, paki-google ang mga sumusunod na events: * Digital Marketing Master Class Philippines 2018 - dalawang araw na workshop tungkol sa Social Media Strategy, SEO, Video, Content at ECommerce. Ang presyo sa pagsali sa event ay nagsisimula sa P11,800 para sa mga maagang magrerehistro at P16,500 para sa mga on-site registrants. * Inventive Media (http://www.inventivemedia.com.ph/) - isa sa mga nangungunang learning hub para sa digital media, website development at computer networking sa Pilipinas. Nagbibigay sila ng lectures buong taon at nagsisimula karamihan ang kanilang serbisyo sa P10,000 para sa isang kurso.
⑤ Content Manager Kung ang Social Media Strategist ang nagmo-monitor ng daloy ng mga bumibisita sa website o FB page ng isang kumpanya, ang content manager naman ang gumagawa ng mga balita, artikulo o content na tingin niya ay papatok sa mga tao. Kaugnay ng trabahong ito ang pagiging matatas sa pagsulat at pagiging “updated” sa uso. Dahil na rin sa social media, ang tradisyunal na marketing na ginagawa dati ay patuloy na nagbabago para ikunsedera ang madalas mainipin at mabilis magsawa na audience nito. Kung kaya’t ang dating marketing manager na posisyon ay nangangailangan na ngayon ng kaalaman sa pagsulat at promosyon sa social media. Gayundin, dumarami na rin ang mga kumpanya (kahit hindi media-based) ang naghahanap ng tao na hindi lamang magaling sa pag-manage ng kanilang mga tauhan kundi social media savvy rin. Future Job Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga kasalukuyang trabaho na maaaring pangarapin ng mga kabataan ngayon bukod sa mga tradisyunal na sagot tanong na: “anong gusto mo paglaki mo?” Katulad ng nabanggit, mabilis ang pagbabago ng internet at media ay kaakibat nito ang mga pag-usbong ng mga bagong propesyon na maaaring para sa iyo sa kasalukuyan ay isa lamang libangan. Malay mo, ikaw na ang susunod na YouTuber/Travel Blogger o Social Media Influencer.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
18
18
KONTRIBUSYON / HOROSCOPE
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Doncic. Sinasabing malaki ang tsansa ng dalawang prospect na maging franchise cornerstone base sa pinapakita nila ngayon.
power forward na si Marvin Bagley. Ang limang ito ay may unique skill set din na may pag-asang maging all-star sa hinaharap.
Sa mga hindi papalarin na makapasok sa top two, marami ring magagaling sa top 3 hanggang 7. Nariyan ang quick shooting guard na si Trae Young, nariyan ang dalawang rimprotector-shooters na sina Jaren Jackson at Mo Bamba (Gusto ko lang banggitin na si Mo Bamba ay 7’0” center na may wingspan na 7’9”. Wow!). Nariyan rin ang sweet shooting wing na si Michael Porter at ang energizer-
Dahil sa mga prospects na ito, walong team ang naghahabol para sa first pick. Ang masaklap pa nito, may isang team (Brooklyn Nets) na wala namang draft pick pero nasa gitna pa rin ng tankathon race. Sa ngayon, ang siyam na team na nasa tankathon race ay may combined record na 23 wins at 67 losses sa huling sampung laro nila. Marami pa sa panalo rito ay laban lang sa isa’t isa. Malaki itong problema sa NBA. 9 sa 30 koponan nila ay sobrang sama. Ang ilan sa kanila ay binibigyan ng playing time ang mga nasa dulo ng bench. Kailangan itong solusyonan dahil nakakahiya para sa mga fans ang ganitong performance ng napakaraming koponan.
