PINOY NA PINOY: WEEKLY HOROSCOPE Daloy Kayumanggi
THE PINOY Impormasyon ng Pilipino
CHRONICLE News. Link. Life
PINOY LOCAL P.2
S
PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5
WEEKLY HOROSCOPE P.6
SIMULA 10:00 AM UNTIL 2:00 PM KAYA TAWAG NA SA ASIA YAOSHO YOUR ONE STOP FILIPINO SHOP
TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL 0120-344-233
SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS
a darating na Marso 28 ang nakatakdang Earth Hour kung saan isang pinoy-local story oras na sabayang pagpatay ng ilaw sa mga tahanan, gusali at mga es- CONTINUE ON PAGE 2 tablisimyento sa buong mundo na inorganisa ng World Wide Fund for FLOYD MAYWEATHER JR. HANDANG-HANDA Nature (WWF) para sa kalikasan. NA NGA BA? Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma SA ISANG SPARRING MATCH na magmumula sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City ang a y n a p a b a g s a k s i “ M o n e y ” switch off sa sabado mula 8:30 hanggang 9:30 ng gabi. Mayweather ni Zab Judah na kinuhang sparring mate niya dahil kaliwete rin ito na tulad ni poundfor-pound king na si Manny Pacquiao na makakaharap niya sa MGM Grand Garden Arena sa Mayo 2, 2015.
CONTINUE ON PAGE 2
-- SPECIAL FEATURE --
Thinking of what to cook this week?
ADOBONG DILAW RECIPE
A
PINOY SHOWBIZ P.7
FREE DELIVERY EVERY M,T,W,FRI AND SAT
dobong Dilaw is a pork adobo version that does not use soy sauce. Instead, it uses turmeric which is a type of rhizome that belongs to the ginger family. It is known as “luyang dilaw” in Filipino.
CONTINUE ON PAGE 4
pinoy-GLOBAL story
pinoy-bizz story
CONTINUE ON PAGE 3
CONTINUE ON PAGE 7
MANNY "PACMAN" PACQUIAO PASSED THE THIRD DRUG TEST THIS MONTH
MARIAN RIVERA, MAGTO-TOMBOY SA NEXT DRAMA SERIES
THIS MONTH PHILIPPINES PRIDE Filipino boxing champ Manny Pacquiao has taken its 3rd drug test as a part of the condition of his fight with boxer Floyd Mayweather Jr., test includes providing blood and urine samples.
Ano ang kasunod na proyekto para sa tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network? Hindi na magtatagal ang paghihintay ng kanyang mga tagahanga dahil malaki at kakaiba ang istorya ng soap opera niyang ‘The Rich Man’s Daughter.’
Tara Let's
LOVE DESSERTS’ HOMEY BUFFET SATISFIES CRAVING FOR SWEETS Hindi na bago ang buffet at hindi na rin bago ang makakita ng desserts sa buffet pero ang buffet na puro desserts ang laman, yan ang kakaiba. CONTINUE ON PAGE 5
DID YOU DID YOUKNOW? KNOW? 10 WEIRDEST
PHILIPPINE ANIMALS
April 2015 1st Issue
Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2015 I FIRST ISSUE
page 2
cover story
ONLINE VISITA IGLESIA SA DARATING NA MAHAL NA ARAW
MAY MGA MAGANDANG balita ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa mga nagnanais na magVisita Iglesia sa darating na cuaresma na hindi makakapunta ng personal sa mga simbahan, ay maari na mag Visita Iglesia via online. Naglabas kamakailan ang CBCP ng isang website kung
CLOUD-SEEDING NAKIKITANG SOLUSYON SA NAKAAMBANG EL NINO
Sinabi pa ni Coloma sa isang interbyu niya sa radyo “We encourage our people to participate in Earth Hour 2015 by voluntarily switching off all lights for one hour. In doing so, Filipinos will be showing their solidarity with the rest of the world in efforts to combat climate change, thereby promoting a cleaner, healthier and greener world”. Dagdag pa niya na mula 2009 hanggang 2013 ay kinilalang Earth Hour Hero Country ang Pilipinas dahil sa pakikiisa nito sa kampanya. Samantala, magdo-donate naman ng mga solar lamps ang bansa sa mga komunidad na wala pang kuryente upang matugunan at lumiwanag ang kanilang mga tahanan.
POSIBLENG MAGSAGAWA ng cloud-seeding ang kawanihan ng National Irrigation Administration (NIA) sa kalagitnaan ng taon upang makalikha ng artificial na ulan. Ayon kay NIA Administrator Florencio Padernal na sa katapusan pa ng Mayo matitiyak kung kakailanganin nga ang cloud-seeding dahil sa buwan palang na ito tuluyang mararamdaman ang epekto ng El Niño. Ngunit hindi pa naman apektado ang mga irigasyon ngayon at hindi pa naman ito umaabot sa critical level. Maaga rin nagsipagtanim ang mga magsasaka kung kaya’t karamihan sa kanila ay naka-ani na. Nagtalaga na rin ang NIA ng point person na magbabantay sa mga lalawigan na maaring tamaan ng El Niño.
saan maari nang mag-online Visita Iglesia ang mga naninirahan sa malalayong lugar na nangnanais makibahagi sa Visita Iglesia 2015. Aabot na 44 na mga simbahan ang mga nakasama sa website na ito.
PINOY SA MIDDLE EAST POSITIBO SA MERSCOV ISA NA NAMANG PINOY OFW ang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus o mas kilala sa tawag na MERS-CoV. Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose, na isang 41 anyos, X-Ray Technician sa isang ospital sa Riyadh ang nasabing biktima. Nahawa diumano sa mga inaalagaan niyang mga MERSCoV patients noong Marso ang nasabing OFW. Nagkaroon ito ng direktang kontak o exposure sa mga pasyente habang nagtratrabaho. Samantala, nakarekober na ang mga OFW na tinamaan ng MERS CoV kung saan mayroon: 3 Pinay nurse ang naiulat at na-isolate, ang sumunod naman ay nag-negatibo matapos dumaan ng iba pang mga tests at ang pangatlo naman ay nailabas na mula sa Intensive Care Unit at fully recovered na ito.
