DELIVERY SA ASIA YAOSHO
PINOY NA PINOY: WEEKLY HOROSCOPE
THE PINOY FREE! YDAY NA! Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
ER EV TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL
0120-344-233
CHRONICLE
News. Link. Life
OPLAN EXODUS SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS
N
SAF NAUBUSAN NG BALA
agsimula na ang pagdinig sa senado tungkol sa engkwentro sa pagitan ng 44 SAF members laban sa mga rebeldeng moro. Ayon kay relieved PNP-SAF Chief Getulio Napeñas na naubusan ng bala ang special action force troops kung kaya't ganun ang kanilang sinapit sa mas armadong mga rebelled. Dagdag pa ni Napeñas na 13 out of 38 na SAF troops lamang ang nakatawid sa ilog malapit sa pinahihinalaang kuta ni Zulkilfi bin Hir alias Marwan bandang ika-apat ng madaling araw. Ipinaliwanag din niya na ang basic load ay aabot lamang sa 360 rounds lamang pero para sa operasyon na ito ay nagdagdag pa sila ngunit hindi rin naman puwede na magdala sila ng sobrasobra dahil hindi na sila makakalakad pa ng maayos.
PINOY LOCAL P.2
PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5
WEEKLY HOROSCOPE P.6
PINOY SHOWBIZ P.7
MAMASAPANO MASSACRE
COVER story CONTINUE ON PAGE 2
PACMAN MAGSISIMULA NA ANG TRAINING Bagaman wala pang siguradong makakalaban ay nagsisimula na mag-ensayo si eight-division champion Manny “Pacman” Pacquiao.
pinoy-local story CONTINUE ON PAGE 2
NIKKI GIL SETTLES FOR A NON-SHOWBIZ GUY Itinadhana o nagkataon lamang, pero kasado na ang pagpapakasal ng singer -actress na si Nikki Gil sa kanyang non-showbiz fiancé na si BJ Albert. Ayon sa dalaga ay nag-alok ng kasal ang kanyang nobyo noong Disyembre 13 . "Well, I wasn't planning on annoucning it really. I want to be discreet about it. But since its out and I'm confirming it. Yes, I got engaged last year," kumpirmasyon ng ASAP host sa panayam sa kanya ng Bandila.
pinoy-bizz story CONTINUE ON PAGE 7
SEVERAL JAPANESE COMPANIES EXPRESS INTEREST IN INVESTING IN THE PHILIPPINES
ORE AND MORE JAPANESE companies show more interest in investing in the Philippines during the Philippine Corporate Day in Japan co-organized by the Philippine Stock Exchange (PSE) and DBP-Daiwa Capital Markets Philippines, Inc. compared with the same event that was held last year.
GLOBAL PINOY story CONTINUE ON PAGE 3
-- SPECIAL FEATURE --
Thinking of what to cook this week?
Special Feature:
CEVICHE (Kinilaw) recently steals the spotlight in Madrid Food Festival, is a
Inihatid na sa kanyang himlayan ang tinaguriang Last Man Standing na si PCI
seafood dish popular in Davao City. Typically made from fresh raw fish marinated
MaxJim R. Tria na nasawi sa Mamasapano encounter noong madaling-araw ng
in citrus juices such as lime or lemon. And added with some spices to make as a
Enero 25.
Kinilaw na Sugpo (Prawn Civechi)
Huling Paalam: The Last Man Standing
'pulutan' or as a finger food.
CONTINUE ON PAGE 4
TARA LETS! EATOUTMANILA.COM: YOUR CONVENIENT FINE DINING APPS
CONTINUE ON PAGE 5
FEBRUARY 2015 2nd Issue Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
february 2015 I second ISSUE
page 2
cover story SAF NAUBUSAN NG BALA
pinay nurse mula saudi arabia kumpirmadong may mers-cov
K
inumpirma ni Department of Health undersecretary Nemesio Gako na isang Filipina OFW ang tinamaan ng Middle East respiratory syndrome corona virus o mas kilala sa tawag na MERS-CoV. Dumating kamakailan sa bansa ang hindi pinangalanang 32-anyos na Filipina OFW na nakakitaan ng mga sintomas ng nasabing sakit. Sa kasalukuyan ay pinaghahanap ng DOH ang 225 pang ibang pasahero na lulan ng Saudi Airlines filght 860 na nakasabay ni Pinay OFW. Naka-confine na rin ang asawa ng unang kumpirmadong may kaso ng MERS-CoV ngunit hindi pa ito nakakakitaan ng mga sintomas ng sakit.