ANG LABANAN SA DULO NG STANDINGS SA NBA
H
Larong Kalye MELBERT TIZON | MBTIZON@GMAIL.COM
abang tumitindi ang puwestuhan sa playoffs sa East at West. Siguradong magiging matindi ang mga susunod na laro dahil sa pagkakadikit dikit ng mga koponan sa standings. Sa kabilang banda, may mas nakakalungkot na puwestuhan na nagaganap para sa mga nasa dulo ng standings. Sa ngayon, may siyam na team ang nagpaparamihan ng talo upang makuha ang first overall pick sa susunod na draft. Ang tawag ng mga NBA fans dito, Tankathon. Mula sa salitang “tank” na slang sa pagapapatalo ng laro. Pero dahil may exciting na March Madness sa NCAA ngayon, mas gusto kong tawagin ito na March Sadness. Ano ba ang premyo sa mga tanking teams na ito? Ang koponan na makakakuha ng first overall pick ay may pagkakataong makuha ang maliksing 7’1” center na si DeAndre Ayton o ang 6’7” European Phenom na si Luka
Aries (Marso 20-Abril 19) Mas magiging sensitibo ang iyong katawan sa pagkain at environmental isues. Kailangan mo din na gumawa ng mga bagong mga bagay. May positibo din na mangyayari sa iyong mga finances. Taurus (Abril 20 Mayo 20) Mas kailangan mo ng pag-ibig ngayong buwan na ito. Kailangan mong magtipid sa iyong mga gastos. Mangangailangan ka din ng high quality na pahinga. Tutukan mo din nang maayos ang iyong kalusugan, trabaho at iba pang mga aktibidad dahil magandang panahon ito para mag-focus sa mga bagay na ito. Gemini (Mayo 21 Hunyo 20) Mas maging dedicated sa mga taong nakapaligid sa iyo at huwag ibaling ang iyong mata sa mga bagay na hindi mo priority. Mas magiging independent ka din at mas developed na ang iyong mga talento.
Cancer (Hunyo 21 Hulyo 22) Marami kang gagawin sa iyong trabaho. Papaligiran ka din ng mga impluwensiyal na mga tao sa iyong mga aktibidad. Upang maresolba ang mga isyu na hinaharap sa trabaho, gumawa ng detalyadong plano at schedule ng mga gagawin. Leo (Hulyo 23 Agosto 21) Ang buwan na ito ay parehong simula at pagtatapos ng ilang bagay sa iyong buhay. Panahon ito upang gumawa ng mga longterm plans sa iyong buhay. Kung gusto mo na mas magkaroon ng magandang mga experience, huwag mag-atubili na mag-travel sa ibang mga lugar. Virgo (August 22Setyembre 21) Mas magiging interesado ka sa isang bagong trabaho o di kaya working environment. Magiging matagumpay ka kung hindi ka masyadong magiging committed dito. Magandang panahon din ito upang gumawa ng mga financial arrangement gaya ng mga mortgage at loan. May mga biyaya din na dadating sa iyo at iyong partner.
Libra (Setyembre 22Oktubre 22) Ang Abril 2018 ay magandang panahon ay ang pagdevelop ng customer base sa iyong negosyo o kumpanya. Mas magiging maganda din ang iyong mga relasyon sa iyong personal o business relationships. Kung ikaw naman ay single, posible na magkaroon ka ng bagong nobyo o nobya. Scorpio (Oktubre 23– Nobyembre 21) Simula sa buwan na ito, mas maging conscious ka sa iyong kalusugan. Kailangan mong baguhin ang ilang mga bagay sa iyong buhay upang mas maging malusog ka. Maaari itong mangyari sa pagitan ng pagawa ng mga bagong schedule o diet. Baka maging mas emosyonal ka din sa buwan na ito. Sagittarius (Nobyembre 22–Disyembre 21) Huwag hayaan ang iyong takot at insecurity na makapagpigil sa iyo na makita ang pag-ibig na iyong hinahanap. May mga oportunidad ka upang ipakita ang iyong pagiging malikhain.
