Pinoy Chronicle July Second Issue 2014

Page 1

The Pinoy Chronicle

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

WEEKLY HOROSCOPE P.6

PINOY-BIZZ P.7

GLOBAL PINOY P.3

News. Link. Life

FREE NEWSPAPER

TARA-LETS P.5

FOOD TRIP AT HOME P.4

hagupit ng bagyong

neoguri sa japan

JULY SECOND ISSUE

pnoy humingi ng tulong sa SC

N

T

umama ang super typhoon Neoguri sa katimugang bahagi ng Japan, ang Okinawa noong nakaraang Miyerkules, Hulyo 9 kung saan may bilis itong 200 kilometro kada oras. Sa pagbasak pa lang ng bagyo ay dalawa na

S

agad ang naitalang namatay. Bagaman marami ang nasaktan, halos 100 pamilya naman ang nagawang makalikas dahil sa maagang paalala hinggil sa papadating na bagyo. Marami nang mga billboards at poste ang nagtumbahan. Nagbaha na rin sa ibang bahagi ng Okinawa kung saan maraming bahay ang

Senator miriam defensor-santiago may stage 4 lung cancer

ino nga ba magaakala na ang palabang senadora na si Miriam Defensor-Santiago ay may iniindang matinding karamdaman. Sa isang press conference ay tahasan niyang inamin na siya ay may stage 4 cancer sa kaliwang bahagi ng kanyang baga. Ito ang sanhi kung kaya`t madalas siyang makitaan ng paghihirap sa paghinga. Bagama`t hindi pa tukoy ng kanyang mga doktor ang sanhi ng pagkakaroon niya ng kanser, sinabi naman sa isang report ng Makati Medical Center na may natagpuang tumor cells sa kaliwang bahagi ng baga ng senadora sa isang

biopsy na ginawa sa kanya noong Hunyo 21. Dagdag pa ng senadora, ang kanyang kanser daw ay hindi metastatic (na ang ibig sabihin ay ang patuloy na pagkalat ng cancer cells sa iba`t ibang organs ng katawan). Puno ng pag-asa ang senadora na siya ay gagaling sa loob ng anim na linggo. “Today, chemotherapy has been reduced to a tablet. This tablet is called molecular targeting.” Itinuturing ni Santiago na isa itong magic tablet na kung saan hindi na kailangan pang dumaan ng pasyente sa tipikal at mahirap na proseso ng chemotherapy. Kung kaya`t malaki ang pag-asa niya na

siya ay gagaling sa loob ng anim na linggo. B ago pa ma t a pos a ng presscon ay humirit muna ang senadora: “I don`t know the reactions of my enemies are. Maybe they`ll be happy because I might die and then they could get rid of me. On the other hand, I might survive and I`ll get rid of them”.

nasira at natangay nang rumagasang tubig baha. Nagkaroon na rin ng mga landslides sa iba pang bahagi ng Japan na apektado ng bagyo. Nagbigay na rin ng babala ang PAG-ASA dahil inaasahan na dumating ang bagyo sa Pilipinas pagkatapos dumaan nito sa Japan.

UAAP SEASON 77

P UAAP

ormal nang nagsimula ang Season 77 ng UAAP noong nakarang, Hulyo 12 sa Araneta Coliseum sa pangunguna ng University of the East bilang host na may titulong “UAAP Season 77: Unity in Excellence”. Inaasahang magbabakbakan na naman muli ang mga koponan ng iba`t ibang University at patuloy pa rin na rivalry ng dalawang top teams ang De La Salle Green Archers at Ateneo Blue Eagle. Siyempre tulad ng dati hindi magpapaiwan ang UE Red Warriors, UST Growling Tigers, Adamson Blue Falcon, NU Bulldogs at FEU Tamarraws.

aantala ang regular programming ng iba`t ibang TV networks para sa inaabangang talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino upang maghain ng apela sa mataas na hukuman hinggil sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP). H i n i l i n g n i P N oy s a Ko r te Suprema na bawiin ang deklarasyon na hindi naayon ang DAP sa Saligang Batas. Saad ng Presidente “Balikan ninyo ang desisyon na may pagsasaalang-alang sa paliwanag ko.Tulungan ninyo kaming tulungan ang taumbayan.” “Huwag niyo sana kaming hadlangan.” I g i n i i t n i P N oy n a m a b u t i a n g l a y u n i n n g D A P. A n g intensyon nitong matugunan ang pangangailangan ng taumbayan at upang lalong mapalakas ang ekonomiya sa paglalaan nito ng mga sobrang pondo sa mga proyektong nangangailangan nito. Sa 92-pahinang desisyon ng mataas na hukuman, idineklara nilang hindi naayon sa Saligang Batas ang ilang bahagi ng programa ng DAP. Agad naman itong umani ng mga pagbatikos kasabay ang panawagan na magbitiw ang itinuturong utak ng DAP na si Budget Secretary Florencio Abad.

