Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
IKA NGA NI KONSUL PAHINA 3
"VISA FREE SA JAPAN" PAHINA 4
SPECIAL FEATURE PAHINA 5
YOUR WEEKLY HOROSCOPE PAHINA 6
PINOY-BIZZ PAHINA 7
OBAMA VISITS JAPAN FOR SUMMIT & SECURITY TIES Page 2
PAHINA 5
MANGAGAWANG PINOY Sulat ni irene b. tria
ARAW MO NGAYON MORE JOBS FOR PINOYS IN PINOY-AMERICAN COMPOSER PASOK SA TIME 100'S MOST SOUTH KOREA AND CANADA INFLUENTIAL Oscars’ Best Original Song si Robert para Obama at kay Pope Francis. sa kanyang komposisyon ng awiting ila hindi pa rin makapaniwala “Let it go” na ginamit sa Disney movie ang US-based Filipino-American Frozen. song writer na si Robert Lopez Isa rin si Robert sa mga maswepara sa kanyang hit song na “Let It Go” swerteng indibidwal na nagkamit ng nang mapabilang siya sa Time 100’s grandslam award sa entertainment Most Influential. industry na mas kilala sa tawag na Ayon sa mga kasamahan nitong “EGOT”-Emmy, Grammy, Oscar at Tony. sina Trey Parker at Matt Stone para sa Dahil sa pagkilalang ito ng Time, kanilang Time profile “Robert and his naihanay na ngayon si Robert sa mga wife are both completely steeped in the ma-impluwensyang tao tulad nina traditions of Broadway musicals”. international pop superstar Beyonce, Kamakailan lamang ay nanalong pati na rink ay U.S. President Barack
T
T
housands of jobs are now available for Filipino skilled workers in South Korea and Canada. Young and skilled Filipino wokers, age between 20-25 years old are the most in-demand for small and medium fast growing manufacturing business in South Korea. While in Canada, the only available job listing are from engineering, health and food services. The Canadian government however, will decrease application process for permanent residency for all Filipino workers 3-6months. POEA's reminder to all Filipinos who consider working abroad especially in South Korea and Canada to make sure that they meet the working experience, age and laguage efficiency requirement. They also added to apply to licensed recruitment agency only.
IKAW- 5 BABY NI MANNY, ISINILANG NA
I
pinanganak na ang ika-limang anak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na pinangalanan nilang Israel. Isinilang ng kanyang may-bahay na si Vice Governor Jinkee Pacquaio ang kanilang bunso na nagtimbang ng 8.1lbs sa General Santos City Doctors Hospital. Mismong ang Saranggani Congressman ang nagbahagi ng larawan nilang mag-asawa habang nagdadasal. Ito ay bago isalang sa delivery room si Jinkee na nagluwal sa pamamagitan ng Caesarian section. Sa kanyang mga naunang interview, sinabi ni Jinkee na hindi talaga nila plano ang magkaroon ng panibagong supling. Pero dahil ito ang ipinagkaloob sa kanila ay labis nila itong ipinagpapasalamat. Dahil sa kanyang pagbubuntis ay hindi
nakasama si Jinkee sa huling laban ni Manny kay Timothy Bradley Jr, na kanyang binawian ng World Boxing Organization (WBO)’s welterweight title. Kapalit ng kabiyak ay nakasama ni Pacman ang kanyang sikat ding ina na si Mommy Dionisia.
JESSY MENDIOLA ANG BAGONG "DARNA?"
MAY 2014 FIRST ISSUE
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
page 2
MAY 2014 FRIST issue
cedric lee at zimmer, hawak na ng nbi
H
awak na ng mga otoridad ang dalawa sa pito kataong kinasuhan ni Vhong Navarro kaugnay ng pambubugbog at extortion sa kanya noong Enero 22 taong kasalukuyan. Sina Cedric Lee at si Simeon Palma na kilala ring si Zimmer Raz ay sa Oras, Eastern Samar noong Abril 26 nang mahuli ng mga alagad ng National Bureau of Investigation at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP). Ang pagdakip sa dalawa ay may kinalaman sa arrest warrant na inilabas ni Judge Paz Esperanza Cortez ng Taguig Regional Trial Court dahil sa serious illegal detention na isa sa maraming kasong isinampa ni Vhong. Walang piyansa ang illegal detention laban sa dalawang suspek kaya hangga’t hindi sila napapatunayang walang sala ay makukulong sila. Sa kabilang banda ay nakapagpiyansa naman si Berniece Lee, kapatid ni Cedric na kasama rin sa mauling incident, dahil bailable ang case nito na Grave coercion. Sa ngayon ay nasa detention facility na sila sa loob ng NBI headquarter sa Maynila. Sinabi ng dalawa na kusang loob silang sumuko pero ayon sa ulat ng NBI at panayam kay Justice Secretary Leila De Lima ay nagtangka pa umanong tumakas ang mga ito. Sa ibang panayam ay binanggit din ni Sec. De Lima na may isa sa kasama sa umano’y “Oplan Bugbog” ni Cedric ang handang tumestigo laban sa negosyante. Maliban sa illegal detention ay nakahabla rin ang dalawa kasama na si Deniece Cornejo, Berniece, Ferdinand Guerero at iba pa ng black mail, serious physical injuries, grave threat, unlawful arrest, at blackmail. As of press time, pinaghahanap pa rin ang modelong si Deneice at iba pang akusado.
JOhn paul II at john xxiii canonization
S
a kauna-unahang pagkakataon sabay na idineklarang santo ang dalawang Santo Papa na sina John Paul II at John XXII sa pangunguna rin ng dalawang living Pope na sina Francis at Emeritus Pope Benedict XVI. Tinatayang isang milyong deboto ang dumagsa sa St. Peter’s Square upang personal na dumalo sa misa habang milyun-milyon naman ang nanonood sa iba’t ibang panig ng mundo sa kanilang mga telebisyon at ang iba naman ay live streaming via Internet. Halos hindi mahulugang karayom ang buong lansangan ng Roma pati ang paligid ng Vatican hanggang sa St Peter’s S q u a re ku n g s a a n n a ga n a p a n g i s a n g napakamakasaysayang kaganapan para sa Simbahang Katoliko.
