Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SECOND ISSUE JUNE 2016
Pinoy na Pinoy your weekly horoscope
Food Trip at Home
Tara Let's
Pinoy Showbiz
Pinoy Global
Pinoy Local
Tara let's ipagdiriwang ang
KALAYAAN NG PILIPINAS
See page 5 PHOTO CREDIT: Jane Gonzales
Emma Vicera from Bacolod in pilot episode of 'Ray Donovan'
"Ray Donovan" a popular TV series in the U.S. has cast Emma Vicera a 72-year old grandmother from Bacolod CIty. Emma Vicera will play the role of a Native American Governess in this pilot episode of Ray Donovan for it's fourth season, Emma will work opposite Ted Levine, another popular actor. This series also stars Angelina Jolie's dad Jon Voight, Paula Malcomson (Hunger Games) and Lieve Schreiber (The 5th Wave). The Ray Donovan series broke records of viewership on it's pilot episode, becoming the biggest premier of all time on Showtime channel in 2013. The show takes place in Los Angeles, California, where IrishAmerican Ray Donovan (Liev Schreiber), originally from South Boston, works for the powerful law firm Goldman & Drexler, representing the rich and famous. Donovan is a "Fixer" or a person who arranges bribes, payoffs, threats, etc. to enable a criminal to avoid punishment. Ray experiences his own problems when his father, Mickey Donovan (Jon Voight), is unexpectedly released from prison, and the FBI attempts to bring down Ray and his associates.
THE DEPARTMENT OF TOURISM-PHILIPPINES TAKES OVER THE LONDON WATERLOO STATION From April to May, the London Waterloo Station was transformed into an emmersion zone where commuters were given a sneak peek on what it's like to have a holiday in the Philippines. The Philippine Department of Tourism in London showcased banners and posters with it's popular slogan "It's more fun in the Philippines." Commuters got a taste of what it's like to take a holiday in the Philippine with photo booths featuring iconic spots enabling them to take pictures with them in it, VR room where they can really see what it's like to be in the Philippines. London commuters who drop by in the booths received instant prizes,which are tokens for their time and recognizing their booths. Some even won air tickets to the Philippines to make their dream vacation come true. This campaign was organized by the DOT as a part of the Visit Philippine Again 2016. According to Gerard O. Panga, director of the Embassy of the Philippines in
London " The whole thing is branded as Philippines so that in itself gives them an island feeling. Now it’s very cold, so they want to have this feel of island so it’s been very good so far. And we have offsite promotions as well."
UN SECRETARY-GENERAL
BAN KI-MOON KINONDENA ANG EXTRAJUDICIAL KILLINGS
Sa kanyang pagharap sa UN Correspondents Association Reception sa New York ay kinondena ni United Nations Secretary-General Ban Ki-Moon ang tila pag-eendorso ni President-elect Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings. Continue on Page 2
KRISTINE HERMOSA, NAG-SHOWBIZ COMEBACK SA KAPUSO NETWORK
Ilang taon ng inactive sa showbiz ang dating perennial ka -love team ni Jericho Rosales na si Kristine Hermosa. Ngayon taon ay nagbabalik na ito sa telebisyon pero sa pagkakataon na ito ay bilang Kapuso. Kasama siya sa sitcom na Hay, Bahay na pinagbibidahan ni Vic Sotto, Ai Ai delas Alas, at ng asawa n’yang si Oyo Boy Sotto. Ang Hay, Bahay ay ang kapalit ng Vampire ang Daddy Ko na pinagbibidahan din ng magamang Vic at Oyo. Kung bibilangin ay may limang taon nang huling napanood si Kristine sa TV sa pamamagitan ng kanyang guesting sa Noah na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Pero noong mga panahon na iyon ay panaka-naka na lang din ang kanyang paglabas sa TV. Continue on Page 7
First Issue.indd 1
2016/06/14 10:38:18
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
June 2016 / second issue
page 2
Cover Story Basahin ang kaniyang talumpati: It gives me great pleasure to attend this annual reception and to receive a copy of the UNCA Directory for one final time as Secretary-General of the United Nations. When I am relaxing with my grandchildren next year and they ask me, “What did you do when you were Secretary-General?” I can show them the photos in this directory and tell them: “I had to answer tough questions from all these people.” Tomorrow, I will take your questions at a press stakeout, and I know some of them will be hard to answer. But I am looking forward to it, because I have always valued the work you do. Put simply, we couldn’t succeed without you. I thank you for all you have done, and once more, I pledge my support for you and all your colleagues. I will continue to defend the rights of journalists and to do everything possible, publicly and privately, to ensure that journalists have the freedom to work. I am pleased to say that our efforts behind the scenes to free detained journalists have had some success, although we cannot speak publicly about specific cases. I am extremely disturbed by recent remarks by the President-elect of the Philippines, Rodrigo Duterte. I unequivocally condemn his apparent endorsement of extrajudicial killing, which is illegal and a breach of fundamental rights and freedoms. Such comments are of particular concern in light of on-going impunity for serious cases of violence against journalists in the Philippines.I will also continue to stand up for the rights of journalists and their defenders to be represented here at the United Nations. I have expressed my disappointment that the NonGovernmental Organization Committee voted to deny the Committee to Protect Journalists consultative status with the Economic and Social Council. Ladies and gentlemen, Today, I want to thank two UNCA members in particular. Edie Lederer has marked 50 years of service with the Associated Press. Congratulations, Edie! You are a true pioneer, and I hope and expect that you will hold my successor to account, just as you have done for me! I also thank Lou Charbonneau, who is leaving Reuters to become the new UN Director of Human Rights Watch. Lou, I am sure you will bring your sharp reporter’s eye to this new task. And I have presents for each of you.
