PINOY NA PINOY: WEEKLY HOROSCOPE Daloy Kayumanggi
THE PINOY Impormasyon ng Pilipino
CHRONICLE News. Link. Life
FREE DELIVERY EVERY M,T,W,FRI AND SAT
SIMULA 10:00 AM UNTIL 2:00 PM KAYA TAWAG NA SA ASIA YAOSHO YOUR ONE STOP FILIPINO SHOP
TEL # 03-4431-3500 FREE DIAL 0120-344-233
“YOU ARE TOO TOUGH”
PINOY LOCAL P.2
PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5
WEEKLY HOROSCOPE P.6
PINOY SHOWBIZ P.7
SEE PAGE 4 FOR MORE DETAILS
- F LO Y D M AY W E AT H E R J R
S
a isang unanimous decision na 118-110, 116-112, at 116-112 ay nabigo si People’s champ Manny “Pacman” Pacquiao na dungisan ang boxing record ni Floyd “Money” Mayweather Jr at tanghaling undefeted unified welterweight champion of the world.
KASONG MURDER LABAN SA MILF, BIFF AT PAGS
Bagaman ilang beses na-corner ni Pacman si Mayweather sa unang round ay tila dinaan sa pagyakap at pagtakbo ang score card na pabor kay Mayweather. Pagdating ng round 2 ilang beses na naman na-corner si Mayweather kung saan pinayuhan si Pacman ng kanyang coach na kapag pinilit niyang pumasok ay hindi siya makakasuntok.
-- SPECIAL FEATURE --
SALISBURY STEAK WITH BEEF AND MUSHROOM GRAVY
Tara Let's Eat!
This version of Salisbury steak is a easy, quick, and tasty. It might not be your common Salisbury steak and can be more of a burger steak , but what’s important is how the dish tastes.
If you are planning to visit the province of Iloilo, aside from their historical churches and houses, island hidden beaches and festivals... a taste of Iloilo’s finest is a must try!
CONTINUE ON PAGE 4
ILOLO MUST TRY FOODIES
CONTINUE ON PAGE 5
KASONG MURDER ang inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) laban sa 90 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at private armed groups (PAGs) kaugnay nang madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao nitong Enero. Ang 225-pahinang report ng joint Special Investigation Team sa pagkasawi ng 60 katao, kabilang
ang 44 tropa ng gobyerno sa Mamasapano ang pinagbasehan ng DOJ. Bukod sa murder, nahaharap din sa kasong pagnanakaw ang naturang mga personalidad dahil sa pagkuha ng mga armas ng mga nasawing miyembro ng Special Action Force. “It was murder all the way and around when the MILF, BIFF and PAGs crossed the river over to the cornfield to finish off the dying members of the 55th SAC (Special Action Company), by means of gunshots to the head and other parts of their bodies,” nakasaad sa report. Nauna nang sinabi ng DOJ na malaking bahagi ng kanilang report ay base sa mga salaysay ng mga testigo. Hindi pa rin naman ipinaalam ni Justice Secretary Leila de Lima ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Giit naman ng MILF na hindi nila isusuko ang kanilang mga tauhan.
DID YOUFEATURE: KNOW? INSPIRE. LOVE. SUPPORT BY CHEF SAU DEL ROSARIO SPECIAL
pinoy-bizz story CONTINUE ON PAGE 7
DANIEL MATSUNAGA AT ERICH GONZALES UMAMIN NA? Bulung-bulungan ang pagkakamabutihan ng Kapamilya stars na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales. Mas naging mainit pa ito nang aminin ng aktres na hiwalay na sila ng kanyang nonshowbiz boyfriend na apat na taon din niyang nakarelasyon. Ano nga ba ang real score sa dalawa?
May 2015 First Issue
Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2015 I FIRST ISSUE
page 2
TALK 'N TEXT NAIUWI ANG KAMPYEONATO
cover story
Muli na naman na-corner si Mayweather at nasapul ng left jab ni Pacman 19 seconds bago matapos ang round 3. Puno ng determinasyon ay patuloy na sumugod si Pacman para tanggapin ni Mayweather ang magkakasunod na left at right jab kung saan sa simula ng round 4 ay nakatanggap na si Mayweather ng isang malakas na kaliwa mula kay Pacman.
INABOT ng double overtime ang sagupaan sa pagitan ng Talk ‘n Text Tropang Texters at Rain or Shine Elasto Painters upang maiuwi ang PBA Commisioners Cup 2015 championship 121-119. Ito ang kauna-unahang PBA championship ni Jong Uichico bilang head coach: “It’s something new to me, to win a championship sa Talk ‘N Text, and hopefully, more championships,” Matatandaan na anim na titulo ang ibinigay niya sa San Miguel, habang tinulungan niya ang Barangay Ginebra sa dalawang korona at ang huli ay noong 2008 PBA Fiesta Conference bilang assistant coach.