marian at alice, panalo sa fhm sexiest party


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 2

JuLY 2014 SECOND issue

sangkot sa hazing kinasuhan na

PINOY SPORTS PBA

SAN MIG SUPER COFFEE MIXERS GRAND SLAM CHAMPION

N

K

inasuhan na ang 20 miyembro ng TAU Gamma Phi De La Salle (DLS) chapter na suspek sa pagpatay ng 18 anyos na si Guillo Cesar Servando, isang sophomore student sa De La SalleCollege of Saint Benilde. Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) lumabag ang mga suspek sa Anti-Hazing Law kung saan naging dahilan upang masawi ang menor-de-edad na si Servando noong Hulyo 5, Sabado. Si Servando, at tatlo pang kapwa neophyte na sina John Paul Raval (18), Levin Roland Flores (17) at Lorenze Agustin (18) ay sumailalim sa isang initiation rite bandang alas-sais hanggang alas-nueve gabi ng Hulyo 4. Nakaranas sila ng (mental at physical punishment) kung saan ilang beses nila tinanggap ang hagupit ng palo ng paddle sa kani-kanilang mga musmos na mga binti. Matapos ang initiation rite ay dinala ng ilang miyembro ng Tau Gamma ang mga neophyte sa mismong condo unit nito sa One Archers Place sa Taft Avenue. Dito na rin tuluyan nawalan ng malay si Servando kung saan pilit na nila itong ni-revive ngunit huli na ang lahat. Inilabas naman ng NBI ang iba`t ibang CCTV footages sa condo unit upang mas lalong mapagtibay ang ebidensya at mas madaling makilala ang mga suspek sa krimen. Bagaman bago pa ang nasabing initiation rite ay pilit pang nakiusap si Servando at isang kapwa niya neophyte na kumalas sa grupo ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila pinagbigyan at inalok lamang sila ng dalawang pagpipilian: quit and be killed o ituloy ang initiation. Ayon sa ng RA 8049, "life imprisonment shall be imposed if hazing results in death, rape, sodomy or mutilation". Inamyendahan naman ito ni Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto ng panukala na ang sinumang lumahok sa isang hazing ay automatic na makukulong nang habang-buhay. Ang mga miyembro na nakasuhan na sa pangunguna ni Coddy Errol Morales, namuno sa paksyon at sina Esmerson “Emeng” Calupas, Jomar Pajarito, Kurt Michael Almazan, Luis Solomon Arevalo, Carl Francis Loresca, Hans Tatlonghari, Eleazar “Trex Garcia” Pablico III at John Kevin Navoa. Kasama rin sa kinasuhan sina Vic Angelo Dy, Mark Ramos, Mike Castañeda, Tessa Dayanghirang, Yssa Valbuena at alyas Rey Jay at Kiko. Isang Daniel Paul Baustista naman ang tumayong medic ni Servando. Samantala nauna nang sinabi ng Bureau of Immigration na nakalabas na ng bansa sina Navoa, Calupas, Tatlonghari at Pablico kung kaya`t naglabas ng lookout bulletin ang Department of Justice laban sa 17 pang suspek.

FIFA WORLD CUP

GERMANY IS WORLD CUP CHAMPION

asungkit ng San Mig Super Coffee Mixers ang kanilang inaasa-asam na Grand Slam Championship noong nakaraang Miyerkules, Hulyo 9. Ang Super Mixers ang ikaapat na PBA team na nakakuha ng grand slam championship (Crispa, San Miguel Beer at Alaska). Ito naman ang ikalawang beses ni Coach Tim Cone na maipanalo ng grand slam ang kanyang koponan, ang nauna ay ang Alaska kung kaya`t hindi maikakaila na siya ang tinaguriang “winnigest coach” ng PBA. Bagaman dikit na dikit ang laban, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Big Game James Yap na magpaulan ng tres at kanyang “single-hand hook shot” na nagdala sa kanila upang umabante at tuluyan nang lumayo ang kanilang iskor. Kung kaya nang hirangin na PBA Season 39 Finals MVP si James Yap ay wala nang umapela pa.

M

atapos ang 23 taon na paghihintay, sa wakas naiuwi na ng bansang Germany ang World Cup title matapos nila matalo ang bansang Argentina sa Finals ng FIFA 2014 Word Cup. Sa pangunguna ni Mario Goetze, isang 22 anyos na Aleman, ay naungusan nila ang Argentina sa score 1-0 victory. Si Goetze ay substitute lamang para kay Miroslov Klose.

gilas beats singapore

T

he Philippines stayed undefeated following a 74-

57 drubbing of Singapore in the 2014 Fiba Asia Cup Monday in Wuhan, China.

Paul Lee led Gilas Pilipinas, which tops Group B standings

with a 2-0 record, in scoring for the second straight time after tallying 10 points.

Gary David also had 10 for the Nationals, who had nine

players with at least five points.

PH raced to a 9-0 lead to start the game and took a 22-point lead, 67-45, after a 3-pointer by Garvo Lanete with 5:34 left.

Beau Belga and Kevin Alas added eight points each while Lanete and Aguilar had seven markers across their names.

PH opened up its campaign with a 78-64 win over Chinese

Taipei last Saturday and will close the preliminary round against Jordan on Tuesday.

