Inspiring Global Filipinos in Japan
〒 101-0027 611 Dai3 Azuma Building 1banchi Hirakawacho Kanda Chiyoda-ku Tokyo TEL: 03-5835-0618 FAX: 03-5825-0187 E-mail: dk0061_ japan@yahoo.co.jp daluyan@daloykayumanggi.com URL: www.dk6868.net
D&K 株式会社 〒 101-0027 東京都千代田区 神田平河町 1 番地第 3 東ビル 611
Vol.5 Issue 57 November 2016
www.daloykayumanggi.com
03
BALITANG GLOBAL PINOY
05
BALITANG LOCAL
Jeslyn Santos, nanalo sa Miss United Continents sa Ecuador
Pilipinas, magkakaroon na ng Bullet Train
10
15
TIPS
21
BALITANG SPORTS
MORECAST - Ang Weather App na maaasahan
BALITANG SHOWBIZ
Authentic Dining Places in Osaka
GINEBRA
Kim Kardashian, magsasampa ng kaso laban sa lalaking humalik sa kaniyang puwetan
3 Scientists, ginawaran ng Nobel Prize for Chemistry
ITINANGHAL NA KAMPEON SA PBA
GOVERNORS` CUP
TATLONG SCIENTISTS ang pinarangalan ng Nobel Prize for Chemistry ngayong taon. Sila ay sina Jean-Pierre Sauvage ng France, J. Fraser Stoddart ng Scotland, at Bernard Feringa ng Netherlands. Ang pag-aaral na nagbigay sa kanila ng panalo ay tungkol sa molecular machines na naging daan upang mapabuti ang mga bagong materials, energy storage systems, at sensors base sa ulat ng Bombo Radyo. Inamin ni Stoddart na hindi nila inasahan ang nasabing panalo. Si Feringa naman ay speechless sa natamong karangalan.
sundan sa Pahina 4
Siguradong Kampeon? Ang mga challengers ng Dubs sa Season na ito
Natikman din sa wakas ng Barangay Ginebra San Miguel ang pagiging kampeon sa nakaraang PBA Governors’ Cup.
sundan sa Pahina 19
NAIA Expressway, magagamit na ng publiko SA WAKAS AY BUKAS NA SA PUBLIKO ANG NAIA EXPRESSWAY.
Entertainment City sa Pasay. “This project would effectively improve traffic flow in the area and will cut travel time by at least 60%,” Ito ay magli-link sa NAIA Terminal ani Public Works Secretary Mark 1 at 2 sa Parañaque papuntang Villar. sundan sa Pahina 5 Macapagal Boulevard at PAGCOR
KA-DALOY OF THE MONTH
Kilalanin si Janelle Frayna, Ang Unang Filipino Female Chess Grand Master Nag-uwi ng karangalan para sa bansa kamakailan ang Far Eastern University (FEU) student na si Janelle Mae Frayna nang tanghalin siya bilang kauna-unahang babae at Pilipinong chess Grand Master (GM). sundan sa Pahina 7
GLOBAL PINOY SECTION
Makati restaurant, pasok sa listahan ng "The Best Restaurant in the World" sundan sa Pahina 3
Sa pagpasok ni KD sa Dubs, marami ang n a g s a s a b i n a wa l a n a n g m a ka ka t a l o s a Golden State sa taong ito. Paano mo nga naman babantayan sina Klay, KD at Curry ng sabay-sabay sa buong laro. sundan sa Pahina 18
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
2
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
Storytelling Project, hinahassa ang mga bata na magsulat ng sarili nilang storybook ISANG PROYEKTO upang malinang ang kasanayan sa pagbabasa ng mga batang nasa malalayong lugar ang inilunsad ng TSP. Ang TSP ay isang non-government organization na naglalayong palawigin ang interes at kakayahang magbasa ng mga bata sa pamamagitan ng kanilang 3-phase program na kumakatawan sa Imagine, Create and Share. Sa Imagine phase, inilalahok ang mga bata sa 21-day storytelling program. Sa Create phase, hinahayaan ang mga bata na matutong magbasa sa tulong ng kanilang TSP Library Project. Sa Share phase naman ay ginagabayan ang mga bata upang makapagbahagi sila ng kanilang mga kaalaman at karanasan sa komunidad sa pamamagitan ng mga activities sa TSP Book Club. Layunin ng TSP na mahikayat ang mga bata na magsulat ng kani-kaniyang story book. Nailunsad noong 2014 ang unang TSP book na isinulat ni Jim Mark Carolino mula Dagupan, Pangasinan. Ito ay ang “Super Labandera” na inialay ni Jim Mark para sa kaniyang inang itinuturing niyang hero.
15M Estudyante, magkakaroon ng free access sa mga eBooks at textbooks
Esguerra, sa pamamagitan ng kanilang programa, matutulungan nila ang mga estudyante at guro na i-promote ang digital learning, lalo na sa mga paaralang hindi naaabot ng teknolohiya. Ang mga mapipiling paaralan ay mabibigyan din ng Globe Digital Laboratory package na naglalaman ng MAGANDANG BALITA para sa mga estudyante at mga netbooks/tablets, wi-fi devices, at mobile cart na may guro sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. built-in projector screen at workstation. Humigit-kumulang 15 milyong estudyante at 500,000 Maa-access ang mga e-books gamit ang kahit na na mga guro ang magkakaroon ng free access sa higit anong device na mayroong e-book reader. 1,000 eBooks at textbooks sa pagbubukas ng Globe Telecom’s electronic library (eLibrary). Ang programang ito ng Globe Telecoms ay nagpapahintulot sa mga partner schools nito na ma-access ang GFSLibrary.com na naglalaman ng storybooks para sa mga bata at textbooks sa iba’t ibang asignatura tulad ng English, Filipino, Math, Science, Music at Arts. Ayon kay Globe director for Citizenship Fernando
Presidentail Task Force on Violation of the Rights of the Media, bubuuin na Bagong Guiness World Record sa may pinakamaraming couples na nagpakasal, naitala
MAY BAGONG RECORD ang naitala para sa pinakamaraming mga couples na nagpakasal nang sabay-sabay. Binubuo ng 1,201 na couples na nagrenew ng kanilang vows, ginawaran ng opisyal ng Guinness World Record ang isang seremonya na inilunsad sa Western Michigan University. Puting wedding dress at tuxedo ang suut-suot ng mga mag-asawa sa nasabing seremonya. Ang nangasiwa sanasabing kasalan ay si Bobby Hopewell, ang alkalde ng Kalamazoo. Kasama sa mga nag-renew ng vows ay ang Western University President John Dunn at ang kanyang misis.
NAGBIGAY NA NG Union of Journalists GO-SIGNAL si Pangulong of the Philippines Rodrigo Duterte hinggil sa (NUJP); pagbubuo ng Presidential • President, Kapisanan Task Force on the ng mga Brodkaster Ng Violation of the Rights of Pilipinas (KBP); the Media. Ang nasabing • President, Publishers Task Force ay nakasaad sa Association of the Administrative Order 1. Philippines, Inc. (PAPI); Layunin umano nito and na maprotektahan ang Chairperson-President, mga mamamahayag Philippine Press laban sa media killings, Institute (PPI),” saad ayon kay Martin Andanar, ng Administrative ang kasalukuyang Order 1. Presidential Communications Secretary, na dati ring taga-midya. “The Presidential Task Force shall invite the Chairperson of the Commission on Human Rights (CHR) and the Ombudsman as observers and resource persons. The Presidential Task Force shall likewise invite the following as observers and resource persons: • President, National Press Club (NPC); • President, National
PNP Chief: Hindi hadlang ang kakulangan ng pondo sa anti-illegal drug campaign BAGAMA’T KULANG UMANO ngayon ang pondo ng Philippine National Police para sa anti-illegal drug campaign nito, hindi naman daw ito magiging hadlang sa pagtatagumpay ng nasabing kampanya. Ito ay ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa.
Ayon pa sa kanya, kahit kulang umano ang pondo nila, nagagawa naman daw nila ang kanilang mga trabaho bilang mga pulis upang masugpo ang problema sa droga sa buong bansa. Gayunpaman, mas magiging mataas umano sana ang impact rate ng kampanya kung may malaking pondo ang PNP. Sa ngayon ay hinihintay ng ahensiya ang dagdag na pondo na manggagaling sa budget department ng pamahalaan.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
BALITANG GLOBAL PINOY
Impormasyon ng Pilipino
3
12 Batang dancers, namayagpag sa Asian Ballet Competion
LABING-DALAWANG PINOY DANCERS ang nagtaas na naman ng bandila ng Pilipinas dahil sa kanilang pagkakapanalo sa 6th Asian Grand Prix International Ballet Competition. Nanalo ng medals, cash prizes at scholarships ang mga pambatong dancers ng bansa. Sa 12 batang mananayaw, dalawa sa kanila ang dating street children. Sila ay sina Edmar Sumera and Benedict Sabularse. Karamihan sa mga medalyang napanalunan ng Pilipinas ay nanggaling sa Lisa Macuja School of Ballet team. “I am, of course, greatly pleased that our dancers have danced well and reaped honors for Ballet Manila and for our country. But more so, I am touched by the sincere comments of the jury in their praise for the high quality of training that we give our competitors. They had the strength, technique and style necessary to get those points. But at the end of the day, the fact that they all danced from the heart was the quality that brought them home!” ani Lisa Macuja.
Makati restaurant, Acapellago, nanalo sa A Capella pasok sa listahan Asia Pacific Championship ng "The Best ISA NA NAMANG KARANGALAN ang iniuwi ng isang Restaurant in the all-Filipino group kamakailan. Namayagpag ang Acapellago, isang Pinoy a capella World" group sa Asia Pacific Championship League (APACCL) NA PASA M A A N G P H I L I P P I N E RESTAURANT na “Your Local” sa Conde Nast Traveler list of “The Best Restaurants in the World.” Ang restaurant na matatagpuan sa Legazpi Village ay kinilala sa kanilang kakaibang pomelo salad at Thai coconut ice cream. “I still dream of the pomelo salad with shrimp, winged beans, wild rocket, yuzu, nam jim, pickled quail eggs and Thai coconut ice cream,” pahayag ng isang food critic na si Ashlea Halpern, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas.com. Nagbukas ang “Your Local” noong taong 2014. Ito ay pagmamay-ari ng chef at videographer na si Ynigo Santos at isa pang chef na si Denny Antonino. Ang specialty dishes ng restaurant ay Asian at Western cuisines with a twist. Ang listahan ay binuo ng mga kilalang chefs, food writers, at travelers.
sa Singapore nitong nakaraang Setyembre. Pinataob ng grupo ang iba pang a capella champions mula sa Hongkong, Taiwan, Malaysia, Australia at Singapore, ayon sa goodnewspilipinas.com. Ang kantang nakapagpapanalo sa grupo ay ang Whitney Houston song, “Queen of the Night.” Ang Acapellago ay ang Internet sensation sa likod ng viral hit na “Tatlong Bibe.” Nanalo rin ng Best Lead Vocal ang female soloist nila na si Michelle Corpuz Pascual (soprano). Si Ronnel Allen Roman Laderas naman ay kinilalang
Best Bass Singer. Ang iba pang miyembro ng grupo ay sina Almond Pondevida Bolante (counter-tenor), Joshua Fernandez Cadelina (tenor) at Ricky Gavin Roman Laderas (beatboxer).
