The pinoy chronicle september 2nd issue

Page 1

Chronicle The Pinoy

billy crawford, nagwala sa isang presinto

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

PAHINA 7.

News. Link. Life

PINOY LOCAL P.2

PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5

WEEKLY HOROSCOPE P.6

A moment of silence for 9/11 victims

7 suspek sa hulidap sa edsa

PAHINA 3.

PAHINA 2.

PINOY SHOWBIZ P.7

TAMBALANG

SANTIAGO AT DUTERTE SA 2016? Floyd Mayweather Jr denies possible fight with Manny Pacquaio

F

l o y d Mayweather Jr. denies the statements made by Manny Pacquiao and his promoter Bob Arum, regarding talks about a much anticipated dream fight between the two boxing stars. Pacquiao has said publicly that he has been in contact with Mayweather’s camp about setting up the possible fight. While Mayweather said in an ESPN report that it is “not true”. Mayweather goes on to say that the reason why Pacquiao and Arum are making these

statements is because they are trying to sell tickets for Pacquiao’s November fight with undefeated Chris Algieri.

Mark Bautista, mag-aala Marcos sa West End

H

anda na ang Kapuso singeractor na si Mark Bautista para sa kanyang theater play performance na pinamagatang Here Lies Love. Ang kwento nito ay iikot sa buhay at pagiibigan ng namayapang Pangulong Ferdinand Marcos at dating first lady Imelda Marcos. Dapat si Vina Morales ang posibleng gaganap sa dating unang ginang pero dahil sa mas priority nito na makasama ang kanyang 4-year old daughter na si Ceana ay ang Brit-

ish-Australian na si Nathalie Mendoza na . Sa kuwento sa press ni Mark ay nagkaroon siya ng pagkakataon na makausap mismo si Imelda na isinalarawan niyang “regal” at masarap kausap. Nag-audition sa nasabing role si Mark nang pumunta sa Pilipinas ang British Production company na maghahatid ng Here Love Lies. Aniya sumubok lamang siya rito kung papasa o hindi, naging malaking “what if ” daw kasi sa kanya ang hindi niya pagaudition sa rerun ng Miss Saigon na kung saan naman natanggap at lumalabas ngayon si Rachelle Ann Go. “Try lang, wala namang mawawala. Sabi ko, okay lang kung hindi matang-

Supply ng kuryente di kukulangin sa 2015 ayon sa doe

A

ga p ka s i n a g s i s i n a a ko s a M i s s S a i g o n n a p a r a n g ‘ b a’ t h i n d i a k o n a g audition do’n?’ ’Di ko tuloy malaman kung pasado ba ako sa standard nila. “So, ang sakit pala kung puro what ifs ka, kaya ayoko nang palampasin ito, “ Ilang araw din halos hindi umano siya makapaniwala na natanggap s'ya sa Play pero nang mismong ang Broadway star na si Lea Salonga na ang bumati sa kanya ay doon niya na-feel ang wow factor na sa wakas makakapag-perform siya sa West End. October hanggang January tatakbo ang play at naroon na si Mark para sa kanilang rehearsals.

yon sa Department of Energy seccretary Jericho Petilla na walang mararanasang brownout ang bansa sa summer ng 2015. Ayon kay Petilla, mabilis umano itong naagapan ng gobyerno dahil maraming paraan para rito. Isa umano sa nakikitang solusyon ng gobyerno ay ang interruptible load program (ILP) sa pamamagitan ng mga negosyante. Gayunman, inamin naman ng DOE na mahihirapan sila sa pagpapatupad nito dahil hindi nila mapipilit ang mga negosyante sa nasabing sistema. SEPTEMBER 2014 2nd Issue Free Newspaper


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 2

tambalang santiago at duterte sa 2016

S

akaling maging mabuti ang lagay ng kalusugan ni Senator Miriam Defensor-Santiago ay nais nitong makatambal sa darating na 2016 election si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Ani ng senadora “I would love to run with Rody Duterte whom I have loved from the beginning. I am considering Rody Duterte in my opium dreams.” Kasama rin sa listahan ng kanyang pagpipilian sina Defense Secretary Gilbert Teodoro at Senator Grace Poe. Bagaman ikinatuwa ni Duterte ang pahayag ni Santiago ay tinanggihan niya ito dahil sa kanyang opinyon ay hindi nararapat sa tumakbo sa pagkabise-presidente at wala ring balak na tumakbo sa mas mataas pang posisyon. Ayon pa kay Duterte ay plano na rin niyang mag-retiro pagkatapos ng kanyang termino bilang alkalde. Sa kabilang banda, naging usap-usapan din ang ginawang pagwowalk out ng senadora sa kanyang unang araw ng pagbabalik-senado nang mapasabak sa pakikipagtalo sa pagtatalaga ng CA (Commission on Appointments) at Foreign Service Officers.