MMDA TUTULONG SA NEPAL
Subalit pagdating ng round 5 ay nakabawi si Mayweather ng kanyang counter punch kung saan naiwasan niya ang right hook mula kay Pacman. Sa round 6 muli na naman na-corner si Mayweather kung saan nakatanggap siya ng right hook. Ngunit katulad ng mga naunang round, iniipit na naman ni Mayweather ang ulo ni Pacman para mapahinto ito sa pagsugod na kanya namang tinatakbuhan. Patuloy pa rin ang yakap ni Mayweather kay Pacman ngunit nakatanggap at nasapul ng left hook sa round 7. Nakabawi naman si Mayweather 1:25 oras ng round 8 ng mag-full counter at left jab sa ulo ni Pacman. Naging advantage ni Mayweather ang kanyang 5-inch reach para magawa ito. Tila nag-iinit na si Mayweather dahil nagpaulan ito ng straight counter na nabawian naman ni Pacman ng right straight sa katawan ni Mayweather sa round 9. Round 10 naka-counter na naman si Mayweather sa kanyang straight right at right jab. Mas lalo pang naging agresibo si Money pagdating ng round 11 sa kanyang right hand. Ngunit di naman nagpatalo si Pacman sa kanyang counter left hand mixing with right jab mula katawan hanggang pataas. Round 12 naka isang straight left sa katawan ni Mayweather si Pacman1:59 oras ng final round. Pumabor man ang 8 rounds kay Manny habang 3 lang ang kay Mayweather, marami ang nagtataka kung bakit lahat ng scores ay pumabor sa huli.
Sa talaan ito ang naging hatol ng 3 judges: Mayweather Totals 67 to 267 JABS 81 to 168 POWER 148 to 435 TOTAL PUNCH
Pacquiao 18 to 193 63 of 236 81 to 429
MATAPOS ang nakakayanig na 7.8 magnitude na lindol sa Nepal, nagpagpasyahan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpadala ng probing at retrieval team sa Kathmandu, Nepal upang tumulong sa mga naging biktima ng Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, mga well-trained rescuers ang kanilang ipapadala katulad noong nilindol ang Bohol at La Libertad, Negros Orienal noong 2013. “This contingent will likewise conduct postearthquake studies to aid Metro Manila in case an earthquake of similar magnitude occurs,” pahayag ni Tolentino. “We are optimistic that our personnel can provide the needed expertise and assistance that Nepal badly needs. They are helping in behalf of the entire government of the Republic of the Philippines.” Dagdag pa ni Tolentino na ang kanilang misyon ay hindi lamang para tumulong bagkus ay para rin suklian ng tulong na natanggap ng Pilipinas noong bayuhin ng bagyong Yolanda ang bansa.
“Medyo may kalawang nga eh. Sometimes when you go away, nakakalimot ka. Mabuti, we were able to try to keep our minds straight,” wika ni Uichico. Sa talaan ito ang pang-pitong PBA title ng koponan ni team owner Manny V. Pangilinan. Pagtatapos ni Uichico “It’s a new chapter in my life. It’s nice, isang magandang kuwento na I can just run through my mind all the time”. Samantala isa rin itong career high para kay Ranidel De Ocampo na nagtala ng 24.2 points, 6.5 rebounds, 2.5 assists at 1.5 blocks para tanghalin siyang Finals Most Valuable Player.
“This is our way of showing our gratitude to the global community for helping us Filipinos in the aftermath of super typhoon Yolanda, particularly in Leyte and Eastern Samar. We need to show solidarity with the international community. After all, we are a one world family. We need to act in unison during times of disasters,” patuloy ng MMDA chairman. Tinatayang halos 5,000 katao ang kumpirmadong patay sa magnitude 7.8 na lindol at umabot na rin 14, 021 ang mga sugatan at 100 naman ang mga na namatay mula sa karatig bansa na India, Tibet at Bangladesh. Bukod sa mga buhay na nawala ay nasira rin ang ilang mga makasaysayang gusali sa Nepal.
PAGBITAY KAY VELOSO, NA-REPRIEVE ILANG ORAS BAGO ang nakatakdang pagbitay, ipinagpaliban ng gobyerno ng Indonesia ang parusa kay Mary Jane Veloso. Itinuturing na isang himala ang pagpapaliban sa pagbitay kay Veloso matapos ilang beses igiit ng Indonesia na itutuloy nila ang pagpapatupad ng kanilang batas. Tanging si Veloso lamang ang nailigtas, habang ang walo pa niyang kasama sa death row ay namatay na sa pamamagitan ng firing squad. Samantala, labis ang kasiyahan ng pamilya ni Veloso sa naging desisyon ng Indonesia. “Totoo pong may himala na dumating sa buhay ng anak ko,” pahayag ni Celia Veloso sa kanyang panayam sa dzMM. “Hindi ako makapaniwala. Ang alam nga po namin kanina wala na talaga.” Dahil dito sinasabing malaking tulong sa pagpapaliban ng pagbitay kay Mary Jane ang paglutang ng recruiter niya. Gagawin na rin isang state witness Mary Jane Veloso kontra sa umano’y recruiter niya matapos ipagpaliban ang pagbitay kaninang madaling araw. Iniatras ang pagbitay kay Veloso matapos iapela ni Aquino sa gobyerno ng Indonesia na gawing testigo ang OFW laban sa sindikatong gumamit umano sa kanya. “The purpose of the stay is to allow Mary Jane to give testimony in connection with the complaint filed against the recruiters,” wika ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario. Ilang oras bago bitayin si Veloso kahapon ay sumuko
ang umano’y recruiter niya na si Maria Kristina Sergio sa provincial police station sa Nueva Ecija. Naibalik na sa normal na selda sa Yogkayarta si Veloso mula sa prison island sa Nusakambangan. Sinabi naman ng tagapagsalita ng DFA na si Charles Jose na isang testigo at complainant si Veloso sa kasong ng Department of Justice (DOJ) laban kay Sergio. Nitong Abril lamang ay naghain ng kasong illegal recruitment, human trafficking at estafa by swindling ang National Bureau of Investigation (NBI). Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na biktima ng panloloko si Veloso at ang mga recruiter dapat ang managot. Samantala, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Miyerkules na ililipat si Sergio sa kustodiya ng NBI. Iginiit ni Sergio na inosente siya at lumutang lamang siya dahil sa banta sa kanyang buhay.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2015 I FIRST ISSUE
PRESIDENT AQUINO THANKED INDONESIA FOR MARY JANE VELOSO'S REPRIEVE