BOI TINANGGIHAN NG AFP FLIGHT 4U 9525 BUMAGSAK SA FRENCH ALPS
FLOYD MAYWEATHER JR. HANDANG-HANDA NA NGA BA?
Mula Pahina 1 Ayon sa isang source na umabot daw ng sampung segundo na hindi nakabangon si Mayweather matapos itong bumagsak na labis nilang ikinagulat dahil hindi pa ito bumabagsak sa loob ng ring at lalong-lalo na sa isang sparring match. Samantala, sinigurado naman ng kampo ni Mayweather na nasa kondisyon pa rin ang 37-anyos na si Judah para sa nalalapit nitong laban. Ngunit nang makabangon ay hindi na nagawa pang makaporma laban kay Mayweather si Judah dahil sa labis na ang pokus nito at inisip na ito na ang kanyang laban kay Manny “Pacman” Pacquiao. Mas lalo naman naging maigting ang pagsasanay na ginagawa ni Pacquiao lalo pa’t hiling ng kanyang anak na si Princess na talunin nito si Mayweather. Ayon pa sa maybahay ni Pacquiao na si Jinkee, hindi raw niya iniisip na nais sumunod ng kanyang anak na babae sa ama nito at makahiligan ang pagboboksing. Dagdag pa ni Jinkee, kung sa dalawang anak nga raw nilang lalaki ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagboboksing, mas lalo pa raw kay Princes dahil ito ay babae.
TUMANGGI ANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES (AFP) na magbigay ng mga “crucial info” sa bumubuo ng mga nagiimbestiga sa Mamasapano Oplan Exodus. Ayon kay PNP Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) Director Benjamin Magalong at Head ng Bureau of Investigation (BOI) na naging limitado ang mga nakuha nilang impormasyon mula sa mga tinaguriang “certain key personalities” ng nasabing engkwentro. Bukod kina resigned PNP Chief Allan Purisima at Pangulong Noynoy Aquino ay hindi rin nila nakausap sina General Gregorio Pio Catapang Jr. at Lt. Gen. Rustico Guerrero ng AFP. Bagama’t nakailang request na ang BOI ay tumanggi pa rin ang mga ito na tumugon. Tumanggi rin ang mga ito na isumite ang kani-kanilang mga cellular phones para sa forensic examination. Samantala, bagaman tumanggi si Purisima na ibigay ang kanyang cellphone ay ibinigay naman nito ang kopya ng mga text messages nila ni Pangulong Noynoy Aquino. Ngunit napuna ng BOI na may unsual gap ang mga nasabing text messages mula sa oras na nagusap sila ng 11:30am na sinundan na ng 6:20pm na oras. Kulang-kulang din ang mga isinumiteng detalye kaugnay ng naging biyahe ng pangulo sa Zamboanga.
TINATAYANG 150 KATAO ang pinaghihinalaang nasawi nang bumagsak sa bulubundukin ng Pransya ang isang airbus na pinapatakbo ng Lufthansa’s Greenwings budget airline noong nakaraang Martes. Ang 150 na lulan ng Flight 4U 9525 ay kinabibilangan ng mga 144 na mga pasahero kung saan 16 dito ay mga exchange-students at ang anim na crew ng nasabing airline. Tiniyak naman ng White House sa Washington na ang trahedya ay walang anumang kaugnayan na ito’y isang pag-atake ng mga terorista. Ayon naman sa pamunuan ng Lufthansa na ang pangyayaring ito ay isang aksidente at huwag nang gawan pa ng anu pa mang karagdagang istorya. “We saw an aircraft that had literally been ripped apart, the bodies are in a state of destruction, there is not one intact piece of wing or fuselage” ani ni Brice Robin isang prosecuter sa siyudad ng Marsielle. Pinaniniwalaan naman ng Germanwings na may 67 na German national ang nasa biyaheng ito. Ayon naman sa Deputy Prime Minister ng Spain, may 45 na pasahero ang pawang may mga Spanish names at isang Belgian ang sakay rin ng Flight 4U 9525. Ang 16 naman na mga estudyante ay mula sa JosephKoeing-Gymnasium high school sa isang bayan ng Haltern am See sa hilagang kanluran ng Germany. Magdamag naman mananatali ang buong search team para isa-isa mahanap ang mga labi ng mga biktima sa nasabing plane crash, ani ni Regional Police Chief David Galtier. Kinumpirma naman ni Prime Minister Manuel Valls na may isang helicopter ang nagawang makababa sa mismong crash site at sa kasamaang palad ay walang survivors ang natagpuan. Ang buong komunidad ng Germany ay nagdadalamhati dahil sa malagim na aksidente na ito.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2015 I FIRST ISSUE
page 3
6 WEALTHIEST FILIPINOS INCLUDED MALAYSIANS PICKED BORACAY this year as Visit Philippines Year 2015 (VPY 2015). The flurry festivals, concerts, conferences, other activities and events AS THEIR "FAVORITE BEACH oflined IN THE FORBES MAGAZINE 500 up will draw in both domestic and foreign tourists in the DESTINATION IN 2015" country. The country is also hosting the Asia-Pacific Economic RICHEST BILLIONAIRES
Forbes Magazine recently issued a roster of the 500 richest billionaires in the world, included in it are 6 Filipinos each with their real estate empiress. Take a look at these wealthiest Filipino tycoons: 1. HENRY SY & FAMILY Known as the "Retail King" of the Philippines, these family owns SM, the most ubiquitous mall chains in the Philippines. Sy also serves as the founder, chair, and CEO of the developer of SM Prime Holdings, Inc. 2. JOHN GOKONGWEI, JR. He owns Robinsons Land Corp. (RLC), as well as the Robinson Malls, RLC's popular projects are The Radiance and The Magnolia Residence, He also controls Cebu Pacific Airlines. 3. ENRIQUE RAZON, JR. Razon makes a sizeable fortune through the Solaire Resorts and Casino in PAGCOR's Entertainment City. He is also the Head of Bloombery Resorts, also a chairman and CEO of International Container Terminal Services Inc., 4. ANDREW TAN A Filipino- Chinese businessman who founded Megaworld Corporation, one of the biggest property conglomerates in the Philippines, It includes Eastwood City, McKinley West and McKinley Hill, Forbes Town Center and alot more. 5. LUCIO TAN & FAMILY Lucio Tan and Family controls the national flag carrier, Philippine Airlines, Liqour (Asia Brewery), Tabacco and Banking (PNB & Allied Bank), The family also have interest in estate through their company Elton Properties Philippines. 6. DAVID CONSUJI Chairman of the DCMI Holdings, which has a stake in real estate, infrastructure, and construction. Projects includes Acacia Estates, Torre de Manila, Willow park Holmes and Alta Vista de Boracay.
