The Pinoy Chronicle Secong Issue June

Page 1

The Pinoy

FREE NEWSPAPER

Daloy Kayumanggi

JUNE SECOND ISSUE

Impormasyon ng Pilipino

Chronicle

Baby nina Richard at Sarah, Sundan sa Pahina 7 nilantad na

News. Link. Life

Ika-116 Philippine Independence Day Sundan sa Pahina 5

ENRILE, JINGGOY, REVILLA

AT NAPOLES

KINASUHAN P NA! ormal nang inihain ang kasong plunder sa mga sinasabing sangkot sa PDAF scam na sina Senador Juan Ponce Enrile, Jose “Jinggoy” Estrada, Ramon “Bong” Revilla Jr at ang mastermind, PDAF scam queen na si Janet Lim-Napoles noong Biyernes, Hunyo 6 sa Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Sundan sa Pahina 2

APL ADVOCATES CHILDREN'S abu sayyaf kumander huli sa paranaque WELFARE AND BUILDING SCHOOL IN PHL

A

pl.de.ap of the Black Eyed Peas gave the students of Immaculate Heart of Mary School an unforgettable lecture by inspiring them with his life story and words of encouragement when he visited them. According to him "I hope I inspired. It's great. I love the energy. I love their questions." Apl.de.ap also received praises from the school's hip-hop team and award-winning choir when they seranade him. The Grammy award winning musician-turned philanthropist had a chance to reveal his future plans when he was asked by some students of the school. Accoding to him "In 5 years I would like to have a college in the Philippines, a school, with all the classrooms we've been building, were going to scale up and then

GLOBAL PINOY PAGE 3

have one main school for all the classroom." Apl is currently on the road hosting many series of concerts aimed to benefit typhoon victims, as well as blind Filipinos. Whether it's curing blindness, rebuilding disaster areas or reaching out to school kids, for Apl.de.ap, who is now living out his American dream and one of the Pampanga native's priorities will always be helping, inspiring and building better lives for the children.

FOOD TRIP AT HOME PAGE 4

S

a isang kalye ng Bonifacio San Dionisio, Paranaque City nahuli ang pinaniniwalaang kumander at financier ng rebeldeng grupong Abu Sayaff na tumanggap din diumano ng pondo mula sa international terrorist group na

Al Qaeda. Si Kair Buryos na may warrant arrest para sa mga kasong multiple murder at frustrated murder ay nahuli

sa Paranaque ng mga tauhan ng Criminal Investigation at Detection Group (CIDG). May pabuyang P1.2 milyon sa kung sino man ang makakapagturo sa kinaroroonan nito. Nakulong na noong 2007 si Buryos ngunit nakatakas ito sa tulong ng mga kasamahan niya sa Kidapawan, North Cotabato.

live coverage ng pdaf scam aprub SA malacanang

P

ayag ang Malacañang sa panukalang live media coverage sa pagdinig ng Sandiganbayan sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel scam. Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na hindi hahadlang ang Palasyo kung makatutulong ito upang mabatid ng publiko ang kaganapan at pagtukoy sa katotohanan. Kung ano ang magiging desisyon ng korte ay igagalang ito ng ehekutibo dahil mayroon namang sariling mandato ang mga ito sa mga prosesong legal tulad na lamang ng paglilitis sa mga inaakusahan. Sa ngayon ay inaabangan na ng publiko ang ilalabas na warrant of arrest laban sa mga kinasuhan ng plunder ng Ombudsman gaya nila Senador Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

WEEKLY HOROSCOPE PAGE 6

PINOY-BIZZ PAGE 7


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 2

June 2014 SECOND issue

anthony blatche ganap ng pinoy

H

Mula Pahina 1 apon nang dumating sa Sandiganbayan ang mga tauhan ng Ombudsman na dala-dala ang kahonkahong ebidensya na tumutukoy sa pagkamal ng kaban ng bayan ng mga nasabing akusado. Ayon kay Ombudsman Conchita Cerpio Morales, ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas na mga senador ang kakasuhan ng plunder na nonbailable. Tinatayang 10 bilyong Piso pork barrel ang naibulsa ng mga akusadong sina Enrile, Estrada, Revilla at Napoles kabilang ang kani-kanilang mga chief-of-staff na sina Jessica Reyes, Pauline Labayen, Richard Cambe, kapatid ni Napoles na si Ronald John Lim at isang pribadong respondent na si John de Asis na kapwa kakasuhan din ng plunder. Dagdag pa ng Ombudsman na ito pa lamang ang unang batch na kakasuhan base na rin sa mga rekomendasyon na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) na masusing sinuri ng Ombudsman’s Field Investigation Office. Aabot naman nang sampung araw ang gagawing pag-aaral kung mag-iisyu ng arrest warrant para sa mga akusado.

terminal fee kasama na sa bayad ng plane ticket

M

agandang balita sa lahat ng mga mananakay ng sasakyang pang-himpapawid dahil hindi na kailangan pa mainis sa napakahabang pila ng mano-manong pagbabayad ng terminal fee. Ayon sa Manila International Airport Authority simula Oktubre hindi na kailangang pumila pa ang mga pasahero para magbayad ng tinatawag na International Passenger Service Charge (IPSC) dahil isasama na ito sa babayarang plane ticket. Ito ang napagkasunduan ng MIAA at mga airline company upang tuluyan nang maiwasan ang pagpila ng mga pasahero lalo na’t ang iba ay mga nagmamadali upang hindi mahuli sa kanikanilang flight. “We congratulate MIAA on this new policy. It improves traveling convenience and efficiency at NAIA by removing a whole process which unnecessarily adds to the passengers’ processing time, requiring them to line up when payment can be done ahead of time” ani Department of Transportation & Communications (DOTC) Secretary Jun Abaya. Ang terminal fee na nagkakahalaga ng P550, P390 ang napupunta sa MIAA, P100 sa gobyerno at P60 Aviation Secretary. Dapat nga lang na gumawa ng hakbang ang MIAA para mas lalo pa nito mapaganda ang serbisyo sa mga pasahero.