Philippine President Benigno Aquino III on Thursday thanked Indonesia for granting a reprieve to a Filipina on death row, crediting his Indonesian counterpart Joko Widodo for his quick action. Aquino told reporters that he had sent a letter just after midnight that had resulted in the last-minute decision by the Indonesian President not to execute single mother Mary Jane Veloso. Just hours before Veloso's execution by firing squad along with other convicted foreign drug traffickers in Indonesia, PNoy had asked that she be spared so she could serve as a witness against the drug syndicate that allegedly duped her into acting as a mule. “We’d like to thank the Indonesian government for the rapidity of the response on this proposal,” he said. “This was an idea that happened about roughly before noon, which we communicated to the (Indonesian) foreign minister and from the time we communicated it, it was sent directly to President Widodo and they had to discuss this until the very, very late hours,” he told reporters. Veloso, 30, maintains that an international human trafficking and drug gang tricked her into bringing 2.6 kilograms (5.7 pounds) of heroin to Indonesia from Malaysia five years ago. She won an 11th-hour stay of execution after the person suspected of asking her to carry the drugs unexpectedly turned herself in to authorities in the Philippines on Tuesday. The temporary reprieve caught the Philippine press by surprise, with papers running front-page headlines bidding Veloso farewell and accusing Aquino of failing to save her. However, the execution of seven other foreign drug traffickers did proceed as scheduled, resulting in a surge of criticism against the Indonesian government. Aquino said he realised “how major this thing is”, with Widodo’s government being hit by a backlash, so he appreciated the Indonesian government’s efforts. The Philippine justice secretary will now talk to the Indonesian attorneygeneral to discuss procedures for investigating the syndicate. But Aquino warned that 14 Filipinos are caught each year for allegedly acting as drug mules overseas, adding that this showed the need for further action. The situation of Veloso had gained nationwide attention as it was seen as representative of the hardships suffered by the 10 million ordinary Filipinos, or a tenth of the population, who work abroad, to escape poverty and scant job opportunities back home.
page 3
UAAP CHEERLEADING SQUAD WINS BIG IN 2015 CHEERLEADING CHAMPIONSHIP IN ORLANDO FLORIDA AFTER WINNING both the 2015 National Cheerleeding Championship and UAAP Cheerdance Competition in t h e P h i l i p p i n e s , t h e Na t i o n a l University's cheerdance team showed off its title-winning moves to win big at t h e 2 0 1 5 Wo r l d C h e e r l e a d i n g Championships in Orlando, Florida. N U, a s t h e P h i l i p p i n e s ' s o l e representative at the international event, won the silver medal for the AllGirl Elite category and the bronze for the Coed Elite and Team Cheer Hip Hop divisions. According to a statement by the NCC, the Philippines improved upon its bronze medal win in last year's All-Girl category. M o r e o v e r, P h i l i p p i n e C h e e r Association (PCA) president Eduardo
David said this was the first time the country competed in the Cheer Hip Hop division. The All- Girls squad was formed through national tryouts by athletes in high school and college, while the high school group of Miriam Sayawatha represented the Philippines in the
KATE MIDDLETON GIVES BIRTH TO A BABY GIRL
KATE MIDDLETON, Prince William's wife gave birth to a girl, sparking celebrations for the royal couple's new arrival, a princess who becomes the fourth in line to the British throne. "Her Royal Highness The Duchess of Cambridge was safely delivered of a daughter at 8.34 am," the royal residence of Kensington Palace said in a statement. Prince William was present for the birth and all senior members of the royal family have been told the news, which was first announced in a tweet and then by the traditional colourfully-dressed town crier on the steps of the hospital. Media teams from around the world rushed to the private maternity wing of St Mary's hospital in the early morning, joining a group of royal superfans who have remained camped outside for more than a week. There, cheers in the crowd after the birth, with supporters
Cheer Hiphop division. "Three podium finishes in all three divisions. If this were an Olympic sport, we can expect medals every four years or so. We're pretty good at this," NCC and Team Pilipinas Cheerleading founding head Carlos Valdes said in the statement.
singing: "It's a girl! It's a girl!" Kensington Palace said Kate was admitted to the hospital accompanied by her husband at around 6.00 am in the early stages of labour. Within minutes of the news that Kate had gone into labour, the news was trending on Twitter as #royalbaby and more and more curious onlookers could be seen arriving at the private clinic in the city centre. Kensington Palace had announced Kate's pregnancy in September and she struggled with severe morning sickness as she did in her first pregnancy. William has told supporters the second child will be a "game-changer" after the first "life-changer". William and Kate are planning to spend the first few days after the birth at Kensington Palace. Cannons will be fired across London to celebrate the birth -- 62 shots from the Tower of London and 41 from Green Park -- and the British flag will be flown from government buildings. The baby's name may not be revealed for several days. William's name was not announced for a week, while the world had to wait one month after Charles was born. George was named two days after his birth. The princess will be christened as a member of the Church of England, wearing a replica of the intricate lace and satin gown made for queen Victoria's eldest daughter in 1841. Experts say the royal birth could inject tens of millions of pounds into the British economy, with a baby princess particularly lucrative because she could become a fashion trendsetter.
