The Pinoy Chronicle December 2nd Issue

Page 1

PINOY NA PINOY: WEEKLY HOROSCOPE

FREE! THE DELIVERY SA ASIA YAOSHO Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL

0120-344-233

TAWAG NA!

PINOY

CHRONICLE

News. Link. Life

2014 NEWSMAKERS SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS

PINOY LOCAL P.2

PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5

WEEKLY HOROSCOPE P.6

PINOY SHOWBIZ P.7

lang araw na lang ay sisipa na ang pagtatapos ng year 2014. Sa loob ng isang taon, samu’t saring mga balita ang gumulat, nagpasaya, nagpalungkot at sadyang pumukaw ng atensyon ng bawat mamamayang Pilipino. Ngunit sinu-sino nga ba ang mga nangungunang karakter sa mga istorya ng 2014?

COVER story CONTINUE ON PAGE 2

Kobe Bryant nauungusan na si Michael Jordan Tuluyan nang tinalo ni Los Angeles Lakers Kobe Bryant si Chicago Bulls Legend Michael Jordan sa kanyang ikaylong puwesto sa all-time scoring list ng NBA. Ang dalawang freethrow ni Bryant sa first half ng kanilang laro laban sa Minessota Timberwolves ang nagdala sa kanya sa panibangong milestone ng kanyang 19 years NBA career.

pinoy-local story CONTINUE ON PAGE 2

SHOWBIZ: impress/express

Aiza at Liza, out and Proud to be married Naging masaya at mainit ang same-sex marriage nina Aiza Seguerra at Liza Diño sa Stones and Flowers Retreat House in Sunny Patch Lane, California noong December 8. Intimate at binubuo lamang ng 50 katao ang kasama sa event kasama pamilya ng magasawa.

pinoy-bizz story CONTINUE ON PAGE 7

renowed dance company to perform sinulog festival for pope francis ope Francis may not be able to attend the Sinulog festivital when he visits the Philippines next month, but he will see the famous dance with which the faithful venerate the Holy Child Jesus. A renowned dance troupe in Cebu City has been tasked to perform the Sinulog during the Mass that Pope Francis will celebrate in Luneta on Jan. 18. Sandiego Dance Company will showcase the Filipinos’ strong family ties during its performance for the Pope. “The dance will have one message— the family. Val Sandiego owner and choreographer of the group said that "We want to show the Pope that the Filipinos have close family ties.”

GLOBAL PINOY story CONTINUE ON PAGE 3

-- SPECIAL FEATURE --

Thinking of what to cook this Christmas?

Tara Let's

There are many variations of pork hamonado and the only ingredient which is common among them is the pineapple juice. On this recipe which was improved by adding a little twist (brandy) and smoking the meat, will perfectly fit the taste of the holiday season.

Bukod sa Pasko ay isa sa inaalala ngayong Disyembre ng mga Pinoy ay ang kadakilaan ng Pambansang Bayaning si Gat Jose Rizal. Isa sa masasabing sikat na tagapag-alala at tourist spot na rin ay ang bantayog niya sa Bagumbayan na mas kilala na ngayong Luneta, Maynila.

CONTINUE ON PAGE 4

CONTINUE ON PAGE 5

Smoked Pork Hamonado with Pineapple Visita sa Luneta at ang Bantayog Bomber

DID YOU KNOW? Animals That Have Gotten a Bad Name in Pinoy Expressions

DECEMBER 2014 2nd Issue Free Newspaper


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

DECEMBEr 2014 I SECOND ISSUE

page 2

2014 newsmaker ng taon Vice President Jejomar Binay -mula sa pagiging pangalawang pinakamakapangyarihang opisyal ng bansa, tila ang 2014 ay taon ni VP Binay dahil sa mga isyu na kanyang kinasasangkatunan pati ng kanyang buong pamilya. Nauna na rito ang patuloy pa rin na pinagdedebatihan, ang overpriced car park building sa Makati, ang overpriced high school building at tinaguriang mansyon ng pamilya Binay sa Batangas. Janet Lim-Napoles -sino nga ba ang di nakakakilala kay Napoles na tinaguriang PDAF Queen? Noong nakaraang Hunyo ay sumabog ang pangalang Janet-Lim Napoles na hinihinalang mastermind sa ma-anumalyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam. Nadamay din ang kanyang anak na si Jean Napoles na namumumuhay di-umano ng napakagarbo sa America habang ninanakawan ang mga Pilipino ng mga involve sa PDAF scam na ito kabilang na rin ang mga senador na sina Juan Ponce Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada at Ramon “Bong” Revilla. Imelda Marcos -marami ang napataas ng kani-kanilang mga kilay nang mapabalita ang ginawang pagbisita ni former First Lady at kasalukuyang Congressman ng Ilocos Norte nang bumista siya sa dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naka-house arrest. Nitong nakaraang Nobyembre naman ay kunuwestiyon din ng Sandiganbayan ang mga mamahaling paintings ni Marcos na nagkakahalaga di-umano ng $3.5 million at napabalitang binili noong 1938. Kabilang sa mga paintings na iyon ang mga likha nina Michaelangelo Buonarotti, Francisco de Goya at Pablo Picasso. Manny Pacquiao -ikinagulat nang marami nang pormal ianunsyo ng Philippine Basketball Association ang pagkakaron nila ng bagong koponan, ang Kia na pangungunahan ng walang iba kundi ang pambansang kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao na susunod sa yapak ni PBA legend Sen. Robert Jaworski bilang isang “playing coach”. Taong 2014 din nang talunin ni Pacman sa boxing ring sina Timothy Bradley at Chris Algieri.

