The Pinoy Chronicle Newspaper January 2014 First Issue

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

2013 YEAR END REVIEW

B

ago pa man matapos ang taong 2012, maraming babala at mga kuro-kuro na katapusan na ng mundo, ngunit sino ang mag-aakala na heto tayo’t gahibla na lamang ng buhok ang pagitan sa taong

M

WINTER IN VIETNAM

aganda man sa paningin ngunit nakakabahala nang umulan ng nyebe sa Cairo, Egypt at hilagang bahagi ng Vietnam. Ang dalawang bansa ay itinuturing na isa sa mga pinakamainit na lugar sa buong mundo kung kaya't imposibleng umulan ng nyebe dito. Ngunit nitong nakaraang Disyembre 13 ay umulan ng nyebe sa ilang bahagi ng Middle East. Kabilang dito ang Cairo, Egypt at Jerusalem, Israel. Dahil dito ay isinara ang mga kakalsadahan at sinuspinde ang mga klase. Sa kabilang bahagi naman ng mundo, sa Asya, inulan din ng nyebe ang hilagang bahagi ng Vietnam kung saan nagdulot nang limang oras na pagbubuhol-buhol ng trapiko. Ang pag-ulan ng nyebe ay isang senyales na talagang ang mundo ay nahaharap sa isang climate change kung saan pabago-bago ang klima sa mga hindi inaasahang panahon.

2014. Sa pagpasok ng bagong taon, panibagong yugto na naman ng ating buhay ang ating kakaharapin. Patuloy na umaasang malalamapasan ang mga pagsubok na pinagdaanan sa nagdaang taon. Ngunit bago tayo tuluyang tumalon sa pagsipa ng taon ng mga kabayo, ating balikan ang mga pangyayari sa loob ng 12 buwan na kumumpleto sa taong 2013. sundan sa pahina 2

2013 LOCAL & INTERNATIONAL NEWSMAKERS

H

indi lang ang mundo kundi ang buong sambayanang Pilipino ang bumilib sa kagalingan ni Anderson Cooper bilang isang CNN anchor. Lakas-loob na nagtungo si Cooper sa Tacloban upang makita nang personal ang hagupit ni super typhoon Yolanda na may international name na Haiyan.

sundan sa pahina 3

2013 METRO MANILA FILM FESTIVAL

WINTER IN EGYPT

Pahina 7

SALAMAT PO SA INYO

M

alugod po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mambabasa ng The Pinoy Chronicle. Baguhan man kami sa industriyang ito, hindi niyo pa rin kami binigo at naglaan pa rin kayo ng inyong panahon upang basahin ang aming dyaryo na nagmula sa aming pagsisikap upang bumuo ng dyaryong magbibigay sa inyo ng panibagong pagkilala sa larangan ng pagbabalita. Umaasa kami na patuloy niyo pa rin tatangkilikin ang The Pinoy Chronicle ngayon at sa darating pang mga taon. Sama-sama nating salubugin ang Bagong Taon. Mabuhay!

FOOD TRIP AT HOME

Pahina 6

ARTS & TRAVEL

Pahina 5


END REVIEW Pinoy-local 2

2013 YEAR

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

PAge 2

MULA PAHINA 1: 2013 YEAR END REVIEW

ENERO – simula pa lamang ng taon ay ginimbal na ang 'Pinas ng mga pagpatay sa dalawang magkaibang lalawigan. Walo sa Kawit, Cavite at 13 naman sa Atimonan, Quezon.

PEBRERO – nagkaroon ng alitan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia nang mapagbintangan na ang mga nasabing umatake sa Malaysia ay mismong mga royal army ng Sultan ng Sulu.

ABRIL - 20 mga mangingisda sa China ang nahuli na illegal na pumasok sa Tubbataha reef. MAYO - mid-term elections para sa mga senador. Marami ang nangutya sa pagtakbo ng mga baguhang sina Nancy Binay at Grace Poe. Sa buwan ding ito nagkaroon ng sagupaan ang Philippine Coast Guard at grupo ng mga mangingisda mula sa Taiwan na ilegal na pumasok sa Philippine maritime territory. Naging mainit ang isyung ito dahil na rin sa isang Taiwanese fisherman ang namatay. Pinangambahan na ibunton ng gobyerno ng Taiwan ang kanilang hinanakit sa mga kababayan natin na nagtratrabaho sa Taiwan nang tumanggi humingi nang paumanhin ang Philippine Coast guard. HUNYO - Nagbitiw bilang Senate President si Senator Juan Ponce Enrile. HULYO – Ika-apat na State of the Nation Address

Anderson Cooper to Korina Sanchez “Miss Sanchez is welcome to go there (Tacloban) and I would urge her to go there. I don’t know if she has but her husband’s the Interior minister. I’m sure he can arrange a flight

Bea Rose Santiago on Miss International 2013 Q&A “The whole world saw how my country suffered. One by one, other countries helped. You have opened my heart and eyes on what we can do to help each other, I will work to sustain the spirit of sympathy and spirit of hope. As long as we work together, there is hope.” Megan Young on Miss World 2013 Q&A “I treasure a core value of humanity and that guides people why they act they do. I will use this to show other people how they can understand each other… as one, we can help society.”

Janet Lim-Napoles on senate “Hindi ko po alam.” “Hindi ko pa maalala.” “I invoke my right (against self-incrimination).”

