automatic philhealth coverage para sa mga senior citizen naisabatas na
Daloy Kayumanggi
CAREgivers and pinoy nurses will undergo in a japanese language training before going to japan
Impormasyon ng Pilipino
Page 2
zanjoe at bea, papuntang altar o hiwalayan?
Page 3
Page 7
YOLANDA ONE YEAR AFTER
PINOY LOCAL P.2
PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5
WEEKLY HOROSCOPE P.6
PINOY SHOWBIZ P.7
PAGGUNITA SA BAGSIK NI YOLANDA
E E FDER LIVERY Photo from: http://beta.img.cbsnews.com
Heartbreaking video of a father singing to his newborn dying baby
I
sang taon makalipas ang hagupit ni super typhoon Yolanda na may international name na Haiyan, kamusta na nga ba? Iminungkahi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na imbes na magdiwang ng anniversary ay mas dapat bigyan papuri ang mga bansang tumulong sa bansa. Nanguna na rito ang United Nations kabilang ang iba't ibang international communities sa agarang pagtugon sa tawag ni UN Secreatary General Ban-KiMoon ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Aabot ng mahigit 40 international donors ang nagpahatid ng tulong sa mga biktima ni super typhoon Haiyan. Kabilang na rito ang European Union na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin na nagbibigay ng tulong para sa rehabilitasyon ng mga apektadong komunidad. 43.57 million euros o 2.5 billion pesos ang nai-donate ng EU sa mga Yolanda survivors. Samantalang 502.39 million euros o 28.5 billion pesos ang nagmula naman sa EU humanitarian assistance. Sa kabuuan ay may 1.2 million katao mula sa iba't ibang panig ng Europa ang nagbigay ng tulong.
A
viral video of a man singing a Beatle's song to his dying newborn baby, after his wife passed away during labor. Chris Picco took a guitar into the neo-natal ward to sing "Blackbird to his son Lennon, who is born prematurely by emergency ceasarian. Lennon was born at 24weeks, but his mother Ashley died that same
day. The infant survived 3 days in the neo-natal ward at Lorna Linda University Hospital outside Los Angeles, California on November 11, 2014. The video garnering over a half a million views and still counting more every week. The family spokesman, Brett Walls, said that Chris is now spending time with his family, friends, and his community while he continues to grieve for his family's death. He recognized that his music is striking to people who would be interested in seeing how everyone could partner to bring healing to others who are suffering, according to his email.
SA BUONG JAPAN! SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS
NOVEMBER 2014 2nd Issue Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
NOVEMBER 2014 I SECOND ISSUE ( 1st year anniversary )
page 2
13th month pay dapat maibigay bago mag-pasko - dole
N
agpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na dapat mailabas ang 13th month pay bago o bisperas ng Pasko. Ani DOLE Secretary Rosalinda Baldoz na ang 13 th month ay dapat maibigay bago o mismong sa Disyembre 24 kada taon. Ngayon, papatak na Miyerkules ang Disyembre 24 kung kaya’t maari sa mismong araw na ito nila bayaran ng 13th month pay ang kanilang mga empleyado upang maiwasan ang holiday rush. Nakasaad sa Labor Code of the Philippines na kinakailangang makatanggap ang mga empleyado ng 13th month pay kung higit isang buwan nang nasa kumpanya ito. Maaaring mag-reklamo ang isang manggagawa kung hindi siya makakatanggap ng 13th month pay. Maaring ilabas ang 13th month pay bago magpasukan o tuwing Mayo o Hunyo o bago mag-Pasko.
mula pahina 1
Kabilang sa mga EU world partner ang mga sumusunod: World Food Program International Federation of Red Cross UNICEF Action Centre la Faim Save Thd Children CARE Merlin Plan International Oxfam UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs International Organization for Migration Dagdag pa rito ay nag-offer ang EU ng assistance para makadalo ang representante ng Pilipinas sa isang dayalogo patungkol sa pagbabantay ng epekto ng Climate Change na nasa ilalim ng United Nations Framework Convention on Climate Change na ginanap sa Paris. Samantala nakipagtulungan naman ang DOTC at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine Porta Authority (PPA) ang rehabilitasyon ng Kalibo International Airport, Roxas Airport at Busuanga Airport. Umabot na sa 41.2 milyon pesos ang nagastos sa pagpapagawa ng 14 pantalan kabilang ang: Port of Naval (Biliran), Ports of Danao, San Carlos at Pulupandan Negros Occidental, Port of Coron, Culion, Cuto at El Nido sa Palawan, Port of Matnog sa Sorsogon, Ports of Legazpi, Tabacco at Pasaco Albay, Port of Maasin-Southern Leyte at Sta. Fe Port sa Bantayan Cebu. Hindi naman mapigilan ng mga mamamayan ng Tacloban na ikumpara ang gobyerno sa NGO kaugnay sa tulong pabahay sa kanila. Isa sa mga NGO ay ang Tzu Chi Foundation na nakapagpagawa ng bahay na may sukat na 36sqm para sa pamilya may miyembro na 5 pataas. At 27sqm naman para sa 3 pababa na miyembro. Mayroon dibisyon, kusina, sala at 3 kwarto ang mga bungalow type ng pabahay na kanilang nagawa. Samantalang ang pabahay naman mula sa DSWD ay walang dibisyon at iisa lamang ang banyo at kusina na para sa lahat. Hindi rin simentado ang sahig at yari lamang ito sa pawid na pinangangambahang maaaring matangay sakaling sing bagsik ni Yolanda ang humagupit sa kanilang lugar. Tinatayang 6,000 katao ang nasawi na aabot sa 4.1 milyon ang pamilyang naapektuhan ng super typhoon na Yolanda. Sa kasalukuyan marami pa rin ang hindi nahahanap ang kanilang mga kaanak, walang matitirhan at wala rin sapat na mapagkukunan ng pagkain.
