PINOY NA PINOY: WEEKLY HOROSCOPE Daloy Kayumanggi
THE PINOY Impormasyon ng Pilipino
CHRONICLE News. Link. Life
FREE DELIVERY EVERY M,T,W,FRI AND SAT
SIMULA 10:00 AM UNTIL 2:00 PM KAYA TAWAG NA SA ASIA YAOSHO YOUR ONE STOP FILIPINO SHOP
TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL 0120-344-233
PNOY BIBISITA SA JAPAN PINOY LOCAL P.2
PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5
N
WEEKLY HOROSCOPE P.6
PINOY SHOWBIZ P.7
SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS
akatakdang lumipad patungong Japan si Pangulong Noynoy Aquino para pinoy-bizz story sa kanyang state visit sa darating na Hunyo 2-5, 2015, pahayag ng Depart-
pinoy-global story
CONTINUE ON PAGE 7
CONTINUE ON PAGE 3
fil-am jordan clarkson gets top rookie honor
ment of Foreign Affairs. Sasalubungin ang pangulo nina His Majesty Emperor Akihito at Her Maj-
esty Empress Michiko sa Imperial Palace sa Tokyo para sa isang welcome ni phoebe doroth
ceremony at state call. Naghanda ang majesties ng isang state banquet para magbigay pugay sa pangulo ng Pilipinas.
CONTINUE ON PAGE 2
-- SPECIAL FEATURE --
Sweet & Tasty
Tara Let's!
Filipino Style Recipe: Maja Blanca(Maha Blanka) or coconut pudding recipe is a famous filipino dessert usually served as a snack. It is basically made from coconut milk, cornstarch and sugar.
Bagaman sa buong taon ay may planong ginagawa ang Subcommission on Cultural Heritage (SCH) para sa luma at pamanang imprastraktura, ang Mayo ay ang patrikular na buwan...
MAJA BLANCA RECIPE
CONTINUE ON PAGE 4
Express: Ruffa at Annabelle nagbabangayan dahil sa pag-ibig
y estelle
Express: Dubsmash ni Angelica pabor kay Marian, patama kay Heart?
Impress: Nora patuloy na hinahangaan bilang best actress
While the season may have not gone well for the Los Angeles Lakers, the bright side was the team’s Filipino-American point guard named as one of the best rookies.
METROPOLITAN THEATER
CONTINUE ON PAGE 5
DID YOU KNOW? FOODIE DESTINATIONS THAT'S A MUST!
June 2015 First Issue
Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I FIRST ISSUE
page 2
cover story
Magkakaroon din ng pakikipagpulong ang pangulo kay Prime Minister Shinzo Ave kung saan tatalakayin ng dalawang pinuno ang pagpapalawig ng Philippine-Japan Strategic Partnership at magpalitan ng kuro-kuro kaugnay sa kasalukuyang regional developments. Ayon naman sa isang report mula sa South China Morning Post, suportado ng Pangulong Noynoy si Prime Minister Abe sa pakikipag amedyanda na payagan ang Japanese troops na tumulong sa peacekeeping missions ng magkaratig na bansa. Dagdag pa sa report na sinasaad dito na ang Pilipinas ay hindi maaring makakuha ng military hardware mula sa Japan dahil sa constitutional limitation. Matatandaan na gumamit ang gobyerno ng soft loans mula sa Japan para makabili ng 10 Coast Guard Vessels.Samantala magpapadala naman ng legislation to parliament sa darating na buwan si Japan PM para sa mga tagapagtaguyod ng coalition partners upang matiyak ang pagpapahinulat ng Japan sa U.S. na maging ship fuel at ammunition units sa saan mang bahagi ng Tokyo at masigurado na hindi nakataya ang kanilang seguridad.
SEA MISSIONS SA PACIFIC MAGPAPATULOY AYON SA PENTAGON
Ipinaglalaban ngayon ni Defense Secretary Abo Carter ang karapatan ng Amerika na lumipad sa mga ipinagbabawal na “artificial island” sa Beijing na bumubuo sa South China Sea at nagbigay ng ilang paalala sa napipintong pagbisita ng hukbo ng Amerika sa Asya. Tugon ni Carter sa reklamo ng China hinggil sa U.S. military flights “ There should be no mistake in this, the United States will fly, sail and operate whenever international law allows”. Nagbigay din ito ng komento sa protesta ng China kaugnay sa pagpapadala ng isang US Navy P-8A Poseidon surveillance aircraft sa Fiery Cross Reef kung saan bumubuo ang China ng isang reclaiming land. Giit naman ni Carter na tuloy na tuloy ang kanyang biyahe na magtatagal ng 11 na araw rehiyon ng Asia-Pacific at dadaan sa mga bansang Singapore, Vietnam at India. Niliwang din ni Carter na handa ang Amerika na gawing diplomatically at military ang pagpapahinto sa China sa paggawa ng mga artificial islands nito. Isa ring opisyal ang nagsabi na nagkakaroon na ng mga pagpupulong para sa pagdaragdag ng mga military flights para magpatrol sa South China Sea. Kung kinakailangan na magdagdag sila ng mga military exercise ay gagawin nila mapaigting lang ang presensya ng tropang U.S. Ngunit giit ng China ang paggawa ng mga artificial islands ay napapaloob lamang sa kanilang karapatan at wala silang intensyon na itigil ito.