Singapore shot just 24% from the field and fell to 0-2 after

losing to Jordan in its first game. Gilas made 47% of its shots.

Enrile iniinda ang kalusugan

B

ago pa man basahan ng sakdal si Senator Juan Ponce Enrile ay nakiusap na ito ng motion to defer arraignment hinggil sa kanyang nararamdaman. Iginiit ng senador na baka makasama sa kanyang kalusugan kung itutuloy ang arraignment. Bago kasi ang nakatakdang arraignment ay umabot ng 210/100 ang kanyang BP (blood pressure). Idinagdag pa nito na mayroong nakakabit sa kanyang device na nagmo-monitor ng kanyang heartbeat. Sinigurado naman ng Sandiganbayan na nasa kundisyon ang senador bago ang arraignment kung kayat pinatawag ng korte si Dr. Santos ng PGH at ayon sa doktor na ang huling BP nito ay 160/70. Maging si Dr. Eduardo Viola ng Sandiganbayan upang muling suriin ito at kinumpirma na maayos ang kanyang lagay at ang BP nito ay 150/80 lamang. Dahil na rin sa katandaan, ang 90 anyos na senador na hinayaang maupo na lamang habang dumadaan sa buong proseso ng arraignment.

Ayon naman sa abugado nitong si Atty. Estelito Mendoza, walang hurisdiksyon ang korte na hawakan ang kaso sapagkat hindi naman matibay ang ebidensya na tumanggap nga ito ng kickback mula kay Janet Lim-Napoles, kung kaya`t nakatakdang umapela ang kampo ni Enrile sa Korte Suprema. Sa kabilang banda, ang Chief-of-Staff naman nitong si Gigi Reyes ay hindi nabasahan ng sakdal dahil sa kundisyon nito sa kanyang kalusugan at hiniling sa korte na ipagpaliban muna ang arraignment nito. Ipinag-utos naman ng Sandiganbayan na isama ni Reyes ang kanyang doktor sa susunod na pagdinig upang masigurado ng korte ang tunay na kundisyon nito. Nakatakda naman bumalik ng Sandiganbayan sa Hulyo 18 si Enrile para sa arraignment ng kasong graft matapos ipagpaliban ng korte dahil sa motion to admit amended information na inihain ng prosekusyon.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JuLY 2014 SECOND issue

page 3

MORE HEALTH BENEFITS FOR OVERSEAS FILIPINO WORKERS

M

any Overseas Filipino Workers (OFWs) may enjoy very soon the additional health benefits and better services from the Overseas Worker Welfare Administration (OWWA).

According to OWWA chief Rebecca Calzado, the agency is looking for possibility of providing the health package for OFWs. "We shall explore the possibility of extending supplemental care packages for OFWs who are in need of longterm medical care." The OWWA tuned over the basic health insurance to the Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth). According to Chief Calzado there are distressed and displaced OFWs needing long term medical care and benefits provided by PhilHealth are not enough for them. According to chief Calzado "We are reviewing our existing program and look at those that need improvement. We will prioritized and put extra attention to the displaced and those who need immediate and may require long term care."

EMBASSY OF JAPAN WARNED FILIPINOS AGAINST ILLEGAL SOLICITING

P

hilippine Embassy in Japan reminds Filipinos to be cautious in people soliciting donations allegedly for kids in the Philippines. The government agency stated, "The Philippine Embassy reminds everyone that all fundraising activities should be done in accordance with Japanese Law and relevant regulations of the Prefectures". The public was reminded to excercise cautions and judgements when approached by a certain people who request donations for some charity organizations or activity. There are about 243,136 OFWs and Filipinos living as permanent, temporary or irregular workers in the country of Japan according to the Commision on Overseas Filipinos.

PH AIRPORTS WILL HAVE TIGHTER WATCH ON SMARTPHONES & OTHER GADGETS

T

he Office of Transport Security has directed its airport personnel to require their passengers to present all smartphones or other gadgets on their hands and carry-on luggage, which are subjected to separate checking. An agency under the Department of Transportation and Communications (DOTC), issued the order of reports from the United States that smartphones nowadays might being used by terrorist to carry explosive devices that could easily pass through airports. In the OTS statement "Screeners in all our airports were directed to screen all electronic gadgets, i.e., smartphones, laptops, iPads, camera with their batteries separately by taking them out of their bags and placing them on a tray for X-ray screening". In the past only laptops were taken out from their baggages and being screened separately, according to OTS. The OTS, "The inspection of electronic gadgets is not a new policy but a precautionarymeasure we are adopting due to persistent intellegence information of terrorist attempts to blow up aircraft through gadgets of passengers specifically in flights entering the US".

