The Pinoy Chronicle April Second Issue

Page 1

APRIL 2014 SECOND ISSUE

Daloy Kayumanggi

ENRILE, ESTRADA AND REVILLA APPEAL VS OMBUDSMAN

Impormasyon ng Pilipino

SUNDAN SA PAHINA 2

IKA NGA NI KONSUL PAHINA 3

"MAHAL NA ARAW" PAHINA 4

YOUR WEEKLY HOROSCOPE PAHINA 6

PINOY-BIZZ PAHINA 7

RWANDA 20 YEARS AFTER GENOCIDE

DOJ PUMANIG KAY VHONG NAVARRO

YES TO BISTEK ANG PUSO NI KRIS

SUNDAN SA PAHINA 3

SUNDAN SA PAHINA 2

SUNDAN SA PAHINA 7

ALTERNATIBONG MASASAKYAN ANG SUHESTIYON NG MALACANANG

T

ila doble pasakit na ang iniinda ng mga Pilipinong mananakay mula nang simulan ang re-blocking sa kahabaan ng EDSA. Hindi pa nga nasosolusyunan ang problema sa kakulangan ng tren ng MRT, idadagdag pa ang mas lalong sisikip na daloy ng trapiko dahil sa reblocking sakaling sumakay ka naman ng pampublikong bus. Ngunit umaani ngayon ng batikos ang Malacañang sa mundo ng social media hinggil sa suhestiyon nila upang magkaron ng kaunting ginhawa ang mga "commuters". Ayon kay Presidential Communications Operations Office head Herminio Coloma Jr sa isang press briefing na ginanap, "Yung MRT lang ba ang puwedeng sakyan sa mga rutang dinadaan nito? Baka naman puwede pang matuklasan yung iba pang options". Hinihikayat ni Coloma na piliing sumakay ng Bus ang mga commuters upang 'di na rin maabala sa pagsakay ng MRT. Iginiit pa niya na bagama't mas makakatipid at mas mabilis ang pagsakay ng MRT hangga't hindi pa dumarating ang mga karagdagan tren ay sana'y subukan muna ang pagsakay ng mga bus. Tinatayang 500,000 katao ang sumasakay sa MRT araw-araw na higit ang dami sa kung ilan lamang ang kaya nitong isakay ayon sa pagkakadesenyo nito na 320,000 lamang.

2 PINAY RUNNER-UPS SA ASIA'S TOP MODEL

H

TRAVEL & ARTS PAHINA 5

indi man nasungkit nina Jodilly Pendre at Katarina Rodriguez ang prestisyosong titulo, higit pa sa nanalo ang kanilang pakiramdam sa pagkakataon na mapabilang sa patimpalak na nilahukan ng iba pang mga modelo sa buong Asya. Bagama't aminadong kapwa walang karanasan sa pagmomodelo ang dalawa, hindi ito naging hadlang upang hindi sila makaipagsabayan sa kanilang mga katunggali. Ayon kay Pendre na isang working student, ni sa hinagap ay hindi niya pinangarap maging isang modelo. Ngunit tila tadhana na ang nagtulak sa kanya upang subukan at patunayan na karapat-dapat siyang tanghaling Asia's Top Model. "Kapag meron akong goal, 'di nawawala yung focus ko. Hindi nawawala yung confidence ko (kasi) naniniwala ako na kaya kong makuha iyon. You really attract what you want," ani ni Pendre. Ang mapalad na nagwagi at itinanghal na Asia's Top Model ay walang iba kundi ang pambato ng Malaysia na si Sheena Lim. Ginanap ang Finale sa Tanjong Jara Resort, Kuala Terengganu, Malaysia.

MANNY PACQUIAO

PINATUNAYANG

SIYA ANG POUND S

a pangalawang pagkakataon napatunayan ni Pambansang Kamao Manny “ Pa c m a n” Pa c q u i a o n a karapatdapat siya para sa titulong WBO Welterweight Champion.

SUNDAN SA PAHINA 2

FOR-POUND

KING


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 2

I

mula pahina 1 nirekumenda n g De p a r t m e n t of Justice (DOJ) na kasuhan ang kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo ng illegal detention at grave coercion hinggil sa insidenteng mauling sa actor-host na si Vhong Navarro na naganap noong gabi ng January 22 ng kasalukuyang taon. Sa 42 pahinang resolusyon na isinumite ng DOJ, ang pinagbasehan nang malakas na ebidensya laban sa dalawa ay ang pagkakatali ng mga kamay ni Navarro paglabas ng condo unit ni Cornejo. Kitang kita rin ang inabot na bugbog ni Navarro sa kamay ng mga tauhan ni Lee. Idagdag pa ang pagtanggi nila i- report ang pangyayari sa mga security guard ng Forbeswood Height. Ayon pa sa DOJ matibay ang ebidensya at ang motibo ng insidente ito ay walang iba kung 'di ang mauling at extortion na aabot sa 2 milyon ang pera sanang huhuthutin ni Cedric Lee kay Navarro. Sa kabilang banda, kakasuhan din ang iba pang sangkot kabilang ang kapatid ni Cedric Lee na si Bernice Lee, at mga kasaman nilang sina Simeon Raz, Jose Paolo Guerrero Calma, Ferdinand

Guerrero at Sajes Fernandez Abuhijleh. Dagdag ng DOJ, ayon sa 248 of the Revised Penal Code ang sinuman na makasuhan ng serious illegel detention ay nahaharap sa pagkakakulong ng walang piyansa. Ibinasura din DOJ ang kasong rape ni Cornejo laban kay Vhong Navarro.

