The Pinoy Chronicle Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
FREE NEWSPAPER
October 2015 First Issue
WHO IS APOLINARIO MABINI? SAFE TRAVEL WITH FUN AND SISIG NA TILAPIA
SPECIAL FEATURE P2
ADVENTURE? GO TO DAVAO! TARA-LET'S P5
FOOD TRIP AT HOME P4
#ALDubEBforLOVE sets new Guinness World Record JASON DAY
THE FILIPINO AUSTRALIAN IS NOW THE WORLD'S NO.1 GOLFER
Pumalo ng 25.6 million tweets ang hashtag #ALDubEBforLOVE' National Pabebe Wave Day noong nakaraang sabado upang isipin na nakapagtala ito ng bagong Guinness World Record for most popular hashtag. Tinatayang 25,652,800 tweets mula 12am hanggang 11pm ng Setyembre 26 ayon sa talaan ng GMA News Online. Ngunit bago pa man ang nasabing episode, ay namamayagpag na ang
tambalang Alden Richards at Maine Mendoza sa Twitter nang makakuha ito ng 12.1million tweets para sa hashtag #ALDUBMostAwaitedDate. Samantala, ayon kay Michael DiCarso, head ng Guinness World Records ASEAN, magkakaron sila ng masusing pamamaraan upang matukoy na nakapagtala nga ang ALDub ng bagong record.
WHAT'S INSIDE
IMPRESS OR EXPRESS ALDUB DOMINATES TWITTER JERICHO ROSALES IN WALANG FOREVER KAPAMILYA LOVE TEAMS UNITE PINOY-BIZZ STORY P7
Filipino-Australian Jason Day has emerge to be the world number one rank after winning the BMW Championship in the United States. Jason Day’s win was his fifth victory in the season following back to back triumphs at the Canadian Open, the Farmers Insurance Open, The Barclays, and his maiden major at the PGA Championship. The feat makes him the only third golfer, joining Tiger Woods and Vijay Singh, to win this many games in a season in the last 20 years. According to Day “Knowing that right now there’s no one on this planet that’s better than me, that’s pretty cool,” about his success. “That out of all the golfers that are in the world playing right now, that I’m the best. It’s such a good feeling.” The golf pro’s win also puts him in top spot among 30 players on the FedExCup points list, the season-ending Tour Championship. A win for Day will give him a $10 million bonus prize. Day’s mother is from Leyte province and his grandmother and relatives perished when Supertyphoon Yolanda struck the country, according to a Malacanang Palace statement recognizing the golfer’s many achievements. Jason Day added that “Yesterday and today were probably the toughest rounds I’ve ever had to play in my entire life.”
MICHELLE OBAMA WEARS FIL-AM FASHION DESIGNER
MONIQUE LHUILLIER DRESS ON THE POPE'S VISIT TO THE WHITE HOUSE PINOY-GLOBAL STORY P3
FREE DELIVERY
ORDER 5,000 WORTH OF GOODS GET 1 FREE DRY DELIVERY MULA SA ASIA YAOSHO KAYA TAWAG NA ASIA YAOSHO PROMO FOR OCTOBER P4
October 2015 First Issue
Free Newspaper
Pinoy-local 2
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I FIRST ISSUE
page 2
Who is Apolinario Mabini?
I
t was very disappointing to hear (especially from STUDENTS) quipping why Epi Quizon (Apolinario Mabini) was seated the whole time in the biopic “Heneral Luna.” Now let’s take a little historical review to refresh the minds of these so-called “pag-asa ng bayan” to know who is Apolinario Mabini and why he became a hero to our independence. The Historical Commission is grateful for the discovery of this rare photo of Mabini by the California.-based Kevin Soriano Perez in an auction in the U.S. and did not hesitate to bid for it, even it cost him much. A reproduction of the photo is among the highlights of the Commission’s Mabini Shrine Tanauan. Soriano, who was also from the same town where Mabini was born, Tanauan City, Batangas, will “repatriate” this rare Mabini photo for posterity purposes. Mabini fell ill sometime in January 1895, at the height of his youth and passion for reform movement in Manila. Until one day, the year after, he was paralyzed, and his physicians--all were fellow patriots--were clueless of his illness. He was already 31 then. His detractors who envied his power and influence in the revolutionary government circulated a gossip that his paralysis was actually caused by syphilis. He died in 1903, still clueless what caused his paralysis. 80 years later, in 1981, the Philippine Orthopedic Center and the National Historical Institute (forerunner of the Commission) exhumed his remains at Mabini Shrine Tanauan for post mortem examination. The physicians, driven by patriotism and inspired by Mabini, found out that Mabini’s paralysis was caused by polio. In a letter dated 9 November 1900, Mabini recounted: “Since January 1896, I cannot stand because of weakness in my waist and legs. I do not suffer any other ache and I look as if I were not sick. The physicians however say that I will never recover my health; but I do not despair because I am still able to do something good for my country.” Indeed, Mabini was “still able to do something good” for the country, for he guided Aguinaldo in his decisions, served the people by contributing his knowledge on jurisprudence in designing a democratic government befitting for his people (democracy was not introduced to us by the Americans), and penned orders and laws needed by the country. He was indeed even more powerful than Aguinaldo, but used his power for the sake of bayan. Here is an excerpt from an undated resignation letter (ca. December 1898) of Mabini. He felt Aguinaldo no longer needs him, as the latter had been listening to and being controlled by those whom Mabini called “viruses”--the likes of Pedro Paterno and Felipe Buencamino: “Although I acknowledge that you have reasons to get tired of me because I only tell you things that may cause you trouble, I hope you will have