Upeez, wagi sa Hiphop Dance Jeslyn Santos, nanalo sa Miss World Championship United Continents sa Ecuador
PINATUNAYAN NA NAMAN ng mga Pilipino na world class ang galing nito sa larangan ng Hiphop Dance. Pinataob ng Philippine dance crew na UPeepz ang 50 iba pang bansa upang maiuwi ang gold medal sa MegaCrew Division. Ang UPeepz ay dance group ng University of the Philippines - Diliman. Matapos tawagin bilang kampeon sa naturang kumpetisyon, inawit ng champion dance group ang national anthem ng Pilipinas. Isa pang pambato ng bansa ang nagwagi ng medalya sa naturang kumpetisyon. Ang The Alliance ay nag-uwi ng bronze medal sa Varsity Winning Crews division. Ang Hiphop Dance World Championship ay inorganisa ng Hiphop International at US TV hit show America’s Best Dance Crew.
Isa na namang Filipina ang nangibabaw ang ganda at talino sa buong mundo. Sinungkit ng 23-year old na si Jeslyn Santos ang 2016 Miss United Continents crown. Tinalo ng 2015 Miss World Peace Philippines ang 27 pang ibang kandidata na naghahangad rin ng korona. Napanalunan ni Santos ang kauna-unahang Miss United Continents title ng Pilipinas simula nang ilunsad ito noong 2006. Ito na ang ikaapat na taon ng Miss United Continents.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
4
BALITANG GLOBAL
Impormasyon ng Pilipino
3 Scientist, ginawaran ng Nobel Prize for Chemistry
Dating Portugal PM, posibleng maging susunod na UN Secretary General
Ang dating Portuguese Prime Minister na si Antonio Guterres ang posibleng maging susunod na Secretary-General ng United Nation. Ito ay matapos maging pabor sa kanya ang ginawang botohan ng 15-member Security Council. Si Guterres ay naging Prime Minster ng Portugal mula 1995 hanggang 2002. Naging pinuno rin siya ng UN refugee agency. Itatakda na ang pormal na rekomendasyon ng 193-member General Assembly para sa election kung saan kailangan ding ihain ang isang resolusyon.
TATLONG SCIENTISTS ang pinarangalan ng Nobel Prize for Chemistry ngayong taon. Sila ay sina Jean-Pierre Sauvage ng France, J. Fraser Stoddart ng Scotland, at Bernard Feringa ng Netherlands. Ang pag-aaral na nagbigay sa kanila ng panalo ay tungkol sa molecular machines na naging daan upang mapabuti ang mga bagong materials, energy storage systems, at sensors base sa ulat ng Bombo Radyo. Inamin ni Stoddart na hindi nila inasahan ang nasabing panalo. Si Feringa naman ay speechless sa natamong karangalan. Ikatlo na ang Nobel Prize for Chemistry sa mga Nobel prizes na ibinigay ngayong taon. “This year’s Nobel Prize in Chemistry is about the world’s smallest machines,” pahayag ni Goran Hansson ng Royal Swedish Academy of Sciences. “The molecular motor is at the same stage as the electric motor was in the 1830s, when scientists displayed various spinning cranks and wheels, unaware that they would lead to electric trains, washing machines, fans and food processors.” Ang nagtatag ng Nobel Prize ay ang Swedish at dynamite inventor na si Alfred Nobel.
Climate agreement, ipapatupad na SA WAKAS AY MAIPAPATUPAD NA ang Paris climate deal kung saan inaatasan ang bawat bansang kalahok na gumawa ng hakbang upang ‘di umabot ng 2 degrees Celsius ang temperatura ng buong mundo. Nabuo ang kasunduan noong December 2015. Niratipika ang nasabing climate agreement ng European Union (EU) sa presensya ni United Nations Secretary General Ban Ki-moon. Ipinahayag ng UN Secretary na siya ay nagagalak na masaksihan ang pagkakaratipika ng isang mahalagang kasunduan. “I’m extremely honored to be able to witness this historic moment,” ani Ban. Sinigurado rin ni Ban na maipapatupad sa lalong madaling panahon ang Paris climate deal. “I look forward to the Paris agreement entering into force as soon as possible, even in just a few days time.” Ang pagpapatupad ng kasunduan ay naging posible matapos maratipika ng 55 bansa. Ang mga bansang ito ay kumakatawan din sa 55 percent ng greenhouse gas emission sa mundo.
Janine Tugonon, napiling modelo sa Nu Muses calendar NAPILI SI MISS UNIVERSE 2012 first runner-up Janine Tugonon bilang modelo ng bagong Nu Muses art calendar na ilalabas ng Treats magazine. Matatandaang lumipad papuntang United States ang beauty queen upang sumali sa naturang international search. Dahil na rin sa kaniyang pagsisikap, nakuha niya ang isa sa 12 spots para sa nasabing calendar project na pinangungunahan nina Treats founder Steve Shaw at celebrity photographer David Bellemere. s Pinili ang mga models sa pamamagitan ng mga boto ng judges at netizens. Makatatanggap ng USD 10,000 ang mga napiling modelo.
“I thought I did really bad during the test shoot and final casting since I was a bad day that day. Chloe Reynaldo, kinilala having But I got the call from my bilang 2016 Global Innovator agent few days after and it was amazing!” ITINANGHAL NA 2016 “Being in this calendar GLOBAL INNOVATOR is a huge opportunity to n g Te x a s C h r i s t i a n showcase my beauty University (TCU) si and personality, a great United Nations-affiliated e x p o s u re f o r m e a n d youth and gender rights ho pef u lly w ill b e the activist Chloe Seraspe beginning of a long Reynaldo. lasting successful career Ang 16-year-old na in this field I’m ver y si Reynaldo ay advocate ng United Nations passionate about,” ani Population Fund (UNFPA) Asia-Pacific Regional Office and UNFPA Philippines. Sa isang panayam, ibinahagi niya ang kaniyang misyon:
“I want youth to look at me and say, ‘If she can do that, then I can, too!’ I want adults to look at me and say, ‘If she can do that, then my child can, too!” D a g d a g n iya : “ Yo u t h n e e d t o b e motivated – adults need to support and cultivate the next generation. I want that perspective to be present whenever we’re discussing the voice of the youth.” Si Reynaldo ay pinarangalan matapos ang kaniyang dayalogo sa mga estudyante ng TCU.
Tugonon. Ninanais na ipagdiwang ng naturang proyekto ang “the uncensored beauty of t h e n a ke d body.”
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
BALITANG LOCAL
Impormasyon ng Pilipino
5
NAIA Expressway, magagamit na ng Publiko
SA WAKAS AY BUKAS NA SA PUBLIKO ANG NAIA EXPRESSWAY na magli-link sa NAIA Terminal 1 at 2 sa Parañaque papuntang Macapagal Boulevard at PAGCOR Entertainment City sa Pasay. “This project would effectively improve traffic flow in the area and will cut travel time by at least 60%,” ani Public Works Secretary Mark Villar. Matatandaang napanalunan ng San Miguel Corporation noong April 2013 ang ₱20.45-billion contract na nagbibigay sa kanila ng karapatang mag-construct at mag-operate ng expressway. “Finally, our countrymen will feel the benefit of having faster and more direct access to NAIA
Terminals 1, 2, and 3. It will also go a long way in easing traffic congestion in surrounding cities, and support growth in southern Metro Manila,” ani San Miguel Corp President Ramon Ang. Inaasahang matatapos ang pangalawang segment ng expressway bago matapos ang taong 2016. Ang proyekto ay naglalayong pababain ang travel time ng humigit-kumulang 80,000 commuters araw-araw.
Pilipinas, magkakaroon na ng bullet train
Magkakaroon na ng pagkakataong Pipirmahan umano ito ng pangulo sa China. makasakay ang mga Pilipino sa isang bullet Byaheng Subic papuntang Clark umano ang train kahit sila ay wala sa Japan. nasabing bullet train. Ito ang sinabi kamakailan ni Subic Bay Ayon sa ulat ng bomboradyo.com, parte Metropolitan Authority (SBMA) Chairman umano ang nasabing proyekto ng Public Private Martin Diño sa isang pagdinig ng House Partnership mula sa isang Chinese company. committee on Transportation.
Butuan City, bubuo ng inter-city at multi agreeement sa Japan
SA BISA NG ISANG RESOLUSYON na pasado sa Sangguniang Panlungsod ng Butuan, bubuo si Mayor Ronnivic Lagnada ng inter-city at multilateral na kasunduan sa bansang Japan. Bukod sa promosyon sa Butuan City, layunin din ng nasabing resolusyon na makahikayat n g m ga i nve s to r s m u l a s a J a p a n u p a n g mamuhunan sa nasabing lungsod – bagay na magbibigay naman ng mas maraming trabaho sa mga mamamayan ng lungsod.
Commision ng BRP Tubattaha, pinangunahan ni Pangulong Duterte
SI PANGULONG RODRIGO DUTERTE mismo ang nanguna sa commissioning ng BRP Tubattaha kamakailan bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-11 anibersaryo ng Philippine Coast Guard. Ang nasabing barko ay pagmamay-ari na ngayon ng PSG. Ito ang una sa ikalawang barkong ipinangako ng Japan nitong Agosto 17 sa Pilipinas. Ito’y magandang simbolo umano sa tumitibay na relasyon ng Pilipinas at Japan. I k a n i C o a s t G u a r d C o m m a n d a n t Re a r Admiral William Melad, malaking bagay u m a n o a n g p a g d a t i n g n g n a s a b i n g b a r ko upang mapangalagaan pang lalo ang karagatan. Bubuo rin umano ang nasabing lungsod Magagamit umano ito sa pagsawata sa illegal ng isang masterplan na magiging daan sa fishing, ilegal na droga, marine environment pagkakaroon ng smart community at eco- protection at marami pang iba. Nakatakdang bibisita ang pangulo sa Japan sa friendly local coordination sa siyudad. hulihang bahagi ng Oktubre.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
6
EDITORIAL
Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi
Inspiring Global Filipinos in Japan
D&K Company Ltd Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Art Editor and Layout Artist: Jagger Aziz jaggeraziz@gmail.com 0906-511-8111 090-6025-6962 Sales and Marketing: Go On Kyo (Japanese) dk0061@yahoo.co.jp 090-2024-5549 Promotion and Circulation: Enna Suzaku Philippine Correspondent: Dave Calpito davecalpito529@gmail.com Columnists: Aries Lucea (arieslucia@daloykayumanggi.com) Avic Tatlonghari (avictatlonghari@yahoo.com) Melbert Tizon (mbtizon@gmail.com) Hoshi Laurence Gonzales (Hitokirihoshi@gmail.com) Irene tria (irene@heartshaper.asia) Philippine Staff: Rhemy Umotoy (0032-6308) Jeanne Sanchez Ynah Campo Publisher: Editor:
The views and opinions expressed in Daloy Kayumanggi are not necessarily those of the management, editors and publisher. Information, including advertisements, published in Daloy Kayumanggi has not been verified by the publisher. Any claims, statements or assertions made are strictly the responsibility of the individual company or advertisers. Daloy Kayumanggi is published monthly by D&K Corporation with postal address at 101-0027 Tokyo-to Chiyuda-ku Hirakawa-chou Ichiban-chi Dai3 Azma Building Room 611
Telephone: 03-5835-0618 Fax: 03-5825-0187 Email: daluyan@daloykayumanggi.com www.dk6868.net www.facebook.com/daloykayumanggi
editor`s note DAVE LOREEN CALPITO
Pagkakahuli ng mga Artistang sangkot sa Ilegal Droga - senyales ng pagkakaroon ng kamay na bakal
S
adyang nakagugulat ang mga pangyayari kamakailan – hindi na lamang mga ordinaryong mga indibidwal ang mga nahuhuli ng gobyerno sa pinaigting nitong kampanya kontra sa illegal na droga, kundi pati na rin mga sikat na
personalidad. Marahil ay nabasa mo na sa Internet ang pagkakahuli ng sikat na aktor na si Mark Anthony Fernandez at dalawang dating starlets na sina Krista Miller at Sabrina M – lahat ay isinasangkot sa pagdadala o ‘di kaya ay pagtutulak ng illegal na droga. Isa lang ang implikasyon nito: na walang sinisino ang kasalukuhang administrasyon pagdating sa laban nito kontra sa nasabing salot ng lipunan. Kung ganoon nga ang “mindset” ng kasalukuyang administrasyon ay isang maganda itong senyales na may “pagbabago” ngang paparating. At kung totoong “change is set to arrive,” isang magandang kinabukasan ang inaasahan para sa maraming mga Pilipino – isang
lipunang mababa ang rate ng mga krimen at mga mamamayang buo ang kanilang pamilya. Totoong marami pa ring ‘di sumasang-ayon sa kasalukuyang aksyon ng gobyerno, dahil sa mga kabi-kabilang kontrobersiya, ngunit kung iisipin ay malaking tulong ang pagkakaroon ng kamay na bakal ng pamahalaan para masawata ang mga indibidwal na nakikinabang sa ilegal na droga at para magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang mga Pilipino. Nawa ay mabawasan din ang mga tiwaling mga tao sa gobyerno na sa halip na tumutulong para mapaigting ang kampanya ang dinudungisan pa ang mga uniporme ng kanilang mga kabaro dahil sa mga hindi makatarungang aksyon.