SPECIAL FEATURE: INSPIRE. LOVE. SUPPORT In celebration of his 20th anniversary in the culinary industry, the renowned “ organic “ Chef Sau Del Rosario shared his love, a piece of his soul and his very inspiring story through his book entitled “Chef Sau del Rosario:20 years of love and cooking” at Epicurious, East Wing Shangrila Mall Edsa on April 16. The book is not just about recipes but it also features 20 of his good friends /mentors who have became instrumental and influential in his successful career. A very inspiring message from his friend, mentor and father-figure, Enderun Culinary Head chef Cheong Yan See commenced the program. He remembered Chef Sau’s humble beginning when he became his apprentice on his first restaurant. He considered him as one the great people who helped him from day 1 until its success. On how they stayed intact with each other during the hard times and until now that Chef Sau is successful, he still considered Chef See in most of his decision and towards his career. “I am a chef but I am only as good as my people. I am sure that my people is better than me. That’s the only way it’s supposed to be. I know i’ll be history but I will leave legacy, that will be carried by my people...so let Chef Sau carry my legacy”. He ended with a plea to Chef Sau “Sau please give as I have given you”. Another mentor/friend who also inspired Chef Sau on his journey in reaching his dream was PR expert Junie Del Mundo. He started joking that he did not received an invitation from Chef Sau that it was only in the morning that he found out that he was tasked to make a speech during the book launch. But when he first opened the Chef’s book, he became emotional on how Chef Sau valued and honored him for representing Paris to Chef Sau’s life. “When I opened the book, it was my life in Paris” he quipped. And then the rest was history between them. Their mémoire together in Paris are the evidence that Paris welcomed Chef Sau with open arms. But have you ever wondered why Chef Sau’s inside the tub on the cover? Because Chef Sau’s the dish and the stalk represent all the people who have helped him revealed the best in him to become the Chef Sau of today. In return, this book was his way of saying THANK YOU to all of them and dedicate his success to his mother, that one day he will be able bring a copy of his book when meeting his mother in heaven someday. ‘20 Years of Love + Cooking’ is available in all National Book Store and Fully Booked outlets in Metro Manila, and is available for online for Php1,200 at www.breakfastmag.com. For more inspiring and success stories of people in the Culinary Industry, visit www.foodfindsasia.com
pinoy community 4 page 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
This version of Salisbury steak is easy, quick, and tasty. It might not be common Salisbury steak and can be more of a burger steak , but what’s important is how the dish tastes. This Salisbury steak with beef and mushroom gravy is really yummy. If you have not tried cooking anything before, or if you are just starting, this is something that you should try. It might just look intimidating, but it is really quick and easy to prepare. Enjoy your own Salisbury steak with steamed white rice of mashed potato. You can add fried eggs on top, which might sound unusual, but that is just probably for some. However, It is good, and you should not limit yourself to this recipe too. Try what you think might work – who knows, your Salisbury steak version might be a hit.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2015 I FIRST ISSUE
INGREDIENTS • 2 lbs. ground beef • ¾ cups breadcrumbs • 3 tablespoons mustard powder • 2½ teaspoon onion powder • ½ teaspoon garlic powder • ⅛ teaspoon ground black pepper • ½ teaspoon salt • 6 tablespoons salted butter • ¾ cup chopped mushroom • ¼ cup all-purpose flour • 1 to 1½ cup water • 3 tablespoons cooking oil INSTRUCTIONS • Prepare the patty by combining the ground beef, breadcrumbs, mustard powder, 1 teaspoon beef bowser, onion powder, garlic powder, ⅛ teaspoon ground black pepper, and ½ teaspoon salt in a bowl. Mix all the ingredients together. Form the meat mixture into patties. • Heat the cooking oil in a pan. • Once the oil becomes hot, pan-fry the burger patties in medium heat for 3 to 5 minutes per side depending on the thickness. Set aside. • Prepare the gravy by melting the butter in a clean saucepan. • Once the butter becomes hot, put-in the sliced mushrooms. Cook for 1 minute. • Add the flour. Stir until the flour absorbs the butter and a lump is formed. • Pour-in the water and 1½ teaspoons beef powder. Stir well to distribute the distribute the ingredients well. Continue to cook until the gravy reaches the desired thickness. Add more water if the gravy is too thick. Add salt and pepper to taste. • Arrange the cooked patties in a serving plate. Pour the beef and mushroom gravy on top. • Serve. Share and enjoy!
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2015 I FIRST ISSUE issue SEPTEMBER 2014 SECOND
page 5
TARA LET'S EAT: If you are planning to visit the province of Iloilo, aside from their historical churches and houses, island hidden beaches and festivals... a taste of Iloilo’s finest is a must try! 1. Breakthrough restaurant was named as such because the owners were able to ‘break through’ their humble beginnings as their resto became one of the most famous dining spots in Iloilo.