JANUARY 2014 FIRST iSSUE

ni Pangulong Noynoy Aquino. Nagkaroon din ng pagsabog sa Limketkai Center, Cagayan De Oro na ikinasawi ng walong katao at 48 naman ang mga nasugatan. AGOSTO – habang labas-pasok sa ‘Pinas ang mga bagyo tulad ng bagyong Labuyo at Maring na puminsala sa Luzon, idineklara naman ni MNLF leader Nur Misuari ang kalayaan ng Bangsamoro Republic kung saan iginigiit niya na magkakaroon sila ng sariling republika. Sa buwan ding ito lumabas ang sex scandal ng magkasintahang Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda and Kapamilya talent Neri Naig. Sa ghost month din na ito nagsalpukan ang MV St. Thomas Aquinas at MV Sulpicio Express Siete na ikinamatay ng 55 katao habang 65 ang kasalukuyang nawawala pa rin. Ikinasa rin sa buwan na ito ang pagtuligsa sa Priority Development Fund (PDAF) kaugnay sa scam na kinasangkutan ng mga senador at PDAF scam queen Janet Lim-Napoles. Inilunsad ang Million People March bilang protesta. Sa buwang ito rin nakalusot ang koponan ng Gilas Pilipinas para makasali sa Fiba World Championship na gaganapin sa Spain sa darating na 2014.

SETYEMBRE- tila naging popular ang mga sex scandal dahil 'di pa man humuhupa ang isyu nina Chito-Neri sumunod naman si Eat Bulaga comedian Wally Bayola at EB Babe Yosh Rivera na bumida sa isang malaswang bidyo. Ang sagupaan naman sa pagitan ng MNLF at gobyerno ay lalong tumitindi na nagdulot ng takot sa mga mamamayan dito. Na-disqualify naman bilang Laguna governor si E.R. Ejercito dahil sa sobra-sobrang gastos nila noong kampanya. Sa kabilang banda dalawang Pinay naman ang kinoronahan sa larangan ng beauty contest sina Mutya Johanna Datu bilang Miss

Supernational 2013 at Megan Young na tinanghal na Miss World 2013.

OKTUBRE - Niyanig ng 7.2 magnitude na lindol ang isla ng Bohol. Ang probinsya ng Sagbayan ang epicenter na kumitil sa buhay ng 144 katao kabilang ang mga mamamayan ng karatig na probinsya ng Cebu at 291 naman ang mga nasugatan. Sinira rin ng lindol na ito ang mga makasaysayang simbahan sa Bohol kabilang ang tinaguriang tourist spot na Chocolate Hills. Sa kabilang banda, nasungkit naman ng De La Salle Green Archers ang kampyonato laban sa UST Growling Tigers sa UAAP.

NOBYEMBRE – sa kauna-unahang pagkakataon humarap sa senado si PDAF scam queen Janet-Lim Napoles kung saan naging mainit si senadora Mirriam Defensor-Santiago dahil ang tanging nakuhang sagot niya mula kay Napoles ay “I invoke my right to self incrimination”. Hindi pa man nakakabangon ang buong kabisayaan dahil sa lindol ay nasadlak na naman sila sa isang kalamidad nang tumama ang super typhoon Yolanda (international name Haiyan) na kumitil sa 6,109 katao at halos 11 milyon ang mga naapektuhan. Sa buwang ito rin inabolisa ng Korte Suprema ang Priority Development Assistance Fund o pork barrel. Bagama’t lugmok sa pinsalang dulot ng super typhoon Yolanda ang buong

quotable quotes ng taon 2013 Korina Sanchez on Anderson Cooper “Itong is Anderson Cooper, sabi wala daw government presence sa Tacloban. Mukhang hindi niya alam ang sinasabi niya.”

Pilipinas, kapwa naman naipanalo nina Ariella Arida bilang Miss Universe 3rd runner up at Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kanilang laban. Tinalo ni Pacman ang American-Mexican fighter na si Brandon Rios. Kapwa inialay ng dalawa ang kanilang pagkapanalo sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda. DISYEMBRE – kinoronahan si Miss Philippines

Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013 na ginanap sa Tokyo, Japan. Habang nagdidiwang ang lahat sa pagkapanalo ng 22-year old beauty queen, nagluluksa naman ang pamilya ng mga pasahero ng Don Mariano Bus na nasawi nang tumilapon ito mula sa Skyway at bumagsak sa isang closed container van. 18 katao ang namatay habang 20 naman ang mga nasaktan. Tinambangan naman si Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa sa Terminal 3 ng NAIA na ikinasawi ng kanyang maybahay at dalawa pang iba. Sa buwang ding ito muling umatake ang tinaguriang “martilyo gang” upang magnakaw na naman ng mga alahas. Nauna na nilang nilooban ang SM Megamall at ngayon naman ay ang SM North Edsa.

Arnold Clavio on Napoles’ Attorney interview “Panira ka ng araw e… Binago ko na nga, tatawa-tawa ka pa.”

Junjun Binay to Dasma Makati guards “Don’t you know me?”

Arielle Arida on Latina contestants “Latinas cannot even speak a sentence, right? I mean, a complete sentence in English.”

Jessica Soho to Vice Ganda “Rape is not a joke.”

Vice Ganda on concert segment “Ang hirap nga lang kung si Jessica Soho magbo-bold. Kailangan Gang Rape lagi… hahaha sasabihin ng rapist ‘ipasok ang lechon’.”

Nancy Binay on detractors “Some of the jokes border on being racist. Ironically, majority of Filipinos have the same skin tone. I don’t understand their hatred for my color.”

Juan Ponce Enrile to Mirriam Defensor-Santiago “I was adviced to ignore what was said about me during the hearing because the abusive words were from a cuckoo, an insane bitterly hostile mind.”

Anne Curtis to Phoemela Baranda “I can buy you, your friends and this club.”

Mar Roxas to Tacloban Rep. Romualdez “You have to understand, YOU are a Romualdez and the president is an Aquino…Bahala na kayo sa buhay n’yo.”