Capricorn (Disyembre 22– Enero 19) Tutukan nang maayos ang mga issue na konektado sa iyong tahanan, mga pag-aari at pamilya. May posibilidad na magkakaroon ka ng mas maraming pera dahil sa iyong trabaho at mga raket. Puwede din na makita mo uli ang isang tao na galing sa iyong nakaraan. Aquarius (Enero 20– Pebrero 18) Magiging abala ka sa marami mong gawain sa iyong tahanan at opisina. Huwag mong isakripisyo ang iyong relasyon sa mga taong nakapaligid sa iyo. Magandang panahon din ang Abril 2018 upang magsimula ng ilang mga personal na proyekto gaya ng pagtuturo o pag-aaral. Pisces (Pebrero 19Marso 19) May mga pintuan na magbubukas para sa iyo para sa mga financial opportunities. May mga biyaya na makukuha sa pamamagitan ng iyong trabaho. May mga hadlang man na makakita ka ng pag-ibig. Pero baka ito din ang panahon upang mas mahalin mo ang sarili mo at mag-focus sa iyong buhay.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
19
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Manny Pacquiao, inanunsyo na ang training plans para sa susunod na laban
Nagsimula nang maghanda si People’s Champ Manny Pacquiao para sa kanyang laban sa Argentinian boxer na si Lucas Matthysse. Ayon sa mga detalye na inilabas ng kampo ni Pacquiao, base sa ulat ng ABS_CBN News, ang training ng boxer ay pamumunuan ni Buboy Fernandez, ang childhood friend ni Manny at ang sinasabing protégé ni Coach Freddie Roach. Parte ng kanyang training ang paghahanda niya sa Wild Card Gym sa kanyang hometown na General Santos City mula Abril. Magsasalitan ang Maynila at General Santos bilang kampo ng kanyang training sa mga susunod na buwan. Sa kasalukuyan, wala pang sinabi ang kampo ni Manny kung magiging parte ng preparasyon ni Manny si Roach na naging kasama niya sa kanyang pagkapanalo ng walong world titles sa kanyang karera. Bago ang simula ng kanyang training, magkakaroon ng Asian
Kobe Paras, magpoprofessional na sa Amerika
19
publicity tour ang dalawang boxers na mangyayari sa Beijing, Hong Kong, Tokyo at Macau. Mangyayari ang bakbakan nina Manny at Lucas sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Mark Anthony Barriga, lalaban sa isang Colombian
MATAPOS HINDI MATULOY ang naka-schedule sana na laban niya sa dating world champion na si Jose Argumedo ng Mexico, may ipinalit na para mailaban kay Mark Anthony Barriga. Ito ay ang Colombian boxer na si Gabriel Mendoza. Ang match ni Gabriel at Mark Anthony ay magiging eliminator bout para sa kampeonato ng IBF strawweight division. Ang format ng labanan ay labing dalawang rounds at hindi ang 10 rounds na iniulat para sana sa boxing match nina Mark INANUNSYO NI KOBE Paras na balak Anthony at Jose. Labing-apat na taon ang tanda ni Gabriel kay na niyang iwan ang kanyang collegiate basketball team ng kanyang unibersidad na California State University Chang Hitalia, gustong Northridge (CSUN) Matadors. Ito ay makatapos ng triathlon sa upang makasali siya sa isang profesPilipinas sional basketball league sa Amerika. Ayon sa statement na inilabas ng Middlebrooks Basketball, gusto raw ni Kobe na i-challenge ang kanyang sarili. Hangarin niyang mas maging magaling pa na basketball player. Sikat si Kobe sa kanyang koponan dahil sa galing niya sa shooting. Upang mapansin siya ng mga scouts, sasailalim si Kobe sa isang intensive MATAPOS MATAGUMPAY niyang nalampasan training. Pinasalamatan ni Paras ang ang Ironman World Championship finish line CSUN, ang kanyang mga kasamahan sa Kona, Hawaii, ang susunod na goal naman sa Matadors, at ang kanyang coach na ni Chang Hitalia ay makatapos ng triathlon sa si Reggie Theus. Pilipinas. Si Kobe Paras ay isa sa mga anak ni Ang atletang 52 years old na ay determinado Jackie Forster at Benjie Paras. Kapana sumali sa Philippine leg ng Ironman na gagatid niya ang kapwa artista na si Andre napin sa Subic Bay sa June 3. Kakasimula lang Paras. niya sa pagsali sa mga triathlon events nang siya Suportado ni Benjie ang desisyon ay 46. Gusto raw ni Chang na maging inspirasyon ng kanyang anak na maging profesna hindi pa huli upang maging aktibo sa lifestyle sional player. Matanda na naman daw ang isang katulad niya. si Kobe upang gumawa ng kanyang Ang kanyang karanasan daw sa Hawaii sariling desisyon. ay malaking hamon para sa kanyang pisikal na kapasidad. Mahirap daw ang swimming na parte ng triathlon event dahil ang lalaki ng mga alon. Ang biking portion naman ay mahirap dahil sa init at lakas ng hangin sa mga burol na kaila-ngang akyatin. Sa Ironman World Championships, kailangang dumaan ng mga triathletes sa 3.86 na kilo-metrong paglangoy, pag-bike sa 180.25 kilometro at 42.2 kilometro na pagtakbo.