Iloilo must try foodies
2. Netong's La Paz Batchoy , which started in 1940's, continuously capturing locals and tourists to flock their Iloilo’s signature dish, La Paz Batchoy.
3. Roberto’s one of the most iconic restaurants in Iloilo because of its legendary King and Queen Siopao.
4. Madge Cafe offers a native-brewed coffee to satisfy coffee cravings after trying Iloilo’s famous La Paz Batchoy which is just few steps away from Netong's.
5. Hometown Buffet by Freska has wide selection of famous Ilonggo Dishes for a very low price. Whether you’re on a tight budget or not, your visit to Iloilo will never be complete without trying these famous Iloilo’s finest food offerings.
pinoy na pinoy 6 page 6
Taurus - April. 21 - May. 21
Nag-iisa at single o may ka-partner na? Alin man sa nabanggit ang iyong estado mapapansin mo na magkakaroon ng naiibang kinang ang iyong kariktan sa mga nakapalagid sa iyo lalo na sa iyong special someone. Ano ang pinanggagalingan nito? Nagsimula ito noong maniwala ka na may itsura ka, na may nagmamahal sa iyo, at noong sabihin mo sa iyong sarili na importante kang tao. Kayunayan ay miski mga bituin ay umaayon sa iyo, gayon din ang mga pusong nahahalina sa iyong aura. Ipagpatuloy mo lang iyan.
Gemini - May. 22 - June. 21 Alam mo ba ang kantang "One Hello" Bahagi ng lyrics nito ang linyang ‘Coz love begins with one hello’ na akmang-akma sa iyo. Huwag kang mahiyang bumati sa kanya na espesyal sa iyo o kaya ay makipagkilala sa taong interesante para sa iyo. Sa umpisa lang ‘yan hiya pero kapag nakapag-usap na kayo nang matagal ay unti-unti ring mababarag ang pader na namamagitan sa inyong dalawa . Hindi ba’t maganda na simulan mo na ito sa nakakilig na pagkakataon o tao? Iba rin talaga ang nagagawa ng kumonikasyon dahil ito ang posibleng tulay para sa pagkakalapit ng dalawang tao.
Cancer - June. 22 - July. 22
Hindi naman kailangan manimbang sa pagitan ng pagmamahal at karera lalo na kapag ang nagmamahal sa iyo ang s’ya pang masugid mong taga-suporta. Mararamdaman mo na lamang na pagdating sa trabaho ay siya pa ang nagpapaala sa iyo ng dapat mong gawin. Handa rin siyang magpaubaya ng oras at pagkakataon para maging maganda pa ang takbo ng iyong paghahanap-buhay. Sukluin mo ang kanyang suporta sa pamamagitan ng paggawa nang lahat ng iyong makakaya.
Leo - July. 23 - August. 22
Marami kang tyansa para pausbungin ang estado ng iyong love life. Subalit bago o habang abala ka rito, ang hindi mo dapat kinakaligtaan ay kung paano rin maging masaya. Ibig sabihin lamang nito ay hindi mo dapat ipagkamali na masaya ka kasi nagbibigay ka ng pagmamahal. Gayon din ay may iba’t ibang dahilan para maging maligaya. Pero kung gusto mo na sa pagibig lang nakatutok, siguraduhin mo na hindi one-sided ito at siya lang ang natutuwa.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Bakit nga ba kung kailan mo lang kailangan ng tulong ay saka mo lamang napapansin ang suporta ng iyong minamahal? Hindi mo ba alam kahit wala siyang sinasabi o kahit pa minsan ay negatibo ang kanyang nababanggit na mga litanya, sa dulo ay gusto rin niyang maging matagumpay ka. Ituring mong napakasuwerte mo sa pagkakaraon ng kapareha na handang magmahal at maging iyong lakas kapag ikaw ay naghihina.
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Pinagpala ka na ma-enjoy ang magkakaibang bagay sa iyong buhay. May panahon ka para sa makipag-bonding sa iyong mga kaibigan at may kakayahan ka na makamit ang gusto mong gamit o investment. Bukod pa rito ay matiwasay naman ang takbo ng iyong relasyon sa iyong special someone. Maging mapagsalamat sa iyong mga natatanggap na biyaya sa halip na maging negative. Pero hindi ibig sabihin nito ay hihinto ka na sa pagpapaunlad ng iyong sarili at pagtupad sa iyong mga pangarap.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
MAY 2015 I FIRST ISSUE
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Maging handa sa atensyon na iyong natatanggap dahil sa pinili mong maging seksi o kaakit-akit. Tingnan mo nga naman , ang hindi mo inaakala ay puwede pa lang mangyari. Kung sana dati mo pa ginawa ‘di ba? Pero okay lang naman kung iyang pagpapaganda o pagpapaguwapo ay ngayon mo lang pinagtuunan ng pansin. Ang mahalaga ay ginawa mo at naniniwala ka sa epekto nito sa iyong kumpiyansa sa sarili at personalidad. Tama na ang pagsisimangot , nakakapangit iyan sa iyong itsura at pananaw sa buhay.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Ang pag-ibig ay para sa lahat at sa pambihirang pagkakataon ay marami ang nakakaranas ng pagmamahal sa mga panahon na ito. Ang sign mo ay mas espesyal kaysa sa iba dahil may karelasyon ka man o single, inadyang maging masaya ang lagay ng iyong puso na may kasamang kilig at romansa. Maghintay ka lamang kung anong araw papatak ito at sana kapag dumating iyon ay pagbuksan mo ang mga taong kumakatok sa iyong puso.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Malaki ang magagawa ng inyong pagtutulungan para tumibay at magkalapit kayo ng iyong minamahal. Puwedeng nariyan siya para tulungan ka sa iyong pagpapayat gaya ng pagsama niya sa iyo sa pag-eehersisyo. Maaari rin na handa s’yang matuto ng bagay na iyong pinag-aaralan at samahan ka kahit sa iyong mga klase. Magandang pagkakataon ito para madiskubre ninyo pa ang inyong mga sarili nang sabay at sa mas masayang mga pagkakataon. Hindi ba’t mas romantic pa sa romantic ang ganitong mga moment.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Masarap din sa pakiramdam na kahit na matagal na kayong magkasama ay para kayong nagliligawan pa rin. Ang pagdi-date ay puwedeng normal na kaganapan sa inyo pero malaki ang epekto nito para sa iyong pagmamahalan at pagiging bukas sa isa’t isa. Kung kayo ay may mga anak, maganda na magkaroon kayo nang mga sandaling kayo lamang at hindi kasama ang mga bata. Magkaibang aspeto rin naman ang pampamilya at pang may-asawa kaya kapag may pagkakataon ay magpakasaya kayo.