Ayon kay Education Sec. Armin Luistro ay tinatayang 25-milyong estudyante sa kinder, elementary at high school ang inaasahang dadagsa sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa buong bansa. Aniya handang-handa ang kagawaran para sa school year 2016-2017. Sinabi ni Luistro, nasa isang milyon ang papasok sa Senior High Scholl (SHS) Grade 11, habang ang 24-milyon ay sa kindergarten, elementary hanggang grade 10 mula sa mga pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa. Pinabulaanan naman niya ang pahayag ng mga militanteng mag-aaral na 303,722 estudyante lamang ang nag-enroll sa SHS bagkus ay nasa isang milyon na ang papasok sa grade 11 na siyang first batch ng full implementation ng K-12 program ng pamahalaan. Inaasahan ni Luistro na dadami pa ang mag-e-enroll hanggang sa Hunyo 17 na siyang huling araw na maaaring i-accommodate ang isang estudyante sa SHS na late enrollees. Inihayag pa ni Luistro, sa ngayon ay wala pa silang nakikitang problema sa pagbubukas ng klase at kung magkakaroon man ng suliranin ay tiyak na mareresolba, tulad ng kakapusan ng silid aralan, libro at iba pa. Payo ng Kalihim sa mga estudyante na pumasok nang maaga upang hindi ma-late sa klase dahil sa inaasahang matinding trapik lalo na sa Metro Manila. Sa mga magulang na may katanungan pa sa pagbubukas ng klase, maaaring tumawag sa DepEd hotline na 6671188.
First Issue.indd 2
Libreng WiFi sa MRT3 Magandang balita ang ipinaabot ng Department of Transportation and Communication (DOTC) dahil magkakaroon na ng libreng wifi access ang daan-daang libong mananakay ng Metro Rail Transit (MRT)-3. Ayon sa (DOTC) ay nakipag-ugnayan sa kanila ang Globe para mag-set up ng wireless internet sa MRT-3 na maaaring magamit ng libre ng mga pasahero sa loob ng 30-minuto kada-araw. Tila malaking tulong sa halos kalahating milyong pasahero ng MRT-3 araw-araw ang libreng paggamit ng wifi upang makipag-ugnayan sa kani-kanilang mahal sa buhay, personal at business transaction. Samantala, naghahanap ngayon ang DOTC ng 30 bagong makinista/train operator na siyang hahawak at magpapatakbo sa mga bagong dating na bagon ng MRT-3.
Ayon kay Roman Buenafe, general manager ng MRT3, ang paghahanap nila ng karagdagan 30 makinista at madaragdag sa 90 train operator ngayon ng MRT. Sa ngayon, walo na ang dumating sa bansa sa kabuuang 48 bagong bagon na binili ng DOTC sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Co. sa bansang China.
Panukalang pagbitay sa mga kriminal, hihimayin Sa pagdiriwang ng kanilang ika-sandaan at labinlimang anibersaryo ng kanilang institusyon ay sinabi ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ng Supreme Court na isasaalang-alang muna sa legislative process ang panukala ni Presidentelect Rodrigo “Rody” Duterte na bitayin ang mga kriminal na nakagawa ng karumal-dumal na krimen. Dagdag pa ni Sereno na malapit nang magbukas ang sesyon ng Kongreso at kailangang ipaubaya sa mga mambabatas ang naturang usapin. Tanging political will at logic lamang ang rekisitos para maipasa ang gusto ni Duterte. Ayaw namang magkomento ni Sereno kung posible ang pagbitay sa 50 kriminal kada buwan. Paliwanag ni Sereno ang lahat ng usapin ay dapat na idaan sa proseso upang maging patas sa lahat bago ipatupad.
Maling pag-uulat ang dahilan ng "maling preception" ni UN Sec Ban Ki-Moon kay Duterte
Dahil sa maling pag-uulat ng media kaya inakalang ine-endorso ni President-elect Rodrigo Duterte ang extra judicial killings sa Pilipinas kung kaya’t nagkaron ng “maling perception” si UN Sec. Ban Ki-Moon, ani incoming Presidential Sporkesman Atty. Salvador Panelo. Ayon kay Panelo, hindi sinusuportahan ni Duterte ang extra judicial killings kasunod ng pagbatikos ng UN sa pag-aakalang inendorso ng una ang pagpatay sa mga mamamahayag. Wika ni Panelo, nakakalungkot na nagpalabas ng matinding statement ang UN chief laban kay Duterte na nanalo ng landslide sa nakaraang May 9 elections. “Obviously, the UN secretary general believed the incorrect news reports that gave rise to such wrong perception. The President-elect has not endorsed, cannot and will never endorse extrajudicial killings they being contrary to law,” saad ni Panelo. Binigyang diin ni Pan elo na kailan man ay hindi papayagan ni Duterte ang extra judicial killing at sa akusasyon na tila nanghihimok pa umano siya ng karahasan sa Pilipinas. Hindi rin umano niya papayagan ang pagpatay sa mga journalists o sino mang mamamayan. Bilang pangulo, gagawin umano ni Duterte ang kanyang “constitutional duty” upang ipatupad ang batas. “His utterances on media killings were reported incorrectly giving rise to the wrong perception that he was encouraging lawless violence. Consequently, he chastises media persons who practice irresponsible journalism,” ayon sa statement ni Panelo.
