CRAVING FOR PHILIPPINE PRODUCTS? DITO LAHAT MERON! KAYA TAWAG NA!
PINOY NA PINOY: WEEKLY HOROSCOPE
THE PINOY FREE! Daloy IVERY SA ASIA YAOSHO DEL Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL
0120-344-233
TAWAG NA!
CHRONICLE
News. Link. Life
PAPAL VISIT 2015 SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS
PINOY LOCAL P.2
PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5
WEEKLY HOROSCOPE P.6
PINOY SHOWBIZ P.7
u s p u s a n a n g paghahanda sa pagdating ng kinikilalang Head of State of the Vatican City, Pope Francis kung saan idineklara na ng Malaca単an ang Proclamation No. 936 o ang mga araw mula January 15 hanggang January 19, 2015 ay special (non-working) days sa buong National Capital Region.
COVER story CONTINUE ON PAGE 2
FIESTA NG NAZARENO 2015 Unang linggo pa lamang ng taon ay kusa nang umalis sa paligid ng Quiapo Church ang mga nagtitinda habang unti-unting dumadagsa ang mga deboto ng Poong Itim na Nazareno para makilahok sa unang misa ng 2015. Bagaman naging masidhi ang paghahanda sa Kapistahan hindi pa rin naiwasan na may masaktan at mamatay sa nasabing Traslacion ng Poon.
pinoy-local story CONTINUE ON PAGE 2
SHOWBIZ: impress/express
BRIDGES, PAPALIT-PALIT NG AKTOR Pagkatapos na mamoroblema sa partisipasyon ni John Lloyd Cruz sa upcoming teleserye na Bridges of Love ay inalis naman dito ang pumalit sa kanya na si Xian Lim. Ayon sa pamunuan ng ABS-CBN, ito ay dahil sa hiling ng mga fan nina Kim Chiu at Xian na magsama uli sa isang series.
pinoy-bizz story CONTINUE ON PAGE 7
76-year old Filipino, declared as Canada's Favorite Crossing Guard
-- SPECIAL FEATURE --
or the pas 16 years, 76-year old Filipino Peter Atienza is helping families and students to get school safely with smile and high-fives. Peter, a crossing guard near Oriole Park Public School, is loved by the staff, and students and parents alike, because of his undying devotion to the school and its students bought him the recognition as one of Canada's Most Beloved Crossing Guards. Peter earned the title after being nominated by an Oriole Park Parent as part of a nationwide competition held by injury prevention group Parachute and FedEx. "He's so diligent at his job and so positive," said Tawni Roth, the parent who nominated Atienza. "Every morning he has a smile on his face and he always says 'good morning, good morning' to welcome people as they cross."
Thinking of what to cook this week?
Tara Let's
This delicious Philippine traditional food was recently featured in New York Times, learn how to cook this satisfying food in an easy way. This recipe focuses more on giving ths dish the wonderful taste and aroma that can't be found in commercialized Embutido.
Para sa mga taga-Maynila ang Biyernes ay ang tinatawag na Quiapo Day, dahil sa araw na ito isinasagawa ang pagnonobena sa Poong Itim na Nazareno (The Black Nazarene). Pero matapat man o hindi sa Biyernes ang Enero 9...
CONTINUE ON PAGE 4
CONTINUE ON PAGE 5
Philippine Traditional Embutido GLOBAL PINOY story CONTINUE ON PAGE 3
Sa bukod tanging distrito ng Quiapo
DID YOU KNOW? THERE ARE 7 CRAZY PINOY CONSPIRACY THEORIES
JANUARY 2015 2nd Issue Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JANUARY 2015 I SECOND ISSUE
page 2
papal visit 2015
P
uspusan ang paghahanda sa pagdating ng kinikilalang Head of State of the Vatican City, Pope Francis kung saan idineklara na ng Malakanyang ang Proclamation No. 936 o ang mga araw mula January 15 hanggang January 19, 2015 ay special (non-working) days sa buong National Capital Region. Kasado na rin ang paglalatag ng mga checkpoints at pagpapakalat ng route security sa mga lugar na daraanan patungo sa mga venue na pupuntahan ng Santo Papa sa pagbisita nito sa bansa. Pinagsanib na mga operatiba ng mga militar at kapulisan ang mga nakatalaga sa mga checkpoints. Kabilang sa mga lugar na bibisitahin ay ang Nunciature Area sa Taft Avenue, Manila; Malacanan Palace; Manila Cathedral; SM Arena Mall of Asia; Villamor Airbase, Pasay City; Univeristy of Sto. Tomas; Quirino Grandstand sa Luneta; Tacloban City at Palo, Leyte. Ang layunin ng pagbisita ng Santo Papa sa bansa ay upang ipahayag ang kanyang mensahe na “mercy and compassion” sa 11 lugar kabilang na ang probinsya ng Leyte at Metro Manila.
his holiness pope francis' itinerary
Mula Sri Lanka ay dadating ang Santo Papa sa Pilipinas hapon ng Enero 15 kung saan magkakaron siya ng motorcade patungo sa kanyang official residence. Kinabukasan ay opisyal naman siyang makikipagkita sa Pangulong Benigno S. ~ Aquino III sa Palasyo ng Malacanan. Kabilang din dito ang Philippine authorities at members ng diplomatic corps. Pagkatapos ay magtutungo naman ang motorcode ng Santo Papa sa CathedralBasilica of the Immaculate Conception (Manila Cathedral) sa Intramuros kung saan magkakaroon ng misa kabilang ang mga Obispo, at Kaparian. Kasunod nito ay magtutungo naman siya sa Mall of Asia sa Pasay City. Nakatakda rin niyang bisitahin ang probinsya ng Leyte sa Silangang Visayas, ang Arcdiocese of Palo kung saan magkakaroon ng misa malapit sa Tacloban Airport, umaga ng Enero 17. Dadalawin din niya mga residente at survivors ng mga nagdaang kalamidad kung saan dito siya makikisalo ng tanghalian. Babasbasan rin niya ang Pope Francis Center for the Poor sa Palo, pagkatapos ay bibisitahin rin niya ang Cathedral of Our Lord’s Transfiguration (Palo Cathedral). Enero 18 ay magtutungo naman siya sa Ponitifical University of Santo Tomas kung saan makikipagkita siya sa mga religious leaders at estudyante ng UST. Hapon naman gaganapin ang Concluding Mass sa Quirino Grandstand sa Rizal (Luneta) Park kung saan pasisinayanan ng iba’t ibang mga choirs sa kapuluan ang nasabing misa. Enero 19 naman ay aalis na ng bansa ang Santo Papa pabalik ng Roma.
