The Pinoy Chronicle August Issue

Page 1

SPECIAL FEATURE SECTION

Daloy Beef KayumanggiCorned Omelet FOOD TRIP AT HOME

SPECIAL FEATURE

Impormasyon ng Pilipino

Corned Beef Omelet or Tortang Corned Beef is considered as power breakfast food because it's a complete meal by itself. CONTINUE ON PAGE 4

TARA LET'S

Kaffe Caffe: A Thesis to Reality

Viaje tayo sa Camera Mesuem

Who would have thought that a simple thesis project would become a reality in the future? Kaffe Caffe is a German term for coffee is actually a thesis project...

Kung sa hinaharap ay may maiiwan kang magandang ancestral house at ayaw mong magiba, ano gagawin mo rito?

CONTINUE ON PAGE 3

CONTINUE ON PAGE 5

THE PINOY CHRONICLE

PINOY LOCAL P.2

PINOY GLOBAL P.3 FOOD TRIP AT HOME P.4 TARA LET'S P.5

ALDUB world HIT

WEEKLY HOROSCOPE P.6

PINOY SHOWBIZ P.7

NAG-TREND

wide

TANDEM BUNGA NG CINDERELLA

COMPLEX?

Marian thankful sa fans Nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Agosto 12, ang tinaguriang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera. Kaiba sa mga nagdaan niyang birthday, ngayon nga ay Mrs. Dingdong Dantes na siya at malapit ng maging ina. Bagay naman na kanyang ipinagpapasalamat , kasama ng kanyang fans na nakasuporta pa rin sa bagong yugto ng kanyang buhay. Sa isang panayam sa aktres ay naikuwento nito na nagkaroon ng birthday mass para sa kanya ang kanyang mga fans. Kasama na rin kasi sa kanilang ipinagdarasal ay ang malusog niyang pagbubuntis ay panganganak. “Sabi ko nga, e, napaka-blessed ko para magkaroon n g g a n i t o n g k l a s e n g fa n s c l u b n a p a l a g i n g nagsasama-sama, nagtitipon-tipon para magsamasama sa mga biyayang tinatamasa naming magasawa,” saad pa nito sa interview ng Pep tungkol sa 18 fans clubs niya na dumalo sa misa. Samantala, kamakailan ay naisyu naman ang kanyang mga fans tila pinasaringan ito ni Heart Evangelista sa isa nitong komento sa social media. “@pink_minicooper thank you but let’s not start with that her fans are very bad and I don’t wanna get bashed. thank you,”saad nito sa isa niyang follower na nagsabing “Ur way better than Marian!”

Sundan sa Pahina 7

Bagaman aminado si Marian na nasaktan s’ya para sa kanyang mga fans, sinabi nitong ayaw na rin niyang intindihin pa ito. “Pero siyempre, kapag dumating na sa puntong yung mga nagmamahal na sa amin ang nasasaktan, hindi naman puwedeng manahimik na lang, ‘di ba,” sabi pa ni Marian na isa sa main host ng Sunday PinaSaya. “Pero sabi ko nga, maraming paraan para… huwag na lang intindihin.

Photo by: Rio Tabisula Cabojoc

http://www.lionheartv.net/2015/07/yayadub-artworks/

Lebron James at Stephen Curry bibisita sa bansa

DID YOU KNOW? PINOY NA PINOY: YOUR WEEKLY HOROSCOPE

Second Issue.indd 1

August 2015 Second Issue

Free Newspaper

2015/08/14 12:22:37


Pinoy-local 2

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2015 I second ISSUE

page 2

Brgy Captain na bihag ng Abu Sayaff pinugutan na

MULA PAHINA 1 Ngayong Agosto 19 ay nakatakdang bumisita sa Pilipinas si four-time NBA Most Valuable Player Lebron James ng Cleveland Cavaliers at sa darating na Setyembre 5 naman si NBA 2015 MVP Stephen Curry ng Golden State Warriors. Ang pagdalaw ni Curry ay bahagi ng kanyang five-country tour. Sa kanyang twitter account ay inanunsyo ni Curry ang kanyang pagbisita ““I’m bringing my passion for the game to Asia this Sept with UnderArmour. Get ready! #UARoadshow”. Bago magtungo ng Pilipinas si Curry ay dadaan muna ito sa Tokyo, Japan. Matapos sa Pilipinas ay didiretso siya sa Beijing/ sa Setyembre 5, sa Chongqing sa Setyembre 7 at sa Shanghai sa Setyembre 8. Bukod kina Curry at James, ang iba pang NBA stars na dadayo sa Pilipinas ay sina Minnesota Timberwolves star guard Ricky Rubio, Kenneth Faried ng Denver Nuggets at si San Antonio Spurs guard Danny Green. Darating si Rubio sa Agosto 20 para sa isang Adidas event, habang sina Faried at Green ay sa Agosto 28 para sa NBA 3X3 Phi­ lippines sa MOA Arena sa Pasay City.

150k tulong pinansyal mula sa LTFRB

Ilang buwan na ang nakalipas mula nang kumalat ang video ng mga bihag ng Abu Sayaff na sinabing pupugutan bilang babala ng bandidong grupo kung hindi magbibigay ng ransom money ang gobyerno. Ngunit nitong nakaraang Miyerkules, sa Barangay Labah, bandang 9:45 ng gabi ay natagpuan ang pugot na ulo ng isa sa mga sinasabing bihag ng Abu Sayaff. Kinilala itong si Rodolfo Bulagao, kapitan ng Barangay Aliguay Islan ng Dapitan City, Zamboanga del Norte. Dinukot ng Abu Sayaff ang biktima noong Mayo 4 kasama pa ang dalawang miyembro ng Philippine Coast Guard na sina 2nd Class Gringo Villaruz at Seaman 1st Class Rod Pagaling.

