Pinoy Chronicle Second Issue July

Page 1

SPECIAL FEATURE SECTION

Daloy BEEF KayumanggiASIAN WITH FOOD TRIP AT HOME

Impormasyon ng Pilipino

MUSHROOM

Sirloin steak is the perfect meat for this recipe. Flank steak is also a good beef cut to use because both are tender. CONTINUE ON PAGE 4

SPECIAL FEATURE

TARA LET'S EAT

SUGAR BEETS:

LET'S GO TO ANTIPOLO

THE HEALTHIER SUGAR INTAKE

Sugar is the generalized name for sweet, short-chain, soluble carbohydrates, many of which are used in food.

Kung noon ang dinadayo sa lungsod ng Antipolo ay ang sikat nilang talon, ang Hinulugang Taktak kung saan nagkaroon pa ito ng awitin.

CONTINUE ON PAGE 3

CONTINUE ON PAGE 5

THE PINOY CHRONICLE

PINOY LOCAL P.2

PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5

WEEKLY HOROSCOPE P.6

PINOY SHOWBIZ P.7

FLOYD MAYWEATHER JR. BINAWIAN NG WBO TITLE

CONTINUE ON PAGE 2 hernando iriberri bagong afp chief of staff Hinirang na bagong AFP Chief of Staff si Army Chief Lt. Gen. Hernando Iriberri kaugnay ng iniwang pwesto ni Gen. Gregorio Catapang Jr bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff. Noong nakaraang Biyernes ay nagretiro na si Catapang kung kaya’t nakatakda nang ipasa nito ang kanyang pamumuno sa 125,000 sundalo ng bansa sa papalit sa kanya. Miyembro ng Philippine Military Academy class ’83 ang bagong AFP Chief, kung saan pinamunuan niya ang 7th Infantry Division sa Nueva Ecija at 503rd Brigade sa Abra. Pinuri naman ni Pangulong Benigno

http://s.newsweek.com/sites/www.newsweek.com/files/2015/07/07/mayweather.jpg

Aquino III si Ibrerri dahil sa maayos na eleksyon sa Abra noong 2013. Nagsilbi ring tagapagsalita ng Army si Iriberri para kay Defense Secretary Voltaire Gazmin na noo’y Army chief noong 2000. Siya rin ang senior military ni Gazmin noong 2010.

EXCLUSIVE! Q&AWITH MR. DINgDONG AVANZADO CONTINUE ON PAGE 7

ikalawang kaso ng mers-cov kinumpirma Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ikalawang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERSCoV) sa bansa. Isang 36-anyos na dayuhan na galing Middle East ang dinala sa DOH matapos magpakita ng mga sintomas ng sakit. Dinala ang biktima sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) sa lungsod ng Muntinlupa ito matapos magpositibo sa nakamamatay na virus. “Agad pong rumesponde ang pasyente at nailipat sa Research Institute of Tropical Medicine. Kasalukuyan siyang binabantayan,

stable and very cooperative,” ayon kay Health Secretary Janette Garin. Samantala, nagpaalala si Garin sa publiko na huwag mag-panic dahil sa ikalawang kaso ng MERS-CoV. “Ipinapaalala po natin sa publiko na walang documented community transmission ang MERS,” wika ng health secretary. Dagdag niya na naipapasa lamang ang sakit sa pamamagitan ng close contact sa pasyente. Unang naitala ang kaso ng MERS-CoV nitong Pebrero matapos bumalik ng bansa ang isang nurse mula Saudi Arabia. Gumaling din ang naturang nurse, habang hindi naman niya nahawaan ang 11 kataong kasama niya sa bahay.

DID YOU KNOW? PINOY NA PINOY: YOUR WEEKLY HOROSCOPE

July 2015 Second Issue

Free Newspaper


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUly 2015 I second ISSUE

page 2

PRIVATE FILIPINO VOLUNTEERS OFFER FEEDING PROGRAM FOR KIDS CALLED "BATANG RILES"

U

so pa rin ang bayanihan para sa mga Pinoy at mananatili ito kahit pa sa anumang antas at kung nasaan man ang mga magkababayan. Ito ang pinatunayan ng matagumpay na feeding program ng Humanist Alliance Philippines, International (HAPI) na ginanap sa 7-C Alabang, Muntinlupa City nitong Hulyo 12, kung saan napasaya ang mga kabataan na tinaguriang Batang Riles.

M

cover story

Sa pangunguna ng volunteers ng HAPI na nagmula pa sa iba’t ibang lugar ay nairaos na muli ang feeding program na isa sa pangunahing gawain nito. Mahigit-kumulang na 500 kabataan din na may edad isa hanggang 18-taong gulang nabusog sa hinandang pagkain ng grupo. Ayon sa isa sa HAPI volunteer and sponsor, ilan sa mga kapus-palad na Batang Riles ay may mga magulang na tindera sa bangketa, walang mga trabaho at naligaw ng landas. Sabi naman ni Jamie Martinez, officer in charge para sa feeding program, marami ang nakukuha nilang tulong lalo na mula sa Feeding Metro, Bantay Bata, and Soul Food Saturdays. Ang program ay maganda umano dahil na rin sa madalas na kinakain ng mga batang riles ay junk foods o iyong walang mga sustansyang pagkain. Samantala, hindi rin naman basta-basta ang pinagdaanan ng mga volunteer dahil kailangan pa nilang sumakay sa padyak o uri ng karitela na de gulong na pinapaandar sa riles at dumaan sa mga barong-