CLEVELAND CAVALIERS SWEEP ESCAPE Matapos ang walong taon na paghihintay, muling nakamit ng koponang Cleaveland Cavaliers ang titulo ng Easter Conference Champion ng NBA 2015. Ito ay matapos nila lampasuhin ang koponan ng Atlanta Hawks, 4-0 sa iskor ng 188-88 sa Quicken Loans Arena sa Cleaveland Ohio. Isang patunay na “The King is finally back” nang pangunahan ni Lebron King James ang Cavs nang umiskor ito ng 23 puntos na kanilang ikapat na paghaharap ng Hawks. Sa tulong na rin ni Kyrie Irving na bagama’t hindi nakapaglaro ng dalawang beses, ay nagawa pa rin nila na madala ang Cavaliers sa NBA Finals 2015 upang harapin ang Golden State Warriors. “We have everthing it takes to win” sambit ni King James habang iniaabot ang kanilang conference trophy.
Hindi rin nagpahuli si J.R Smith na may naiambag na 18 puntos at Tristan Thompson na may 16 puntos at 11 rebounds. Bagama’t nagkaron ng season-ending shoulder injury ang isa pa nilang star player na si Kevin Love ay nagawa pa rin makaalpas ng Cavaliers upang tanghalin na pinakamahirap na talunin na koponan sa Silangan.
CHITO NARVASA PINAKABAGONG PBA COMMISSIONER Dating basketball player at head coach noon ng Purefoods at Shell taong 1995 – 1998 ang naatasang maging bagong Philippines Basketball Association Commissioner simula 2015-2016 season. Isang unanimous vote ang natanggap ni Chito Narvasa mula sa mga miyembro ng PBA Board, pahayag ni Chairman Pato Gregorio nang inanunsyo niya ito sa opisina ng PBA sa Libis, Quezon City. Si Narvasa ang ika-siyam na commissioner ng liga upang humalili sa dating nitong commissioner Chito Salud na ngayon ay Chief Executive Officer ng PBA. Sa kasalukuyan ay team owner ng Musle Tape-Lyceum sa Woman’s Philippine Basketball si Narvasa at presidente ng Basketball Coaches Association of the Philippines. Minsan na rin naging commissioner siya ng NCAA at UAAP.
ERIC CRAY PASOK NA SA 2016 OLYMPICS
Nasungkit ni Fil-Am hurdler Eric Cray ang tiket para maging unang atletang Pilipino na makakapasok sa 2016 Olympics ito ay matapos niya makuha ang Olympicqualifying standard sa katatapos na Cayman Invitational Athletics. Nakapagtala ng bilis na 49.12 segundo sa men’s 400-meter hurdles si Cray upang makapasa sa Olympic qualifying marks na 49.40 segundo na itinakda ng International Amateur Atheltics Federation (IAAF). Ayon kay PATAFA secretary-general Renato Unso “We’re still trying to verify, but since he hit the Olympic qualifying mark, it
seems that he will be our first athlete in the Rio de Janeiro Olympics in 2016”. Kapag pormal nang naberipika, ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ang bansa ng atleta na nakapasa sa Olympic qualifying standard sa track and field. “Before kasi puro token delegates lang tayo. But now, we’re sending a player who really surpassed the qualifying mark. That is quite an impressive achievement for us,” dagdag pa ni Unso, ang unang national record holder sa nasabing event (51.26 segundo noong 1983 SEAG).
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I FIRST ISSUE
page 3
CYNTHIA ALCANTARA-BARKER FIRST PINAY ELECTED IN UK
CANADIAN COMPANIES SEARCHING FOR PARTNERS TO EXPAND IN THE PHILIPPINES The government of Canada is committed to support companies as they seek to boost their exports, create jobs and spur economic growth. Their TRADE mission to the Philippines is expected to help Canadian companies take advantage of the opportunities available in the Philippines, one of the most dynamic and fastest-growing countries in Asia. "We move towards greater integration of our economies. As we do that of course we open up opportunities for other countries," said Canada's Minister of International TRADE,
Ed Fast. "We have 50 Canadian companies here on the ground, looking for Filipino partners and opportunities," added Fast. Canada's Minister of International TRADE also emphasized that the Philippines is a priority country they want to get involved with in terms of trade and investment. "Philippines is the only country that has direct airline access to Canada. The country has a language advantage, education advantage, and political engagement with its neighbor countries as well," explained Fast. "We want to explore opportunities between Canada and the Philippines to grow prosperity and give a CHANCE to small-medium entrepreneurs and expand heir export footprints in the world," he added.
FIL-AM JORDAN CLARKSON GET TOP MAJOR ROOKIE HONOR HEATWAVE
HITS INDIA
In the recent elections in the United Kingdom, a Filipina politician won as a town councilor of Elstree and Boreamwood, She's Cynthia Alcantara-Barker, a native of San Pablo City in Laguna province. Elstree and Borehamwood is considered as England's version of Hollywood, it's a civil parish with more than hundred years of filmmaking history. Cynthia was the first Filipino to win in UK election, ran under the Conservative party, which won 331 seats in the parliament and secured the re-election of Prime Minister David Cameron. According to her, she wishes to showcase excellence of Filipinos through her post and to involve the closely-knit community in public works and projects. "I hope that by running for the conservative party, I will inspire other Filipinos to be involved in politics. If I am successful in this, iIhope that Filipinos will be encouraged and will take an active part in the community and the whole of the country" Cynthia told The Times Series that she was "humbled" to have been elected and is looking forward to working with her constituents. According to Barker, her mother was an OFW who went to UK in around 70's to support her five children. Because Cynthia considers her mother as her hero,she decided to join her journey.