H

indi na kailangan magalala pa ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) dahil ganap nang naturalized Filipino citizen si Anthony Blatche nang lagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang kahilingan na mabigyan ng Filipino citizenship si Blatche noong Miyerkules, Hunyo 11. Si Blacthe ang tinitingnan na kapalit ni Marcus Douthit na naging Filipino citizen noong 2011 bilang katuwang ng Gilas

Pilipinas sa kanilang pagharap sa dalawang nalalapit na International Tournaments: FIBA Worldcup sa Spain sa Agosto at Asian Games sa Setyembre na gaganapin naman sa Incheon, Korea. Dumating sa bansa noong Hunyo 8 ang 6”11 Brooklyn Net’s Center na si Anthony Blatche upang personal na makilala ang mga miyembro ng kanyang magiging koponan. Lulan ng Korean Airlines ay sinundo siya ni Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes upang makipag-

pulong kay SBP president Manny V. Pangilinan. Agad naman siyang nagcourtesy call sa tanggapan ng senado at Department of Foreign Affairs (DFA). Si Blatche na may average na 6.4ppg at 5.0rpg sa 12 games ng Net’s sa kanilang postseason ang inaasahang magiging susi upang makasungkit ng pwesto sa mga International scene ang koponan ng Gilas Pilipinas.

#BONGPANES Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang trending na privilege speech ni Senador Bong Revilla noong Lunes, Hunyo 9 matapos siya kasuhan ng plunder ng Ombudsman ng Sandiganbayan hinggil sa pork barrel scam na kanyang kinasangkutan. Sa nasabing speech ay hinikayat nito ang Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino na pagtuunan ng pansin ang patuloy na lumalalang kahirapan ng bansa. Isang music video na may titulong “Salamat Kaibigan” na siya mismo ang kumanta. Ito ay kanyang iniaalay sa mga supporters niya na hindi siya iniwan hanggang sa huli. Ipinalabas pagkatapos ang kanyang privilege speech na hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga naging reaksyon: SALAMAT KAIBIGAN Salamat sa inyong pagmamahal Sa tiwala, pananalig at dasal Ang pagsubok sa ‘ting buhay ay Hindi magtatagal Katotohanan lilitaw Sa gabay ng Maykapal. Kailanman ay ‘di nang-iiwan Sumama, nanalig sa anumang laban Ngayon ang buhay ko Ay pilit dinudungisan Ngunit ‘di ako papaya Hantungan ma’y kamatayan. Salamat mga kaibigan Kailanman ay ‘di malilimutan Kung ito man ang kapalaran Nananalig pa rin sa katotohanan Salamat mga kaibigan Kayo ang aking tanging sandigan Pagmamahal niyo ang nagbibigay kalakasan Habang kayo ay nariyan Lagi lamang tatandaan

Ikaw ako, ako ikaw Magkaibigan. Pagmamahal sa ‘ki’y bumubuo Ipaglalaban, hindi pagugupo Muli akong babangon at pagdating ng panahon Muli magsasama, may dignidad taas noo. Salamat mga kaibigan Kailanman ay ‘di malilimutan Kung ito man ang kapalaran Nananalig pa rin sa katotohanan Salamat mga kaibigan Kayo ang aking tanging sandigan Pagmamahal niyo ang nagbibigay kalakasan Habang kayo ay nariyan Lagi lamang tatandaan Ikaw ako, ako ikaw Magkaibigan. Muli kayong babalikan Hinding-hindi kailanman Malilimutan”

hindi lang pang-boxing pang basketball din

K

I had to check the tv if it was on ANC or Pinoy Box Office. #BongPanes @MIKOYG You're telling me it was the senate and NOT Showtime?! #BongPanes @tayapski Whoever wrote that speech for him and thought about ending his speech with a video should work in TV! Not in the Senate! #BongPanes @apolisms Sorry hindi ko talaga mapigilan matawa dun sa song ni Bong after the speech. Sabagay, sa bawat palabas, may closing song. #BONGPANES haha @muelwellwell #BongPanes what kind of speech was that? you should have danced as well. @drmooreducks Sabi ko na nga ba may ikakanta si Bong eh. #TVPatrol #patrolpork #BongPanes @charlesvg

ung pamilyar kayo sa isang product branding ng isang alcohol na “hindi lang pang-pamilya, pang-isports pa”, tila swak na swak ito kay Pambansang Kamao at Congressman Manny Pacquiao. Dahil mula sa pagbo-boxing ay tinahak niya ang mundo ng pulitika kung saan siya ang Representative ng Saranggani province, balik isports na naman si 8-division champion Manny ngunit hindi sa mundo ng boxing kundi sa basketball. Siya na kasi ang hinirang na bagong head coach ng bagong team sa Philippine Basketball Association (PBA) na KIA na susubok sa ika-40 season nito. Sa kasalukuyan ay nagpapa-tryout ang KIA para sa bubuo ng kanilang koponan. Napapabalita rin na susubok magpa-rookie draft si Manny sa darating na Agosto 24 kung saan doon rin sila kukuha ng iba pa nilang miyembro. Tila balak ata ni Pacman maging playing coach tulad ni PBA legend na si Senator Robert Jaworski na nakalinya rin kunin ng koponan ng KIA bilang special team consultant.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2014 SECOND issue

page 3

only 1 filipina remains in the voice of australia POEA's gate walls painted by Jhoanna Aguilar

