The Pinoy Chronicle Second Issue October

Page 1

Chronicle The Pinoy

kristine delivers another blessing PAHINA 7.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

News. Link. Life

FREE DELIVERY

SA BUONG JAPAN!

ONLY!!

SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS

PINOY LOCAL P.2

PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5

WEEKLY HOROSCOPE P.6

PINOY SHOWBIZ P.7

NU BULLDOGS UAAP SEASON 77

CHAMPIONS PAHINA 2.

batangas governor vilma santos walang balak tumakbo sa mataas na posisyon ngayong 2016

A

yon kay Sen. Ralph Recto ay w a l a n g b a l a k n a kumandidato sa anomang mataas na posisyon sa bansa ang kanyang asawa sa 2016 presidential election. Reaksyon ito ng senador kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey noong Setyembre 2014 na naglagay kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa ika-limang puwesto bilang vice-president sa nasabing halalan. “Walang balak tumakbo si Vi for any position, kahit sa local,” diin ng senador nitong Martes. Pabiro pang sinabi ng mambabatas na para sa kanya, mas makabubuti na kumandidato na lamang na ‘president’ ng grupo ng senior citizens’ sa Batangas. Lantaran nang sinabi noong una ni Vice-Pres. Jejomar Binay ang plano nitong pagkandidato bilang pangulo ng bansa sa 2016 at ang gobernador ang napipisil nitong maging running-mate. Ang maagang deklarasyon ng kandidatura ni Binay ang dahilan kaya

maaga ring binato ng mga intriga gaya ng mainit na usapin sa overpriced Makati Building 2 sa ilalim ng kanyang administrasyon bilang alkalde ng lungsod. Nabatid sa survey, 6% sa respondents ang boboto pabor kay Santos-Recto kung isinagawa ang eleksyon noong Setyembre. Nakuha rin ng gobernador ang ikapitong puwesto sa mga kandidato para s e n a d o r n a m ay vo t i n g p re fe re n c e n a 44.5% base sa naturang survey.

B

san mig coffee kikilalanin nang purefoods star hotshots

alik Purefoods na ang PBA four-peat champion na SanMig Coffee Mixers para sa pagsisimula ng Season 40 ng Philippine Basketball Association na gaganapin sa linggo, sa Philippine Arena sa Bocaue Bulacan. Pinangungunahan ni big game James Yap at Pinoy Sakuragi Marc Pingris ang pagsuot ng bago nilang uniporme at tatawagin silang Purefoods Star Hotshots na tina-target masungkit ang kanilang pang-limang korona. Unang makakaharap ng Star Hotshots ang dating koponan ng kanilang Head Coach na si Tim Cone ang Alaska Milk Aces sa darating na Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum. Ayon na kinatawan ng koponan sa PBA na si Rene Pardo, ang pagpapalit uniporme ay bunsod ng pagkakaron ng bagong produkto ang Purefoods Star brand.

Dagdag pa ni Pardo na naniniwala silang sinuswerte sila sa tuwing nagpapalit sila ng pangalan. Nagsimula ang karera ng kumpanyang Purefoods sa PBA noong 1988 at ang ginamit nila noon ay ang Purefoods Hotdogs na naging instant hit dahil kina playing coach Ramon Fernandez, dating MVP Freddie Hubalde at ang kanilang mga prized amateur recruits na sina Jerry Codinera, Jojo Lastimosa, Glenn Capacio at Jack Tanuan. Mas lalong nakilala ang koponan nang mapabilang sa hanay ng kanilang mga ace players sina Nelson Asaytono, Dindo Pumaren at kasalukuyang Team Manager na si Alvin Patrimonio. Malaki ang pag-asa nang koponan na maganda ang maidudulot sa kanila ng bago nilang pangalan.

resident Barack Obama promised that his

possible, hopefully within 24 hours, so that they are taking

P

Ebola monitoring must be "more aggressive" - president obama administration would respond in a “much more aggressive way” to cases of Ebola in

the United States and other countries warned that in an age of frequent travel the

disexcase could spread globally if the world doesn’t respond to the “raging epidemic in West Africa.”

In his most urgent comments on the spread of the

disease, Obama also sought to ease growing anxiety and

fears in the U.S. in the aftermath of a second nurse being diagnosed with Ebola after treating a patient in a Dallas

hospital. He said he had directed the Centers for Disease Control and Prevention to step up its response to new cases.

“ We wa n t a ra p i d re s p o n s e t e a m , a S WAT t e a m

essentially, from the CDC to be on the ground as quickly as

the local hospital step by step though what needs to be done,” he said.

Underscoring Obama’s stepped-up attention to the

disease, the White House announced Obama was cancelling his travel to Rhode Island and New York to remain at the White House to monitor the government’s Ebola response. It marked the second day in a row that Ebola altered Obama’s plans. Obama canceled a political campaign trip Wednesday to convene a session of top Cabinet officials involved in the Ebola response both in the U.S. and in the West African region where the disease has been spreading at alarming rates.

