The Pinoy Chronicle August First Issue

Page 1

The Pinoy Chronicle Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

WEEKLY HOROSCOPE P.6

PINOY-BIZZ P.7

GLOBAL PINOY P.3

News. Link. Life

FREE NEWSPAPER

TARA-LETS P.5

FOOD TRIP AT HOME P.4

N

AUGUST 2014 First Issue

a g i n g e m o s yo n a l a n g pagtatapos ng ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng kanyang balikan ang mga maalala ng kanyang mga magulang at kung ano ang mga nagawa nito para sa ating bansa. Para kay PNoy ang kanyang mga magulang ang naging dahilan kung bakit niya tinanggap ang pag-takbo ng pagkapresidente noong 2009. P.2

PINOY CHRONICLE NEWS ARCHIEVES:

LOCAL

K to 12 Program Pinahihinto ng isang Senador

N

ais ipahinto ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ang pagpapatupad ng K to 12 Program habang hindi pa naisasaayos ang kasalukuyang kinakaharap na problema...

TARA-LET'S

P.2

Yexel Toy Museum

L

ahat tayo na mula sa iba’t ibang henerasyon ay imposibleng hindi nakikila ang Nintendo Game Characters na Super Mario Bros. Lumipas man ang taon, hindi nag-iiba ang tema ng larong ito, ang pagliligtas ng Super Marios Bros... P.5

GLOBAL

Iloilo Choir taked home 3 gold medals in International tilt

U

niversity of San Agustin's proud choir group bagged a 3 gold medals in Singapore's International Choir Competition... P.3

SHOWBIZ

Paolo Bediones, dawit sa sex video scandal

K

ilalang magaling na host at batikang news anchor ang ngayong Kapatid TV personality na si Paolo Bediones. Subalit nitong mga nakaraan ay mismong ito ang laman ng usap-usapan... P.7

Food Trip at Home "A HEALTHY HALO-HALO" P.4

Typhoon Yolanda survivor's book get's 5-star Seal of Excellence P.3


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 2

SONA 2014: The Filipinos is definitely worth fighting for

AUGUST 2014 FIRSt issue

TAxi at suv nagtutukan sa edsa

K

N

aging emosyonal ang pagtatapos ng ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang kanyang balikan ang mga malaala ng kanyang mga magulang at kung ano ang mga nagawa nito para sa ating bansa. Para kay PNoy ang kanyang mga magulang ang naging dahilan kung bakit niya tinanggap ang pagtakbo ng pagkapresidente noong 2009. Ang tema nang naganap na SONA ay ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan kung saan iginiit niyang dinatnan na niyang tigang ang pagasa ng mga mamamayang Pilipino at ngayo’y nilalayon na maibalik ang gobyerno sa tama nitong tuon. Malinaw para kay PNoy ang layunin na paglingkuran ang taumbayan higit pa sa lahat. Nauna niyang tinalakay ang malaking naitulong ng kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) sa TESDA. Ayon kay PNoy, sa tulong ng DAP ay nakapagpatapos ang TESDA ng halos 66% o 146,731 na iskolar na ngayo’y may mga trabaho na sa tulong ng ahensya. Habang tinatalakay naman ito ni PNoy, nag-walk out naman mga party-list representatives na naghain ng impeachment laban sa pangulo kaugnay ng DAP. Sunod naman niyang tinalakay ang paunti-unting pag-alpas ng mga Pilipino sa kahirapan. Ayon sa datos, umabot na 2.5milyon na mamamayang Pilipino ang nakawala na sa kahirapan. Ibig sabihin mas bumaba na ang Poverty Incidence noong 2013 kumpara noong 2012. Idinagdag niya rin dito ang pagsisimula ng Expanded Conditional Cash Transform Program. Kaugnay pa rito, ibininalita rin niya na sa loob ng apat na taon ay naipapasa ang budget sa tamang oras. Giit niya, napalawak ang serbisyo ng hindi nagtataas ng buwis. Tanging SIN TAX lamang ang naipasang pagbubuwis na naglalayong mabawasan ang paninigarilyo na malaking maitutulong sa kalusugan ng bawat Pilipino. Dahil dito naitaas ang koleksyon ng buwis na umabot sa 20bilyon na nakatulong upang mabayaran ng Pilipinas ang halos 40bilyon na pagkakautang nito. Mula nang gumanda ang credit ratings ng Pilipinas ay mas dumami na ang mga namumuhunan na hudyat upang magkaron ng mga karagdagang trabaho para sa mga mamamayang Pilipino. Sinimulan na rin ayusin ang Aviation Industry upang mas makatulong sa turismo at “more open for business” ang bansa. Tinaasan rin ang budget para sa imprastraktura ngayong 2014 kung saan apat na national roads na ang napalawak, nailatag at napaayos. Sa tulong rin ni DPWH Secretary Babes Singson ay naiyos ang katiwalian sa ahensya kung saan halso 28B na pondo ang naisalba. Mayroon na rin pito pang proyekto ang nailunsad sa tulong na rin ng private sector kabilang dito ang TPLEX (Tarlac, Pangasinan, Laoag Express Way). “Dahil sa mabuting pamamahala, ang ugat nito” ani ni PNoy. Sa tulong naman ng United Nations (UN), 221,987 naman ang bilang ng mga nabigyan na ng hanapbuhay mula sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda. Pinuri rin ng UN ang Pilipinas dahil sa loob ng isa’t kalahating taon ay nagawa ng bansa na makabangon kumpara sa ibang karatig bansa na nasalanta ng kalamidad. Ayon pa sa UN ang Pilipinas ay patuloy pa rin na nasa yugto ng rehebilitasyon mula sa bagyong Yolanda. Nagdagdag na rin ang gobyerno ng mga bagong pandigmang helicopter at mga bagong baril upang mas lalong mapalakas ang sandatahang pandigma ng bansa. Naipasa na rin ang Comprehensive Agreement of Bangsamoro para mapanatili ang kapayapaan sa ARMM. Itinalaga naman ang bagong Customs Commissioner na si Sonny Sevilla upang mas maiayos ang ahensya at tuluyan nang maalis ang anumang katiwalian dito. Dahil ditto tumaas ang cash collection ng Customs ng 22% o 117B piso. Pagtatapos ni Pnoy “Ang transpormasyong tinatamas natin ngayon,ay magagawa nating permanente sa gabay ng Panginoon. Hangga’t buo ang ating pananalig at tiwala, at hangga’t nagsisilbi tayong lakas ng isa’t isa, patuloy nating mapapatunayan na “the Filipino is worth dying for”, “the Filipino is worth living for”, at idadagdag ko naman po: “The Filipino is definitely worth fighting for.” Ang SONA ni PNoy ay inabot ng 1 hour and 30 minutes, na may 86 palakpakan, 5 beses ng pagkasamid (pag-ubo) at 2 beses na pag-inom ng tubig.