Balik 7.50 minimum fare inaprubahan

M

agandang balita sa mga commuters dahil balik P7.50 na ang minimum fare nang aprubahan ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board noong nakaraang Huwebes (Disyembre 10) ang pisong rollback mula sa P8.50 na minimum fare. Ito ay bunsod ng sunod-sunod na rollback sa presyo ng diesel. Nilinaw naman ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ito’y isang provisional lamang at hindi na kinakailangan maglabas ng bagong fare matrix.

death toll ni super typhoon ruby mas mababa kaysa kay yolanda

D

ahil sa naging epekto ng hagupit ni bagyong Yolanda noong nakaraang taon, mas naging alerto na ang sangay ng pamahalaan upang makapagbigay ng wastong impormasyon hinggil sa paparating na super typhoon Ruby na may international name na “Hagupit” na tumama noong nakaraang Lunes (Disyembre 8 ) sa silangang bahagi ng Samar. Maaga rin nag suspinde ng mga klase sa buong kalakhang Maynila pati sa mga lalawigang direktang tatamaan ng bagyo. Gayunpaman hindi pa rin naiwasan na may masawi sa naturang kalamidad. Ayon sa datos ng Disaster Response Agency ay umabot na sa 18 katao ang nasasawi, huwebes ng Disyembre 10, dalawang araw matapos ang paglandfall ng super typhoon Ruby at 39 katao naman sa talaan ng NDRRMC. Ayon pa sa National Disaster Risk Reduction & Management Council na karamihan sa mga nasawi ay mga nalunod kabilang na dito ang apat na mga bata. Samantala umabot naman sa 916 ang bilang ng mga nasugatan na tinatayang 2.7 milyon katao o 200,000 pamilya

kobe bryant nauungusan na si michael jordan

T

uluyan nang tinalo ni Los Angeles Lakers Kobe Bryant si Chicago Bulls Legend Michael Jordan sa kanyang ikaylong puwesto sa all-time scoring list ng NBA. Ang dalawang freethrow ni Bryant sa first half ng kanilang laro laban sa Minessota Timberwolves ang nagdala sa kanya sa panibangong milestone ng kanyang 19 years NBA career. Bago pa man matalo ni Bryant si Jordan ay kinailangan nito ng walong puntos sa kanyang record. Halos puro LA Lakers ang mga nakapwesto sa top three ng may pinakamaraming scores sa talaan ng NBA. Ito ay sina Kareem Abdul-Jabbar na may 38,387 ; Karl Malone na may 36,928 ; Kobe Bryant at Michael Jordan na may 32,292 puntos.

Nora Aunor -mula sa pagkakaron ng isyu hinggil sa palpak na operasyon ng isang Japanese cosmetic clinic, nagalab na naman ang damdamin ng mga Noranian nang ipagkaila sa tinaguraing superstar ng Philippine cinema nang ipagkaila sa kanya na mapabilang sa mga National Artist ng Pilipinas. Ito ay matapos tumanggi si Pangulong Noynoy Aquino na mapabilang sa hanay ng mga itinuturing mga National Artist ng bansa dahil sa mga naging isyu nito ng paggamit ng mga ipinagbabawal na gamut noong ito’y naninirahan pa sa Amerika. Jovito Palparan -ikinatuwa nang marami ng mapabalitang nahuli na ang tinaguriang “most wanted” at berdugo (butcher) na si Palparan. Siya ang sinasabing mastermind sa pagdukot kina Karen Empeno ay Sherlyn Cadapan at kasalukyang nakadetainsa Philippine Ar my headquarters. Vhong Navarro -nagimbal ang lahat nang lumabas ang mga bugbog saradong larawan ni Streetboys at TV host-actor na si Vhong Navarro. Ito ay matapos maimbitahan si Vhong ni model-starlet na si Deniece Cornejo sa kanyang condo sa Taguig. Dito isinagawa ng grupo ni Deniece sa pangunguna ni businessman Cedric Lee ang pangagagapos, pambubugbog at pag-set up kay Navarro ng tangkang pangagagasa kay Cornejo upang sapilitan itong magbayad sa di-umano’y danyos nito sa dalaga. Sen. Miriam Defensor-Santiago -bukod sa kanyang iba’t ibang mga hirit sa tuwing haharap siya sa senado, hindi rin matatawaran ang kaalaman niya pagdating sa batas at gobyerno. Ngunit ikinalungkot nang marami nang tahasan niyang aminin na siya ay may iniindang sakit sa baga. Sumailalim man sa iba’t ibang pamamaraan upang siya’y gumaling, hindi nagpakita ng kahit anong kahinaan ang senadora. Delfin Lee -matapos ang masusing paghahanap ay natagpuan na rin ang estafador na si Lee na hinihinalang gumawa ng mga pekeng dokumento upang magkamal ng milyon-milyon mula sa housing development fund. Senators Enrile, Estrada at Revilla -ang mga tinaguriang PDAF trio dahil sa pagkakasangkot nila sa pork barrel scam. Ang tatlo ang itinuturing nagkamal ng pinakamalaking shares sa PDAF. Kinasuhan ng graft ang tatlo. Hunyo nang sumuko sa Sandiganbayan sina Enrile at Revilla natuluyang dinala sa Camp Crame habang si Enrile naman at humiling na magpa-hospital arrest sa Philippine General Hospital.