OCTOBER 2014 2nd Issue Free Newspaper


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

October 2014 I SECOND ISSUE

page 2

signature campaign para transgender natagpuang patay sa olongapo kay davao mayor duterte

S

T

ila hindi susuko ang mga naniniwalang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang karapat-dapat na tumakbong presidente sa darating na 2016. Ayon sa dating executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) del Rosario na si Duterte ay nakatadhanang maging presidente ng Pilipinas. Ani ni del Rosario “Ito kasi parang advocacy na ito. There is what we call destiny. Kung talagang destiny ng isang tao na siya ang mamuno sa ating bayan, kahit ayaw niya baka sa bandang dulo, ma-encourage siya na tumakbo din”. Bagaman ilang ulit nang tumanggi si Duterte sa ideya ng pagtakbo sa pagkapresidente, umaasa na sa pamamagitan ng signature campaign, Duterte for 2016 President Movement, naniniwala si del Rosario na baka magbago ang kanyang isip. “As a friend of Mayor Duterte, I worked with him for more than six years as battalion commander from 2000 to 2003, as Task Force Davao commander from 2004 to 2006 and as Brigade commander in 2009, I know that Mayor Duterte is capable to become president of our country… Malaki ang kanyang kakayahan at maganda ang kanyang ginagawa. Yan ang kailangan ng ating bayan” pagtatapos ni del Rosario. Bukod kay del Rosario, isa rin sa mga sumusuporta sa panawagan na ito si ex-PNP chief Roberto Lastimoso.

250m hinihinging kapalit ng abu sayyaf

i Jeffrey Laude o mas kilala bilang Jennifer Laude 26 anyos na isang transgender ay natagpuang patay sa banyo ng isang motel sa Olangapo. Nakasubsob ang mukha ni Jennifer sa inidoro at may mga pasa sa mukha at iba pang bahagi ng katawan nito. Nakitaan rin ang biktima ng mga bakas ng sakal sa leeg at hubo’t hubad ito nang matagpuan ng pulisya. Ang pinaghihinalaang suspek ay walang iba kundi si Private First Class Joseph Scott Pemberton, isang marine ng United States na huling nakitang kasama ng biktima. Ayon sa abugado ng pamilya Laude na si Atty. Harry Roque Jr., ang kasong ito na may kaugnay sa VFA (Visiting Forces Agreement) ay hindi na bago sapagkat matatandaan noong 2006 ay nasangkot rin

ang mga U.S. marine sa isang karumdumal na krimen nang pagtulungan nilang gahasain si Suzette Nicolas. Sinampahan na ng kasong murder si Pemberton at kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Commanding Officer sa loob ng USS Peleliu na nakadaong sa Subic Bay, Zambales na kabilang sa mga warship ng Estados Unidos na kalahok sa PHIBLEX 15 Phl-US joint military exercise.

T

“I’m really overwhelmed. I’m really overwhelmed a b o u t t h i s v i c t o r y b u t m o re t h a n a ny t h i n g , nagpapasalamat ako kay God for giving me the opportunity to be part of history” pagtatapos ni NU Bulldogs Champion Head Coach Eric Altamirano.

NU bulldogs tinanghal na uaap season 77 champion inuldukan na sa wakas ang 60taon nang paghihintay ng masilat ng National University Bulldogs ang kampyeonato laban sa koponan ng Far Eastern University Tamarraws. Ang tinaguriang underdog ngayon ay champion bulldogs ay dumaan sa butas ng karayom makamit lang ang pinakaaasam na UAAP Championship. Hindi naging madali para sa Bulldogs ang serye na kung saan kinailangan nilang talunin ang UE Red Warriors sa kanilang mga “do-or-die” games sa elimination at ang Ateneo Blue Eagles sa Final Four upang makakuha ng pwesto sa Finals. Ito ang ikalawang pagkakataon ng Bulldogs na makakuha ng UAAP crown mula pa noong 1954 na sinigurado ang apat na kalamangan sa pagtatapos ng first half, 30-26. Pagdating ng third quarter ay naitala ng Bulldogs ang 14 points na kalamangan, 49-35 na may nalalabing 2:55 minuto. Bagaman nakalapit ang Tamaraws nang tumirada si Mac Belo sa huling limang minuto ng fourth quarter ay ipinoste naman ng Bulldogs ang kanilang 16-point advantage bago ang last two minutes. Nagtapos ang Season 77 sa score na 75-59 na nagdala sa NU Bulldogs sa tugatog ng tagumpay. Tinanghal din na UAAP Season 77 Cheerdance Competition Champion ang NU Pep Squad.

"Black propaganda" pakana daw ni mar roxas

N

agbigay ng ultimatum ang bandidong grupo na Abu Sayyaf na kapag hindi maibigay ang 250M ay pupugutan nito ang isa sa mag-asawang Aleman na bihag nito. Ang mag-asawang Aleman ay kinilalang sina Stefan Viktor Okonek, 71 anyos at Herike Diesen, 55 anyos na binihag ng bandidong grupo habang patungo ito sa Palawan sakay ng isang yate. Ayon sa isang radio interview sa kinilalang spokesperson ng grupo at nagpakilalang si Aburahmi, na pupugutan na nila ng ulo si Stefan Viktor sakaling hindi pagbigyan ng pamahalaan ng Germany at ng gobyerno ang kanilang hinihingi. Dagdag pa ni Aburahmi na hinukay na rin nila ang paglilibingan ng matandang Aleman. Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang bihag na si Okonek dahil sa masyado umanong mabagal ang negosasyon ngunit malaki pa rin ang kanilang pag-asa ng kanyang maybahay na tutulungan sila ng pamahaalan ng Germany at ng Pilipinas na may 24 oras na ang nakalipas buhat nang sila’y paghiwalayin ng mga kidanppers.