amakailan naging viral ang video ng dalawang driver na nagkainitan na umabot sa panunutok ng baril sa kahabaan ng Santolan flyover, EDSA. Halos katapat lang nito ang himpilan ng Camp Crame kung kaya’y marami ang nagulat na lakas loob naglabas ng baril ang driver ng SUV. Ang nasabing video ay nakunan ng isang paseherong sakay ng bus na kasunod lamang ng dalawa. Ayon sa taxi driver na nasa video, si Glen Remetio, nagsimula ang kanilang iringan sa Cubao palang matapos siyang kinut ng SUV driver. “Pag-cut sa akin, bumaba siya, pinagmumura niya ako”. Dagdag pa ni Remetio, pinagsusuntok pa raw siya at tinakot na papatayin ng nasabing driver ng

SUV. Bilang depensa agad naman nitong nilabas ang kutsilyo mula sa kanyang taxi. Iginiit naman niyang hindi niya ito personal na pagmamay-ari at nakuha lamang niya sa isang tool box na gamit din ng kapwa niya taxi driver. Agad namang humarurot ang SUV matapos ambahan at tutukan ng driver nito si Remetio. Hinabol naman ni Remetio ang SUV kung saan tuluyan na niya itong binangga. “Gusto ko talaga mahuli kami ng MMDA, para maimbestigahan kami. Bakit siya nanutok ng baril? Hindi naman kami nagkabanggaan, hindi nagkasagian,”

Na-trace naman ng Cubao police at Land Transportation Office ang pagkakakilanlan ng SUV. Ayon sa kanila ito ay isang company car ng Primex Development Corporation, isang real estate firm. Bagama’t inamin ng kumpanya na pag-aari nga nila ang SUV, tikom ang kanilang bibig kung sino ang driver ng mga oras na iyon na nangyari ang insidente. Binigyan na lamang ng mga awtoridad ang Primex na ilang araw upang tukuyin kung sino ang driver at makipagtulungan sa imbestigasyon kung hindi ay isasama nila ito sa reklamo.

ika-100 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng iglesia ni cristo

M

uli ipinamalas ng mga kapatid na Iglesia ni Cristo ang kanilang pagkakaisa sa ginanap Centennial Celebration noong Hulyo 27,

Linggo. Tinatayang 1.5 milyong katao ang dumagsa si Ciudad de Victoria sa Bocaue Bulacan para makiisa. Sinimulan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng fireworks display bilang pagsalubong sa ika-100 na anibersaryo ng INC. Bagaman at may mga hindi nakapasok sa loob ng Philippine Arena, na may (55,000-seating capacity at tinaguriang world’s largest indoor arena at largest mixed-use indoor theater) dahil tanging may mga ticket lamang ang makakapasok, ay hindi ito naging dahilan upang 'di sila makiisa sa pagdirirwang. Ang iba’y nakuntento sa kani-kanilang mga tent na dala. Dahil dito, hindi naiwasang magkabuhol-buhol ang

p10B halaga ng pinsala ng hagupit ni bagyong glenda

A

yon sa talaan ng National Disaster Risk Re d u c t i o n a n d M a n a g e m e n t C o u n c i l (NDRRMC), tinatayang P1.514,434,958.95 bilyon na ang napinsala sa imprastraktura habang nasa P8,946,536.38 bilyon naman ang sa agirkultura. Halos nasa P28,075,886.00milyon naman ang natamong pinsala ng mga eskwelahan habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong nasawi, nasugatan at nawawala. Naitalang pinakamaraming nasawi sa probinsya ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na umabot sa 70 katao ang nasawi at 159 naman ang mga nasugatan. Tinatayang nasa 330,433 pamilya o 1,600,298 bilyong katao ang naapektuhan ng bagyong Glenda.

trapiko sa kahabaan ng NLEX papasok ng Marilao hanggang Bocaue. May mga naglakad patungong Ciudad de Victoria habang ang ilan na naipit din sa trapik ay ginawang mas kapipakinabang ang mga oras na iyon.