Ayon naman kay Navy Captain Roy Vincent Trinidad, chief of staff ng Naval Forces Western Mindanao at Joint Task Force Zambasulta, na patuloy ang kanilang negosasyon upang maisalba ang buhay nina Villaruz at Pagaling.

Pinaubaya na ng palasyo ang pag-iimbestiga sa memo na inilabas ng Cavite State University (CSU) na nag-uutos sa mga estudyante na manood ng sariling bersyon ni Bise Presidente Jejomar Binay ng kanyang “TRUE” State of the Nation Address (TSONA). Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr na dapat i-refer na lamang ang isyu sa CHED kung mayroon nga bang nilabag na batas o kautusan kaugnay ng pagdaraos ng assembly. Sa isang memo na inilabas ni university president Divinia Chavez noong Hulyo 30, na kailangang dumalo ng mga third year at fourth year students sa isang “student assembly” na inayos ng Central Student Government (CSG) sa ganap na alas-4 ng hapon, Agosto 3. Ang TSONA ni Binay ang kanyang pagbatikos sa adminitrasyong Aquino at pag-saludo sa mga nasawing miyembro ng Special Action Force sa

na si Joey Salgado na overreacting ang Malacanang. Sagot naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda “Oh, you mean it was such a huge honor for Cavite State University to invite Vice President Binay that the memo failed to mention him as the Honored Guest Speaker and instead just called it a ‘Student Assembly? Mr. Salgado, pasensya na po, hindi po mangmang ang mga tao, at mawalang galang na po, palpak na nga po ang TSONA ni VP Binay, palpak na naman ang katwiran ninyo.”

Sapilitang panonood ng 'TSONA' ni bise Maguindanao. presidente Binay Tugon naman ng pinuno ng media affairs ni Binay

Alapag lalaro na sa Meralco Inaprubahan na ng bagong PBA Commissioner Chito Narvasa ang pagiging playing assistant coach ni dating Tropang Texters shooting-guard Jimmy Alapag sa Meralco Bolts. Matatandaan na nagretiro na ang tinaguriang Mighty Mouse ng PBA noong nakaraang PBA 2015 All-Star Weekend sa Puerto Princesa, Palawan. Matapos nito ay inatasan ito na maging team manager ng kanyang koponan sa 2014-2015 season. Ibinigay naman ng Talk ‘n Text ang playing rights ni Alapag sa Meralco sa trade deal na kinabibilangan din ng Blackwater. Muling nahugot ng Tropang Texters si forward Larry Rodriguez mula sa Elite na nasikwat naman

Bahagi ng Passenger Personal Accident Insurance Program ay kinakailangan magbigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga biktima ng mga aksidente na kinabibilangan ng public utility vehicles. Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) public information officer Mary Ann Salada bilang tugon sa Passenger Personal Accident Insurance Program ay magbibigay ang kanilang ahensya ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga nasawing pasahero ng Valisno bus na naaksidente kamakailan sa Quirino Highway Quezon City. Halos mahati ang bus nang bumangga ito sa poste bandang ala6 ng umaga. Tinatayang apat ang nasawi at 18 naman ang nagtamo ng sugat dahil sa aksidente. Ipinatupad na rin ang suspension sa 62 units ng Valisno bus company. Dagdag pa ri ito ay kinakailangan rin sumailalim sa road safety training at drug test ang lahat ng driver ng kumpanya.

Second Issue.indd 2

sina Bolts point guard Mike Cortez at center James Sena. Bago ang trade deal ay nakita si Alapag na nakiki­ pag-ensayo sa Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin sa Meralco Gym noong Lunes at Martes.

Fil-Am Trackster Cray nasa bansa

Nasa bansa ngayon si Fil-Am trackster Eric Shauwn Cray para makipagpulong sa mga sports officials hinggil sa planong pakikilahok sa 2016 Rio Olympics. Si Cray ang kauna-unahang manlalaro ng bansa ang nakapasok na sa Olympics sa larangan ng 400m hurdles. Dumating kasama ang kanyang coach na si Damien Clark, ang double-gold medalist sa Singapore SEA Games ay haharap kay PSC commissioner Salvador Andrada ngayong hapon para ipaalam ang kanyang plano sa pagsasanay. Si Andrada ang kakatawan sa PSC dahil nasa ibang bansa si chairman Ricardo Garcia. Makikipagharap din si Cray sa mga potensyal na sponsors na nakuha ni PATAFA president Philip Ella Juico.

Kailangan ni Cray ng suporta lalo pa’t huminto na siya sa pagtatrabaho para ibuhos ang panahon sa pagsasanay sa hangaring manalo ng medalya sa Rio.

2015/08/14 12:22:42


pinoy-global 3

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2015 I second ISSUE

page 3

W

KAFFE CAFFE: A THESIS TO REALITY

ho would have thought that a simple thesis project w o u l d become a reality in the future? Kaffe Caffe is a German term for coffee is actually a thesis project of the owner until she decided to put it up and make it to reality. Quite a humble beginning from a coffee shop newbie, she latter found out that there’s an existing Kaffe Caffe shop in Germany. But what separates them from other coffee shops is that they not only serve coffee and tea matched with delectable pastries, they actually serve delish pastas and thirst-quencher beverages. Apart from the very affordable price, Kaffe Caffe allows their customer to witness live demo of their espresso art demonstrated by their lead barista Mitch. Visit Kaffe CAffe at 46 Banawe Corner Maria Clara Street, Santo Domingo, Quezon City and surely you will enjoy the cozy-feel this coffee shop can offer.

