ika nga ni konsul
page 3
MS. oyee barro 's bayanihan
Daloy Kayumanggi
page 4
tara let's sa balai anilao page
horoscope and weekly recipe page 6
Impormasyon ng Pilipino
free newspaper
DECEMBER 2013
FIRST issue
panalo ni
PEOPLE's
CHAMP alay sa mga pinoy
T
sundan sa pahina 2
ila isang hudyat ang pagkakapanalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao noong nakaraang Linggo, Nobyembre 24, sa Venetian Macao resort & hotel, Macau. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkaroon ng boxing fight si Manny sa China. Bago pa man tumulak si Manny sa Macau ay nauna na niyang ipinahayag na ang laban na ito ay iniaalay niya sa mga kababayan niyang Pilipinong nasalanta ng bagyong Yolanda. Determinado at punong-puno ng kumpyansa si Manny Pacquiao na humarap a milyun-milyong boxing fans sa buong mundo. Matatandaan na bago ito ay dalawang beses natalo si Manny na lubhang ikinadismaya niya at ng mga kababayan niyang Pinoy.
office of the ombudsman pinagsusumite ng counter-affidavit ang mga sangkot sa pdaf 27th STAR A
I
pinag-uutos ng Office of the Ombudsman na magsumite ang tatlong senador na 'di umano'y kasangkot sa pork barrel scam, kabilang dito sina pork-barrel mastermind Janet Lim-Napoles at 31 iba pa ng kani-kanilang counter-affidavit patungkol sa P10 bilyon PDAF. Iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na gagawin niya ang lahat upang pabilisin ang imbestigasyon matapos siyang batikusin na tatagal ito hanggang isang taon. Ayon sa isinumite ng Department of Justice (DOJ) kabilang sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jose ‘Jinggoy’ Estrada at Ramon ‘Bong’ Revilla Jr at Janet LimNapoles sa charge sheet para sa pamemeke ng mga NGO’s upang magkamal ng mga pera galing sa kaban ng bayan. “According to the charge sheet, some of the respondents also face administrative charges for serious dishonesty, grave misconduct, and conduct prejudicial to the best interest of the service.” Matatandaang nagsumite si Justice Secretary Leila de Lima noong Setyembre 16 ng reklamo hinggil sa mga pekeng NGO’s at paggamit ng pondo ng gobyerno sa mga ghost projects ng mga opisyal nito.
christmas package ng asia yaosho mas lalong mura at pinarami pa!!
Anderson cooper star sa walk of fame ng 'pinas
page 4
page 7
ng mga nanalo sa ginanap na 27th Star Awards for Television sa AFP Theatre Quezon City ay pinangunahan ni Kapuso actress Marian Rivera na nanalong Best Drama Actress para sa kanyang pagganap bilang Angeline/Chantal sa Pinoy Remake ng Korean Hit Series "Temptation of a Wife." Samantala tabla naman sina Coco Martin (Juan Dela Cruz) at Richard Yap (Be Careful With My Heart) para sa Best Drama Actor categoTila wala nang dapat pang patunayan ang magkaribal na istasyon dahil tabla ang ABS-CBN at GMA7 para sa category na Best TV Station. Nasungkit naman ni Nikki Gil ang Best Single Performance by an Actress para sa “Ilog” episode ng Maalala Mo Kaya. KC Concepcion Best Drama Supporting Actress para sa Huwag Ka Lang Mawawala at tabla rin sina Arjo Atayde at Arron Villador sa Best Drama Supporting Actor para sa Dugong Buhay at Juan Dela Cruz. Sina Rufa Mae Quinto at Michael V naman ang Best Comedy Actor at Actress para sa Bubble Gang habang Best Comedy Show naman ang Pepito Manaloto.
AWARDS
FOR TELEVISION
NARITO ANG iba pang mga nagwagi: Best Drama Anthology: Magpakailanman (GMA-7) Best Child Performer: Andrea Brillantes (Annaliza) Best New Male TV Personality: Ruru Madrid Best New Female Personality: Janella Salvador Best Gag Show: Banana Split (ABS-CBN) and Bubble Gang (GMA-7) Best Musical Variety Show: ASAP 18 Best Variety Show: It’s Showtime (ABS-CBN) Best Female TV Host: Anne Curtis (It’s Showtime) Best Male TV Host: Billy Crawford (It’s Showtime) Best Public Affairs Program: Imbestigador (GMA-7) Best Public Affairs Program Host: Vicky Morales (Wish Ko Lang) Best Horror/Fantasy Program: Wansapanataym (ABS-CBN) Best Reality Competition Program: Extra Challenge (GMA-7) Best Reality Competition Program Host: Judy Ann Santos (Mastef Chef Pinoy Edition) Best Game Show: Celebrity Bluff (GMA-7) Best Game Show Host: Luis Manzano (Deal or No Deal) Best Talent Search Program Host: Robi Domingo, Alex Gonzaga, and Toni Gonzaga (The Voice of the Philippines) Best Youth Oriented Program: LUV U (ABS-CBN) Best Educational Program: Born To Be Wild (GMA-7) Best Educational Program Host: Kim Atienza
(Matanglawin) Best Celebrity Talk Show: Kris TV Best Celebrity Talk Show Host: Vice Ganda (Gandang Gabi Vice) Best Documentary Program: I-Witness (GMA-7) Best Documentary Program Host: Kara David, Sandra Aguinaldo, Howie Severino, and Jay Taruc (I-Witness) Best Magazine Show: I Juander (GMA News TV) Best Magazine Show Host: Jessica Soho (Kapuso Mo, Jessica Soho) Best News Program: State of the Nation (GMA News TV) Best Male Newscaster: Julius Babao (TV Patrol) Best Female Newscaster: Karen Davila (Bandila) Best Morning Show: Umagang Kay Ganda (ABS-CBN) Best Morning Show Host: The hosts of Unang Hirit (GMA-7) Best Public Affairs Program: The Bottomline with Boy Abunda (ABS-CBN) Best Public Affairs Program Host: Boy Abunda (The Bottomline with Boy Abunda) Best Showbiz Oriented Talk Show: Startalk (GMA-7) Best Make Showbiz Oriented Talk Show Host: Ogie Diaz (Showbiz Inside Report) Best Travel Show: Biyahe Ni Drew (GMA News TV) Best Travel Show Host: Richard Gutierrez (Pinoy Adventures) Best Lifestyle Show: Convergence (NET 25) Best Lifestyle Show Host: Solenn Heussaff (Fashbook)
your support brings hope to the families affected by the super typhoon "yolandA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 2
MULA PAHINA 1 Nauna rito ang kontrobersyal niyang laban kay Timothy Bradley na bagama’t idineklara na si Bradley ang nanalo, marami ang kume westiyun sa scoring na ginawa ng mga ring judges. Apat na araw matapos ang laban ay pina-review ng WBO’s Championship Committee at lumalabas na si Manny Pacquiao nga ang dapat na itinanghal na WBO Welterweight Champion ngunit walang kapangyarihan ang WBO na baguhin ang resulta at tanging ang NSAC lamang ang pwedeng bumawi rito. Kung kaya’t iminungkahi na magkaroon na lamang ng rematch ang dalawa.