Iginiit pa na determinado ang President-elect na lipulin ang anumang uri ng krimen sa bansa alinsunod sa itinatakda ng Constitution. “Under a Duterte presidency, the Bill of Rights as enshrined in the Constitution shall be in full bloom,” giit pa ni Panelo. Agad na kinondena ng UN ang naging pahayag ni Duterte na kaya napapatay ang mga mediamen dahil sa pagiging corrupt at bias. “I am extremely disturbed by recent remarks by the President-elect of the Philippines, Rodrigo Duterte. I unequivocally condemn his apparent endorsement of extrajudicial killings, which is illegal and a breach of fundamental rights and freedoms,” ayon sa UN secgen.
Nakapasa si Iranian point guard Mohammad Jamshidi sa height limit para sa mga Asian imports na maglalaro sa darating na 2016 PBA Governors’ Cup sa Hulyo 15. Nasukatan si Jamshidi sa taas na 6-foot-2 3/4 para makapasok sa 6-foot-3 height limit para sa mga Asian imports. Maglalaro si Jamshidi, ang point guard ng Iranian national team na humarap sa Gilas Pilipinas sa isang tune-up game bilang paghahanda sa FIBA Oympic Qualifying Tournament, para sa Meralco Bolts. “We are pleased to announce that Mohammad Jamshidi, member of the Iranian National Team for the Meralco Bolts as an Asian import in the upcoming third conference,” pahayag ng Meralco sa isang statement. “His all-around game, versatility, and experience in international competitions will be a welcome addition to the Bolts,” dagdag pa ng koponan. Ang mga PBA teams ay pinapayagang kumuha ng Asian import na may height limit na 6’3.
Samantala, mula sa Barangay Ginebra at Globalport ay lumipat si import Dior Lowhorn sa Rain or Shine. Naglaro si Lowhorn, produkto ng Texas Tech, para sa Gin Kings noong 2013 PBA Governor’s Cup bago kumampanya sa panig ng Batang Pier sa sumunod na taon. Hangad ng Elasto Painters ang kanilang ikalawang sunod na PBA crown matapos pagharian ang nakaraang PBA Commissioner’s Cup. Maliban kay Lowhorn, ang iba pang balik-imports ay sina Marqus Blakely (Star), Arizona Reid (San Miguel), Paul Harris (Ginebra), Bill Walker (NLEX), Eric Dawson (Blackwater), Dominic Sutton (Globalport) at Allen Durham (Meralco). Ang mga bago namang paparada ay sina James White (Mahindra) at Jason Maxiell (Talk ‘N Text). Kasalukuyan namang naghahanap ng kanilang reinforcements ang Alaska at Phoenix para sa seasonending conference.
Iranian import pasok sa 2016 PBA Governor's Cup
2016/06/14 10:38:24
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
June 2016 / second issue
6 Must-See Adventurous Tourist Spots in Visayas Besides Boracay or Cebu, the Visayas islands boast of varied natural and man-made structures that can fill the travelers' adventure streak. Here are the 6 must-see tourist spots off the beaten track in Central Philippines:
Mararison Island – Antique Just a stone’s throw away from worldfamous Boracay is Mararison Island in Culasi, Antique. But the similarity stops there as the island has been able to maintain its setting of unspoiled tropical paradise with white sand and spectacular views around the island.
Sambawan Island – Biliran Pegged as Biliran’s answer to paradise, Sambawan Island presents a semicurved beach, towering rock formations, white sands and marine life amid calm blue waters south of the Samar Sea.
Kalanggaman Island – Leyte The fine white sands of Kalanggaman Island set off by azure waters of Leyte
page 3
RUSSIAN POPULAR T-SHIRT SELA TO FEATURE PHL TOURISM
can charm any weary traveler eager to enjoy a beach without the usual crowds of more commercially known beach fronts.
Sohoton Caves and Natural Bridge National Park – Samar Lonely Planet introduces Sohoton Caves and Natural Bridge National Park in Samar as best accessed through Tacloban where the journey upriver to the park from Basey promises to delight the nature-lover. Visitors are treated to caves with massive, gleaming stalagmites and stalactites. Sohoton River is flanked by the 23foot and 40m length Natural Bridge that connects two mountain ridges.
Cambugahay Falls – Siquijor Ranked by Trip Advisor as first mustsee destination in the island province of Siquijor, Cambugahay Falls enchants visitors to jump off the cliff or swing into its blue waters. Salagdoong Beach – Siquijor Rock formations surround Salagdoong Beach giving the adventurer a raw feel of nature amid modern comforts.
SELA the largest T-shirt apparel line in Russia featured 6 designs of the Philippine Tourism destinations. This new designs are called "Inspired by the Philippines" feature such wonderful places in the PH Manila, Cebu, Bohol and Siargao. This Philippine-inspired shirts are now being sold in 400 SELA store across Russia, Kazakhstan, Kirgistan, Ukraine and Belarus and SELA's online shop. The retail fashion advertising to promote Philippine tourism was made possible by the partnership of the Philippine Department of Tourism (DOT) and SELA, the largest fashion retailer in Russin Federation and the Commonwealth of Independent states (CIS). According to the DOT Assistant Secretary Arturo Bancato, Jr., who is the DOT at Moscow “the concept of using T-shirts as walking billboard advertising for the Philippines in a huge country like Russia came from Tourism Secretary Ramon R. Jimenez, Jr. The six-piece fashion line consists of T-shirts for men, women, and children, and are complemented with Philippine-made fashion accessories, like bags, bracelets and fashion jewelry. The Russians are very fond of fashion. Using T-shirts for advertising Philippine tourism destinations is an effective way to establish the Philippine brand in the Russian market’s consciousness. It is a fast way for product awareness and name recall, particularly among the young travellers.”
