LENTE NG MASA ISSUE 2
[
PAYATAS, QUEZON CITY
]
Mga bahay na pinagtagpi-tagpi at siksikan ang nakatirik sa payak na lugar ng Molave, Payatas. dito ang sari-saring tao mula sa iba’t-ibang panig ng bansa dahil sa relokasyon. Bago pa man dumating ang pandemyang Covid-19, ay ginagarote na sa hirap ang mga naninirahan dito at sa pagdating ng pandemya sa bansa ay mas lalong nalugmok sa kahirapan ang mga na nakatira sa Lower Molave, Payatas.
Bukod sa hindi angkop sa kalagayan ng komunidad para makapag-social distancing ay sinuklob sila ng hagupit na hatid ng bagyong Ulysses. Iilan lamang ito sa mga malaking dagok na kaniklang dinaranas.
Nanay Cristina Si Cristina, 39 na taong gulang, ay isa sa mga residenteng aming nakapanayam.
Hindi parin sapat ang ibinibigay na ayuda suporta at ayuda mula sa gobyerno.
Isa sa mga naapektuhan ay si Cristina, 3 kanyang tirahan noong nakaraan taon sa matapos masunugan sa dati nilang tiraha
Ilan sa kanilang mga dinadaing ang kawa mga module. Ayon sa kanya, hirap na siy Maliban sa kawalan ng ayuda ay nahihira
“
Dati kasi galing kaming Balintawak, nasunugan kami. So nasunog yung bahay ko, nasunog yung tindahan ko kaya nalipat kami dito.
a o SAP (Social Amelioration Program) at minsan ay wala silang natanggap na kahit anong
39 taong gulang, isa sa mga mamamayan ng Molave na nirelocate pagkatapos masunog ang a Balintawak. Isang taon pa lamang silang naninirahan sa Payatas. Sila ay na-relocate dito an.
alan ng ayuda sa panahon ng pandemya, at kahirapan sa pagtuturo sa kaniyang mga anak ng ya sa kanyang dinanas dahil sa hagupit ng bagyo at ang malubhang kahirapan dulot ng pandemya. apan siya sa pagtuturo sa modules ng kanyang mga anak dahil sa online classes.
�
Kasalukuyang nasa ikalawang antas at ika-limang antas sa elementarya ang kanyang mga anak. Isang malaking pasanin ang pagtuturo ni Cristina ng mga modules sa kanyang mga anak bilang ika-anim na antas sa elementarya lamang ang kanyang natapos. Ikinababahala ni Cristina na hindi mainam ang kanyang pagpapaliwanag ng mga modules sa kanyang mga anak.
“
Para sa’kin, wala naman akong pinagaralan so mahirap talaga. Mahirap kasi hindi ko ma-share sa kanya kung ano yung nandun e... Ako, Grade 6 lang naman [yung natapos] ko e ...gusto ko talaga matuto yung anak ko. Pero ang nahihirapan ako kasi hindi ko mai-share sa kanya ng tama kasi wala akong pinagaralan. Hindi katulad doon sa school na ‘pag nasa school sila ay mas naipapaliwanag, mas naeexplain ng teacher sa kanila. E ako, anong maiiexplain ko sa kanya?
”
Charito Onabia Si nanay Charito, 52 na taong gulang, 39 na taon nang nakatira sa Payatas. Nang dahil sa pandemya, kasalukuyan niyang pinapasan ang kawalang ng trabaho at pagtuturo sa kanyang apo ng mga modules.
“
Naghihintay lang kami ng [panggastos galing sa] asawa na nasa Bacolod. Yun ang kinabubuhay namin pero nung pandemic, walang trabaho lahat. Kasagsagan ng Covid, talagang na-stuck sila sa trabaho. Hirap na hirap talaga.
�
“
...dati akong nangungupahan sa kabila. Wala naman na tao dito kaya lumipat na kami kasi wala naman masyadong pambayad. Simula pa, amin na talaga ito. Kaya lang nandito yung anak kong lalake e hindi naman kami pwede magsamasama kasi maliit so nangupahan kami. Nung wala siya, lumipat na kami dito.
�
- Nanay Charito
TatayFelix at Nanay Eda Si Felix Niebres, tubong Quezon, at ang asawa niyang si Nanay Eda ay 13 taon nang residente sa Payatas. Sila’y napunta sa Payatas nang ayain sila ng kapatid ni Tatay Felix na lumuwas at humanap ng trabaho sa Maynila. Dati silang magsasaka na nakikigapas at nakikitanim. Ilan sa kanilang hinaing ang di sapat na espasyo para sa kanilang mga anak na may anak na rin. Dagdag rito, sila rin ay hirap sa pagtuturo ng modules ng kanilang mga apo, tulad ng mga naunang nakapanayam.
“
...dito medyo maluwagluwag ang kabuhayan sa’min kasi natuto ako manahi. Tulong kami ng anak ko dito sa tindahan kahit na balo na yung anak kong panganay. Limang anak kaya tulong-tulong na lang kami.
”
- Nanay Eda
Karamihan sa mga residente ng Molave ay mula sa iba’t-ibang probinsya at lumipat dahil sa murang renta ng pabahay at magtrabaho sa lungsod ng Maynila bilang mga manggagawa, construction worker, jeepney driver at iba pa. Ngunit sa kabila ng matinding hirap ay sumikap nagkakaisa at nag-oorganisa ang mga residente sa panawagan sa sapat na ayuda, pagbabalik-pasada, maayos na tirahan, at mass testing dahil sa kakulangan ng kongkretong aksyon sa pabayang rehimeng Duterte. Isa sa mga aktibidad ay ang pagtayo ng isang tanimang bayan sa bakanteng lote sa lugar, na legal na ipinaalam na sa opisina ng Mayor ng Quezon City na pinamunuan ni Mayor Joy Belmonte.
#StandWithThePoor #NoToJeepneyModernization #MassTestingNow #AyudaHindiBala #LigtasBalikEskwela #EndTheSem #OustDuterte