Daloy Kayumanggi May

Page 1

Inspiring Global Filipinos in Japan

Vol. 5 Issue 75 May 2018

Murang cosmetics all made in Japan www.dk6868.net

FREE DELIVERY

BALITANG SPORTS

BALITANG SHOWBIZ

Opisyal nang nag-qualify ang Philippine Azkals sa 2019 AFC Asian Cup matapos matalo nito ang koponan mula sa Tajikistan.

Sinorpresa ni Kristine Hermosa ang lahat sa kanyang pagbabalik sa telebisyon nang kinumpirma na magiging parte na siya ng “Bagani.”

Azkals, pasok sa 2019 AFC Asian Cup

If you purchased 10,000yen or more of our hundreds of Health Supplements and Beauty Products here @DKSTORE

Kristine Hermosa, balik-teleserye sa 'Bagani'

Foreign Investments sa Pilipinas, Umabot sa $10 Billion sa 2017

Sundan sa Pahina 12, 13, at 20

Sundan sa Pahina 19

Sundan sa Pahina 21

U

mabot sa $10 bilyon ang kabuuang foreign investments na nakuha ng Pilipinas noong nakaraang taon. Ang numero na ito ay mas malaki ng 21.4 percent kung ikukumpara sa foreign investments na nakuha ng bansa noong 2016. Ang paglaki na ito ay senyales na isa pa rin ang Pilipinas sa mga favorable investment destinations, lalo pa at patuloy na lumalago ang ekonomiya. Sundan sa Pahina 5

Guimaras, coal-free province na

KONTRIBUSYON

USAPANG OFW ni KUYA ERWIN

7 Paghahanda Para sa Pag-For Good

Ang permanenteng pag-uwi sa Pilipinas, ang tinatawag nating “for good” ay isa sa mga hamon ng migranting Pinoy sundan sa Pahina 8

TAMPOK

Visita Iglesia: Ang mga Luma at Natatanging Simbahan sa Makati City What comes first in your mind, when someone mentions Makati City, Philippines?

sundan sa Pahina 14

TOKYO BOY PRO

Paano Pumasa sa Job Interview Sa pinakahuling seminar kung saan kabahagi ang kumpanya ko bilang sponsor ng isang Job Hunting Seminar, pinasulat ko ang mga magiging kalahok ng mga tema na gusto nilang talakayin ko.

Opisyal nang idineklara na coal-free ang probinsiya ng Guimaras. Dahil dito, ang Guimaras ang pinakaunang probinsya sa Visayas na hindi gumagamit ng coal sa kanilang energy sources. Idineklara ang polisiya na ito ni Gov. Samuel Gumarin, kasama ang lahat ng mga mayor ng mga bayan sa lalawigan, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com.

BALITANG GLOBAL PINOY

Panukala upang padaliin ang pagtatag ng negosyo, inihain sa Kongreso Isang panukala na gumagawa ng mga guidelines upang ayusin ang "ease of doing business" sa bansa ang kino-consolidate sa Senado at Kongreso. Ang bill na ito ay naglalayong iwasan ang red tape lalo na sa mga gustong magsimula ng kanilang mga negosyo. Ang bagong panukalang batas na ito ay magsisilbi ring magpapalago at mag-a-amyenda sa Republic Act No. 9485 o ang AntiRed Tape Act of 2007. Kasama sa mga ilalagay sa consolidated bill ay ang lahat ng mga transaction na gagawin sa mga government offices upang magtayo ng negosyo. Sundan sa Pahina 3

BALITANG GLOBAL

Batas upang mas maging malusog ang mga buntis na ina, maipapasa na ngayong KA-DALOY OF THE MONTH taon Nakapaang Bicolana, naging sundan sa Pahina 17

Sundan sa Pahina 2

inspirasyon matapos manalo ng gintong medalya sa Palarong Pambansa 2018

B

ata pa man ang Grade VII student na si Lheslie de Lima ng Region V o Bicol Region, pero marami nang hanga sa kanya. Ito ay matapos siyang manalo ng dalawang gintong medalya sa Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur.

Sundan sa Pahina 7

Nag-file si Sen. Sonny Angara ng isang bill sa layuning maging mas mapa-lakas ang mental at nutritional health ng mga nagdadalang-taong ina at ng kanilang mga pinagbubuntis hanggang pangalawang taon nila. Ang Senate Bill 1537 o ang Healthy Nanay and Bulilit Act ni Angara ay nagsasagawa ng mga hakbang upang mas mapatibay ang kalusugan ng ina at anak nang sa gayon ay hindi sila magkasakit. Ayon kay Angara, priority daw sa pag-implementa ng batas na ito sakaling maipasa na ay ang mga mahihirap na pamilya na walang access sa competent health services. Sundan sa Pahina 4

D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

sundan sa Pahina 7

EDITORIAL

Hindi magpapatayo ng Casino, kundi lilinisin ang boracay

Malinaw na sinabi ni Pres. Rodrigo Duterte kamakailan na walang ipatatayong casino sa isla ng Boracay. Sinabi niya ang nasabing pahayag bago siya umalis patungong Tsina. Idinagdag pa ng pangulo na isang agrarian reform area at pagmamay-ari ng gobyerno ang Boracay, at puwedeng-pwede siyang magbigay sa mga magsasaka roon. Sundan sa Pahina 6

BALITANG SHOWBIZ

Limang aktres, magsasama sa isang ABS-CBN teleserye Naging sabik ang ilang mga social media users nang makumpirma na may ikinakasang teleserye project para sa lima sa mga pinakamagagaling na aktres na nasa industriya ngayon,

Sundan sa Pahina 22

KZ Tandingan, gustong maging parte ng Asian tour ni Jessie J

Nakabalik na sa Pilipinas si KZ Tandingan matapos ng kanyang stint sa Chinese talent reality show na “Singer 2018.” Balik-trabaho agad ang dating winner ng “X Factor Philippines” upang maghanda sa kanyang concert na isasagawa sa Hunyo. Sundan sa Pahina 23

FB FAN PAGE

DIGITAL VERSION

ORDER WEBSITE

TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com


Daloy Kayumanggi

MAY 2018

2

BALITANG LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

DoTr, magre-review ng proposal para sa NAIA rehab

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ginagawa na nila ang review sa ipinasang proposal ng Megawide Corporation at ng partner nito na GMR Infrastructure ng India upang ma-rehabilitate at mapalaki ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ang proposal ng dalawang kumpanya ay nagkakahalaga ng $3 bilyon na gagamitin upang mas mapaganda at maayos ang

terminal, landside at airside ng NAIA. Kasali sa proposal ang pagpapalaki ng floor area ng apat na terminal ng paliparan. Matapos ma-review ng DOTr at Manila International Airport Authority (MIAA), ipapasa ng mga kumpanya ang proposal sa National Economic Development Authority (NEDA). Matatandaang, nauna nang nagpasa ng proposal sa MIAA at DOTr ang NAIA Consortium. Mas mababa ang proposal ng Megawide at GMR at mas maikli ang concession period ng mga kumpanya.

Ang NAIA Consortium ay binubuo ng Aboitiz InfraCapital, JG Summit Holdings, Metro Pacific Investments, Alliance Global Group, AC Infrastructure, AEDC at Filinvest Development.

Pilipina, na De Los Santos Medical Center, binuksan ang cardiac cath koronahan na Miss facility Asian International Ang De Los Santos Medical Center, na pagmama2018 y-ari ng MVP Group of Companies, ay nagbukas ng

MALAKAS ANG SHOWING ng Pilipinas sa kakatapos lang na Miss Asian International 2018. Ang Pilipinang si Gerina Chanel Ancheta ang nanalo ng korona sa pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand. Ang ni-represent ni Ancheta na lugar ay ang Northern Luzon. Labing-walong kandidata mula sa iba't ibang mga sulok ng kontinente ang natalo ni Ancheta. Ang dalaga na taga-Pangasinan din ang pinakabatang candidate. Nakuha niya rin ang Missosology's Choice Award, Upfront Model Agency choice, Miss Smile at Best in National Costume. Pilipina rin ang ilan sa mga runner-up ni Ancheta. Si Chynna Sandra Palis, na kinatawan ng Manila, ay nag-uwi ng first runner-up sash habang ang FilipinoAustralian naman na si Theressa Mariano mula sa Queensland, Australia ang 3rd runner-up. Ang 2018 edition ay ang pangalawang beses na ginawa ang nasabing pageant. Ang Miss Asian International ay ino-organisa upang i-promote ang pagkakaisa ng Asian communities mula sa iba't ibang parte ng mundo.

kanilang bagong Cardiac Catheterization Laboratory Unit. Dahil sa facility na ito, mas magiging madali na ang paggamot ng mga health issues na konektado sa puso. Kasabay ng pagbubukas ng Cardiac Catheterization Laboratory Unit ay ang pag-anunsyo ng mga all-in packages na abot-kaya kahit ng mga mahihirap na mamamayan. Ito ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap na hindi kayang magbayad kaya hindi na nagpapa-check ng kanilang katawan lalo na sa puso.

Guimaras, coal-free province na

OPISYAL NANG IDINEKLARA na coal-free ang probinsiya ng Guimaras. Dahil dito, ang Guimaras ang pinakaunang probinsya sa Visayas na hindi gumagamit ng coal sa kanilang energy sources. Idineklara ang polisiya na ito ni Gov. Samuel Gumarin, kasama ang lahat ng mga mayor ng mga bayan sa lalawigan, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Ang polisiya na ito ay dahil sa commitment ng Guimaras na maging sustainable agri-eco tourism capital ng rehiyon. Kasabay na rin ng paganunsyo ang pagbisita ng Rainbow Warrior, ang barko na pag-aari ng international environment advocacy group na Greenpeace. Kasama sa polisiya na ito ang pagsi-shift ng buong lalawigan sa renewable energy source. Magiging epektibo raw itong solusyon sa climate crisis. Matatandaang naging aktibo ang Guimaras sa mga pagkilos laban sa coal at fossil fuels matapos masalanta sila ng oil spill ng isang tanker sa Panay Gulf noong 2006. Mula noon, naging isa na ang probinsiya sa mga top advocates para sa renewable energy at sustainable tourism.

Isa sa mga sakit na puwedeng magamot ng facility at ng mga bagong equipment ay ang blocked arteries sa pamamagitan ng coronary angiogram at ng coronary angioplasty. Ang De Los Santos Medical Center ay matatagpuan sa E. Rodriguez Sr. Boulevard sa Quezon City. Pinapamahalaan ng MVP Group of Companies ang ospital sa pamamagitan ng investment holding company na Metro Pacific Investments Corporation.

PEZA, pumirma ng investment agreements para sa mga economic zones

PUMIRMA ng mga kasunduan ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa 23 institusyon upang mas mapadali ang pagpasok ng investments at paggawa ng mga economic zones. Ang mga kasunduang ito ay naisagawa ng PEZA sa mga bangko sa ibang bansa, mga state university at mga national agencies ng gobyerno. Kabilang sa mga malalaking mga bangko na makakatrabaho ng PEZA ay ang Mizuho Bank at Tokyo Star Bank ng Japan. Ang mga Japanese banks na ito ay may credit financing options sa mga kumpanya ng Japan at Pilipinas. May proyekto rin ang PEZA kasama ang Philippine Association of State Universities and Colleges. Kanilang itatayo ang mga Knowledge Innovation Science Technology Park o KIST sa mga SUCs na ito. Ito ay upang epektibong magamit ang mga ektarya ng lupa na hindi nagagamit sa mga unibersidad na ito. Magtatayo rin ang PEZA ng PEZA Institute upang magkaroon ng standardized curriculum na pag-aaralan ng mga manggagawa, ayon sa Manila Bulletin.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

3

3

San Miguel Corporation, mas marami pang proyekto kasama ang MWSS UMAASA daw si Ramon S. Ang na mas marami pang mga proyekto na magagawa ang kanyang kumpanya na San Miguel Corp. kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga susunod na mga taon. Ang kasalukuyang presidente at CEO ng korporasyon ay nanguna sa paggawa ng mga proyekto ng kumpanya sa ibang mga entity. Ito ay matapos makumpirma na ang consortium na pinangungunahan ng San Miguel Corporation ang pangatlong conces-

sionaire ng MWSS sa Bulacan Bulk Water Supply Project (BBWSP). Ang proyekto na ito ay ginawa upang magdala ng tubig na puwedeng mainom ng mga residente ng probinsya ng Bulacan. Ayon kay Ang, masaya raw sila na may proyekto sila kasama ang MWSS, dahil makakapaghatid sila ng potable water sa mga taga-Bulacan. Ito ay kasabay ng ika-140 na anibersaryo ng MWSS. Kasama ng San Miguel Corporation sa consortium ang Korea Water Resources

Corporation na nakipagsanib-puwersa sa Filipino business firm noong 2016.