P

inaniniwalaan ng grupong United N a t i o n a l i s t A l l i a n c e ( U NA ) n a s i Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang nangunguna sa paninira kay Vice President Jejomar Binay sa plano nitong pagtakbo ng pagka-presidente sa darating na 2016. Ayon kay UNA secretary-general JV Bautista na si Roxas ang nasa likod ng “Oplan SN16” na ang ibig sabihin ay “Stop Nognog 2016”. Sa isang panayam kay Bautista, sinabi niya na: “These things that we are hearing in the [Senate Blue Ribbon] Sub-committee, these are all part of a conspiracy. This is well-funded, well-financed, wellorganized conspiracy, the principal aim of which is to destroy the chances of Vice President Binay to become the next president in 2016”. Dagdag pa niya, ang sinasabing conspiracy laban kay VP Binay ay alam mismo ni Pangulong Noynoy Aquino. Ani pa ni Bautista na pinopondohan nina Buddy

Zamora at Eric Gutierrez ang sinasabing paninira na siya ring nagpahiram ng helicopter na ginamit upang makuhaan di umano ang hacienda Binay sa Rosario, Batangas. Giit pa ni Bautista na bukod kay Roxas ay kasabwat din daw niya si Sen. Alan Cayetano, isa sa mga senador na nangangasiwa sa Senate Blue Ribbon Sub-committee na nag-iimbestiga sa maanumalyang overpriced Makati City Hall parking building. Si Cayetano at Binay ay kapwa nagpahayag ng planong paktabo sa pagka-presidente sa darating na 2016.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

October 2014 I SECOND ISSUE

page 3

EBOLA virus in the philippines is only a matter of time - Department of health

T

he Department of Health (DOH) said it is ready for the looming possibility of Ebola virus in the Philippines. Dr. Eric Tayag, Health Assistant Secretary said it is just a matter of time before Ebola enters the Philippines, due to the numbers of Filipinos returning from abroad. Tayag said in his interview "May pagkakataon na maaring pumasok ang Ebola sa ating bansa ay dahilan sa mga bumabalik na Pilipino na maaring nanggaling sa mga naapektuhang lugar, kaya masigasig po ang Department of Health, sa Bureau of Quarantine, diyan po sa mga airport natin," "Unang screening po iyan, at kami'y nakikipagtulungan na rin po sa mga ahensiya dito po sa ating bansa, maging sa labas para nang sa ganoon po, masugpo na po ang Ebola doon sa West Africa bago pa po 'yan kumalat sa iba pang mga bansa," he added. He also called on Filipinos returning home to take health checks seriously to prevent possible spread of the virus. "Umaasa po kami na iyong mga nagsisibalikan po sa atin ay talagang ganap pong kukumpletuhin ang health check list pagdating po. Kung sila po ay galing sa ban-

VATICAN Recognized ACCEPTANCE for HOMOSEXUALS, DIVORCED, REMARRIED CATHOLICS

NO GUARANTEE US WILL HAND OVER MARINE HELD IN the murder of jeffrey laude alias jennifer

T

he Department of Foreign Affairs (DFA), said it will request the United States to waive custody of the US Marine tagged in the slay of a transgender in Olongapo City. Speaking at a press conference, DFA spokesperson Charles Jose cited Article V, Section 6 of the Visiting Forces Agreement which states that US has jurisdiction over the physical custody of a US personnel tagged in a crime not related to his line of duty. “The custody of any United States personnel over whom the Philippines is to exercise jurisdiction shall immediately reside with United States military authorities, if they so request, from the commission of the offense until completion of all judicial proceedings,” the pertinent VFA provision read. Jose, however, said there is no guarantee that the US will grant this request. “Custody will be automatically be with the US unless we request the US to waive. We can do that (request