the patience to read through what I am going to tell you, as I promise never to trouble you again... “Neither did I expect that you would grant the rich people these guarantees. We worked without any pay; but the rich people will not put up their money without having a voice in the Treasury. It is probable that the members of the Board would ask for salaries. In this case, the rich people will get all the benefit and the soldiers will remain hungry. The rich would press the collection from the tenants. The administrators will pocket part of the money, and only a small amount will go to the government safe... In the end, the tenants and the employees will blame you, and the rich will have a big laugh. “Would to heaven that their plans would not prosper! I am calling your attention to this so that you would carefully choose the persons whom you may appoint as members, and would to heaven that you do not choose persons who would be bribed and who would be subservient!” “In as much as you now count with many helpers, please allow me to resign. When you had no one, I worked by your side despite my ailment; now that you do not need me anymore, it is but fair that I should think of my health... That is why I said at the beginning that this will be the last time I shall trouble you... May God enlighten you, inasmuch as in your hands lies the welfare or the misfortune of the Philippines.” Aguinaldo did not approve Mabini’s resignation. From being a mere political adviser pro bono, Aguinaldo made Mabini the president of his cabinet with concurrent position as Foreign Affairs secretary on 2 January 1899. Mabini finally resigned from Aguinaldo’s government on 5 May 1899, out of disgust to the people surrounding and controlling Aguinaldo, i.e. Paterno, Buencamino. Together with Antonio Luna, Mabini was against the U.S. autonomy. A month later, Luna was assassinated and it is said if Mabini did not resign he would be assassinated as well. Mabini was more than just the “brains of the revolution” but the “light that guided the Filipino nation.” After his resignation, Mabini became a journalist and had written critical articles about the government. In his article “La Verdad en su Lugar” (“The Truth in its Place,”) published in La Independencia (Luna’s newspaper) on 15 October 1899, he said “Sincere, honest, and loyal politics are, in truth, very hard to find these days, because, unfortunately, self interest and ambition take control over individuals and blind governments...”
Special card para sa mga senior citizenat persons with disabilities (PWDs) Pinaalalahanan ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs), na sa Setyembre 28 na magsisimula ang pagtanggap ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mga application para sa pagbibigay ng special card para sa kanilang pagsakay sa LRT at Metro Rail Transit (MRT). Sa ipinalabas na anunsiyo ng LRTA, ang mga application ay maaaring makuha sa lahat ng booth teller ng istasyon ng LRT Line 1 at 2 gayundin sa MRT-3. Isasailalim sa 10-araw na processing time ang lahat ng application para sa pagbibigay ng special card sa mga matatanda at PWDs at maaari itong kunin o i-claim sa anim na major station ng LRT-1 na kinabibilangan ng Roosevelt, Monumento, Doroteo Jose, Carriedo, Central at Baclaran. Layunin ng LRTA na bigyan ng awtomatikong 20-percent discount sa pamasahe ang mga PWDs at
matatanda sa oras na sila ay sumakay sa LRT at MRT. Paglilinaw naman ni LRT spokesman Hernando Cabrera, ang PWD/senior citizens special beep cards ay walang pagkakaiba mula sa ordinary beep cards mal iban sa special chip na nakadikit o nakabaon sa special beep card na magsisilbing basehan para sila’y bigyan ng 20-percent fare discount. “Physical appearance of the special cards are not different from the ordinary cards but the personal data of the senior citizen or PWD is embedded in the chip of the card and will appear in the system,” ayon kay Cabrera.
Panukalang bawal bumili ng sasakyan kung walang garahe Bagama’t magkakaiba ang naging reaksyon sa bagong panukalang ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahit sila mismo ay maaapektuhan dito. Inaasahan na ni MMDA Chairman Francis To l e n t i n o n a m a ra m i a n g a a l m a s a b a g o n g panukalang ito. “Medyo maging controversial ito pero ‘yung pagmamay-ari rin ng sasakyan ay may kaakibat na responsibilidad,” ayon pa kay Tolentino. Aminado rin si Tolentino, na maging siya ay hindi tiyak kung ito’y uubra dahil kailangan pa rin itong
pag-aralan nang mabuti. Gayunpaman, naniniwala si Tolentino na ang solusyon pa rin sa trapik ay maayos na mass transit system. Kapag may maayos umanong mass transit ay maraming hindi na maeengganyong bumili ng sasakyan. “Ang solusyon talaga dito ay mass transit ulit, hindi ka na bibili ng sasakyan kung maganda ang sasakyan natin sa Metro Manila. Ang maganda dito pangmatagalan. Dapat long-term talaga ang solusyon,” dagdag ni Tolentino.
Sinundo ng mga kawani ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang magkapatid na dating Palawan Governor Joel Reyes at dating Coron Mayor Mario Reyes sa Phuket Thailand na parehong suspek sa pagpaslang sa journalist at environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011. Nakaposas ang magkapatid na nakabalik sa bansa noong nakaraang Biyernes bandang alas-3 ng madaling araw sakay ng Philippine Airlines Flight 733. Iniharap sila ni PNP chief Police Director Ricardo
Marquez sa press conference kanina. Pansamantalang ikukulong sa PNP custodial center sina Reyes bago iuwi sa Palawan. Nasakote ang mga suspek sa Phuket dahil sa overstaying.