atapos hindi makapagbayad ng $200,000 na sanctioning fee si Floyd Mayweather Jr sa World Boxing Organization ay nagpasya ang pamunuan na bawiin ang WBO welterweight title na nakuha niya mula sa laban nila ni Manny “Pacman” Paquiao noong Mayo 3. “The WBO world championship committee is allowed no other alternative but to cease to recognize Mr. Floyd Mayweather Jr. as the WBO welterweight champion of the world and vacate his title for failing to comply with our WBO regulations of world championship contests,” ayon sa resolusyon ng WBO. “The WBO has the utmost respect for Floyd Mayweather Jr. and all that he has accomplished during his storied career,” the WBO added in its resolution. “Mr. Mayweather has always agreed with and understood that world championships have both privileges and responsibilities and that status as WBO champion is subject to and conditioned on compliance with the WBO rules and regulations.” Pagkatapos talunin ni Mayweather si Pacquiao ay sinabi nito na bibitawan niya ang kaniyang mga hawak na belt upang bigyan ng pagkakataon ang mga bagong boksingero na mahawakan ito. “I don’t know if it will be Monday [May 4] or maybe a couple weeks. I’ll talk to my team and see what we need to do. Other fighters need a chance. Give other fighters a chance. I’m not greedy. I’m a world champion in two different weight classes. It’s time to let other fighters fight for the belt,” pahayag noon ni Mayweather. Ngunit nagbago ang tono ni Mayweather noong maglaban sina Timothy Bradley Jr. at Jessie Vargas para sa bakanteng welterweight title. Hiniling ng WBO kay Mayweather na magbayad at bakantehin ang dalawa niyang middleweight titles sa WBC at WBA dahil taliwas ito sa patakaran ng organization na humawak ng magkakaibang titulo sa magkakaibang weight class.

barong bago makapaghatid ng tulong. “We prepared pancit, adobong manok at kanin na may salted eggs. Bawal ang baboy kasi mayroon Muslim families sa area,” saad ni Mary Grace Muniz na isa rin sa nagpundo para sa feeding program kasama sina Mira Paslon. Agustina Torres at HAPI pres. Marissa Torres Langseth. Ang HAPI ay may iba’t ibang chapter gaya sa Metro Manila, Metro Cebu, Baguio, Bicol, Bacolod, Leyte, CDO/ Northern Mindanao, USA East Coast, USA West Coast, Belgium, Singapore, Qatar, at UAE. Ito ay itinatag noong Disyembre 25, 2013 at inilunsad noong Enero 1, 2014. “We envision a happy world lifted from ignorance, famine, and poverty in general,” isa sa nakasaad na misyon ng grupo.

2 PATAY INIWAN NG BAGYONG EGAY AT FALCON Umabot ng dalawang katao ang namatay sa hagupit ng magkasunod na bagyong Egat at Falcon. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isa mga nasawi ay kinilala na si John Kevin Jacinto, 19 anyos at ang isa naman ay isang Korean national na hindi pa nakikilala. Ang sanhi ng pagkamatay ni Jacinto ay nang madulas at mahulog ito sa isang riprap na may rumaragasang tubig sa lungsod ng Quezon. Sa San Juan River na natagpuan ang kaniyang katawan nitong kamakalawa. Samantala, nalunod din ang Korean

LEBRON JAMES MANANATILI SA CLEAVELAND CAVALIERS

Nagkasundo ang pamunuan ng Cavaliers at si Lebron James para ikasa ang bago niyang two-year contract na nagkakahalaga ng $47 million. Bagama’t matagal nang sinabi ni James na hindi na niya iiwan ang Cavaliers at bago nakipag-usap sa pamunuan ng koponan ay nagbakasyon muna sa Bahamas kasama ang mga malalapit na kaibigan na sina Dwyane Wade, Chris Paul at Carmelo Anthony Ito ang unang pagkakataon mula 2006 na pi­pir­ma uli ng bagong kontrata si James sa isang koponan. Sa dalawang naunang pagkakataon ay naging free agent na si James. Pagkatapos ay lumipat sa ibang koponan at pinili niya ang Miami mula sa Cleveland noong 2010 at noong 2014 ay bumalik sa Cavaliers. Sa paglalaro uli ng 30-anyos na si James ay nabitbit niya ang Cavaliers mula sa pagiging isang lottery team tungo sa koponan na lumaban sa titulo. Kinapos lamang ang Cleveland dahil ta­ nging si James ang nasa kondisyon habang ang ibang sinasandalan na sina Kevin Love at Kyrie Irving ay sinalanta ng injury para matalo sa Golden State Warriors. Bigo man ay naitala ng dating MVP ang pinakama­bangis na statistics sa kasaysayan

national sa Lapu-Lapu, Cebu noong Huly 5, ngunit Hulyo 7 na natagpuan ang kaniyang bangkay sa Hinisulan, San Francisco, Camotes, Cebu. Dinala naman sa University of Cebu Medical Hospital ang dalawa pang kasama ng Koreana. Matinding buhos ng ulan ang dinulot ng bagyong Egay at Falcon na magkasunod pumasok ng bansa. Ilang araw na pasok sa eskwela at trabaho na rin ang inanunsyo dahil sa pagbabaha. ng isang NBA Finals na 35.8 puntos,13.3 rebounds at 8.8 assists. Si Love ay pumirma uli ng bagong kontrata na tatagal sa loob ng limang taon na nagkakahalaga ng $113 milyon. Samantala, kinuha na ng Los Angeles Lakers ang beteranong 7’2 center ng Indiana Pacers para dagdagan ang puwersa sa ilalim. Naghatid si Roy Hibbert ng 11.1 puntos, 6.8 rebounds at 1.9 blocks average sa pitong taong paglalaro sa Pacers. Siya ay isang All-Star noong 2012 at 2014 at naihatid ang Indiana sa dalawang Eastern Conference finals. Naunang pinag-interesan ng Lakers sina LaMarcus Aldridge, DeAndre Jordan at Greg Monroe na napunta sa ibang koponan.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUly 2015 I second ISSUE