sang iyon, sila po ay mananatili muna sa kanilang bahay. Dalawampu't isang araw po 'yan, ipagbibigay alam po sa amin po 'yan pagka't kailangan po natin 'yung kanilang temperature, at kung may lagnat po ay agad pong kukunin namin at dadalhin po sa ospital." "Naihayag po namin na sa 77 na mga returning Filipinos po sa mga nasabing lugar, 10 roon po ang nakitaan ng sintomas, at swerte naman po tayo at noong chineck po sila sa RITM, sila po ay nanatiling negative sa test, at iyong iba naman po ay siniguro naming namo-monitor at noong Linggo pong ‘yun, 21 araw, wala naman pong nagpakita ng lagnat o iba pang sintomas na masasabi nating maaring pagsuspetsahan natin na sila ay mahahawa." So far, all the Filipinos returning home showed symptoms of the disease have tested negative. Tayag and the DOH will continue to prepare for any possible Ebola cases in the country. "Tayo po ay nakahanda, maghahanda pa po ng higit sapagkat alam po namin na 'pag nangyari na po 'yan, ay maaaring maiba po ang ikikilos po ng ating mga health workers sapagkat nandiyan po 'yung pangamba, so sinisiguro po namin na ang mga kaalaman po, alam na alam nila 'yan, at ang pagsasanay gagawin po ng Department of Health 'yan. Katunayan, may mga nagvolunteer po sa Ebola Summit na kung sakali, sila po ay papayag po na mag-alaga ng pasyenteng may Ebola, kung saka-sakali po at makakarating na po sa atin," the official added. On the other hand, President Benigno Aquino III has ordered the "systematic" and "scientific" evacuation of over 1,700 Filipino workers from the three Ebola-hit countries in the West Africa. Secretary Coloma Jr. said Aquino directed health, foreign affairs and labor officials during a meeting to ensure that overseas Filipino workers (OFW) from Liberia, Guinea and Sierra Leone will reptriated free from the deadly virus. Based on World Health Organization figures, over 4,000 people have already died from Ebola, with 8,399 registered cases in seven countries. Over 1,700 are currently in Ebola-hit West africa. Some 10 millions Filipinos are living outside the Philippines, while 1,700 are currently in Ebola-hit West Africa.

T

he Vatican’s council of bishops released a report emphasizing calls for greater acceptance of gays, divorced and remarried Catholics, and couples living-in. Cardinal Peter Erdo of Budapest told Pope Francis and the council that homosexuals have gifts to offer the Christian community. As for living-in arrangements or co-habitating couples, Erdo said authentic family values can be drawn from such relationships. Erdo also called for more respect for divorced or civilly re-married Catholics. Cardinal Luis Antonio Tagle of Manila said Erdo’s speech is a pre-text for further discussions which will conclude on Oct. 18. custody) but there is no guarantee [if they will grant it]… They may continue to have custody over the suspect,” he said. Also citing the VFA, Jose said the Philippines ”shall have jurisdiction over United States personnel with respect to offenses committed within the Philippines and punishable under the law of the Philippines.” The US Marine, identified by the Philippine National Police as Private First Class Joseph Scott Pemberton, has been tagged in the killing of transgender woman Jeffrey Laude alias Jennifer.

kobe paras is getting better

J

ust three miles from the Staples Center where Kobe Bryant and the Los Angeles Lakers play, another Kobe is taking Los Angeles by storm. The son of one of the best players in PBA Benjie Paras "Tower of Power", Kobe Paras is making his own mark - not just in the Philippines but also in the United States. After several Universities tried to recruit him, the son of the PBA legend, Kobe the 6-foot6 High School junior guard announced recently that he will be playing at University of California at Los Angeles (UCLA). In his recent interview "It was a really good experience, knowing I'm just a kid from the Philippines," "I didn't even know this was going to happen, so I just feel really lucky and blessed that I have this chance." He also added "That's UCLA, that's the biggest here in California, so I just want to commit. Ever since I was here, it's been a good experience, so it was cool." Kobe Paras is living in United States since December 2013, to study and play for Catherdral High School, a private school just outside of downtown Los Angeles. He has also been gaining experience by playing with local teams there. William Middlebrooks, Kobe Para's coach said that "Kobe consistently gotten better." "He's figured out the speed of the game, how that's played. His athleticism, how to get his shot off how to do certain moves. "He also have been expanding on his defense and passes, just trying to make him more complete player." Middlebrooks said. Some Filipino-Americans have made their mark at small colleges and in the NBA, but Kobe feels there is a larger sense of Pinoy Pride as a homegrown Filipino.

Fil-Am guard Stephen Holt to play along side lebron james.

T

he Cleveland Cavaliers recently announced that they have signed in an undrafted Fil-Am Stephen Holt, bringing their training camp roster to 18 players. Stephen Holt a 6'4" who played all four seasons of his college career with Saint Mary's, averaging 15.2 points, 3.8 rebounds, 3.9 assists and 0.8 steals in his senior year, before joing the 2014 NBA Draft. Despite going undrafted, he was able to carve out a niche on the Atlanta Hawks' Summer League squad. In 5 games, he put upped 8.6 points, 2.6 rebounds, 2.0 assists and 1.2 steals, while shooting a 45.5 percentage field goal from downtown. While Atlanta Hawks wanted to bring him back into their training camp, Stephen Holt instead signed with the German team MHP Riesen Ludwigsburg. However, the possibility of playing alongside Lebron James might have been too strong for Stephen Holt to resist. Either that or he had a some very generous NBA outs in his contract. Should Stephen Holt make it into the Cleveland Caveliers as the third string point guard, behind Kyrie Irving and Matthew Dellavedova, and ahead of Chris Crawford and AJ Price, he'd be the second Fil-Am from this draft class in the NBA, in addition to LA Laker Jordan Clarkson. It's also possible that the CAVS will send him their NBA-DL affiliate to groom him for future roles in the league.