Mirriam Defensor-Santiago to Janet Lim-Napoles “Tell the truth before the senators affected will have you assassinated.” Mirriam Defensor-Santiago to Juan Ponce Enrile “He is psychopath, hyper sexualized and serial womanizer.”


pinoy-globalEND REVIEW 3 2013 YEAR

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

PAge 3

JANUARY 2014 SECOND iSSUE

2013 LOCAL & INTERNATIONAL newsmakers Paul Walker

Ikinagulat ng lahat ang biglaang pagpanaw ni Fast & Furious franchise star Paul Walker nang sumalpok ang sinasakyang niyang GT series na minamaneho ng kanyang kaibigan na racer Roger Rodas sa isang poste at puno at tuluyang lumiyab na parehas nila ikinasawi. Cory Monteith

Hindi rin inaasahan ang pagkamatay ni Glee hunk Cory Monteith nang magoverdose ito bunga ng kanyang depresyon. Nauna nang napabalita na matagal nang nakikipaglaban si Cory sa kanyang drug addiction at kusa na rin ito nagparehab ngunit tila hindi na nakayanan pa ng young actor ang problemang kanyang iniinda. Pope Francis

loob ni Pope Francis lalo na’t sa unang araw ng kanyang pagka-Papa ay mas pinili niyang sumakay ng pampublikong sasakyan. Devina Dediva

Biglang sikat ang ordinaryong si Devina nang kutyain niya si Miss World 2013 Megan Young sa kanyang Facebook at Twitter account. Kinukundina niya ang pagkapanalo ni Young na isang Pinay dahil wala raw karapatan ang mga Pinay na mas nababagay daw maging katulong imbes na beauty queen. Nelson Mandela

Marami ang nalungkot nang pumanaw si South Africa President Nelson Mandela sa edad na 95. Siya ang kaunaunahang nahalal na presidente na negro na tuluyang bumago at nag-alis ng racial discrimination sa kanilang lahi. Manny Pacquiao

Megan Young Kinoronahan bilang Miss World 2013 si Young na kauna-unahang Pilipina na nakasungkit ng korona sa patimpalak na ito. Janet-Lim Napoles Tinaguriang PDAF scam queen. Si Napoles ang inaasahang magiging susi upang tuluyan nang maparusahan ang mga magnanakaw ng kaban ng bayan. Sa kasawiang palad tikom-bibig ito kahit pa iginisa na siya ni Senator Miriam Defensor-Santiago nang magharap sila sa Senado. Miley Cyrus

Tila naging hudyat para kay Liam Hemsworth na tuluyan nang hiwalayan ang kasintahan nang lumabas ng hubad si Miley sa kanyang Wrecking Ball video at mag-twerk sa isang performance niya sa VMA na lumabas na malaswa para sa marami. Mar Roxas Naging maingay ang pangalan ni DILG Secretary Mar Roxas dahil na rin sa mga anumalyang kanyang kinahaharap sa pagtugon sa mga biktima ng super typhoon Yolanda, dumagdag pa rito ang palitan nila ng mga maanghang na salita ni Tacloban Rep. Ferdinand Martin Romualdez. ANN CURTIS

ika nga ni konsul

ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio

DONATIONS FOR THE VICTIMS OF SUPER TYPHOON "YOLANDA" (INTERNATIONAL CODENAME: HAIYAN)

F

ollowing the destruction brought about by the recent super typhoon “YOLANDA” (International codename: Haiyan ) that hit the Philippines last 0809 November 2013, the following assessments have been made by the Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of 11 November 2013; Affected Population 9,679,059 persons were affected in 471 municipalities Damage Houses 23,190 houses damage Strandees Four Airports in Busuanga, Roxas, Kalibo, Tacloban, remain non-operational Cost of Damages Estimates P296,629.05 worth of damages to infrastructure and agriculture in Region IV-B, V, VI and CARAGA. NAT I O NA L D I S A S T E R R I S K R E D U C T I O N a n d MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC) Website: htt://www.ndrrmc.gov.ph Account Name: NDRRMC Donated Funds Account Numbers: 0435-021927-030 (PESO ACCOUNT) 0435-021927-530 (DOLLAR ACCOUNT) SWIFT code: DBPHPHMM Account #36002016 Address: Development Bank of the Philippines 1110 Camp Aguinaldo Branch PVAO Compound Camp Aguinaldo, Quezon City, Philippines 1110 Contact Person: Ms. Rufina A. Pascual, Collecting Officer NDRRMC, Office of Civil Defense, Camp Aguinaldo, Q.C Tel. No: (632) 421-1920; 911-5061-up to 65 local 116 Email: accounting@ocd.gov.ph Website: Tel. No:

Hindi matatawaran ang kababaang

Muli na naman naiangat ni Pacman ang kanyang kredibilidad bilang boksingero nang talunin niya si Brandon Rios sa kanilang laban nitong Disyembre. Hudyat na nga ba ito na isusunod na niya si Flyod Mayweather jr.?

At s'yempre hindi papahuli at papaawat si Anne Curtis nang magwala ito sa Prive Bar kung saan pinagsasampal niya si John Llyod at pinagsabihang bibilhin si Phoemela Baranda.

2013 gadgets & gizmos galore Inulan ng mga iba’t ibang gadgets ang taong 2013 na talaga namang pumatok hindi lamang sa mga banyaga kundi maging sa mga kababayan nating Pinoy! APRIL MAY JANUARY SAMSUNG MARCHJABRA MOTION BLACKBERRY GALAXY S4 HTC One JULY Z10 NOKIA LUMIA I020

Bank Accounts for Donations Phil Embassy Japan official Account Account Name Embassy of the Philippines Disaster Donation Account Account No 3430362 Account Type JPY (Ordinary) Bank Name Bank of Tokyo-Mitsubishi-UFJ (Shibuya-Meijidori Branch) Banco de Oro Peso: 00-453-0018647 Dollar: 10-453-0039482 Swift Code: BNORPHMM Metro Bank Peso: 151-3-041631228

Philippine National Bank Peso: 3752 8350 0034 Dollar: 3752 8350 0042 Swift Code: PNBMPHMM

Union bank of the Philippines Peso: 1015 Dollar: 151-2-15100218-2 4000 0201 Swift Code: MBTCPHMM Dollar: 1315 4000 0090 Swift Code: UBPHPHMM Per PRC website, “For your donations to be properly acknowledged, please fax the bank transaction slip at PRC nos. +63.2.527.0575 or +63.2.404.0979 with your name, address and contact number.”