Kapag nagkataon, ang Pilipinas ay magiging isang bansang mapayapa at ang bansa ay magiging kaaya-ayang tirhan ng mga susunod na henerasyon.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
7
ka-daloy of the month DAVE LOREEN CALPITO | DAVECALPITO529@GMAIL.COM
Kilalanin si Janelle Frayna, Ang Unang Filipino Female Chess Grand Master
N
a g - uw i n g ka ra n ga l a n p a ra sa bansa kamakailan ang Far Eastern University (FEU) student na si Janelle Mae Frayna nang tanghalin siya bilang kaunaunahang babae at Pilipinong chess Grand Master (GM). Nakuha ni Frayna ang karangalan matapos ang kaniyang mahusay na performance sa 42nd World Chess Olympiad na ginanap sa Baku Azerbaijan noong Setyembre. Pinataob niya ang iba pang mga GMs ng iba’t ibang bansa. Sa pagtatapos ng chess Olympiad, nakuha ng 20 anyos na si Janelle Mae ang rating na 2281, na naglalaman ng 4 na panalo, 4 na draws at 1 talo sa 9 na laro, ayon sa ulat ng goodnewspilipinas. com Tubong Albay Si Frayna ay mula sa ALbay. Kaya naman, l u b o s a n g p a g h a n g a s a k a nya n i A l b a y
Congressman Joey Salceda dahil sa kanyang karangalang natamo. “Her pioneering and historic achievement in the field of chess is a source of pride and inspiration to all Filipinos and a testament to the world of our indomitable spirit of competitiveness and excellence,” ani Salceda. Nagsumite na rin ng resolusyon ang kamara na nagbibigay parangal kay Frayna bilang kauna-unahang babaeng GM ng bansa. Nawa ay mas marami pang kagaya ni Frayna na nagtatampok sa husay ng mga Pilipino sa buong mundo.
Walang duda: si Janelle Frayna ang ating Ka-Daloy of the Month.
フィリピンの⼈材を必要としませんか?
広告で つ媒体に掲載
1* Print (印刷):
2* ウェブサイト:
3* フェイスブック:
3,555+ 配布先
4,680+ 毎⽉のページビュ
2900+ Facebook ファン
お問い合わせ:ダロイかユマンッギ新聞 D&K(株) 03-5825-0188 / 090-6025-6962 (アーウィン)
Daloy Kayumanggi Newspaper Advertisement Rate
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
8
TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Action Launcher 3 - App na makapagpaganda ng look ng iyong Andriod phone KUNG NAGHAHANAP KA NG ANDROID mo ang design na nais mo sa iyong Android APP na makapagpapaganda ng look ng iyong p h o n e d a h i l m a ra m i k a n g m a a a r i n g Android phone, puwede mong gamitin ang pagpiliang designs. Action Launcher 3. Kabilang sa mga features • Maraming mga nakatutuwang themes at nito ay ang mga sumusunod: styles na maaari mong pagsama-samahin. • Ito ay makakatulong upang ma-customize • Madali ring gamitin ang app na ito dahil ang look ng iyong phone. malinaw ang interface nito, kaya naman • Madalas, pinagsasama-sama ng app na kahit beginner ka lang sa paggamit ng ito ang mga bagong icons, bagong drawer Android app hindi ka mahihirapan. layout, bagong homescreen at bagong • Libre lang ang pagda-download ng Action wallpaper para masunod mo ang nais mong Launcher 3 app. style o theme. Nakasisiguro kang mailalagay
VLC for Andriod - Andriod app para sa mga Video Lovers
T O T O O N G M A G A G AWA N G i-play ng default video player ng iyong Android phone ang mga paborito mong videos, ngunit kung gusto mong pagandahin ang kalidad ng mga videos, mangangailangan ka ng isang video app tulad ng VLC for Android. Kung ‘di ka pa rin kumbinsido kung bakit kailangan mong piliin ang video app na ito, narito ang mga dahilan: • Hindi lahat ng video formats ay supported ng iyong default video player, kaya naman kung gusto mong mai-play ang lahat ng uri ng video formats, kailangan mong gumamit ng
VLC for Android. • Sa pamamagitan ng VLC for Android, maadjust mo na rin ang video settings ng iyong pinapanuod na video upang mas mapaganda ang registry nito sa screen. • M a y r o o n d i n g h a r d w a r e acceleration ang app na ito upang mas maging maganda ang iyong panunuod ng videos. • Napakadaling gamiting ng VLC for Android kaya naman h i n d i k a m a h i h i ra p a n s a pagpapaganda ng iyong videos.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
TIPS
Impormasyon ng Pilipino
9
MORECAST- Ang Weather App na maaasanhan
KUNG NAGHAHANAP KA NG WEATHER APP, puwedeng-puwede mong idagdag sa iyong listahan ang MORECAST. Ito ay isa sa mga paboritong Android app ng karamihan ngayon. Bakit nga naman hindi? Ito ay nagtataglay ng napakagandang interface at malinaw na layout. Masasabi ring sensible ang pagkakagawa nito dahil madali itong gamitin. Kahit sino ay puwedeng gumamit nito dahil napakasimple lang ang design nito. Kung naghahanap ka rin ng Android app na advanced, MORECAST ang sagot sa iyong paghahanap. Marami sa mga features nito ay wala sa ibang weather app. Kabilang sa mga advanced features nito ay ang side-by-side weather comparisons para sa dalawang cities at accurate weather information para sa iyong pupuntahan. Marami ring magagandang reviews na natatanggap ang MORECAST. Bukod sa ito ay magagamit nang libre, ang mga features nito ay namumukod-tangi kumpara sa ibang weather apps.
Google Play Music - Ang Clue Period Tracker: App para sa andriod app para sa mga kababaihan gustong manganak. mga music lovers MADALAS BANG PAIBA-IBA ang dating • Nagbibigay rin ang app ng babala kung
KUNG IKAW AY MAHILIG MAG-DOWNLOAD NG MGA KANTA sa iyong Android phone, hindi maaaring ‘di mo pa nagagamit ang Google Play Music. Ito ay ang pinakatanyag na Android app sa pagdadownload ng music sa iyong phone. Totoong marami pang ibang apps na maaaring gamitin upang makapagdownload ng music, ngunit marami sa mga ito ay hindi legit. Ang Google Play Music ay naglalaman din ng maraming kanta mula sa iba’t ibang genre at music artists, kaya naman siguradong makikita mo rito ang karamihan sa iyong mga paboritong mga kanta. Madali ring gamitin ang app na ito – sa pamamagitan lang ng ilang clicks, mada-download mo na ang mga paborito mong kanta. Hindi papahuli ang Google Play Music sa Spotify at SoundCloud, kaya naman kung gusto mo ng libreng Android music app, isa ang Google Play Music sa mga pinakamagagandang apps na pwede sa iyo.
ng iyong regla? Ang Clue Period Tracker ay isa sa pinakamagagandang app para sa mga kababaihan ngayon. Ang app na ito ay nag-a-adjust sa iyong personalidad upang maibigay ang pinaka eksaktong panahon ng iyong regla. Narito ang maari mong asahan sa Clue Period Tracker App: • Habang tumatagal ang paggamit, lalong nagiging eksakto ang Clue Period Tracker. K a h i t n a p a i b a - i b a a n g iyo n g re g l a , nagagawa nitong sabihan ka kung oras na ng iyong regla. • Maliban sa regla, sinasabi rin ng period tracker na ito kung ikaw ay nasa pinaka‘fertile’ mong oras, para doon sa mga
parating na ang iyong PMS period • Maari mo ring irecord ang iyong mga n a ra ra m d a m a n t uw i n g re g l a o b a g o ito. Maaari mong i-record kung kailan ka nakipagtalik, kung may sakit kang nararamdaman sa panahon ng regla at kung anu-ano pa.
BabyCare and Tracker App para Water Drink sa mga Ina PARA SA MGA DEDIKADONG INA, ang Baby Care and Tracker ay tumutulong sa iyong siguruhin na ang iyong anak ay lumalaki ayon sa ekspektasyon ng mga doktor. Ang app na ito ay maaaring gamitin upang: • I-track ang growth ng iyong anak • Ilista kung kelan at gaano katagal ang iyong pagpapasuso at kung gaano kadalas mo ito ginagawa sa isang araw. • Ilista ang haba ng tulog ng sanggol • I-remind kung kailan ang huling diaper change ni baby at kung kailan mo dapat itong palitan • Mayroon ding options sa app tungkol sa mga milestones ng sanggol kagaya ng unang paggapang, pag-angat ng ulo, at paglalaro • Maaari mo ring gamitin ang app na ito upang i-record kung kailan ang huli at susunod na vaccination ng sanggol Napakalaking tulong ang maaring ibigay ng app na ito, lalo na sa mga bagong ina.