page 3

SUGAR BEETS: THE HEALTHIER SUGAR INTAKE Sugar is the generalized name for sweet, short-chain, soluble carbohydrates, many of which are used in food. They are carbohydrates, composed of carbon, hydrogen, and oxygen. There are various types of sugar derived from different sources. Simple sugars are called monosacharides and include glucose (also known as dextrose), fructose and galactose. Sugars are found in the tissues of most plants, but are present in sufficient concentrations for efficient extraction only in sugarcane and sugar beet.

Sugarcanes vs Sugar beets

Sugarcanes are large stalks t h a t g r o w a b o ve g r o u n d in warm and tropical climates, according to Purdue University. The cane is harvested by burning the leaves from the stalks, then cutting the stalks down. Then the cane goes to a refinery, chopped and crushed to separate the juice from the pulp. The juice is filtered and then water is removed in an evaporator, leaving a thickened cane syrup. The syrup is heated and crystals start to form. Crystals -- which will

become white table sugar -- are separated from the remaining liquid -- which will become molasses. Molasses is added back in the refined sugar to produce brown sugar. But to make white sugar, the crystals is heated one last time and then bleached with a chemical agent to make them white. While sugar beets grow underground and are harvested and processed differently, explains Purdue University. After being removed from the ground, they are washed, sliced and then put into a diffuser. In the diffuser, water helps extract raw sugar juice; then the slices are squeezed to remove any remaining juice. Calcium hydroxide, sulfur dioxide and carbon dioxide are added to create crystals and lower the pH of the sugar juice. Then much of the chemicals are filtered out. The juice is boiled to help separate molasses, water and sugar crystals, then the crystals are dried and ready for use. Therefore, added sugars contribute to weight gain, which leads to obesity. Obesity raises your risk of a number of serious health problems that include high blood pressure, diabetes, high cholesterol and cardiovascular disease. Remember that 4 grams of sugar is 1 teaspoon; when you read the nutritional facts for a 20-ounce soda that contains 65 grams of sugar, that’s just over 16 teaspoons of sugar. Imagine eating 16 teaspoons of white table sugar -- 260 empty calories that don’t provide any nutrients. In moderation, sugar can be part of a healthy diet, but the majority of your calories should come from complex carbohydrates -- vegetables, whole grains, fruits and legume -lean proteins and healthy unsaturated fats, as recommended by the USDA Dietary Guidelines 2010. That is why, stay-at-home mom and baker at the same

time Mommy Amy Fetizanan prefers sugar beets as an alternative source of sugar when it comes to her lip-smacking, mouth-watering and delectable nutritious cakes. Having history of diabetes in the family made Mommy Amy so conscious of what food to serve. If its healthy or not. But it breaks her heart seeing her loved ones being deprived with these sweet indulging desserts. “I want to create this product because I want to help out those people who want to eat desserts but unfortunately unallowed because of their condition.” One of her inspirations to create a sugar-free/guilt-free chocolate cake is her mother-in-law who passed away because of diabetes. Mommy Amy remembered how her mother-in-law would crave for sweets, but she can’t have one. Through research and unending trial and error to perfect her healthy creation, she was able to create her very own sugar-free Ampalaya Chocolate Cake. The chocolaty taste is really devilishy good without the bitter-taste of Ampalaya. You wouldn’t even know that it’s the highlight ingredient. Aside from the indulging Choco Ampalaya Delight Cake, she has also created varieties of sugar-free cakes that kids will surely love and all the adult who are on the watch of their sugar intake. For more tempting BUT healthy and nutritious desert visit Amy’s Fruit and Vegetable Cakes on Facebook https://www.facebook.com/amysfruitnvegecakes

THE SUN WILL NOD OFF BOBBY RAY PARKS JR. HAS A NBA IN 15YRS - ACCORDING POTENTIAL -- MARK CUBAN TO SCIENTIST THEORY Bobby Ray Parks Jr. played a well and not so nervous”

The brigthest star of them all could nod off by 2030, trigging what other scientist are describing as "Mini Ice Age." At the Northumbira University, Professor Vlentina Zharkova presented a frigid findings at the National Astronomy Meeting in Llandudno, Wales. Zharkova's model was able to predict the solar cycles with much greater accuracy, the solar activity will drop by more than half between 2030 and 2040. Solar activity was thought to be caused by a turbinesystem of moving fluid within the sun. In search of a more accurate system of prediction, Professor Zharkova and her team discovered fluctuating magnetic waves in two layers of the sun. By studying the data of the dual waves, she says, predictions are far more precise. “Combining both waves together and comparing to real data for the current solar cycle, we found that our predictions showed an accuracy of 97 percent,” said Zharkova, whose findings were published by the Royal Astronomic Society. With this method she and her team discovered that there will be far less solar activity in sun cycles 25 and 26, leading to a prolonged period of solar dormancy. According to Zharkova, “In cycle 26, the two waves exactly mirror each other -- peaking at the same time but in opposite hemispheres of the Sun. Their interaction will be disruptive, or they will nearly cancel each other. We predict that this will lead to the properties of a ‘Maunder minimum’.” The Maunder Minimum is the title given to periods of time when sunspots are rare. It last occurred between 1645 and 1715, when roughly 50 sunspots were recorded, as opposed to the standard 40,000. That time was marked by brutal, river-freezing temperatures in Europe and North America.