5.7 magnitude niyanig ang buong luzon
N
agising mula sa mahimbing na pagkakatulog ang mga residente ng San Antonio Zambales, bandang mga alas-tres y medya ng madaling araw nang yanigin sila ng 5.7 magnitude lindol, Linggo, Enero 11 ng kasalukuyang taon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), ang Timog-Silangang bahagi ng bayan ng San Antonio ang epicenter ng nasabing lindol. Ang naramdamang lindol ay isang uri ng tectonic earthquake na ang ibig sabihin ay ang paggalaw ng mga bato sa paligid ng magma. Dagdag pa ng PHILVOLS na ang nasabing lindol ay hindi magdudulot ng anumang pinsala bagaman inaasahan ang pagkakaron ng aftershocks. Samantala, niyanig din ang bayan ng Tagaytay na may magnitude 3 at magnitude 2 sa Batangas at Baguio City.
mRt-lrt fare hike aprubado na MRT -3 Q.AVE & GMA KAMUNING – 13.00
LRT EDSA, LIBERTAD,GIL PUYAT, VITO CRUZ, QUIRINO
CUBAO & SANTOLAN – 16.00
AVE – 15.00 PEDRO GIL, U.N. AVE, CENTRAL TERMINAL,
ORTIGAS, SHAW & BONI – 20.00
CARRIEDO, DOROTEO JOSE, BAMBANG – 20.00 TAYUMAN, BLUMENTRITT, ABAD SANTOS, R.PAPA, 5TH AVE, MONUMENTO, BALINTAWAK & ROOSEVELT
GUADALUPE,BUENDIA & AYALA – 24.00 MAGALLANES & TAFT- 28.00
M
arami ang nagulat at nainis nang ipatupad ang dagdag pasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit nitong nakaraang Enero 4, 2015. Ayon sa mga pasahero ay hindi nila alam na magtatatas na pala ng pasahe ang MRT-LRT sa pagbubukas ng Bagong Taon. Sa araw din iyon ay iba’t ibang pamamaraan ng pagtuligsa ang ginawa nga mga grupong hindi pabor sa nasabing fare hike. Giit nila, hindi makatarungan ang halos kalahating porsyento o P11 at P1 bawat kilometric ang idinidagdag sa pasahe na kung susumahin ay kaparehas na ng pasahe sa PUB. Ayon sa pamunuan ng MRT-LRT, ang pagtataas ng pasahe ay para sa ikabubuti ng kanilang serbisyo. Inamyendahan naman ito ni pangulong Noynoy Aquino na huwag nang
- 30.00
kumontra dahil makatwiran at resonable ang nasabing dagdag pasahe. Ani ng pangulo sa isang interbyu “Kapag sunod-sunod na bumigay ‘yan, nagkakaroon ng aksidente, aberya, may nasaktan, eh balik na naman sa amin ang kasalanan. Siguro,talagang kung nakita ng may problema bakit pipilitin pa nating walang gawin.” “Pero siyempre ang gandang magpapogi ngayon: ‘Kontra ako sa increase!’ Lahat naman tayo ayaw naman nating tumaas ang bilihin. Pero iyon ang totoo.” Samantala, hindi pa rin kumbinsido ang mananakay ng MRTLRT dahil noong nakaraang Biyernes, Enero 9, ay sapilitang nag-unload ang MRT-3 sa Ortigas Station dahil may isang riles na naman ang kumalas.
kampo ni pacman, nagbigay ng deadline kay mayweather
Thursday 15 January 2015 17:45 Arrival at Villamor Air Base in Manila OFFICIAL WELCOME Friday 16 January 2015 09:15 WELCOME CEREMONY at the Malacañan Palace COURTESY VISIT TO THE PRESIDENT 10:15 MEETING WITH THE AUTHORITIES and the DIPLOMATIC CORPS at the Rizal Ceremonial Hall of the Presidential Palace 11:15 HOLY MASS with the bishops, priests, women and men religious at the Cathedral – Basilica of the Immaculate Conception in Manila 17:30 MEETING with the FAMILIES at the Mall of Asia Arena in Manila Saturday 17 January 2015 08:15 Departure by plane from Manila for Tacloban 09:30 Arrival at the airport of Tacloban 10:00 HOLY MASS near Tacloban International Airport 12:45 Lunch with some of the survivors of typhoon Yolanda at the Archbishop’s Residence in Palo 15:00 Blessing of the Pope Francis Center for the Poor 15:30 MEETING with the Priests, Women and Men Religious, Seminarians and Families of the Survivors at the Cathedral of Palo 17:00 Departure by plane for Manila 18:15 Arrival at Villamor Air Base in Manila Sunday 18 January 2015 09:45 Brief Meeting with the Religious Leaders of the Philippines at thePontifical University of Santo Tomas in Manila 10:30 MEETING WITH THE YOUTH at the Sports Field of the University 15:30 HOLY MASS at Rizal Park in Manila Monday 19 January 2015 09:45 Leave Taking Ceremony at the Presidential Pavilion of Villamor Air Base in Manila 10:00 Departure by plane from Manila for Rome 17:40 Arrival at the airport of Rome/Ciampino
N
agbigay na ng deadline ang kampo ni Manny Pacquiao para kay Floyd Mayweather, Jr. upang pormal nang mapag-usapan ang tinaguriang mega-fight ng dalawang boksingero. Ayon sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz, gusto nilang maitakda ang deal bago matapos ang buwang ito.
U
Una nang pumayag ang Pambansang Kamao sa fight date na Mayo 2, pati na rin sa mas mababang cut sa labang inaasahang tatabo ng mahigit sa $200M. Inamin ng boxing promoter na si Bob Arum na mabagal ang negosasyon, ngunit umuusad naman para sa labang pinakihihintay ng mga boxing fans.