F

Fely Irvine

T

ely Irvine, a former member of the popular children's group named Hi-5 has survived the showdown in The Voice Autralia as she sent to Sing-Off. Meanwhile one of the other Filipina who's trying a shot at the Voice of Australia, Jhoanna Aguilar was eliminated. The 24 year old Filipina took the social networking site Facebook to thank the show for what she described as a "Lifechanging experience". Aguilar said "I'm so blessed and privileged

he ambassador of New Zealand to the Philippines Reuben Levermore assured that employment opportunities for Overseas Filipino Worker's (OFWs) in the country will continue, "The reality is we are a growing economy that needs immigration. We need people to come in to fill jobs," he said. According to Levermore, Filipino workers in New Zealand are skilled migrants working as accountants, engineers, farm managers and nurses. According to Levermore, "I'm confident it's going to continue, New Zealanders regard Filipinos very highly. The community has a wonderful reputation and is involved in many activities in our community". "We've seen in the last 7 or 8 years the Filipino community has doubled the size and they are now represent 1 percent of that population". As of 2012 the Filipino community has more that doubled in

to have met and learned from so much talented and gifted artists. Thank you for this oppurtunity. I won't forget the wonderful, unique and fun memories plus the friendships I've made along the way". She also added that "This isn't the end for me, only bigger and better things yet to come!" Jhoanna Aguilar also thanked the people who supported her and believe in her in this journey. "Especially those who gave me the extra push to go on the show!"

MORE jobs for pinoys in new zealand

A size, from the data of Commision on Overseas Filipinos, there are 35,175 temporary, permanent and irregular Filipino workers in New Zealand. Now, Levermore is inviting Filipinos to come and experience the best of New Zealand through its trade fair on June 20-22 at the Glorieta Activity Center. In this event they will showcase not just the top quality food and beverages but it will also include a

tourism component. According to Levermore, "If you can't go to New Zealand, we are bringing it to you. By introducing people to New Zealand food and wine it's a nice little taste of things to come. This year, we've extended the food and beverage fair to also incorporate the travel component because we would also like to promote New Zealand as a tourist destination for all Filipinos".

spoelstra to pacquiao pinoy and 24 others becoming a basketball held hostage by coach pirates in borneo

T

peace advocates to honor our bayani ng bayan "OFWs"

he long time boxing champion was introduced this week as the coach of a new Kia team in the Philippine basketball league with season opening in October. Manny Pacquiao is getting into Erick Spoelstra's line of work, even though Spoelstra is widly popular in the Philippines, the coach of the two-time defending NBA champions Maimi Heat might have just lost his title as the nation's favorite basketball coach. Pacquiao's love for basketball is no secret, and he told the reporters in the Philippines this week that he was taking coaching position seriously. According to Pacquiao "This is a great responsibility". That being said, his next fight is scheduled for November, or shortly after the PBA season begins. The opponent remains unclear, though there's speculation that it could be a fifth bout against Juan Manuel Marquez. Pacquiao has been fighting professionally since age 16 and is 56-5-2 stat in his brilliant career. Spoelstra is planning to visit the Philippines this summer and might cross paths with Pacquiao. But a Spoelstra-Pacquiao coaching matchup is probably not going to happen. Spoelstra simply shook his head at that farfetched notion. "I'll hopefully be able to see him this summer, see what's up," Spoelstra said. "Maybe I'll check out a practice."

A

ship with 25 crew members, including a Filipino, were held hostage for 10 hours by hijackers. The pirates also stole a lot of diesel from the ship while it's in the area of Bintulu, Sarawak Malaysia. Chief Captain Che Adnan Mohd Isa, a Malaysian Enforcement Maritime Agency Labuan Enforcement said that the MT Budi Mesra Sua was hijacked for 10 hours while it was sailing from Singapore to Labuan. According to Adnan the ship's crew included a Filipino, 18 Malaysians, three Indonesians, two Bangladeshis and one Indian, were not harmed in this incident, then the ship was allowed to sail to Labuan after it's captive. Citing the initial information, six men wearing masks and dark green overalls, armed with parangs and hammers, climbed aboard the ship at 11:30 p.m. Saturday according to Adnan. They reportedly tied up all the crew and confined them in a room. The men then ordered the captain and it's chief officer to stop the engine as a vessel approached it. The armed men pumped out 100 metric tons of diesel from the ship to the pirates vessel according to Adnan. The armed pirates also ransacked the ship and turned off its radar and navigation systems before fleeing the valuables.

group of peace advocates paid a big tribute to millions of OFWs by painting the gates of the Philippine Overseas Workers Administration's (POEA) office. According to Rohaniza Sumndad-Usman, Founder and executive director of the Teach Peace Build Peace Movement (TPBPM), "Promoting peace has never been this fun". The movement collaborated with the POEA with the support of the Armed Forces of the Philippines (AFP) and Metropolitan Manila Developement Authority (MMDA) in painting the 120-meter outside long fence of the POEA buidling. The Mural painting is a good intrument in getting across one's message and illustrating positive Filipino values, This is also a creative way of informing our country men of the legal process if they plan on working abroad or obtaining overseas employment, the peace mural painting is dubbed as "Mga OFWs bilang mga Bayani ng Bayan" said POEA Deputy Administration Amuerfina Reyes. The movements way to approach peace involves art as a means for cultural exchange where all the artist, volunteers government and civil sector representatives and private organizations comes together to paint the country's wall with different arts, colors of peace. The group that painted the walls of POEA will once again promote artistic vandalism by holding it's first leg of the peace mural painting along 51st Engineering Brigade wall along C5.