Filipino Boxers won at Pinoy Pride XXXII

Christian Martinez scores another Gold Medal Christian Martinez grabs a gold medal in the senior men's division at the 2015 Asian Open in Bangkok, Thailand over this weekend. The Olympian has grab a total score of 188.53, overtaking Japan's Keiji Tanaka by 6 points. After withdrawing from several competitions this past year, Christian stayed for several days in Thailand preparing for the competition. Christian Martinez came out strong with a new routine, and costume beating nine other qualifiers from the Asia and Pacific regions.

Pinoy behind the movie Inside Out

At Pinoy Pride XXXII held at the Dubai World Trade Center, Filipino boxing fans gathered and cheered for the 4 boxers who emerged victorious over their respective opponents. Fans were estatic to see how Albert "The Prince" Pagara knocked down his Mexican opponent Jesus Rios in just few minutes of the round. Pagara retained his title as the IBF Inter-Continental Super Bantamweight Champion and still remains undefeated. According to Mark Angelo Arellano, Albert has a place and should be welcomed in the international boxing stage. Jayson Pagara's brother also won via unanimous decision when the referee stopped the fight in the 8th round of the fight due to the right elbow injury caused by a head but accident from the opponent. Another Pinoy boxer Jimrex "The Executioner" Jaca, manage to pick himself up and eventually won by unanimous decision despite being down on the 4th round. A newcomer and a crowd favorite a Filipino from Dubai Larry Abarra who was born from Subic, Zambales. The President and CEO of ALA Promotion Miguel Aldeguer was happy with the results and inked a contract for a bout in the US.

Second Issue.indd 3

In case you didn't know, the co-director of Disney-Pixar's latest film "Inside Out" is a Fil-Am Ronnie del Carmen who grew up in Cavite and graduated from the University of the Santo Tomas with a Bachelor of Fine Arts degree major in Advertising. Ronnie went to US in 1989 and joined Pixar in 2000, but he is not a lone Filipino inside the headquaters of the award-winning animation company. Although Ronnie didn't say how many number of Filipinos are working inside the company in California, but there is a group called "Pix-noys" who love eating together. But more importantly, they host charity events for a cause for their home country. Ronnie was asked by a reporter if there would ever be a future film from Pixar about Filipino, Ronnie teased that if ever it will be about Filipino Foods.

Pinoys took home 3 medals in the Hip Hop International Competition Filipino dancers has once again proven themselves in the world's largest dance battle , Hip Hop International, grabbing 3 medals in this world class competition. With a total of nine groups representing our country 6 of them made it to the finals, Legit Status took the silver in the varsity division, while Romancon also took the silver in the adult division. For Hip Hop International’s Philippine leaders, including Jhong Hilario of It’s Showtime, it comes as no surprise to see success of Filipinos both from the Philippines and from other countries. “You would know we’re Filipinos because if we really want what we’re doing, we will really push ourselves,” said Hilario. “Our goal, really, is to become a unit, to worship as a unit and basically we were inspired,” said a member of Romancon. “Just imagine, from around the world we were able to touch their hearts. That moment on stage was very, very priceless.” For the past 14 years, Hip Hop International has been regarded as the olympics of hip hop dancing. Some 200 crews represented 50 countries and a total of 3,500 dancers hit the stage for the past week. Every year, the competition continues to level up. “We just feel so blessed and humbled just to even place today,” said a member of A-Team. “Honestly, it’s so amazing to have shared the stage with those amazing crews.” For the past decade, the finals have taken place in Las Vegas but this year, the biggest dance competition in the world went back to San Diego.

2015/08/14 12:22:55


pinoy community 4

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2015 I second ISSUE

page 4

PREP TIME 05 MINS

COOK TIME 10 MINS

TOTAL TIME 15 MINS

INGREDIENTS

Distributer: Publisher:

Contributing Editor: Irene Tria irene.chronicle@gmail.com Sales and Marketing: jagger aziz jaggeraziz@gmail.com Ms. Oyee Barro 090-8507-9169 oyeebarro0702@gmail.com Art Editor / Layout artist: Jagger Aziz 090-6511-8111 jaggeraziz@gmail.com jaggeraziz.wix.com/jaggeraziz Contributing Writers: Jane Gonzales jane.chronicles@gmail.com Ms. Oyee Barro Phoebe Dorothy Estelle FOR COMMENTS AND SUGGESTIONS PLEASE EMAIL US AT

jaggeraziz@gmail.com

The views and opinions expressed in The Pinoy Chronicle are not necessarily those of the Editorial Team, the Management and the Publisher and any of its employees. While we try to ensure that the information that we provide is correct, mistakes do occur, if you do notice any mistakes then please let us know. and email us at jaggeraziz@gmail.com. The design of the newspaper is copyright of The Pinoy Chronicle and material from the newspaper should not be reproduced without prior permission. Photographs have been sought under license, and ownership (unless specified elsewhere) is that of the photograph’s original creator. Any complaints should be directed to the editor; contact us for details.

