Daloy Kayumanggi

Page 1

NANGUNGUNANG BALITA

Inspiring Global Filipinos in Japan

France, Japan maglulunsad ng land probe sa Mars moon Posible umanong maglunsad ng land probe ang mga bansang Japan at France sa Martian natural satellite na Phobos. sundan sa Pahina 4

TIPS: Tatlong Beach Resorts na Malapit sa Maynila Tuwing summer ay patok na patok ang mga family at company outings. Madalas puntahan ay ang mga beach resorts na malapit sa Maynila.

Vol.5 Issue 63 May 2017

sundan sa Pahina 8

Ilokano MMA Lightweight champion, may payo sa mga atleta

Passion ang isa sa mga katangiang at kailangang taglaying ng isang atleta upang magtagumpay sa sports. Ito ay ayon kay MMA Lightweight Champion na si Edward Folayang. sundan sa Pahina 19

George Clooney, kupido nina Brad Pitt at Sandra Bullock

Hindi pa nagsasalita ang Hollywood celebrities na sina Brad Pitt at Sandra Bullock tungkol sa balitang nagdi-date sila. Sundan sa Pahina 21

Ai-Ai Delas Alas Engaged na kay Gerald Sibayan Magpapakasal na si AiAi delas Alas next year, ang ngayong 52-yrs-old na Comedy Queen ay happily engaged na sa kanyang matagal ng bf na si Gerald Sibayan. sundan sa Pahina 23

KONTRIBUSYON

Where to Relax if you want to beat Summer Hear near Metro Manila?

Tag-init na nga sa Pilipinas kaya’t kanya-kanya na nang paraan para malamigan o pagsugod sa anumang lugar ang mga tao para kahit papaano ay makapag-relax.

sundan sa Pahina 15

BRODIE MVP: Si Russel Westbrook ang Top Player Ngayong Season

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna bilang “most influential” person ngayong taon sa buong mundo. Ito ay ayon sa TIME Magazine na nagsagawa ng online voting.

sundan sa Pahina 5

ILANG PINOY, KABILANG SA NANGUNGUNANG MILLENIALS NG FORBES ASIA

From left upper to right down: Maricor Bunal, Matthew Cua, Gian Scottie Avelon and Carl Ocab

sundan sa Pahina 2

Apat na mga Pinoy ang napabilang sa 2017 Forbes Asia “30 Under 30” list of 300 millenials. Ito umano yung mga young entrepreneurs na may impresibong achievements.

Manila ranked in the Top 10 Destinations to Celebrate Easter by Fairfax Media New Zealand’s Stuff.

sundan sa Pahina 4

Ayon sa multi-award winning news at information website para sa New Zealanders, isang malaking pagdiriwang ang Easter para sa mga Pilipinong binubuo ng maraming

Katoliko. Inirekomenda ng writer na si Brian Johnston ang Makati district upang maghost ng tinawag niyang the “most colourful celebrations, featuring roadside shrines – sometimes up to 40 in a kilometre stretch of street – in masterful creations of folk art.”

D&K Co., Ltd. 〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611

sundan sa Pahina 7

sundan sa Pahina 18

KA-DALOY OF THE MONTH

Ang mga ito ay sina: Maricor Bunal 29 years old, Matthew Cua naman ay 28 years old, Gian Scottie Avelon nman ay 24 years old at si Carl Ocab nman ay may edad na 23 years old. Sila ang mga Pinoy na talagang mapapabilib ka sa kanilang mga achievements.

PILIPINAS, PASOK SA "TOP 10 WORLD DESTINATION TO CELEBRATE EASTER" Isa ang Manila sa Top 10 Destinations to celebrate Easter ayon sa Fairfax New Zealand’s Stuff.

Noong nakaraang buwan, iprinisinta ko sa inyo ang apat na MVP candidates ngayong season. Sa dami ng spectacular na individual performance, hirap talaga pumili ng MVP.

UE Student, Naging Viral sa Buong-Pusong Pagtuturo sa mga Street Children sa Maynila

N

aging viral kamakailan ang isang University of the East student dahil sa larawang nagpapakita sa kanya na nagtuturo sa isang street kid sa Gastambide sa Maynila. Siya si Dara Mae Tuazon.

Sundan sa Pahina 7

TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.net


Daloy Kayumanggi

MAY 2017

2

BALITANG LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Ilang Pinoy, Kabilang sa nangungunang millenials ng Forbes Asia

APAT NA MGA PINOY ang napabilang sa 2017 Forbes Asia “30 Under 30” list of 300 millenials. Ito umano yung mga young entrepreneurs na may impresibong achievements. Ang mga ito ay sina: Maricor Bunal - Siya ay 29 years old at kasalukuyang COO ng Growthsolutions. Isa siya sa mga naglunsad ng Loansolutions.ph na network ng lenders na nakatulong na ng 2,000 mga kliyente sa kanilang loans. Matthew Cua - Siya ay 28 taong gulang at founder ng SkyEye

Analytics. Siya ay nasa likod ng organisasyong nagdisenyo sa drones na ginagamit sa aerial surveys para makatulong sa pagpoproduce ng maps o models. Gian Scottie Javelona - Siya ay 24 na taong gulang at founder ng OrangeApps. Ang OrangeApps ay isang cloud-based platform na nakatutulong sa mga eskwelahan at universities na i-manage ang ilang mga processes, kagaya ng grades, payroll, HR, at enrollment. Carl Ocab - Siya ay may edad na 23 at founder ng Carl Ocab Marketing Services. “Ocab started experimenting with technology at age 12, building websites and forums. By 13, he founded Carl Ocab Internet Marketing, which quickly became one of the highest-ranked sites on Google in the Philippines for its highly-coveted keywords ‘make more money.’ Ocab has also started a web development and branding company, Rich Kid Media,” ika ng Forbes, base sa ulat ng goodnewspilipinas.com.

Turismo, tuloy pa rin Trangkaso, kailangang paghandaan ayon sa Health Experts sa kabila ng terrorist PANAHON NA NAMAN NG TRANGKASO. Ayon “An ounce of prevention is better than (a pound threat - DOT sa ilang health experts, kailangan umanong of) cure,” ika naman ni Dr. Sally Gatchalian, vice

“The Department of Tourism (DOT) expresses complete confidence that the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) are on top of the national security situation in Central Visayas.” Ito ang pahayag kamakailan ng Department of Tourism (DOT). Ayon sa departamento, sa kabila ng travel advisories na nagbibigay-babala sa foreign tourists sa pagbibiyahe patungo sa Visayas at Mindanao kasunod ng ilang terrorism threats, tuloy pa rin umano ang turismo. Ayon pa rito, makasisiguro ang mga travelers na mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng law enforcement authorities. Matatandaang nag-issue ang Australia, United States, Canada, at United Kingdom ng ilang warnings sa pagbibiyahe patungong Central Visayas, partikular na sa Cebu at Bohol, dahil sa banta ng mga teroristang grupo. “Proper authorities have assured that both international and domestic travelers may continue with their travel plans, even as we remind all stakeholders of usual safety precautions that must be routinely observed at all destinations,” pagtitiyak ng DOT.

magpabakuna para maiwasan ang nasabing sakit. Ayon kay Dr. Cecilia Montalban, ang president ng Philippine Foundation for Vaccinations (PFV), kailangang bigyang-prayoridad umano sa flu vaccination ang mga elderly, bunti, at mga pasyenteng may chronic medical conditions, kagaya ng sakit sa baga, puso, bato, kidney, at ibapa. Kailangan din umanong magpabakuna ang mga health care workers, caregivers, at iba pang mga indibidwal na laging exposed sa flu viruses, kagaya ng mga nagreresponde sa mga kalamidad. “We should get it every year because the virus varies and comes in different forms,” ayon kay Montalban, base sa ulat ng pna.gov.ph.

president ng Philippine Pediatric Society (PPS).

STI, DepEd, Muling inilunsad ang IT Mobile School

Mike Tyson, magtatayo ng Boxing Academy

SA LAYUNING GAWING mas accessible ang edukasyon sa lahat, muling inilunsad ng Department of Education (DepEd) at ng STI Foundation ang STI Mobile School. “There is a saying that ‘If Muhammad does not go to the mountain, then the mountain goes to Muhammad.’ And so if the child does not go to school, then the school will go to the child. This is the concept of the STI, which we support very, very strongly, and which we believe in,” ika ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones, base sa ulat ng pna.gov.ph. Nilagdaan sa pagitan ng STI at ng DepEd ang isang memorandum of agreement (MOA) na magdadala ng school sa mga estudyante. Layunin din nitong mas mabigyan pa ng dagdag na kaalaman ang DepEd Faculty members at administrators; at abutin ang out-of-school youths. Sa STI Mobile School, matututo ang mga estudyante ng computer concepts, office productivity tools, at information technology. Mayroon din itong multimedia tools, kagaya ng photography, 3D animation, at video editing.

KAHIT RETIRADO NA, mas pinili pa rin ni undisputed heavyweight champion Mike Tyson na hindi lumihis sa larangan ng boxing. Kamakailan lamang ay inanunsyo niya na magtatayo siya ng isang boxing academy sa Dubai na tatawaging The Mike Tyson Academy. Sa isang panayam, sinabi ni Tyson na sa Mayo 6 magbubukas sa publiko ang kanyang academy. Dagdag ng 50-anyos na boxing legend na hindi lang magsisilbing gym ang kanyang negosyo, magiging venue rin ito upang maturuan ang mga aspiring boxers na maging disiplinado sa kanilang pagsasanay. Noong active pa sa boxing scene si Tyson, nag-uwi siya ng maraming karangalan at ngayon ay kinikilala siya bilang isa sa mga pinakamatatagumpay na boksingero sa buong mundo. Kaya naman, hindi malayo na marami ang maengganyong mag-train sa kanyang boxing academy.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL GLOBAL PINOY PINOY

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

3

3

Pinoy Students, nanalo ng mga medalya sa 20th National Olympiad in Informatics AYON SA NATIONAL OLYMPIAD INFORMATICS-PHILIPPINES WEBSITE, nanalo ng mga medalya ang anim na miyembro ng Philippine team matapos lumaban sa mga estudyanteng kalahok sa 20th National Olypiad in Informatics. Si Robin Yu ng Xavier School ang nag-uwi ng gold medal, at nasa ikalimang puwesto naman siya sa overall competition, at pumangatlo sa mga foreign competitors. Samantala, sina Andrew James Ting ng Xavier School at Farrell Eldrian Wu ng MGC New Life Academy ang nag-uwi ng silver medal. Ang mga nakasungkit ng bronze medals ay ang mga sumusunod: • Franz Louis Cesista, Philippine Science High School Eastern Visayas Campus • Ron Mikhael C. Surara, Philippine Science High School Bicol Region Campus • Kim Bryann Tuico, Manila Science High School Lumaban ang Philippine team sa mga estudyante mula Singapore, Indonesia, Malaysia at Vietnam sa solving programming tasks.

