Pinoy chronicle september first issue

Page 1

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

MANNY TO BUILD INSTITUTE IN CHINA PINOY LOCAL P.2

Chronicle The Pinoy

PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5

WEEKLY HOROSCOPE P.6

News. Link. Life

PINOY SHOWBIZ P.7 METRO BANK AD

SHARON CUNETA MAY MID LIFE CRISIS? COMICA EVERYDAY AD

SEVENBANK AD

DEATH PENALTY ISINUSULONG PARA MULING MAIBALIK

SUNDAN SA PAHINA 2

16 anyos na si Gabriel Moreno nauwi ang gintong medalya

I

sang malaking karangalan para sa Pilipinas ang pagkapanalo ni Luis Gabriel Moreno mula sa Youth Olympic Game na ginanap sa Nanjing, China. Kasami ni Gabriel si Chinese lady archer Li Jiaman sa mixed intertional team event at pinalad na masungkit ang gold medal. Bagaman mag-uuwi ng karangalan ang batang atleta ay wala itong matatanggap na kahit anong cash incentives mula sa pamahalaan. Hindi kasi kabilang

ang YOG sa Republic Act 9064 – Incentives Acts; ang mga kabilang lamang dito ay SEA Games, Asian Games, Olympic at World Championship. Ngunit sisikapin naman ng Philippine Sports Commission na maglaan ng kahit maliit lang na halaga na cash incentives para sa bata na kukunin nila sa kanilang pondo. Si Gabriel ang apo ni German Moreno na isa sa itinuring “Father of Philippine Cinema” at kaunaunahang atleta na nanalo sa YOG.

FORBES PHILIPPINES RICH LIST

Nang tinanong si Gabriel kung balak ba nitong pumasok sa showbiz, isa lamang ang sagot ng bata, mas gugustuhin niya ang simpleng pamumuhay at mag-sanay pa upang makalahok sa Olympic sa darating na panahon. Bukod sa YOG, patuloy naman isinusulong na maamyendahan na pati mga differently abled athletes na nanalo sa Para-Games ay mapabilang sa RA 9064.

Mga OFW na nasa Ebola-hit areas sa Africa, pinalilikas na

M

ahigit sa 3,500 OFWs sa tatlong state ng We s t A f r i c a a n g pinalikas dahil sa Ebola outbreak, ayun sa Department of Foreign Affairs (DFA). Kasunod ng utos ng peacekeeping force. Ayon sa huling tala ng World DFA ang pagpapalikas din sa mga Health Organization (WHO), halos OFW sa Liberia. Napag-alamang aabot sa 1,979 aabot na sa 1,550 ang namatay dahil OFWs ang nasa Sierra Leone, 880 sa nasabing kumakalat na sakit. sa Guinea, at 632 naman sa Liberia, SEPTEMBER 2014 First Issue Free Newspaper kasama na ang 148 pa na sundalo na nai-deploy kasama ang mga UN


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 2

DEATH PENALTY isinusulong para muling maibalik

K

amakailan lamang ay kabi-kabila ang mga kababaihang nabalitang walang-awang pinatay at ginahasa. Sa talaan, ang pinakabatang biktima ng karumal-dumal na krimen na ito ay isang taon gulang lamang. Sa lungsod ng Makati, isang 17 anyos ang ginahasa ng isang MMDA Traffic Aide. Nalaman lamang ng ina ang sinapit ng anak dahil sa isang diary. “Itago ko muna ang nangyari sakin. Hindi ko ipapaalam pero maghihiganti ako sa kanya… 12:49pm ginalaw niya ako 1:58pm natapos yung walanghiyang ginawa niya sa akin.” Hulyo 17 nang sunduin ng suspek na kinilalang si Jesus Llantada ang biktima sa eskwelahan nito. Dahil kilalang suki sa tindahan ng kanyang ina ay sumama ang bata. Sapilitang isinama ng suspek ang biktima sa MMDA pumping station kung saan nakatira ang suspek. Ayon pa sa ina ng biktima, labis ang takot ng bata kung kaya’t sumunod ito sa suspek. Napag-alaman din na ang tatlong kapatid ng biktima ay minolestiya rin ng suspek.Itinanggi naman ng suspek ang bintang sa kanya. Tiniyak naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino na paiimbestigahan nila ang reklamo. Ngayong linggo naman, naging viral ang video na kuha sa isang cctv ng isang babaeng hubo’t hubad na tumalon mula sa isang kotse. Ang biktima ay napag-alaman 17 anyos lamang. Ayon sa tumulong sa biktima, nagaantay lamang ito ng masasakyan nang may kotseng pumara sa harap niya sa kahabaan ng kalye Martinez. Isang foreign national na nagtanong di umano ng pinakamalapit na remittance center. Nagmagandang-loob naman ang biktima ngunit sapilitan itong itinulak papasok ng kotse ng suspek. Naka-automatic lock daw ang kotse kung kaya’t hindi na nagawa ng biktima na makalabas. Pagkatapos magpaikot-ikot ang sasakyan ay bigla raw itong huminto at dun ginahasa ang biktima. Tuliro at natrauma ang bata na kasalukuyan nang kapiling ang kanyang pamilya. Nagimbal din ang mundo ng social media nang kumalat ang “Justice for Anria” group page. Ito ay kaugnay sa bangkay ng isang babae na natagpuan sa palayan ng Calumpit, Bulacan. Nagtamo ng maraming saksak sa leeg, bakas ng pananakal, kinadena at binusalan ang nasabing biktima. Nakalubog ang bangkay na walang saplot pang-ibaba at sa di kalayuan naman natagpuan ang duguang underwear nito, kadena at ang hinihinalang pinangsaksak sa kanya na screw driver. Ayon sa nakasaksi na itinago sa pangalang “Christian” isa sa dalawang pasaherong lulan ng isang kulay green na jeepney si Anria bandang alauna hanggang ala-dos ng madaling araw. Saad ng mga imbestigador, nanggaling daw ang biktima sa isang gimik kasama ang mga kaibigan ngunit hindi na ito nagpahatid at mag-isang sumakay ng pampasaherong jeepney. Pagkatapos noon ay di na nakita pang buhay si Anria. Agad naman nahuli ang tatlong suspek sa tulong na rin ng saksing si Christian. Ang isa sa mga ito ay nagawa pang pumunta mismo sa burol ng biktima ngunit napansin ng mga kaanak ni Anria ang mga sugat at galos nito kung kaya’t hindi na sila nag-atubiling humingi ng tulong sa mga pulis upang maimbestigahan. Dahil sa paiba-ibang statement ng misis mismo ng suspek ay mas lalong nadiin ito na may kinalaman sa nasabing krimen. Nailibing na ang mga labi ng 26 anyos na si Anria “Anne” Galang Espiritu. Nangako ang kanyang pamilya na hindi titigil hangga’t di nakakamit ang hustiya para sa pinakamamahal na anak. Sigaw nila, ibalik ang death penalty. Laking panghihinayang naman ng nobyo nito dahil hindi na matutuloy ang plano nilang magpakasal. Matatandaang Enero ng kasalukuyang taon ay isinusulong na ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III na muling buhayin ang Republic Act 7659 o Death Penalty Law gamit ang lethal injection dahil na rin sa patuloy napagtaas ng bilang ng mga karumal-dumal na krimen sa ating bansa.