Ani pa ni Napeñas na itinuloy pa rin ng naatasang assault force commander na ituloy ang misyon bagama't 13 lamang sila dahil halos 500 metro na lamang ang layo nila mula kay Malaysian bomb-maker Zulkifli bin Hir "Marwan" at Basit Usman. Giyera kung hindi maipapasa ang BBL Tila isang pagbabanta laban sa gobyerno ang ibinulalas ni Sulu Rep. Tupay Loong sa isang presscon na sakaling hindi maipasa ang BBL (Bangsamoro Basic Law) sa Kongreso ay magpapatuloy ang giyera sa pagitan ng mga rebeldeng moro at gobyerno. Ngunit iginiit naman ni Loong na kung tunay nga talaga at taus-puso ang kanilang pakikipagkasundo sa BBL ay humarap sila sa publiko at bigyan liwanag ang dahilan kung bakit nasa kanilang poder ang kinikilalang international terrorist na sina Zulkifli Abdhir “Marwan” at Abdul Basit Usman at kung di nama’y isuko nila ito. MILF ITINANGGI NA KINAKANLONG NILA SINA MARWAN AT USMAN Hindi naman tinanggap ni PNP Officer-in-Chief Leonardo Espina ang pahayag ni MILF Coordinating Committee on the Cesation of Hostilities Chair Rasi Ladiasan na hindi nila kinukupkop ang dalawang terorista na sina Marwan at Usman. Pahayag ni Espina, 2002 pa lamang ay mayroon nang impormasyon ang PNP hinggil sa kinaroroonan ni Marwan sa Maguindanao. Giit pa niya na ang kinaroroonan nang matagpuan si Marwan sa Mamasapano ay ilang kilometro lamang ang layo mula sa MILF territory. Sagot naman ni Ladiasan na ang mga teroristang tulad nina Marwan at Usman ay hindi nanahan sa iisang lugar lamang bagkus sila’y palipat-lipat sa iba’t ibang lugar. SEN. ALAN PETER CAYETANO GINISA SINA GENERAL CATAPANG, MAJOR GENERAL PANGILINAN AT PEACE PANEL
Samantala sa ikalawang araw ng Mamasapano Clash Inquiry sa senado ay kinundina ni Sen. Alan Peter Cayetano, katulad ng kanyang nakakatandang kapatid na si Sen. Pia Cayetano ang hindi pagsipot ng isang representante mula sa kampo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung saan nagdulot sa mga kawani ng militar at pulisya na magturuan ng masisisi. Kinuwestiyon din ni Cayetano sina Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles at peace panel member Miriam Coronel-Ferrer kung nakikipagnegosasyon ba ang Pilipinas sa mga terorista, na agad naman tinugunan ni Ferrer na ang MILF ay hindi kabilang sa listahan ng mga terrorist organization. Saad ni Cayetano “My point here is we’re talking peace to them, but it’s obvious they protected Marwan”. Na obligasyon ng MILF na huwag hayaan na ang sinumang terorista o kriminal na mapasok ang teritoryo nito bagkus ay dapat tulungan ang gobyerno para mahuli ang mga ito. Halos wala rin maisagot sina Armed Forces of the Philippines chief-of-staff General Gregorio Pio Catapang at Brigadier General Edmundo R. Pangilinan nang ungkatin ni Cayetano ang hindi nila paghingi ng tulong mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na malaman ang eksaktong lokasyon ng mga SAF troopers mula sa ginamit nitong cellphone. PNP OIC ESPINA: “ANO BA ITONG OVERKILL NA GINAWA NIYO SA MGA TAO KO?”
Hindi naman napigilan ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Leonardo Espina na maiyak sa sinapit ng kanyang mga tauhan. Ayon kasi sa medico-legal na isinumite kay Espina ay buhay pa ang kanyang mga tauhan nang pagbabarilin sa ulo ng mga rebelde habang ang iba’y hinuhubaran at pinagnanakawan. “Ano ba itong overkill na ginawa niyo sa mga tao ko”. Halos hindi rin daw makatulog si Espina sa tuwing makakatanggap siya ng mga reports hinggil sa sinapit ng kanyang mga troopers. “Simpleng mga tao lamang ito, legal na operasyon, kinuha lang yung terorista... Bigyan naman natin ng hustisya”. Pagtatapos ni Espina “I want answers so then when we see each other afterlife, I can tell them what happened.”
pnp chief director general alan purisima nagresign na
N
agbitiw na bilang PNP Chief si General Alan Purisima noong nakaraang Pebrero 6 na tinanggap naman ni Pangulong Benigno Aquino III kasunod ng pagkakasawi ng 44 Special Action Force troopers sa Mamasapano, Maguindanao. “Tinatanggap ko po, effective immediately, ang resignation ni General Alan Purisima” saad ng pangulo na umaming masama ang kanyang loob sa pagbibitiw ng suspendidong heneral. Nakatakda naman lisanin nila General Purisima ang kanyang tahanan sa Camp Crame White House ngayong Biyernes (Pebrero 13). Bagama’t nagbitiw na sa kanyang tungkulin, hangga’t wala pa rin napipisil na ipapalit sa kanya ang pangulo ay nanatali pa rin siyang four-star general.
Santiago kay Purisima: Buhay pa sila kung di ka nakialam!
I
ginisa ng husto ni Sen. Miriam Defensor-Santiago si dating PNP Chief Alan Purisima sa ikatlong pagdinig ng Senado kaugnay sa insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Igniit ni Santiago kay Purisima na buhay pa sana ang 44 SAF members kung hindi nakialam sa operasyon ang dating heneral na noo’y suspendido na dahil sa mga isyu ng korapsyon. “Imagine, 44 ang namatay at kung hindi ka kasali doon siguro buhay pa sila,” giit ng matapang na senador kay Purisima sa ikatlong pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs ngayong Huwebes kaugnay sa isyu. “Bakit hindi ka na lang nag-stay sa state mo sa Nueva Ecija,” aniya pa. Nilinaw pa ni Santiago na hindi pwedeng gumanap ng kanyang tungkulin ang isang suspendidong opisyal. Nakialam ka eh! “You performed the function of your office albeit in a superstitious manner,” aniya.