App para sa iyong kalusugan
ISA PANG NAPAKAGANDANG APP para sa iyong kalusugan ay ang Water Drink Reminder. Alam ng lahat na walong baso ng tubig ang dapat inumin araw araw. Yun nga lang, hindi lahat ng tao ay sumusunod ditto, kung kaya’t nagiging dehydrated sila. Naririto ang mga capabilities ng app: • Ang Water Drink Reminder ay ginawa upang masiguro mo ang tamang pag-inom ng tubig. • Ginagamit ng app na ito ang iyong timbang, edad, at gawain sa araw araw upang kalkulahin ang tamang dami ng tubig na iinumin mo araw araw. • Sa tuwing iinom ka, ire-record mo lamang sa app kung ilang ‘mL’ and iyong ininom. • Ang ‘edit function’ ay hinahayaan kang baguhin ang default mL settings, depende sa kung ilang mL meron sa bawat basong iniinom mo. Maaari mo ring i-program ang app na ito para magbigay ng reminders na oras na para uminom. Ang tamang dami ng konsumo ng tubig ay nakakatulong para sa pagbabawas ng timbang at tamang pagtunaw ng pagkain.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
10
TIPS
Impormasyon ng Pilipino
Dashlane - Ang password Indeed App - Andriod app manager app na para sa`yo para sa mga naghahanap ng trabaho
KUNG IKAW AY ISA SA MGA TAONG MALIMIT MAKALIMUTAN ANG PASSWORD, may Android app na makakatulong sa iyo. Ito ang Dashlane. Kabilang sa mga features na maaasahan sa app na ito ay ang mga sumusunod: • Sa pamamagitan ng Dashlane, puwede mo nang i-copy-paste ang iyong password sa mga online forms. Hindi mo na kailangang mangamba na makakalimutan mo ang iyong password at hindi ka makakapag-login sa iyong account. • Hindi lahat ng password manager apps ay may matibay na security service. Ngunit ibahin mo ang Dashlane dahil gumagamit sila ng encrypted codes at madalas nilang imonitor ang kanilang system upang makasiguro na secure ang iyong personal information. • Hindi lang password ang puwede mong i-secure sa pamamagitan ng Dashlane, puwede mo na ring i-secure ang credit card information mo ‘pag dinownload mo ang Android app na ito. Dashlane rin ang pinili ng nakararami kaya naman ‘wag ka nang magpahuli, subukan mo na ang app na ito.
NAGHAHANAP KA BA NG TRABAHO, ngunit wala kang sapat na oras upang tumingin sa mga classified ads ng dyaryo at iba’t ibang job posting sites? Kung gayon, ang kailangan mo ay ang Android app na Indeed. Sa pamamagitan ng app na ito, mapadadali mo na ang proseso ng paghahanap ng trabaho. • Ang Indeed app ay makatutulong upang makita mo nang mas madali ang hinahanap mong trabaho. May streamline features ang app na ito upang ma-narrow-down ang iba’t ibang uri ng trabaho ayon sa iyong salary expectations, geographical regions at type of employment. • Sa pamamagitan rin ng Indeed app, puwede kang magsearch ng trabaho kahit nasaan ka man. • May tracking feature din ang Indeed upang makita mo ang mga results na ‘di mo pa nakikita. • Kapag ginamit mo ang Indeed, maaari mo ring i-upload ang iyong resume upang mas mapadali ang iyong pag-a-apply ng trabaho. Marami na ang gumagamit ng Indeed app dahil sa magagandang features nito, kaya kung gusto mong mas mapadali ang iyong job hunting, magdownload ng Indeed app.
Solid Explorer - Ang file manager app na maaasahan KUNG FILE MANAGER APP NAMAN ANG IYONG HANAP, mag-download ka na ng Solid Explorer sa iyong Android phone. Marami na ang gumagamit ng app na ito dahil sa magaganda nitong features katulad ng mga sumusunod: • Highly accessible ang Solid Explorer dahil na rin sa Material Design UI nito. • Mayroon din itong double-panel display na napaka-handy. Maaari kang mag-navigate sa dalawang magkahiwalay na folders at magdrag ng mga files. • A n g i s a p a n g m a g a n d a n g f e a t u r e n g Solid Explorer ay ang integration nito sa iba pang cloud services tulad ng Google Drive, Dropbox, OneDrive at FTP servers. • May iba pa itong mga promising features, kagaya ng hidden folders, ZIP and RAR archive extraction, customization through icons, color schemes at themes. Magagamit na libre ang app na ito sa loob ng dalawang linggo, pagkatapos nito ay kailangan mo nang magbayad ng $2 na hindi na rin mabigat sa bulsa dahil sa convenience na maibibigay nito.
A skin brightening supplement infused with *RICH IN CYSTEINE *NIACIN VITAMIN B3 • It improves cholesterol levels and lowers cardiovascular risk *VITAMIN B2 • Also called Riboflavin, which maintains healthy blood cells and boost its energy levels, protecting the skin, and eye health *VITAMIN C *PEARL BARLEY EXTRACT • Studies have suggested that increasing consumption of barley decreases the risk of obesity, diabetes, heart disease, and overall mortality. • They are also considered to promote a healthy complexion and hair, increased energy, and overall lower weight. *GLISODIN SKIN NUTRIENTS • Promote the production of the body’s own, natural antioxidants • Help maintain cellular health and protect against damage caused by oxidative
stress • Support skin health against photo-oxidative stress • Support healthy immune function • Help reduce lactic acid buildup in humans under physical stress WHAT MAKES IT BETTER? Bijin White Supplement goes beyond its skin whitening Benefits: • It gives the users it`s maximum benefits from the nutrients when used with Bijin White Suppliment and Bijin White Skin Cream 100% MADE IN JAPAN Every step entailed in developing Bijin White Suppliment and Bijin Skin Cream is done in Japan clinical research, ingredient sourcing, product development, manufacturing, and packaging utilizing their advanced technology and keen eye for its perfection.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
11
SARAP MAGLUTO!
when foo and blog collide IRENE TRIA | IRENE@HEARTSHAPER.ASIA
More blogs: irene tria -foodfindsasia
Looking for a new food refuge, and a perfect place to hang out after work or during weekends; a place that does not limit their food serving to pulutans only but a restaurant where you can eat real good food. BLACK COD SKEWER
Grilled Liver Bistek Liver might not be the most appetizing ingredient, but there are ways to make this meat pleasurable. Grilled Liver Bistek is a dish composed of grilled pork liver cooked bistek tagalog style. Let me tell you what I did to make the liver taste better. I started out by grilling the liver for about 3 to 4 minutes per side. I want to have a bit of smoky flavor to my dish and this also makes the liver less gooey. It was then sautéed in garlic and onion. This will help remove the gamey taste of the liver. The soy sauce and lemon (or calamansi), on the other hand, helps enhance the taste of the dish. Preparation time: 10mins Cooking time: 40mins Total time: 50mins Serving: 3 persons
LIBERTY ASIAN REFUGE + BAR IN EASTWOOD CITY Takes liberty of making their style of food while focusing on Asian Fusion. It is not just a bar but also a restaurant that can accommodate both diners and drinkers; both barkada bonding and family gathering; a haven for people who do not just want to drink but to dine as well. The ground floor serves as their “drinking area” where guests can choose from their wide array of liquors. From Japanese Single Malt, to Alcohol Whiskeys, to beer buckets and cocktails, Liberty Asian Refuge + Bar is the only restobar in Eastwood that offers these varieties.
CHICKEN WINGS SKEWER
CORN SKEWER MEATBALL SKEWER
While the second floor serves as the dining area. The open kitchen is very inviting to families and groups who want to try eating Asian Fusion with a twist of British and American that you can only find at Liberty Asian Refuge + Bar. With a combination of an old school colonized food and their own style of menu, Liberty Asian Refuge + Bar is a sure hit to both Foreign and Filipino guests. Here are their best sellers:
THE BAOS - thinned buns presented differently with fillings like: chicken, crab, pork burger. SKEWERS - LIBERTY’S PULUTAN VERSION BEEF SKEWER
SMOKED BEEF BRISKET
And for the finale, you shouldn’t miss the Yuzu Cheesecake, Yuzu is a citrus fruit and plant originating in East Asia. It is believed to be a hybrid of sour mandarin and Ichang papeda. The fruit looks somewhat like a grapefruit (though usually much smaller) with an uneven skin, and can be either yellow or green depending on the degree of ripeness.
Liberty Asian Refuge + Bar’s interior can attest that this place is a stress-reliever haven. It’s our food and cocktails that speaks to them. We do not want to up sell but let them experience what we offer -Chef Lady Lyn Merhi of Liberty. For more food and restaurant reviews, visit my blog on www.foodfindsasia.com
INGREDIENTS • 1 lb. Pig’s liver • 1 medium yellow onion, sliced into rings • 3 cloves garlic, crushed and minced • ½ lemon • 3 tablespoons soy sauce • ¼ teaspoon salt • ⅛ teaspoon ground black pepper • ½ teaspoon sugar • 1 cup water • 3 tablespoons cooking oil INSTRUCTIONS • Grill the liver for 4 minutes per side. Remove from the grill and then slice into strips. • Heat oil in a pan. • Sauté the garlic and onion • Once the onion gets soft, add the grilled liver slices. Stir and cook for 2 minutes. • Add salt, pepper, soy sauce, and water. Stir and let boil. • Add sugar. Set heat to medium and continue to cook until the sauce reduces to half. • Transfer to a serving bowl. Serve with warm rice. • Share and Enjoy!
NOVEMBER 2016
12
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
NOVEMBER 2016
ANUNSYO
13
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
14
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
tampok HOSHI LAURENCE GONZALES | HITOKIRIHOSHI@GMAIL.COM
More blogs: www.hoshilandia.com
Visita Libingan: Ang Makukulay na Huling Hantungan
H
indi kumo’t patay na ay wala ng pagpapahalaga ang mga Pilipino sa kanilang mga pumanaw na kaanak. Lalo na tuwing una at ikalawang araw ng Nobyembe ay dinudumog ng tao ang iba’t ibang sementeryo, patunay na hindi sila nakakalimot. Narito ang ilang pamoso at naiibang libingan na aking napuntahan:
Luneta o Rizal Park
Ito ang libingan na markadong sa kasaysayan at naging famous landmark sa ‘Pinas. Ito ang huling hantungan ng Pambansang Bayani na siDr. Jose Rizal. Hanggang ngayon ay parati pa ring may dalawang guardia na nagbabantay dito. Ang naiiba at mainit na pinag-uusapan dito ay ang sinasabing “pambansang photo-bomber” building na makikita sa likuran ng bantayog ni Rizal.
Gustuhin man kasi ng mga Tsino at Filipino-Chinese na magkaroon ng disenteng libing ay pati patay nila noon ay may diskriminiyasyon sa mga Kastila at Hapon. May hidwain pampulitika rin noon pang World War II ang China at Japan. Dito rin ini-execute ang mga Pinoy na kontra sa Japanese Occupation kabilang na si Educator at Girl Scouts Founder Josefa Llanes Escoda. Ang isa sa nagtatag ng Manila Chinese Cemetery ay si businessman at Education activist Tan Quien Sien o mas kilalang bilang Don Carlos Palanca. Dito rin s’ya nilibing at noong unang si Gat. Apolinario Mabini bago s’ya nilipat sa Batangas.
Bawal kunan ng litrato ang mga labi ni Pres. Marcos pero interesante pa rin itong bisitahin. Palaisipan din kasi kung totoo pa ba ito o wax sculpture na lamang. Pero kung ako ang tatanungin, mukha naman totoo, at respeto na lang din sa mga Marcos. Katunayan ay air-conditioned ang lugar, may mga bulaklak, at may ambiance music pa. Isa pa’y iba ‘yong pakiramdam na makita ang labi ng isa sa makulay na personalidad sa kasaysayan ng Pilipinas.