fiesta ng nazareno 2015
nang linggo pa lamang ng taon ay kusa nang umalis sa paligid ng Quiapo Church ang mga nagtitinda habang unti-unting dumadagsa ang mga deboto ng poon para makilahok sa unang misa ng 2015. Bagaman naging masidhi ang paghahanda sa Kapistahan hindi pa rin naiwasan na may masaktan at mamatay sa Traslacion ng Poon ng Itim na Nazareno. Nasawi si Renato Gurion nang atakihin siya sa puso habang nagproprosisyon at idineklarang dead on arrival sa Manila Doctors. Si Gurion ay miyembro ng Hijos de NazarenoNuestro Padre Jesus Nazareno na nangagalaga sa poon tuwing traslacion nito. Sa talaan 84 katao ang binigyag atensyon medical mula sa 10 oras na prosisyon na nagsimula sa Rizal Park ng 8:00 nang umaga na magtatapos sa Quiapo Church. Ang poon ng Itim na Nazareno ay dinala sa Quiapo Church noong 1787, ito ay gawa sa maitim na kahoy habang ang kasuotan nito’y kulay maroon. Sinasabi na ang dahilan kung bakit ito’y kulay itim ay dahil nung panahon na naglalayag ito mula Mexico patungong
Maynila ay nasunog ng galeong sinasakyan nito ngunit himalang buo pa rin ang nasabing gataong imahe. Para naman sa mga deboto nito, ang pamamanata at debosyon sa poon ay nakakatulong upang matupad ang kanilang mga hangarin sa buhay at pinaniniwalaang nakakapagpagaling ng mga may sakit.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JANUARY 2015 I SECOND ISSUE
page 3
philippines "embutido" featured in new york times magazine 7 crazy pinoy conspiracy theories Francis Lam learned this dish through a Filipina named
O
ur very own favorite Philippine holiday dish "Embutido" made it's way to the New York Times magazine. Written by Francis Lam that appeared on the NY magazine's Eat section, titled 'The Rich Tradition of Filipino Embutido'.
Emma Phojanakong. Phojanakong who came to the US when she was 21 years old to work as a nurse, introduced him this dish from the Philippines. According to Francis Lam, "There’s a certain homely elegance to the dish, a rustic fanciness in rolling ground pork around boiled eggs so that, when sliced, there’s sunny yellow in the middle. But I was fascinated by the stuff that joined the pork par ty: raisins, sweet relish, ketchup, cheese and, of course, canned meats like Vienna sausages and smoked ham." In the New York Times magazine embutido was also explained how it came to be in the Philippines. He said it was originally an adaptation of Spanish sausages but during the American occupation it became suffused with American products.
filipino nurses and caregivers can expect more job opportunities in japan
A
ccording to Vice President Jejomar Binay, he had a talked with Kazuhide Ishikawa Japanese Ambassador that Japan has plans to ease the process of its healthcare workers to be employed in the country. Ishikawa also promised to do his best so that more Filipino nurses and caregivers will be absorbed by Japan and also to modify the Japanese nursing licensure examination to raise the passing rate among Filipino candidates. The major barrier preventing Filipino healthcare workers from being employed in Japan is the Japanese language examination. Binay, who is also Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concerns, said "This is an excellent opportunity for our nurses and caregivers not only to find meaningful employment abroad, but also to showcase the best of what we have to offer to the world." Binay also emphasized the need to align the training and
2. AN AMERICAN SUPERWEAPON IS CAUSING OUR TYPHOONS. One conspiracy theory on why our country is experiencing a massive number of typhoons every year is because we are supposedly being attacked by a US superweapon. While the High Frequency Active Auroral Research Program (HAARP) really does exist and is currently used by the US to check whether the ionosphere can be utilized for radio communications and surveillance, conspiracy theorists have blamed the program for causing storms, tsunamis and earthquakes. Some of the nuttier ones even believe that the program is capable of mind-controlling people all over the planet. Accordingly, a YouTube user named Dutchinse uploaded a viral video explaining that the program used “microwave pulses” to create Typhoon Yolanda. However, Dr. Mahar Lagmay, a University of the Philippines professor and executive director of Project Noah, debunked Dutchinse’s claims as without basis and lacking solid evidence. 3. ANTONIO LUNA GAVE THE COUNTRY’S GOLD TO THE COJUANGCO MATRIARCH. One of the lesser-known yet extremely enduring mysteries of the Revolution that persists to this day is the issue whether Antonio Luna gave the Republic’s gold away to his lover Ysidra Cojuangco, the matriarch of the Cojuangco clan and the great-aunt of former president of Corazon Aquino. Supposedly, the gold became the foundation of the colossal Cojuangco fortune as Ysidra used it to buy massive amounts of land and property. Although this mystery will probably never be solved anytime soon, the theory itself has gained popularity especially after a YouTube user named Baron Buchokoy uploaded a video which sought to explain the roots of the Cojuangco oligarchy.
education of Filipinos with realities on the ground to ensure that they are able to cope with it's demands of employment here and abroad. Binay added that "We need to ensure that our students are equipped with the best tools possible and remain competitive, especially in the face of the impending ASEAN integration." Last November 2014, 306 Filipino candidates comprised the 7th Batch of Candidate Nurses and Caregivers to Japan as part of the agreement between the two countries. They are currently undergoing six-month training. As of December 2014, the Philippine Overseas Employment Administration said there are currently 105 Filipino nurses and 222 caregivers in Japan.
ARTICLE FROM PAGE 1
The Avenue Road and Eglinton Avenue intersection where Atienza's work stations are both busy and dangerous, which have increased in recent months. “There’s construction going on, so drivers can get more aggressive,” Roth said. “Peter gets to the middle of the road and makes sure everyone’s all the way across, standing there holding his sign up high with his whistle.” Atienza has stepped in the path of danger to ensure the safety of kids. In at least one case, he has pushed kids into snow banks and out of the path of speeding vehicles, after which he checked to ensure the children, their caregivers and the driver of the car were all okay. He put his own life at risk as well. “I’ve had parents who wrote to me saying he’s stepped in front of a car so a kid wouldn’t get hit,” Roth said. Oriole Park Public School held a special ceremony to honour Atienza after he won his award, with $500 for both him and the school, plus a crystal maple leaf trophy and a coat that identifies him as one of Canada’s favourite crossing guards. “It was an exciting day for all of us,” she said. “People like Peter for a combination of the fact that he’s incredibly friendly to the kids, he knows many of their names and always has a
1. PAUL WALKER DIED AFTER UNCOVERING A TYPHOON YOLANDA CONSPIRACY. According to conspiracy theorists, the ‘Fast and the Furious’ star’s untimely death in November 2013 was no mere accident. Supposedly, a clandestine group deliberately orchestrated Walker’s car crash after he discovered a conspiracy to supply Typhoon Yolanda victims with a drug that would permanently sterilize them. After learning that he was about to reveal everything, they rigged his car’s brakes to malfunction. A slightly different version posits that Walker discovered the money laundering activities of several organizations during the typhoon relief efforts. Different groups who have been blamed for his death are the Illuminati, drug cartels, and relief agencies.