Sumunod na pagkabigo ni Manny ay ang ika-apat na paghaharap nila ni Juan Manuel Marquez noong Disyembre 8, 2012. Idineklarang TKO ang laban na pabor kay Marquez nang mapabagsak niya si Manny sa ika-6 round nang tamaan ni Marquez si Manny sa panga gamit ang kanyang kanang kamao.
Labin-isang buwan ang nakalipas at muling humarap na naman sa ring ang tinaguriang pound-for-pound king upang labanan ang American-Mexican fighter na si Brandon Rios na #6 Junior Welter weight Champion of the world.
december 2013 first iSSUE
nasawi sa hagupit ni yolanda aabot ng 5000
T
inatayang lalagpas ng limang libong katao ang kumpirmadong nasawi sa nakaraang paghagupit ng bagyong Yolanda. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot na ng 5,209 ang mga namatay dahil sa bagyong Yolanda. Karamihan sa mga naitalang nasawi ay mga mamamayan ng Tacloban City, Tanauan at Palo sa probinsya ng Leyte. Sa kasalukyan may 1,582 pa ang pinaghahanap ng NDRRMC habang 24,716 naman ang mga nasugatan. Umabot na rin ng higit sa 10 milyong katao ang naapektuhan ng bagyo mula region 4-A, 4-B, 5,6,7,8,10,11 at Caraga, 380,000 dito ay nananatili pa sa mga sa evacuation centers. Matatandaang nauna nang sinabi ng isa sa mga opisyal ng PNP na aabot sa 10,000 katao ang pinangangambahang namatay pagkatapos na makita ang pinsala ng bagyo. Agad naman itong pinabulaanan ni Pangulong Noynoy Aquino at sinabing 2,000 hanggang 2,500 lamang ang mga napinsala.
no coca-cola commercials until end of 2013
B
ilang pakikiisa sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa buong Visayas, napagpasyahan ng pamunuan ng Coca-Cola Philippines na huwag muna magpalabas ng kahit anong TV Commercial na nagsimula noong Nobyembre 18. “Any committed advertising space will be redirected to the relief and rebuilding efforts for the people in Visayas” pahayag ng Coca-Cola. Mas pinili ng pamunuan ng Coca-Cola na ipunin ang kanilang advertising money na gagamitin para makatulong sa relief and rehabilitation ng mga nasalanta ng bagyo. “Coca-Cola earlier pledged $2.5 million in cash and in kind to help in relief efforts in stricken areas. $1 million will come from the company’s Philippine arm.” Samantala may karagdagang 1M naman ang ibibigay ng Coca-Cola Foundation direkta sa American National Red Cross. Kaugnay nito ay nagbigay na rin ang Coca-Cola ng $590,000 para sa mga inuming tubig. Dagdag pa ng Coca-Cola ay nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga sangay ng gobyerno kabilang na ang Armed Forces of the Philippines Red Cross upang mas lalo makatulong. “We will make certain that the Coca-Cola system in the Philippines is mobilized to help however we can.” –Coca Cola
Bank account ni manny PACQUIAO paralisado
S Sa unang round pa lamang ay bumagsak na si Rios bagaman hindi ito tinawagan ng knock out. Kapansin-pansin na bumagal at humina ng kaunti ang mga suntok ni Manny, hindi pa rin ito sumusuko at ipinagpatuloy pa rin niya ang laban na iniaalay niya sa mga kababayan na nasalanta ng bagyong Yolanda. Isang unanimous decision ang naging resulta ng laban na may score na 120-108, 118-110 at 119109.
Kahit pa hindi naging TKO ang resulta malaki pa rin itong bagay hindi lang para kay Manny kundi pati na rin sa mga kabababayan niya na umaasang maiwawagayway na naman ang bandila ng Pilipinas.
inalubong nang masamang balita si Pambansang Kamao Manny Pacquiao nang maghain ng tax evasion case ang Bureau of Internal Revenue o BIR kamakailan hinggil sa P2.2 billion unpaid tax ng boksingero. Sumambulat ang balitang ito isang araw matapos manalo si Manny kay Brandon Rios.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, ang inihaing reklamo ay mula pa noong taong 2010 dahil hindi nagawang magsumite ang kampo ni Manny ng kanyang income return mula 2008-2009. Iginiit pa ni Henares na hindi raw nakikipag-usap ang kampo ni Manny kahit ilang beses na nitong pinapatawag ang kanilang atensyon.
Sinampahan ng Warrant of Garnishment si Manny na kung saan hindi maaring magamit ng akusado ang sarili nitong bank account dahil ito ang gagawin pambayad sa pinagkakautangan nito sakaling hindi makapag-sumite
ang kampo ni Manny ng kanyang tax return sa IRS. Dahil dito, napilitang mangutang ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para matupad ang pangako nitong tulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda. Pinoproblema rin niya kung saan kukunin ang ipapa-sweldo sa kanyang mga tauhan na taos-pusong naglilingkod sa kanya. Si Manny Pacquiao ang kaisa-isang kongresistang bilyonaryo sa bansa. Sa nakaraang laban niya kay Rios ay kumita na siya ng $80M na kung susumahin aabot ng $300M ang kabuuang kita nito. Samantala, umalma naman si Top Rank chief executive Bob Arum hinggil sa isyung kinasasangkutan ni boxing superstar Manny Pacquiao. Ayon kay Arum, ang hinihinging IRS ay dapat nire-request sa mismong tanggapan ng America ni Henares. “My question is why, this lady, as the head of the tax bureau in the Philippines, didn’t ask her counterpart in the United States for such a certificate? She put the burden on Manny.”
