Inspiring Global Filipinos in Japan
Vol. 5 Issue 78 August 2018 Last Issue
Murang cosmetics all made in Japan www.dk6868.net
FREE DELIVERY
BALITANG SPORTS
Pacquiao, may 2-3 na laban pa bago mag-retiro Hindi pa gustong tapusin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang kanyang karera sa pagbo-boksing. Ayon sa kanya, gusto pa niyang gumawa ng dalawa o tatlong fights pa...
If you purchased 10,000yen or more of our hundreds of Health Supplements and Beauty Products here @DKSTORE Sundan sa Pahina 12, 13, at 20
Sundan sa Pahina 19
BALITANG SHOWBIZ
Jennylyn Mercado, marami pang gustong magawa kasama si Dennis Trillo Inihayag ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na nagagalak siya sa takbo ng kanyang relasyon sa kapwa artista na si Dennis Trillo. Sundan sa Pahina 21
ASIAN DEVELOPMENT BANK, SUSUPORTAHAN ANG
"BUILD,BUILD,BUILD "
Unilever, kumukuha ng supply ng Pipino sa mga Pinoy na magsasaka
KONTRIBUSYON USAPANG OFW ni KUYA ERWIN
Bago Mag-For Good: Mag-Negosyo Na Agad Habang Nasa Abroad Pa (Part 2) Kung mag-nenegosyo ka sa iyong pag-for-good, binanggit ko sa Part 1 ng series na ito na dapat ay mag-try ka na agad na mag-negosyo habang nasa abroad pa lang. sundan sa Pahina 8 TAMPOK
12 Reasons You Should Visit Ilocos
Marami akong kakilalang Ilocano. Karamihan sa kanila ay mahilig sa gulay, masarap pakinggan kapag nag-uusap at mga kayumanggi pero may ilan din naman na maputi. Noong nakarating ako sa Ilocos gusto ko purihin ang bayan ng Laoag, Ilocos Sur. Pinagsalong ambiance ng syudad at ng probinsya ang bayang ito.
Malaki ang pasasalamat ng mga magsasakang Pilipino dahil ang kumpanyang Unilever Philippines ay sa kanila kumukuha ng kanilang cucumber supply. Full sourcing na ang ginagawa ngayon ng higanteng consumer products business upang gamitin sa kanilang mga produkto. Ayon sa anunsiyo ng Unilever, isang daang porsiyento ng kailangang cucumaber ng kumpanya ay manggagaling sa mga magsasaka sa mga bayan ng Rizal at Bongabon sa Nueva Ecija.
BALITANG GLOBAL PINOY
Jollibee, target na magkaroon ng 100 stores sa Canada Inihayag ng Jollibee Foods Corporation (JFC) ang kanilang hangarin na umabot ng 100 ang kanilang stores sa Canada sa susunod na limang taon. Inanunsyo nila ang kanilang plano sa pagbubukas nila ng kanilang pangatlong stores sa Canada sa Scarborough, Ontario. Ayon sa CEO ng JFC na si Ernesto Tanmantiong, ang susunod nilang store ay kanilang ilalagay sa siyudad ng Mississauga. Binibilisan daw ng Jollibee ang kanilang expansion dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Canadians sa negosyo. Matatandaang naging usap-usapan nang nakitang bumisita si Canadian Prime Minister Justin Trudeau noong 2017 sa pinakaunang Jollibee Canada Store sa Winnipeg. Hanggang ngayon ay nililinyahan pa rin ng mga Canadians ang mga menu items ng Jollibee. Hindi lang sa Canada namamayagpag ang Jollibee. Sa mga nakaraang taon, ang Chicken Joy ng fast food chain ay nahirang bilang isa sa mga pinakamasarap na fried chicken sa Amerika. Sundan sa Pahina 3
BALITANG GLOBAL
Miss Intercontinental 2019, KA-DALOY OF THE MONTH sa Pilipinas gaganapin sundan sa Pahina 14
Sundan sa Pahina 2
Pinay, Kauna-unahang babaeng Presidente ng Utah Valley University
I
ba talaga ang husay ng mga Pilipino. Katunayan, Pilipina ang kauna-unahang itinalagang babaeng presidente ng Utah Valley University sa Estados Unidos. Siya si Dr. Astrid S. Tuminez na itinuturing ngayong ika-pitong presidente ng pinakamalaking unibersidad na pampubliko sa Utah.
Sundan sa Pahina 7
Hindi man babalik muna ang Miss Universe sa Pilipinas, may isa pang international beauty pageant ang pupunta dito. Kinumpirma ito ng pamunuan ng Miss International sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Instagram account. Wala pang opisyal na venue ang pageant. Hindi pa rin alam kung anong siyudad sa Pilipinas isasagawa ang kumpetisyon. Maganda ang record ng Pilipinas sa Miss Intercontinental. Bagaman wala pang winner na Pilipina, dalawang beses na nag-1st runner up ang Pilipinas. Ito ay sa pamamagitan nina Christi McGarry noong 2015 at Katarina Rodriguez noong isang taon.
Baha sa Maynila: Sakit sa Ulo Hanggang Ngayon Kamakailan, sinalanta ng bagyo ang Pilipinas -- ang bagyong Henry. Bagaman hindi sa mismong Kamaynilaan ang sentro ng bagyo, nalubog pa rin ang mala-king bahagi nito ng tubig baha dulot ng malalakas na pag-ulan na dulot ng habagat. Bagay na naging dahilan ng pagsususpinde sa mga klase sa lahat ng paaralan pati na sa mga pasok sa ilang mga opisina sa gobyerno. Sundan sa Pahina 6
BALITANG SHOWBIZ
Judy Ann Santos, nagsimula ng mag-taping para sa bagong teleserye
Simula na ang taping ng pagbabalik teleserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN. Ang proyekto na pinamagatang "Starla," ay isa sa mga nakasaad sa kanyang kontrata na pinirmahan sa network kamakailan lang. Sundan sa Pahina 22
Chismis na tinanggihan si John Lloyd Cruz ng ABS-CBN, 'di raw totoo
Ayon sa pamunuan ng ABS-CBN, hindi raw nila tinanggihan si John Lloyd Cruz nang humingi ito ng isang proyekto sa kanila. Ito ay matapos kumalat ang balita na hindi na raw Kapamilya talent ang award-winning Sundan sa Pahina 23 actor. FB FAN PAGE
DIGITAL VERSION
ORDER WEBSITE
Sundan sa Pahina 4
D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
EDITORIAL
sundan sa Pahina 7
TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 URL: www.dk6868.net E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp or daloyjapan@gmail.com
Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
2
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Philippine Volcanoes, panalo sa Asia Division 1 championship MALAKING TAGUMPAY ang naranasan ng Philippine Volcanoes kamakailan nang matalo nila ang Singapore sa dalawang magkasunod na laban sa Asia Rugby Championship Division 1. Ito ang unang beses na nanalo sila sa kumpetisyon na ito mula noong 2012. Sa parehong kumpetisyon noong 2017, pangatlo
Unilever, kumukuha ng supply ng pipino sa mga Pinoy na magsasaka
MALAKI ang pasasalamat ng mga magsasakang Pilipino dahil ang kumpanyang Unilever Philippines ay sa kanila kumukuha ng kanilang cucumber supply. Full sourcing na ang ginagawa ngayon ng higanteng consumer products business upang gamitin sa kanilang mga produkto. Ayon sa anunsiyo ng Unilever, isang daang porsiyento ng kailangang cucumber ng kumpanya ay manggagaling sa mga magsasaka sa mga bayan ng Rizal at Bongabon sa Nueva Ecija. Inaasahang aabot ng 1,200 metric tons ang kukunin ng kumpanya na supply ng cucumber. Kinuha pa mula sa Netherlands ang mga buto ng cucumber na ginamit upang itanim ang mga ito. Maganda ang variety ng cucumber na galing sa Netherlands dahil ito ay seedless at nagdudulot ng maraming bunga. Sa kabuuan, may 300 na magsasaka ang makikinabang sa mga positibong mangyayari sa sourcing ng Unilever ng mga cucumber. Parte rin ito ng Unilever upang maabot ang 100 percent na local at sustainable na sourcing ng raw material sa bansa.
lamang ang nakuha ng Philippine Volcanoes. Nanguna sa laban na ito si Rob Fogerty. Sa final battle, nakakuha siya ng kabuuan puntos na 18 puntos. Sa katunayan, ang puntos na nakuha ni Fogerty ay mas malaki pa sa nakuha ng buong Singaporean team. Marami ring naibigay na puntos si Justin Coveney, Steve Howorth at Joe Dawson. Magandang balita ang pagkapanalo ng Philippine Volcanoes laban sa Singapore. Ibig sabihin nito ay tataas ang ranggo ng bansa sa world standings. Sa kasalukuyan ay dalawang antas sa ilalim ng Singapore ang standing
Gravity Eustaquio, panalo sa MMA Flyweight division
NANALO ang Filipino mixed martial arts (MMA) fighter na si Geje "Gravity" Eustaquio sa kanyang match laban kay Adriano "Mikinho" Moraes ng Brazil. Ibig sabihin nito, nakay Gravity na ang ONE Flyweight World Championship title. Umabot ang match ng dalawang fighters sa ikalimang round. Panalo si Gravity sa isang split division victory. Ayon kay Gravity, plano niya talagang makuha ang titulo. Sa kanyang 14 na taong karera bilang isang MMA fighter, marami na raw siyang nakuha. Nagsimula ang laban ng dalawang MMA fighters na may advantage si Gravity. Ito pa ay lalo at siya ang interim titleholder.
'Nervous Translation,' panalo sa Brazil Film Festival
ISANG PARANGAL na naman ang naiuwi ng pelikulang "Nervous Translation" sa mga international film festival. Ito ay matapos manalo ito ng malaking tropeo sa isang kakatapos lang na Brazilian film festival. Nakuha ng "Nervous Translation" ang Abraccine Prize (Critics' Prize). Iginawad ito sa pelikula sa ikapitong Olhar de Cinema Curitiba International Film Festival sa Paranรก, Brazil. Ayon sa filmmaker na si Shireen Seno na siyang gumawa ng pelikula, malaking sorpresa raw ang kanyang naramdaman nang siya ay manalo. Nagpapasalamat daw siya at hanggang ngayon ay umaani pa rin ng papuri ang kanyang obra. Mula nang napasali ang "Nervous Translation" sa Cinema One Film Festival noong isang taon, sunud-sunod na ang mga parangal nito. Kamakailan, nakakuha ng nominasyon sa Asian New Talent competition sa Shanghai Film Festival ang lead actress na si Jana Agoncillo. Nauna nang nakuha ng pelikula ang isang award sa Netherlands. Ito ay ang Netpac Award sa Rotterdam Film Festival.
ng Pilipinas. Isinagawa ang laban ng mga kupunan ng Pilipinas at Singapore sa Southern Plains. Ito ay matatagpuan sa Calamba, Laguna.
Hindi ito ang unang beses na naglaban sina Gravity at Mikinho. Noong 2014, natalo siya ni Mikinho, kung saan napatumba siya sa ikalawang round. Parte si Gravity ng Team Lakay. Ang Team Lakay ay itinuturing na isa sa mga pinakamalakas na MMA teams sa bansa. Ginanap ang laban ni Gravity at Mikinho sa City Studio Event Center sa Macau.
2 documentaries ni Atom Araullo, panalo sa Amerika
NAGIGING malaking pangalan na sa larangan ng pamamahayag si Atom Araullo matapos maiuwi ng kanyang dalawang dokumentaryo ang mga parangal. Nakuha ang mga parangal na ito mula sa prestihiyoso na U.S. International Film & Video Festival.