‘good morning’ and a smile on his face.” Atienza himself said the award came as a “big surprise” after 16 years on the job. He loves his work, travelling an hour every morning and afternoon to help kids cross at the busy intersection. “I like it – I’m very happy (to be a crossing guard,)” he said. Seven of Atienza's nine children also work abroad, while his wife lives with him in Canada.
4. RAMON MAGSAYSAY WAS ASSASSINATED. Senator Cabili with Pres. Ramon Magsaysay.Before boarding the plane on that fateful night, March 17, 1957. At this point, we can just imagine all the great things that could have happened to the country if the late President Ramon Magsaysay never died in that plane crash on March 1957. Although the official explanation for the plane crash was overloading, some still believe that the plane was in fact sabotaged by a bomb. As to who wanted to kill Magsaysay, fingers have been pointed at several plausible culprits. For one, the CIA may have targeted Magsaysay simply because he was planning to abandon his pro-American policies. His anti-communist stance may have also earned the wrath of secret communist agencies such as the KGB. The last set of possible perpetrators is none other than the country’s ruling oligarchy who feared that Magsaysay’s pro-poor stance posed a danger to their own interests and so planned to kill him off. 5. THE US HAS A SECRET UNDERGROUND BASE IN MINDANAO. According to official reports, there have been no permanent American military bases in the country since 1992 when the Philippines closed down Subic. However, there are some who attest that the Americans have maintained a secret massive underground base in Mt. Kitanglad, Bukidnon. To keep it secret, they constructed a weather station above the complex in order to dissuade curious hikers and locals from finding out. Witnesses have reported sightings of foreign military hardware such as Humvees and choppers, adding credence to the idea that the Americans could be secretly staying in the area. 6. ANDRES BONIFACIO DELIBERATELY REVEALED THE KKK’S EXISTENCE TO THE SPANISH. Conventional history would tell us that the Revolution started prematurely after KKK member Teodoro Patiño revealed the secret society’s existence to the Spanish because of a salary dispute with another member. However, according to Jose Turiano Santiago, a close friend of Bonifacio who was expelled from the KKK in 1895, it was actually the Supremo who ordered Patiño to divulge the secret society to the authorities. Bonifacio supposedly wanted to start the Revolution and at the same time prevent the moderates in the KKK from stopping his plans. To that end, he instructed Patiño to disclose the KKK to the authorities. 7. NINOY AQUINO WAS A CIA AGENT. Aside from being labelled a Communist, the late Senator Benigno S. Aquino Jr. also faced accusations that he was a lackey for the CIA. The allegation stemmed from the fact that he was a trusted aide of former President Ramon Magsaysay who himself had CIA consultants working for him. Reportedly, after his key role in the capture of Huk leader Luis Taruc, Ninoy was sent by Magsaysay to the States to observe some CIA training programs. He was even heard to have boasted about going on a secret CIA mission to overthrow Indonesian dictator Sukarno. President Ferdinand Marcos also regularly accused Ninoy of working for the secretive agency while he was imprisoned. However, CIA insiders have denied that Ninoy was a CIA agent mainly because they didn’t trust him. “He talked too much,” they said.
pinay included in Forbes magazine's top young social entrepreneurs
R
eese Fer nandez-Ruiz, a 29-year old Filipina was included in Forbes' "30 Under 30 Social Entrepenuers" for 2015. Reese is the co-founder of R2R (Rags2Riches Inc), a for-profit social enterprise creating bags and home accessories using upcycled scrap cloth, organic meterials and indigenous fabrics. Forbes noted that Rags2Riches is the "first fashion and design house empowering community artisans in the Philippines." "It has trained 900 artisans and directly employ 50 people proffesionals, in-house artisans, marketers, and strategists who are all working together towards the same goal. The organization experienced a consistent 100% annual growth rate for their first five years in existence (2007-2012), according to the magazine. Fernandez-Ruiz an Ateneo graduate has been also recognized before and she recieved the Rolez Young Laureate award in 2010. R2R started in the year 2007 in Payatas, where many women makes rugs from scraps fabric. R2R tapped these women workers and provided them with skills training. R2R is known for its fashionable "Buslo" bags, as well as designers collaboration with Rajo Laurel, Oliver Tolentino, Amina Aranaz Alunan, and Olivia d'Aboville.
pinoy community 4 page 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
EMBUTIDO
Embutido is a type of meatloaf prepared Filipino style. Though a well known dish for the holidays, Embutido can be enjoyed everyday without any hassle. Several meat processing companies now produce this meatloaf for commercial purposes; all you have to do is grab one from your favorite grocery store.For those of you who want to enjoy the naturally prepared Embutido, this is the recipe to go for. This focuses more on giving this dish the wonderful taste and aroma that can’t be found in commercialized Embutido. You can serve this as a cold cut or you can even fry it after steaming. Do whatever you want but don’t forget to put the Banana Catsup on the side. I like to eat Embutido either warm or cold. I eat this as an appetizer (cold cut) when cold, while I treat this as a main dish eaten with white rice when warm. I am sure that you can successfully prepare this delicious embutido on your first attempt. In terms of storage, you can freeze embutido and it will last for a month. Make sure that you thaw it by exposing in room temperature for a couple of hours; do not microwave as it will react with the aluminum foil.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JANUARY 2015 I SECOND ISSUE