wwe ultimate warrior pumanaw na

I

kinagulat ng marami nang mapabalita na pumanaw na ang World Wrestling Entertainment wrestling icon na si Ultimate Warrior. Ipinanganak bilang James Hellwig, nakilala si Warrior bilang isang professional wrestler noong dekada 80’s at 90’s kung saan tinalo at inagaw niya ang belt ni Hulk Hogan sa tinaguriang WWE The Ultimate Challenge. Labis ang pagdadalamhati ng buong mundo lalong-lalo na ang mga WWE fans na kinalakihan si Ultimate Warrior bilang kanilang ultimate hero nang matalo niya si Hulk Hogan. Nag-uumapaw naman ang simpatya ng iba pang WWE wrestling stars via Twitter sa asawa nitong si Danah at mga anak. “RIP WARRIOR. Only love. HH” –Hulk Hogan “Devastated to hear of the passing of @ UltimateWarrior” – Chris Jericho Bagaman hindi na inilabas ang tunay na dahilan ng kanyang pagkamatay, nagagalak pa rin ang WWE na nagkaroon sila ng pagkakataon na maisama si Ultimate Warrior sa hanay ng WWE Hall of Fame at nagawa pa nitong makapunta upang pasinayanan ang pagkilala na ito. Ang huling mensahe niya sa kanyang mga tagahanga: “No WWE talent becomes a legend on their own,” sabi ng sikat na wrestler. “Every man’s heart one day beats its final beat. His lungs breathe their final breath. And if what that man did in his life makes the blood pulse through the body of others and makes them believe deeper in something that’s larger than life, then his essence, his spirit, will be immortalized by the storytellers -- by the loyalty, by the memory of those who honor him, and make the running the man did live forever. “I am the Ultimate Warrior, you are the Ultimate Warrior fans and the spirit of the Ultimate Warrior will run forever.”

April 2014 second issue

mula pahina 1

N

akasalalay ngayon sa Ombudsman kung haharapin nina Senator Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada ang maaresto at makulong sakaling tumanggi ito sa kanilang pag-apela hinggil sa pork barrel scam at kapag iginiit ng anti-graft court ng Sandiganbayan na dapat silang kasuhan ng plunder na walang piyansa. Ayon kay Jose B. Flaminiano dating legalcounsel nang noo’y hinatulan ng guilty sa

mula pahina 1

kasong plunder na si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, ang tanging legal option na lamang ng tatlo ay motion for reconsideration. Sa isang panayam naman kay Senate President Franklin Drilon, ang tatlong senador kabilang pa ang ibang akusado ay bibigyan naman ng pagkakataon na humiling sa Ombudsman na i-reconsider ang magiging desisyon nito. Dagdag pa ni Drilon “The case can then be filed at the Sandiganbayan, or it can be dismissed if the Ombudsman finds merit in the motion for reconsideration.” Giit naman ni Rene Saguisag na dati ring defense lawyer ni Mayor Estrada na posibleng mapiit ang tatlong senador sa Sandiganbayan hanggang sa mapatunayang wala nga silang sala. Maaari nilang kaharapin ang habangbuhay na pagkakakulong at pagbawi sa anumang ariarian nila sakaling mapatunayang guilty sila ng Sandiganbayan. Nauna nang napabilita na milyun-milyon ang naging kickback ng tatlo mula sa pork barrel scam- Enrile 172M; Revilla 242M at Jinggoy 183M.

N

aging kontrobersyal ang una nilang paghaharap ni Timothy “Desert Storm” Bradley taong 2 0 1 2 ku n g s a a n s a k s i a n g milyun-milyong boxing fans nang talunin ng huli si Pacman. Umani ng samu’t saring pagproprotesta hinggil sa pagkakatalo ni Pacman dahil kitang-kita sa laban na lamang na lamang sa puntos si Pacquiao. Ikinagulat ng marami nang tanghaling bagong Welterweight Champion si Bradley na naging hudyat upang maghamon ng rematch si Bradley para mapatunayan ang kanyang sarili. Sabado, Abril 12, 2014, Las Vegas, muling nagharap sina Pacquiao at Bradley upang bawiin ni Pacman ang kanyang titulo bilang welterweight champion. Sa unang round ng laban kitang-kita ang nag-iinit na si Bradley habang kalmado naman ang ating Pambansang Kamao. Pagdating ng round 2 nagkaroon ng tyansa si Pacquiao na ma-corner si Bradley at binigyan niya ng dalawang magkasunod

patay na si archie!

S

ino nga ba ang hindi nakakakilala sa comic book character na si Archie? Bawat teenager ay dumaan sa pagbabasa ng sikat na sikat na Comic Book na ito mula noong 40’s. Binubuo ito ng magkakaibigang teenagers na sina Archie Andrews, Betty Copper, Veronica Lodge, Reggie Mantle at ang pinakakwela sa lahat na si Jughead Jones. S i n u b ay b aya n n g marami ang buhayteenager hanggang college ng karakter ni Archie at ngayon ngang darating na Hulyo, ay

p a p a t ay i n n a ang karakter ni Archie. Sa isang flash-forward series na ilalabas n g a y o n g s u m m e r, a y masasawi ang karakter ni Archie dahil sa pagliligtas ng isang kaibigan. Ang “Life with Archie #36 sa ilalabas sa Hulyo ang magsisilbing saksi sa dahilan ng pagkasawi ni Archie Andrews. Ayon sa publisher at co-Chief Executive Officer na si Jon Goldwater “We’ve been building up this moment since we l a u n c h e d “ L i fe o f Archie” five years ago, and knew that any book that was telling the story

na straight-combination ng kanan at kaliwa. Muli na naman nakalamang si Pacman nang tamaan ng kanyang kanang kamao si Bradley sa round 3. N a ka b aw i n a m a n s i B ra d l ey n a n g mapuruhan ng kanyang kanang kamao si

Pacman sa round 4. Agad naman nakaganti si Pacman sa round 5 nang dalawang beses muntik bumagsak si Bradley dahil sapul na sapul siya ni Pacquiao. Agaw atraksyon naman si Mommy Dionisia Pacquiao sa kalagitnaan ng round 6 nang mahagingan siya ng camera na tila dinadasalan si Bradley na naging viral sa Internet. Pagdating ng round 7 mas lalong pumabor ang score card kay Pacquiao dahil inulan na naman ng suntok si Bradley. Dahil dito tila nawalan na ng balanse si Bradley dahil muntik na naman itong bumagsak pagdating ng round 8. Bagama’t nakaganti si Bradley ng suntok kay Pacquiao pagdating ng round 9 agad naman naka-counter attack ito ni Pacman kung kaya’t muntikan na naman itong bumagsak. Pagdating ng round 10 isang malakas na left hook ang tinanggap ni Bradley na gumanti naman ng round 11 at binigyan ng counter right si Pacquiao. Round 12, marami ang nababahala dahil hindi pa din nana-knock out ni Pacquiao si Bradley. Mas lalo pang nabahala ang lahat ng magkaron ng cut sa kaliwang kilay si Pacman na patuloy na nagdurugo habang tinatapos ang deciding round. Ngunit hindi naman binigo ni Pacman ang sambayanang Pilipino. Sa isang unanimous decision, 116-112;116-113;118-110 muli nang nabawi ni Manny “Pacman” Pacquiao ang WBO Welterweight Champion mula kay Timothy “Dessert Storm” Bradley upang maitala ang kauna-unahang pagkatalo n i B ra d l ey s a ka s ays aya n n g ka nya n g professional boxing.

dahil sa reproductive health law, aborsyon legal na

of Archie’s life as an adult had to also show his final moment.” Dagdag pa niya, magkakaroon ng multiple formats ang naturang magazine: magazine size, two comic-size issue at paperback. Iginiit naman ng spokesperson ng comic book na hindi maapektuhan ng flash forward series ang present-day series ng A rc h i e a t p a t u l oy p a rin a n g ka nya n g m ga adventure bilang isang typical teenager.