SEPTEMBER 2014 FIRST issue

henry sy pinakamayaman pa rin sa ika-pitong pagkakataon

I

Henry Sy Andrew Tan John Gokongwei David Consunji George Ty Aboitiz Family Jaime Zobel de Ayala Tony Tan n i l a b a s n a n g Fo r b e s ng $700milyon kumpara noong Kabilang din sa Top 10 rich list Philippines rich list ang nakaraang taon para naman sa sina: taunang listahan ng Banco De Oro na siya rin ang Andrew Tan - $5.1B m ga p i n a k a m aya m a n g nagmamay-ari. John Gokongwei - $4.9B negosyante sa Pilipinas. Pumapangalawa naman sa David Consunji - $3.9B Nangunguna pa rin sa kanya si Lucio Tan na may $6.1 George Ty - $3.7B p a m p i to n g s u n o d n a t a o n s i bilyon net wealth. Pangatlo si port Aboitiz Family - $3.6B business tycoon, SM Prime and casino tycoon Enrique Razon Jaime Zobel de Ayala & Family Holdings founder and CEO Mr. Jr na tumaas ang net wealth mula $3.4B H e n r y Sy. U m a a b o t s a $ 1 2 . 7 $4.5 bilyon ngayon ay nasa $5.2 Tony Tan - $2B bilyon net wealth at tumaas pa ito bilyon na.

resolusyon ni sen. trillanes black propaganda lang "daw" laban kay vp jejomar binay

S

a resolusyong isinumite ni Sen. Antonio Trillanes IV sa senado upang magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa overpriced carpark building sa Makati, tugon ng mga batang Binay, isa lamang itong black propaganda laban sa kanilang ama dahil sa plano nitong pagtakbo sa pagka-pangulo sa darating na 2016. Ay o n k a y M a k a t i M a y o r Jejomar Erwin S. Binay na hindi n a k a i l a n g a n n a m a g s iya s a t p a d a h i l l u m i t aw n a wa l a n g basehan ang akusasyon sa ginawang pagrepaso ng COA. Ang naturang imbestigasyon ay nasa

Ombudsman na kung kaya hindi na kailangan ang pagsisiyasat sa senado. Giit pa niya, na dapat magharap ng testigo si Trillanes na magpapatunay sa anumalyang bumabalot sa City Hall Building 2 ng Makati. Sakaling mapatunayan na walang basehan ang lahat ng ito, nararapat lang na humingi ng paumanhin si Trillanes at ang Blue Ribbon Committee. Dagdag pa ng batang Binay, ang nasabing building ay hindi lamang car park kundi isang regular na opisina na may 6 na palapag na car park sa loob nito. Ngunit sa datos na lumabas ng kabuuang presyo ng building na iyon, lumalabas na kasing presyo nito ng mga highend condominiums at 5-star hotel dito sa Pilipinas. Hirit naman ng isa pang batang Binay na si Senator Nancy Binay, d a p a t d aw m a g p a ka l a l a k i a t magpakatotoo si Trillanes sa tunay nitong motibo ng paghahain ng resolusyon. Aniya, kung seryoso ang senador ay mas mabuting m a g s a m p a n a l a m a n g i to n g impeachment laban sa ama nito na

si VP Binay. Ngunit, humarap sa senado ang dating bise-alkalde noon ni VP Binay na si Ernesto Mercado upang patotohanan ang mga maanumalyang overpriced projects sa lungsod ng Makati. Ayon pa sa dating bise-alkalde, ay pilit daw itong pinigilan ng kampo ni Binay na humarap sa senado na humantong sa pagbabanta. Nagpadala rin daw ang kampo ni Binay ng mga emisaryo upang hikayatin si Mercado na huwag n a n g h u m a ra p s a s e n a d o a t pinangakuan ng mga negosyo sakaling manalo sa pagka-pangulo si VP Binay.