cctv sa buong kamaynilaan kasado na
B
uong pagmamalaki na ibinalita ni Don Quintos XVII, I.T. Consultant ang proyekto ng paglalagay ng 1500 CCTV camera sa buong Ka-Maynilaan na halos 80% na CCTV cameras ang nailagay sa iba’t ibang lugar. Umabot na sa 250 CCTV cameras ang nakalagay na sa Phase 1 project, 750 naman sa Phase 2 at 500 naman ang para sa Phase 3. Ito ang nakitang solusyon ni dating pangulo at kasalukuyang Manila Mayor na si Joseph Ejercito Estrada upang masugpo ang patuloy na pagtataas at paglala ng kriminalidad sa buong lungsod ng Maynila. Dagdag naman ni Quinto na mahusay din itong paraan upang mahuli ang sinumang gumagawa ng katiwalian at anumalya.
automatic philhealth coverage para sa mga senior citizen naisabatas na ideal is that the minute they blow their candles on
M
agandang balita para sa mga nakakatanda dahil naisabatas na ang PhilHealth Coverage para sa mga Senior Citizen sa bansa. Ito ang Republic Act 10645 kung saan automatic at hindi na kailangan mag-apply para maging miyembro ang mga senior citizen ng coverage ng PhilHealth. Kinakailangan lamang magpakita ng kanilang Senior Citizen ID sa tuwing sila’y magpapatingin sa ospital o kung sila’y magpapaospital at matatanggap na nila ang kaukulang benepisyong laan para sa mga miyembro ng PhilHealth. Ayon kay Senate Pro Tempore Ralph Recto na ang coverage ng PhilHealth para sa mga senior citizen ay hindi optional. Dagdag pa niya: “Health insurance can never be called universal if it does not cover all seniors. Enrolling them must be automatic, not optional. The
their 60th birthday cake to the moment they breathe their last-they should be PhilHealth members”. Tinatayang nasa 6.1 milyon na senior citizens ang nasa bansa.
vp binay umatras sa debate mmda kakanin vendor nila ni sen. trillanes umani ng papuri
U
matras si Vice President Jejomar Binay sa nakatakdang debate sana nila ni Senator Antonio Trillanes IV sa darating na Nobyembre 27. Ayon kay VP Binay sa isang ambush interview noong nakaraang Martes (Nobyembre 11) nang tanungin siya tungkol sa debate, ang sagot ng bise presidente ay huwag nang ituloy ang debate dahil pagmumukhain lamang daw siya ng senador na bully na magte-take advantage sa kanya. Dagdag pa ni VP Binay na ang tanging advantage raw niya ay ang pagsasabi ng pawang katotohanan lamang. Nang tanungin kung baka magbago pa ang kanyang isip, agad nitong itinugon ang “Wala na”. Matatandaan na mismong si Vice President Jejomar Binay ang naghamon ng debateng ito laban kay Senator Antonio Trillanes IV patungkol sa isyung binabato sa kanya kaugnay sa tagong yaman ng mga Binay. Noong una’y inakala pa ng kampo ni Binay na aatras si Trillanes sa kanilang hamon, sa huli ang bise ang tumiklop at umatras.
S
ikat na sikat ngayon si Traffic Enforcer 3 Fernando Gonzales matapos maging viral ang kanyang video at pictures sa internet habang nagtitinda siya ng kakanin sa mga motorista. Kung kaya’t ipinatawag siya ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa opisina ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang papurihan at bigyan ng promosyon at itaas ang sweldo nito mula P15,000 hanggang P20,850. Ayon kay Gonzales sa tuwing dayoff niya sa trabaho ay doon siya nagtitinda ng mga kakanin upang matustusan ang pag-aaral ng kanyang mga anak na nasa high school at kolehiyo na. Marami ang natuwa sa di matawarang kasipagan ni Gonzales kung kaya’t marami pa ang nagpaabot ng kani-kanilang mga tulong.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
NOVEMBER 2014 I SECOND ISSUE ( 1st year anniversary )
page 3
kim kardashian goes full frontal nudity for magazine!