7 suspek sa hulidap sa edsa

N

oong nakaraang Setyembre 1, ay ginulantang ang mundo ng social media ng may kumalat na larawan kung saan may mga armdong lalaki na animo'y may tinututukan sa loob na isang kotse na pinagigitnaan ng isang van at isa pang kotse sa harapan sa kahabaan ng EDSA. Ang pinagtataka ng marami, bakit walang rumerespondeng mga pulis noong araw na iyon. Ang dahilan ay ang mismong sangkot sa insidente na iyon ay nagmula mismo sa hanay ng mga kapulisan. Sa kasalukuyan ay hawak na ng QCPD ang lima sa mga suspek na personal na sumuko kina QCPD district directore C/Supt Richard Albano at NCRPO Dir. Carmelo Valmoria. Ang pitong pulis na sangkot sa”hulidap” ay nahaharap sa kasong highway robbery, serious illegal detention at kidnapping. Patuloy pa rin ang panawgan ni DILG Secretary Mar Roxas na sumuko na lamang ang dalawa pa sa mga suspek. Nakiusap din ang kalihim sa publiko na patuloy pa rin magtiwala sa pulisya dahil nagsusumikap itong mahuli ang mga nagkakasala sa batas.

SEPTEMBER 2014 SECOND issue

I

patas na pagbabalita, hiling ni pnoy pinagtanggol ni Pangulong Noynoy Aquino si PNP Director General Alan Purisima hinggil sa panawagan na magbitiw na ito sa kanyang serbisyo. Ito ay kaugnay sa krimeng kinasasangkutan ng mga kapulisan. Isa na rito ang kamakailang insidente ng hulidap sa kahabaan ng EDSA kung saan naging viral sa lahat ng social media sites. Ani ng pangulo, hindi dapat sisihin si Purisima sa pagtaas ng krimen bagkus bigyan importansya ang mga ginagawang solusyon hinggil dito. Hindi raw kasi balanse ang ginagawang news reporting ng media na nagiging sanhi upang mawalan ng tiwala ang mga mamamayang Pilipino sa hanay ng kapulisan ng bansa. Kaugnay naman sa insidente ng hulidap, kinumpirma ni DILG Secretary Mar Roxas na sumuko na sa Quezon City Police District ang lima sa mga suspek sa naganap na hulidap. Ito ay kinilalang sina PO2 Mark De Paz, PO2 Ebonn Decatotia, PO2 Jerome Datinguinoo, PO2 Weavin Masa at SPO1 Ramil Hachero. Isang malawakang imbestigasyon din ang gagawin kabilang na ang pagsisiyasat sa yaman ng mga nasangkot kung saan at paano nila ito nakuha at kung gaano na karami ang kanilang mga naging biktima.

team gilas balik ensayo para sa asian games

K

ahit “no bearing” ang pagkapanalo ng Team Gilas Pilipinas laban sa bansang Senegal, isa pa rin itong malaking karangalan hindi lamang sa koponan maging sa buong sambayanang Pilipino. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon matapos ang apat na dekadang paglalaro ng Team Pilipinas sa World Championship Game gaya ng FIBA. Pinangunahan ito ni team captain Jimmy Alapag na tinapos ang kanilang ika-apat na laro na may dalawang puntos na kalamangan sa Team Senegal, 81-79.

floyd mayweather jr., panalo sa rematch laban kay maidana

B

igong mapatumba ni Marcos Maidana si Floyd Mayweather Jr., sa kanilang rematch na ginanap nitong Setyembre 14, Linggo sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada. Nakakuha si Mayweather ng unanimous decision 116-111, 116-111 at 115-112. Pinabagsak naman ni Leo Santa Cruz si Manuel Roman sa round 2 ng kanilang Super Bantamweigth Championship. Nakakuha rin ng unanimous decision si James De La Rosa laban kay Alfredo Angulo para sa Middleweight Championship sa score na (98-90, 96-92 at 99-89). Sa undercards pa rin, tinalo naman ni Mickey Bey si Manuel Vazquez sa Lightweight Championship, (115-113, 113-115, 119-109).

Samantala, tiwala naman si team captain Alapag na malaki ang maitutulong ni NBA player Marcos Douthit bilang kapalit ni Andray Blatche. Hindi kasi pinayagan ng Olympic Council of Asia (OCA) na maglaro si Blatche bilang pagtugon sa kanilang eligibility criteria na kung saan kinakailangan ang tatlong taon na residency status. Tiwala ang buong koponan na makapasok sa finals na unang sasabak sa laro sa Setyembre 23 na gaganapin sa Incheon, South Korea, kung kaya’t masinsinan ang ensayo nila para sa Asian Games.

truck ban sa maynila tinanggal na

K

aakibat ng pagtatanggal ng truck ban sa buong Kamaynilaan ay ang nakaambang m a s m a l a l a n g p ro b l e m a s a t ra p i ko . Pinirmahan na kasi si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada ang Executive Order No. 67 kung saan nakasaad dito ang “indefinite” na pag-aalis ng truck ban na sinasabing sanhi ng port congestion. Kasama ang kanyang bise alkalde na si Isko Moreno ay pinaalalahanan niya ang publiko na maging handa sa mas labu-labong daloy at pagsikip ng mga sasakyan sa anumang oras. Maaari rin daw dumoble ang bilang ng mga aksidente sa pagbabalik ng mga naglalakihang truck sa Maynila. Giit ni Estrada, matagal nang may port congestion at hindi truck ban ang sanhi nito. Nanghihinayang naman si Moreno na mas maraming Manilenyo ang maapektuhan para sa lamang sa mga pansariling interes ng mga iilang negosyante. Ang mga maapektuhan nito ay walang iba kundi ang mga residente, estudyante, empleyado at maging mga maliliit na mga motorist at mga commuters.