INGREDIENTS • 2 lbs ground pork • 12 pcs vienna sausage or 6 pcs hotdogs, cut in half lengthwise • 3 pcs hard boiled eggs, sliced • 1/2 cup sweet pickle relish • 1/2 cup tomato sauce • 2 pcs raw eggs • 2 cups cheddar cheese, grated • 1 cup red bell pepper, minced • 1 cup green bell pepper, minced • 1 1/2 cup raisins • 1 cup carrots, minced • 1 cup onion, minced • salt and pepper • 2 cups bread crumbs (made by placing 4 slices of tasty bread in a food processor. If not using any food processor, just tear the bread.) COOKING PROCEDURE • Place the ground pork in a large container • Add the bread crumbs then break the raw eggs and add it in. Mix well • Put-in the carrots, bell pepper (red and green), onion, pickle relish, and cheddar cheese. Mix thouroughly • Add the raisins, tomato sauce, salt, and pepper then mix well. • Place the meat mixture in an aluminum foil and flatten it. (see video for guidance) • Put in the sliced vienna sausage and sliced boiled eggs alternately on the middle of the flat meat mixture. • Roll the foil to form a cylinderlocking the sausage and egg in the middle if the meat mixture. Once done, lock the edges of the foil. • Place in a steamer and let cook for 1 hour. • Place inside the refrigerator until temperature turns cold • Slice and serve. Share and Enjoy! Number of servings (yield): 6
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JANUARY 2015 I SECOND ISSUE SEPTEMBER 2014 SECOND issue
TARA LET's sa bukod tanging distrito nang
P
QUIAPO Kuha at teksto ni Jane Gonzales
ara sa mga taga-Maynila ang Biyernes ay ang tinatawag na Quiapo Day, dahil sa araw na ito isinasagawa ang pagnonobena sa Poong Itim na Nazareno (The Black Nazarene). Pero matapat man o hindi sa Biyernes ang Enero 9, tuloy ang “Traslacion” ng kinikilalang mahimalang poon na dinadaluhan ng milyong-milyong deboto nito. Pero kumusta ang Quiapo sa mga ordinaryong araw? Kilala pa rin ba ito na pugad ng mga kawatan at magnanakaw? Sa dami ng tao araw-araw sa paligid ng Quiapo Church, Minor Basilica of the Black Nazarene sa pormal nitong pangalan, ay maipapayong mag-ingat ang mga taong mapapadako rito. Kung magiging maingat naman at sana’y sa pampublikong lugar ay ikakasiya mo ang lumibot dito. Katunayan, halos ang bawat sulok nito ay nagtatampok ng espesyal na bagay at kwento. Doon tayo sa Raon at Hidalgo Ilang kalye lamang mula lamang sa Quaipo Church, ang Hidalgo street ay kilala ngayon na puntahan ng mga murang kamera. Napatunayan ko ito dahil tatlong kaibigan ko na professional o hobbyist photographer ay ito ang pinipiling puntahan para pagbilhan ng kagamitan. Halos buong kalye Hidalgo ay puno ng mga tindahan ng kamera at maging ng mga photo studio. Kaya kung nagbabalak kang ipursige ang larangangan ng photography, hindi mo dapat kaligtaan na pumunta rito. Kung babagtasin mo naman ang makasaysayang Plaza Miranda, na nasa gilid lamang ng Quiapo Church ay mababagtas mo ang pamosong kalye ng Raon. Kilala itong bilihan naman ng mga kagamitang electronics sa mas murang halaga. Isa naaala kong pagbili rito ay nang unang lumabas ang microphone na pang-videoke noong 2003. Noong nag-ikot kami noon sa mall ay nasa Php11,000 ang nasabing mikropono pero sa Raon ay lagpas Php 9,500 lamang ito at may lehitimong resibo. Kung magbabalik-bayan ka at naghahanap ng pasalubong mula Pilipinas ay maiging pumunta sa bandang ilalim ng Quezon Bridge. Doon ay marami kang mapagpipiliang souvenir items mula key chains, magnets hanggang banga o istatwa. Samantala, hindi rin nalalayo sa Quiapo ang iba pang kilalang simbahang Katoliko gaya ng San Sebastian Church at Sta. Cruz, gayon din ng Golden Mosque ng mga Muslim. Mabuti ring diskubrehin rito ang mga makalumang mansion gaya ng Bahay Nakpil-Bautista at Boix House. Story of Rugs to Riches, the Quiapo edition Kasama sa makulay na mundo ng Quiapo ay ang magandang istorya ng mga bigating negosyante ngayon sa ‘Pinas. Sa Quaipo nagsimula at unang nagtayo ng tindahan sina Henry Sy ng SM, Tony Tan Caktiong ng Jollibee, at Socorro Ramos ng National Bookstore. Gaya ng ibang maliliit na negosyante ay nagsimula sa payak at simpleng negosyo ang tatlo. Sa kasalukuyan ay matatagpuan rin ang SM Quiapo at dumadami pa ang branches ng Jollibee sa lugar. Pagdaan sa Lacson Underpass Hindi puwedeng makalibot ka sa Quaipo nang hindi ka patawid-tawid gamit ang Arsenio Lacson Underpass na palaging nagiging espesyal na proyekto ng sinumang uupong alkalde ng Maynila. Ang nasabing underpass ay ang kauna-unahang tawirang pang-ilalim sa Pinas. Noong panahon ni Mayor Lito Atienza ay nilinis ang lugar at ginawang mas maluwag para sa mga dumadaan. Ngayong si dating Presidente Joseph “Erap” Estrada ang nakaupong Mayor ay ginawa itong pribado, nilagyan ng air condition at may mga guwardya na sa iba’t iba nitong pintuan papasok at palabas.
TARA LET's 5 page 5
pinoy na pinoy 6 page 6
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Ika nga “the more, the merrier” at ito ay nababagay din naman sa iyo. Huwag kang mahiyang magtanong kung may mga bagay kang gustong klaruhin o malaman at humingi ng suporta kung hindi mo naman talaga kaya. Bagaman may mga bagay naman talagang kaya mong mag-isa, hindi mo mapapasubalian na mas mainam kapag may kasama ka sa iyong gawain. Para bang mas masaya, magaan at madali lang ang bawat hamon lalo na kung magkakasundo kayo.
Pisces - Feb. 20 - March. 20
Determinado kang makamtan ang iyong pangarap at handa ka naman na gawin ang lahat upang mangyari ito. Sa aspetong kilala mo na ang mga dapat na lapitan sa oras nang pangangailangan, dapat kilala mo pa rin sila kapag nagtagumpay ka na. Tandaan mo ang tagumpay sa buhay ay maraming sangkap, huwag mong akuin lahat at huwag mo ring angkinin lahat. Sa iyong pagiging mapagkumbaba, marami namang handang magbahagi para sa iyong kapakanan.
Aries - March. 21 - April. 20 Maraming pagkakataon na nagkamali ka at nag-alangan sa iyong mga desisyon pero huwag mong kalimutan ang tiwala mo sa iyong sarili. Iba ang iyong kakayahan sa mga aksyon na dapat mong gawin base sa sitwasyon na iyong ginagalawan. Ang kailangan mong gawin ay tukuying mabuti ay kung ano-ano ang iyong kalakasan at kahinaan. Kapag alam mo na ang mga bagay na ito, mas alam mo kung ang dapat mong pagyamanin. Kilalanin mo ang iyong sarili nang higit sa ibang tao.