Mga suspek sa pagpatay kay Gerry Ortega hawak na ng PNP
Huling talumpati ni DOJ Secretary Leila de Lima
Nitong Huwebes ay ibinigay na ni Justice Secretary Leila de Lima ang kanyang huling talumpati kasabay ng kaniyang pamamaalam sa 118th founding anniversary ng Department of Justice (DOJ). Sinabi ni De Lima sa kaniyang “State of the Department Address,” na lilisanin niya na ang kagawaran, limang taon mula nang manilbihan siya doon. “It is therefore with great hesitation that I will soon leave all of you as your secretary. And as soon as I step down I will, given the occasion, surely face the president. And when I do, I will tell him this: ‘Mr. President, I was not able to fulfill my mission of delivering complete justice for all. But what I did was to leave behind a Department of Justice that will, in time, accomplish that mission’,” pahayag ni
De Lima. Kumpiyansa si De Lima na nagawa naman niya ang kaniyang trabaho bilang kalihim. “Sigurado po ako na hindi ako mapapahiya sa pangulo.” Hindi naman binanggit ni De Lima kung kalian ang opisyal niyang paglisan sa DOJ. Umaasa rin ang kalihim na mapapanatili ng papalit sa kaniyang pwesto ang mga nasimulang pagbabago sa kagawaran. “As I turn over the reins to a new secretary of Justice in a not so distant time, I fervently wish that he or she will carry on with the good works of justice that we have begun and sustain the good things that we have institutionalized,” sabi ni De Lima. Isa si De Lima sa mga inaasahang tatakbong senador sa ilalim ng Liberal Party (LP), kung saan nasa pampito ang kaniyang pangalan sa pinakabagong Social Weather Station survey. S a k a s a l u kuya n ay h i n d i p a r i n n a m a n kumpirmado ang kaniyang pagtakbo, ngunit nakatakdang pangalanan ng LP ang kanilang vice presidential bet at senatorial slate sa Setyembre 28.
pinoy-global 3
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I FIRST ISSUE
page 3
The Australian website adores Philippine paradise spots
The Aussie news site News.com.au referred to the islands as “lush, thick jungle to dramatic mountain ranges and glistening white sand beaches, the Philippines is home to more than 7000 idyllic islands, waiting to be explored.”
FROM PAGE 1
Monique Lhuillier a Fil-Am fashion designer was honored by the First Lady of the White House Michelle Obama by wearing on her fall runaway dress during the welcome ceremony for the historic Pope Francis first visit in the United States. The dress that Michelle Obama wore was a midnight guipure lace textured jacquard A-line with three-quarter sleeves was a varation from Monique Lhullier's fall collection 2015 with customized sleeves lenght and side details. According to Lhuillier the occasion was more meaningful for her having been raised a Catholic. “This milestone, Pope Francis’ first visit to this country is very monumental. It was perfect and I think the dress looks beautiful on her and so appropriate and flattering. It really was a wonderful moment for me, having been raised Catholic,” Lhuillier shared with media. Lhuillier celebrated the moment by sending e-mails
Cebu Pacific's Crew included in Asia361's top 13 best looking flight crew
of photos of the FLOTUS wearing her creation to her mother in the Philippines who was celebrating her birthday.
Lider ng Iran humihingi ng imbestigasyon
The site cited the already world-renowned Boracay and Palawan tourist draws, as well as more upcoming favorites of travelers. Here is the list in full:
1. Boracay not surprisingly took the first rank for its white sand beaches. 2. Treasure hunting was listed for the adventure traveller in the Caramoan National Park caves. 3. Famed El Nido, Palawan’s limestone rock formations were highlighted. 4. Siargao’s towering waves were listed as inviting the thrill seekers. 5. The country’s Chocolate Hills in Bohol took the next spot, with its offering of 1,000 grass covered hills that are likened to Hershey chocolate drops. 6. Diver’s paradise Apo Reef in Mindoro with its sea turtles made it to the list, a noteworthy ranking given Australia’s own popular diving havens. 7. C o ro n B ay ’ s d ive s p o t s w i t h h i s to r y- s te e p e d shipwrecks were also spotted. 8. Camiguin Island was offered up as a reinvigorating destination with its hot springs. 9. Batanes island, with its myriad of nature spots is listed as comparable to New Zealand scenery.
Cebu Pacific the Philippine's low cost aircraft carrier was included in Asia361's top 13 airlines with the best looking flight crew. The crew which earlier became an internet sensation for its promotional run of dancing flight attendants during it's flight safety instruction that made the top rank along with 10 other Asian airlines and 2 european carriers. The online lifestyle website mentioned that the local carrier and it's crew's "Bright uniforms and an even brighter smile" which promises to set flyers' "pre-flight jitters at ease." The Singapore base publication also listed the 13 airlines based on a causal poll. The Asia361 list was published in response to an aviation guideline release by the Indian Directorate General of Civil Aviation that required overweight cabin crew to shape up or be considered unfit for duty.
Noong nakaraang Huwebes ay nagimbal ang lahat ng magkaroon ng stampede sa Saudi Arabia na ikinasawi ng tinatayang 769 katao. Ang nasabing stampede ay nangyari nang umaga ng Huwebes kung saan and dalawang malaking grupo ng pilgrims ang nagtipon para sa Haji’s last major ritestone-throwing sa haligi na tinawatag na Jamarat na pinaniniwalaanang lugar kung saan tinukso ng demonyo si Abraham. Samantala,kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs na may Pilipinong nadamay sa stampede. “Our Consulate General in Jeddah is verifying reports that one Filipino pilgrim died in the stampede in Mecca,” pahayag ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose. Taon-taon ay daang-daang Pilipinong Muslim ang sumasama sa Hajj pilgrimage sa Mecca. Nitong Setyembre 12 lamang ay higit 100 katao rin ang nasawi sa matapos bumagsak ang isang crane sa Grand Mosque sa Saudi Arabia din.