three minutes life changing basketball game in his carreer and he did made a quite impression on Mavericks owner Mark Cuban in the first Dallas Mavericks game of Samsung's NBA Summer League 2015. According to Cuban, “I think he did very well, You can tell that he was really, really nervous. He had fellow countrymen there watching him there that made him more n e r vo u s b u t h e ’ s g o t N B A potential. He’s going have to work hard. Give him time just to acclimate. I think he did really

Cuban was also surprised about the Filipinos in the audience who supported Bobby Ray Parks Jr. Cuban also added, “Look we talk about loving basketball in the United Sates but there is no country basketball crazy than Philippines,” “I love it.” “Pusong Pinoy po talaga ako lalaban po talaga ako hanggang sa huli,” said Parks. “Ibibigay po talaga natin ang lahat. Pride lang para sa country kahit small country po tayo.” Bobby Ray Parks Jr. adds that the NBA is a different

ballgame and he is still adjusting to the team but he is optimistic. The NBA Summer League still has six days before its finals on Sunday.

GERMANY TO RECRUIT FILIPINO NURSES

According to the Philippine Overseas Employment Administration (POEA), the German Federal Employment Agency is recruiting 70 Filipino nurses with two years of experience in geriatric care and nursing home. Qualified personels will under go at least a six month course in the Germna language. Once hired they will recieve a monthly salary around P100,000 and enjoy the same

working experience as the German nurses. The applicants must submit the necessary documents to the POEA. The deployment of Filipino nurses in Germany follows the signing of an agreement between the Philippine and German governments on the hiring of foreign health workers. Meanwhile, the local recruitment industry is protesting the POEA’s alleged indiscriminate closure of recruitment agencies. POEA administrator Hans Cacdac reportedly suspended the licenses of recruitment agencies without due process, leaving hundreds of Filipinos unable to work abroad, according to a letter sent to Executive Secretary Paquito Ochoa.

The letter came from the Private Recruitment Industry (PRA), Employees’ Group of Recruitment Industry, Overseas Filipino Workers (OFW) and t h e O ve r s e a s E m p l oy m e n t Applicants’ Group. Cacdac’s action was meant to restrict the deployment of household service workers, they said. But, the POEA said all orders of preventive suspension are issued on the basis of prima facie gross violations of its rules and regulations. Preventive suspensions were issued to stop recruitment agencies from possibly victimizing more jobseekers pending the results of the POEA’s investigation. They will hold a to pressure Malacañang to make Cacdac resign, the three groups said.


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JU ly 2015 I second ISSUE

page 4

PREP TIME 10 MINS

COOK TIME 20 MINS

TOTAL TIME 30 MINS

INGREDIENTS

Distributer: Publisher:

Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

asian h beef witm mushroo

Sirloin steak is the perfect meat for this recipe. Flank steak is also a good beef cut to use because both are tender. The key here is to choose a tender cut of beef because this will be cooked really quick and we want to be sure that our beef will be still be tender regardless of the cooking time. The mushrooms for this Asian Beef with Mushroom recipe are the fresh white mushrooms that you normally see in the supermarket. All you have to do is slice these into thin pieces. You can also get the sliced mushrooms in can to save time. As for the soy sauce, Filipino soy sauce is the best for this recipe. You can still use other soy sauce if you insist, but you will need to reduce it to 4 tablespoons. Since we are stir-frying, we will need high heat all throughout the process. It’s time to get all the ingredients and make this Asian Beef with Mushroom for lunch or dinner. I am very sure that you can do this with ease.

• 1 lb. flank steak or sirloin, thinly sliced and cut into serving pieces • 1 1/2 cups sliced fresh white mushrooms • 12 to 15 pieces snow peas • 6 tablespoons light soy sauce • 1/2 teaspoon minced ginger • 1/2 teaspoon garlic powder • 1/2 cup beef broth • 1 small yellow onion, sliced • 1/4 cup sherry or Chinese cooking wine • 3 tablespoons cooking oil • 1 1/2 tablespoons cor nstarch diluted in 3 tablespoons water • 1/8 teaspoon ground black pepper • Salt to taste INSTRUCTIONS • Combine soy sauce, ginger, garlic powder, ground black pepper, and sherry (or Chinese cooking wine) in a bowl. Mix well. Set aside • Meanwhile, heat the cooking oil in a wok or wide pan. • Once the oil gets hot, slowly add the beef slices. Stir fry for 1 to 2 minutes until the beef turns brown. • Add the onion. Cook for 1 minute. • Put-in the mushrooms and snow peas. continue to stir fry for 1 minute. • Pour-in the soy sauce mixture. Stir. Make sure that all the ingredients are blended properly. Continue to cook for a minute. • Pour-in the beef broth. Let boil. Add the cornstarch diluted in water. Stir. Cook until the sauce gets thick. • Add salt if needed. • Transfer to a serving plate. Serve. • Share and enjoy!


tara-let's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JU ly 2015 I second ISSUEissue SEPTEMBER 2014 SECOND

Kung noon ang dinadayo sa lungsod ng Antipolo ay ang sikat nilang talon, ang Hinulugang Taktak kung saan nagkaron pa ito ng awitin. Ngayon, iba ang dinarayo sa Antipolo. Ito ang bagong tayo na burger restaurant malapit sa Cathedral ng Our Lady of Peace and Good Voyage na patron ng mga taga Antipolo.