Ang kanyang unang panalo ay para sa documentary special na "Philippine Seas." Iginawad dito ang Golden Camera award para sa Documentary: Environment, Ecology category. Pinuri ito dahil sa inilahad nito ang mga panganib na maaaring maranasan ng biodiversity ng bansa. Nilibot ng documentary team ni Atom ang buong Pilipinas upang gawin ang proyekto. Inere ito sa GMA Network. Napanalunan naman ng "Silang Kinalimutan (The Forgotten)" ang Golden Camera para sa Documentary: Social Issues category. Ang dokumentaryo na ito ay tungkol sa istorya ng mga inaapi na Rohingya. Inanggulo ito upang magkuwento sa likod ng mata ng isang Pinoy humanitarian worker sa isang malaking refugee camp sa Bangladesh. Ang mga tropeo ay iginawad sa ika-50 taon ng naturang film and video festival.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
3
3
Jollibee, target na magkaroon ng 100 stores sa Canada INIHAYAG NG JOLLIBEE Foods Corporation (JFC) ang kanilang hangarin na umabot ng 100 ang kanilang stores sa Canada sa susunod na limang taon. Inanunsyo nila ang kanilang plano sa pagbubukas nila ng kanilang pangatlong stores sa Canada sa Scarborough, Ontario. Ayon sa CEO ng JFC na si Ernesto Tanmantiong, ang susunod nilang store ay kanilang ilalagay sa siyudad ng Mississauga. Binibilisan daw ng Jollibee ang kanilang expansion dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Canadians
sa negosyo. Matatandaang naging usap-usapan nang nakitang bumisita si Canadian Prime Minister Justin Trudeau noong 2017 sa pinakaunang Jollibee Canada Store sa Winnipeg. Hanggang ngayon ay nililinyahan pa rin ng mga Canadians ang mga menu items ng Jollibee. Hindi lang sa Canada namamayagpag ang Jollibee. Sa mga nakaraang taon, ang Chicken Joy ng fast food chain ay nahirang bilang isa sa mga pinakamasarap na fried chicken sa Amerika. Pumasok na din sa European mar-
Flights mula HongKong patungong Manila, dinagdagan
MAGKAKAROON na ng dagdag na flights mula Hong Kong papuntang Manila ang Hongkong Airlines. Ito ay matapos lumakas ang demand mula sa mga turista at business travelers. Inilunsad ang bagong ruta sa pamamagitan ng pag-water salute sa Flight HX781 nang lumapag ito sa Maynila. Kinabukasan naman, may send-off ceremony rin na ginawa sa NAIA Terminal 1 para sa HX782. Sa pagdagdag ng bagong direktang flights sa pagitan ng dalawang siyudad, inaaasahang 2,500 travelers ang mapagsisilbihan ng mga ito. May biyahe na papuntang Hong Kong araw-araw. Dahil
Taiwan, inextend ang VisaFree entry ng mga Pinoy
INANUNSYO ng pamahalaan ng Taiwan na ie-extend nila ng isang taon ang visa-free entry ng mga Pilipino sa kanilang bansa. Ito ay matapos maging matagumpay at positibo ang epekto ng initiative na ito sa ekonomiya ng Taiwan. Limitado pa rin sa 14 na araw ang pagpunta ng mga Pilipino sa Taiwan. Unang ginawa ang visa-free entry para sa mga Pilipino noong Nobyembre 2017. Mai-extend ang programa hanggang Hulyo 31, 2019. Ayon sa mga opisyal na numero mula sa gobyerno ng Taiwan, lumago ang Filipino tourism arrivals sa kanilang bansa dahil sa programa. Umabot sa 290,784 noong 2017 mula sa 172,475 noong 2016
ket ang Jollibee sa pamamagitan ng pagtatag ng kanilang store sa Italy.
dito, marami nang pagpipilian na airlines ang mga Pilipino at foreigners na gustong pumunta sa Hong Kong mula sa Maynila. Ang paglakas ng demand na ito ay makikita sa opisyal na mga numero ng Hong Kong Tourism Board. Ayon sa ahensiya ng Hong Kong government na ito, halos 900,000 na turista mula sa Pilipinas ang bumisita sa Hong Kong noong 2017.
ang mga Pinoy na pumunta sa Taiwan. Bilang isa sa mga pinakamalapit na bansa sa Pilipinas, malaki ang advantage ng Taiwan lalo na sa larangan ng turismo. Ang paglipad sa Taiwan ay hindi aabot ng apat na oras kaya isa ito sa mga pinagpipilian ng mga Pilipino na gustong pumunta ng ibang bansa para magbakasyon.
Jose Rizal, bida sa Japanese Comics
BIDA SI JOSE RIZAL sa isang comic book project na ginawa sa Japan kamakailan. Ang manga na ito ay inilabas upang ipagdiwang ang ika-157 na anibersaryo ng araw ng kapanganakan ng Pambansang Bayani. Ang comic book na ito ay inilabas sa English at Japanese version. Ang buong comic book ay binubuo ng 100 pahina. May 10 parte ang manga na may tatlong chapers. Kada chapter ay may iba't ibang parte at aspeto ng buhay ni Rizal na tinatalakay. Ang mga chapter na ito ay Rizal's life: Unreasonable Life of Filipinos Under Spanish Rule, The Social Reform Born from the Novel, at Rizal's legacy.
Ang TORICO ang nag-order ng manga na ito. Pinangunahan ng writer na si Takahiro Matsui at ng artist na si Ryo Konno ang paggawa ng manga. Naging interesado daw si Takuro Ando kay Rizal nang may nakita siyang estatuwa ni Rizal sa Hibiya Park. Natanong niya raw sa sarili niya na nakakapagtaka na may bust ng isang Pilipino sa Japan.
Clark Airport, nakabase ang design sa Philippine Landscapes
ESPESYAL ang magiging disenyo ng magiging Terminal 2 ng Clark International Airport dahil gagawin ito upang mag-blend in sa landscape. Ang moderno na design nito ay ihahalo sa Pinoy influences upang magkaroon ng kakaibang output. Ang wavy silhouette frontage ng terminal ay hango sa landscape ng lugar. Matatandaang malapit lang ang airport sa Mt. Arayat, Sierra Madre at Mt. Pinatubo. Para sa facade naman ng building, kombinasyon ng glass at kawayan ang makikita. Ang kinuha ng pamahalaan upang manguna sa paggawa ng Clark airport terminal ay ang firm na Budgi+Royal Architecture. Magiging kasing-laki ng Hong Kong International Airport Terminal ang bagong building kapag natapos na ito. Ginagawa ang Terminal 2 ng Clark International Airport upang matulungan na i-decongest ang Ninoy Aquino International Airport sa Maynila. Kapag tapos na ang proyekto, inaasahang magiging isa sa mga pinakamagandang airport sa Asya ang Terminal 2. Halos magiging kasabayan nito ang kakatapos lang din na Terminal 2 ng Mactan Airport sa Cebu.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
4 4
BALITANG GLOBAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Dating Ice Delivery Boy, panalo sa isang Asian Triathlon
PANALO ng Asian Elite Championship title sa pinakaunang full na Ironman triathlon race sa Pilipinas si August Benedicto. Ang kanyang pinakamatindingpagsubok sa kumpetisyon na ito ay ang pinakaunang beses na sumali siya ng isang Ironman race. Natapos niyaangbuong race sa loob ng siyam na oras at apatnapu't walong minuto. Nag-place siya na ika-11 sa 1,155 na triathlete na sumali sa paligsahan sa Subic,
Zambales. May kabuuuang 3.8 kilometro na paglangoy, 42 kilometro na pagtakbo at 180 kilometro na pag-bike ang ginawa ng mga atleta na ito. Malaking karangalan ang dala ni August sa bansa. Ito ay lalo pa at nagsimula siya bilang is ang ice delivery boy. Malaki ang naitulong ng kanyang trabaho sa paghahanda sa kanya sa pagpasok sa larangan ng triathlon. Inamin ni August na malaking pagsubok ang pinagdaanan niya upang mapanalunan ang paligsahan. Ito ay lalo pa at siya ay nasa Pilipinas at nirerepresenta ang buong bansa. Si August din ang pinakaunang Filipino finisher sa pinakaunang Century Tuna
Ironman Philippines noong Hunyo.
Miss Intercontinental Clare Amador, unang Pinoy na nag-address sa mga Harvard 2019, sa Pilipinas Kennedy School graduates gaganapin MALAKING karangalan ang nakuha ni Clare
HINDI man babalik muna ang Miss Universe sa Pilipinas, may isa pang international beauty pageant ang pupunta dito. Kinumpirma ito ng pamunuan ng Miss International sa pamamagitan ng kanilang opisyal na Instagram account. Wala pang opisyal na venue ang pageant. Hindi pa rin alam kung anong siyudad sa Pilipinas isasagawa ang kumpetisyon. Maganda ang record ng Pilipinas sa Miss Intercontinental. Bagaman wala pang winner na Pilipina, dalawang beses na nag-1st runner up ang Pilipinas. Ito ay sa pamamagitan nina Christi McGarry noong 2015 at Katarina Rodriguez noong isang taon. Ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa paparating na pageant ay si Karen Gallman. Siya ay kilala bilang isang education advocate at commercial at ramp model. Ang Miss Intercontinental 2019 ay mangyayari sa January 2019. Sa pageant na ito, kokoronahan ni Veronica Salas Vallejo ng Mexico ang susunod sa kanyang trono.
Cattleya de Guzman Amador nang siya ang naatasang magsalita sa harap ng mga nagsipagtapos sa John F. Kennedy School of Government sa Harvard University. Siya ang pinakaunang Pilipina na nagsalita sa graduation ng prestihiyosong post-graduate school sa Boston. Sa kanyang talumpati, ikinuwento niya ang kanyang mga karanasan bilang isang public servant at estudyante ng post-graduate school. Sabik narin siyang bumalik sa Pilipinas upang makabalik sa serbisyo. Ang kanyang student address ay isinagawa sa parehong seremonya kung saan nakuha niya ang kanyang degree. Siya ay kumuha ng Mid Career in Public Administration. Ang address na kanyang ginawa ay bilang representante ng 631 na nagtapos mula sa Harvard Kenny School. Siya ang pang-apat sa mga nagtalumpati sa Kennedy School Class Awards.
Si Amador ay nanggaling sa pamilya ng mga public servants. Siya ay dating undersecretary ng Department of Budget and Management. Ang pinakamataas na narating niya bilang government employee ay Deputy Minister ng parehong kawanihan.
PANALO ang shotgun team ng Philippine Practical Shooting Association sa kakatapos lang na IPSC Shotgun World Shooting Championship. Nanguna sa Modified Ladies division ang koponan mula sa Pilipinas. Napanalunan ang gold ng koponan na binubuo ni Liz dela Rosa, Abby Cuyong, Janice Navato at Janette Gonzaga. Si Navato rin ay nag-uwi ng silver sa mahigpit na Individual Ladies category. Nakuha naman ni Cuyong, Gonzaga at Navato ang gold, silver at bronze sa Modified Division ng shoot-off competition. Sa Modified Division ng men's squad, nakuha ng grupo ni Doroteo Palines, Reginald Torrejos, Edcel Gino at Jerome Morales ang pang-apat n puwesto. Nakuha naman ni Dr. Raul Tolentino, isang eye specialist, ang bronze para sa Seniors category. Ginanap ang IPSC Shotgun World Shooting Championship sa Chateauroux, France. Ito na ang pangatlong taon na ginanap ang patimpalak na dinaluhan na ng mahigit sa 600 na manglalaro. Pinamumunuan ito ng International Practical Shooting Confederation (IPSC) at International Range Officers Association (IROA).
UPANG MASIGURADO na may makikita ang mga customers na presko na gulay, binuksan ng SM Aura Premier ang Skypark Lawn. Ito ay ang pinakaunang herb garden na inilagay sa loob ng isang mall sa bansa. Ang Skypark Lawn ay inilagay ng pamunuan ng SM sa pinakataas na bahagi ng mall. Puwedeng mabisita ang tinatawag na "Boxes of Greens" sa taas ng gusali mula 10 am hanggang 10 pm. Para maging maganda ang pagtubo ng mga halaman, may mga lokal na magsasaka na nagbabantay at nag-aalaga sa buong pasilidad. Karamihan sa kanila ay parte ng Kabalikat sa Kabuhayan scholarship program ng SM Foundation. Ayon sa foundation, ang mga kita na makukuha sa programa ay mapupunta sa mga mahihirap na Pilipino. Isa sa mga katuwang ng SM sa programa na ito ay ang Tulay Lingap ni Padre Pio. Kamakailan lang, nakuha ng SM Aura Premier ang prestihiyosong LEED® Gold certification dahil sa malaking parte ng gusali ay may mga roof garden.
Pinoy na sharp shooters, panalo SM Aura Premier, unang mall sa World Championships na may herb garden
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
5
5
Asian Development Bank, susuportahan ang 'Build, Build, Build' MAGBIBIGAY NG FINANCIAL ASSISTANCE ang Asian Development Bank (ADB) upang masuportahan ang "Build, Build, Build" program ng pamahalaan. Isang kasunduan ang pinirmahan ng pamahalaan kung saan magbibigay ang ADB ng USD7.1 billion sa pamamagitan ng kanilang sovereign lending program sa loob ng susunod na tatlong taon. Nanguna ang mga ahensiya na Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority (NEDA) sa pagsiguro na mapipirmahan ang kasunduan. Ang programa ay tatakbo mula 2019 hanggang 2022. Ilan sa mga proyekto na mapopondohan ng inutang ng pamahalaan ay ang mga kalsada at tulay. Maaari ding magpagawa ng mga riles at flood management facilities ang bansa dahil dito. Inaasahan din na may allocation para sa policy support at social assistance ang pondo. Ilan sa mga areas kung saan gagastusin ang pondo ay sa youth
employment, local government development at inclusive finance. May rolling implementation ang agreement na ito. May periodic review rin na nakalagay sa kasunduan.
Mambabatas, gustong ilipat ang seat of power sa New Clark City
ISANG MAMBABATAS ang nanguna sa paggawa ng mga aksiyon upang malipat ang mga opisina ng mga national government agencies (NGAs) at government-owned and controlled corporations (GOCCs) sa ginagawang New Clark City, Pampanga. Isang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang gumawa ng isang panukala upang mapabilis ang proseso na ito. Ginawa ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy ang panukala upang masimulan na ang paglipat ng 22 central offices ng mga NGAs at 27 na GOCCs kapag maipasa ang House Bill 7896. Inaasahang luluwag nang husto ang mga kalsada kung gagawin ang paglilipat. Hindi na magiging ganoon ka-traffic ang mga lansangan dahil dito. Kapag batas na ang panukala, ang mga empleyado na nagtrabaho na sa mga ahensiya na ito ay
bibigyan ng opsiyon na magkaroon lang ng 4-day work week at mga libreng transportation coasters papuntang Clark. Sobra sa kalahating milyong empleyado ang maaapektuhan ng paglipat. Karamihan sa kanila ay mga career service professionals.