K to 12 program pinahihinto ng isang senador

N

ais ipahinto ni Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV ang pagpapatupad ng K to 12 Program habang hindi pa naisasaayos ang kasalukuyang kinakaharap na problema kaugnay sa sistema ng edukasyon ng bansa. “Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod,” paliwanag ni Trillanes. Inaasahan ding maraming guro at empleyado sa mga kolehiyo ang mawawalan ng tarabaho kapag sinimulan na ang programa sa 2016. Iminungkahi rin ni Trillanes na magsawa ng konsultasyon sa iba’t ibang panig ng bansa ukol dito. Dagdag pa ng senador “Maraming paaralan pa rin ang patuloy na gumagamit ng mga make-shift na classrooms, o di kaya’y nagpapalitan sa paggamit ng mga silid-aralan kahit mas maiksi pa ang haba ng mga klase nito sa tamang oras na aprubado ng Department of Education.” Nakikini-kinita na niyang mas lalong lalala pa ang problema kapag pumasok na ang dalawang karagdagang batch ng mga estudyante sa ilalim ng K to 12. “Sa mga kagamitan naman, patuloy ang paghahati ng mga estudyante na umaabot sa ratio na apat na estudyante sa bawat isang modyul. Ang nasabing numero ay siguradong lalaki pa kapag napatupad na ang programa sa 2016.” Labis din na ikinalungkot ni Trillianes ang pagkakarooon ng mga volunteer teachers na kumikita lamang ng tatlong libong psio kada buwan.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2014 FIRSt issue

Pinay Pianist gets a standing ovation in India Music Festival

page 3

A

lexandra Minoza, a Filipina pianist, received a standing ovation as she amazed audience with her powerful performance in the recent Fete de la Musique of Goete Institute in India. Her first piece was Claude Debussy's "Claire de Lune," the third movement of the famous composer's "Suite bergamasque." After that she follwed it with the "Ballade No.1," one of the most technically challenging pieces of Frederic Chopin's. Then an Indian pianist joined Minoza for the festival's finale playing the country's national song wrtiten by Robert Schumann "Vande Matara" and "Kinderszenen." Alexandra Minoza earned her Bachelor of Music in Piano Performance at the Yong Siew Toh Conservatory of Music, National University of Singapore, her first experience with the orchestra was at the Cebu Youth Symphony Orchestra, during her first concert with the said group when she just nine year old.

FILIPINO TOURIST ADVISED NOT TO TRAVEL ON A PILGRIMAGE IN ISRAEL

A

ccording to The Department of Foreign Affairs spokesman Charles Jose, "Israel is under alert level 2, there is deployment ban for newly-hired workers. For tourist we only advise them to defer their travel because of conflict in these areas. He continued, " Though tourist will not be stopped by immigration because they are not workers ... we discourage them to travel because we cannot tell what will happen in Israel as a result of the ongoing conflict." Israel is among the countries that Filipino tourists visit due to its religious and historical sites including the city of Jerusalem, and that Israel is among the countries that Filipino tourist may visit without the need to apply for visa. DFA previously raised alert level 4 in Gaza Strip, the center of the ongoing conflict, and the area where majority of the casuality come from.

OFW's dismay to aquino government

Typhoon Yolanda survivor's book get's 5-star seal excellence

T

his critically acclaimed book earned praises in the United States, It's the first and only book that describes the plight of survivors in Tacloban after the Typhoon Yolanda or Haiyan. A non-fiction novel by author Albert Mulles a born ang raised in Tacloban City, "Typhoon Haiyan the Untold Story: A Story of Hope and Survival." The book is inspired by true events, the novel brings to life an epic tale of survival from the

iloilo choir GARNED home 3 gold medals in international tilt

human trafficking actionline mobile application

U

F

our years of President Aquino's term, "People's SONA" claims that President Aquino has failed to deliver his promises, especially when it comes to "Daang Matuwid." It was his campaign against corruption in the Philippines that won him the presidency election in 2010. But even before his speech in the State of the Nation Address (SONA) many Filipino groups gathered in the streets of Woodside New York saying that there are tired of the Philippine Government. The group claims that nothing has change in the President's 4-year term. Some of his appointees are also guilty, and his term has nothing but crooked and corrupt path. For migrant workers, Aquino failed to address the issues and needs for Overseas Filipino Workers, especially when it comes to human and labor trafficking. Though Aquino's supporters who recently held a protest against China's bullying believes in him. Other supporters that believe in Aquino's 4year term said that he is the best President the Philippines could have, he raised the Philippines and the Philippines is now the new Tiger of Asia and a really democratic Philippines for the first time in history. But in the end, whether they're Aquino allies or not Filipinos in New York all agreed that they're going choose wisely in 2016 Presidency Election.

world’s strongest typhoon ever recorded in history, Typhoon Haiyan, where it weaves a human story that would stir hearts and touch lives, combining intense drama, love, and faith as it entreats reader’s on how far can one human being go to mend broken lives. The book since its launched e a r n e d a Re a d e r ' s Favo r i te nomination from the International Book Awards organization and was granted 5 star Seal of Excellence.