ang naapektuhan sa Silangang bahagi ng kabisayaan. Tinatayang P1.27 bilyon ang pinasala ng bagyong Ruby sa imprastraktura habang P1.9 bilyon naman ang sa agrikultura bago pa man ito tuluyang lunabas sa Philippine Area of Responsibility.

pnp chief alan purisima, suspendido balik kuryente bago ang kapaskuhan sa eastern samar

T

I

sinilbi na ng Depar tment of Interior and Local Government (DILG) ang anim na buwan na suspension order na ipinataw ng Office of the Ombudsman laban kay PNP Chief Director General Alan Purisima. Bagaman umapela ang kampo ni Purisima, iginiit nila na hindi ito isang “delaying tactics” at hindi rin sila nagmamatigas bagkus nais lamang nila dumaan sa tamang proseso at ang suspensiyon ay mangagagaling dapat sa National Police Commission (Napolcom) dahil ang PNP ay nasa ilalim ng ahensiyang ito. Umapela rin si Purisima sa Court of Appeals (CA) na pigilin ang pagpapatupad ng kanyang suspension order mula sa Ombudsman. Ayon sa kanya, ang kautusan na ito ay maituturing na grave abuse of discretion. Wala umanong sapat na batayan ang pagsusupindi sa kanya dahil wala namang substantial evidence laban sa kanya. Ngunit nabigo ito na makakuha ng TRO sa korte. Ang anim na buwan na suspensiyon na ito ay kaugnay sa isyu ng iregularidad sa pagkuha ng Werfast Documentary Agency bilang official courier ng PNP para sa firearms licenses. Pansamantala ngayong humahalili si Deputy Director Leonardo Espina bilang OIC dahil retired na ang no.2 PNP na si Depurty Director General Felipe Fojar Jr.

iniyak ni Department of Energy (DOE) Secretary na si Jericho Padilla na maibabalik ang supply ng kuryente ng Eastern Samar bago magpasko. Ang Eastern Samar ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala mula sa hasupit si bagyong

Ruby. Halos nasa 1000 poste ng kuryente ang nasira mula sa pananalasa ng bagyong Ruby. “So far, ang lumalabas dito based on the data that I have at sa accounting ng mga poste, materyales at lahat-lahat, it looks like karamihan ng backbone natin, yung town proper mismo, mabibigyan natin ng kuryente with the exception ‘yung mga nasa Norte na talaga, ‘yung Mapanas (Northern Samar) at Arteche (Eastern Samar) area”, ani ni Padilla. Samantala, naibalik na ang supply ng kuryente ilang bahagi ng Leyte at Tacloban City.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

DECEMBEr 2014 I SECOND ISSUE

page 3

FIRST LADY Michelle Obama graces White House gala wearing a Monique LhuIllier gown

10 Animals That Have Gotten a Bad Name in Pinoy Expressions

H

o l l y w o o d s i t e E ! re p o r t e d t h a t t h e g o w n followed this year's sheer panel illusion trend, with iridescent beading of intricate designs on a blush-pink bodice and skirt, coupled with metallic platform pumps and drop earrings. Accoring to StyleList, the floor-length gown was from Lhuillier's 2015 spring collection. Meanwhile, New York Times reported that this was not the first time Mrs. Obama wore a Lhuillier, as she had worn a "black, bustier-topped frock" to the White House Correspondent's Dinner in 2013. Lhuillier's designs also made their way to the red carpet, as Chrissy Teigen, wife of Grammy-winning singer John Legend, strutted through the 86th Academy Awards earlier in March. Her designs were also featured during the New York Fashion Week, along with fellow Cebuano Furne Amato's designs.

1. Hipon:("Ang gym na 'yan ang hipon capital of Metro Manila") Meaning: A person who has a great body, with a less than deisrable head (Face).

2. Buwaya:("Ipakulong ang mga buwaya") Meaning: Corrupt people, particularly politicians and law officers on the road.

9 Pinoy teen filmmakers JOINED THE INTERNATIONAL CHILDREN'S FESTIVAL held in japan

N

ine Filipino high school students recently re p re s e n t e d t h e P h i l i p p i n e s a t t h e A s i a n International Children's Festival 2014 held in Japan. The nine students Jay Domingo, Jeremiah Lanot, and Vincent Perez of Tanza National High School; Amber Emilia Acosta, Kyle Shaniel Robles, and Kimberley Sanchez of Diliman Preparatory School; and Angela Joi Caquilala, Riel Amadeus Diala, and Alexandra Noelle Lumagbas of Makati Science High School – stayed in Japan for eight days. During their stay, they travelled from Osaka to MinamiAwaji and Kobe City in Hyogo Prefecture as part of the festival program. The group visited key regional attractions and then engaged in different cultural activities on the days leading to the festival’s Final Awarding Ceremony held at Minami-Awaji City. The Philippines’ official entries to the film festival were “Mangangalakal”, which tells the story of a young boy who is determined to pursue his dream of becoming an engineer despite his family’s economic difficulties, by students of Tanza National High School; “My Dream: Tomorrow and Forever”, created by students of Diliman Preparatory School, about a little girl’s tale of self-discovery and spiritual growth; and “An Artist’s Dream”, a stop-motion film on using art as a means to raise environmental awareness, produced by students from Makati Science High School. Of the three, “My Dream: Tomorrow and Forever”