Mark Anthony. Ang Colombian boxer ay beterano na at nagkaroon na ng 36 na laban sa kanyang propesyonal na karera. Dahil sa kumpirmado na ang laban, mas may panahon na si Mark Anthony na bisitahin ang kanyang may sakit na nanay sa Panabo, Davao del Norte. Isasagawa ang labanan ni Gabriel at Mark Anthony sa Mayo 12 sa Solaire Manila.
Jericho Cruz, lilipat na sa TNT OPISYAL NANG lilipat si Jericho Cruz sa Talk n Text (TNT) na koponan sa Philippine Basketball Assocation (PBA) matapos mag-negosasyon ang TNT at Rain or Shine na pagpalitin sila ng baguhang si Sidney Onwubere. Final na raw ang desisyon ng dalawang professsional basketball teams at pipirmahan na lang ng PBA Commissioner's Office. Maaalalang lumiit ang stats ni Jericho sa kakatapos lang na PBA Cup. Ito ay matapos siyang magkaroon ng malalang foot injury. Inaasahang magiging magaling na dagdag si Jericho sa TNT. Pinangalanan siyang Most Improved Player at Mr. Quality Minutes si Jericho noong 2016. Unang naging draft si Jericho noong 2014 PBA Draft. Ang kasalukuyan niyang numbers ay 2.0 points, 1.3 rebounds at 1.7 assists sa kanyang tatlong mga laro sa 2018 PBA Philippine Cup. Si Onwubere naman ay kapapasok lang sa professional league. Dati siyang player sa Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals at napili na eight sa 2017 PBA Draft.
MARCH 2018
20
20
HOROSCOPE / ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
21
Impormasyon ng Pilipino
Claudine Barretto, ipinagtanggol ang kanyang anak IPINAGTANGGOL NG AKTRES na si Claudine Barretto ang kanyang anak na si Sabina matapos mag-post ito sa Instagram ng mga bagay na sinasabing patungkol kay Raymart Santiago. Ang mga post ay mga quote cards na maaaring nagpapahiwatig na tutol siya sa sinasabing relasyon ni Raymart sa kanyang kasalukuyang nobya. Ayon sa mga balita, kakasimula lang ni Raymart ng kanyang relationship kay Aurora "AC" Legarda na isang executive sa isang real estate firm. Ayon kay Claudine, hindi raw niya
Mark Zambrano at Aicelle Santos, magpapakasal na BAGAMA'T wala pang opisyal na petsa silang napili, inihayag na ng GMA reporter na si Mark Zambrano at singer-actress na si Aicelle Santos na magpapakasal na sila sa Abril 2019. Ayon kay Mark, marahil siya ang mas tututok sa mga preparasyon na kailangan sa kasal dahil nasa United Kingdom si Aicelle hanggang Marso 2019 dahil magiging parte siya ng touring group ng "Miss Saigon." Matagal na raw nilang plano na magpakasal, pero mas napadali lang ang proposal dahil sa mga proyekto ni Aicelle. Ayaw niya raw umalis si Aicelle nang hindi siya nakakapag-propose.