TARA LET'S EAT AND EXPERIENCE KANTO GOURMET
Ni: Irene Tria
If you’re craving for a Pinoy-taste breakfast, the grilled buttered suman with ube and
Unlike any other restaurant who has limited time
chocolate ganache is the perfect choice.
for breakfast serving, which the co-owner Vince Juanta, finds frustrating, he wanted to put up a restaurant that serves an all-day breakfast dining. That is why, when they conceptualized the Kanto Freestyle, they agreed to serve breakfast gourmet for a change. What are the best Sellers? The open face sandwich is fully loaded with chicken sausage sandwich with cheese and caramelized onion on top that will surely defer starvation.
Egg’s benedict is an American breakfast or
Do you still remember grade school and the
brunch dish that consists of two halves of an
famous street desert “ice scramble”? The Mocha
English muffin but with Kanto Freestyle, to make
Caramel Frappe is the famous “ice scramble”
it more affordable, they used pandesal as an
with a twist (more mallows, and milk powder), of
alternative which they have achieved the same egg’s
course, Kanto can guarantee that it’s clean and safe
benedict served in a five-star hotels.
to eat.
Why should we try Kanto Freestyle? Because we serve good food and affordable breakfast gourmet.
pinoy community 4 page 4
Distributer: Publisher:
Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle
TILAPIA SISIG NA
FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT
jaggeraziz@gmail.com
The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.
Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com
This recipe will surely give a healthy alternative to the cholesterol laden pork sisig. This dish is a combination of Tilapia flakes, onion, chilis, seasoning and pepper, it usually serve with calamansi on the side of it.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I FIRST ISSUE
INGREDIENTS: 700 grams tilapya or ( 3 medium size tilapya) 1 big size onion, chopped 3-5 pieces green sili, chopped 2 tablespoons liquid seasoning or soy sauce 1/2 teaspoon salt 1/2 teaspoon black ground pepper 2 tablespoon cooking oil 1/4 teaspoon msg 3-4 pieces kalamansi 1 stalk onion leaks, chopped thinly 1 cup oil for frying
PROCEDURES: 1. Fry fish in a large frying pan until golden brown and skin is crispy. 2. Let it cool. Flake fried fish and discard bones. 3. In a bowl combine tilapia flakes with salt, msg, black ground pepper, knor seasoning, onions, onion leaks, chili finger and mix it well. 4. In a hot pan (or sizzling plate) put cooking oil and stir-fry tilapia mixture for 35 minutes. 5. Serve hot with calamansi on the side.
tara-let's 5
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I FIRST ISSUE SEPTEMBER 2014 SECOND issue
page 5
SAFE TRAVEL WITH FUN AND ADVENTURE? GO TO DAVAO! Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang tala ng Davao City bilang isa sa pinakaligtas na s’yudad. Nitong Hunyo ay nakatanggap ito ng rate na crime index of 18.18 and a safety index of 81.82 mula sa Numbeo.com na nagluklok sa syudad na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte sa top 5. Pero bukod sa ideya na safe na maglakbay sa lugar ay ano pa nga ba ang makikita sa lugar? Kadayawan Festival Kung gusto mong maging espesyal pa ang pagdalaw mo sa Davao ay maigi na itaon mo ito sa Kadayawan Festival na ipinagdiriwang sa kalagitnaan ng Agosto. Bagaman matagal ng tradisyon sa lugar ang pagbibigay-pugay sa masaganang ani, mahusay na sining at iba pang biyaya ng Panginoon ay sinasabing noon lamang 1988 ito pormal na napangalanan. Ang nagbibigay ng pangalan nito ay mismong si Mayor Duterte. Ilan sa programang bahagi nito ay Panagtagbo at Lumadnong Bantawan na kung saan mapapanood dito ang mga katutubong tribo gaya ng Ata, Matigsalug, Ovu-Manuvo, Klata-Djangan, Tagabawa, Tausog, Maguindanao, Maranao, Kagan, Sama & Iranun. Isa rin sa dagdag na tampok dito ay ang pagandahan ng sayawan at presenstasyon sa Indak-Indak sa Kadalanan, at Sayaw Mindanaw. Lakbay Kultura Bukod sa Kadayawan ang ilan pang maaaring matunghayan
para makilala pa ang Davao ay ang T’Boli Weaving center. Dito ay makakabili rin ng mga handicrafts at souvenirs nagawa mismo ng mga katutubo. Siyempre hindi rin mawawala rito ang Davao Museum para masuri at matungayan pa ang pinagugatan ng mga kasaysayan at tradisyon ng lalawigan. Ilan nga rito ang mga artifacts at detalye ng mga katutubong tribo gaya ng Mandaya, B’laan, Tiboli, Manobo, Mansaka at Baghobo. Mainam din bisitahin ang simbahan ng San Pedro Cathedral na itinayo pa noong 1847, Holy Infant Jesus Shrine sa Matina Hills, at Lon Wa Buddhist Temple. Nature Trip Pagdating sa nature adventure ay hindi rin pahuhuli ang Davao. Una na sa listahan na dapat gawin ay ang mountain climbing sa pinakamataas na bundok sa Pinas, ang Mount Apo. Puwede ring mag-water adventure gaya ng scuba diving sa Carabao dive center na nag-o-offer din ng island hopping. Bukod sa mga ito ay ilan pang tourist spot na pasadong pangnature trip ay ang Eden Nature Park and Resort, Philippine Eagle Center, Aliwagwag Falls, Crocodile Park, at Panas Falls. Samantala ikakatuwa din pa ng mga mahilig mag-shopping at kumain ang umikot sa Gaisano Malls, Jack’s Ridge, Malagos Garden Resort and Orchid Farm, Abreeza Ayala Mall, People’s Park, at Davao Chimes Mall. Photos by Davao City Tourism
Chiba Ken Funabashi Shi Honcho 2-6-1 K-Mall Nibankan 3F
pinoy na pinoy 6 page 6
Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Sa pagkaabala mo at ng ibang tao ay nag-aalangan ka pa na kumuha ng oras para magpahinga, para maglabas ng saloobin at para ibahagi pa ang iyong mga naiisip. Para bang anuman ang bagay na kakain ng oras ay hindi na mahalaga sa tingin mo. Ang totoo ang bagay na nawawalan ng halaga ay pagtatrabaho na walang pinangagalingan at pinatutunguhan. At hindi mo malalaman ang mga bagay na ito kung hindi ka titigil sandali para mag-analisa at para ihinga ang iyong mga problema. Tao ka pa rin at hindi makina na walang pakiramdam at kapaguran.
Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 Dahil sa rami ng iyong pinagdaanan at tagal mo na sa iyong lugar ay sa tingin mo ay alam mo na ang kalakaran d’yan. Kung ganyan ang mentality mo ay maghintay ka lang dahil siguradong magulat ka sa nga posibleng mangyari. Bagaman maganda na natututo ka dahil sa iyong mga karanasan, huwag mong kaligtaan na hindi sapat ito para huminto kang umasa at makibagay. Isa lang naman ang hindi nag-iiba sa mundo at iyon ang pagbabago.
Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21
Normal naman na naisin ng isang tao na mapag-isa at iwasan muna ang kanyang mga nakasanayan kasama ang ibang tao. Subalit kung gagawin mo ito ay huwag mo namang ilayo ang iyong sarili at kimkimin nang matagal ang iyong hinanakit. Kapag ginawa mo kasi ito ay mas lalo mo ring pinahihirapan ang iyong sarili. Kapag nag-iisa ka ito ay para may pagkakataon ka na mag-analisa, suriin ang iyong tunay na saloobin at alamin ang talagang gusto mong mangyari nang walang halong dikta ng ibang tao. At hindi para magdusa kang mag-isa, sarilihin ang problema o mawala sa sarili.
Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20
Isa sa natatangi mong katangian ay tuparin ang iyong mga pangarap at plano. Kaya nga lamang ay nakakaapekto sa iyong kakayahan ang iyong mga magulong pananaw at mabagal na pagkilos. Bagaman may mga bagay na hindi dapat minamadali, may mga bagay din na kailangan mong aksyunan agad. Ito ay hindi dahil sa hamon ng panahon, kundi para maipagpatuloy ang iyong passion. Kapag masyado ka pang nagdili-dili sa iyong kapasidad, ikaw rin naman ang nagbaba ng pagtingin mo sa iyong sarili.
Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Nakakawala ng pag-asa ang pangatawanan ang isang pangarap na matagal mo ng pinaghihirapan pero parang ang layo-layo mo pang matupad. Bukod sa pagpapanitili ng iyong pananalig sa iyong kakayahan, habaan mo na rin ang iyong pasensya at atensyon. Minsan kasi sa paghahangad mo na mawala muna ang frustration ay ibinabaling mo muna ang iyong atensyon sa ibang bagay. Ang mahirap d’yan ay baka mahati ang iyong atensyon na sukat nang mawala na sigla sa iyong pangarap at tuluyan mo na lang itong mapabayaan o makalimutan.
Pisces - Feb. 20 - March. 20 Maganda na nakatuon ang iyong atensyon sa iyong layuin, pero huwag ka naman masyadong seryoso na wala ka ng pinapansin na iba. Maganda rin naman na maging bukas ka sa posibilidad, habang unti-unti mong kinakamit ang iyong pinakamimithing pangarap. Basta ba alam mo pa rin kung alin ang iyong prayoridad at nababalanse mo pa ay walang problema. Kapag nagawa mo ito ay magiging magaan ang iyong paglalakbay tungo sa direksyon na nais mong marating.
Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino
OCTOBER 2015 I FIRST ISSUE
Aries - March. 21 - April. 20 Isa sa pumipigil sa iyo na kumilos ay ang pakiramdam mong okay ka na ay dahil sanay na sanay ka na sa takbo ng iyong buhay. Alam mo rin kasing kung ipupursige mo ang panibagong larangan o proyekto na iyong ninanais ay kailangan mong mag-adjust ulit. Pero kung pakikinggan mo ang iyong damdamin ay matagal mo na rin itong gustong isakatuparan at hindi pang habang buhay na mahihintay mo itong gawin. Kahit na para bang maglalakbay ka ng walang mapa o solidong plano, humayo ka. Kung talagang gusto mo ay kakayanin mo ang mga pagsubok sa daan at magagawa mong marating ang tagumpay.
Taurus - April. 21 - May. 21
Nalilito ka kung alin pa ang realidad at pantasya sa iyong ambisyon. Mainam na manatiling ibase mo ang iyong mga hakbang sa praktikal na proseso pero hindi rin naman masama na maging bahagi ng iyong bisyon ang iyong mga imahinasyon. Ang iyong mga imahinasyon ay nagbibigay ng inspirasyon at nagtutulak sa iyo para kumapit sa iyong layunin. Pasasaan ba’t sa kombinasyon ng iyong pantasya at mga hakbang na praktikal ay magagawa mong posible ang imposible.