DOLE, tatapusin ang Pilipinas, nangunguna sa gender subcontracting activities ng mga mainstreaming sa ASEAN employer
REGIONAL LEADER ANG PILIPINAS sa pagpromote ng gender mainsteaming processes sa loob ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Inilabas ng pamahalaan ang Philippine Gender-Fair Media Guidebook upang mai-review ng mga member states. Ginawa ito ng Pilipinas dahil sa initiative ng ASEAN Commission on Women (ACW). Magiging partner ng ACW at Pilipinas ang Senior Officials Responsible for Information (SOMRI) sa pagpapalakas ng women's empowerment at gender equality. Umamin ang SOMRI at ang ASEAN Senior Officials Meeting for Culture and Arts (SOMCA) na lahat ng member states ay may guidebook para sa media. Subalit, karamihan ay may Code of Ethics para sa gender-fair media. Pinag-aaralan din ng ACW kung paano pa mas mapapalakas ang gender sensitivity para sa mga polisiya at mga regulasyon sa industriya ng media. Ang ACW ang magiging gabay ng buong lupon upang maging gender-fair ang ASEAN. May mga working groups at mga initiatives na din na itinatag upang mawala ang inequality sa media industry sa ASEAN.
IPINAG-UTOS ng Department of Labor and Employment sa ilang malalaking kumpanya na itigil ang kanilang subcontracting activities. Isa sa mga kumpanya na naapektuhan ng order na ito ay ang PLDT Inc. Kasama sa order ng DOLE ang utos na i-regularize ang mahigit sa pitong libong empleyado na nagtatrabaho para sa PLDT services sa pamamagitan ng mga subcontractors na ito. Ito ay upang magkaroon ng benefits ang mga employees na ito. Pinatigil din ng DOLE ang subcontractors na magsagawa ng serbisyo sa mga kumpanya gaya ng PLDT. Apektado sa order na ito ang 38 na service providers na may labor-only contracting arrangements sa kumpanya. Kabilang na rito ang Best Options Assistance, Inc., BBS-VPN Allied Services Corporation Philippines at Diar's Assistance Inc. Kasalukuyang kinu-kuwestiyon ng 23 na subcontractors at ng PLDT mismo ang order. Habang naghihintay sa desisyon ng Court of Appeals, nire-review muna ng PLDT ang mga empleyado na parte ng subcontracting arrangements.
Taiwan, gustong pagandahin ang tourism ties sa Pilipinas
MAS PALALAKASIN pa ng Taiwan ang tourism ties nito sa Pilipinas sa mga susunod na taon. Ito ay matapos kinumpirma ng bagong representante ng Republic of China (Taiwan) na isa sa mga pinakamalakas na tourism markets nila ang bansa. Parte ang panliligaw ng Taiwan sa Pilipinas sa isinasagawa na New Southbound Policy ni Taiwanese President Tsai Ing-Wen. Isa sa top priorities ng polisiya ang maligawan ang Pilipinas, ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) representative na si Michael Peiyung Hsu. Inihayag niya ito sa 2018 Taiwan Tourism Workshop dito sa Maynila. Ayon sa kanya, unang hakbang pa lang daw para sa Taiwan ang visa-free policy para sa mga Pinoy.
Matatandaang nagkaroon ng 68.59 percent increase ang Filipino tourist arrivals sa Taiwan noong isang taon. Umabot ito sa 290,784 na arrivals. May mga benepisyo rin na nakukuha ang Pilipinas sa partnership na ito. May 60,000 Taiwanese din ang bumisita sa bansa sa unang tatlong buwan ng taon.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
6
6
EDITORIAL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
CLICK HERE TO WATCH VIDEOS REGARDING THIS EDITORIAL
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
Publisher: D&K Company Ltd Editor: Jagger Aziz Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists & Contributors: Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Erwin Brunio (ebrunio@gmail.com) Mario Rico Florendo (Facebook: mario.florendo) Martin Paul Sabinet Henderson (hendersonmartinpaul@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi
editor`s note LOREEN DAVE CALPITO
BAHA SA MAYNILA: SAKIT SA ULO HANGGANG NGAYON
K
amakailan, sinalanta ng bagyo ang Pilipinas -- ang bagyong Henry. Bagaman hindi sa mismong Kamaynilaan ang sentro ng bagyo, nalubog pa rin ang malaking bahagi nito ng tubig baha dulot ng malalakas na pag-ulan na dulot ng habagat. Bagay na naging dahilan ng pagsususpinde sa mga klase sa lahat ng paaralan pati na sa mga pasok sa ilang mga opisina sa gobyerno. Ilan sa mga siyudad na naapektuhan ng pagbaha ay ang Mandaluyong, Caloocan, Navotas, Malabon, Marikina, Quezon at iba pa. Maraming mga motorista at commuters sa Kamaynilaan ang naabala dahil dito. Malamang sa hindi, ang baradong drainages ang isa sa pinakamalalaking dahilan kung bakit nangyari ang nasabing pagbaha. Bagaman ginagawa ng pamahalaan, partikular na ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang responsibilidad nito na linisin ang
mga estero, hindi pa rin mawawala ang mga mamamayan na walang habas na nagtatapon ng mga plastic, kagaya ng cup ng instant noodles, sachet ng shampoo, mga supot na plastik, at marami pang iba. Walang disiplina. Kasisimula lang ng panahon ng tag-ulan sa Pilipinas. Inaasahan pang maraming mga bagyo na daraan sa bansa. Kaya, kung ayaw lumalala ang sitwasyon, kinakailangang umaksiyon ngayon 'di lamang ng MMDA at iba pang mga ahensiya ng gobyerno kundi mas lalo na ng mga mamamayan. Sangkatutak na DISIPLINA ang kailangang ibulsa ng bawat mamamayan.
Sana darating ang araw na hindi na magiging problema sa Metro Manila at sa iba pang panig ng bansa ang tubig baha na bunsod ng maraming basura at baradong mga estero. SANA.
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
BALITANG KA-DALOY KA-DALOY GLOBAL OF THE PINOY OF MONTH THE MONTH 7
ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
Pinay, Kauna-unahang babaeng Presidente ng Utah Valley University
I
ba talaga ang husay ng mga Pilipino. Katunayan, Pilipina ang kauna-unahang itinalagang babaeng presidente ng Utah Valley University sa Estados Unidos. Siya si Dr. Astrid S. Tuminez na itinuturing ngayong ika-pitong presidente ng pinakamalaking unibersidad na pampubliko sa Utah.
Galing sa mahirap na pamilya Sa isang panayam ng kumpanyang Microsoft, inamin ni Tuminez na galing siya sa isang mahirap na pamilya. Isa siya sa pitong magkakapatid. Kuwento niya, hindi raw regular ang agahan nila noong bata siya. Ika rin niya, isang pares lang daw ng medyas ang ginagamit niya noong bata pa siya. Kapag umuulan, nilalagyan niya rin ng "wrapper" ng lollipop ang mga butas ng kanyang sapatos. Nabago raw ang kanyang buhay nang minsang maimbitahan siya ng ilang mga Katolikong madre na pumasok sa eskwelahan. “I was illiterate on the first day of school. In my school, the smartest child was put in the first seat, first row. The dumbest child was in the last seat, last row, and I was actually in the last seat, last row,” ika ni Tuminez. “But after a few months, I’m happy to report that I ended up sitting right in front – and I’m here where I am now all because of my access to education.”
Sa ngayon, hawak-hawak niya ang mga diploma niya mula sa iba-ibang sikat na unibersidad: ang kanyang bachelor's degree mula sa Brigham Young University, master's degree sa Harvard University, at doctoral degree mula sa Massachusetts Institute of Technology.
Ilan sa mga nakamit na parangal Kagaya ng ilang mga kinikilalang lider, nagkamit din si Tuminez ng sari-saring mga parangal, kagaya ng 2016 Gold Standard Award for Professional Excellence mula sa Public Affairs Asia. Noong 2013, napasali rin siya sa "100 Most Influential Filipinas" ng Filipina Women's Network. “I am incredibly honored to be given the opportunity to lead Utah Valley University, and I offer my thanks to the Board of Regents and the search committee for their confidence in me,” dagdag pa niya, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Bago siya naging presidente ng unibersidad, naging Southeast Asia Microsoft Regional Director for Corporate, External, and Legal Affairs din si Tuminez.
Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
8 8
KONTRIBUSYON KONTIRBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
Ang 2 Mainam na Negosyo Habang Nasa Abroad - na hindi kailangan ng malaking kapital at personal attachment.
usapang ofw ni kuya erwin
(Bago Mag-For Good: Mag-Negosyo Na Agad Habang Nasa Abroad Pa - Part 2)
ERWIN BRUNIO #090-7428-5744 EMAIL: ERWIN@ERWINBRUNIO.COM
K
ung mag-nenegosyo ka sa iyong pag-for-good, binanggit ko sa Part 1 ng series na ito na dapat ay mag-try ka na agad na mag-negosyo habang nasa abroad pa lang. Ito ay upang masubok mo na agad kung bagay nga ba ang pagnenegosyo para sa iyo. Pangalawa, ayon sa mga pag-aaral, napakaliit ang tsansa na magiging successful ang iyong unang negosyo. Kung kaya’t ang unang negosyo ay practice lang.
Ang pangatlong dahilan kung bakit dapat mag-try agad ng negosyo habang nasa abroad pa ay upang matutunan mo ang Triangle of Expertise. Ayon sa Leaprenuer’s Triangle of Expertise, purpose ng unang negosyo ay upang matutunan mo ang 1) sales and marketing, 2) technical, at 3) operation.
Ang una mong dapat pag-aralan ay ang Sales at Marketing. Sa sales at marketing, dapat maranasan mo kung papaano ibenta ang iyong produkto o serbisyo. Dito mo rin aalamin kung sino sino ang iyong target na mga clients, at saan mo sila makikita o makukuha. Kailangan mo ring pag-aralan ang aspeto ng marketing na message (ano ang mensahe), audience (para kanino) at medium (saan - sa newspaper ba, Facebook, email at iba pa). Sa selling o pagbebenta, mas marami ang sitwasyon na ikaw ay tatanggihan. Kung kaya dapat ay alam mo papaano i-handle ang sales objection para sa client mo. Dapat alam mo rin papaano mapangalagaan ang iyong sarili upang hindi ka masaktan sa personal tungkol sa mga sales objections. Mag-expect ka na na halos “no” ang maririnig mong sagot, maging sa mga kaibigan mo o sa mga kamag-anak mo. Kaya mo bang tanggaping ang halos “no” na sagot ng mga tao araw araw? Kaya mo ba ang pressure? Ang pangalawang bahagi ng Triangle of Expertise ay ang technical. Sa technical, kailangan mong matutunan kung paano ginagawa ang produkto o kaya kung anong mga requirement sa service na ino-oofer mo. Dapat matutunan mo din kung saan at sino sino ang mga suppliers ng iyong produkto, o kaya mga materyales na kailangan mo para magawa ang produkto. Dapat din matutunan mo paano mo mapabuti ang kalidad ng iyong produkto. Ang pangatlong bahagi ng Triangle of Expertise ay ang operation. Sa operation, dapat mong matutunan kung paano mag-operate ng negosyo, paano mag register ng negosyo, pagbayad ng tax at iba pa. Dito dapat mo rin malaman kung papaano i-manage ang iyong mga empleyado, kliyente at maging mga suppliers. Paano mo i-motivate ang iyong mga empleyado? Paano mo i-manage ang mga reklamo ng customers? At higit sa lahat, paano mo i-motivate ang iyong sarili? Kung kaya, mainam na magsimula muna ng isang maliit lang na negosyo upang matuto. Ilang oras ang mauubos mo? Tandaan na sa unang mga taon ng negosyo, halos lahat ng oras mo ay mauubos dito. Paano na ang time mo sa pamilya, na isa sa mga rason mo sa pag-for good kung ito ay nauubos lang din sa pagmamanage ng negosyo? Hindi madali ang pag-nenegosyo, subalit kung ikaw naman ay nagpursige at laging nagaaral, napakalaking tulong at ginhawa ang magkaroon ng sariling negosyo. Marami kang
magagawa dahil sa income na iyong makukuha, marami kang matutulungan na mga tao mula sa empleyado mo at sa mga customer mo, at magkakaroon ka ng freedom na gawin ang gusto mo bilang boss. Hindi madali ang negosyo, pero ang kaakibat naman na kapalit nito ay sobra-sobra. Kung kaya’t bago pa mag-for-good, mag-try na agad ng negosyo habang ikaw ay nasa abroad pa ng sa ganun ay ikaw ay praktisado na. Mas madali ang pagtagumpay mo sa pag-for good kung ikaw ay bihasa na dito pa lang sa abroad. Kung ikaw ay desidido na talaga na mag-negosyo sa iyong pag-for good. Narito ang mga ilang ideya para makapag try ka na magnegosyo habang nasa abroad ka pa.