According to DOT Director Verna Buensuceso, who handles the Russian market for DOT, “the average age of the Russian tourists to the Philippines is 36 years of age and most of them are professionals, who come with their spouses and children. They visit the Philippines for leisure and they prefer beach holidays, sightseeing, shopping, and scuba-diving as tourism activities. 80% of the time, it is the women who make the decision on the choice of holiday destination for the Russian family.”
Chiba Ken Funabashi Shi Honcho 2-6-1 K-Mall Nibankan 3F
6 RASON BA'T MASAYA UMAKYAT SA BUNDOK ni Irene Tria Minsan kong narinig na “kalokohan” daw ang pag-akyat ng bundok, sabi ko
ang simoy ng hangin sa loob ng kagubatan, at sobrang preserved. Ngunit
naman, hindi naman kalokohan matatawag yun lalo na’t sa katulad kong maraming
nalulugkot ako sa mga basurang iniiwan ng mga umaakyat. Simpleng
deficiency.
maliit na balat ng candy ay hindi pa maisilid sa mga bulsa nila para sa
Yes!I must admit, I am definitely not physically fit. I have dextroscoliosis. I am Acrophobic (fear of heights). I am claustrophobic (fear of confined places). And
pagbaba na lang nila maitapon sa basurahan. 5. Witness God’s creation - Tunay ngang mapaghimala ang Diyos. Sinong
lastly, I have problems with balance because I’m semi-flat footed.
mag-aakala na sa tuktok ng bundok kung saan diretsong tumatama ang
Hindi kalokohan ang matatawag dun, kundi conquering fears.
sikat ng araw ay mga halaman na roon mo lang masisilayan. Indeed,
Ano nga ba ang nakukuha ko sa pag-akyat ng bundok? ‘Yan ang tanong sa akin ng
everything on earth has its purpose on earth has its purpose. We live to
magulang ko. Bukod sa papagurin ko raw ang sarili ko ay ilalagay ko pa sa panganib ang buhay ko. Ito ay dahil ang aksidente ay laging nandyan, kahit anong pag-iingat ay hindi mo maiiwasan. So anong satifaction nga ba ang nakukuha ko sa pag-akyat ng bundok?
become a blessing to each and everyone. 6. Push yourself beyond the limit - Sa rami ng kahinaan ko, hindi yun naging balakid upang di ko marating ang tuktok ng bundok. Napatunayan ko na nasa isip lang lahat ng iyan. Kung "negatron" ay di ka talaga
1. One with mother nature - Believe it or not, I’m a nature lover hindi
makakarating. Pero kung sasabihin at iisipin mo, na kaya mo, hindi
nga lang obvious. It amazes me, every time I see trees, mountains, at higit
mo mapapansin na nandoon ka na pala. Okay lang madulas at madapa
sa lahat, sobrang priceless to see a virgin forest kung saan ang dahilan ng
paminsan-minsan, ang importante ay hindi ka sumuko at wala kang “what
pagkabasa at pagkadulas ay dahil sa hamog. Sobrang kahit mahirap ang
if” sa buhay mo.
pag-akyat at delikado, sulit naman na marating ko ang summit ng Mt. Tarak Ridges. 2. Peer pressure? - Hindi peer pressure ang pag-akyat ko ng bundok kundi bukal sa aking loob. Oo masarap kasama ang mga kaibigan mo habang
Meatball Skewer
Masakit sa katawan, nakakapagod, pero hindi ako titigil na tuklasin pa ang mga natitirang bundok sa Pilipinas. Ika nga ng pinsan ko, “Faint hearted are only for the weak”. Mayaman ang Pilipinas hindi lang natin inaalagaan.
tinatahak mo ang mga daan patungong langit. Dahil ang pakiramdam mo nasa langit ka na kapag naabot mo ang tuktok ng bundok. 3. Challenge accepted - Dahil sa mga iniinda kong kahinaan both physically and psychologically. Napatunayan ko na kaya ko at ang takot ang dahilan ng pagkabigo. Bakit ka nga susuko, kung hindi mo pa nga nasusubukan? 4. Philippines are blessed - Sa tuwing umaakyat ako ng bundok, halong kasiyahan at kalungkutan ang nararamdaman ko, masaya ako dahil ang dami pang bundok na matatayog pa ang puno, sobrang virgin pa, malamig
First Issue.indd 3
2016/06/14 10:38:35
pinoy community 4 page 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
June 2016 / second issue
Prep time: 5min Cook time: 20mins Total time: 25mins Serves: 4 Ingredients
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle
h okra wit ginisang flakes fish
• 12 to 15 pieces okra, sliced • 4 pieces galunggong fish, fried • 1 medium yellow onion, chopped • 2 medium ripe tomato, cubed
• 5 cloves garlic, crushed and chopped • 2 tablespoons fish sauce (patis) • 1/8 teaspoon ground black pepper • 2½ tablespoons cooking oil
Instructions 1. Separate the fish from the bones using your fingers. Shred the fish and set aside. 2. Heat the cooking in a large wok of frying pan. 3. Once the oil gets really hot, saute the garlic and onion. 4. Add the tomato and shredded fish. Cook for 2 minutes. 5. Stir-in the sliced okra. Cook in high heat for 5 to 10 minutes. 6. Add fish sauce and ground black pepper. Stir and cook for a 2 minutes. 7. Transfer to a serving plate. Serve with rice.
FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
First Issue.indd 4
Most of our Filipino dishes are simple and easy to prepare. Ginisang Okra with Fish Flakes is one of these dishes. If you like okra and enjoy fried fish, you will love this sautéed vegetable dish. You have a lot of good things to say about this ginisang okra dish. Aside from being yummy, it is healthy (as long as you do not use too much fish sauce and bagooong), and it is inexpensive. Just so you know, you can make ginisang okra without fish flakes. Simply follow the same recipe below and omit the fried galunggong. If you insist of having meat in it, you can use pork. Slice the meat thinly for best results.