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Nakakasagabal sa iyong pagkamit ng tagumpay ang iyo ring agam-agam sa sarili. Ang totoo ay malakas kang tao pero dahil sa lumalamang ang inggit at parati mong pagkukumpara sa estado ng iba sa iyong sarili ay naapektuhan nito ang iyong progreso. Tigilan mo iyan at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang iyong magagandang katangian. May mga talento ka na natatangi at tunay na maipagmamalaki, bukod pa sa angkin mong kagandahan. Huwag mo sanang kakalimutan ‘yan.
Aries - March. 21 - April. 20 Hinay-hinay ka rin sa iyong mga ginagawa. Mabuti ang masigasig sa buhay lalo na sa iyong mga mitihiin pero balansehin mo rin. Huwag mong pabayaan ang iyong kalusugan dahil higit sa pera at kasikatan ay ito talaga ang iyong puhunan. Gayon din naman, iwasan mo ang maging masyadong bilib sa sarili, hindi kabawasan sa iyong kumpiyansa ang pagiging mapagkumbaba at hayaan din ang iba na maging bida kung hindi ka naman inaagribyado. Sa bandang huli, ang mahalaga pa rin ay ang mga bagay na hindi kayang tumbasan ng pera gaya ng kalusugan at pagkakaibigan.
pinoy-BiZz MAY 2015 I FIRST ISSUE
page 7
DANIEL MATSUNAGA AT ERICH MICH LIGGAYU SINAGOT ANG AKUSASYON NG INA NI JAM GONZALES UMAMIN NA?
Kung pagbabasehan ang kani-kaniyang social media account ay tila close na close na nga ang dalawang TV personality. May isa pa ngang post sa Instagram ang ina ni Daniel na tinukoy si Erich na bahagi ng kanilang pamilya. Sa mga nang-iintriga sa Brazilian-Japanese actor-model na siya ang dahilan ng hiwalayan ng 24-year-old actress at ng nobyo nito, pinabulaanan ito ng grand-winner ng Pinoy Big Brother: All In. “I’m sorry about that,” saad ni Daniel sa panayam niya sa ABS-CBNnews.com. “But ‘yun, it’s not because of me... Before, they had their lives, and I think they just learn with each other. And, that’s it. The four years that they had, that’s it.” Madalas na nagkakasama na noon ang dalawa sa daily show ni Kris Aquino na Kris TV kung saan sila malimit na guest hosts. Bukod rito ay nagkasama rin sila sa natapos na primetime soap na Two Wives kung saan ang kanilang mga karakter ay nagkatuluyan at nagpakasal. Wala pang direktang sagot ang dalawa sa tanong ng press sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Pero may isa nang post sa kanyang Instagram si Erich kung saan ang caption niya sa larawan nila ni Daniel ay: “Vou sentir a sua falta se cuida meu amor (I will miss you take care my love).” Maliban naman sa pagbabahagi kanilang collage photos, nagpahaging din si Daniel sa kanyang nararamdaman sa Star Circle Quest 2 champion sa salitang Bisaya. “Tungod sa imo, mas naa nay meaning ang akong kinabuhi. Salamat s a G i n o o kay g i h a t a g ka N iya s a a ko . B l e s s i n g j u d ka n ga n i a b o t . Gimingaw nako sa imo #spartanbaby @erichgg. Gihigugma tika :***.”
