Pinoy Chronicle July First Issue

Page 1

SPECIAL FEATURE SECTION

Daloy KayumanggiGRILLED STUFFED

FOOD TRIP AT HOME

Impormasyon ng Pilipino

TILAPIA

Grilled Stuffed Tilapia is like your typical grilled whole fish except that it is stuffed with delicious veggies inside. It is simple, easy-to-cook, delicious, and totally Filipino. I enjoyed having it with a dip of spicy toyomansi (ponzu).

CONTINUE ON PAGE 4

SPECIAL FEATURE

TARA LET'S

THIS MUST BE POP!

ILOCOS NORTE

The term POP originally derives from an abbreviation of the word “popular”. When it comes to music, POP is a genre which originated in the Western world during the 50’s and 60’s deriving from rock and roll.

Ang maganda sa paglalakbay sa Ilocos mapa Sur or Norte ay marami kang madadaanan na tourist spots. Kagaya na lamang sa bayan ng Burgos at Bangui kung saan sulit na sulit ang road trip...

CONTINUE ON PAGE 3

CONTINUE ON PAGE 5

THE PINOY CHRONICLE

PINOY LOCAL P.2

VP

PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5

WEEKLY HOROSCOPE P.6

BINAY

PINOY SHOWBIZ P.7

NAGBITIW SA GABINETE NI

P-NOY CONTINUE ON PAGE 2

JOSE RIZAL BUST STOLEN DAYS BEFORE IT'S 154th BIRTHDAY IN CHICAGO FIL-AM CENTER

I

n the greater Chicago area, Filipinos are now searching for a bust of Dr. Jose Rizal that was reportedly stolen outside the Filipino Community Center. The Rizal's bust was stolen days before the Philippine National hero's birthday. Some witnesses said that they saw 6 people remove the bust from its pedestal in front of the Rizal Center on Irving Park Road in Chicago. The statue was erected during a Philippine Independence Day celebration in 1998, funded by donations from local members of the Ladies of Rizal and Knights of Rizal groups.

DID YOU KNOW? PINOY NA PINOY: YOUR WEEKLY HOROSCOPE

July 2015 First Issue

Free Newspaper


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUly 2015 I FIRST ISSUE

page 2

N

cover story agbitiw na sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino si Bise Presidente Jejomar Binay at ang pangunahing dahilan ay ang nararanasang pangigipit diumano ng pamahalaan at pagkakait ng magandang buhay para sa mga mahihirap. Ang naging talumpati ng bise president na inalabas ng Office of the