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

October 2014 I SECOND ISSUE

page 4

Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

Speedy Chicken and mushroom casserole INGREDIENTS: • • • • •

2 teaspoons Alfa One rice bran oil 400g diced chicken breast 1 medium brown onion, chopped 2 rashers middle bacon, trimmed, chopped 250g button mushrooms, quartered

PROCEDURE:

• • • • •

1/4 cup plain flour 1 tablespoon dijon mustard 1 cup chicken stock 1/2 cup thickened cream 2 tablespoons chopped fresh flat-leaf parsley

• •

Heat oil in a large frying pan over mediumhigh heat. Add chicken. Cook, stirring, for 5 minutes or until golden. Transfer to a plate. Add onion and bacon to pan. Cook, stirring, for 3 to 4 minutes or until onion has softened. Add mushroom. Cook, stirring for 2 minutes or until mushroom has started to soften. Stir i n f l o u r a n d m u s t a rd . C o o k , s t i r r i n g , fo r 2 minutes. Gradually stir in stock. Bring to the b o i l . Re t u r n c h i c ke n to p a n . C ove r. Re d u c e heat to low. Simmer for 15 minutes or until chicken is cooked through. A d d c r e a m . S e a s o n w i t h s a l t a n d p e p p e r. Cook, without boiling, for 3 minutes or until heated through. Stir in parsley. Serve.


TARA LET's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

October SEPTEMBER 2014 2014 I SECOND SECONDISSUE issue

page 5

umulan man o umaraw, tuloy na tuloy pa rin ang qc festival

K

ni irene b. tria

ahit gaano man kalakas ang ulan noong nakaraang sabado, oktubre 11 ay hindi natinag ang mga kalahok sa Maginhawa Food Festival bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-75 na pagkakatatag ng lungsod ng Quezon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang kalye ng Maginhawa ay kilalang food district dahil sa mga iba’t ibang kainan na matatagpuan mo sa kahabaan ng kalye nito, mapafine dining, lutong bahay, fast food, inuman, o tambayan man ang hanap mo. Kung kaya’t marami ang dumagsa sa nakaraang food festival bilang bahagi sa mga kaabang-abang na mga activities sa nasabing Quezon City 75th Diamond Jubilee Foundation Day. Pagliko mo palang ng Commonwealth Avenue (Philcoa) ay sasalubong na sa iyo ang mabigat na trapiko dahil halos ang lahat ng sasakyan ay patungo sa Maginhawa street. Dahil na rin sa lakas ng ulan ng araw na iyon ay hapon na kami nakapunta sa food festival. Noong una’y inakala ko na tapos na ang nasabing food festival dahil katahimikan ang bumungad sa akin kasabay ang mga taong pauwi na at tangan ang kani-kanilang mga payong habang ang iba’y nakasilong sa mga bakanteng tent. Ayun pala sa sa eksaktong kanto ng Maginhawa at Matalino doon palang magsisimula ang aking “food adventure”. Una kong napansin ang isang tent na may tinitindang fried squid. Ang akala ko’y kahalintulad lamang ito ng street food na calamares, ayun pala ito ay naka-tetra pack. Sa halagang 50 pesos ay nakabili ako ng large size ng fried squid na iyon. Pagbukas mo pa lamang ay malalanghap mo na ang katakam-takam na amoy ng pritong posit. Unang kagat, pangalawa, pangatlo hanggang di ko na namalayan na ubos na ang laman nito. Hindi ito kalasa ng calamares sapagkat sa bawat paglunok mo sa napakalutong nitong fried squid ay malalasahan mo ang anghang na magbibigay sayo ng hudyat na dapat ay kumain ka pa. Akin rin napag-alaman na ang home-made ang nasabing produkto ito na pinamumunuan ng mga madre. Nagpatuloy ang aking paglalakad, bigla kong napansin ang isang tindahan ng pizza pie ang “Bobo’s”. Nacurious ako bakit ganun ang pangalan ng tindahan nila. Hanggang sa lumapit na nga ako para bumili, sa di inaasahan ang bumungad sa akin ay ang “Pizza orders will resume at 10pm”. Ano ubos na agad? Lalo tulo’y akong na-enganyo bumili ngunit sa ibang araw na lang. Maari ko naman siya mabalikan dito sa Maginhawa. Habang nagpapatuloy ako sa paglalakad, na-enganyo naman ako bumili ng “pork buns” sa isa sa mga tent na nakahanay sa kahabaan ng kalye Maginhawa. Napansin kong isang buong pamilya ang nagtutulongtulong para sa kanilang paninda. Masarap, malasa at hindi ka mauumay sa pork buns na nakain ko. Bukod sa mga masasarap na pagkain, mayroon ding pa-concert para sa festival na ito. Kaya naman lahat ng mga nakiisa sa event na ito bagaman halos hindi na mahulugang karayom ang dami ng tao ay siguradong nag-enjoy at nabusog.