Taurus - April. 21 - May. 21
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JANUARY 2015 I SECOND ISSUE
Leo - July. 23 - August. 22
Nanalaytay sa iyong pagkatao ang pagiging palaban at pinuno. Kung hindi ka man nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng posisyon, mapapatunayan mo ang iyong kakayahan sa iyong mga pakikipagsapalaran sa buhay. Katunayan, kaya madalas na ikaw ang nilalapitan ng iba para humingi ng payo at suporta ay dahil sa alam nila na magaling kang lider ng iyong buhay. Hinahangaan nila kung paano mo nasasaayos ang mga bagay na nagsisimula sa wala. Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
May tao bang laging laman ng iyong isipan na kahit abala ka sa iba’t ibang gawain ay bigla mo na lang naalala? At paano naman kung malaman mo na ganoon din s’ya sa iyo? Mabuting magkaroon kayo ng oras sa isa’t isa para magkaalaman kung anong kuryente ang nagdudulot sa inyong dalawa na maging ganito. Ang pagbabahagi ng inyong nararamdaman at naiisip sa isa’t isa ay mabuting simula para maayos o mapagbuti pa ang inyong samahan.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Isa sa ka sa mga taong madaling magtiwala na gustong-gusto ng iyong mga kakilala. Magandang katangian ito pero maging maingat rin dahil baka maging ito rin ang dahilan kaya ka madaling maloko. Kung may tibok ang puso, may kutob rin ang iyong isipan. Mainam na pakinggan mo pareho ito para sa mga taong malapit o hindi sa iyo. Hindi maiiwasan na maghinala ang isang tao, pero kung lagi mong isinasatabi kahit ipinamumukha na sa iyo ang ideya ay para mo na ring sinabi na ayaw mong harapin ang katotohanan.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22
Lahat tayo ay nagsisimula sa pagiging mangggawa. Mangangarap at magsisikap para mapabuti ang takbo ng karera. Ang problema ay papasok na kung ang laman na lang iyong isipan at ng iyong araw-araw na pamumuhay ay trabaho lamang. Bago ka naging manggagawa- isa kang anak, kaibigan, at iba pa. Subukan mong balansehin ang iyong panahon at atensyon para sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay. Para na rin ito sa iyong kapakanan sa hinaharap dahil hindi ka naman habang buhay na manggawa.
Sa mundo ng iyong karera, mahalaga ang oras at pagtuunan nang mabuti ang iyong trabaho. Subalit, huwag magdalawang-isip na maging bukas sa alok ng mga taong interesado sa iyong kakayahan. Handa ka man sumubok sa ibang trabaho o hindi, malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng konekyon sa ikakauunlad ng iyong karera sa hinahaharap. Sa takbo ng ekonomiya at empleo ngayon, maganda na marami kang mapagpipilian at matatagpuan kung ikaw ay may pangangailangan.
Gemini - May. 22 - June. 21
Ang isang bagay na hindi nawawala sa iyo ay ang paghahangad mo na matuto sa anumang interes na nais mo. Bakit nga ba ayaw mong seryosohin ang pag-aaral kung may pagkakataon? Ang pag-aaral ng masteral o short course ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng certificate at diploma na maididisplay sa inyong tahanan, ito rin ay pagpapayaman ng iyong kakayahan at personalidad. Isa pa’y hindi madaling maipagmalaki ang nalalaman lalo na kung wala kang patunay na nagpakadalubhasa ka rito.
Madaldal ka rin talaga na kapag sa mga oras na ganado ka ay hindi mo na alintana kung kilala mo ba o hindi ang iyong kinakausap. May bentahe naman ito gaya ng mas madali na magkaroon ka ng koneksyon at nagiging maaliwalas ang isang sitwasyon. Ang kaso lang ay maging mapagmatyag ka rin sa iyong kausap. Hindi lamang sa kanyang pagkatao kundi sa kanyang kahandaan sa pakikinig sa iyo. Ang pagbibigay ng sobra-sobrang impormasyon sa taong ayaw naman sa sinasabi mo ay malapit na sa pagsasayang ng oras.
Cancer - June. 22 - July. 22
Kontra sa pananaw ng iba, ang pagtitipid ay hindi nangangahulugan ng paglayo sa pagsasaya. Ito ay paghahanda at pagkilala lamang kung alin ang prayoridad mo sa buhay. Kung nakilala ka na galante at bigla ay mapansin nila na nagiging kuripot ka, huwag kang mahiya. Ang pangit at magandang ibig sabihin ng salitang ito ay base sa mentalidad ng tao. Kung yayaman, makakapag-travel, maramdaman mo ang seguridad at makakamit mo ang malalaki mong pangarap dahil sa iyong pagtitipid, pangit pa ba iyon?
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Seryoso ka pagdating sa iyong karera o anumang hamon. At kapag tinaggap mo ang isang responsibilidad ay ginagawa mo ang lahat ng iyong makakaya para magampanan ito nang mahusay. Kaya naman, ngayong may mga taong pinupursige kang umaksyon sa panahon at bagay na hindi ka sigurado, maiging magkaroon ka nang malalim na pag-aanalisa kung ano ang iyong gagawin sakaling magkaproblema. Bukod din naman sa pagiging flexible ay nagiging bukas ka sa mainam na posibilidad kapag ganito ka.
pinoy-BiZz JANUARY 2015 I SECOND ISSUE
Impress: Raymart, iwas love life muna Dahil sa bagong simulang teleserye at pareho nilang estado bilang mga single, inuugnay ngayon ang Kapuso actor na si Raymart Santiago kay Jennylyn Mercado. Bukod pa rito ay ang isyu noon sa kanila ni Bettina Carlos na napapalapit di umano sa kanya. Bagaman kinilala ni Raymart ang kagandahan ni Jennylyn ay sinabi nitong hindi pa siya handang pumasok sa anumang relasyon kahit kanino lalo na’t kumplikado pa ang kanyang sitwasyon. Matatandaan na naging kontrobersyal ang legal battle nila sa isa’t isa ng kanyang nakahiwalayang asawa na si Claudine Barretto “Actually, na-link na rin kami noon nang magkasama kami sa ‘Futbolilits’. Normal naman ‘yung ganyan sa mga nagkakapareha sa showbiz. Napakaganda ni Jennylyn at madaling ma-attract kahit sinong lalaki sa kanya, pero hindi pa ako handa. Pina-process pa ang annulment ng marriage ko. Inaayos ko pa ang buhay ko. Na-link din ako kay Bettina Carlos nang gawin namin ang ‘Villa Quintana’, pero hindi rin totoo ‘yun. Matatagalan pa siguro bago ko makipagrelasyon uli, “ deklarasyon pa ng nakakabatang kapatid ni Randy Santiago. Mabuti pa itong si Raymart hindi pasok ng pasok sa relasyon hanggang hindi niya natatapos ang gusot sa buhay n’ya. You’re the man!