R

eporting cases of human trafficking is now made easier with the launch of the 1343 Actionline mobile application. The Inter-Agency Council Against Human Trafficking (IACAT) through its Advocacy and Communications Committee (ADVOCOM) and the Commission on Filipinos Overseas (CFO) recently launched mobile application with the help of Quantum X, the company behind www.workabroad.ph. The mobile application can be downloaded for free from Google Play in any Android-capable devices mobile phones and tablets. For Iphone and Ipad users, it will also be available from IOS soon. It has features where users can conveniently report in real-time suspected human trafficking activities with the option of attaching photographs and videos as evidence. The identities of the users will remain confidential. They will also have access to information and news updates about human trafficking, and directory of IACAT member agencies. The 1343 Actionline is a 24/7 national hotline facility that responds to emergency or crisis calls from victims of human trafficking and their families. Since its operationalization in March 2011, the 1343 Actionline has received 21,069 calls which resulted in 296 actual cases involving 249 victims of human trafficking and other related cases such as illegal recruitment and mailorder bride scheme

niversity of San Agustin's proud choir group bagged a 3 gold medals in Singapore's International Choir Competition. The USA Troubadours topped the chamber, mixed and folkloric categories of the Orientale Concentus VII at the Star Theater in Singapore, according to a report by GMA Iloilo. According to the reports, the

group held a series of concerts to raise funds, before taking part of the competition. The group's artistic director, Professor Arne Lubasan thanked the people who showed support for the choir group. T h e g ro u p i s ex p e c te d to perform at a victory and t h a n k s g iv i n g c o n c e r t fo r t h e Ilonggo community.

ERICK SPOELSTRA WON'T HOLD GRUDGE AGAINST JAMES

W

hile the sports world kept an eye on basketball star Lebron James and his decision to return to his home team Cleveland Cavaliers, his Filipino American coach says there’s no hard

feelings. Miami Heat head coach Erik Spoelstra spoke out for the first time since losing his star player. He told the South Florida Sun-Sentinel newspaper that he doesn’t have any regrets, and James shouldn’t have any either. He added that the four years they spent together were historic. With James on his team, Spoelstra coached the Heat to four straight NBA final and won two championships.


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 4

AUGUST 2014 FIRSt issue

H Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

ot weather makes Filipinos indulge in all-time favorite halo-halo. This much-loved Filipino dessert can help you to beat the heat, but if you are worried that this sweet treat might affect your healthy diet. But worry no more because there are alternative ingredients that you can use to create a healthier halo-halo. Below is the recipe and tips on how to prepare tastier and healthier cups of halo-halo.

Follow the Procedure Makes 16 servings Mix the following in a glass: 2 tbsp fresh ripe jackfruit, cut into strips 2 tbsp whole kernel corn, drained 1 tbsp sweetened garbanzo beans, drained 2 tbsp saba in light syrup (see recipe below) 2 tbsp fresh melon, cut into cubes 1 tbsp nata de coco, syrup drained Low-fat milk to taste Crushed ice 1 tbsp low-fat custard (see recipe below) Saba and purple yam in light syrup: 1 cup saba 1 cup purple yam 2 tbsp brown sugar 2 tbsp Splenda 1 cup water Mix brown sugar, Splenda, and water in a sauce pot. Simmer until sugar is melted. Add diced saba and

purple yam. Let boil until saba and yams are cooked. Chill well. Low-fat custard: 2 cups nonfat milk 1/4 cup sugar 2 tbsp Splenda 1 tbsp cornstarch 1 egg 1 tsp vanilla extract 1. Heat milk in a small saucepan on medium-low until simmering. 2. Meanwhile, whisk sugar, Splenda, and cornstarch together. 3. Add egg and whisk until no lumps remain. 4. Gradually stir in hot milk into egg mixture. 5. Return milk and egg mixture to pan. 6. Heat on medium, stirring constantly until thickened (as thick as condensed milk). 7. Remove from heat, and add vanilla. Chill well.