France, Japan maglulunsaad ng land probe sa Mars moon Sapat ang suplay ng koryente - DOE POSIBLE UMANONG MAGLUNSAD ng land probe dalawang buwan na umiikot sa Red Planet. ang mga bansang Japan at France sa Martian natural satellite na Phobos. Plano umano ng dalawang bansa na makakuha ng mga bagay mula sa Phobos para ibalik at pag-aralan ditto sa mundo. Pinagalanan ang programa na Martian Moons Exploration project ayon sa National Center for Space Studies (CNES) ng France. Pinakamalapit at pinakamalaki ang Phobos sa

Taong 2024 pa target na ilunsad ang nasabing proyekto.

SAPAT UMANO ang suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init. Ito ang tiniyak ni Department of Energy Asec. Felix William Fuentebella.

President at CEO Ernest Cu ng Globe, Philippines' Best CEO - Finance Asia

PINANGALANANG BEST CEO ng Pilipinas ang President at CEO ng Globe na si Ernest Cu. Ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com, nakakuha si Cu ng 23 puntos base sa survey na isinagawa ng FinanceAsia, ang nangungunang publisher ng financial news sa Asia Pacific region. Kabilang sa nasabing survey ang 180 portfolia managers at buy-side analysts mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Tinanong sila hinggil sa kanilang impresyon sa mga inilistang kumpanya sa Asya. “The host of citations from FinanceAsia underscores our commitment to achieve

Track and field athletes ng Pinas, biyaheng Hong Kong para sa pagsasanay BIYAHENG HONG KONG ang 17 atleta ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) para magsanay para sa Southeast Asian Games (SEAG). Tinatayang anim hanggang pitong linggo ang nakatakdang pagsasanay ng mga atleta, ayon kay PATAFA Secretary General Renato Unso. Sasali rin umano sila sa dalawang international tournaments sa Hong Kong, ayon sa ulat ng Philippine News Agency. Unang plano ng organisasyon na sa Australia ipapadala ang mga atleta para sa training, ngunit

remarkable results not only in terms of financial performance but also in adhering to the principles of good corporate governance, corporate social Gayunpman, payo ng departaresponsibility and investor relations,” bahagi ng mento sa publiko na kailangang mensahe ni Cu. normal lang ang paggamit ng koryente. Iwasan umano nilang aksayahin ang koryente para sasapat ang suplay hanggang sa pagtatapos ng panahon ng tagtuyot sa Pilipinas.

mas pinili nito ang Hong Kong. Ilan sa mga atletang ito ay nagkamit ng mga medalya sa katatapos lang na Philippine Open International Track and Field Championships na ginanap sa Isabela.

Dagdag ni Fuentebella, makakaapekto sa supply kung may babagsak na planta, partikular na sa Luzon kung saan maraming mga consumer.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2017

4 4

BALITANG GLOBAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Pilipinas, pasok sa "Top10 world destinations to celebrate Easter" ISA ANG MANILA sa Top 10 Destinations to celebrate Easter ayon sa Fairfax New Zealand’s Stuff. Ayon sa multi-award winning news at information website para sa New Zealanders, isang malaking pagdiriwang ang Easter para sa mga Pilipinong binubuo ng maraming Katoliko. Inirekomenda ng writer na si Brian Johnston ang Makati district upang mag-host ng tinawag niyang the “most colourful celebrations, featuring roadside shrines – sometimes up to 40 in a kilometre stretch of street – in masterful

creations of folk art.” “Street parades include religious re-enactments, marching bands and choirs. Street hawkers sell sweets and rice puddings, and a carnival atmosphere reigns,” dagdag ni Johnston na makailang beses na ring nakabisita sa bansa.

Trump, ibinigay China, pagtitibayin ang unang sweldo ang crackdown upang sa National Park masugpo ang toxic smog Services

SINIGURADO NG ILANG LUNGSOD NG CHINA na mas pagtitibayin pa nila ang crackdown upang masugpo ang polusyon sa hangin na dulot ng tumitinding smog na bumabalot sa nasabing bansa. Ito ay matapos kastiguhin ang mga matataas na opisyal ng Beijing, Tianjin, Hebei at Shanxi ng mga environmental watchdog dahil sa kawalangaksyon ng mga ito upang makontrol ang air pollution. Kaya naman, nangako ang mga matataas na opisyal na magsusumite sila ng kaukulang plano MAY MAGANDANG PUPUNTAH- sa Ministry of Environmental Protection (MEP) AN ang unang paycheck ni US upang makahanap ng solusyon sa naturang issue President Donald Trump. sa loob ng 20 araw. Nagpasya si Trump na ibigay ang kanyang unang tatlong buwang Pinay Entreprenuer, sweldo sa National Park Service. pinarangalan bilang 2017 Sa briefing sa White House, Woman of the Year ibinigay ni White House press secretary Sean Spicer ang tsekeng nagkakahalagang $78,333 kay Interior Secretary Ryan Zinke. Noong nangangampanya pa lamang, ipinangako na ni Trump na kung mananalo siya bilang US president ay ibibigay niya ang kanyang taunang sahod na nagkakahalaga ng $400,000 o P20 milyon. “That’s no big deal for me,” pahayag ni Trump noong 2015. PINARANGALAN bilang 2017 Woman of the Year Lubos naman ang pagpapaabot ang social enterprise Human Nature founder na ng kasiyahan ng National Park si Anna Meloto-Wilk. Ang parangal ay iginawad Service sa naturang hakbang ni ng global Beauty Industry Awards, ayon sa ulat Trump. ng goodnewspilipinas.com. “Thrilled” ang kanilang ahenKinilala si Meloto-Wilk para sa kanyang malsya ayon kay Zinke sa pagkakapili aking kontribusyon sa larangan ng cosmetics at sa National Park Service upang personal care industry. makinabang sa suweldo ng bagong Siya rin ang kauna-unahang Beauty Industry pangulo ng Amerika. Ang pera ay Woman of the Year awardee sa Cosmetics Deilalaan para sa mga infrastructure sign’s inaugural recognition rites. projects ng ahensya. Ang mga tinalo ng Filipina entrepreneur upang “We are going to dedicate and masungkit ang prestihiyosong parangal ay sina put it against the infrastructure on Sarah Chapman ng Europe, founder ng Sarah our nation’s battlefields,” pahayag Chapman’s Skinesis, at si Nanette de Gaspé Beaung Interior Secretary. bien ng Amerika, CEO ng Nannette de Gaspé Ang National Park Service ay ang Beauté. nangangalaga sa lahat ng national Nakipagtagisan ang Pinoy pride sa mahigit 250 parks sa US, kasama na ang mga brands at individuals sa regional levels upang national monuments at iba pang makuha ang AsiaPacific regionals at ang global mga historical properties. championship award.

Filipino Choir group, grand winner sa Japan Chorale Competition

NASUNGKIT ng all-male high school choir Boscorale ng Don Bosco Technical Institute sa Makati ang gold medal sa 10th Fukushima Vocal Ensemble Competition na ginanap sa Fukushima, Japan kamakailan. Itinanghal sila bilang Youth Choir Equal Voices Grand Prize Winner sa pinakamalaking choral competition sa Japan para sa small vocal ensemble groups o mga grupong binubuo ng 2 hanggang 16 miyembro. Taun-taon, 120 top level choirs sa Japan ang dumadalo sa nasabing kumpetisyon. Tumatanggap ng mga grupo mula sa ibang bansa ang nasabing choral competition, kaya naman nakasali ang Boscorale choir. Pumunta sa Japan ang Philippine delegate Boscorale at nakarating sa Grand Prix Finals, ayon sa goodnewspilipinas.com.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY LOCAL

Impormasyon ng Pilipino

Duterte, 2017 Most Influential Person SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE ang nanguna bilang “most influential” person ngayong taon sa buong mundo. Ito ay ayon sa TIME Magazine na nagsagawa ng online voting. Ayon sa TIME, nakakuha ng 5 percent sa kabuuang “yes” votes si Duterte. Sumunod naman sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Pope Francis, Microsoft co-founder Bill Gates at Facebook founder Mark Zuckerberg. Sila ay pare-parehong nakakuha ng 3 percent.

Pilipinas umangat ng 10 puwesto sa World Happiness Report

KILALA ANG MGA PILIPINO bilang isa sa mga pinakamasasayang tao sa buong mundo. Isa sa mga magpapatunay nito ay ang pagkakasungkit ng Pilipinas sa 72nd spot mula sa 155 countries sa 2017 World Happiness Report. Nakakuha ng matataas na scores ang Pilipinas sa mga sumusunod na happiness index measures: Social support area measure (1.254) Gross domestic product (GDP) per capita (0.858) Freedom to create life choices (0.585) Health life expectancy (0.468) Henerosity (0.194) Perceptions of corruption (0.099) Umangat ng 10 ranks ang Pilipinas mula sa 82nd

Mcgregor, nais makalaban si Flyod Mayweather

HINIHINTAY NA NI UFC star Conor McGregor na iaanunsyo ni retired boxing champion Floyd Mayweather ang kanilang magiging duwelo. Ipinahayag ni McGregor sa kanyang Instagram account na maghihintay siya sa anunsyo ni Mayweather hinggil sa kanilang laban. Ngunit ayon kay UFC President Dana White, hindi raw sigurado na matutuloy ang laban ni McGregor at Mayweather kaya hindi raw dapat asahan na matutuloy ang nasabing laban. Sa kabila ng pahayag ni White, umaasa pa rin ang kampo ni McGregor na matutuloy ang laban ng dalawang atleta.