hatid saya bill for ofws pushed

A

bill has been filed seeking to fund annual entertainment for Overseas Filipino Workers (OFWs) in the Asia, Middle East, Europe, and America, citing the OFWs personal sacrifices to provide their families a good life. Representative Roy Seneres of the OFW Family Party-list filed the Bill 3719, also known as the Hatid Saya for Overseas Filipino Workers Act. Under this proposed Bill, the Department of Foreign Affairs and the Department of Labor and Employment (DOLE), in coordination with the Philippine Embassies, Philippine Overseas Employment Administration and Overseas Workers Welfare Administration, shall undertake a permanent program of Hatid Saya to OFWs at least once a year. According to Seneres "The emotional aspect of working overseas will have to be confronted by the overseas Filipino workers such as loneliness, homesick, culture-shocks experience, living away from their loved ones back home for a long period of time, to name a few. Accordingly, we need something to enliven their spirits. He also added that the Philippine government needs to bring joy and merriment to our OFWs by staging musical and comedy shows with the participation of Filipino entertainers free of charge. This Bill 3719 known as Hatid Saya for Overseas Filipino Workers Act seeks initial budget of 50 million, and the succeeding allocation will be sourced from DOLE's annual funds.


pinoy community 4 page 4

Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 hioyee_mla@yahoo.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2014 SECOND issue

Tuscan Porterhouse Steak with Red Wine-Peppercorn Jus

A

porterhouse is the perfect steak for two to share because it contains good-sized portions of two of the most prized muscles in a steer, each located on either side of the center bone. The top loin, the larger of the two, is the same piece of gorgeous meat as that steakhouse staple, the New York strip. The tenderloin, attached to the other side of the bone, may be smaller, but it's a much larger portion (technically, it has to be 1 1/4-inches in diameter) than you get in a Tbone steak. If you can find dry aged, try it. It's a bit more expensive but yields more tender and flavorful meat. We pan-roast the steak with the Tuscan stalwarts of garlic, rosemary, and thyme, then serve it with a velvety red wine reduction.

INGREDIENTS

1 (1 1/2-pound) porterhouse steak (1- to 1 1/4-inches thick) 2 teaspoons black peppercorns, coarsely crushed (see Cooks' Notes) 2 teaspoons kosher salt 1 tablespoon vegetable oil 3 tablespoons unsalted butter, cut into tablespoon pieces, divided 3 garlic cloves, crushed 2 (4-inch) sprigs fresh rosemary 5 sprigs fresh thyme 1/2 cup medium-bodied dry red wine (such as Chianti, Rioja, or merlot) 1 cup low-sodium chicken broth

cooks' notes: •Coarsely crush the peppercorns with a mortar and pestle or put the peppercorns in a sealable plastic bag and coarsely crush them with the bottom of a heavy skillet, meat pounder or rolling pin. •When browning the steak, don't move it around. Let it cook undisturbed (only flip it once), so that a nice crust forms.

Special equipment: ovenproof 12-inch heavy skillet

PROCEDURE: • Let steak sit at room temperature 15 minutes. Meanwhile, preheat oven to 450°F. • Pat steak dry and season both sides with peppercorns and kosher salt. Heat oil and 1 tablespoon of butter in skillet over medium heat until butter melts. Add rosemary, thyme, and garlic and cook over medium heat, stirring occasionally, until herbs and garlic are fragrant, about 1 minute. • Add steak and cook until nicely browned, about 3 minutes per side. Transfer skillet to oven and cook until an instant-read thermometer registers 110°F for medium-rare, about 5 minutes (or 120°F for medium, about 10 minutes). • Transfer steak with tongs to a small platter, reserving skillet, and let rest for 10 minutes. • While steak rests, pour off oil from skillet, leaving garlic and herbs in skillet. Add wine and boil over medium-high heat, scraping up browned bits, until reduced by half, about 2 minutes. Add chicken broth and any meat juices from platter and boil until reduced by half, 5 to 6 minutes. Whisk in remaining 2 tablespoons butter until incorporated, then season with salt and keep warm. • To carve: Transfer the steak to a cutting board and cut meat off both sides of the bone (you should have two solid pieces of steak). Thinly slice each piece, then rearrange the slices around the bone on a platter. Drizzle with the jus.


SPECIAL FEATURE 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2014 SECOND issue

page 5

Ika-116 Philippine Independence Day “Great is this day, glorious is this date; and this moment, when our beloved people rise to the apotheosis of independence, will be eternally memorable.” —President Emilio Aquinaldo’s inaugural address, January 23, 1899

“I feel it is my duty, as it is the duty of every Filipino, to suffer with his people especially in time of crisis.” —undelivered speech of Senator Benigno “Ninoy” S. Aquino Jr. upon his return from the U.S., August 21, 1983

“We are fighting for human liberty and justice, for those principles of individual freedom which we all cherish and without which life would not be worth living.” —President Manuel L. Quezon’s inaugural address, December 30, 1941

“Democracy becomes meaningless if it fails to satisfy the primary needs of the common man, if it cannot give him freedom from fear and on which a strong republic can be built.”

kamusta na ang metropolitan theater? kuha at teksto ni jane gonzales

K

araniwan tanawin ang Metropolitan Theatre na nakapuwesto sa may kalye Lawton, Manila at halos katapat ng Liwasang Bonifacio�������������������������������������������������� at ���������������������������������������������� Philippine Post Office. Ngunit sa ilang pagkakataaon na mapapadako ang tingin ko rito lalo na kapag trapik ay hindi nawawala ang aking panghihinayang sa����� na��� sabing tanyag na gusali. Sayang kasi maganda pa ang itsura sa labas, sayang dahil mayaman daw ang kasaysayan nito, sayang ang perang ipinagpagawa nito rito kung wala rin. Sayang dahil marami sanang magandang pagtatanghal ang puwedeng ipalabas dito. Sayang at hindi ko pa napapasok. Sayang dahil pang-ghost hunting na raw sa loob nito. Sa kabutihang pagkakataon ay napasok ko ito kasama ang isang grupo ng mga hobbyist. Sabi nila may mga espiritu daw sa dito kaya mas exciting kahit nakakatakot. Sa awa naman wala naman kahindik-hindik kaming nakasama habang umiikot sa madilim, abondonado at mainit na teatro. May ilang bahagi lang talaga sa loob na parang may bumubulong sa iyo na kung tutuusin ay ihip ng mainit na hangin na talagang magpapatagaktak ng iyong pawis. Pero higit sa mga alingasngas tungkol sa multo, pawisang mga katawan, kwentuhan at pagkuha ng larawan ay ang panghihinayang talaga. Sayang kasi napabayaan ang loob, puwedeng-puwede pa itong magamit kung aayusin. Pero maaaring maging malaki rin ang budget sa reconstruction nito dahil sa mga bumagsak ng kisame, makalat na maruming dressing room, pagsasaayos ng ventilation at lighting. Pero kung bibigyan ng pagkakataon ay hindi lamang kasaysayan ang binibigyang halaga sa muling pagbuhay dito dahil isa itong magandang halimbawa ng mabusising arkitekto. Ang architect ng Metropolitan theatre o Met ay si Juan M. Arellano at ang mahusay na eskultor ng façade nito ay ang Italian na si Francesco Ricardo Monti. Art deco ang tawag sa desinyo nito na hango sa trend noong 1920 sa Paris. Maliban dito ay mababanaag pa rin ang kainaman ng sining ng paintings, walls at ceiling nito. Huli raw nagamit ang Met para sa isang music event noong 1996 at nagkaroon ng soft opening noong 2010.