Healthy Halo-Halo


tara let's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2014 FIRSt issue

page 5

Yexel Toy Museum KUHA AT TEKSTO NI IRENE TRIA

L

ahat tayo na mula sa iba’t ibang henerasyon ay imposibleng hindi nakikila ang Nintendo Game Characters na Super Mario Bros. Lumipas man ang taon, hindi nag-iiba ang tema ng larong ito, ang pagliligtas ng Super Marios Bros. kay Princess Peach laban kay King Koopa. Pero ano kaya ang magiging reaksyon mo kung sa totoong buhay ay makakita ka ng life-size Super Mario Bros game characters? Noong nakaraang Hulyo 26, ay napagbigyan ako na bumisita sa sikat na sikat at kauna-unahang Toy Museum dito sa Pilipinas, ang, Yexel's Toy Museum. Pagmamay-ari ito ni Yexel Sebastian na dating miyembro ng sikat na dance group noong 90’s : Kids at Work at StreetBoys. Mula pagkabata ay nakahiligan na ni Yexel ang pangongolekta ng mga laruan. Madalas ang ibinibili niya sa mga ito ay mula sa kanyang pa-piso-piso na ipon. Mga laruan din ang hinihingi niyang regalo mula sa kanyang mga kaanak tuwing Pasko, kaarawan niya at Bagong Taon. Nagsimulang buksan ang Toy Museum mula pa noong 2002. Hanggang sa lumaki ito ng lumaki na inukupa na ang buong bahay nila Yexel at tuluyan nang ginawang 3-storey museum. Pagpasok mo palang ay iwe-welcome ka na ng life-size figure ng The Simpsons. Sa unang palapag ng museum makikita mo ang higit-kumulang na 7,000 pieces na mga maliliit na action figures na naka-display sa eskaparate at 100 life-size action figures kabilang dito sina Astro Boy, Lufee, Lupin III at Fujiko at syempre papahuli pa sina Naruto at Son Goku. Dito mo rin makikita ang kauna-unahang replica ni Lightning McQueen ng Walt Disney’s movie ang CARS. Kaparehas daw ito ng nasa Disneyland. Ang presyo lang naman ng replica na ito ay nagkakahalaga na ng isang tunay na kotse. Pagdating mo naman sa second floor ay sasalubong na sa inyo ang mga original bust ng mga karakter sa pelikula tulad nina Chucky: The Killer Doll, Batman, CatWoman, SpiderMan at Joker. Sa kanan bahagi naman ang kumpletong game character na Super Mario Bros. May eskaparate na laan lamang para sa NBA players gaya ni Kobe Bryant at Lebron James; sa kabila naman ay para sa pelikulang Predator. Sa bandang itaas naman ay mga horror action figures gaya nina Jason, Freddie Krueger atbp.

Sa ikatlong palapag naman ay tila magkakaron ka ng pakiramdam ng nasa space ship. Dahil ang 3rd floor ay Star Wars ang theme. Life-size action figure gaya nina Anakin Sywalker, Dart Vader at Yoda. Ang palapag din ito ang magsisilbing walkway patungo sa pinaka-atraksyon ng toy museum na ito. Ang headbust ni Optimus Prime mula sa Transfomers. Inabot ng halos dalawang taon ang pag-buo sa head bust ni Optimus Prime na sulit naman dahil ito ang pinakamalaking head bust sa buong mundo. Kahit umabot na walong milyon piso ang nagagastos ni Yexel para sa kanyang Toy Museum, hindi naman maba-

bayaran ang kaligayahan na kanyang nararamdaman sa tuwing may mga batang napapangiti at napapasaya sa tuwing pumapasyal sa kanyang museum. Bukas ang Yexel Toy Museum Las Pinas tuwing Lunes hanggang Biyernes para sa school fieldtrips at SabadoLinggo naman para sa mga young at heart na tulad ko, 10am-8pm. Ngayong August 1,magbubukas ang ikalawang branch ng Yexel Toy Museum Pasay. Kaya kita-kits tayo doon! Ang entrance fee sa YexelToy Museum ay Php300 with unlimited picture taking pa!


pinoy na pinoy 6 page 6

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Sa ngayon ay ikaw ang taya para mamuno at bagay naman ito sa iyo. Pero maging maingat ka rin sa madalas na sakit ng mga lider at ito ang pag-aalaga ng pride sa sarili. Ang pinaka-negatibong magagawa nito sa iyo ay baka pride na lang ang umiiral sa iyo, hindi na ang lohika, kumpiyansa o pagiging responsable. Walang sinumang ang maaaring magsabi sa iyo na maging napakahusay mo. Pero kailangan mo pa ring humingi ng payo, makinig sa iyong mga kasama at maging bukas sa pagbabago.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Gawin mo ang lahat nang makakaya mo na maging kalmado ka. Ang paglalagay nang matinding pressure sa iyong sarili ay nagiging stress at hadlang para magawa mo nang tama ang iyong plano. Sundin mo lang kung paano at ano ang gusto mong mangyari. Maging handa sa ilang mapagpipiliang gawin sa mga pagkakataong ‘di uubra ang iyong mga gusto pero huwag pagtuunan masyado ang mga ito sa ngayon. Relax lang ito ang kailangan mo lalo na sa mga kritikal na pagkakataon.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Bago ka magsalita ay hayaan mo munang namnamin ng iyong isipan ang mga sinasabi ng iyong kausap. Madalas hindi mo nakukuha ang importanteng punto ng usapan dahil sa bilis ng iyong reaksyon . Isa pa’y talagang maraming totoong bagay ang masakit tanggapin sa una pero sa huli at kung iyo lamang aanalisahin, ito rin naman ay makakabuti sa iyong kapakanan.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Isang siguradong daan para mapalapit ka sa isang tao ay sa pamamagitan ng magaan at sinserong usapan. Iyong tipo bang wala kang inaalala kung ano ang iisipin nito o intensyon kung saan tutungo ang inyong usapan. Matutuhan mo sanang magbahagi ng kahit kaunti tungkol sa iyong sarili at gayon din ang makibahagi sa pananaw ng iyong kapwa. Masama o mabuti ang laman ng kuwento, nakakagaan ng loob ang magkaroon ng ugnayan sa isa’t isa dahil sa simpleng pagpapakatotoo.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Naghihintay ka ba kung kailan magandang magsimula ang pagbabago sa iyong buhay? Huwag kang maghintay, ikaw ang kusang gumawa ng aksyon para rito sa pamamagitan pagpapalaya ng mga kaisipang luma at bagay na hindi mo na kailangan. Sa maraming kadahilanan, mahirap sa isang tao na pagtuunan ng pansin ang isang bagay kung marami pa siyang dapat alalahanin. Kung mahihirapan kang tingnan kung anu-ano ba ang dapat alisin sa iyong buhay, magtanong ka sa iyong malalapit na kaibigan. Alam na alam nila iyan, hinihintay lang nilang magsabi ka.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Para sa kapakanan ng katahimikan at kapayapaan, magtimpi ka at pagkatiwalaan ang iyong kasama. Huwag kang maasar kung hindi niya magawang magsalita sa iyo o parang sa pagkaaburido niya ay naapektuhan ka na. Mahirap lang talagang maging matino kapag magulo ang isipan at mabigat ang laman ng iyong dibdib. Dumaan ka rin dito, at kung ikaw ay hindi naman ganito ang naging askyon. Puwes hindi siya, ikaw. Ika nga walang basagan ng trip talagang problemado lang.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2014 FIRSt issue