3. Pusa: ("Bakit ka ba sabat nang sabat? Salingpusa ka lang")

received the ‘Shoreisho: Encouraging Award’ in the international event. The Philippine entries to the festival were selected out of a total of 81 student-produced films submitted to the Japan Information and Culture Center (JICC) and the National Youth Commission (NYC) in September. Prior to leaving for the competition, the students were given information on Japanese culture, etiquette, and travel arrangements in a Pre-Departure Orientation organized by JICC. The Asian International Children’s Film Festival was launched to serve as a platform for creative expression, encourage cultural exchange, and strengthen international ties among the youths of ASEAN and Japan by allowing young students from these countries to share their thoughts on certain universal issues or subjects through short videos. This year, the festival centered on the theme “My Dream”.

Meaning: Not a real member or part of the group or game. Aw. 4. Boses Palaka:("Lakas ng loob magyaya ng videoke, boses palaka naman") Meaning: A person who sings out of tune. 5. Kabayo: ("Mukha kang kabayo") Meaning: A person who is Ugly.

6. Ahas:("Isa kang mang-aagaw! Ahas ka!") Meaning: A person who is treacherous.

7. Kalapati: ("Kalapating Mababa ang lipad") Meaning: a person who's working as a hooker.

8. Kambing: ("Whoa...chong. Saan ka nang galing at bakit amoy kambing ka?") Meaning: A person who smell really bad. 9. Baboy: ("Ew, ang baboy baboy mo") Meaning: Fat, immoral, messy or downright dirty.

renowed dance company to perform sinulog festival for pope francis -- To show that Filipino family ties are strong, Sandiego, his wife Ofelia, and their children Angelica Luz, 26, Andrea Lauren, 25, Andre Lester, 19, and Anna Louisa, 18, will dance for the Pope. “I’m so happy my whole family will dance. My whole family will be complete. We will represent Cebu,” said Val Sandiego. This will be the second time for the dance company to dance the Sinulog for a Pope. The group also performed at the old Lahug airport for St. John Paul II during his visit to Cebu City on Feb. 19, 1981. At that time, the dance company was headed by Sandiego’s mother, Luz Mancao Sandiego, who founded the group in 1947 in her hometown of Carcar. Former dancers who now live in other countries like Australia, Hong Kong and the United States will join the Sandiegos in their performance for the Pope. According to Sandiego, “They have planned ahead of time to come [home] for the Sinulog [in] 2015. This will be like a reunion, too.” Sandiego said the group was told two months ago that it would be invited to perform during the papal visit. But it was only recently that Cebu Archbishop Jose Palma announced that the Sandiego Dance Company would perform for the Pope. Palma told reporters that if the Pope could not come to Cebu as the people of the province were celebrating the Sinulog festival, the Archdiocese of Cebu would bring the celebration to him. Held every third Sunday of January, Sinulog is one of the biggest festivals in the Philippines in honor of the Child Jesus. Next year, the Sinulog festivities would kick off on Jan. 9 and would end on Jan. 18, coinciding with Pope Francis’ visit to the country.

10. Balyena: ("Hahahaha, mukha siyang balyena") Meaning: Fat

BONUS Aso o Tuta: ("Asal Aso" "Para kang Tuta") Meaning: Which translates as mindless drone

victorious weekend for filipinos competiting around the world

B

ig wins for Filipino athletes competing throughout the world. Olympic figure skater Michael Christian Martinez finished in 6th place at the Golden Spin of Zagreb in Croatia over the weekend. Martinez, who was among 22 international competitors scored 204.45. In contact sports, the “Hawaiian Punch” Brian Viloria, beat Mexican A r m a n d o Va s q u e z o v e r t h e weekend in Glendale, California. Viloria dropped the Mexican with a left hook during the 41 second mark of the fourth round. Since losing his Super flyweight t it les in Macau l ast year, the former champion has won three straight fights – the last two by knock out. Meantime, former boxing champ Ana “The Hurricane” Julaton defeated Walaa Abbas of Egypt in her second mixed martial arts fight over the weekend at the ONE FC event in Manila, improving her

MMA record to 2-1. Julaton’s camp say Top Rank CEO Bob Arum plans to promote her fight in Macau early next year, as she hopes to become the first fighter in history to simultaneously hold world titles in boxing and MMA. On the same ONE FC card, former Ultimate Fighting Championship contender Brandon Vera had a happy homecoming, knocking out another Filipino Igor Subora. This was the Virginia-raised Filipino-American’s first fight in the Philippines.


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

DECEMBEr 2014 I SECOND ISSUE

page 4

Distributer: Publisher:

Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle

Smoked Pork Hamonado in Pineapple

FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

There are many variations of pork hamonado and the only ingredient which is common among them is the pineapple juice. On this recipe which was improved by adding a little twist (brandy) and smoking the meat, will perfectly fit the taste of the holiday season.