I

to a n g p a n i n iwa l a n i Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) dahil sa pagpapatupad ng Reproductive Health (RH) Law. Noong Enero sa PICC hinalimbawa ng Arsobispo ang naganap na pagpupulong ng iba't ibang grupo, kabilang ang mga kinatawanan ng World Health Organization (WHO), at pamahalaan kung saan tinalakay nila ang mga contraceptives na magdudulot ng aborsyon. Dahil sa RH Law na mapapatupad at dadagsa na ang pondo para sa programang

pipigil sa paglaki ng populasyon ng bansa. Naniniwala ang Arsobispo na mapapatupad ang RH Law dahil sa mga pressure at personal na desisyon. Binigyan diin pa ng arsobispo na pormalidad lamang ang legalidad ng RH law para sa mas malaking pondo at pagpasok ng mga abortifacient drugs at iba't ibang uri ng mga contraceptive sa Pilipinas.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

April 2014 second issue

page 3

NEXT tax hike, possible in december

P

rime Minister Shinzo Abe will most likely make a decision on whether to raise tax again from its current state 8% to 10%, by December. Starting April 1 the 5% to 8% tax increase was the first in 17 years in Japan, its the first of two steps to boost tax collection by 10% in October 2015 as part of the government's effort to curb the nation’s massive public debt. Prime Minister Shinzo Abe went shoppping at a department store in Tokyo and spent 40,000 yen and told the reporters that he personally wants to see how sales tax hike affecting consumers spending. Abe will observe the impact of tax hike on economy starting April 1, as well as Japan’s economic performance during the summer and early autumn before deciding to go further on his next tax increase.

ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio

REPORT OF BIRTH

K

philippines won the tourism award in india

T

he Department of To u r i s m w a s v o t e d as "The Best National Tourism Organization 2013" by the travel and tourism professional in South India. Last year DOT's was recognized by the South India Travel Awards for its successful branding campaigns and roadshows in various cities in India, the Philippines organized roadshows and one location meeting with filmmakers in the region to promote various destinations, facilities, and business to business deals to attract business investors. The South India Travel Awards was the first of the four regional

recognition events supported by Indian Ministry of Tourism leading to the nationwide India Travel Awards scheduled later in this year. India contributed 52,206 visitors to the Philippines, a 12.53% increase from the 46,395 visitors recorded in 2012. Ramon R. Jimenez, Jr. said in his statement that "We are pleased to know that our Indian counterparts recognize and appreciate how serious we are in what we do. India is one of our priority opportunity s o u rc e c o u n t r y m a rke t s w i t h potential for high growth. This award will definitely inspire the industry stake holders to raise our country's comparative advantage

resident Paul Kagame a n d U. N S e c re t a r yGeneral Ban Kim o o n , to g e t h e r l i f t the flame at the Kigali Genocide Memorial Center recently to commemorate the 20th anniversary of its devastating genocide in which machete and gunfire attacks killed more than 1 million people. United Nation U.S. ambassador - Samantha Power, attended the ceremony and said genocide is a " devas ta ting re mi n d er t h at nightmares seemingly beyond imagination can take place." Ceremonies will continue at Kigali's main sports stadium where thousands of people will participate

in an evening candlelight ceremony. Rwanda's 1194 genocide was carried out by extremist Hutus against Tutsis and some moderate H u t u s . K a g a m e h a s g a r n e re d re c o g n i t i o n s f o r e n d i n g t h a t violence and making advances in economic developement and health care, although he was also criticized for his authoritarian control.

in terms of product offerings, as well as conduct more in-depth studies of this market segment to better prepare and match evolving preferences"

rwanda 20 years AFTER genocide

P

FIL-AM transgender in NEW york to come out again in may 3rd

ika nga ni konsul

O

n May 3, Geena Rocero, a Pinay transgender model in New York who modeled for companies like Hanes, Target, Macy's and Rimmel Cosmetics will come out again before the Philippine American community to speak at the NextDayBetter's Defining Breakthrough series where she will introduce Gender Proud, her advocacy group that is working toward a "more progressive gender marker legislation." This series will be held at the Center for Social Innovation in New York City. Geena said that "Our suicide rate is nine times higher that the general population" and she'd like to lend her voice "to help others live their truths." NextDayBetter is a platform for exploring world-changing ideas that inspire and "move humanity Forward." It's CEO and co-founder Ryan Letada.