FEBRUARY GOOGLE GLASS

D E P A R T M E N T O F S O C I A L W E L FA R E a n d DEVELOPMENT (DSWD)

JUNE SONY VIAO DUO 13

AUGUST - 4K TELEVISION

PHILIPPINE RED CROSS (PRC) http://www.redcross.org.ph (632) 527-0000

OCTOBER IPAD AIR & IPAD MINI WITH RETINA DISPLAY

DECEMBER ASUS TRANSFORMER BOOK T100

Website: Account No: Bank Details: Contact Person: Contact Nos.:

http://www.dswd.gov.ph 3124-0055-81 Land Bank of the Philippines, Batasan, Quezon City Philippines Ms. Fe Catalina Ea (Cash Division) (632) 931-8101-local 226 (632) 918-628-1897

The NDRRMC and DSWD has not yet specified what types of in-kind donations are needed, however, donors may send meals-ready-to-eat (MRE’s and other food stuff that can be eaten without cooking), and bottled water. Donation of used clothing is discouraged. Donations in kind may be sent to the DSWD National Resources Operations Center (NROC).

SEPTEMBER - IPHONE 5S & 5C Bagama’t ang ilan sa mga gadgets na ito ay 'di pa available sa Pilipinas, tila hindi na makapaghintay ang mga Pinoy na makabili at isama sa kani-kanilang wish lists lalong-lalo na ang PS4.

NOVEMBER PS4 & XBOX ONE

Address: DSWD, Chapel Road, Pasay City Philippines. Contact Person: Ms. Francia Fabian (+63) 918-930-2356.


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

PAge 4

JANUARY 2014 FIRST iSSUE

2013 2

na eleksyon, marami ang nadamay at nasawi dahil sa kasakiman .

Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com JM Hoshi Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

ni oyee barro

T

apos na ang taon ng ahas (2013), at taon na ng kabayo (2014) or “Year of the Horse”. Ano ba ang ibig sabihin nito ? Kung kayo ang tatanungin ano ang nais mong ibalik ? O nais na kalimutan ? Kung ating gugunitain, ilang malalaking pangyayari ang pinagdaanan ng mga Pilipino sa taong ito na nakapanglulumo. Na kahit narito pa tayo sa bansang Japan ay naapektuhan dulot ng ating pagka-Pilipino. Narito ang ilan sa mga di makakalimutan pangyayari dahil sa laki ng pinsalang naidulot nito sa atin at sa ating bansa . . Nitong Mayo 13 ay naganap ang eleksyon para sa mga Senador, lokal na opisyal at ang pagka gobernador ng bawat rihiyon ng bansa. Sa eleksyong ito maraming karahasan sa pagitan ng mga kandidato lalo na sa mga lokal

1

. Buwan ng Hulyo naman naiulat ang “Pork Barrel Scam” na kinasasangkutan ng 5 senador at mga 23 kinatawan na naglipat ng kanilang pork barrel funds na may kabuuang 10 bilyong piso sa mga pekeng non-government organizations (NGOs). Ang sinasabing utak ng pork barrel scam na ito ayon sa whistleblower na si Benhur Luy ay si Janet Lim Napoles na CEO at presidente ng JLN Corp.

3

. October 15 nang mabigla sa 7.2 magnitude na lindol ang magandang lalawigan ng Bohol at nadamay rin ang Cebu. Tinatayang 144 na ang death toll at halos 300 ang sugatan,

4

. Hindi pa nakaka bangon ang Bohol at Cebu sa trahedyang ito, matapos ang 3 linggo lamang ay nagkaroon naman ng isang napakalakas na bagyo na si Yolanda o Haiyan (int’l name). Ang bagyong ito na tumama sa parteng Kabisayaan ng Pilipinas. Sinasabing pinaka malakas sa buong mundo at hanggang ngayon ay tila dipa natitiyak ng gobyerno kung gaano karami ang nasawi dahil hindi pa nakikita ang mga katawan nito. Marami rin ang mga aksidente dahil sa mga humaharurot na sasakyan, mga naka inom at mga mapang abusong driver ng kotse trak at Bus.

5

. Kamakailan lamang ay tumilapon mula Sucat express skyway ang Don Mariano Bus dahil sa isang reckless driver at may 18 katao ang nasawi at may 20 ang sugatan. Marami pang kaganapan sa taong ito na ikinadidismaya at ikinalulungkot ng ating mga kababayan ngunit kahit ano pa ang dumaang trahedya ay nakaka bangon at nakaka pagsimulang muli, sa tulong at suporta ng buong mundo. Bagama’t maraming di magandang pangyayari sa ating Bansa, ay marami din namang maipagmamalaking pangyayari gaya ng pagka panalo ng ating Pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa laban niya kay Brandon Rios. Ang mga nag-gagandahang kababayang Pilipina na kandidata sa iba’t ibang larangan ng patimpalak ng pang daigdigang kagandahan.

1

. Nananlo at naiuwi ang Korona ng Ms World ni Ms Philippines Megan Young kung saan ito ay ginanap sa Indonesia.

2

. Nakuha naman ni Ms Pilippines Ariella Avida ang pangatlong korona or 3 rd runner-up sa Ms Universe na ginanap sa Germany.

3

. Ms Philippines Anallie Forbes ay nakamit ang 3 rd r u n n e r u p s a M s G r a n d International na ginawa sa Bangkok.

4

. Ms Phillipines Amber del los Reyes nam,an ang Ms Teen Expo World Universe na ginawa sa Guatemala.

5

. M r G i l Wa g a s w o n 4 th r u n n e r - u p s a M r International 2013 ginanap sa Jakarta.