According to the Philippine Embassy of Kuala Lumpur, Boracay was named as the beach destination of the Malaysian Association of Tour & Travel Agents (MATTA) during its Annual Fair at the Putra World Trade Center in Kuala Lumpur. According to S. Jayakumar committee chairman of the Matta organization, Philippines is rich in natural resources and biodiversity, praising Boracay's fine white sand beaches. Philippine Ambassador J. Eduardo Malaya said that “Boracay has consistently been part of the list of the best beaches in the world, as evidenced by awards bestowed on it by major travel magazines and organizations. It is our pleasure for Malaysians to discover the island, with its pristine white sands and breathtaking beaches, which captivated many visitors for nature tripping, watersports and beach hopping.” He also added that “Now is the best time to visit the Philippines. For one, the Philippine Government has declared
MANNY "PACMAN" PACQUIAO PASSED THE THIRD DRUG TEST THIS MONTH This month Philippine pride Filipino boxing champ Manny Pacquiao has taken its 3rd drug test as a part of the condition of his fight with boxer Floyd Mayweather Jr., test includes providing blood and urine samples. After 8 rounds of sparring medics from United States AntiDoping Agency (USADA) showed up at gym where Manny practices in Los Angeles to perform the test. Even though both camps have agreed to the drug testing to be conducted by the USADA, Mayweather Jr. did not agree with Manny's proposal for whoever fails in the test will be fined $5million. Micheal Koncz made a statement that “They have made derogatory statements for year about Manny [supposedly using PEDs], and now we challenged them by asking for the $5 million fine, and they refuse it. It’s disheartening.” In response to Koncz statement, the Mayweather Promotion CEO Leonard Ellerbe said that they should have placed those specific terms in the contract, and he accused Koncz of just seeking publicity. Ellerbe also added that Koncz is not reading the contract. According to USADA, the blood and urine samples it has
Cooperation (APEC) meetings, where its member economies will congregate in different Philippine cities to talk about inclusive growth for their citizens and during their downtime, take in all the beautiful sights the Philippines has to offer.” Malaya also thanks the Malaysians for discovering more of the Philippines, beign the ninth largest tourist market in the country.
taken from both boxers are sent to a World Anti-Doping Agency-accredited laboratory for analysis, following world’s best laboratory practices, including testing for human growth hormone, erythropoietin and carbon isotope ratio. According to the GMA-7 reports, Manny passed the third test and it was made just after Manny got his boxing license from the Nevada State Athletic Commision.
TOP 10 WEIRDEST PHILIPPINE ANIMALS
Within the Philippines’ 7, 107 islands lay
9. Flying Dragon
immediately notice that Palawan bearded
fashioned models” of the sea, nudibranchs
freshwater turtle can grow up to 6 ft (2 m)
not just a hodgepodge of colorful cultures
Compared to the
pigs (Sus ahoenobarbus) are not your
get their captivating colors from the
and usually spends most of its life hidden in
and traditions. A closer look will reveal a
mythical fire-
ordinary baboy ramo. Aside from the white
creatures they eat. Sea “pancakes”, for
the sands of Philippines and other Asian
rich flora and fauna that are certainly one
emitting monster,
hairs covering most of their face, Palawan
example, are just as carnivorous as other
countries. They’re mostly carnivorous—
the best in the world. In fact, with 7, 492
flying dragons or
bearded pigs also feature longer snouts and
species—feeding on a variety of animals
feeding on mollusks, fish, and crustaceans.
species of plants, birds, amphibians,
Draco lizards
canine-like teeth. These gentle animals are
ranging from barnacles, sea anemones,
2. “ I n f l a t a b l e ”
reptiles, and mammals currently in
(Draco volans) are smaller and less
endemic in the Philippines particularly in
sponges, hydroids, and even other
Shark
existence, Philippines is one of the richest
dangerous. They usually eat tiny insects
the islands of Calamian, Balabac, and
nudibranchs.
Although not as
biodiversity hot spots ever known.
and use their elongated ribs to aid in flying
Palawan.
4. Terrible Claw
formidable as
But aside from the tamaraw, tarsier, and
or gliding. Flying dragons use their ability
6. Sea Pen
Lobster
other species,
pilandok, there are also other less-known
to navigate the forest air to find mates,
Sea pen has a
The name implies
“inflatable” sharks
national treasures that was only discovered
locate preys, and protect their territories.
s t u n n i n g
a humongous sea
(known locally as bubble sharks) made it to
recently. Some of these species possess
8. Stripe-faced
resemblance to
monster but with
our list due to its fascinating feature. As
distinct qualities that are clearly out of
Flying FoxStripe-
classic quill pens,
a size of 10 cm
their name suggests, inflatable sharks have
ordinary. Brace yourselves for a list of
faced Flying Fox
hence the name. But these soft corals of the
(think: prawn), a terrible claw lobster
the ability to puff up by pumping water
extraordinary animals you wouldn’t believe
Also known in the
order Pennatulacea can also be seen in the
certainly won’t break your neck. This new
into their bellies. As a result, these shrimp-
do exist in the Philippines.
scientific world as
shape of an umbrella or even a golf club.
species of marine creature was first
eating sharks can instantly increase their
10. Purple Crabs
the Mindoro
Like other coral species, sea pens also
discovered off Luzon islands in 2007 and
size and scare away predators.