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SEPTEMBER 2014 SECOND issue

Philippines is the most dangerous country for Koreans

A

ccording to The Korea Times, the Philippines emerged as the most dangerous country for South Korea tourist and expatriates in 2013. Data shows that 780 crimes were committed against South Koreans in the Philippines in 2013, according to lawmaker Shin Hak-kyong, He also said that crimes against Koreans in the Philippines included 13 murders, 23 robberies, 678 thefts, 2 rapes, 9 abductions, 12 physical assaults and 10 fraud cases. He also added that this is the first time that the number of crimes against Koreans was higher in the Philippines than in China. South Korea accounted for 25percent of the 4.7million tourist arrivals to the Philippines in 2013. In 2009, there were only 128 crimes against Koreans

page 3

in the Philppines. Then in 2010, this dropped to 94, before skipping to 774 in 2011 and in 2012, 628 crimes were reported against Koreans. In this data from the Ministry of Foreign Affairs showed the number of crimes against Koreans in the Philippines has been rising in recent years. Shin also added that crimes targeting Koreans in the Philippines will be higher this year, since the number of crimes have already hit 495 by the end of first half. Due to this data the South Korean embassy in the Philippines had recently raised alarm over the rising percent of crimes against Koreans in the country. Although South Korean remains the Philippines top tourist market, there has been decline in visitors this year. From January to June , South Korean tourist fell by 6.4 percent due to safety and security concerns.

a moment of silence for 9/11 victims

A

merica pauses to remember those who were killed in the worst terror attack in the U.S. history, which happened on September 11, 2001. In Washington D.C., at the White House lawn, staff members with President Obama, the first lady Michelle Obama and Vice-President Joe Biden pause a moment of silence around 8:46 a.m. eastern time. "Time that has brought us pain but also time that has brought us endurance and strength," said the president, “A time of rebuilding, resilience and of renewal."

Meantime, in New York City, where the attacks happened, , people gathered in silence as they honored and remembered the names of 2,983 people, including 18 Filipinos who died from the devastating incident. Filipino tourists there say they want to pay their respect to those who lost their lives so senselessly. John Philip, a Pinoy tourist said that "Syempre kasi mga tao din 'yon mga nagtratrabaho d'yan sa World Trade," "So yon malungkot. So pagdating ko sabi ko puntahan ko 'yong area mismo." Mr. Espino, who is visiting from Austria said that "Malungkot, tapos gusto naming bumili nang t-shirt doon, pero hindi na rin, kasi tinitingnan naming kung samin nangyari 'yon, sa 'tin hindi natin alam ang gagawin." In Shankville, Pennsylvania, people also gathered at the Flight 93 National Memorial to honor the 40 passengers and crew who died while distrupting the terror group's plot to crash the plane into an unknown target. The Memorial quieted in a moment of silence at 10.28a.m. the moment hijacked plan crashed into the field. Moments of silence were also held at the South Tower of Pentagon.

8 Filipinos ReceiveD Scholarships in a World-Class University in UK

I

n United Kingdom - 8 Filipinos have been awarded to pursue a Master's Degree, through prestigious Chevening Scholarship program. These 8 Filipinos will pursue studies in Islamic Finance, environment, healthcare, socio-economic developement, law and information and cyber security. The 8 scholars accepted in the 2014 Chevening scholarship program are: Maharlika ALonto (Head of Accounting and Finance Department), Armi Bayot (Lawyer) Evangeline Co (Court Attorney VI in the office of Associate Justice Arturo D. Brion, Supreme Court of the Philippines) Albert Domingo (Team Manager for Monitoring of Universal Health Care (UHC) Implementation in the USAID/U Pecon-Health Policy Developement Program HPDP ) Anna Oposa (Consultant, manager on environmental and youth-oriented projects; print and web contributor) Junefe Payot (Court Attorney at the Office of the Chief Justice of the Supreme Court of the Philippines) Marie Tanya (Bank Officer V, Regional Cooperation and Negotiations Group, International Relations Department, Bangko Sentral ng Pilipinas Carlos Ely TIngson ( Information Security Team of the Presidential Security Group in Malacanang Park British Ambassador Asif Ahmad congratulated the eight scholars during the send-off program at his residence, saying the program "helps unlock potential in people that can make them and their countries better."

SOUTH KOREA PHOTO CONTEST GRAND PRIZE WINNER IS AN OFW

Iraqi Extremists training 100 Filipinos to become Jihadists - FVR

A

t least 100 Filipinos are reportedly undergoing training with jihadists currently creating havoc in Iraq and Syria, said former President Fidel V. Ramos. Ramos, in an interview on ANC, mentioned the Abu Sayyaf Group and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), which broke away from the Moro Islamic Liberation Front (MILF) are part of these numbers. “The report that has been reaching us retired people… at least 100 of our young Filipino Muslims have already infiltrated Iraq to undergo training to return and be jihadists or militants,” he said. Ramos did not give details but said the Abu Sayyaf has been encouraged by the success of the Islamic State (IS), formerly known known as the Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) and the Islamic State of Iraq and Syria (ISIS). IS, which has displaced Al Qaeda, recently declared an Islamic caliphate in the territory it controls in Iraq and Syria. Hardline Moro guerrillas have pledged allegiance to IS, according to an Agence France-Presse report. Clips have been uploaded on YouTube showing both BIFF gunmen and the Abu Sayyaf rebels pledging support to the Islamic State (IS). “We have an alliance with the Islamic State and Abu Bakr al-Baghdadi,” BIFF spokesman Abu Misry Mama told AFP by telephone on Friday. BIFF split in 2008 from the Philippines’ main Muslim rebel group, the 12,000-member MILF. The latter signed a peace agreement with President Benigno Aquino’s