Pagbubukas ng Palarong Pambansa, inilarawan bilang "Wow Moment"

KUMPYANSA ANG LALAWIGAN ng Antique na magiging “wow moment” ang pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 sa Abril 23 sa Binirayan Sports Complex sa San Jose, Antique. Ipinahayag ni Atty. Arthur Lastimoso, chairperson ng local organizing Committee ng 60th Palarong Pambansa, na maraming sorpresa ang matutunghayan ng mga atleta at mga panauhin sa opening ceremony ng Palarong Pambansa ngayong taon. Idinagdag rin niya na may mga pagbabago sa nakasanayang tradisyon sa pagbubukas ng itinuturing na pinakamalaking palaro sa buong bansa.

5

5

Dagdag ng TIME, malaking bagay na nakaapekto sa imahen ng pangulo ay ang kontrobersiyal na kampanya nito kontra sa ilegal na droga sa Pilipinas.

finish nito sa 2016 Happiness Index. Sa kasalukuyan ay kabilang na ito sa top 20 countries sa Changes of Happiness from 2005-2007 to 2014-2016. Sa Asia, ang Singapore ang tinaguriang happiest country na sinundan ng Thailand (32), Taiwan (33), Malaysia (42), Japan (51), Hong Kong (71), Philippines (72), China (79) at Indonesia (81). Ang Norway naman ang kinilalang world’s happiest country.

Wesly So, nakuha ang US Chess Championship Title

WESLEY SO, nakasuot ng Barong Tagalog nang tanggapin ang gantimpala sa US Chess Championship Nakasuot ang Pilipinong si Wesley So ng Barong Tagalog nang tanggapin niya ang kanyang trophy at USD 50,000 cash prize. Nasungkit ni So ang kauna-unahan niyang US Chess Championship sa isang dikitang chess match laban kay Alexander Onischuk. Ang 23-year- old na chess champion ay nanatiling walang talo sa 11-round tournament na kapareho ni Onischuk na may 7.0 points sa standings. “I really wanted to win this one this year . . . because it’s the strongest national competition in the world. All the great (US) players have won this one,” pahayag ni So sa panayam sa kanya ng Star Tribune report. Ang nasabing panalo ay nagpatibay sa kanyang standing na No. 1 US chess player at No.2 sa buong mundo kung saan malaki ang pagkakataon niyang talunin ang kasalukuyang No. 1 world champion, Magnus Carlsen Magtatanghal sa opening ceremony ang Tribu of Norway. Tatusan, kampeon sa Kasadyahan Festival sa Iloilo noong 2016. Ang mga panauhing pandangal, base sa ulat ng bomboradyo.com, ay sina Pangulong Rodrigo Duterte, Senators Loren Legarda, Grace Poe, Bam Aquino, Sonny Angara. Ang umaatikabong walong minutong pyro musical display sa saliw ng awiting “Ang Galing ng Pinoy” na siyang theme song ng Palarong Pambansa ang magiging finale.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2017

6

6

EDITORIAL

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Daloy Kayumanggi

Inspiring Global Filipinos in Japan

D&K Company Ltd Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Avic Tatlonghari (avictatlonghari@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Irene tria (irene@heartshaper.asia) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo Publisher: Editor:

The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611

Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net  www.facebook.com/daloykayumanggi

editor`s note LOREEN DAVE CALPITO

Sapat na Preparasyon sa pagtama ng kalamidad ang kailangan

K

amakailan, sunud-sunod ang pagyanig na naitala sa maraming mga bahagi ng probinsiya ng Batangas. Ilan pa ngang mga lugar dito ang nakaranas ng intensity 7 na lindol. Hindi lang sa Batangas naitala ang ilang mga pagyanig nitong Abril, kundi sa iba ring bahagi ng bansa, kagaya na lamang sa Ilocos Norte kamakailan lamang.

Bagama't hindi maiiwasan, at hindi rin mape-predict, ang pagtama ng kalamidad na ito, mayroon pa ring ilang mga pamamaraan para masigurong kakaunti o hindi naman kaya ay walang masugatan sa tuwing may lindol. Isa na rito ang sapat na preparasyon ng gobyerno. Malaking bagay ang pagbili halimbawa ng mga panibagong equipment para makatulong sa retrieval operations. Kailangan din ng sapat na medical equipment na makatutulong sa

pagsagip sa buhay ng maraming mga tao. Sa bahagi naman ng mga mamamayan, kailangan ng sapat na kaalaman nang sa gayon ay maging malay sa ilang mga measures na kailangang isagawa kapag may tumamang malaking sakuna. Ang pag-iimbak ng mga pagkain, halimbawa, ay malaking bagay para hindi mangailangan pagdating ng mga ganitong pangyayari. Kailangan din ng sapat na kaalaman sa ilang mga pamamaraan para maaaring makasagip ng maraming mga buhay.

Sapat na kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at mga mamamayan ang kailangan para hindi nakatunganga sa oras ng kalamidad. Mahalaga ang buhay ng bawat indibidwal. Kaya, marapat lang na gawin ang kailangan para buhay ay hindi masayang.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

BALITANG KA-DALOY GLOBAL OF THE PINOY MONTH

7

ka-daloy of the month LOREEN DAVE CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM

UE Student, Naging Viral sa Buong-Pusong Pagtuturo sa mga Street Children sa Maynila

N

aging viral kamakailan ang isang University of the East student dahil sa larawang nagpapakita sa kanya na nagtuturo sa isang street kid sa Gastambide sa Maynila. Siya si Dara Mae Tuazon. Mausok at maingay ang ilang mga kakalsadahan ng Maynila. Isa na rito ang Gastambide, malapit sa mismong eskwelahan ni Dara Mae. Ngunit, hindi niya ito ininda. Mas pinili niyang turuan ang ilang street children na bumasa at sumulat nang walang hinihinging kapalit.

Mula nang nai-post ang larawan niya, sa pamamagitan ng UM Freedom Wall, maraming mga tao ang na-inspire at naantig sa kaniyang kuwento. Ito’y sapagkat bibihira na lamang sa ngayon ang kagaya ni Dara Mae. Isang aspiring pre-school teacher si Dara Mae. Isa rin siyang inspirasyon para sa maraming mga tao ngayon, lalo na sa mga kabataan. Sana ay marami-rami pang mga tao ang maging katulad ni Dara Mae.

Walang duda: si Dara Mae Tuazon ang ating Ka-Daloy of the Month.


Daloy Kayumanggi

MAY 2017

8 8

TIPS

Impormasyon ng Pilipino

Mga sikat na Pasyalan sa Maynila LAHAT TAYO AY KAILANGANG magpahinga at magrelaks matapos ang isang linggong paghahanap-buhay, pag-aaral, o pag-aalaga sa ating pamilya. Kaya naman, karamihan sa atin ay hinihintay ang weekend upang makapasyal sa mga lugar kung saan maipapahinga natin ang ating isipan at katawan. Kung nais mong hindi mapagod sa biyahe, narito ang ilan sa mga pasyalang matatagpuan sa Maynila (sakaling plano mong umuwi sa Pilipinas):

Rizal Park at Quezon Memorial Circle - Kung nais mong makatipid at mag-enjoy, puwedeng-puwede kang mamasyal sa Rizal Park at Quezon Memorial Circle. Libre kang makakapasok sa mga parkeng ito at maaari na kayong magpicnic ng iyong pamilya. Shopping Malls - Kahit saan ay mayroong naglalakihang malls, kung ang nais mo ay magpalamig, kumain sa restaurant, manood ng sine, magshopping, at magpunta sa salon, ito ang pasyalang para sa’yo. Museums - Kung nais mo naman ng educational trips, puwede kang bumisita

sa mga museums tulad ng Museong Pambata, Art in Island at National Museum. Ang Maynila ay puno ng magagandang atraksyon na maaari mong bisitahin sa iyong pag-uwi.

Tatlong Pasyalang malapit sa Epiktibong Tips Para Magpapayat Maynila na may Infinity Pool MARAMING MGA TAO ang RECOMENDED NGAYONG

KUNG NAIS MONG mag-swimming sa infinity pools ngunit ayaw mong lumayo ng Maynila, puwede mong bisitahin ang magagandang infinity pools na tulad ng mga sumusunod: Punta de Fabian sa Baras Rizal - Sikat ang private resort na ito dahil sa infinity pool nito na nakatayo sa tuktok ng bundok. Sa loob ng isa’t kalahating oras mula sa Maynila, maaari mo nang ma-enjoy ang ganda ng pasyalang ito. Luljetta’s Hanging Gardens and Spa sa Antipolo - Kung ang hanap mo ay total relaxation, ang Luljetta’s Hanging Gardens and Spa ang para sa’yo. Bukod sa infinity pool nito na kaharap ang Laguna de Bay, maaari ka ring magpa-spa sa pasyalang ito. Mararating

ang magandang tanawin na ito sa loob ng isang oras mula sa Maynila. Piling Hotels sa Maynila Marami ring hotels sa Maynila na mayroong infinity pools gaya ng Marco Polo Hotel sa Ortigas at Azumi Boutique Hotel sa Muntinlupa. Pasyalan na ang mga lugar na ito upang ma-experience ang infinity pool na dati’y nasa malalayong probinsya lamang sa Pilipinas.

gustong pumayat. Naririto ang ilang mga paraan para pumayat. Iwasan ang mga inuming nakakataba Kabilang na rito ang iced tea, fruit juices, at soft drinks. Ayon kina Doc Willie Ong at Doc Liza Ong sa librong “High Blood, Cholesterol, at Pag-iwas sa Sakit,” may taglay kasi ang mga ito na calories. Sa halip, uminom na lamang ng tubig. Gumalaw-galaw Igalaw-galaw ang iyong katawan para pumayat. Mag-enroll sa gym, maglinis ng inyong bahay, at gumamit ng hagdanan (sa halip na elevator). Iwasan ang desserts Iwasan mo ang mga ito para pumayat ka: pastries, cakes, at iba pang matatamis na desserts.

HOT SUMMER! Noguchi Chlorogenic Acid Diet * Diet coffee flavor * Also contains anti aging ingredients * 3 tablets per day

2,900 only

Please see page 12 for promo

Tatlong Beach Resorts na Malapit sa Maynila

TUWING SUMMER AY PATOK na patok ang mga family at company outings. Madalas puntahan ay ang mga beach resorts na malapit sa Maynila. Narito ang ilan sa mga natatanging beach resorts na malapit sa Maynila:

Beach Resorts sa Batangas - Sikat ang Batangas sa mga beach resorts nito na maaaring marating sa loob lamang ng 2 hanggang 3 oras mula Maynila. Maaari kang pumunta sa Laiya Beach sa San Juan Batangas, Anilao Beach sa Mabini Batangas o sa mga beach resorts sa Calatagan.