Nilinaw din ni Arum na regular silang nagbabayad ng 30% mula sa kinita ng bawat laban ni Manny sa US IRS. Pagsasaad pa ni Arum “That is the law in the United States. When a non-resident alien like Manny Pacquiao fights of performs services in the U.S., you are required to withhold 30% of the money that goes to him and pay it to the US IRS for taxes”.
your support brings hope to the families affected by the super typhoon "yolandA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 3
december 2013 first iSSUE
M
FREE WI-FI sa mga
agandang balita para sa lahat ng mananakay sa Tokyo dahil ang NTT Broadband Platform ,Inc. ay may planong lagyan na ng free Wi-Fi service ang lahat ng mga bus ng Tokyo Metropolitan Government sa darating na Marso 2014. Sa isang pahayag ng kumpanya sa kanilang website, ang serbisyong na ito ay pasisinayaan sa darating na Disyembre 20 sa mga bus na bumabyahe sa pagitan ng Shimbashi at Shibuya via Roponggi. Inaasahan na bago magtapos ang Marso 2014 ay nalagyan na ang lahat ng 1,452 Toei bus ng free Wi-FI service. Ang proyektong ito ay para sa mga mananakay upang makagamit sila ng libreng Wi-FI upang 'di mainip sa byahe. Mayroon itong apat na wika: Japanese, English, Chinese at Korean.
tokyo buses
htc maglalabas din ng gold plated smartphone
M
ukhang hindi magpapahuli ang Taiwanese handset maker na HTC sa paggawa ng bagong marangyang smartphone. Ang HTC One na may shades ng silver, black, blue at red ang tinaguriang iPhone version ng Android. At tulad ng Apple na nauna nang naglabas ng Gold plated iPhone, ang 5s, maglalabas na rin ang HTC ng gold version nito. Gayunpaman ang make over na ito ay mababaw lamang. Sa ilalim nito ay
kaparehas pa rin ang processor na ginagamit ang Snapdragon at 'di rin nila binago ang RAM at software nito. Tila pataas ng pataas na ang kompetensya sa pagitan ng mga smartphone maker at nagsasabayan na sila sa paggawa ng “gold-toned smartphone”. Naunang naglabas ang Apple ng iPhone 5s at agad naman sumunod ang Samsung at naglabas din ng Galaxy SIV.
'selfie' is 2013
word of the year
ika nga ni konsul
ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio
DONATIONS FOR THE VICTIMS OF SUPER TYPHOON "YOLANDA" (INTERNATIONAL CODENAME: HAIYAN)
F
ollowing the destruction brought about by the recent super typhoon “YOLANDA” (International codename: Haiyan ) that hit the Philippines last 0809 November 2013, the following assessments have been made by the Philippine National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of 11 November 2013; Affected Population 9,679,059 persons were affected in 471 municipalities Damage Houses 23,190 houses damage Strandees Four Airports in Busuanga, Roxas, Kalibo, Tacloban, remain non-operational Cost of Damages Estimates P296,629.05 worth of damages to infrastructure and agriculture in Region IV-B, V, VI and CARAGA. NAT I O NA L D I S A S T E R R I S K R E D U C T I O N a n d MANAGEMENT COUNCIL (NDRRMC)
Website: htt://www.ndrrmc.gov.ph Account Name: NDRRMC Donated Funds Account Numbers: 0435-021927-030 (PESO ACCOUNT) 0435-021927-530 (DOLLAR ACCOUNT) SWIFT code: DBPHPHMM Account #36002016 Address: Development Bank of the Philippines 1110 Camp Aguinaldo Branch PVAO Compound Camp Aguinaldo, Quezon City, Philippines 1110 Contact Person: Ms. Rufina A. Pascual, Collecting Officer pinahayag ng Oxford Dictionaries noong nakaraang Nobyemre 17 na ang NDRRMC, Office of Civil Defense, Camp slang word na “selfie” na ang ibig sabihin ay pagkuha ng larawan ng sarili Aguinaldo, Q.C (632) 421-1920; ng mag-isa sa pamamagitan ng paggamit ng smartphone o webcam at Tel. No: 911-5061-up to 65 local 116 i-upload sa mga social media website. Email: accounting@ocd.gov.ph Tinalo nito ang salitang “twerk” o ang paggiling puwet habang nakatuwad PHILIPPINE RED CROSS (PRC) na mas naging kapansin-pansin nang sinayaw ito ni controversial Miley Website: http://www.redcross.org.ph Cyrus. Tel. No: (632) 527-0000 Tinatayang higit pa sa 17,000 porsyento sa loob ng 12 labin dalawang Bank Accounts for Donations buwan na nakalipas ang itinaas ng paggamit ng salitang “selfie”. Phil Embassy Japan official Account Ayon kay Judy Pearsall, editorial director ng Oxford Dictionaries, ang Account Name Embassy of the Philippines mga wikang kanilang napipili ay masusing sinala mula 150 million words na Disaster Donation Account Account No 3430362 kasalukuyang ginagamit kada buwan. JPY (Ordinary) “We can see a phenomenal upward trend in the use of selfie in 2013, Account Type Bank Name Bank of Tokyo-Mitsubishi-UFJ and this helped to cement its selection as word of the year” pagtatapos ni (Shibuya-Meijidori Branch) Pearsall. Banco de Oro Peso: 00-453-0018647 Philippine National Bank Peso: 3752 Dollar: 10-453-0039482 8350 0034 Swift Code: BNORPHMM Dollar: 3752 8350 0042 Swift Code: PNBMPHMM Metro Bank Peso: 151-3-041631228 Union bank of the Philippines Peso: 1015 Dollar: 151-2-15100218-2 4000 0201 Swift Code: MBTCPHMM Dollar: 1315 4000 0090 Swift Code: UBPHPHMM
I
2 pasyente sa japan positibo sa HIV
CURVED TV Papatok kaya sa mga pinoy?