Ang The Voyager’s Burger ay nabuo mula sa mga dating magkaka-opisina na ang nakahiligang pagkain ay mula sa iba’t ibang bagong restaurant.

page 5

Hanggang sa naisipan nila na bakit di na lang sila magtayo ng sarili nilang restaurant na mura pero masarap. Tatlong buwan palang nang maitayo ang TVB ngunit unti-unti na nila nabawi ang kanilang ipinuhunan dito. Isa ring patunay ang pagkaka-feature sa kanila ng TV5 Aksyon upang lalong dayuhin ang naturang burger restaurant. Ayon pa sa isa sa mga co-owner na si Ythan Francisco, na nagkaroon na sila ng customer mula Cavite at Paranaque.

Pagpasok mo pa lang ay kapansinpansin na ang very accomadating at welcoming ambiance. Bagaman pininturahan nila ng itim ang mga dingding, naging malamig sa mata ang dating nito. Mas nabuhay ang logo ng TVB na kulay puti naman .

Mayroon din silang ‘Freedom Board’ kung saan maari ka magpost ng kahit anong saloobin mo na hindi mo masabi-sabi sa iyong iniirog. O mga simpleng pagbati. Ang iba nama’y panghihikayat na makakilala ng mga bagong kaibigan sa social media.

Isa sa mga best seller ng TVB ay ang kanilang The Voyagers Burger na sa halagang Php120 ay siguradong matatakam ka sa napaka-juicy at original recipe burger patty. Ani Ythan, ang naturang burger patty recipe ay dumaan sa masusuing pagsusuri at pagaaral upang makamit nila ang “quality-

taste” na hanap nila sa isang burger. Bukod sa The Voyager’s Burger, mayroon din silang “Bon Voyage Burger” na kakalunsad lang nila na good for sharing. May taas itong six inches at tulad ng Voyagers Burger, loaded din ng mga healthy ingredients pero swak na swak na budget na Php250. Idagdag mo pa ang original nachos nila. Maniniwala ka ba na, hindi lumalambot ang nachos kahit may mga toppings at ito tumagal pa ng ilang minute pagkatapos iserve? Ika nga ni Ythan, isa sa mga secret recipe ulit nila ito. At siyempre hindi naman pwede na puro palaman lang sa tiyan, mayroon din silang panulak na pink and blue lemonade na sobrang refreshing dahil sa mint after-taste. Ano pa ang hinihintay niyo, sugod na sa Antipolo at tikman ang napakasarap na burger ng TVB!


pinoy na pinoy 6 page 6

Leo - July. 23 - August. 22

Hanggang nagpapakatatag ka at handang makipagsapalaran, may mga tao man na sa tingin mo ay minamaliit ka ay makakayanan mong maungusan sila. Itatak mo sa iyong isipan na napakadaling mapaniwala nang maling pananaw kung ikakahon mo ang iyong sarili sa kung ano ang tingin ng iba sa iyo. Palagi mo lang pagbubutihan ang iyong mga trabaho para ikaw din sa sarili mo ay alam mong maipagmamalaki mo ang iyong malalaki o maliit na tagumpay. Hindi rin magtatagal ay magbubunga rin ang iyong pagtitiyaga.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Huwag kang magpadalos-dalos sa pagdedesisyon. Bagaman ang nakasalalay d’yan ay ang iyong damdamin o kapakanan, mag-analisa ka muna sa sitwasyon. Alamin mo muna kung ano ang pinagmumulan ng isyu at ang posibleng epekto nito sa iyong hinaharap. Makinig ka sa payo ng mga taong may karanasan sa iyong pinagdadaanan. Hindi ka man nila direktang matulungan na maresolbahan ang ang iyong problema, nagkakaroon ka naman ng ideya kung ano ang mahusay na hakbang. Sa huli, mapagtatanto mo na lamang na ang lahat ng nangyayari ay may dahilan at may kabutihan na naidudulot sa iyo.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Higit kanino man ay ikaw mismo ang nakakaalam kung ano ang makakabuti sa iyo. Puwede kang makinig sa kanilang suhestyon pero sa kabuuan ikaw ang bahalang magdedesisyon para sa iyong buhay. Kung mayroon kang pinagsusumikapan na makamit, gawin mo ang mga makabuluhang hakbang para makamit ito. Pagyamanin mo ang iyong social skills sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon na may halaga para sa iyong karera. Nasa lawak ng iyong koneksyon ang pag-usad ng iyong pangarap kung iyong aanalisahin.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Bakit nga ba kahit na nakikita mo na may oportunidad sa tabi-tabi ay hindi mo binibigyan ng kaukulang pansin? Pwedeng kontento ka na sa iyong kinalalagyan o kaya naman ay natatakot kang sumubok pero maging bukas ka rin sa ideya. Hayaan mong pangunahan ka ng iyong imahinasyon para makamtam mo ang iyong ambisyon. Kapag inspirado ka na kasi na makamtan ang iyong pangarap ay nagagawa mong lumabas sa iyong “comfort zone.” Natatakot ka man na sumubok sa mga bagay na bago sa iyo pero handa kang harapin kung sa tingin mo naman ay matutulungan ka. Subalit, lagi mo rin tatandaan na ang karera at pag-ibig ay magkaibang bagay. Hindi dahil mapangahas ka na sa iyong karera ay gayon na rin gagawin mo sa larangan ng pag-ibig.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Mabuti kung napag-iisipan mo na ang estado ng iyong pananalapi para naman maayos ang iyong mga gastusin, budget at ibang gustong makamit. Kung napag-iisipan mo na rin mamuhunan sa iyong negosyo o ibang investment, pag-aralan mo ring maigi. Huwag kang susugod na hindi mo alam kung paano ka kikita o makakatipid. Kapag nagkamali ka rin kasi ay isa na naman itong paglulustay ng pera at baka doble pa ang halaga. Kung kinakailangan na dumalo ka sa seminar o manahimik ka muna sa iyong kuwarto para makapag-analisa nang mabuti ay gawin mo. Para rin naman iyan sa kapakanan mo.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Sa bawat relasyon ay may nangyayari na akala mo ay nasusubok ang inyong samahan. Iyong tipo bang konting-konti na lang kapag hindi ka nagtimpi ay mababalewala na lahat. Mainam kung paiiralin mo pa rin ang iyong pagiging diplomatiko. Makakatulong kung magsisikap kayong dalawa na makapag-usap nang masinsinan at magpapakatotoo kayo sa inyong nararamdaman o mga ideyang naiisip. Nangangailangan ito ng lakas ng loob sa bawat isa inyo pero kung haharapin ninyong dalawa, hindi lamang relasyon ninyo ang inyong masasalba kundi makakabuo pa kayo ng mga gawaing magkasama.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUly 2015 I second ISSUE