government last March. BIFF, which is believed to have a few hundred fighters, has rejected the peace talks and pursued the decades-old armed campaign to establish an Islamic state in the southern Philippines which was begun by the MILF. Abu Misry, described by the Philippine military as a BIFF spokesman, said his group had no plans to impose the radical IS brand of Islam in the Southeast Asian nation. Beheadings, mass executions, and the taking of child brides have marked the IS campaign across large parts of Iraq and Syria. Abu Misry said his group had not sent any fighters from the Philippines to help the IS, nor was it recruiting people to join the IS. “But if they need our help, why not?” he added. The Philippine military, however, has downplayed links between IS, the Abu Sayyaf, and the BIFF. Armed Forces of the Philippines spokesman Maj. Gen. Domingo Tutaan said any connections remain “unverified.” “It can be claimed by anybody who wants to take (advantage) so they can become more notorious, so that they will be feared more since they have links (with IS),” he said. Tutaan also refused to recognize videos posted on YouTube showing the groups pledging support for the IS. “We do not dignify (videos on) YouTube… A lot of things can happen on YouTube… We are just being careful on our pronouncements before the media because we don’t want to cause undue alarm… These (linkages) are unverified,” he said.

"FIRE"

A

Filipino musician Ronnie Dayo, working at the international hotel chain in Gyeongju, Korea was proclaimed overall winner of the "2014 Focus on Your World" International Environment Photo Competition sponsored by the United National Environment Program (UNEP) last August. Dayo's piece "Fire", which depicted silhoutte person trying to extinguish arraging fire. He was awarded a certificate a cash price of 5million (211,000 pesos) by UNEP Korea vice president and former Minister of Environment Kim Jong-wie during the ceremony. Entries in the competition were judge based on the themes, "Beautiful Planet", "Small Hope", "Raise your voice", and "Not the sea level", Dayo was able to meet these criteria which won him the grand prize of the photo competion. Philippine Ambassador to South Korea Raul S. Hernandez said in a statement the Dayo's win demonstrated "the versatility and talent of Filipinos." Department of Foreign Affairs (DFA) said that the competion was held this year to "encourage greater understanding of the importance of small Islands Developing States and of the urgency to help and protect the islands in the face of growing risks and vulnerabilities."


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

page 4

SEPTEMBER 2014 SECOND issue

T

hese sweet and soft mini cakes are usually baked in small molds and served during snack time. Use muffin tins if you don't have the molds.

INGREDIENTS: Distributer: Publisher:

Chief Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

• • • • • • •

2 1/2 cups all-purpose flour 1 cup white sugar 1 tablespoon baking powder 1 teaspoon salt 1/2 cup vegetable oil 8 egg yolks 2 tablespoons grated orange peel

PROCEDURE: • •

• • • • • •

1 teaspoon vanilla extract 1/3 cup orange juice 1/3 cup water 8 egg whites 1/2 teaspoon cream of tartar 1/2 cup white sugar

Preheat an oven to 325 degrees F (165 degrees C). Grease 16 muffin cups. Stir the flour, 1 cup sugar, baking powder, and salt together in a large bowl. Make a well in the center of the flour mixture and add the oil, egg yolks, grated orange peel, vanilla extract, orange juice, and water. Mix well by hand until smooth with no lumps. Beat the egg whites with the cream of tartar u n t i l fo a my i n a l a rg e gl a s s o r m e t a l m i x i n g b owl . G ra d u a l ly a d d t h e 1 / 2 c u p s u ga r, c o n tinuing to beat until soft peaks form. Lift your beater or whisk straight up: the egg whites will fo r m s o f t m o u n d s ra t h e r t h a n a s h a r p p e a k . Fo l d t h e f l o u r m i x t u r e i n t o t h e e g g w h i t e s . Po u r t h e re s u l t i n g b a t t e r i n t o t h e p re p a re d muffin cups to about 2/3 full. Bake in the preheated oven until a toothpick inserted into the center comes out clean, about 40 minutes. Cool in the pans for 10 minutes before removing to cool completely on a wire rack.

Mamon (Sponge Cakes)


TARA LET's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SEPTEMBER 2014 SECOND issue

P

ara sa ilang kabataan at kahit na matatanda ay hindi nakakaengganyo ang pag-aaral ng Agham o Science. Pero iba ang mararamdaman ng sinumang papasok sa The Mind Museum na magbibigay ng maraming dahilan kung bakit mahalaga at masaya ang pag-aaral. Dito ang Earth Science, Physics, Biology o Chemistry ay hindi nababasa sa libro kundi mapapanood, mapapakinggan, at malalaro pa.

page 5

ignite your inner Scientist at the mind musuem teksto NI phoebe dorothy estelle

Samantala, ang isa pang maganda sa The Museum ay nasa loob lamang ito ng Bonifacio STATE OF THE ART PLAYROOM Mainam na maging bahagi ng field trip o weekend Global City. Ibig sabihin ay malapit lamang ito sa business district at madali para sa mga treat, ang Mind Museum ay punong -puno ng displays working Moms at Dads na ipasyal ang kanilang mga anak sa kanilang free time. at slogans tungkol sa Science at Arts. May iba’t ibang event and exhibit din dito kada buwan o depende sa season, gaya na lamang ng kanilang exhibit sa mga obra ni Leonardo Da Vinci at Solar System Secrets. Kung para naman sa matatanda, parang bumalik ka lamang sa pag-aaral pero sa pagkakataon na ito ay mas high tech at masaya. Mayroon ditong giant chocolate display, computer games, maniquin of ancient men, at 3D movies gaya ng pelikulang Ang Simula na likha ng premyadong direktor na si Chito Rono. Ang Simula ay tungkol sa pagkakabuo ng mga isla at kontinente at maging sa pag-usbong ng mga nilalang sa mundo.