ayo po ba ito? Isa po ba kayo sa nagtatanong sa Pasuguan ng Pilipinas: “Paano mapapatunayang ang isang bata ay Pilipino at maaaring makinabang sa lahat ng karapatan at maging saklaw sa lahat ng pananagutan ng bawat Pilipino?” Sa pamamagitan ng pagrehistro ng kapanganakan, nakikilala ang isang bata bilang mamamayang Pilipino. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo 4, Seksyon 1, ang mga sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas: (1) Mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng 1987 Konstitusyon; (2) ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) Mga isinilang bago sumapit ang ika-17 ng Enero 1973 ng Pilipinong ina at namili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) Mga naging mamamayan ayon sa batas. (naturalized Filipinos). Ayon sa batas, obligasyon ng magulang na mairehistro ang bata sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos ang kanyang kapanganakan. Kung lampas na ang tatlumpung araw, ang pagtatala sa kanya ay proseso na nang “late registration”. Upang mairehistro ang kapanganakan ng isang mamamayang Pilipino sa Japan, kailangang ipasa ng mga magulang ng bata sa Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo ang orihinal at apat (4) na kopya ng mga sumusunod: 1. Report of Birth Forms na maaaring makuha sa website ng Pasuguan o sa Pasuguan. Kailangang pare-pareho ang mga detalye, orihinal ang lahat ng pirma sa apat na kopya ng ulat ng pagsilang sapagkat dadalhin ang tatlo rito sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan – sa DFA, NSO at sa Embahada ng Pilipinas. Ang applikante ang kukuha ng pang-apat na kopya. 2. Birth Certificate o “Shussei Todoke no Kisai Shomeisho” ng bata na may hanko ng City Hall at Ospital kung saan ipinanganak ang bata upang mapatunayan ang mga detalye ng kapanganakan ng bata. 3. Marriage Certificate o Report of Marriage ng mga magulang upang mapatunayang kasal ang mga magulang. Kung ang mga magulang ng bata ay hindi kasal sa isa’t isa, kailangang gumawa ang ama ng “Affidavit of Admission of Paternity” upang maipangalan ang bata sunod sa apelyido ng ama. Kung wala ito, hindi mairerehistro ang bata sa pangalan ng ama. Bagkus, ang dadalhin ng bata ay ang apelyido ng kanyang ina at walang panggitnang pangalang ilalagay sa itatalang birth certificate ng bata. 4. NSO-certified Birth Certificate at Valid Passport ng inang Pilipino. Kung ang ina ay hindi Pilipino, maaaring magbigay ng kopya ng kanyang passport o kahit anong valid ID. 5. NSO Birth Certificate at Valid Passport ng amang Pilipino. Kung ang ama ay hindi Pilipino, maaaring magbigay ng kopya ng passport o kahit anong valid ID. 6. “Affidavit of Delayed Registration” kung ang Report of Birth ay ipinasa ng lampas sa tatlumpung araw pagkatapos ng pagkapanganak sa bata. 7. “Affidavit of Legitimation” kung ang bata ay ipinanganak bago makasal ang mga magulang. Sa pagkakataong ito, kailangang ang mga magulang ay walang hadlang sa pagpapakasal nang mabuntis ang ina ng bata. 8. Para sa mga batang limang (5) taong gulang at pataas na hindi pa naiirehistro, kailangang magsumite ng NSO Certificate of No Birth Record upang mapatunayang ang bata ay hindi pa rehistrado sa Pilipinas. Mangyari po lamang na ang kopya ng mga dokumento ay dapat nasa A4 size ng papel. Itatala ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ang mga batang ipinanganak sa mga sumusunod na probinsya sa Japan: Nagano, Niigata, Shizuoka, Yamanashi, Gunma, Saitama, Kanagawa, Tokyo, Chiba, Ibaraki, Tochigi, Fukushima, Yamagata, Miyagi, Iwate, Akita, Aomori, Hokkaido at Okinawa. Ang Konsulado sa Osaka ang magtatala ng pagkapanganak ng mga batang galing sa iba pang prefecture sa Japan. Bawat bata ay may karapatang magkaroon ng pangalan at mairehistro sa tamang paraan. Sa pagkakaroon ng pangalan at pagrerehistro ng bata, maaari nang magkaroon ang bata ng karapatang mabigyan ng pasaporte ng Pilipinas. Ang bawat Pilipinong magulang ay may tungkuling ibigay sa bata ang kanyang mga karapatan at ang pagpaparehistro sa bata ang unang hakbang para dito. Tandaan, kapag ayon sa batas, lutas!


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 4

April 2014 SECOND issue

MAHAL NA ARAW

PALASPAS

M

Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

ahal na Araw o Semana Santa (espanyol) ay isang linggong paggunita sa pagkamatay at pagkabuhay ni Jesus Kristo na ayon sa lumang bibliya, si Jesus Kristo ay nagsakripisyo hanggang mamatay upang tubusin ang kasalanan ang sanlibutan. Ang Mahal na Araw ay nagsisimula sa Linggo ng Palaspas na sa Ingles ay Palm Sunday o Salubong. Ayon sa bibliya ito ang ng pagdating ni Jesus sa Hesusalem ,lahat ng naniniwala ni oyee barro araw sa kanya ay nagbubunyi na may dalang kaputol na sanga ng Anahaw at iwinawagayway tanda ng masayang pagsalubong kay Jesus. Ang mga sumunod na mga araw na Lunes at Martes, ay pagninilay-nilay lamang, at pagsapit ng Miyerkules, ayon sa aking nakalap na impormasyon, ito ay tinatawag na Spy Wednesday o araw ng pag-espiya. Marahil marami sa atin ang hindi ito naririnig, ngunit ito ang araw na isa sa mga disipulo ni Jesus na si Hudas Iscariot, ay tumanggap ng 30 piraso na pilak kapalit ng pagtuturo kung sino si Jesus. Ngunit ito ay nagsisi, ibinalik ang pilak at nagbigti. Ang kasunod ay Huwebes Santo o Maundy Thursday, kung saan naganap ang Last Supper (huling Hapunan) Ibinahagi ni Kristo ang isang putol ng tinapay sa kanyang mga disipulo at pinagsaluhan ang isang tasang katas ng ubas (wine) at pagkatapos hinugasan ni Jesus ang mga paa ng kanyang mga disipulo at nag-utos (mula sa 10 utos ng diyos) na simula sa araw na iyon “Kayo ay magmamahalan gaya ng pagmamahal ko sa inyo”. Bago natapos ang gabing iyon si Hesus ay hinuli ng mga Hudyo habang s'ya ay nasa Garden of Gethsemane, iniharap sa mga pari at kay Pontio Pilato. Hindi madesisyunan ito kung kaya't tinanong ang buong bayan at isinigaw ng karamihan na si Jesus ay ipako sa Krus. Naghugas ng kamay si Pontio Pilato bago idiniklara ang desisyon na iyon. Biyernes Santo o Good Friday, Araw ng pagpako sa Krus at kamatayan ni Hesus. Ito ang araw na ang may edad na mahigit 14 na taon at mababa sa 60 taon ay dapat lamang kumain ng isang beses sa isang buong araw na kung tawagin sa wikang Ingles ay fasting bilang sakripisyo para sa kamatayan ni Jesus Kristo. Sabado de Gloria o Holy Saturday ang huling araw ng Mahal na Araw, ito ang araw ng preparasyon sa muling pagkabuhay ni Hesus, kung saan ang mga deboto ay isang buong araw at magdamag na pagdadasal habang nag titirik ng kandila. Ang sumunod nito at ang Pasko ng Pagkabuhay ni Jesus Kristo o The Resurrection of the Christ kung saan malayo na ating nakaugaliang Easter Sunday, ang Pagkabuhay ni Kristo ay isinabay lamang sa ritwal sa pagyabong ng itlog ng kababaihan na ang nagrerepresenta at itlog. Ito ay upang maengganyo o mahikayat ng mga Kristiyano. Sa makabagong panahon, nauso na ang pagpipinta ng iba’t ibang kulay sa itlog tanda ng selebrasyon ng Easter Sunday Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ginugunita ang Mahal na Araw, kahit pa ito ay hindi kasama sa opisyal na bakasyon gaya dito sa Japan. Ang mga Pinoy dito gaya ng nasa iba pang bansa ay ginugunita ang pagkamatay at pagkabuhay ni Jesus sa pamamagitan ng Pagsisimba sa mga Katolikong Simbahan. Sa modernong panahon naman, ang Holy Week lalo na Pilipinas ay tanda ng tag init kung kaya’t marami sa ating mga kababayan ang nagpupunta sa mga probinsya na may malapit na dagat kasama ang buong pamilya upang mag-swimming, mag-relaks at iwanan panandalian ang mga trabaho. Dahil ang Pilipinas ay kilala na may magagandang beach resort gaya ng Boracay, Kalibu Aklan, ito at dinadayo ng mga turista galing pa sa iba’t ibang panig ng Mundo. Ika nga ng DOT ...