J
ust a day after an exposed butt photo, Kim Kardashian done it again and this time going full frontal. The 34-year-old mom is seen in two new shots from her race Paper magazine spread living nothing at all. The race shots were teased on Twitter via her, "Because we know you came (to) just read the article." Previously reported by AccessHollywood.com, the reality star made headlines this month for that spread racy shot by the photographer Jean Paul Goude, where she is seen skilfully balanoing a drink on her bottoms.
fil-am soldiers back from afghanistan
A
mong the hundreds of soldiers who returned to their families after nine months in Afghanistan, among them are Filipino Americans, there was excitement in the air as families gathered in the Fort Campbell, Kentucky. For the Fil-Am wife Dubbie Nelson, the timing is perfect. Her husband Sgt. Drew Nelson arrived in time for their first wedding anniversary. According to her "Masaya. Nine-nyerbyos. Nine months kasing nagkahiwalay." Shouts and tearful joy erupted at the camp as the aircraft carrying all 398 soldiers arrived. They are all the members of the 2nd Brigade Combat Team - 502nd Infrantry Regiment. At the welcome home ceremony, emotions ran high immediately after the much-awaited reunion with their love ones. Hugs, kisses and tearful joy was all over the camp. Sgt. Megan Hayes, "It’s bittersweet and I’m glad that
The second racy shot exposed her entire backside while pulling down a sequined dress. Kim completed the racy shot with black gloves and white pearls, as seen in photos. Paper magazine explained Kim's racy shoot writing, "For our winter issue, we gave ourselves one assignment: Break The Internet. There is no other person that we can think of who is up to the task than one Kim Kardashian West. A pop culture fascination able to generate headlines just by leaving her house, Kim is what makes the web tick."
we all got home safely and my fellow soldiers got home safely. But I’m sorry for those that are still there and those that didn’t get to come home.” Other families could not attend the ceremony, so FilAm sergeants Arjay Diterte and Lawrence Washburn were eager to go home and be with their loved ones. "I'm good. It was okay. They cannot come," said Diterte. More troops are expected to return home from Afghanistan, as the U.S. prepares to send 1,500 new troops to Iraq to fight the ISIS group. According to U.S. officials, troops are still needed in Afghanistan to continue counter-terrorism efforts.
pacman still hopes for a possible mega fight with Mayweather Jr.
M
anny "Pacman" Pacquiao still ho-ping that he will get to fight Flyod Mayweather Jr. before both of them retire. According to the interview at Yahoo! Sports, Pacman said that he is personally satisfied with what he has accomplished in the sports - including being the only boxer to win titles in 8 different weight divisions. Despite this, he still wants to fight Mayweather for the sake of the fans. According to Pacman when he was asked if he and Mayweather fail to fight each other has hurt his boxing career. "It will not hurt me because (with) what I, have done in boxing." "I think it's more hurtful for the fans of boxing." The fans really want to see that fight." Pacman is not closing his doors for that fight, as long as he and Mayweather are still in boxing , there's still a possibility for that fight happen. Pacman waited for many years to fight Mayweather so as the fans, but remains adamant, it's up to May-
weather to make that mega-fight to happen. Pacman also said that he already agreed to everything Mayweather demands, including drug testing. Pacman is set to defend his WBO welterweight belt this November 22 at Macau China to Chris Algieri. On the last question he was asked who would win between him and Mayweather he refused to give a straight answer but gently replied "I believe the right way will prevail."
CAREgivers and pinoy nurses will undergo a japanese language training before going to japan
M
ore than 300 Filipino nurses and caregivers will undergo 6-months of Japanese Language training program before going to Japan next year. Testuro Amano Charge d'affairs to the Philippines attended the opening ceremony of the Preparatory Japanese Language Training for Candidate Nurses and Caregivers bound for Japan at the TESDA head office in Taguig and congratulated the batch "First of all, I would like to congratulate you, the 7th Batch of JPEPA nurses and careworkers candidates, who have successfully passed the selection and matching process. More than 300 of you comprise the 7th batch. This is more than a 60% increase from last year. This eloquently signifies the increasing demand and expectation for Filipino nurses and careworkers in Japan," said Charge d'affaires to the Philippines Tetsuro Amano. "I cannot emphasize enough the importance of learning the Japanese language. Its proficiency will prove to be essential for your work and life in Japan as well as your passing the national examination," Amano said. 203 out of 306 Filipino candidates will take the training at TESDA's Language Skills Institute while the remaining 103 will train at the Nihongo Center Foundation, Inc. He encouraged members of the 7th batch to exert all efforts in studying the language. "Majority of your fellow Filipino candidates who came before you reached the equivalent of N4 Level Proficiency, which is equivalent to upper-elementary Japanese language level, after six months of training. I am sure that this task, however daunting it may seem, is within your reach," he said. The latest batch will depart for Japan around June 2015 and the batch will take another 6months of Japaneses Language training there.