U.S. president barack obama dumalaw sa pilipinas
D
umating sa bansa noong nakaraang lunes Abril 28, 2014, si U.S. President Barack Obama bilang bahagi ng kanyang 4-nation tour sa mga kaalyadong bansa
sa Asya. Itinaas sa red alert ang buong militar at kapulisan pati na rin ang PSG (Presidential Security Group) na nanguna upang masiguro ang seguridad ni Pres. Obama habang nasa bansa. Ipinatupad din ang no-fly zone sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dalawang oras bago lumapag ang sinasakyang eroplano ni U.S. president. Kabilang sa nofly zone ang mga paliparan ng Sangley, Lipa at San Ildefonso na may 39-72 kilometro ang layo mula Manila patungong NAIA. Kabilang din ang pagpapatupad ng no-sail zone sa Pasig River na tagusan ang palasyo ng Malacanang. Ayon kay PCOO Secretary Hermino Coloma Jr., ang pagdalaw ni Pres. Obama ay naglalayong maisulong ang istratehikong pakikipag-ugnayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. At ang pagnanais na mas lalo pang mapatatag at mapatibay ang relasyon ng dalawang bansa. Kaugnay rin sa pagdalaw na ito, nilagdaan din ni nilagdaan din ni Pres. Obama ang increased rotational presence ng US troops sa Pilipinas na nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement sa loob ng 10 taon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Dagdag pa rito ay sa ilalim ng kasunduang ito ay mabibigyan ng access ang mga tropa ng Amerika sa mga military camps sa bansa kung saan maaring maglagay ang Amerika ng mga fighter jet at barkong pandigma. Kumpiyansa naman ang American Chambers Philippines na ang kauna-unahang pagbisita na ito ni Pres. Obama ay hudyat ng mas mabuting relasyon sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.
HONG KONG AT PILIPINAS NAGKAAYOS NA!
N
Ang mga deboto na lumahok upang maging saksi ay may mga kanya-kanyang dalang bandila at banners, na mas nakakarami ang pula at puting bandila na sumisimbolo sa bansang Poland kung saan nagmula si John Paul II. Sa pangunguna ni Pope Francis sinimulan ang seremonya sa pagbibigay ng mga relics nina John Paul II at John XXIII upang halikan at ilagay sa altar. Pagkatapos ng misa ay binuksan ang Stang St Peter’s Basilica para sa lahat ng mga debotong nais makita ang nitso ng dalawang bagong santo. Samantala, nakiisa rin ang Pilipinas sa kaganapan na ito sa pamamagitan ng inihandang tribute at misa sa pangunguna ni Manila Archibishop Luis Antonio.
oong nakaraang Miyerkules, Abril23 ay natuldukan na ang sigalot sa pagitan ng dalawang magkalapit na bansa sa Timog-Silangang Asya ang Hong Kong at Pilipinas. Matatandaan na nagkaroon ng hidwaan ang dalawang bansa kaugnay sa naganap na 2010 Manila hostage crisis kung saan ikinasawi ng walong foreigners kabilang na dito ang mga Hong Kong national. Matapos tumulak papuntang Hong Kong si dating Pangulo at kasalukuyang Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada upang humingi ng tawad sa mga pinuno ng Hong Kong ay naayos na ang namagitang problema sa dalawang bansa. Mayroong apat na kahilingan ang Hong Kong na dapat matupad ng Pilipinas upang tuluyan nang maayos ang gusot sa pagitan nila: paghingi ng tawad sa pamilya ng mga nasawi at kaukulang compensation sa mga naulila, mapanagot ang lahat ng mga nagkulang sa hostage crisis at siguraduhin ang kaligtasan ng kanilang mga national sakaling maging turista muli sa Pilipinas. Dagdag pa ng pamahalaan ng Hong Kong na pinawalang bisa na nila ang diplomatic sanctions sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas kung saan tinanggal nila ang 14-day visa-free access. Nagpadala din ng liham ng paghingi ng paumanhin ang Philippine National Police chief Director Alan Purisima sa mga naging biktima ng hostage crisis sa Rizal Park na tumagal nang halos sampung oras.
KASONG "SEX FOR FLIGHT" IBINASURA
H
indi nagustuhan ng partylist group na Gabriela ang naging desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inabswelto ang isang Filipino labor official sa Riyadh na nadidiin sa kasong sex for flight. Ayon kay Grabriela Representative Emmie de Jesus, isang “unfortunate gift” para sa mga babaeng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagpapalusot sa dating assistant labor attaché Antonio Villafuerte ngayong darating na Labor Day. Bunga ng kakulangan ng sapat na ebidensya hinggil sa sinampang kaso laban kay Villafuerte ng Committee on Decorum and Investigation ng DOLE ay ni-reprimand lamang ito. Na ngayon ay pinangangambahan nina de Jesus dahil baka mas lalong magkaron ng lakas ng loob ang mga naturang opisyal matapos na paboran si Villafuerte. Matatandaang isinampa ang kaso kay Villafuerte dahil sa diumano’y nag-aalok ito ng plane ticket pabalik ng Pilipinas sa mga distressed Pinays at ang kapalit ay ang pakikipagtalik sa mga labor official. Dagdag pa rito ay ang mga malalaswang biro ng mga embassy officials kung saan ginamit ang mga salitang “salungki” at “salungso”.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2014 FRIST issue
page 3
OBAMA VISITS JAPAN FOR SUMMIT & SECURITY TIES
W
ednesday evening at Haneda Airport U.S. President Barack Obama arrived, as the start of his seven-day Asian tour, to reaffirm America’s commitment in maintaining regional security. Obama stayed in Tokyo for 2 1/2days before moving to South Korea, Malaysia and Philippines to meet with other top leaders. This trip to Asia is to recover U.S. credibility as a regional partner, due to last year’s cancelation which raises doubts among Asian top leaders. Obama hold a 105-minute summit with Japan's Prime Minister Shinzo Abe to issue a joints statement reaffirming the importance of the Japan-U.S. alliance as a stabilizer in the Asia-Pacific region. U.S. President Obama also met with Emperor Akihito and Empress Michiko at the Imperial Palace, and enjoyed an informal dinner with with the Prime Minister
ni Consul- General Marian Jocelyn R. Tirol-Ignacio
REPORT OF BIRTH
Shinzo Abe at a top-rated sushi bar restaurant in Ginza. After the 90-minute dinner with the Prime Minister, Abe quoted Obama that this was the best sushi he has ever had.