Sumailalim din si De Guzman sa inquest proceeding para sa kasong illegal possession of firearms. Sa kasalukuyan hindi pa rin narerekober ng mga awtoridad ang motorsiklo at baril na ginamit sa pagpaslang kay car racer champion Enzo Pastor. Tikom naman ang bibig ng pamilyang Pastor sa angulong battered wife ang asawa nito n a n a g t u l a k u p a n g i p a p a t ay ang kanilang anak ng mismong manugang nila. Ayon pa sa ama ni Enzo na si Tomas Pastor, ay nagpunta pa raw si Dahlia at pamilya nito sa burol at lamay ng kanilang anak at pagkatapos noon ay di na nila nakita si Dahlia. Nasa kustodiya rin

ni Dahlia ang dalawa nilang anak ni Enzo na matagal nang hindi nakikita ng pamilya Pastor. Tiniyak naman ni Atty. Elaine Tan, spokesperson ng Bureau of Immigration na nasa bansa pa si Dahlia ayon sa kanilang date-base travel record.

kasong parricide laban sa misis ni enzo pastor

K

inasuhan na ang mga suspek sa pagpaslang kay international car ra c e r Fe rd i n a n d “Enzo” Pastor noong Hunyo na sina Domingo ‘Sandy’ De Guzman III, isang negosyante at hinihinalang ka-relasyon ng misis ni Pastor na si Dahlia Guerrero Pastor at PO2 Edgar Angel na sinasabing gunman at binayaran ng 100,000 ni De Guzman upang paslangin si Pastor. Kasong murder at frustrated murder ang inihain ng Department of Justice laban kina De Guzman at Angel. Samantalang kasong parricide at frustrated murder naman sa misis ni Pastor na si Dahlia.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SEPTEMBER 2014 FIRST issue

FILIPINO KARAOKE CAB KING

SEVERAL COUNTRIES JOINS U.S. TO ARM KURDISH in iraq

page 3

B

ored, stuck in a heavy Washington DC traffic jam? Not anymore - when you're aboard in this guy's cab. Joel Orbina Laguidao is known in the Metro DC area as the "Filipino Karaoke Cab King." Laguidao, a Davao Del Sur native came to US in 2001 and worked from a flower delivery guy to a cable repair guy But when he became a cab driver in 2005, he never left the job ever since. With long taxi waiting lines and heavy rush hour traffic congestions in Washington DC - Laguidao decided to sing his way out of all this boredom using the popular Pinoy magic mic. According to Laguidao "Libangan para maalis lungkot, alam mo naman dito sa America, siyempre yung pamilya nami-miss mo rin" He also added that most passengers who ride his taxi are shocked, and some of them also laughingly sing and even until they get out of the cab. Since 2007, DC passengers have been taking the ride of their life when they ride into this karaoke cab. Thanks, to uber app, Laguidao is just a finger click away. Unlike any other cabs, Laguidao does not charge extra for his karaoke services, but the tips he gets from the passengers are more than enough.

A

ccording to the Pentagon chief Chuck Hagel, seven governments have pledge to provide military weapons and ammunition to Kurdish forces who fighting against Islamic State militants in Iraq. Hagel also said in his statement "In addition to support from the U.S., and the central government of Iraq in Baghdad, seven additional nations - Albania, Canada, Croatia, Denmark, Italy, France and the United Kingdom have commited to helping provide Kurdish Forces urgently needed arms and equipment." "Operations have already begun and will accelerate in the coming days with more nations also expected to contribute." Pentagon spokesman Rear Admiral John Kirby told the reporters that "It's an effort that's really just starting," as Albania and Britain already started moving supplies to the Kurdish. United States also had helped the Iraq government transport some military supplies by air to the Kurdish forces in the North, it included ammunition for small arms after Kurdish forces appealed for more weapons and equipments to take in the ISIS Jihadists. The U.S. military already had carried out air strikes against the IS militants since August, with most attacks taking place near Mosul dam in the north.

ROSE "OSANG" FONTANA SERENADES OUR KABABAYANS IN PARIS, FRANCE

T

Fil-am filmaker makes the cut in "project greenlight"

A

spiring FilipinoAmerican filmmaker Johsua Ortiz is one step closer to fulfill his dream of making big in Hollywood as he made the cut in Ben Affleck and Matt Damon's "Project Greenlight." Last August 8, Joshua Ortiz and his team made a video called "Listen" using only an entry level Canon T3i DSLR, Ortiz then submitted his short film to "Project Greenlight". Ortiz received an email from Project Greenlight, the video that they made received a high remarks and is now one of the top 200 contestants. The San Fransisco born-and-

raised Fil-Am first held a camcorder when he was 18 and has been making short films for 3 years already. Joshua Ortiz only spent $30 to feed his cast of friends and siblings who volunteered for free to shoot the short film for 5 days. To Ortiz, "It's all about finding the best first-time film directors, so they're giving hope to the ones that are on the industry already. It's the perfect time". To proceed to the next round, Joshua Ortiz and his team has until September 3, Wednesday 11:59 a.m. to send in their funny video bio and sit in front of his computer and wait for the next email.