ANOther fil-am director aims to make it big in hollywood
F
ilipino American actors and actresses working in America rarely get to play their own ethnicity on-screen due to lack of Filipino characters in American films and TV. Jess Dela Merced, a film-am director is trying to change that, a San Fransico native who made the film "Hyperbeast" which was in NBC's Universal Short Film Competition finalist this year. According to Jess "Its really a big, ambitious film, I'm really proud of it and it's about racial tension that explode in an overnight sneaker line in New York City." Jess previous film is call "Bleached" it's about a Fil-Am girl who loses her indentity via bleaching creams in order to gain her mother's approval. Jess was praised by Micheal Rosete whom he recieved a best actor nomination at the NBC Universal Festival for his role in the film Hyperbeast. According to Rosete, "I don't play Filipino that often so it's great to play a Filipino in a project. We just need more people like Jess to create, write, direct and also act and it's been a blessing." Jess Dela Merced's mentor is the Oscar nominee Spike Lee Jones. According to Jess "He just gave me so much support. He really is one of those teachers who lets you figure out on your own, which is really good." To her, "There are hardly any female directors or hardly any Asian-American directors, Filipino especially, so that's always been on the back of my mind. But it actually motivated me to push harder." Now, Jess is currently working on her first feature film, the film is about a group of kids tracking down arson crimes in Detroit.
pinoy community 4 page 4
Distributer: Publisher:
New York Style Cheesecake
Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
New York Style Cheesecake is a type of dessert made from sweetened cream cheese, sour cream, and eggs. Originally, this type of cheesecake has no toppings but several variations are made to add more life and flavor to this exquisite dessert. Common variations include fresh or sweetened cherry or strawberry toppings and some even use whip cream. This particular recipe is not complicated at all. Since we made this for Christmas dinner, we thought of using some ready made ingredients to save some time. Instead of making the crust (graham crust) from scratch, I decided to get a ready-made graham pie crust from the local grocery store. We also bought a ready made cherry pie filling so that we can save more time in making the topping. The result is a great tasting cheesecake completed for just an hour (and 30 mins to an hour spent waiting while refrigerating it).
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
NOVEMBER 2014 I SECOND ISSUE ( 1st year anniversary )
INGREDIENTS ½ cup granulated sugar 3 packs cream cheese (8 ounces each) 1½ tablespoons all-purpose flour 1 teaspoon vanilla essence (or extract) ½ cup sour cream 2 pieces raw eggs 1 can cherrie pie filling (about 8 ounces) 1 ready made graham pie crust
PROCEDURE 1. Beat the cream cheese in a mixing bowl using an electric mixer for about 2 to 3 minutes 2. Whisk-in the granulated sugar and continue beating until everything is properly distributed. 3. Add the flour and vanilla essence(or extract) then mix again for about 1 minute. 4. Put-in the sour cream and continue mixing for another minute. 5. Gradually add the eggs one at a time while mixing. Continue mixing until all the ingredients are well distributed. 6. Pour the mixture over the graham pie crust. 7. Preheat oven at 325 degrees Fahrenheit then bake for 30 to 35 minutes. 8. Remove from the oven then allow to cool down 9. Place the cherry pie filling on top of the cheesecake and spread evenly. 10. Refrigerate for 30 minutes to an hour. 11. Serve. Share and Enjoy!
TARA LET's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
SEPTEMBER NOVEMBER 2014 2014 SECOND I SECONDissue ISSUE ( 1st year anniversary )
page 5
finding filipino visual artists:
K
MUSEUM, gallery, and MANILA ART FAIR
ailan ka huling nakakita ng personal o humanga sa isang pinta na likha ng isang Pilipino? Matagal ng kilala ang mga Pinoy sa husay sa iba’t ibang sining lalo na sa larangan ng visual arts gaya ng pagpipinta (painting). Kung magagawi nga lang ang mga turista sa Angono, Rizal na tinaguriang "Art Capital of the Philippines" ay pamipamilya o nagpasalin-salin na sa iba’t ibang henerasyon ang pamanang talent. Ilan sa kilala sa lugar ay sina Nemi
Miranda, Jose “Pitok” Blanco at National artist Carlos “Botong” Francisco. Bawat isa sa kanila ay mga art house o art museum na sila mismo ang nakagawa. Pero kung pa di kayang bumayahe sa Angono o Baguio kung nasaan naman ang BenCab Museum ni Nationa Artist Benidicto Cabrera ay mayroon din namang makikita sa National Museum at sa gallery ng National Commission for Culture and the Arts sa loob ng Intramuros.