2016/06/14 10:38:48
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER SECOND issue June 2016 /2014 second issue
page 5
Tara let's ipagdiriwang ang
KALAYAAN NG PILIPINAS
Tektso at kuha ni Jane Gonzales
Nitong Huny 12, 2016 ay ang ika -118 taon nang araw ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa lagpas 300 taong pananakop ng mga Kastila. Isang makabuluhang kasaysayan na ipinaglaban at pinaninindigan ng mga Pinoy kaya marapat lamang na gunitian. Halina’t balikan ang ilan sa mga makasaysayang lugar na may kaugnayan sa Philippine Independence Day: Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite Makasaysayan at makulay ang ancestral house ng kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas na si Gen. Emilio Aguinaldo. Sa teresa nito niya ang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas at idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas. Ang bahay ay may kabuang lote na 7000 square meter at kapansinpansin ang pagka-mansyon nitong laki at itsura. Pero ang naiiba pa rito ay mga tunnel o lihim na lagusan na na lulusot sa iba’t ibang lugar sa Cavite gaya ng tinawag na Bomb Shelter. Sa pagpasok sa tunnel ay aakalain mong isang maliit na balon pero ito pala ay lagusan patungo sa isang simbahan. Samantala, makikita ang mga antigong muebles (furniture) sa sala na ang ilan ay may doble pang gamit. May upunan dito na puwedeng lalagyan ng baril o dokumento, at dekorasyon sa dingding na puwedeng lalagyan ng baso o magsilbing ash tray. May tatlong bahagi ang bahay at nasa gitna nito ang patungo sa tore na ang pinakatuktok ay silid ni Gen. Aguinaldo. Taong 1963 n’ya ito ipinagkatiwala sa National Historical Commission of the Philippines bilang museo. Ang kanya lamang kondisyon ay dito rin s’ya ilibing sa kanyang pagpanaw na natupad naman. Ang kanyang puntod ay matatagpuan sa likuran ng ancestral house.
First Issue.indd 5
Fort Santiago sa Intramuros, Manila
Vigan City, Ilocos Sur
Magandang libutin ang buong Intramuros pero ang hindi dapat palagpasin dito ay ang Fort Santiago. Sa loob nito matatagpuan ang dambana ng Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose P. Rizal. Dito siya ikinulong bago mapagpasyahan barilin sa Bagumbayan o Luneta noong Disyembre 30, 1896. Bagaman, dalawang taon pa ang lumipas pagkatapos ng kanyang pagkamatay ang malawakang himagsikan ay hindi mapapasubalian na malaki ang kanyang impluwensya sa mg rebolusyonaryo. Kabilang sa kanyang tagahanga ay ang Supremo ng Katipunan na si Gat. Andres Bonifacio. Samantala, ang kanyang pagkamatay ay nagsilbing mitsa upang lalong mabuhay ang nasyonalismo sa mga Pinoy. Ang Rizal Shrine ay itinayo noong 1953 at nasa loob nito ang naging selda ng may-akda ng Noli Me Tangere.
Maipagmamalaki ang Lungsod ng Vigan dahil sa magagandang tanawin dito na napangalagaan mula pa noong ng mga Kastila. Subalit maliban sa pagiging isa nito sa New 7 Wonder Cities ng UNESCO World Heritage Site ay hitik din ito sa istorya. Noong panahon ng mga Kastila ay maraming rebolusyonaryo ang nagmula rito kabilang na ang mag-asawang Diego at Gabriela Silang. Sila ang nagpasimula ng Ilocano Revolt noong 1762. Noong panahon naman ng himagsikan ay nanguna sa laban si Heneral Manuel Tinio. Ang kanyang hukbo ay matagumpay na nabawi ang Vigan mula sa puwersa ng mga Espanyol na tinawag na Siege of Vigan. Si Tinio ay isa sa maasahan na batang heneral ni Aguinaldo at laging tumatayong tagapagtanggol ng Vigan kahit pa noong pananakop ng mga Amerikano. Samantala, ang ilan sa pinakasikat na lugar sa Vigan ay Calle Crisologo na isang cobble-stoned street, Syquia Mansion na tinirahan ng ika-6 na Pangulo ng Pinas na si Elpidio Quirino at Bantay Church. Sinasabing sa paligid ng simbahan na naganap ang sagupaan ng kampo ni Diego Silang laban sa mga Kastila.
Ito ay dating bodega at kainan o Cuarto de Repuesto.
2016/06/14 10:39:07
pinoy na pinoy 6 page 6
Gemini - May. 22 - June. 21 Nakaapekto sa iyo ang kabiguan o pagkadiskaril ng iyong plano. Bunsod nito ay bumabagal din ang iyong pagkilos para sa iyong ibang gawain at nagkakaroon ka ng pag-aalinlangan sa iyong kakayahan. Bagaman, maaari kang makadama ng pagkadismaya, pagkakamali o muling pagkabigo ay huwag kang mawawalan ng lakas ng loob. Kung magpapatalo ka sa isang pangyayari ay pinapatunayan mo lang ang iyong kahinaan. Laban lang sa buhay dahil ang tagumpay ay pinaghihirapan at pinagsisikapan.
Cancer - June. 22 - July. 22
Dahil parang mahirap at malabo ay gusto mo ng itigil ang iyong trabaho. Tipong gusto mo na lang umuwi sa inyo at doon makasumpong ng kapahingahan. Subalit, kung gagawin mo ba iyon ay matatahimik ka talaga? Bago mo isipin na malabo na ang kapalaran mo ay may gawin ka muna kahit papaano para rito. Huwag kang masyadong mag-isip ng mga bagay na negatibo at sa halip ay umaksyon ka. Ang takot ay madalas na nasa mga bagay na hindi mo pa alam na akala mo ay sobrang mahirap.