Maundy Thursday

” it’s more fun in the Philippines”

Holy Saturday


travel & arts 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

April 2014 SECOND issue

page 5

FINDING POTIPOT Tektso ni Irene B. Tria

ang daan patungo sa Potipot island. Pagpasok mo pa lamang sa resort ay dadaanan ka sa isang manmade bridge kung saan ang nasa ilalim mo ay isang ilog na talagang magbibigay sa iyo ng feeling na malapit ka na sa karagatan. Sa kanilang receiving area ay may dalawang living room na may malaking TV para sa kung sino ang nais muna manood habang inaayos pa ang kwarto na tutuluyan mo. Mayroon din educational/play den para sa mga bata at isang piano na bukas sa sinuman nais tumugtog. Mayroon din silang playground kung saan sa gabi ay nagiging nest ng kanilang alagang peacock. Ang kanilang poolside naman ay mayroon shower area at bathroom sa palibot nito upang makapagbanlaw muna ang mga bisita bago bumalik ng kwarto. Kaya mas lalong mai-enjoy ng mga bata ang pool

K

abilang sa CNN top 10 most googled destinations ang Potipot Island, kung kaya't marami ang mas naeenganyo na pumunta rito. Kung hanap niyo ay isang relaxing place under the heat of the sun, tara na sa Potipot Gateway resort

dahil sa slide and mini falls ng pool. Buffet breakfast, lunch at dinner na kasama na sa total package ng inyong pag-stay. Mayroon din silang inflated kayaks para sa mga gustong magkayak sa umaga, volleyball area para sa sporty, billiards at table tennis para sa mga boys, mga duyan para sa mga gustong magpahinga dahil napagod mag-swimming. Sa umaga inihahatid ng mga bangkero ang kanilang bisita patungo sa mismong Potipot island.

Ang potipot at halos karugtong na ng Pacific Ocean. Siguradong mare-relax kayo dahil bubungad sa inyo ang white sand ng Potipot plus the cool breeze dahil sa mga punong nakapaligid dito. Ano pang hinihintay n'yo o magpapahuli ba kayo? Bago isipin na mangibang bansa mas magandang libutin muna ang Pilipinas at tuklasin ang mga angking likas yaman nito.

Altar ng Baras Church

Paoay Church, Ilocos Norte

Simbahan ng Morong, Rizal

VISITA IGLESIA

Binondo Church

Paglalakbay at Pananampalataya Teksto at kuha ni Jane Gonzales

I

sa ang Visita Iglesia sa tradisyon na kinagiwaan, kung ‘di man ay kinagigiliwang, gaw i n n g m ga P i n oy s a tuwing sasapit ang Semana Santa. Sa paniniwalang ito kasi ay kasama na ang pagpunta sa pito o higit pang simbahan para dasalin at balikan ang station of the cross ni Hesu Kristo. Kadalasan na isinasagawa ito tuwing Huwebes Santo o Maundy Thursday pero mayroon din naman na gumagawa nito alin mang araw sa loob ng Holy Week o

Semana Santa. Dahil kasama na rito ang pagpunta sa magkakaibang bahaydasalan, pinaghahandaan ng ilang namamanata kung saan lugar sila magbi-Visita Iglesia. Kadalasan ito ay sa kung saan halos magkakatabi ang mga simbahan kaya n a ma n ay n a g i n g p a b o r i to n g ilan ang Lungsod ng Maynila na kayang lakarin lamang ang pagitan ng St. Jude Thaddeus Shrine, San Miguel Church (National Shrine of St. Michael and the Archangels), San Sebastian Church (Basilica Minore de San Sebastian) , Quiapo Church (Minor Basilica of the Black Nazarene), Sta. Cruz Church, Binondo Church (Minor Basilica

of St. Lorenzo Ruiz and Our Lady of the Most Holy Rosary Parish), Manila Cathedral (The Manila Metropolitan Cathedral-Basilica) at San Agustin Church. Pero para sa nais ding tumuklas ng iba pang magaganda at makasasaysayang simbahan na karamihan ay naitayo pa noong 15 century ay pumupunta pa sa probinsya. Hindi pahuhuli sa kategoryang ito ang lalawigan ng Rizal at Laguna na hindi malayo ang byahe mula sa Metro Manila. Katunayan kung lilibutin lamang ang mga simbahan nito ay madarama mo ang taimtim ng pananamplataya ng mga Katoliko. Ito ay sa kadahilanang ang mga lumang simbahan ay ilang ulit ng itinumba