2 MAINAM NA OPTIONS SA PAGNENEGOSYO HABANG NASA ABROAD 1) Maging ahente o re-seller Ang pinaka mabilis upang matuto na walang gaanung investment ay ang maging reseller ng mga produkto o serbisyo. At dito maraming option, magbenta man ng mga beauty products, damit, pampaganda, real estate, ticket etc. Maraming opportunidad tungkol dito. Ang pinaka importante, kumuha lang ng isa lang na produkto o serbisyo upang mapagaralan. Kung meron na kagaya sa gusto mong itayong negosyo sa Pilipinas, mas mabuti. Pero hindi kinakailangan na pareho talaga. Ang importante ay matutunan mo ang Triangle of Expertise. At higit sa lahat ma-realize mo kung bagay nga ba sa iyo ang pag-nenegosyo. Hindi lahat ng tao ay kaya ang pagiging negosyante, Hindi lahat ay magiging successful na negosyante. Sa pagiging ahente o re-seller, automatic din na magkakaroon ka ng mentor. Ito yung tao na hawak ka bilang ahente. Bigyan ng mas maraming panahon na magpaturo sa kanya at alamin ang sistema ng pagnenegosyo. Obserbahan siya papaano mag-sales at magketing, papaano mag-handle ng mga ahente at mga customers, at papaano siya mag-manage sa negosyo. Sa pagiging ahente, panalo ka kasi nag-aaral ka na, maari ka pang kumita, may instant mentor ka pa! 2) Sumali sa mga valid na networking companies Sa pagsali sa mga networking companies, tandaan na ang pinaka layunin mo ay ang Triangle of Expertise. Ang dahilan ng iyong pag-sali ay upang mapag-aralan mo kung papaano pinipatakbo ng mga networking companies ang kanilang negosyo. Ano ang sistema nila? Paano nila mina-market ang produkto? Paano nila mina-manage ang mga tao. Mag-ingat lang sa pagpili ng mga networking companies, o baka ma-scam ka. Pag na-scam ka, ang pera ay mahahanapan ng paraan, pero ang tiwala sa iyo ng mga tao ay mahirap ng ibalik. Kaya kunting ingat sa pagpili. Piliin ang mga networking companies na kikita ka dahil sa pagbebenta ng kanilang produkto. Never na sumali sa mga networking companies na kikita ka dahil may na-recruit ka na member. Maliban sa malamang scam iyon, ang purpose ng pagsali mo ay upang matuto na magbenta ng produkto, hindi ang kumita. Maari din naman na mag-produce ka ng sarili mong produkto at ibenta ito, subalit ito ay mangangailangan ng mas mahabang preparasyon, oras o kaya kapital. Kung kaya mainam na yung dalawang nabanggit lang ang i-try mo muna. Kasi may automatic na mentor ka sa dalawang option na binanggit. Tandaan na hindi lang paramihan ng pera ang laro sa pagnenegosyo. Kahit gaano man kalalim ang bulsa mo, kung hindi mo mananage ang triangulo, mas lalo kang mahihirapan. May pangalawang rason kung bakit mas mabuti na magsimula na mag negosyo abroad. Isa sa pinaka common mistake ng mga unang negosyante ang emotional attachment sa negosyo. Ibig sabihin, dahil ito ay iyong personal project, mahihirapan ka na mag-move-on. Maaring dahil sa pride, ayaw mo na makita na ikaw ay palpak kaya kahit palpak, itutuloy mo pa rin ito. Maaring dahil sa kakulangan sa experience. O kaya naman dahil sa sobrang bilib sa produkto o serbisyo, itutuloy mo pa rin ito kahit hindi ka kumikita. Kapag nagkaroon ng emotional attachment sa negosyo, kahit na alam na palugi na ito, marami ang pinipili na sagipin ito at magdagdag pa ng bagong kapital. Uubusin ang inipon, ibebenta o ipi-prenda ang bahay o ang mga ari-arian. Ito kadalasan ang nagiging dahilan ng financial disaster at pag-aaway o pagkawasak ng pamilya. Kung kaya’t ang pinakamagandang paraan na matuto ng Triangle of Expertise ng walang personal attachment ay kung hindi mo sariling produkto ang ibinibenta mo. Kaya ang suhestyon ko ay mag-agent ka muna sa iba bilang reseller o member ng valid networking companies. May mentor ka na, mas madali pang maka move on. Mag-for good ka ba? Kelan? Sa iyong pag-for good, mag nenegosyo ka ba? O magtratabaho? O talagang mag-reretiro na at mag re-relax na lang? Kung ikaw ay may plano na mag-negosyo sa iyong pag-for-good, magsimula na agad. Mag-try na mag-negosyo agad habang ikaw ay nasa abroad pa.
Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
BALITANG GLOBAL TIPS /PINOY ANUNSYO
Impormasyon ng Pilipino
Mga Paraan para sa epektibong pagbabawas ng timbang HINDI NA KAILANGANG GUMASTOS ng malaki sa gym o bumili ng mamahaling gamot upang magbawas ng timbang. Para sa maraming Pilipino, ilang simpleng pagbabago lamang sa pang-araw-araw nilang gawain para makabawas ng ilang kilo sa kanilang katawan. Umpisahan mo sa tamang dami ng inumin. Maraming doktor ang nagsasabi na dapat ay walong baso ng tubig ang inumin araw-araw, ngunit karamihan ng Pinoy ay kulang dito ang iniinom. Madalas ay matamis na inumin kagaya ng softdrinks at juice ang ginagamit na pampatawid-uhaw na siya namang nakakapagpadagdag ng timbang. Maaari ring bawasan ang paggamit ng hagdan imbes na elevator. Para sa mga nagtratrabaho sa siyudad, ang pag gamit ng hagdan papunta at pauwi ng opisina ay magsisilbing ehersisyo para sa araw na iyon upang lalong lumakas ang kanilang resistensya. Ang tamang pagkain ay isa ring magandang paraan. Siguraduhing kumakain ng agahan upang hindi kumain nang sobra pagdating ng tanghali at hapunan.
4 Tips para sa bakasyong Hassle-Free kasama ang iyong pamilya Pag-aralan ang lugar na iyong pagba-
Masayang magbakasyon kasama ang iyong pamilya. Gayunpaman, hindi ito madali lalo na’t kailangan mong magplano at maghanda ng sapat na pera para maenjoy ang iyong bakasyon. Narito ang ilang tips para gawing stress-free ang plano mong bakasyon lalo na’t kasama ang mga chikiting. I-meeting ang iyong mag-anak. Dapat na alam ng bawat isa – lalo na ng mga bata – kung ano ang pwede at hindi pwede habang kayo ay nasa bakasyon. Huwag kalimutang paalalahanan ang mga bata, lalo na kung hindi pamilyar ang lugar na inyong pupuntahan. Gumawa ng to-do list. Huwag mong hayaang masira ang iyong bakasyon dahil lang may nakalimutan ka. Ugaliing maglista ng mga bagay na gusto mong gawin, bilhin o kailangang dalhin para hindi mo ito makalimutan.
bakasyunan. Kung first time niyong pumunta sa lugar kung saan niyo balak magbakasyon, mas mainam na mag-research ka tungkol sa lugar. Ito ay para malaman mo ang kultura ng mga tao roon pati na rin ang available na mode of transportation para sa inyong mag-anak. Maghanda nang mas maaga. Sa kahit na anong okasyon, mas mainam pa rin ang paghahanda nang maaga. Ito ay para na rin maiwasan ang anumang aberya at makagawa ka ng paraan habang may panahon pa. Sa pamamagitan ng pagpaplano nang maaga, magiging maalwan ang iyong bakasyon kasama ang iyong pamilya. Bukod pa rito, mas mae-enjoy mo pa ang iba’t ibang activities ng walang inaalalang anuman mula sa iyong trabaho.
PHILIPPINE CONSULAR OUTREACH IN GIFU CITY Ang Philippine Consulate General Osaka, sa pakikipagtulungan ng ASFIL GIFU, ay magsasagawa ng serbisyo konsular sa Lungsod ng Gifu.
Philippine passport (renewal, first time application), Report of Birth, Report of Marriage, LCCM, NBI, SPA, Notarization/Authentication
9
4 Tips para mapakain ng masustansiyang pagkain ang iyong anak
SA PANAHON NGAYON, mahirap nang pakainin ng masusustansiyang pagkain ang mga bata. Naglipana na kasi ang mga fast foods at processed goods na mas patok sa kanilang panlasa. Bilang magulang, paano nga ba natin mae-encourage ang ating mga anak na kumain ng masustansiyang pagkain, lalo na nng gulay? Narito ang ilang tips na dapat mong malaman. Hainan sila ng masustansiyang pagkain araw-araw. Literal na takot ang mga batang sumubok ng anumang klase ng pagkain. Pero kung araw-araw mo silang hahainan ng gulay, isda at prutas, mas malaki ang tiyansang masanay sila sa pagkain ng mga ito kaysa sa minsanang paghahain lang ng mga nasabing pagkain. Gumamit ng “hero worship” Kung ayaw ng inyong mga anak ng gulay, maaari kayong magbanggit ng kanilang mga idol na kumakain ng gulay gaya ni Michael Jordan na mahilig sa peas. Marami pang artista at iba pang sikat na mas gusto ang gulay, prutas, at isda dahil na rin sa sustansiyang dulot nito. Maaari mo rin itong gamiting encouragement sa iyong anak. Gamitin ang magic ng “sawsawan” Dahil natural na matamis ang panlasa ng mga bata, pwede ka ring gumamit ng mga salad dressing o iba pang sawsawan para maengganyo silang tumikim ng gulay. Simulan ito sa paggayat ng carrots na pwede nilang isawsaw sa mayonnaise. Pwede rin naman ang iba pang sawsawan na papatok sa kanilang panlasa. Mag-shake ng prutas o gulay Kung hindi uubra ang solid food, pwede mo namang gawing juice ang prutas at gulay para ihain sa inyong anak. Simple lang naman ang paghahanda ng mga fruit shake at ang tanging kailangan mo lang ay asukal, gatas, at crushed iced.
Siyempre pa, ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay dapat na imino-modelo mismo ng mga magulang. Habang bata pa, mas maigi nang turuan ang inyong mga anak sa pagkain ng masusustansiyang pagkain gaya ng prutas at gulay upang lumaki silang malusog at masigla.
USE COMICA EVERYDAY
When: Agosto 18 & 19, 2018 (Sabado at Linggo) Agosto 18: 9:30am~ buong araw Agosto 19: 9:30am~hanggang tanghali lang Where: Heartful Square G (gusaling karugtong ng JR Gifu Train Station), 2F, Chu Kenshu Shitsu (1-10-23Hashimoto-cho, Gifu City) ●TINGNAN AGAD ANG DETALYE SA WEBSITE NG KONSULADO: www. osakapcg.dfa.gov.ph/ ●I-download at i-print ang application forms galing sa website ng Konsulado. Makakahingi din sa Gifu International Center (2F Chunichi Building, nasa Yanagase, Gifu City. ) Magtanong din sa ASFIL GIFU kung saan pa maaaring makahingi.
Philippine Consulate General Osaka: Fax: 06-6910-8734/ email: queries.osakapcg@gmail.com
*ASFIL GIFU: 090-3935-6004 (Edna)
44min 18sec.
BUY 10,000yen
30min 36sec.
21PCS!
From Landline From Cellphone
GET
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
10
10
PINOY KA BA?
Impormasyon ng Pilipino
It`s Joke Time!
AYAW BUMULA Juan: Lintik na shampoo ‘to, ayaw bumula! Inday: Paano po bubula ‘yan, ‘di naman basa ang buhok niyo? Juan: T*ng$! For dry hair ‘to. B*b& ka ba? ANONG ISDA ANG... Tanong: Anong isda ang dalawang ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa eh ‘di hasa-hasa, lapulapu, sapsap. Tanong: Eh, isdang tatlong ulit ang pangalan? Sagot: Ano pa, eh ‘di 555! ALAM KO KUNG SAAN ILULUGAR ANG SARILI KO... Ako, alam ko kung saan ko illugar ang sarili ko. Alam kong ‘di ako kaguwapuhan. ‘Di ako mayaman. Alam kong ‘di ako cute. Pero isa lang talaga ang laban ko: “Delicious” ako! Period!
WALANG TAO SA BAHAY Si GF, tumawag kay BF at may halong lambing na sinabing: “Pwede kang pumunta sa bahay ngayon kasi alang tao?” (Nagmamadaling pumunta si BF sa bahay ni GF. Pagdating niya roon... wala ngang tao.)
BAMPIRA RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood. ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan. POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin. WAITER: Bakit hot water lang po.? POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako... Hahaha! TOTOONG TAPANG Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng!
Mangga Lanzones Pinya
Impormasyon ng Pilipino
Durian Pakwan Langka
Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute! Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan? Pedro: Dun sa burol nya!