DOF, ipinanukala ang flexible exchange rate

BINIGYANG DIIN ng Department of Finance ang pangangailangan ng isang flexible exchange rate upang mas maging madali raw maka-adjust sa paglago ng ekonomiya ang mga market players. Ayon sa kanilang economic bulletin, hindi raw dapat ikabahala ang pagbaba ng exchange rate ng Philippine peso. Hindi raw ito senyales na may “structural weakness” ang ekonomiya ng bansa. Mataas naman daw ang real GDP at hindi tumaas nang husto ang halaga ng mga bilihin, kaya maganda pa rin daw ang status ng ekonomiya. Matatandaang, nabahala ang ilang mga

DepEd, binabaan ang passing score sa November 2017 ALS exams

kumpaya dahil umabot ulit sa Php 56 ang palitan ng piso laban sa dolyar. Subalit, hindi daw ito dahil sa paghina ng piso kundi lumakas lang daw talaga ang dolyar sa mga nakaraang linggo. Mula noong 2004 daw, ang piso pa ang panlimang pinakamalakas na appreciated NAG-ANUNSYO ang Department currency unit sa kontinente. Ang China, of Education (DepEd) na kanilang Singapore, Thailand, at Taiwan ang mga bansa sa binabaan ang passing score para Asya na mas malakas ang appreciation. sa Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency Test na ginanap noong at mataas ang demand. Nagbubukas naman daw Nobyembre 2017.

DFA, pinaigting ang pagbabawal sa mga passport fixers

MAS PINAIGTING ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang kampanya laban sa mga illegal passport fixers matapos itong magsagawa ng mga entrapment operations sa mga DFA offices sa Metro Manila lalo na sa main office sa ASEANA, Pasay, Taguig at Parañaque. Upang hindi rin daw magkaroon ng market ang mga passport fixers na ito, hinihikayat din ng DFA ang mga passport applicants na huwag gumamit ng mga serbisyo ng mga fixers lalo na kung pinagbabayad sila nito. Dapat libre lang daw talaga ang pagbu-book ng appointment at isa itong scam na dapat iwasan. Kailangan lang daw ng mga passport applicants na maging mabilis sa pagbook ng mga slots lalo pa

ng slots kada araw ang DFA sa iba’t ibang schedule hanggang Hunyo. May mga suspect na sila na nadakip sa mga entrapment operations na ito. Kakasuhan sila ng paglabag sa Republic Act 9485 o Anti-Red Tape Act at estafa.

Panukala upang padaliin ang pagtatag ng negosyo, inihain sa Kongreso

ISANG PANUKALA na gumagawa ng mga guidelines upang ayusin ang "ease of doing business" sa bansa ang kino-consolidate sa Senado at Kongreso. Ang bill na ito ay naglalayong iwasan ang red tape lalo na sa mga gustong magsimula ng kanilang mga negosyo. Ang bagong panukalang batas na ito ay magsisilbi ring magpapalago at mag-a-amyenda sa Republic Act No. 9485 o ang Anti-Red Tape Act of 2007. Kasama sa mga ilalagay sa consolidated bill ay ang lahat ng mga transaction na gagawin sa mga government offices upang magtayo ng negosyo.

Dahil dito, ang mga simpleng transaksyon na gagawin sa mga LGU o government corporations ay streamlined na at matatapos na sa loob ng tatlong araw. Isa rin sa mga prime na feature ng consolidated bill na ito ay ang “zero-contact policy” na naglilimita sa pag-contact ng government officer o employee sa mga prospective businesses na ito. Inaasahang mapapasa ang panukalang ito ngayong taon.

Ayon kay Sec. Leonor Briones, may mga factors daw na nakaapekto sa fairness ng examination na ito kaya sobrang bumaba ang success rate. Gagawin ang pagbaba ng passing score sa A and E test ng mababang eksaminasyon na ito. Isa raw sa dahilan kung bakit bumaba ang passing rate ay dahil sa paggamit ng Ingles para sa Math at Science. Kitang-kita raw ang epekto nito lalo na sa elementary exams. Sa datos na nakalap ng DepEd, bumaba ang success rate ng mga kumuha ng exams sa 16.5 percent sa elementary at 15.6 percent sa high school. Ang 2016 rates ay 38 percent para sa elementary at 57 percent para sa high school.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2018

4 4

BALITANG GLOBAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Batas upang mas maging malusog ang mga buntis na ina, maipapasa na ngayong taon

Senator Gatchalian, hinimok ang NHA na babaan ang presyo ng mga bagong bahay sa Marawi

HINIKAYAT ni Sen. Win Gatchalian ang National Housing Authority (NHA) upang gumawa ng mga house rebuilding package na hindi ganoon kamahal para sa mga naging biktima ng Marawi siege. Ito ay lalo na sa walong libong pamilya na na-displace ng bakbakan ng mga sundalo at ng mga rebelde.

Suhestiyon ni Sen. Gatchalian na mas pahabain ang payment term duration ng mga rebuilding package ng mga biktima. Ang inirerekomenda niya ay gawing sampu hanggang labing limang taon ito. Ayon sa kanya, mas maganda ring panatilihing mababa ang interest rate nito. Kung maaari umano ay nasa 2-3 percent. Ito ay upang hindi mahirapan ang mga pamilya sa pagbayad ng kabuuang gastos na kakailanganin nila. Magsisimula na rin ang pagtatayo ng 2,700 na permanent shelters sa Marawi kapag makakakita na ng magandang lokasyon ang Task Force Bangon Marawi.

NAG-FILE SI SEN. SONNY ANGARA ng isang bill sa layuning maging mas mapa-lakas ang mental at nutritional health ng mga nagdadalang-taong ina at ng kanilang mga pinagbubuntis hanggang pangalawang taon nila. Ang Senate Bill 1537 o ang Healthy Nanay and Bulilit Act ni Angara ay nagsasagawa ng mga hakbang upang mas mapatibay ang kalusugan ng ina at anak nang sa gayon ay hindi sila magkasakit. Ayon kay Angara, priority daw sa pag-

Boracay, 2nd best beach sa Asya

BAGAMA'T MAY MGA PROBLEMA na kinakaharap ang Boracay sa kasalukuyan, pinangalanan pa rin ito na pangalawang pinakamagandang beach sa Asya. Nakamit ng Boracay ang ikalawang puwesto sa Top 25 Beaches sa Asya na ginawa ng Trip Advisor. Ayon sa citation ng Trip Advisor, maganda raw ang Boracay na destinasyon lalo na sa mga naghahanap ng kalmang dagat. Isa rin daw sa mga advantages ng Boracay ay ang magandang sunset na nakikita sa isla. Ang nanguna sa listahan ay ang Agonda Beach ng India habang nasa pangatlo naman ang Ngapali Beach ng Myanmar. Ang listahan na ito ay nagawa sa pamamagitan ng aggregated scores na nakuha mula sa mga

implementa ng batas na ito sakaling maipasa na ay ang mga mahihirap na pamilya na walang access sa competent health services. Ito ay upang maayos ang foundation ng paglago at pag-develop ng buong bansa at nang makaahon ang pamilya sa kahirapan sa pamamagitan ng kalusugan at edukasyon. Ang mga priority families na ito ay kukunin mula sa listahan na ginawa ng National Household Targeting System.

reviews na ginawa ng mga turista at travelers sa platform ng Trip Advisor sa huling 12 buwan.

Sa world’s list, nasa ika-25 ranggo ang White Beach ng Boracay. Nasa ika-24 na rank ang Boracay noong isang taon.

Sen. Poe: Dapat parusahan ang EU, ipagpapatuloy ang mga abusadong debt collectors financial aid sa Pilipinas

HINDI NA RAW MAGANDA ang harassment na ginagawa ng mga debt collectors, ayon kay Senadora Grace Poe. Dahil dito, nag-file si Sen. Poe ng Senate Resolution No. 655 na nagpapanukala sa Senate committee on banks, financial institutions and currencies upang ayusin ang pag-implementa ng RA No. 10870 o ang Philippine Credit Card Industry Regulation Act. Ilang mga reklamo na raw ang natanggap ng kanyang opisina hinggil sa mapang-abusong mga paraan ng mga collecting agencies na ito. Minsan ay may mga banta at paninira pa raw silang ginagawa para lang ma-pressure ang mga magbabayad. Sang-ayon naman si Poe na kailangang bayaran ng mga may utang ang kanilang outstanding debt pero hindi raw ito dahilan upang i-harass at ipahiya sila ng mga agencies na ito. Hinimok niya rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas na mag-issue ng mga rules at guidelines upang maayos na magawa ang collection ng mga banko at mga financial institutions.

KINUMPIRMA ng European Union na ipagpapatuloy nila ang pagbibigay ng financial aid sa Pilipinas lalung-lalo na sa Mindanao at renewable energy sector. May kabuuang 170 million euros ang nai-budget na ng European Union na ipapamahagi sa loob ng mga sumusunod na mga taon. Ayon kay Stefano Manservisi, ang director general ng international cooperation arm ng European Commission, ang pagtanggap ng aid ay nasa negosasyon na sa pagitan ng EU at ng pamahalaan. Ito ay para mas maipagpatuloy ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at EU. Ibibigay raw ng European Union ang development assistance fund kapag nakapag-usap na ang dalawang parties. Nauna nang tinanggihan ni Pangulong Duterte ang aid mula sa EU dahil sa sinabi niyang panghihimasok sa mga internal na isyu ng bansa. Fina-finalize na raw ng pamahalaan ang mga development projects na kayang pondohan ng aid na ibibigay ng bloke ng 28 bansa sa Europe. I-implementa ang mga projects na ito hanggang 2020.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

5

5

Foreign investment sa Pilipinas, umabot sa $10 Billion sa 2017 UMABOT SA $10 BILYON ang kabuuang foreign investments na nakuha ng Pilipinas noong nakaraang taon. Ang numero na ito ay mas malaki ng 21.4 percent kung ikukumpara sa foreign investments na nakuha ng bansa noong 2016. Ang paglaki na ito ay senyales na isa pa rin ang Pilipinas sa mga favorable investment destinations, lalo pa at patuloy na lumalago ang ekonomiya. Ang mga pinakamalaking investments ng mga foreigners sa bansa ay mula sa Hong Kong, Singapore, the Netherlands, Japan at United States. Karamihan

dito ay nasa mga industriya ng retail, manufacturing, real estate at construction, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Isa sa mga dahilan ng paglakas ng foreign investment sa bansa ay dahil sa demogra-phics nito. Aabot na sa 107 million ang populasyon ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2018. Ang populasyon na ito ay may average age na 23 years old. Ibig sabihin nito, malaki ang posibleng market ng mga negosyo na gustong mag-invest dito.

NANALO ng isang major international award ang Globe Telecom sa 2018 Process Excellence Network (PEX) awards. Ang award na nakuha ng kumpanya ay ang Best Project Contributing to Customer Excellence. Ang tropeo ay nakuha ng kumpanya dahil sa kanilang anti-spam solution na ginawa upang maiwasan ang mga scam messages ng kanilang mga subscribers. Ang award na ito ay ibinibigay sa mga kumpanya sa buong mundo na nag-implement ng mga innovation sa customer experience. Sinimulan ng Globe ang kanilang anti-spam solution noong 2014 matapos makatanggap ito ng maraming reklamo mula sa mga customers. Naging priority ng Globe ang kanilang anti-spam effort lalo pa at ang pagte-text o SMS ang pinakamadaling paraan na mobile communication.

Ginagawa ang Process Excellence Award (PEX), isang online news sources, para sa mga propesyonal sa business industry. Ginanap ang 2018 Process Excellence Network awards sa Orlando, Florida, USA. Ang PEX awards ay ginaganap kada taon sa Estados Unidos.

Anti-Spam solution ng Globe Telecom, nanalo ng isang global award

Pocari Sweat, magpapasok ng imports

KUMUHA ng dalawang American imports ang volleyball team na Pocari Sweat Lady Warriors upang mapalakas ang kanilang koponan sa paparating na Premier Volleyball League's Reinforced Conference. Ang mga import na ito na sina Arielle Love at Maddie Palmer ay mga player sa NCAA Division 1 na volleyball league sa Amerika. Si Arielle ay isa sa mga nanguna sa volleyball team ng Duquesne University noong 2013. Si Palmer naman ay may mga record sa digs at kills sa Radford University, kung saan siya pinangalanang Big South Player of the Year dalawang taon na ang nakakaraan. Inaasahan na malaking tulong ang madadala ng dalawang imports na ito sa paglalaro ng team. Ito ay lalo pa at mas mataas at malakas ang experience ng mga ito sa intense na mga volleyball match. Dedepensahan ng Pocari Sweat ang two-time consecutive titles nila. Sa katunayan, tatlo sa apat na huling conferences ay napanalunan ng kupunan.

Pinoy Jeepney at Chocolate Hills, nafeature sa 'Sherlock Gnomes' publicity art

Terrence Romeo, opisyal nang lilipat sa TNT KaTropa

MASISIYAHAN ang mga Pilipino na manonood ng "Sherlock Gnomes" dahil isinali ng publicity team ng pelikula ang dalawang imahe na konektado sa Pilipinas sa mga publicity art na nai-release sa marketing nito.