With a purple
stripe-faced fruit bat (Styloctenium
feature individual polyps with eight
later earned the scientific name
1. Philippine
carapace (shell)
mindorensis), this unusual creature was
tentacles for catching planktons. They bury
Dinochelus ausubeli. The genus
Tube-nosed Fruit
and reddish
one of the Philippines’ newest discoveries.
themselves under a wide array of
“Dinochelus” literally means “terrible claw”
Bat
claws, these
When explorer Jacob Esselstyn heard vivid
substrates—mud, sand, or solid rock—and
while the species name was named after
With laterally
Palawan crustaceans can easily stand out if
descriptions from the locals of Batong
easily detach once they decide to look for a
Jesse Ausubel, renowned sponsor of the
pointed, tube-like
placed side by side with other crabs. It was
Buhay in Occidental Mindoro, he was
new home.
Census of Marine Life.
nostrils, this
last year that four new species of purple
skeptical at first. But not long after that, the
5. Sea Pancake
3. Cantor’s Giant
winged creature is one of the strangest-
crabs were discovered in remote areas of
discovery of the “flying fox”–which turned
At first glance,
Soft-shelled
looking bats you can ever find. Philippine
Palawan yet the world of biology couldn’t
out to be endemic to Mindoro–led to a
this bottom-
Turtle
tube-nosed fruit bats (Nyctimene rabori)
get enough of these colorful creatures.
formal description of the animal published
dwelling sea
Whenever we
are critically-endangered animals gliding in
Among the four, Insulanon magnum (53
in the August 2007 issue of the Journal of
creature can
hear “turtle”, the
the air of Sibuyan, Negros, and Cebu
mm x 41.8 mm) reigned as the biggest
Mammalogy.
remind us of our
sluggish image of pawikan easily come to
rainforests. Despite their distinct and alien-
while Insulanom porculum (33.1 mm x 25.1
7. P a l a w a n
favorite home-made pancake drizzled with
our minds. Yet with its distinct shell
like faces, Philippine tube-nosed bats have
mm) was declared the smallest. The other
Bearded Pig
cheese and chocolate syrup. But behind its
(carapace) and odd behavior, Cantor’s giant
been known to only feed on wild figs and
two species are Insulamon
Looking at their
harmless look, this sea slug (scientifically
soft-shell turtle (Pelochelys cantorii) is
insects.
johannchristiani and Insulamon
distinct white
known as nudibranch) hides a fierce
born to stand out. Named after a Danish
palawense.
beards, one will
appetite. Popularly known as “high-
zoologist, Theodore Edward Cantor, this
pinoy community 4 page 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
ADOBONG DILAW is a pork adobo version that does not use soy sauce. Instead, it uses turmeric which is a type of rhizome that belongs to the ginger family. It is known as “luyang dilaw” in Filipino. The procedure in preparing Adobong dilaw is almost the same as making our favorite pork adobo. However, You have to add something to enhance the flavor due to the absence of soy sauce. In this case, You will add pork cubes. This ingredient compensates to the absence of soy sauce by adding more flavor to the dish. It is important that your Adobong Dilaw is as tender as it can be.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2015 I FIRST ISSUE
INGREDIENTS 2 lbs. pork, sliced 1/2 cup white vinegar 1 small yellow onion, minced 1 knob turmeric, sliced 6 cloves garlic, crushed 4 dried bay leaves 1 piece pork or beef cube (or 2 teaspoons beef powder) 1/2 teaspoon granulated white sugar 1 cup water 2 teaspoons peppercorn 3 tablespoons cooking oil COOKING PROCEDURE 1. Heat the cooking oil in a cooking pot. 2. Put-in the garlic and then cook until the color turns light brown. 3. Add the onion. Cook for 1 minute. 4. Put-in the sliced turmeric, peppercorn, and bay leaves. Cook for 10 to 15 seconds. 5. Add the pork slices. Cook while stirring once in a while until the pork turns light brown (about 5 minutes). 6. Put-in the pork or beef cube (or powder) and the pour-in the water. Let boil. 7. Cover the pot and then simmer for 30 to 45 minutes (add additional water as necessary). 8. Pour-in the vinegar. Allow the liquid to reboil. 9. Stir and then add the sugar. Cook for a minute more. 10. Transfer to a serving plate. 11. Serve. Share and enjoy!
tara-lets 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2015 I2014 FIRST ISSUE issue SEPTEMBER SECOND
page 5
Love Desserts’ Homey Buffet Satisfies Craving for Sweets Teksto at Kuha ni Jane Gonzales
Hindi na bago ang buffet at hindi na rin bago ang makakita ng desserts sa buffet pero ang buffet na puro desserts ang laman, yan ang kakaiba. Ito ang major pakulo ng Love Desserts (LD) restaurant na may branch sa Banawe at Fairview, Quezon City. Sa halagang P199 ay matitikman ng mga foodie at mga mahihilig kumain lalo na iyong tinatawag na ‘people with a sweet tooth’ ang iba’t ibang matatamis na panghimagas na mayroon ang resto. Mas malaki ang puwesto ng LD sa Fairview kaya naman mas yakang magdala ng mas maraming makakasama kung gustong makarami ng paglasap sa kanilang sweet buffet. Katunayan sa pagbisita namin dito na hindi lamang kababaihan o magkasintahan ang mga kumakain kundi mayroon din na buong barkada, magkatrabaho at buong pamilya.
Oozing with Sweetness
Panalo sa mga natatakam sa matatamis na pagkain ang buffet resto na ito. Mayroon ditong iba’t ibang klase ng cake gaya ng rainbow at Brazo de Mercedes, halo-halo, cookies, crepe, kakanin, champorado, sari-saring flavor ng ice cream, panna cotta, atbp. Ang maganda sa kanilang halo-halo na bahala ang mga customers na maglagay ng sahog sa kanilang baso, ay mas makakapamili at mapaparami ang paglalagay ng paboritong sangkap nito. Halimbawa ay kung sa ibang halo-halo ay napakaunti lamang ng ube at leche flan sa ibabaw, sa LD ay puwedeng-pwedeng damihan. Sa crepe, makakapamili rin ng puwedeng ilagay na palaman (banana, strawberry, mango o chocolate) gayon din sa syrup (honey, blueberry) at iba pang toppings gaya ng marshmallow o ice cream. Puwede ring humingi ng extra favor para maging cute at magana ang pagkain, halimbawa ang crepe maker ay puwedeng maglagay ng pangalan at gayon din naman humingi ng suggestion kung ano ang mas masarap na kombinasyon.