EYE BALL JUAN: May kaeyebol ako mamaya, kamukha daw nya na celebrity “”SH”” simula ng name! FRANK: Wow baka SHARON o SHAINA!..pagkatapus ng eyebol... FRANK: Bat ka malungkot? JUAN: SHREK! SIOPAO Bogart: Miss pabili nga ng “siopao na babae!” waitress: Ano po yun? Bogart: Eh di yung may napkin sa ilalim! Behehehe Waitress: Ahhh. Wala na po kami nun eh. Meron po dito “siopao na bading”. Bogart: Aba bago yan ah, ano yan? Waitress: May napkin din sa ilalim pero may ITLOG sa loob!
PIP Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III? Erap : (natawa) Trick question ba yan anak? Eh, di pang-lima, kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba? MAKA-DIYOS Dad: Mabait ba ang boyfriend mo? Anak: Yes, Daddy. Daddy: Maka-Diyos? Anak: Sobra Dad. Daddy: Nasaan siya? Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!
FILIPINO TIMES Kapag magugunaw ang mundo, huling magugunaw ang Pilipinas.... Filipino time eh.
Rambutan Avocado Atis
Chico
INCEST Babae: Mabuti pa nagpakasal na lang ako sa demonyo! Lalaki: Weh, bawal kaya magpakasal sa kamag-anak!
EPIC EXCUSE GF: Hayop ka, niloloko mo ako! BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah! GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang ibang babae, magkahawak pa kamay nyo! Niloloko mo ako! BF: Makinig ka muna... Hindi kita niloloko, maniwala ka... Yung kasama ko kanina ang niloloko ko!
GOOD GRADES INAY: Binigay na ba card ninyo sa eskwelahan? PNOY: Opo nay, good news wala na po ako line of 7! INAY: Talaga? Patingin! English-68 Math-60 Science-69 Filipino-69. Wow, wala nga! PAMATAY IPIS AMO: Eto yung binili kong chalk na pamatay sa ipis, isulat mo sa pader! INDAY: Yes ma’am! *Nagsulat si Inday sa pader: “EPES, MAMATAY KAYO! LOVE, ENDAY”
SILA NA SUSUNOD Nung bata ako, tuwing may kasal, lagi akong tinutukso nina lola: “Uy, siya na susunod.” Tumigil lang sila nung may libing at tinukso ko sila na: “Uy, sila na susunod!”
REUNION There are two things to worry in life: either you’ll go to heaven or hell. If you go to heaven, there’s nothing to worry about. But, if you’ll go to he... you’ll be damn so busy shaking hands with friends. “Tol, reunion!”
Santol Kaimito Melon
Suha Dalanghita Coconut
GAMOT Adik: Dok, grabe yung panaginip ko gabi-gabi, kasi lagi raw akong nanunuod ng basketball. Dok: Sige, halika may gamot ako para riyan. Adik: ‘Wag muna, Dok. Championship game na mamaya, eh! INTERBYU Boss: Why should we hire you? Juan: Mas mabuti po ang bagong tulad ko dahil wala pang sungay. Boss: English, please. Juan: Well, you see, I’m brand new so I’m not yet horny.
FUTURE TENSE Titser: Ano ang present tense ng luto? Student: Nagluluto po, ma’am! Titser: Tama! Ano naman past tense? Student: Nagluto po! Titser: Eh, ang future tense? Student: Kakain na po, ma’am! PROBLEMA Ang problema, dumarating ‘yan sa lahat ng tao, matatag man o mahina. Pero ‘pag ‘di mo na kaya, andito lang ako... isa pang problema.
BLOOD TYPE Vampire 1: Namutla ka lalo. May sakit ka ba? Vampire 2: Oo, iyong nasipsip kong dugo kanina, may severe anemia pala. Ayun, nahawa ako. Vampire 1: Pa’no yan? Vampire 2: Pupunta ako ng ospital. Magpapalagay ako ng dugo. Vampire 1: Buti pa nga. Ano bang blood type mo, A, B, AB o O? Vampire 2: Hindi ako sure basta nasa A up to Z iyon. mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
Banana Kalamansi Guyabano
www.tumawa.com
Bayabas
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
11
KONTRIBUSYON
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Mga Kwentong
Makabuluhan
ni
MARTIN PAUL S. HENDERSON HENDERSONMARTINPAUL@YAHOO.COM
11
, e n a t t a M "Ja
Hanggang sa Muli!" Doon din ay natuldukan ng kanilang kasaysayan, ang ilang mga katanungan sa aking isipan, na umuugnay sa mga hindi ko lubusang naunawaan na ikinuwento ng ating mga Ninuno, Sabi nga ng marami, ang karanasan ay ang pinaka magaling na guro ng ating sarili.
N
oong bata pa ako ay namulat ako sa paniniwalang ang mga hapon ay masasamang tao, dahil narin siguro sa minsan silang naging kalaban ng mga Pilipino. Tumapak ako sa una, ikalawa, ikatlo hanggang sa huling baitang ng ating paaralan, nagbasa ng mga libro, Nakinig sa masasamang kwento ng ating mga ninuno.
Nakilala ko si Kuya Takumi Ishikawa, Isang Japanese at ang kanyang may bahay na si Rowena Magdayao Fabila Ishikawa na isa namang Pilipina, doon ay sila ang aking naging pamilya. Hanggang sa ako ay napunta sa kanilang mundo, doon ako ay nakapagtrabaho, at doon din mismo ay nakita ko, na ang atin/aking paniniwala ay hindi pala totoo, bagkus sila pala ang mga taong sobrang disiplinado, na katulad rin nating mga Pilipino na marunong magmahal ng totoo.
Sa loob ng halus isang taon, kasama ang mag-asawa ay naikot namin ang mga lugar sa Japan na diko inaakalang aking mapupuntahan, Araw-araw akong tinuturuan ni kuya Ishi ng kanilang letra at salita, upang sa gayun ay mas lubusan ko pang maunawaan at makita ang mga bagay na talaga namang nakakagulat at magbabago sa ating paniniwala.
Marami na akong naisulat ng kwento, marami narin akong nasaksihan at marami narin akong naging karanasan, pero sa aking naging buhay sa Japan kasama ang dalawang taong dahilan ng masasabi kong kasagutan sa aking mga katanungan ay talaga namang hindi kailanman matatawaran.
“Ja matta ne” “Hanggang sa muli” aking mga kaibigan, Rowena at Kuya Ishikawa San.
JULY 2017
12
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
14 14
TRAVEL
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
tampok
HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI
website: www.hoshilandia.com
12 REASONS WHY YOU SHOULD VISIT
CLICK HERE TO SUBSCRIBE AT MY CHANNEL
M
arami akong kakilalang Ilocano. Karamihan sa kanila ay mahilig sa gulay, masarap pakinggan kapag nag-uusap at mga kayumanggi pero may ilan din naman na maputi. Noong nakarating ako sa Ilocos gusto ko purihin ang bayan ng Laoag, Ilocos Sur. Pinagsalong ambiance ng syudad at probinsya ang bayang ito lalo na’t may mga business establishments na. Hindi mo na kailangang mag-alala kung ‘di ka nakabili ng baon at pang -emergency na gamit. Medyo parang Intramuros, Manila ang dating ng kanilang plaza at ang mura ng pasahe sa kanilang kalesa. Ilan sa napuntahan namin dito ay La Preciosa Restaurant, Ilocos Museum, at Sinking Bell Tower. Subalit hindi lamang ang masayang puntahan sa Laoag o sa kabuuan ng Ilocos. Maganda rin maikot kasama rito ang Vigan at Pagudpud. Narito ang 12 puwedeng makikita sa Ilocos Sur at Ilocos Norte.
1. Kap u rp u r awan Rock Fo r m at ion
Kahit ‘di ka pa nakakarating sa rock formation na setting daw ng Agimat ni Enteng, sa pamamagitan ng paglalakad o pangangabayo ay mesmerizing na ang mabatong dalampasigan ng Kapurpurawan. Magandang mag-pictorial dito.
2. Windmi l l in Bang ui Bago pa man makita sa teleserye na Walang Hanggan (Coco martin at Julia Montes) ay sumikat na ang 20 na higanteng windmill na pinagmumulan ng kuryente sa Ilocos sa political ad noon ni Sen. Bongbong Marcos. Again, ang may purpose na lugar na ito ay masayang background for pictorial.
3. Malacanang of t h e No r t h Loyalista man o hindi, ‘di dapat pinapalampas ang pagbista sa Malacanang of the North na ipinatayo noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ang mansion na ito ay bongga talaga sa laki, linis, memorabilia, at sa kasaysayan. Kapag nakita mo ito at maupo sa terrace ay hihilingan mong ito na sana ang ancestral or rest house mo. Samantala, narito rin ang opisina kung saan idineklara ni Pres. Marcos ang Martial Law noong Sept. 21, 1972.
4. La Pa z Sand Dun es sa Paoay
Hindi ko trip ang mga carnival and rides sa mga theme parks, pero na- enjoy ko ang pagsakay sa 4×4 truck na paikot-ikot sa La Paz Sand Dunes. Ang truck aay pwedeng magsakay ng hanggang anim na pasahero.
Siguro mahal nga ito pero sa scenery sa lugar, na maikukompara sa Doha, Qatar ay mapapa-“Buhangin. It’s more in the Philippines” ka. Masarap din subukan dito ang sand boarding.
By the way, dito rin daw ang setting noon ng award-winning classic film Himala ni Nora Aunor at ng Bagani na fantaserye ngayon nina Enrique Gil at Liza Soberano.
5. Mar co s Mu seum (Il oco s No r t e)
Bawal man kunan ng kamera ang mga labi ng dating pangulo na nasa loob nito ay interesante pa rin itong bisitahin. Kahit hindi man natin naabutan ang kanyang rehimen, iba ‘yong thought na ayan siya o ‘yong nasa makulay na history ng Pilipinas.
6. Ligh t H o u se of C ap e B ojeado r
Ang tagal na nito pero hanggang ngayon ay napapakinabangan pa rin. Luma at puno man ng kalawang ang loob (mag-ingat baka matetano), ang saya pa rin akyatin ito dahil sa taas, tanawin, at iba talaga ang simoy ng totoong malinis na hangin. Dito raw kinunan ang music video ng Tara na Byahe Tayo ni Regine Velasquez
7. C al l e Cr isol ogo
Sabi nila mas maganda ito sa gabi at sana nga ganun kaming oras nakapunta sa lugar para mas na-appreciate ko pa. Naroon pa rin naman ang pakiramdam na vintage itong kalyeng ito, kaso may ilan na ring bago at marami ang nagtitinda.
8. Paoay C h u r ch and Ban tay C h u r ch (Sh r in e of Ou r Lad y of C har i t y / St.Aug u s t in e Par is h C h u r ch)
Naka-locate ang dalawang lumang Catholic churches na ito sa magkaibang bahagi ng Ilocos. I don’t know kung mahilig lang ako sa Visita Iglesia pero talagang makasaysayan at pang-post card ang facade ng mga ito. Nakakaaliw at mangha pa ang bell tower ng Bantay Church na may iba’t ibang kampana depende sa okasyon. Mayroon ditong kampana na patutunugin kapag may binyag, kasal, libing, at iba pa.
9. Pag udp ud v iad uct /b each Nakakahilo ang pagbaybay sa zigzag at sadyaing lugar na ito pero ‘di dapat padaig at palampasin. Ang Pagudpud viaduct na isang mataas na tulay ay nagdudugtong sa Ilocos at Cagayan Valley.
10. Gr anpa‘s Inn
Masarap dito ang Ilocos’ food na Bagnet (masarap din daw sa La Preciosa) at okay din ang ambiance. May character ang inn at resto na ito dahil na rin sa collection na gamit na naka-display gaya ng mga musical instruments, clocks at telephone apparatus.
11. B u r nayan m ak ing
Ang burnayan ay version ng pottery making sa Brgy. Pagburnayan, Vigan, Ilocos Sur. Masayang panoorin ang sumusubok gumawa at lalo pa kapag ikaw na mismo ang nagpa-pottery. Ayon sa aking ilang nabasa ay tatlo lang ang Camarin (pabrika) nito sa Vigan at ayon sa aming nakausap ay malakas pa rin ang business na ito at nai-export pa.