INGREDIENTS 2 kilos whole pork belly (don’t chop or slice) 1 liter pineapple juice 1/2 cup brandy 1/3 cup soy sauce 1 cup brown sugar 1 head garlic, minced 2 medium sized onions, minced 1 tsp. cinnamon powder or 3 pcs of cinnamon bark 5 pcs of whole star anise or sangke 1 tsp. all spice powder 1 tsp. ground black pepper

PROCEDURE 1. Prepare the meat by making 2 inches long cuts on the pork belly (the meat side) and deep enough to let the marinade penetrate evenly on the meat. 2. Make some deep cuts also on the skin side of the meat and rub a generous amount of salt on both sides. 3. Smoke the meat for about two hours. (see this smoking procedure) 4. To make the marinade, in a large bowl or container, mix all the ingredients, condiments and spices except the pork, and stir until the sugar dissolved and the marinade is well mixed. 5. Then get a container that can accommodate the large chunk of pork belly. 6. Get the smoked pork belly and place inside the container and pour the marinade. 7. Place the container with the pork and marinade in the fridge overnight. 8. In a large wok or pot put the meat and the marinade and simmer for at least 3 hours or until tender. 9. Let the liquid evaporate until the mixture is reduced to half and add water if necessary. 10. Pierce a fork to know if the meat is already cooked. 11. Serve the pork in half inch slices.


Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

DECEMBEr ISSUE SEPTEMBER2014 2014I SECOND issue

Visita sa Luneta at ang Bantayog Bomber Bukod sa Pasko ay isa sa inaalala ngayong Disyembre ng mga Pinoy ay ang kadakilaan ng Pambansang Bayaning si Gat Jose Rizal. Isa sa masasabing sikat na tagapag-alala at tourist spot na rin ay ang bantayog niya sa Bagumbayan na mas kilala na ngayong Luneta, Maynila. Pero ngayong taon ay kung ‘di man bahagya ay mapipika ang mga magpi-pictorial sa harapan nito dahil sa background ng monument ni Rizal ay isang gusali ng condominium na tinatawag na Torre de Manila. Para itong photo bomber sa marami at ito ay permanente kung hindi na solusyunan. Matatandaan na tinuligsa ng ilang personalidad sa pangunguna ni cultural activist Carlos Celdran, Sen. Pia Cayetano, at National Commission for Culture and the Arts (NCCA) chairman Felipe de Leon ang nasabing construction.

Makasaysayang Rizal Park Isa sa sikat na picture sa post card at puntahan sa Maynila ang Luneta at Rizal Park. Dito kasi nakalagak ang mga labi ni Rizal at hanggang ngayon ay may dalawang guwardyang nagbabantay. Ang national park na ito, na sikat na pasyalan din para sa buong pamilya kapag holiday gaya ng Pasko at Bagong Taon, ay matatagpuan sa kahabaan ng Roxas Boulevard, Manila. Hindi nalalayo ang parke sa Intramuros o tinatawag na walled city kung saan naman noon nakulong, Fort Santiago, si Rizal at ang Manila Bay. Bukod sa bantayog ni Rizal, ay marami pang makikitang tanawin sa paligid sa Luneta na karamihan ay para sa mga bata at kung minsan ay mayroon ding pagtatanghal. Ang tinawag na Kilometer Zero, o ang ginagawang panukat distansya at guide book, ay nasa loob din ng parke. Kung babalikan ang kasaysayan, Disyembre 30, 1898 nang isagawa ang parusang kamatayan kay Rizal sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya ng mga guwardya sibil. Malaki ang naging marka nito sa mga rebulusyonaryong Pinoy na lalong naghimagsik sa mga Kastila. Pero bago pa man kay Rizal ay nagsilbi ng execution site para sa mga Kastila ang Luneta at ang ilan nga rito ay tatlong Pareng Martir na sina Mariano Gómez, José Burgos, and Jacinto Zamora. Noong panahon ng deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas sa mga Amerikano noong Hulyo 4, 1946 ay dito rin ginanap.

TARA LET's 5 page 5


pinoy na pinoy 6 page 6

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Ang iyong mga gawain ang nagtutulak sa iyo na magtrabaho. Subalit, sa bandang huli ay mararamdaman mo na ang resulta nito ay malayo sa gusto mong mangyari. Kahit na maganda na masunod sa takdang oras ang iyong mga gawain, may mga pagkakataon na kailangan mong isantabi mo muna ito at balikan na lamang sa sandaling bumalik na ang iyong gana. Iba rin talaga ang ganadong magtrabaho.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

May oras na gustong-gusto mo na maraming kasama at may mga sandali rin na nais mong mapag-isa. Sa mga pagkakataon na gusto mong mapagisa pero kailangan mo na makihalo-bilo sa maraming tao, paganahin mo ang iyong galing sa pakikisama. Maging maayos sa pagsasabi kung gusto mo ng pribadong sandali, kaysa magalit. Ayaw mo naman sigurong masabihan na sala sa init, sala sa lamig hindi ba?