—President Ramon Magsaysay’s inaugural address, December 30, 1953

116 taon na ang nakalipas mula nang ideklara at iwinagawayway ni Pangulong Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite ang watawat ng Pilipinas hudyat ng ating kalayaan mula sa mga mapanakop na mga dayuhan. Mula noon hindi na natapos ang ating pakikibaka makamtan lamang ang kalayaan. Anu-ano nga kaya ang masasabi ng ating mga pinuno na nanguna sa pakikibakang ito:

“Now, by God’s grace and the power of the people, we are free again.” —President Corazon C. Aquino’s inaugural address, February 25, 1986

“This nation will endure, this nation will prevail and this nation will prosper again–if we hold together.” —President Fidel V. Ramos’s inaugural address, June 30, 1992


pinoy na pinoy 6 page 6

Gemini - May. 22 - June. 21 Alam mo iyong mga sandali na punong-puno ka ng ideya, pangarap at emosyon na gustong-gusto mong matupad kahit parang ang imposible. Kung puwede nga lang sa isang pitik ng kamay o kumpas ng mahiwagang patpat ay matupad ang mga ito. Pero kahit na hindi ka na katulad ng dati dahil na rin sa iyong mga pinagdaanan, mayroon kang oras ngayon para pag-isipan pa nang mas malalim ang mga ito. Sa pagkakataong ito, mapagtatanto mo na lamang na matutupad pala ang iyong mga pangarap kung iyong pinagpaplanuhang maigi.

Cancer - June. 22 - July. 22

Ang pagkakaroon ng bagong kasama sa laro sa iyong trabaho o pagnenegosyo ay bagay na nagpapagana sa iyong araw-araw. Baka sila na ang iyong hinahanap para umusad ang matagal mo ng balak? Maaaring may pagkakataon na hindi magkasundo ang inyong mga pananaw pero ang mahalaga ay may makakasama ka sa hirap at ginhawa. Gayon din naman ay may nakahandang magpapayo sa iyo kung hindi mo alam ang gagawin mong hakbang. Maging positibo sa mga bagong oportunidad na nakapaligid sa iyo.

Leo - July. 23 - August. 22

Pakiramdam mo tama na ang kaligayahan na iyong nararamdaman at kailangan mo na muling magpakasubsob sa trabaho. Naiintindahan ng mga tao na minsan ka lang maging masayang-masaya. Kaya, lasapin mo lang ang bakasyon o pagsasaya na kailangan mo rin naman para mas maging inspirado ka sa paghahanap-buhay. Pinaghirapan mo naman kung ano man ang mayroon ka ngayon kaya tama lang na maging maligaya ka sa mga panahong ito.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Ang pagiging malaya ay isang desisyon din sa buhay na puwede mong piliin para sa iyong sarili. Nahihirapan ka na sa inyong pagsasama? Parang hindi ka pinapahalagahan ng mga barkada mo? Ayaw mo na sa kompanyang pinapasukan mo? Hindi naman kailangan na literal na makipagkalas ka sa relasyon kundi palayain ang iyong sarili na maging sobrang apektado sa kanila. Ito ay pagtanggap kung ano sila, ano ka at aasikasuhin mo na lamang ang iyong sariling mga pangangailangan.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Sa isang punto nakikisama ka para matanggap ka, mayroon namang mga sandali na nagpapakatotoo ka na wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ng iba sa iyong pagkakamali. Paano naman kaya kung may magkagusto sa iyo na minsan mong nakasalamuha? Ipagpapatuloy mo ba kung ano ang imaheng nabuo sa isipan n’ya noon? Huwag kang mag-alala dahil kung alin man sa ginawa mo dati ay tama at pareho mong dapat ipagpatuloy. Hindi naman dahil nakikisama ka ay nagpapanggap ka ng mabait.

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Pati sa larangan ng pag-ibig ay mas matindi na rin ang kompetisyon ngayon. Hindi na lamang kasi tao ang karibal mo sa atensyon n’ya kundi mga mapagkakaabalahan na umuubos ng kanyang oras. Huwag kang mawalan ng pag-asa, baka nga ito pa ang iyong tsansa na mapalapit sa kanya. Halimbawa na wala s’yang masakyan sa umaga o kaya naman parati siyang bumibili ng prutas malapit sa inyong area. Sa panahon ngayon, ang pagiging masigasig at malikhain ang katapat ng mga pusong naisasantabi dahil sa pag-iisip ng problema.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