6 7

. Ms Philippines Koreen Medina, 3 rd runner-up Ms Intercontinental, . at itong Disyembre 16 ay nasungkit ni Ms Philippines Bea Rose Santiago ang korona ng Ms International na ginawa mismo dito sa Japan. Dito sa bansang Hapon, mararamdaman mo ang mga pangyayari sa Pilipinas maganda man o pangit dahil sa pagka aktibo ng Embahada ng Pilipinas at ng ating H.E. Ambasador Lopez at syempre ang mga namumuno at miyembro ng mga aktibong samahan Filcom sa pangunguna ng PAG (Philippine Assistance Group) at pamumuno ni Ms Joyce Ogawa. Nag kakaisa ang Filipino Organization dito sa Japan at makikitaan sila ng pag asa para sa pag usad ng kinabukasan para sa mga naninirahang Pilipino dito sa Japan. Sa Taong 2014 … tayo ay sama samang mag taguyod ng ating mga sarili para sa ika uunlad ng ating bansa. Maraming maraming Salamat at Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat


ARTS & TRAVEL 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

PAge 5

JANUARY 2014 FIRST iSSUE

NASALANTANG CULTURAL HERITAGE SA VISAYAS, INAARAL IBALIK NG MGA EKSPERTO Kuha at teksto ni Jane Gonzales

ito bago pa ang mga sakuna. Kabilang din sa kanyang binanggit na dahilan ng pagkasira ng ilan dito ay ang pagkakakaroon ng ‘di angkop at mababang kalidad ng mga makabagong materyales na idinagdag sa mga lumang simbahan. Dagdag pa niya ang short term measures na maaaring sundan para unti-unting maipanumbalik ang pisikal na istraktutra ay ang paglalagay ng suporta sa mga mahinang bahagi, proteksyon sa mga nakalantad na parte laban sa tubig, at agarang pag-iimbak sa mga nasirang bahagi upang magamit na ulit.

“I’m not saying that they are completely blind with the idea of their churches, because I can’t make a statement like that. But (with what) we saw, churches after churches people are coming, praying, and attending Sunday masses,” saad pa niya. Para naman sa kanyang grupo ang ilan sa kanilang panukalang short term solutions ay sistematikong pagliligtas sa mga nasirang kagamitan, pagtukoy sa mga dapat na isalbang culture heritage, pagkakaroon ng pagbabahagi at pakikipag-usap sa komunidad ng mga nasalanta at pagsasanay sa mga volunteers .

Nabawasan ng gana at pananampalataya?

W

ala pang saktong pagtatantya kung gaano kalaking halaga ang kakailanganin, pero base na rin sa pinagsamasamang opinyon at pagsasaliksik ng mga eksperto ay malaki ang naging epekto sa imprastraktura, paniniwala, tradisyon at pamumuhay ng mga nasalanta ang dumaang malakas na lindol at bagyo na tumama sa Visayas. Sa ipinatawag na press briefing ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) ay nagbigay nga ng inisyal na ulat ang mga eksperto sa kanilang sinimulang pananaliksik sa danyos sa itinuturing na cultural heritage sa Visayas partikular na sa Bohol, Samar, Cebu, at Leyte . Ang panelista ay binubuo ng UNESCO (United Nations Educational Scientific and Cultural Organization), ICCROM (International Center for the Study of the Preservation and Restoration of Cultural Property), ICOMOS (International Council for Monuments and Sites), National Museum at NCCA.

Mahirap pero magagawan ng paraan

Naging pangunahing imahe ng lindol at bagyo ang pagguho ng mga matatandang simbahang Katoliko na tourist spots din sa bansa. Sa ulat ni Stephen Kelly, tangible heritage expert ng Unesco, parang puzzle nilang binubuo ang mga gumuhong istraktura. At sa kanilang pagsasaliksik ay matagal nang may presensya ng pagkabasa (liquefaction), lumot, anay at iba pa dahilan para maging marurupok ang mga

Nakakabilib na Paniniwala Pinuri naman ni Aparna Tandon, ICCROM expert - Movable Heritage, ang katatagan at matinding paniniwala ng mga Pinoy. Ilan sa unang binisita ng kanilang Philippines UNESCO and ICCROM mission ay ang Guian, Samar at Bohol na kinabibilangan ng bayan ng Marybojoc, Loon, Cortes, Baclayon, Loay, National Museum at Clarin House Museum. Sa panayam ng The Pinoy Chronicle (TPC) kay Tandon, sinabi nitong sa dami ng kanyang napuntahan na disaster areas, nakaka-inspire umano pagkakaroon ng pag-asa ng mga Pinoy.

Mula sa mga turismo, pagkakaroon ng entertainment hanggang sa paniniwala at pamahiin ay apektado sa pinsala ng lindol at bagyo ng buhay ng mga nasalanta. Ito ang laman at kabuuan ng “Intangible Cultural Heritage” report ni Dr. Vellorimo Suminguit (UNESCO-ICH Expert ). �������������������������������������������������������������� Aniya may ilan na sa mga lugar na binagyo at nilindol ay nabawasan, kung 'di man ay nagsimula nang kuwestyunin ang kanilang pananampalataya. Ang mga dati-rating masiglang mga entertainers ay mas abalang kumpunihin ang kanilang nasirang tahanan. Nagkakaroon din na umano ng katatakutan na may kinalaman sa naiwang sinkhole sa Bohol. Sa ngayon, nagkaroon na ng dayalogo sa pagitan ng mga ahensya at local government sa mga lugar na nabanggit para muling bigyang sigla ang kanilang lugar. “For sure, it is doable. All we need to do is prioritize because we need salvage operation,” ani Tandon sa kakayahan ng Pilipinas na tumayong muli. “If it can happen in a country like Haiti (sinalanta rin nang matinding bagyo), it definitely will happen in the Philippines. You are in a better situation." Kasama rin sa panelista sa presscon sina National Museum Executive Director Dr. Jeremy Barns, head of Unesco-Manila Office Mousa Elkadhum, ICOMOS/ NCCA expert Arch. Joycelyn Mananghaya at NCCA Executive Director Emelita Almosara.