M
oong nakaraang Oktubre ay naglabas ang Samsung mobile ng kauna-unahang curved smartphone ang Samsung Galaxy Round na sinegundahan naman ng LG at naglabas din ng sarili nilang bersyon ng curved smartphone ang LG-Glfex. na pawang sa bansang Korea lamang dinistribute. Ngayon naman, ay maglalabas ng Curved TV ang LG, ang OLED TV na kauna-unahang ilalabas sa merkado. Ngunit ang nasabing curved TV ay siguradong bubutasin ang inyong mga bulsa sapagkat ito'y nagkakahalaga ng P499,990.00 na maari ka nang makabili ng bagong kotse. Ang 55-inch curved TV ay may screen na nagbibigay ng optimal viewing angles para mas malinaw mong makita ang kanan at kaliwang side ng pinapanood mo. Mayroon din tong four-color pixel technology at lighted pixel para makapagbigay ng mas magandang resolution. Ito rin ay internet-ready at sinusuportahan din into ang wired at wireless connection. Mayroon din app store at built-in hardrives w/ voice commands. Tila hindi na talaga papatalo ang mga kumpanyang ito sa pagbuo ng mga makabagong teknolohiya. Kung sabagay, tayo ngayo'y nabubuhay sa tinatawag na "internet-age" kung saan ang lahat ay nakukuha mo sa isang click at swipe lang.
aigting ang ginagawang pag-iimbestiga ngayon ng Ministry of Health at Japanese Red Cross Society hinggil sa isang di pa nakikilalang blood donor na positibo sa HIV o Human Immuno Virus. Pinangangambahan ngayon na naipasa sa dalawang pasyente ang nasabing kontaminadong dugo. Ito ang kauna-unahang insidente na nakalusot ng isang HIV positive blood at aksidenteng nagamit para sa blood transfusion mula noong 2003 na nauna nang napabalita na may ganitong panyayari rin. Patuloy pa rin ang pagkonsulta ng health ministry at nagdgdag din sila ng mga manunuring eksperto para sa imbestigasyon. Samantala, ayon sa nakalap na datos ng ministry, “during the initial days of infection, the effect of the virus is minimal and discerning whether the infection is present or not, is very difficult. This period is called the “window period,” and is believed to be the reason infected blood made it past safety tests”.
N
Per PRC website, “For your donations to be properly acknowledged, please fax the bank transaction slip at PRC nos. +63.2.527.0575 or +63.2.404.0979 with your name, address and contact number.” D E P A R T M E N T O F S O C I A L W E L FA R E a n d DEVELOPMENT (DSWD) Website: Account No: Bank Details: Contact Person: Contact Nos.:
http://www.dswd.gov.ph 3124-0055-81 Land Bank of the Philippines, Batasan, Quezon City Philippines Ms. Fe Catalina Ea (Cash Division) (632) 931-8101-local 226 (632) 918-628-1897
The NDRRMC and DSWD has not yet specified what types of in-kind donations are needed, however, donors may send meals-ready-to-eat (MRE’s and other food stuff that can be eaten without cooking), and bottled water. Donation of used clothing is discouraged. Donations in kind may be sent to the DSWD National Resources Operations Center (NROC). Address: DSWD, Chapel Road, Pasay City Philippines. Contact Person: Ms. Francia Fabian (+63) 918-930-2356.
your support brings hope to the families affected by the super typhoon "yolandA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 4
december 2013 first iSSUE
BAYANIHAN ni oyee barro
Distributer: Publisher:
Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com JM Hoshi Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
A
ng isang bagay na maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang kaugaliang pagtulong ng kusa sa kapwa na kung tawagin ay “BAYANIHAN” lalo na kung ito ay dala ng isang trahedya. Kamakailan lamang ay dumating ang pinakamalaking trahedya sa Pilipinas, ang bagyong Yolanda. Dito ay nasaksihang muli ang kabayanihan ng ating mga kababayan na nasa ibang bansa. Dito sa Japan sari-saring kabayanihan ang isinagawa ng mga Pilipino . Sa pangunguna ng Embahada ng Pilipinas na nakipagugnayan sa Door to Door company gaya ng Transtech/ LBC para sa donasyonng mga damit, pagkain at iba pang libreng ipapadala sa Pilipinas. Ganun din ang PNB,Tokyo, MetroBank at iba pang remittance company na tumatanggap ng donasyong pera na ginawang libre ang padala. Narito ang ilang grupo ng filipino community sa Japan na na- organisa ng iba’t ibang palabas para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Ang Kapisanan ng Migranteng Pilipino sa pamumuno ni Ms. Chikette Tsuchida sa palabas na “Lyrics and Hymns” noong Nov 10, 2013 sa Yotsuya. Ang sikat na miyembro ng grupong Asin na si Lolita Carbon ang pangunahing mang- aawit kasama ng mga lokal na artista gaya ng grupong Lumads na pinangungunahan ni Vergel Sansano. Noong November 17, 2013 ay ginanap ang ika-siyam na taong Utawit Singing Contest na ginawa sa Meguro Civic Center. Sa pamamahala ni Ms. Irene Kaneko, isang parte ng programa ay ang pag-ikot ng donation box para sa biktima ng Yolanda. Ang LSJ o Leytenyos, Samarenyos in Japan ay lihitimong mga taga-Visayas na naninirahan sa Japan, marami sa kanilang mga kamag- anakan ang nasalanta, nag-organisa rin ng isang palabas na may titulong “Pananagutan”, halos lahat ng kasali ay mga tubong Samar, at Leyte. Sa pangunguna ni Father Resty Ogsimer, Rowena Gunabe, Julie Yonei, Marlan Buraca, Judith Enfectana, Daidai Kawasaki at marami pang iba. Ang programa ay nagsimula sa Misa na inialay sa lahat ng nasawi sa trahedyang ito. Sinundan naman ng mga awitin sa katagang waray kung kaya’t ito ay naging makabagbag damdaming palabas, marami sa mga nanonood ang naantig
ang puso at napaluha. Noong November 24, ang HAKMI o Hawak Kamay ng Mahal na Ina ay naghatid naman ng isang Charity Jam sa pangunguna ni Jena V, Olive Akatsu, Gigi Taguchi, Direk George at marami pa. Ang Charity Jam ay dinaluhan ng mga lokal na mang-aawit (proffesional at amateur) . Ito ay ginawa sa Embassy Lounge , Kita Matsudo Chiba. Ang mga palabas na ito ay masaya, maayos at marami nang-abot ng kanilang tulong. Dito makikita at mararamdaman ang prisensya ng ating mga kababayan na handang tumulong saan man sila naroroon.