4 PINOY CONTESTANTS PASOK SA ASIA'S GOT TALENT GRAND FINALS
Kasali na sa grand finals ng Asia’s Got Talent ang apat na pambato ng Pinas na binubuo ng El Gamma Penumbra, Junior New System, Gerphil Flores at Gwyneth Dorado. Tatlo sa apat na contestant na ito ay nakaranas nang mabilis na pagabante sa semi-finals hanggang grand-final dahil sa ‘golden buzzer’ verdict ng mga judges. Ang Asia’s Got Talent ay ang kauna-unahang pan-regional edition ng talent show franchise na nilikha ng Syco TV ni Simon Cowell. Ito ay iniire sa pamamagitan ng AXN Asia at ang mga tumatayong judges ay sina Vaness Wu ng F4, Spice Girls former member Melanie C, Indonesian music icon Anggun at award-winning songwriter at arranger na si David Foster. Ang grand final ng AGT ay gaganapin sa Mayo 7, habang ang grand final result ay sa Mayo 14 sa Marina Bay Sands, Singapore. Ang magwawagi sa contest na ito ay mag-uuwi ng $100,000. Sa murang edad na 10-taong gulang ay ipinamalas ni Gwyneth Dorado ang kanyang kumpiyansa sa sarili at galing sa pagkanta habang tumugtog ng gitara. Sa unang beses na lumabas sa entablado si Gwyneth, na kung saan kinanta niya ang ‘Roar,’ ay apat na yes kaagad ng natanggap nito. Sa ikalawang pagkakataon naman ay inawit nito ang ‘Nobody Perfect’ ni Jessie J na nagdala naman sa kanya sa grand finals. “Philippines, Asia, World! This is it! Your votes and confidence in me have brought me to the finals. I will always give my best for all of you. Thank you very much! Maraming maraming salamat po. I love you all! Mahal ko po kayo!” saad ni Dorado sa kanyang Facebook. Pag-awit din ang naging susi ni Gerphil Geraldine Flores para mapansin ng madla sa AGT. Isang opera singer ang 24-year-old na dalaga na nakasali na noon sa Pilipinas Got Talent. Dahil sa mahusay na interpretasyon ni Gephil ng ‘Speak Softly Love,’ sa unang pagkakataon ay pinindot ni David Forster ang golden buzzer na automatic na naghatid sa kanya sa semi-finals mula sa audition stage. “You sing so in tune. You really, really have a career. I would love to get my hands on you, because I think I can make you sound even better,” papuri ni Foster matapos umawit ni Gerphil “(Where Do I Begin?) Love Story” na pinasikat ni Andy Williams sa kanyang pagsalang sa semi-finals. Samantala, standing ovation din ang natamo ng dance group na Junior New System lalo na sa kanilang production number sa semi-finals kung saan sila nakatakong na sapatos. Maliban pa rito ay pare-parehong pumindot ng golden buzzer ang apat na judges. “I know it brings the difficulty level but, I love watching you guys get into it and I know you want to do that too more than you want to wear heels. You guys are my favorite,” komento ni Wu, na siya ring nagpindot ng golden buzzer noong audition ng grupo para makasama sila agad sa semi-finals. Sabay-sabay din na nag-press ng golden buzzer ang mga judges para sa El Gamma Penumbra noong semi-finals. Sa pahayag ni Anggun, na siyang nagbigay ng golden buzzer verdict sa Filipino grupo noong audition stage, sinabi nitong proud ito sa kanila. Ang performance ng El Gamma ay nagpakita ng imahe ng mga tao na naiipit sa giyera at hangad ng marami ng kapayapaan. “I’m just extremely moved by what I just saw. It was really emotional. You made me really proud tonight. I’m sure you made Filipinos proud tonight. Thank you. That was flawless,” sabi ni Anggun. Para sa mga gustonf bumuto sa ating mga kababayan, maaaring bumoto sa pamamagitan ng www.facebook.com/asiasgottalent , app voting, o pag-send ng sms. Sa Pinas ang paraan ng pagboto ay pagtype ng ‘SMS AGT(contestant number)” at ipadala sa 2929 para sa Globe and Smart subscribers. Ang hot line naman ay 8876335.
SINAGOT na ng bahagi ng Youtube sensation na JaMich na si Michelle Liggayu ang mga paratang sa kanya ng ina ni Jam na si Mrs. Maricar Sebastian. Matatandaan na ilang buwan pa lamang ang nakararaan nang igupo ng sakit na lung cancer si Jam. Subalit pagkatapos nito ay nagpahayag naman ng pagkadisgusto si Maricar kay Mich na aniya’y sinosolo ang kinikita ng Jamich tandem sa Youtube. “I said, ‘I want a breakdown of finances of my son.’ I am not a stage mother and I did not even get a single cent from him because we have our own lives. This time, since my son died, I now have the right (to his share),” pahayag ni Maricar sa interview sa kanya ng Startalk. “I wish I did not have to speak up but it’s just too much. We were asking for his belongings. But you told us that you will think about it. We were asking for his share but you did not give us any. You want everything for yourself. My son also worked hard for it. Jamich will not exist without Jam. And until now, you are benefiting from it,” dagdag pa nito. Sa pareho ring programa, sinagot isa-isa ni Mich nang live ang ibinabatong intriga sa kanya. Isa na rito ay ang pagiging walang kwenta umano niyang nobya kay Jam at ang pakikipagmabutihan n’ya sa singer na si Neo Domingo. Kapwa pinabulaanan ng dalaga ang mga alegasyon sa kanya at sinabing ‘tropa’ lamang sila ni Neo. Hindi raw ito nanliligaw sa kanya at walang nanliligaw sa kanya ngayon. Samantala sa punto ng pakikipagrelasyon niya sa namayapang Youtube star, sinabi ni Mich na ibinigay niya ang kayang maibigay sa nobyo. Nabanggit din niyang 24/7 silang magkasama ni Jam dahil sila ay nag-live in at sa kanilang trabaho. Ibinahagi n’ya rin na sa pitong taon nilang pagsasama ni Jam ay hindi naging madali ang kanilang
