KARATULA Isyu V Part B

Page 1

Y A L U K G N A N U G N A PULA : I R A H G A H A NG B

KARATULA

ISYU 5

KA A B I K I K A LANG N K A B Y A AKLA B G N O G ANG BA



ANO ANG NAKASULAT SA KARATULA? May bakla na humuhubog sa mga tagapagmana ng bayan sa silid-aralan. May lesbiyanang kumakayod anumang lagay ng panahon sa sakahan. May bi-sekswal sa mga organong tumatangan sa panawagan ng bayan. Hindi kukupas ang kulay ng pag-asa at taas-kamaong paglaban ng masa sa pagpapalaya ng kasarian at uri sa lipunan. Ang mga kulay ng bahaghari ay pinagbuklod bilang kaisahan ng sangkabaklaan sa paglaban sa pang-aapi at pananamantala nilang bumubusabos sa taumbayan. Ang bahaghari ay kulay ng kapayapaan — ito ay simbolo ng solidaryong paglaban. Pula ang Unang Kulay ng Bahaghari: Ang Bagong Bakla ay Baklang Nakikibaka!


2


3


4


5


6


7


8


9


10


11


BAKLA, ANG LUGAR MO AY SA PAKIKIBAKA.

12


13


14


15


Masayang mamasyal kasama ang ama at ina, Pero bakit si itay ay may dala-dalang asarol at agua bendita, Sa paglalakbay ay ramdam ko ang gaspang sa kamay ni itay, “Itay?” Mukhang magandang mamasyal sa lugar na walang dungis at dalisay. Pagkadapa ko sa tumpok ng bato ay nagkagasgas Ingay sa daan, alingasaw at sa paligid ay puno ng alingasngas, Ininda ko ang sigaw at ingay. “Itay, bakit palda ang suot niya?” At doon nakaramdam ako ng paghigpit sa pagkapit ng aking ama. Ramdam ni inay ang pagtataksil – siya ay naghinala. Inay nais kong pumunta sa liwasan o kahit saan, Sa puno ng mangga o ng bayabas na ngayon ay hinog na, Sa lugar o kahit saang sakahan na dati’y sa atin ngunit ngayo’y nasa iba na. May lumbay sa lupa na dapat maligaya, Ayoko ng lunos, gusto ko ng paglaya, Ayoko sa angkan na mapanlamang, Ayoko sa harot, sa pang-aagaw, sa pangangaliwa - ayoko sa hadlang. Gusto ko ng tiwala ayaw ko sa hikayat ng taksil, Gusto kitang hawakan hindi hawakan nang mapaniil, Gusto kong magladlad hindi magtago sa kasinungalingan, Gusto kong mamangha, ayoko sa pabaya. Niloloko ka ng aking ama. Inay dulot ni itay ang libong sugat na pilit sa ating pumapatay, Bakit pula ang unang kulay sa bahaghari, Inay? Bakit kulay pula ang tubig na dapat ialay? At bakit mahigpit ang gapos sa dapat ay malayang buhay? Inabot kami ng gabi sa paglalakbay, At sa paglabas niya ng agua bendita ay lumabas ang mga bangkay, Mga bangkay na hindi na nakauwi sa kani-kanilang mga bahay, At sumunod ang aking ina at ang laspag nitong katawan na nadamay. Bumukal ang pulang likido sa pagpunas ko ng aking mga mata, At nakita ang mga rason sa pag-aaklas ng iba. Inay hindi ako makalaban dahil ang nakakuyom na kamao ay walang laban sa pistol, at lalong walang laban ang katawan ko sa naturingang tagapagtanggol. At lumabas ang mga tagasuporta ng aking ama suot ang uniporme at nagmartsa, Ang pagiging tapat sa ama ay nararapat kumbaga, Hadlang sa kapayapaan ang mga tingga na kumalansing sa lupa na aking niratayan, At ang unang baklang nakibaka, makailang ulit mang bumalandra sa lansanga’y Patuloy na mabubuhay at lalaban para sa Inang Bayan.

16



18


19


28


29


30


31


Kolektibo ng mga artista ang Panday Sining. Tumatayo ito bilang pangkulturang armas ng Anakbayan. Isa itong multi-disiplinaryong organisasyon. Naninindigan ito na ang sining at panitikan ay may nilalamang partikular na paninindigang pampulitika laban sa “sining para sa sining lamang.� Mulat nitong kinikilala na ang sining at panitikan ay mahahalagang armas para sa pagbabagong panlipunan.

AngPandaySining

@PandaySining

pandaysining1970

@PandaySiningPH

PandaySining


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.