EARTHDAY 2014 to fight climate change
T
he people behind Earth Day are pushing their campaign as a viable solution to the problems brought about by climate change. The Earth Day Green Cities Campaign, launched last year in effort to promote sustainable urban development in cities around the world aims to help foster sustainable growth while making a concerted effort to reduce carbon emission and a city’s carbon footprint in general. The first part of the campaign focuses on the energy where large cities have insatiable appetites for energy, the second focuses on deals with infrastructure, compared to the average urban homes, large buildings can have considerate effects on the environment. These large buildings have a large carbon footprints and the third focuses on transportation, increase public transportation options invest in alternative ways of transportation and improve city walkability and bikeability.
FIL-AM FILMAKER shows his new project at wondercon
P
atricio Ginelsa a Fil-Am filmmaker made a splash with his 20minute short film “Black Tiger” at the WonderCon Comic Book Convention in Anaheim California. His short film “Black Tiger” was crow-founded via donation though Indiegogo and kickstarter, based on independent comic book created by one of Ginelsa’s college classmates. The movie features world wrestling entertainment diva Angela Gong, Mortal Kombat’s Robin Shou and Rico Anderson of Star Trek Renegades. For now “Black Tiger” even 20 minutes long debuted strong Ginelsa and creator John Hervey are already looking forward into possibility of expanding the film to become full length or a multi-part series.
L.A. CLIPPERS OWNER IN HOT SEAT OVER RACIST COMMENT
"We are in the process of conducting a full investigation into the audio recording obtained by TMZ". Clippers Owner and staff said in a joint statement published later by TMZ, "We have heard the tape on TMZ. he US National Basketball Association (NBA) is now We do not know if it is legitimate or it has been altered. investigating a report alleging the L.A. Clippers "But we do know that the woman on the tape- who we owner Donald Sterling since 1981 made a racist believe released it to TMZ - is the defendent in a lawsuit remarks. brought by the sterling family". In a recording posted on TMC celebrity website, a Mr. Sterling feels terrible that such staements are man say is Donald Sterling is heard asking a woman not beign attributed to him and apologies to anyone might to broadcast her association with black people nor bring have been hurt by them. them to games or post it in her instagram. In this conversation Mr. Sterling mentioned Magic Johnsons name, due to this magic johnson later responded on his Twitter account, saying "I will never go to a Clippers game again as long as Donald Sterling is the owner. On Sunday, US President Barack Obama said that alleged comments were "incredibly offensive racist statement". NBA spokesman Mike Bass said in a statement that
T
ika nga ni konsul
K
ayo po ba ito? Isa po ba kayo sa nagtatanong sa Pasuguan ng Pilipinas: “Paano mapapatunayang ang isang bata ay Pilipino at maaaring makinabang sa lahat ng karapatan at maging saklaw sa lahat ng pananagutan ng bawat Pilipino?” Sa pamamagitan ng pagrehistro ng kapanganakan, nakikilala ang isang bata bilang mamamayang Pilipino. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, Artikulo 4, Seksyon 1, ang mga sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas: (1) Mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng 1987 Konstitusyon; (2) ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) Mga isinilang bago sumapit ang ika-17 ng Enero 1973 ng Pilipinong ina at namili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) Mga naging mamamayan ayon sa batas. (naturalized Filipinos). Ayon sa batas, obligasyon ng magulang na mairehistro ang bata sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos ang kanyang kapanganakan. Kung lampas na ang tatlumpung araw, ang pagtatala sa kanya ay proseso na nang “late registration”. Upang mairehistro ang kapanganakan ng isang mamamayang Pilipino sa Japan, kailangang ipasa ng mga magulang ng bata sa Pasuguan ng Pilipinas sa Tokyo ang orihinal at apat (4) na kopya ng mga sumusunod: 1. Report of Birth Forms na maaaring makuha sa website ng Pasuguan o sa Pasuguan. Kailangang pare-pareho ang mga detalye, orihinal ang lahat ng pirma sa apat na kopya ng ulat ng pagsilang sapagkat dadalhin ang tatlo rito sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan – sa DFA, NSO at sa Embahada ng Pilipinas. Ang applikante ang kukuha ng pang-apat na kopya. 2. Birth Certificate o “Shussei Todoke no Kisai Shomeisho” ng bata na may hanko ng City Hall at Ospital kung saan ipinanganak ang bata upang mapatunayan ang mga detalye ng kapanganakan ng bata. 3. Marriage Certificate o Report of Marriage ng mga magulang upang mapatunayang kasal ang mga magulang. Kung ang mga magulang ng bata ay hindi kasal sa isa’t isa, kailangang gumawa ang ama ng “Affidavit of Admission of Paternity” upang maipangalan ang bata sunod sa apelyido ng ama. Kung wala ito, hindi mairerehistro ang bata sa pangalan ng ama. Bagkus, ang dadalhin ng bata ay ang apelyido ng kanyang ina at walang panggitnang pangalang ilalagay sa itatalang birth certificate ng bata. 4. NSO-certified Birth Certificate at Valid Passport ng inang Pilipino. Kung ang ina ay hindi Pilipino, maaaring magbigay ng kopya ng kanyang passport o kahit anong valid ID. 5. NSO Birth Certificate at Valid Passport ng amang Pilipino. Kung ang ama ay hindi Pilipino, maaaring magbigay ng kopya ng passport o kahit anong valid ID. 6. “Affidavit of Delayed Registration” kung ang Report of Birth ay ipinasa ng lampas sa tatlumpung araw pagkatapos ng pagkapanganak sa bata. 7. “Affidavit of Legitimation” kung ang bata ay ipinanganak bago makasal ang mga magulang. Sa pagkakataong ito, kailangang ang mga magulang ay walang hadlang sa pagpapakasal nang mabuntis ang ina ng bata. 8. Para sa mga batang limang (5) taong gulang at pataas na hindi pa naiirehistro, kailangang magsumite ng NSO Certificate of No Birth Record upang mapatunayang ang bata ay hindi pa rehistrado sa Pilipinas. Mangyari po lamang na ang kopya ng mga dokumento ay dapat nasa A4 size ng papel. Itatala ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ang mga batang ipinanganak sa mga sumusunod na probinsya sa Japan: Nagano, Niigata, Shizuoka, Yamanashi, Gunma, Saitama, Kanagawa, Tokyo, Chiba, Ibaraki, Tochigi, Fukushima, Yamagata, Miyagi, Iwate, Akita, Aomori, Hokkaido at Okinawa. Ang Konsulado sa Osaka ang magtatala ng pagkapanganak ng mga batang galing sa iba pang prefecture sa Japan. Bawat bata ay may karapatang magkaroon ng pangalan at mairehistro sa tamang paraan. Sa pagkakaroon ng pangalan at pagrerehistro ng bata, maaari nang magkaroon ang bata ng karapatang mabigyan ng pasaporte ng Pilipinas. Ang bawat Pilipinong magulang ay may tungkuling ibigay sa bata ang kanyang mga karapatan at ang pagpaparehistro sa bata ang unang hakbang para dito. Tandaan, kapag ayon sa batas, lutas!