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Pagtuunan mo rin ang iyong kalusugan, higit sa anumang yaman na mayroon ka ay ito ang isa sa pinakamahalaga at walang kapalit. Kung sa tingin mo ay kailangan mo ng bakasyon, pahinga o kaya ay ehersisyo ay gawin mo. Ang mga ito ay makakatulong sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, maging ito man ay trabaho, sosyal, at pag-ibig. Bukod rito, maglaan ka rin ng oras para makatuklas ng ibang bagay na iyong mapag-uukulan ng pansin. May maganda rin maidudulot ito sa paginam ng iyong damdamin at pananaw sa buhay.

Pisces - Feb. 20 - March. 20 Napakabuti ng iyong puso kaya naman marami ang napapalapit sa iyo at kabilang na rito ang potensyal na pag-ibig. Kaya nga lamang subukan mo rin na lumaro sa sitwasyon at tingnan ang pagkatao ng iyong tinutulungan. Marami namang paraan para makatulong na mas maigi pero hindi mo naman kailangan na ibigay mo lahat-lahat ng mayroon ka. Siyempre ikaw rin naman ay naghahanap ng sariling oras at saya para sa iyong sarili. Maniwala ka sa iyong kutob at nararamdaman, kung nahahalata mo na umaasa na lamang siya sa iyo ay gawan mo na ng kaukulang aksyon.

Aries - March. 21 - April. 20 Iyang mga ideya na matagal ng naglalaro sa iyong isipan at ginaganahan kang simulan ay maaari nang masabing pangarap. Subukan mo kung wala namang masama at maagrabyadong tao. Kung nagpapatumpik-tumpik ka kasi hindi mo pa alam eksakto kung ano ang iyong gagawin, walang mawawala kung susubok ka. Hindi mo naman talaga malalaman kung alin, ano at paano kung unang-una ay nakatanga ka lang sa kawalan. Para malaman mo ang totoong kwento ng isang bagay maiging maranasan mo ito ng personal, hindi ba? Iwasan mo lang ang mga maling asal na “bahala na bukas” at “ningas kugon” dahil wala ka talagang mapapala.

Taurus - April. 21 - May. 21

Tama ang payo na bago ka magpadala sa bugso ng iyong galit ay sundin mo muna ang lohika na maidudulot nito. Kapag nagalit o pahiyain mo ba siya sa harap ng maraming tao ay makakatulong sa inyong sitwasyon. Baka nga imbes na makabuti ay mapasama ka pa at pagsisihan mo nang matindi ang iyong nagawa. May oras at paraan para d’yan na hindi mo kailangan mawala sa wisyo para lamang maiparating ang iyong hinaing. Magpakahinahon ka lang at mag-isip, hindi magtatagal makakahanap ka rin nang tamang solusyon.

Gemini - May. 22 - June. 21 Gawin mo muna ang pinakamainam na hakbang at pag-isipang mabuti ang iyong mga plano. Ang pinakahuli o hindi mo dapat pinapairal ay pagpa-panic kapag nalalagay ka sa matinding sitwasyon. Sisihin mo man ang iyong sarili o ibang tao kaya mo nararanasan ito ay hindi na rin makakatulong para matapos ang problema. Harapin mo at siguraduhin na kung ano man ang nagawa mong pagkakamali ay iwasan na sa susunod para hindi na maulit. Ang magandang bagay na lamang sa ganitong mga sitwasyon ay natutuklasan mo ang iyong mga kakakayahan at kung sino talaga ang iyong maaasahan.