Telephone: 03-5611-8040 Fax: 03-5611-8044 Email: jaggeraziz@gmail.com

Second Issue.indd 4

beef Corned t omele

Corned Beef Omelet or Tortang Corned Beef is considered as power breakfast food because it's a complete meal by itself. The fact that it is more than enough to give energy and keep full until lunchtime is a good thing. What makes this dish better is that it tastes really good too and can be best eaten with your favorite side dishes or with rice and bread. Preparing your own Corned Beef Omelet is easy. All you need is to make Corned Beef and Potato Casserole first then the rest of the steps is easy-breezy. Just to clarify, we use canned corned beef for this recipe, not Irish corned beef. Once you are done in making the Corned Beef and Potato Casserole, all you have to do is beat the eggs and add the salt, pepper, and onion powder. Let the corned beef cool down before you mix it with the beaten eggs. Use a measuring cup to scoop the mixture and pour it in the frying pan. Simply wait a few minutes for the bottom side of the omelet to completely cook, and then flip the omelet using a spatula to cook the opposite side. It's good to have my corned beef omelet as it is with tomato

• • • • • •

1 serving Corned Beef and Potato Casserole 6 large eggs ¼ teaspoon onion powder 1/8 teaspoon ground black pepper ¼ teaspoon sea salt Cooking oil or cooking oil spray

INSTRUCTIONS • Prepare the corned beef by following the Corned Beef and Potato Casserole recipe. One serving is equal to the exact amount of ingredients provided in the recipe. • Crack the eggs and place in a large mixing bowl. Add the salt, pepper, and onion powder. Beat the egg well until all the ingredients are well incorporated. • Pour the Corned beef and potato casserole that you just made to the mixing bowl with the egg mixture. Stir to mix the ingredients. Make sure that the corned beef has cooled down before you execute this step. • Heat a frying pan. Add 1 tablespoon cooking oil or use a cooking oil spray and spray oil on the pan. • Scoop around ½ to ¾ cups of the corned beef and egg mixture and pour in the pan. Cook for 3 minutes on medium heat. • Use a spatula to flip the omelet and cook the other side for 2 to 3 minutes. • Transfer to a serving plate. Serve. Share and enjoy!

ketchup as a condiment. You can also make a corned beef omelet sandwich if you prefer.

2015/08/14 12:23:07


tara-let's 5

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 20152014 I second ISSUE SEPTEMBER SECOND issue

Sa click na click na viaje sa

CAMERA

MUSEUM ( Taal, batangas )

K

KUHA AT TEKSTO NI JANE GONZALES

ung sa hinaharap ay may maiiwan kang magandang ancestral house at ayaw mong magiba, ano gagawin mo rito? Para sa pamilyang IlaganBarrion, ang sagot ay gawing museum ang kanilang tahanan sa Agoncillo St., Taal, Batangas na magtatampok ng lumang kamera at larawan. Lagpas tatlong oras mula sa terminal ng bus sa may Kamuning, Quezon City ang lakbayin (Php 176-186 pamasahe) papuntang Taal, Batanggas. Ang makasaysayang at magandang lugar na ito na sikat sa pinakamaliit na aktibong bulkan sa mundo o bulkang Taal at pinakamalaking simbahan Katoliko sa Asya o ang Basilica of Saint Martin of Tours, ay pamoso rin sa mga lumang tahahan dito. Halos maihambing na ito sa Calle Crisologo sa Vigan Ilocos Sur, pero mas mapapasok mo ang ilan sa ancestral house gaya ng Casa Villavicencio, Marcella Agoncillo Museum, Villavicencio Wedding Gift House, Agoncillo White House at Apacible Museum.

Second Issue.indd 5

page 5

Kasaysayan ng ancestral house ng mga Ilagan at Barrion Bago pa man naging bukas sa publiko bilang camera museum (entrance free: Php100 for adult and Php 50 for students), ang dalawang palapag na lumang tahahan ay pagmamay-ari ng mag-asawang Domingo Ilagan at Maria Martinez –Ilagan. Itinayo ang unang bersyon nito bandang 1870 para sa kanilang pamilya na binubuo rin ng kanilang anim na anak na sina Aniceto, Rosario ( Villanueva), Candida (Barrion), Concepcion (Sison), Julita at Juan Ilagan. Sa anim na anak ay si Candida, na napangasawa ng abogado at delegado sa 1935 Constitution na si Antonio Barrion, ang naging pinakananirahan dito. Nang mamatay si Candida noong 1975 ay unti-unti namang napabayaan ang bahay hanggang sa muling ibalik ang sigla nito noong 2004 nang kanyang mga apo na si na Emmanuel “Manny” Inumerable, isang negosyante at civil engineer at Bobby. Matiyagang inaayos ng dalawa ng konstraksyon at pinanatili ang pagkaantigong itsura nito.

panahon ay halos kasing laki ng telebisyon at animo’y pang-xray ang pagkuha ng litrato gaya na lamang ng Rochester View Camera na gawa sa Estados Unidos noong 1902. Kung halos ang mga point and shoot digital camera ngayon ay makukulay, brown at black ang vintage camera lalo noong late 1800s at early 1900s. ito ay dahil may halo ng mga kahoy ang mga ito tulad ng Shew Tailboard Camera, isang folding field camera na gumagamit ng 4’x5” film plate at ang pinakatawan ay gawa sa mahogany. Samantala, ang ibabang bahagi ng Galleria Taal ay unti-unti na ring ginagawang restaurant para sa mga bisita at turista. Sa iba pang banda, ang iba pang magandang puntahan sa Taal ay ang Our Lady of Caysasay Church, Sta. Lucia Well, at ang Don Juan BBQ Restaurant na kauna-unahang boodle house sa Taal.