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
page 4
MAY 2014 FIRST issue
ni oyee barro
Distributer: Publisher:
Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
VISA SA JAPAN
M
alakas ang ugong ng balita na maaari ng bumisita ang mga Pinoy sa bansang Hapon na hindi kailangan mag aplay pa ng VISA. Itinuturing na ang Japan ang isa sa pinakamahigpit at para kang nagdadaan sa butas ng karayom bago kapa maka lusot at maka kuha ng VISA. Kung inyong matatandaan, madali at mabilis ang proseso ng pag aplay ng VISA dito sa Japan kung ikaw ay isang OFW (Overseas Filipino Worker). Ang Japan ay isang pangarap para sa ating mga kababayan upang maka pagtrabaho at maiahon ang pamilya sa kahirapan. Napakarami sa ating mga kababayan ang naging matagumpay ngunit may ilan ding nabigo ngunit marami pa rin ang hindi sumusuko. Ngunit ito ay natigil ng makipag tipon ang dating pangulong Gng. Macapagal-Arroyo at pumirma sa isang kasunduan na ititigil na ang pag papadala ng mga OFW Entertainers dito sa Japan nang may mahigit 10 taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay napakaraming nawalang ng trabaho hindi lang mga entertainers kundi
ang mga maliliit ng tao sa likod nito gaya ng mga nag tuturo ng sayaw (Choreographers), mga mananahi ng damit o costume, mga talent managers, mga promoters at marami pang iba. Marami din ang nagsaradong mga promotion agencies atbp. Dahil dito, nag simulang mag proseso ang mga agencies na mag papunta ng Filipina dito sa Japan sa pag kuha ng VISA bilang turista at pagdating sa Japan ay derecho na sa pag tatago o mag overstay para maka pag trabaho at mabayaran ang ginasta para sa pag kuha ng visa. Ang isa pang kategorya ng pag kuha ng visa ay ang pag papakasal. Ipapakasal ang Filipina sa Hapon kahit di pa ito nagkikita at ang tawag dito ay arranged marriage. Sa ganitong pagkakasundo ang Hapon at ang Filipina ay magpapanggap na mag asawa sa harap ng mga tao at kapalit nito ay babayaran ang hapon buwan buwan hanggang makakuha ng mahigit sa tatlong taon na visa ang Filipina at saka ito ididiborsyo. Sa isang banda, marami pa rin naman ang naninirahan sa Japan na legal na may asawang Hapon at mga anak at marami di ang mga propesyonal na nag tatrabaho sa malalaking kumpanya. Malaki na ang ipinagbago ng ekonomiya ng ating bansa, ngunit gaya pa rin ng dati, napakarami s a a t i n g m ga ka b a b aya n a n g naghahangad na makapunta ng ibang bansa upang makakuha ng trabahong mas malaki ang sweldo kumpara sa ating bansa. Nakakalungkot mang isipin na ipinagpapalit ng ating mga kababayan na manilbihan sa ibang lahi kaysa sa sariling bansa, ngunit alam nating ito ay kanilang ginagawa para maitaguyod ang sariling Pamilya.
Isang magandang balita nga kung totoong ma ililift ang Visa para sa Pilipino patungo sa Japan. Ito ay isang daan upang maka punta ang mga naghahangad na makita ang Japan. Makatikim ng masarap na pagkain gaya ng lamang dagat na sikat na sikat sa bansang Japan ang hilaw na isda o Sashimi at Sushi (isda na may kanin). Makakita ng tanawin na gaya ng Cherry Blossom na katatapos lamang nung katapusan ng Marso . At para duon naman sa gustong magtrabaho ay may pagkakataon sila mag pasa ng kanilang application sa panahon na sila ay nandito at maaring mag pa interview agad upang di masayang ang pagkakataon
Ayon sa panayam ng DZMM kay Ambassador Manuel Lopez, darating ang araw na hindi na kailangan ang VISA upang makapasok sa Japan ang ating mga kababayan. Narito ang nasabing panayam na nakalap ko sa official site ng Phil Embassy “Filipinos may travel visa-free to Japan soon, Philippine Ambassador to Japan Manolo Lopez said Tuesday."It seems ililift na nila," . "Nakikita nila na ang torismo ay nakakatulong sa ekonomiya nila dito."He said Japanese officials want to take advantage of
the strong economy of Southeast Asian countries."I think with the stronger economy in Southeast Asia, talagang ang gumagatos dito among the tourists are Southeast Asians,”
Ayon naman sa Kyodo News Kyodo: Japan eyeing visa waiver for Pinoy tourists Ang gobyerno na mismo ng Japan ang nakikipag ugnayan sa kina uukulan para sabihin na maaring bumisita ang mga Pinoy sa Japan na hindi kailangan pang kumuha ng Visa. mismong si Prime Minister Shinzo Abe ang syang nag deklara, na ang Japanese government ang mismong gumagawa ng paraan upang ito ay maipatupad hindi lamang para sa mag Pilipino. Kundi maging ang bansang Indonesia at Vietnam.Malaki raw ang maari nitong maitulong sa pag hikayat ng mas marami pang dayuhan para sa nalalapit na 2020 Olympics. Inaasahan ito na maipatupad ngayong Hulyo 1, 2014. Ang gagawing ito ng bansang Hapon para sa Pilipinas ay isang magandang senyales ng pagtitiwala at sana ay huwag abusuhin ng ating mga kababayan upang mag tuloy tuloy na ang magandang pagkakataon na ito.