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Mahirap maiwasan ang makipagdebate lalo na kapag nakikita mo na may punto ka na dapat na ipaglaban. Puwede namang sabihin ang iyong saloobin na hindi kailangan na nakikipagtalo o nakikipag-away. Gaya ng gana mo sa pakikipag-usap, gayon din ang gawin mo sa pakikinig sa pananaw ng iba. Sa huli, aabot din kayo sa puntong mapagtutugma ninyo ang inyong mga ideya at magiging panatag sa isa’t isa.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Araw -araw kung pare-pareho ang ginagawa mo hindi malabo na makaramdam ka ng pagkabagot. Nakakadagdag din dito ang paunti-unting pagbaba ng kumpiyansa mo na sumubok ng ibang bagay. Isipin mo ang gusto mo sa hinaharap at ang kaugnayan nito sa iyong kasalukuyan. Ano man ang nararanasan mo ngayon ay makakatulong para unti-unti maabot ang iyong pangarap. Ang iyong pagtitiis kahapon at ngayon ay magbubunga rin.

Aries - March. 21 - April. 20 Paminsan-minsan ay isa ka sa mga taong parang laging palaban. Ikaw ay iyong tipong kahit simpleng bagay ay pinapalaki para magkaroon lamang ng pagkakataon na maipilit ang iyong gusto. Hinay ka lang, imbes na gulo ang likhain mo ay subukan na isalin ang iyong emosyon sa kapakipakinabang na bagay. Puwede namang makibaka ka sa mga samahan na may mabuting adhikain, mas marami ka pang maipaglalaban.

Taurus - April. 21 - May. 21

Sa halip na makipagtalo nang walang katuturan, isipin mo ang tunay na solusyon. May mga pagkatataon na ang tanging magandang paraan para magkaroon ng kapayapaan ay pagpaparaya. Wala ng silbi ang pagdepensa sa sarili kung para lang ito sa kapakanan na maidepensa lang ang iyong sarili. Ang masakit pa niyan ay wala namang itong saysay sa iyong kausap at sa kabuuan ng argumento.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

DECEMBEr 2014 I SECOND ISSUE

Gemini - May. 22 - June. 21 Pasasaan ba’t matatapos din ang gabi at gigising ka sa panibagong araw na may tyansa na magawa mo ang iyong ibig. Kung may mga tao o pagsubok ka na hinaharap, mabuting tanggapin mo ang hamon kaysa ipagkibitbalikat ito. Sadyang mahirap ang sumagupa sa digmaan pero hindi ba’t may rason at may hinahangad kang resulta kaya ka lumalaban?

Cancer - June. 22 - July. 22

Madalas imbes na sagutin nang diretso ang tanong ay pinapaligoy-ligoy pa ang usapan. Ganito rin ang buhay, simple na sana ang lahat ginagawa pang kumplikado dahil lang sa pag-iwas sa problema. Maniwala ka sa sinasabi ng iyong kutob, kung ano ang totoong dinidikta ng iyong puso’t isipan ay iyon ang pinakamaganda mong sagot sa problema ng iyong buhay. Puwede ka naman mag-analisa kung gugustuhin mo pero huwag na huwag mong lolokohin ang iyong sarili.

Leo - July. 23 - August. 22

Sa kumplikado nang sitwasyon, mabuti nang huwag kang makisama sa bangayan ng mga tao sa iyong paligid. Makinig nang maigi at mag-isip muna bago ka magbitaw nang mga salita. Minsan kasi kahit wala ka namang intensyong masama ay napakadaling pag-isipan nang hindi mabuti ng mga sensitibong tao. Ipakita mo na bagaman may paki sa kanilang pakiramdam nila, ayaw mong madamay sa kanilang karakter. Para bang isa ka lang ekstra na napadaan sa eksena at hindi ka kailangan sumama sa drama.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Gaya nga sinabi ni Albert Einstein, hindi mo masosolusyunan ang problema nang parehong taktika kung paano mo nagawa ito. Kapag napapansin mo na hindi na gumagana iyong mga hakbang noon, maging maparaan sa paggawa ng iba’t ibang plano ngayon. Kung kailangan na parati kang kang Plan B hanggang E ay gawin mo lalo kung hindi basta-basta ang iyong hinaharap na pagsubok. Huwag mong kunsimihin ang sarili mo sa paghihintay na malulutas ang problema mo na wala ka namang ginagawa.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Maging totoo sa iyong sarili at sabihin ang iyong saloobin sa pinakasimple at malumanay na paraan. Kapag hindi mo hinaharap ang sitwasyon, tumatagal ang problema at nagsasanga-sanga. Ikaw mismo ay nagpapalagay nang hindi mabuti sa ibang tao na kahit sa totoo naman ay ikaw lang naman ang may gawa-gawa nito. Ang apoy ay nakakatulong pa at madaling maapula kapag maliit pa lamang. Huwag mong hintayin na ikaw mismo ang lamunin ng apoy na ikaw mismo ang nagsindi.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Sinasabi ng iyong puso na makipagsapalaran pero pinipigilan ka ng iyong isipan. Kung aanalisahin nga naman ang iyong sitwasyon at personalidad, mahirap ang magpadalos-dalos sa mga hakbang. Sa mga oras na ito, makakabuting hayaan na maging malaya ang iyong puso at sundan kung ano man ang tininitibok nito. Marami ka na rin pinalagpas na oportunidad, dahil lamang sa iyong pagdadalawang-isip. Ang mahirap nito ay ang klase ng oportunidad na iyong pinakakakawalan ay ang iyong tunay na kasiyahan.