Paco Cemetery, Paco Park
kumpara sa ibang sementeryo ay matagal ng walang nakalibing o nililibing sa Paco Cemetery. Kilala na ngayon itong Paco Park na kung saan naroon din ang munti pero eleganteng Paco Park Church o St. Pancratius Chapel. May kakaiba itong dating dahil ang pakiramdam sa loob ay naghahalong sagrado at nakakatakot. Nakapalibot kasi sa buon park ang mga lumaang nitso na nakadisenyong parang tulay. Parang miniature ng “Great Wall of China.” Panahon pa mga Espansyol nang likhain, mga 1822, ang mga ito para sa mga mayayamang namamatay mula sa Intramuros. Ang sabi ay karamihan dito ay mga biktima ng epidemya ng cholera noon. Taong 1912 naman nang itigil na ang paglalagak dito ng patay. Samantala, sa Paco Cemetery unang pinuwesto ang labi ni National hero Dr. Jose Rizal. Ayon sa impormasyon na nabasa sa marka ay iniba pa ang initial name ni Rizal para linlangin ang mga Espanyol. Dito rin nakalibing ang Tatlong Pareng Martir na sina Jose A. Burgos, Mariano C. Gomes, at Father Jacinto R. Zamora.
Manila Chinese Cemetery
Ang Manila Chinese Cemetery ay maaaring isa sa mahal na libingan sa Maynila. Subalit, ayon sa sa Tulay (Chinese Filipino Digest) na nakuha ko sa Bahay Tsinoy ( isang museum sa Intramuros) noong Spanish at Japanese invasion ay hindi kaaba-aba at karima-rimarim ang mga tagpo rito.
Quezon`s Tomb (Quezon Memorial Circle)
Dito na ang final destiny ng mga labi ni dating Pangulo Manuel L. Quezon. Pumanaw siya sa New York noong Agosto 1, 1944 at dun muna siya sa Arlington Cemetery una nilibing. Dalawang taon ang nakalipas bago naiuwi sa Pilipinas ang kanyang bangkay na dumaan muna sa North Cemetery (Manila). Hanggang sa kamatayan ay tila mahilig sa travel si Ex. Pres. Quezon.
Cemetery of Negativism (Camp John Hay, Baguio)
Kailangan bang seryoso ang libingan kung puwede namang satirical lamang? Ang sementeryo na ito, na kilala rin sa tawag na “The Lost Cemetery” or “Pet Cemetery,” ay matatagpuan sa Historical Core sa loob ng Camp John Hay, Baguio City. Nasa tapat ito ng makasaysayang Bell House. Nakakatuwa at talagang tatamaan ka sa epitaph ng mga nakalibing dito lalo na sa mga pamatay nilang hugot lines. Paunawa lang, wala talagang nailibing na tao o hayop rito, kundi mga negative vibes at ideas lang.
Marcos Museum and Mausoleum (Ilocos Norte)
Wala pang pinal na desisyon kung malilibing na ang mga labi ni Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Sa ngayon ay puwedeng –puwedeng mabisita ang kanyang himlayan sa Batac, Ilocos Norte na may ilang minuto lang byahe mula sa Paoay Church via Marcos Avenue.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Slice of Mango. Slice of Life ARIES LUCEA | ARIESLUCEA@DALOYKAYUMANGGI.COM
A Osaka Authentic dining places in
Japanese people love to eat and rave about their food. Throughout the country the people are proud of their food tradition, but more so in Kansai, specifically Osaka, which basked in its reputation as the nation’s food capital. Let’s talk about three major food destinations to sooth your craving for authenticity.
Shinsekai
place where it seems time stood still. Its’ rustic, old and feels mismatched in the modern city that surrounds it. Shinsekai, is your authentic Osaka flavor; laid back, a bit brash but still not too much to make you feel uncomfortable. It’s the birthplace of kushikatsu, deep fried meat and veggie skewers. Osaka people love their sauces. Kushikatsu is a dish where the sauce is what really makes it a winner. An etiquette tip when eating kushikatsu, never double dip. Speaking of sauces, when in the area, don’t miss trying out takaoyaki, another authentic Osaka dish, which you can enjoy eating while viewing the Tsutenkaku, one of the city’s most famous landmark. The neighborhood has a reputation of being seedy. My wife while enjoying our outdoor kushikatsu was stalked literally to her face from one of slightly unbalanced “ojisan” which laid their territorial claim in this part of the city. Well that incident ended up with a cop being called and whisked that guy away from my family and scared young children. In spite of that, which I am sure is an isolated case, we still find this place pleasant and a must go to food destination in Osaka. Now, where to go if you have you are craving for authentic foreign dishes. Being in a mixed relationship, our food knows no boundaries. It’s bread, rice, tortilla, pasta, pretty much no staple food. We cooked as much Korean and Italian food too as Japanese. So the next place on our list is one of our routine dining and market destination.
Korea Town This place in Tsuruhashi, along the JR Loop Line, is known for its massive Korean population. But aside from fan girls of K-pop who frequented the area for their dose of “ikemen” memorabilia of their favorite stars, this place do not register yet under the tourist radar. But then, it will be huge missed opportunity not to come to this place. The market alone is popular for Filipinos residents, as this is the place where they never run out of pata (pork legs) for our crispy pata, ox tail for kare kare, “buntot ng baboy”, laman loob and hard to find pig parts for our sisig. After you finish your shopping for your priced meat parts, then it’s time to devote your time enjoying Korean food delights. Apart from the market where there are stalls to eat cheap Korean food, the surrounding areas also have lots of fine dining restaurants and if you walk another 5 minutes away from the market, you will find another Korean alleyway that has food kiosks, restaurants, K-pop stores and shops selling loads of in-demand Korean beauty products. Korean food, through the efforts of its government has made it one of the world’s most recognizable food. If it hasn’t made through your dining table yet, then this might be a good place to start.
China Town Now let’s venture a little outside Osaka. Chinese food has been a major part of the Japanese dining table. Sometimes, indistinguishable part of it, thus need to satisfy craving for authenticity. The Chinatown near Motomachi, are packed with shops, restaurants and food stalls, selling “siopao”, ramen, tapioca and many other Chinese treats which in a way has been Japanized to a minimum degree. The beautiful area surrounding Chinatown is one of Kobe’s main fashion and shopping district. Experiencing Chinese culinary treats and the delights of Kobe in a single trip is always worthy of the visit.
15
NOVEMBER 2016
16
ANUNSYO
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
17
littlegreatjoys AVIC TATLONG HARI | AVICTATLONGHARI@YAHOO.COM WWW.LITTLEGREATJOYS.COM
F
JOY in Finding one`s Prince
or my 40th birthday, I wanted a view of still waters and a beautiful mountain. And so when a friend mentioned about her beautiful stay at Ashinoko Prince Hotel in Hakone, that is famous for its view of Mt. Fuji against the peaceful 3000 year old Ashinoko crater-lake, I immediately booked one night at one of its premium rooms. So we planned on having tea at the balcony, a picnic near the lake and a run around this circular hotel. But it rained so hard we did not see Mt. Fuji at all. And worse, Adana had moderate to high fever all day, all night that I ended up staying in the room without a view, hearing only the rush of wind and smashing rain disguised by a massive cloud of fog. Pido gently reminded me that while things did not turn out as planned, my heart should be in a position of gratitude. After all, there could be beautiful surprises in the rain. And so I spent time reading, praying and reflecting. Everything around me reminded me of how my life has been and should be.
The beautiful hotel, reminded me that one can age gracefully. It felt like entering a facility that was once grand years ago but has chosen to embrace its oldness. I loved the hall with a red carpet and golden ceiling that led to the rooms. I loved the winding stairs that were understated elegance; the walls of various materials ; the wooden furniture that added so much character to the place. I loved the French restaurant with high ceiling and a 180-view of the lake. The walkway towards the lake with towering trees stood tall and charming despite the intermittent fog that fell like a soft blanket. The onsen that was almost empty when I had the chance to take a dip was exactly what I needed. The view of boats and the sound of birds and splash of water all made me feel really grateful for all the 40 years.
Birthdays are God`s miracles
That while so many things did not turn out as planned in my life, specially the past decade, I was reminded that there was so much to be thankful for. My past decade has been filled with heartbreak, all cannot be seen in my Instagram and FB posts. I felt the most rejected and deeply hurt for things that only God and closest friends will ever know. I felt the most afraid for my life during the big earthquake that hit Japan while on my 9th month carrying Adana; the most helpless when my mom had a heart attack on the eve of Adana’s birthday. I cried so much more this past decade than I have in my life the rest of the years. Yet, my heart remains grateful. I have experienced the comforting, fatherly and unconditional, faithful love of God in all those times. That while the past decade has not been the best, I also experienced the best of God’s surprises and provision, all of which I did not feel I deserved. So on my birthday morning, although sleepless, I dressed up and spent so much time in worship. Whether things turn out
well or not in my life, my God remains good. That is my place. Right at the feet of my Lord; in the loving arms of my Father; in the sweetest embrace of my Prince.
This love changes me like no other.
Thank you my Prince for September 29th, 2:45 pm and for my Mama who fought hard to give birth to this now 40 year old. These and the blessings thereafter.
For more stories please visit my website
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
18
KOLUMN
Impormasyon ng Pilipino
Larong Kalye MELBERT TIZON | MBTIZON@GMAIL.COM
Siguradong Kampeon? Ang mga challengers ng Dubs sa Season na ito Minnesota Timberwolves
S
a pagpasok ni KD sa Dubs, marami ang nagsasabi na wala nang makakatalo sa Golden State sa taong ito. Paano mo nga naman babantayan sina Klay, KD at Curry ng sabay-sabay sa buong laro. Sa preseason pa lang, hilong hilo na ang mga kalaban nila na bantayan sila ng sabay sabay. Isama mo pa sina Andre Iguodala at Draymond Green na kayang umatake kung pababayaan mo sila sa depensa. Wala na nga kayang makakatalo sa Golden State? O baka naman may mga koponan pa rin na makakachallenge sa championship run ng koponan sa Bay Area. Narito ang ilan sa mga may pag-asang masilat ang Golden State ngayong taon (bukod sa Cleveland at San Antonio).
Narito ang potential Golden State upset:
Liksi sa perimeter defense, rebounding at maliliksing bigmen. Ang tatlong team na nabanggit ay mayroon nito. Iyon nga lang, kinakailangan nilang bugbugin sa ilalim ang Golden State dahil wala silang shooting sa labas. Muntik na itong magawa ng OKC last season.
May makasilat kaya sa Golden State ngayong taon?
Kung may kahinaan ang Golden State, ito marahil ay mga maliliksing bigman na kaya silang bantayan sa labas. Dito papasok si Karl Anthony Towns. Siguradong papahirapan niya ang mga malalaki ng Dubs, lalo na si Draymond. Sa depensa naman, kaya niyang bantayan sina Curry, Klay o KD sa mga switches. Isama mo pa sina Zach Lavine, Ricky Rubio, Kris Dunn at Andrew Wiggins. May apat na magagaling at maliliksing perimeter players na kayang bantayan ang mga shooters ng Dubs. Pahihirapan rin nila sa transition ang Golden State lalo na’t turnover sila. Hindi na ako makapaghintay na makita ang Wolves na maging isang elite defensive team sa ilalim ni Coach Thibs.