Gemini - May. 22 - June. 21 Walang masama na maghatid ng kasiyahan sa iba. Sa prosesong ito ay nakapagdudulot ito mismo ng saya sa iyo. Subalit kung hindi mo pa kaya ay hindi mo kaya. Huwag mong ipilit lalo na kung ikaw mismo ang nangangailangan nito. Paano ka magiging epektibong tagapagbigay ng ligaya o kahit na pag-ibig kung ikaw ay nagkukulang din nito. Ang maigi nito ay asikasuhin mo ang iyong mga personal isyu at tunay na damdamin, kapag puwede na saka ka magpatuloy sa iyong gustong gawin para sa iba.
Cancer - June. 22 - July. 22
Malaking tulong ang iyong pagiging kalog at mapagpapasensya sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay. Katunayan ang mga katangian din ito ang sandata mo sa panahon na nalagagay ka sa mga seryosong sitwasyon. Kahit na nga problemado ka ay nakakahanap ka pa rin ng daan na ngumiti at magparaya. Ipagpatuloy mo ito para umusad at sumaya pa ang iyong buhay. Dahil ang taong positibo ay nilalapitan din ng positibong mga pangyayari at resulta.
Leo - July. 23 - August. 22
Marami kang inaasikaso na sa mga panahong ito ay napamamalahan mo pa naman nang maigi. Ganado ka rin kasi kapag marami kang pinagkakaabalahan at nahaharap sa hamon na gusto mong tanggapin. Kaya lamang ay maghinay-hinay ka rin, may sinasabing kaya ng isipan pero hindi ng katawan. Bukod sa hindi ka superhero na kayang gawin halos lahat, ang pagkakaroon ng sari-saring pinagkaabalahan ay nakakapigil din para mapagtuunan mong maigi kung ano talagang mahalaga sa iyo. Isa pa’y masama rin ang sobra-sobrang trabaho dahil sunod sa stress ay baka burn out na ang abutin mo.
Virgo - Aug. 23 - Sept. 23
Hindi maiaalis na kahit na pinakikisamahan mo ang lahat ay may ilan pa rin na naasar sa iyong kabaitan. Wala ka naman kailangan na gawin, maliban sa hayaan sila at magpatuloy sa iyong buhay. Hindi mo na problema at hawak ang opinyon nila ano man ang iyong gawin. Ang mahalaga lang ay maging flexible ka sa mga sitwasyon at klase ng mga tao, kahit sobrang layo ng personalidad mo sa kanila at sa pagkataong ipinipilit nila sa iyo. Huwag kang bibitaw sa kung sino at ano ka, hindi ka maliligaw sa sistema.
pinoy-BiZz OCTOBER 2015 I FIRST ISSUE
page 7
Movie Review: Heneral Luna
M
apangahas ang produksyon ng pelikulang Heneral Luna ng Artikulo Uno Productions dahil bukod sa hindi sila nakipagtambal alin man sa mainstream film outfits, ay wala ring masasabing bankable stars ang pelikula. Magkagayon pa man ay hindi lamang nila natawid ang pagbawi sa budget nila rito na Php 100 million kundi ito pa ang naging opisyal na pambato ng Pilipinas sa best foreign language film category ng 2016 Academy Awards o the Oscar Awards. Ano ang mayroon sa pelikulang ito? Talento sa Pagganap Maliban kina Paulo Avelino (Gen. Gregorio Del Pilar) at Benjamin Alves ( Lt. Manuel L. Quezon) ay halos ang mga artista sa pelikula ay madalas na napapanood sa teatro at independent films. Nangunguna na rito ang gumanap na Heneral Antonio Luna na si John Arcilla na nailabas ang pagkabida-kontrabida ng pinatay na heneral sa kanyang mga kakampi at kaaway. Sa movie na ito ay nagpatawa, nanindak, umibig at lumaban si John na mula ulo hanggang paa ay maa-appreciate mo ang galing sa pagarte. Mapupuri rin ang iba pang aktor sa movie hindi dahil sa popularidad kundi base sa kanilang pagganap, kagaya na lamang nina Joem Bascon (Col. Francisco “Paco” Román), Archie Alemania (Capt. Eduardo Rusca), Epi Quizon (Prime Minister Apolinario Mabini), Mon Confiado (Pres. Emilio Aguinaldo), Nonie Buencamino (Felipe Buencamino), Ketchup Eusebio (Capt. Pedro Janolino), Mylene Dizon (Isabel) at Lorenz Martinez (Gen. Tomás Mascardo). Dapat abangan dito ang mga kwelang banat ni Archie, ang
Opinyon ni Sheryl sa pagtakbo ni Sen. Grace Poe, umiinit
Ngayon pa lang ay tila nasusubok na ang katatagan ng loob ni Sen. Grace Poe at ng kanyang inang si Susan Roces. Kamakailan ay nagpahayag ang mismong pamangkin ni Susan at artista ring si Sheryl Cruz na hindi ito pabor sa pagtakbo ni Poe sa susunod na eleksyon dahil hindi pa umano ito handa. “She’s not yet ready for the task, for the big responsibility,” pahayag ni Sheryl sa press na inilathala ng Bandera. “Everybody in your family is special to you (but) you don’t want to see somebody having a hard time most especially running the country. I know her because we grew up together. Given time, I know she’ll be very good in what she’s doing, but just not right now. Probably in 2022.” Samantala hindi naman natinag si Susan sa pahayag ng anak ng kanyang nakababatang kapatid na si Rosemarie Sonora, dati ring artista at asawa ng yumaong actor na si Ricky Belmonte. Katunayan ay inirerespeto raw nila ang pananaw nito pero sa opinyon naman ng veteran actress at asawa ng yumaong si Fernando Poe Jr. ay matagal ng handa si Sen. Poe sa pagdating sa pamamahala. “Grace is ready to take on any challenge related to her work,” saad ni Roces sa panayam sa kanya ng Philippine Daily Inquirer. “[She} picked political science as her course in college. This means she is ready to face whatever concerns there are in relation to her job.” Ipinagpapasalamat din ng aktres na kasali rin sa bagong teleserye ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano, na nangunguna sa mga survey ang kanyang anak. Sinabi rin niyang nakasuporta siya sa kandidatura ng kanyang anak kahit siya bilang ina ay hindi handa sa mga ganitong bagay. “A mother is never prepared for anything like this. The recent turn of events caught me by surprise. But as a parent, I make my child’s interest my priority.” Sa ibang banda, tila may karugtong pang isyu kay Sheryl mula ng magsalita siya. Ilan na rito ay pagbabawal umano sa kanya na dumalo sa presscon ng kanyang kinabibilangan na pelikula na Felix Manalo, pagbibitiw ng kanyang manager na si Rams David bilang kanyang manager, at may nakakita raw na nakipag-meeting s’ya sa kampo ni Sec. Mar Roxas na tatakbo rin sa pagkapresidente. “I’m not here for anybody’s game, for somebody’s political agenda or career. Walang nag-uudyok sa akin para gawin ito, I have my own conscience. You know what, masyadong mataas ang talent fee ko para ako udyukin nila,” ani Sheryl sa interview sa kanya ng Pep.ph.