Pagsilip sa loob ng Vintage Camera Museum Sa pamamahala ni Manny ay hindi lamang naging basta tahanan ito kundi museo ng mga lumang kamera na ang mga edad ay naglalaro sa 1800s hanggang 1900s. Kasama pa sa mga naka-exhibit dito ay ang koleksyon din nga mga lumang litratro mula pa noon panahon ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon sa Pilipinas. Maliban sa mga nabanggit, may naka-display din na kuha noong panahon ng rehimeng Marcos, EDSA revolution at iba pa. Ang vintage cameras at photos ay matatagpuan sa ikalawang palapag ng Galleria Taal. Dahil alam mong lumang bahay ito, makakaramdam ka ng intimate ambiance na animo’y pinapatuloy ka sa kanilang tahahan at ipinakita ang kanilang koleksyon. Lalo na kung ikaw ay interesado sa photography, ikasisiya mo ang mga interesanteng itsura noong mga camera noon. Kapansin-pansin na noong unang

Aquino Family

Pres. Ferdinand Marcos (1966)

2015/08/14 12:23:26


pinoy na pinoy 6 page 6

Leo - July. 23 - August. 22

Magsisimula at matatapos ang linggo mo na magaan at masaya dahil sa malalapit na taong iyong nakakasalamuha. Ang ibig sabihin lamang nito ay kinagigiliwan nila ang iyong personalidad para pag-ukulan ka ng panahon. Gayon din naman, pinatutunayan naman ng iyong pagkatuwa na bukas ka sa pakikipakaibigan at ikinasisiya mo ang halaga ng pakikipagkapwa-tao. Ipagpatuloy mo ‘yan nang mawala ang iyong agam-agam tungkol sa iyong sariling kakayahan at para mawaglit ang mga negatibong ideya sa iyong isipan.

Virgo - Aug. 23 - Sept. 23

Daloy Kayumanggi Impormasyon ng Pilipino

AUGUST 2015 I second ISSUE

Aquarius - Jan. 21 - Feb. 19 Mahirap magbalanse ng relasyon lalo na kung may kinalaman sa trabaho at personal na buhay. Maaaring nagkakaroon ng selosan o nabibigyan mo lamang nang mas maraming oras ang isang aspeto kaya nagkakaganoon. Hanapan mo nang paraan na masolusyunan ito bago pa lumala. Palagi mong buksan ang iyong komunikasyon sa iyong kapareha. Humingi ka ng pang-unawa kung kailangan maglaan ka nang mahaba-habang oras sa trabaho, subalit huwag mo ring sanayin ang iyong sarili na palagi ka niyang palaging unawain. Kapag nangako ka ay tutuparin mo parati o sa abot ng iyong makakaya.

Pisces - Feb. 20 - March. 20

Bago ka sumugod sa isa pang laban ay hayaan mo rin ang iyong isipan, katawan at ispiritwal na makapagpahinga. Makakatulong ang pagre-recharge para mas maging buo pa ang iyong pagkatao ano man ang susunod na hamon na iyong haharapin. Karapat-dapat din naman pagbigyan mo ang iyong sarili ng kapahingahan ito man ay may kinalaman sa pagpapaganda, pagpapamasahe o pagbabakasyon sa lugar na tahimik. Sa iyong pagbabalik, mapapansin mo na lang na hindi lang pala pakikipagsapalaran sa buhay ang kaya mo, kundi magkaroon ng malalim na pang-unawa sa bagay-bagay.

Desidido ka na mapabuti ang iyong pangangatawan at pamumuhay, kakayanin mo kaya ito sa kabila ng tukso sa iyong paligid? Oo naman, kung nagawa mo ngang makamit ang iyong ibang pinangarap ay ano pa kaya ito na para naman sa iyong sarili. Ang isang dagdag na suhestyon na lamang dito ay maging detalyado ka sa iyong mga gustong mangyari. Kaya madali kang madala sa sabi-sabi ay nand’yan lamang iyong passion pero hindi ka naman naghahanap ng kongkretong impormasyon at aksyon para sa mga nalalaman mo.

Sa halip na ituon ang iyong sarili kung paano ka matatali sa isang relasyon, hayaan mo ang pagkakataon. Makiagos ka sa mga susunod na mangyayari at maging bukas lamang sa posibilidad. Mas magiging masaya ang iyong paligid kung hindi mo bibigyan agad ng malisya o tuldok ang impresyon mo sa mga tao. Katunayan, mainam ito para magkaroon ka ng maraming mapagpipillian at makilala mo kung sino ang karapat-dapat sa iyong pagmamahal. Sa ngayon kahit na nand’yan ang potensyal, maiging mabuo muna ang inyong pagkakaibigan.

Ganado ka sa mga bagay na nagpapasaya sa iyo dahil ang totoo marami rito ay ngayon mo lamang nararanasan. Sige lamang habang nand’yan ang pagkakataon sapagkat hindi rin naman sa lahat ng oras ay napaglalaanan mo ang mga bagay na nagbibigay ngiti at tawa sa iyo. Samantala, dapat mo ring tanggapin na may mga seryosong bagay na kailangan mong pagtuunan ng pansin. Ilan na nga rito ang iyong kalusugan at relasyon sa iyong minamahal. Kahit na simple lamang ang iyong buhay, pero masaya ka sa piling ng iyong mahal at malusog ka ay tunay kang mayaman.

Libra - Sep. 24 - Oct. 23

Scorpio - Oct. 24 - Nov. 22 May kalituhan sa iyong isipan kung ano ang iyong gagawin, gagalaw ka ba ayon sa hinihingi ng pagkakaton o kung saan ka komportable? Piliin mo ang una dahil iyon ang nararapat para umangat ka sa buhay at malaman kung ano ang tunay mong kakayahan. Nakakatakot na pag-isipan ka ng masama o maliitin ka ng ibang tao, subalit kung hindi ka naman kikilos ay tutulungan ka rin ba nila? Basta ba wala kang tinatapakan na tao o masamang intensyon ay tuparin mo ang iyong mga pangarap. Huwag mong hayaan na iba ang magdikta ng iyong kasiyahan.