Vice President: Mga kababayan: Ngayon ang bagong simula ng laban sa kahirapan. Nagbitiw po ako sa Gabinete dahil hindi ako makapapayag na ipawalangsaysay at siraan ang aking mga programang pang-masa na nagtagumpay sa Makati at nais kong mapalawak sa buong bansa. Hindi ako papayag na magpatuloy ang kawalan ng katarungan sa bansa. Hindi ako papayag na iilan lang ang magtatamasa ng benepisyong nararapat sa karamihan. At lalong hindi ako papayag na alisin sa taumbayan ang pagkakataong magkaroon ng isang pamahalaang tapat at mahusay na naglilingkod upang guminhawa ang marami. Hangad ko na magkaroon ang bansa ng maayos na pamamahala upang ang marami - at hindi lang ang iilan - ang makikinabang sa kaunlarang maaabot natin. Dapat magkaroon ng pamahalaang nakikinig at tunay na nagmamalasakit, lalo na sa mahihirap. Isang pamahalaang magpapairal ng hustisya at tahimik na pamumuhay; isang pamahalaang puspusang nagsisikap upang lumikha ng higit pang trabaho upang bigyan ng ginhawa ang matagal nang nagigipit na taumbayan. Isang pamahalaan na nagbibigay ng epektibo at malawak na serbisyong pangkalusugan at edukasyon; isang pamahalaang makatao, hindi manhid, at may malasakit kanino man. Isang pamahalaan na magbibigay ng pagkakataong guminhawa at umangat ang buhay ng mga mahihirap. Ito ang aking ipinaglalaban. Ito rin ang hangarin ng ating mga kababayan: isang pamahalaang kabaliktaran ng manhid at palpak na pamahalaan ngayon. Mga kababayan, tinanggap ko noon ang alok na maglingkod sa Gabinete dahil nais kong suklian ng tapat na paglilingkod ang pagtitiwala ng sambayanan. Nang ako ay inyong inihalal, ako ay nangako na magiging isang working Vice President. At sa nakaraang limang taon, tahimik akong nagtrabaho. Nagsagawa ng reporma sa sektor ng pabahay at tinugunan ang daing ng ating mga OFWs. Ngunit sa aking mga pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang lalawigan, ipinaabot ng ating mga kababayan na hindi nila nararamdaman ang pinagmamalaking kaunlaran. Ang nakikinabang sa ipinagyayabang na pag-unlad ay iilan lamang, kasama ang mga piling kaibigan at kapartido ng mga nasa puwesto. Marami na akong pinagdaanang pagsubok. Ilang beses akong ikinulong noong panahon ng Martial Law dahil sa paglaban ko para sa kalayaan at demokrasya. Kahit pagkatapos ng 1986 EDSA Revolution, ilang beses akong ginipit at tinangkang patahimikin dahil patuloy akong lumalaban sa pang-aapi at pang-aabuso. Ngayon, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ako ay pinagkakaisahang siraan, hamakin, gipitin, tanggalin bilang pangalawang pangulo at ipapakulong pa. Ito ay dahil ako ang pangunahing balakid sa kanilang pansariling ambisyon at hangarin. At habang ako ay ginigipit at inuusig, hinahayaan naman nila ang malawakang anomalya ng kanilang mga kasama at kapartido: ang Disbursement Acceleration Program (DAP), ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng kanilang mga kakampi, kapartido, at kaibigan; ang pangongotong sa MRT, at ang masaker ng SAF 44 sa Mamasapano. Hindi nila pinananagot ang mga opisyal na pumigil sa pagpapalabas ng 2013 Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga pamahalaang lokal. Samantalang alam nila na karamihan sa ating mga bayan at barangay ay umaasa lang sa IRA. Ito ang baluktot na hustisya at pamamahala ngayon. Ang umiiral ay selective justice. Iba ang hustisya at mga benepisyo ng mga kaibigan at kaalyado ng partidong nasa kapangyarihan. Ngunit, walang hustisya at walang maaasahang benepisyo para sa nakararami lalo na sa mga mahihirap. Mga kababayan, May hangganan ang pagtitiis ng isang tao. Tama na. Sobra na. Bakit hindi nila ako harapin sa malinis na halalan? Alam nila na marami sa kanilang kandidato ang hindi mananalo sa isang malinis at patas na halalan. Kaya gagamit sila ng maruruming paraan, sukdulang sila ay magsinungaling, magwaldas ng pondo ng bayan, at magpatuloy sa paglabag sa batas. Nagpapasalamat ako sa ating mga kababayang nagpahayag sa mga survey na sa kabila ng mga paninira, malaki pa rin ang tiwala nila sa akin. Sa ating mga mahihirap na kababayan, huwag po ninyo akong alalahanin. Kaya ko ang lahat ng ginagawa at gagawin pa nilang pagpapahirap sa akin. Ngunit hindi ko kayang tiisin na magpatuloy ang kahirapan na hinaharap ninyo sa bawat araw. S a m g a k a l a b a n k o s a p u l i t i k a , s i n a s a b i ko s a i nyo n g ayo n : kung ang layunin ninyo ay paatrasin ako sa pagtakbo bilang pangulo sa 2016, nagkakamali kayo. Hindi ako umaatras sa laban. At lalong hindi ko iiwanan ang ating mga mahihirap na kababayan. Ako po ang inyong pangalawang pangulo, si Jojo Binay, na laging nagsasabi at taas-noong ipinagmamalaki ang pagiging tunay na Pilipino sa puso at gawa. Lagi ninyong kasama sa hirap at ginhawa, at ngayon ay namumuno sa oposisyon. Mabuhay ang Pilipinas. Mabuhay ang sambayanang Pilipino.

DALAWANG NAPIPISIL NA SUSUNOD NA PNP CHIEF SUMAILALIM NA SA SCREENING Isinailalim na sa interview at screening ni Pangulong Noynoy Aquino sa Malacanang ang dalawang napipisil na hahalili sa nakabakanteng pwesto ng pagiging PNP Chief. Mahigit anim na buwan na walang permanenteng hepe ang PNP matapos masuspinde ng Ombudsman hanggang sa magbitiw sa puwesto si dating PNP Chief Director General Alan Purisima. Ang dalawang ipinatawag ng Malacanang ay ang bagong promote na si PNP Deputy Director General Danilo Constantino, at PNP Directorial Staff at PNP Deputy Director for Operations P/Deputy Director General Ricardo Marquez. Sinabi naman ni DILG Secretary Mar Roxas na dahil kritikal ang 2016 elections, ang susunod na PNP Chief ay dapat lagpas hanggang Hunyo 2016 ang pagreretiro sa serbisyo. Kaugnay dito ang nalalapit na pagreretiro ni PNP Officer-in-Charge P/Deputy Director General Leonardo Espina sa darating na Hunyo 19.

TAG-ULAN NA!

CAMERAMAN NG CNN PHILIPPINES PATAY

NAPATAY ang assistant cameraman ng bagong television network franchise na CNN-Philippines matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki nang madaling araw.

KEVIN LOVE INIWAN NA ANG CAVALIERS

Simula Hulyo 1 ay magiging free agent na si all-star power forward Kevin Love matapos niyang iwanan ang kanyang final year na kontrata sa Cavaliers. Ipinaalam ni Love, may natitira pang kontrata na nagkakahalaga ng $16.7 milyon para sa susunod na season, ang kanyang desisyon sa Cavs noong Miyerkules. Noong nakaraang Linggo ay sinabi ni General Mana­ ger David Griffin na inaasahan niyang iiwanan nina Love at superstar LeBron James at kanilang mga final year sa kontrata para maging free agents. Sinabi ni Griffin na inaasahan niyang mapapapirma sina James at Love para muling tulungan ang Cavaliers na makapasok sa susunod na NBA Finals. Natalo ang Cavaliers sa championship series laban sa Golden State Warriors.