12. Hidd en Gar d en C afe
Tago nga ang kainan na ito pero sulit na puntahan lalo na’t napaka native at eco -friendly ang theme nito. Ang husay ng disenyo, upuan, landscaping, gardening, at kainan dito. Kahit ang kanilang comfort room ay ang gandaganda. Ang iba pang pwedeng mapuntahan sa Laoag at Vigan ay ang Baluarte ni Chavit, St. Williams Cathedral, Syquia Mansion, at marami pang iba. ‘Wag ding kalimutan na tikman ang kanilang cornick, longganisa, empanada at suka. Ang alam ko bawal ibyahe ang longganisa at suka o kahit ‘yong mga wine so tikman na habang nandoon ka pa. *Ang artikulo na ito ay bahagyang in-edit at orihinal na lumabas sa hoshilandia.com
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
15
AUGUST 2018 LAST ISSUE
16
16
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
17
TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
4 na tips para maiwasan ang Heatstroke ngayong tag-init SA TUWING DARATING ANG TAG-INIT, pinagiingat ang nakararami sa posibleng banta ng heatstroke. Pero paano nga ba maiiwasan ang pag-atake nito? Narito ang ilang tips na dapat mong tandaan. Uminom ng maraming tubig. Dahil dehydration o pagkawala ng sapat na tubig ang dahilan ng heatstroke, siguraduhing uminom lagi ng tubig tuwing tag-init. Kung mabilis kang magpawis, higit pa sa 10 baso ng tubig ang inumin mo para palitan ang nawalang tubig sa iyong katawan. Huwag magsuot ng masikip. Imbes na makatulong, hindi kinakaya ng katawan na palamigin ang sarili nito kung masikip ang iyong suot na damit. Kung taginit, magsuot ng mga loosefitting o maluluwag na damit na presko sa iyong katawan para
tulungan itong mag-cool down. Magpayong o magpandong para iwas init. Kung lalabas ka ng bahay sa gitna ng matinding sikat ng araw, siguraduhing meron kang dalang payong bilang proteksyon sa init ng araw. Kung malapit lang naman ang iyong pupuntahan, maaari ka ring magpandong ng basang bimpo o gumamit ng sombrero. Huwag maglagi sa loob ng sasakyan. Ito ay isang mahalagang paalala lalo na sa mga magulang. Hindi ligtas na iwan ang sino man, lalo na ang mga bata, sa loob ng sasakyan kapag tag-init. Ito kasi ang pangunahing dahilan kung bakit maraming mga bata ang namamatay sa heatstroke. Mas mabilis kasing tumaas ang temperatura ng mga sasakyan ilang minute lang matapos itong mabilad sa init ng araw. Ang heatstroke ay maaaring maiwasan at malunasan. Sa pamamagitan ng tamang pag-iingat sa iyong sarili, maaari mong maagapan ang pagkakaroon ng heatstroke at iba pang malalang epekto nito.
17
Mga Teknik sa pag-alis ng taba sa katawan habang walang muscle buildup
ALAM NA NATING LAHAT na hindi madali ang pag-alis ng taba sa katawan. Kailangang metikoloso ang gagawing ehersisyo ng isang tao upang mawala kahit kalahati man lang ng isang kilogram. Ang iba naman ay gustong maging slim para sa Instagram. Ang focus ng article na ito ay ang mga taong gustong mag-exercise pero ayaw magkaroon ng malalaking katawan. Ang mga sususunod na mga exercises ay magbibigay ng malaking tulong sa inyo sa pagpapayat: Running/jogging Kung gusto mong pumayat, ang pagja-jogging at pagtakbo ay isa sa mga pinakamadaling gawin na exercise. Kahit isang oras na kombinasyon ng running at jogging ay malaking tulong na sang uminom ng kape kung lagpas alas-4 ng tungo sa iyong goal. hapon at ikaw ay hirap makatulog. Tumatagal Triangle push ups kasi ang epekto ng kape sa katawan sa loob ng Ang triangle push ups ay ginagawa na parang push-up. Ang kaanim o higit pang oras na maaaring makaapekaiba lang sa triangular push-ups ay kailangang naka-align ang kto sa iyong pagtulog. mga shoulder at naka-gawa ng triangle sa sahig. Mag-warm shower bago matulog. Mas mabiLight weights lis daw lumamig ang temperatura ng katawan Ang light weights ay nakakaganda para sa muscle strength ng na ideal para sa pagtulog kung magha-hot arms. Ang maganda rito ay hindi masyadong halata ang epekto shower ka isang oras bago ka matulog sa gabi. nito sa muscles. Kaya kung ayaw mong magka-muscle building, Nakakarelax din ng muscles ang hot shower. gamitin mo ang method na ito. Makinig classical music. Ayon sa pag-aaral, ang pakikinig ng mabagal na tugtog kagaya ng classical music ay makatutulong para makatulog ka sa gabi. Ito ay dahil sa relaxing ng slow rhythm music na nakatutulong din para maibsan ang depression. Sumamyo ng lavender oil. Kahit noong una pa, kilala na ang lavender bilang relaxing agent. Ang samyo ng lavender ay nakatutulong para i-relax ang iyong mga nerves at pababain ang iyong blood pressure. Sumamyo ng lavender oil sa loob ng 2-3 minuto kada 10 minuto para makatulog ng mahimbing. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na tulog para sa malusog na katawan. Sa tamang pagtulog, maiiwasan ang maraming sakit at ISA SA MGA PARAAN para maipakita ng isang indibidwal ang magiging mas energetic kang harapin ang bawat kanyang kagandahan ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng araw, sa bahay man o trabaho. makinis at healthy na balat. Naririto ang ilang tips na maaari mong sundan: Uminom ng maraming tubig. Kung isa ka sa mga taong nag-aakalang sa summer lang nade-dehydrate, diyan ka nagkakamali. Katunayan, ayon sa siyensiya, mas mataas pa nga ang tendensiyang made-hydrate kapag winter. Kaya naman, maganda kung inom tayo ng inom ng maraming tubig para mapanatiling nasa maayos na kalusugan ang ating pangangatawan, partikular na ang ating mga kutis. Iwasan ang mga cream o beauty product na mayroong taglay na petroleum. Ang petroleum ay nakakabara sa ating pores; kaya naman, nahihirapan ang moisture na pumasok sa ating mga balat. Magalagay pa rin ng sunscreen. Isa pang maling nosyon kapag winter ay ang pagi-ging ligtas sa UV rays ng araw. Puwes, alam mo na ngayon na hindi ito totoo. Kagaya kapag summer, kinakailangan mo pa ring maglagay ng sunscreen bilang pamproteksiyon. Gumamit ng mga oil. Magandang maglagay nito 30 minuto bago maligo. Maaaring maglagay ng olive, coconut, avocado, o almond oil. Kapansin-pansin ang makinis na kutis pagkatapos maligo. Ang mga aromatic oil din ay nakakatulong para maging healthy ang katawan at ang isipan kapag winter season.
7 Subok na tips ng mga eksperto para makatulog ng mahimbing sa gabi
HIRAP KA BANG MAKATULOG SA GABI? Maaaring meron kang mga nakagawian na imbes na makatulong ay nagiging dahilan para maudlot ang dapat sana’y masarap mong tulog. Paano nga ba makakatulog nang mahimbing ang isang taong hirap humanap ng tulog sa gabi? Narito ang pitong payo ng mga eksperto na dapat mong tandaan. Gawing ‘sleep-friendly’ ang iyong kwarto. Maituturing na sleep-friendly ang malamig o cool na kwarto kasabay ang dark o dim light para tulungan ang iyong katawan na makatulog nang mahimbing. Nati-trigger kasi ng dilim ang melatonin o sleep-inducing hormone sa utak. Gumawa ng schedule para sa iyong pagtulog at paggising. Mas mabilis makasanayan ng katawan ang paggising at pagtulog kung meron kang sinusundang schedule. Ugaliing matulog at gumising sa parehong oras araw-araw. Iwasan ang panonood ng TV o paggamit ng gadget sa gabi. Ayon sa mga eksperto, dapat dalawang oras bago matulog ay hindi ka na gumamit pa ng anumang gadget o TV na naglalabas ng blue light. Dinadaya kasi nito ang utak sa pag-aakalang hindi pa panahon para ikaw ay matulog. Iwasang magkapeng alanganing oras. Hindi masamang magkape, subalit dapat mong iwa-
3 Tips Upang Maiwasan ang Sobrang Asukal
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
18
18
ANUNSYO / HOROSCOPE
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
INTRODUCING NEW PRODUCT!! OF DKSTORE Vinta Sano " Akareishi 2020" A New Health supplement from Vinta Sano which contains 3 various healthy plants. Which boost your healthy living and giving your health much more energy for everyday living. Reishi Mushroom
* Boosting your immune system from viral infections * Prevents lung conditions * Prevents Heart Disease * Prevents High Blood Pressure also High Cholesterol * Other uses of these plant is to reduce your stress and prevent fatigue in you everyday lifestyle.
Cordyceps
Natoginseng
* Managing Blood Sugar Levels * Protecting the Heart * Protecting the Kidneys * Strengthening the Immune System * Enhancing libido * Fighting Fatigue and Improving Exercise Performance * Cancer Fighter * Gives Strenght and Stamina
* Can relieve pain by promoting blood circulation. * Can aid in physical growth * The ability of Notoginseng to enhance circulation and prevent blood stasis is said to improve the flow of nutrients to growing bones and around the body. * Notoginseng can be beneficial for preventing and treating heart disease, lowering cholesterol. Studies have also suggested that Notoginseng can help reduce chest pain caused by coronary heart disease.
Vinta Sano "Natto Kinase 3388FU"
A New Health supplement from Vinta Sano, contains a 3388FU of Natto Kinase, Nattokinase is an enzyme (a protein that speeds up biochemical reactions) that is extracted from a popular Japanese food called natto. Natto is boiled soybeans that have been fermented with a bacterium called Bacillus natto. Natto has been used as a folk remedy for diseases of the heart and circulatory system (cardiovascular disease) for hundreds of years. You won’t find nattokinase in soy foods other than natto, since nattokinase is produced through the specific fermentation process used to make natto. Nattokinase is used for cardiovascular diseases including heart disease, high blood pressure, stroke, chest pain (angina), deep vein thrombosis (DVT), “hardening of the
CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20 Maging totoong tao at iwasan ang pagiging plastik. Huwag ding magpanggap upang mapagsabihan ng magagandang bagay. Maging totoo sa sarili. POWER NUMBERS: 7, 28, 51 LUCKY COLOR: Yellow AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19
ARIES Mar. 21 - Abr. 20 Umiwas na makipag-usap tungkol sa mga negatibong bagay. Panatilihing masaya ang paligid upang mas lumapit ang positibong enerhiya na makakatulong upang pumasok ang swerte. POWER NUMBERS: 8, 21, 3 LUCKY COLOR: Orange TAURUS Abr. 21 - May. 21
Ang iyong buhay pag-ibig ay mapalad. Panatilihin ang pagmamahal nang tapat sa iyong pamilya, asawa, o nobya/nobyo. Ang inyong pagsasama ay lalong yayabong at magtatagal.
Ang iyong pagsisikap ay may mararating din. Huwag mawalan ng pag-asa. Ngunit, huwag masyadong magtitiwala sa mga taong kakikilala pa lang.
POWER NUMBERS: 12, 42, 6 LUCKY COLOR: Silver
POWER NUMBERS: 32, 5, 89 LUCKY COLOR: Beige
PISCES Peb. 20 - Mar. 20
GEMINI May. 22 - Hun. 21
arteries” (atherosclerosis), hemorrhoids, varicose veins, poor circulation, and peripheral artery disease (PAD). It is also used for pain, fibromyalgia, chronic fatigue syndrome, endometriosis, uterine fibroids, muscle spasms, infertility, cancer, and a vitamin-deficiency disease called beriberi. How does it work? Nattokinase decreases the ability of blood to clot. This "thins the blood" and might protect against conditions caused by blood clots such as stroke, heart attack, and others.
CALL US NOW! FOR MORE INFO! Japanese
CANCER Hun. 22 - Hul. 22 Huwag lunurin ang sarili sa trabaho. Bigyang-oras ang mga mahal sa buhay. Ang pera ay kinikita, ngunit ang oras na hindi nakakasama ang mga anak sa kanilang paglaki ay hindi matutumbasan. POWER NUMBERS: 14, 67, 9 LUCKY COLOR: Pink LEO Hul. 23 - Ago. 22
Iwasan ang magsinungaling para lamang makalamang sa ibang tao. Tandaan, lahat ng bagay na ginawa mo ay may balik sa’yo. Lumaban nang patas at magtrabaho nang marangal. POWER NUMBERS: 51, 2, 20 LUCKY COLOR: White VIRGO Ago. 23 - Set. 23
Tanggapin ang hamon ng buhay at iwasan ang pagiging maarte at reklamador. Lahat ng bagay ay gagaan kung iyo lamang iintindihin ang mga nangyayari. May rason ang lahat.
Mahalin ang iyong mga tunay na kaibigan at ‘wag balewalain. Darating ang araw, isa sila sa mga taong tutulong sa’yo at ang mga nagpapanggap na malapit sa iyo ay mawawala na lamang na parang bula.
Mag-ipon at huwag masyadong magastos. Ang pagiging galante ay may hangganan. ‘Wag saluhin ang lahat ng bagay at bigyan ng responsibilidad ang mga kasama sa bahay.