Sagittarius - Nov. 23 - Dec. 21

Maniniwala ka bang ang matinding kalaban ng tao ay kanyang sariling mga takot? Imbes na magpapigil ka sa takot na iyong nararamdaman, bakit hindi mo harapin o paghandaan na lamang ito? Hayaan mong tangayin ka ng iyong pagiging mausisa nang sa gayon ay matagpuan mo ang iyong sarili na nagnais na mag-aral o maglakbay. Napakabuting umpisa nito para unti-unting mawala ang kahinaan ng iyong loob at lalo pang lumalim ang iyong pag-asam. Kung iisipin mo rin, natatakot ka ba kasi hindi mo alam ang gagawin o wala kang ideya sa posibleng mangyayari?

Capricorn - Dec. 22 - Jan. 20

May sarili kang diskarte pagdating sa trabaho at negosyo. Karugtong nito ay ang pagsasaayos ng iyong pananalapi para sa paghahanda mo sa iyong kinabukasan o ng iyong buong pamilya. Subalit dahil sa isang kakilala na nagbigay ng kanyang ideya ay naguluhan ka at nawala ka sa iyong direksyon. Pagnilayan mong maigi, kahit gaano kaganda ang kanyang sinabi nababagay ba ito talaga sa iyo? Sundan mo kung ano ang dikta ng iyong isipan at puso, ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang mas mainam na ideya para sa iyo. Kanya-kanya talagang diskarte ‘yan.

Second Issue.indd 6

Aries - March. 21 - April. 20

Taurus - April. 21 - May. 21

Wala ka sa mood na magpasikat o magpakasaya sa pamamagitan ng pakikipag-party. Sa halip ay nakakahanap ka ng kagalakan sa mga simpleng bagay gaya ng paglikha ng sining at pag-aayos ng mga gamit. Sa bagay, ito ay klase ng kasiyahan na nakapaghahatid sa iyo ng kapayaan at katahimikan ng diwa, bukod pa sa posible rin na magbigay ito ng oportunidad. Ito kasi ang klase ng gawain na hindi mo na kailangan magsalita pa at kusang nangungusap sa mga tao kapag iyong naipapakita. Malay mo sa pamamitan pala nito mo ay makikita ang iyong hinahanap.

Gemini - May. 22 - June. 21 Kung mayroon mang akmang tema para sa iyo sa mga nagdaang araw at darating pa, ito ay halaga ng pakikipagsosyalan. Makakabuti o makakasama sa iyo ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao depende kung paano mo pangangatawanan ito. Siyempre pa’y kailangan mo rin naman pumili ng taong iyong kakaibiganin at mayroon din naman kailangan mong pakisamahan. Hindi iyon dahil sa masama silang tao, kundi nagkataon na saliwa ang inyong mga personalidad. Ang isa pang dapat mong tutukan ay ang pagiging handa mo sa pagbabago, tanggapin mong may mga tao at bagay na nag-iiba nang hindi mo inaasahan.

Cancer - June. 22 - July. 22

Problema ang pera kahapon at maaari hanggang bukas kung hindi mo aaksyunan ito ngayon. Sa halip na panghinaan ka ng loob dahil sa rami ng iyong dapat asikasuhin ay maging masigasig ka. Palitan mo ang iyong agam-agam ng takam na isa-isahing masagot ang iyong suliranin sa salapi. Kapag nasimulan mo ito at hindi mo bitawan, mapapansin mo na lamang na paunti-unti ay naabot mo ang iyong tagumpay. Dagdag na rin dito ay ang kaisipan na kaya mo naman pala at may saya pala sa math , money management at paghahanap ng iba pang mapagkakakitaan.

2015/08/14 12:24:26


pinoy-BiZz AUGUST 2015 I second ISSUE

H

page 7

mula pahina 1

alos ilang linggo pa lang ang pagpalo ng

All For One habang si Alden ay nasa studio ng Eat Bulaga bilang main

All For One ng Eat Bulaga. Naihahambing

nang muntik na sana silang magkita. Sa eksena ay ipapakasal sana si Yaya

kasikatan ng tambalang Alden Richards at Maine “Yaya Dub Mendoza sa Juan For All,

na nga rin ang dalawa sa kasikatan ng iba pang love team gaya ng JaDine (James Reid at

Nadine Lustre) at KathNiel (Kathryn Bernardo

at Daniel Padilla). Pero bakit nga ba instant hit ang tambalan ng dalawa at nagte-trend pa worldwide sa Twitter?

Gaya nang naiulat sa The Pinoy Chronicle noong nakaraan, ang

AlDub ay ang on screen love team nina Alden at Yaya Dub. Kilala na

si Alden bilang isa sa sikat na actor sa Kapuso Network at ang ilan sa big break niya ay ang mga seryeng pinagsamahan nila ni Louise delos

Reyes at nang maging leading man siya ni Marian Rivera sa Carmela.

Samantala, si Maine Mendoza ay sumikat sa kanyang mga dub smash videos o iyong app na kung saan napagkatuwaan n’yang i-dub ang mga famous lines ng mga artista.