REINTRODUCING SCIENCE IN INTERACTIVE WAYS Sakto rin sa mga teenagers na nasa high school and college, mabibigyan ang mga bisita ng simple pero mahusay na paliwanag sa mga paksang gaya ng Table of Elements sa Chemistry dito. Sa aming pagbisita ay mayroon dalawa o tatlong presentation ng Table of Elements. Ang pinakamalaki rito ay animo’y kabinet ng mga halimbawa ng elemento gaya na lamang ng saging para sa elemento ng Potassium. Pero hindi lang naman common science subjects ang makikita sa loob, katunayan ilan sa itinampok na visuals sa loob ay may kinalaman sa progreso sa pagsulat, lengguwahe, fashion, agrikultura, recycling, printing press at iba pang imbensyon.

PAANO MAKAKAPUNTA? May bus na bumabiyahe at umiikot mismo sa BGC. Itanong lamang kung alin sa mga ito ang dadaan mismo sa harapan ng The Mind Museum. Ang terminal ng bus ay nasa likod ng isang gasoline station na malapit sa Ayala MRT Station (north bound). Bukas ang museum mula 9am hanggang 6pm, Martes hanggang Linggo, na nahahati sa tatlong schedule pa o 3-hour limit. Ang entrance fee rito ay P600 para sa adult pero P150 lamang sa mga pampublikong Guro. Halagang P450 naman sa mga bata pero P150 lamang sa mga estudyante ng pampublikong paaralan. Para naman sa mga gustong buong araw na mag-ikot at manood dito ang bayad ay P750.


pinoy na pinoy 6 page 6

Libra - Sep. 24 - Oct. 23 Sa mga sandaling nakakaramdam ka ng panghihina sa inyong relasyon, alalahanin mo parati kung paano kayo nagsimula. Balikan mo ang mga araw kung paano kayo nagkakilala, nagkasama at nagdesisyon na maging magkasintahan. Doon mo rin mapagtatanto na kamangha-mangha na kung paanong kayo ay pinagtagpo ng tadhana. Huwag mong hayaan na sirain ng konting tampuhan at selosan ang inyong tumitibay na relasyon. Hindi ba’t selos ay nagpapahiwatig din kung gaano ka kahalaga sa kanya at ayaw niyang mawala ka?

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22

Makinig ka sa sinasabi ng iyong puso at huwag kang magdalawang-isip na ibulalas ito. Ikaw ay higit pa sa iyong inaakala, kailangan mo lang tuklasin ang iyong tunay na kagustuhan at kalakasan. Hindi mo lang alam na ang tingin sa iyo ng iba ay isang taong dapat na pinaniniwalaan dahil sa iyong sinserong pagkatao. Kahit na ngayon na marami kang gustong sabihin, huwag kang mangimi na ibahagi ang iyong saloobin.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Ang buhay ay isa ngang paglalakbay. Sa daan ay makakasalamuha ka ng mga taong turista rin na iyong makakasama, makakausap at pagdako’y ay magpapaalam. Subalit, may mga taong espesyal na nagtatagal at handa kang samahan hanggang sa saan mo man gusto. Baka siya na nga ang bagong kakilala mo. Ang kilalanin siya ay isang karanasan, ang maging kaibigan siya ay pangyayari at makasama siya sa hirap at ginhawa ay pagpapala sa paglalakbay mo sa iyong buhay.

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

Ang iyong personalidad ay malakas ang dating o iyong tipong makapangyarihan na hindi dapat binabangga. Bahagi nito ang tungkol sa iyong pagpili kung sino ang nais mong maging bahagi ng iyong grupo. Ikaw ang makakapagsabi kung anong klaseng mga inidibidwal ang nais mong makasama o maging barkada at hindi udyok lamang ng iba. Ngayon kung may magpupumilit na manghimasok at ayaw mong tanggapin, huwag kang magdalawang-isip na ipaunawa sa kanila kung saan ka at ano ang gusto mo talagang mga kaibigan.

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19

Totoo o hindi, pero naniniwala ka sa iyong pakiramdam na parang kilalangkilala mo na ang isang tao kahit maiksi pa lang ang panahon nang kayo ay magkadaupang palad. Puwede rin naman na nakita mo siya kung saan, pero kahit isang segundo lamang iyon ay tumatak na siya sa iyong isipan. Siyempre, ikaw na magaling pagdating sa detalye ay hindi palalagpasin ang pagkakataon na patunayan ang iyong haka-haka. Sige lang kilalanin mo pa siya at tuklasin ang magagandang detalye ng kanyang pagkatao. Hindi matatapos ang araw na matatagpuan mo ang koneksyon bakit kayo pinagtagpo.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Maraming eksena sa mga palabas sa sinehan at telebisyon ang hindi nagkatotoo sa tunay na buhay. Tama na mangilan-ngilan lang ang mga eksena na may happy ending dahil bibihira rin naman na nagtatapos na masaya. Alam na alam mo iyan sa dami na rin ng iyong pinagdaanan pero may mga pagkakataon na sa isang iglap nangyayari ang mga bagay na higit pa mga ideyang naglalaro sa iyong imahinasyon. Puputulin mo ba ang masayang nararamdaman mo dahil baka may kung anong mayroon dito? Ang dapat mong paniwalaan ay may mga pangarap na talagang nagkakatotoo.