pinoy na pinoy 6

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

PAge 6

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Paunti-unti ay nabubuo rin ang lahat kahit pa sa ngayon ay tila hindi pa klaro kung hanggang saan ang inyong tungo. Maging mapagpasensya at bukas sa mga posibilidad, ang inyong relasyon ay magiging magandang obra maestra rin. Mag-uumpisa ito sa isang simpleng canvas at malabong sketches pero sa bandang huli ay nagkakaroon din ng kulay, imahe at matibay na frame. Kay sarap ninyong pagmasdan at maaaring magtagal sa habang panahon.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Bagay sa iyo na palaging makihalo-bilo sa mga taong nagbibigay ng inspirasyon na maging masiyahin at tuparin ang iyong mga pangarap. Maaaring minsan ay may iba sa kanila na hindi mo kapalagayan ng loob pero kung hahanapin mo lamang ang inyong parehong interes ay tiyak na hindi mapapatid ang pisi na nag-uugnay sa inyo. Kailangan mo ring siyempre na lumakad na mapagisa pero sa ngayon kung puwede naman laging may kasama ay bakit ka naman magpapaka-loner?

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Magbigay ka rin ng espasyo at oras para sa iyong sarili at para sa kanya. Siguraduhin mo muna sa iyong sarili kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sa kanya at siya sa iyo. Huwag madaliin ang bahaging dapat ninamnam nang dahan-dahan at baka ito pa ang pagsisihan ninyo sa bandang huli. Sige lang sa paglalakwatsa o paglalaan ng oras na lagi kayong magkasama, parte ‘yan ng rekado sa pagbuo ng inyong relasyon. Subalit pagdating sa pagtungo sa mas mataas na level, dapat pinag-uusapan nang mahusay ‘yan.

Aries - March. 21 - April. 20

May oras na ikaw ang bida at may oras din na dapat ikaw ay magsilbing audience sa iyong kaibigan. Kung totoo ka naman sa kanya, hindi kalabisan ang makinig sa kanyang mga kuwento, karanasan at mga natutuhan. Kung ano ang nagpapasaya sa kanya ay ‘yon din ang nagpapasaya sa inyo bilang matalik n’yang kaibigan. Ikaw na ang lumagay sa kanyang puwesto, maaatat kang magkuwento sa taong malapit sa iyong puso at matagal mo nang hindi nakikita.

Taurus - April. 21 - May. 21

Kung mapagtatanto mo lamang ang mga mahahalagang bagay na hindi naman kailangan ng pera ay baka mas magiging mas masaya ka pa. Kung tutuusin kasi ang pagbili-bili mo nang kung ano-ano o ang tinatawag na "impulsive buying" ay posibleng may kinalaman sa iyong emosyon. Para bagang dapat maramdaman mo na maligaya ka sa iyong estado kaya ka nagsya-shopping parati. Ang masaklap nga lamang dito ay nababaon ka sa utang sa bandang huli. Wala pa rin talagang makakapalit sa sayang hatid ng tunay na pagkakaibigan, pagmamahal at peace of mind.

Gemini - May. 22 - June. 21

Masarap din sa pakiramdam iyong pinagkakatiwalaan ka ng isang masaya at nakakakilig na lihim. Iyon nga lang dapat mong panghawakan ang kanyang tiwala na hindi mo ibibisto ang kanyang sikreto anuman ang mangyari. Ang pinakamainam mong gawin para hindi ka magkamali ay una ay huwag ka ring magbibigay ng kahit anong clue na may alam ka. Madalas pa kasi sa taong may nililihim ay sila pa itong mapanukso na kailangan silang pilitin para magsabi. Pero ang isa pang alternatibo rito ay pagtuunan ang iba pang mong interes.

Cancer - June. 22 - July. 22

Suwerte lang ba o sadyang wala sa iyo ang mga bagay na iyong pinapasok. Kung balewala sa iyo ang iyong mga ginagawa para bagang mabigat, kung ‘di man ay kay dali ring mawala iyo ang oportunidad. At maaari pa ngang hindi mo nakikita ang mga pagkakataon na nariyan lamang. Kaya naman bago ka maniwala sa katagang malas, ibalik mo muna ang iyong sipag, tiyaga, gana at positibong pananaw.

Leo - July. 23 - August. 22

Magkaroon ng panahon na i-appreciate mo ang iyong tagumpay, malaki man ito o maliit. At kapag may dahilan ka para maging maligaya huwag mong isantabi at bagkus ay dapat mong ipagdiwang kasama ng iyong mga mahal sa buhay. Lalo na ngayon na kay daling malungkot dahil sa sarisaring problema na dumarating, kailangan mong makakuha ng positibong enerhiya para maging magaan ang iyong kalooban anuman ang pagsubok na iyong pagdadaanan. Tawanan mo lang ang iyong probema.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Ang takot ay hindi nawawala at laging magiging dahilan para hindi mo subukan ang mga hamon. Kung hindi mo ito tatalunin, mananatili ka lamang sa iyong kasalukuyang estado, na sa totoo lang ay gusto mo na ring iwan. Harapin ang iyong takot at samahan mo ng pagpapakumbaba. Dapat mong malaman na para maging ganap ang pagbabago na iyong susuungin ay makakaharap mo ang mga taong mas maalam at malakas ang personalidad sa iyo. Matuto sa kanila na madaling kainisan pero maraming maibabahaging aral sa iyo.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Mabilis kang mag-isip at hindi ka agad na nagpa-panic. Magandang katangian ang mga ito para huwag kang sumuko sa iba’t ibang pressure na iyong haharapin. Partikular na sa trabaho kung saan dapat mong tapusin ang iyong mga gawain sa takdang oras, kailangan mo ring siguraduhin na mahusay ang kalidad nito. Huwag mo ring kalimutan na may mga bagay na hindi mo hawak kaya hindi maiiwasan na magkamali at maging atrasado sa iyong deadline.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Maraming interesanteng paanyaya at tukso na puwedeng gumambala sa iyong tahimik na pagtatrabaho. Madalas iniiwasan o tinataguan mo ang mga taong lumalapit sa iyo para hindi mo sila masaktan. Sigurado ka ba na ito ang tamang hakbang? Hindi ba sa bandang huli ay pare-pareho kayong naaabala sa ganitong aksyon? Sa mahusay na pakikipag-usap at pagiging determinado sa iyong desisyon, matatapos mo na ang pagtanggi na hindi sila pinaaasa at pinababalikbalik.