pinoy na pinoy 6 page 6

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Ang pagpapatawad ay mahirap ipataw lalo doon sa mismong hindi marunong magpatawad. Kahit marami s’yang rason na naiisip na kung bakit ganito ang kanyang ginagawa, ito rin ang kaisa-isang dahilan kaya mabigat ang kanyang kalooban araw-araw. Ano ba ang nagtutulak sa iyo para panghawakan ang galit na hindi puwedeng ipagsawalang-bahala? Kung patatagalin mo ito, pinahihirapan mo ang iyong kaaway at lalong-lalo na ang iyong sarili. Para iyang alikabok na nagiging agiw sa iyong damdamin.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

October 2014 I SECOND ISSUE

Taurus - April. 21 - May. 21 May kapangyarihan ka na magpursige ng tao kaya bakit hindi mo ito gamitin sa kapaki-pakinabang na paraan. Gaya na lamang ng pagbigay-pugay sa kalikasan, kung saan mo natatagpuan ang kapahingahan, kapayapaan at ganda ng buhay. Buhayin ang ang iyong hilig at isama ang iyong mga kaibigan na mas magbibigay kulay sa iyong paligid at magpapalalim sa iyong pang-unawa sa mga bagay-bagay.

Gemini - May. 22 - June. 21

Kailangan mong makaramdam ng hamon sa buhay. Kung mayroon ka nito, harapin mo ng buong tapang at hindi magtatagal ay makikita mo rin ang bunga ng iyong pagpupursige. Kung wala naman, hanapin ang makabuluhang gawain na bago man sa karanasan ay malaki ang maitutulong sa iyong pag-unlad sa buhay. Kapag naman nanatali ka sa kung ano lang ang nand’yan, hanggang d’yan ka na

Mas magiging madali na makuha ang iyong ibig kung higit sa lahat ay klaro sa iyo ang iyong gagawin. Subalit hindi naman talaga sa lahat ng pagkakataon ay madaling matukoy kung ano ba ang talagang gusto ng isang tao. Kung ikaw ang nasa ganitong sitwasyon, hindi rin naman magiging masyadong mahirap sa iyo dahil alam na alam mo kung ano ang iyong mga ayaw base sa iyong naiisip at nararamdaman ng walang pag-aalinlangan.

Para sa iyo ang isa sa mabigat sa pakiramdam ay ang pagsisihan ang bagay na binitawan mo na pero gusto mo pang balikan. Bago ka magmagaling na ikaw ang nauna sa pila, analisahin mo muna kung tama at sino ang iyong inaapakan. Hindi ka rin magiging masaya kung makukuha mo nga ulit pero nakuha mo sa pangit na paraan. Bakit ka lilikha ng away kung puwede ka namang makiusap na tiyak naman na ikaw ay mapagbibigyan. Iba pa rin ang marunong magpakumbaba at makiusap.

Ang isa sa mga unang hakbang para matupad ang matagal mo ng insaasam ay pagtatakda sa iyong sarili na kailangan maglakas loob na sabihin o hanapin ito. Kung may gagawin ka, siguradong may magaganap na bagay na maghahatid sa iyo tungo sa iyong pinapangarap. Ngayon kung pananatilihin mo lamang itong konsepto o kwento ay maaaring maging imposible itong mangyari kahit na kung tutuusin ay abot- kamay lamang. Mag-isip, magsabi at aksyunan ang iyong mga pinaplano.

nga lamang.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Ang sobra-sobrang pag-aanalisa ay pagsasayang din ng oras. Madalas ang dala nito ay mga tanong at negatibong ideya na pipigil sa iyo para humakbang sa susunod na baitang. Kaya mabuting pakinggan ang sinasabi ng iyong puso. Ano ba ang gusto mo at sa paanong paraan na sa tingin mo ay makukuha ito? Dito ka magsimula at sumubok, dahan-dahan man ang iyong galaw alam mong pasulong ang iyong direksyon.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Napagkakamalan ka na emosyonal o ilusyonado dahil madali sa iyo ang magsabi ng iyong nararamdaman. Kakaiba ka man sa kanila huwag kang mag-alangan sa iyong pagkatao, ang totoo dapat ikaw ang ginagaya nila. Tama naman na kung maganda ang iyong sasabihin ay bakit pa kailangan na magdadalawang-isip na iparating ang kanyang saloobin. Hindi naman mga ito kathang-isip kundi tunay na isinisigaw ng iyong damdamin. Kahit na iilan lang ang gaya mo, makakatagpo ka rin ng makakasama sa iyong trip.

Aries - March. 21 - April. 20

Kung nasaan ang iyong tahanan, naroon ang iyong puso. Doon mo simulan ang nais mong mabago o mangyari at susunod na ang ibang aspeto. Iba rin naman ang pakiramdam kung kakampi mo ang iyong pamilya kaysa nasa iyo nga ang simpatya ng lahat pero hindi sila. Ngayon kung ano man ang iyong plano balik ka lang sa payak na prinsipyo isama sila sa pagbuo ng desisyon. Huwag mong kaligtaan na sa iyong pamilya ka humuhugot ng lakas at pang-unawa.