A WEEK AFTER LANDSLIDE HITS HIROSHIMA

he Pinay caregiver who won in "X-Factor Israel" Rose "Osang" Fontana, recently performed for her kababayans in Paris, France. Osang received a warm welcome from our kababayans upon her arrival at the airport for her mini-charity concert in Paris, France. The mini-charity concert was organized by a group of Paris, France-based Filipinos. She even sang a duet with a fellow Filipina named Karen, who has a Down Syndrome. Osang also took time even at her busy schedule to visit the world-famous Eiffel Tower to bond with other Filipinos. Osang, 47, a caregiver in Tel Aviv, suprised the viewers of "X-Factor Israel" and swept the judges off their feets with soulful renditions of songs.

manny "pacman" pacquiao to open a boxing institute in beijing, china

M

anny Pacquiao announced via telephone call in Shanghai in Manila television that he and the Chineses government will embark on the first "Manny Pacquiao Boxing Education Institute" in Beijing, with others to be built elsewhere in China later. Manny was in China this week as a part of global promotional tour ahead of his November 23 fight in Macau against unbeaten American challenger Chris Algieri. According to Manny, he held talks with the Chinese authorities for the "inauguration" of a company to undertake the project. Addition to that "they will put up the facilities, and if i have time, I will visit them, like, once a month or once in three months to supervise them," Manny Pacquiao did not reveal the project's timetable and cost, and said that the partnership could help thaw the frosty ties between the Philippines and China, who are engaged in a tense territorial dispute in the South China Sea. Due to Manny's decision to open a boxing academy in China for future potential world champions, many people laughed off suggestions in his project, but Manny defended his decision and said "In the Philippines we don't have a problem (producing good boxers)," "What our boxers need is more supprot. I'm already helping few of them."

A

week after the huge landslides that swamped parts of Hiroshima, the confirmed death toll from the tragedy already hit 70, while 18 was still missing. Hope remains for those unaccounted for, although the final count of deaths are still to be confirmed-which has risen and fallen sometimes independtly of the number of deaths, has left confusion as to the disaster's likely final cost in humans lives. Many houses were buried and carried away by rummaging rocks caused by landslides. The recovery operation involved more than 3,000 police, firefighters and soldiers. According to reports, a 53 year-old rescuer was swept when a secondary landslide crashed through the area where he was working, he has a 3-year old boy in his hands at the time.Their lifeless bodies was recovered hours later. Among those missing was a newlywed couple were expecting their first baby when the huge mudslide swepted their apartment. Since the disaster heavy rain has continued hampering search operations amid fears of further landslips may continue as waterlogged hillsides visibly bulged and shifted overhead.


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 4

SEPTEMBER 2014 first issue

W Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

hy is this called Beef Pares? P a r e s l i t e r a l l y m e a n s “ P a i r ”, b ec ause t hi s m eat dish is b est serve with a pair of garlic fried rice or Sinangag and beef soup. Beef Pares is one of the most famous street food, and you can find this in the Tap-Si-Logan carinderias in the Philippines. Is cooked in special blend of spices until perfectly tender, this Filipino dish is a sure hit to your family’s taste buds, give it try and let us know what you think.

INGREDIENTS:

1/2 kilo beef brisket Marinade: • 1/4 cup soy sauce • 1 tsp black pepper • 1/4 cup sugar Sauce: • 2 tbsp ginger • 1 cloves garlic crushed • 1 medium size onion chopped

PROCEDURE: • • • •

• • • • • •

Beef Pares

4 cups beef broth 2 pieces star anise sesame seeds or oil (optional) 1 – tsp flour (optional ) sliced fried garlic as toppings (optional) sliced

B o i l B e e f b r i s ke t u n t i l t e n d e r a b o u t 1 1 / 2 hour depending on the thickness of the meat… preferably slow cooked, reserve the broth. Marinate the tender beef brisket on the marinade ingredients for 30 mins. Then Saute ginger, garlic and onion .. while d o i n g t h i s … d ra i n t h e m e a t f ro m i t s m a r i n a de … a n d sa u te for 5 to 1 0 mi n s… pu t t he beef broth and let simmer. Put the remaining marinade and simmer for another 5 mins. Put the star anise… when the meat is very tender dissolve the flour in 1/4 cup water then mix this gradually to beef while stirring to avoid forming lumps. Do this

• • • •

only if u want it a bit more sticky sauce. Let simmer until flour taste is gone. Season according to ur taste. If u want it to be more sweet u can always add additional sugar . Garnish with sliced fried garlic and scallions the… Serve with Sinangag or Garlic rice