Pisces - Feb. 20 - March. 20 Simulan nang magtanim nang maliliit na punla ngayon para may aanihin kang marami o malaking oportunidad sa hinaharap. Bakit naman maliit lang? Ang padalos-dalos na aksyon ay maaaring makabigla nang matindi sa iyong kasalukuyang pamumuhay, baka hindi mo kayanin. Isa pa’y hindi natatapos sa isang hakbang ang lahat kundi sa mahusay rin na pagsilip sa detalye. Mabagal man ang iyong pagusad sa simula pero mahusay na napaplano at nagagawa, bibilis din ang iyong pag-unlad sa mga susunod na araw.

Aries - March. 21 - April. 20

Siyempre mas lalong mahirap paniwalain ang mga taong hindi malapit sa iyo kumpara mga kaibigan, kamag-anak o kasama mo sa trabaho. Ito ay hamon na dapat mong yakapin kung nais mong mapatunayan ang iyong galing sa larangan na nais mong pasukin. Kung ‘di man doble ay magtiyaga ka na triplehin pa ang iyong pagtitiyaga sa pagpapaliwanag at kapag nakuha mo ang kanilang atensyon, ipangako mo lamang ang kaya mong tuparin. Sa umpisa at hanggang huli, tiwala nila ang iyong dapat panghawakan at pagkaingatan.

Taurus - April. 21 - May. 21

Klaro sa iyo kung nasaan ka ngayon at ano ang iyong ibig. Marahil nakatulong ang iyong mga pinagdaanang pagsubok para maging ganito kalawak at positibo ang pananaw sa iyong buhay. Ang iyong mga salita ay maganda ng inspirasyon sa iba. Mag-isip ka ng paraan kung paano masasalin ang iyong matutuhan sa paraang makakagaan at makakaengganyo din sa iyo na magpatuloy. Kung nagmumula sa kaibuturan ng iyong pagkatao ang pagiging positibo, madali na itong maging sining, pilosopiya o lohika para sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Gemini - May. 22 - June. 21

Gusto mo lang naman makatulong at makagawa nang mabuti kahit gaano ito kaliit, pero bakit may mga tao na kumukwestyon sa iyo? Hayaan mo silang pagsawaan ang kanilang pagiging negatibo habang ikaw ay nagiging masaya sa iyong ginagawa. Ang kanilang kawalan ng suporta ay hindi mo ikatatagumpay at wala kang dapat patunayan dahil kusa na lamang kukurot sa kanilang mga puso kung gaano ka kabuting tao sa kabila ng kanilang kagaspangan.

Cancer - June. 22 - July. 22

Kailangan mong tumupad sa pangakong na iyong pinanghawakan, sinabi mo man ito o inobliga sa iyong sarili. Mayroon kang rason kung bakit mo sinimulan itong sundin at posibleng marami ka ring maidadahilan para tumigil. Sa halip na magpatalo ka sa katamaran, kawalan nang maiuukol na oras o ano pa man, sikapin mong maging masigasig sa anumang bagay na iyong matutuhan sa pagtupad ng pangakong ito. Kung masyadong nakatuon ang iyong atensyon sa mga palusot, makakaapekto nga ito sa iyong katatagan.

Leo - July. 23 - August. 22

Dahil maunawain ang iyong mga kaibigan naiintindihan nila na hindi ka dapat iniistorbo. Akala nila ay matindi lamang ang iyong pinagdadaanan at gusto mong mapagisa. Pero ang totoo ay abala ka sa maraming bagay na nahihirapan ka lang maglaan ng oras para sa kanila. Kung hindi mo pa kayang gawan ng paraan ito na magkaroon ng oras kasama sila, subukan mo naman na magpahatid ng mensahe na may tinatapos ka lamang na proyekto o trabaho para hindi sila masyadong mag-aalala.


pinoy-BiZz AUGUST 2014 FIRSt issue

page 7

melissa ricks, kumpirmadong buntis

M

edyo nagdagdag ng timbang si Melissa Ricks nang huling mapanood siya sa primetime series na Honesto. Pero ngayon 'di lang weight ang nadagdag sa 1st Star Circle Quest alumna kundi bata sa kanyang sinapupunan. Mismong kay Thess Gubi, Star Magic public relations head, nanggaling ang kumpirmasyon na buntis na nga ang 24-taong gulang na aktres. Ang kanyang non-showbiz boyfriend ang ama ng bata at sa ngayon ay wala pang ibang anumang impormasyonng na ibinigay ang ABS-CBN rito. Matatandaan na bago ang isyung ito ay napabalitang nagkahiwalay si Melissa at ang ex Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo. Kamakailan ay nakumpirma rin na ang bagong nobya nito ay ang Kapamilya star din na si Kaye Abad.