Sa segment na Juan For All napagtambal ang dalawa at nabuo ang

kanilang tinaguriang Kalyeserye. Noong July 16 ay nakita ng manonood

ng biglang ma-conscious si Yaya Dub nang makitang pinapanood siya sa monitor ni Alden. Bilang Yaya Dub, madalas ay nagsusungit si Maine at nagre-react lamang gamit ang dubbing ng kung anu-anong dialogue

pero hindi niya mapigilang mag-blush nang makita si Alden. Samantala,

kasama rin sa kanilang kwento si Donya Nidora, amo ni Yaya Dub at karakter na ginagampanan ni Wally Bayola at si Frankie Arinolli na role naman ni Jose Manalo . Si Donya Nidora ang nagsisilbing kontrabida

sa kanilang kwento, bukod pa sa ideya na hindi pa sila nagkikita ng

personal. Si Yaya Dub ay nasa remote area kung nasaan ang Juan for All,

Kim umaming "very happy" kay Xian

Walang eksaktong sinabi sina Kim Chiu at Xian Lim sa label ng kanilang relasyon, subalit tila hindi na kailangan pa ito dahil sa nakakakilig nilang mga pahayag. Kamakailan ay naging special guests ang dalawa sa morning show ni Kris Aquino kung saan nakapanayam sila tungkol sa kanilang samahan. Matipid man sa salita si Kim ay kita sa kanyang aura ang magandang samahan nila ni Xian, bagay na pinansin din ng host ng Kris TV. “Tutal, ang tipid mo sa salita, ako na ang magsasalita,“ sabi pa ni Tetay na magbida sa Etiquette for Mistresses kasama si Kim, Claudine Barretto at Iza Calzado. “Nakita ko na ang lahat, kaya ako ang magsasalita…Ibang-iba ka. “Coming from someone who worked with her, when she was going through her heartache, ‘di ba? Totoo naman, e. Like, five years ngayon, yung sense of serenity and peace, yung ano... Kasi, ramdam na ramdam ko na ang sarap makatrabaho nung ang sasaya, at pinasasaya ko siya. “So, galing from someone na ang daming nagmamahal

host ng That’s My Babe segment.

Kamakailan nga ay mas lalo pa itong umigting ang kanilang kwento

Dub sa mayamang si Frankie at pupuntahan naman siya ni Alden. Subalit

hindi inaasahan ay biglang nahimatay si Yaya Dub at isinugod sa hospital. Akala ng marami ay scripted ito, pero ayon na rin sa kaeksena nito na

si Jose ay totoong nahimatay si Maine at kinailangan nilang gumawa ng paraan para hindi naman mag-aalala ang tao.

“Bumulong sa akin si Yaya Dub na, ‘Kuya, nahihilo ako.’ Sabi ko

sa kanya, ‘Totoo ba ‘yan?’ Maya-maya hinawakan na niya ako. Tapos

naramdaman ko ‘yong pisil niya. Nung tingnan ko siya, maputla ‘yung bata. Tapos biglang bumagsak na siya,” kwento pa ni Jose sa interview sa kanya ng 24 Oras. “Siguro dahil sa pagod din. Nabigla siya sa daigdig ng showbiz.”

Sa ngayon ay okay na si Maine at heto na nga’t napapabalitang baka

may movie na sila. Sa panayam ng Pep kay APT Productions’ Mike Tuviera

ay kinumpurmima nitong maaari ngang madugtungan at mas lumawak pa sa Kalyeserye ang istorya ng AlDub.

“A movie is possible, pinag-uusapan natin ‘yun. If the fans want it,

hahanapan namin ng paraan na mangyari siya,” sabi pa ni direk Mike.

Bakit nga ba kinagat ng tao ang surpresang tambalan na ito? Ayon

sa Sociologist na si Brother Clifford Sorita sa panayam niya sa 24 Oras, ito ay dahil marami ang nakaka-relate sa love story ng dalawa at sa tinatawag na “Cindrella complex” o pag-asang mapansin ang simpleng babae ng isang prominenteng lalaki.

Sa career pareho nina Maine at Alden ay malaki rin ang ibinunga ng

kanilang tambalan. Si Alden na naging host din ng Sunday PinaSaya ay pumirma na rin ng movie contract with APT Productions.

sa kanya, pero siguro, I’m on top of the list, kasi mahal na mahal ‘yan talaga. Thank you [Xian] for giving her so much happiness.” Sa tanan ng panayam ay talagang napakilig din ang actress-TV host sa mga mensahe ni Xian para kay Kim. Bukod din sa pagiging open nito sa nararamdaman niya sa dalagang dating ka-love team ni Gerald Anderson ay inamin nitong may pagkaseloso siya. “My message for Kim is just always remember na nandito lang ako para sa ‘yo. Your happiness means everything to me,” sabi pa Xian. “Gusto ko mag-thank you for always making me happy, for always putting a smile on my face. Kahit sa cellphone or magkaharap na magkausap, lagi mo akong napapangiti at napapatawa. I’m very happy to have you in my life,” sagot naman dito ni Kim.