JUNE 2014 SECOND issue

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Nagtanda ka noong namoproblema ka na kung hindi ka nababaon sa utang ay wala ka na halos madukot sa iyong pitaka. Mabuting-mabuti ang nagiimpok para sa mga emergency na pangangailangan. Pero, kung may naitatabi kang sobra hindi na rin masama ang mag-isip na mag-invest para naman mas mapalago ang iyong pananalapi. Hindi lang pagtatabi ang puwede mong magawa sa pera, magagamit mo rin itong bagay para sa iyong kinabukasan at sa iyong mga minamahal sa buhay.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Ang pangingimi sa pagsasabi sa iyong opinyon ay natural na sa iyo gaano man ito kasimple o radikal. Pero bakit nga ba nagtitimpi kang magsalita kung ang sinasabi mo lang naman ay kritisismo na makakatulong sa pagbabago ng iba? Huwag kang magtimpi sa iyong saloobin. Katunayan ay kilala kang magaling sa pag-aanalisa at diplomatikong pakikipag-usap, mas marami ang handang makinig sa iyong mga nais na sabihin.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Wala ka pang gana at mas gusto mo munang magmasid-masid kung ano ang pinagkakaabalahan ng iyong mga kaibigan sa kanilang social media account at sa kanilang tahanan o trabaho. Ano ang mapapala mo sa gawaing ito? Depende kung paano ka tumanggap ng tagumpay ng ibang tao? Masama kung maiinggit ka lamang at sisimulang manira o kaya naman ay bumaba ang tingin mo sa iyong sarili. Ang mabuti ay kung makakahugot ka ng inspirasyon sa kanila para mapagbuti mo pa ang iyong mga kakayahan at talento.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Pagkatapos mong makamit ang isang layunin o goal, huwag ka namang magmadaling sundan ito kaagad ng panibagong malaking proyekto. Gaya ng ibang maingat at matagumpay na indibidwal, ipinagdiriwang nila ang kanilang panalo gaano man ito kaliit o kalaki. Ito ay break para lasapin ang bunga ng kanilang pinaghirapan at tingnan muna ang kabuuan ng direksyon na nais nilang tahakin. Isa pa’y iba rin ang nakakapag-relax para maging handa ulit sa panibagong laban.

Aries - March. 21 - April. 20

Parang pagtawid sa masikip at may kadilimang eskinita ang pagbabalanse ng buhay pag-ibig at karera. Kaya naman mas mapanghamon ang sitwasyon kung nais mong simulan na ang bagong kabanata ng inyong relasyon. Sa halip na maduwag, pag-isipan mong mabuti kung ano ang magandang hakbang para wala kang dapat bitawan. Sa totoo lang alin man sa dalawang ito ang mawala ay hindi rin makakabuti sa iyo.

Taurus - April. 21 - May. 21

Ang kadalasang hindi maganda sa mga bagay na nais mong pasukin ay ang pagbibigay mo ng importansya kung ano ang makakapagpabango sa iyong imahe. Maikukumpara ito sa pagbabalat-kayo at pagsunod lamang sa dikta ng kaugalian at, hindi nang kung ano ang nararapat at talagang gusto mong gawin. Kung tutuusin hindi naman kailangan na mapagkakakitaan at makakapagpapogi lang ang iyong pagkaabalahan. Kapag masaya ka naman sa iyong ginagawa, kasunod na nito ang maraming magagandang bagay.


pinoy-BiZz JUNE 2014 SECOND issue

page 7

baby nila rIchard at sarah, nilantad na

K

asabay ng paglulunsad ng lifestyle show ng pamilya Gutierrez, ang It takes Gutz to be Gutierrez ay ang pag-amin ni Richard Gutierrez na isa na nga s'yang ama sa anak nila ni Sarah Lahbati na si Zion. Ayon sa young couple hindi naman sila nagsinungaling tungkol sa kanilang sanggol kund nais lamang nilang protekahan ito. Hindi na nga nag-atubili ngayon ang matinee idol ng Kapuso Network na sagutin na ang matagal nang haka-haka sa kanila ni Sarah. Sinasabi kasi noon na kaya umalis ang Starstruck alumna kahit may kaso laban sa pamunuan ng GMA Artist Center sa pangungunan ni Atty. Annette GozonAbrogar ay dahil nagdadalang-tao na ito. Pero ang rason na iniwan ni Sarah ay para mag-aral muli. “Now I think is the perfect time. Ayos na ngayon ang lahat ng kaguluhan sa side ni Sarah and GMA-7. “Ngayon nakapag-move on na lahat so now is the perfect time to answer all the questions and sa reality show namin,” saad pa ni Richard sa press people. June 8 nang ipalabas ang pilot episode ng 6-part reality series ng pamilya Gutierriez na binubuo rin ng veteran actor na si Eddie Gutierrez, kontrobersyal na si Annabelle Rama, former beauty queen Ruffa, at TV- host at kakambal ni Richard na si Raymond. Ito ay ipinapalabas sa E! Channel at mapapanood sa 20 bansa. Ngayon nga ay lantad na rin sa larawan ni baby Zion lalo na sa Instagram account ni Sarah. Pero ang intriga naman na ipinupukol kina Sarah at Richard ay kung bakit kailangan nilang mag-deny. Sa panayam ng aktor kasama ang kanyang ina sa The Buzz kamakailan, sinabi nito naghintay lang sila ng tamang pagkakataon lalo na’t may pinagdaanan silang magkasintahan noong isang taon. Ibinahagi rin ng aktor na noong manganak si Sarah ay nasa tabi siya nito at siya ang unang nakakita sa kanilang anak. Inamin din ng aktor na nagsasama na sila nito sa tahanan ng kanilang mga magulang at sa ngayon ay hindi pa nila napag-uusapan ang kasalan, bagaman sinabi niyang ang 20-year old actress na talaga ang babaeng gusto niyang makatuluyan. “Ngayon pa lang namin nasi-share si baby Zion. Ngayon pa lang namin nae-enjoy having a baby.

big brother, sumusobra na nga ba?