SPECIAL FEATURE 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SEPTEMBER 2014 first issue

page 5

ANO NGA BA ANG

A

ng Ice Bucket Challenge o mas kilala sa tawag na ALS Ice Bucket Challenge ay isang pamamaraan upang maipalaganap at maintindihan ang sakit na ALS. ALS o Amyotrophic lateral sclerosis ay isang neurodegenerative disease, isang kundisyon kung saan ang inaatake nito ay ang nerve cells sa utak at spinal cord. Ang nakakaranas ng ALS bagaman nakakarinig at nakakakita ay wala itong kakayahan na makapagsalita, lumunok at hirap din sa paghinga. Mamamanhid kasi ang buo mong katawan habang nakakaramdam ng sakit sa buo nitong katawan. Lahat ng gagawa ng challenge na ito ay obligado na mag-donate ng $10 sa als.org at sa mga inononominate naman ay mayroon silang 24 oras para gawin ang challenge. Sakaling hind nila ito magawa ay kailangan nila mag-donate ng $100. Paano ang gagawin ang challenge, simple lang, sa isang timba kung hindi ito puro yelo na may kahalong tubig dapat kasing lamig ito ng icecold water. Saka ito ibubuhos sa taong gumagawa ng

challenge. Kung ano ang mararamdaman mo sa oras na maibuhos mo na ang lahat ng laman ng bucket ay ganun rin ang nararamdaman ng mga taong may ALS. Sa America marami na tumugon sa challenge na ito kabilang na si NBA Legend Michael Jordan. Hindi rin naman nagpahuli ang mga Pinoy Celebrities tulad nina Anne Curtis, Vhong Navarro at Kris Aquino. May panawagan naman ang comedian and veteran host na si Joey de Leon sa lahat ng mga nagnanais gumawa ng challenge na ito. Bago mo gawin ang challenge at i-video ang iyong sarili, siguraduhin mong mag-do-donate ka.


pinoy na pinoy 6 page 6

Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Gusto mo ng pagbabago pero may isa kang dapat handang harapin at ito ang pagpapalaya o pagpaparaya. Sa hinaba-haba ng panahon na lagi mong pinanghahawakan ang iyong nakasanayan, hindi talaga maiiwasan na ikaw ay maging sentimental. Pero kung ito naman ang iyong pairaralin parati ay mahihirapan kang makapag-move on. Bagaman sa umpisa ay talagang nakakatakot at tila gusto mo nang sumuko pero kung pupursigihin mo ay may mapapala kang pagbabago.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Malapit nang mabuking ang iyong lihim at mahihirapan ka nang pigilan pa ito. Natatakot ka? Tanggapin mo na ang pagyakap sa katotohanan ang magpapalaya sa iyo. Imbes na sa ibang tao manggaling ang iyong sekreto mabuti nang sa iyo na mismo. Mahirap ito para sa iyo at puwede ring masakit sa iyong sasabihan, subalit mas lalalim ang sugat kung ikaw ang hindi magiging matapat sa taong mahalaga sa iyo. Magsisi, humingi ng tawad at magbago - sa ganitong paraan mas magiging malaya ang iyong puso at isipan. Baka pag pinatagal mo pa ay maramdaman mo na lang na parang hindi ka na normal dahil sa konsensya.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Hindi naman ibig sabihin na walang nangyayari sa ngayon ay mananatiling ganito ka na habang buhay. Kung nakakaramdam ka ng pagkabagot o pagkabalisa, lumabas ka at makipagsapalaran. Busugin mo ang iyong mata at isipan ng mga pangarap na iyong nais na makamit sa hinaharap. Sa ganitong paraan , nagkakaroon ng halaga ang iyong oras, lakas at pang-unawa. Kung ano ang laging laman ng iyong isipan , iyon din ang mas nakakamit mo kinalaunan kaya think positive.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SEPTEMBER 2014 FIRST issue

Aries - March. 21 - April. 20 Sa tinatagal –tagal ng panahon ay hinayaan mo na palaging sigurado at protektado dapat ang iyong mga hakbang. Mainam naman ito pero hindi sa lahat ng panahon lalo na ngayon. May paparating na pagbabago, at hindi na ito naiiba sa lahat ng naranasan mo. Kung noon ay palagi kang umiiwas para maging ligtas sa lungkot, kasawian at matinding hamon mararamdaman mong gusto mo namang sumubok. Gawin mo, dahil kung talagang gusto mo ang isang bagay ay ikaw ang kusang magbubukas ng pintuan ng oportunidad.

Taurus - April. 21 - May. 21

Sa kakapilit mo na huwag masaktan ang damdamin ng iba ay kinikimkim mo ang iyong tunay na saloobin. Ang masaklap lang dito ay sa bandang huli, naaapektuhan ang iyong pag-iisip, galaw at pakikitungo sa iba. Minsan pa nga ay maaaring ang pinagbubuntunan mo ng galit ay ilang inosenteng tao na ang tanging kasalanan ay nakakasama ka. Maging bukas at matapang na sabihin kung ano ang totoong laman ng iyong dibdib. Masakit man ito sa pandinig ng iba, mauunawaan naman nila kung ano ang dapat nilang intidihin at hindi iyong basta ka na lang magagalit.