pinoy-BiZz DECEMBEr 2014 I SECOND ISSUE

page 7

Impress: Julie Anne San Jose, mag-ho-holographic concet Hindi lang cinematic o photographic ang concert ng young singer na si Julie Anne San Jose, kundi talagang tampok dito ang pagiging holographic. Kung iilan lamang ang nakakaalam nito, ito ay marahil first time na gagamitin sa Philippine concert arena ang hologram technology. “I’m excited and, of course, pressured (kasi) dito po talaga natin makikita ’yung advancement ng technology. Of course, makikita ninyo (rin) ’yung other side ni Julie Anne (in the show),” saad pa ng dalaga na isa ring diamond recording artist. Ang hologram ay matagal ng ginagamit sa ibang bansa kung saan nagagawang pagsabayan na kumakanta ang mga singers na kahit ang nasa hologram ay patay na. Ayon pa sa kampo ni Julie Anne ay talagang pinaghandaan ito ng singer para mas preparado at mapaghusayan ang kanyang mga production numbers. Isa pa’y isa sa malaking concert venue sa Pinas ngayon ang SM Mall of Asia Arena. Mas mahirap punuin at mas malaki ang expectation. Congrats Julie Anne, nawa’y mas manaig ang may talent at may madala pang naiibang features ang mga concert sa Pinas.

Express: Aiza at Liza out Proud to be married

ni phoebe doroth

y estelle

Express: Agot Isidro, nawalan ng P3M sa Dugo-Dugo Gang Walang kaabog-abog ay nalustayan ng P3 milyon halaga ng alahas at pera ang actresssinger na si Agot Isidro. Ito ay matapos na maloko ang kanyang kasambahay ng DugoDugo gang na pinalabas na naaksidente si Agot noong December 6 sa ganap na ikatlo ng hapon. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya ay nakatanggap si Maynelin Umapas, ang kasambahay ni Agot, na kailangan ng aktres ng pera para pambayad sa isang nagngangalang Allan Chua. Sinabi umano kay Umapas na ang salapi ay para sa car accident na kinasangkutan ni Agot. Pero matapos na maibigay ang mga alahas at pera ni Agot sa isang hindi kilalang babae sa isang lugar sa Balintawak, Quezon City ay saka napag-alaman ni Umapas na nasa trabaho si Agot nung mga sandaling iyon. Ang moral lesson dito ay maging maingat at alerto sa mga ganitong modus operandi ng mga kawatan at magbigay-alam sa ibang tao bago gumawa ng hakbang.

kasal nina bianca & JC, tahimik pero nag-viral

K

umpara sa ibang napabalitang na-engage ngayong taon ay napag-uusapan ang istorya ng pagiibigan nina Bianca Gonzalez at JC Intal dahil sila mismo ay interesanteng magnobyo. At kahit na tahimik ang dalawa matapos lumabas ang nakakakilig na marriage proposal ni JC sa airport nitong taon ay bigla na lang bumuluga na nagpakasal na pala ang dalawa sa Lagen island, Palawan. Hindi lamang ginulat, kundi pinahanga rin nina Mr and Mrs Intal ang madla dahil malikhain at may pagkapribado ang kanilang kasalan na ginanap noong Disyembre 4. Katunayan si Bianca lamang ang nag-make up sa kanyang sarili, personal na gumawa ng wedding souvenir, at ready to wear ang kanyang sinuot na gown. “ I was so happy to do my own makeup for the wedding, with tips I learned from my love, mother@lalaflores16. “ message pa ni Bianca sa kanyang Instagram. Bagaman naging “chill”, “relax,” and “intimate” -gaya ng taguri nig Bianca- sa kanyang kasal ay naging bukas naman ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang kuha at video. Sa kanilang wedding video ay makikita nga ang ganda ng kanilang wedding venue at piling-piling bisita. Makikita roon ang mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia- Kramer, si Coach Norman Black, direk Laurenti Dyogi, at ang kapatid ni Bianca na si JC Gonzalez na dati ring TV host sa Pinas. Imbitado rin ang ilang personalidad gaya nina Sen. Alan Peter Cayetano, Karen Davila, Boy Abunda at Kris Aquino sa selebrasyon bilang mga ninong at ninang. Pero maliban kay Sen. Cayetano ay hindi nakadalo ang iba. Samantala, nagdaos din sila ng party sa Araneta Coliseum para sa iba pang mahahalagang tao sa kanila noong December 10. Dito naman namataan si Kris, Toni Gonzaga kasama ang kanyang boyfriend na si Paul Soriano, Gary Valenciano, Tim Yap, Dingdong Dantes, at Marian Rivera.

Pamanang ari-arian ni dolphy, ibinebenta ng mga anak

I

pinagbigay-alam ni Eric Quizon, isa sa mga naulilang anak ng King of Comedy na si Dolphy, na ipinapasubasta nila ang ilang naiwang ari-arian ng kanilang ama. Ayon sa actor-director, mapupunta naman sa mabuting bagay ang kanilang malilikom na pera gaya sa Pinoy Foundation at sa museum tungkol sa kanilang ama. Ang Dolphy Estate Auction ay gaganapin sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound. Lagpas sa 30 real estate properties umano ang mapagpipilian sa mga sasali sa auction na ang tentative date ay sa Enero. Ang mga gustong makabili sa mga na-invest ni Mang Pidol na ang ilan ay matatagpuan sa Baguio, Batangas, Cavite at Antipolo ay maaaring makapagrehistro sa HMR auctions. “We’ve been trying to liquidate some of the assets kasi nga kailangan din namin ng pera. Kung baga we have plans na i-develop ‘yung mga properties pero siyempre kailangan namin ng magkaroon ng pera,” pahayag pa ni Eric sa interview sa kanya sa Aquino & Abunda Tonight.