TAOID: National Heritage Month Kuha at Tektso ni Jane Gonzales
(L-R) National Committee on Historical Research head- Dr. Stephen Totanes, National Committee on Monuments and Sites head- Atty. Lucille Karen Malilong-Isberto, NCCA OIC Executive Director Adelina Suemith, NCCA chairman – Prof. Felipe De Leon, SCH Commissioner Fr. Harold Rentoria, National Committee on Museums head Amado Alvarez, and National Committee on Art Galleries head John Delan Robillos.
K
ung pagbabasehan ang mga kalamidad na naganap noong isang taon, tiyak na marami ang magsasabing kailangan nga ng pagsusuri sa mga cultural heritage sites na nasalanta. Pero bakit nga ba mahalaga ito sa kasalukuyan na pammumuhay ng mga Pilipino? Anu-ano ang ginagawa ng mga kinauukulan para mapanatiling matatag ang mga pamana ng nakalipas? Ngayong buwan ay masasagot ang mga katanungan na ito dahil na rin sa ang Mayo, kung kailan maraming kapistahan na nagaganap, ay ang naideklarang National Heritage Month (NHM) noong Agosto 11, 2013 sa bisa ng Proclamation No. 439. Ang NHM ay nilikha upang manatili ang pagkilala, kamalayan, respeto at pagpapahalaga sa makulay na kultura ng mga Pinoy gayon din ng pagmamahal sa bayan.
Ang NHM o tinatawag ding Taoid, isang salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay pamana, ay puno ng sari-saring aktibidad na binuo at pinamumunuan nina NCCA chairman Felipe M. de Leon Jr., OIC-executive director Adelina Suemith, and Subcommission on Cultural Heritage (SCH) head Rev. Fr. Harold Ll. Rentoria, OSA.
Hindi masasabing ordinaryo ang NHM dahil ito ay ang uri ng pagdiriwang na magsusuri sa mahahalagang pagkakilanlan sa mga Pilipino na kung minsan ay ‘di gaanong napapansin at kinakalimutan ng marami. Isa pa nga sa tinalakay sa media conference para sa Taoid ay ang malaking ambag ng mga cultural heritage sa turismo at kung bakit minsan mas mahal pa ang travel package sa ilang tourist spot sa bansa kaysa paglipad sa ibang bansa. “ Kapag stable ang kultura hindi na mahirap maiangat ang ekonomiya,” saad pa ni Chairman De Leon na malaki ang paniniwala na kailangan na magkaroon ng cultural development plan ang gobyerno. Ilan sa isasagawa ng mga komite sa ilalim ng SCH ay paglulunsad ng heritage clinic hindi lamang sa mga nasalanta ng bagyo at lindol kundi maging sa iba pang makasaysayang istraktura, bantayog, gallery at museo. Nagsimula ang selebrasyon ng NHM sa Limasawa Island, Southern Leyte na kung saan pinaniniwalaangunang nagdaos ng misa ang mga Katoliko. Gayon din magkakaroon ng “Bayanihan Project Series” na may clean up drive sa mga makasaysayang lugar at “ Mga Kwentong Pamana sa mga Bida” na isang paglalakbay sa iba’t ibang paaralan para manghikayat sa adbokasiya ng pangangalaga sa mga cultural heritage. Ang Taoid Heritage Program 2014
ay binubuo rin nina National Committee on Historical Research head- Dr. Stephen Totanes, National Committee on Monuments and Sites head- Atty. Lucille Karen MalilongIsberto, National Committee on Museums head Amado Alvarez, at National Committee on Art Galleries head John Delan Robillos. Ilan pa sa interesanteng proyekto na bahagi ng Taoid ay ang pagkakaroon ng Heritage Portal, isang website na nagbibigay ng update sa mga cultural heritage sites, paglulunsad ng local writing history contest, at pakikipagtulungan na magkaroon ng museum ang bawat lalawigan. Ang tema ng Taoid Heritage Program Celebration ngayon ay Pamanang Pinoy,
SPECIAL FEATURE 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2014 FIRST issue
page 5
pamilya? Kaya bang punuan ng pagmamahal ang kumakalam na sikmura? Nakakalungkot at nakakabahala na patuloy na tumataas ang populasyon sa Pilipinas ngunit kasabay nito ang pagtaas rin
T
i n a t aya n g n a s a 9 . 5 - 1 2 . 5 milyun ang kabuuang bilang ng mga Overseas Filipino Wo rke r s ( O F Ws ) ayo n s a t a l a a n n g P h i l . O ve r s e a s Employment Administration (POEA). Ibig sabihin ang bilang ng mga Pilipinong mas pinipiling mangibang-bansa ay patuloy pa rin na tumataas. Anu-ano nga kaya ang mga dahilan kung bakit napipilitan ang mga Pilipino na sumugal sa ibang bansa? Para sa isang bansang kabilang sa third world country kalimitan sa mga pamilya nito ay napipilitang maghiwa-hiwalay matustusan lamang ang kanilang pangaraw-araw na pangangailangan. Napipilitang mangibang bansa ang ilan, ang nasa probinsya ay sumusugal na lumuwas ng Maynila at kung hindi pa rin sapat, ang kanikanilang mga anak ay mapipilitang tumigil na sa pag-aaral upang maghanap ng trabaho o mapagkakakitaan. Isa rin ang patuloy na pagtaas ng populasyon, marami ang nakukulong sa ideya na ang isang relasyon ay binibuo ng pagmamahalan, ngunit ang pagmamahal ba na ito ay maaring bumuhay ng isang
ng talaan ng mga walang hanapbuhay. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga wa l a n g h a n a p - b u h ay d a h i l n a r i n s a kakulangan ng mga oportunidad lalonglalo na ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral. B a ga m a’ t i s i n u s u l o n g n gayo n n g administrasyong Aquino na ang bawat pamilyang Pilipino ay magkaroon ng isang myembro nito na magtapos ng kolehiyo, hindi pa rin ito sapat upang tuluyang masolusyunan ang kahirapan. Sa panahon ngayon, sadyang napakahirap humanap ng trabaho, kahit ultimong mga titulado at tapos ay nahihirapan makakuha ng trabaho. Kung kaya’t napipilitan ang iba na pumasok bilang isang “call-center agent”. Nagtitiis sa hirap ng “graveyard shift” maitaguyod lamang ang kanilang pamilya. Likas na masisipag ang mga Pilipino,
kaya naman kahit saan mang bansa sila mapadpad ay talagang nagugustuhan sila ng kumpanya at ng kani-kanilang mga amo. Ngunti hindi lahat ay nabibiyaan ng mabubuting mga “employer”. Marami pa rin ang nagtitiis mula sa mga malulupit na kamay ng kanilang mga amo. Ang iba pa’y naakusahaan ng hindi naman nila ginagawa ang krimen. Sa kasawiang palad ang iba ay napagsasamantalahan pa. Mga walang kalaban-laban ng mga kababaihan na ang
nais ay kumita ng sapat upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ngayon, Mayo uno, araw ng mga m a n g a g a wa n g P i n oy, k a b i - k a b i l a n a naman ang mga pag-protesta para ipaglaban ang kani-kanilang mga karapatan. Mapapakinggan nga kaya sila ng administrasyon o maihahantulad lamang sa mga nagdaang taon at administrasyon na kinasasanayan na lamang ang mga pagprotesta tuwing sasapit ang Labor Day.