FIL-AM ACCUSED OF TRIPLE MURDER

A

n unresolved triple murder in a San Diego parking lot that has been blamed on a Filipino-American will have to wait longer for more answers. 30-year-old Carlo Mercado changed defense teams during a Thursday court hearing and requested for a public defender. Investigators claim Mercado shot and killed Salvatore Belvedere and Ilona Flint at a mall parking lot. A third person, Gianni Belvedere, Salvatore's brother and Flint's fiancé, was found shot dead inside and abandoned in his own car about 100 miles away almost a month later. Mercado, who was arrested last month, pleaded not guilty. His previous lawyer told reporters after Thursday's hearing that the defense team has not been given any details or evidence on what led police to suspect Mercado as responsible for the triple homicide. Mercado had also appeared in court on Wednesday on separate charges involving weapons possession. Mercado faces a 25-year lifetime imprisonment. However, if he is found guilty of more than one murder, prosecutors said he may be eligible for the death penalty.

Len Nepomuceno PHL DESIGNER- HER creations showcased in Thailand

T

he works of premiere Filipina fashion designer Len Nepomuceno impressed Filipinos and That' s alike at a recent fashion show held at one of Bangkok's biggest shopping centers. Dubbed “Sanook Philippines: Philippine Fair 2014,” the exhibit at the CentralWorld mall was a success last June 14, the Philippine Embassy in Bangkok said Monday. Len Nepomuceno with her models wearing dresses made of piña fiber with honored guests. Panida Thepkanjana, Narudee Kiengsiri, Mom Bongkojpriya “Betty” Yugala, Ambassador Jocelyn BatoonG a rc i a , L e n N e p o m u c e n o , M.L. Poomchai Chumbala and Rocky Hizon. "Mall-goers stopped to watch the show as models paraded Ms. Nepomuceno’s creations, with the exhibit area for Philippine costumes as their

runway," the Embassy shared. CentralWorld, touted as the largest lifestyle shopping destination in Bangkok, features over 300,000 square meters of shopping center space. The Fashion Show featured a collection of 12 designs by Nepomuceno, "with the piña fabric as the main material for the apparel," the embassy said. Embassy also imparted that the show was "very well received" by guests invited by the Embassy, including: - members of the International Women’s Club - members of Thai society - officials of CentralWorld Mall - media - the Filipino community Nepomuceno is the vice president of the Fashion and Design Council of the Philippines, whose members include some of the country's internationally renowned designers.

THE FIRST FILIPINOS TO GO INTO SPACE

N

ow Filipinos will have a great leap into history as a 22-year old Daniel Angelo "Chino" Roque, who has been named as the first Pinoy astronaut to fly in space in 2015. A De La Salle graduate who has a degree in psychology and a crossfit trainer, will join 22 others who were given a once-in-a-lifetime chance by the Florida-Based Axe Apollo Space Academy to let them travel to space for 30minutes onboard a Space Expidition Corporation shuttle. Last October of this year, Roque with two other Filipinos-Even Ray Datuin and Ramil Santos - who were selected as finalists in a rigorous and competitive 8 months local Axe National Challange in Orlando Florida along with 104 other astronauts from different countries to take a 5-day course at Kennedy Center. Roque who always dream of being an astronaut like his fellow candidates, even if he entered as a replacement to one of the two original finalist from AXE Apollo National Challenges, his dream will soon become a reality. In his interview Roque was asked what will he bring into space Roque replied that he will bring the Philippine flag and a rosary. According to Roque, even people think of them as heroes, everyone could be one. "I don't think anything will change, as long as I keep my feet on the ground." He also added it's a privilege and responsibility to represent the Philippines. "I have a story to tell, to inspire other."

LEBRON JAMES BACK IN CAVS!

T

hey say a picture speaks louder than words, then LeBron James is coming home. The superstar free agent has told Sports Illustrated that he is returning to the Cleveland Cavaliers after spending four seasons playing for the Miami Heat. It's a move that would have seemed unfathomable four years ago, after the venomous fallout that followed his decision to leave Cleveland for the Miami Heat. James told SI in a firstperson story: "My relationship with Northeast Ohio is bigger than basketball. I didn't realize that four years ago. I do now."


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 4

JULY 2014 SECOND issue

S

quid Sisig or Sisig na Pusit is a much healthier version of its kind because it's grilled for a few minutes before chopped into pieces along with onions, seasoned and served in a sizzling plate. Don’t overcook the squid to avoid it from getting tougher in texture. Distributer: Publisher:

Squid Sisig

INGREDIENTS Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

1 kg Squid (pusit) 1 tsp Liver spread 2 pcs green bell pepper, chopped 3 cloves garlic, sliced 2 medium yellow onion, minced 3 pcs finger Chili, chopped 2 tsp ginger, minced 3 Tbsp mayonnaise 2 tbsp soy sauce 1 tbsp liquid seasoning 2 tsp salt 2 tbsp Canola cooking oil 4 pcs scallions, sliced (for garnish)

PROCEDURE: 1. Clean the squid well, remove the internal parts of it and remove outer skin.

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

2. Rub the salt on the squids and Let it stand for 3 to 5 minutes.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

6. Add the oil in the frying pan and saute the garlic, onion, chili, and ginger.

3. Grill the squids for 3 minutes per side, do not overcook. 4. Remove the squids from the grill and let it cool. 5. Slice or chop the squids into small pieces.