Homey for Foodies
Matao ang LD lalo na tuwing weekend, nagbubukas sila mula 11am hanggang 11pm araw-araw, katunayan ay may mga nag-aabang na kaagad bago pa ito magbukas. Subalit, magiging relaxing ang feel sa loob lalo na sa kombo ng kulay (lila, pastel yellow at baby blue) dingding ng resto. Minimal lang din ang dekorasyon pero may dagdag na homey at artistic ambiance sa kabuuan. Ilan sa kapanpansinpansin accent rito ay wall painting na puno, simulated mirror window, letter crafts at vintage clocks. Ang kanilang upuan ay magkakaiba na may bakal, kahoy at leather pero karamihan ay may kulay brown, red and green. Ang lighting din sa loob ay tamang-tama para ganahan na kumain at makapag-usap ang kumakain. Katunayan ang kanilang chandelier ay isang accent din para sa center table. Ang Love Desserts sa Banawe ay matatagpuan 915 Banawe street corner Del monte Quezon City, habang ang kanilang Fairview branch ay matatagpuan sa Pearl Drive Commercial Center Commonwealth avenue.
pinoy na pinoy 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
APRIL 2015 I FIRST ISSUE
page 6
Aries - March. 21 - April. 20 Hahayaan mo bang maapektuhan ng init ng iyong ulo ang iyong trabaho? Bagaman hindi madali na magtrabaho na wala sa wisyo o positibong pakiramdam, sikapin mo na maging responsibleng tao. Kung gusto mong umangat sa buhay, ang dapat mong pairalin ay magkaroon ng ‘palabra de honor’ sa iyong mga tinanguang usapan ito man ay mya kinalaman serbiyso, produkto, kliyente o amo. Ang labanan ngayon ay hindi paangasan, kundi ang pagkakaroon ng positibong sa pananaw sa gitna ng mga problemang kinakaharap.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Hindi ka ang tipo ng tao na sunod-sunuran kung ano lamang ang ididikta sa iyo. Marunong kang makibagay pero hindi pwedeng imanipula na tatanggipin na lamang ang lahat ng ideya na ibato sa iyo lalo na kung mali. Ang masaklap lang nito ay ikaw mismo ay hindi nakakaalam kung sa kung ano o sino ba talaga ang nagpapasaya iyo. Simulan mo na ngayon na tukuyin kung sino ba tunay na nagbibigay sa iyo ng tunay na kaligayahan, at hindi iyong ginagamit lang ang iyong kabaitan sa pamamagitan ng pagbabalat-kayo.
Taurus - April. 21 - May. 21
Sinusubukan mo naman na maging mahinahon kahit galit na galit ka na. Gayon din, kahit anong pagtanggi ang iyong gawin ay hindi na rin lingid sa kaalaman ng tao sa iyong paligid ang tensyon. Sa halip na kimkimin o ipunin mo ang sama ng loob na iyong nararamdaman, ihinga mo iyan sa iyong kaibigan. Hindi para mag-tsismis o manira ng ibang tao, kundi para mabawasan ang bigat na iyong nararamdaman. Dagdag pa d’yan ay ang malulupit na payo na iyong kinakailangan para maging mahinahon, mahimasmasan at mahanap mo ang tamang solusyon sa iyong pinagdadaanan.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 May gusto kang gawin at kating-kati kang isakatuparan ito sa lalong madaling panahon. Ang kaso sigurado ka bang kaya mong pangatawanan ito partikular na kung kinakailangan nang mahaba-habang panahon at malaki-laking pera. Kahit na maganda na huwag kang patatalo sa mga negatibong emosyon, kailangan na maging realistiko ka rin. Mas lalo naman sigurong mapapasama kung sugod-sugod ka nang wala ka naman pa lang kaplano-plano kamtin ang tagumpay. Para saan ba ang pinaghihirapan mo?
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Gemini - May. 22 - June. 21 Mas maganda na ang sumubok kaysa magsisi sa bandang huli at mas mainam na maging bukas sa pagbabago kaysa manatili sa masalimuot na sitwasyon. Ano ba ang ibig sabihin nito sa iyong bituin? Parating ka na sa puntong kailangan mong magdesisyon kung nais mong mag-iba ang iyong kapalaran. Huwag kang maghintay sa kung ano lamang ang hatid sa iyo ng ibang tao o nang bukas. Katunayan ay kung gugustuhin mo ay maaari mong hulmahin ang iyong kinabukasan.
Cancer - June. 22 - July. 22
Kung mahirap ang makagaanan ng loob ang isang bagong kakilala, gayon din naman ang pakikitungo sa tao na nag-iiba ang pagtingin sa iyo. Iyong dating okay lamang na inyong ginagawa magkasama o parati ay parang nagkakaroon na ng ibang kulay. Handa ka ba sa pagbabago ng inyong relasyon? Tatanggapin mo ba ang higit pa sa pagkakaibigan na turing niya sa iyo? Sana nga, kung wala naman masasagasaan na ibang tao.
Leo - July. 23 - August. 22
Sa ngayon kung nais mong mapag-isa para makapagnilay at tahimik na resolbahin ang iyong isyu ay gawin mo. Kung talagang inaalala ka nila ay dapat kahit man lang sa text, email, at Facebook ay nagpapadala sila ng pangangamusta sa iyo. Pero kung may gustong bisitahin ka ng personal ay pagbigyan mo. Masarap din ang may kakwentuhan sa mga kahit ilang oras pa lamang. Isang magandang paalala na kahit may sarili kang laban, may mga mga taong handang umagapay at sumuporta sa iyo, hindi mo man ito hingin sa kanila.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Hangga’t hindi mo napagtatanto kung ano ba talaga ang hanap mo at nilalakasan iyong loob para gawin ito, walang mangyayari. Paulit-ulit lang ang iyong mga reklamo na para bagang walang solusyon sa iyong problema. Mahirap na kalaban ang sarili pero hindi ka dapat patalo sa iyong sariling mga limitasyon. Dahil sa lahat ng dapat mong tandaan pagdating sa pakikibaka sa buhay, ito ang walang tutulong sa iyong sarili kundi ikaw lang din. Ang hindi kayang masaktan at bumangon, iyon ang talagang mahina.
mangyari.