Bunsod nito ay nagpahayag ng panghihinayang si Espina dahil kung ito ang criteria sa pagpili ng bagong PNP Chief ay malabo na ang pag-asang makasama pa ang isa sa mga dating top contender na si Deputy Director General Marcelo Garbo. Nakatakdang magretiro si Garbo sa darating na Marso 2016 kaya hindi ito pasok sa hanay ng mga pagpipiliang contenders habang si Constanino naman ay sa Hulyo 2016 pa, samantalang si Marquez ay sa Agosto 2016.

OPISYAL nang idineklara ng state weather bureau na panahon na ng tag-ulan. Ito ay kaugnay sa sunod-sunod na pag-ulan nitong mga nakaraang araw. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronimical Services Administration (PAGASA) na sa mga susunod na araw ay asahan na makakaranas ng malakas na pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas dahil sa low pressure area at southwest monsoon. Idinedeklara ang tag-ulan kung ang limang weather stations sa bansa ay nakakuha ng hindi bababa sa isang millimeter ng ulan sa tatlong magkakasunod na araw. “For the past few days nakita natin, may criteria kasi tayong tinitignan na na-satisfy nitong Linggo. Kung babalikan natin, noon pang nag-umpisa yung rainy episode na ito nun pang Miyerkules, na-satisfy ito nung Linggo,” wika ni Dr. Vicente Malano, officer-in-charge ng PAGASA.

Ang 29-anyos biktima na kinilala ni P/Supt. Federico Maranan ng Imus City PNP na si Jonathan Oldan, driver-cameraman ng CNN Philippines at nakaassign sa Department of Justice (DOJ) at Supreme Court. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, papasok na sa kanyang trabaho ang biktima nang abangan ng gunmen sa bahagi ng Bukaneg Street sa Barangay Pinagbuklod bandang alas- 5:15 ng umaga. Matapos na bumulagta ang biktima ay mabilis na tumakas ang gunmen patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Tinitignan rin ang angulo na may nakasagutan diumano si Oldan sa kanilang lugar bago naganap ang pamamaril.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUly 2015 I FIRST ISSUE

page 3

THIS MUST BE POP! including urban, dance, rock,Latin and country; nonetheless, there are core elements which define pop.

But what if POP becomes the most adorbs toy collection?

Funko is a pop culture licensed-focused toy company located in Everett, WA. Funko currently holds more than

150 licenses including, but not limited to; Lucas Films, Marvel, Hasbro, The Walking Dead, Game of Thrones,

DC Comics, NBA, Sanrio, and Disney. Funko’s Pop! Vinyl is the number one stylized vinyl collectible in the world

T

with over 10 million units sold in the last three years. h e t e r m P O P o r i g i n a l ly d e r ive s from an abbreviation of the word

“popular”. When it comes to music, POP is a genre which originated in the

Western world during the 50’s and 60’s deriving from rock and roll.

As a genre, pop

m u s i c i s e x t r e m e ly

eclectic, oftenly borrows elements

from other styles

Founded as a Bobblehead company in 1998 by Mike

Becker. In 2005, Becker sold Funko to its current owner,

Brian Mariotti who set his sights toward rapid growth in the licensed gift and novelty world and distribution.

At the recent TOYCON PH 2015 held at the Megamall

Megatrade Halls 1&2, for the first time FUNKO POP Asia

series Philippine Aswang was introduced as part of FUNKO's Legendary Creatures and Myths .

Also available is the mythical creature Hanuman from

India, and Monkey King from China

These limited editions of FUNKO Asia Legendary

Creatures and Myths are only available at the TOYCON PH 2015. So if you happened to grab yours, you are one lucky collector.

THE FIGHT FOR SAME- FILIPINO KID NAMED SEX MARRIAGE IS OVER GIFTED CHILD IN -- LOVEWINS SWITZERLAND

At the Steps of the U.S. Supreme Court, throngs of same-sex marriage couples and their supporters gave an emotional rendition of Star Spangles Banner and it took decades for them to fight for marriage quality, and finally they've won. In a 5-4 decision the court ruled the states cannot ban samesex marriage. President Barack Obama applauded the judges' decision and stated that "It's a victory for gay and lesbian couples who have fought so long for their basic civil rights. It's a victory for their children and whose families will now be recognized as equal to any other." The president added that the Supreme Court’s ruling affirms that all people are created equal; a founding principle of the United States. The U.S. is now the 21st country to legalize samesex marriage. Married same-sex couples are now given the same legal rights and benefits as married heterosexual couples all over the country, and will be recognized on official documents such as birth and death certificates. But not everyone is happy with the Courts decision, one of them is the republican governor of New Jersey Chris Christine, even stated that "Our job is going to be to support the law of the land, and that under the Supreme court's ruling is now the law of the land. But I don't agree with the way it's been done." Robert Bentley Republican Governor of Alabama also stated that "I think that this is an incorrect ruling. I honestly think it should be left up to the stated, if the government should be involved in marriage at all." Same-sex couples and their advocates are hoping this decision would immediately spark a wave of marriages all over the country. The culmination of this equal rights campaign come as polls indicate that most Americans now approve of same-sex marriage.

Robert Ramone Tesorero, an 11-year-old Filipino boy was recently featured in one of the two leading newspapers in Switzerland for being excellent in his grade 4 class. The interview of Robert Ramone Tesorero, son of the Philippine Embassy's Attache Harley Tesorero, was published on June 10 by Berner Zeitung. In the paper Lucia Probst interviewed Teorero's teacher who describe him as a gifted child. In the published article it was said that the boy was interested in Albret Einstien's Thoery of Relativity and wants to be a physicist. Tesorero's family arrived in Switzerland almost three months ago.