Utah Jazz
Marami ring maliliksi at mahahabang manlalaro sa perimeter ang Jazz: Burks, Exum, Hayward, Hill at Hood. Lahat ng mga ito ay kayang magswitch sa depensa at pabagalin ang off ball movement ng Dubs. Hirap man na shooting, pahihirapan nila si Curry sa laki ng mga point guard nila. Ngunit ang X-factor talaga ng Utah ay ang kanilang trio sa ilalim na sina Favors, Gobert at Lyles. Pahihirapan nila sa rebounding ang Golden State. Sina Lyles at Gobert naman ay kayang bantayan sina Curry, Klay at KD sa loob ng ilang segundo kung magkaroon ng switch. OKC Thunder
Sana makatapat nila sa playoffs and Dubs. Nitong nakaraang taon, nakita nating hirap si Curry at Klay na depensahan si Russell Westbrook. Isama mo pa si Oladipo at mukhang walang matataguan sa depensa si Curry. Isama mo sa rotation sina Roberson at Adams at magiging isang elite defensive team ang OKC. Iyon nga lang, katulad ng naunang dalawan team, walang shooting ang Thunder. Malamang ay ilagay nila si Kanter at subukang dikdikin ang Dubs sa ilalim.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
SPORTS
Impormasyon ng Pilipino
19
Ginebra, itinanghal na kampeon sa PBA Governor`s Cup MATAPOS ANG WALONG TAON mula nang huling magkamit ng kampeonato, natikman din sa wakas ng Barangay Ginebra San Miguel ang pagiging kampeon sa nakaraang PBA Governors’ Cup. Sa iskor na 91-88, matagumpay na pinataob ng Ginebra ang Meralco Bolts. Si Justin Brownlee ang nagbigay ng susi para sa Ginebra na makuha ang kampeonato – ito ay sa pamamagitan ng kanyang buzzer beater shot. Matatandaang sa first half ng laro,
naungusan pa ng Bolts ang Gins. Katunayan ay umabot pa nga ng 15 puntos ang kanilang kalamangan. Ngunit, nagawang payukurin ng Ginebra ang Meralco Bolts kinalaunan. Samantala, itinanghal namang finals Most Valuable Player si LA Tenorio. Naging trending sa social media, partikular sa mga fans ng Ginebra, ang nasabing pagkakapanalo ng nasabing kopunan.
Keifer Ravena, Olympic swimmer Ryan nakatanggap ng Lochte, nag-propsoe sa sapatos mula kay kanyang kasintahan IBINAHAGI KAMAKAILAN ng kontrobersiyal Lebron James na Olympic swimmer na si Ryan Lochte ang pag-aalok niya sa kanyang kasintahang Playboy model na si Kayla Rae Reid ng pagpapakasal. Ayon sa kanya, nagrenta pa umano ito ng helicopter para sa ibabaw ng isang bundok isagawa ang kanyang proposal. Dagdag pa niya, sulit daw ang $700 se nasabing helicopter. Matatandaang gumawa ng ingay si Lochte bunsod ng kanyang pagsisinungaling umano na siya ay nakaranas ng panghoholdap sa nakaraang Rio Olympics.
ISANG ESPESYAL NA REGALO ang natanggap ng Gilas Pilipinas star na si Kiefer Ravena mula mismo sa NBA superstar na si Lebron James. Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account , ibinahagi niya ang isang larawan habang binubuksan niya ang regalo ng NBA superstar sa kanya. Ang kahon ay naglalaman ng isang pares ng Nike Zoom Soldier 10 Camo shoes na may kalakip na mensahe mula mismo sa tinaguriang “The King” ng NBA.
“You’ve accomplished great things in basketball but I know, you know, it can even get better.” “You want to become the first Filipino player to make it to the NBA. Don’t let the dream go. Be the strong, determined, resilient person you’ve always been. Set the tone, be the benchmark, destroy the doubts that the world continues to throw at you and your country. Conquer the world. – LeBron James.”
Nagkakilala si Ravena at James nang bumisita ang NBA star sa Manila. Nakatanggap din si Ravena ng imbitasyon na mag-tryout sa Texas Legends sa NBA D-League. Kasalukuyang sumasailalim sa training sa Las Vegas si Ravena.
Isa pang face mask ni Philippine Dragon Boat Team, Kobe Bryant, isusubasta puspusan ang paghahanda sa NA K I L A L A A N G DAT I N G LO S A N G E L E S LAKERS star na si Kobe Bryant bilang “The Masked Mamba” dahil sa kanyang pagsusuot ng face mask. Ngayon ay nakatakdang isubasta ng basketaball superstar ang kaniyang face mask para itulong sa charity. Magisismula umano ang nasabing bidding sa halagang $15,000. Matatandaang gumamit si Bryant ng face mask matapos magkaroon ng injury ang kanyang ilong sa isang laban sa 2012 All-Star Game. Noong Setyembre, nabenta rin ang isang mask ni Bryant sa halagang $67,000. Inihandog niya ito sa Kobe and Vanessa Bryant Family Foundation.
2nd World Cup
BAGO ANG LABAN ng Philippine Dragon Boat team sa 2nd World Cup, puspusan ang paghahanda ng nasabing koponan. Mula Oktubre 10 hanggang 24 sa Wujin, China ang nasabing kumpetisyon. Mga koponan mula USA, Russia, at China ang ilan sa mga koponan na kasali sa 2nd World Cup. Ilan sa mga events na sasalihan ng grupo ay ang 100 meter, 200 meter, 500 meter, 1000 meter at ang 400 meter relay. Malaki ang paniniwala ng Philippine Dragon Boat team na mananalo sila sa torneo.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
20
TAWANAN AT ASTROLOHIYA
Impormasyon ng Pilipino
MAY JOKE KAMI SA INYO! FEELING GWAPO
‘Wag po natin sisihin ang mga salamin... Dahil ang mga mukha lang po natin ang talaga lang gumugulat sa atin. Tulad lang po ng nangayari sa akin kagabi.... gulat na gulat po ako sa nakita ko sa salamin… na ako pala yung guwapong yun.
MATH CLASS
Teacher: Find the value of “X.” Juan: Aysus! Ma’am hindi na dapat hinahanap ang value ng X, X na nga eh! Dapat ang ituturo mo po sa amin, kung paano mag-MOVE ON! Hindi kung anu-ano ang ipinapaalala mo po sa amin! Past is Past! No need to discuss.
facebook chatting
Mag-syota, nag-chat sa FB… GF: Bhe, ‘di na ako magtatagal, log-out na ako kasi nagalit si papa eh. Ingungudngud daw niya ang mukha ko sa keyboard kung ‘di pa ako aalis ngayon. BF: Ay! Gusto ko pang makipagchat sa’yo. GF: Di na pwedi bhe kasi imumuddjskigjdh dkj165jfjcklgsipgkfkfkdqhogkjfsplmnbvzxadh fwkofefo65hfksjot489cdif0csaqplkhfch
father and son
ANAK: Tay , hihingi sana ako ng 500. TATAY: Ano 400?! Ang laki naman ng 300 na hinihingi mo! Ano ang gagawin mo sa 200? Kala mo ba madali lang maghanap ng 100?! 50 nga hirap ko na kitain, 20 pa kaya? Pasalamat ka may 10 pesos pa ako. Oh heto limang piso. ANAK: Akin na! Baka maging piso pa yan!
STUDYING
BINATA: Ale, liligawan ko po ang anak niyo. ALE: Huwag muna. Nag-aaral pa s’ya. BINATA: Sige po, kapag uwian na lang nila.
fairytale
LOLA: Iho, ako ay isinumpa. Isa akong prinsesa. Kung ako ay iyong hahalikan ng 15 minuto, babalik
SCOPIO Okt.24 - Nob. 22
Mag-focus nang maigi sa trabaho o sa pag-aaral dahil hindi maganda ang performance mo para sa iyong guro o boss. ‘Wag munang lumabas gabi-gabi at sa halip ay magpirmi muna sa bahay. Lucky numbers ay 6, 20 at 10. SAGITTARIUS Nob. 23 - Dis. 21
Hindi pa napapanahong m a g b a g o n g t r a b a h o. Pasara na ang taon at hindi ito ang oras para umalis sa iyong kasalukuyang trabaho. Kung ano man ang iyong pinag kakak itaan, tandaan na magiging maaliwalas din ito bago pumasok ang taon na 2017. Lucky numbers ay 10, 24 at 14. CAPRICORN Dis. 22 - Ene. 20
‘Wag munang masyadong probl e m a h i n ang mg a bagay-bagay. Darating din ang oras at magkakaroon ka ng tamang impormasyon para sa matagal mo nang pinagninilay-nilayan. Sa ngayon, maghintay ka lamang sa mga susunod na pangyayari. Lucky numbers ay 15, 3 at 18.
ako sa maganda kong anyo at tuluyang mapuputol ang sumpa. (Makaraan ang 15 mins...) LALAKE: Yan, tapos na. Bakit di ka pa rin nagpapalit ng anyo?! LOLA: Ilang taon ka na iho? LALAKE: 30 na ho.
Nag-shopping si nanay
Dinalaw ng anak yung tatay niya sa kulungan… TATAY: Anak, bakit ikaw lang mag-isa ang dumadalaw sa’kin dito? Bakit hindi mo kasama ang nanay mo? ANAK: Tay, nagsha-shopping po si inay. TATAY: Aba, ang dami yatang pera ng nanay mo, san naman siya kumuha ng pera? ANAK: ‘Yung pabuya po sa pagkakahuli sa inyo.
Lolo and Lola Jokes
Lolo: Ano kaya kung ibalik natin ang nakaraan nung bago pa lang tayong mag-syota? Lola: Oh, sige… Lolo: Sige bukas dun tayo magkita sa dati nating tagpuan ha! Lola: Oo! hintayin mo nalang ako dun. (Naghintay si lolo sa may tabing ilog dala ang tatlong rosas at tsokolate. Maghapon si lolo naghintay ngunit walang dumating. Kaya umuwi na lang siya. Pagdating sa bahay nadatnan si lola nakahiga at tumatawa.) Lolo: bakit ‘di mo ‘ko sinipot? Lola: Di ako pinayagan ni mommy! The Teeth Jokes Lolo: Astig ngipin mo hijo, parang exam. Apo: Bakit lolo? Lolo: One seat apart. Apo: Kayo din po lolo, ngipin nyo astig, parang test. Lolo: Bakit, hijo? Apo: Fill in the blanks.
payabangan ng lolo jokes: Chicks
Jimmy: Pare, ang tindi ng lolo ko, ang lakas ng appeal, biruin mo kahit matanda na lolo ko ‘pag kumausap ng babae yun, nakukuha pa n’ya yung number ng babaeng kinausap niya! Joey: Pare sa’yo kinakausap pa? Mas matindi appeal ng lolo ko, kasi yung lolo ko kikindatan at ngingitian
AQUARIUS Ene. 21 - Peb. 19
May isang kaibigan na lalapit sa iyo upang humingi ng tulong. Huwag mong itaboy ang kaibigan na ito at sa halip ay tandaan ang mga taong pinagsamahan niyo. Siguradong pasasalamatan ka ng kaibigang ito sa ibibigay mong tulong. Lucky numbers ay 5, 11 at 3. PISCES Peb. 20 - Mar. 20
Kung hirap na hirap ka na sa trabaho mo ay umalis ka na. Mag-umpisa ka munang maghanap ng panibagong trabaho na pampalit upang hindi ka na napapagod emotionally sa mga pangyayari. Sa ngayon, mabuting huwag masyadong maging magastos. Lucky numbers ay 9, 24 at 13. ARIES Mar. 21 - Abr. 20
Huwag ka munang m a g l a l a k b ay n g ay o n g buwan dahil sa hindi maganda ang posisyon ng buwan para sa iyo, Aries. Kung maari pang maipagpaliban ang iyong biyahe ay maaari mo itong gawin. Ang susunod na buwan ay mas kaaya-aya sa paglalakbay. Lucky numbers ay 23, 12 at 21.