MATAPOS ANG ILANG BUWANG usap-usapan, opisyal nang lilipat si Terrence Romeo sa TNT KaTropa. Nagdesisyon ang GlobalPort Batang Pier na gawin ang trade sa kanilang kalabang kupunan dahil na din sa kagustuhan ni Terrence. Ang magiging kapalit ni Terrence ay si Moala Tautuaa na dating No. 1 draft pick. Sa paglipat ni Terrence sa TNT, makakasama niya ulit ang kanyang dating head coach nung siya ay nasa UAAP pa na si Nash Racela. Hindi lang si Terrence ang na-trade sa TNT. Kasama niya ang center din ng GlobalPort na si Yousef Taha. Nagsimula ang karera ni Terrence sa PBA sa GlobalPort, nang naging fifth pick siya sa rookie draft noong 2013. Mabilis ang kanyang pag-angat sa ranko ng mga players kaya nagawaran siya na scoring champion noong 2016 at 2017. Nahirapan si Terrence na magkaroon ng malaking impact sa mga laro sa nakaraang basketball season dahil sa mga injury na natamo niya sa kanyang dating game.

Sa isang movie art na nailabas, nakikitang nagtatanong si Sherlock Gnomes na "Where in the world are the missing gnomes?" Sa poster na ito, ipinakitang nakasakay ang mga gnomes sa isang jeep habang nasa background nila ang Chocolate Hills ng Bohol. Hindi lang ito ang publicity art na na-release para sa pelikula. May mga art na rin kung saan ipinakita ang mga gnome kasama ang Coldplay at ang Santo Papa. Ang "Sherlock Gnomes" ay magsisilbing sequel ng 2010 animated film na "Gnomeo and Juliet." Ang magboboses ng karakter na ito ay si Johnny Depp. Magiging tungkol ito sa mga nawawalang gnomes sa London. Kasama rin sa voice cast sina Emily Blunt, Maggie Smith, Ozzy Osbourne, Chiwetel Ejiofor, Mary J. Blige at James McAvoy.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2018

6

6

EDITORIAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

CLICK HERE TO WATCH VIDEOS REGARDING THIS EDITORIAL

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

Publisher: D&K Company Ltd Editor: Jagger Aziz Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists & Contributors: Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Erwin Brunio (ebrunio@gmail.com) Mario Rico Florendo (Facebook: mario.florendo) Martin Paul Sabinet Henderson (hendersonmartinpaul@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi

editor`s note LOREEN DAVE CALPITO

HINDI MAGPAPATAYO NG CASINO, KUNDI LILINISIN ANG BORACAY

M

alinaw

na

sinabi

ni

restaurants, at hotel ang kanilang dumi. Na,

ipatatayong casino sa

sa dagat. Kung kaya, tinawag ng pangulo na

Pres. Rodrigo Duterte kamakailan na walang isla ng Boracay.

Sinabi niya ang nasabing pahayag bago

pati nga PVC pipes na nagmumula sa mga palikuran, lababo, at banyo ay nakakonekta "poso-negro" ngayon ang Boracay.

Kung totoo ngang ginagawa ito ng mga

siya umalis patungong Tsina. Idinagdag pa

establisyimento sa lugar, talagang labag ang

puwedeng-pwede siyang magbigay sa mga

ang kanilang water-waste treatment facilities

ng pangulo na isang agrarian reform area at

pagmamay-ari ng gobyerno ang Boracay, at

magsasaka roon. Idagdag pa, mamimigay rin daw ang gobyerno ng traktora sa mga ito.

Kung kaya, maraming mga mamamayan at

sektor ng lipunan ang natuwa.

Mariing idinagdag ng presidente na mali

ang ipinapakalat ng ilang indibidwal na kaya

isasara ang Boracay ng tinatayang anim na

buwan ay dahil ipatatayo roon ang major casinos.

Kaya raw umano ipinapasara ang island

resort dahil sobrang dumi na ng karagatan

-- dahil dito umano inilalagay ng ilang bars,

mga hakbanging ito sa environmental laws ng bansa. Dapat sana ay ayusin ng mga ito

para hindi tuluyang masira ang karagatan at ang isla.

Saludo rin tayo sa pamahalaan na ginagawa ang nasabing inisyatiba para magkaroon ng mas malinis na Boracay -- para mas maganda pa ang imahen ng nasabing lugar sa buong mundo. Sa pamamagitan ng inisyatibang ito ng gobyerno, tiyak na magiging ligtas ang lahat ng mga turistang papasyal sa nasabing lugar.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

BALITANG KA-DALOY KA-DALOY GLOBAL OF THE PINOY OF MONTH THE MONTH 7

ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM

Nakapaang Bicolana, naging inspirasyon matapos manalo ng gintong medalya sa Palarong Pambansa 2018

B

ata pa man ang Grade VII student na si Lheslie de Lima ng Region V o Bicol Region, pero marami nang hanga sa kanya. Ito ay matapos siyang manalo ng dalawang gintong medalya sa Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Vigan, Ilocos Sur. Tubong Baao, Camarines Sur, si de Lima ang pinakaunang nanalo ng medalya sa edisyon na ito ng Palaro. Ginanap sa opening day ang 3,000 meter individual running event kung saan siya ang nagtagumpay. Naiuwi niya rin ang gintong medalya sa 1,500 meter run. Kapansin-pansin na pagtakbo Unang beses sumabak ni De Lima sa 3,000 meter race. Natapos niya ang tatlong kilometro sa loob ng sampung minuto at anim na segundo. Makitid lang ang lamang niya sa pumangalawa sa kanya na si Camila Tubiano ng Region X. Nakakuha siya ng sampung minuto at pitong segundo. Pumangatlo sa kanila si Grace Tejones ng Region V. Isa sa mga dahilan kung bakit isa si De Lima sa mga lumabas na superstars sa Palarong Pambansa na ito ay ang kanyang desisyon na mag-paa sa track. Ayon sa kanyang coach na si Rolando Merencillo, umayaw raw si De Lima nang sinabihan siya na magsuot ng spikes kasi nabibigatan daw siya rito. Titiisin niya raw kahit mainit ang Tartan track na kanyang tatakbuhan. Matapos niyang manalo, ang 13-year old na si De Lima ay kalma lang. Sa katunayan, matapos niyang tumakbo sa opening day, natulog lang siya sa bleachers ng

Quirino Stadium na parang bata. Pangatlong beses na ito ni De Lima na sumali sa Palarong Pambansa. Noong 2016 sa Legazpi, Albay, nabigo siyang mag-uwi ng kahit anong medalya. Pinalad siya noong isang taon sa Antique nang manalo siya ng tatlong silver medals para sa 800 meters, 400 meters at 1,500 meters. Ang kanyang pamilya Magsasaka ang ama ni De Lima habang housewife naman ang kanyang nanay.

Si De Lima ay champion, hindi lamang sa track kundi pati na sa buhay. Kaya walang duda, siya ang ating Ka-daloy of the Month.


Daloy Kayumanggi

MAY 2018

8 8

KONTRIBUSYON KONTIRBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

usapang ofw ni kuya erwin

7 Paghahanda Para sa

Pag-For Good

G

ERWIN BRUNIO #090-7428-5744 EMAIL: EBRUNIO@GMAIL.COM

usto mo na bang mag-for good? Ang umuwi na sa Pilipinas para duon na manirahan? Kelan?

Ang permanenteng pag-uwi sa Pilipinas, ang tinatawag nating “for good� ay isa sa mga hamon ng migranting Pinoy, ngunit hindi napag-uusapan ng mga Filipino community dito sa Japan, o maging sa pamilya man lang. Lalo na sa mga nagtatrabaho lang dito sa Japan, tanggap natin ang realidad na sa bantang huli ay uuwi rin tayong lahat. Alam nating darating din ito.

Naitanong ko iyan kasi last year pa ay nagpa-plano na akong mag-for good. Ang target ko na mag-for good ay sa year 2020, pagkatapos ng Tokyo Olympics. Syiempre, manunuod muna ako ng Olympics kasama ang buong pamilya mula sa Pinas. Magiging first time ito sa buhay namin kaya nakakapanabik na. Ano ano nga ba ang basehan upang mag-for good? Ano ano ang mga paghahanda na dapat gawin? Kung ikaw ba ay may sapat ng ipon ay pwede ng mag-for good? Kung wala namang ipon, hindi ba pwede mag-for good? Paano kung nawalan ka ng trabaho? Paano kung ayaw mo ng umuwi ng Pinas? Sa tingin ko, may 7 konsiderasyon para sa paghahanda bago pa man mag-for good. Sa aking pag-aaral, ang mga sumusunod ay kailangan nating mapag-isipan upang maging mas kaaya-aya ang ating desisyon na umuwi na sa Pinas.

1. Kalusugan - Paano pangalagaan ang iyong kalusugan bago umuwi, at kung nasa Pinas na? 2. Pamilya - Ano ang magiging bagong role mo sa iyong pamilya at kamag-anak sa pag-uwi mo sa Pinas? 3. Kaibigan at Komunidad - Paano magkaroon ng mga bagong kaibigan, at mag-adjust sa iyong pamayanan? 4. Pinansyal - Magkano dapat ang ipon bago mag-for good? Mag-tatrabaho pa ba? Hindi na? Mag-nenegosyo? 5. Lifestyle - Handa ka na ba sa lifestyle sa Pinas? Sa traffic, mahabang pila at iba pa? 6. Personal Growth at Contribution - Ano ang mga gagawin mo sa Pinas para hindi ma-bored at para mapa-asensyo ang sariling kakayahan? 7. Professional Growth - Lalo na sa mag-tatrabaho pa, ano anong skills ang gusto mo i-develop pag-uwi.

Iilan lang ito sa mga kailangan ikunsidira kung sakaling ikaw ay mag-for good na. Ang pag-for good ay hindi hinihintay kung kelan ito susulpot, ito ay dapat pinaghahandaan. Ating iisa-isahin itong mga aspeto o kategorya sa ating mga susunod na isyu. Kung meron kang ideya, suhestyon o tanong tungkol sa pag for good, mag message lang sa akin sa ebrunio@gmail.com o kaya tumawag sa 090-7428-5744

Isa sa aking mga gagawin sakaling mag for good na ako ay ang pagpapatuloy ng charity work. Ang mga bags na ito na bigay ng isang kumpanya ay ibinahagi natin sa mga estudyante sa isla ng Calibutan, Bohol.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Epektibong lifestyle tips sa mga kababaihang may edad 35 pataas ANG PAGTUNTONG ng isang babae sa edad na 35 ay isang malaking hamon sa buhay. Sapagkat nagkakaedad na, marapat lamang na kailangan mo nang pagtuunan ng pansin ang iyong lifestyle at kalusugan. Dapat ay mas maging maingat ang isang babae na nasa ganitong edad upang masigurong siya ay walang mga sakit na maaaring makaapekto nang husto sa kanyang kalusugan. Ang mga sumusunod na ito ay ilan lamang sa mga dapat mong tandaan kung ikaw ay nasa ganitong edad:

Panatilihin ang timbang na normal Ang metabolismo ng katawan ay humihina habang ikaw ay tumatanda. Nagsisimula ito sa iyong early 20s, kaya dapat itong paghandaan nang maigi. Depende kung gaano ka kataas, may rekomendadong timbang na normal para sa iyo. Halimbawa, kung ang iyong taas ay nasa 160 hanggang 165 na sentimetro, ang normal na bigat ay nasa 66 hanggang 71 na kilo.

Mabisang tips para mapataas ang iyong selfconfidence IKA NILA, makapangyarihan ang utak. Kaya naman, kahit pa umano hindi magara ang iyong damit, kung sinasabi ng isip mo na bagay ito sa iyo at maganda ka sa pagsusuot nito, talaga namang magmumukha pa ring kaiga-igaya ang iyong itsura. Kaya naman, lubhang napakahalaga na mayroon ka dapat kumpiyansa sa sarili o self-confidence. Para matulungan ka, naririto ang ilang mga hakbangin o tips nang sa gayon ay magkaroon ka ng mataas na selfconfidence: 1. Pumili ka ng taong iidolohin mo. Alamin mo kung anu-ano ang mga paboritong isinusuot o pati hairstyle ng iyong idolo. Sa pamamagitan ng pagkakaroon mo ng isang idolo, malaki rin ang tiyansa na mapapasa-iyo ang kumpiyansa niya sa sarili. Pati nga mga simpleng gestures, na sa tingin mo ay makatutulong para mas lalo kang magmukhang confident sa sarili mo, ay makukuha mo rin. Kalimitan, mga artista o celebrities ang ginagawang idolo ng maraming mga tao. 2. Paniwalain mo ang sarili mo na ikaw ay angat sa iba. Halimbawa, kapag iniisip mo na ikaw ang pinakamaganda sa lahat, lalabas din sa iyong panlabas na kaanyuan na ikaw ay "blooming," sapagkat sinasabi nga ng iyong utak na ikaw ay mas stand-out sa iba.