Bakit nga ba may ilan na satsat nang sa mga taong wala naman kinalaman sa kanilang isyu? Ayaw mo naman sigurong maging ganoon o tila isang manlalaro na mali ang inaasintang target. Mabuti nga na ibuka ang iyong bibig para sabihin kung ano ang iyong ibig pero dapat magsabi ka sa taong dapat pinapatungkulan nito. Ang pasakalye at parinig ay hindi shortcut sa totong solusyon, bagkus dagdag pa na balakid para matapos kaagad ang iyong gustong
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Sarap magpadala sa nakakakilig na emosyon o sa taong nagbibigay sa iyo nang naiibang saya. Subalit sigurado ka ba na sakali bang dumako kayo sa malalim pang relasyon ay wala kayong sabit na dapat alalahanin. Baka naman sa sobra ninyong pagkigiliw sa isa’t isa ay nakakalimutan ninyong pareho o isa sa inyo ay nakatali na sa iba. Huwag ganoon! Hindi masama ang maging malapit sa isang tao at maging masaya kapag kasama siya pero mabuti na ang klaro ang inyong ‘status,’ ‘label’ at ‘limit.’ Kung wala naman problema, bakit nga ba hindi ituloy iyan sa mabuting usapan?
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Siguro nga hindi ka ang klase na matandain pagdating sa petsa, direksyon at kilalang mga personalidad. Subalit, pagdating sa pagpapakita ng emosyon ay d’yan ka hindi nakakalimot kaya kahit may kahinaan ka sa ibang aspeto ay nanatiling magiliw sila sa iyo ang mga tao. Para bagang kahit makalimutan mo ang petsa ang kanilang kaarawan ay okay lamang iyon kasi arawaraw kang maglambing, nakikisama, mapagbigay o masarap na kakwentuhan. Pero siyempre dagdag puntos kung sana marunong ka rin makaalala ng mga espesyal na okasyon.
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Dapat mong tandaan na ang pagdadalawang-isip, gayon din ng pagkakaroon ng dalawang iniibig ay mauuwi lamang sa masaklap na resulta. Ang kaguluhan sa puso’t isipan dala ng pag-aasam na makamit ang dalawang bagay ay pagkulong sa hawla na puno ng agam-agam o takot pero salat sa kapayapaan. Masakit pero mainam na matutuhan mong magparaya at magpalaya, hindi lamang sa ikatatahimik ng lahat, kundi para kapwa ninyo makasama o maranasan ang tunay na kaligayahan.
pinoy-BiZz APRIL 2015 I FIRST ISSUE
page 7
MARIAN RIVERA, MAGTOTOMBOY SA NEXT DRAMA SERIES ni phoebe doroth
y estelle
IMPRESS: TEEN STARS GRADUATE NA NG HIGH SCHOOL
Mahirap maging working student lalo na kung ang trabaho ay may kasamang puyatan at pagpunta sa iba’t ibang lugar. Subalit, pinatunayan ng ilang kabataang artista na sa gitna ng kanilang kasikatan, kita sa pagtatrabaho at pagod na kaya nilang tapusin ang kanilang pagaaral. Kasama na rito ang Kapuso actor na si Miguel Tanfelix, Kapamilya star na sina Sharlene San Pedro at Julia Barreto na pawang nagsipagtapos sa high school. Produkto ng Starstruck kids edition, si Miguel ay unang nakilala bilang child star kung saan ang isa sa kanyang naging sikat na programa ay ang Mulawin. Sa kanyang pagbibinata, napabilang siya sa mga sikat na teen stars ng kanyang home studio. Nagbida siya sa Nino at ngayon ay napapanood sa Once Upon A Kiss kung saan katambal n’ya si Bianca Umali. Sa pagtatapos ng 16-year-old binata sa high school ay isa si Bianca sa dumalo sa kanyang graduation day sa Cavite School of Life sa Dasmariñas City, Cavite. “Importante po sa akin ang pag-aaral ko at kahit na puyat at pagod tayo sa taping at sa mga out-of-town shows, hindi ko nakakalimutan ang parating mag-review at gawin ang mga assignments ko, “ saad ni Miguel sa panayam sa kanya ng Abante. “Kaya para po sa akin, malaking achievement na po ang makatapos ng high school. Gusto ko po talagang makatuntong ng college kasi pangako ko ‘yan sa mga magulang ko,” masayang kuwento pa niya. Samantala, sa talent search din nadiskubre ang young actress na si Sharlene Pedro na tapos na rin ng high school. Una siyang nagpasikat sa Star Circle Quest, kung saan nakalaban at naging winner si Nash Aguas, at nasundan naman ng pagiging mainstay n’ya sa Going Bulilit. Bagaman busy din sa kabi-kabilan commitment kasama ang kanyanh ka-love team na si Jairus Aquino ay napagsasabay ni Sharlene na maging masipag na mag-aaral at magtapos ng high school sa His Sanctuary Christian Academy. Mula naman sa angkan ng mga artista si Julia Barretto na kamakailang lamang ay nagdiwang ng kanyang debut. Ang anak nina Marjorie at Dennis Padilla ay nagtapos ng high school sa St. Paul’s College, Pasig City. Sana ay ipagpatuloy pa ng mga kabataang ito ang kanilanh pag-aaral. Iba pa rin ang tapos at may pinag-araln bukod sa kasikatan. EXPRESS: VICE GANDA, INIINTRIGANG INGGIT KAY ALEX GONZAGA
May nagsasabi di umano na inggit si Vice Ganda sa nakakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex kaya maaga s’yang nagpa-press con para sa kanyang concert na ‘Vice, Gandang-Ganda Sa Sarili Sa Araneta: Eh Di Wow!’ (VGGSS) sa Mayo 22. Pero mauuna rito ang first major concert ni Alex ang ‘Unexpected Concert’ sa April 25 na gaganapin sa parehong venue. “Hindi naman natin alam kung mapupuno o may tsansang hindi mapuno itong concert na ito. Kaya siyempre, kailangan promote tayo nang promote. And I do not see anything wrong with promoting very early,” saad pa ni Vice sa panayam sa kanya ng press. Kaya naman sobrang aga ng promosyon ni Vice ay tutungo raw umano sa Amerika para sa kanyang series of shows doon. Maganda na umano na habang abala s’ya roon ay may napaguusapan na ang kanyang darating na konsyerto sa bansa. “Kung sino man ang nakaisip niyang insecurity kay Alex na ‘yan ay isang hunghang,” saad pa ni Vice. Oo nga naman nauna lang mag-promote ng concert inggit kaagad. Hindi puwedeng atat o makabenta lang maraming ticket? IMPRESS: CARLA ABELLANA, AYAW MAGING MARIAN RIVERA?