Sa loob ng isang taon ay hindi naman puwedeng selebras yon pagtitipon para itampok ang mga natatanging sining. Isang halimbawa nito ang Manila Art Fair na ginanap sa SM Aura kamakailan. Kung gusto mo ng Contemporary Visual Arts, maganda ang makadalo sa tulad nito na bukod sa mga likhang Pinoy ay nag-exhibit rin mga paintings ng mga pintor mula sa Europe at South East Asia. Narito ang ilang magagandang pinta na itinampok sa nakaraang 6th Manila Art Fair.
Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng visual arts? Sino-sino ang mga kilala mong pintor? – jane.chronicles@gmail.com Photo by Axl Guinto
pinoy na pinoy 6 page 6
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Hindi mo ugali ang magpabago-bago ng plano lalo na kung matagal mo na itong pinaghahandaan. Ayaw mong maligaw sa iyong nais na patunguhan pero kung paminsan-minsan ay talagang inadyang kailangan mong magbago ng direksyon. Puwede namang panandalian lamang ito o nararapat lang na makipagnegosasyon ka kung talagang nais mong magpatuloy. Sa buhay kasi hindi lang naman ikaw ang naglalakbay mayroon ka ring nakakasama at nakakasabay na dapat mong isaalang-alang.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Pagkatapos nang mahaba-habang pakikipagsapalaran at tunggalian sa iyong makulay na buhay, handang –handa ka na sa pinakaaasam mong pahinga. Huwag kang mahiya na maglambing sa iyong minamahal para ikaw ay kanyang alagaan o samahan. Sa iyong kasipagan at ipinakitang determinasyon sa buhay, hindi nga lamang suporta ang kaya nilang ibigay kundi yakap ng kapahingahan at halik ng pagmamahal.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Bukas ka man sa iba’t iba at naiibang hamon, maaaring hindi ito nakasanayan ng iyong mga kaibigan na may kani-kaniyang haka-haka. Kung ang ilan man sa kanila ay tila hindi sang-ayon o maraming katanungan sa iyo, ma-ging bukas ka sa pagpapaliwanag. Marahil ay hindi lamang nila naiintindihan pero ang puno’t dulo ng lahat ay inaalala ka lamang nila. Ipakita mo na masaya ka naman sa iyong ginagawa at maliliwanagan din sila.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Huminga nang malalim dahil gaya ng mga nakaraan ay magiging abala o madalas ay malilito ka sa dami ng iyong dapat asikasuhin. Mabuti na ito kaysa nababato ka sa kawalan ng magagawa at hindi pag-usad ng iyong buhay. Sa bawat gusot na iyong naaayos at sa bawat pagsubok na iyong nalalagpasan ay mas lumalakas ka at nakakadama ng kaligayahan. Sadyang ang pagiging masaya ay ipinaglalaban din naman talaga.
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
NOVEMBER 2014 I SECOND ISSUE ( 1st year anniversary )
Taurus - April. 21 - May. 21 Minsan gusto mo ang maraming kasama at sumubok ng mapanghamong aktibidad gaya halimbawa ng pag-akyat ng bundok o pasukin ang isang haunted house. Sa ibang banda, gusto mo rin naman mapag-isa para gawin ang bagay na kailangan ng konsentrasyon gaya ng pagsusulat , pagpipinta o paglilinis. Paiba-iba ka nga ng hilig, patunay na kaya mong gawin ang kahit ano depende sa kung ano ang iyong gusto. Ito ay isang katangian na hinahangaan sa iyo ng ibang tao at talagang nagpapaganda ng iyong personalidad.
Gemini - May. 22 - June. 21 Iba talaga ang pakiramdam ‘pag may gusto kang bilhin pero wala kang pambili. Puwes hindi ka nag-iisa sa iyong pinagdadaanan. Pero kaya mong makawala sa ganyang sitwasyon kung matutuhan mong magtipid at magbudget. Bakit mo naman kaagad bibilhin ang hindi mo pa kailangan sa ngayon? Hayaan mo darating din ang punto na mabibili mo rin ang bagay na gusto mo sa mas magandang quality at presyo, huwag ka lang magpadalos-dalos.
Cancer - June. 22 - July. 22
Sa dami ng tao sa mundo, may nakakasama kang handang alalahanin ka sa bawat pagtayo o pagbagsak mo. Mayroon kang nagiging tunay na kaibigan na kahit galit na sa iyo ang isang daang katao ay ikaw pa rin ang kanyang pinapanigan dahil ikaw ang tama at kanyang kaibigan. Bigyan ng oras ang taong ito na palagi mong kasabay sa bawat hamon ng buhay. Nararapat lamang sa inyo ang ipagdiwang ang espesyal na relasyon na kayo lamang ang mayroon. Masuwerte kayo sa isa’t isa.