Magugunita na sumulat si Santiago sa komite na humihiling na bigyan siya ng pagkakataon na mainterpellate nito si Purisima dahil siya na lamang ang natitira sa kapwa niya mga senador na hindi pa nakapagtatanong.
pacman magsisimula na ang training
B
agaman wala pang siguradong makakalaban ay nagsisimula na magensayo si eight-division champion Manny “Pacman” Pacquiao. Sa kanyang instagram post habang karga ang bunsong si Israel ay sinabi ni Pacman na: “More than anything that is very important is when you serve the Lord and spend time with the family before the serious training for the upcoming fight. Fight
who?????? Hehehe im excited for this!” Mas minabuti ni Pacman na simulan na ang kanyang serious training sakaling maikasa na ang kanyang pinakaantay na laban kay Floyd Mayweather Jr. Sakaling hindi pa rin ito matuloy ay nasa listahan ni Pacman si Amir Khan na isang WBA, WBA and IBF Light Welterweight boxing champion of the world.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FEBRUARY 2015 I second ISSUE
Several Japanese Companies express interest in investing in the Philippines
M
ORE AND MORE JAPANESE companies show putting up an investment interest in investing in the Philippines during the Philippine Corporate Day in Japan co-organized by the Philippine Stock Exchange (PSE) and DBP-Daiwa Capital Markets Philippines, Inc. compared with the same event that was held last year. According to the PSE statement, “We are pleased with how the Corporate Day was received by Japanese investors. We are glad that we had the opportunity to explain to them the prospects of our local market and that the participating listed firms had the chance to discuss the nature and growth outlook of their respective companies.” The event registered a 37% increase in inverstors, 58% in percent growth and 32% increase in meetings between the listed companies and major Japanese investors. PSE with the partnership of KPMG Japan, Mori Hamada and Matsumoto Law, and Takara Printing Co. Ltd., also held the Philippine Business Environment Seminar, in the event 200 investors and corporations are participating to learn more about the rules, and regulations and prospects of setting up business or investing in the Philippines.
no military option against the fight in islamic state -- japan JAPAN says no to military assistance to fight against the Islamic State militants, event after the Islamic extremist group executed two Japanese captives, according to Yasuhisa Kawamura, Japan Foreign Ministry spokesman. Kawamura address the journalist in the United Nations headquarters in New York stating that the Japanese goverment will continue to assits the region fighting the Islamic State by providing non-military assistance to countries in the region, but is not considering putting boots on the ground "at this point of time." According to Kawamura "Japan will never give in to terrorism", "we will not change our path of peaceful contribution to the region." Japan pledged 2.5 billion dollars in humanitarian assistance to the regions including 200 million dollars designated to assist people damaged by the Islamic extremist and to carry out measures against the group.
x-factor winner marlisa punzalan will seranade her fans in the philippines MARLISA PUNZALAN The X-Factor Australia winner last October, will make her Philippine debut as a singer in a series of concert in Metro Manila this month. Marlisa will perform at the Lucky Chinatown Atrium at Eastwood Mall Open Park and Venice Piazza at Mckinley Hill. Recently Marlisa has came out with a single "Stand By You," which debuted at number 2 on the Australian Recording Industry Association (ARIA) charts three days after its released, just behind the popular song of Ed Sheeran's "Thinking Out Loud." This Philippine tour was on Marlisa's list ever since she won the The X-Factor Australia, when she promised to see her Filipino fans and relatives in Samal, Bataan.
Manny will not retire until he fights mayweather jr.
W
hile still there arel no official word on the mega fight between undefeated American Floyd Mayweather Jr. and Manny “the Pacman” Pacquiao, both fighters remain optimistic. The eight-division world boxing champion says it would be a shame if he retires without fighting his staunchest rival. He says the announcement of the fight will come soon. “I’m thinking that the fight will happen. So hopefully — within one week, though, we can hear from them and fix the fight,” said Pacquiao in Ronnie Nathanieslz’s report on the website Boxing Scene. Mayweather took to social media by posting a video of his meeting with Pacquiao where he congratulated Pacman’s career then spoke on the importance of their fight. “I congratulate him on his career. He had a wonderful career,” the American was heard saying in the video. “And I had a wonderful career. But before we leave the sport, of course, we have to make this fight happen.” Pacquiao’s promoter Bob Arum tells reporters that he is working hard to make the May 2nd fight possible. Pay-per-view sales are already predicted at $300 million.