ni Jane Gonzales
pakikipagmatigasan ni Lorenz, ang tahimik pero malaman na aksyon ni Mon, ang malalim na pakikipag-usap ni Epi at ang matinding pagaagaw ng magkakaibang emosyon ni Nonie. Samantala, kasama rin sa movie si Mylene Dizon na gumanap na isa sa naging kalaguyo ni Hen. Luna at Aaron Villaflor sa role na batang manunulat. Malaman, makabayan at makabagong dialogues Isa rin sa interesanteng bahagi ng Heneral Luna ay ang screenplay nito lalo na ang mga dialogue. Makaka-relate ang mga kabataan sa panonood dahil hindi ganun kalalim ang mga linya, bagaman may ilang bahagi ang tunog na makata at totoong malaman. Katunayan ay marami sa ito ay magagamit sa pang-araw araw na pilosopiya at debate sa pulitika at nasyonalismo. “Hindi panlalait ang pagsasabi ng totoo,” Gen. Luna kay Buencamino. “Kalaban ang kalaban. Kalaban ang kakampi, nakakapagod.” Gen. Luna kay Roman nang sila ay naglalakbay matapos ang isang digmaan. “Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit na anong bagay,” paliwanag ni Gen. Luna kay Joven na inere sa movie habang nagtatalo ang mga kinatawan ng gabinete ni Pang. Aguinaldo. “Kung panaginip lang ang pag-unlad, managinip tayo hanggang kamatayan.” Wika ni Gen. Luna Kay Joven “Para kayong mga birhen na naniniwala sa pag-ibig ng isang puta,” linya ni Luna sa mga kapwa niya opisyales na umaasa mga pangako ng mga Amerikano. Malinis na pagpapaliwanag Sa umpisa ng movie ay ipinakita ang note ng produksyon na nagsasaad na bagaman sinikap lang makuha ang detalye ng istorya ay hindi pa rin ito 100 posyentong buo. Inamin din nila may salik ng pagsasama ng imahinasyon dito. Magkagayon pa man mahusay na mapagsama ang dalawang elemento upang maging interesante at may saysay na panoorin ito. Hindi rin basta sumandal sa anggulo na kailangan mapabango ang pangalan ni Heneral Luna. Kahit pa nga hindi maipaliwanag mismo ay makikita sa mga kilos at aksyon ni Gen. Luna kung bakit siya kinainisan at may nakakaaway. Kung baga siya man ang pinakatampok, ipinakita rin ang kanyang kahinaan, pinanggagalingan, hangarin at paanong nauwi sa malagim na kasawian. Mabuhay sa cast at crew ng Heneral Luna na as of press time ay tumuntong na sa Php 140 million ang kita sa takilya.
Tweet ni Lea Salonga pasaring sa AlDub ng Eat Bulaga?
Umani ng sari-saring opinyon ang simpleng ng tweet ng international Filipino performing artist na si Lea Salonga na tila may pinatutungkulan. Ang kanyang mensahe sa Twitter ay nagkataon na naipaskil ng tanghali noong Setyembre 26 kung kailan kasalukuyang umeere ang mga palabas ng Eat Bulaga na sikat na sikat dahil sa KalyeSerye nito at It’s Showtime na nagdiriwang naman ng ika-anim na taong anibersaryo. “Okay lang sa akin ang kababawan, pero hanggang doon na lamang ba tayo? #NagtatanongLangPo” Saad pa ni Lea sa kanyang Twitter. Marahil na rin sa timing at tema nito ay marami ang nagpalagay na ang kanyang pinatutungkulan ay ang AlDub story sa EB na pinangungunahan nina Maine “Yaya Dub” Mendoza, Alden Richards, Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros. Hindi lamang ordinaryong mga netizens at fans ng AlDub ang nagbigay ng komento sa mensahe ng Broadway star kundi maging ang kilalang personalidad gaya na lamang ng award-winning director na si Joey Reyes at actress Iza Calzado. “Kanya-kanyang trip lang yan. Mababaw man, napapasaya ang mga tao even for a few hours. Hindi kasalanan yon. Pagiging tao lang yon na kailangang huminga at magpahinga. Your happiness, your choice. There is no such thing as someone’s BETTER happiness,” saad ni direk Joey. “I don’t think she was referring to the Aldub thing. If you read her timeline she was still on her Heneral Luna mindset. What I mean is she was still talking about Heneral Luna and the movie industry,” paliwanag ni Iza. Samantala, napukaw na rin ang atensyon ni Lea na naging isyu na sa iba ang kanyang mga tweet. Paliwanag nito ay hindi niya alam na may malaking kaganapan noong araw na iyon sa mga noon time shows. “Uhmmm... I have no idea what’s going on. Why did people assume I was tweeting about AlDub? I wasn’t. I don’t know about it. So why the hate? “Only now am I finding out that today was a significant day. I honestly had zero idea anything was going on! My tweet was pure coincidence!” “So stop the hatred, the negative assumptions, whatever you’re throwing at me. Just send me links so I know what the fuss is about,” ang sunod-sunod na mensahe ni Lea sa Twitter. Hindi naman pinalagpas ng veteran comedian at Eat Bulaga host na si Joey De Leon ang naging isyu at sinagot n’ya rin ang unang tweet at ang paglilinaw ni Lea. “Hindi naman pala daw AlDub pinatatamaan ni Lea. Baka naman yung kabila? Nagtatanong lang po.” “Baka naman yung tuwit ni Lea “in General” kaya kay General na lang s’ya magpaliwanag.”