Marami pang palabas o charity event na magaganap bago matapos ang taong 2013 at isa na rito ang grupo na Professional Volunteers sa pangunguna ni Mr.Joey Manalang – isang film director at magaling na litratista at Mr. Cesar Sison na isang marketing strategist at mahusay na manunugtog ng saxophone. Kapwa abala sa kani kanilang mga larangan ngunit nagawa pa nilang mag-volunteer para sa ating mga kababayan sa Visayas. Kasama rin po ang inyong lingkod sa bumuo ng palabas na ito. Ang music charity event na ito ay gagawin sa “What the Dickens” sa Ebisu Shibuya ku, Tokyo sa December 12, 2013 na may titulo na Handog sa Visayas, at ang lahat ng kikitain ay deretso sa Sagip Kapamilya ng ABS CBN na maghahatid ng tulong sa nasabing nasalantang lugar. Ito ay dadaluhan ng ibat’ ibang grupo ng mga musikero. Karamihan dito ay hindi mga Pilipino ngunit handang magbigay ng kanilang serbisyo sa larangan ng musika. Ilan sa mga performers na Pinoy ay PML Band, N23 Band, Cesar, Oyee & Arthur Pop/Jazz Music, Robin & Lou Acoustic from UK, Thomas Deane Acoustic Solo from US, Gaku & Friends Pop and Toshi & The Good Things J-Rock from Japan and Mr. Walter Roberts on Cello.
MABUHAY ANG MGA PINOY SA JAPAN
your support brings hope to the families affected by the super typhoon "yolandA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
TARA-LET'S 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 5
december 2013 first iSSUE
K
ilala ang Anilao, Batangas na isa sa mga pinakamagandang diving spot sa Pilipinas. Pagpasok mo pa lamang sa barangay Anilao, kapansin-pansin na ang iba’t ibang diving resort mula high-end hanggang mid-end resort na handang ipadama sa iyo ang isang breathtaking diving experience. Ang Balai Resort na halos nasa dulong bahagi na ng Anilao ay tinaguriang coral reef sanctuary. Bagay ang bansag na ito dahil makakakita ka na ng mga coral kahit na ang lalim ng tubig ay hanggang dibdib pa lamang. Sa adventure na ito na bagaman may kamahalan, tiyak naman na hinding-hindi mo makakalimutan at talagang dreamy ang experience mo rito. Pagdating mo pa lang sa resort ay may nag-aantay na sa iyong buffet breakfast dahil na rin sa pagod na aabutin mo bago marating ang Balai, pagkatapos ng breakfast, magandang magpahinga muna sa kwarto na ginawang parang tree house dahil sa mga naglalakihang sanga ng puno na pumapalibot dito. Kung isa ka nang “diver” maaari ka na mag-dive pagkatapos mong mag-almusal na tatagal ng humigitkumulang na 45 minuto depende sa kung gaano ang itinakda ng iyong dive master. Para naman sa mga tulad kong first timer, inihanda ko ang aking sarili sa isang masarap na buffet lunch bago tuluyan magtungo sa briefing para sa intro dive. Sa intro drive briefing ituturo ang mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa
We are inviting all of you to attend our friendly and very welcoming church. A community who wants nothing more from you. We don't look for labels and we don't judge. All we want is for us all to gather in one roof and would only speak TRUTH! Come and Join us. Let us all experience an uplifting and meaningful connection at Jesus The Living Word Ministry. A full gospel doctrine under the Assemblies of God in Japan. STAY CONNECTED! Connected to God, Family, Church, and our Community ADDRESSES Regular Service at Kinshicho branch: MORNING SERVICE10.30- 1.00 p.m. AFTERNOON SERVICE 3.00p.m- 5.30 p.m. JLWM Kinshicho : 135-0001 Tokyo Koto-Ku Mori 2-10-14 Furiai Building 2F Regular Service at Koiwa Branch: AFTERNOON SERVICE 4.30 p.m. to 7.00 p.m. JLWM Koiwa : 133-0051 Tokyo Edogawa-Ku Kita-Koiwa 2-17-13 Regular Service at Narita branch: JLWM Narita: 286-0122 Chiba Ken Narita Shi Oshimizu 48-7 Toyama Kominkan Morning Service: 10:30 a.m. to 12:30 p.m.
“Jesus is calling you!!! Will YOU answer?” JOHN 3:16 For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.
CONTACT PERSON Pastor Roger Mendoza: 090 6509 7023 Pastor Jefferson Marquez: 080 2117 6728 Pastor Don Cando: 08043737594 (Narita Chapter) Pastor Rhyan Castanates Tolo : 08034679387 (Narita Chapter)
ilalim ng tubig gaya ng mga hand signs na dapat mong matutuhan para alam mo kung paano mo kakausapin ang iyong trainer kung ikaw ay okay pa ba o may kakaiba na nararamda man habang nasa ilalim ng tubig. Aabot hanggang 20 feet lamang ang pwedeng puntahan ng mga first time diver at dahil nga first time, aalalayan ka ng iyong trainer hanggang makarating sa dive spot ngunit habang pailalim ng ilalim ang pinupuntahan ninyo, importanteng mag-equalise kayo para matanggal ang “air pressure” na nararamdaman mo sa iyong tenga na kaparehas ng nararamdaman mo habang ikaw ay nakasakay sa eroplano. Habang papunta sa dive spot makikita mo na ang angkin ganda ng yaman-dagat ng Pilipinas, mula sa mga corals na akala mo sa TV mo lang makikita, starfish na kulay asul, mga iba’t ibang klase nang isda. Pati na rin si “Nemo” ang sikat na clown fish na sasamahan ka sa ibaba habang ikaw ay nagpapa-picture sa ilalim ng dagat. Ang underwater adventure na ito ay nagkakahalaga ng Php 4,500 para sa overnight stay. Kasama sa package na ito ang buffet breakfast, lunch at dinner, airconditioned room na may kasamang hot/cold shower, dive master fee (including equipment: fins, mask, tank and regulator).