page 3
eatoutmanila.com: your convenient fine dining apps
D
ahil nalalapit na naman ang araw ng mga puso ay siguradong hindi na magkamayaw ang bawat tao sa pagpapa-reserve sa iba’t ibang fine dining restaurants. Ngunit hindi iyon ganun kadali, kadalasan, sa mga reservations na ganyan, may tinatawag silang holding time ng reservation na kung minalas-malas ka at naipit ka sa trapik ay di ka aabot, mauunsyami ang planado mong valentines date. Ang Eat Out Manila ay isang apps na available pa lamang sa iOs na maari mo rin naman maaccess sa kanilang website: EatOutManila.com kung saan easy as one-two-three ang pagbubook mo ng reservations sa mga fine dining restaurants. Sa pamamagitan lamang ng iyong daliri ay maari mo na ma-confirm ang iyong reservation at hindi na kailangan pang kumaripas ng takbo makaabot lang sa holding time ng iyong reservation. Ang pagbu-book ay absolutely FREE. Bukod dito maari mo rin makita ang buong menu at kung ano ang chef’s recommendations. Siguradong pogi-points ka sa iyong kadate. Ano pang hinihintay niyo, start your restaurant booking adventure now!
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
february 2015 I second ISSUE
page 4
CEVICHE (Kinilaw) recently steals the spotlight in Madrid Food Festival, is a seafood dish popular in Davao City. Typically made from fresh raw fish marinated in citrus juices such as lime or lemon. And added with some spices to make as a 'pulutan' or as a finger food. As the dish is not cooked with heat, it must be prepared fresh to maximize the risk of the food from anisakis parasites. PRAWN CEVICHE recipe which is great for healthy diet for a low fat snack or appetizer.
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
a sugpo n w a il in K ivechi) (prawn c INGREDIENTS • 1 kilo of Prawns • Garlic • Table Salt • Ginger • Suka (Vinegar) • K a m i a s o r y o u c a n u s e l e m o n o r l i m e (Bilimbi Fruit) • Onion • Red Bell Pepper • Cilantro/Parsley leaves for garnishing COOKING PROCEDURE • Put the shrimp in a bowl. Add the vinegar, lots of ginger, salt and onions. Then add the kamias and the red bell pepper. Let it sip until the shrimp turns to reddish (meaning it is already cook). • Put cilantro or parsley leaves for garnishing.Share and enjoy! Ceviche is very popular in the Philippines and most especially in the coastal region. Impress your friends with this fresh recipe and have it enjoyed while drinking the Batman Gotham Chill Cocktail...or Red Horse so refreshing!
feature story 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
february 2015 I second SEPTEMBER 2014 SECONDISSUE issue
page 5
huling paalam: THE LAST MAN STANDING ni irene tria
I
nihatid na sa kanyang himlayan ang tinaguriang Last Man Standing na si PCI MaxJim R. Tria na nasawi sa Mamasapano encounter noong madaling-araw ng Enero 25. Mula sa kanilang tahanan sa maliit na baryo ng Cabihian ay sama-samang naglakad ang mga kaanak, kaibigan, kabaryo at maging mga opisyal ng Kapulisan ng Bicol region hanggang makarating sa Nuestra Señora De Salvation Parish Church Palta para sa isang necrological service at huling misa na pinamunuan ni Rev. Manolo A. Delos Santos, Bishop, Diocese of Virac, Catanduanes. Naging emosyonal ang bawat isa na nagsalita upang magbigay pugay sa fallen hero. Naunang nagsalita ang mga kaklase at batchmate ni PCI Tria sa PNPA Class of 2009 na sina JSINSP Freddie Caballero at PSI Albert Jeffrey Relente na bagama’t nagpipigil ng kani-kanilang mga luha ay nagpasintabi upang hayaang tuluyan na itong pumatak. Kasunod rin nagsalita ang elementary teacher ni PCI Tria na si Mrs Lucia Tapel na masayang ibinahagi na kumpleto na ang kanyang mga trophies ng kanyang buhay, dahil ngayon ay mayroon siyang estudyante na naging bayani. Tila parang nagpaparamdam si PCI Tria nang biglang mamatay ang ilaw sa loob ng simbahan at muntikan nang matalisod ang kanyang itinuturing na bestfriend na si Paolo dahil binuking nito na minsan naging pangarap
ng kanyang kaibigan ang maging isang manikurista. Ngunit mas lalong naging emosyonal ang lahat nang ibahagi ni Ginoong Paolo ang huli nilang paguusap nang nasawing si PCI Max Jim Tria. Tanong niya sa matalik na kaibigan, “Mac paano kung mahuli ka nila ano ang gagawin mo”; mabilis na tumugon si PCI Tria nang “hindi ako papahuli ng buhay, kukuha ako ng dalawang granada at saka ko papasabugin kasama sila”. Natagpuan ang mga labi ni PCI Tria na nakadapa malapit sa ilog kung saan may hawak siyang dalawang granada sa magkabilang kamay. Tinupad nga niya ang kanyang tinuran, hindi papahuli ng buhay. Sa pagtatapos ng necrological service ay huling nagsalita ang kanyang panganay na kapatid, na bagama’t hindi mahanap ang lakas loob na humarap sa marami ay nagawa pang magpatawa bilang pag-aalala sa namayapang kapatid. S i P C I M a x J i m R . Tr i a a n g i k a t l o s a l i m a n g magkakapatid na lalaki na lumaki sa maliit na barangay ng Cabihian Virac Catanduanes. Bata palang ay pangarap na nitong sundan ang mga yapak ng kanyang ama sa pagpupulis. Wala nang iba pang kurso ang pinasukan ni PCI Tria dahil agad na itong pumasok sa Philippine National Police Academy na nagtapos noong 2009. Mula na noon ay hindi na tumigil si PCI Tria na tuparin ang kanyang pangarap na mahigitan ang rango ng ama na isang Police Senior Inspector din. Hindi man ganun katangkad ay agad nakakitaan ito ng determinasyon at talagang pursigido na magampanan ang sinumpaang tungkulin na maglingkod sa bayan. Isa siya sa mga top student sa sniper school, scout ranger at commando kung kaya’t hindi kataka-taka na isa siya sa mga napili na mamuno sa nasabing misyon na arestuhin ang tinaguriang most wanted terrorist sa buong mundo na sina Marwan at Usman. Ang kanyang mga labi na inilagak sa Palta Catholic Cemetery kung saan pagagawan ito ng isang Musuleo bilang pagbigay puri sa kanyang kabayanihan.