KATRINA AT HAYDEN, NAGKABATI NA
BALITANG bati na sina Katrina Halili at ang mga nakaalitan niyang sina Hayden Kho at Dr. Vicki Belo dahil sa kontrobersyal na sex video noong 2010. Matatandaan na umabot ang isyu sa pagkasuspendido ng lisyensya ni Kho bilang doktor at pagdinig sa kanilang kaso sa senado. Sa Instagram post ng pamosong dermatologist ay ibinahagi nito ang larawan nila ni Hayden at Katrina kasama ang talent manager na si Lolit Solis. “This picture was taken 10 days ago. I always believe in forgiving but I have to admit that it’s not easy. But, if God can forgive us for all our sins who are we not to do the same. Being bitter and unforgiving enslaves you and not the other person. To God be all the glory,” saad ni Dr. Belo sa kanyang Instragram. Nagpahayag din ng kanyang katuwaan si Hayden pagbabati nila nina Katrina at Vicki. Matatandaan na naging viral ang sex video ng Starstruck 1 finalist at 34-year-old cosmetic doctor. Ang isang anggulo pa ng eskandalo ay naganap ang affair nina Katrina at Hayden, gayong may relasyon pa ang binata kay Vicki. “I had wanted to wait for the proper time to announce this reconciliation that happened last week; but since it’s already out I might as well say my piece too. “After seven years of enmity, Katrina, Vicki, and myself
unang tatlong taon. Ayaw daw kasi noong una ng parents ni Mich sa binata dahil jobless ito noon. Sinabi rin ni Mich na nabigla siya sa paglabas at mga paratang ni Maricar sa kanya patungkol sa pera. Aniya ay wala na s’yang kinikita rito dahil na-hack ang Youtube account ng Jamich at sa ngayon ay gumawa na siya ng sariling account. Ang huli nilang pag-uusap umano ay nung araw na mailibing si Jam at bukas naman ang kanyang kampo na makipag-usap kay Sebastian para maayos nang pribado ang kanilang problema. “Sa mga ‘Jamich family,’ gusto kong sabihin sa inyo na walang ‘Neomich.’ Hindi kami ni Mich at hindi naging kami ni Mich,” pahayag ng binata na binatikos ng mga sumusuporta sa Youtube tandem na “Jamich,” pahayag naman ni Neo sa hiwalay na interview ng Startalk. “Sana suportahan niyo (fans) lang siya [Mich], kailangan niya kayo ngayon, kailangan niya ang suporta n’yo, kailangan niya ang pagtiwala n’yo, at pag-intindi sa kaniya, kailangan niya ang pagmamahal n’yo.”
are now reconciled. And I want to say that just like the restoration of my medical license, the restoration of my relationship with Vicki, Katrina, and many others happened because I first sought to restore my relationship with God. “It was by God’s grace- made available through the sacrifice of our Lord Jesus Christ- that I have been restored. And I want to emphasize that when the Bible says, “Seek first His kingdom and all THESE things shall be added to you (Matt6:33)”, we are given a principle that can be tested and proven to be true over and over again. All glory to God Who alone deserves it,” mensahe pa ni Kho.
JIMMY KIMMEL, BUMIDA RIN SA BOXING CHAMP NI PACMAN KAY MAYWEATHER NATURAL na sa mga artistang Pinoy ang magpahayag ng suporta at pagkadismaya sa pagkakatalo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. Subalit sa kampo ni Manny noong araw ng ‘Fight of the Century’ ay ang agaw-pansin, bukod kay Mommy Dionisia Pacquaio, ay ang late night host na si Jimmy Kimmel. Kasama si Kimmel sa entourage ni Manny sa pagpasok nito sa MGM sa Las Vegas’s Grand Garden Arena nang nakapormang ala-Justin Bieber. Ang shirt nito ay may nakadesign na Pacman na kung saan kumakain ng mga maliliit na larawan ni Mayweather. Sa ibang banda, si Bieber ay nasa entourage naman ni Mayweather. Bago ang laban ay nagpahayag si Jimmy na fan siya ni Manny at nais niyang maging bahagi ng entourage nito. Dumalaw si Manny sa programa ng 47-year-old TV host na Jimmy Kimmel Live noong April 23. Samantala, ipinahayag ni Jimmy sa kanyang Instagram ang kanyang pagkadismaya sa pagkatalo ni Manny sa Instagram. “@jimmykimmel: Disappointing result but what a fight thank you for making me your Bieber @MannyPacquiao you are a champion.“ Samantala, talagang star-studded ang laban dahil sa dami ng Hollywood stars na naging live audience gaya nina
Drew Barrymore, Paris Hilton, Denzel Washington, Bradley Cooper, Jake Gyllenhaal, Beyoncé and Jay Z, Mary J. Blige, Diddy, Mike Tyson, Ben Affleck, Michael Keaton, Sugar Ray Leonard, Hugh Dancy, Claire Danes, Bridgid Coulter, Don Cheadle, Robert De Niro, Nicki Minaj, Michael Jordan, Tom Brady, Mark Wahlberg, at Clint Eastwood. Ang actor-singer naman na si Jamie Foxx ang umawit ng national anthem ng America sa laban.