7. Add the chopped squids and mix well with other ingredients then cook for a minute. 8. Add the liver spread, salt, liquid seasoning, bell pepper and soy sauce. Stir and cook for another 3 minutes. 9. Place it on a sizzling plate, garnish with chopped scallions and sunny side up egg. 10. Great as pulutan or with Sinangag.


tara let's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JULY 2014 SECOND issue

page 5

Tahanan

Emilio Aguinaldo ni Pangulong

Kuha at Teksto ni Irene Tria

I

tinuturing na isa sa pinakamakasaysayan ang bayan ng Cavite dahil dito unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas at unang idineklara ang ating kalayaan. Mapalad ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na makabisita sa tahanan at sa mismong lugar kung saan nangyari ang lahat ng ito. Ang Kawit Cavite, na halos labinlimang minuto lamang ang layo mula sa Maynila, ay itinuturing na industrialized place bagaman pinakamaliit na bayan sa CALABARZON. Maraming makaysasayan na mga simbahan at iba`t ibang gusali ang matatagpuan dito kabilang na ang tahanan ni Emilio Aguinaldo, ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas. Pagpasok mo lamang sa bakuran ay mapapansin mo na ang mga naglalakihang puno ng chico, (paboritong prutas ni Aguinaldo) na tila nakaukit ang mga sanga na hugis upuan. Ayon kasi sa mga matatanda, pinaniniwalaan nilang may kaibigan na kapre si El Presidente na madalas na nauupo sa mga sanga ng puno. Matatagpuan mo rin sa bakuran ang kotseng ginamit ni Aguinaldo noog panahon ng digmaan pati na rin ang kanyon na naging armas nila upang makamit ang inaasam na kasarinlan. Kapansin-pansin ang tinatawag nilang “manual washing machine” na sa unang tingin ay aakalain mong isang malaking tangke ng tubig. Sa ilalim nito ay mayroong butas kung saan sinisindihan nila upang painitan ang mga nilalabhang damit. Sa unang baitang ng bahay matatagpuan ang isang maliit na bowling arena na naging libangan noon ni Aguinaldo. Pagkaakyat mo naman sa ikalawang palapag ay bubulaga sa inyo ang mga iba`t ibang silid ng mga Aguinaldo kung saan ang mga muebles ay gawa sa kahoy ng narra. Sa kabilang bahagi naman ang pinaka-bulwagan ng pamilya kung saan doon sila nagtitipon-tipon at tumutugtog ng piano ang panganay na babae ni Aguinaldo. Ang pamilya Aguinaldo ay isang larawan ng pamilyang nakakaangat sa buhay dahil sa panahong iyon, bukod tangi na ang pamilya lamang nila ang may “bidet” sa palikuran, kauna-unahang GE Refrigerator at isang “indoor pool” na may lalim na 10 talampakan. Namatay si Aguinaldo sa edad na 95 dahil na rin sa kumplikasyon ng operasyon ng kanyang appendix at katandaan. Maniniwala ka bang naitabi pa nilang lahat sa kanyang tahanan ang mga bote ng kanyang gamot? Talagang mamangha ka sa kabuuan ng tahanan ni Aguinaldo, puno ng kasaysayan at pagmamahalan ng isang pamilyang walang ibang ninais kundi maibahagi sa kapwa nila Pilipino ang kasaganahan at tunay na kasarinlan.


pinoy na pinoy 6 page 6

Cancer - June. 22 - July. 22 Nasaang antas na ba ang inyong relasyon? Marahil iyan na ang lihim na tanong n’yo sa isa’t isa. Para bang ang hirap basahin kung hanggang trabaho, pagkakaibigan o pagmahahal na talaga ang inyong relasyon. Hintay –hintay ka lang kung ano ang magiging kahinatnan nito. Sa ngayon, ito ang pinakamainam mong gawin bukod sa pagiging handa sa puwedeng mangyari. S'yempe umasa ka doon sa positive side at hindi mauwi sa wala ang inyong pinagsamahan.

Leo - July. 23 - August. 22

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JULY 2014 SECOND issue

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Ang karinyo at pagiging romantiko ay malayo sa iyong bokabolaryo. Pero hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ka marunong magmahal. Katunayan, may mga pagkakataon na sinusurpresa mo ang mga tao sa iyong paligid dahil naiisip at ginagawa mo ang mga bagay na daig pa ang mga eksena sa isang romantic movie. Kung nasa ganito kang punto ngayon, ilabas mo lamang. Magpakatotoo ka sa iyong nararamdaman at kung nais mo ng itigil, walang pressure bumalik ka sa ordinaryong ikaw. Mas nakakahanga sa ibang tao ang pagiging misteryoso mo.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Prangka ka lang pero mapagkakatiwalaan naman pagdating sa pagtatago ng sikreto. Medyo nakakalito lamang itong ikumpara para sa mga tao sa iyong paligid. Para kasing anumang sandali ay ibubulalas mo ang kanilang pinakaingat-ingatang lihim. Parte mo naman ay hindi mo lang mapigilan na ilabas ang iyong nararamdaman lalo na sa taong nagpapahirap sa loob ng iyong kaibigan. Kahit na wala kang direktang sinasabi ay parang makukuha na ng taong iyon ang ibig mong sabihin kung magiging sensitibo lamang s’ya.