pinoy na pinoy 6 page 6
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Madalas hindi napagsasabay ang pagtugon sa responsibilidad ng kasalukuyan at pagkamit sa pangarap. Iyan ay dahil bibihira naman talaga ang pangarap na mababaw at madaling makuha. Pero kung tutuusin ay kung ano ang laman ng iyong nais na makamit ay iyon ang nagtutulak sa iyo para maging masigasig at produktibo sa buhay. Kaya naman hayaan mong maging inspirasyon ang iyong pangarap sa iyong kasalukuyang trabaho. Basta’t ganado ka, kahit medyo malabo pa ang sitwasyon pasasaan ba’t makakamit mo rin ang iyong gusto.
Aries - March. 21 - April. 20 Madaling pumasok pero mahirap lumusot lalo na kung hindi ka handa sa pinapasok mo. Huwag kang magpadalos-dalos sa pag-aaya ng iyong mga mga kakilala at huwag kang mahihiyang magtanong. Ang pag-aanalisa muna sa sitwasyon, pananalapi at prayoridad ay makakatulong nang malaki para hindi ka magkaroon ng problema sa huli. Ang mahalaga ay maipaliwanag mo nang maigi sa mga kaibigan mo kung ano ang rason sa iyong mga desisyon.
Taurus - April. 21 - May. 21
Pahalagahan mo ang pagbibitiw ng mga salita, na kapag nangako ka ay kaya mong tuparin. Bagaman mga tao na mahilig makipagkasundo sa pamamagitan ng mga salita ay huwag kang bibitiw. Ibigay mo lang kung ano ang sa tingin mong sigurado ka at kung ano lamang ang iyong naiintindihan. Huwag mong akuin ang mga bagay na hindi mo naman pala kayang panagutan sa bandang huli. Dahil madalas hindi naman tinitingnan ng iba bakit hindi mo na kinakaya, basta para sa kanila kailangan gawin mo kung ano ang sinabi mo.
Gemini - May. 22 - June. 21 Makulay ang buhay at maraming mapanuksong tao o opoturnidad na tila akma sa iyong mga kagustuhan. Pero maging maingat ka rin dahil kung napakarami na ng iyong pinagpipilian ay mas maraming gugulo sa iyong isipan. Mawawalan ka ng konsentrasyon at mapapansin mo na lamang ay bakit imbes na mahayahay ang iyong pakiramdam ay tila kabado at balisa ka. Ang sagot d’yan ay kapag nakita mo na ang gusto mo ay panghawakan mo at iyon na ang pagtuunan mo ng pansin.
Cancer - June. 22 - July. 22
Kapag hindi ka pa handa, hindi ka pa handa. Minsan ang pagbabahagi ay hindi lamang basta pagsasabi para makaluwag-luwag sa iyong kalooban at sa halip ay para kang nakakaramdam ng pagsisi bakit nagsalita ka agad. Siguro nga ay may gusto ka munang mapatunayan o masyado pang mabigat para pag-usapan. Gamitin mo ang karapatan mo na isapribado kung ano ang iyong nararamdaman, saka mo sabihin kung nararapat na. Sadyang may mga tao na mapilit na humingi ng kuwento mula sa iyo.