Ryan Agoncillo, itinanggi ang pag-uugnay sa kanya kay Marian Rivera
SINAGOT NI RYAN AGONCILLO ang isang basher na nag-ugnay sa kanya kay Marian Rivera. Ayon sa basher, mukhang may feelings daw si Ryan sa Kapuso Primetime Queen na kanya. Ginawa ng basher ang akusasyon na ito sa pamamagitan ng isang komento sa Instagram post ni Ryan kung saan siya ay naggi-gitara. Mariing itinanggi ni Ryan ang akusasyong ipinupukol ng social media user na may handle na @mba125_389. Ayon sa kanya, kung gagamit na lang daw ng ganoon kara-ming salita ang basher, sana naman daw ay mas
naimpluwensiyahan ang kanyang anak na gumawa ng mga post na iyon. Sabi pa nga raw ni Claudine, gumawa siya ng mga hakbang upang siguraduhin na may maganda pa rin na ugnayan ng kanyang dalawang anak sa kanilang ama. Dating mag-asawa sina Claudine at Raymart mula 2004 hanggang 2011. Maaalalang nasa custody ni Claudine ang kanilang mga anak, pero pinapayagan naman daw si Raymart na bisitahin ang mga ito kung kalian niya naman gusto.
Matagal man sa Europa si Aicelle, magkikita naman daw sila ni Mark sa Disyembre dahil pupuntahan niya ito sa isang show stop ng 'Miss Saigon' sa Zurich, Switzerland. Sa panahong ito rin daw sila magfa-finalize ng kanilang mga plano sa kasal na kanilang gagawin. Nag-propose si Mark sa isang bar sa Seda Hotel Vertis North sa Quezon City, ayon sa ulat ng pep.ph.
maging imaginative at matalino ito. Wala raw basehan ang mga pinagsasabi ng basher. Kasal si Ryan kay Judy Ann Santos mula pa noong 2009 habang si Marian naman ay magtatatlong taon nang asawa ni Dingdong Dantes. Si Ryan ay kasalukuyang isa sa mga pangunahing host ng “Eat Bulaga,” ang longestrunning noontime show ng bansa. Posible raw na magkaroon ng teleserye si Ryan sa mga susunod na buwan.
Erik Santos, nirerespeto ang pag-out ni Mark Bautista
NAGSALITA NA ang kaibigan ni Mark Bautista na si Erik Santos ilang linggo matapos umamin si Mark na siya ay bisexual. Ayon kay Erik, nirerespeto niya raw ang desisyon ni Mark na mag-out dahil kaibigan niya ito. Parte raw ito ng indibidwal na paglalakbay ng isang tao sa mundo at wala raw siyang karapatan para husgahan ang kanyang kaibigan. Aniya, base sa ulat ng pep.ph, wala naman daw perpekto na tao sa mundo. Kilala niya raw si Erik at tiwala siya sa kanyang talento. Magkasama sina Mark at Erik sa grupo ng Champions dati sa Sunday variety show ng ABS-CBN na ASAP. Ang iba pang miyembro ng grupo na ito ay sina Sheryn Regis,
Christian Bautista, Jed Madela, Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go. Naging pareho na rin silang parte ng iba’t ibang mga proyekto bilang mga mangaawit. Kalaunan, lumipat din si Mark sa GMA at ngayon ay busy na sa mga gigs at mga trabaho bilang isang sikat na theater musical actor.
‘Darna’ ni Liza Soberano, tuloy na tuloy na
WALA NANG MAKAKAPIGIL pa sa bagong remake ng “Darna” na pagbibidahan ni Liza Soberano. Ito ay matapos kumpirmahin ni Mico del Rosario na Star Cinema Advertising and Promotions Head na walang katotohanan ang mga balitang kanselado na ang nabanggit na proyekto. Ayon pa kay Mico, kakasimula lang ng “Darna” na mag-shoot. Nasabi niya na raw ito sa kolumnistang si Ricky Lo. Ipinakita rin ng direktor ng pelikula na si Erik Matti ang isang picture kasama si Liza at staff sa isang meeting. Hindi pa rin nila ibinubunyag kung sino ang magiging katambal ni Liza sa pelikula. Nauna nang inanunsyo na si Liza ang papalit kay Angel. Si Angel sana ang magiging Darna ulit, subalit nagkaroon siya ng malubhang hip at spinal injury na naglilimita ng mga fight scenes na puwede niyang gawin.