Sagittaruis - Nov. 23 - Dec. 21

Kahit na iyong mga taong akala mo ay buo ang loob ay dinadalaw din ng kahinaan at kalungkutan. Kung nais mo silang batiin sa kanilang husay at kabutihang loob ay huwag kang mag-atubili. Ang makarinig nang magandang komento ay isa na sa bagong nagpapasaya sa mga taong abala, problemado at pinanghihinaan ng loob. Halos lahat ay mayroon ‘di ba? Malay mo sa iyong simpleng papuri ay isang linggo siyang ngiting-ngiti.

JANUARY 2014 FIRST iSSUE

P

aboritong hugis na ata ng mga Pinoy ang bilog lalong-lalo na kapag sumasapit ang bagong taon. Mula sa mga prutas na dapat ay nasa hapagkainan, hanggang sa kasuutan ay kaila ngang may mga bilog na hugis na ayon sa paniniwala ay nagdadala ng suwerte sa pera. Ito na rin kaya ang dahilan kung bakit naging paborito ring handa sa Media Noche ang Morcon? Dalawa ang puwedeng pinakarekado sa Morcon at ito ang karne ng baboy o baka. Subalit pagdating sa pinakapalaman nito regular na ang hotdog, pipino, itlog, carot at keso. Para maging mas masaya ang iyong handa sa bagong taon at sa anumang okasyon narito ang recipe ng Beef Morcon na sakto para sa apat na tao.

Mga Sangkap:

BEEF MORCON

• 2 lbs ng flank steak o tagilirang bahagi ng karne ng baka, hatiin sa 3/4 dangkal na kapal • 2 piraso ng beef cubes na tinunaw sa tatlong tasa ng kumukulong tubig • 1/4 kutsarita ng asin • 1 piraso ng lemon • 1/2 tasa ng toyo • 1 piraso ng katamtamang laking carot at hiwain sa mahahabang piraso (strips)

1/2 tasa ng arina 1/2 tasa ng cooking oil 4 piraso ng hotdog, hiwain ng pahaba 2 piraso pickled dill o sweet pickled cucumber, hatiin sa apat na pahaba at magkakatulad na piraso • 3 piraso ng nilagang itlog, hatiin • 3 onsa ng cheddar cheese, hiwain ng pahaba (strips) o may 1/2 dangkal ang kapal • • • •

Paraan ng Pagluluto: 1. I-marinate ang karne ng baka sa toyo at lemon juice nang may isang oras 2. Ilagay ang karne ng baka sa isang flat na lalagyan at ihilera ang hotdog, pickle, carrot , keso at itlog sa isang bahagi. 3. I r o l y o a n g k a r n e n g b a k a k un g sa a n nakapaloob ang mga palaman at talian ng cooking string para masiguro na hindi bumuka ang karne. 4. Sa isang nakasalang na kawali, ilagay ang mantika 5. Isaw-saw ang nakarolyong karne ng baka sa arina at prituhin hanggang sa maging medium brown ang panlabas na kulay nito. 6. Ilipat ang naiprito at nakarolyong karne sa

isang kaserola at ibuhos ang nagawang beef broth, hayaang kumulo 7. Ibuhos ang kalahati ng sangkap na pinangmarinade ( toyo , lemon juice, at asin) at hayaang kumulo o hanggang sa lumambot ang karne ng baka . Tandaan na ang haba nito ay nakadepende sa pagsasalangan gaya ng kaserola at pressure cooker. 8. Isang alternatibo sa pagluluto nito ang pagpi-prito sa pinakuluang mga karne sa loob nang may dalawang minuto o higit pa. 9. Tanggalin muna ang mg cooking string bago ihain sa hapag-kainan


pinoy-BiZz END REVIEW 2013 YEAR PAge 7

JANUARY 2014 FIRST iSSUE

na mga bagong filmmakers ang lumikha. Sa hanay ng full length films kasama ang Kapampangan film na Dukit ni Armando Lao, Mga Anino ng Kahapon ni Alvin Yapan,

FEATURES MORE ACTION MOVIES AND NEW FILM MAKERS TEKSTO NI JANE GONZALES

ing na ipapakita mismo ni Presidential Merit Awardee for Ecclesiastical Art Wlly Layug na siya rin bida sa pelikula. Tuklasin naman ang kaganapan sa taong schizophrenic sa movie na Mga Anino ng Kahapon (Shadows of the Past). Dito ay mahusay na naipakita ni Agot Isidro ang mga taong mayroon ganitong sakit. Taong 2010 nang magsimula ang New Wave category at ipinapalaas ito mula December 18 hanggang 24.

stars din ang tampok sa hip-hop films na Kaleidoscope na kinatatampukan nila Sef Cadayona at Yassi Pressman. Sasabak naman muli sa action ang tinaguriang "Bad Boy" ng Philippine cinema na si Robin Padilla sa pelikulang 10,000 Hours na ni dinirek Bb. Joyce Bernal. Dahil na rin marahil sa film na ito kaya hindi muna si Bb. Joyce ang director ng Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel na pagsasamahan nila Eugene Domngo at Sam Milby.