Leo - July. 23 - August. 22
Mapaglihim ka pero kapag nabuksan na ang iyong bibig ay parang hindi ka na mapigilan sa pagbibigay ng impormasyon na sobra-sobra na sa nararapat. Huwag kang magpadalos-dalos dahil baka sa bandang huli ay baka ang mga iyan pa ang humila sa iyo pababa. Mahalaga na makilala mo ang iyong mga nakakausap at ang kanilang pananaw sa iyong mga sinasabi. Kung nag-aalangan ka sa kanilang pang-unawa, huwag kang masyadong magkuwento. Basta ang lihim ay lihim at hindi lahat ng kwento mo ay para sa lahat.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
february 2015 I second ISSUE
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Ang maganda sa iyo ay alam mo sa sarili mo kung ano talaga ang gusto mo. Hindi ka madaling madala sa pangako at pangungumbinse ng iba. Subalit, kailangan mo rin tanggapin na may oras sa bawat bagay at kailangan mong tanggapin na hindi perpekto ang buhay. May mga kagustuhan na kailangan mong hintayin na matupad at huwag mong ipagpilitan sa iba na gawin ito para sa iyo. Ang mahalaga ay masaya ka ngayon sa buhay mo.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 May pagtatalo sa iyong puso at isipan na para bang may gusto kang maramdaman pero hindi mainam ayon sa iyong isipan. Gaya na lamang halimbawa ng pagiging sikat sa iyong komunidad, ang sarap sa pakiramdam na mapuri ka ng mga tao pero alam mo rin na ang masyadong pagkuha ng atensyon ay nakakatakot para sa iyo. Sa ngayon ay ang kailangan ay lakasan mo ang iyong loob at gawin ang sa tingin mo kung ano ang nararapat.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Para sa iyo hindi mahirap na maging positibo kung kinakailangan dahil natural na sa iyo na maniwala na may pag-asa sa buhay. Ang kailangan mo na lang ay busugin ang iyong damdamin nang magagandang pananaw sa buhay at pagpupurisge na matupad ang iyong mga pinaplano. Huwag mo rin kaligtaan na ipagdiwang ang maliliit na tagumpay na iyong nakakamit, patunay lamang ang mga ito na kaya mo at marami ka pang kayang patunayan sa buhay.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Maliit lamang ang harang na nagbubukod sa pagiging idealistiko na negatibo at praktikal na positibo. Kung hindi mo mahahanap ang pagkakaiba ng mga ito ay mahihirapan ka na maisakatuparan ang iyong mga nilalayon sa buhay. Kailangan maging tapat ka sa iyong sarili, huwag kang magpadala sa mga ideya na akala mo puwede pero napakaimposibleng magawa sa ngayon o sa hinaharap. Piliin mo ang laban na papasukin mo, siguraduhin mo na maipapanalo mo sa bandang huli.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Ang sarap sa pakiramdam na makatulong sa pag-aayos ng mga taong hindi nagkakasundo lalo na kung nagkataon na kaibigan mo sila. Iyong nga lang ay hindi sa lahat ng pagkakaton ay kontrolado mo ang sitwasyon at nasa posisyon ka para magawa ito. Huwag ipilit kung hindi naman kaya, hayaan mo sila na kumalma muna at magmuni-muni. Basta kapag kailangan nila ng payo ay huwag kang mapagod na magsabi at hanapin ang aspeto kung saan sila parehong aprobado.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Sa isang banda ang pag-uukol mo ng pansin sa opinyon ng iba ay nakakaapekto sa paniniwala mo sa iyong kakayahan. Makinig ka sa kanilang sinasabi at kunin mo ang kanilang magagandang punto. Subalit, hindi naman ibig sabihin nito na lahat ng sasabihin sa iyo ay susundin mo. Ikaw ang nakakaalam kung ano ang makakaya mo at kung ano ang magpapasaya sa iyo. Huwag kang mabuhay para lang mapasaya ang mga tao, bagkus ay magpasaya ka dahil ikaw mismo ay mayroon nito.
pinoy-BiZz february 2015 I second ISSUE
page 7
nikki gil settles for a non-showbiz guy Mula Pahina 1 Hindi lingid sa apat na sulok ng Showbiz ang ilang nakarelasyong artista ni Nikki na sina Gab Valenciano, na engaged na rin sa kanyang model girlfriend na si Tricia Centenera, at sa singer na si Billy Crawford. Kapwa hindi naging tahimik ang isyu ng hiwalayan niya sa dalawang binata lalo na kay Billy na ngayon ay boyfriend nang kanyang co-host sa It’s Showtime na si Coleen Garcia. Ilan pa nga sa itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang third party at ang pagkakaiba ng kanilang paniniwala. Dagdag pa sa isyu na ikinakabit sa dalaga ay ang kanyang prinsipyo laban sa premarital sex at virginity na nagkaroon ng magkahalong reaksyon sa social media. Dito naman ay ipinagtanggol siya nang matalik niyang kaibigan na si Iya Villania. Pero matapos ang pananahimik ay ang balitang pagpapakasal naman ang ibinuluga ng 27-taong gulang na dalaga. “Very happy. Very, very happy. God has his own timetable. He has his own timeline. Meron talaga siyang kuwentong inihanda for me. I’m just so happy that I listened, and it came to pass,” banggit pa ng actress na unang nakilala sa isang soda commercial. Kuwento pa ng dalaga ay naging maingat siya sa pagsasabi tungkol sa kanyang negosyante boyfriend dahil isa itong pribadong tao. Naging mag-on sila noong isang taon lang din lamang. Pero noong magpropose nga ang kanyang nobyo na ka-eskuwela niya
sa Ateneo, kakuntsaba pa ang kanyang mga magulang, ay labis nga niya itong ikinatuwa at sinagot. “It just dawned on me how good God is to me, how he picked me up, picked the pieces of the broken me up and then put it together, and then rewarded me with the man of my prayers,” saad pa nito na nagsasabing walang problema sa kanya kung naging napakaikli ng kanilang pagsasama bilang magnobyo at pumayag kaagad sa proposal nito. “For me, I know what I’ve been praying for. I know that God had reserved for me what he thinks is best for me. Pareho kami ng prinsipyo, pareho kami ng mga values na pinanghahawakan. I can see myself spending the rest of my life with this person.”
james reid binatikos ang mga tabloid writers?