Pero kahit legal na ang kanilang pagsasama ay hindi pa rin ito ang dahilan para tantanan ng panghuhusga ang mag-asawa. Kamakailan ay inilabas na ni Liza ang kanyang pagkainis sa mga tumutuligsa sa kanilang pag-iibigan ni Aiza sa kanyang Instagram account. “We are not standing up for anything, we are just exercising our right to be treated equally,” saad pa nito. “If you’re not used to it, then DEAL with it. If you can’t stand it, then by all means, PLEASE leave us alone. Our silence doesn’t mean that we accept your prejudiced opinions, it’s just that your ignorance has rendered us beyond words it’s almost funny.” Nakahanap naman ng kakampi ang bagong kasal, isa na rito ang dating komedyante at city mayor ngayon ng Quezon City na si Herbert Bautista . Bukas ang alkalde sa kanyang saloobin sa LGBT community at ang kanyang pagbati sa mag-asawa. Sadyang mahaba-habang usapan pa ang same-sex marriage sa Pinas.

vic sotto, triple ang gastos sa my big bossing

T

Teksto Jane Gonzales

radisyon na nga sa veteran host-comedian na si Vic Sotto ang paggawa ng pelikula na pambato niya sa Metro Manila Film Festival. At hindi na rin bago sa kanya ang manguna sa takilya na pinatunayan ng series niya ng Enteng Kabisote films. Ngayong 2014 susundan naman niya ang success ng My Little Bossings, sa pamamagitan ng My Big Bossing kung saan kasama niya ulit ang child star na si Ryzza Mae Dizon. Pero aminado si Vic na hindi lamang doble kundi triple ang trabaho at gastos dito sa My Big Bossing dahil nga isa itong 3 in 1 movie. Naglalaman ito ng tatlong magkakaibang istorya na ginastusan talaga ang bawat produksyon. Kuwento pa nga magaling din na singer ay nagpagawa talaga sila ng kastilyo para lang baklasin ito pagkatapos. The original child wonder meets the latest golden girl Bahagi ng film na ito si Nino Muhlach na sikat na sikat na child star ng kanyang henerasyon at ang kanyang anak na kamukhang-kamukha niya. Bunsod nito ay naging interesante para sa press ang saloobin ni Nino lalo pa’t sa henerasyon ngayon si Ryzza Mae ang kanyang counterpart. Ayon kay Nino, pagdating sa payo ay wala na s’yang masasabi kay Ryza dahil bukod sa sikat at mayaman na ito ngayon ay mabait at mapagkumbaba pa ito. Aniya, talagang kapag nasa iyo ang panahon ay hindi malabong mag-excel ang isang bata sa kanyang ginagawa. Pero maliban naman kay Nino ay puring-puri rin si Ryzza ng kanyag director sa “Taktak” episode na si direk Marlon Rivera. Ayon sa director na kilala sa paggawa ng mga comedy and independent films, mas nag-evolve si Ryzza rito dahil nagbibigay na rin ito ng suhestyon. Katunayan si Aling Maliit pa nga raw ang nakapagbigay ng ideya kina Bossing at Bibeth Orteza (screenwriter) tungkol sa istorya ng Sirena. Ang episode na ito ay nagbigay ng katuparan sa pangarap ni Ryzza na mag-ala Dyesebel. Bossing as Movie Producer Gaya nang nabanggit, triple nga ang pagbalikat ni Bossing sa bago niyang entry. Kasama na rito ang tripleng laki ng budget at paggawa ng magkakaibang production. “Suwerte naman ako na magaan na katrabaho ang aking mga director,” saad pa ni Vic na sinabing tinginan lang ay okay na sila ni direk Tony Y. Reyes. “ Smooth ang nagiging trabaho kapag nagdye-jelly ang inyong mga ideas at nagdya-jive yong working habits ninyo. “ Noong isang taon ay nakatrabaho na raw sina Bossing at direk Marlon pero first time naman niya na makasama sa pelikula si Bb. Joyce Bernal. “I am quite happy working with her and I’m looking forward to make another project with her kasi parang si direk Marlon pareho kami ng mga ideas lalo na iyong mga kalokohan,” saad pa ni Vic. Sa laki ng budget na inilalabas niya kada pelikula, maiintindihan kung magiging maingat at istrikto siya bilang producer. Pero wala raw siyang rules o limitasyon na sinusunod. “I don’t think I act like producer, I am always one of them.” Pagtanggi ni Bossing na sinasabing hindi talaga siya ang klase ng pormang producer. “Kung baga kung anong kinakain mo, iyon din ang kakainin ko. Walang nakakaangat dito, pantaypantay tayo.” Kasama rin sa My Big Bossing sina Nikki Gil, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Zoren Legaspi, Sef Cadayona, at Marian Rivera.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.