Leo - July. 23 - August. 22
Kung ang pagbabago ay natural na sa iyo, ganun din ang pagdating ng mga surpresa na hindi mo inaasahan. Puwedeng sobrang nakakabigla o talaga namang nakakatuwa pero anu’t ano pa man ang klase nito ay handa ka naman. Ayaw mo rin naman ang pareho-parehong ginagawa at iyon at iyon lang ang inaasahan. Pero kung ang kasama mo ay hindi sanay sa ganiton ugali ay maging mapasensya bagkus ay ipadama mo sa kanila kung gaano ka kasaya.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Alam naman ng lahat ang iyong pananaw sa pakikisama at pamamahala. Hindi mo ugali na manakot para sundin ka ng mga taong nakapaligid sa iyo, bagkus ay kusa kang umaani ng respeto. Pero hindi lahat ay kusang mapapalapit sa iyo o magagawa mong mapasunod kahit subukan mong magpaka-diplomatiko. Relax ka lang, habaan ang iyong pasensya at pairalin ang iyong pang-unawa. Hindi magtatagal ay kikilalanin din nila kung gaano kaganda ang iyong personalidad.
Ang pagiging mapanghinala ay sa bagay-bagay ay nakakaapekto na rin sa iyong kaligayahan. Kahit nariyan na ay nagdadalawang-isip ka pa kung ito ay para sa iyo o hindi. Buksan ang iyong puso’t isipan sa mga posibilidad. Walang papasok na pagbabago, surpresa o kahit pagpapala kung sarado ang iyong isipan. Ang pagkakaroon ng lakas ng loob ay hindi lang para maging matapang kundi pa rin mahanap mo ang kaligayahan na iyong pinakaaasamasam.
Gusto mo na mapasaya ang ibang tao sa mga panahong ito. Pero sa halip na magawa mo ito ay mas inaaala nila kung bakit mo ito hinahangad. Para kasing gumagawa ka ng dahilan para takasan ang mga sandaling dapat ikaw mismo ang makadama ng kasiyahan. Sadya ngang bago ka makapagbigay ng pagmamahal, kapayapaan o kasiyahan ay dapat nakakadama ka rin nito. Kung hindi mo pa kaya, huwag mong ipilit at sa halip ay magpakatotoo ka.
Ang hirap bang damhin ang mabigat na emosyon na lagi kang kinakabahan at kailangan kang handa sa mga pagsubok? Maaaring nagbibigay ng sobra sa nararapat na emosyon pero darating din ang punto na makakasanayan mo rin ito ito. Ang susi ay magpahinga para may lakas at sugod lang sa laban hangga’t kaya ng iyong enerhiya. Kung may ginugusto kang tao o bagay, hindi naman natitigil sa nakuha mo lang kundi dapat mo itong ipaglaban at protektahan.
Aries - March. 21 - April. 20
Libra - Sep. 24 - Oct. 23
pinoy-BiZz NOVEMBER 2014 I SECOND ISSUE ( 1st year anniversary )
page 7
IMPRESS: THE WAIT IS OVER, KASAL NA SI TIANG AMY EXPRESS: PALIT-PALIT NETWORK MUNA Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nauwi sa hiwalayan at mga Balik Kapuso na ang mga nag-long time Kapamilya na sina hinanakit ni Amy Perez sa kanyang dating asawa, ang kauna-unahang Iya Villania at Empress Schuck. Ang dalawa ay parehong nagvocalist ng South Boarder band na si Brix Ferraris. Katunayan ay may simula sa Kapuso Network pero lumipat at matagal na napabipitong taon din ang paglalakad ng TV-host para lang makasal sa kanlang sa mga show ng ABS-CBN. yang partner na si Carlo Castillo. Si Carlo ay isang TV5 Reporter. Matatandaan na kakasal lang ni Iya kay Drew Arellano y estelle th ro Pero nitong Nobyembre 12 ay natuldukan na nga ang prusisyon ni nitong Enero 2014 kaya marami ang nagpalagay na nasulsulan do be oe ph ni Amy para sa pagpapawalang-bisa ng kanyang naunang kasal. Legal s’ya nito na mag-over the bakod . Pero sa interview sa kanya ng press ay nilinaw nitong hindi si na silang mag-asawa ni Carlo sa ginanap na seremonyas ng kanilang garden wedding sa Drew ang