Jordan Clarkson has been named to the NBA All Rookie First Team, the 11th player in franchise history to receive the annual honor. Clarkson averaged just under 12 points a game, second among first year players. His stats increased as his playing time went up, averaging almost 16 points a game in the 38 games he started. In March, he was named the Western Conference Rookie of the Month, the first ever Laker to earn that honor. On the romantic front, according to TMZ reports that Clarkson was spotted this past weekend holding hands with Victoria Secret model Iman Chanel. But there’s no confirmation that Clarkson and Chanel are a couple. He is now in the Philippines to celebrate the NBA Playoffs with Filipino fans. He is set to watch Game 2 and 3 of the Western Conference Finals between the Golden State Warriors and the Houston Rockets, respectively, at the NBA Café.
At least 800 people have died in a major heatwave that has swept across India, melting roads in New Delhi as temperatures neared 50 degrees Celsius (122 Fahrenheit). Hospitals are on alert to treat victims of heatstroke and authorities advised people to stay indoors with no end in sight to the searing conditions. In the worst-hit state of Andhra Pradesh, in the south, 551 people have died in the past week as temperatures hit 47 degrees Celsius. "The state government has taken up education programmes through television and other media to tell people not to venture into the outside without a cap, to drink water and other measures," said P. Tulsi Rani, special commissioner for disaster management in the state. "We have also requested NGOs and government organisations to open up drinking water camps so that water will be readily available for all the people in the towns." Large parts of India, including the capital New Delhi, have endured days of sweltering heat, prompting fears of power cuts as energy-guzzling air conditioners work overtime. The paper carried a front-page photo of a main road in the city melting in the heat, its zebra pedestrian crossing stripes curling and spreading into the asphalt. Hundreds of people -- mainly from the poorest sections of society -- die at the height of summer every year across the country, while tens of thousands suffer power cuts from an overburdened electricity grid. India's power industry has long struggled to meet rapidly rising demand in Asia's third largest economy, with poorly maintained transmission lines and overloaded grids. With no end in sight to the hot, dry conditions, the Hindustan Times warned that some of the worst-affected states could be plunged into drought before the monsoon rains arrive.
FOODIE DESTINATIONS THAT'S A MUST! Indulge yourselves to our list of best food cities in and outside the Metro. We have already set the table with places that has diverse collections of must-try dishes. Tagaytay City – also known as the food mecca of the Philippines. *Bulalo Point- mouthwatering authentic Bulalo and variety of affordable dishes that are all good for sharing. *Sonya’s Garden - perfect for vegetarian. Sonya’s offers freshly harvested ingredients that are healthy and nutritious. *Bag of Beans - specializes in gourmet and all-time favorite dishes, freshly-baked breads, home-made recipe pies, well-blended drinks and aromatic freshly-brewed coffee. *Mushroom Burger – guilt-free burgers with mushroom patties to satisfy your cravings. Vigan – perfect for foodie day out. *ELP Special Empanada – if you’re looking for an authentic vigan longganisa empanada then ELP is the best place to check. *Café Leona – enjoy a wide array of the famous Ilocano dishes with a twist. Japanese dishes with a taste of Ilocano flavor. Iloilo – home of the famous La Paz Batchoy. *Breakthrough – one of the tourist spot in Iloilo. Known for its famous Aligue rice and Managat fish. Breakthrough restaurant is the undispusted king of seafood. *Netong’s Batchoy – if you’re craving for an authentic La Paz Batchoy, no need to be confuse if it’s Teds or Deco’s because Netongs owns that title. The authentic Batchoy contains fresh egg noodles called miki, buto-buto broth slow-cooked for hours, and beef, pork and bulalo mixed with the local guinamos (shrimp paste). Its generous toppings include fried garlic, crushedchicharon (crispy fried pork skin), scallions, slivers of pork, intestines and liver, with a spoonful serving of bone marrow. *Madge Café – your visit to Iloilo will be never be complete if you have not tasted their native preparation of coffee. The Coffee is from Northern Iloilo and its Native Arabica. Can be either brewed-light,