page 7
Express: Pakikipagbati ni Kris Ai-Ai, kwestyonable?
ni phoebe doroth
y estelle
Impress: Pagkilala sa turismo ng Pinas, konektado kay Susan Calo-Medina Pumanaw na ang tinaguring Philippine TV’s Queen of Travel na si Susan Calo-Medina sa edad na 73 taong gulang. Ang impormasyon ay nagmula sa National Commission for Culture and the Arts kung saan dati ring naging miyembro bilang National Committee on Communication ng ahensya ang batikang travel host. Nakilala si Medina mula sa kanyang longest-running TV show na Travel Time na inilunsad pa noong 1986. Bukod rito ay nakasama rin s’ya sa programang Tipong Pinoy kung saan ay host din ang frontman ng After Image band na si Wency Cornejo. Mula nang maisapubliko ang balita ng kanyang pagkamatay, naging maingay din ang pagpapaabot ng simpatya para sa host. Para sa Pinoy na mahihilig sa paglalakbay ay isang icon si Medina na matatandaan din sa kanyang mga katagang “ Huwag maging dayuhan sa sariling bayan.” “She was a great personal friend and untiring ally of Philippine Tourism. She is a great loss,” ang mensahe ni former Tourism Secretary at kasalukuyang Philippine Red Cross chairman Dick Gordon. Nawa’y ang naiwang alaala at adhikain ni Medina ay magbigay marami pang travel show sa Philippine television.
Express: Bridges, papalit-palit ng aktor
Mula pahina 1
“Due to public clamor, ABS-CBN, through the Star Creatives business unit, is bringing back the loveteam of Kim Chiu and Xian Lim in a primetime teleserye to be launched this year. Because of this development, Xian will not pursue the teleserye Bridges of Love with Maja Salvador and Jericho Rosales,“ lahad pa ng Dos na ang hahalili sa kanya sa pagganap sa karakter ni Carlos Antonio ay si Paulo Avelino. Madalas malakas maka-nega ang ganitong problema sa isang programa, tingnan na lang natin ang performance ni Paulo sa role na sana ay para kay Xian na unang dapat ay kay John Lloyd.
nahuling stalker ni eddie gutierrez, anak niya
Nakipagbati na si Kris Aquino sa kanyang itinuturing na “friendship” na si Ai-Ai Delas Alas. Naganap ito sa kasalan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes kung saan kapwa ninang ang dalawa. Si Kris umano ang unang lumapit sa komedyana na nakatrabaho niya rin sa Pilipinas Got Talent at pelikulang Sistarakas. “I was really ready for her to snub me,” saad ni Kris nang nagkuwento siya tungkol sa insidente sa show nila ni Boy Abunda na “Aquino and Abunda Tonight.” “Sabi ko, ‘Happy New Year’, and then she said, ‘Happy New Year.’” Kasabay ng kanyang pakikipagbati ay pagbibigay din niya ng regalo kay Ai-Ai na isang kwintas na may pendant ni Mama Mary. Ibinalot pa niya iyon daw sa wrapper na ang kulay ay ang paboritong kulay ng komedyana. “Then simple lang sinulat ko sa card, sabi ko, ‘sana handa na ang puso mong kaibiganin akong ulit,’” dagdag na kwento pa ni Kris sa laman ng kanyang gift card. Binibigyang kulay ang hakbang na ito ng first sister dahil sinakto naman na isang malaking okasyon sa showbiz ang kanyang desisyon. Pero sa bagay, perfect time iyon dahil sigurado rin namang hindi puwedeng dadalo sa kasalan si Ai-Ai. Ako man maimbitahan, hindi rin ako aabsent sa grand wedding na yan.
movie review why english only please becomes a hit in mmff? ni Hoshi Lawrence
K
M
untik nang mapasok ang tahanan ng Pamilya Gutierrez sa White Plains subdivision Quezon City nang ‘di umano’y stalker ni Eddie Gutierrez. Ayon sa imbestigasyon ang stalker na pinangalanang si John Miles Cunato ay nagsasabing ama rin niya ang daddy nina Richard, Raymond at Ruffa. Hating gabi nang Biyernes, Enero 9, nang umaaligid ang 21-taong gulang na si Cunato sa labas ng bahay nina Annabelle at Eddie. Inihagis na rin nito ang tatlong bag sa loob ng bakuran nang nasabing tahanan at marahil ay nagbabadya na akyatin ito. Ang hindi alam ni Cunato ay namataan na siya ng mga guwardya gamit ang kanilang CCTV (closed-camera circuit television). Nang mahuli at madala sa baranggay hall ang binata na tubong Bataan pala ay nakaharap nito ang talent manager na si Annabelle at asawa nang kini-claim niyang ama. Inalok daw ni Annabelle ang binata ng pera pero tumanggi ito sa ibinibigay ng kilalang matapang na personalidad.
Samantala, nagpahayag naman ng saloobin ang panganay at unica hija ni Eddie na si Ruffa sa Twitter account nito. Ayon sa dating beauty queen, tatlong araw nang pinagbabawalan na makapasok sa village pero nung Biyernes nga ay napagtagumpayan nitong matakasan ang mga guwardya. Umaakyat na raw ito sapamamagitan ng bakod ng kapitbahay ng mga Gutierrez nang mahuli ito. Ipinakita sa baranggay ang laman ng mga bag nito, na ayon naman sa ulat ng DZMM ay may Philhealth ID ni Cunato. “Thank you to the barangay & security of White Plains, Quezon City for acting immediately and for resolving this situation. Safety first!! “We should always take precaution wherever we go but also make sure that our homes are protected. Be safe everyone & always pray!” Ang sunod na sunod na mensahe ni Ruffa sa kanyang social media account. Sa huli ay hindi na sinampahan ng kaso ng mga Gutierrez ang binata
former child star nash aguas, effective as teenage dad
D
ahil sa mataas na rating ng Bagito ay magpapatuloy ang kuwento na kung saan ang takbo ng istorya ay pagiging teenage dad ng bida. Ang former child star na si Nash Aguas ang gumaganap sa title role na ito at leading lady niya ay ang kanya ring sikat na ka-love team na si Alexa Ilacad. Masaya ang mga star at pamunuan ng programa na ibalita ang pagkakaroon ng Bagito. Ika nga nila Nash ay may pagaalinlangan pa nga sa kanilang bahagi kung tatanggapin ang kanilang programa na ang pinakapaksa ay teenage pregnancy. “Simula po kasi nang bata, hindi ako nagkaroon ng teleser ye, first ko po ito. And una po, nang sinabi po na Bagito na batang ama, sobra po ang kaba ko kasi parang first ko siya and medyo kontrobersyal pa nga po, so parang 50-50 kung tatanggapin ng tao. “So, nu’ng tinanggap, talagang parang sobrang relief, and sobrang saya kasi parang nag-worth po and lahat ng pagod ko and pagod naming lahat sa set, ng staff and crew and ng directors po ay talagang sulit na sulit po kaya sobrang saya and thankful kay Lord,” saad pa ng aktor sa panayam sa kanya ng press. Samantala, ikakatuwa ng fans ng kanilang love team dahil inamin nina Nash at Alexa na crush nila ang isa’t isa. Pero para naman doon sa atat na matuloy sa mas seryosong relasyon ang dalawa, kailangan muna nilang maghintay dahil ayon nga sa Star Circle Quest kid winner ay wala pa sa kanilang isip ang ganoong bagay. “Actually, kami, ang treatment namin sa isa’t isa, hindi naman yung boyfriend-girlfriend, more as best friends kasi. Yun ang talagang nagpi-fit sa ano [edad] namin,” paliwanag pa ng binata. “Crush ko siya, may crush din siya sa akin. Sa ngayon, ayoko munang i-entertain iyon. Pero nandito naman ako lagi para sa kanya.”