FIL-AM TEEN ARRESTED FOR PLOTTING TO KILL ON BEHALF OF ISLAMIC STATE OF LEVANT (ISIL)

Justin Nojan, a 19-year old Fil-Am teenager from North Carolina was arrested for allegedly attempting to provide material support to designate foreign terrorist organization Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL). Justin had plans to kill up to 1,000 US citizens on behalf of ISIL, according to the criminal complaint filed against him. An undercover FBI agent made contact with the FilAm teen earlier this month, following his father’s “911” call to request police assistance at the family’s residence, the complaint alleged. “I don’t know if it’s ISIS or what, but I come home and he’s destroying Buddhas and figurines and burning stuff in the house,” his father said in the call. “I mean, we are scared to leave the house,” Sullivan’s father added. In the background, the Fil-Am teenager could be heard saying, “[W]hy are you trying to say I am a terrorist?” the complaint stated. It further stated that the undercover agent discovered that Sullivan planned to kill a large number of US citizens with a semi-automatic rifle he planned to obtain on June 20 at the Hickory Gun Show in North Carolina. In Sullivan’s exchanges with the agent, the complaint alleged that the Fil-Am described himself as “a mujahid” and as a Muslim convert living in the eastern United States. He also allegedly discussed conducting attacks with a

The newspaper’s article was part of a series that focuses on gifted foreign children in Switzerland and why they excel compared to the locals. Philippine Ambassador to Switzerland Leslie Baja expressed his pride that a Filipino child was featured in the newspaper. "This only bolsters the fact that the Filipino, adult and child alike, can excel in any environment and circumstance he finds himself in," said Ambassador Baja.

firearm at a bar or concert, and thought about using biological weapons and setting off a gas bomb. Sullivan said he planned on conducting the attacks sometime between June 21 to 23, as his parents would be out of town at that time, according to the complaint. He also allegedly asked the agent to kill his parents and said he would send the agent money and their location. He also reportedly instructed the agent to “[j]ust kill a few people so that I know u are truthful…just shoot them leave… wear a mask do it at night,” according to the complaint. If Justin was found guilty, the maximum potential penalty for conspiracy to provide material support to a designated foreign organization is 20 years in prison and a $250,000 fine. “Justin Sullivan intended to commit violent acts against innocent people in the U.S. to support the terrorist organization, ISIL,” Special Agent in Charge John Strong said in a statement. “As demonstrated in this case, federal, state, and local law enforcement will work tirelessly to protect our communities from those who plot to carry out terrorist activities of any kind.”


pinoy community 4 page 4

Distributer: Publisher:

Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

stuffed grilled tilapia So, how easy it is to make your own grilled stuffed tilapia? Start out by buying the freshest tilapia cleaned from the Asian store (Like Asia Yaosho). Make sure to wash the fish using running water to make sure that it is clean and that the scales and other innards are completely removed. Then rub coarse salt all over the fish including the cavity. This gives the fish flavor and it can also make it last a bit longer, if you plan to cook it at a later time (you have to put it in a fridge or freeze it though if you plan to cook it after several hours). The stuffing is simply a mixture of chopped tomato, onion, scallion, and ginger. Add lemon juice to make it fresh tasting along with salt and pepper for extra flavor. Simply scoop the mixture into the cavity of the fish then you are ready to grill. Use a cooking oil spray to coat the outer part of the fish with oil. This will prevent the fish from sticking to the grill. If there are still scales, coating the fish with oil is not necessary. It will also be handy if you have a grilling basket for fish because you can easily flip the fish when needed. It also holds the stuffing and prevents it from falling-off while you grill. That’s about it. The next steps are all up to you. You might probably arrange this in a boodle fight manner with banana leaves, rice, and all the nitty gritty. You can also simply do this like I do — arrange in a large plate and serve in the middle of the dining table for the entire family to enjoy.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JU 2015 I FIRST ISSUE

INGREDIENTS 1 whole large tilapia, cleaned (scales and gut removed) 1 large plum tomato, cubed 1/4 cup chopped scallions 1 small yellow onion, cubed 1 teaspoon minced ginger 1/2 teaspoon garlic powder 1 tablespoon lemon juice 1/4 teaspoon ground black pepper 2 1/2 teaspoons course sea salt Cooking oil spray

INSTRUCTIONS Rub 1 1/2 teaspoons salt all over the fish. Set aside. Combine the tomato, onion, scallions, garlic powder, ginger, lemon juice, pepper, and remaining salt in a bowl. Mix well. Stuff the mixture in the cavity of the tilapia. Heat-up the grill. Once the grill is ready, spray a little cooking oil on both sides of the tilapia. This will prevent the skin of the fish from sticking on the grill. Grill each side of the tilapia for 10 to 12 minutes. Remove from the grill and arrange in a serving plate. Serve with your favorite dipping sauce. Share and enjoy!


tara-let's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUly 2015 I FIRST ISSUE issue SEPTEMBER 2014 SECOND

tara let's sa ILOCOS NORTE!

page 5

fruit. Mayroon silang hopia, siomai, spring roll, breadstick, suka, wine, tea, sabon at ang patok na patok nilang ice cream.