Isang eksena ang gumising sa iyong diwa, hindi pala lahat laging ganun at ikaw mismo ay baka kailangang magbago. Ang katok sa dibdib ay mahirap balewalain gaya ng kaisipang na basta-basta na lang susulpot kahit may iba ka namang pinagkakabalahan. Maging matapang na harapin at simulan ang pagbabago. Makakatuloong ito para maging buo ka, mayroon man o wala ang taong nagmahahal sa iyo. Sa bandang huli rin kasi walang ibang makakapuno ng hinahanap mo kung hindi ikaw lamang. Pero dahil may espesyal na tao sa iyo ngayon, hindi naman nakakahiyang humingi ng gabay sa kanya.

Kung hindi rin lang naman siya ang gusto mong makatuluyan, bakit mo pa pinapatagal ang inyong relasyon? Ganito rin naman siguro siya sa iyo kaya dapat pinaguusapan n’yo rin ang may kinalaman sa kasal at hinaharap. Wala namang dapat ipagmadali kung usapang pag-aasawa dahil hindi rin naman ito isang birong bagay. Sabihin na natin na mabuting may kumpirmasyon na kayo lamang ang para sa isa’t isa at wala ng iba pa ngayon, bukas at magpakailanman.

Paminsan-minsan ang inggit ay hindi maiiwasan kahit na sa mga taong malaki ang kumpiyansa sa sarili. Kapag tinamaan ka nito, kahit ang lakas ng loob na ilang taon mong pinatibay ay maaaring mabuwag kung hindi mo alam harapin. Ang isang anggulo na dapat bigyan ng pansin ay baka ang pangangailangan na iyong hinahanap-hanap. Iyon naman madalas ang dahilan ng inggit, iyong kung ano mayroon siya na wala ka. Sa positibong bahagi, isang panawagang lang ito na mayroon ka pang dapat matutuhan, patunayan at marating.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Sa dating ng kanilang pag-uusap at naiibang ikinikilos, madaling sabihin na mayroon silang pinagkakasunduan na itinatago nila sa iyo. Niloloko ka ba nila o may binubuo silang plano gaya ng pagpapares ka alin man sa kanila? Hanggang kaya mong hintayin kung kailan sila tahasang magsasabi, gawin mo. Pero kung hindi nila magawa at atat ka ng malaman, ikaw na mismo ang magtanong. Sa kahit ano namang isyu ang pinakamagandang pagkunan ng klarong impormasyon ay ang taong sangkot. At kapag ginawa mo ito, sigurado ka rin na handa ka sa kanilang isasagot.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Aries - March. 21 - April. 20

Siyempre mas lalong mahirap paniwalain ang mga taong hindi malapit sa iyo kumpara mga kaibigan, kamag-anak o kasama mo sa trabaho. Ito ay hamon na dapat mong yakapin kung nais mong mapatunayan ang iyong galing sa larangan na nais mong pasukin. Kung ‘di man doble ay magtiyaga ka na triplehin pa ang iyong pagtityaga sa pagpapaliwanag at kapag nakuha mo ang kanilang atensyon, ipangako mo lamang ang kaya mong tuparin. Sa umpisa at hanggang huli, tiwala nila ang iyong dapat panghawakan at pagkaingatan.

Taurus - April. 21 - May. 21

Pride na sa tingin mo alam mo na lahat o minamaliit mo ang kapasidad ng iyong kausap tungkol sa larangan na matagal mo ng ginagawa? Huwag kang magalit! Imbes na mairita kaagad ay bigyan mo siya ng pagkakataon na ibigay ang kanyang ideya at saka ka na mag-isip. Malaki ang maitutulong ng pagiging mapagkumbaba sa lahat ng pagkakataon lalo na sa negosyo at trabaho. Isa pa ay maganda na rin ang makakuha ng konsepto at inspirasyon base sa pananaw ng ibang tao.

Talo ng dalawa o tatlong ulo ang iisang taong nag-iisip ng lahat, pero dapat isipin mo rin na daig nang maagap ang taong masipag. Gawin mo na ngayon ang dapat mong gawin kasama ng mga mapagkakatiwalaan mong tao para umusad na ang inyong plano. Kahit na may katuwang ka kung wala ka namang nasisimulan at tutulungan, sayang lang din. Huwag kang mahiyang manguna, gayon din ang magbigay ng suhestyon kung ito naman ang kailangan ng lahat. Para rin iyang banda, iba-iba kayo ng instrumento pero tumutogtog ng iisang kanta.

Palagi kang napagkakamalan na iba sa alam mong kung ano ang iyong pagkatao. Minsan nasasaktan ka o binabalewala mo na lamang. At sa piling-piling pagkakataon ay nakakasalamuha ka ng mga tao na hindi ka lamang nasasakyan kundi nararamdaman mong kapareho mo ng pag-uugali. Totoo na pinagtatagpo ang mga magkakatulad at may dahilan din kung bakit may nakakakasama kang kabaligtaran ng iyong pag-uugali. Alagaan mo ang mga kaibigan na kagaya mo, pero huwag mong iwasan ang iba pa. Kailangan mo ng balanse sa buhay.