Kung malaki ang iyong budget, maaari mong pasyalan ang Acuatico Resort sa Laiya.

Boracay de Cavite sa Ternate - Nagiging popular ngayon ang Boracay de Cavite sa Ternate dahil sa off white at fine sand nito. Sikat ito dahil bukod sa affordable ay malapit lang ito sa Maynila. Ang travel time mula Maynila ay tatlong oras.

San Narciso Zambales - Kung ang hanap mo naman ay camping along the beach, beach resort sa Narciso Zambales ang para sa’yo. Sikat ngayon ang Crystal Beach Resort sa Zambales dahil sa malawak nitong lupain na maaaring mag-accommodate ng maraming bakasyunista. Sa loob ng 4 na oras mula sa Maynila ay maaari nang marating ang beach resort na ito. Bukod sa malapit lang ang mga nabanggit na resorts sa Maynila ay affordable rin ang ilan sa mga ito.


Daloy Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

BALITANG GLOBAL PINOY TIPS

Impormasyon ng Pilipino

9

Paano mo gawing mas relaxing ang inyong bahay? GUSTO MO BANG GAWING mas nakakarelaks at “peaceful” ang inyong tahanan? Naririto ang ilang tips: Ayusin ang inyong air conditioning system Mas relaxing ang inyong bahay kung mas maayos ang hanging inilalabas ng inyong air conditioning system. Para mapanatili ang inyong magandang kondisyon, nangangailangan ito ng regular na maintenance. Kapag may sira ito, agad mo itong ipa-repair sa isang eksperto.

Tips sa Paghahanap ng Tamang Kulay ng iyong Roller Blinds MABISA ANG ROLLER BLINDS sa pagdaragdag ng magandang design ng inyong tahanan. Kung kasalukuyan kang tumitingin ng inyong roller blinds para sa inyong tahanan, naririto ang ilang mga tips na kailangan mong ikonsidera: Ikonsidera ang kulay ng inyong bahay Piliin ang roller blinds na nagco-complement sa kulay ng inyong bahay. Maiging pumili lamang ng neutral na kulay para hindi ito maging masyadong kapansin-pansin. Tingnan ang function nito Kung ang hinahanap mo ay

privacy, maiging pumili ng roller blinds na may “darker color.” Ito rin ang kulay na piliin mo kung gusto mong i-control ang UV lights na pumapasok sa inyong bahay. Ano ba ang iyong paboritong kulay? Mas maganda ring piliin mo ang kulay na paborito mo o nagre-reflect ng iyong personalidad.

Ayusin ang pintura ng inyong tahanan Piliin ang mga kulay na nakakarelaks, kagaya ng green, blue, at gray. Alisin ang mga kalat Mas nakakagulo ng isipan kung hindi maganda ang pagkakaayos ng inyong libro, furniture at iba pang mga bagay sa inyong tahanan. Kung may mga bagay naman na hindi ka na kailangan, itapon mo na ang mga ito. Palitan ang mga ito ng mga halaman o bulaklak na nakadaragdag pa sa magandang appeal ng inyong bahay.

Mga gawaing nakakabuti sa iyong katawan, alamin Gusto mo bang mas maging healthy? Naririto ang mga gawaing nakabubuti sa iyo, ayon kina Doc Willi Ong at Doc Liza Ong sa kanilang librong “High Blood, Cholesterol at Pag-iwas sa Sakit:” Magbasa nang madalas Nakabubuti ito sa iyong utak. Maigi ring sumagot ng sudoku, crossword, at iba pa. Iwasang malungkot, uminom ng alak, at maglaro ng boksing. Gumamit ng salamin kapag nakaharap ng computer Ito ay para maprotektahan ang iyong mga mata. Maganda ring ipikit at ipahinga ang mata pagkatapos mong

mag-computer o magbasa. Makinig lang ng mahihinang tunog Masama sa iyong tainga ang mga maiingay na lugar, kagaya ng concert, airport, at iba pa. Iwasan ding lakasan ang tunog ng earphones. Kumain ng isda at gulay Nakabubuti ito sa iyong puso. Maganda ring magkaroon ng masayang pananaw sa buhay.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2017

10

10

PINOY KA BA?

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

It`s Joke Time!

FILIPINO TIME Kapag magugunaw ang mundo, huling magugunaw ang Pilipinas.... Filipino time eh. INCEST Babae: Mabuti pa nagpakasal na lang ako sa demonyo! Lalaki: Weh, bawal kaya magpakasal sa kamag-anak! EPIC EXCUSE GF: Hayop ka, niloloko mo ako! BF: Bakit, wala naman akong ginagawa ah! GF: Anong wala? Nakita kita kanina, may kasama kang ibang babae, magkahawak pa kamay nyo! Niloloko mo ako! BF: Makinig ka muna... Hindi kita niloloko, maniwala ka... Yung kasama ko kanina ang niloloko ko!

GOOD GRADES INAY: Binigay na ba card ninyo sa eskwelahan? PNOY: Opo nay, good news wala na po ako line of 7! INAY: Talaga? Patingin! English-68 Math60 Science-69 Filipino-69. Wow, wala nga! PAMATAY IPIS! AMO: Eto yung binili kong chalk na pamatay sa ipis, isulat mo sa pader! INDAY: Yes ma’am! *Nagsulat si Inday sa pader: “EPES, MAMATAY KAYO! LOVE, ENDAY”

IPASOK SA LABAS Sa Opisina... Boss: Pasok mo nga dito yung mga papeles ko. Sekretarya: Sa loob po? Boss: Hindi, sa labas, ipasok nga ‘di ba? Pwede bang ipasok sa labas. Sige subukang mong ipasok doon sa labas!

MAINTENANCE PARA SA BINTANA Misis: Hello, please send a MAINTENANCE personnel, ang mister ko tatalon sa bintana! Bilis! Maintenance: Mam bakit po maintenance? Misis: Eh ayaw MABUKSAN ng bintana! ANG PASYENTE Patient: Dok, malungkot ako dito sa mental, kaya naisipan kong sulatan ang aking sarili. Doktor: Ano naman ang laman ng sulat mo? Patient: Aba, ewan! Next week ko pa matatanggap eh! ERAP AND THE FOREIGNER Erap: Sorry! Foreigner: Sorry, too! Erap: I’m sorry 3! Foreigner: What’s your sorry for? Erap: Sorry 5! Foreigner: Sorry, but your sick! Erap: Sorry 7! Kala yata nito hindi ako marunong magbilang ah!

ANG DANK TRAK Anak: Tay mag-ingat kayo sa DANK TRAK! Tatay: Anong dan trak? Anak: Yun pong trak na sampu ang gulong na ang karga eh buhangin. Tatay: Hindi dantrak yan…TEN MILLER! COLORS Teacher: Give me colors that begin with letter “M.” Pupil: Maroon! Teacher: Anybody else? Ngongo: Mlue, Mrown, mlack, miolet… Teacher: Mery good! SI PEDRO, SI JUAN AT ANG BINGI Pedro: Galing ako sa doctor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw na ng pandinig ko!

Juan: Talaga?! Magkano ang bili mo? Pedro: Kahapon lang. BAND PEPER Anak: Itay, bibili ako ng band peper. Itay: Anak, wag kang b*bo ha. Hindi “band peper” ang tawag dun. Anak: Ano po ba? Itay: Kokongban!

NAGBIBINATA O... Boy: Nakipag-away ako kanina! Ama: Aba, nagbibinata na anak ko ah! Pero bakit? Boy: Eh, tinawag po kasi akong bakla! Hinampas ko nga ng shoulder bag ko yung mga chuva evers na yun! Hmpft!

ANG NGIPIN Boy: Ang ganda ng ngipin mo, parang exams! Girl: Bakit mo nasabi yan? Boy: Tingnan mo yung ngipin mo, one seat apart!

KUNG MAYAMAN...KUNG MAHIRAP... (PART 1) Kung mayaman ka, meron kang “allergy.” Kung mahirap ka, ang tawag diyan ay “galis” o “bakokang.” Sa mayaman, “nervous breakdown” dahil sa “tension and stress.” Sa mahirap, “sira ang ulo.” Kung mayaman ka, “pneumonia” daw ang sakit mo. Kung mahirap, “TB” ‘yon. Sa mayaman, “hyperacidity.” Kapag mahirap, “ulcer” dahil walang laman ang tiyan. KUNG MAYAMAN...KUNG MAHIRAP... (PART 2) Sa mayamang “malikot ang kamay,” ang tawag ay “kleptomaniac.” Sa mahirap, ang tawag ay “magnanakaw” o “kawatan.” Pag mayaman ka, you’re “eccentric.”

Kung mahirap ka, “may toyo ka sa ulo” o “may topak” o “may sayad.” Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may “migraine.” Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay “nalipasan ng gutom.” Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is “scoliotic.” Pero kung mahirap ka, ikaw ay “kuba.” YUN ANG BANAT Q: Bangin ka ba? A: Nahuhulog kasi ako sayo. Q: Pustiso ka ba? A: Kasi, I can’t smile without you. Q: Pagod na pagod ka na noh? A: Maghapon at magdamag ka na kasing tumatakbo sa isipan ko eh. Q: May butas ba puso mo? A: Kasi natrap na ako sa loob! Can’t find my way out. Q: Anong height mo? A: Pa’no ka nagkasya sa loob ng puso ko?

ANG MANOK ANAK: Tay, may manok sa kusina. Tinutuka ang bigas mo. TATAY: Paalisin mo! ANAK: Oi, alis ka daw! Ayaw umalis eh! TATAY: Takutin mo! ANAK: Awoooooo manooook! May mumu diyan! 2 COATS Lalaki: Honey, nagpintura ako ng banyo. Babae: Bakit dalawa ang suot mong jacket, ang init-init. Lalaki: Sabi kasi sa label ng pintura, for best results put on 2 coats.