ng bagyo at giyera, idagdag pa ang sunog at nakawan pero pilit pa ring itinatayo. Para naman sa partikular sa ganda at arkitraktura, atraksyon din sa kanila ang pagkakagawa ng mga simbahan. Kasama sa UNESCO World Heritage List bilang “Baroque Churches of the Philippines” ang Church of San Agustin (Paoay, province of Ilocos Norte), Church of Santo Tomas de Villanueva (Miagao, province of Iloilo), Church of Nuestra Señora de la Asuncion (Sta. Maria, province of Ilocos Sur) , at Church of San Agustin (Intramuros, Manila). Samantala para naman sa nais na mag-Visita Iglesia pero wala sa

bansa, ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay mayroong http://visitaiglesia. net/ kung saan may video at mga larawan ng simbahan. Narito na rin ang mensahe ni Santo Papa Francis. Pero higit sa paglalakbay sa simbahan kasama ang kabigan o pamilya, ang panawagan pa rin sa pagbi-Visita Iglesia ay ang pagninilay sa pinagdaanan ni Kristo at taimtim na pananampalataya sa kanya. Ito ay dahil na rin sa ang laman ng panalangin sa Station of the Cross ay ang kanyang mga pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay.


pinoy na pinoy 6 page 6

Aries - March. 21 - April. 20 Mahusay kung buo ang iyong loob parati pero minsan mabuti rin ang hindi. Ito iyong mga sandali na nagtatalo ang iyong isipan at puso na kung saan napagtatanto mo ang iyong kayang gawin pero labag sa kalooban mo. Kung tutukan mo ang pag-aanalisa, mas makikilala mo ang iyong kahinaan, kalakasan at natatagong kagustuhan sa buhay. Sino bang hindi dumaan dito? Wala! Pero ang taong napagtatagumpayan ang kanyang pagdadalawang-isip ay mas buong-buo ang loob sa kanyang mga ipinaglalaban.

Taurus - April. 21 - May. 21

Alam mo sa sarili mo na kung gugustuhin mo lamang ay tiyak na marami kang matatapos at magagawa pang trabaho. Katunayan ay kakayanin mo na pagsabayin ang dalawang magkaibang gawain o larangan kung iyong pupursigihin. Kaya naman huwag mong hayaan na talunin ka ng katamaran at simulan ng magbanat ng buto. Sa huli ay ikaw rin naman ang masisiyahan sa iyong kapasidad at tagumpay na iyong tinatamasa. Sorry na lang sa iba na hindi masundan ang sigasig mo sa buhay.

Gemini - May. 22 - June. 21

Panahon na rin para ilabas ang nilalaman ng iyong isipan dahil ang antas nito ay higit pa sa pamamahayag gamit ang sining na gaya ng pagpipinta, pagsusulat o pagkuha ng litrato. Diretsahan mo ng ibigay ang iyong opinyon sa isyung lubhang bumabagabag na sa iyo at sa mga taong nasa paligid mo. Ibulalas mo na nga kung ano ang kanilang dapat marinig para matigil na ang kanilang pagmamaang-maangan. Huwag kang mag-alala kung ano ang sasabihin nila dahil ang mahalaga ay solusyon sa problema.

Cancer - June. 22 - July. 22

Kahit gaano pa ito kababaw, ang sama ng loob kapag matagal ng kinikimkim sa puso ay maaaring na lamang sumabog anumang sandali. Pwedeng hindi mo napapansin pero ang munting sama ng loob na ito ang dahilan kaya hindi ka nagtitiwala sa kanyang sinasabi o pagbabalewala sa inyong mga usapan. Huwag mong hintayin na lumalala ang iyong nararamdaman, ibahagi na ito sa kanya dahil baka hindi lamang niya alam ang maling kanyang nagawa. Sa bandang huli, baka ikaw pa ang magsisi sa matinding galit na iyong inaalagaan at pinalaki.

Leo - July. 23 - August. 22

Ang atensyon mo ngayon ay may kinalaman sa pananalapi at sa iyong mga pag-aari na tama lamang para sa iyong kinabukasan. Pero asahan mo rin na sa ganitong pagkakataon ay mararanasan mo ang tila kawalan ng suporta o pagiging hindi maasahan ng iyong mga kakilala. Pero bago ka magalit sa kanila, mabuting ituon mo na lamang ang iyong isipan sa mga kayang-kaya mong gawin na hindi mo kailangan sila. Sadyang may ganitong sitwasyon lalo na’t magkakaiba ang inyong pananaw sa buhay at may kanya-kanya kayong agenda.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Hangga’t maaari ayaw mo ng gulo o magsimula ng gulo. Pero dahil sa magkakasalungat na opinyon sa iyong paligid na direkta kang naaapektuhan, kailangan mo na ring kumilos. Piliin mong iwasan o lumayo pansamantala sa mga taong sangkot sa isyu dahil kung mainit ang kanilang mga ulo ay mahihirapan ka rin naman talagang makibagay. Ito na ang pinakainam na hakbang kung ayaw mong ikaw mismo ang gumitna at siyang magbati sa animo’y dalawang nag-uumpugang bato.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

April 2014 SECOND issue

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Kung sa palagay mo ay wala kang mapagkakatiwalaan at hindi mo masabi ang puwedeng mangyari, maniwala ka sa iyong kutob. Maniwala ka sa kakayahan mong magtimbang kung alin ang nararapat at nababagay sa iyo. Higit kanino man ikaw ang nakakilala sa iyong sarili kaya bakit mo palaging susundin ang payo ng iba. Ito ang panahon para matutuhan mong manindigan at ipursige ang iyong ibig kahit gaano pa ito kakaiba sa karaniwan. Tandaan ang nangingibabaw sa karamihan ay ang taong tunay na kakaiba at may paninindigan.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Bakit nga kapag dumating ang iyong hinihiling ay mayroong pa itong konting pagsubok? Tulad na lang ng oportunidad na may kinalaman sa iyong kareer o pag-ibig. Kung kailan may isa ka ng nais na pagtuunan ng iyong oras ay saka may darating pang isa na gugulo sa iyong damdamin. Mahirap mamili kung alin ang higit na kanais-nais o tukso lamang. Marapat lang na analisahin mo munang mabuti bago ka magdesisyon. Marahil ang una mong dapat sagutin ay kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay?