Napakadaling manisi ng isang tao kapag may pagkakamali o nahihirapan. Subalit kung sila naman itong nasa puwesto ay hindi lang kayang maging pinuno kundi wala talagang alam. Alam mong ang pagkakaroon ng mataas na posisyon ay hindi madali. Ilang taon itong pinag-aralan at patuloy na isanasabuhay para sa kapakanan ng kanyang grupong hinahawakan. Kung ikaw ang taong nagtatrabaho at nakakaunawa sa isang istrikto pero responsableng leader, tunay na ikaw ay malawak na pang-unawa. Kung kaya mong sumunod, malamang kaya mo ring manungkulan bilang pinuno.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Gemini - May. 22 - June. 21


pinoy-BiZz JULY 2014 SECOND issue

page 7

marian at alice, panalo sa fhm sexiest party

B

KC resumes showbiz career; bags acting award

ongga at naging maingay ang pagpapatalbugan ng mga female celebrities na pasok sa FHM 100 Sexiest Women in the World na ginanap noong Hulyo 9. Pero tila sa lahat ng rumampa ay nangibabaw ang alindog at moment nina Alice Dixon, Aubrey Miles at Marian Rivera. Nagpatalbugan ang mga female celebrities na pasok FHM 100 Sexiest Women in the World noong Hulyo 9. Pero tila sa lahat ng rumampa sina Aubrey Miles, Alice Dixon at Marian Rivera ang higit na kapansin-pansin dahil sa kanilang naiibang moment sa establado. Parehong biktima ng wardrobe malfunction sina Aubre at Alice. Si Aubrey na hindi nawawala sa listahan ng nabanggit na sexy magazine ay nakitaan na sa kanyang maselang bahagi ng katawan. Ang kanyang orange bikini ay halata nang maluwag sa simula pa lamang at unti-unti na ngang sumilay ang hindi dapat sumilay sa paglaon nang ilang sandali. Samantala, mas naging alerto at maingay ang pagtanggap ng kalalakihan sa paglakad ni Alice. Ang kanyang pang-itaas na bra ay unti – unting humuhubo pero mabilis niya itong nahawakan hanggang sa matapos ang kanyang pagrampa. Sa edad na 44 ay napanatili pa rin ni Alice ang kanyang magandang mukha at katawan kaya naman kahit siya na ang masasabing pinakamatanda sa lahat ng sexiest women sa FHM ay siya pa ang nakaani ng pinakamalakas na hiyawan. Bagaman, tahimik ang entrada ng 3rd time sexiest women ng FHM at siyang bida ng gabi, katahimikan ng paghanga o tulala ang reaksyon ng mga kalalakihan kay Marian. Si Marian ay pulang –pula sa kanyang seksing high cut bikini na may mala- manok o Indian headress. Aakalain mong naka-body dress ang dalaga sa kanyang porselanang kutis pero natural na natural ito. Ilan din sa highlights ng program ay sina Ehra Madrigal na kahit bumilog pa ang katawan ay kurbang seksi ang dating, Si LJ Reyes na isa sa mga itinuturing na hot mama, Rochelle Pangilinan na umindak at hinangaan sa kanyang pagiging black beauty, si former PBB housemate Beauty Gonzales na bagong pasok sa listahan, at maging ang pagbabalik ni Diana Zubiri na s'yang nagpaingay noon sa FHM dahil sa kanyang pagmomodelo in Bikini sa EDSA-Mandaluyong Flyover.

I

lang buwan din nagpahinga ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na si KC na tumulak pa sa New York para makapagpahinga. Suwerte naman ang kanyang pagbabalik dahil siya ang nakasungkit ng best actress award sa 62nd FAMAS award. Dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Boy Golden: Shoot to Kill ay nominado at tinalo niya ang iba pang aktres sa FAMAS na kinabibilangan nina Bea Alonzo (Four Sisters And A Wedding), Kathryn Bernardo (Pagpag), Kim Chiu (Bakit Di Ka Crush Ng Crush Mo), Sarah Geronimo (It Takes A Man And A Woman), Toni Gonzaga (Four Sisters And A Wedding), Angel Locsin (Four Sisters And A Wedding), Julia Montes (A Moment In Time), Marian Rivera (Kung Fu Divas), at Lorna Tolentino (

Burgos). Gumanap na leading lady ni E.R. Ejercito si KC sa Boy Golden na nagwagi rin na best actor sa gabing ‘yon. Ito ang kanyang ikalawang acting award, una na sa 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) nitong Marso lamang. Samantala, hindi lamang ito ang good news sa aktres dahil sa kanyang pagbabalik showbiz ay nilagdaan n’ya