ANG SAKSI Pulis: Sino ang nakasaksi sa aksidente? Tambay: Ako sir! Kulay itim na van ang nakabangga. Pulis: Nakuha mo ba yung plate number? Tambay: Hindi sir, nakaturnilyo kasi. mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp

www.tumawa.com


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

11

ANUNSYO

11

TAWAG NA SA 090-6025-6962


MAY 2017

12

12

ANUNSYO

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global Impormasyon ngFilipinos Pilipinoin Japan"


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring GlobalngFilipinos Impormasyon Pilipinoin Japan"

Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

13

13

BALITANG GLOBAL PINOY ANUNSYO


MAY 2017

14 14

KOLUMN

Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

tampok

HOSHI LAURENCE HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM FB/TWITTER/INSTAGRAM/ LINKEDIN: @HITOKIRIHOSHI

website: www.hoshilandia.com

where to relax if you want to beat

summer heat near metro manila?

T

ag-init na nga sa Pilipinas kaya’t kanya-kanya na nang paraan para malamigan o pagsugod sa anumang lugar ang mga tao para kahit papaano ay makapag-relax. Bunsod din nito ay hindi na kataka-taka na basta weekend at lalo na holiday ay sige ang pagbisita ng mga turista sa Tagaytay City sa Batanggas.

Ilang oras lang naman ang biyahe mula sa Metro Manila hanggang Tagaytay lalo na kung may sariling sasakyan. Kung may mga batang kasama, hindi na rin mahihirapan dahil maraming puwedeng pagkaabalahan kagaya ng makakapaglibot-libot, magpakuha ng litratro na ang background ay ang bulkang Taal, mag-zip line, mag-picnic, at marami pang iba. Sa Picnic Grove, mula sa Php 2000 ay maaari naman masubukan ang pamamangka malapit sa paanan ng bulkang Taal. Magugustuhan ito hindi lamang ng mga bata, kundi ng mag-asawa o magkasintahan dahil nakakabighani ang tanawin sa paligid ng karagatan. Kung minsan ay may nagliliparang mga ibon pa sa himpapawid na dumadagdag sa ganda ng view. Sa kabilang ibayo boat riding ay ang isla kung saan puwede ng maratingang tuktok ng Taal Volcano. Puwede naman itong akyatin sa pamamagitan ng paglalakad o trekking, pero puwede rin naman sa horse riding. Nasa Php400 hanggan Php600 ang presyo bawat sakay sa kabayo patungo sa itaas. Mahal man kung tutuusin ito, pero kung mahayahay na transportasyon ang hanap patungo sa Taal ay puwede na rin. Pero hindi lamang gastos sa rides natatapos ang gastos para ma-enjoy ang daan patungo sa Taal. Halos doble rin kasi ang presyo ng tubig, comfort room, at iba pang bagay na iyong kakailangan sa bahaging ito ng paglalakbay. Ang isa pang dapat paghandaan ay ang posibilidad na makumpara mo ang dalampasigan sa ibang tourist spot. Marahil dahil na rin sa mga kabayo o sadyang pampublikong lugar pa ito kaya hindi namimintina sa linis at ayos. Subalit, kung hindi naman maselan ay magiging kaiga-igaya ang paglalakbay sa Mt. Taal. Samantala, ang isa pang dinadayo sa Tagaytay ay ang Sky Ranch na may mga kainan at rides din. Pinakatanyag na bahagi nito ay ang “Sky Eye� na isang dambuhalang ferris wheel na may 63 metro (207 talampakan) at 32 gondola. Sa kasalukuyan ito na ang pinakamalaki o pinakamataas sa ferris wheel sa Pilipinas at tumalo sa nakikita sa Enchanted Kingdom ng Sta Rosa, Laguna. Sa ibang banda, kung food trip ang iyong nais ang hindi dapat palagpasin ay ang pagkain ng bulalo na ang isa sa pinakasikat na pagkain sa Taal. Para naman sa mahilig mag-uwi ng pasalubong o souvenir, maaaring mamamili ng buko pie, ube halaya at iba sa mga sikat na food store sa paligid ng Tagaytay. Marami-rami rin ang pamilihin ng orchids kaya magugustuhan dito ng mga mahilig sa paghahalaman.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

SARAP MAGLUTO! BAKED TILAPIA IN GARLIC AND OLIVE OIL INGREDIENTS

15

The Perfect and simply easy dish to impress, look no further! This delicious baked tilapia will be the perfect dinner for your family, co-workers, or friends. NOTE: This recipe is also great on the grill! If you are grilling the fish, wrap the fish and oil, garlic, onion, and pepper in aluminum foil after marinating.

• 4 (4 Ounce) fillets Tilapia • 4 cloves crushed garlic • 3 tablespoons Moria Elea Olive Oil • 1 onion, chopped • 1/4 teaspoon cayenne pepper

PROCEDURE

• Rub the fish fillets with the crushed garlic, then place them in a shallow, non-reactive dish. • Spoon the olive oil over the fish until they are coated. Place the onion on top of the fish. • Cover the fish and refrigerate overnight to allow the fish to soak in the marinade. • Preheat the oven to 350 degrees F. • Transfer fish to a 9x13 inch baking dish along with the olive oil, garlic, and onion. • Sprinkle the fish with the cayenne or white pepper. • Bake at 350 degrees F for 30 minutes.

MAY 2017

15

BALITANG GLOBAL ANUNSYO PINOY

Impormasyon ng Pilipino

Preparation time: 5mins Cooking time: 30mins Total time: 24hr 35mins Serving: 4 persons


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2017

16

16

ANUNSYO/ TIPS

Impormasyon ng Pilipino

"Inspiring Global ng Filipinos in Japan" Impormasyon Pilipino

Tips Upang maging matagumpay ang iyong Online Business SA DAMI NG MGA NAGNANAIS na magbukas ng online business, hindi na rin biro ang kumpetisyon. Kaya naman, dapat lamang na pagbutihin ang pagma-manage nito upang tumagal at maging matagumpay ang nasimulan nang negosyo online. Heto ang mga tips upang maging matagumpay ang iyong online business:

Siguraduhin na ang itinayong business ay ayon sa iyong hilig at talento. Sa ganitong paraan, makasisiguro kang may sapat kang kaalaman kung paano patakbuhin ito. Umisip ng gimik. Magbigay ng discounts, mag-introduce ng bagong disenyo, o magbigay ng mga freebies upang lalong maakit ang mga mamimili.

Paano kumita sa YouTube? Marahil ay nakarinig ka na ng mga success stories ng mga taong kumikita ng limpak-limpak na salapi sa pamamagitan lang ng ... YouTube. Tama po, maaari kang makagawa ng pera sa pamamagitan ng pagpo-post ng iyong original videos. Naririto kung paano: 1. Magset-up ng YouTube Channel gamit ang iyong Gmail o YouTube account. 2. Mag-upload ng mga high-quality videos. Mas maganda kung interesante ang iyong videos. Consistent din dapat ang pag-a-upload mo ng videos para maka-attract ka ng mga viewers na magsu-subscribe sa YouTube Channel mo.

3. I-promote ang iyong videos gamit ang Facebook o Twitter. 4. I-monetize ang iyong videos gamit ang Google Adsense, kung saan naglalagay ang Google ng ads at kapag iklinick ito ng iyong viewers, kikita ka. 5. Kailangan ay 18 taong gulang ka at mayroon kang PayPal o bank account para matanggap mo ang iyong kinita mula sa Google.

Pagandahin ang iyong website. Ang iyong website ang tumatayong salamin ng iyong negosyo, kaya nararapat lamang na maganda at presentable ito. Kung hindi ka bihasa sa paggawa ng website, mag-hire ng propesyunal na gagawa nito para sa’yo. Sa bilis ng takbo ng buhay, dapat rin tayong sumabay sa

Magbenta ng gamit sa Facebook

Magbenta Gamit ang Facebook Isa na ngayon ang pagbebenta ng mga produkto at serbisyo gamit ang Facebook sa pinakamabisang mga paraan para magbenta online. Bakit? Dahil halos lahat ng tao ay maryoon nang Facebook accounts at napaka-accessible na ng app na ito. Maaari kang magbenta ng mga gamit pambata, cellphones, TVs, at marami pang iba. Naririto ang ilang tips sa pagbebenta gamit ang app na ito: 1. Mag-post ng mga produkto sa Facebook Groups, kagaya ng Buy and Sell (Lugar Kung Saan Ka Naroroon). 2. Presyuhan nang wasto ang

agos nito. Kaya naman sa pagtatayo ng online business, kinakailangan rin nating sumunod sa kung ano ang idinidikta ng panahon.

iyong produkto. ‘Wag sobrasobra sa nakatakdang presyo sa merkado. 3. Mag-upload ng malinaw na larawan na nagpapakita ng iyong produkto. 4. I-boost ang iyong post para makita ito ng mas maraming mga tao. Iyon nga lamang, kailangan mong bayaran ang Facebook. Kailangan mo ring gumawa ng Facebook page para doon ka puwedeng magboost ng iyong post.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

17

BALITANG GLOBAL PINOY/ TIPS KOLUMN

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

17

Naririto ang mga gawaing dapat Epektibong Tips para Gumanda HIND I MAITATAN G G ING Ihinto ang pag-inom ng alak mong iwasan maraming mga taong nagnanais at paninigarilyo HABANG MAAGA PA, magandang alagaan ang iyong buong katawan para hindi sayang ang iyong pinaghirapan: 1. Iwasang manigarilyo, magpaaraw, magpuyat at laging nakasimangot. Nakasisira ito sa iyong balat. 2. Iwasang magpakagutom at kumain ng taba ng karneng baka o baboy. Nakasasama ito sa iyong tiyan o bituka. 3. Iwasang kumain ng madudumi at matataba. Iwasan mo ring umino mg alak at ng maraming gamot. Atay naman ang maaapektuhan ng mga masasamang gawain. 4. Iwasang magpigil ng ihi at kumain ng maalat. Makasasama ito sa iyong mga bato. 5. Iwasan ang masyadong maliwanag na ilaw, tumitig sa araw, at magbasa nang matagal. Masama ito sa iyong mga mata.