dahilan. Ano? Aniya para sa mas maraming opportunity na gusto niyang gawin bago Mango Farm, Antipolo City. Naging intimate lang ang nasabing event pero star-studded din dahil ang plano niyang pagbubuntis. Ayan ang may plano, two years talaga! Ang dating MYX VJ karamihan ng kamag-anak ni Amy ay mga artista. Nasa kasal niya ang pinsan niyang sina Lorna at ASAP’s IT Girl ay napapanood na sa Sunday All Star at may naka-line up daw pa na ilang Tolentino, Robin Padilla at asawa nitong si Mariel Rodriguez, at pamangkin niya sa pinsan na si shows kasama na ang isang soap opera. ZsaZsa Padilla, Karylle. Dumalo rin sa okasyon ang matatalik na kaibigan ni Amy na sina Cheryl Samantala, trabaho naman ang hanap talaga ni Empress na isang taon pa lang walang giCosim, mag-asawang Christine Bersola at Julius Babao. nagawang work. Ang huling acting gig pa ng dating child star ay Huwag Ka Lang MawawaDalawa na ang supling nila ni Carlo na sina , Sean Kyle (turning 6) at Isaiah (1 year old). Sala na pinagbibidahan nina Judy Ann Santos, Sam Milby at KC Concepcion. Ngayon sa pagkamantala, 17 taong gulang na ang anak ni Amy kay Brix na si Adi. Ito rin ang naghatid sa kanya lawa niya sa ABS-CBN ay mapapabilang naman s’ya sa soap opera na pinamagatang Kailan sa alter at nag-abot ng kamay kay Carlo. Mabuhay sa Bagong Kasal! ba Tama ang Mali? Makakasama naman niya rito sina Max Collins Dion Ignacio at dati ring Kapamilya na si Geoff Eigenmann. Tama man o mali ang kanyang desisyon, tuloy naman na ang pababalik Kapamilya ni Maxene Magalona na unang napanood sa Ang TV. May bago na rin siyang series at ito ang Dream Dad, ang teleseryeng pagbibidahan ni Zanjoe Marudo at child na si Jana Agoncillo. Bagaman nakailang bida roles na siya sa mga dati niyang drama series sa GMA ay, malandi at maarteng kontrabida ang gagampanan dito ng dalaga ni Master Rapper Francis M.
zanjoe at bea, papuntang altar o hiwalayan?
S
a trend ngayon ng mga showbiz couples na kung hindi nai-engage ay ikinakasal na, sa kaso ng mag-nobyong
Zanjoe Marudo at Bea Alonzo naman ikakasal o nagkakalabuan na. Itinanggi naman ito ng Banana Split star at bida ng Dream Dad na si Zanjoe. Ayon sa kanya ay hindi niya alam kung nagmumula ang isyung ito at walang nagbabago sa relasyon nila ng aktres. Tatlong taon na rin na magkasintahan ang dalawang Kapamilya stars kaya hindi nalalayong matanong sila kung kailan nila balak lumagay sa tahimik. Bagaman may isang pagkakataon na nagbigay ng clue ang 27-actress na napag-uusapan na ang kasal, sinabi rin nito na isa sa isyu nila ni Zanjoe ay kawalan ng oras sa isa’t isa. “Pinag-aawayan namin ‘yan, iyong lack of time for each other, but nagkakaintindihan naman. ‘Pag ikaw na ‘yung nandoon sa posisyon na hindi mo na nakikita ‘yung partner
mo, talagang minsan it gets to your head, eh,” saad pa ni Bea sa interview niya sa abs-cbhnnews.com. “Nakakairita na parang gusto mong kumain sa labas, wala kang kasamang boyfriend, at siya rin walang kasamang girlfriend. So nagiging [problema] siya. Pag hindi kami masyado nagkikita, doon nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan.” Sinegundahan naman ni Zanjoe ang statement na ito nang mainterview siya sa presscon ng Dream Dad. Nagkakataon din kasi nagkakasaliwa na kapag libre ang sa isa kanila, ang isa naman ay abalangabala. Gaya ngayon na pagkatapos ng series ni Bea na Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay eere naman ang bagong programa ng 32-year old actor kasama ang young star na si Jana Agoncillo.