Gemini - May. 22 - June. 21

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Iba sa kadalasang ikaw pero sa puntong ito ng iyong buhay ang tanging gusto mo lamang ay makasama palagi ang espesyal tao para sa iyo. Sabihin na lahat ng makakating dila na wala ka sa katinuan pero anumang pangungusap na wala namang sapat na bigat ay balewala na para sa iyo. Ganyan naman talaga ang nagmamahal, mahirap maipalawanag pero nadaramang masayang-masaya. Kung hindi man ito ang nasasagap nila mula sa iyo, bahala na sila.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Bigla gusto mong makasama ang ibang grupo. Bigla gusto mong sumubok ng bagong gawain na matagal ng naglalaro sa iyong isipan. Mahusay kung maguumpisa kang maghanap at bumuo ng bagong grupo ng mga kaibigan. Puwedeng makasama mo sila sa isang seminar, weekend school o chatroom pero sa gagawin mong ito ay huwag mong kaligtaan ang iyong matatagal nang kaibigan. Mabuti na iyong wala kang pinuputol na tulay kapag may ibang panig kang pinupuntuhan.

Kapag nais mo manindigan sa iyong pananaw at prinsipyo ay madali para sa iyo. Hindi ka man tahasang aamin dito pero ito talaga ang gusto mong maiparating sa iyong mga nakakausap. Katunayan, kapag mas nakakapaliwanag ka ng iyong mga saloobin o nakikipagdebate sa paksang interesante sa iyo ay mas ginaganahan kang magsalita. Dahil natural naman ito sa iyo ay wala namang problema maliban sa ibang taong hindi sanay sa isang gaya mong Capricorn na akala mo tahimik pero madaldal din pala.

Totoo na may ninanais ka na gustong-gusto mong matupad. Pero huwag mo namang paikutin ang mundo mo rito kundi subukan din na maging normal at masaya sa iba pang aspeto ng iyong buhay. Kung nag-aabang ka ng promosyon, gawin mong mabuti ang iyong trabaho pero pagdating ng bahay dapat ang atensyon mo ay nasa iyong pamilya. Gayon din naman kung ang love life ang problema mo. Kung hindi ka pa pinapansin ni crush, hindi naman ibig sabihin ay kakaligtaan mo na ang utos ng iyong magandang boss.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Gaya ng iba, gusto mong madagdagan ang iyong kinikita at sari-saring namumuong ideya ang nasa iyong isipan ngayon. Kung isa na nga rito ang na pagkakitaan ang iyong mga kinahihiligan bagay, sige lang at ipagpatuloy mo. Parang hindi madaling paniwalaan na magagawa mo ito, pero kung hahayaan mo na positibong pakiramdam ang manaig ay magagawa mo. Tandaan, kung ano talaga ang hilig ng tao iyon ang mas napagbubuti at napagyamaman n’yang gawain sa mahabang panahon.

Cancer - June. 22 - July. 22

Leo - July. 23 - August. 22

Usapan, diskusyon o simpleng batuhan ng linya – ano pa man ang tawag sa palitan ninyo ng salita ay magandang maging diplomatiko kayo sa isa’t isa. Bagaman may mga salitang mabibigat, madalas ay wala sa simpleng kahulugan nito ang totoong ibig niyang sabihin. Analisahin ang sitwasyon at pagkakataon, kung ikaw ay nagmamadali at mayroon ding ibang iniintindi, mapipili mo pa ba ang tamang salita na lalabas sa iyong bibig? Wala naman masama kung magtanong ka ulit. Kung iyon pa rin ang sagot niya ay iyon na talaga ang sagot sa iyong tanong.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Iba sa karaniwang ikaw, hindi mo maiwasang iwaksi sa iyong sarili ang isang tao na nagpapatalon sa iyong puso tuwing nakikita mo. May pagkakataon pa na nagbabalak ka ng mga bagay na dati-rati ay ni hindi sumasagi sa iyong isipan. Pag-ibig na nga ba ito? Ganun din kaya ang nararamdaman niya sa iyo? Hindi mo malalaman kung hindi mo aalamin. Lakasan mo ang loob mo na ipakita ang iyong nararamdaman , bahagi ito ng masayang karanasan sa buhay na hindi mo dapat pinalalampas.


pinoy-BiZz SEPTEMBER 2014 FIRST issue

page 7

daniel matsunaga: pbb all in grand winner derek ramsey,

H

indi man purong Pinoy ay lumabas na Big Winner ng Pinoy Big Brother ang Brazilian Japanese na si Daniel Matsunaga. Saad pa ng model-actor kaya siya nanalo ay dahil mas proud pa siyang maging Pinoy kaysa sa ibang tunay na Pilipino. “I’m thankful first to God who gave me this opportunity. One day, sinabi Niya sa akin na I have a purpose dito sa Pilipinas. And I guess this purpose is today. Mahal na mahal ko kayo. Thank you for all the love,” sabi ni Daniel na mangiyak-ngiyak sa tagumpay na kanyang tinamasa. Naging bagong yugto nga sa buhay at karera ni Daniel ang pagpasok niya sa 11th season ng PBB na tumakbo ng 17 linggo. Hindi lang siya ang nag-iisang celebrity sa hilera ng mga housemates at halos may isang buwan na siya nang pumasok dito pero siya pa rin ang pinalad na magwagi. Alam ng dating kasintahan ni Heart Evangelista na may ilang kumukuwestyon sa kanyang pagkakapanalo lalo na nga’t wala siyang dugong Pinoy. Pero aniya dahil sa pagmamahal kaya siya nagtagumpay. “Sa tingin ko kasi mahal na mahal ko kayo lahat. People think na hindi ako Filipino but I am so much more proud to be a Filipino in heart than many others out there na hindi proud sa country. I am a true Filipino. Dahil sa pag-ibig n’yo sa akin...it was the craziest experience in my life,” pahayag pa nito. Mula sa 19 na housemates sa PBB ang natirang apat na contestants. Sumunod na top winner kay Daniel ay estudyanteng si Maris Racal, actress Jane Oineza, at Vickie Rushton na isa ring modelo. Sa kanyang pagkakapanalo, ilan sa nakuhang premyo ni Daniel ay P1 million cash prize at condo unit na nagkakahala ga ng P2 million.