Ilang Pamamaraan para ma-impress ang iyong kabiyak o partner

HINDI LANG PISIKAL na anyo ang mahalaga para ma-impress ang iyong partner o kabiyak. Marami pang ibang mga mabisang paraan para lalo ka pang hahanap-hanapin ng iyong mahal sa buhay. Naririto ang ilan:

Maging tapat Kapag honest ka, naipapakita mo sa iyong partner na ikaw ay maaari niyang pagkatiwalaan o ikaw ay isang mature na tao.

gumanda o gumuwapo. Kung isa ka sa kanila, mangyaring sundan ang mga sumusunod na payo: Maging masaya lagi Ilang mga mabisang paraan para sumaya ay ang pageehersisyo at pagkakaroong libangan o “hobby.” Kumain ng prutas at gulay Sagana ang mga ito sa vitamins at minerals na kailangan para mareplenish ang ating katawan. Iwasan ang mga mamantika, sitsirya, at pagkaing matataba. Uminom ng maraming tubig Napapanatiling malambot ang iyong kutis kung uminom ng walong basong tubig arawaraw.

Tandaan na nakakatanda ang mga gawaing ito. Hindi lang iyan, pinapahina rin ng mga ito ang resistensiya ng ating katawan na nagiging dahilan para bumagsak ito.

GUSTO MO BANG mas maging presentable o mas kaiga-igaya ang itsura ng iyong sasakyan. Maraming mga paraan para gawin itong mukhang bago. Naririto ang ilan: I-upgrade ang mga gulong nito Hindi lang nito nagagawang mas mukhang bago ang iyong sasakyan, nagagawa rin nitong mas “efficient.” Bumili ng mga tinatagawag na “high-performance tires.” Linisin ang iyong sasakyan Alisin ang mga kalat sa loob ng inyong sasakyan. Maigi rin kung lagyan ng wax ang pintura ng iyong sasakyan para mas makintab at malinis itong tingnan.

Bumili ng bagong floor mats Kung pudpod na ang inyong floor mats, maiging bumili na ng bago. Magandang bilhin ang rubber floor mats sapagkat wala itong pinipiling weather conditions. Pinturahan ito ng bago Siguradong malaki ang pagbabagong maidudulot nito sa kabuuang itsura ng iyong sasakyan. Siguraduhin lamang na kontratahin ang eksperto na may magandang customer reviews.

Tips para gawing mas mukhang bago ang iyong sasakyan

Lutuan siya Matutong magluto ng masasarap na putahe na siguradong magugustuhan niya. Kung hindi ka naman marunong sa pagluluto, maaari kang tumingin ng ilang recipe sa Internet para mas mahasa mo ang iyong culinary skills. Maging concerned sa pamilya niya Mas mamahalin ka ng kabiyak mo kung maipapakita ka na interesado ka o ginagalang mo ang kanyang pamilya. Gawin ang lahat ng makakaya para maimpress mo ang kanyang mga kapatid at magulang.

Tips Para Hindi Ma-stress sa Trabaho HINDI MAITATANGGING maraming mga bagay na nagbibigay sa atin ng stress sa ating trabaho. Ngunit, hindi dapat ito kailangang makaapekto sa iyong trabaho at kalusugan.

mahahalagang mga trabaho sa inyong kumpanya.

Matutong mag-delegate ng trabaho Kung ikaw ay isang lider sa iyong kumpanya, i-train ang isang empleyado na gawin ang mga trabahong kagaya ng pagfa-file ng documents, photocopying, stamping letters, at iba pa. Dito, mas makakapagpokus ka pa sa iba pang mas

‘Wag matakot na mag-”NO” Mas mapapa-simple ang iyong buhay kung alam mong tumanggi sa pagyayaya ng iyong mga katrabaho, halimbawa, sa party o iba pang mga kaganapan na maaari namang hindi mo puntahan. Matutong i-control ang iyong oras.

Naririto ang ilang mabisang tips na maaari mong sundin:

Maging organisado Sa pamamagitan nito, mas napapadali ang mga trabaho, dahil mas mabilis ang paghahanap ng mga items o files kinalaunan.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2017

18

18

KONTRIBUSYON

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

N

oong nakaraang buwan, iprinisinta ko sa inyo ang apat na MVP candidates ngayong season. Sa dami ng spectacular na individual performance, hirap talaga pumili ng MVP. Ngunit, kay Westbrook ang season na ito. Siya ang aking MVP. Medyo hesistant ako sa pagpili kay Russell. Kung titignan mong maigi, may mga pagkakataon na nagstat padding si Brodie. Pagmasdan mo na lang kung paano ibigay ng mga bigmen niya ang rebound. Kulang na lang, maglatag sila ng red carpet. Napapaisip rin ako kung napabuti ba ang teammates niya sa paghijack niya ng mga possessions nila. 42% ang usage rate ni Russell Westbrook ngayong season. Ang sumunod sa kanya: nasa malayong 35%. Paano kaya kung mas inikot niya ang bola sa mga laro? Mas nadevelop kaya ang mga teammates niya? Mas naging reliable kaya sila sa opensa?

Malayong malayo ang performance niya kay Harden, ang aking second place MVP. Bilang isang purist fan ng basketball, mas kumbinsido ako na mas nakatulong si the Beard sa koponan niya. Kitang kita mo naman na mas may kumpyansa ang teammates ni the Beard lalo na sa opensa. Ayon kay Zach Lowe, isang NBA writer, mas hirap igameplan si the Beard kumpara kay Westbrook. Ito ay mula sa mga coaches na nakapanayam niya. Kung titignan mo lang sa basketball bullet points, si Harden ang MVP ngayong taon. Sa kabila nito, naniniwala ako na ang MVP ay hindi naman para sa best basketball performance. Ito ay binibigay sa pinakaimportanteng manlalaro ng taon. Sino sa kanila ang nagbigay ng mas malaking value sa team niya? Hindi lang sa stats. Hindi lang sa panalo. Kundi pati sa entertainment value. Sa tingin ko, wala nang tatalo sa naratibo ni Russ. Malaking dagok sa OKC ang pagkawala ni Durant. Kung ibang mga koponan ito, malamang patapon na itong season sa kanila. Hindi matatawaran ang inspirasyon na ibinigay ni Russ sa OKC. Siya ang catalyst ng mga fans at ng organisasyon upang patuloy na magcompete. Oo, maaring mas maganda sana na inikot ni Russ ang bola upang madevelop sa opensa ang teammates niya. Pero, malamang nagtamo sila ng mas maraming talo sa simula. At malamang hindi sila nakapasok sa playoffs. Mula sa triple-doubles at 30.7 PER hanggang sa 40 at 50 point games. Punong puno ng moments ang season na ito para kay Russ. Sa susunod na taon, tapos na ang honeymoon period niya. Tataas na ang expectations ng mga tao. Mas maeexpose na ang pagiging ballhog niya. Tignan natin kung paano niya babaguhin ang ilang aspeto ng laro sa ikabubuti ng koponan nia.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

19

BALITANG GLOBAL BALITANG PINOY SPORTS

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

19

Ilokano MMA Lightweight champion, may payo sa mga atleta

PASSION ANG ISA SA MGA KATANGIANG kailangang taglaying ng isang atleta upang magtagumpay sa sports. Ito ay ayon kay Mixed Martial Arts (MMA) Lightweight Champion na si Edward Folayang. Sa kanyang panayam sa bomboradyo.com, ikinuwento niyang minsan na niyang kinailangang pumili kung anong sports ang kanyang sasabakan—kick boxing ba o sepak takraw.

Pinoy Grandmaster, pinabilib ang buong mundo sa US Chess Championship

PINABILIB NA NAMAN ng Pinoy super grandmaster na si Wesley So ang buong mundo matapos niyang manalo sa Round 9 sa US Chess Championships sa St. Louis, Missouri. Pinataob ng world’s number 2 na si Wesley (ELO 2822) si US GM Jeffery Xiong (2674) sa kabila ng kaniyang delikadong posisyon.

Nagtala ng anim na puntos si So sa 11-round tournament. Habang nakarating naman sa top spot si US GM Varuzhan Akobian (2645). Tinawag na “greatest games” at makasaysayan ng US chess organization ang performance ni So. “Masterpiece” naman ang naging bansag ng iba pang eksperto sa mga tira ng Pinoy super grandmaster mula Bacoor, Cavite.

Ayon sa kanya, nasa ika-apat na taon na siya noon sa sekondarya nang maatasan siyang kumatawan sa rehiyong Cordillera para sa Palarong Pambansa matapos niyang manalo sa Cordillera Administrative Region Athletic Association Meet. Ngunit nagkataon naman na lalaban din siya sa kick boxing ng araw na iyon kaya kinailangan niyang mamili sa dalawa at ang kick box-

ing ang pinili niya dahil iyon ang kanyang passion. Ayon kay Folayang, di niya ito pinagsisisihan. Kaya ang payo niya sa mga atleta huwag mag-atubiling piliin ang larangan kung nasaan talaga ang kanilang passion. Sa kasalukuyan ay si Folayang na ang kumakatawan sa buong bansa sa larangan ng Mixed Martial Arts.

Pinoy athletes at international delegates, pinarangalan ng Amatuer Track & Field Association

KINILALA ANG HUSAY NG ILANG ATLETA at koponan sa katatapos lamang na Philippine National Open Invitational Athletics Championships o Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA). Kabilang sa mga binigyan ng parangal ay sina James Darrel Orduna ng Bulacan na kinilala bilang Most Outstanding Athlete-boys at Daniela Daynata ng De La Salle University na pinarangalang Most Outstanding Athlete-girls. Si Jolina Jose ng University of Baguio naman ay nakatanggap ng Most Outstanding Athlete-woman at ang Most Outstanding Athlete-man ay nasungkit ni Anfernie Lopena ng RP Team City of Ilagan. Nagmula sa Hong Kong ang itinanghal na fastest woman sa 100-meter dash habang ang Pilipinong si Anfernie Lopena naman ang itinanghal na fastest man. Sa Malaysia naman napunta ang iron maiden winner of hephtalon habang si Aries Toledo ng Central Luzon State University naman ang nakabingwit ng man of steel winner of decathlon, ayon sa ulat ng bomboradyo.com.

World No.1 golfer Dustin Johnson, muling sasabak sa PGA Tour sa Mayo

MATAPOS ANG PAGKAKADULAS ni World number one Dustin Johnson, muli na umanong sasabak sa laro sa PGA Tour sa darating na Mayo. Mula May 4 hanggang 7, muli na umanong maglalaro si Johnson sa Wells Fargo Championship na isasagawa sa Eagle Point Golf Club sa North Carolina. Ikinatutuwa raw ngpamunuan ng Wells Fargo Championship ang pagbuti ng lagay ng American golf player. “We certainly are excited that Dustin will be joining us in Wellington in a few weeks. More importantly, we are glad that he is OK and will be returning to the PGA Tour,” ika ni Wells Fargo Championship Executive Director Kym Hougham.