regular or strong. Laguna - if you’re looking for gourmet Filipino dishes then the City Laguna is the place to be. *Si Christina Gateau Sans Rival (Si Christina)- is a cozy restaurant that offers coffee, pasta and pastries. Their freshly-made pastries, cheesecakes and frozen bravo de mercedez are on display for your own picking. Interesting! *Patis Tito Garden Café- this restaurant serves slow-cooked Filipino favorites using fresh and locally sourced ingredients. You will also experience a “take down to memory lane” moment because of their rustic charm of an old Filipino provincial home. Cebu- is Philippines lechon haven. *Zubuchon – who would have not visited Zubuchon when in Cebu? The best lechon is right here and that is according to worldrenowned chef, Anthony Bourdain. “Best Pig ever!”. Also, Zubuchon is the Jollibee of lechon. *Casa Verde – Cebu’s most popular dining destination. Enjoy homestyle comfort food at a very reasonable price. Drool on their best-selling ribs, mouth-watering steaks, sumptuous pasta and sinfully deserts. A dining experience you don’t wanna miss. Pampanga – is known as the Culinary Capital of the Philippines. *Abe’s Nature Farm- craving for a Capampangan dish, then this is the restaurant that can serve you a full house authentic Pampanga dish. Plus you can also enjoy serenity of their antique wood rest house perfect for relaxation. *Razon’s – no questions asked but Razon’s halo-halo is the best halohalo in the town. You’re missing half of your life if you haven’t visited any Razon’s branch in the Philippines. *Atching Lilian – is considered to be the keeper of Kapampangan recipes. With her hundred cooking demos, magazine feature and her own cooking show, the name Atching Lilian is a one word synonym to Kapampangan cuisine. Bicol – savor the flavors of spice and coconut milk “gata” with Bikol’s authentic dishes. *Chili Peppers – old local restaurant that serves strak, ribs, pasta and
seafood dish at a very affordable price. *Soledad Spanish Filipino – specializing in Spanish/Basque and Filipino comfort food with spicy Bikolano taste. *White Beans cozy café that serves interesting Bicol fusion dishes on their menu. Bulacan – with it’s captivating sites of heritage houses and historic tourist spots, the city of Bulacan has its own share of premiere dish and dining destinations to visit. *Garcia-Sacdalan – home of the famous sacdalan longganisa. *Castillo Residence – what set them apart, is they add rice grains to chicken blood during slaughter for a tastier and authentic sinampalukang manok. Baguio - aside from the cool breeze, Baguio City offers, there’s another reason why visiting the city is really a must… of course their food! *Choco-late de Batirol – get a cup of the traditional cacao blend to accompany your chilly Baguio nights and mornings. *Café by the ruins – home of the best empanada in the country, they also serve dishes like bagnet, curries and risotto that are available any time of the day. *Oh my Gulay – get a glimpse of their old rustic-looking structure decorated with plants and wood carvings, this vegetarian restaurant serves tasty vegetarian food like Kalabasa Tempura and the very popular “Anak ng Puttanesca”. Aguirre Street in Paranaque *Mang Raul’s BBQRestaurant – a wide selection of Filipino street foods like Tenga, Isaw Baboy, Isaw Manok, Adida etc at a very affordable price. *Ramen Kuroda – if you’re craving for an authentic ramen-gyoza and ramen-tonkatsu then this restaurant is worth the long drive to visit. *Mama Lou’s Italian Kitchen – will give you the Italian feel and taste with their best Italian cuisine that are not expensive and budgetfriendly.
pinoy community 4
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I FIRST ISSUE
page 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
NCA MAJA BLA recipe Filipino Style Recipe: Maja Blanca(Maha Blanka) or coconut pudding recipe is a famous filipino dessert usually served as a snack. It is basically made from coconut milk, cornstarch and sugar. The basic maja blanca does not include corn and milk. In this recipe, we will include corn kernel and condensed milk to make it more sweet, creamy and tasty. Estimated time of preparation and cooking: 20 minutes
INGREDIENTS: 2 cans coconut milk 1 medium can condensed milk 1 medium can evaporated milk 1/2 cup white sugar 1/2 cup corn starch 1/2 can sweet corn kernel toasted grated coconut(latik) or grated peanuts PROCEDURES: 1. In a bowl, dissolved cornstarch in 1 cup fresh milk or water. 2. Heat saucepan in a medium heat, pour coconut milk, sugar, condensed milk, evaporated milk and corn kernel. 3. Stir occasionally and bring to boil. Simmer for 5-8 minutes. 4. Add dissolved cornstarch, stir occasionally until the sauce thickens. 5. Remove from heat then transfer the mixture in a serving tray, use spatula to flatten the top. 6. Let it cool and refrigerate for at least an hour. 7. Garnish with toasted grated coconut. 8. Serve and enjoy!
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I 2014 FIRSTSECOND ISSUE issue SEPTEMBER
page 5
METROPOLITAN THEATER