pinoy na pinoy 6 page 6
Taurus - April. 21 - May. 21 Kung hindi ka sigurado sa iyong pinapasok, huwag mo munang ipilit. Kapag sinasabi sa iyo at lalo na kung kinukutuban ka na dapat kang maghintay, sundin mo muna. May mga bagay na hindi naman ipinagkakait pero kailangan lang mahinog bago mo makuha. Kung baga sa pagkain, masasarapan ka ba sa hilaw at walang lasang lutuin? Hindi ba’t bukod sa pinagsama-samang rekado ay naglalaan ka rin ng oras para sa preparasyon at panunuot ng mga pampalasa sa iyong niluluto. Ganito rin ang sitwasyon mo ngayon, huwag kang maging mapangahas na makuha ang bagay na hilaw na hilaw pa.
Gemini - May. 22 - June. 21
Palaging may kinalaman ang emosyon sa iyong mga desisyon at ito ay hindi nalalayo sa iyong mga plano ngayon. Hindi nga ba’t gusto mong magpasaya at maging masaya kasama ng iyong mga kaibigan na mahilig sa lakwatsa. Puno na ba ang schedule mo ng iba’t ibang aktibidad na gusto mong maranasan kaagad? Paano mo naman kaya ito magagawa kung may bagay o taong parang bumabalakid sa iyong plano? Relax! Wala naman talagang makakapigil, kapag ginusto mo.
Cancer - June. 22 - July. 22
Minsan ang tangi mo lang kailangan sabihin ay “oo” o “yes” dahil kung palagi ka lang umaayaw sa halos lahat ng bagay, doon na natatapos. Lahat ay natitigil na kaagad at kamalas-malasan ay hindi na nasusundan ang mga oportunidad na minsan lang kumatok. Kung gusto mo, interesante, mukhang may matutuhan kang bago at maganda o magpapasaya naman sa iyo sagutin mo ng matamis na “oo.” Saka mo na isipin ang susunod na hakbang, tandaan na sa bawat takbo ng oras kapag may isa kang pinapalagpas ay makailang beses kang magsisi sa tuwing maalala mo ito.
Leo - July. 23 - August. 22
Nakakagulat pero marami kang kakilala na nagsasabi ng mga bagay na iba sa kanilang ginagawa. Iyong akala mo ganito ang pananaw nila sa buhay pero kabalintunaan sa lagay ng kanilang pamumuhay. Huwag mo silang husgahan, puwedeng masabing mapagpanggap sila pero hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon. Wala naman perpekto at panaka-naka kailangan mo rin naman talagang gawin ang sunod na pinakamainam kaysa dun sa naiisip mong ideal. Sadyang may mga lumalabas sa bibig na laman lang ng isipin at puso pero hindi pa nila kayang tuparin. Ikaw man din ay nagkakaganito hindi ba?
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Simple lang naman ang formula para manalo sa anumang laro, alamin mo ang kung ano ang mga panuntunan dito. Kung alam mo kung ano ang mga dapat gawin, alam mo na rin kung ano ang dapat pagtuunan ng pansin, hindi puro palagay o maling akala. Ang ilan na dapat mong tandaan pa ay mga ginintuang aral gaya ng panatilihin mo ang iyong tiwala sa sarili, pananampalataya at huwag kang mang-apak ng ibang tao para lang manalo ka. Pero bago ang lahat alam mo ba ang pinagkaiba ng laro sa laban?