Pumirma ng panibagong exclusive contract sa GMA 7 si Carla Abellana na tatagal ng tatlong taon. Ang aktres na nailunsad sa remake Rosalinda ay masayang-masaya na patuloy ang kanyang pagiging Kapuso na ayon sa ilang espekulasyon ay bunsod na rin ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Tom Rodriguez. “Tayo ang nag-offer kay Carla sa pag-renew. Kitang-kita n’yo naman si Carla, hindi lamang maganda kundi mahusay pang artista, loyal pa sa atin. Tinitingnan natin lahat ‘yan. So wala ka nang mahihingi pa kay Carla. And we consider ourselves lucky to have Carla again,” komento ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon tungkol sa aktres sa Journal Online. Isa si Atty. Gozon sa present sa contract signing ng aktres sa 16th floor Boardroom ng GMA Network Center sa Timog, Quezon City noong March 23. Sinabi ni Carla na hindi niya nakikita ang sarili na mapadpad sa ibang network. Aniya, ito ang kanyang tahanan at mahal n’ya ang mga kasamahan na palaging nakangiti. Samantala, hindi naman maiwasan na matanong din ang actress tungkol sa posibilidad na pagningning pa ng kanyang bituin, lalo na’t baka mag-iba na ng prayoridad si Marian Rivera na itinuturing na Kapuso Primetime Queen. Matatandaan na noong Disyembre ay nagpakasal na ang aktres sa kanyang longtime boyfriend na si Dingdong Dantes. Pero an’ya, hindi n’ya mapapantayan at kinikilala niya ang pinagdaanan nito para sa maabot ang kanyang tagumpay. “Ang daling sabihin na, ‘Oy, nainggit ako.’ Pero bilang artista din, naiisip ko rin kung gaano kahirap yung pinagdaanan niya, para mapuntahan kung nasaan man siya ngayon. Parang...mainggit ka man sa na-achieve niya na, maiisip mo rin kung what she had to go through, ‘di ba,’ sabi ni Carla sa panayam sa kanya ng Pep. Samantala, maraming aabangan na prokeyto ang mga tagahanga ng aktres kabilang na ang isang malaking drama series na kanyang pagbibidahan. “Kapag masaya ang both camps sa isa’t isa, formality na lang yung pag-uusap. Mabilis na lang nagkakaintindihan. Carla will do another major soap. She’ll start working siguro in two months, towards the middle of the year. She also has another project with News and Public Affairs, and then tuluy-tuloy pa rin ang ‘Ismol Family’ sitcom niya with Ryan Agoncillo as it’s doing very well and then she also has ‘Sunday All Stars’,” pagbabahagi ni GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable sa ilan sa mga gagawin TV host-actress. Tama si Carla, huwag mainggit dahil nakakapangit at maigi na ang gumawa ng sarili mong marka.
Ano ang kasunod na proyekto para sa tinaguriang Primetime Queen ng Kapuso network? Hindi na magtatagal ang paghihintay ng kanyang mga tagahanga dahil malaki at kakaiba ang istorya ng soap opera niyang ‘The Rich Man’s Daughter.’ Gaganap na tomboy o lesbian ang misis ni Dingdong Dantes sa nasabing teleserye kung saan ang kanyang kasintahan ay si Glaiza de Castro. Ang director nito ay ang nagdirek din sa mainit at kontrobersyal na palabas na My Husband’s Lover na si Dominic Zapata. “We want to push the boundaries of what we do in television, what we do in entertainment. The more complex, the better. In this way, we educate the viewers. Inaalis natin sila sa kanilang comfort zone at maganda iyon para sa aming mga director kasi we are doing something new,” saad ni Direk Dom sa kanilang serye.