P

inagpapaliwanag hindi lamang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), kundi ng mga senador na sila Pia Cayetano at Nancy Binay ang pamunuan ng sa likod ng Pinoy Big Brother (PBB) All In hinggil sa episode at task na magmodela ng nude ang isang housemate. Ang insidente ay nag-ugat nang sabihan ni Kuya o Big Brother na ang next challeng n'ya kay Jayme Jalondoni ay may kinalaman sa nude painting. Inayawan ito noong una ng Christian at 23-year old na dalaga na tila nakagulo sa kanyang isipan at sa kanyang ama. Bunsod sa makatawag pansing task na ito ay nakatakdang magpulong ang ABS-CBN at ang MTRCB. Nagpahayag na rin pagtuligsa sa PBB si Sen. Cayetano na aniya nakakadismaya. “I am dismayed that one of the challenges was for the female housemates to pose nude. This is an assault to the dignity of the women housemates. Asking a woman to consider posing nude in such a situation – where her acceptance to perform the challenge is made in exchange for points or benefits for herself or her housemates – is tantamount to coercion,” saad pa ng Senadora.

“PBB producers should take note of the Magna Carta of Women (

Sec.19, Implementing Rules and Regulations) which encourages the non-derogatory portrayal of women in media. The program’s producers need not wait for the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) to take action. It should give a public explanation and apologize for that unwarranted challenge.” Gusto naman ipasilip ni Sen. Binay ang rule book ng Endemol na franchise owner ng PBB. Kinakastigo rin nito ang mga hamon na ipinapataw sa mga contestant nito para mag-rate ang show. “I believe this is the second time PBB went overboard. How far can reality TV go for high ratings? Will we allow the network to exploit our women and children for ratings sake? “Did Endemol and ABS-CBN go out of line with this particular challenge? Hanggang saan po ba ang pwedeng ipagawa ni Kuya sa mga housemates at parang pati dangal nila ay kailangang isakripisyo?" Pahayag ni Sen. Binay.

sheryn regis, sangkot sa same-sex love affair

M

atagal-tagal rin nang mawala sa limelight ang singer na si Sheryn Regis na kapanayabayan ni Erik Santos sa singing contest noon na Star in a Million. Sa muli niyang paglitaw ay nabahiran naman ito ng kontrobersya sa intrigang naging magkarelasyon sila noon sila ng businesswoman na si Emy Madrigal. May asawa’t anak na si Sheryn nang umusbong ang kanyang karera noon. Ang kanyang matining at mataas na boses ang kanyang naging puhunan sa kanyang karera na iniwan matapos ang ilang taon para manirahan na sa ibang bansa. Pero lumantad nga si Emy at sinabi nitong nagkaroon sila ng relasyon ng singer at kung ano ang nangyari sa kanilang pagsasama. Ayon pa rito, hiwalay s’ya sa kanyang asawa nang aminin sa kanya ni Sheryn

ang kanyang pagiging tomboy at mahal na siya nito. Noong una umano ay naging MU sila hanggang sa maging official noong 2011. Naging generous daw s'ya mangaawit na mula sa Cebu, na kahit anong hilingin nito basta kaya niya ay ibibigay niya. Sa interview pa rito ng Pep.ph ay sinabi nitong “consummate” ang kanilang relasyon at madalas silang mag-usap sa Skype. Nagkaroon ng lamat ang kanilang samahan nang simulan na siyang pagtaguan ni Sheryn at nang malaman niyang may nakarelasyon din itong ibang babae. Katunayan ang tinirahan daw ng pamilya nito sa Amerika ay ang karelasyon nitong babae. Pagtanggi ni Sheryn Sa official statement na ipinadala sa press ni Sheryn ay agad nitong pinabulaanan na nagkaroon sila ng ugnayan ni Emy. Gayon din ay ikinuwento kung gaano siya kakontento sa buhay nilang pamilya sa ibang bansa kung saan nakatutok s'ya bilang asawa’t ina sa kanyang mag-ama. Paminsan-minsan ay umuuwi rin daw s'ya sa Pilipinas para makasama ang kanyang kamag-anakan sa Cebu. “I would have chosen to ignore and keep silent about this unbelievable issue but I do have a family and I believe I have to be fair to them. To start with, everyone knew how I began in the industry, followed my career until I decided to migrate in the United States in 2010 to concentrate with my own family. I am very fortunate enough to have a loving husband and blessed enough to have a wonderful daughter. I don’t have any regrets and I will continue to be thankful to the Lord for giving me such a quiet and contented life,” bahagi ng pahayag ni Sheryn. “As regards to the gossips about me, this is all I can say, as we all know, being part of this entertainment industry would

subject us to all kinds of defamatory issues. I cannot please everybody. There are people who think they know you and say whatever they want. Some would misinterpret my kindness, some would even assume. “Once and all, I am issuing this public statement to protect my reputation as well as of my family. “Whatever the intentions are for doing these will be given justice by the people who would either believe it or not,” dagdag pa sa statement ng dating ASAP mainstay. Resbak ni Emy Sinagot naman kaagad ang pahayag ni Sheryn ni Emyna ngayon ay nasa ibang bansa. Ayon rito ay puro kasinungalingan ang naging statement ng singer laban sa kanya at nilalayo sa iba pang isyu gaya ng may kinalaman sa pera. “Kahit na nagagawa niyang pagtaguan ako ng ilang buwan, bigla na lang siyang magpaparamdam ‘tapos sabay hingi ng kung anu-ano, lalo na pagdating sa cellphone loads na umabot sa halagang P120,000,” pahayag pa nito sa kanyang Facebook account. Sinabi rin nito na nakarelasyon rin ni Sheryn ang kamag-anak ng kanyang asawa kasabay ng kanilang relasyon. At hindi raw siya ang nanligaw, nanggamit at habol ng habol kundi ito na nagpapadala pa raw ng picture kung saan may hawak itong kutsilyo at natatangkang magpatiwakal. Dagdag pa nito ay hindi naman siya artista para mangailangan ng publicity. “Actually, ako ang ginamit niya dahil kahit karelasyon na niya yung relative ng mister niya, lihim sa aking kaalaman, niligawan niya pa rin ako at pinaniwala na mahal niya. “Tuloy ako ang pinagastos niya para sa lifestyle na pilit niyang mini-maintain dahil alam niya mahal na mahal ko siya at alam niya na mayroon akong ilalabas.”