Kasalukuyang mapapanood si Liza sa teleseryeng “Bagani” katambal si Enrique Gil. Parte ang palabas ng Primetime Bida ng ABS-CBN.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
APRIL 2018
22
22
BALITANG SHOWBIZ
Zanjoe Marudo, Maja Salvador, magtatambal sa pelikula
MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon bilang love team si Maja Salvador at Zanjoe Marudo. Ang pelikula na kanilang pagbibidahan ay tinawag na “To Love Some Buddy.” Ayon sa impormasyon mula sa Star Cinema, ang pelikula ay romantic-comedy ang genre. Base sa titulo ng pelikula, magiging tungkol ito sa magkaibigan na mag-iibigan sa isa’t isa. Ito ang unang film project nina Maja at Zanjoe na magkasama silan Ngunit, nagkasama na sila nang isang beses sa isang episode ng “Your Song.” Matagal na raw ang proyekto na ito ikinasa. Kinailangan lang tapusin ni Maja ang kanyang mga taping sa hit show niya na “Wildflower.” Sulit naman daw ang paghihintay nila sa kanilang unang pagtatambal. Ang magiging direktor ng “To Love Some Buddy” ay si Jason Paul Laxamana. Si Laxamana ang nagsulat ng “100 Tula Para Kay Stella” at “2 Cool 2 Be 4Gotten.” Ipalalabas ang “To Love Some Buddy” bago matapos ang pangalawang quarter ng taon.
ABS-CBN, nanguna sa mga parangal sa Batarisan Media Awards
LABING-TATLONG award ang naiuwi ng ABS-CBN sa kakatapos lang na Batarisan Media Awards. Kasama sa mga tropeo na ito ay ang pinakamalaki: ang Batarisan ng Bulacan Best TV Station award. Bukod dito, tatlo pang major awards ang napanalunan ng ABS-CBN movies, shows, at talents. Ang “Seven Sundays” nina Enrique Gil ay itinanghal na Batarisang Pampelikula habang napunta naman sa “Pilipinas Got Talent” ang Batarisang Pansining. Si Yeng Constantino naman ang nakatanggap ng Batarisang Pangmusika. Ang ilan pang talents na nanalo ay sina DJ ChaCha, Coco Martin, Angel Locsin, Maja Salvador, Vice Ganda, at Joshua Garcia. Naparangalan din ang “It’s Showtime,” “Magandang Buhay” at “FPJ’s Ang Probinsyano.” Ito ang unang beses na ginawa ang Batarisan Media Awards. Ito ay ang award-giving body ng Bulacan State University sa iba’t ibang entertainment platforms. Pinagbotohan ang mga award ng 30,000 estudyante at guro ng nasabing unibersidad na sinasabing nagpo-promote ng “better future” ng mga Pilipino.
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Joshua Garcia, nirentahan ang isang skating rink para kay Julia Barretto SINORPRESA ULIT ni Joshua Garcia ang kanyang nobya na si Julia Barretto nang mag-renta siya ng isang buong skating rink. Ang aksyon na ito ay dahil daw sa gustung-gusto ni Julia ang mag-skate. Isa ito sa mga regalo ni Joshua kay Julia ilang araw bago ang kanyang ika-21 kaarawan. Naging magandang bonding moment daw ito sa kanilang dalawa, kaya tuwang-tuwa ang aktres. Ang skating rink na kanyang nirentahan ay sa isang sikat na malaking mall sa Metro Manila. Kahit 'di raw masyadong na-enjoy ni Joshua ang
Marical Soriano, balik-showbiz sa pelikula ni Paolo Ballesteros
DALAWANG TAON na nang huling gumawa ng isang major na showbiz project ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Ang drought na ito ay magtatapos na dahil magiging parte na si Maricel sa pelikulang “Two Mommies.” Magsisilbi itong movie na ito na comeback ng isa sa mga haligi ng Filipino film industry sa nakaraang dekada. Sa “Two Mommies,” magiging kasama ni Maricel sa cast sina Paolo Ballesteros at Dianne Medina. Ang role na gagampanan ni Maricel ay Tita Baby. Siya ay magiging tiyahin ng mga karakter ni Paolo at Dianne. Bagama't hindi pa kumpleto ang cast ng “Two
skating mismo, sinubukan naman daw ni Julia na turuan siya kung paano ito gawin nang maayos. Unang nagtambal sina Joshua at Julia sa MMFF 2016 entry na “Vince and Kath and James” kasama si Ronnie Alonte. Sinundan nila ito ng sikat na “Love You to the Stars and Back.” Sa kasalukuyan, wala pang proyekto na inanunsyo para sa dalawa sa taong ito.