your support brings hope to the families affected by the super typhoon "yolandA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy na pinoy 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
PAge 6
december 2013 first iSSUE
Sagittaruis - Nov. 23 - Dec. 21
Lalaki o babae at anuman ang edad ay dumadaan sa mga pagkakataon na parang wala sa sarili. Puwedeng bigla na lang nagagalit, napaka tahimik o kaya naman ay sobra namang mayabang. Kapag ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, makakabuti na lumayo ka muna sa karamihan at hanapin ang iyong sarili. Huwag mong hayaan na makaapekto ang iyong panandaliang mood sa mga pinaghirapan mong relasyon at trabaho.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Alin nga ba ang mas masakit ang lumayo o magpatuloy na masaktan. Kahit na parang may kumakatok sa iyong puso na baka mayroon pang chance na magkatotoo ang iyong ideya, kailangan malaman mo kung kailan dapat tumigil. Harapin mo ang katotohanan. Ang tagal mo nang nagpapansin at sinabi mo na sa kanya ang tinitibok ng iyong puso pero wala pa rin nagbabago sa takbo ng inyong relasyon. Puwede ring plano ka ng plano pero wala ka namang magawang aksyon dahil sa napakaraming balakid.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19
Gemini - May. 22 - June. 21
Oo naman, kailangan mo rin ng mapaglilibangan at puwede mong regaluhan ang iyong sarili. Ang mga ito ay magbibigay sa iyo ng naiibang saya na para bang may napapatunguhan ang iyong mga pinaghihirapan. Talaga nga ba? Hinay-hinay ka lang din dahil baka masyado nang naghahari ang iyong pag-aaliw sa iyong sarili na tipong unti-unting nauuwi rin sa wala ang lahat ng iyong mga naitatabi. Tandaan mo pa rin ang iyong motibasyon kung bakit ka nagtatrabaho. Hindi naman siguro dahil lang para makabili ka ng gadget ‘di ba?
Cancer - June. 22 - July. 22
Aminin mo man o hindi, maintindihan mo man nga yon o bukas pa – nakakatulong sa iyo ang mga challenges sa buhay. Maaaring mag-anyo itong taong hinahamon ang iyong kakayahan o isang sitwasyon na dapat malusutan. Sa bawat oras na may pinagdadaanan ka, mas marami kang nauunawaan lalo na’t mas napagtatanto mo na kailangan mo na magpakumbaba dahil marami ka pang dapat na matutuhan.
May oras na dapat kang makisama pero may pagkakataon naman na gamitin mo kung ano kakayaLeo - July. 23 - August. 22 han na maaari mong maipagmalaki. Gamitin ang Pakiramdam mo ay mas mabilis gumana ang iyong iyong lakas ng loob at katalinuhan para makisa bibig kaysa sa iyong isipan. Mas nagiging madaldal lamuha sa kapwa mo mo magagaling. Magbubukas ito ng mas ka kasi sa karaniwan na tipong ang bawat salita na malawak na oportunidad at kamalayan sa iyong karera na dapat iyong sinasabi ay wala naman sa iyo. Pero huwag mo lang pasukin. After all, iyon din naman ang hinahangad ng bawat nangangarap – hamunin ang sarili sa pamamagitan ng kang mag-aalala hindi naman ito kakaiba. Katunayan ay baka mas magtaka pa ang ilan kung masyado kang tahimik. Hindi rin lang pakikipagtapatan sa kapareho ng kanyang antas o higit pa. naman ikaw ang may ganitong pakiramdam na hindi matigil sa kakasalita dahil abalang-abala. Pisces - Feb. 20 - March. 20 Huwag kang magmadali magdesisyon kung taVirgo - Aug. 23 - Sept. 23 lagang hindi ka pa nakakapag-isip nang husto. Sa ngayon, magandang namnamin mo muna Minsan hindi mo rin pinagkakatiwalaan ang iyong ang magaganda at masasayang bagay na naramga natural na katangian na para sa iba ay kabigharanasan mo. Makakatulong ang oras at positibong emosyon bighani. Marami d’yan ang interesado sa iyong mga para mabigyan ng mahahalagang rason ang iyong isipan. Kapag simpleng mga tanong na may malalalim na pag-aanakapagpahinga ka, tiyak na lilinaw na rin ang lahat at doon na nalisa. Katunayan baka sa iyo pa nila makuha ang sagot na kanilang magandang mag-analisa para sa bagay na iyan na matagal ng pilit na inaalam. Maging bukas sa masayang pakikipag-usap. Dito mo gumugulo sa iyong isipan. malalaman ang kanilang personalidad, gayon din naman sila sa iyo. Masaya rin ang may kausap sa kabuuan ‘di ba?
Aries - March. 21 - April. 20
Tila nanaig ang iyong pagiging malambing at Libra - Sep. 24 - Oct. 23 mapagkakatiwalaan. May ilan na mas pinipili kang Kaliwa’t kanan ang natatanggap mong paanyaya sa pagkuwentuhan ng kanilang sikreto at pangarap iyong mga kaibigan at kamag-anak. Siyempre hindi na matagal na nilang itinatago. Kung kaya mo, na maiiwasan na may mas matimbang sa iyo pero gumawa ka ng hakbang para magkatotoo ang kung kaya naman ng oras mo ay subukan mong kanilang iniisip. Simple lang naman halos ang simula ng lahat, pagbigyan ang kanilang imbitasyon. Ito ay paraan naghahanap sila ng taong magtutulak o magpapakas ng kanilang ng pagbabalik ng kanilang pagpapahalaga sa iyo, ano man ang loob. Hindi mo naman kailangan magtyaga para sa kanila, natural pagtingin mo sa kanila. Huwag kang mahiya sa halip ay tingnan mo nang matulungin ka. rin ang kanilang mga pinagkakaabalahan. Malay mo rito mo pa matutuhan ang matagal mong gustong malaman.
Taurus - April. 21 - May. 21
Kahit na madali naman sa iyo ang mag-compute ng mga gastusin ay tila nahihirapan ka na magbudget. Parang hindi magtugma ang iyong kita sa iyong binabayaran na bills? Gayon din naman kahit hindi ka masyado gumagastos ay wala ka pa ring naitatabing ipon? Hinga nang malalim, baka hindi mo lang nauupuan ang iyong personal or family finances. Baka nauunahan ka lang ng pagpapa-panic na magagawa mo naman ng paraan kung may klaro kang hakbang at pagtatyaga na maresolbahan ito. Sa ngayon, makakabuti na huwag gumastos nang malaki nang hindi ka lalo na mamoroblema.
I
KARE-KARE
sang klase ng lutuing karne ng baka ang Kare-Kare na maipapares sa English Curry. Sa mga restaurant na nag-aalok ng Filipino dish, hindi puwedeng wala ito sa menu lalo na’t masasabi itong comfort food ng mga Pinoy. At gaya ng ibang putahe, mayroong perpektong katambal ito, ang bagoong alamang (sautéed shrimp paste). Maliban sa karne ng baka, maaaring ipalit na rekado sa Kare-Kare ay ang manok at baboy. Ang recipe na ito ay sapat para sa apat hanggang anim na tao.