mabubuhay na muli? ncca at ust nagsanib para sa national heritage month Bagaman sa buong taon ay may planong ginagawa ang Subcommission on Cultural Heritage (SCH) para sa luma at pamanang imprastraktura, ang Mayo ay ang patrikular na buwan para Taoid Heritage Program Celebration. Ang Taoid, base sa salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay mana, ngayon taon ay may temang “New Fruits, Ancient Roots” at layon na magkaroon ng “cultural profiling and mapping” sa iba’t ibang lugar. Ito ay pinangunahan ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at ni Rev. Fr. Harold Ll. Rentoria, OSA. “Awareness and preservation of heritage are vital in the construction and strengthening of our national identity, which will engender pride, enabling to us to overcome crises, and guide us towards progress. Because of these, Proclamation No. 439 was signed on August 11, 2003, declaring the month of May of every year as National Heritage Month. This is ‘in recognition of the need to create among the people a consciousness, respect and pride for the legacies of Filipino cultural history and love of country,” pahayag ng NCCA. Maging ang pamunuan ng pinakamatandang pamantasan sa Asya- ang University of Santo Tomas (UST) ay kabahagi ng NCCA para sa Taoid. Sinimulan ito noong Mayo 4 sa pamamagitan ng paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng NCCA at UST. Sinundan ito ng pagbubukas
ng photo exhibit na Santo Niño: Hope of the People, sa Buenaventura Garcia Paredes OP Building. Ginanap din noong araw na iyon ang round-table discussion na may pamagat na “National Treasures: A Journey Through History.” Samantala, noong Mayo 6 hanggang 10 ay ipagdiriwang ang Tam-Awan International Arts Festival sa Tam-Awan, Baguio City. Ang tema ng pistang ito ay “A Global Cordillera: Heroes, Legends and Treasures.” Noong Mayo 11 ay binuksan ang art exhibit ng “Kristo Manila,” na nagpamalas ng mga kaganapan sa Holy Week sa Pinas. Ang nasabit exhibit ng Artery Manila ay makikita sa NCCA Gallery. Noong Mayo 23 ay nagkaroon ulit ng Taoid Heritage Concert sa Ayala Terraces sa Cebu City. Kasama sa nagtanghal dito ang magagaling na singers and performers mula sa Cebu, NCCA Rondalla at ang mang-aawit na si Joey Ayala. Muling pagbuhay sa Metropolitan Theater Samantala, nagkataon naman nitong National Heritage Month ang paglabas ng balita kamakailan tungkol sa
pagpayag na mabili ng NCCA ang Manila Metropolitan Theater o MET. “I received fantastic news from National Museum Director Jeremy Barns. NCCA got DBM (Department of Budget and Management) approval to buy the Metropolitan Theater today,” saad sa Facebook post ni Ivan Henares, pangulo ng Heritage Conservation Society (HCS) noon May 21. “Indeed, a new era for heritage conservation in the Philippines has begun with the NCCA exercising its right of first refusal to buy a National Cultural Treasure for the very first time. NCCA, National Museum and Escuela Taller will restore the theater for all to enjoy! There is hope for heritage!” Kung matatandaan ay isa ang Metropolitan Theater sa pamosong teatro sa bansa na pinasinayaan noong 1931. Magara ito noon at tanyag na dausan ng iba’t ibang pagtatanghal lalo na’t sa magandang disenyo nito na tinatawag na Art Deco na hango sa usong arkitektura noong 1920s sa Paris. Ang architect nito ay Juan M. Arellano, habang ang eskultor harapan ng gusali ay ang Italian na si Francesco Ricardo Monti. Subalit sa kasamaang palad ay tila isa na lang itong alaala nang nakalipas pagkatapos ganapin ang huling pagtatanghal dito noong 1996. ~ Kuha at Teksto ni Jane Gonzales
pinoy na pinoy 6 page 6
Gemini - May. 22 - June. 21 Maglaan ng oras para makapagnilay-nilay ka nang maigi partikular na sa mabibigat na usapin gaya ng pananalapi. Ibahagi ang iyong pangamba at ideya sa iyong kapareha. Baka dahil sa magkasalungat na mga pananaw gaya ng isyu sa paghawak ng pera ay nagsisimula ang inyong simpleng mga tampuhan. Maaaring nakakahiyang pag-usapan ang bagay na ito pero maigi nang maging direkta, kaysa nagpapakiramdaman kayo at naapektuhan ang inyong relasyon. Anu’t ano man ay magiging magaan ang takbo ng iyong pagsasama kung patuloy kang magiging mahinahon at nagpapakatotoo.
Cancer - June. 22 - July. 22
Wala ka naman problema pagdating sa pakikipag-sosyalan at totoong may itsura ka. Kaya kung nais mo na may pagbabago sa iyong pakikipag-relasyon, single ka man o mayroon nang kapareha ay kailangan mong may gawin. Tama naman ang ideya na ang pagmamahal ay maaaring dala ng pagkakataon at pagpapala pero hindi ang relasyon. Kailangan sinasamahan ito ng ‘effort,’ pakikisama at pang-unawa. Tandaan na kung hindi lahat ay kaya mong i-please, hindi rin lahat ay makakapansin kaagad ng iyong magagandang katangian. Maging matatag at mapangahas kung gusto mo makaranas ng pagbabago sa iyong love life.
Leo - July. 23 - August. 22