Leo - July. 23 - August. 22
Isa sa maganda mong katangian ay ang iyong determinasyon na matupad ang iyong pangarap. Maaari ngang sa pakiwari mo ay konting-konti na lang ay mangyayari na ang pagbabago na pinakaasam-asam mo. Mainam na ito pero makakabuti kung sasamahan mo pa nang makabuluhan at positibong aksyon. Madalas kasi kapag kailan abot-kamay na ang gusto mo ay saka ka pa nakakampante. Tandaan mo hanggang hindi mo pa hawak o pagmamay-ari ay wala ka pang karapatan na sabihin nagtagumpay ka.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Ang pagtatakda ng hangganan ay mainam din para magawa mo ang iyong ibig at mahayahay na makisama sa iba. Sa araw-araw kasi ay may kasama kang iba’t ibang tao at isa sa bagay na dapat na matyaga mong aralin ay makihalo-bilo at makinig din naman sa kanilang mga opinyon. Tingnan mo kung alin ang nararapat na ideya na katanggap-tanggap sa iyong misyon sa buhay. Hindi mo naman kailangan isuko ang iyong pinagpaguran dahil sa ideya ng iba. Mayroon kang sariling bagay na inasikaso.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23
Maaaring para sa ngalan ng pakikisama ay madali kang makumbinse na magbigay-daan sa kanilang pabor. May mga pagkakataon na okay lamang ang mga ito, pero kung palagi at masyado ng nadedehado pati ang mahahalagang bagay sa iyo ay kailangan mo nang magsalita. Tandaan mo rin na hindi lamang ito usapin kung ano ang importante kundi kung ano ang prayoridad o mas importante sa iyo. Ipaliwanag mo ang iyong saloobin at ipakita mo rin ang disiplina mo sa kanila. Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Maging tapat at totoo na kahit na minsan ay maging diretsahan sa taong pinatutungkulan mo. Maigi ang may ganitong katangian dahil wala rin kimi sa iyo ang kapalaran na nais mong makamtan. Ang kailangan mo na lang pagaralan ay kung paano mo maibabahagi ang iyong mga opinyon at saloobin nang tama. Siyempre hindi maiiwasan na may hindi makakaintindi o matutuwa sa iyo. Pero hanggang diplomatiko at nasa lugar ka ay wala kang dapat ipangamba.
First Issue.indd 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
June 2016 / second issue
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Baka nga nakakapagtaka sa iyo, pero kapag sinabi at ginawa nang may sinseridad ay hindi ka pa ba maniniwala? Huwag mo naman kaagad na isipin na niloloko ka lamang dahil hindi ka kagandahan, mahusay o mayaman. Hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho ang pag-uugali. Katunayan ay baka nga ikaw na ang may problema dahil ikaw pa ang ayaw sa papuri sa iyo. Bakit mo naman itatawa ang deserved mong marinig at makamtan? Alam mo namang pinaghihirapan mo kung ano man ang mayroon ka.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Kahit na anong personal na aksyon ang gawin mo kung may taong nakakaapekto sa iyong trabaho ay mahihirapan ka. Kung trabaho ito, malaking bagay ang professionalism sa bawat manggagawa. Gayon din naman sa personal na relasyon, napakainam na may nakukuha kang suporta mula sa iyong mga minamahal. Kaya naman maglakas-loob ka na makipag-usap para malaman n’ya ang iyong panig. Dito naman talaga nagsisimula ang pagkakaintindihan at pagkakalapit ng dalawang tao.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19
Hanggang wala kang kumpiyansa sa iyong sarili, kahit sino pa ang humanga o gaano pa kalaki ang ari-arian na makamtan mo ay balewala. Kailangan matutuhan mo kung paano muling buuin ang iyong lakas ng loob at pagkatao. Kung iaasa mo sa anumang bagay o sinumang tao ang pagkakontento mo ay mapapagod ka lamang. Pagnilayan mo ang iyong nakaraan at iyong tunay na hangarin sa buhay, doon mo mapagtatanto kung ano ang tunay na nagpapasaya sa iyo.
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Maging mapanuri rin sa iyong sinasabi at ginagawa. Malaking porsyento ng takbo ng buhay ay may kinalaman sa panahon at mga ginagawang desisyon. Kung hahayaan mo na iukol sa walang kwentang mga bagay ang iyong atensyon, magiging kawalan din ito sa sana’y mga oportunidad na tunay mong ikakasiya. Aanhin mo ang dami ng sinasamahan mong kakilala kung hindi naman sila totoo sa iyo. Mainam na ang magkaroon ng iilang kaibigan pero sinsero at may mabuting implyuwensya.
Aries - March. 21 - April. 20
May mga bagay na hindi mo sinasabi tungkol sa iyo dahil dapat. May mga pagkakataon din naman na nagbabahagi ka ng ilan sekreto mo dahil may tiwala ka sa kaibigan mo. Pero ano naman ang rason kung gusto mo magsabi sa isang kakilala nang impormasyon tungkol sa iyo? Ang totoo nakakatulong sa pagkakalapit ng dalawang tao ang pagiging bukas sa isa’t isa. Subalit dapat mong mapagtanto na kailangan may ititira ka pa rin para sa iyo at may intensyon kang hinahangad.