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

SEPTEMBER 2014 SECOND issue

Aries - March. 21 - April. 20 Isa ka sa mga hindi nag-aalinlangan na sabihin kung ano ang iyong nasa isipan lalo na kung alam mong dapat lang marinig ito ng iyong kakausapin. Pero hindi lang naman nagtatapos iyon sa salita kundi sa paraan ng pagkakasabi mo. Para bang parati kang galit? Baka nga ganun; iba ang galit lang sa tamang pagbato ng mga makahulugang pananalita. Hindi mo naman kailangan manahimik na lang pero analisahin mo muna kung bakit, paano at ano ba talaga ang usapin bago ka magsalita na alam mong nakakasakit din naman.

Taurus - April. 21 - May. 21

Hindi mo kailangan makipagsabayan sa makakating dila na daldal nang daldal ng mga bagay na wala rin namang kuwenta. Sabihin mo lang kung ano ang totoo at nararapat kapag tinanong ka dahil ikaw lang din naman ang may kaya na tukuyin kung ano tama at tunay. Basta’t huwag ka lang maging mahangin kung iba naman ang hindi makapagsalita sa bagay na kanilang nalalaman at lalo na roon sa hindi talaga nila alam. Maging diplomatiko at mapagkumbaba, walang mawawala sa iyo bagkus ay aani ka ng respeto.

Gemini - May. 22 - June. 21

Sanay kang magbiro na nakakatulong naman sa iyo para makapagsimula ng usapan o makagaanan ng loob ang bagong kakilala. Subalit alam mo rin naman ang hangganan at ang mga paksang hindi binubuksan para masamain ng sinumang nakakakarinig. Sa ngayon , maiging gamitin mo ang katangian na ito para mapag-ugnay ang mga tao sa iyong paligid anuman ang kanilang kinabibilangang grupo at pagkakaiba ng interes. Maigi rin na ipaalam mo sa kanila kung ano ang iyong intensyon at gustong mangyari.

Cancer - June. 22 - July. 22

Masasabing isa ka sa mapagkakatiwalaan pagdating sa pagtatago ng lihim. Para sa iyo ang pagkakaroon ng kaalaman sa katotohanan ang nasa likod ng isang sekreto at hindi na kailangang pang ibahagi ito sa iba. Iyan naman ang dapat gawin din ng iba lalo na iyong makakati ang dila na hindi lamang nagbubunyag ng lihim kundi dinagdagan pa ng maling impormasyon ang kuwento. Kung ikaw ay may kaibigan na ganito, maiging payuhan mo na gayahin ang iyong prinsipyo.

Leo - July. 23 - August. 22

Handa ka na ba sa araw na ang aatupagin mo lang ay kung paano ka magiging masaya? Bakit naman hindi kung lahat ng mga tao ay gusto nito at higit kanino man ay karapat-dapat ka lang magtamo nito na mas gustong magdulot ng saya sa iba. Siyempre pa mas masaya ang iyong pakiramdam kung naisasama mo rin ang iyong mahal sa buhay sa iyong paglalakbay para maradaman ito.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Isa ka sa hindi basta-basta nagdedesisyon lalo na sa mahahalang bagay gaya ng karera. Pero may mga pagkakataon na may dumarating na oportunidad na napakahirap na tanggihan. Kahit na ganoon, hindi naman kailangan na magmadali bagkus tingnan muna ang bentahe nito sa iyo sa pagtagal ng panahon at kung gaano mo ito kagusto. Kung hindi ka pa handa sa bagay na ito ay mahirap din namang ipilit kahit mukhang malaking hakbang sana ito para sa pag-unlad ng iyong karera.


pinoy-BiZz SEPTEMBER 2014 SECOND issue

page 7

direk erik matti ayaw nang makatrabaho si lovi boy abunda, ayaw mamatay Chronicles takes off where the first her managers to shoot the opening

nilabas ng batikang director na si Erik Matti ang kanyang sama ng loob sa young actress na si Lovi Poe sa kanyang Facebook account . Ani ng director ng Tiktik: The Aswang Chronicles na ang Kapuso star ang problema nila sa shooting ng sequel ng nabanggit na pelikula na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Matatandaan na si Lovi ang lumabas na leading lady ni Dingdong sa unang bahagi ng movie. Dapat sanay ay gagampanan nito ulit ang kanyang role pero maiksi na lamang at dalawang araw ang kanyang magiging shooting day. Kuwento pa ng director ng mga pelikulang Magic Temple, Gagamboy at On the Job ay humingi na ng malaking talent fee ang kampo ng dalaga para lang tanggapin niya ang role. “The sequel Kubot The Aswang