Cancer - June. 22 - July. 22

Leo - July. 23 - August. 22

May limitasyon din ang iyong enerhiya kahit gaano pa kalakas at lawak kayang abutin ng iyong imahinasyon. Para makahabol ka sa tinakda mong mga aktibidad kailangan mo rin pag-iba- ibahin ang linya ng iyong mga ginagawa. Siyempre hindi naman puwede na puro ka puyat lalo na kung may gusto kang pasukan na trabaho. Gayun din naman kung puro trabaho at laging kulang ang iyong tulog o hindi nakakapagpahinga ng maayos. Tao ka pa rin kailangan mo rin na magpalakas.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Matagal mo nang natutuhan na ang pagmamadali dala ng pagpapabukas o pagkatamad ay nagdadala ng samu’t saring problema sa hinaharap. Hindi ka na estudyante para mag-cramming na magre-review lamang kung kailan malapit na ang exam. Bakit mo hihintayin ang deadline kung puwede mo nang magawa ngayon? Uulitin mo pa ba ang desisyon mo noon na iyong pinagsisihan dahil hindi mo pinagplanuhang mabuti? Gayahin mo ang mga kaibigan mo na marunong unahin ang kanilang mga dapat gawin kaysa pagbubulakbol.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Sentimental, masyadong abala o walang gana? Kung mabigat ang iyong pakiramdam simulan mong obserbahan ang iyong paligid. Hindi naman kailangan analisahin pa kung bakit madalas nawawala ang iyong konsentrasyon sa iyong gawain lalo na kung marumi na ang iyong paligid. Ang alikabok, magulong gamit at tambak na mga papel ay maaaring simbolo rin ng takbo ng iyong mood ngayon. Gaya ng pagwaksi ng negatibong pakiramdam, kailangan mong linisan ang iyong ginagalawan para makahinga ka ng maluwag.


pinoy-BiZz October 2014 I SECOND ISSUE

ni phoebe doroth

page 7

y estelle

IMPRESS: IT'S ALDEN'S TIME Matapos matagal na paghihintay at pagiging suporta lamang sa mga bida, ngayon ay masasabing sought-after Kapuso actor na si Alden Richards dahil sa magagandang projects na kanyang pinagbibidahan. Ayon pa nga sa co-host ni Regine Velasquez sa Bet ng Bayan, ito rin ang naging rason kung bakit napunta sa kanya ang programa. Naranasan din kasi ni Alden ang pumila ng oras at ilang beses na umuwing talunan sa kanyang mga sinalihan gaya ng Pinoy Big Brother at Starstruck. Bagay na kung saan makaka-relate siya at mga contestants sa kanyang mga karanasan. Tingnan mo nga naman sa kanyang determinasyon ay sikat na siya ngayon at baka nga ay mas sikat pa siya sa

ilang nanalo sa mga sinalihan niyang programa . “I took everything positively,” ani Alden sa isang panayam. “Those auditions and contests helped boost my self-confidence. You can’t win all the time. Experiencing rejection 10,000 times helps build character.” Ngayon bukod sa Bet ng Bayan ay siya ang bida sa Ilustrado, isang bayaniserye at gagampanan niya si Jose Rizal; at pelikulang Cain at Abel sa ilalim ng award-winning director na si Adolfo Alix Jr. Ito na talaga ang pagkakataon mo Alden, go for it! Express: Derek’s Real Drama Series Kung paghahambingin ay tila nagaganap ngayon kay Derek Ramsay ang problema ng mga bidang lalaki sa mga istoryang may kinalaman sa love triangle o pakikipaghiwalay. Far from over pa ang legal battle nila ng kanyang estranged wife for 11 years na si Mary Christine Jolly at ngayon ay dinawit na rin nito ang kanyang dating girlfriend na si Angelica Panganiban na kinasuhan niya ng Concubinage. Bago pa man lumipat si Derek sa TV5 ay sumikat na ito sa mga mapangahas na pelikula gaya ng No Other Woman at A Secret Affair. Lahat ito ay may kinalaman sa pagiging sentro ng isang lalake sa pag-ibig ng dalawang babae. Iba man ang twist sa totoong buhay ni Derek, totoo rin na nakakaapekto ang kanyang problema sa kanyang karera. Hinaharap niya ang mga paratang ng nakahiwalayang asawa na nakapaloob sa mga kasong isinampa nito gaya ng paglabag sa R.A. 9262 o

Violence Against Women and their Children (VAWC) at pangangaliwa. Bukod sa paghihintay sa kahihinatnan ng legal battle nito, inaabangan rin ang magiging reaction ng mga dati niyang mga kasintahan na nadamay sa isyu gaya nina Solenn Heussaff at Angelica. Gaya ng mga ending sa bawat episode ng mga soap opera “abangan bukas ang susunod na kabanata” at kung paano matatapos ang isyung ito sa buhay ni Derek. Impress: Pinay teen singer fights for The X Factor Australia supremacy? Isa sa inabangan ngayon ng mga Pinoy ay ang kaganapan sa The X Factor Australia. Kasali at mainit ang laban ng 15-year old Pinay rito na si Marlisa Punzalan na pasok na sa Top 3 at finals ng nabanggit na TV contest. Base sa mga huling performances nito ay nagpapamalas ito ng galing sa pagkanta at determinasyon na kahanga-hanga lalo na sa mga judges ng show gaya ng kanyang mentor na si Ronan Keating, dating leader ng pop Irish boy band na Boyzone Ang X Factor ay singing competition na nilikha ni Simon Cowell at nagsimula sa United Kingdom. May franchise ito sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas. Isang Pinay ang itinanghal na grand champion sa nakaraang The X Factor Israel sa katauhan ni Rose Fostanes, masundan kaya ito ni Marlisa bilang pinakabangong top winner ng The X Factor Australia? Sana!