Kuha at teksto ni Jane Gonzales

Ang maganda sa paglalakbay sa Ilocos mapa-Sur or Norte ay marami kang madadaanan na tourist spots. Kagaya na lamang sa bayan ng Burgos at Bangui kung saan sulit na sulit ang road trip dahil magkakasunod lamang ang windmill, dragon fruit plantation, Kapurpurawan rock formation at Cape Bojeador. Biggest and first Dragon Fruit Plantation in the North Kailan lamang umusbong pero sikat na sikat na nang pasyalan ang 13-ektaryang REFMAD-V Farm na pagmamayari ni Ginang Edita Dacuycuy. Ang dragon fruit ay isa na sa maipagmamalaking prutas na tumutubo sa Pinas ngayon kahit na nagbuhat pa ito sa South America. Maliban sa ang plantasyon ay nakapagbibigay ng sapat na kaaalaman tungkol sa health benefits ng dragon fruit, masarap ding tumigil dito. Una ay dahil may mga kabana rito para sa mga gustong mag-overnight, swimming pool para sa mga gusto munang mag-relax at kainan. Sa restaurant o tindahang bahagi ng REFMAD ay matitikman ang iba’t ibang produkto o pagkain na nalikha ni Gng. Dacuycuy sa dragon

Ang dragon fruit farm ay nasa Brgy. Paayas, Burgos. Rustic Lighthouse, Cape Bojeador Panahon pa ng mga Kastila nang simulang itayo ang Cape Bojeador na idinisenyo ni Magin Pers y Pers noong 1887 at ipinagpatuloy naman ni Engr. Guillermo Brockman ng Lighthouse Service bandang 1890. Kung tutuusin ay may kasikipan ang daan paakyat sa nabanggit na lighthouse, subalit hindi pa rin pinapalampas na bisitahin ito ng mga turista. Madalas ay nakapinid na ang pinakapasukan ng parola pero noong napasok ko ito ay makalawang sa loob at kapansin-pansin na ang kalumaan nito, subalit nagagamit pa rin at nakapagbibigay-liwanag. Ito ay nagsilbing gabay ng mga mandaragat noon pang 1892. Ang lighthouse ay naideklara na bilang National Historical Landmark noong Agosto 13, 2004 at National Cultural Treasure noong Hunyo 20, 2005. Samantala, kahit nakapinid ang daan paakyat sa Cape Bojeador, maganda pa rin itong background para sa pagpapakuha ng larawan. Isa rin sa naiibang katangian ng parola ay ang pagiging elevated nito o nasa itaas na bahagi ng Burgos. Kaya naman kahit nasa paligid ka lang lighthouse ay marami ka ng matatanaw sa ibaba at presko ang simoy

ng hangin kahit pa mainit ang sikat ng araw. Mababagtas ang Cape Bojeador sa kahabaan Maharlika Highway sa Brgy. Paayas, Burgos din. Kapurpurawan Rock Formation Hindu naman nalalayo sa Cape Bojeador ang Kapurpurawan rock formation. Pero kung libre ang entrance sa REFMAD farm at lighthouse, dito ay may bayad. Subalit ito naman ay para sa paglalakbay mula sa mabatong pampang Kapurpurawan beach patungo sa pinakasentro ng aktraksyon nito. Sulit din naman ang pagsakay sa kabayo patungo sa malalaking rock formation dahil sa nakakamanghang tanawin. Ilan nga raw sa nag-shoot dito ay sina Bong Revilla at Vic Sotto. Bangui Windmill

Isa sa pinakamadaling makita, kung ‘di man matuntunan kaagad, ay ang Bangui Windmill o Wind Farm dahil sa 50-metrong taas bawat isa nito ay imposibleng ‘di matanaw sa Brgy. Burgos. Mayroong 15 windmill na ito ay kayang makapag-produce ng 33-megawatt (MW) at proyektong itinayo ng NorthWind Power Development Corp. Ito ay nasa bahagi na ng Bangui at maaaring madaanan bago tumungo sa Pagudpud na kilala sa maalon at malinis na dagat nito. Bukod sa mga nabanggit ay marami pang maipagmamalaki at interesanteng puntahan sa Ilocos Norte. Tara Let’s sa Ilocos!