Takraw athletes, nasa Myanmar para sa paghahanda sa SEA Games 2017

UPANG LALO PANG MAPAHUSAY, kasalukuyang nasa Myanmar ang Philippine Amateur Sepak Takraw Association (PASTA) national team. Ang isang buwang training camp ay bilang paghahanda para sa Southeast Asia (SEA) Games sa Malaysia ngayong taon. Labingwalong atleta ang nasa Athletes Village ng Nay Pyi Taw, kung saan kasabay nilang magsasanay ang Myanmar national team, ayon kay PASTA president Karen Tanchanco-Caballero. Sa darating na Agosto 19-3 ang 2017 SEA Games na isasagawa sa Kuala Lumpur. Layunin ng Pilipinas na masungkit ang gold medal sa nasabing event.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2017

20

20

HOROSCOPE

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

TAURUS Abr. 21 - May. 21

LEO Hul. 23 - Ago. 22

Hindi muna ito ang paIwasan ang masyadong nahon para magpalapaggastos. Bagama’t bas ng malaking pera. maganda ang pasok ng Pag-isipan ng maram- pero ngayon, maigi pa ring magpigil sa ing beses bago ka magtiwala sa iniaalok pagpapalabas ng pera. sa’yong pagkakakitaan. Power Numbers: 18, 8 at 2 Power Numbers: 29, 13, at 14 VIRGO GEMINI May. 22 - Hun. 21

Maraming mga kamaganak ang mag-aalala sa iyo dahil sa sobrang focused mo sa trabaho. Ugaliing magpahinga paminsan-minsan. Power Numbers: 12, 29, at 28 CANCER Hun. 22 - Hul. 22

PHuwag mawalan ng pag-asa. At, huwag na huwag bitawan ang pagtitiwala sa panginoon. Lilipas din ang iyong mga problema. Power Numbers: 15, 7, at 8

Ago. 23 - Set. 23

May bagay na icecelebrate ka ngayong buwan. Maaaring related ito sa iyong trabaho. Ipagpatuloy ang magandang ugali sa kapwa. Power Numbers: 5, 12, at 1 LIBRA Set. 24 - Okt. 23

Kung may kasalukuyan kang pinaplano, ito na ang panahon para ipagpatuloy ito. Malaki ang tyansa na magtatagumpay ka. Power Numbers: 15, 25 at 3

SCORPIO Okt.24 - Nob. 22

Mukhang maganda ang iyong kalusugan ngayong buwang ito. Ipagpatuloy din ang pagiging masayahin. Makabubuti ito sa’yo. Power Numbers: 6, 18, at 17 SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21

Magpahinga nang kaunti. Iwasan ang masyadong pagpupuyat, sapagkat maaaring maapektuhan ang iyong kalusugan. Maswerte ang pasok ng pera sa’yo ngayong buwan. Power Numbers: 8, 12, at 17 CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 19

Magpakatatag, sa kabila ng maraming demands sa trabaho at pamilya. Kung may gagawing desisyon, pag-isipan muna ng maraming beses. Power Numbers: 13, 9, at 12

AQUARIUS Ene. 20 - Feb. 19

Pag-isipang mabuti kung pauutangin mo ang isang tao. Medyo lapitin ka kasi ngayong buwan ng mga hindi mapagkakatiwalaang tao. Power Numbers: 13, 14, at 5 PISCES Peb. 20 - Mar. 20

HIwasan ang pagrereklamo para hindi ka iwanan ng suwerte. Dapat ay good vibes lagi. Power Numbers: 5, 10, at 14

ARIES Mar. 21 - Abr. 20

Maganda ang iyong buhay-pag-ibig ngayong buwan. Gayunman, huwag i-compromise ang iyong ibang responsibilidad, kagaya ng trabaho.Power Numbers: 14, 24, at 30


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

21

Impormasyon ng Pilipino

George Clooney, kupido nina Brad Pitt at Sandra Bullock

HINDI PA NAGSASALITA ang Hollywood celebrities na sina Brad Pitt at Sandra Bullock tungkol sa balitang nagdi-date sila. May mga lumabas na balitang inirereto ng isa pang Hollywood actor na si George Clooney si Bullock sa kaibigan nitong si Brad Pitt. Ayon sa ilang impormasyon ay nagclick sina Bullock at Pitt nang magkita at magkausap sila sa charity event ni Clooney ilang taon na ang nakakaraan. Parehong hiwalay na sa kani-kaniyang relasyon ang dalawa. Naging matunog ang hiwalayang Brad Pitt at Angelina Jolie, na pawang powerhouse celebrities sa Hollywood. Si Bullock naman ay nahiwalay rin sa noo’y karelasyong si Jesse James, isang TV personality. Ngunit, may usap-usapan rin na may nobyo na si Bullock na isang photographer. Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon galing sa magkabilang panig.

PAGCOR Official Arnell Ignacio, bubuo ng charity group kasama ang ilang mga artista NAHIKAYAT NG KOMEDYANTE at TV host na si Arnell Ignacio ang iba pang mga kasamahang artista upang maging miyembro ng binubuo niyang charity group. Kasalukuyang assistant vice president sa Public Services and Community Relations department ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) si Ignacio. Isa sa mga artistang nahikayat ni Ignacio ay ang kapwa komedyante na si Ai-Ai delas Alas na magbibigay ng tulong na P70,000, ayon sa bomboradyo.com. Ang dalawa pang artistang nahikayat ni Ignacio na tumulong sa kaniyang charity group ay sina Gretchen Barretto at Willie Revillame. Ang hakbang na ginawa ni Ignacio ay isa lang sa mga projects na pinangungunahan niya para

Pilipinas, wagi ng Best Director at Best Film sa Malaysia Filmfest

NANALO ANG PILIPINAS ng dalawang awards sa 2017 Malaysia Golden Global Awards (MGGA). Ang isa ay nakuha ng sikat na Pinoy filmmaker na si Brillante Mendoza na pinarangalang Best Director para sa pelikula niyang “Ma’ Rosa,” at ang isa ay para sa PhilippinesM a l a y s i a collaboration film “Singing in Graveyards”

sa PAGCOR. “Meron talagang lumalapit na immediate ang pangangailangan, yung ngayon, as in ngayon na. Kailangan meron kang dokumento sa akin na sumulat ka na humihingi ng tulong, isa-submit namin ‘yun sa Commission on Audit. Kung ako lang masusunod, e, ‘di pinagtuturo ko na lang ang mga kakilala ko. ‘Yun ang purpose nun. We cannot ask donations kasi hindi puwede yun,” paliwanag ni Ignacio.

kung saan tampok ang Filipino rock legend na si Joey “Pepe” Smith na nakakuha ng Best Film Award. Ito na ang pangalawang international best director award ni Brillantes para sa”Ma ‘Rosa” na una nang pinarangalan sa Gijon International Film Festival sa Spain. Ang “Ma’ Rosa” ay tungkol sa kinatutuwaang sari-sari store owner na si Rosa (Jacklyn Jose) na nagtitinda rin ng droga para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya at makumpleto ang perang pampyansa para sa nakakulong niyang asawang si Nestor (Julio Diaz). Matatandaang nanalo ring Best Actress si Jacklyn Jose para sa “Ma’ Rosa” sa prestihiyosong Cannes Film Festival sa France.

Britney Spears, magco-concert sa bansa ngayong 2017

MAGANDANG BALITA para sa mga tagahanga ni Britney Spears. Magkakaroon siya ng concert sa bansa ngayong taon. Ang American pop music icon mismo ang nagbalita ng kanyang papalapit na concert sa Pilipinas sa June 15, 2017. “Excited to be performing in Manila this summer,” pahayag ni Spears sa kanyang Facebook page post. Ito ang unang pagkakataon na magco-concert si Spears sa bansa. Sumikat si Spears sa mga hit songs niyang “Sometimes,” “Oops I Did It Again,” “Toxic,” at “Womanizer”. Ang 35-year-old na Grammy-winning singer ay isa lang sa maraming foreign artists na magco-concert sa bansa ngayong taon.

Pia Wurtzbach, proud na maging inspirasyon ng mga Bb. Pilipinas candidates

IKINATUWA ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ginawa siyang inspirasyon ng mga kandidata sa Binibining Pilipinas, na gaya niya ay makailang-beses nang sumali sa nasabing kumpetisyon. Ayon kay Wurtzbach, makakatulong ang katatagan ng loob upang makamit ang tagumpay sa Binibining Pilipinas. Kung may ehemplo na nais tularan ang mga Binibining Pilipinas hopefuls, ito ay si Pia dahil kinailangan niyang sumali ng tatlong beses sa kumpetisyon upang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe at hiranging Miss Universe 2015 kinalaunan. Sinabi ni Wurtzbach na magaganda ang mga kandidata para sa Binibining Pilipinas ngayong taon. “Nakakatuwa na hindi sila nawawalan ng lakas ng loob na abutin ang mga pangarap nila at nag-try padin sila ulit. It’s a very good batch. Ang gaganda nilang lahat medyo mahirap ang pumili ng winners,” pahayag ng 27-year-old Miss Universe. Magaganap ang 2017 Binibining Pilipinas sa April 30 kung saan kokoronahan ang mga bagong beauty queens na kakatawan sa bansa sa mga international beauty pageants.


Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi

MAY 2017

22

22

BALITANG SHOWBIZ

Drake, nalagpasan na si Ed Sheeran sa Billboard album Charts

NANGUNGUNA NA SA BILLBOARD 200 album charts ang rapper na si Drake matapos niyang maungusan si Ed Sheeran. Tinatayang nasa 505,000 kopya na ang nabebenta sa album na “More Life” ni Drake sa loob lamang ng dalawang linggo. Ito ay ayon sa tala ng Nielsen SoundScan. Nagtala ang 2016 best-selling artist at Canadian rapper ng pinakamataas na U.S. sales week mula nang mai-release ang album na “Views” sa 2016. Ayon sa Billboard 200 album chart, kinakailangang magkaroon ng mataas na album sales, song sales kung saan ang isang album ay katumbas ng sampung kanta, at streaming activity (1,500 streams equal one album).