POWER NUMBERS: 11, 38, 61 LUCKY COLOR: Green
POWER NUMBERS: 17, 30, 1 LUCKY COLOR: Red
POWER NUMBERS: 19, 46, 1 LUCKY COLOR: Brown
03-5835-0618
LIBRA Set. 24 - Okt. 23
Ang pagiging mayabang at mataas sa kapwa ay hindi magandang paguugali. Matutong makitungo at makisama nang maayos, lalo na sa mga kasama sa bahay. Darating ang panahon na lahat sila ay mananawa sa’yo. POWER NUMBERS: 15, 89, 16 LUCKY COLOR: Blue SCOPIO Okt.24 - Nob. 22
Mahalin mo ang iyong asawa o nobya/nobyo. Maging tapat at huwag siyang lolokohin. Maaring pagbigyan ka nila sa iyong una o pangalawang pagkakamali, ngunit bibitaw din ‘pag may mga kasunod pa. POWER NUMBERS: 31, 18, 46 LUCKY COLOR: Purple SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21
Huwag maging waldas. Matutong pahalagahan ang lahat ng bagay na pinaghirapan. POWER NUMBERS: 89, 2, 41 LUCKY COLOR: Grey
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
19
BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS BALITANG SPORTS
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
19
Manny Pacquiao, nakuha ang WBA Welterweight Title
P
analo ulit ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa kanyang laban kay Lucas Matthysse ng Argentina. Na-knockout niya si Lucas sa ikapitong round ng kanilang laban sa "Fight of the Champions" event, kung saan pinaglabanan nila ang WBA welterweight title. Simula pa lang ng laban, makikita nang malakas ang tiyansa ni Manny na manalo. Na-knock down niya si Matthysse sa Round 3 at 5 bago nadeklarang panalo sa ikapitong round. Ito ang unang WBA world title belt ni Manny. Ika-60 na panalo niya ito sa kanyang karera bilang boksingero. Ito ang unang beses na lumaban si Manny mula nang humiwalay siya sa kanyang longtime mentor na si Freddie Roach. Ilang tropeo at titulo rin ang kanyang nakuha sa poder ni Freddie. Ginanap ang "Fight of the Champions" sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Dumalo pa sa fight si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang miyembro ng kanyang gabinete.
Pacquiao, may 2-3 na laban pa bago mag-retiro HINDI pa gustong tapusin ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang kanyang karera sa pagbo-boksing. Ayon sa kanya, gusto pa niyang gumawa ng dalawa o tatlong fights bago siya opisyal na mag-retiro. Kahit inuudyok na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magretiro bilang boksingero upang mag-concentrate sa kanyang trabaho sa Senado, mas gusto niya pa rin daw pagsabayin ito dahil ayaw niyang maging malungkot sa labas ng ring. Sa kanyang mga huling laban, gusto niya raw na makalaban si Floyd Mayweather, Terence Crawford at Vasyl Lomachenko.
Isa na sa mga pinakamagaling na manlalaro sa larangan ng boxing si Manny. May panalo siya sa walong weight classes. Kakapanalo niya lang din sa kanyang laban kay Lucas Matthysse ng Argentina na dating may hawak ng WBA welterweight title. May win-lossdraw record siya ng 60-7-2. Sa kasalukuyan, ini-enjoy raw muna ni Manny ang kanyang pagkapanalo. Hindi pa raw siya nagmamadali na magsimulang magnegotiate para sa susunod niyang laban.
MMA fighter Robin Catalan, panalo sa ONE: Battle for the Heavens
PH government, kinumpirma na ginagawa na ang mga 2019 SEA Games venues
Ceres Negros FC, nag-anunsyo ng limang bagong signings
ISANG MALAKING karangalan ang dala ng mixed martial arts (MMA) fighter na si Robin "The Ilonggo" Catalan nang siya ay manalo sa ONE: Battle for the Heavens. Natalo niya ang rising star ng Indonesia na si Adrian "Papua Badboy" Mattheis. Napatumba ni Robin ang kanyang malakas na kalaban sa second round pa lang. Ito ay ginawa niya sa pamamagitan ng isang heel hook. Ito ang unang beses niyang mag-stoppage sa championship. Sa markang 2:10 pa lang ng pangalawang round, nag-tap na si Adrian. Parte si Robin ng isang sikat na MMA team na magkapamilya lang din. Ito ay ang Catalan Fighting System. Dati siyang IFMA World Muay Thai Champion. Naging MMA fighter lang siya noong 2009. Ang career record niya ay 8-3. Si Robin ang pangalawang MMA fighter na nanalo sa isang ONE championship sa mga nakaraang buwan. Nakuha din ni Geje "Gravity" Eustaquio ang One Flyweight World Championship noong Hunyo.
KINUMPIRMA ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na kasalukuyang ginagawa ang mga sports facilities na gagamitin sa pagsasagawa ng 2019 Southeast Asian Games. Sa katunayan, bumisita pa nga si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa isang construction site sa Capas, Tarlac. Si Alan Peter ay kasalukuyang namumuno sa Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC). May 1,500 na manggagawa na ang nasa site upang matapos ang proyekto. Tataas pa ang numero na ito sa mga susunod na buwan upang mapabilis ang takbo ng construction. Aabot ang mga workers ng pitong libo. Kapag tapos na ang sports facilities na ito, magkakaroon na ng 20,000 seater athletic stadium at 2,000-seater aquatic center. Lahat ng mga facilities na ito ay makakapasa sa FINA Olympic standards. May ginagawa ring athletic dormitories na aabot ng 1,000 atleta ang makakatira. Ang ginagawang sports facilities ay magiging parte ng National Government Administrative Center (NGAC) Center Phase 1-A sa New Clark City. Ginagawa ito ng MTD Capital Bernad, isang Malaysian company.
SA PAGBUBUKAS pa lang ng midseason transfer window ng Philippine Football League (PFL), nag-anunsyo na agad ang Ceres Negros FC na may limang bagong signings ang koponan. Inaasahan na ang mga bagong manlalaro na ito ay makakatulong sa koponan na makamit ang pangalawang magkasunod na league title nito. Sa limang players na bago, ang goalkeeper na si Roland Muller ang pinakainaabangan. Matatandaang hindi nakapaglaro si Roland sa unang parte ng season. Nirecall muna siya ng Ceres Negros FC dahil sa gusto niyang alagaan ang kanyang mag-ina. Naghahanda rin ang koponan noon upang sumali sa AFC Cup ASEAN Zone Finals laban sa Home United. Magbabalik din sa Ceres Negros FC ang midfielder na si Paul Mulders. Dati itong naglaro para sa Cebu. Ang ibang mga manlalaro na nakuha ng Ceres Negros FC ay ang defender na si Jerry Barbaso, midfield na si Curt Dizon at ang banyagang si Blake Powell. Dating naglaro para sa Central Coast si Blake.
MARCH 2018
20
20
HOROSCOPE / ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
21
Impormasyon ng Pilipino
Jennylyn Mercado, maramin pang gustong magawa kasama si Dennis Trillo
INIHAYAG ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado na nagagalak siya sa takbo ng kanyang relasyon sa kapwa artista na si Dennis Trillo. Ayon sa kanya, isa sa gusto niya kay Dennis ay ang palagi nilang pagsasama sa pagta-travel. Ayon kay Jennylyn, marami pa raw silang gustong magawa ni Dennis bilang mag-nobyo. Habang tumatagal daw ang kanilang relasyon, madami daw silang natututunan at mas
Kris Aquino, naniniwalang hindi pa siya makakagawa ng palabas sa ABS-CBN
NANINIWALA si Kris Aquino na hindi ito ang panahon upang siya ay magkaroon ng palabas sa ABS-CBN. Sinabi niya ang kanyang paliwanag sa press conference ng pelikula niya kasama sina Julia Barretto at Joshua Garcia na "I Love You, Hater." Ayon sa kanya, hindi raw muna siya bibigyan ng palabas ng ABS-CBN dahil alam niya na nakasalalay ang franchise ng buong istasyon. Kung magkakaroon siya ng palabas, baka manganib daw ang franchise ng ABS-CBN sa Kongreso. Kahit wala naman daw silang alitan ng Pangulong Rodrigo Duterte, marami sa kanyang mga tagasuporta ang ayaw raw sa kanya.
lumalakas daw ang kanilang partnership. Alam niya din daw na marami silang pagdadaanan habang tumatagal. Sa katunayan, may mga pagsubok na daw silang nalutas na hindi man lang nalaman ng mga followers at media. Malaking bagay daw kasi para sa kanila ang privacy nila. Bagama't may plano naman silang magpakasal, hindi pa daw ngayon ang tamang panahon upang gawin ito. Pareho daw silang nakatutok ngayon sa kanilang mga karera. Ilang taon na ding on and off sina Jennylyn at Dennis. Si Jennylyn ay may anak na kay Patrick Garcia. Ganoon din si Dennis kay dating beauty titlist Carlene Aguilar.
Naiintindihan niya raw kung ayaw ng ABS-CBN na manganib ang kanilang prangkisa bilang isang TV station. Matatandaang ilang dekada ring namalagi sa poder ng ABS-CBN si Kris. Maraming matagumpay na mga palabas siyang nakuha gaya ng "Patayin sa Sindak si Barbara," "Game Ka Na Ba?," "Kris TV" at "The Buzz." Kahit walang regular na show si Kris, marami pa rin siyang mga endorsements. May 53 brands daw na nakasuporta sa kanyang mga digital efforts.
Ylona Garcia, naospital dahil sa social media stress
John Prats at Isabel Oli, magkakaroon ng baby boy
NAOSPITAL kamakailan lang ang teen star na si Ylona Garcia. Ayon sa kanya, na-stress daw siya sa mga nakikita niya na "distateful and unnecessary" na mga salita sa kanyang social media accounts. Sa isang note na kanyang inilagay sa kanyang Twitter, kinumpirma niya na ang isang negatibo na komento tungkol sa kanya ang isa sa dahilan kung bakit siya isinugod sa ospital. Aniya, paggising pa lang daw niya, ang negatibong komento ang una niyang nabasa. Ilang oras daw ang kanyang ginugugol sa isang araw para lang masiguro na maraming tao ang masaya. Pero mukhang nakalimutan niya daw itong gawin sa kanyang sarili. Iminungkahi niya din sa kanyang mga followers na ugaliin na i-prioritize ang kanilang mental health. Dapat daw mas magpalaganap ng love at hindi hate ang mga gumagamit ng social media lalo pa at negatibo ang epekto nito sa mental health ng mga nagbabasa. Natuwa naman siya sa daming mga followers at kaibigan niya na concerned sa kanya.
OPISYAL nang inanunsyo ng mag-asawang sina Isabel Oli at John Prats na magkakaroon sila ng baby boy. Sinorpresa ng dalawang celebrities ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng balitang ito. Inimbitahan nila ang kani-kanilang pamilya para sa announcement ng pregnancy. Ito ay ginawa sa isang family dinner, kung saan kinumpirma ring lalaki ang magiging anak nila. Ayon sa kapatid ni John na si Camille, malaki ang kanyang hinala na lalaki ito dahil hindi raw ganoon kaselan ang pagbubuntis ni Isabel. Nagpapasalamat daw ang pamilya ni John dahil magkakaroon na sila ng lalaking apo. Inilabas nila ang isang video kung saan ipinakita ang reaksyon ng mga kapamilya nila sa balita. Ang video ang magiging unang episode ng #WeAreThePratties sa YouTube channel nila. Ito ang magiging pangalawang anak nina John at Isabel. Ang kanilang unang anak, si Feather, ay ipinanganak noong Abril 2016.
Alden Richards, gagawa ng pangalawang concert
KUMPIRMADO nang magkakaroon ng concert si Alden Richards bago matapos ang taon. Nalaman ng mga fans ni Alden ang balita na ito sa isang post sa official Instagram account ng GMA Records. Papangalanan na "Adrenaline Rush" ang inaabangang concert na ito. Ito ang magiging pangalawang major concert ng Kapuso star. Naging matagumpay ang concert niya na Upsurge na ginanap noong Mayo 2017. Abala si Alden sa kanyang music career. Siya ang nag-record ng theme song ng kanyang bagong teleserye na “Victor Magtanggol,” kung saan siya ay isang superhero. Hinahanda niya ring ilabas ang kanyang cover ng kanta ni Gary Valenciano na "I Will Be Here." Ito ang kanyang magiging bagong single para sa taong ito. Kasalukuyang mapapanood si Alden Richards sa mga palabas na “Eat Bulaga,” “Sunday Pinasaya” at “Victor Magtanggol.” Nagsimula ang kanyang karera bilang isang contestant sa “Starstruck V.” Gagawin ang concert na "Adrenaline Rush" sa KIA Theatre sa Biyernes, Setyembre 21.
Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi
AUGUST 2018 LAST ISSUE
22
22
BALITANG SHOWBIZ
Kris Aquino hindi tatakbo sa Senado
MATAPOS lumaganap ang bali-balita na tatakbo siya upang maging senador sa 2019 elections, sinabi ni Kris Aquino na wala daw katotohanan ang mga ito. Marami daw personal at professional na dahilan kung bakit hindi ito mangyayari. Unang-una, marami daw siya na endorsement deals na kailangang pakawalan kung siya ay tatakbo bilang senadora. Kung isususpinde niya ang kanyang mga endorsements at partnerships, magbabayad pa daw siya ng doble sa mga kumpanya. Maaari din niyang kailanganin na bitawan ang kanyang Kris Aquino Productions na production outfit. Ang isa pa sa kanyang dahilan ay ang sinabi ng kanyang ina, ang yumaong dating Pangulo na si Cory Aquino. Sanay daw kasi si Kris na nasa kanya palagi ang spotlight. Ibig sabihin nito ay araw-araw siyang mangangamba na puwede siyang lasunin ng mga kasamahan niya sa Senado. Malaki din daw ang kailangang pera upang mapanalo ang sarili sa eleksyon. Kahit mayaman daw si Kris, hindi niya kaya itong paggastusan. Lumakas ang bulung-bulungan na tatakbo si Kris bilang Senador nang magsagutan sila sa social media ni Mocha Uson.