pinoy na pinoy 6 page 6

Leo - July. 23 - August. 22

Sakyan mo ang panukalang ideya at alok na oportunidad sa iyong paligid. Isa-isahin mo kung alin ang nababagay sa iyong istilo at pagkatao, gayon din naman ang interesanteng subukan. Subalit, maging maingat ka rin pagdating sa usaping kontrata at transaksyon. Mahirap din naman ang magpadala sa puro berbal na usapan at kapabayaan na sa bandang huli ay magpapahamak sa iyo. Sa kabuuan ay magiging masaya ang paglalakbay mo sa larangan na iyong papasukin kung alam mong pamahalaang mabuti.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Balikan mo ang pinakapundasyon ng iyong paniniwala, kung alin ang tama at makakabuti. Hindi ka naman mahihirapan pagdating sa suporta ng iyong mga kaibigan, pamilya at kakilala. Kailangan mo lang tandaan na kapalit nito ay pagtatayaga at pangiti sa mga pagsubok. Di naman siempre puwedeng sa suporta ka lang nakasandal dahil sa bawat laban ay positibo at negatibo rin naman. Lagi mong iisipin na para sa iba at lalo na sa iyong sarili ay kailangan mong patunayan ang iyong kakayahan.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Masyado kang abala para bigyang pansin at halaga pa ang mga usaping hindi naman makakabuti. Sa halip na sayangin ang iyong oras at enerhiya sa tsismisan, pagtuunan mo ang iyong kakayahan sa pagtatrabaho o pagnenegosyo. Sa halip na away at kumpetisyon, manghalina ng kasama na makakatuwang mo na magpapalago ng iyong gawain. Hindi ka naman mahihirapan pagdating sa bagay na ito, lalo na sa aspeto ng promosyon at pagbebenta dahil sadyang may karisma ka sa pangungumbinsi.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Ang hirap itapon ng pride pero minsan kailangan mo ring magising sa katotohanan na may nagawa ka noon na posibleng hindi tugma sa ginagawa mo ngayon. Huwag kang mahiya o manghinayang na iwan ang posisyon na hindi mo na kayang gampanan. Baka nga dahil sa iyong pagmamatigas ay may mas magaganda kang oportunidad na pinapalagpas. Dagdag pa rito ang ideya na kailangan mo na ng bagong proyekto na iyong pagyayamanin at maipagmamalaki.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Magkaroon ka nang totoong plano. Iyong tipong kaya at gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya para maisakatuparan ito. Huwag mong gayahin ang ilan na marami ngang plano at pangarap pero kulang sa naman sa gawa. Dagdag pa rito ay kung nakikita ng mga tao ang iyong interes at pagsisikap ay kusa na silang magbibigay suporta sa iyo. Kung nais mong mag-aral at maglakbay para pagpapayaman ng iyong kaalaman, ipursige mo. Bago ka tulungan ng ibang tao, dapat tinutulungan mo rin ang iyong sarili.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Minsan parang nagiging sagabal ang pagiging mabusisi mo pero sa bandang huli ay laking tulong nito sa iyo. Iwasan mo ang pakukumpara sa bilis at trabaho ng iba dahil magbubunga rin nang mainam ang iyong sipag. Gayon din naman, bawasan mo ang sobrang pag-aanalisa ng bagay-bagay at pagkatao ng iba. Makakahinga ka nang maluwag kung hindi ka masyado umaasa na dapat ay perpekto ang lahat sa iyong paligid. Isipin mo rin ang bawat kakayahan ng ibang tao na siyempre ay hindi pare-pareho.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUly 2015 I FIRST ISSUE

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Dahil sa isang simpleng desisyon ay naapektuhan ang nakalatag mo nang mga plano. Huwag kang padala sa inis at pagkadismaya. Hahayaan mo na lang ba na matapos ang araw mo na negatibo dahil sa isang bagay at pangyayari? Bagaman naiinis ka, piliin mong mag-move on kaagad para huwag magtagal ang iyong paghihirap at marami ka pang magawa. Marami namang bagay na sadyang nakakairita pero wala naman masama o mabigat ang epekto sa iyo kung hindi mo palalakihin ang isyu.

Pisces - Feb. 20 - March. 20 Hindi lahat ng pagkakataon ay nakakasama ang hindi pagkakasundo. Puwede rin itong maging daan para ipaunawa ang isyung hindi na nabibigyan ng pansin pero nagbabadyang sumabog. Mabuting malaman ang problema at bigyaan kaagad ng solusyon. Ang mahalaga ay maging bukas ang isipan ng bawat isa at hindi magpadalos-dalos sa iyong violent reaction.

Aries - March. 21 - April. 20 Hanggang maaari subukan mong makisama at palawigin pa ang iyong koneksyon. Makakatulong ito para matama ang mga una mong nagawang pagkakamali at hindi magandang impresyon ng ibang tao sa iyo. Subukan mong lawakan ang iyong isipan at tatagan ang loob sa mga kritisismo na iyong natatanggap. Kapag nalagpasan mo ito ay tiyak naman mas mauunawaan mo pa ang iyong sarili at ano ang epekto mo sa ibang tao.

Taurus - April. 21 - May. 21

Parang nakaka-intimidate minsan pero bagay sa iyo na makisama sa mga taong agresibo at positibong tuparin kaagad ang kanilang mga ideya. Madadala ka rin kasi nila para gawin naman ng paraan ang mga bagay na palagi mo na lang isinasantabi kasi wala kang lakas ng loob para isakatuparan. Subukan mong pagyamanin ang iyong sarili nang hindi ka kinakailangan pang dumepende sa tulak ng iba. Dapat na nanggagaling sa iyo mismo ang inisyatibo dahil ikaw din naman ang tatrabaho, maghihirap at sa bandang huli ay makikinabang at magtatagumpay.

Gemini - May. 22 - June. 21 Mahaharap ka sa puntong aatras ka ba o tutuloy para lumaban? Malaking bagay ang masusi mong pag-aanalisa at pagplano bago ka umaksyon sa iyong mga ideya. Kung pipillin mo na ipursige ang iyong balak gaano man ang mga ito kahirap o imposible, maaaring sa pamamagitan nito matapos ang siphayo at pagdili-dili sa iyong hinaharap. Tatagan mo ang iyong loob na tanggapin ang sinasabi sa iyo ng kritiko at tingnan ang katotohanan ng mga ito. Kung hindi naman totoo, huwag pansinin at kung oo, gawan mo ng paraan na unting-unting magbago para na rin sa iyong kabutihan.