Kung aanalisahin ang iyong nakalipas, dapat lang ay napagtanto mo na sa ngayon na mainam na maging bukas sa iyong pamilya at mga kaibigan. Makakatulong ito para maging magaan ang pagpapatakbo ng iyong mga plano. Naalala mo ba na naipit ka sa isang sitwasyon na walang naniniwala sa iyo dahil hindi nila alam ang iyong tunay na intensyon? Maging bukas ka lang sa tulong at posibilidad at tiyak na papasok din ang mga hindi mo inaasahang biyaya at tulong. Huwag kang mawalan ng tiwala sa iyong sarili at pag-asa na sagana ka sa suporta ng iyong mga minamahal.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Nagiging makapangyarihan ang pag-ibig sa iyong pagkatao at pamumuhay. Masaya madalas pero minsan din ay parang nakakadama ka na kontrolado ka na nito. Para bang nakakatakot na at hindi ka na komportable sa set up dahil naapektuhan nito ang iba pang aspeto ng iyong buhay. Sandali lamang. Hindi naman ibig sabihin na kapag ibinigay mo ang iyong puso kasama na roon ang buong pagkatao mo kapag nagmamahal ka. Dapat hinahiyaan ka rin na maging maligaya at malaya nang taong nagpapadama ng minamahal.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Iba-iba ang takbo ng isipan ng mga tao na minsan ay pabor at minsan ay kontra rin sa iyo. Nakakainis pero mabuti na lang ay likas na sa iyo ang maging mahinahon at ‘di basta-basta na nagpapadala sa sitwasyon. Napapansin naman nila iyon at hindi magtatagal ay maging sila ay mahahawa sa iyong positibong pag-uugali. Dagdag na rin dito na nagagawa mong mainam ang sitwasyon at napagtitibay nito ang iyong trabaho at pakikipagkaibigan. Panatilihin ang ganito mong katangian at palaging alalahanin ang iyong mga biyaya na natatanggap.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Pagdating sa pagmamahal wala naman talagang malinaw at perpekto. Kahit pa nga na sa tingin mo ay wala kayong problema ay hindi naiiwasan ang mga agam-agam. Pero paano naman kung totoo ang iyong mga hinala? Magmamaang-maangan ka bang hindi totoo o magmukmok na lamang sa isang tabi? Imbes na maging matatakutin sa posibilidad ng bukas ay gawin mo itong hamon at inspirasyon para sa pagpapabuti ng iyon sarili. Gayon din ay huwag maging pabaya at ignorante sa katotohanan na sumasambulat sa iyong harapan.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
JUNE 2015 I FIRST ISSUE
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Kung may tamang termino sa lagay ng iyong love life ito ay “nakakabaliw!” Sa piling ng iyong karelasyon ay kung anu-anong naiisip ninyong mga ideya at aktibidad na parang kayo lamang ang makakagawa. Maikukumpara ito sa apoy na nagbibigay sa inyo ng init at liwanag na puwedeng makasama pero sa kabuuan ay nakakabuti. Kung single ka, nakakabaliw din naman ang love life. Hindi ba’t ang hirap umasa at maghintay? Subalit, huwag kang magalala mararamdaman mo rin ang pagmamahal na nararapat para sa iyo.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Kung kailan nga naman kampante ang lahat sa pagitan ninyong dalawa, bigla naman may mga pangyayaring darating na susubok sa inyo. Parang pelikula hindi puwedeng walang balakid o kontrabidang basta pumapasok na lang sa eksena. Subalit, hindi lamang ang mga ito ang nakakagulat kundi ang reaksyon ng iyong kapareha. Iiwan ka ba niya sa ere o wala lang siyang gagawin at hahayaan kang magdedisyon para sa lahat? Maging matatag ka, dito na masusubukan ang tibay ng inyong pinagsamahan. Malamang din naman ay mananaig sa inyo ang pagmamahal.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Maraming posibleng mangyari kahit pa sa pag-ibig na minsan nang natuldukan noon. Puwede naman na gumawa ulit kayo ng panibagong kwento lalo na’t may pagbabago na rin sa sitwasyon ninyo ngayon. Kung dati ay nahihiya ka pa mangamusta sa kanya, ngayon ay hindi mo lamang palaging binabantayan sa Facebook kundi itina-tag mo rin s’ya sa Instagram at itini- tweet sa Twitter. Subalit huwag kang magpadala kaagad sa kilig at bugso ng iyong damdamin. Tandaan na may dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay at nasaktan. Kaya mo bang pagdaanan ulit ang mga iyon kung sakasakali?
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Madaling sabihin na ang importante sa relasyon ay kayong dalawa lamang na nagmamahalan. Subalit kung gusto ninyong maging mapayapa at matiwasay ang inyong pagsasama ay may mga dapat kayong isaalang-alang sa inyong pagsasama. Napag-usapan na ba ninyo kung ano gusto ninyong mangyari sa inyong kinabukasan, ang inyong mga kamag-anak o maliliit na isyu na 'di pa ninyo nahaharap. Huwag kayong magmadali at bigyang halaga ang komunikasyon sa pagitan ninyo.
Aries - March. 21 - April. 20 Lahat ay may opinyon sa bagay-bagay at nagkataon na ikaw ang paksa ng mga pakilamera. Hindi mo rin maiiwasan na kung bakit sa dinami-dami na puwedeng pag-usapan ay tungkol pa sa love life mo. Kung alam lamang nila ay masaya ka man o hindi , ito ang paksa na hindi mo basta ibinabahagi kung kani-kanino lamang. May ilan kang puwedeng aksyon sa kanila, pero ang pinakamainam ay huwag silang pansinin at ipadamang hindi ka interesado sa kanilang pinagsasabi. Sa huli ang mahalaga ay kung ano ang pananaw mo sa iyong love life.
Taurus - April. 21 - May. 21
May magagandang intensyon na hindi naisasakatuparan dahil hindi rin nasasabi nang mahusay at malinaw. Kung sa tingin mo ay mali ang interpretasyon ng iyong mahal o kasama sa trabaho sa iyong tinuran, intindihin mo at paliwanagan. Baka naman bukod sa kagulatgulat ang iyong desisyon, ginamitan mo pa nang matitinding salita. Madalas nagsisimula ang hindi pagkakaunawaan hindi sa magkasalungat na opinyon, kundi sa maling interpretasyon.