one ended with Dingdong and Lovi along with their newly born baby Macky rushing to leave the town of Pulupandan. “We have a new leading lady for the 2nd film. This time it will be played by Isabelle Daza. So you might ask what happened to Lovi? Well, Lovi will supposedly be in the film for 2 shooting days. That will be how long the opening part will be shot. I leave you guys to figure out what happens there but after that opening sequence, the story continues after two years of that incident. So technically, the lead actress in the first film Lovi Poe will only be shot for 2 days here in the 2nd film. “Now that’s where we encountered problems,” paglalahad ni Direk Erik sa kanyang social media account. Dugtong pa nito sa mga Franchise movies gaya ng Aswang Chronicles ay higit pa sa isang pelikulang ang binabalak nilang mga producers na kinaibilangan ng Reality Entertainment, AgostoDos and GMA films. Nakasaad sa kanilang kontrata sa kanilang mga aktor na maging handa na gumawa ng hanggang tatlong pelikula. Sinunod naman ito ng mga unang lumabas sa pelikula na sina Joey Marquez at Dingdong na producer din ng movie. Kahit sina Janice de Belen at Ramon Bautista na pinatay na sa unang sequel ay lalabas din sa Kubot The Aswang Chronicles For months now, we, the producers and the production have been struggling to negotiate with Lovi and

sequence. Over a month ago, we got word that she does not want to do it because it was just for two days. We dangled every possible option just to get her to agree with us EVEN WHEN WE HAVE A SOLID CONTRACT TO HOLD HER UP TO THIS 2nd film, but she and her manager Leo Dominguez still said no. (Even if, by the way, our new lead actress, Isabelle Daza is also coming from the same manager). “The final straw that made us decide it would be impossible to get Lovi Poe to do the role was when they said yes but demanded a ridiculous amount of money for it. There I realized, “T*****a, wala talagang plano ‘tong Lovi na ‘to na gawin ‘tong sequel. Huhuthutan lang kami nito na parang nangongotong na pulis!” Patuloy pa ni direk Erik ay matagal na niyang gustong ilabas ang kanyang saloobin kay Lovi. Nag-aalangan lamang siya dahil baka makaapekto ito sa movie dahil sa pagkakaroon ng negative publicty pero nahihirapan silang humanap ng kapalit ni Lovi at ito ang kanyang sinisisi kung bakit naapektuhan ang kanilang shooting. “I am pissed that a starlet like Lovi Poe would have the gall to go against the contract she signed just because she does not want to do a two-day role. Sa huli ay sinabi nitong hindi na niya kukunin kahit kailan ang serbisyo ni Lovi sa kanyang pelikula at ito na rin ang huling pagkakataon na kukuha siya sa mga talent ni Leo Dominguez.

indi lamang ang mga pulis na on-duty sa Ta g u i g C i t y Po l i c e Station 7 sa Bonifacio Global City,ang ginulanta ng singer-TV host na si Billy Crawford nang magwala ito nang bandang 4:30 am noong nakaraang Setyembre 7, kundi ang sambayanan. Ang tanong na naglalaro sa isipan ng karamihan ay bakit at ano ang nagtulak dito para gawin ito. Sinampahan at nakapagpiyansa na ng Php 6, 000 si Billy sa mga kasong ipinataw sa kanya, ang Malicious mischief, resisting arrest, direct assault at disobedience to a person of authority. Sa mga naunang imbestigasyon ng press ay lasing na dumulog ang host ng It’s Showtime sa police station kasama ang dalawang babae. Gusto umano nitong mag-

pakulong pero dahil sa wala namang reklamo laban dito at nasa Taguig Police headquarter pa ang detention cell kaya hindi siya inaresto. Pagkatapos nito ay nagbilang pa umano si Billy bago niya binasag ang sliding door ng presinto. Dahil sa kanyang pagwawala ay natupad nga ang kanyang hiling dahil dinala na nga siya sa Taguig Police Headquarter na nakaposas at sinampahan ng kaso. Sa kanyang panayam sa araw din na maganap ang insidente, inamin nitong nakainom siya at ang naalala niya ay gusto niyang magpakulong para wala siyang masaktan. Itinanggi nito na nanapak siya ng pulis subalit humingi na siya ng tawad sa kanyang nagawa. Dinala rin ang dating child star sa Camp Crame para isailalim sa drug and liquor test.

Pagkatapos ng isyu ay inanunsyo sa It’s Showtime na hindi muna mapapanood si Billy at ang kanyang nobyang si Coleen Garcia sa nasabing palabas. Samantala, tinanggap rin ng dalawang babaeng pulis na sina PO1 Rodelma Canao at PO1 Jasmine Zipagan ang paghingi ng paumanhin ni Billy. Sinabi ng mga ito na hindi naman nanakit ang binata alin man sa kanila sa istasyon. Si Billy na produkto ng That’s Entertainment at naging International hit Sensation sa Europe dahil sa kanyang mga awiting Trackin and Bright Lights ay nagso-shooting ng sequel ng Moron 5. Kasama niya rin sa pelikula si Coleen, Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano at John Lapus.