3. Piliing maging "happy everyday." Kung masaya ka lagi-lagi, maa-activate din ang mga tinatawag na "happy hormones" sa iyong katawan. Nagiging resulta nito ang pagkakaroon mo ng magandang aura.

Huwag kalimutang kumain Panatilihing pasok sa tamang schedule ang oras ng iyong pagkain. Kung hindi, magdudulot ito ng mabilis na pagkawala ng tubig sa iyong katawan. Hindi ito maganda dahil kailangan ng katawan ng hydration, lalung-lalo na kung ikaw ay papalapit na sa iyong 40s. Siguraduhin ding maraming prutas, gulay at isda sa iyong diyeta. Mag-ehersisyo Nakakapagod man ang regular na ehersisyo, kailangan mong gawin itong parte ng iyong buhay. Kailangang maging aktibo pa rin ang iyong katawan sa edad na ito upang maayos na makapaghanda sa iyong 40s.

Bumili ng mga damit na naayon sa edad Kailangan din namang magdamit ka nang naayon sa iyong edad. Pumili ng mga damit na pormal at maganda, lalo na sa opisina at sa mga lugar na pampubliko. Kailangang tanggapin ng isang babae na hindi na siya bata. Ang edad na 35 ay importante dahil ito ay nasa gitna ng iyong 20s at 40s. Maraming pagbabago, parehong positibo at negatibo, ang mangyayari. At kailangan mo itong paghandaan at harapin nang buung-buo. At kapag maganda ang aura mo, nagagawa mo rin, halimbawang, dalhin nang mahusay ang iyong pananamit. 4. Piliin nang husto ang damit na isusuot mo. Siyempre pa, maigi rin kung kilalanin mong mabuti ang iyong sarili kung ano ba talaga ang mga damit na bumabagay sa iyo at akma sa pigura ng katawan at personality mo. Siyempre pa, tingnan din ang damit na bagay sa okasyong pupuntahan mo, halimbawa. Sa pamamagitan nito, mas komportable kang dalhin ang iyong kasuotan.

5. Ugaliing magbasa-basa ng magasin o artikulo sa Internet. Bukod sa mga magasin, mayroon ding mga Facebook pages sa ngayon na nagbibigay ng ilang tips hinggil sa latest fashion trends na puwede mong ikonsidera ka. Kapag "in" o sunod sa uso ang iyong suot, halimbawa, mas may kumpiyansa ka rin sa sarili mong isuot ito at ipakita sa ibang mga tao.

Ilan lamang ang mga nabanggit sa itaas sa mga hakbanging puwede mong gamitin upang magkaroon ka ng mas mataas na kumpiyansa sa sarili. Tandaan na kung may tiwala ka sa sarili mo, siguradong magmumukha ring kaiga-igaya ang iyong itsura at personalidad.

9

3 Paraan upang maiwasan ang kidney stones

ANG KIDNEY STONES ay mineral deposits sa katawan na tumitigas sa loob ng bato at nagdudulot ng sakit lalo na kung dadaan na ang mga ito sa urinary tract. Dalawang pangunahing salik ang nagdudulot ng kidney stones, ang family history at ang lifestyle mo. Ang tatlong tips na ito ay malaking tulong sa pag-iwas sa kidney stones:

Damihan ang calcium-rich food sa iyong diyeta Ang calcium ay nagbabawas ng tyansa na magkaroon ka ng kidney stones. Ilan sa mga may malaking content ng calcium ay low-fat milk at cheese. Huwag masyadong kumain ng maasin na pagkain Isa sa pangunahing dahilan ng pagkabuo ng mga kidney stones ay ang sodium. Dahil dito, mas maganda kung iiwasan ang mga pagkain na maraming asin. Ilan dito ay ang mga processed food at canned vegetables. Limitahan ang pagkain ng karne Ang mga karne gaya ng pork at beef ay acidic at nakakapagdulot ng pagtaas ng lebel ng uric acid sa katawan.

Hindi man madaling iwasan ang kidney stones, mababawasan ang tyansa na mangyayari ito sa iyo kung maayos ang iyong lifestyle.

3 Solusyon para sa Diarrhea

MAHIRAP MAGKAROON NG DIARRHEA. Kalimitan, pabalik-balik sa comfort room ang isang taong mayroon nito. Kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas na konektado sa diarrhea, ang mga sumusunod ay mga hakbanging dapat gawin upang maibsan ang mga nararamdaman:

Kumain ng saging Ang saging ay isa sa mga pinaka-epektibong solusyon sa diarrhea. Ito ay dahil sa mataas na content ng fiber sa saging. Maganda rin na ipares dito ang white rice at applesauce. Ugaliin ang pag-inom ng tubig Maraming tubig ang mawawala sa iyong katawan dahil sa diarrhea. Kailangang palitan ang tubig na ito para maayos pa ring makapag-operate ang katawan. Siguraduhin na malapit ka sa banyo palagi Palagi kang pupunta sa banyo kapag ikaw ay may diarrhea. Dahil dito, dapat hindi ka malayo rito upang hindi ka mahirapan.

Ang diarrhea ay kailangang solusyonan sa lalong madaling panahon dahil nakakadulot ito ng pagkawala ng tubig sa katawan.

3 Epektibong paraan para iwasan ang hanging sa tiyan

LAHAT NG TAO ay nakararanas na magkaroon ng hangin sa tiyan. Minsan, nagreresulta ito sa kabag, pero minsan wala naman itong masyadong negatibong epekto sa katawan. Pero, kung gusto mo talaga itong iwasan, ang mga tatlong tips na ito ay makatutulong na maiwasan ito:

Iwasan ang mga starchy food Ang pagkain ng starchy food, gaya ng patatas at kamote, ay malaki ang kontribusyon sa stomach gas. Iwasan ang mga ito kung maaari para hindi ka umutot. Huwag madaliin ang pagkain Ugaliing nguyain nang maayos ang iyong mga kinakain. Nagiging sanhi ng stomach gas ang paglunok ng malalaking parte ng pagkain. Magagawa mo ito sa paggugol ng sampu hanggang labinlimang minuto sa iyong pagkain. Mag-yoga Panatilihing clear ang iyong digestive system sa pamamagitan ng pagyo-yoga.

Ang hangin sa tiyan ay madali lang maresolba. Kailangan mo lang iwasan ang ilang mga pagkain at gumawa ng pagbabago sa iyong lifestyle.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2018

10

10

PINOY KA BA?

Impormasyon ng Pilipino

It`s Joke Time!

Titser: Pangit ang name mo, Conrado Domingo! In short, Condom. Pupil: Pero mas pangit ang sa husband niyo, Plato Soltero. In short, Pisot! Pinapangarap ko talaga na makasama ka sa kuwarto ko, sa kama ko, patay ang ilaw at nakatalukbong para ipakita ko sa iyo na... glow in the dark ang bago kong relo!

Kung anghel lang ako, I will protect you! I will make you prosperous! I will watch over you! But, what can I do? Angel face lang ako. Sayang, 'no? Adios kuwarta adorado mi gastos piso cada letra smart y smart kumikita. Nuestra pitaka ubos na, mi daliri nginig na, 'di mapigil text kita porque espesyal ka.

Lola: Ineng, may manliligaw ka na ba? Apo: Marami na po sila, Lola. Lola: Aba eh, may napipisil ka na ba sa kanila? Apo: T*T* pa lang po nila Lola, ayaw ipapisil itlog nila kasi masakit daw. Ang problema, dumarating iyan sa lahat ng tao, matatag man o mahina. Pero, kapag hindi mo na kaya, andito lang ako... isa pang problema.

Minsan, tinanong ko sa sarili ko, bakit nakilala kita? Bakit nakasundo kita? Bakit naging kaibigan kita? Ngayon, alam ko na ang sagot, simple lang pala. Kasi mabait ako.

Scarlet Witch Spider Man Falcon

Impormasyon ng Pilipino

Hulk DoctorStrange Thor

Dok at pasyente sa isang ospital pagkatapos ng operasyon... Pasyente: Dok, bakit ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos kita na utak ko. Dok: Okay lang yan, at least open minded ka na ngayon.

Juan: Bakit ba may asin sa dagat? Pedro: Sinadya yun ni Lord para 'di mapanis ang mga isda.

Boss: Why should we hire you? Juan: Mas mabuti po ang bagong tulad ko dahil wala pang sungay. Boss: English, please. Juan: Well, you see, I'm brand new so I'm not yet horny.

Adik: Dok, grabe yung panaginip ko gabi-gabi kas lagi raw akong nanonood ng basketball. Dok: Sige, halika may gamot ako para riyan. Adik: Huwag muna, Dok. Championship game na mamaya, eh! Airforce: No Guts, No Glory. Marines: No Retreat, No Surrender. Army: No Pain, No Gain. Naks! Ayaw patalo ng security guards: No ID, No Entry! Hidi ko hinahangad na ipagmalaki mo ako. 'Wag lang sana akong itanggi sa harap ng maraming tao. -- UTOT What Can Be Juan: Knock knock Pedro: Who's there?

Vision Black Widow War Machine

Drax Wong Winter Soldier

Juan: What can be? Pedro: What can be who? Juan: What can be bitiw bigla, what can be bitiw bigla. Higpitan lang ang iyong kapit... Coca-cola.

Juan: Knock knock Pedro: Who's there? Juan: Coca cola Pedro: Coca cola who? Juan: Coca cola na lang sana ang yong minahal, di ka na muling mag-iisa.

Pedro: Pare, bakit kanina ka pa nakaharap diyan sa salamin nang nakapikit? Juan: Shhh... Tinitingnan ko lang kung ano ang itsura ko kapag natutulog!

Donya: Oh Inday, iyak ka ng iyak diyan. Bakit? Inday: Eh kasi ma’am, andami-dami ko nang pimples. Donya: Eh ba’t marami kang pimples? Inday: Eh siguro pos a kapupuyat. Donya: Eh ba’t ka napupuyat? Inday: Eh kasi po namomroblema ako. Donya: Eh ano namang problema mo? Inday: Pimples ko ho. Donya: Inday, ano ka ba? Kanina pa nagki-kring yung telepono. Sagutin mo nga, baka yung chicks na naman ng sir mo! Inday: Si ma’am naman, selos ako uy! Pinaiikot mo lang ako! Nagsasawa na ako, mabuti pa patayin mo na lang ako! - Electric Fan

CaptainAmerica Iron Man Groot

Rocket Raccoon Hawk Eye Loki

Ginawa ko ang lahat para sumaya ka, mahirap ba talagang makuntento sa isa? - TV Ang Ngongong Apo Lola: Apo, sabihin mo sa lolo mo papahilot na ako. Apo: Yoyo, papaiyot daw yoya, antot na antot na siya. Lolo: Sabihin mo sa lola mo, wala na ako sa mood, tulog na! Apo: Yoya, waya daw yoyo ta mood. tuyot na daw.

Pumasa sa Test Tatay: Oh anak, bakit ka umiiyak dyan? Anak: Pumasa po kasi ako sa test...huhuhhu! Tatay: Aba, magaling! walang dapat ikayak diyan anak, anung subject ba yan? Anak: Pregnancy Test po, itay! Hugot sa Mantika Juan: Ate, pabili nga pong mantika Tindera: Mantika? Tapos ano huhugot ka? Yung mantikang hindi tumatalsik para hindi ka masaktan? Juan: Ate kapag nasunog talaga yung kawali namin, ihahampas ko yun sa mukha mo.

Top 1 Anak: Nay, muntik na akong maging, Top 1 sa klase namin! Nanay: Talaga anak? bakit muntikan lang? Anak: Inanounce po yung Top 1 sa klase, tapos tinuro ni mam yung katabi ko, sayang nga eh! mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

Black Panther Ant Man Gamora

www.tumawa.com

Star Lord Thanos Wasp


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

11

KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

11

Mga Kwentong

Makabuluhan

ni

MARTIN PAUL S. HENDERSON HENDERSONMARTINPAUL@YAHOO.COM

A n o n ga b a a n g to to n g nangyari sa Kasaysayan ng Digmaang Pilipinas at Amerika?

K

u n g i n y o n g matatandaan nang sumiklab ang Digmaang PilipinoAmerikano ay ito ang naging isa sa marahas na giyera na ginawa ng Estados Unidos upang sakupin ang Pilipinas. Ang Digmaang Pilipino-Amerikano ang simula ng isang-siglong paghahari ng Amerika sa ating bansa. Halos 1.5 milyong Pilipino ang namatay sa digmaang, ayon sa mga historyador. Sa Luzon ay umabot ng 600,000 ang mga Pilipinong namatay hanag mahigit sa 4.000 mga sundalong amerikano naman ang nasawi sa kabilang panig ayon sa isang pahayan sa Amerikang THE NEW YORK TIMES.