Cancer - June. 22 - July. 22

Kung kinukutuban ka na para bang may ginagawa sila sa likod mo, aba’y pansin mo nga iyan. Paranoid ka lang ba o natatakot ka sa posibleng mangyari sa iyong posisyon. Sa pagkakataon ito subukan mong pagnilayan ang iyong sariling kakayahan at paninindigan. May dapat ka bang ikatakot na kaya nilang gawin kasi may dahilan sila para gawin nila sa iyon sa iyo. Subalit, ano man ang kanilang naisin kung alam mo namang wala kang ginagawang masama, bagkus puro kabutihan pa nga ang iyong idinudulot sa lahat ay maging kampante ka. Huwag kang paapekto sa kung ano haka-hakang wala namang pinanggagalingan.


pinoy-BiZz JUly 2015 I second ISSUE

page 7

FHM NAMES JENNYLYN MERCARDO AS PHILIPPINES SEXIEST WOMAN FOR 2015

Photo by Facebook/ Jennyln Mercado

Bukod sa matagal na noong huling nag-cover si Jennlyn Mercado sa For Him Magazine (FHM) Philippines, may isa pang ipinapahiwatig ang kanyang pagkakapanalo. Ayon na nga sa isang opisyal ng nangungunang men’s magazine sa bansa ay tanggap at hinahangaan ang Kapuso actress sa kabila ng kanyang pagiging ina. “She’s a young mom,” saad ni FHM Philippines Managing Editor Allan Hernandez tungkol sa Rhodora actress. “For our readers to choose her to be the sexiest means that they recognize that being sexy is not just superficial, but it’s really seeing the essence of being a woman.” Ginanap ang victory party para sa FHM Philippines 100 Sexiest Woman in the World 2015 noong Hulyo 11 sa SMX Convention Center sa Mall Of Asia Grounds, Pasay City. Base sa pinakahuling tala ng FHM ay nakakuha ang ex girlfriend ni Dennis Trillo ng 1,017,586 boto bagay kaya niya nilagpasan ang mga nauuna noon sa botohan na sina Andrea Torres at ang Passion de Amor star na si Ellen Adarna. Samantala pasok din sa top 10 sina Angel Locsin, Anne Curtis, Sam Pinto, Solenn Heussaff at Jinri Park. Maliban naman sa pagrampa suot ang kanyang sexy outfit sa stage, ipinamalas din ni Jen ang kanyang iba pang talent. Ang singer-actress ay umawit din ng Crazy in Love ni Beyonce at Booty ni Jennifer Lopez. Sa ibang banda, iniintriga rin ang pagkakapanalo ng kauna-unahang female ultimate survivor ng Starstruck. Ayon sa balita ay may magbo-boycott sa kanya at maliban pa rito ay kapansin-pansin na may ibang Kapuso stars ang hindi nakadalo sa victory party, kabilang na ang early favorite at second placer na si Andrea. “Mas naka-focus ako sa sarili ko. Kung hindi man sila nakarating, siguro naman may dahilan. Ang importante ay nandito ako at napasaya ko ang mga umaasang rarampa ako,” pahayag ni Jen sa panayam ng Pep. Pumayag na rin itong lumabas ulit sa FHM na ang cover girl sa buwan ng Hunyo ay ang Japanese star na si Maria Ozawa, kabilang din ito sa mga rumampa. Samantala, habang wala pa ang next pictorial ng actress ay abala rin ito sa paggawa ng movie kasama si Sam Milby. Ang kanilang upcoming film ay pinamagatang Pre-nup na kinuhanan pa ang mga eksena sa New York. Dagdag din sa kanyang pinagkakaabalahan ay ang baliktambalan nila ni Dennis sa TV, ang drama series na My Faithful Husband.

WHAT'S GARY V's SAY ON RHAP SALAZAR'S RANT VS NON SINGERS? Marahil ay simpleng paglabas lamang ng himutok ang Twitter post ni Rhap Salazar tungkol sa mga non singers na nabibigyan ng extra exposure kaysa talentado talaga sa pag-awit. Subalit, umaani ito ng sari-saring opinyon kahit na sa mga kapwa n’ya kapamilya stars gaya nina Vice Ganda at Gary Valenciano. “I hate seeing artists lip-syncing on TV,” ayon sa Twitter message ng 18-year old singer na kasama sa Team Philippines na sasabak sa WCOPA. “Yung iba nagkaka-album pa. “ Naglabasan din ang isyu na ang pinatutungkulan ni Rhap ay ang pagli-lip sync di umano nina James Reid at Nadine Lustre. Pero naglabas din ng pahayag ang first Little Big Star winner ( little division) na hindi ang JaDine love team ang kanyang eksaktong pinatutungkulan. “Those tweets are not for JaDine. Yung ibang tao kasi nag-mention agad na sila yun. Pero hindi naman talaga. Hope everything’s clear now,” saad pa nito. Isa naman sa nahingan ng opinyon tungkol dito ay ang TV-host and comedian na si Vice Ganda na nagsabing sana ay naging mapili si Rhap sa kanyang mga ginamit na salita. "Sa pagtupad ng mga pangarap natin, hindi naman natin sinabi sa mga totoong singer na hindi na kayo puwedeng gumawa, kayo na lang. Wala naman kaming ipinagkait, kinuha lang rin natin ‘yung karapatan natin,” ani Vice sa panayam niya sa DZMM kamakailan. ““As much as possible, let’s not use the word ‘hate.’ Puwedeng ‘I don’t like’ or ‘I am not in favor’ pero please, do not hate people lalo na wala naman silang nilabag na batas. Hindi