Mga rekado: Tig-1 piraso ng pata (leg), buntot (tail) at goto (tripe) ng baka (ox) Kalahating tasa ng achuete 2 tasa ng tinusta at giniling na mani 1 ½ tasa ng tinusta at giniling na bigas 5 piraso ng hiniwa at bahagyang
naluto (half cooked) nang talong 2 tali ng pinagputol-putol at bahagyang luto (half cooked) ng sitaw 1 piraso ng hiniwa ng puso ng saging 2 piraso ng dinurog na bawang 2 piraso ng hiniwang sibuyas 1/ 2 tasa ng bagoong alamang
Paraan ng pagluluto: • Sa isang kaldero, pakuluan ang buntot, pata, at goto ng baka kasama ng achuete hanggang sa lumambot. • Ihalo ang giniling na mani at bigas • Idagdag ang half-cooked na talong, sitaw at puso ng saging • Sa isang kaserola, igisa ang sibuyas at bawang. Idagdag ang bagoong alamang. • Ihain ang karne at gulay na Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Hindi mo lubos na maisip kung bakit masyado kang may kasama ng nilutong interesado sa isang tao na iyong nakilala. Nasa amo bagoong alamang ba ng kanyang mukha? Talento at talino na hindi bilang sawsawan.
madaling hanapin sa iba? O s’ya ay eksaktong kabaligtaran ng iyong pag-uugali? Ito man ay may kinalaman sa love life, career at social life, huwag kang bumitaw. Sa susunod malalaman mo rin kung bakit nahahatak ang iyong atensyon sa taong ito na posibleng may pagbabagong magagawa sa pananaw mo sa buhay.
your support brings hope to the families affected by the super typhoon "yolandA" for more information please see page 3 "ika nga ni konsul column"
pinoy-BiZz PAge 7
december 2013 first iSSUE
anderson cooper, star sa walk of fame ng 'pinas rachel ann go, pasok ahit hindi artista, kailan lang halos nakilala ng sam- TJ Trinidad, comedian -director Edgar Mortiz, veteran actor
K
bayanang Pilipino at kahit isang banyaga, isa ang CNN reporter na si Anderson Cooper sa 25 bibigyan ng bituin sa version ng Pilipinas ng Walk of Fame. Kasama rin ni Cooper dito ang half-Filipino Hollywood star na si Rob Schneider. Tradisyon na kay German “Kuya Germs” Moreno ang magbigay ng parangal sa mga natatanging personalidad tuwing Disyembre. Matatandaan na umani ng paghanga ang Amerikanong mamamahayag nang kanyang i-cover ang ilang bayan sa Samar at Leyte na matinding sinalanta ng super typhoon Yolanda. Bagaman siya ang kaunaunahang dayuhan sa hilera ng mga pangalan sa walk of fame, hindi s’ya ang unang news reporter na nabigyan ng pagkilala rito. Ilan sa mayroon ng bituin na rito ay sila Jessica Soho, Noli De Castro, Mel Tiangco, Tina MonsodPalma, Arnold Clavio, Angelo Castro at ang nakabanggaan ni Cooper na si Korina Sanchez. Pasok din sa 25 na parte ng walk of fame sa Eastwood, Quezon City ay sila Manding Claro (matinee idol noong 1950’s), Angie Yoingco at Nikki Ross o Wing Duo , singer Jamie Rivera, German Moreno, Alice Eduardo, award-winning actor Joel Torre, Kapuso actor
Bembol Roco, Direk Laurice Guillen, news anchor Vicky Morales, premier contrabida Gladys Reyes, TV host-actress na si Toni Gonzaga, Dr. Manny at Pie Calayan, at Joel Cruz. Narito ang mga beauty queen noon at ngayon na kinabibilangan nila Miss International Stella Marquez-Araneta, Melanie Marquez, Gemma Cruz, Precious Lara Quigaman at Aurora Pijuan. Kasama rin sa kanila ang 2013 Miss World Megan Young, first Miss Universe Armi Kuusela, at 1973 Miss Universe Margie Moran.
banana split cast, uninvited sa kasal ni melai at jason?
Banana Split. Naiba lang ang ihip ng hangin nang maibalita ni Melai na s’ya ay buntis, na una niyang ring ibinalita kay Angelica na nasa ibang bansa noon. Bagaman suportado ni Angelica ang pagbubuntis ni Melai ay bokal ito na hindi niya gusto si Jason para sa kanyang kaibigan. Sa huli pa, napagdesisyunan nila Melai at Jason na magpakasal. Maliban kay Angelica, tila hindi na rin invited sila John at ang komedyanteng si Pooh na nagpahayag ng saloobin na nagaaala s’ya sa kapasidad ni Jason. Ikinagalit umano ni Jason ang opinyon na ito ni Pooh na idinepensa naman ni Angelica. Ani ng aktres, anuman ang sinabi ni Pooh ito ay dahil sa pagaalala nito kay Melai. Pero ayon na nga rin sa panayam ni Melai sa Buzz ay hindi rin niya nagustuhan ang pagsasalita sa press ng mga kaibigan. Dagdag pa niya sana ay personal na lang sinabi sa kanya at dahil nasasaktan din s'ya kapag sinisiraan si Jason. Nakakaapekto pa umano ang kanyang emosyon bilang buntis at hinanakit ng mga magulang ni Jason. Bagaman may tampo at umugong ang balitang wala sa kanilang kasal ang mga nakasama sa Banana Split, invited ang mga ito ayon sa magkasintahan.