Sa kasalukuyang henerasyon ay iilan nalamang ang nakakaalam ng kasaysayang ito, kung paano ang naging pagdurusang ginawa ng mga amerikano sa mga Pilipino, tila nabaon narin sa limot ang mga bayaning totoo, na dapat hanggang ngayon ay ating tinitingalang totoo. Dahil sa mga kanilang ginawang pakikipaglaban sa imperyalismong US. S a ka b i l a n g m ga g i n awa n g pagpapanggap ng mga kano na sila ang mga bayaning totoo ay mahalagang sariwain natin ang tunay na nangyari noong panahong ipinaglalaban ng mga Pilipino ang bayang ito. Matagal nang pinagtakpan ng mga Amerikano ang malagim na kasaysayan ng Digmaang PilipinoAmerikano, at kakambal nito ang magiting na paglaban ng mga makabayang Pilipino.

Sa kabila ng kasinungalingang ginawa ng mga amerikano sila ang tunay na tagapagligtas at nagbigay ng

ANG GYERA NG

PILIPINAS AT AMERIKA demokrasya at kalayaan sa mga Pilipino ginamit ang pagbibigay ng mga libreng libro, bayarang mamamahayag upang maipalaganap ito, abot tanaw na sana ang tagumpay ng rebolusyong Pilipino laban sa k o l o n ya l n a p a g h a h a r i n g m g a Espanyol bago pa dumating ang mga Amerikano at inagaw ang tagumpay na ito.

Hindi ba't nagsimula ang giyera agresyon ng America sa Pilipinas ng sorpresang sinalakay nito ng mga sundalong Amerikano ang rebolusyonaryong Pilipino sa Sta. Mesa, Manila noong Pebrero 4, 1899?

Pero bago pa man nagsimula ang digmaang ito, natakda na ang mga kondisyon para sa direktang p a g s a l a kay n g m ga A m e r i ka n o . Nakalimutan niyo naba ang sa Maynila sa Espanya noong Agosto 1898. Hindi ba't sa Halagang 20 milyon pesos ay naipagbili ang Pilipinas sa Amerika? Ewan ko lang kung naaalala niyo parin ang Treaty of Paris? Sangkot si dating US President Mc Kinley? noong Disyembre 1898. Sa kabila nito ay nagtagal parin ang magiting na pakikipaglaban ng ating mga tunay na bayaning Pilipino sa Amerikano na umabot pa sa mahigit 125.000 na mga sundalong amerikano ang dumating sa bansa. Idineklara ni US Pangulo Theodore Roosevelt na tapos na ang digmaan nang madakip ang liderato ng Unang Republiko ng Pilipinas ni Emilio Aguinaldo noong Hulyo 4, 1902. Ngunit nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng bansa, at lalo na ng mga Moro sa Mindanao, hanggang sa taong 1916.

Ginamit ng mga pwersang US ang iilan sa mga pinakamarahas at dimakataong mga taktika na target

hindi lamang ang mga mandigirmang Pilipino kundi mismo ang mga ordinaryong sibilyan katulad ng kanilang ginawa sa bansang hapon n o o n g s u m i k l a b a n g i ka l awa n g digmaang pandaigdig kung kayat napilitang sumuko ang mga hapon para lang hindi madamay ang kanilang mga sibilyan. Ang isa sa mga paglabag ng mga sundalong Amerikano sa karapatang pantao ay ang tintawag na “hamletting,” o ang pwersahang rekonsentrasyon ng mga sibilyan patungo sa mga kampo militar ng Amerikano. Ang mga espasyo sa labas ng mga hamlet ay itinuring na “free-fire zone” Sa medaling salita, lahat ay maaaring barilin ng mga Amerikano. Isiniksik ang libu-libong mamamayan sa mga kampong ito upang matanggalan ng baseng suporta ang mga lumalaban at mawalan ng dagdag na tao ang mga Pilipino.

Sadista ang mga Amerikano sa paggamit ng iba’t ibang pagto-torture sa mga nabihag na Pilipino. Isa na dito ang tinatawag na “water cure”. Kung saan ay ginagapos ang biktima at binubuhosan ng tubig ang kanyang bunganga habang may nakaupo na tao sa kanyang tiyan upang hindi siya malunod.

Kasama din ang patakarang pagsunog ng mga baryo at bayang pinaghihinalaang nagbibigay ng suporta sa mga mandirigmang Pilipino. Laganap ang pagpapatupad ng mga Amerikano sa karumal-dumal na patakarang ito sa buong Kabisayaan, sa Batangas, Laguna, at Bikol sa Luzon, at ilang bahagi ng Mindanao. Huwag rin nating kalilimutan ang pagmasaker noong Digmaang Pilipino-Amerikano sa pag-uutos ni US

Heneral Jacob Smith na “patayin ang lahat ng batang may edad sampu pataas” sa isla ng Samar“at “huwag hayaang may lumilipad pang kahit isang ibon sa kalawakan.“ Ginawa ito bilang pagganti sa tagumpay ng mga rebolusyonaryong Pilipino laban sa mga sundalong Amerikano na nakahimpil sa bayan ng Balangiga, Samar na nasa 48 sa 74 kataong tropa ang kanilang nalipol.

“Nagmartsa ang 13th Regulars mula sa Iloilo sa timog patungong Capiz sa Hilaga ng Panay, sa kautusang s u n u g i n a n g l a h a t n g b aya n n a lumalaban. Nagresulta ito ng paghawan ng lugar na may lawak na 60 milya mula sa isang dulo tungo sa ikalawang dulo.”

Nariyan ang masaker sa Bud Bagsok, Jolo noong Hulyo 11, 1913 kung saan umabot sa 2,000 Moro ang namatay kasama ang 196 kababaihan at 340 bata, Isama narin natin ang pananakop nito sa mga Moro sa Mindanao: ang pagmasaker ng 900 Tausog, kabilang ang mga babae at bata, sa tatlong-araw na pagsalakay sa Bud Dajo, Jolo noong Marso 5-7, 1906. Nagpapakita rin ito ng larawan ng mga Aquino bilang isa sa mga pinakamasugid na tuta ng Estados Unidos. Buhay na buhay ang dominasyon ng Amerika sa aspetong pulitika, ekonomya, kultura, militar, at relasyong panlabas ng Pilipinas. Malaking hamon ang pagmulat ng m g a k a b a t a a n a t m a m a m aya n g Pilipino sa tunay na kasaysayan ng D i g m a a n g P i l i p i n o -A m e r i k a n o . Mahalaga itong kontribusyon sa pakikibaka para sa tunay na kalayaan sa ating bansa.


JULY 2017

12

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"



Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2018

14 14

TRAVEL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

tampok

HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM

VISITA IGLESIA: Ang mga luma at natatanging simbahan sa Makati City

FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI

website: www.hoshilandia.com CLICK HERE TO SUBSCRIBE AT MY CHANNEL

W

hat comes first in your mind, when someone mentions Makati City, Philippines? Ako, it’s the business and financial district where modern people roaming around. Every time nga naghahagdan ako sa pathway or underpass, naiisip ko na ang mga ito ang literal na corporate ladder. So these and more ideas lead me to wonder if this city has old buildings other than commercial ones. Mayroon nga at ilan sa mga ito ay diniskubre sa recent Visita Iglesia ko.

Iyong paikot na disenyo rito na mula kay Architect William Fernandez ay magbibigay ng modern and very welcoming ambiance. Tipong kahit saan side ka pa manggaling basta gusto mo magsimba, Pasok ka lang! Pero ayon pa rin Sto. Niño de Paz Community Greenbelt Chapel, ang inspirasyon din sa plano nito ay ang St. Patrick’s Cathedral sa New York City. By the way, July 28, 1983 nang binuksan ito sa publiko. Saint John Bosco Parish

Sanctuario de San Antonio Parish Church

Ang Sanctuario de San Antonio ay isang mamahalin na simbahan. Well, sa location ito na kalapit lang naman ng Dasmariñas Village, Forbes Park, at bukana papuntang Bonifacio Global City (BGC), puwede! Pero isa talaga ito sa paboritong wedding church and one of the expensive churches para sa mga nagbabalak magpakasal. Pero kung pupuntahan natin ang ibang side nito, ang patron saint dito ay si San Antonio de Padua at ito ay naging opisyal na parish church noong 1975. May Spanish-era feel pa rin ang at architecture at ambiance ng simbahan na pinamahalaan ng mga paring Fransciscano. Si San Antonio nga pala ay ang sinasabing santo para sa mga nawawalang bagay.

Accordingly ay 17th century pa naitatag ang National Shrine for Our Lady of Guadalupe at ang unang itinawag rito ay Our Lady of Grace. Nasa loob nito ang mahimalang imahe ni Our Lady of Guadalupe na patron saint ng bansang Mexico. Guadalupe Church o Nuestra Señora de Gracia

Sa blog na Urban Roamer ay sinasabing ang St. John Bosco. Church ay isang clamshell shaped church. Isa din daw itong obra ng architect na si Jose Maria Zaragoza (isang national artist) na s’yang nasa likod ng Sto. Domingo church. Pero base sa marker sa rebulto ni Don Bosco o St. John Bosco, s’ya ang tinaguriang Father and Teacher of the Youth. S’ya rin daw ang Patron saint ng mga editors and publishers, schoolchildren, magicians, juvenile delinquents, at apprecentices. San Ildefonso Church in Pio del Pilar

Greenbelt Chapel o Sto. Niño de Paz Catholic Church

Ayon sa aking mga nabasa ay isa ang Greenbelt Chapel sa dalawang ganitong egg-shell dome style architecture. Marahil ang una ay ang Holy sacrifice Church sa loob ng UP Diliman Campus.

National Shrine for Our Lady of Guadalupe

Ang sabi ang San Ildelfonso Church ay ang una at isa sa mga itinatag na simbahan ng mga Salesian sa bans. Ang Salesian ay samahan na binuo ni Don Bosco na ang layon ay magabayan ang mga kabataan sa pag-usbong ng industrilisasyon.

Dahil mahilig ako sa old churches at architecture ay aminado ako na ito ang excited kong makita. Na-meet ang expectation ko dahil from exterior to interior ay kita mo ang pagmi-maintain ng pagklasiko nito. Hindi ito pinupunturahan o nilalagyan ng masyadong kolorete para magmukhang bago. Ayon naman sa aking mga nabasa, ang ibang materyales na ginamit nito ay mula sa nabuong bagay mula sa volcanic eruption. Cool ito lalo na’t ang isa sa madalas na nagpapagiba sa mga old churches ay pagsabog ng bulkan. This time ay mula sa adobe/ volcanic tuff binuo ang isang simbahan. Isa rin itong Neo-Romanesque-Gothic style sa labas, at Baroque sa loob. Taong 1601 nang simulan ang plano at pagbuo ng simbahan at natapos ito noong 1629. Sinasabi rin naging lugar ito ng debosyon ng mga Tsino lalo na noong 1639. Samantala, isa rin sa luma at dinadayong simbahan sa Makati ay ang San Pedro de Macati Church o Saints Peter and Paul Parish Church. Ang simbahan ay itinatag noong 1620 ng mga pareng Heswita at may Baroque architecture. *Ang artikulo na ito ay bahagyang binago at orhinal na inilathala sa hoshilandia.com.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

15

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

3 Natural na paraan upang 'Di magkaroon ng Dandruff

Paano magbawas ng timbang nang mabilisan at ligtas NASOBRAHAN ka ba sa pagkain nitong mga nakaraang holidays? May mga paraan para magpapayat, ngunit kung hindi ito ginawa nang tama, mas magugutom ka at baka bumalik pa ang nawala mong timbang! Kailangan mo rin ng disiplina upang pangatawanan mo ang iyong mga susunod na gagawin. Narito ang mga hakbang: 1. Bawasan ang pagkain at pag-inom ng mga matatamis na pagkain at inumin. Mas nakakababa ito ng insulin sa katawan, na magiging daan upang kusang matunaw ang taba sa katawan mo. Piliin ang mga pagkaing kaunti o walang carbohydrates. 2. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina, mga piling fats, at mga gulay.

15

Mas maraming gulay, mas maganda. Ang mga fats na dapat gamitin ay ang tulad ng olive oil at ang coconut oil. 3. Galaw-galaw 'pag may time! Hindi ka matutunawan ng taba kung hindi ka gagalaw. Kung kaya mo mag-gym, mas mabuti. Ngunit, kung hindi ito posible, ang paglalakad ay sapat. Gumamit ng pedometer (na mada-download sa Android at iOS) at ugaliing maglakad ng at least 1000 steps. 4. Uminom ng tubig. Napakahalaga ng tubig sa pagtutunaw ng taba, dahil ito rin ang nagwawalis ng mga basura mula sa katawan mo, na tutulong din sa pagtunaw ng taba. 5. Huwag magmadali sa pagkain.