lang nakukuha na agad yung number ng babae! Aleng Maliit: Ang hihina ng mga lolo n’yo! Yung lolo ko, siya na nilalapitan ng mga babae, binibigay pa sa kanya yung mga number! Jimmy: Siguro napakalakas ng appeal ng lolo mo! Gwapings siguro, ano? Aleng Maliit: Hindi naman… Joey: Eh bakit nilalapitan siya at binibigyan siya ng number ng mga babae? Aleng Maliit: Eh nagloload lolo ko eh!
payabangan ng lolo sa Tipid
Bossing: Alam mo ba pare yung lolo ko nung nagaaral pa yun, sobrang tipid nya, kasi yung baon n’yang limang piso araw-araw natitipid pa n’ya, nakakapagtira pa s’ya ng dalawang piso! Joey: Ang tipid ng lolo mo pare pero wala ‘yan sa lolo ko. Kasi alam mo ba nung nag-aaral pa yun, nakakapagtira pa siya ng apat na piso galing sa limang piso n’yang baon! Aleng Maliit: Hay naku, ano ba yang mga lolo niyo, mga gastador, ang luluho naman! Alam n’yo ba yung lolo ko nung nag-aaral pa yun, hindi yun nakakagastos kahit piso. Bossing: Grabe naman tipid ng lolo mo, hindi nakakagastos kahit piso. Aleng Maliit: Oo kahit piso! Joey: Eh bakit ganun? Aleng Maliit: Eh wala namang baon lolo ko eh!
english-filipino dictionary jokes
Mapapa-isip ka talaga kung ano ang mga tagalog nito at siguradong mapapahagakhak ka ‘pag naumpisahan mong basahin ang mga patok na jokes na ‘to! SURVEY TEST: Yung tagalog ng ICE CREAM. TIMELINE: Malungkot o walang sigla: “Bakit ang TIMELINE mo?” I SCREAM: Eto yung tinatawag nilang sorbetes. FOLLOWED: Ang sasabihin mo sa tindera ng load.
ice for sale
Sa isang bahay, may nakasulat na “Ice for sale.” BATA: “Pabili!” YAYA: “Ano bibilhin mo?” BATA: “Kendi nga po.” YAYA: “Wala.”
TAURUS Abr. 21 - May. 21
May malaking pagbabago sa buhay mo na hindi mo i n a a s a h a n . B a g a m a’ t magandang b alita ang darating, mapipiltan kang mag-adjust at magbago ng diskarte para sa pagbabagong ito. Asahang magiging magaan din ang loob mo sa mga susuno d na araw. Lucky numbers ay 17, 8 at 19. GEMINI May. 22 - Hun. 21
Isang Taurus ang magiging malaking parte ng buhay mo ngayong buwan. Huwag masyadong umasa sa tulong ng iba at tapusin na ang trabahong matagal nang nakabinbin. Lucky numbers ay 13, 4 at 15. CANCER Hun. 22 - Hul. 22
‘ Wa g m a s y a d o n g magtrabaho at m a g p a p a p a g o d . ‘ Wa g ding masyadong magalala para hindi ka medaling dapuan ng sakit. Mabuting magpahinga ka muna at siguraduhing kumakain ka nang tama. Lucky numbers ay 9, 25 at 11.
BATA: “Coke” YAYA: “Wala!” BATA: “Juice.” YAYA: “Wala nga! Kita mong “Ice for sale” yung nakasulat, malamang Ice lang tinitinda namin!” BATA: “Eh bakit ice lang tinitinda n’yo nagtatanong ka pa kung ano bibilhin ko!”
Newsboy
NEWSBOY: “Dyaryo kayo dyan! Dalawang bading ang naloko! Diyaryo! Diyaryo!” BAKLA: “Hi! Pabili nga ng diyaryo! Magkano?” NEWSBOY: “Twelve pesos po.” BAKLA: (ginalugad agad ang diyaryo) “Hoy! Wala naman akong mabasang dalawang bading na naloko dito ah!” NEWSBOY: “Diyaryo! Diyaryo! Tatlong Bading ang naloko. Diyaryo kayo dyan!”
Lola at Apo
Nag-uusap ang Lola at ang Apo tungkol sa pamana. Lola: Apo, alam mo na matanda na ako, malapit na akong mamatay. Ipapamana ko sa iyo ang aking sakahan, prutasan, bahay at ang mga alaga kong hayop. Apo: Laking pasasalamat ko po Lola, saan po yun? Lola: Sa Facebook apo.
Probinsyano
Isang araw, nangingisda sa parke ang isang probinsyanong si Juan... Nakita s’ya ng guard… Guard: Hoy! Bawal mamingwit diyan... Hindi mo ba nakikita at nababasa? ‘’NO FISHING ALLOWED’’. Juan: Grabe ka naman... Pinapaliguan ko lang naman ang uod ko eh...
Math question
GURO: Juan, kung ako ay may 5 anak sa unang asawa at 7 naman sa pangalawa at 3 sa pangatlo, meron akong? JUAN: Kalandian po! Isa kang kerengkeng Ma’am, malandi ka, haliparot, pokpok, imoral! GURO: Umupo ka na! ‘Di ka makakapasa! mula sa www.pinoyjoke.blogspot.jp
www.tumawa.com
LEO Hul. 23 - Ago. 22
Huwag masyadong magastos dahil maaring gipitin ka sa susunod na buwan. May hindi inaasahang pangyayari ang kailangang mong gastusan kaya itabi mo muna ang perang gagamitin mo sana para sa hindi kailangang bagay. Lucky numbers ay 5, 21 at 11. VIRAGO Ago. 23 - Set. 23
May hindi inaasahang salapi ang darating. Pagbigyan mo ang sarili mo ngayong buwan at mag-relax nang konti. Lumabas kasama ang pamilya. Hindi mo kailangang gumastos nang malaki para magsaya. Lucky numbers ay 1, 16 at 7. LIBRA Set. 24 - Okt. 23
Isang kamag-anak ang susubukan kang kausapin muli pagkatapos ng nap a kat aga l na p ana hon. Isang magandang balita ang darating mula sa kamag-anak na ito. Maglaan ng oras para sa pamilya. Lucky numbers ay 2, 16 at 25.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
BALITANG SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
21
Kim Kardashian, magsasampa ng kaso laban sa lalaking humalik sa kaniyang puwetan MAGSASAMPA NG KASO ang reality TV star na si Kim Kardashian sa lalaking hinalikan umano ang kanyang puwetan. Ang lalaki ay kinilalang si Vitali Sediuk. Nangyari ang panghahalik sa Paris. Papunta na umano ang TV star sa kaniyang sasakyan nang biglang lumapit ang lalaki. Agad na kumonsulta si Kim sa kaniyang abogado upang malaman kung maaari niyang kasuhan ang naturang lalaki. Habang sinusulat ang balitang ito, inaayos na ng kaniyang abogado ang kasong posibleng isampa sa nasabing lalaki. Hindi lang ito umano ang unang pangyayari kung saan ginawa ito ng nasabing lalaki.
Jake Ejercito, may madaming mensahe para kay Ellie
MARAMI ANG NATUWA matapos
kumalat ang balitang si Jake Ejercito ang tunay na tatay ni Ellie, ang limang taong anak ng aktres na si Andi Eigenmann. Ngunit kung may isang tao mang lubos ang galak, ito ay si Jake Ejercito. Bago pa man niya napatunayan na siya ang tunay na tatay ni Ellie, ipinahayag na niya ang kanyang pagmamahal sa bata. Kaya naman, marami ang naantig nang mag-post ng madamdaming mensahe si Jake para sa kaniyang anak. Ginamit niya ang social media upang ipahayag sa buong mundo ang kaniyang lubos na pagmamahal para sa umano’y kaniyang anak. Ayon sa mensahe ni Jake, pawang magagandang bagay lang ang naibigay ni Ellie sa kanya at nangangako siyang ga n o o n d i n a n g ga gaw i n p a ra s a anak. Sinabi rin niya na simula nang ipinanganak si Ellie ay ‘di na siya nawala sa tabi nito at hindi yun magbabago hanggang ngayon. Ang half-sister ni Andi Eigenmann ang nagbalita na positibong si Jake ang tatay ni Ellie matapos magtugma ang kanilang DNA findings. Matagal ding pinagtalunan kung sino talaga ang tunay na tatay ni Ellie. Naging usap-usapan dati na ang aktor na si Albie Casino ang tatay ng bata, ngunit tahasang itinanggi ito ng aktor. Naging on and off rin ang relasyon nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann sa mga nakaraang taon hanggang mabalitaang nagkikita muli ang dalawa.
Angelica Panganiban, singaot nang biro ang isang basher
KILALANG PRANGKA ang aktres na si Angelica Panganiban. Sinasabi niya ang gusto niyang sabihin at madalas ay ipinapahayag niya ito sa pamamagitan ng social media. Nitong mga nakaraang araw ay umani siya ng papuri mula sa mga fans nang maayos niyang na-handle ang isa niyang basher. Binatikos si Panganiban ng isang b a s h e r d a h i l s a k a n iya n g h i t s u ra . Sinabihan siya nito ng “pangit.” Hindi niya pinatulan ang naturang basher at sa halip ay dinaan na lang niya ito sa biro. “Actually, nalulungkot pa nga ako… Kasi
mas gusto kong sayo ko nagmana. Sayang.. may mas ipapangit pa sana ko,” ika ng kanyang post. Maraming mga fans ang pumuri sa paraan niya ng pagsagot sa kaniyang basher. Ayon sa kaniyang mga fans, ito ang tamang paraan kung paano hinahandle ang mga bashers. “Good job, Madam Claudia!” sabi ng isang fan. Matagal na sa showbiz si Angelica at marami na siyang nakasalamuhang bashers, kaya ayon sa mga fans ay natuto na ang aktres kung paano sila sasagutin.
Starlet Krista Miller, arestado sa isang buy bust operation
NADAKIP SA ISANG BUY BUST OPERATION ang sexy star na si Krista Miller kamakailan sa Barangay Gen. Tiburcio de Leon, Valenzuela City. Kasama ring nadakip ang isang lalaking nagngangalang Aaron Medina. Matatandaang naging kontrobersyal si Miller matapos nitong bisitahin ang convicted drug lord na si Ricardo Camata sa New Bilibid Prison noong 2014. Ngunit Itinanggi ng sexy star na may kaugnayan siya kay Camata. Iginiit niya na ang pagbebenta lang ng condominium unit ang kanyang pakay sa Sputnik Gang leader. Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam na ng Quezon City Police District kung sinu-sino pa ang mga kasamahan ni Miller. Sa panayam kay QCPD Chief S/Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, ayon sa ulat ng Bomboradyo, sinabi niya na nagbigay na ng listahan si Miller ng mga celebrities na naging kliyente niya. Unang naging kontrobersyal si Miller matapos maugnay kay Cesar Montano. Ang sexy star diumano ang dahilan kung bakit naghiwalay si Montano at asawa nitong si Sunshine Cruz. Ang mga pelikulang nagawa ng starlet ay “Kabaro,“ “Hukluban,” at “The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim,” kung saan nagtambal sila ni Montano. Bago nadakip si Miller, nahuli rin noong Biyernes ang dalawang FHM magazine models na sina Liaa Alelin Bolla at Jeramie Padolina sa isang buy bust operation sa Bagumbuhay, Quezon City. Inamin nila na si Miller ang pinagkukuhanan nila ng droga.