M
ay pinaghuhugutan ang aktor na si James Reid sa kanyang Instagram post na laban sa mga nababasang kwento sa local tabloid sa Pilipinas. Nakarating sa aktor ang kumakalat na tsismis na mayroon daw siyang idini-date na babae ngayon at hindi iyon ang ka-love team niyang si Nadine Lustre. “People who read the tabloids deserve to be lied to” Sa report ng Pep.ph sa isyu ay napag-alaman nito na nagsimula ang lahat sa tanong sa Instragram ng aktor sa nababalitaan nilang may ka-date daw ito sa Cebu noong nagbakasyon ito roon kasama ang iba pang artista ng Viva. Samantala, sa isang interview
naman kay Gary Valenciano ay sinabi ng tinaguriang “Mr. Pure Energy” ang kanyang paghanga sa Filipino-Australian artist na nakilala sa Pinoy Big Brother teen edition. Isa lang naman siya sa napipisil nito na magaling sa hilera ng mga batang singers ngayon. “Iba ang kanyang boses, at naalaala ko ang sarili ko nang
nagsimula pa lang ako. Pati moves niya sa pagsasayaw. Hindi niya napapansin, pero, may ‘it’ siya,“saad pa ni Gary V ,na may upcoming Valentine’s day concert kasama sina Martin Nievera, Lani Misalucha at Regine Velasquez, sa panayam sa kanya ng Philippine Journal.
enzo-janine-enzo love triangle for reel or real?
M
apapanood ang tambalan nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa dramedy show na “More than Words at kalove triangle nila rito ang Kapuso actor din na si Enzo Pineda. Pero may umuugong na balita na pati sa tunay na buhay ay nagkakagusto na rin si Enzo kay Janine gayong umamin na si Enzo na sila na ng dalaga. Noong isang taon ay hindi na naglihim ang magkasintahan na sila na nga sa presscon para sa pagbubukas ng kanilang programa. “Yes, yes, kami na,” saad pa ng binata ng namayapang Master Rapper Francis Magalona . “But you want to make it like you’re always trying something new. I make it a point na I don’t really want her to get bored. So, wala lang, I keep thinking of things to keep it fun.” Pero kahit tahimik naman ang samahan nila ay pinupukol ng intriga sina Janine at Elmo. Kasama na rito ang ‘di pa rin natitigil na umano’y paninira kay Janine ng mga solid fans ni Elmo at dati niyang ka-love team na si Julie Anne San Jose. Dagdag pa rito ang iringan umano sa pagitan ni Janine at nakahiwalayan nobya umano ni Elmo na si Lauren Young. Sa isa niyang interview ay pinabulaanan ni Janine na may -away sila ni Lauren at tungkol sa kanyang
bashers ay halos wala na raw siyang nakikita. Kung ayos na ang mga isyung ito ay may lumilitaw namang bago at ito na nga ang pagkakagusto sa kanya ni Enzo. Pinasinungalingan din ito ng dalaga na malabo na magkagusto sa kanya ang Starstruck star dahil palagi itong nag-a-update tungkol sa isang non-showbiz girl. “Hindi, ano lang... ako, ako! Parang, alert lang ako. Alert lang ako sa mga…” Ang pahayag ni Elmo sa posibleng aaligid sa kanyang girlfriend. Sinabi rin nitong hindi siya naniniwala sa sabi-sabi na may “something” si Enzo kay Janine dahil magkakaibigan sila.
angelica, inaming third party sa hiwalayang john lloyd at shaina? TINGAN mo nga naman ang liit ng mundo ng showbiz. Kapwa may kaugnayan kay Angelica Panganiban ang mga dating naging nobyo ni Shaina Magdayao na sina John Prats at John Lloyd Cruz. Pero tila hindi lamang d’yan natatapos ang istorya ng dalawang Kapamilya actress kundi, ang pag-ako ni Angelica na baka siya ang dahilan ng hiwalayan nina JLC at Shaina three years ago. Sa programang Gandang Gabi Vice (GGV) ay kapwa naging panauhin sina Angelica at John P. Dito na nga naikuwento ng dating child stars ang nakaraan. Ang dalawa ay mag-best friend sa totoong buhay. ‘Pero alam naman ‘yun ni Lloydie ngayon. Para maka-move on siya (Prats), sabi ko, ‘ano ka ba, kaya mo ‘yan! Isipin mo di sila bagay, maghihiwalay din sila!’ Ako pala ‘yung magiging dahilan,’’ saad pa ni Angelica na kaibigang matalik din si Camille Prats na naging kaibigan din ni Shaina. Agad namang nag-follow up question ang host ng programa na si Vice Ganda, kinukumpirma nito ang sinabi ni Angelica kung siya talaga ba ang rason sa breakup nila Shaina at John Lloyd. “Feeling ko,” maikli pero malamang pahayag ng dalaga na ilang taong ding nakarelasyon si Derek Ramsay. Samantala, inamin din ng fiancé ni Isabel Oli na noong una ay di siya komportable sa simula ng relasyon nila Angelica. “Alam ko na naman noon,’’ pahayag ni John . “Sabi ko, seryoso ba ‘yan? Paano nangyari ‘to? Tapos eventually noong Star Magic Ball, nag-usap na kami ni Lloydie. Sabi ko sa kanya, ‘basta
alagaan mo ‘tong best friend ko.” Sa pamamagitan naman ng Instagram ay tila nagpahaging si Shaina sa litanya ni Angelica. “ONE thing I DO BEST to people who “try” to put me down and “try” to break me even if Im not doing anything to them? I PUT YOU ....ON MY PRAYER LIST ? exactly what i did before, and what i still will continue to do 3 years after#takethehigherroad ?#butplsdontmentionmynameeverrragain.” Kasama ng mensahe nito ng nakababatang kapatid ni Vina Morales ang isang quote mula kay Thema Davis. “Those who tried to break you are expecting you to be in fight mode. Conquer them with your peace.