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Isa sa subok mo ng paraan para maging malapit sa ibang tao ay iyong pagiging kwela o masayahin. Katunayan dahil ganito ka ay nagkaroon ka ng koneksyon at may napagbabating mga magkakaaway. Subalit, minsan sa iyong paglalakbay may mga makakasalamuha ka na hindi lamang mahirap patawanin, kundi pinahihirapan ka ring basahin ang kanilang pag-uugali. Kung s’ya ay ang bago mong kasama sa trabaho o kagrupo sa samahan, ang kailangan mo lang ay magpatuloy sa pagiging magiliw at hayaan siyang magbukas sa kanyang mga saloobin.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Para bang may problema ka sa pag-abot sa langit? Bago ka mawalan ng loob, dapat mo ring tandaan na iba-iba ang imahe ng langit sa lupa. Pero puwede mong ituring na langit ang mga simpleng bagay na iyong napagtatagumpayan. Para itong pagkukundisyon sa iyong sarili na maging mapagpasalamat at patuloy na magsumikap. Huwag kang mag-aalala dahil ang tipo mo na mahusay na humanap ng oras at puno ng passion, hindi malabong maranasan mo ang estadong maikukumpara sa isang paraiso.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Ang maipit sa sitwasyon na ‘di maganda ay isang pagsubok at iba rin naman ang usapan kung ano ang pipiliin mo. Alin man sa manatili o subukang tumakas ay isang mahirap na hakbang. Ang manatili sa isang sitwasyon ay isang hamon kung gaano katatag ang iyong pasensya para mas matuto ka pa. Samantalang ang piliing magbago o tumuklas ng iba pang buhay ay hindi rin masama. Ibig sabihin lang nito ay alam mo kung ano ang laban na gusto mong pasukin. Anu’t ano man malalaman mo rin kung ano ang dapat.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Dala ng mapait na nakalipas o bagong kabiguan kaya marahil kahit simpleng bagay ay nagiging sensitibo ka. Karapatan mo na magkaroon ng pang-unawa sa iba at respeto kung ano man ang iyong kadalasan reaksyon base sa iyong tunay na nararamdaman. Pero huwag mo ring hayaan na palagi ka na lamang iniintindi at baka dumating ang punto ay mamalimos ka pa ng awa. Lumayo ka kung kailangan para makapagmuni-muni, tulungan mo ang iyong sarili na bumalik sa dating ikaw o totoong ikaw.


pinoy-BiZz April 2014 SECOND issue

page 7

BIG DREAM NI RYZZA, IBINIGAY NI BOSSING

I

sang taon na rin pa lang nagbibigay-saya ang tinaguriang Aling Maliit at pinakabatang TV host sa mundo na si Ryzza Mae Dizon sa kanyang sariling show na The Ryzza Mae Show. Puno ang studio nang ipinagdiwang ang nasabing anibersaryo ng mga manonood, supporters at special guests na bagay na ikinasiya ng 2012 Little Miss Philippines winner pero ang nagpaluha ng kagalakan sa kanya ay si Vic Sotto. “Natupad na rin ang pangarap mo na magkaroon ng magandang tirahan. Inaayos na lang nang konti ang kisame at pwede na nating ipakita sa mga Dabarkads ang iyong bagong bahay at lupa.

Congratulations Ryzza and Happy Birthday sa The Ryzza Mae Show!" Saad ni Vic o mas kilalang si Bossing sa recorded video n’ya. Ang sorpresa ni Bossing ay inilagay sa isang malaking gift box na binuhat pa nila Sen. Tito Sotto at Ruby Rodriguez para mabuksan ni Ryzza. Noong binuksan ito ng batang host ay isang susi na may pink at hugis bahay na keychain lamang ang laman. Para mabigyan linaw ba’t ito ang regalo ni Bossing, pinalabas ang recorded video message ni Vic at doon na nga nalaman na ito ay para sa kanyang bagong bahay. Halos ‘di matigil sa pagluha si Aling Maliit kaya inalo na siya ng kanyang mga kasama sa Eat Bulaga o Dabarkads. Sinabi ng kanyang mommy Riza na ito talaga ang pinakamalaking pangarap ng kanyang 8-taong gulang na anak na siyang tumatayo ring breadwinner ng kanilang pamilya. Sa nakalipas na isang taon ng kanyang programa ay sari-saring personalidad ang nakapanayam mismo ni Ryzza kabilang na ang mga bigating artista gaya nila Kris Aquino, Maricel Soriano, Marian Rivera at Mel Tiangco.

NO DEREK, YES TO BISTEK MGA KALABAN NI VHONG, DEHADO SA MGA ISINAMPANG KASO a paglabas ng desisyon at Ang 42 pahinang resolusyon base sa ng sinalihan niyang beauty contest. ANG PUSO NI KRIS buweltang kaso sa kanyang kanila imbestigasyon sa mga kasong Noong Abril 8 ay pormal na inirekla-

I

namin ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino ang pagkakamabutihan nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ito na rin nagtapos sa espekulasyon kung sino ang bagong nagpapatibok sa puso niya na kung saan nabanggit din sina Derek Ramsay at Daniel Matsunaga. Hindi na nga pinatagal ni Kris ang pagbunyag sa kanilang tunay na relasyon ng actor-politician na napabalitang hinahatid siya sa kanyang taping. Bago rin naman ang pag-amin ng TV host-actress ay itinanggi na ni Derek na may malalim silang kaugnayan nito. “And now, there is somebody in my life who is special. Weeks before any speculation about us came out, personal po siyang humingi ng permiso sa kuya ko. Maraming iniisip si PNoy (President Benigno Aquino III), kaya ang intindi niya noong time na ‘yon, na may gagawin kami ni Mayor para sa Quezon City. Until later, that same day noong nag-text kaming magkapatid, natawa na lang si PNoy na permission to date his sister pala ang hiningi. But that gesture gained the respect of my brother and my sisters, because it showed all of them na malinis ang intensyon para sa bunso nila. “Yes, my family welcomed him to join us during our get together, because they want to know him better, and they want him to get to know our family. Just like other Filipino families, we are very close and care deeply for one another. "Sa edad, napagdaanan at estado naming dalawa, alam naming na seryoso ang pinapasok namin. We both chose public careers that have given us deep fulfillment, and we do have exceptional professional and personal responsibilities. And part of that is being answerable to all of you. "Ito po ang una at huling pagkakataon na pag-uusapan ko si Mayor Herbert Bautista, sa punto ng buhay namin, whether in my shows, interviews or my personal social media posts,” saad pa ni Kris sa kanyang programang Aquino and Abunda Tonight kasama si Boy Abunda kamakailan. Halo-halo ang reaksyon ng madla sa namuong pag-iibigan na ito lalo na’t hinahaluan ito ng usaping politika at ang alam ng marami ay karelasyon pa ni Mayor Herbert si Tates Gana na ina ng kanyang mga anak na sina Athena (17-year old) at Harvey ( 10-year old). “We are a work in progress and it’s a joint project that both of us are happily undertaking with maturity, respect and commitment,” dagdag pa ni Kris sa kanyang bagong leading man sa tunay na buhay.