ung hindi ako nagkakamali ang last na pumatok na romanticcomedy film na sumali at namayani sa Metro Manila Film Festival, MMFF ay ang Kasal Kasali Kasolo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Pagkatapos noon ay puro pambata, comedy, horror at action na. Kaiba sa nakasanayang paggawa ng romantic movie sa Pilipinas, ang English Only Please ay hindi nakadepende sa love team, mainit na artista at batikan sa pag-arte ang mga bida. Isa itong eksperimento para sa tambalang Jennylyn Mercado ng GMA 7 at Derek Ramsay ng TV5, gayon din ang mahusay na pagkaka timpla ng modernong kwento ng pagiibigan. Jennylyn bags first acting award Kahit na may mga bahaging may pagkacheesy pa rin, sa kabuuan ay maiibigan ang English Only Please dahil sa komedya at realistikong atake nito . Hindi ito yung pilit na pilit iyong mga eksena para maging romantic at para mapasaya lamang ang mga manonood. Katunayan, yung comedy nito ay mula pa lang sa dialogue na naibato nang tama ng mga artista- hindi lang nina Jen at Derek pati na rin nina Cai Cortez at Kean Cipriano. Deserving manalo si Jen ng best actress award kung base sa pagganap niya sa karakter ni Tere. Iba ang acting dito ni Jen kumpara sa mga napapanood sa kanya dati sa telebisyon. Mas titingnan mo siya bilang Tere at hindi si Jennylyn ang kauna-unahang Starstruck Female Ultimate Survivor. Wala na masyado iyong common mannerisms niyang kunot ng noo at hawi ng buhok, na kitang-kita tuloy na umaarte lang siya. Para sa akin siya ang nagdala ng movie at nasabayan siya ni Derek (Julianne). Isa magandang eksena nila ni Derek sa pelikula ay iyong wala ng ibang mapuntahan si Tere kundi kay Julianne at dito siya nagkuwento ng sawi niyang love story. Dito mapapanatag ka na sa wakas nagising na siya katangahan niya kay Rico (Kean) at yung timing ni Jen sa drama at comedy. Effective din dito si Kean na kakabuwisetan mo talaga dahil sa kanyang hirit at demands. One of the Best Modern day Romcom films
Dagdag ko rin sa maayos na dialogue at mas makatotohanan na love story, iyong smooth na flow ng movie. I think dito na papasok ang interpretation ng direktor ( Dan Villegas) at editor. Kakatuwa yung mga definition, iyong pag-cut ng eksena at yung maayos na pagtatagpi-tagpi ng eksena. Ang katotohanan n’yan, ang dali namang sabihin na sina Tere at Julianne ang magkakatuluyan sa huli o isa na naman itong kwento ng rich boy meets poor girl. Pero dahil sa saya ng trabaho ni Tere bilang English translator at ni Julianne bilang Amerikanong nais magpaturo ng Filipino at smooth ang pagpapakita kung paano nabi-build up yung relationship ng mga lead characters ay doon ka mas magiging interesado. Siguro isa lang sa napansin ko rito na minus point, ay ang mas maraming Tagalog si Jen para sa isang interpreter ( at mabigyang justice yung title ng movie). Sa akin kasing observation– kahit sanay ka sa balbal na pananalita, kapag lagi kang may kausap sa English lalamang pa rin yung pagsasalita mo sa lengguwaheng ito o kahit papaano equal. Iyon ay maliban na lang kung bago pa lang si Tere bilang tutor, pero tatlo ang sabay-sabay niyang tinuturuan sa English at palagi pa niyang kausap si Julianne.
7Bank_210x297_Tagalog_3rd.pdf
1
12/8/14
12:01 PM
Seven Bank secure and safe. Laging nasa tabi mo. Ang pagbukas ng account at maintaining balance ay laging LIBRE Risonable ang ATM fees 0 : 00
Pagwithdraw at Pagpadala sa loob ng bansa
7 : 00
108 Yen
19 : 00
LIBRE
Deposito
LIBRE
Pagtingin sa balanse
LIBRE
24 : 00
108 Yen
(Kasama na ang tax)
Basta 7am to 7pm, libre ang withdrawal
May banking services na domestic at overseas remittance *May singil sa pagremit
Para sa karagdagang impormasyon sa Serbisyong Pagpadala ng Pera sa Ibang Bansa ng Seven Bank, bumisita dito http://www.sevenbank.co.jp/soukin/ph/ International Money Transfer Customer Center ng Seven Bank Para sa pagrehistro at iba pang katanungan. Susuportahan kayo ng aming Tagalog Operator.
Libre
0120-677-874
10:00-20:00 Linggo-Biyernes. Maliban sa National holidays, at mula ika-31 ng Disyembre hanggang ika-3 ng Enero. November 15, 2014 Sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng Seven Bank account, magagawa na ang mga transaksyon sa online! Gamit ang inyong PC o smartphones ay maaaring magpadala ng pera at magsagawa ng iba't ibang uri ng bank service tulad ng time deposit, domestic money transfer, pag-utang at mga related procedure. http://www.sevenbank.co.jp/english/personal/guide/