dinemanda ng ex-wife

W

vice ganda, pinatawag ng mtrcb dahil sa 2 reklamo

H

indi natuwa ang mga nagreklamo sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) tungkol sa dalawang insidente sa magkahiwalay na programa ni Vice Ganda sa ABS-CBN. Sa kuro ng ahensya ay hindi nararapat sa mga bata ang hirit ng komendyante sa kanyang mga programa. Dahil rito ay ipinatawag si Vice at opisyales ng kanyang mga programa para sa isang mandatory conference. Dumalo rito ang resource personalities na sina National Council for Children’s Television (NCCT) executive director Delia Hernandez; Ateneo Human Rights Center (AHRC) representatives Atty. Klarise Estorninos (Director for Child’s Rights) at Atty. Kristoffer

Claudio (Program Officer). Sa panig ng ABS-CBN ay nagpunta sina Reily Santiago (business unit head), Allan Sunga, Romer Gonzales, Billy Crawford, at Atty. Mona Lisa Manalo. “Executive Director Hernandez discussed that children are most likely among the viewers of It’s Showtime because of its telecast time of 12:30 p.m to 3 p.m timeslot, the offensive and degrading acts may have an impact on the value formation and intellectual development of children. Anything that exposes the child to an environment that would make him or her depart from fundamental norms for physical, intellectual, social, emotional and moral development and well-being such as the use of obscene language, the lack of respect for the dignity of individual person, and the exposure to scenes of sex and violence are conditions or situations that are deemed prejudicial to the child’s development. Thus, the network is impelled to be more responsible and must have a more pro-active self-regulation.” Isang bahagi na napag-usapan sa conference. Ang insidente na tinutukoy sa It’s Showtime ay nang ipunas ni Vice sa mukha ng isang male dancer ang

towel na una niyang ipinahid sa kanyang kili-kili. Naganap ito noong July 28 sa Gandang Lalaki segment ng programa. Samantala, sa August 3, 2014 episode ng Gandang Gabi Vice nag-ugat ang isa pang reklamo kay Vice. Sa nasabing episode ay guest si Piolo Pascual at ang personal assistant nito na si Moi Bien. Vice: Tinatabihan mo (Moi) siya bago ka mabuntis? Piolo: Sabi mo di ba? Noong nasa condo, J tabi tayo. Sabi ko, asa ka! Vice: Talagang sinasabi niya na tabi kayo? Kapal nang mukha mo! Moi: Hindi, natural walang malisya.. parang… Vice: Babae! Tatabi kay Piolo tapos sabihin walang malisya..basang basa ang panty for sure tatabi kay Piolo! Isa mga sa bahagi ng episode na iyon na pinansing na may malaswa o malamang tema na hindi angkop sa mga bata. Hindi natatapos sa mandatory conference ang isyu kay Vice at sa kanyang mga programa haharap din ang mga ito sa seminar na may kinalaman sa “media and the legal profession in the context of both audience-sensitivity and the administration of justice.”

ramon bautista, persona non grata sa davao

K

ilalang author, radio-host at komedyante si Ramon Bautista na isa ring commercial model. Pero ang pagdalo niya bilang panauhin sa Kadayawan Festival sa Davao ay nagtakda sa kanya bilang persona non grata sa Davao na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte. Nag-ugat ito nang sabihin ni Ramon na “Tama! Ang daming hipon dito sa Davao, alright” nang nasa entablado siya. Hindi ito ikinatuwa ng mga manonood kabilang na city council ng Davao. Agad namang humingi ng paumanhin si Ramon nang araw ding iyon pero itinuring na s’yang persona non grata rito. “Humihingi po ako ng paumanhin sa aking nagawa. Tatanggapin ko po kung anumang maging consequence ko kahihinatnan ng pagkakamaling ito. Taos puso po akong nagpapakumbaba sa pagpapaumanhin at humihingi ng kapatawaran sa inyo lahat.” Kung hindi pa man napapawalang-bisa ang hatol ng city council kay Ramon ay nagkaayos na sila ni Mayor Duterte mismo. Sa Instagram ng komedyante ay ipinaskil nito ang larawan ni Mayor Duterte at sulat nito para sa kanya na may caption na “Ramon, si Rodrigo ito...” ang bungad nya. Tapos nag usap kami... and there was peace <3 #MabuhayKaRinMayor #RespectForThisCoolGuy #LoveFriendshipAndGoodwill #WorldPeace thank you@ gangmanila for making it happen<3,” he said in the caption. Sa official Facebook account naman ni Duterte ay

nanawagan ito sa city council at sa kanyang anak na si Vice-Mayor Paolo Duterte . “Let me remind the honorable vice-mayor and the majority that their decision to declare Ramon Bautista persona non grata is a city council resolution and not an ordinance,” he wrote. “It does not bind me and everyone else who disagree with it. The essence of democracy is the right to dissent. As Voltaire would put it, ‘I may disagree by what you say, but I will defend your right to say it,” he added.