Aljur, ayaw ng maging kapuso

G

inulat ni Aljur Abrenica ang madla nang maghain ito ng kasong Judicial Confirmation of Rescission of Contract, sa Quezon City Hall of Justice

noong Hulyo 25 laban sa kanyang home network, ang GMA network. Ang kaso ay para mapawalang bisa na ang kontrata nito na sa taong 2017 pa sana magtatapos. Ipinagtataka ng ilan ang motibo o rason sa agresibong aksyon na ito ng Starstruck 4 Ultimate Hunk dahil kumpara sa ibang lumilipat ng istasyon ay halos 'di naman s’ya nawawalan ng trabaho. Nitong Hunyo lamang natapos ang kanyang huling fantaserye kung saan s’ya ang gumanap na leading man ni Louise De los Reyes sa Kambal Sirena. Mula rin nang manalo siya ay naging sunod-sunod ang mga projects niya lalo na’t kasama ang kanyang perennial love team na si Kris Bernal. Sila ay nagsama sa The Last Prince, Coffee Prince at Prinsesa ng Buhay ko. Tuwing Linggo rin ay napapanood s’ya at sa Sunday All Stars. Ayon kay Aljur ay hindi na nagtutugma ang direksyon na gusto ng kanyang talent management at sa gusto niyang mangyari sa kanyang career. “Alam ko naman po yung mga maaaring mangyari, alam ko naman po yung mga posibleng mangyari. Pero para po sa akin, e, worthy po, worthy yung gagawin ko ngayon. Kasi bilang seryosong aktor at musikero po, marami pa po akong gusto... “Kumbaga, lahat naman po tayo gusto nating mapabuti po tayo, for good cause naman po. At marami po tayong gustong

MOVIE EXPRESS:

matulungan, marami po tayong gustong marating. “At sa akin pong nakikita, ‘di na po nag-aakma, nagtutugma ang direksiyon na gusto nila para sa akin at direksiyon na gusto kong puntahan para sa career ko.” Bali-balitang ang kagustuhan ng aktor na mai-release nang maaga mula sa kontrata ay dahil gusto na niyang maging Kapamilya. Isa ring tinitignan na anggulo ay dahil nawala kay Aljur ang deal ng kanyang ini-endorsong sikat na damit dahil sa maling pagha-handle.. Dagdag pa ng abogado nito na si Atty. Ferdinand Topacio na hindi sila nakikipagaway kundi hinihiling na pumagitna ang korte sa kaso ni Aljur at ng Kapuso Network. Samantala narito naman ang ilang bahagi ng pahayag ng GMA tungkol sa kasong isinampa ni Aljur. “The Network considers this incident very unfortunate because GMA has greatly invested on Aljur, who is one of its prime artists. GMA Artist Center has not been remiss in its duties as his manager practising a consultative style of management with Aljur. With his best interest in mind, this practice has accorded him every opportunity to personally assess all offers to reach a mutual agreement. GMA Network has equally given him projects, some of which were lead roles in the Network’s primetime programs.

She's dating the gangster

S

NI PHOEBE DOROTHY ESTELLE

a mataas na kita ng She’s Dating the Gangster, kumpirmadong malawak at mainit talaga ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero sa loob pa lang ng sinehan ay ramdam na ang kilig, tawanan, papuri at iyakan ng manonood partikular na iyong kaedaran at fans ng KathNiel love team. Adaptation mula sa isang online novel o eBook ang She’s Dating The Gangster. Ito ay orihinal na sinulat ni Bianca Bernardino. Ang pelikula naman na ginawa ng Star Cinema ay sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina na sikat sa paggawa ng mga romantic comedy films. Extra Ordinary Feel Good Movie Ang movie ay hindi katulad ng mga pelikulang may predictable plot at kahit papano aasa ka na sana maging happy ang ending nito. Nagandahan ako sa transition ng story, mga karakter na hindi na sobrang paawa o ‘yong normal na role na napapanood sa mga teleserye. Pero hindi naman liberated sina Kenj De Los Reyes (Daniel) at Athena Dizon ( Kathryn) pero makatotohanan ang kanilang mga kilos at dialogue. Kung gusto nilang umiyak, tumawa, sumayaw, mambitin o kung ano pa man - they go for it. Approve acting! Iilan pa lang ang nagawang pelikula nina Daniel at Kathryn pero mayroon na silang ibubuga sa pag-arte. Katunayan, sa movie na ito walang bahid ng imahe ng pagpapa-cute si Daniel o kaya naman ay parang ginagaya niya ang kanyang Tito Robin Padilla. Sila ni Kathryn, kung hindi man the best, sinubukang gampanan nang mahusay ang kanilang mga roles. Kahit maikli at mangilan-ngilan lamang ang mga eksena nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ay nagpahagulgol at sa audience. Talaga naman kasing touching ang kanilang mga eksena at nagbigay lalim sa