pinoy-BiZz JUNE 2015 I FIRST ISSUE
ni phoebe doroth
page 7
y estelle
Express: Dubsmash ni Angelica pabor kay Marian, patama kay Heart? Uminit ang pagtatapat kina Marian Rivera at Heart Evangelista simula nang ginawa nila ang pelikulang Temptation Island. Nasundan pa ito nang bigyang kulay ang magkasunod nilang kasal. Si Marian ay ikinasal kay Dingdong Dantes noong Disyembre 2014, habang si Heart naman ay nakipag-isang dibdib kay Sen. Chiz Escudero nitong Pebrero 2015 Pagkatapos makasal nang dalawa ay halos nanahimik na ang isyu pero hindi pa para kay Angelica Panganiban. Sa programang Banana Split Extra Scoop ay gumawa ng dubsmash, usong app ngayon sa mobile phone kung saan puwedeng i-dub ang mga sumikat na dialogue, si Angelica tungkol sa sikat na linya ni Cherie Gil. Ito ay mula sa 1985 film na Bituin Walang Ningning na “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat.” Wala naman sana itong isyu at baka marami pa ang nasiyahan, subalit habang nagda-dialogue ay magkasunod na ipinakita ni Angelica ang pictures nina Marian at Heart. Para bagang ipinapahiwatig ng nobya ni John Lloyd Cruz na “copycat” ni Marian si Heart. Naging viral video ito at naging isyu na baka may galit si Angelica kay Heart. Sa ngayon ay wala namang ibinibigay na paliwanag si Angelica sa kanyang dubsmash at ayaw ding magkomento ni Marian tungkol dito. Samantala, may nai-post naman si Heart na ex-girlfriend ng best friend niyang si John Prats. “Kahit anong Sikat…kahit anong ganda…ang tanging nakikita ng Dyos, ang puso natin, yun lang…at the end of the day…be kind,”
mensahe ni Heart sa Twitter. Team Marian o Team Heart man ay talagang mapapa-react sa dubsmash na ito. Puwede naman wala na lang pictures o kaya ipamalas talaga ni Angelica ang kanyang acting prowess. Impress: Nora patuloy na hinahangaan bilang best actress Malaking sampal para sa mga bashers ni Nora Aunor na nagsasabing nalaos at natapos na ang kasikatan nito. Puwedeng marami na ang baguhang artista ngayon pero pagdating sa galing sa pag-arte iyon ang mas may staying power ika nga. Muli ay napahanga ng Superstar ng Philippine Cinema ang mga international film critics. Ito ay matapos ang magkakasunod-sunod na pag-ani ng kanyang proyekto sa iba’t ibang film festivals. Ang kanyang pelikulang ‘Dementia’ ay nagwagi na Best Foreign Language Film at ang 62-year-old actress ang nanalo ng Best Actress in a Foreign Language Film sa St Tropez International Film Festival, France. Maliban pa rito ay nakuha rin ng pelikula ang Golden Remi award sa 48th World Fest Houston International Film Festival, Texas noong Abril. Samantala, hinangaan din sa nakaraang Cannes Film Festival ang pelikula ni Nora na ‘Taklub.’ Ito ay nagwagi ng Ecumenical Jury Prize -Special Mention. Ang nabanggit na movie na idinirek ng awardwinning director na si Brillante Mendoza ay tungkol sa mga nasalanta ng Super typhoon Yolanda. Bigyan na ng ibang isyu si Ate Guy pero pagdating sa acting at mga nagagawa niyang pelikula wala nang kwestyon d’yan. Express: Ruffa at Annabelle nagbabangayan dahil sa pag-ibig Hindi naging dahilan ang kapwa pagdalo nina Ruffa Gutierrez at Anabelle Rama sa presscon ng family reality-show na It Takes Gutz to be a Gutierrez para sila ay magkabati. Tahasan na sinabi ni Annabelle na hindi pa niya napapatawad ang kanyang unica
JANICE, IDINADAWIT SA HIWALAYANG GERALD AND MAJA
Gumanap na mag-ina sina Gerald Anderson at Janice de Belen sa Budoy at naging co-star din sina Maja Salvador at Janice sa isang teleserye. Magkagayon man na may namuong relasyon sa trabaho ang tatlo at malayo ang edad ni Janice sa dalawa ay nili-link pa rin siya kay Gerald. Dagdag pa dito ang usap-usapan na posibleng siya ang dahilan ng break up ng dating magkasintahan. Kapwa na pinabulaanan nina Janice at Gerald na mayroon silang relasyon na higit pa sa magkaibigan. “Bakit ako? Wala bang ibang mas sexy or mas maganda? Bakit ako? I feel na lahat sila, parang yun din ang tanong,” pagtatakang pahayag ni Janice sa panayam sa kanya ng ABSCBNnews.com. Samantala, encouragement at paghingi naman ang tawad ang ipinarating na mensahe ni Gerald sa kanya sa Instagram tungkol sa isyu. “Stay strong @super_janice love you always... im always here fo you.. sorry for the Bull$h!t…” Maging si Maja ay ipinagtanggol si Janice at sinabing hindi ito ang rason ng pakikipaghiwalay sa kanyang nobyo. “I love her. Let’s respect her. Mommy ko yun,” sabi ni Maja patingkol kay Janice na gumanap na ina n’ya sa sa seryeng Ina, Anak, Kapatid kasama si Kim Chiu. Sa ibang banda, nakita ng dumalo sa premier night ng You’re Still The One si Janice bilang suporta kay Maja. Isa lamang itong patunay na maayos ang samahan ang dalawa. Ang “You’re Still the One” ay latest film ni Maja kung saan kasama niya sina Dennis Trillio, Richard Yap, at Ellen Adarna. Matatandaan na nagkahiwalay sina Maja at Gerald nito lamang Abril 2015 matapos ang dalawang taong pagsasama. Noong bago-bago pa lang ang relasyon ng dalawa ay nagpaghayag noon si Kim ng kanyang pagkadismaya tungkol rito. Naging matalik niyang kaibigan si Maja at balitang nakarelasyon niya noon sa totoong buhay si Gerald. Sa bandang huli ay nagkaayos ang dalawa aktres at hindi na rin nagkomento ni Kim sa paghihiwalay ng landas ng kapwa n’ya Kapamilya stars.