PAGKARANIWAN na siguro para sa ilang tao ang magkaroon ng dandruff. Ang karaniwang sanhi nito ay ang hindi maayos na paglilinis ng buhok at anit. Kung gusto mong maiwasan ang pagkakaroon ng dandruff, malaking tulong ang maihahatid ng mga tips na ito: Magnudnod ng kalamansi sa anit Ang kalamansi ay magandang source ng acid. Ang acid na ito ay makakapag-negate ng basic properties ng anit at buhok na nagiging sanhi ng balakubak. Ayusin ang pagsa-shampoo Kung ikaw ay nagsa-shampoo, kailangang maayos na matatanggal ang mga dumi na naipon sa iyong ulo sa buong araw. Dapat maalis din ang lahat ng traces ng shampoo sa buhok. Maglagay ng baking soda sa iyong ulo Ipahid ang baking soda sa iyong buhok upang malabanan ang fungi na nagdudulot ng dandruff. Madali lang maagapan at masolusyonan ang balakubak. Kailangan mo lang ugaliin na magkaroon ng magandang hygiene practices.

3 Gawain upang maiwasan ang pangangamoy ng paa

ANG MALAKING BAHAGI ng mga sweat glands ay matatagpuan sa paa. Dahil dito, mas malaki rin ang posibilidad na mangamoy ang iyong paa. Ang mga sumusunod ay mga tips na puwedeng gamitin upang hindi mangamoy ang parte na ito ng iyong katawan: Patuyuin ang paa nang maayos bago mag-sapatos Ang pagsusuot ng sapatos, kahit medyo basa pa ang iyong paa, ay nakakabaho ng paa. Siguraduhin na tuyo ang paa, medyas, at sapatos kapag ikaw ay maglalagay ng sapatos 'Wag ulit-uliting gamitin ang iisang sapatos Ang paggamit ng iisang sapatos ay magreresulta sa pagdami ng pawis na naa-absorb ng iyong sapatos. Kailangan munang patuyuin ito bago gamitin ulit. Maglagay ng tawas sa paa Ang tawas ay may neutralizing effect sa amoy ng paa. Nakapipigil din ito sa labis na pagpapawis.

Importanteng ugaliin at siguraduhin na hindi basa ang paa upang hindi ito mangamoy. Sa paraang ito, hindi magiging concern ang mabahong paa.

PHILIPPINE CONSULAR OUTREACH IN GIFU CITY Ang Philippine Consulate General Osaka, sa pakikipagtulungan ng ASFIL GIFU, ay magsasagawa ng serbisyo konsular sa Lungsod ng Gifu. Philippine passport (renewal, first time application), Report of Birth, Report of Marriage, LCCM, NBI, SPA, Notarization/Authentication

When: May,12 & 13, 2018 (Sabado at Linggo) 9:30am~ Where: Heartful Square G (gusaling karugtong ng JR Gifu Train Station), 2F, Chu Kenshu Shitsu (1-10-23Hashimoto-cho, Gifu City) â—?TINGNAN AGAD ANG DETALYE SA WEBSITE NG KONSULADO: www.osakapcg.dfa.gov.ph/ â—?I-download at i-print ang application forms galing sa website ng Konsulado. Magtanong din sa ASFIL GIFU kung saan maaaring makakuha.

Philippine Consulate General Osaka: Fax: 06-6910-8734/

email: queries.osakapcg@gmail.com *ASFIL GIFU: 090-3935-6004 (Edna)

3 Tips para mawala ang Blackheads

HINDI MAGANDANG TINGNAN ang blackheads. Ang mga ito ay produkto ng blockage na nangyayari sa mga pores ng iyong kutis. Wala man itong masyadong negatibong epekto sa mukha, maaari itong magdulot ng negatibong karanasan, lalo na sa iyong social life. Ang mga sumusunod ay mga puwedeng gawin upang mawala ang mga ito: Maghugas ng mukha ilang beses sa isang araw Isa sa mga epektibong tips laban sa blackheads ay ang pagsiguro na malinis ang iyong mukha. Hugasan ang mukha nang apat na beses sa isang araw. Gumamit ng deep cleanser May mga deep cleansing devices at brushes na puwedeng mabili sa mga supermarket na puwedeng gamitin kada araw o linggo upang mag-deep cleansing ka sa bahay mo. Magpa-check sa dermatologist Kung ayaw talagang matanggal ng iyong blackheads, mag-schedule na ng visit sa iyong dermatologist. Kailangan mong maintindihan nang mabuti ang blackheads at paano ito nabubuo upang maiwasan at mawala ito. Ang artikulong ito ay malaking tulong sa iyo.


MAY 2018

16

16

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

17

TIPS KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

17

PAANO PUMASA SA

TOKYO BOY PRO

JOB INTERVIEW

MARIO RICO FLORENDO FACEBOOK: MARIO.FLORENDO

Si Tokyo Boy ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang project manager sa isang Japanese company sa Tokyo. Nagtapos siya ng kaniyang masters sa University of Tokyo habang naging officer ng Association of Filipino Students in Japan (AFSJ) ng dalawang taon. Nilalayon ng kolum na ito na makatulong sa mga estudyante, housewife, at propesyunal dito sa Japan. Para sa mga katanungan, magpadala lamang ng mensahe sa mrico.03@gmail.com.

S

a pinakahuling seminar kung saan kabahagi ang kumpanya ko bilang sponsor ng isang Job Hunting Seminar, pinasulat ko ang mga magiging kalahok ng mga tema na gusto nilang talakayin ko sa seminar. Narito ang ilan sa mga lumabas na paksa:

• How to make an effective resume and how to pass the job interview. • How and where can I find a job that fits for me? • How to seek a job employment • How to find a good job • Salary • To find job near my place • Jobs for N5 and none at all • Where and how we can find job in Japan • How to make a resumè. The do’s and don’ts in applying for work. • Non-teaching career options for foreigners in Japan

Karamihan sa mga tema ay nasagot ko sa seminar subalit dahil sa kakulangan sa oras, hindi ko natalakay ang pagbibigay ng tips sa mga gustong makapagbigay ng magandang impresyon sa interbyu.

Kung mayroon kang nalalapit na interbyu para sa trabahong lilipatan mo o kaya naman ay interbyu para sa intership na kailangan mo para sa trabaho, para iyo ang kolum na ito.

1. Be ready. Hindi natatapos ang paghahanda mo bilang isang aplikante pagkatapos mong isumite ang iyong resume. Sa katunayan, nagsisimula pa lang ito dito. Bilang aplikante, marami kang kailangang paghandaan bago ang mismong interbyu. Una, kailangan mong siguraduhin kung ano ang kailangan mong isuot sa araw ng interview. Depende sa inaaplayang trabaho, maaaring hindi mo kailangang magsuot ng suit o formal na damit. Kung hindi sigurado,

hindi masama na magtanong mismo ng diretso sa taong mag-iinterview sa iyo kung ano ang dapat mong isuot. Mas maganda ng maging siguro kaysa magsisi sa kuli. “One important key to success is selfconfidence. An important key to selfconfidence is preparation.” –Arthur Ashe

Pangalawa, saliksikin na agad ang address ng lugar ng interbyu at kinagabihan pa lang ay hanapin na ito sa google maps. Kung hindi ka magaling sa direksyon, mas lalong kailangan mo itong paghandaan dahil ayaw mong ma-late sa iyong interview o kaya naman ay pawisang dumating doon dahil tumakbo ka para lamang makarating sa tamang oras. 2. Be presentable. Marami sa atin, dahil sa kaba kakaisip ng kung anong itatanong sa interview, nakakalimutan paghandaan ang kanilang pisikal na hitsura. Kailangan mo na bang magpagupit? Kailangan mo bang mag-ahit? Kailangan mo bang mag-pony tail? Lalo na kung Japanese company ang inaaplayan mo, mahalaga para sa kanila ang pisikal na hitsura ng aplikante. At depende na rin sa trabaho na target mo, mas magandang iwasang magpabango lalo na pag sa restawran ang puntirya mong trabaho. “The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.” –Eleanor Roosevelt

Kahit hindi matatas sa Nihongo, maganda rin na makapaghanda ka ng jiko shoukai o self-introduction sa Nihongo. Kahit ito lang ang kaya mong sabihin, tiyak matutuwa ang Hapon na magi-interview sa iyo dahil pinilit mo pa ring maghanda at magkabisa. 3. Be polite.

Kadalasan marami sa atin iniisip na ang pinakabatayan ng pagpasa sa interbyu ay ang kagalingan sa pagsagot ng mga tanong. Sa katunayan, maliit na porsyente lang ito sa tinitignan ng mga nagi-interbyu sa isang aplikante.

“If you don’t like something, change it. If you can’t change it, change your attitude.” –Maya Angelou Ilan sa mga mas binibigyan ng halaga ay ang karakter ng isang aplikante. Kasama dito ang pagiging masunurin at mapagkumbaba. Kapag pumasok ang mag-interview tumayo ka, at tanggapin ang kanilang business card gamit ang dalawang kamay. Dagdag pa, kapag hindi sigurado sa sagot lalo na kapag Nihongo ang gamit na wika, huwag kalimutang gumamit ng “desu” at “masu” form. Sa ganitong paraan, pinapakita mo na pamilyar ka sa kulturang Hapon at nirerespeto mo ang kanilang kultura. Kung ganito ang iyong pagtingin, malamang ay hindi ka rin mahihirapan na makapag-adjust kapag nagtrabaho ka na sa kanilang kumpanya dahil ikaw mismo pamilyar ka na kung paano makisama sa mga Hapon at sa ipa bang lahi.

4. Be calm. Bilang taga-interbyu, isa sa mga una kong sinasabi sa mga aplikante ay ang huwag kabahan. Mas madaling sabihin para sa akin kasi wala ako sa kanilang kalagayan. Gayunpaman, alam ko ang pakiramdam ng kabado at tensyonado. At isa lang ang masasabi ko kapag hindi ka naging kalmado: hindi mo mailalabas ang tunay mong personalidad. “Believe in yourself! Have faith in your abilities! Without a humble but reasonable confidence in your own powers you cannot be successful or happy.”–Norman Vincent Peale

Bukod sa karakter, isa rin ang personalidad sa tinitignan ng mga employer sa mga aplikante. Kung nag-a-apply ka sa restawran bilang waiter/waitress, mahalaga para sa kanila na ang personalidad ng aplikante ay masayahin at pala-ngiti. Kung ikaw naman ay nag-a-apply sa hotel o factory, madalas titignan nila kung seryoso ang aplikante.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2018

18

18

ANUNSYO / HOROSCOPE

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

INTRODUCING NEW PRODUCT!! OF DKSTORE Vinta Sano " Akareishi 2020" A New Health supplement from Vinta Sano which contains 3 various healthy plants. Which boost your healthy living and giving your health much more energy for everyday living. Reishi Mushroom

Cordyceps

* Boosting your immune system from viral infections * Prevents lung conditions * Prevents Heart Disease * Prevents High Blood Pressure also High Cholesterol * Other uses of these plant is to reduce your stress and prevent fatigue in you everyday lifestyle.

Natoginseng

* Managing Blood Sugar Levels * Protecting the Heart * Protecting the Kidneys * Strengthening the Immune System * Enhancing libido * Fighting Fatigue and Improving Exercise Performance * Cancer Fighter * Gives Strenght and Stamina

* Can relieve pain by promoting blood circulation. * Can aid in physical growth * The ability of Notoginseng to enhance circulation and prevent blood stasis is said to improve the flow of nutrients to growing bones and around the body. * Notoginseng can be beneficial for preventing and treating heart disease, lowering cholesterol. Studies have also suggested that Notoginseng can help reduce chest pain caused by coronary heart disease.

Vinta Sano "Natto Kinase 3388FU"

A New Health supplement from Vinta Sano, contains a 3388FU of Natto Kinase, Nattokinase is an enzyme (a protein that speeds up biochemical reactions) that is extracted from a popular Japanese food called natto. Natto is boiled soybeans that have been fermented with a bacterium called Bacillus natto. Natto has been used as a folk remedy for diseases of the heart and circulatory system (cardiovascular disease) for hundreds of years. You won’t find nattokinase in soy foods other than natto, since nattokinase is produced through the specific fermentation process used to make natto. Nattokinase is used for cardiovascular diseases including heart disease, high blood pressure, stroke, chest pain (angina), deep vein thrombosis (DVT), “hardening of the

Aries (Marso 20 hanggang Abril 19) Marami kang aatupagin sa iyong pamilya at trabaho. Maaari itong makaapekto sa iyong mga personal na plano at gustong gawin. Huwag mong takasan ang mga ito. Darating din ang panahon upang makamit mo ang iyong gusto. Taurus (Abril 20 hanggang Mayo 20) Marami kang matututunan sa mga pagbabiyahe mo sa panahon na ito. Mas titibay rin ang iyong relasyon sa ibang mga taong nakapaligid sa iyo. Gemini (Mayo 21 hanggang Hunyo 20) Magbabago ang iyong pananaw at pagtingin sa pera. Magiging malaking palaisip sa iyo kung paano mas maging magaling sa paggawa ng desisyon.