valerie weighmann, philippines latest bet to miss world

kristine delivers another blessing

ula sa modeling hanggang sa pagiging house mate sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus at hanggang sa pagiging co-host sa Eat Bulaga, ngayon ay certified beauty queen na si Valerie Weigmann. Ang half Filipina and half German 24-year old na dalaga ang itinanghal na Miss World Philippines 2014 na siyang humalili kay Meagan Young na naging kauna-unahang Pilipina na nakasungkit ng korona ng Miss World. Sa panayam ng press kay Valerie na naging crowd favorite ay sinabi nyang gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para sa korona bagaman ayaw niyang magpa-pressure. “I will be the best that I can be and show them how amazing we are, we Filipinos, how hardworking we are, and how much we deserve this... to get the back-to-back win,” saad pa ng dalaga na nanalo rin ng mga special awards na Miss Fashion Runway, Best in Long Gown, at Best in Swimsuit at special titles gaya ng Miss Solaire, Miss Figlia, Miss Jesi Mendez Ambassador, Miss Reducin, Miss Bench, Miss Blue Water Spa, Miss Hana Shampoo, at Miss Olay. “You never know what’s going to happen if you’re in a contest. Win or lose, you’re still gaining the experience. So, normally, if I go in, I don’t set for ‘I have to win,” dagdag pa ng dalaga. Samantala ang iba pang kadalagahan na namayani sa Miss World Philippines 2014 na ginanap noong Oktubre 12 sa Mall of Asia Arena ay sina First Princess Lorraine Kendrickson, Second Princess Nelda Ibe, Third Princess Nicole Donesa, at Fourth Princess Rachel Louise O. Peters.

uwang-tuwang ibinahagi ni Oyo Boy Sotto sa kanyang social media account ang malusog na panganganak ng kanyang asawa at aktres na si Kristine Hermosa noong Oktubre 11. Ang kanilang bagong silang na sanggol na lalaki ay pinangalanan nilang Kaleb Hanns. Si Kaleb ay ikatlong anak ng mag-asawa na nagkatagpo sa set ng Enteng Kabisote , isang film series na pinagbibidahan ni Vic Sotto. Ang kanilang panganay ay si Kiel or Kristian Daniel na kanilang adopted son at ang kanilang baby daughter na si Ondrea Bliss. “Thank you Lord Jesus for this blessing! #KalebHannsSotto #101114” ang mensaheng nakapaloob sa post ni Oyo kung saan first time nilang ipinakita ang larawan ni Kaleb Hanns.

M

elmo and janine, umamin na

U

mamin na ang love team at mga bida ng latest offering ng GMA ang More Than Words na si Elmo Magalona at Janine Gutierrez na magkasintahan din sila sa totoong buhay. Surpresa ang pag-amin ni Elmo sa totoong estado ng kanilang relasyon ng panganay nila Lotlot De Leon at Ramon Christopher “Monching” Gutierrez.. Ikinasiya naman ng 25-year old at European Studies graduate na si Janine ang ginawa ng nobyo dahil ibig sabihin nito ay proud ito sa kanya. Dagdag pa niya mabuti na rin daw ito para mas bukas at hindi na sila mag-iisip sa tuwing sila ay may interview. Kung tatanungin naman mismo si Elmo ay wala siyang nakikitang rason para itago ang kanilang pagkakamabutihan ni Janine lalo na’t kapwa sila masaya sa kanilang relasyon. “Siguro it was about time na rin kasi we’re just both really happy,” saad pa ng binata ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona tungkol sa kanyang pag-amin sa presscon ng More Than Words. Kita rin naman ang sweetness ng dalawa lalo na sa 25th birthday celebration ni Janine sa Center Stage KTV bar sa may Tomas Morato noong October 11. Ang selebrasyon ay pinamunuan ng kanyang talent management, GMA Artist center at mga fans. Para kay Janine ay birthday gift ang kanilang

p ro g ra m a n a i s a n g ro m a n t i c - c o m e dy s e r i e s . Ginagampanan niya rito si Ikay na isang hopeless romantic blogger na nangangarap na makatagpo ng isang ideal guy. Ang hindi niya alam ay may lalaking tulad ng kanyang iniisip sa katauhan ni karakter ni Elmo. Ang magkasintahan ay unang nagtambal sa top rating and remake afternoon series na Villa Quintana na unang pinagbidahan noong 1995 nila Donna Cruz at Keempee de Leon.

T



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.