kathryn at daniel, may litrato na naghahalikan
P
inalaki ang isyu ang nakunang litrato ng magka-love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ang mga larawan na kumakalat sa mga pahayagan at Internet ay kuha ng dalawa sa airport ng Canada. Isang particular na kuha sa kanila ay nang hawak ni Daniel ang magkabilang pisngi niya at nakatungo. Nakatalikod sa kamera kaya hindi malinaw kung nahalikan ang dalaga. Sa ulat ng TV Patrol nilinaw ng 19-year old actress ang tunay na kuwento sa likod ng mga litrato. “Mahilig si DJ [Daniel] na ginaganyan [pinipisil] ang mukha ko, inaasar niya kasi ang cheeks ko. So, may mga tao kasi nandoon na naghatid sa amin, so nag-picture sila. Siguro nung ginaganun ‘yong face ko, na nasakto na na-block ‘yong face ko, so ‘pag titingnan mo sa picture, mukha siguro siyang nagki-kiss.” Sinabi rin ng TV star na magre-revive ng role ni Kristine Hermosa sa remake ng Pangako Sa Iyo na
kasama niya ang kanyang ina sa kanilang tour para gumawa ng kung anu-ano. Ibinahagi rin nito na naging aral sa kanila ni Daniel ang nangyari maging ang nakaraang isyu sa binata. Matatandaan na kumalat din sa Internet ang audio- video record ng boses ni Daniel na kung saan may kinikiligan itong ibang babae. Nagkaayos na rin daw sila tungkol dito at maging ang ina ni Daniel na si Karla Estrada. Inamin din niya na naapektuhan din siya sa isyu. “Basta ngayon, siguro mas nag-grow kami pareho sa nangyari, and nag-grow lahat ng involved. Inamin niyang medyo nagtampo siya kay Daniel noong marinig niya ang mga sinabi ng ka-love team niya. Normal lang naman ‘yon. Kung paano ninyo iti-take yun, kung mangyari sa inyo ‘yon, ganoon din po siguro yung naramdaman ko. Bukod sa paglabas sa Pangako Sa Iyo ay mayroon din gagawing bagong movie ang magka-love team na ang target date of showing ay sa Pebrero 2015.
mega, nagluluksa sa pagkamatay ng ina
N
aihatid na sa kanyang huling hantungan ang namayapang ina ni Megastar Sharon Cuneta na si Elaine Gamboa – Cuneta. Namatay ito sa edad na 79 noong Nobyembre 5 matapos ang halos dalawang buwan na panantili sa hospital na bunsod umano ng abdominal surgery. Ginanap ang necrological service para sa kanya noong Nobyembre 10 sa Santuario de San Antonio, Makati. Ibinuhos na ni Sharon ang kanyang sentimyento sa nasabing mass na kung saan ay may isang oras din ang haba. Magkahalong kuwela at lungkot ang kanyang pagkukuwento nito na nagpapadama lamang kung gaano niya kamahal ang namayapang ina. “And the day she died, sabi ko, I was kind of afraid of becoming an orphan today. I cannot not be someone’s baby anymore. “And it’s almost Christmas and I don’t know how to spend Christmas without my mom, kasi dalawa lang kami ni Kuya [Chet] na magkapatid,” kwento pa ni Mega. Samantala, hindi rin itinago ni Sharon ang pagtingin niya sa pananaw sa kanya ng kanyang ina. Iniisip umano niya na kailangan niyang patunayan rito ang kanyang sarili. Si Mommy Elaine ay dating beauty queen at nakakatandang kapatid ng veteran actress na si Helen Gamboa. Ang kanyang asawa o ama ni Sharon ay ang dating Mayor ng Pasay na si Pablo Cuneta. Ang pinakamahabang nanungkulan na Mayor sa kasaysayan ng Pilipinas. “KC said na she [Mamita] was so proud of me pala. She would tell me, but feeling ko, baka she was just trying to make me feel good. Kasi, feeling ko, parang I always had to prove myself to her. I was never that daughter she wanted. And then KC came. So, I’m so grateful that she had that with KC, because of their closeness I never experienced and their closeness I never experienced with her, I never experienced with KC. Akala ko, hindi ako masyadong love ni Mommy.” Patotoo sa sinabi ni Sharon ay si KC ang unang nagbalita at nagpahayag ng kanyang kalungkutan sa pagkawala ng kanyang Mamita. Sa kanyang Instagram account ay ipinahayag niya kung ano ang nawala sa kanya sa pagkamatay ng kanyang itinuturing na super lola. “Mita Elaine, you were my best friend, my biggest fan, my soulmate. I’m looking forward to the day we can embrace, hold hands, talk, see and be with each other again. I want to hear all about your stories in heaven. How beautiful it is, how good the food is there, how you enjoy the company of everyone around you there. How wonderful and “robust” and handsome and good God is. How much fun your spontaneous adventures are, and how happy you are that you can do anything you want again, make “lakwatsa” in your most beautiful clothes, shoes & jewelry. I love you so much and I can’t wait see your smile & beautiful eyes again. You allowed me to fly, because you knew I could. You taught me so much. Your love is a gift. I hope I continue to fly high so you can be proud. Mita, thank you for being the best. #SuperLola “ Sa kanya namang speech sa eulogy ay ipinaliwanag din nito kung kagaling at maasikaso sa pagluluto ang kanyang namayapang lola. Ibinahagi rin niya ang pakikipaglaban nito para sa kanyang kalusugan. “She survived 40 over 10 for her first operation, her blood pressure. The doctor said make her a t-shirt na ‘super lola’ ang title. Dahil siya ‘yung isa sa strongest patients they’ve ever had in that hospital.She was a strong woman and really an inspiration the way she lived her life. I want to thank Mita so much for being my comfort zone na nagturo sa akin kung paano ayusin sarili ko,” Saad pa nito.