rin naman nila tinapakan ang karapatang pantao mo.” Samantala, naiitindihan at ipinagtanggol ni Mr. Pure Energy si Rhap na sinabing may karapatan naman ito sa kanyang komento lalo na’t hindi naman ito nanggaling kung saan lang. “If you see kasi kung ano ang pinagdadaanan ng mga singers, nakaka-awa din kasi talaga ‘yung marunong kumanta pero hindi masyadong napapansin. Dahil ngayon, nabibigyan talaga ng priority (’yung non-singers) na visually appealing,” saad ni Gary V sa report ng Manila Bulletin. “I’m secure on a professional level. I live with what I have. I do not look at the industry and say, ‘dapat hindi kumanta ang mga hindi singers.’ Kasi, at the end of the day, I think ang mga tao mismo, they would know kung sino ang magagaling na singer. But my heart goes out to the singers na hindi nabibigyan ng pagkakataon na magshine and there are many.”

Q&A WITH DINDONG AVANZADO Kuha at teksto ni Jane Gonzales

K

ilala mo pa ba si Dingdong Avanzado? S’ya ang vice governor ng Siquijor at corporate secretary ng Organisasyon ng Pilipinong Mangaawit (OPM) na pinamumunuan ngayon ni Ogie Alcasid. Subalit, bago pa man maluklok sa nasabing mga posisyon ang mister na ito ni Jessa Zaragosa ay nakilala bilang isang sikat na mang-aawit na ito lalo na noong 80s’. Sa media conference para sa “Linggo ng Musikang Pilipino,” na mula Hulyo 25 hanggang 31, ay eklusibong nakapanayam ng The Pinoy Chronicle (TPC) ang 47-taong gulang na orihinal na singer ‘Basta’t Kasama Kita.’ Isa siya sa nagbigay impormasyon tungkol sa kauna-unahang Pinoy Music Festival noon sa My Brother’s Mustache bar sa Quezon City. Ang nasabing pagdiriwang ay base na rin sa Proclamation No. 933 ni Pres. Noynoy Aquino na nagsasaad na sa tuwing huling linggo ng Hulyo ay magaganap kapistahang ito. Ngayong 2015 ang ilan sa nakahaing programa ay busking performances sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, Philpop songwriting contest grand finals, Battle of the Bars, #PalakasinAngBosesNgOPM session, one grand free concert sa Ayala Triangle Makati at marami pang iba. TPC: Iniwan mo na ba ang pagkanta? Dingdong: Hindi naman sa iniwan ko. I am not visible as used to be because siyempre marami rin akong other interest na pinasok gaya ng public service pero music is always with me… Kami of course na-established na namin ang aming mga sarili, but to sustain that you need a network. Ako I don’t have a network that’s backing me up and that could account as one of the factors. But it doesn’t mean that I’m not singing- that doesn’t mean I’m still not making money out of singing. Recently nga nasa Hong Kong kami ni Jessa para sa mga

OFWs doon. Ganoon pa rin ang reception nila, very warm, and can relate to our music. TPC: Ano ang nararamdaman mo kapag ginagamit ang mga kanta mo? Dingdong: Masaya, I mean lalo na ‘yong Basta’t Kasama Kita ang dami ng rehash noon-- naging pelikula na, naging teleserye, dami nang nag-revive na artist at naging duet pa namin ni Jessa recently. That’s a testament na mayroon kang nalikha that lasts a lifetime. Naka-contribute ka na sa history ng musikang Pilipino. TPC: Sa lahat ng kanta mo, alin iyong proud na proud ka or memorable para sa iyo? Dingdong: Ang mga kanta ko maraming istorya e, memorable sa akin like the first one iyong “Mahal na Mahal kita” na isinulat ko. Ako ang sumulat noong "Maghihintay Sa Iyo.'" TPC: Iyong Tatlong Beinte Singko? Dingdong: That one defined a generation. Alam ko mahirap i-revive ‘yan kasi wala na (payphone na hinuhulugan ng tatlong 25 sentimos para makatawag). Ako lang ang puwedeng kumanta n’yan kasi because of those times TPC: Ano ang masasabi mo sa mga rap song na isinasama ang lyrics ng kanta mo? Dingdong: It’s fun, alam mo ang music kanya-kanyang freedom to interpret. Huwag lang sanang bababuyin. Pero I don’t think it’s baboy, its fun TPC: Sino ang mga paborito mong singers? All time favorite at ngayon? Dingdong: When I was growing up ang gusto ko talaga si Rico J. Puno, si Gary (Valenciano), Martin (Nievera)… I like Francis Magalona’s music. Gloc 9, at Eraserheads siyempre. Sa contemporary gusto ko ang music ni Yeng (Constantino). I think she’s a good artist and Julie Ann San Jose is also good. My wife, honestly she has unique quality (of voice and charisma)… the way na nakaka-relate ang masa doon. TPC: Ano masasabi mo sa mga bagong singer na sinasabing sikat pero hindi naman magaling? Dingdong: Hindi naman siguro lahat ng sumikat ay hindi magaling. Mayroon din naman na magagaling na sumikat pero I think you are referring doon sa mainstream. I’m not there to criticize because may marketing aspect involved d’yan. Itong ginagawa namin (Pinoy Music Festival) ay opportunity para sa kanila (new artists) na mabigyan ng venue. Ngayon mayroon busking (and other programs) na magkaroon sila ng following slowly.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.