LA Aguinaldo, bilib kay Marian Rivera
KAHIT isang beses pa lang nakita ng sikat na vlogger na si LA Aguinaldo si Marian Rivera, bilib na daw ito sa kanya. Ayon sa vlogger, nakakatuwa daw ang pagiging "genuine" ng Kapuso Primetime Queen. Totoong tao daw talaga si Marian. Sasabihin daw talaga nito kung gusto o ayaw nito sa iyo. Dahil dito, magandang role model si Marian para sa maraming tao. Bukod dito, sobrang ganda din daw ni Marian sa personal. Marami na daw kasing karanasan si LA na iniimbita siya sa mga events na maraming mga kapwa artista. Sa mga artista na nakahalubilo niya na, nagstand out daw si Marian sa kanyang isip. Nakasalubong ni LA si Marian sa kanyang pagpo-promote ng kanyang vlog na LA All Day. Sa vlog series na ito, sasamahan lang si LA ng cameraman sa loob ng isang araw sa lahat ng kanyang mga gagawin. Susundan din siya sa kanyang mga travels bilang isang modelo.
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Judy Ann Santos, nagsimula ng mag-taping para sa bagong teleserye SIMULA na ang taping ng pagbabalik teleserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN. Ang proyekto na pinamagatang "Starla," ay isa sa mga nakasaad sa kanyang kontrata na pinirmahan sa network kamakailan lang. Sa pamamagitan ng kanyang opisyal na Instagram account, nag-post si Juday ng isang imahe ng sequence guide para sa kanyang unang taping day. Binati siya ng kanyang mga kaibigan na sina Joem Bascon, Iza Calzado at Mae Cruz-Alviar sa comments section. Ang "Starla" ang magiging pinakaunang teleserye ni Juday sa loob ng limang taon. Makakasama niya sa teleserye na ito sina Janus del Prado, Meryl Soriano, Joel Torre at Anna Luna. Ginagawa pang sorpresa kung sino ang magiging katambal
ni Juday pero may mga bulung-bulungan na isang dating artista mula sa GMA ang love team niya. Huli siyang naging bida sa serye na "Huwag Ka Lang Mawawala." Naging kasama niya dito sina Sam Milby at KC Concepcion na naging mga kontrabida.
MATUTUWA ang mga fans ng dating mag-love team na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na magbabalik-tambalan sila para sa isang pelikula. Ilang dekada na din mula nang nagtrabaho ang dalawa lalo na at naghiwalay din silang magkasintahan. Ang reunion movie nila ay pinamagatang "Exes Baggage." Opisyal na inanunsyo ang pelikula sa Instagram account ni Angelica. Nilabas na din ang posibleng poster ng pelikula kung saan nakikita si Carlo at Angelica sa isang bar. Kamakailan lang, ang dalawang dating magkarelasyon ay gumawa ng mga balita dahil nasangkot sila sa isang minor accident. Nangyari ito sa isang joyride nila.
Ang love team ni Carlo at Angelica ang isa sa mga pinakasikat na tambalan noong 1990s at 2000s. Silang dalawa ay lumaki bilang teen stars sa poder ng ABS-CBN. Sumikat sila dahil sa kanilang mga roles sa mga palabas gaya ng “Gimik.” Wala pang opisyal na release date ang reunion movie nila. May posibilidad na lalabas ito bago matapos ang taon.
Carlo Aquino at Angelica Panganiban, balik-tambalan
Michele Gumabao, itinanggi na nagkaroon siya ng cosmetic procedure
ITINANGGI ni Bb. Pilipinas-Globe 2018 Michele Gumabao na sumailalim siya sa ilang beauty enhancement processes. Ito ay matapos kumalat na nagparetoke siya upang mas gumanda pa siya. Ayon sa kanya, hanggang pagpapaayos ng kanyang ngipin lang ang nagawa niya. Nagpatulong siya sa isang sikat na dental clinic upang makuha niya ang kanyang magandang veneers. Wala naman daw masama sa pagpaparetoke. Kung gagawin niya man ito, hindi niya daw ito itatago. Ayon pa nga sa kanya, wala din daw siyang budget upang gastusin sa pagpaparetoke. Nagpapasalamat siya na maraming nagaganda-
han sa kanya. Puro natural daw ang kagandahang nakikita ng mga tao sa kanya. Hindi naman daw negatibo ang kanyang tingin sa mga chismis na ito. Publicity pa din daw ito para sa kanya. Kahit positibo ang kanyang tingin sa mga chismis na ito, iniiwasan niya pa din ang pagbabasa ng mga negatibo na komento. Ayon sa kanya, hindi daw maganda ang maidudulot nito sa kanya. Madi-distract lang daw siya mula sa kanyang trabaho bilang volleyball player at beauty queen.
Cardi B nanguna sa dami ng nominasyon sa MTV Video Music Awards 2018
NANGUNA ang sikat ngayon na rapper na si Cardi B sa dami ng kanyang nomination sa darating na MTV Video Music Awards (VMA) na gaganapin sa New York ngayong Agosto 2018. Umaabot ang kanyang nominasyon sa 10 ng 25-anyos na New York singer. Kabilang sa kanyang nominasyon nito ay ang best artist at best new artist ganoon din ang best video, collaboraion at choreography. Sumikat si Cardi B noong Agosto 2017 sa kaniyang kanta na “Bodak”. Makakatunggali naman ni Cardi B sa pagiging video of the year ang kanta ni Ariana Grande na “No Tears Left to Cry”, “Havana” ni Camila Cabello at “God’s Plan” ni Drake.
Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
AUGUST 2018 LAST ISSUE
23
BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Impormasyon ng Pilipino
Chismis na tinanggihan si John Lloyd Cruz ng ABS-CBN, 'di raw totoo AYON sa pamunuan ng ABS-CBN, hindi raw nila tinanggihan si John Lloyd Cruz nang humingi ito ng isang proyekto sa kanila. Ito ay matapos kumalat ang balita na hindi na raw Kapamilya talent ang award-winning actor. Kapamilya pa rin daw si John Lloyd, ayon sa statement mula sa ABS-CBN. Bukas daw ang pinto ng Kapamilya Network na bigyan siya ng trabaho kung gusto na niyang bumalik. Matatandaang inanunsyo ni John Lloyd na magkakaroon siya ng "indefinite leave" sa showbiz noong Oktubre 2017. Mula noon, ilang beses nang nakita si John Lloyd na kasama ang aktres na si Ellen Adarna. Usap-usapan din ang pagkakaroon nila ng anak. Huling nakita si John Lloyd sa isang malaking showbiz project sa pelikulang "Finally Found Someone." Katambal niya rito ang kanyang love team sa mga dating pelikula na "A Very Special Love" na si Sarah Geronimo. Dati rin siyang isa sa bida ng situational comedy series na "Home Sweetie Home."
Kylie Padilla at Ruru Madrid, balik-tambalan sa 'The Cure'
KUMPIRMADONG magbabalik-tambalan na sinaKylie Padilla at Ruru Madrid. Ito ay matapos mag-post si Ruru sa kanyang Instagram account at sinabi niya na magkakasama sila sa serye na "The Cure." Ang pangalan ni Ruru sa bagong serye ay Xavier. Gagampanan naman ni Kylie ang karakter na si Adira. Ang serye na ito ay ang unang beses na magkakaproyekto si Kylie mula nang manganak siya. Matatandaang natigil siya sa kanyang paglabas sa "Encantadia" nang siya ay mabuntis sa anak nila ni Aljur Abrenica. Sa "Encantadia" rin unang nagsama si naRuru at Kylie. Naging malaking parte ng serye ang mga karakter nila na si Ybrahim at
Amihan kaya nanghinayang silang dalawa sa pagkakaudlot nito. At,hindi nakasal ang kanilang mga karakter. Ang proyekto rin ang unang serye matapos opisyal na wakasan ng GMA ang tambalang Ruru at Gabbi Garcia. Marahil ito ang paraan ng GMA upang magkaroon ng ibang love team si Ruru.
Maris Racal, may rivalry kay Loisa Andalio?
Kambal Karibal, magtatapos na matapos ma-extend ng pitong buwan
KAHIT sila ay magkaibigan pa rin, inamin ni Maris Racal na may rivalry silang dalawa ni Loisa Andalio. Ito ay dahil sa marami raw silang fans na pinagbabangga silang pareho. Itinanggi rin ni Maris na nag-away sila dahil sa isang lalaki. Ang misunderstanding daw na ito ay naging dahilan kung bakit naging maingat na silang dalawa sa paggamit ng social media. Buti na lang daw at maayos naman daw sila. Matatandaang may sinagot si Maris na isang netizen na nagkumpara sa kanya kay Loisa at Janella Salvador. Dating mag-best friends sina Loisa at Maris. Isa samgadahilan kung bakit hindi na ganoon kalakas ang kanilang relasyon ay nang halos wala nang oras silang magkita sa labas ng trabaho. Sa ngayon, ang pinakamalapit na kaibigan ni Maris ay si Sue Ramirez. Naging magkaibigan sila matapos silang akusahan ng mga netizens na magnobya na lesbian. Natawa na lang daw siya sa chismis na ito.
Opisyal nang magtatapos ang serye ng GMA na Kambal Karibal. Ang teleserye na ito, na sa una ay magtatagal lang dapat ng walong linggo, ay na-extend nang na-extend hanggang umabot ito ng walong buwan. Ang serye na pinagbibidahan ni naMiguel Tanfelix, Pauline Mendoza, Kyline Alcantara at Bianca Umali ay magtatapos sana noong Pebrero. Nang makita ng GMA na mataas ang ratings, pinatawan ito ng extension hanggang Mayo. Papalitan sana ito ng serye ni Nora Aunor na "Onanay." Subalit, dahil sa mataas pa rin ang ratings, aabutin ata ito hanggang Agosto. Ang show na ito ay ginawa lamang dahil naghanap ang GMA ng isang paraan upang i-fill ang isang bakanteng timeslot nila. Mula sa pagiging filler show, naging malaking tagumpay ito para sa GMA Network. Wala pang opisyal na anunsyo mula sa GMA kung kailan ang huling episode ng "Kambal Karibal." Ang sigurado lang ay magtatapos ito sa kalagitnaan ng Agosto.
23
Tweet ni Idol Kumusta mga Ka-Daloy? Ito ang ating "Tweet Ni Idol" ngayong buwang ito:
Tara!
( CLICK PHOTO TO FOLLOW THEM ON INSTAGRAM )
Anne Curtis (@annecurtissmith)
"Met one of my fave k drama actresses last night. Had to fight so hard to be cool and super chill! and definitely no pictures to respect her privacy. Hahahaha! I’ve learned to appreciate my own fans so much more with moments like this."
Sunshine Dizon (@m_sunshinedizon)
"Just got home from work and this is what i come home to. Love you my bubut Doreen️ You and Anton are my greatest gifts from Jesus "
Bianca Gonzales (@iamsuperbianca)
"#PreggySetGo Thank you @_MagandangBuhay for having me! "
Carla Abellana, pangarap makatrabaho si Piolo Pascual
BAGAMA'T masaya si Carla Abellana sa kanyang mga proyekto sa GMA, inamin niya na gusto niyang makasama sa isang pelikula o serye ang Kapamilya Hunk na si Piolo Pascual. Karamihan daw kasi ng mga Kapuso stars ay nakatrabaho na niya. Ayon kay Carla, wala raw artistang babae ang aayaw sa isang proyekto na kasama si Piolo. Aniya, isang malaking institusyon na raw si Piolo sa industriya. Kahit sino pa man ang ipares sa kanya na artista ay magiging matagumpay daw ang proyekto. Gusto r aw niyang ang magiging proyekto niya kasama si Piolo ay isang comedy movie. Sanay na raw kasi ang mga tao na makita ang aktor sa drama. Nais din daw na makatrabaho ni Carla si Bea Alonzo. Nakausap niya raw minsan si Bea at biniro niya ito na kahit maging PA niya ay gagawin niya. Si Aga Muhlach at Judy Ann Santos ay nasa listahan din ng mga ibang artista na gusto ng makatrabaho ni Carla.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
M
araming maraming salamat po mga Ka-Daloy sa maraming taong pagtangkilik ninyo sa ating dyaryo. Sa paglabas ng mga bagong paraan ng pagsagap ng mga impormasyon gaya ng online website, Facebook at iba pa, dumating na ang tamang panahon para sa pagtiklop ng Daloy Kayumanggi.
Subalit, patuloy pa rin ang pagseserbisyo ng Daloy Kayumanggi Store (DK Store). Ang newspaper lang ang mawawala pero nandiyan pa rin kami para sa inyo. Bumisita lamang sa aming website sa www.DK6868.net o kaya sa aming Facebook account (https://www.facebook.com/ daloykayumanggi) para po sa aming mga promo at discounts sa mga produktong binebenta po namin. Muli po kaming nag papasalamat sa maraming taon pagtangkilik sa DaloyKayumanggi Newspaper.
Mabuhay po kayo!