Sharon Cuneta nagpa-hospital dahil sa matinding ubo Ibinahagi ng veteran actress –TV host na si Sharon Cuneta ang kanyang pagpapaospital dala ng hindi m a a m p a t - a m p a t n a u b o . Ayo n s a t i n a g u r i a n g Megastar ay halos tatlong linggo na niya itong iniinda at nakakahawa na rin sa kanyang kapamilya kaya nagdesisyon na siya. Sa kanyang Facebook account ay ipinakita ng bida ng nagbabalik ABS-CBN star ang kanyang kuhang litrato kung saan nakaswero ang kanyang kamay. Dagdag pa nito na noong Agosto 1 at Agosto 9 ay nakadalo pa siya sa mga singing engagement dahil lamang sa pag-inom ng gamut na nireseta ng kanyang doktor. Narito ang ilang bahagi ng mensahe ng aktres tungkol sa kanyang pagkakasakit. “I sang at ‘The Music of Rey Valera’ with the ABS-CBN Philharmonic Orchestra led by Maestro Gerard Salonga, and with some wonderful singers at the Solaire on August 1. “The next day, I was so sick I couldn’t get up. Major congestion and still, a cough. “Last Sunday, I sang in ASAP at what I thought would be another tribute to Rey Valera but which turned out to be a very special gift to me and my decades-long partnership with Rey. (Thank you, my ASAP family! Thank you for honoring our work and music.:-)) “Both times, I was able to sing because my doctor gave me medicine with steroids to open up my breathing and

Second Issue.indd 7

Pag-beg off ni Robin sa Nilalang, binuweltahan ni Maria Ozawa

somehow temporarily stop me from coughing. “I have been coughing for over three (!!!) weeks now. I went on antibiotics for two of those three weeks, and I didn’t get better at all. I am always tired even when I’m not doing anything, also always dizzy, and yesterday I finally (yes, just yesterday. Matigas minsan ang ulo ko, ayaw agad pumunta sa doktor!) went to see my E.N.T. at Cardinal Santos.” Ayon naman sa kanyang pinakahuling update ay ibinahagi naman niya na may kinalaman sa fungal infection ito at mababang albumin, na dala ng kanyang pagpapayat. Aniya mapapatagal pa ang kanyang gamutan at binigyan na siya ng vitamins ng kanyang doktor. “Please pray that whatever else isn’t suppoesd to be in my body goes away na. Love you all. Thanks so much. God is good! Pulmonologist next,” ani Sharon.

Hindi na matutuloy ang sana’y pagtatambal nina Robin Padilla at ang Japanese personality na si Maria Ozawa dahil sa asawa ng aktor na si Mariel Rodriguez. Nais ng aktor na pagtuunan ang pagbubuntis ng kanyang misis na pinayuhang ng kanilang mga doktor ng bed rest. May kaselanan din kasi ito lalo pa nga’t may posibilidad pa na tatlo o triplets ang sanggol sa sinapupunan ni Mariel. Kamakailan nga lang ng magpahayag si Maria na excited na siya pagtatambal ni Robin. Ang kanilang movie na pinamagatang Nilalang ay isang horror film at isasabak sa Metro Manila Film Festival ngayong darating na Disyembre. Subalit inihayag nga ng kampo ni Robin na aatras na siya rito sa pamamagitan ng isang statement na ibinahagi ng showbiz columnist na si Noi Calderon sa Facebook. “This is to announce that Mr. Robin Padilla and Team Vidanes Celebrity Marketing will no longer be part of the movie #‎ N ilalang, which was scheduled to compete in the Metro Manila Film Festival on December 2015. “It is with great regret that we have to inform all that due to extenuating personal circumstances, Mr. Robin Padilla has had to make the decision to withdraw from the film. I would like to let you know that this decision making process has been very hard as Mr. Padilla’s reputation shows that he has the highest regards for those he commits to work with. But his withdrawal is due to the fact of needing to attend to his wife Mariel, as she is experiencing a delicate pregnancy. “Mariel is currently pregnant with triplets, and also suffered a miscarriage in March of this year. “Due to this, Mr. Padilla feels that he needs to focus and prioritize the well being of his family and has decided to forego his role as Tony in the movie #Nilalang. “The decision to withdraw from the film has been difficult for Mr. Padilla and VCM team. This cancellation has been a collective resolution of Vidanes Celebrity Marketing and Haunted Tower Productions are not at fault in any way. We acknowledge that we hold no claims or rights to this movie whether it is produced or not. “On behalf of Mr. Robin Padilla and Vidanes Celebrity Marketing, we would like to ask to the producers and the public for their understanding and kind consideration.” Samantala, ikinadismaya ni Maria ang pag-atras sa proyekto ni Robin ilang araw bago ang simula sana ng kanilang film shooting at tinawag din itong “unprofessional.” “It’s not that I really wanted to film w/ Robin but i think it was so unProfessional of him to call it off 10 days before the shooting starts... I feel so sorry for the film director,staff...,” saad pa ni Maria sa kanyang Instagram account. Dahil sa pagback-out ng action star-TV host ay ipinahayag ng producer ng Nilalang, ang MFT Group of Companies, na hindi na nito popondohan ang pelikula. Pero sa bagong pahayag ng kampo ni Robin, nilinaw nila na hindi nag-back out ang aktor kundi nag-beg off. Ibig sabihin umano ay hindi lang nito kayang pagsabayin ang paggawa ng pelikula at ang pag-aasikaso sa kanyang asawa. Handa naman daw nitong gawin ang pelikula kapag nasiguro na ang magandang kondisyon ni Mariel, iyon ay kung mahihintay siya. Samantala, nito lamang Biyernes ay naglabas ng isang official statement ang kampo ni Robin bilang pagkumpirma sa napabalitang pangalawang miscarriage ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez. "To our dear public, "We have recieved a confirmation message from Mr. Robin Padilla regarding the status of their pregnancy. "It is with such heavy heart that we are informing you that Ms. Mariel has suffered miscarriage on August 12, 2015 at 6:30pm and the couple have lost the triplet pregnancy. "On behalf of the couple we would like to ask for your prayers and utmost consideration for the couple's privacy and comfort. May the Creator bless them with hope, mercy and joy."

2015/08/14 12:24:30


Second Issue.indd 8

2015/08/14 12:24:31


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.