movie review: may be this time starring coco and sarah ni phoebe dorothy estelle

N

aging malakas din sa takilya ang unang tambalan sa pelikula nina Coco Martin at Sarah Geronimo. Ang kanilang movie na Maybe This Time na co-production ng Viva Films at Star Cinema ay lagpas dalawang linggo sa mga sinehan at sinasabing lumagpas na rin sa 100 milyong piso ang kita. Istorya naman ng mahirap na nagbalik mayaman Kapansin-pansin na palaging mahirap ang ginagampanan na role ni Coco sa telebisyon lalo na sa kanyang hit series noon na Walang Hanggan kasama si Julia Montes at sa Ikaw lamang kung saan katambal naman niya si Kim Chiu. Kaya naman kahit masasabing typecast na siya sa role na ito, ay bentang-benta pa rin ang kanyang karakter na Antoni “ Tonio” Bugayong na isang simpleng probinsyano na umibig sa estudyanteng si Stephanie

“Tep –Tep” ( Sarah). Pero maiba, ang twist ay yumaman si Tonio at hindi naman nag-revenge at katunayan siya pa ang apologetic sa kinahinatnat ng istorya nila ni Teptep. Ang balakid lang sa kanilang landas ay ang kasintahan ni Tonio na si Monica (Ruffa Gutierrez) na boss din ni Stephanie sa pinagtatrabahuan niyang PR firm. Ang pagpupumilit na mabago ang imahe ni Tonio ang naging source of comedy at naging tulay para magkalapit sila ni Teptep. Dagdag na rin sa conflict na ito ang pag-ayaw ni Coco sa mga demands ng career-oriented girlfriend niya. Ruffa plays vital role Dahil nakasanayan na sa pareparehong role ng mga gumanap na artista, hindi naging kaaakit-kaakit ang background and personality nina Tonio at Tep-tep. Kung manonood ka ng movie dahil fan ka alin man nila Coco at Sarah mas sundan mo na nga lang kung ano sila bilang movie star at hindi aktor. Dahil mas nakilala si Sarah sa paggawa ng mga romantic- comedy films with John Lloyd Cruz at Gerald Anderson, halos wala ka makitang pagbabago maliban sa iba lang ang ginagalawan niyang istorya at karakter. Kung nakapanood ka naman ng ibang pelikula ni Coco lalo na ang kanyang mga independent films hahanapin mo ang kanyang lalim sa pag-arte. Medyo mahirap yun kay Tonio dahil ang simple ng build up ng kanyang character. Kung may

mark bautista balik na sa concert scene

F

dapat abangan na scene para kiligin ang manoood ay iyong pagbabalik tanaw nila Tonio at Teptep sa kanilang nakaraan. The rest ay halos "agawan base" ng paninisi at pagsisi ang takbo ng kanilang love story. Maiba naman sa ibang socialite character ni Ruffa , ang role n’yang si Monica. Walang halong pagduda na kontrabida kung kontrabida ito sa buhay ni Stephanie na umaasam ng promotion. Sa dialogue lang nabigyan ng magandang pagsasalarawan si Monica na mula sa point of view ni Tonio. Iyon ay kung paano sila nagkakilala at paano niya nagustuhan. Pero maliban sa dati ng pagiging mayaman, sa physical features pa lang ni Ruffa na kitang-kitang mas matangkad kay Coco ay mararamdaman mo kung anuano ang awkward sa kanilang relasyon. At hindi nga malabong, balikan na lang ni Tonio ang kanyang dating mga gusto kabilang na si Teptep at kanyang hilig sa paggawa ng muwebles. Sa ganitong aspeto ay masasabing epektibo ang karakter ni Ruffa at siya mismo sa kanyang acting lalo na sa mga eksena na tinatarayan niya si Stephanie. Kasama rin sa pelikulang ito sina Buboy Garovillo at Sharmaine Buencamino na mas angat ang talent sa pagarte, gayon din ng showbiz reporter – comedian na si Ogie Diaz na tawa pa lang may dating na.

or a time ay tila nag-focus si Mark Bautista sa pag-arte at pagiging performer –host niya sa Sunday variety show sa GMA. Pero ngayon taon ay isang konseryerto naman ang kanyang pinagkakaabalahan, hindi lamang bilang singer pero bilang producer. Ang The Best of Me ay solo vehicle ni Mark para mabigyan naman ng kasiyahan ang kanyang mga fans na nakaka-miss sa kanya sa concern scene. Kilala si Mark sa buo niyang boses at pagkanta ng mga standard songs maliban sa nakasanayang Pop. Sa kanyang music project na gaganapin sa Crowne Plaza Manila Galleria Grand Ballroom sa June 21 ay matutunghayan ang kanyang mga awitin lalo na mula sa kanyang pinakahuling album under Viva Records, The Sound of Love. Ang album ay naglalaman ng kanyang mga personal na napiling awitin. Pangako rin ni Mark na magpapakitang-gilas siya sa The Best of Me kung saan ang kanyang special guests ay ang Bossa Queen ng ‘Pinas na si Sitti at RnB Princess Kyla. Kasama rin dito ang dating leader ng Sex Bomb dancer na si Rochelle Pangilinan. Hindi kaya may hinahandang dance showdown ang Singer-TV personality, ‘yan ang dapat abangan.


Tagalog_A4_ol.pdf 1 2014/05/22 12:07:01


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.