Mommies,” nadagdag na si Solenn Heusaff dito. Gagampanan niya ang role ng ina ng anak ni Paolo. Ang huling film project na nagawa ni Maricel ay ang “Lumayo Ka Nga Sa Akin” na produced ng Viva Films. Ang direktor ng “Two Mommies” ay ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon. Produced ito ng Regal Films. Ipalalabas ito bago matapos ang taon.
Dalawang Pinoy Teleserye, nagsimula nang i-ere sa Thailand UMAANI NG PAPURI sa mga Thai viewers ang dalawang teleserye ng ABS-CBN na “Bridges of Love” at “The Legal Wife.” Bagama't kakasimula lang ng dalawang shows na umere sa Thai television, nakakuha agad ito ng maraming fans sa pinakamalaking network ng bansa na JKN. Ayon sa CEO ng network, inere raw nila ang dalawang Filipino shows na ito dahil sa ang mga tema na parte ng istorya ay mga bagay na relatable para sa mga Thai. Dahil nagustuhan nila ang mga show na ito, nagpagawa pa nga sila ng Thai soundtrack para lamang sa kanilang version. Ang “Bridges of Love” ay pinagbidahan ni Maja Salvador, Jericho Rosales, at Paulo Avelino habang ang “The Legal Wife” ay pinangunahan ni Angel
Locsin, JC De Vera, Jericho, at Maja. Matatandaang sobrang sikat ng “Bridges of Love” sa Latin America noong isang taon matapos itong ipalabas sa Peru. Ito ang pinakaunang Filipino teleserye na ipinalabas sa parteng ito ng mundo.
Sexy Photo ni Marian Rivera, pinagkakaguluhan ng nitezen pati na celebrities
NAGING VIRAL kamakailan ang sexy photo ni Marian Rivera na nakasuot ng bikini. Hindi lang mga netizens ang nakapansin sa kanyang kaseksihan, kundi ang mga celebrities. Isa na rito si Pokwang na hindi makapaniwala kung nanganak ba talaga siya. "Ang totoo??? Nasan ang hustisya??" ika niya. Bilib din sa kaseksihan ni Marian si Carmina Villaroel. Pati sina Neri Miranda, Megan Young, Kim Domingo, at Iya Villania ay nakisabay rin sa pagpuri sa nasabing akres. Ika pa nga ng marami, si Marian na raw ang "babaeng bukod na pinagpala."
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2018
23
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Catriona Gray, handa nang sumabak sa Miss Universe
Tatlong Pinoy designers, sasabak sa "The Apartment: Passion for Design
TATLONG PINOY ang opisyal na napili upang mapasali sa sikat na reality show na “The Apartment: Passion for Design.” Sa palabas na ito, makikipagtunggali ang tatlong Pinoy na ito sa mga designers mula sa iba’t ibang parte ng Asya. Ang reality show na ito ay pagkakataon ng mga Pinoy designers na maipakita ang kanilang husay at kakayahan sa interior design. Isa sa mga Pinoy designers ay si Stephanie Dods. Dating beauty queen ang Pinay-Kiwi na si Stephanie at kasalukuyang fiancé ng dating TV host na si KC Montero. Si Eugene del Rosario ay isang bihasang interior designer na nakapunta na sa 51 na bansa habang si Jesy Cruz ay isang partially color blind na designer. Ang magiging premyo ng mananalo sa contest ay ang isang mahal na UMLand apartment sa D’Lagoon ng Iskandar, Malaysia. Magsisimulang i-ere ang “The Apartment: Passion for Design” sa Sony Channel sa susunod na mga linggo.