Taurus - April. 21 - May. 21
Nakakagitla rin ang makarinig ng opinyon na hindi mo inaasahan. Hindi ka lamang nahihirapan na makahanap nang tamang sagot kundi maging positibong reaksyon din. Ito ay lalo na kung ang nakataya ay ang bagay na mahalaga sa iyo. Tama ka kung ang una mong gagawin ay kumalma at pag-isipan muna ang pinanggagalingan n’ya. Posibleng may punto kang hindi nalinaw at anggulong hindi nakita. Sa bandang huli makakatulong din ito para mas lumawak pa ang iyong pang-unawa.
2016/06/14 10:40:10
pinoy-BiZz June 2016 / second issue
page 7
VINA MORALES, PUMALAG KAY CEDRIC LEE CLAUDINE BARRETO, PABALIK-
Umalma na si Vina Morales sa dati n’yang partner na si Cedric Lee, ang kontrobersyal na businessman na dawit sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong 2013. Ayon sa singer-actress ay kinuha nang walang pahintulot at iditine ang kanilang 7-taong gulang na anak na si Ceana Magdayao sa loob nang siyam na araw. Nabawi umano nila ang bata noong Mayo 23. Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Anna Maribel Santiago ay naghain kamakailan ng kaso si Vina laban kay Cedric sa San Juan Prosecutor’s Office Branch 162. Layon nilang mapawalang-bisa ang visitation rights nito. Sa panayam ng press sa actress, sinabi niyang kung dati ay ayaw niyang magsalita laban kay Lee dahil ama ito ng anak n’ya, ngayon daw ay hindi na s’ya takot para kay Ceana. Ikinuwento rin n’ya na noong 2013 ay naghain ng visitation right si Cedric matapos umano gawan ng maling istorya ang yaya ng kanyang anak. “I will not be scared anymore, tapos na ‘yun,” sabi Vina. “And that time, ginawan nila ng false story ‘yung yaya ko. Actually, ipinakulong niya ‘yung yaya ko for three days na walang kalabanlaban. Tahimik kami no’n. Pinaglalaban namin ‘yon off-camera.
Mula pahina 1
KRISTINE HERMOSA, NAGSHOWBIZ COMEBACK SA KAPUSO NETWORK
Mas prayoridad na niya ang kanyang pamilya, kasama ang kanilang mga supling ni Oyo na sina Kiel, Ondrea, at Kaleb. Sa kasalukuyan pa ay nagdadalang-tao rin ito sa pang-apat nilang anak. Matatandaan na sa ABS-CBN nagsimula at umusbong ang kanyang karera. Nagsimula siya bilang isa sa teen star sa Ang TV, hanggang sa maging isa sa love triangle, at hanggang sa maging leading lady. Bago kay Echo, naipareha muna s’ya kay Marvin Agustin, Sa Sandaling Kailangan Mo Ako. Pagkatapos nito ay ginawa na niya ang classic teleserye na Pangako Sa Iyo. Nagbigay daan ang programa para lalo s’yang sumikat at ni Echo, na una niyang nakapareha sa weekly show na Ang Munting Paraiso. Hindi naglaon ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang reel turned real love team, at naipareha naman siya kay Diether Ocampo. Nagkasama sila nito sa Sana’y Wala Ng Wakas at ‘Til Death Do Us Part. Napagpakasal ng lihim sina Diether at Kristine pero na- annul din ito. Samantala,sumunod naman n’yang nakakapareha ay si TJ Trinidad sa Gulong ng Palad at Prinsesa ng Banyera. Bago siya maitambal kay Oyo Boy sa Precious Hearts Presents: Lumang Piso Para sa Puso ay nagkasama na sila sa film series na Enteng Kabisote. Sa nasabing mga pelikula ay gumaganap pang mag-ina ang dalawa. Si Kristine ang gumaganap na asawang engkatada ni Enteng [Vic Sotto] na si Faye.
First Issue.indd 7
And then, sabi niya, ipapakulong niya si yaya, nag-file siya ng custody. “ “… unang-una, I am not married to him, I only have a kid with him. Secondly, I don’t ask for financial support, so zero,” saad pa ni Vina. “Kaya lang, this time, hindi ko alam kung ano ang nagtrigger sa isip niya na dinitain niya ang anak ko for nine days while I was away for a vacation. And siyempre, worried ako, ano ba ang nangyayari kasi hindi ko makausap ang anak ko.” Naitanong din kay Vina ang pahayag ni Cedric na pinayagan ito na magkaroon ng 10 araw na makasama ang kanyang anak. Subalit pinabulaanan ito ni Vina at sinabing kung totoo ito ay siya at ang judge ang lalabas na sinungaling. Sinabi niyang mula pa noong 2013 ay hindi na sila nag-uusap dala ng kanyang trauma sa pambu-bully umano nito. “Matapang ako pero ayoko ng away, ayoko ng gulo, umiiwas ako diyan. Pero alam mo ‘yung taong kinukutusan ka araw-araw, binu-bully ka, matututo kang lumaban at baka mas matapang pa sa ‘yo ‘pag lumaban,” sabi ni Vina na inamin n’yang dati ay takot na takot s’ya Cedric dahil sa mga koneksyon nito. Sabi pa n’ya ay‘di na siya nagulat sa isyu nito kay Vhong. Samantala ay sinampahan naman s’ya ng businessman ng anim na kasong libelo dahil sa kasinungalingan na sinasabi nito sa publiko. “I will be filing 6 libel cases against Vina next week for things she has been saying about me publicly that are untrue. Her allegations about me bullying her can easily be debunked by court documents with evidence of screen shots of her text messages to my lawyer,” bahagi ng pahayag ni Lee na ipinadala n’ya sa Pep.