Cancer - June. 22 - July. 22

Mararamdaman mo na lamang na kailangan mo na talaga nang pagbabago sa takbo ng iyong hanap-buhay. Puwedeng-puwede naman basta maging bukas ka sa pagtatama ng iyong maling gawain at pananaw sa buhay. Sumangguni sa kilalang eksperto o dumalo sa ilang pagsasanay para mahasa pa ang iyong mga talento. Ang pagkakaroon nang sapat at tamang kaalaman ay magpapaunlad ng iyong sarili, bagay na magpapabuti sa iyong trabaho, pananalapi at negosyo.


pinoy-BiZz JUly 2015 I FIRST ISSUE

ni phoebe doroth

page 7

y estelle

EXPRESS: RONNIE RICKETS SANGKOT SA KASONG KATIWALIAN Isang babala sa mga artistang gustong magkaroon ng posisyon sa gobyerno na hindi biro ang ganitong trabaho. Sa ngayon ang may mainit na isyu ay ang ang sinuspendeng Optical Media Board (OMB) chairman na si Ronnie Rickets. Kung dati ay tahimik ang kanyang buhay-artista, ngayon ang kilalang action star noong ‘90s ay may kasong graft sa Office of the Ombudsman. Ang dahilan nito ay ang nakumpiska ng pirated DVDs and VCDs ng grupo nito sa Sky High Marketing Corporation noong Marso 27, 2010. Ayon sa testimonya ng isang testigo at isinagawang imbestigasyon sa pangyayari, nag-raid umano ang pangkat nina Rickets sa Sky High sa Quiapo, Manila. Nakakulimbat sila ng 2 sako at 127 kahon-kahong piniratang DVDs and VCDS. Subalit ayon sa salaysay ng saksi ay kinagabihan din daw noon ay nag-utos si Ronnie na ilabas ang mga nakuhang produkto at ibalik sa Sky High. Dagdag pa ng testigo ay sa sasakyan pa nga ng nasabing kompanya isinakay ang mga VCDs and DVDs. Napag-alaman din Ombudsman na hindi sinampahan ng OMB ng kaso ang ‘di umano’y namimiratang kompanya. Sa panayam ng GMA News sa abogado ni Ronnie na si Atty. Numeriano Rodriguez, kumpiyansa ang aktor na maabswelto sa kaso. Ang ipinapangamba lamang daw nito ay ang kaniyang pamilya partikular na ang mga anak nila ni Mariz. Si Mariz ay dating TV and Movie star na mas nakilala na isa sa mga lady host ng GMA Supershow ni German Moreno. “We can no longer discuss the merits of the case because everything is already sub judice. But we believe he (Ricketts) is innocent,” saad pa ni Atty. Rodriguez sa gmanews.com

PIOLO ATAT MAKASAMA ULIT SI JUDAY

Out of the blue ay nag-post kamakailan si Piolo Pascual ng picture nila ni Judy Ann Santos. Matatandaan na ang dalawang premyadong artista ay isa sa pinakasikat na love team ng kanilang henerasyon. Subalit , hindi lamang nagtagal ang kanilang tambalan kundi nabalitang nagkaroon din ng gap ang dalawa. “So great to see the person that gave me my biggest break in showbiz... I’ll always be indebted to your kindness... Congrats on another blessing ;) Sana makawork kita uli @officialjuday,” mensahe sa Instragram ng aktor. Ang larawan ng dalawa ay kuha sa backstage sa ASAP 20 noong June 21. Sa panayam ng Bandila, sinabi ni Juday na handa naman siyang makatrabaho uli ang kanyang partner sa mga pelikulang Till There Was You, Don’t Give Up on Us at Bakit Di Totohanin. “If it happens, it happens. With the right time and the right project, wala naman imposible,” sabi ni Judy Ann na buntis ngayon sa pangatlong anak nila ni Ryan Agoncillo.

Ang iba pang akusado sa nasabing kaso ay sina OMB executive director Cyrus Paul Valenzuela, OMB Enforcement and Inspection Division (EID) head Manuel Mangubat, EID investigation agent Joseph Arnaldo at EID computer operator Glenn Perez. Noong Hunyo 26 ay nagpiyansa na agad ng Php30,000 si Rickets sa Sandiganbayan para unahan na rin ang nakaambang warrant of arrest laban sa kanya. “The respondents unlawfully and criminally gave unwarranted benefit, advantage and preference to Sky High by not filing against the said company the appropriate charges under Republic Act 9239 or the Optical Media Board Act of 2003 causing ‘damage and prejudice to the government and to the detriment of public interest.’ “This is to certify that a preliminary investigation has been conducted in this case; that there is sufficient ground to engender a well-founded belief that the crime charged has been committed and that the accused are probably guilty thereof,” pahayag sa sertipikasyon ng kaso laban sa OMB chairman na nakalap ng entertainment site Pep.ph. Maliban kay Ronnie, ang OMB ay pinamahalaan din noon nina Sen. Bong Revilla at Edu Manzano. Sa ibang banda, ilan pang artista tumuloy sa pagiging public official at nasangkot sa pandaraya ay sina Joey Marquez ( noong mayor pa ito ng Paranaque) , George “ ER Ejercito” Estregan Jr., Sen. Revilla at Sen. Jinggoy Estrada. Nasa pagiging dating artista ba ito, nagkataon lang o tamang pagtupad sa serbisyo? IMPRESS: KA-LOVE TRIANGLE NI KATHRYN KAY DANIEL, NEWBIE ACTRESS Da hi l sumi ka t n ga n oon a n g Pa n g a k o s a I yo ay inaabangan kung sino ang bagong aktor na gaganap sa mga pamosong karakter dito. Isa na nga rito ang katauhan ni Bea Bianca na naging role noon ni Vanessa Del Bianco. Subalit sa halip na sa isang sikat na homegrown talent ng ABS-CBN ay sa isang new actress ito ibinigay at ito ay walang iba kundi kay Sarah Carlos. Umabot din umano sa 200 ang nag-audition sa role at anim ang natira para huling pagpilian. Si Sarah na isang