journey ng “love story na may bad timing.” Smooth Editing and Cinematography Napaka-powerful ng effect sa isang movie ang back story at flashback pero marami akong nakitang movie na kahit gawa pa ng award-winning director ay ‘di nagawang smooth. Hindi ganito sa film na ang mga scriptwriters ay sina Carmi Raymundo and Charlene Grace Bernardo. Hindi lamang nila inulit-ulit at tinawid kundi, nabuo ang istorya sa ganitong paraan in a very smooth way. Samantala rin ang special participation ng Bicol lalo ng Mayon Volcano sa istorya.

PAOLO BEDIONES, BIDA SA SEX VIDEO SCANDAL

K

ilalang magaling na host at batikang news anchor ang ngayong Kapatid TV personality na si Paolo Bediones. Subalit nitong mga nakaraan ay mismong ito ang laman ng usap-usapan dahil sa kumakalat na sex video online. Ang nasabing video ay nakunan ilang taon na dahil sa mas batang tingnan dito si Paolo. May ilang tsika na ito raw ay noong nasa poder pa siya ng GMA kung saan isa ring siya ng paboritong host. Ilan sa sikat na programa ni Paolo rito ay Extra Challenge, S Files at Survivor Philippines. Wala pang direktang ipinapaabot na mensahe si Paolo tungkol rito pero agad naman nagpahayag ng suporta ang TV5 para sa kanya. “The recent issue involving our news anchor Paolo Bediones on social media is a purely personal and private matter in which TV5 has no involvement or desire to intrude. We accord our employee and talents all respect that are due them for their privacy and personal action or decision.” “We disapprove strongly the malicious and wanton publication of the video, an act that clearly violates pertinent cybercrime laws.” “We firmly express our support for our anchor Paolo Bediones in the face of a controversy that represents nothing more than an attempt to smear his reputation.” Ang dalawang babaeng nasangkot dito ay ang sexy model na si China

Roces at non-showbiz woman na si Helen G r a c e Garbo

Gonzalez. Sa kanyang mga interview ay pinabulaanan na ni China na sya ang babae sa video, ganoon din si Helen na nananawagan din na huwag kaladkarin ang kanyang pangalan sa isyung ito. “Once and for all I will break my silence. I am not the woman in the video with paolo bediones. I have been staying in the Middle East for a year now. So please validate your stories first before posting anything. I am just a victim of a mistaken identity so please stop dragging my name,” post ni Helen sa kanyang Facebook account. Sa kabila naman ng kontrobersya ay tuloy ang buhay para kay Paolo na nag-ulat pa rin sa Aksyon Tonite, isang araw bago pagkatapos pagpiyestahan at pag-usapan ang di umano’y sex video niya.

lyca gairanod, 1st the voice kids champion

S

a pamamagitan ng pagsali sa The Voice Kids, nakilala ang 9-year old na si Lyca Gairanod na isang anak-mahirap mula sa Cavite. At dahil din sa kanyang husay sa contest na ito, isa na s’yang ganap na milyonaryo. Ganito ang pagbabago sa buhay niya sa loob ng ilang buwan lalo na’t siya ang itinanghal na kauna-unahang kampeon ng patimpalak. Hindi biro ang pinagdaanan ni Lyca, na dating nangangalakal ng basura, sa buong tanan ng contest dahil na rin sa magagaling rin niyang kalaban. Isa pa rito ay parte ng contest ang pagkakaroon team at mentor alin sa kina Bamboo, Sarah Geronimo at Lea Salonga. Sa finals, tatlo ang nakatunggali ni Lyca ito ay sina Juan Karlos Labajo ( team Bamboo), Darlene Vibares (team Lea) at Darren Espanto na kapwa n’ya team Sarah. Sa last performance night ay di nagpatinag si lyca na umawit ng Narito Ako, Call Me May Be at Basang- Basa sa Ulan kasama ang orihinal na umawit nito, ang Aegis. “Lyca, hindi lang pang-grand finals ang performance mo, kung ‘di pang-concert mo! Nagpapasalamat po ako sa mga magulang ni Lyca kasi pinagkatiwala n’yo po ang anak n’yo sa akin. “Kahit anong mangyari, kahit makuha mo man ang titulo,

ikaw ang grand champion sa puso namin.” papuri ni Sarah dito pakatapos kumanta kasama ang Aegis. Samantala, naging mahusay din ang performances nina JK, Darlene at Darren. ang guwapong bata at ballader na si JK ay umawit kasama ni Mr. Energy Gary Valenciano, si Darlene naman ay bumirit kasama si Asia’s Nightangle Lani Misalucha at si Darren ay naka-duet ang Concert King Martin Nievera. Pero sa huli ay ang karisma at kinang ni Lyca ang nanguna sa botohan at sinundan ni Darren, JK at Darlene. Bilang kampeon ng contest si Lyca ay nakatanggap ng Php 1 million, bahay at lupa, 1 million worth of Trust Fund from Systema, at recording contract sa MCA music.


Tagalog_A4_ol.pdf 1 2014/05/22 12:07:01


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.