Libra - Sep. 24 - Oct. 23
Walang masama na magpatuloy sa nakasanayan pero kung hindi na ito epektibo para makamit ang iyong minimithi kailangan mong sumubok ng ibang paraan. Kung nais mo ng pagbabago dapat umiisip ka ng ibang ideya at maging matapang na subukan ito. Palaging may consequence sa bawat hakbang pero mas lalo kang nadadapa, mas lalo kang tatapang na tumayo at maghangad na magtagumpay. Walang mapapala ang pagsasayang sa oras dahil sa takot at kaduwagan. Pero higit sa lahat sayang ang iyong mga pangarap na nabuburo lang at lumalabo ng matupad.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2014 FIRST issue
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Ika nga ang buhay ay parang gulong, minsan nasa itaas ka at minsan ay nasa ibaba. Kaya sa panahon na akala mo puro kamalasan ang nagaganap sa iyong buhay, makakaasa ka na darating din ang punto na mababago rin ang iyong kapalaran. Pero may kondisyon din ito, kailangan na tulungan mo rin ang iyong sarili na umangat. Ang mahirap kasi sa ilan ay masyadong nilulugmok ang sarili sa kasawian na kahit may tsansa na silang muling makabangon ay halos sila pa itong tumatanggi sa pagkakataon. Sigurado naman na ikaw ay positibong tao, kailangan mo lang mo lang magpursige.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Hukayin mo muna ang lupa bago mo sabihin na may kayamanan dito. Katulad ito ng pagkilala muna sa isang tao bago mo s’ya husgahan ng pangit o maganda. Madaling makasilaw ang pananalita at pisikal na katangian pero kung patatagalin mo lang ang iyong pagkilala sa kanya ay makikita mo rin kung totoo ito o hindi. Gayon din naman ang ‘di kanais-nais na impresyon. May pagkakataon na kumukulo ang iyong dugo dahil pinagsabong kayo sa magulong sitwasyon pero iyon naman pala ay masarap siyang maging kaibigan. Sa madaling sabi, bawal maging judgemental.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Alam mo sa iyong sarili na mayroon kang mga kahinaan na dapat mong mabago. Ang tanging paraan dito ay patuloy na paghasa sa iyong kakayahan hangang sa maramdaman mo na lang na may kumpiyansa ka na sa iyong sarili. Ang pagsasanay mo naman ay hindi basta- basta at ikinasisiya mo ang matuto mula sa mga eksperto kaya mas lalong nadaragdagan ang iyong mga nalalaman. Kailangan mo lamang na palalahanin ang iyong sarili na maging masigasig parati lalo na’t pinakamalaking kalaban mo ay iyong katamaran at kayabangan.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19
Madaling madala sa emosyon lalo na kung pareho kayong in love sa isa’t isa. Para bang may mahika na pareho kayo ng klase ng tinatawanan, nagugustuhan at pinapangarap. Gayon pa man, sikapin na huwag laging ipagpalagay na pareho parati kayo ng tinatakbo ng iniisip. Palaging mag-iwan ng pagkakataon na humingi ng permiso at panatilihin ang respesto sa inyong sari-sariling buhay. Ang pinakamagandang susi para makamit nito ay huwag mawalan ng komunikasyon sa isa’t isa
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Pag-isipan mo rin ang mga pangitain, panaginip at kutob na iyong nararamdaman. Kung ano ang hindi nakikita ng iyong mata ay naipapaliwanag ng iyong puso’t isipan ikaw man ay may malay o nahihimbing. Ginagawa mo lang ba ang isang bagay dahil ito ang nararapat kahit hindi mo naman talaga gusto? Para bang nag-aalangan ka sa tunay niyang nararamdaman pero mas pinaniniwalaan mo ang kanyang mga sinasabi sa iyo. Hindi mo kailangan ng manghuhula para malaman ang sagot sa iyong mga haka-haka, paunti-unti ikaw na mismo ang nakakaramdam ayaw mo lang pansining maigi.
Aries - March. 21 - April. 20
Ang problema minsan ay hindi sa kung saan at sino ang iyong malalapitan kung hindi kung paano mo panghahawakan ang pagkakataon na naibigay sa iyo. Isa ka sa lapitin ng suwerte at kung minsan ay tila sobra-sobra ang mga pagpapalang dumarating. Nakakapanghinayang naman kung basta mo na lang tatalikuran ang iba rito. Walang tama o mali, pero ang mainam na matutong magpahalaga at maging mapagpasalamat sa iyong mga natatanggap na biyaya. Kapag dumating ang punto na nasa ibaba ka alalahanin mo na naranasan mo ang maging maligaya at mauulit nang mauulit ito.
pinoy-BiZz MAY 2014 First issue
page 7
model-host kat alano, umaming ginahasa ng isang public figure
I
namin ni Kat Alano, dating host sa Wowowee at MYX VJ na ginahasa siya may siyam taon na ang nakakaraan ng hindi pa niya pinangangalanang sikat na personalidad. Naganap umano ito sa kanyang apartment matapos manggaling sa isang bar. Sa salaysay ni Kat sa podcast show ni Mo Twister na Good times with Mo, nagprisinta umano ang kanyang rapist na ihatid siya sa kanyang tinutuluyan. Nagtiwala naman umano siya dahil ipinakilala ito ng isa sa kanyang mga kaibigan. Pero sa daan pauwi sa kanila ay biglang may kakaibang naramdaman si Kat sa kanyang katawan na noon n’ya lang naranasan. Aniya, noong panahon na iyon hindi pumasok sa isipan n’ya na baka nilagyan ng droga ang kanyang ininom. Basta nag-black out na lang siya sa mismong pintuan pa ng kanyang tinutuluyan. At habang may ginagawang kababalaghan ang lalaki sa kanya ay walang siyang magawa kundi magising at mawalan ng ulirat. Siyam na taon na kinimkim ni Kat ang masalimuot na kwentong ito at ang nagtulak sa kanya na isapubliko ito ay dahil sa isyu nina Deniece Cornejo at Vhong Navarro. Wala umanong kinalaman sa kaso ng dalawa ang kanyang kwento pero nais niya lang ilabas ang sama ng loob niya. “I wanted this to go away, I wanted to sweep this under the rug, I wanted it to bury it.I wanted it to die. I wanted to forget. I never wanted to think about it again,” saad pa nito na akala niya wala na ang lahat pero sa nakalipas na tatlong buwan ay nakakaramdam siya ng anxiety attack at naiiyak na lamang s’ya nang hindi niya alam ang rason. Wala raw siyang balak na kasuhan ang nang-rape sa kanya dahil sa usaping pera at ang nais niya lang ay maibahagi ang kanyang kwento bilang isang biktima ng rape para mapalaya ang kanyang
claudine, inakusahang gAb valenciano, sumubok sa america's got talent magnanakaw
M