BALIK SA HOSPITAL
Simula noong nakaraang taon ay dinadahan-dahan na ni Claudine Barreto ang kanyang pagbabalik-Showbiz. Kamailan pa ay nakagawa s’ya ng drama series sa TV 5, ang Bakit Manipis Ang UIap, kasama sina Cesar Montano at Diether Ocampo. Pero kapansin-pansin din na lately ay pabalik-balik ito sa ospital sa mga hindi malaman na sakit. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay naa-update ni Claudine ang kanyang mga taga-hanga. Dito na rin napag-aalaman na napapadalas ang kanyang pagbisita sa ospital. Sa kasalukuyan ay naka-confine ito sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig. Panaka-naka ay nagpo-post din siya ng larawan , ilan dito ang yakapan nila ng kanyang ina na si Mommy Estrella o Inday at kanyang pamangkin na si Cholo Baretto. Kamakailan ay naglabas na ng statement ang kanyang kampo, sa pamamagitan na rin ng kanyang pamangkin na si Cholo. “Her white blood cells are very high and her red blood cells are extremely low, which is why she is vulnerable to infection,” saad ng pamangkin ni Claudine sa panayam ng ABS-CBN News. Ipinaliwanag din ng binata na naoperahan ang kanyang tita sa ibabang bahagi ng kaliwang binti at bata pa lamang ito ay iniinda na nito ang nasabing sakit sa dugo.
FRANCHISE TO DENNIS AT ANNE, MAGTATABAL SA PELIKULA OPERATE NG ABS-CBN,
Kung napaghihiwalay sila sa telebisyon, sa movie ay magkakasama ang Kapamilya star na si Anne Curtis at ang dalawang Kapuso actor na sina Paolo Ballesteros at Dennis Trillo. Silang tatlo ang bibida sa romantic –comedy film sa Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend na ididirek ni Jun Lana at under sa Idea First at Viva Films. “Naku ang dami ko mga beki na kaibigan ang relate na relate sa kuwento nito kasi nga andami
mga girls ngayon ang nai-in love sa mga gwapo ‘yun pala may BF na,” saad ni Anne sa panayam ng ABS-CBN sa story conference ng film. Dagdag pa ng It’s Showtime host na excited na s’ya sa kanilang shooting. “Super excited to work with these 2 cuties We start shooting next month with Direk Jun Lana I have a feeling this will be a happy set,“ mensahe pa ni Anne sa kanyan Instagram. Samantala, ang nagpapahingang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros ay nagsabing inaasahan na magaan ang itatakbo ng kanilang pagtatrabaho dahil sa ngayon pa lang ay masaya na ang kanilang samahan. “Bale sa story yung character ko ang tutuklasin nila Anne at Paolo kung bading ba ako o hindi. Yung ending nito kakaiba, dapat abangan nila,” ang bigay na clue ni Dennis sa kanilang mga karakter.
AIZA SEGUERRA AT LIZA, NILAPITAN NI PRES. DUTERTE PARA SA ARTS AT CULTURE NG PINAS Personal na kinausap na umano ni President Rodrigo Duterte ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza Diño para manguna sa mga proyektong may kinalaman sa sining at kultura. Ayon sa dating child star ay nakakatuwa na hindi nakakalimot si Digong sa aspetong ito ng lipunan. ‘Nakakatuwa kasi siya mismo yung nagsalita talaga, nagsabi sa amin na parang, ‘Let’s work on arts and culture. Mga Pilipino tayo. You know how much I love this country,’ ani Liza sa panayam ng ABS-CBN News. Samantala, wala pang konkretong plano sila Aiza dahil magpupulong pa lang umano ng kanyang mga kasama. “He’s asking us for help. So magpupulong na kami ng mga artist friends, so that once we meet up with him, meron na kaming nakahandang mga pwedeng gawin,” saad pa Aiza.
NANGANGANIB?
In limbo nga ba ang legislative franchise to operate ng ABS-CBN? Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, ay nag-apply umano ang giant network noong Setyembre 2014 sa 16th Congress pero hindi ito naaprubahan. Ito ay bunsod umano sa mga isyu ng istasyon kay outgoing President Benigno ”Noynoy” Aquino. Samantala, mukhang mahihirapan din umano na mapagbibigyan ito sa ilalim ng administrasyon ni Incoming President Rodrigo “Digong” Duterte. Taong 2020 pa mapapaso ang prangkisa ng ABS-CBN pero maaari raw na magkaproblema ito dahil mayorya sa 17th Congress ay kaalyado ni Duterte. Matatandaan na marami ang umalma sa TV ad na inilabas ng ABS-CBN bago ang election na may kinalaman sa paninira sa Mayor ng Davao. Ang nasabing patalastas ay pinondohan ni Sen. Antonio Trillanes. Sa news site ng Kapamilya Network ay nilinaw nito ang laman ng ulat ng Inquirer. Ayon sa kanilang pahayag ay sa 2020 nga mapapaso ang franchise to operate and maintain ng kanilang television and radio broadcasting stations. Inamin din nilang na noong Setyembre 2014 sila nagpasa ng aplikasyon para sa pagpapa-renew. Subalit binawi din umano nila dahil sa kawalan na ng oras at gusto nilang mag-apply ng panibago sa panahon ng 17th Congress. “Claims that the franchise will not be extended are purely speculative. “For the franchise renewal, we believe that our government will uphold the ideals of democracy including the rights to freedom of speech and expression. “ABS-CBN is committed to be in public service by providing news and information that matter to the Filipino, as we have been doing for the past decades, “ bahagi ng pahayag ng ABS-CBN.
2016/06/14 10:40:16
First Issue.indd 8
2016/06/14 10:40:17