alang nakakaalam na may asawa’t anak na dati ang hunk actor na si Derek Ramsay hanggang sa lumabas ang 36 taong gulang na si Mary Christine Jolly Ramsay. Pero hindi lamang pagsisiwalat ng katotohanan ang nais ng dating modelo kundi pananagutin ang actor sa pagpapabaya at pang-aabuso nito sa kanilang mag-ina. “This case is about the violence perpetuated by Derek Ramsey against me and my son whom this man abandoned 11 years ago. Republic Act 9262s is clear—very specific in its provisions that the rights of women and children are to be protected against abuses committed against them by anyone “ saad pa ni Mary. Sa kuwento nito ay nagkakila sila ni Derek noong 2001 at nagpakasal noong March 21, 2002, sa Balagtas, Bulacan bago siya makipaghiwalay at sumama sa kanyang mga magulang sa Dubai noong 2002. Hiniwalayan daw niya ang aktor dahil sa lagi itong umuuwing lasing at may iba’t ibang karelasyong babae. Tatlong buwang buntis na siya nang magkahiwalay sila pero palagi siyang nakikipagkomunikasyon sa ama ng kanyang anak . Taong 2010 nang bumalik si Mary sa Pilipinas kasama ang 8-taon na gulang na noon niyang anak para harapin si Derek. Dito pa lamang umano nagkaroon ng pormal na usapan tungkol sa kanilang anak pero naging pabaya pa rin umano si Derek. “I just want to assert my rights as a mother to my kid. Derek is using his money to influence my son’s behavior. I want to live a normal life again. I just hope that the law will favor and protect us from the abuses committed against us by Derek,” pahayag ni Mary na nagsampa ng kasong Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act laban kay Kapatid actor sa Makati Prosecutor’s Office noong June 27, 2014. Sa panig naman ni Derek inamin nitong kasal nga sila ni Mary at noong 2011 lamang niya nalaman ang tungkol sa kanyang anak . Mula noon ay nagbibigay na umano siya ng sustento sa anak at pinoprotektahan para hindi pagpiyestahan ng media. Sa salaysay pa ng aktor ay nais lamang siyang hingan ng malaking salapi ni Mary na nagkakahalaga ng P45 million lump sum para sa iba’t ibang gastusin umano ng kanilang 11-taong gulang na anak na nagnangangalang Austin Gabriel Ramsay. “It really saddens me that Complainant has resorted to making baseless claims in an attempt to obtain an undeserved financial windfall from me. It is obvious that this case filed by Complainant is nothing but an attempt to create leverage in staging her fervent desire to obtain her importunate demand for money and making me her personal Automated Teller Machine,” saad pa ng Derek. Itinanggi rin nitong inabuso niya si Mary noong nagsasama pa sila. Aniya sa kanyang 69-pahinang counter affidavit isa itong “irresponsible and childish, had terrible mood swings and would get physically and verbally abusive when she would get mad, had violent tendencies, had no respect towards others, extremely possessive and paranoid.”

sharon cuneta may mid life crisiS?

K

amakailan ay naging bukas si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang pinagdaraanan. Sa kanyang Facebook account ay inamin nitong nakakadama siya ng frustration at talagang nagpabaya siya sa kanyang pangangatawan. “I was going through a mid-life crisis, the effects of which I could never have foreseen. My reaction to it was awful; I became rebellious because I hated myself for the way I looked and the time I continued to waste by not focusing and working on bettering my own person. “And each time I rebelled, often offending other people by being inconsiderate of their time and all else that I used to respect in and about them, I just felt worse and worse about myself. I was not ‘me.’ I hit midlife and didn’t know how to deal with it. I was lost. And then when I got used to it, I saw what had changed around me,” pahayag pa ni Sharon. Umani ng sari-saring opinyon ang rebelasyon na ito ni Sharon na sa isang punto ay humingi ng tawad sa kanyang mga taga-hanga dahil sa kanyang mga maling mga desisyon at pagiging mataba. “I feel that I have let you down. I let myself go, I allowed myself to get fat and stay fat. I became complacent... and I never lost faith in God, and in you, but I ignored the fact that I had lost faith in myself.” Dagdag pa ni Sharon sa kanyang open letter ay nilimitahan niya ang kanyang sarili sa paggawa ng

pelikula gayong ang dami pa talaga niyang gustong gampanan na karakter. Dinepensahan din ni KC Concepcion ang kanyang ina lalo na ang pagiging mataba nito. Aniya ay hindi naman talaga madali ang pagpapayat. Agad naman nagpahayag ng suporta ang kanyang mga kaibigan sa pangunguna na ni Judy Ann Santos na itinuturing siyang ate sa industriya. Ayon kay Juday ay sa ngayon ay okay naman si Sharon at marahil ay marami lamang itong napagtatanto sa buhay ngayon. “All I know is that I will live the best life I can, with the same mission statement: to inspire and encourage, to show that in this crazy world, there are still a few of us you can count on to be real. To show that you fall every once in a while, but you get up. You must. It is our obligation to do so. I know it is my obligation to do so. Not just for me, but for all of you,” mensahe pa ni Sharon.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.