Aga and charlene: very much on

P

inabulaanan ni Charlene Gonzales ang bali-balitang hiwalay na sila ni Aga Muhlach na ayon pa sa mga tsismis ay dahil sa isang 20-year old dancer. “We just get stronger and stronger,” saad pa nito sa panayam sa kanya ng

press. May kambal na anak at 13-taon na ang pagsasama ng mag-asawa na nagkakilala sa sitcom na OkiDoki Doc. Dahil dito ay marami ang nanghihinayang kung masisira ang kanilang pamilya na isa sa paboritong product endorsers sa bansa. Sa kwento ng former Beauty Queen and TV Host, baka kaya nagkakaroon ng ganitong isyu ay dahil parehong walang active projects silang mag-asawa. Si Charlene ay huling napanood sa The Buzz bago ito i-reformat at si Aga naman ay Let’s Ask Pilipinas na napapanood sa TV5 at ngayon ay hino-host ni Ogie Alcasid. Dagdag pa ni Charlene ini-enjoy nila ang oras nila na walang trabaho kasama ang kanilang kambal na sina Atasha at Andres na nakabakasyon din sa kanikanilang pasok sa eskwela.

louise nabuntis ni aljur?

P

romo lang daw para sa kanyang paglabas sa Magpakailanman ang post ni Louise de los Reyes sa kanyang Instagramn tungkol sa pagbubuntis. Mariin itinanggi ng dalaga ang akusasyon na buntis siya at si Aljur ang ama at dahilan ng break up nila ni Enzo Pineda. Gayon din ang pagiging third party niya sa nasirang relasyon nina Aljur at Kylie Padilla. Paglilinaw pa ng Kapuso aktres na nagbida at nakatambal ni Aljur sa Kambal Sirena na lahat ng cast at crew ng nasabing serye ay naging malapit sa kanya. “Co-actors lang kami na, eventually, naging close din dahil siya yung naging leading man ko sa show, palagi kaming magkasama. At saka h i n d i l a n g k a m i a n g n a g i n g c l o s e , n a g i n g c l o s e d i n k a m i n i M i ke Ta n , u p to t he p oi n t n a n a n d’ ya n ka m i to g e t h er. . . ‘ Yo n g b o dy- do uble ko, si Joanne, si Direk Dondon (Santos), si Ate Mickey Ferriols.” Sabi pa ng aktres na bida sa indie film na Island Dreams na ini-release sa mainstream cinema ng GMA Films ay single siya ngayon at not dating.

SHOWBIZ EXPRESS / impress ni Phoebe Dorothy Estelle

Express: Heart Evangelista handa nang magpakasal Wala raw halong pulitika kung saka-sakaling mabago mula boyfriend hanggang sa fiance ang turing ni Kapuso star Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero. Sa ngayon ay wala pa raw makahulugan na singsing na ibinibigay ang senador sa kanya pero inuunahan na niya ang intrigang baka itatapat ito kapag malapit na ang election. Hindi raw naniniwala ang aktres sa ganun istratehiya pero titingnan na lang niya kung kailan nga mangyayari. For sure, aabangan din iyan ng mga taga-showbiz and politics.

ang 2-year exclusive contract niya sa ABS-CBN. Hinayag n’ya na rin na magiging bahagi siya ng Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Coco Martin. “Hindi siya todo bida o todo kontrabida, character role siya,” saad pa ng 29 –taong gulang na dalaga sa kanyang magiging role sa teleserye. Kahit pa nga nawala muna sa limelight ito ay di tinantanan ito gaya ng tunay na lagay ng relasyon nila ni Paulo Avelino, ang di umano’y pagtatampo niya sa kanyang mother network at ang lihim niyang pagbubuntis. “Sobrang walang katotohahan; never ,ever akong nabuntis sa buong buhay ko at lalong lalo na never-ever akong nagpa-abort,” pagkakalaro ng dalaga sa panayam sa kanya sa Bandila.

Impress: Sarah at Matteo; Lovie and Rocco – umamin nang mag-on Sa wakas matapos ang mahabang hulaan at haka-haka ay umamin na nga sina Matteo Guidecelli at Sarah Geronimo, gayon din sina Lovie Poe at Rocco Nacino sa kanilang pagiibigan. Take note, mismong ang girls ang nagkumpirma ng kanilang relasyon sa kanilang mga boyfriends ngayon. Kahit matagal nambitin itong si Sarah ay mahusay ang kanyang desisyon na i-announce ang balita pagkatapos ng promo ng movie niya kasama si Coco Martin. At least pinatunayan ng apat na ito, na sa love life nila walang promo-promo lang.

Express: Deniece, naglaslas Bilang tugon sa pagkakabasura ng kanyang ikalawang rape complaint laban kay Vhong Navarro ay naglaslas umano si Deniece Cornejo sa kanyang pulso. Sa statement na inilabas ng abugado nito na si Atty. Salvador Panelo, diniin nito na protesta at hindi pagpapakamatay ang simbolismo ng ginawa ng dalaga sa kanyang selda sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame. Sinugatan ng dalaga ang kanyang pulso gamit ang eyebrow trimmer at saka sinulat ang WR. Ayon kay Rod Cornejo, lolo ni Deniece, kumakatawan ito sa Women’s Rights. Naku Deniece DDTA as in Don’t Do That Again.


Tagalog_A4_ol.pdf 1 2014/05/22 12:07:01


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.