M

uli ay buhay na buhay na naman ang pelikulang Pilipino ngayong Kapaskuhan dahil na rin sa makulay at magarbong Metro Manila Film Festival (MMFF). Muli rin ay matutunghayan ang mga artista na tila regular ng napapanood kada taon dito partikular na sila Vice Ganda, Kris Aquino, George “E.R” Ejercito at Vic Sotto.

New Wave Section

Bago ang mismong kompetisyon bumida sa Glorietta 4 at Megamall ang mga pelikulang bahagi ng New Wave Category ng MMFF. Dito ay may animation, full feature at student film

Mga Dapat Abangan sa Showbiz sa 2014

Island Dreams by Aloy Adlawan at Gino M. Santos, Saka Saka ni Toto Natividad, at Maestra ni Joven Tan. Samantala binubuo ng Gapos ni JMK (Colegio de San Juan de Letran), Hintayin mo sa Sequence 24 ni Jezreel Reyes (Far Eastern University), #NoFilter ni Luigi Del Rosario (MAPUA Institute of Technology), Ang Paglisan ni Monette Landicho( De La Salle Lipa), Ang Huling Balikbayan Box ni Rizaldy Luistro (De La Salle Lipa), at Ang Lalong ni Kulakog ni Omar Aguilar ( Ateneo de Naga) ang pasok sa student short films. Mamangha sa galing sa animation ng mga Pinoy na makikita sa animation category. Narito ang Gayuma ni Maria (Gabriel Villalon ), Kaleh and Mbaki (Denis Sebastian), Mamang Pulis (Hannah Espia) at Origin of Mang Jose (Apollo Anonuevo). Kakaiba ang Dukit dahil mula musika, lengguwahe at mga artista ay tampok ang mga galing ng mga Kapampangan . Pero maliban sa tradisyon at drama ang dapat na abangan dito ay ang sining ng wood carvAnother Soap Opera Princess: Julia Barretto

TEKSTO NI PHOEBE DOROTHY ESTELLE Walang kasamang hula mula sa bolang kristal pero ngayon pa lang ay masasabing may kikinang pa ang bituin, sasaya ang puso at magkakaroon ng kaabang-abang na proyekto. Sino-sino sila at ano-ano? Tambalang Alden Richards at Marian Rivera

Bagaman gumagawa na rin ng pangalan bilang isang top young actor, masasabing mapangahas ang pagtatambal ni Alden Richards at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Ang dalawa ay nakatakdang magsama bilang pangunahing bida sa primetime series na Carmela. Nagkasama na noon sila Alden at Marian sa fantaserye na My Beloved.

Bago pa lamang sa showbiz si Julia, panganay na anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla, pero kabila-bila na ang kanyang mga endorsements at projects. Katulad na katulad ng karera noon ng kanyang tiyahin na si Claudine. Lalo pa siguro maikukumpara ang dalaga sa kanyang sikat na tita kapag magsimula na ang soap opera na kanyang pagbibidahan ang Mira Bella kung saan n’ya makakapareha si Enrique Gil at Sam Concepcion. Rocco Nacino, young best actor Kumpara sa kanyang mga nakasabayan, kinikilala na kaagad ang galing ni Rocco Nacino sa pag-arte. Matutunghayan ito sa sunodsunod n'yang TV projects kagaya na lamang ng Yesterday’s Wife at Akin Pa Rin Ang Bukas kung saan pareho n’yang kapareha si Lovi Poe .

Tagisan sa Box Office Pahinga muna ang Enteng Kabisote ni Vic Sotto dahi ngayon taon ay mga bata naman ang kanyang makakasama sa pangunguna nina James “Bimby” Yap at Ryzza Mae Dizon sa My Little Bossings. Kapareha naman n’ya ngayon ang dati-rati niyang nakakatunggali sa ibang pelikula na si Kris Aquino. Solo lead naman ang drama ni Vice Ganda sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy na idinirek ni Wenn Daramas at kasama rin si Maricel Soriano. Samantala si KC Concepcion ang leading lady ni George Estregan sa action film na Boy Golden. Pahinga rin ngayon ang Shake, Rattle and Roll franchise ni Mother Lily pero may horror film pa rin dito sa pamamagitan ng Pagpag na pinagbibidahan ng teen stars na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ang karakter naman ng Santong Pinoy ang bibigyan buhay ng Kapuso actor na si Roco Naccino sa Pedro Calungsod: Batang Martir. Mga Kapuso At kung ‘di man natuloy ang epic film n’ya dati na tungkol kay Biag ni Lam-ang, siya naman ang gumanap sa santong Pinoy sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Pedro Calungsod: Ang Batang Martir. Totoong kasalan

Madalas para masabing happy ending ang love story ay nauuwi ito sa kasalan. Ganito rin kaya ang maganap sa napapabalitang pag-iisang dibdib nila Karylle at Yael Yuzon, Iya Villania at Drew Arellano, Miriam Quiambao at Ardy Roberto, at Atty. King Rodrigo at Boots Anson Roa? May sumama kaya sa listahan na ‘to? The KathNiel’s stardom Inaabangan sa Got to Believe at movie stars na rin sa Pagpag, patuloy nga ang kasikatan ni Daniel Padilla maging ang kanyang ka-love team na si Kathryn Bernardo.

Muling Paglangoy ni Dyesebel Huling nabigyan ng buhay ang istorya ng sirenang si Dyesebel sa GMA noong 2008 kung saan si Marian Rivera ang gumanap. Sa 2014 inaabangan na ang bagong gaganap sa karakter na ito na ngayon ay ipapalabas na sa ABS-CBN . Ang Dyesebel ay nilikha ni Mars Ravelo sa komiks at unang nagkaroon ng movie adaptation na nagtampok kay Vilma Santos. Ilan sa lumulutang na pangalan na posibleng bagong Dyesebel sa TV ay sila KC Concepcion, Erich Gonzales, Anne Curtis at Angel Locsin. Sa ngayon ang sigurado ay ang gaganap na batang Dyesebel na walang iba kundi si Andrea Brillantes na bida sa Ana Liza.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.