Bob Dylan, tatanggapin na ang kaniyang Nobel Prize

NAKATAKDANG tanggapin ni Bob Dylan ang kaniyang Nobel Prize for Literature sa Stockholm. Ipapadala na lamang umano ng 75-anyos na singer ang kaniyang recorded lecture, ayon sa kaniyang kampo. Mafo-forfeit ang premyong $900,000 hanggang Hunyo kung hindi makakapagbigay ng lecture ang singer. Ngunit ayon naman kay Prof. Sara Danius, ang permanent secretary of the Swedish Academy, magdaraos sila ng pulong kasama si Dylan. Hiniling umano rin ni Dylan na ipagbawal ang media sa awarding ceremony. Naganap ang aktuwal na awarding ceremony ng Nobel Prize noong Disyembre, ngunit hindi dumalo si Dylan dahil na rin sa mga batikos na ipinupukol sa kanya.

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

Pinay finalist ng Asia's Next Top Model, humugot ng inspiration kay Pia Wurtzbach LALONG NAGING INSPIRADO ang tatlong Pinay na nakapasok sa finals ng Cycle 5 ng Asia’s Next Top Model nang makaharap nila si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa press preview sa Taguig. Kabilang ang mga Pinay na sina Maureen Wroblewitz, Angelica Santillan, at Jennica Sanchez sa 14 na contestants na sasalang sa nasabing kumpetisyon. Ayon kay Maureen Wroblewitz, ang 18-year-old Fil-German finalist, nakatulong sa pag-boost ng kaniyang self-confidence ang pagdating ni Pia. “I was speechless. She was more of a mentor and we always had videos of her telling us to stay

Antionio Banderas, nagrerecover na matapos atakihin sa puso MAGANDANG BALITA para sa mga tagahanga ni Antonio Banderas. Matatandaang inatake sa puso ang Spanish actor noong Enero, ngunit kinumpirma niyang mabuti na ang kaniyang kalagayan. “I suffered a heart attack on January 26. It was a benign attack, it hasn’t caused any permanent damage and now I’m in a recovery period,” pahayag ni Antonio. Sumailalim si Banderas sa operasyon kung saan nilagyan ng tatlong stent ang kaniyang

Erich Gonzales, happy sa single life

positive and that we could do it. She was really helpful. She told us that we really have to save our energy and reflect on yourself whenever you have a photo shoot that’s when you use all of your energy and the tips she gave us really made us feel confident,” sabi ni Wroblewitz. Masaya rin ang 22-year-old model na si Angelica Santillan dahil nakadaupang palad niya ang Pinay Miss Universe. Para naman kay Jennica Sanchez, nakatulong talaga ang sinabi ni Pia na hindi big deal ang

height sa nasabing kumpetisyon. “Working with Pia was sobrang nakaka-star struck talaga siya actually. And sobrang bait niya sa aming lahat. Walang bias sa Filipina, as in lahat pantay-pantay. Lagi niya akong pinagtatanggol doon kasi ako yung isa sa pinakamaliit, dalawa kaming pinakamaliit na Pinay and then she told me (something) na hindi ko makakalimutan, ‘I wasn’t the tallest girl in Miss Universe pero ako yung nanalo.’ And that gave me motivation,” pahayag ni Sanchez, base sa ulat ng bomboradyo.com.

puso upang paluwagin ang ugat nito. Idinagdag ng 56-year-old “Mask of Zorro” star na nagulat siya dahil sa mga ulat na malala na ang kaniyang kundisyon. Ayon sa “Desperado” actor, napansin niya ang pagsakit ng kaniyang dibdib habang siya

ay nage-exercise. Ipinaliwanag din niya na ang mga stress at pagod na nakuha niya sa apat na dekada niyang pagtatrabaho bilang aktor ang posible ring dahilan ng kaniyang atake. “I’m now reviewing a lot of things,” ani Banderas.

NAE-ENJOY NA UMANO ni Erich Gonzales ang kaniyang single life matapos ang kontrobersyal nilang hiwalayan ng Brazilian-Japanese actor na si Daniel Matsunaga. Base sa panayam sa aktres ng bomboradyo.com, totoo raw na nakapagmove-on na siya at inienjoy na lang ang mga blessings na dumadating sa kanya. Visible si Erich sa mga programs ng ABS-CBN. Itatampok rin siya sa isang episode ng “Ipaglaban Mo,” kung saan makakatambal niya ang aktor na si Arjo Atayde. Enero nitong taon nang kumpirmahin ng dalawa ang kanilang hiwalayan.

Hindi pa malinaw ang dahilan ng kanilang hiwalayan, ngunit may mga usap-usapang pera ang ugat nito. Umusbong ang kanilang pag-iibigan sa set ng daytime teleseryeng “Be My Lady” na nakakuha rin ng matataas na ratings.


Daloy Daloy Kayumanggi Daloy Kayumanggi Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MAY 2017

23

BALITANG BALITANG GLOBAL PINOY SHOWBIZ

Impormasyon ng Pilipino

Impormasyon ng Pilipino

JLO hindi pinapansin ang pagbatikos sa relasyon nila ni Alex Rodriguez

HINDI NA LAMANG PINAPANSIN actress-singer Jennifer Lopez ang kaniyang mga bashers na bumabatikos sa relasyon niya sa dating baseball star Alex Rodriguez. Sinabi ni Lopez na sanay na siya sa mga bashers kaya hindi na lamang niya pinapansin ang mga ito. Hindi na tinantanan ng mga bashers ang 47-year-old singer simula nang i-anunsyo niya ang kaniyang relasyon sa 41-anyos na baseball player. Kabilang sa mga nakarelasyon ni Lopez ay sina Ben Affleck, Bradley Cooper at ang dancer nito na si Casper Smart habang si Rodriguez naman ay nagkaroon rin ng relasyon kina Madonna, Kate Hudson, Cameron Diaz at Demi Moore.

Goerge Michael, nailibing na matapos ang autopsy

NAILIBING NA ANG SINGER na si George Michael matapos lumabas sa pagsusuri na natural cause ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Isang private ceremony ang ginawang paglilibing kay Michael, kung saan pamilya at kaibigan lamang ang mga dumalo. Inihimlay ang British Popstar sa tabi ng himlayan ng kaniyang ina. Dumalo rin sa seremonya ang partner ng singer na si Fadi Fawaz at miyembro ng kaniyang grupo na si Wham. Maaalalang natagpuang walang malay si George noong December 25 kung saan lumabas sa paunang imbestigasyon na dahil ito sa substance abuse.

Janet Jackson, ipinakita ang unang larawan ng kanyang baby boy

Pia Wurtzbach, nakipagkita kay 2016 Miss Universe Iris Mitenaere sa NY

Melai Cantiveros, nanganak na sa 2nd Baby

SA KABILA NG PAGHIHIWALAY nila ng billionaire businessman husband niyang si Wissam Al Mara, mukhang masaya at nasa mabuting kalagayan naman si Janet Jackson. Katunayan, kamakailan ay nagbahagi siya ng kauna-unahang larawan ng kanyang baby boy sa kaniyang social media accounts. “My baby and me after nap time,” ika ng caption. Ang baby boy umano niya ang priority niya sa ngayon. Focused daw siya sa pag-aalaga sa kanyang anak ngayon.

KASABAY NG LINGGO NG PALASPAS o Araw ng Kagitingan noong Abril 9, ipinanganak din ni Melai Cantiverso ang babaeng anak nila ni Jason Francisco. Steph Rosalind ang pangalan ng second baby nila ng kapwa komedyante. “…[W]ith love and effort lagi ang paggawa niya ng name [ng] anak namin. You nailed it Papang ha :)” ika ng post ng 29 years old na aktres. Bali-balita na maaaring sa hometown na ni Jason sa Mindoro maninirahan ang kanilang buong pamilya matapos ang panganganak ni Melai.

KASABAY NG HOLY WEEK, nagbalik-New York din si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Sa kanyang pagbabalik sa New York, ang headquarters ng Miss Universe, nagkita sila ng reigning Miss Universe na si Iris Mitenaere. Sa pag-uusap ng dalawa, plano raw magbalik-Pilipinas ni Mitinaere, particular na sa Boracay. “I want to go to Boracay because I saw Pia’s pictures and I want to go. It’s so beautiful,” ika ni Mitenaere. Ikinuwento namanni Pia ang kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan sa Pilipinas, kabilang ang pagiging guest judge niya sa Asia’s Next Top Model.

23

Tweet ni Idol

S

a edisyong ito ng Tweet ni Idol, susundan natin ang ilang kapiraso ng buhay ng ating tatlong favorite local stars na sina Daniel Padilla, Yeng Constantino, at Maine Mendoza.

Tara!

Daniel Padilla (@maria.elena.adarna) Todo promote ang aktor sa Summer Station ID ng Dos: “Mga Kapamilya, abangan ngayong gabi sa TV Patrol ang Summer Station ID ng ABS-CBN. #IkawAngSunshineKo”

Yeng Constantino (@YengPLUGGEDin) Ito naman ang post ni Yeng Constantino kasabay ng Holy Week: “Habang ang lahat ay masayang nasa beach ako ay masayang nag-iigib ng tubig. #ProbinsyaLife #simplelife http://fb.me/1SMTRrdMz”

Maine Mendoza (@mainedcm) April 15 post ni Maine ang kanyang New York trip: “Peace out, New Yorkers!️#EIOWPHOEZ”

Ai-Ai delas Alas engaged na kay Gerald Sibayan

MAGPAPAKASAL NA si Ai-Ai delas Alas next year, ang ngayong 52-yrs-old na Comedy Queen ay happily engaged na sa kanyang matagal ng boyfriend na si Gerald Sibayan. Sa Instagram account ni Ai-Ai, binigyan ni Gerald ng supresa si Ai-Ai sa kanilang anibersaryo ng isang papel na hugis puso at may nakasulat na "Will u Marry Me?" Binigyan din nito ng isang cafe at may nakasulat naman "Can you be my misis?" Hindi naman mawawala sa pagpo-propose ang makintab na diamond ring na saktong sakto sa daliri ni Ai-Ai delas Alas. Ayon sa post nito ni Ai-Ai naging ma-emosyonal nung sinagot niya si Gerlad ng "Yes" sa marriage proposal nito. Nagsulat din ng magandang mensahe si Ai-Ai delas Alas na “Some knots are meant to be tied forever. Our journey is not perfect but its ours and ill stick with you till the end. I will pray to our great GOD that our journey wil be smooth and sweet towards eternity.”


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.