I
binalik kay Claudine Barretto ang paratang niyang pagnanakaw ng kanyang dalawang dating kasambahay na sila Jenifer Murillo at Malou Becher dahil siya naman ang nahaharap ngayon sa kasong robbery ng mga ito sa Marikina Regional Trial Court. Bago pa man umusad ang kasong ito ay naunang nang ibinasura ng korte ang kasong Qualified Theft ni Claudine sa dalawa na kanyang pinalayas sa kanilang tahanan. Ayon sa akusasyon ng aktres ay kinuha nina Murillo at Becher ang kanyang Louis Vuitton bag at ilang painting. Pero sa suportang salaysay ng kanyang nakahiwalayang asawa na si Raymart Santiago ay sa kanya talaga ang nasabing mamahaling gamit at siya mismo ang kumuha ng mga ito. Bukod sa aktor ay mayroon pang iniharap na saksi laban sa mga paratang ni Claudine na dahilan para mapawalang saysay ito. Konektado sa na-dismiss na kaso ang akusasyon ng dalawang dating kasambahay ni Claudine. Ayon sa ibinaging impormasyon ni Atty. Rico Quicho, legal counsel nila Becher at Murillo, kinumpiska ni Claudine ang mobile phone at iba pang gadgets ng dalawang dating katulong bago palayasin sa kanilang tahanan sa Loypla Grand Villas bandang Agosto 2013. Kung sakali man na maaresto si Claudine ay maaari s’yang makapagpyansa ng Php100, 000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Pero sa pahayag na ibinahagi nito ay sinabi niyang baka makulong na lang s’ya dahil mas nanaisin n’yang mapiit kaysa maibigay ang Php100,000 sa pangangailangan ng kanyang mga anak na sila Sabina at Santino. Dagdag pa nito, patuloy siyang hina-harass ni Raymart at ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen na sabwat umano para siraan siya. Sinabi rin ni Claudine na impokrito si Raymart sa pagsasabing mahal nito ang kanilang mga anak gayong hindi ito nagbibigay ng sustento at siniraan siya nito sa madla bilang ina ng mga bata. “AS MY ENEMIES RAISE THE SPECTER OF MY POSSIBLE ARREST AND INCARCERATION, MY FOREMOST CONCERN IS NOT THE DANGER OF JAIL, BUT HOW TO EXPLAIN TO MY CHILDREN THE SITUATION WHERE THEIR FATHER, WHO PUBLICLY CLAIMS TO LOVE THEM, CAN ACTIVELY PARTICIPATE IN ACTS THAT DEMEAN THE PERSON OF THEIR MOTHER AND HUMILIATE HER NUMEROUS TIMES IN PUBLIC, WHICH ACTS HAVE HAD A PROFOUNDLY HARMFUL EFFECT ON THEIR COMMON CHILDREN—SABINA AND SANTINO—AND WHICH HAVE SUBJECTED THEM TO DEEP EMOTIONAL PAIN AND TRAUMA, AS WELL AS CRUEL TEASING AND BULLYING, CONSIDERING THAT THEY ARE AT PRESENT BEING RAISED BY THEIR MOTHER AS A SINGLE PARENT, WITHOUT ANY MATERIAL SUPPORT FROM THEIR FATHER,” ang bahagi ng press statement ni Claudine na naka-all caps.
arami na ring may dugong Pinoy ang sumubok at nakilala sa iba’t ibang international competition pero sa next season ng America’s Got Talent, ang sikat ng anak ni Gary Valenciano na si Gab ang sumali. Ang binata na kilala sa galing sa sayaw ay sinusundan din ngayon sa mga hit “super selfie” video posts nito sa Youtube. Sa teaser ng nabanggit na programa ay isa sa Gab sa ipinakitang nagaudition mula sa libo-libong nangangarap na makapasok dito. Sa nasabing teaser ay ipinakita ang kanyang kilalang istilo ng pananamit at pagsasayaw sa kanyang video. Bunsod ng pagsali ni Gab ay mas lalong kaabang-abang ang programang ito na kung saan tumatayong hurado sina Howard Stern, Melanie Brown, Heidi Klum at Howie Mandel. Bata pa lamang ay napapasama na si Gab sa ilang concert ni Mr. Pure Energy kung saan naipapakita niya ang kanyang husay bilang mananayaw. Bago siya tumulak sa Estados Unidos noong nakaraang taon para mag-aral sa Full Sail University sa Florida ay isa na siya sa mainstay performer sa ASAP. Bagama’t malayo sa ‘Pinas ay hindi naman siya nawawala sa sirkulasyon lalo na nga’t umaani ng kasikatan ang kanyang mga videos na minsan na ring naitampok sa Good Morning America.
JESSY MENDIOLA, ANG BAGONG "DARNA?"
"S
ino ba naman ang hindi matutuwa? Sino ba naman ang ayaw na maging Darna? Dati ko pa talagang gustong maging isang superheroine, lagi ko 'yan ini-express, dahil si Darna ang Number One sa mga Pinoy, saad ni Jessy Mendiola sa usap-usapang siya ang gaganap sa TV incarnation ng Pinoy Superheroine na si Darna. Saad pa ni Jessy, Paborito nya talaga si Darna dahil sa kanyang katangian "She's very feminine yet strong," Tatlong buwang na mula matapos ang kanyang teleserye na Maria Mercedes, hindi naman natetenga si Jessy dahil sa marami paring siyang mga proyekto kabilang na rito ang kanyang mga commercials at appearances sa iba't-ibang out-of-town shows. Nandiyan na rin naman ang ginagawa nilang pelikula ni John Llyod cruz. S'ya na ba ang magiging next Darna? Ayon sa Lionheart poll maraming kalaban si Jessy Mendiola sa role na ito, nan diyan na rin ang actress na si KC Conpection, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Cristine Reyes, Bea Alonza at Angelica Panganiban.
benjamin at jennylyn, nagkakamabutihan na?
M
alakas ang bulong-bulungan na may namumuong extra closeness sa pagitan nila Kapuso hunk actor na si Benjamin Alves at TV host actress na si Jennylyn Mercado. Sinabing isa pa nga ang aktor sa bumisita kay Jen noong naospital ito kamakailan. Siya na kaya ang bagong lalaking nagpapatibok sa puso ng dalaga. Itinanggi ni Jen na may espesyal silang pagtitinginan ng isa lead star sa katatapos lang na Adarna. Noong dumalaw ito sa kanya sa ospital ay hindi naman umano ito nag-iisa. Ipinagtataka rin ng dalaga na nakarelasyon din nila Dennis Trillo at Luis Manzano kung paano sila nagkaroon ng isyung dalawa. Pero inamin nito na teammate sila ng binata sa pagdadiving na matagal na rin umanong ginagawa nito. Si Jen na nahilig sa pagda-dive dahil sa impluwensya ni Luis ay nahirang na Ambassador of the Ocean ng DENR (Department of Environment and Natural Resources). Sa nasabing posisyon s’ya ang magsisilbing endorser ng clean up operation sa mga karagatan na pasisinayaan ng ahensya.
Samantala, matipid din ang sagot ni Benjamin tungkol dito. Aniya, ayaw niyang bigyang kulay at pangunahan ang mga bagay-bagay pero sa ngayon ay magkaibigan sila ng pangunahing bida sa primetime series na Rhodora X.