ni phoebe doroth
y estelle
Impress: AlDub dominates Twitter
Kung ratings at Twitter feeds ang pagbabasehan ay kahit matindi nga ang ipinagtapat na show sa Eat Bulaga ay nanaig pa rin ang hashtag na #ALDubEBforLOVE . Lumagpas ito ng 25 Million na muli pa ay panibagong record ulit ito para sa love team ng KalyeSerye ng EB ang ALDub ( Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza). Sa episode noong Setyembre 26 ay ipinakita na nagsama na talaga sa iisang screen sina Yaya Dub at Alden at pormal na ring umakyat ng ligaw ang binata. Ayon sa ulat ng Pep.ph ay ang record ng tweets para sa #ALDubEBforLOVE na pasok sa 24 oras ay ang una sa Pilipinas at sa buong Asya. Matatandaan na sa una ay puro sa split screen lang napagkikita ang phenomenal love team at kung ano-ano rin ang pagsubok na pinagdaanan ni Alden mula kay Lola Nidora ( Wally Bayola). Pero matapos ang muntik ng pagkikita na hinarangan ng plywood at kidnapan ay sa wakas ay ito nga nakapagpa-selfie na sina Alden at Maine. “God gave us all of you. You guys are the best! #ThankYouALDUBNation.” Ang mensahe ni Maine sa fans ng kanilang love team. Samantala, isa rin sa ipinadiwang sa longest-running noontime show ay ang National Pabebe Wave Day na may kinalaman din sa kilalang paraan ng pagkaway ng AlDub. Ilan sa nagbigay ng suporta dito nagpabebe wave din sa social media ay sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Megan Young, Lauren Young, at Tom Rodriguez. Express: Jericho Rosales in, JM de Guzman sa Walang Forever
Napunta na kay Jericho Rosales ang movie role na sana ay gagampanan ng All of Me actor na si JM De Guzman. Wala pang ibinibigay na paliwanag ang huli pero sa paliwang ng producer ng Walang Forever ay hindi na nila mahihintay ang huli [anuman ang rason nito] kaya kailangan na nilang palitan. Pinag-uusapan ngayon na sakit ng ulo ang binata at boyfriend ni Jessie Mendiola ng kanyang series. Hindi umano ay magagalitin ito sa set at pinaghihinalaan na bumalik na naman ito sa kanyang bisyo. Pero sa panayam ng mga co-actors n’ya sa All of Me ay sinabi ng mga ito na wala namang problema ito o ang production sa kanya. Samnantala kahit second choice lamang ay maluwag na tinanggap ni Echo ang movie na kung saan makakasama niya ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado. Sinabi rin niyang naiitindihan niya kung anuman ang rason ni JM at kung bakit hindi ito natuloy sa proyekto. “I know that JM is very busy with his soap. Ako rin ganon ang buhay ko kapag may soap ako. Hindi ako nakakatanggap ng pelikula kasi mahirap talaga,” ani Jericho. Naku sana okay naman itong si JM, minsan na siyang nawala at marami ang naghinayang sa kanya. Bibihira ang nawala at muling tinanggap ng mainit ng network o manonood. Impress: Kapamilya love teams unite
Kahit na nasa iisang network pa ang iba’t ibang love teams ay hindi naiiwasan ang pasaringan lalo ng mga fans. Pero sa 6th anniversary ng It’s ShowTime na ginanap sa Araneta Coliseum ay napagsama sa iisang entablado ang sikat na Kapamilya love teams na Jadine ( James Reid and Nadine Lustre), LizQuen ( Liza Soberano at Enrique Gil) at KathNiel ( Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) noong September 26. Ikinatuwa ng kani-kanilang fans ang pagsasama ng tatlong love teams at gumawa pa ito ng sari-saring gimik sa social media lalo na sa Twitter at Instagram. Karamihan naman dito ay nag-unite at pinansin ang masayang mga sandali na magkakasama ang tatlo sa screen at pictures. Ilan sa mga nakunan ng kamera at napag-usapan ay ang pabebeso nina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo. Gayon din naman an gang pag-aya ni Kathryn sa Jadine para sumunod sa isang side ng stage noong kanilang production number. Tingnan mo nga naman puwede naman palang magkasundo-sundo ang mga fans. Parang may laban lang si Manny Pacquiao, may tigil gulo lang ang peg.