Mark Anthony Fernandez, arestado matapos mahulian ng marijuana NAARESTO ANG AKTOR na si Mark Anthony Fernandez sa San Fernando Pampanga kamakailan matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana na may street value na P15,000. Nagtangka pang umiwas sa checkpoint ang aktor kaya napilitang barilin ng mga pulis ang gulong ng sasakyan nito. Iginiit ni Fernandez na ginagamit niyang panggamot ang mga nakumpiskang marijuana sa kanya. Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Station 6 ng Angeles City Police at posibleng maharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, ayon sa ulat ng Bomboradyo. Galing sa angkan ng mga mahuhusay na aktor si Mark Anthony Fernandez. Siya ay anak ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez sa aktres at ngayo’y Parañaque City councilor na si Alma Moreno. Namayagpag din ang kanyang showbiz career nang maging miyembro siya ng all-male group na Guwapings kasama sina Jomari Yllana at Eric Fructoso. Matatandaang pumasok siya sa rehab noong 2004. Napabilang din siya sa award-winning indie film na “Ma Rosa.”
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
22
BALITANG SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
Jessy Mendiola, nakatanggap ng parangal sa South Korea
2016 Miss Universe, tuloy sa Pilipinas - DOT
TULOY PA RIN ANG PAGHO-HOST ng Pilipinas sa Miss Universe 2016 pageant. Ito ay sinigurado ni Tourism Sec. Wanda Teo sa isang panayam. “Definitely, I’d like to assure you that Miss Universe is going to be held on January 30,” pahayag ni Teo. May mga usap-usapan kasing kanselado na ang staging ng Miss Universe sa bansa dahil sa mga nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumutuligsa sa Jewish community. Pinabulaanan din ito ni Tourism Undersecretary Kat de Castro. Sinabi niyang patuloy ang pakikipag-usap nila sa Miss Universe Organization (MUO). “We are not aware of any cancellation for Miss Universe. We are still having ongoing meetings with the MUO. Let us wait for official announcements before jumping into any conclusion,” ani De Castro. Ayon kay De Castro, nakalatag na ang mga pre-pageant activities ng mga Ms. Universe candidates kung saan dadalaw sila sa Cebu, Davao, Siargao, Vigan, Palawan, Legazpi at Bicol. Magkakaroon rin ng photoshoot ang mga kandidata sa Intramuros. Dream come true naman para sa reigning Miss Universe at Pinoy pride Pia Wurtzbach na sa bansa gaganapin ang susunod na Miss Universe pageant. Masaya siya na kahit hindi sa Pilipinas naganap ang kaniyang first walk, sa Pilipinas naman gaganapin ang kaniyang final walk. “I’m keeping my fingers crossed and if that happens, it’s gonna be historical. I may not have had my first walk but I will have my final walk here, at home,” pahayag ni Pia sa Facebook live. Plantsado na rin umano ang pakikipag-ugnayan ng DOT sa mga ahensya na maniniguro ng kaligtasan ng mga kandidata. Ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Armed Forces of the Philippine (AFP), Philippine National Police (PNP) ay naglatag na ng mga hakbang upang masigurado ang seguridad ng mga kandidatang dadating sa bansa simula January 13 ng susunod na taon.
MASAYANG IBINALITA ng sexy actress na si Jessy Mendiola na nakatanggap siya ng parangal mula sa South Korea. Dumalo si Jessy sa Asia Pacific Actors Network Star Awards o APAN Star Awards 2016 upang tanggapin ang parangal bilang isa sa mga honoraries ng Korea Tourism Ambassador to the Philippines. A n g A PA N S t a r a w a r d s a y kumikilala sa mga natatanging Korean dramas mula Oktubre 2015 hanggang September 2016. Nakapag-uwi rin siya ng Best Asia Pacific Award. Ngunit ang ‘di niya malilimutan ay ang pakikipag-selfie niya sa mga sikat na artista sa Korea. Mapapanuod si Jessy sa Banana Sundae tuwing linggo sa ABS-CBN. Nauugnay rin ang aktres sa aktor at TV host na si Luis Manzano.
Rachelle Ann Go, magtatanghal sa Broadway UP Madrigal Singers, pinarangalan sa Senado
PARARANGALAN sa senado ang UP Madrigal Singers matapos nitong manalo sa nakaraang International Polyphonic Competition na ginanap sa Italy. Ang magbibigay ng pagkilala sa grupo ay si Senator Paolo Benigno “Bam” Aquino IV. Ito ay nakasaad sa resolusyong ginawa niya sa ilalim ng Senate Resolution 170. Ang pagkapanalo ng grupo ay nagbigay rin sa kanila ng tiket upang makalahok sa 2017 European Grand Prix kung saan nagwagi rin sila noong 1997 at 2007.
MASUSUBUKAN ANG HUSAY ng Filipina singeractress na si Rachelle Ann Go sa Broadway. Gaganap uli bilang Gigi si Go sa sikat na Broadway Musical na Miss Saigon sa March 2017. Simula nang manalo sa isang reality singing search sa Pilipinas ang aktres, hindi na natigil pa ang kaniyang pamamayagpag sa showbiz hanggang sa international scene. Kamakailan lamang ay nanalo siya ng Best Supporting Actress in a Musical para sa kaniyang pagganap bilang bar girl sa Cameron Mackintosh Musical. Kabilang rin si Go sa 25th anniversary video ng Miss Saigon. Makakasama ni Go sa Broadway Musical ang iba pang mga homegrown Filipino talents tulad nina Eva Noblezada at Jonjon Briones.
Daloy Kayumanggi
NOVEMBER 2016
BALITANG SHOWBIZ
Impormasyon ng Pilipino
23
Dennis Trillo, Twit ni Idol nakatanggap ng N Asian Star Prize
KINILALA ANG GALING NG PILIPINONG AKTOR na si Dennis Trillo sa 11th Seoul
International Drama Awards. Si Trillo ay isa sa anim na Asian actors na binigyan ng Asian Star Prize. Ang nasabing parangal ay ibinibigay sa mga aktor na tinangkilik ng Korean audience. Ang pagganap niya sa television series sa GMA 7 na “Mamaw on My Faithful Husband” ang nagbigay-daan upang masungkit niya ang karangalan. Personal na tinanggap ng Kapuso actor ang parangal at ipinahayag niya ang kaniyang galak na makahilera ang mga magagaling na aktor. “This is very special to me because it was given by the Korean people who are very well-known in creating the best dramas in the world,” ani Trillo. “In the Philippines, we also do our best in trying to create quality programs for the Filipino audience. This award will continue to inspire me in honing my craft as a dramatic actor.” Kinilala na rin ang galing ng aktor sa Asian TV Awards.
Miss Philippines, wagi sa Miss Asia 2016
NABINGWIT NI MISS PHILIPPINES Trixia Maria Maraňa ang titulong Miss Asia 2016 pageant na ginanap sa India. Pinataob ng Dumaguete beauty ang 18 iba pang title holders mula sa iba’t ibang bansa. Nanalo ng cash prize na 300,000 rupees si Santos. Umangat ang Pilipinas sa naturang kumpetisyon mula sa 1st runner up finish nito noong 2015. Certified winner na si Santos bago pa man siya manalo sa Miss Asia 2016. Kabilang sa mga napanalunan niyang korona ay ang Miss Negros Oriental 2015, Abuyog Queen of Leyte 2011, Miss Tourism Philippines 2010, Miss Dumaguete City 2009 at Sinulog Queen de Kabankalan.
gayong buwan, dalawang local celebrities at isang international personality ang susundan natin sa pamamagitan ng kanilang mga Twitter posts o tweets. Kamakailan ay napabalita ang pagpanaw ng batikang character actor na si Dick Israel. Kaya naman, lubos na nakikiramay ang kanyang mga kasamahan sa local showbiz industry. Ilan sa mga ito ay sina Paulo Avelino at Francine Prieto:
Paulo Avelino @mepaulovelino RIP Dick Israel. You will be greatly remembered.
Francine Prieto @NorWeirdgain RIP Dick Israel
Samantala, naging kontrobersiyal naman ang isang tweet ng Presidential candidate na si Donald Trump. Binanatan kasi nito kamakailan si 1996 Miss Universe Alicia Machado ng Venezuela at ang kalabang si Democratic presidential candidate Hillary Clinton. “Did Crooked Hillary help disgusting (check out sex tape and past) Alicia M become a U.S. citizen so she could use her in the debate?” ani Trump (@ realDonaldTrump).
Rapper na si Drake, hinangaan ng mga fans
HINDI ININDA ng sikat na rapper na si Drake ang kaniyang injury at ipinagpatuloy pa rin ang kaniyang concert sa Chicago kamakailan. Nangibabaw ang kagustuhan niyang pasayahin ang mga fans niya na matagal r i n g i n a n t ay a n g k a n iya n g c o n c e r t . Matatandaang nakansela ang mga nauna niyang pagtatanghal dahil sa kaniyang ankle injury. Kaya naman, sinigurado niya na makakapagtanghal siya ng 100% sa harap ng kaniyang mga tagahanga. Matagumpay namang natapos ang kaniyang concert at ayon sa mga nakapanood, ibinigay talaga ng rapper ang kaniyang 100%.
Maja, hindi affected sa pagbabalikan nina Gerald at Bea?
BALI-BALITANG magkasintahan sina Gerald Anderson at Bea Alonzo ngayon. Ano kaya ang reaksyon ni Maja Salvador na dati ring nakarelasyon ng aktor. Ika ni Maja, masaya umano sa kung anong meron sina Bea at Gerald. Matatandaang, dalawang taon na mula nang magkahiwalay sina Gerald at Maja. Ayon sa aktres, naka-move-on na raw ito sa nasabing break-up nila ng aktor. Dagdag pa ng aktres, mayroon na raw nagpapasaya sa kanyang puso ngayon. Gayunpaman, ayaw magbigay ng detalye ng aktres. Kasalukuyan ding nail-link si Maja kay John Lloyd Cruz.
Cesar Montano, no comment sa pagkakahuli ni Krista Miller
Ayaw umanong mag-komento ni Cesar Montano hinggil sa pagkakahuli sa dating aktres na si Krista Miller bunsod ng illegal na droga. “I cannot comment on that. Ganon talaga eh, marami pa ‘yan,” ika ng aktor sa isang panayam. Dagdag pa niya, talagang ganoon daw ang buhay. Matatandaang si Krista ang sinasabing naging dahilan ng hiwalayang Cesar Montano at Sunshine Cruz. Naging kontrobersyal din si Krista nang bumisita siya sa Sputnik gang leader at convicted drug lord na si Ricardo Camata sa isang ospital. Gayunpaman, ayon sa aktres, binentahan lamang daw niya si Camata ng isang condominium unit.