Cancer (Hunyo 21 hanggang Hulyo 22) Mapapaisip ka sa panahong ito sa mga nagawa mo sa mga nakaraang buwan. Mas maiintindihan mo ang mga natutunan mo sa mga lahat ng nangyari. Mas magiging matibay na ang iyong pag-i-intindi sa iyong sarili. Leo (Hulyo 23 hanggang Agosto 21) Makikipagkonek ka sa mga kaibigan na matagal mo nang hindi nakausap. Mas darami rin ang iyong mga kaibigan. Virgo (August 22 hanggang Setyembre 21) Marami kang mga taong makakausap na magpapaisip sa iyo. Siguraduhing makikipag-usap ka sa mga taong makakatulong sa iyo na lumago ang diwa.

arteries” (atherosclerosis), hemorrhoids, varicose veins, poor circulation, and peripheral artery disease (PAD). It is also used for pain, fibromyalgia, chronic fatigue syndrome, endometriosis, uterine fibroids, muscle spasms, infertility, cancer, and a vitamin-deficiency disease called beriberi. How does it work? Nattokinase decreases the ability of blood to clot. This "thins the blood" and might protect against conditions caused by blood clots such as stroke, heart attack, and others.

CALL US NOW! FOR MORE INFO! Japanese

03-5835-0618

Libra (Setyembre 22 hanggang Oktubre 22) Maraming mga tanong na susulpot sa iyong buhay. Magiging mabisang paraan upang masagot ang mga tanong na ito ang iyong imahinasyon at kapasidad.

Capricorn (Disyembre 22 – Enero 19) Maghanap ng posibleng mentor para sa iyo. Ito ay upang magkaroon ka ng authority figure na makakatulong sa iyo na magtagumpay sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay.

Scorpio (Oktubre 23 – Nobyembre 21) Maganda kung gagamitin mo ang buwan na ito para sa leisure. Makakakilala ka ng mga taong magiging parte ng iyong buhay gaya ng mga bagong kaibigan o kasintahan.

Aquarius (Enero 20 – Pebrero 18) Walang katiyakan ang iyong buhay at maraming mga pagsubok kang

Sagittarius (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Hindi po man alam ito, ang iyong mga aksyon at ginagawa ngayon ay makakatulong sa iyong tagumpay sa iyong karera. Magdudulot ito mas maraming mga pabuya at pera para sa iyo.

pagdadaanan. Pisces (Pebrero 19 hanggang Marso 19) Marami mang negatibo na bagay na nangyayari sa iyong buhay, kailangan mong magpasalamat at maging kontento sa kung anong mayroon ka.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

19

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

19

Mga Pilipina, panalo sa jiu jitsu competition sa Abu Dhabi TATLONG PILIPINANG ATLETA ang matagumpay na nag-uwi ng mga medalya sa katatapos lang na London leg ng Abu Dhabi Grand Slam Jiu Jitsu World Tour. Ang kanilang pagkapanalo ay nangangahulugang pasok ang tatlong Pilipina sa top 10 sa Asya. Si Margarita Ochoa ang nakakuha ng gold medal sa -49kg Women's Purple category. Si Annie Ramirez naman ang nanalo ng silver medal sa -62kg Women's Purple Belt division habang may silver si Kaila Napolis sa -55kg category. Nauna nang nanalo ng isang silver medal sa isang nakaraang leg si Annie Ramirez habang nagawaran na rin ng gold medal si Kaila Napolic. Sa kasalukuyang tour, nasa ika-limang posisyon sa overall rankings si Annie Ramirez dahil sa kanyang 320 points. Si Kaila Napolic ay nasa ika-anim na ranking at si Margarita Ochoa ay nakatuntong sa ika-walong posisyon.

Caloy Yulo, papalapit na sa pangarap na makapag-Olympics

Ang paglalaro ng tatlong atletang ito ay suportado ng Jiu Jitsu Federation of the Philippines, ang pambansang organisasyon ng sport na ito.

Coach Freddie Roach, hindi na opisyal na trainer ni Manny Pacquiao

KUMPIRMADOG hindi na si Freddie Roach ang trainer ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa isang statement, base sa ulat ng ABSCBN News,sinabi ni Freddie na tapos na ang professional relationship nila ni Manny. Bagama't gusto niyang magtagumpay pa rin si Manny sa kanyang karera bilang isang boksingero, hindi niya raw maipagkakailang PATULOY ang pagsulong ni Caloy nasaktan siya na hindi siya personal na sinabiYulo sa larangan ng gymnastics mata- han ni Manny sa pagtatapos ng kanilang pos siyang makakuha ng bronze medal sa katatapos lang na Melbourne Azkals, pasok sa 2019 AFC lg ng FIG Artistic Individual AppaAsian Cup ratus World Cup series. Ibig sabihin nito, mas malaki ang kanyang tiyansa na makapasok sa 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan. Ang kumpetisyon ang unang beses na sumali si Caloy bilang isang elite senior athlete. Isang malaking achievement na ito para sa kanya bilang isang professional player. Sa naunang qualification round ng men's vault category, nasali siya sa walong may pinakamataas ang iskor. OPISYAL NANG nag-qualify ang Philippine Nasa ikalimang ranggo siya sa round Azkals sa 2019 AFC Asian Cup matapos matalo nito ang koponan mula sa Tajikistan, 2-1. na iyon. Sa final round, nag-tie sila ng Jap- Ang pagkapanalo na ito ay nangangahulugang anese gymnast na si Kaisuke Asato makikita sa unang pagkakataon sa continental nang makakuha silang pareho ng cup ang Pilipinas matapos ang ilang taong pagk14.233 points. Subalit, dahil sa 3-point abigo. deduction na nakuha ni Asato, naitaas Ayon sa team manager ng Azkals na si Dan sa third place ang ranking ni Caloy. Palami, ibang lebel daw ang achievement na ito Ang nakakuha ng pinakamataas na para sa koponan, lalo pa at akala nila ay hindi score ay si Christopher Remkees ng na nila masusundan pa ang sorpresang panalo Australia habang sumunod naman si nila sa Vietnam sa 2010 Suzuki Cup sa My Dinh Lee Chin Kai ng Chinese Taipei. Sasali ng dalawa pang World Cups si Stadium sa Hanoi. Ang larong iyon ang nagpaC aloy upang mas maitaas ang tiyansa sikat ng football sa Pilipinas lalo pa at ang mga na mag-qualify para sa Olympics. Kai- sikat na sports dito ay boxing at basketball. Umaasa rin si Palami na mauulit ang langan niya ring mag-perform nang maigi sa World Championships at football revolution na nakita sa bansa nang Asian Games. unang sumikat ang Philippine Azkals. Ito ay Si Caloy Yulo ay nanalo ng dala- upang mas marami pang maengganyong maglawang beses sa gymnastics event ng ro nito at para mas lumakas ang support group Palarong Pambansa. ng Azkals sa bansa.

professional relationship. Malaking parte ang ginampanan ni Freddie sa pag-angat ni Manny sa mundo ng boxing. Labinlimang taon din siyang trainer ng sikat na boxer. Naging gabay siya ni Manny sa kanyang pagkamit ng walong world titles sa iba’t ibang weight divisions sa kanyang karera. Magiging kalaban niya si Lucas Matthysse ng Argentina sa Hunyo 24. Ang host city ng labanan na ito ay Kuala Lumpur, Malaysia.

NBA Star na si DeMar DeRozan, umaming gusto ng Adobo

NAPAMAHAL na sa Filipino culture ang NBA All Star athlete na si DeMar DeRozan. Ang miyembro ng Toronto Raptors ay maraming mga alam tungkol sa kultura ng mga Pinoy, dahil ilang beses na siyang nakapunta rito. Ayon sa kanya, positibo raw ang pagtingin niya sa mga Pilipino lalo pa at mainit ang pagtanggap sa kanya noong pumunta siya rito bilang representante ng NBA sa isang basketball clinic. Isa pa sa dahilan kung bakit bilib na bilib si DeMar sa Pinoy culture ay dahil ang kanyang asawa ay Filipino-American. Ilang taon na silang kasal ni Kiara Morrison at may dalawa na silang anak. Si Kiara Morrison ay anak ng dating PBA player na si Keith Morrison, na naglaro sa unang taon ng Alaska noong 1986. Paborito pa raw nga niya na putaheng Pinoy ang adobo. Ayon kay Kiara, mas gusto raw ni DeMar ang luto ng adobo ng kanyang ina kung ikukumpara sa luto niya.


MARCH 2018

20

20

HOROSCOPE / ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

21

Impormasyon ng Pilipino

Maine Mendoza, nagbenta ng personal items para kumalap ng pondo para sa scholarship program NAGBENTA ang sikat na aktres na si Maine Mendoza ng kanyang mga personal items upang mas lumaki pa ang pondo na gagamitin para sa joint scholarship program nila ni Alden Richards. Ginamit ni Maine ang online selling platform na Carousell upang makapag-raise ng funds para sa mga scholars ng Aldub Nation. Tinatayang 150 items ang inilista ni Maine, kung saan puwedeng mag-bid ang mga fans

Dennis Trillo, itinanggi na engaged na sila ni Jennylyn Mercado

PINABULAANAN NG AKTOR na si Dennis Trillo ang usap-usapan na engaged na sila ng nobyang si Jennylyn Mercado. Ito ay matapos lumabas ang bulung-bulungan na nag-propose siya sa kanyang nobya sa Amerika noong nag-tour sila roon kamakailan. Lalong nagpainit ng mga tsismis nang nag-upload si Dennis ng photo sa kanyang Instagram na may singsing si Jennylyn at may Rolex couple watch silang suot. Nilinaw niya na lumang singsing niya lang yun at nagkataon lang na nakita sa picture. Ayon sa kanya, wala pa naman daw sa plano nila ang magpakasal at hindi pa raw ito napag-uusapan ng dalawa. Kasama nina Jennylyn at Dennis sa Amerika

niya upang makuha ang item. Ito ay upang matulungan ang ilan nilang fans na makatapos ng pag-aaral. Sa kasalukuyan, ang scholarship program ay may 12 scholars sa kolekiyo habang may tatlo namang magtatapos na ng high school sa kasalukuyang school year. Kasangga ni Maine sa proyekto na ito ang Team Ageless na fan club ng AlDub. Busy kamakailan si Maine dahil sa marami niyang projects. Ilang linggo lang ang nakara-

sina Alden Richards, Dingdong Dantes at Lovi Poe. Ginawa nila ang tour upang mapasaya ang mga Kapuso na parte ng Filipino community doon. Ilan sa kanilang mga nabisita ay ang New York, Toronto at New Jersey. Nakapasok din sila sa YouTube Space sa New York, kung saan nakita nila ang ilang production offices ng video streaming site.

Ryan Bang, tinanggihan ang offer na variety show sa South Korea

KINUMPIRMA ni Ryan Bang na tinanggihan niya ang offer ng isang malaking TV network sa Korea na maging parte siya ng isang variety show roon. Ayon sa kanya, nangyari ito ilang taon na ang nakararaan at medyo nagsisi raw siya na hindi niya tinanggap ang offer. Ito ay lalo pa at malaki ang pera at career boost na madadala ng variety show na iyon. Subalit, hindi niya naman daw tinanggihan ang mga guest stints sa mga shows sa South Korea. Ayaw niya lang daw muna ng regular hosting sa isang show lalo pa at patuloy ang pag-angat ng kanyang karera bilang isang

komedyante dito sa Pilipinas. Mapapanood si Ryan bilang parte ng ensemble cast ng pelikula ng Star Cinema na “DOTGA: Da One That Ghost Away.” Siya ang magiging leading man ni Kim Chiu dito. Kasama rin sa proyekto na ito sina Odette Khan, Enzo Pineda, Maymay Entrata at Edward Barber.

Kristine Hermosa, balikteleserye sa 'Bagani'

SINORPRESA ni Kristine Hermosa ang lahat sa kanyang pagbabalik sa telebisyon nang kinumpirma na magiging parte na siya ng “Bagani.” Ito ang kanyang unang major project sa ABS-CBN sa loob ng limang taon. Ang karakter na kanyang gagampanan ay si Malaya, na matagal nang kabilang sa list of characters ng teleserye. Ang kanyang karakter ay isang engkantada na may koneksyon sa karakter ni Liza Soberano na si Ganda. Pati ang mga producers at writers ng teleserye ay nagulat nang nagustuhan ni Kristine ang karakter na ibinigay sa kanya nang i-pitch ang proyekto. Ito ay lalo pa at sinabi na ni Kristine noon na hindi na niya gustong

magtrabaho sa isang soap opera. Malaking parte sa karera ni Kristine ang mga teleserye. Nasa rurok ng kanyang tagumpay bilang isang aktres ang teleseryeng “Pangako Sa’yo,” isa sa mga pinakasikat na teleserye na ipinalabas sa Philippine TV. Naging parte rin siya ng mga shows na “Gimik,” “Kung Kailangan Mo Ako” at “Flames.”

an, pinangalanan si Maine bilang unang Pilipinang magkakaroon ng kanyang lipstick shade sa Mac Cosmetics.