erap's daughter slams kris' statement t-shirt
Higit pa nga sa fashion ang nais punahin ng anak na babae ni Manila Mayor at dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada kay Laarni Enriquez. Sa Facebook account ni Jerika Ejercito ay nagpahayag ito nang pagtuligsa sa ‘di umano’y reaksyon ni Kris Aquino sa mga nambabatikos sa kanyang kapatid na si Pres. Benigno” Noynoy” Aquino. Ang isyong ito ay may kinalaman naman sa tinuguriang “Fallen 44.” Noong Pebrero 4 ay naglabas ng saloobin si Jerika laban kay Kris sa pamamagitan ng Facebook. Sa status message nito ay sinabi nitong sa mga panauhin ng TV host-actress sa Abunda and Aquino Tonight at Kris TV ay nagpapaka-“brutally honest” nito pero pagdating sa sarili ay hindi nito maharap ang katotohanan. Naka-link pa sa nasabing status ang artikulo ng Spot.ph na may titulong “Kris Aquino defends her brother, doesn’t seem to understand duties of the President.” “Don’t dish it out if you can’t handle it. Sheesh...every night she bullies her guests on a&a and every morning does it all over again on her show cleverly named kristv her poor guests publicly humiliated...she feels entitled to be BRUTALLY HONEST day in, day out...but obviously cannot handle the truth herself,” pahayag ni Jerika na kasintahan ng dating aktor na si Bernard Palanca. Sinundan din ang nasabing post ng isa pang link ng Spot. ph na may pamagat na “Champion of Silence.” Dito naman inugnay ang isinuot na statement t-shirt ni Kris na may nakasulat na “How beautiful it is to stay silent when someone expects you to be enraged.” Samantala, ibinihagi naman ng Feng Shui actress ang paghingi sa kanya ng tawad ni Mayor Estrada sa naging pahayag ni Jerika. Ayon sa kwento ni Kris ay may nagsabi raw sa kanya na
hinihingi ni Erap ang kanyang numero at nang tumawag na nga ang dating Pangulo ay makailang beses itong humingi ng “sorry.” “I had just finished praying when I got a text from @paulcabral asking if I was still awake. This was followed by a text from mayor @lenalonte asking if it was okay to give my # to president mayor Erap who was in Biñan earlier tonight. “He called me at 11:08 PM. ‘Pag hello ko pa lang, nag sorry sya agad, ‘Sorry Kris sa pinagsasabi ng anak ko, ngayon ko lang nalaman, nahihiya ako sa ‘yo, sa pamilya nyo.’ Dinagdag nya na naging mabuti at ma respeto kaming mga magkakapatid sa kanya. 5X nyang inulit yung salitang SORRY, sorry talaga. “I said: president mayor, wala ho kayo dapat ihingi ng tawad sa kin. Okay na okay po tayo... Napakalaking bagay po ng effort nyong tawagan ako. Hindi po kinailangan pero MARAMING SALAMAT PO. Naging totoong magkaibigan sila ng Mom ko & I know part of the reason he called me tonight was because of that bond they shared. “In the year & a half our Mom battled cancer, president mayor Erap thoughtfully sent food & fruits consistently. I’ve never forgotten his kindness. Before I sleep, i learned so much again tonight from this season of my life, about respect, about humility, about reaching out, and about personal effort. Thank You God for continuing to strengthen me, teaching me, and molding me. “ Samantala, nagsalita na rin si Jerika tungkol sa kanyang nai-post at ang reaksyon naman niya sa paghingi ng despensa ng kanyang ama. Sa panayam ng Pep sa dalaga ay sinabi nitong hindi naman kataka-taka na gawin iyon ni Erap dahil isa itong maginoo at hindi nakakaapekto sa relasyon nilang dalawa ang pagkakaroon ng magkaibang opinyon. “I apologize for being inconsiderate and insensitive and for voicing out my observation recklessly, but this does not mean it devalues my observation. Yes, I am grown enough to learn humility and I understand where my errors lie, but I am also grown enough to understand where my conviction lies... and I stand by what I said... obviously some can handle the truth while others can’t, such is life... truth does hurt.”