hija bunsod umano ng pakikipagrelasyon nito sa French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal. Matatandaan na bago ang nasabing event ay makailang beses na nag-post sa Twitter si Annabelle tungkol sa isang babae na tinawag niyang “plastic” at “bobita.” Ang sinasabing babae umano ay si Ruffa mismo. “1) Napaka plastic mo. Bakit ayaw mong ilabas ang totoo mong ugali! “2) Pag nasa TV ka, akala mo virgin. Wag kang umasa na babatiin kita... “3) You missed me? Bull shit!!! Asikasuhin mo na lang yung alaga mong aso as in asungot, P.G.” Ang isang serye ng mga post nang mataray na asawa ni Eddie Gutirrez tungkol sa kanilang anak na babae. Samantala, napaiyak si Ruffa sa presscon dahil na rin sa hindi pa matigil-tigil na alitan nilang mag-ina. Subalit sinabi nitong siya ang lumalapit sa ina para makipag-ayos at positibong magkakayos din sila. Ang presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez ay para sa anunsyo na mapapanood na rin ito sa The Filipino Channel simula sa Hunyo 6, gayon din sa Lifestyle Network sa Hunyo 29. Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng tampuhan sina Ruffa at Annabelle tungkol sa love life ng una. Ilan sa artistang naging nobyo ni Ruffa ay sina Zoren Legaspi, Dennis da Silva, at John Lloyd Cruz. Sa alitan dalawa ang tama ay pananaw ni Eddie sa kanyang asawa at anak. “So, ngayon, wala na akong kinakampihan. Kasi, para sa akin, pareho silang tama. Annabelle wants what’s best for Ruffa and Ruffa has a life of her own. Dapat naman siyang mag-enjoy,” saad ng dating matinee idol.
NERI AT CHITO, NAGKA-BABY NA Hindi man isa sa sikat na sikat artista ay isa naman sa sina Chito Miranda at Neri Naig sa mga couple na sinunsundan ang love story. Lalo pa itong naging mainit nang kumalat ang sex video ng dalawa noon 2013 nang walang pahintulot. Napabilib ni Chito ang madla dahil sa kanyang agrisibong pag-solve ng kaso para malaman kung sino ang nagkalat noon at ang pagtatanggol n'ya kay Neri na umani ng pangungutya. Nagbunga ang pagmamahalan ng dalawa na nauwi sa kasalan noong Disyembre 2014 at ngayon naman ay buntis na si Neri. Sa pamamagitan ng kanilang magkahiwalay na Instagram account ay inanunsyo nang bagong mag-asawa ang magandang balita sa kanilang pagsasama. “Hello #babyMiranda,” ang caption ni Neri sa kanyang post na nagpapakita ng kanyang ultra sound result. Minsan na nagpahayag na noon ang 29-year-old actress na gusto niya na magkaroon ng limang anak, habang dalawa lang daw ang nais ni Chito. Ngayon nasimulan na nila ang plano, sino kaya sa kanila ang masusunod sa bilang ng kanilang mga anak?
HEART BATI NA SA MAGULANG, MAGKAKAROON NG SECOND WEDDING WITH SEN. ESCUDERO? Pagkatapos nang mahabang panahon na hindi pag-uusap, hinggil sa kanyang pakikipagrelasyon kay Sen. Chiz Escudero, balitang nagkabati na si Heart at kanyang mga magulang. Noong May 24 ay nag-dinner pa umano sina G. Reynaldo at Gng. Cecilia Ongpauco sa tahanan nina Mr. and Mrs Escudero sa Quezon City. Noong magkasintahan pa lang ang aktres at senador ay tahasang ipinahayag ni Mrs. Ongpauco ang kanyang pangit na impresyon sa huli. Kaya naman hindi na rin kataka-taka kung hindi na dumalo ito at ang kanyang mister sa enggrandeng kasalan ng kanyang bunsong anak sa Balesin Island, Quezon Province noong Pebrero 15. Subalit hindi man nakadalo ay nagpaabot ng liham si Mr. Ongpauco kay Heart na naging emosyonal sa araw ng kanyang kasal. Subalit tila tapos na nga ang away,
kaya naman ang sunod na tsika ngayon ay ang posibleng muling pagpapakasal ng dalawa. Ito ay base na rin sa pakikipagpalitan ni Heart ng mensahe sa kanyang mga fans sa Instagram na noong una ay nag-aakalang s’ya ay buntis na. Pinabulaanan ng aktres ang haka-hakang iyon at ibinulalas na sa susunod na taon pa ang balak nilang magkaroon ng supling. “All I can say is... I can’t wait,” mensahe pa ni Heart noong Hunyo 25. “Faith can move mountains” -- and spoke of how hear “heart is whole again,” saad ni Heart sa kanyang hiwalay na post Instagram na nagbigay naman ng clue kanyang kasiyahan sa pagkakaayos nila ng kanyang mga magulang. “Love conquers all... A childlike faith and a hopeful heart is all you need... I believed. He heard my prayers and he saw my heart... This is the
happiest day of my life. Delight in the Lord and he will give you the desires of your heart. Finally... buo na ang puso ko. Thank you for moving that very mountain.”