Tonet Jadaone, itinanggi na may away sila ni Cathy Garcia-Molina

ITINANGGI ng blockbuster director na si Tonet Jadaone na may hidwaan sa pagitan nila ng kapwa direktor na si Cathy GarciaMolina. Wala naman daw issue sa kanilang dalawa.

Ito ay matapos nagkaroon ng mainit na talakayan sa social media dahil sa ilang mga tweets na na-post ni Cathy. Napag-initan ng fans ng JaDine si Cathy nang sinabi niyang nag-aalangan siyang makipag-trabaho sa love team.

Maaalalang naging vocal si Tonet sa mga delay na nangyari sa production ng pelikula nina Nadine Lustre at James Reid na “Never Not Love You.” Baka raw may mga negatibong feedback si Tonet at direktor din na si Dan Villegas sa Jadine, na parehong sinasabing close kay Cathy. Nagustuhan naman daw ni Tonet ang kinalabasan ng pelikula nila kahit may mga pagsubok silang naranasan sa shoot. Bilib daw siya sa paglago ng acting skills ng dalawang batang celebrities. Nakatrabaho na noon ni Tonet sina James at Nadine sa teleseryeng “On The Wings of Love.”


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2018

22

22

BALITANG SHOWBIZ

Sharon Cuneta, gusto munang magpahinga sa social media

INIHAYAG ng Mega Star na si Sharon Cuneta ang kanyang kagustuhan na magpahinga muna sa social media. Ayon sa kanya, kailangan niya raw munang magpahinga mula sa ingay na halos kada araw niyang naririnig online. Sa isang Instagram post, sinabi niya na hindi lang niya pinapahinga muna ang kanyang social media accounts, ini-off niya rin muna ang kanyang mga cellphone at smartphone para sa quality rest. Ini-address niya ang post na ito para sa kanyang mga kapamilya at kaibigan. Sa post, hinihikayat niya ang kanyang mga followers at mga kaibigan na unawain siya. Nagpasalamat daw siya at sinabing alam na nila kung sino ang dapat i-contact kung kailangan nila siyang makausap. Naging magulo ang mga nakaraang mga buwan para kay Sharon lalo pa at maraming mga negatibong mga artikulo at balita ang mga binabato sa kanya at sa kanyang pamilya. Ito ay lalo pa at aktibo sa pulitika ang kanyang asawang si Senator Kiko Pangilinan.

ABS-CBN, nanguna sa Platinum Stallion Media Awards

MARAMING HINAKOT na mga parangal ang ABS-CBN sa kakatapos lang na Platinum Stallion Media awards sa Trinity University of Asia. Nakamit nito ang pinakamalaking tropeo ng gabi, ang Best TV Station. Pang-anim na Best TV Station award na ito ng ABS-CBN mula nang nagsimula ang taong 2018. Sa lahat ng mga programa na inere ng ABS-CBN, ang “Wildflower” ang may pinakamaraming napanalunan. Nakuha nito ang Best Primetime TV Series, Best TV Actress, Best TV Supporting Actress at Best TV Supporting Actor para kina Maja Salvador, Aiko Melendez at RK Bagatsing. Napanalunan din ni Joseph Marco ang Trinitian Media Personality for 2018. Ang iba pang mga personalities at TV shows ng ABS-CBN na nanalo ay sina Anne Curtis, Vice Ganda, Luis Manzano, Coco Martin, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, “Maalaala Mo Kaya,” “Gandang Gabi Vice” at “I Can See Your Voice.” Sa kabuuan, 23 na tropeo at citations ang naiuwi ng ABS-CBN.

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Aicelle Santos, magiging parte ng UK touring production ng 'Miss Saigon'

ILANG TAON matapos mabigo na mapabilang sa West End production ng “Miss Saigon,” matutupad na ang pangarap ni Aicelle Santos na gumanap sa acclaimed musical na ito. Siya ang magiging aktres na gaganap sa role na Gigi Van Tranh, na dati nang nakuha ni Isay Alvarez at Rachelle Ann Go. Kasali rin sa produksyon ang mga Pilipino musical actors na sina Red Concepcion, Gerald Santos at Joaquin Pedro Valdes. Kahit hindi magaganap ang production sa prestihiyosong West End district ng London,

malaking oportunidad pa rin ito dahil sa magtutour ito sa iba’t ibang parte ng United Kingdom. Kasalukuyang parte si Aicelle ng “Himala: Isang Musikal,” kung saan ginagampanan niya ang karakter ng faith healer na si Elsa. Ang orihinal na aktres ng karakter sa pelikula ay si Nora Aunor. Naging ka-batch ni Aicelle sa auditions para sa “Miss Saigon” si Rachelle Ann Go, na naging parte ng West End at Broadway revivals.

Ryza Cenon, opisyal nang parte ng ABS-CBN

SI RYZA CENON na ang pinakabagong miyembro ng Kapamilya Network. Ang dating “Starstruck” winner ay naging talent ng karibal na network na GMA sa loob ng 14 na taon. Pumirma ng isang two-year contract sa kanyang bagong network si Ryza. Ayon sa kanya, sabik na sabik daw siya sa mga posibitong mangyayari sa kanyang karera sa kanyang paglipat. Malugod siyang tinanggap bilang bagong contract artist ng mga executives ng network, gaya nina Carlo Katigbak, Lauren Dyogit at Cory Vidanes. Ang unang proyekto na gagawin niya bilang isang ABS-CBN contract artist ay ang teleseryeng “Ang Probinsyano.” Isa rin siya sa magiging bida ng Dreamscape teleserye na may working title na “The General’s Daughter.”

Bagama't may movie contract pa si Ryza sa Viva, sinabi niya na gusto niya raw makatrabaho si Angelica Panganiban at Angel Locsin sa isang pelikula. Matatandaang nanalo si Ryza Cenon bilang Ultimate Female Survivor ng pangalawang season ng “Starstruck” noong 2004. Ka-batch niya sa season na ito si Megan Young, Mike Tan at LJ Reyes.

KINUMPIRMA na nga ng basketball player na si James Yap na buntis ang kanyang asawang si Mic Cazzola sa pangalawa nilang anak. Ayon kay James, ang pangalawang anak daw nila ay babae at ipapanganak ito sa mga huling linggo ng Hunyo. Bagama't wala pa raw silang napili na pangalan para sa kanilang anak, inihayag daw ni James ang kanyang kagustuhan niya na magbigay ng Italian name sa magiging sanggol. Sabik na raw siyang magkaanak ulit lalo pa at

lumalaki na ang kanyang anak na isa. Ang una nilang anak ay si MJ, na magiging 2 years old na ngayong Agosto. May anak din si James sa dati niyang asawa na si Kris Aquino. Labing-isang taong gulang na si Bimby.

James Yap at asawa, nag-e-expect ng kanilang pangalawang anak

Limang aktres, magsasama sa isang ABS-CBN teleserye NAGING SABIK ang ilang mga social media users nang makumpirma na may ikinakasang teleserye project para sa lima sa mga pinakamagagaling na aktres na nasa industriya ngayon. Sa Instagram post ni Biboy Jarboleda ng ABS-CBN, ipinakita ang unang meeting ng mga aktres na magiging parte ng proyekto. Nasa larawan sina Angel Locsin, Maricel Soriano, Eula Valdez, Janice de Belen at ang bagong Kapamilya at dating ka-network ni Angel na si Ryza Cenon. Ayon pa kay Biboy, “Coming soon” na raw ang proyekto. Maaaring ibig sabihin nito na malapit nang magsimula ang produksiyon ng teleserye. Magiging parte rin daw ng teleserye si Tirso Cruz III.

Bagama't wala pang opisyal na titulo ang proyekto, ang magiging producing outfit ng teleserye ay ang Dreamscape. May working title na ito na “The General’s Daughter.” Ilan sa mga matagumpay na proyekto ng Dreamscape ay ang “On the Wings of Love,” “Doble Kara” at “The Good Son.”


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2018

23

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

KZ Tandingan, gustong maging parte ng Asian tour ni Jessie J

singer sa unang linggo niya ng pagsabak. Mula nang pumasok siya sa patimpalak, naging magkaibigan na sila ni Jessie. Ayon sa kanya, sabi daw ni Jessie na masaya daw siya na naging bahagi silang dalawa ng show. Inihayag din ni Jessie at KZ ang kagustuhan nilang magtrabaho kasama ang isa’t isa. Posibleng maging front act si KZ sa kanyang concert tour sa Asya.

NAKABALIK NA SA PILIPINAS si KZ Tandingan matapos ng kanyang stint sa Chinese talent reality show na “Singer 2018.” Balik-trabaho agad ang dating winner ng “X Factor Philippines” upang maghanda sa kanyang concert na isasagawa sa Hunyo. Bago siya lumipad pabalik ng bansa, nag-perform muna si KZ kasama si Coco Lee at British singer na si Jessie J. Kinanta nila ang hit song na “Bang Bang” na collaboration ni Jessie J kay Ariana Grande at Nicki Minaj. Naging kalaban ni KZ si Jessie sa kumpetisyon, kung saan natalo niya ang “Price Tag”

23

Tweet ni Idol Kumusta mga ka-Daloy? Heto na naman tayo sa paglilista ng mga tweets ng ating mga idolo sa showbizness. Tara, silipin natin!

Tara!

( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )

Luis Manzano ( @luckymanzano )

Ang gandang birthday blessing (best game show host award)

Anne Curtis-Smith ( @annecurtissmith )

Thank you Lord for the good weather!Training in the tropics has me prepared! I was actually freaking out of it would be cold!!! @LondonMarathon

Angel Locsin ( @143redangel )

Got my plaque and certificate for #BatarisanAwards Again, Thank you so much for the honor...

Mga fans, gustong sumali si 'Die Beautiful,' nanalo sa Pilipinong pelikula, napasali Maymay Entrata sa 'Asia's isang film festival sa UK sa New Directors Series ng Next Top Model' Lincoln Center at MoMa sa DALAWANG TAON na nang ipalabas ang Amerika “Die Beautiful,” pero humahakot pa rin

HINIHIMOK ng ilang fans ang dating PBB Housemate na si Maymay Entrata na sumali sa paparating na bagong season ng "Asia's Next Top Model." Dapat daw maging isa sa mga representante ng Pilipinas si Maymay lalo pa at magaling naman daw siya na model. Kailangang ma-maintain ng Pilipinas ang korona na napanalunan ni Maureen Wroblewitz sa nakaraang season. Dahil sa mga positibong komento sa kanyang mga modeling pictures, tiyak daw na malaki ang tiyansa na maipanalo ni Maymay ang titulo sa Cycle 6 ng “Asia’s Next Top Model.” Maaalalang nakuha ng atensiyon ng dating Victoria's Secret supermodel Tyra Banks ang mga modeling photos ni Maymay. Ilang beses nag-comment at nag-repost ng mga magagandang photos ni Maymay sa kanyang social media accounts. Matatandaang unang sumikat si Maymay nang siya ang itinanghal na Big Winner ng Pinoy Big Brother Lucky 7. Naging bida din siya ng hit movie na "Loving in Tandem."

ito ng mga parangal. Naiuwi ng team sa likod ng pelikula ang Best Feature prize sa pinakaunang Newcastle International Film Festival sa United Kingdom. Nasiyahan ang direktor na si Jun Lana sa resultang ito lalo pa at unti-unting umaani ng papuri ang kanyang pelikula sa global stage. Matatandaang nag-premiere ang “Die Beautiful” noong 2016 sa Tokyo International Film Festival, kung saan nanalo ang pelikula ng Audience Choice Award at si Paolo Ballesteros ng Best Actor trophy. Sa parehong taon, sumali ang pelikula sa Metro Manila Film Festival, kung saan naging isa ito sa mga top grossers. Kasalukuyan nang pinaghahandaan ang spin-off TV series ng “Die Beautiful” na “Born Beautiful,” kung saan si Martin del Rosario ang magiging bida. Siya ang pumalit sa karakter ni Christian Bables na si Barb. Ie-ere ang series sa Cignal TV simula sa Mayo.

ISANG PELIKULANG PILIPINO ang napasali sa lineup ng "25 features and 10 short films" na film festival sa New York City. Ang pelikula na ito ay ang "Nervous Translation" ni Shireen Seno, na nauna nang umani ng mga papuri sa ibang mga film festivals sa ibang bansa. Ayon sa website, ang film festival na ito ay naglalayong ipakita ang kasalukuyang itsura at kinabukasan ng cinema bilang isang anyo ng sining. Ang mga pelikulang parte ng festival ay napili dahil ang mga ito ay nagsusulong ng sining sa mga paraang hindi inaasahan ng mga manonood. Ang "Nervous Translation" ay isa sa mga pelikula na produkto ng Cinema One Originals Film Festival na sponsored ng cable channel. Pinagbibidahan ang pelikula ng child star na si Jana Agoncillo at ito ang pangalawang feature film ng nasabing direktor. Ang "25 features and 10 short films" ay sponsored ng Lincoln Center at ng Museum of Modern Art (MoMA).


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.