I

billy crawford, nagwala sa isang presinto

H

Charice at mommy raquel, nagkaayos na

M

asayang ibinahagi ng international Filipino artist na si Charice sa kanyang Instagram account ang larawan nila ng kanyang girlfriend na si Alyssa Quijano kasama ang kanyang kapatid na si Carl at inang si Racquel Pempengco. Matatandaan na naging mainit ang pagamin ni Charice na siya ay tomboy dahil hindi rin itong sinang-ayunan ng kanyang ina at maging ang nobya niyang si Alyssa. Noong September 10 lamang nai-post ni Charice ang larawan at sinabi niyang sana’y hayaan na silang maging maligaya ng kanyang pamilya. “Now please shut up, move on and let us live our lives as one happy family.” Ibinahagi rin ng power belter singer na nagdiriwang sila ng monthsary ng kanyang nobya nang mga panahon na iyon. Samantala, naunang nang nakabati ni Charice ang kanyang Lola Tess Relucio. Mula mga singing contest dito sa Pinas ay nadiskubre ang galing ni Charice sa pag-awit dahil sa kanyang video sa Youtube. Mula rito ay nagkasunod-sunod na ang kanyang TV appearances sa ibang bansa gaya na lamang sa The Ellen de Generes Show at The Oprah Winfrey Show. Naging bahagi rin siya sa hit teen program na Glee at sa iba’t ibang concert kasama ang mga sikat na singers gaya ni Celine Dion.

para sa ina

B

unsod sa halos isang buwan din na hindi nagpakita ang premyadong TV host na si Boy Abunda sa kanyang mga programa ay maraming naglabasang espekulasyon tungkol sa kanyang kalagayan. Ilan dito ay pagkakaroon umano niya ng colon cancer at kanyang agarang pagpanaw. Kahit na nagpahaging na ang kanyang kaibigan na si Kris Aquino sa The Buzz na aniya’y nagpapagaling na umano ito, lumantad na rin mismo si Boy para sabihin ang kanyang saloobin. Una ay nilinaw nito kung ano ba talaga ang kanyang naging sakit at ito na nga ang pagkakaroon ng nana o abscess sa kanyang atay. “Ang ginawa po nila sa akin, nag-aspirate po sila. Gumamit po sila ng pagkalaki-laki, at pagkahaba-habang karayom. Pero hindi ko po tiningnan ‘yon, naramdaman ko lamang. Pinasok po ako dito... hanggang ngayon masakit pa po ito. Dito, pumasok po ‘yon, ultrasound-guided po ito, dumaan po sa ribcage, hanggang narating po iyong liver. Na-aspirate ‘yong ibang nana. Pero hindi po lahat ‘yon. Kaya mga three days pa, meron po akong pig tail na tinatawag, na iniwanan nila para i-drain yung natirang nana sa aking liver. Gaano karaming abscess ang nakuha sa aking atay? 300 ml,” saad pa ng TV host na sinabing nakalabas na siya nang ospital Agosto 23 pa. Sinabi rin nito na ito ang unang pagkakataon na magkaroon siya ng malubhang karamdaman, bagay na nagdulot sa kanya para magpakumbaba sa buhay at lumapit sa Diyos. Dagdag pa niya na isa sa kanyang mga ipinanalangin ay sana huwag naman na ang ina niya ang maglibing sa kanya. “Sabi ko, 'Panginoong Diyos, ano ba talaga ang gusto ko sa buhay ko? Bakit ganito na lamang ka-passionate, bakit ganito na lamang ka-driven ako sa trabaho ko? What is it that I want?' Simple lang naman pala talaga ang sagot. Sabi ko, gusto ko lang magtrabaho, dahil gusto ko lang mabigyan ng mabuting buhay ang aking pamilya, at maalagaan ang aking nanay, also because I love my job. "Pero sa ospital, nakiusap na lang ako sa Diyos, sabi ko, 'Panginoong Diyos, huwag mong pabayaang ilibing ako ng nanay ko. I don't want to die.' Ayokong mamatay. Ang hirap isipin na ang nanay ko na walang kamalaymalay sa bahay, hindi maganda ang pakiramdam, ang kanyang anak, nakikipagsapalaran, nakikipaglaban sa ospital,” maluha-luha pa nitong kuwento tungkol sa kanyang ina na may sakit na dementia. Samantala, ipinahayag din ni Boy ang kanyang pagkadisgusto sa mga taong nagkakalat ng maling balita tungkol sa kanya. Aniya “unfair” ang mga ito at kinikilala niya na ilang beses na siyang pinatay dahil sa iba’t ibang sakit “Nakakatawa po na sa huling gabi ng aming bakasyon sa Amanpulo noong isang araw, pumunta lang si Bong sa isang site, kung saan may nakasulat at ang sabi, 'Paalam po, Tito Boy. Ikinalulungkot naming ibalita, ang mahusay na talk show host ay pumanaw na dahil sa colon cancer. Ito po ang dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa telebisyon.' Sinasabi ko ho ito dahil, I am not dignifying these speculations, but I am acknowledging them. “Sa lahat sa inyo, na nagnais sirain ako, may intent man o wala, pinapatawad ko kayo. Totoo po 'yan mula sa aking puso.” Sa huli ay ibinahagi ni Boy na lumulusog na ang kanyang katawan at nagpapasalamat siya sa mga taong nag-aalala sa kanya habang siya ay mahina pa. Kasama na rito sina ang boss niya sa ABS-CBN, Gretchen Barreto at ang anak nitong si Dominique Cojuangco, Toni and Alex Gonzaga at kay Kris Aquino. “I am on my way to joyful, great recovery. Of course, I will continue to do my work on television. I should be back really soon. I will be back,” saad pa nito na atat nang magsabi ng “Magandang hapon Pilipinas at buong mundo! Welcome to The Buzz.'"



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.