accounting student sa San Beda College ay ang nagkamit ng role dahil sa wala niyang pag-aalinlangan sa role. “We asked her if okay lang ba siya magpa-sexy, to wear bikini, swimsuits. Kung ayaw niya ma-bash ng mga tao kasi third wheel siya sa KathNiel love team. Think about it,” sabi ng award-winning director. “Among the six, siya na ‘yong ayaw mag-isip, she was already ready.” Ang Pangako Sa Iyo ay unang pinagbidahan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa at ngayon naman ay ginagampanan ng mag-love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nakakapagtaka na sa dami ng artista ng Dos ay kumuha pa sila ng bagong artista. Subalit, maganda rin ang kanilang hakbang na bigyan naman ng pagkakataon na mag-artista at willing na magpaka-artista at hindi puro kaartehan lang. EXPRESS: TALENTS PANALO SA KASO LABAN SA GMA Isang taon din ang itinatagal ng kasong hinain ng Talents Association of GMA (TAG) laban sa GMA Network tungkol sa kanilang regularisasyon bilang manggagawa. Pero ibinalita kamakailan ng TAG President na si Christian “Bowe” Cabaluna na pumabor sa kanila ang desisyon ng National Labor Relations Commission (NLRC). “Judgment is hereby rendered, declaring complainants [names of complaints] as regular employees of GMA Network Incorporated, and as such, are entitled the security of tenure and all benefits and rights appurtenant thereto,” saad sa inilabas na pahayag ng NLRC. “The employment status of a person is defined and prescribed by law and not by what the parties say it should be,” dagdag pa sa resulosyon. Ang 107 complainants mula sa TAG na may itinagal na ng 6 hanggang 15 sa kumpanya ay nagpetisyon sa GMA para maregular. Matatandaan din na nagkaroon ng mass lay off sa regional stations ng GMA noong Abril. “As a group advocating for the labor rights of media workers in the Philippines, we consider this a very important milestone for the media industry and we hope that this sets a precedent for other labor issues across all media companies in the country,” pahayag na TAG sa INQUIRER.net Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang GMA management tungkol sa isyu. Sabi nga ni Atty. Jose C. Sison ay “Kapag May Katwiran, Ipaglaban mo.

MARIA OZAWA TEAMS UP WITH THE BAD BOY OF THE PHILIPPINES

Tila mapapadalas pa ang pagbisita sa Pilipinas ng Japanese DJ na si Maria Ozawa. Noong Abril ay nag-pictorial ito para sa FHM at naging cover feature ito nitong June issue ng nasabing men’s magazine. Gayon din ay nagpaunlak si Maria para sa isang interview ng local radio show. Pero ang masasabing big project so far ng dating AV star sa Pinas ay ang horror film na Nilalang kung saan makakatambal niya ang tinaguriang Bad Boy of the Philippines na si Robin Padilla. Ang Nilalang ay isa sa official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at nakatakdang ipalabas sa Disyembre. Sa movie ang karakter ni Maria ay isang babaeng bahagi ng

isang grupo ng sindakato sa Japan na nakikipagsabwatan sa mga tiwaling pulis sa Pinas. Bukod sa pagsasanay ng pagsasalita sa Filipino ay may training na rin ito sa martial arts para sa kanyang role. Sa panayam ng press sa 29-taongdalaga sinabi niyang excited na siyang makatrabaho si Robin at sa kanyang pagkakilala rito iniidolo ito ng maraming Pinoy. “ H e ’ s l i ke a n i d o l h e re i n t h e Philippines, right? And number one in everything. I’m really pumped up,” saad ni Maria sa panayam sa kanya ng Rappler.com Naging madalas na tanong kay Maria ay bakit iniiwan nito ang industriyang

nagpakilala sa kanya. Halos limang taon na rin kasi mula nang ito’y magretiro sa paggawa ng adult videos at sinusubukan ang kanyang galing sa ibang larangan. Ayon sa kanya mahirap ang transition para sa kanyang karera pero handa siyang tumanggap ng acting projects, nakaka-excite umano pero nakakakaba. “This is the beginning of my projects in the Philippines,” ani Maria sa Rappler. “In Japan, it’s really hard to be in television when you’re doing porn first. Things I can’t do in Japan, I’d love to do it here.” Ang Nilalang or The Entity ay nakatakda ring ipalabas sa Japan.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.