SARAH GERONIMO NAKA-APAT SA MYX MUSIC AWARDS Sulit na sulit ang pagdalo ni Sarah Geronimo sa MYX Music Awards na ginanap sa SM Aura Premier’s Samsung Hall noong Marso 25. Hindi lamang dalawa, kundi apat na parangal ang kanyang nakamit kabilang na ang Favorite Artist at Favorite Female Artist awards. Hindi rin nabigo ang singer-actor na si Daniel Padilla na siya namang pinangalanang Favorite Male Artist. Muling pinatunayan ng Pop Princess ang kanyang husay sa pag-awit at lakas ng kaniyang karisma pagdating sa paggawa ng mga proyekto. Ang video ng kanyang awiting ‘Tayo ‘ na idinirek ni Avid Liongoren ang tinanghal na Favorite Music Video, samantalang Favorite Remake naman ang kanyang version ng ‘Maybe This Time.’ Matatandaan na ito ang theme song at kaparehong title ng kanyang pelikula kasama si Coco Martin noong isang taon. Pihadong tuwang-tuwa ang Kathniel fans ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil parehong may award ang dalawa noong gabi ng parangal. Ang kanta ni Daniel na ‘Simpleng Tulad Mo’ ang naging Favorite Song, habang si Kathryn ang itinanghal na Favorite Guest Appearance in a Music Video para sa video nang nasabing
kanta. Masaya na rin marahil ang Jadine fans dahil ‘No Erase’ music video nina James Reid at Nadine Lustre ang nagkamit ng Favorite Media Soundtrack Award. Samantala narito pa ang ibang nagsipagwagi sa MYX Music Awards: Favorite New Artist: Darren Espanto Favorite Group: Silent Sanctuary Favorite International Video: “Shake It Off” by Taylor Swift Favorite K-Pop Video: “Come Back Home” by 2NE1 Favorite Rock Video: “Kislap” by Kamikazee Favorite Urban Video: “Businessman” by Gloc-9 (directed by J. Pacena II) Favorite Myx Celebrity VJ: Toni Gonzaga Favorite Mellow Video: “Right Where You Belong” by Julie Anne San Jose (directed by Louie Ignacio) Favorite Collaboration: “Takipsilim” by Gloc-9 featuring Regine Velasquez Magna Awardee: Rey Valera for his “indelible contribution” to local music–Arvin Mendoza, Allan Policarpio
PUBLIC APOLOGY NI MELISSA MENDES 'DI TINANGGAP, REY PAMARAN TINULOY ANG DEMANDA Sapamamagitan ng kanyang Instagram ay humingi na ng paumanhin ang aktres na si Melissa Mendez sa kanyang nakaalitang si Rey Pamaran. Ang dalawa ay kapwa pasahero sa isang flight papuntang Pagadian na kung saan ay nagtalo sila dahil sa pag-upo ni Melissa sa nireserbang upuan ng huli na nauwi sa pagpapababa sa eroplano sa actress sa Maynila. Subalit, hindi tinanggap ni Rey ang apology at dinemanda n’ya ito sa kasong slander by deed. Marso 20 nang kapwa sakay ng Cebu Pacific sina Melissa, Rey at ang kaibigan nitong model-athlete na si Andrew Wolff. Kay Andrew unang nalaman ng publiko ang pangyayari at ayon sa kanyang salaysay ay naabutan daw nilang nakaupo ang aktres sa kanilang nakareserbang upuan. Umalis lamang daw ito nang pakiusapan ng mga flight attendant, magkagayon pa man ay patuloy daw ang pagmumura ni Melissa mula sa kanyang kinauupuan. Binalaan na raw ang aktres nang dalawang beses subalit imbes na manahimik ay nanakit pa raw ito ng flight attendant at sinuntok din si Rey. Bunga ng komosyon, nagdesisyon ang piloto ng eroplano na bumalik sa Maynila para pababain na lamang ang aktres. Madaling natukoy na si Melissa nga aktres ang tinutukoy ni Andrew, Philippine National Rugby Sevens Team player, dahil sa kanyang nai-post na Instagram video. “I’ve seen some crazy things in my life. I regularly travel on planes for work, but this has got to be probably one of the most ridiculous things that I have experienced. A certain Filipina actress, past her prime may I add, decided to use our reserved seats on the plane,” kwento at komento ni Wolff. “This video is of the initial offloading of this lovely character... Please note 20 ground staff were used just to offload one person. Fines include 500,000pesos and 3 years imprisonment. #WelcomeToTheGoodLife” Ang dagdag na mensahe ng modelo sa kanyang video na hindi na mapapanood sa kanyang social media account. Samantala, kinumpirma ng ipinalabas na opisyal statement ng Cebu Pacific ang naganap na pagpapaba sa kanilang pasahero noong Marso 20. “As of March 20, 2015; 11:30AM. Cebu Pacific flight 5J 771 ManilaPagadian returned to Manila, shortly after take-off today, March 20, 2015. The unruly passenger was offloaded from the flight. The flight departed Manila at 9:20AM and arrived at 10:37AM in Pagadian on the same day. CEB is coordinating with authorities regarding the incident.” Samantala, ipinaabot ni Rey na handa niyang patawarin si Melissa
kung ito ay magpa-public apology at ikukuwento ang totoong pangyayari sa pamamagitan ng open letter sa kanyang social media account. Sa panayam kay Melissa sa Startalk sinabi nito na pag-akyat nila sa eroplano ay wala pang nakaupo sa seat 1A and 1B at nakiusap umano siya kina Rey na magpalit muna sila ng upuan para makuhaan niya ng litratro ang mga ulap. Pero hindi raw s’ya pinagbigyan at binantaan pa raw siya na hahambalusin ng bag kung hindi aalis sa upuan. “Lagot ka pagdating sa Pagadian, tignan na lang natin kung ano ang kahihinatnan mo,” kwento ni Melissa sa banta ni Rey. Sinubukan pa umano ng aktres na makipag-ayos kay Rey sa tulong ng flight attendant pero itinataboy daw s’ya nito at sinabihan na mabaho ang hininga. Sa kanya raw galit sa mga pinagsasabi nito ay saka niya ito sinampal. Ikinagulat din umano ni Melissa ang anunsyo ng piloto na pababain siya at siya lamang. Itinanggi niyang nananakit ng attendant o nakainom noong panahon na iyon. Dagdag pa ng aktres ay humingi na siya ng tulong sa Gabriela, isang NGO para sa mga kababaihan, para siya ay tulungan laban kay Rey. Makalipas ng ilang araw ay nagpahatid ng paghingi ng paumanhin si Melissa gamit ang Instagram. Hindi tinanggap ni Rey ang public apology ni Melissa dahil umano sa hindi nito pagkaklaro sa mga kasinungalingan na sinabi nito sa telebisyon. Ayon sa kanya ay nais niyang sa telebisyon din humingi ng tawad ito. “Reading the response of the supposedly ‘public apology’ of Ms. Mendez, I immediately made up my mind to pursue my cases against her. I was hoping for a more heartfelt reply, where she would not only apologize but also own up to the lies that she said on TV to defend herself while destroying my reputation,” mensahe ni Rey sa kanyang Facebook. “I think this is not too much to ask. And please do it on TV, because that is where you destroyed my name. Making statements thru social media just adds insult to injury.” Marso 25 nang pormal nang maghain ng kaso si Rey, kasama ang abugadong si si Atty. Raymond Fortun, sa Pasay Prosecutor’s Office laban kay Melissa. Ang hinihingi niyang halaga para sa danyosperwisyo ay Php 3 million.