I
namin sa programang Buzz ng Bayan ng magpapakasal na sina Melai Cantaveros at Jason Francisco na may hinanakit sila sa mga nakasama nila sa Banana Split. Bunsod nito naiipit sa intriga ngayon ang pagkakaibigan nina Angelica Panganiban at Melai, gayon din ang pagiging imbitado nito at iba pang cast ng programa ng Dos sa kanilang pag-iisang dibdib sa General Santos City sa Disyembre 9. Masasabing sa 27th Star Awards for TV’s Best Gag Show nabuo ang pagkakaibigan nina Angelica at Melai, maging sina John Prats at Jason Francisco. Subalit dahil sa ‘di pagkakaunawaan ay sinugod at sinapak ni Jason si John sa isang taping ng Banana Split noong March 2013. Sa pahayag noon ni Jason, gusto lamang n’yang iganti ang pambu-bully umano ni John kay Melai. Itinanggi naman ni John ang paratang ng nobyo ni Melai. Kahit nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Jason at John ay nagpatuloy pa rin naman si Melai sa
ka freddie, kasal na sa 16-taong nobya
N
auna sa petsa ng plano niya sanang pagpapakasal ang award-winning country singer na Freddie Aguilar sa kanyang nobyang si Jovi Gatdula, 16-taong gulang. Ginanap sa ilalim ng Muslim rite noong Nobyembre 22 ang kasalan ng 60-taong gulang na mang-aawit at ng kanyang may-bahay. Bago ang kasalang ito ay naging tampulan ng kritisismo ang mang-aawit ng internationally acclaimed song na Anak. Ito ay dahil na rin sa laki ng agwat ng kanilang edad at lalo pa nga’t isa itong menor de edad. Ilan sa ibinansag sa kanya ay cradle snatcher, Dirty Old Man (DOM) at pedophile, habang gold digger naman si Jovi. Humantong pa ang isyu na ito sa pagsasampa ng kasong qualified seduction ni Atty. Fernando Perito ng Integrated Bar of the Philippines sa Quezon City Prosecutor’s Office. Kamakailan ay nilalakad ni Atty. Perito , kasama sina Peter Sesbreño at Christine Joy Bangalisan, na gawin na itong kaso na kontra naman sa Republic Act 7610—o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Base sa joint complaint affidavit ng tatlo ay ginamitan umano ng popularidad at pera ni Ka Freddie ang kanyang napangasawa para makarelasyon ito. Kinasuhan din nila ang mga magulang ni Jovi dahil 'di umano sa pagpayag ng mga ito sa pakikipagrelasyon ng kanilang anak sa singer. Base sa saligang batas, partikular na sa Article 5 ng Family
Code of The Philippines, at sa nakaugalian ng nakakaraming Pinoy ay dapat tumuntong sa 18-taong gulang bago makapagpakasal. Bagay na nais sana umanong sundin noong una nang magnobyo pero dahil sa sunud-sunod na pambabatikos ay napagpasyahan nilang madaliin ang pagpapakasal at sa kung saan legal ang kanilang pagsasama. Edad 15 lamang ay maaari at pinapayagan na sa Muslim Family Code of the Philippines (article 16) na magpakasal ang isang tao, babae o lalaki. Samantala, sa bisa nama ng Presidential Decree 1083 o Muslim Family Code of the Philippines, pinamunuan ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu bilang solemnity officer ang kasalan ng dalawa na ginanap sa Buluan, Maguindanao. Anim na buwan pa lang naging mag-on ang magkasintahan na nagkakilala sa isang gig ni Ka Freddie sa Mindoro. Sa kuwento pa niya, na-love at first sight kaagad siya sa dalaga na unang ay akala n’ya ay nasa 21 na. Sila na umano nang malaman niyang 16 pa lamang ito.
na sa miss saigon
M
uli ay may mga makakasamang mga Pinoy sa pagbabalik sa Broadway ng Miss Saigon. Kumpir madong pasok na rito si Rachelle Ann Go na ang isa pa sa mga naunang nagbigay ng magandang balita ay ang mismong award-winning Broadway actress na sumikat dito, si Lea Salonga. “To @gorachelleann RACHELLE ANN GO! Iwagayway ang bandilang Pilipino! Congratulations on being cast in the West End revival of MISS SAIGON!” ang mensahe ng actress sa kanyang Twitter. Kay Rachelle napunta ang papel ni Gigi Van Tranh, isa ito sa mga prostitute o stripper na puwede sanang tanghaling Miss Saigon. Ang musical play na ito ay nagsasalamin sa buhay sa Saigon o Ho Chi Minh City noong Vietnam War. Ang 17-year old na Filipino-American na si Eva Noblezada ang muling magbibigay buhay naman sa pamosong karakter na Kim na nakapaghatid ng kasikatan at ilang parangal kay Lea. Nangunguna na rito ang Best Actress in a Musical sa Laurence Olivier Award noong 1989-1990 at Best Performance by an Actress sa Tony Award noong 1991. Samantala, isang Pinoy din ang gaganap na The Engineer at ito ay ang theatre actor na si Jon Jon Briones. Nakatakdang magbalik ang palabas na Miss Saigon sa Mayo 3, 2014 sa Prince Edward Theatre, London. Noong n akaraang taon nang magpa-audition ang Alain Boublil at Claude-Michel Schonberg musical play na ito, produksyon ni Cameron Mackintosh, na base sa istorya ng Madame Butterfly ni Giacomo Puccini. Ilan pa sa bahagi ng play na ito nagdidiwang din ng ika-25 anibersaryo ay sina Alistair Brammer bilang Chris, Hugh Maynard bilang John, at Tamsin Carroll sa papel ni Ellen.
philpop 2014, bukas na para sa mga aspiring songwriters
M
atagumpay ang patimpalak ngayong taon ng Philpop kung saan ang nakakuha ng unang gantimpala ay ang awiting Dati na komposisyon nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana. Ang nasabing kanta na inawit nina Sam Concepcion at Tippy dos Santos ay mayroong simpleng lyrics na nagsasaad ng pagbabalik-tanaw noong 90’s. Ito rin ay naging top hit sa mga local radio station bagay na nagbigay ng kasiyahan at patunay sa ideya ni Maestro Ryan Cayabyab. Sa dami ng magagandang kinathang kanta ay wala ngang makapagsasabi kung ano ang papasa sa panlasa ng marami. Ito ang bagay na nilinaw ni Mr. C na s’yang Executive Director ng songwriting contest na ito. Kaya naman hindi istrikto ang criteria sa mga ilalahok ng kanta ng sinumang contestant. Ang Philpop na bukas sa mga entries hanggang Pebrero 28, 2014. Maluwag din ito pagdating sa requirement sa mga sasali na maaaring amateur o professional songwriters na dugong Pinoy, nasa Pinas o wala. Puwede rin itong nasa wikang Tagalog, Ingles o isang dyalekto sa 'Pinas. Subalit dapat ay orihinal at 'di pa nagagamit sa kahit ano pang uri media, performance o sa ilalim ng lisensya ng publisher. Para sa iba pang detalye ng patimpalak, bisitahin lamang ang www.philpop.com.ph.