S

mga kalaban, tila pinapanigan ng hustisya si Vhong Navarro na nabugbog noong Enero 22. Ang hinaing kaso ni Deniece Cornejo, 22year old, sa kanya na rape case ay ibinasura ng Department of Justice (DOJ) habang sinang-ayunan naman ng ahensya na may sapat na katibayan ang illegal detention at grave coercion cases na hinain ng TV Host-comedian laban sa grupo ng dalaga. Bukod kay Deniece, hinabla rin ni Vhong sina Cedric Lee, Berniece Lee, Simeon “Zimmer” Raz Jr., Jed “Mike” Fernandez, Jose Paolo “JP” Calma, at Ferdinand Guerrero. Ang dalawang kaso ay ganti ni Vhong sa ginawang pananakit at pananakot sa kanya ng grupo nila Lee sa Forbeswood Heights Condominium Taguig. Pinaboran ito ng three-member panel ng DOJ na binubuo nina Assistant Prosecutors Olivia Torrevillas, Hazel DecenaValdez, at Marie Elvira B. Herrera.

ito na hindi puwedeng piyensahan, ay naisapubliko noong Abril 10 lamang. Kung babalikan naman ang kasong rape ni Deniece, sa salaysay ng dalaga, ay dalawang beses umano siyang ginahasa ni Vhong. Una na rito ay ang noong Enero 17 at nasundan noong Enero 22 kung kailan nagawa niyang makahingi ng tulong sa grupo nila Lee. Sa naging hatol ng DOJ, naging bukas si Deniece sa pagsasabing dismayado siya rito. Aniya’y masakit sa panig nilang tunay na biktima ito at nakatakda silang umapela para maiba ang hatol ng ahensya. Bukod sa kanya ay dalawang dalaga pa ang lumitaw para kasuhan din ng rape si Vhong at ito ay sina beauty pageant contestant Roxanne Cabañero (24) at stuntwoman Margarita “Mai” Fajardo (27). Kapwa itinanggi ng aktor ang akusasyon ng dalawa at sa pinakahuling update sa kaso ni Roxanne ay ang paghabla sa kanya

mo ng Slimmers World International sa Makati Regional Trial Court (RTC) si Roxanne na nakasira umano sa kanilang pangalan mula nang maisama sa salaysay nito laban kay Vhong ang kanilang kumpanya. Ang Slimmers World International ang nasa likod ng Miss Bikini Philippines pageant na sinalihan ni Roxanne noong 2010. Sa lawsuit ng Slimmer’s World ay hinihingan nila ang dalaga ng Php 1.6 milyon bilang danyos-perwisyo.

inagat ng dikya, kinompronta ang boyfriend ng kapatid at kinausap ang pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ito ang sunod-sunod na pangyayari sa kontrobersyal na si Anne Curtis na ngayon ay nagbibida sa bagong TV adaptation ng Dyesebel. Naganap habang nagso-shooting ng kanyang fantaserye ang pag-atake ng isang bugkos ng dikya sa kanya. Sa nailahathalang larawan ni Anne noong maisugod s’ya sa ospital ay makikita ang pammumula at pamamaga ng kanyang tagiliran. Bagaman agad siyang nalapatan ng lunas, binanggit niyang akala niya ay mamatay na siya dahil dito. “This is the closest I’ve ever been to death and I’ve never been so afraid in my life,” mensahe nito sa kanyang followers sa kanyang social media site. Sa ngayon ay nakabalik na sa pagtatrabaho ang dalaga. Samantala, hindi pa rin napuputol ang usap-usapan ang pagkompronta umano niya kay Sam Concepcion sa birthday party ni Vice Ganda na gi-

nanap sa Century City Mall in Makati City noong Marso 31. Si Sam ang napapabalitang nobyo ngayon ni Jasmine Smith, ang TV5 young star at nakababatang kapatid ni Anne. Ayon sa usap-usapan ay sinigawan umano ni Anne si Sam ng “Why are you here? Who invited you? You are not classy enough to be here!” Gayon din ng “Ba’t mo niloloko ang kapatid ko?. Hindi pa malinaw pero posibleng nag-react lamang umano ang host ng It’s Showtime sa isyu na nagkakamabutihan nina Sam at ang bida ng Mira Bella na si Julia Barretto. Muli sa pamamagitan ng kanyang social media account ay isiniwalat ni Anne ang kanyang panig. Sinabi niyang kinausap nga niya si Sam pero wala umanong sigawan at hindi lumabas sa kanyang bibig ang mga linyang sinabi daw niya sa party. Sa panayam naman ng press kay Sam, inamin nito na may naganap ngang komprontasyon pero naiintindihan niya si Anne bilang ate ni Jasmine at maayos ang kanilang relasyon ngayon. Aniya wala namang dapat ipag-aalala sa kanya dahil hindi

totoo ang isyu sa kanila ni Julia. Nag-aala rin nga ba si Anne kaya personal na siyang dumulog sa tanggapan ng BIR sa Quezon City kamakailan? Ito ay may kinalaman naman daw sa natanggap niyang letter of authority (LOA) na nagsasaad ng kanyang kakulangan sa pagbabayad ng buwis na kapag pinabayaan ay maaaring mauwi sa kasong may kinalaman sa tax evasion. Kinumpirma ni BIR commissioner Kim Henares ang pagbisita ng dalaga pero hindi na siya nagbanggit kung ano ang pakay ni Anne. Sinabi rin niyang wala siya sa kanyang opisina noong panahon na iyon at wala rin naman nakaschedule na appointment sa kanya ito.

NEGATIVE ISSUES KAY ANNE, NAGKAKASUNOD-SUNOD

K



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.