MATAPOS MAKUHA ang kanyang pinakaminimithi na Binibining Pilipinas-Universe, handa na raw sumabak si Catriona Gray sa isang bagong international pageant. Ayon kay Catriona, malaki raw ang kanyang pasasalamat na mabibigyan siya ulit ng pagkakataon upang patunayan ang kanyang kakayahan sa isang pageant gaya ng Miss Universe. Handa na raw siyang makipagtagisan ulit ng ganda at talino sa mga representante ng ibang bansa lalo pa at marami siyang natutunan sa dalawang taon na lumipas nang siya ay nag-compete din sa isang pang parehong kumpetisyon. Maliban sa kanyang korona, naiuwi din ni Catriona ang Best in Swimsuit, Best in National Costume, Best in Long Gown, at iba pang mga sponsorship awards. Sa pagkapanalo ni Catriona, nagbunyi ang Bicol dahil back-to-back na Bicolana ang may hawak ng Binibining Pilipinas-Universe crown. Matatandaang kinoronahan si Catriona na Miss Philippines World noong 2016. Muntik na siyang manalo sa Miss World noong taon na iyon.
Ryza Cenon, nanalong Best Actress sa Japan
NAGING matagumpay si Ryza Cenon sa kanyang pagpunta sa Osaka Asian Film Festival 2018 dahil naiuwi niya ang Best Actress sa awarding ceremony ng prestihiyosong award-giving body. Pinarangalan si Ryza dahil sa kanyang lead role sa Mr. & Mrs. Cruz, kung saan kasama niya rito si JC Santos. Ang opisyal na pangalan ng award na naiuwi ni Ryza ay ang Yakushi Pearl Award na ang equivalent na rin ay ang Most Brilliant Performer sa ating mga award shows. Ang pagkapanalo ni Ryza ay isang tagumpay para sa pelikulang Pilipino, lalo pa at noong isang taon lang ay si Iza Calzado din ang nag-uwi ng parehong award sa kanyang performance sa “Bliss.” Maliban kay Ryza, ginawaran din na Most Promising Talent Award ang direktor na si Mikhael Red dahil sa “NeoManila.” Si Mikhael Red ang gumawa ng “Birdshot,” ang entry ng Pilipinas para sa Best Foreign Language Film category ng Oscars ngayong taon.
23
Tweet ni Idol Kumusta mga Ka-Daloy? Narito na naman tayo sa isa na namang edisyon ng Tweet ni Idol -- kung saan, sinisilip natin ang kapiraso ng buhay ng ating mga idolo base sa kanilang mga tweets. Ngayong isyung ito, sina Sarah Lahbati, Sharon Cuneta, at Aicelle Santos ang ating susundan.
Tara!
( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )
Aicelle Santos (@aicellesantos) "I miss you. Let's celebrate when I'm home. Happy Valentine's day, my love! I love you with all of me."
Sarah Lahbati (@sarahlahbati) "I love you both so much... I always thank God for you, @ richardgutz and @officialziongutz. Happy Valentine's Day."
Sharon Cuneta (@reallysharoncuneta) "I'm not lucky... You have no idea how much I've prayed."
Megan Young, itinangging nagli-live in na sila ni Mikael Daez
KAHIT HALOS walong taon na ang relasyon ni Megan Young at Mikael Daez, inihayag ng dalawa na wala pa silang planong mag-live in. Kahit sigurado na sila sa isa’t isa, hindi pa raw sila handa na gawin ang isang malaking hakbang na ito lalo pa at 30 pa lang si Mikael at 28 pa lang si Megan. Biro pa nga ni Mikael, nagli-live in lang daw sila sa set ng kanilang palabas na “The Stepdaughters” pero hindi raw sa totoong buhay. Sa kanilang relasyon naman daw ay halos wala silang sikreto sa isa’t isa dahil nagsishare naman daw sila sa kanilang mga pinagdaraanan na kasiyahan at kalungkutan. Kasalukuyang mapapanood si Megan at Mikael sa “The Stepdaughters” sa Afternoon Prime lineup ng GMA. Kasama nila sa show si Katrina Halili, na parte din ng “Marimar,” na unang major project ni Megan sa GMA matapos niyang lumipat sa istasyon nang pinasa na niya ang kanyang Miss World 2013 crown.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino