SAPAK: Sining at Pakikibaka Tomo 1 October Issue

Page 1

DUMADAGUNDONG NA SIGAW. Sa kaunaunahang pagkakataon matapos ang pitong buwang lockdown, nagtipon ang iba’t-ibang sektor na nakikiisa sa paglaban ng mga magsasaka para sa paggunita ng National Day of Defiance. LITRATO BERNADETTE ANNE MORALES

OCTOBER 2020 TOMO I

ANG MULING PAGMARTSA SA MENDIOLA:

MGA PROGRESIBONG GRUPO, NAGDAOS NG MALAWAKANG PROTESTA PARA SA PAMBANSANG ARAW NG PAGLABAN SA PAHINA 3

EDITORYAL / 02

Hatol ng Kabataan: Patalsikin si Duterte! LATHALAIN / 08

Walang Panginoon ang Lupa OPINYON / 08

Huwad na Liberasyon


editoryal

0 2

Hatol ng Kabataan: Patalsikin si Duterte!

P

Sining at Pakikibaka

agpatak ng Oktubre, minarkahan ang ikasiyam na buwang pakikipagtunggali ng bansa sa COVID-19. Patuloy ang paghihikahos ng taumbayan sa gitna ng lumalalang kawalan ng trabaho at hanapbuhay at sa dumaraming bilang ng kabataang hindi na nakapag-aaral. Tumindi rin lalo ang krisis ng mala-kolonyal at mala-pyudal na lipunan na kinasasadlakan ng ating bansa kung saan makikita ang untiunting pagbitak ng oligarkiya sa mga mas maliliit na paksyon: senyales ng humihinang kapit nito sa kapangyarihan, pagsidhi ng kamay na bakal sa panunupil, at patuloy na paglakas ng pangmasang kilusan. Iisa lang ang mahihinuha natin sa ganitong sitwasyon: hinog na ang kundisyon ng pagpapatalsik sa kasalukuyang rehimen. Dahil dito, kailangan ng masusing pagkilos para samantalahin ang kahinaan ng kaaway at tuntungan ang galit ng sambayanan. Matining ang usap-usapan magmula pa noong Setyembre ang alitan sa pagitan Matindi ang dagok na kinahaharap ng mga ng mga kontrobersya ng pagkalehitimo nito at ni Alan Peter Cayetano at Allan Velasco— mamamayan at hindi sila bingi’t bulag para ng kanilang mga delegado. Bagaman bitbit ang representante ng dalawang magkatunggaling hindi magalit. Ito ang dahilan kung bakit “youth” sa pangalan ng kanilang partido, sila ay paksyon para sa posisyon ng House Speaker. papatindi din ang paggamit sa batas para walang ibang inasikaso magmula nang maupo Bagaman naunang naipangako ni sa kongreso kung hindi ang ipahamak Duterte ang hatian ng dalawa sa ang kalagayan ng mga kabataan sa “Hinog na ang kundisyon termino, ibinusangsang ng isyung patuloy na pagdungis sa kanilang ito ang kawalang-kaisahan ng ng pagpapatalsik sa kasalukuyang adbokasiya at paniniwala. Samantala, naghaharing-uri sa panahon na rehimen. Dahil dito, kailangan ng kimi naman ang kanilang mga bibig nagtutunggali ang kanilang mga masusing pagkilos para samantalahin sa usapin ng lumalalang kalagayan ng personal na interes. kahirapan at kaligtasan ng masa. Kaakibat sa usaping ito ay ang ang kahinaan ng kaaway at tuntungan Sa lahat ng mga katampalasanang pag-aagawan ng mga korap na ang galit ng sambayanan.” ipinaranas ng rehimen sa taumbayan, pulitiko sa badyet ng susunod malinaw ang hatol ng mamamayan at na taon. Sila ay tila mga asong naglalaway yurakan ang mga demokratikong karapatan kabataan sa kanila: ito ay ang pagpapatalsik sa kaban ng bayang kanilang kakailanganin at kalayaang sibil ng mamamayan. Ilang kay Duterte sa pwesto. Ang mga panggigipit at sa pagpapabango ng mga pangalan para sa buwan matapos maisabatas ang Terror Law ni pang-aaping ito ang naghahanda sa lansangang paparating na eleksyong 2022. Sa kabila ng Duterte, nadagdagan pa ang maraming bilang paglulugaran ng paglaban at pagbuo ng mahina at hindi epektibong pamumuno ng mga aktibistang dinarahas ng kapulisan at kasaysayan. Ang natitirang elemento na lang ni Duterte para agapan ang mga suliraning militar sa patuloy nitong pang-aakusa bilang ay ang pagpapasya ng bawat isa na tanganan pinalalala ng kasalukuyang pandemya, mga terorista. ang kanilang makasaysayang papel ng muling nananatiling bansot ang kakayahang medikal Sa hanay ng mga kabataan, ito ay sinelyuhan pagpapabagsak sa isang traydor, korap, ng bansa at nagpapatuloy sa pagsadsad ang nang pormal na ideklara ang pagkapanalo ng pahirap, at pasistang diktadurya. ▼ ekonomiya. Duterte Youth sa eleksyon noong 2019 sa kabila

MGA MANUNULAT

EDITOR IN CHIEF Denver Jett Fajanilan ASSOCIATE EDITOR Roma Angelou Dizon NEWS EDITOR Francine Ponferrada OPINION EDITOR Ayang Ricafranca FEATURES EDITOR Renna Via De Guzman LAYOUT Jerrod Anielle Lopez

BALITA Valerie Cajayon, Julian Karl, Shin Omayao, Panday Sining Bacoor, Elyzia Marites, Castilar LATHALAIN Rexson Bernal, Frances Bryle Gelvoria, Louelle Vizcarra, Ray Mark, Aren Teodoro, Jessica Mae Garcia, Shin Omayao OPINYON Valerie Cajayon, Pauline Fernandez, Julian Karl, Reymark Espiritu, Apollo

TAGAPAGWASTO Enrique Vergel, Butch Maliksi, Julian Ris DISENYO LAYOUT Alaine Carino, Jane Frances Senosa, Katherine Lacno DIBUHO Pete Roxas, Lisa Vasquez, Nona al-Raschid, Nathan, Miguel Prado Fermin, Siya, Valerie Cajayon, Soph, Casie, Panday Sining Kalat


ANG MULING PAGMARTSA SA MENDIOLA:

PANAWAGAN NG HUSTISYA. Isa sa pangunahing bitbit ng mga lumahok sa protesta ay ang pagpapabasura sa Rice Liberalization Law na ipinasa noong nakarang taon. LITRATO BERNADETTE ANNE MORALES

sariling lupain. Dagdag pa niya, patuloy pa rin ang pagraratsada sa land use at crop conversion. Ang lupang wala sa target na 1.5 milyong ektaryang plantasyon na kontrolado ng mga malalaking korporasyon, gagamitin para sa pagtatayo ng mga subdivision, mall, at special economic zones. “Kami ay Magsasaka, Hindi Terorista!” Isa pa sa mga pangunahing paksang tinampok sa mga talumpati, panawagan, at cultural performances ay ang AntiTerrorism Act of 2020 at ang bagong labas nitong Implementing Rules and Regulations (IRR). Kilala ang Anti-Terror Law para sa malabong depinisyon nito ng terorismo na ayon sa Commission of Human Rights ay siyang “nagbibigay-daan para sa posibleng pang-aabuso.” Sa ilalim nito, maaaring kikilalanin bilang akto ng terorismo ang pagprotesta at adbokasiya. Noong inilabas ang IRR, isinama na rin ang malikhain at kultural na pamamahayag bilang aktong maaaring kilalanin bilang terorismo. Bukod pa rito, pinalawak at dinagdagan ng IRR ang pamantayan para sa mga kinokonsiderang akto ng terorismo. Ani Bong Labog ng Kilusang Mayo Uno, “Sa ngayon, sa ilalim ng bagong IRR, kahit sino ay maaaring maging terorista! Maging ang simpleng pag-awit ng ‘Bayan Ko’, maaari ka nang tawaging terorista!” Subalit bago pa man ang pagpasa Anti-Terror Law at ang militarisadong lockdown na dulot ng pandemya, matagal nang nakararanas ng pasismo ang mga magsasaka sa ilalim ng administrasyong

Duterte. Sa loob lamang ng apat na taon, 277 magsasaka ang pinaslang. Patuloy rin ang pagdami ng mga bilanggong pulitikal—sa ngayon, mahigit-kumulang 609 silang nakakulong. Ayon sa International Coalition for Human Rights in the Philippines, mayorya sa mga ito ay mga magsasaka, lider ng unyon, kritiko ng pamahalaan, at human rights defender. At patuloy pa rin ang pamamaslang sa mga magsasaka at NDFP Peace Consultants kagaya nina Randy Echanis, Julius Garon, and Randy Malayao, na siyang lumalaban para sa agraryong reporma at industriyalisasyon. “Hindi Namin Kayo Titigilan!” Sa kabila ng panggigipit at pagpapatahimik ng estado sa uring magsasaka, hindi sila nagpapatinag—patuloy ang kanilang pagtindig at paglaban para sa tunay na repormang agraryo, pamamahagi ng lupa, at pagbabasura sa RLL at iba pang pahirap na polisiya. Sa huling bahaging protesta, itinanghal ang pagsusunog ng effigy ng SAKA. Ang naging tema ng effigy ay Lady Peasant, na siyang sumisimbolo sa lakas at bagsik ng hukumang magsasakang magpapabagsak sa rehimeng Duterte. Habang nasusunog ang effigy, inawit ng mga dumalo ang Awit ng Tagumpay—isang taimtim na paalala na hindi titigil ang masa sa paglaban para sa pagbabago. Sa gitna ng lumalalang pasismo, ekonomiya, at pandemya, hindi sila magpapatigil hanggang sa makamit nila ang tagumpay at pagkakapantay-pantay. ▼

ROSAS NG DIGMA. Simbolo si “Lady Peasant” ng gilas at tapang ng uring magsasaka na magpapabagsak sa diktadura ni Duterte. LITRATO BERNADETTE ANNE MORALES

OCTOBER 2020

SA PAMBANSANG ARAW ng mga Pesante at National Day of Defiance, narinig muli ang dumadagundong na sigaw ng mga mamamayan sa Mendiola matapos ang pitong buwan ng quarantine. Bitbit ang temang “Hukumang Magsasaka: Anakpawis ang Wawakas sa Pasismo ni Duterte,” nagkaisa ang mga lumahok para paingayin ang mga panawagan ng uring magsasaka. Binubuo ng uring magsasaka ang hindi bababa sa 75% ng ating populasyon. Ngunit kahit na sila ang demokratikong mayorya, hindi gaanong nabibigyang atensyon ang kanilang mga suliranin at panawagan. “Pahirap sa Magsasaka, Ibasura!” Isa sa mga pangunahing panawagan ng protesta ay ang pagpapabasura sa Rice Liberalization Law. Matapos isabatas noong 2019, tinanggal nito ang limitasyon sa pag-iimport ng bigas mula sa ibang bansa. Dahil sa pagbulwak ng mas murang imported na palay, bumaba ang presyo ng lokal na palay. Isang taon ang nakalipas, tinatayang Php 70-80 bilyon ang nawala sa kita ng mga magsasaka. Ngayong Oktubre, sumadsad ang presyo ng palay sa Php 12 kada kilo. Imbes na pakinggan ang panawagan na itaas ang presyo ng palay para hindi malugi ang mga magsasaka, pinasinungalingan lamang ito ng Department of Agriculture bilang “disimpormasyon.“ Bukod pa rito, ayon sa isinagawang peasant situationer ng Sama-samang Artista para sa Kilusang Agraryo, 7 kada 10 magsasaka sa Pilipinas ang walang

balita

MGA PROGRESIBONG GRUPO, NAGDAOS NG MALAWAKANG PROTESTA PARA SA PAMBANSANG ARAW NG PAGLABAN

0 3


balita

0 4

‘Technical assistance’ resolution ukol sa imbestigasyon ng HR violations sa Pilipinas, aprubado na ng UNHRC SHIN OMAYAO

NITONG IKA-7 NG Oktubre, inaprubahan ng UN Human Rights Council ang iprinesentang resolusyon ng Pilipinas kasama ng Iceland at iba pang mga bansa ukol sa hinihingi nitong “technical assistance” para imbestigahan ang mga kaso ng human rights violation ng kasalukuyang administrasyon. Pinamagatang “Technical cooperation and capacity-building for the promotion and protection of human rights in the Philippines,” pagtutuunan nito ng pansin ang Pilipinas para talakayin ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa sa susunod na dalawang taon. Ito ay ipinasa dalawang linggo matapos batikusin ni Duterte ang mga human rights

groups sa kanyang unang UN General Assembly noong ika-23 ng Setyembre sa pagiging kritikal nito sa kanyang kampanyang war on drugs. Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang mga international human rights group sa UN sa kapalpakan nitong magsimula ng imbestigasyon magmula pa nang maging presidente si Duterte, kabilang ang Amnesty International at Human Rights Watch. Habang nagbibigay-diin ang resolusyon sa responsibilidad ng pamahalaan sa buo at tapat na imbestigasyon, umani naman ito ng kritisismo mula sa maraming lokal na organisasyon sa kawalan nito ng pangil para

tugunan ang ugat ng pang-aabuso. “These so-called domestic mechanisms have been presented routinely to portray a robust democracy, yet time and time again, these have been exposed to have utterly failed in delivering justice and accountability for victims of human rights violations,” pahayag ni Karapatan Secretary-General Cristina Palabay. Ayon sa ulat ng Philippine National Police, aabot na sa 7,884 ang bilang ng patay mula 2016 hanggang Agosto 2020. Ito ay lubhang maliit sa naitala ng mga human rights group na nasa 27,000 namatay kasama ang mga vigilante-style killings. ▼

Pagsasara ng 865 pribadong paaralan ngayong taon, ‘di naagapan at napigilan ng pamahalaan VALERIE CAJAYON

TINATAYANG 865 PRIBADONG paaralan ang magsasara ngayong school year ayon sa DepEd, dahilan upang mawalan ng trabaho at paaralan ang 4,488 guro at higit 58,000 magaaral. Noong Hunyo pa lamang, nanganganib nang magsara ang higit 400 pribadong paaralan dahil sa kakulangan ng rekurso buhat nang magkaroon ng pandemya. Sa kasalukuyan, 2,193,998 o 50.96% pa lang ng kabuuang bilang ng mga nag-enroll na estudyante ng nakaraang taon ang naka-enroll. Nakasaad sa datos ng DepEd na ang dalawang nangungunang dahilan kung bakit

tumigil sa operasyon ang mga pribadong paaralan ay ang kawalan o kakulangan ng estudyanteng nagpatuloy sa pag-aaral at ang kasalukuyang pandemya. Bagamat sinabi ng DepEd na sila’y handa para sa kasalukuyang akademikong taon, wala silang inilatag na plano para tulungan ang mga hindi makapag-enroll. Hindi rin sapat o walang naibigay na tulong ang gobyerno para sa mga pribadong paaralan at sa mga gurong at kawani na nawalan ng trabaho. “Matagal na ngang nagdurusa ang mga manggagawa sa pribadong edukasyon mula sa mababang suweldo at kontraktwalisasyon, sila pa ang isa sa mga unang nadamay nang

tinamaan ng sosyo-ekonomikong krisis ang sektor ng edukasyon,” ani Alliance of Concerned Teachers - Private Schools Secretary-General Jonathan Geronimo. Ilang buwan nang nananawagan sa gobyerno ang mga pribadong paaralan para sa pagbibigay ng tulong upang makapagpatuloy ng operasyon, pati na rin ang pagbibigay ng ayuda sa mga gurong na-displace o malaki ang kaltas sa sweldo. Kahit ipinatupad ang Bayanihan to Recover as One Act na may Social Amelioration Program, karamihan sa mga gurong nangangailangan ay hindi pa nakatatanggap ng tulong pinansyal.▼

Duque, itinalaga bilang Western Pacific Regional Committee Chairperson ng WHO

Sining at Pakikibaka

JULIAN KARL

NOONG IKA-6 NG Oktubre, iprinoklama ng World Health Organization (WHO) si Health Secretary Francisco Duque III bilang Chairperson ng Regional Committee for Western Pacific sa kanilang pagpupulong. Pangungunahan niya ang komite na inaasahang gumawa ng mga programa, polisiya, at proyektong pangkalusugan sa rehiyon hanggang sa susunod na taon. Kasama dito ang pagharap sa COVID-19, vaccine-prevented diseases, at program budget para sa taong 2022-2023. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang pagkakaluklok kay Duque ay patunay na epektibo ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno para labanan ang sakit sa bansa. Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na may humigit kumulang 380,000 kasong naitala noong Oktubre 31 at mahigit 7,221

kataong namatay mula sa sakit. Kasabay nito, nananatiling kulang ang mga healthcare workers sa bansa. Mula sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration, naglalaro sa 13,000 ang mga healthcare workers na nagmi-migrate patungo sa ibang bansa na nagresulta sa 290,000 na shortage sa Pilipinas pagsapit ng pandemya. Nitong buwan din ay lumutang ang kontrobersyal na anomalya sa PhilHealth na kinasasangkutan ni Duque kung saan tinatayang P15 bilyon ang ibinulsa ng mga opisyal sa korporasyon. Bagama’t tinanggap ng administrasyon ang pagkakaluklok ni Duque sa WHO, kabalintunaan ang pananaw ng mamamayan na patuloy na nananawagan sa kanyang pagbibitiw bilang Health Secretary maging ang amo nitong si Duterte, dahil sa palpak na pagtugon ng bansa sa pandemya.▼

KANINONG TINIG? Bukod sa presidente, nakuha ni DOH Secretary Duque III ang tiwala ng WHO sa kabila ng 415,067 cases ng COVID19 habang 8,025 ang patay sa Pilipinas. (Kuha ng The Philippine STAR)


Sa Hindi Pag-ugoy ng Duyan

0 5 balitang lathalain

ELYZIA MARITES CASTILLAR DIBUHO NONA

REINA MAE “INA” NASINO—nitong Oktubre, naging laman ng mga balita ang pangalang ito matapos ang pagpanaw ng kanyang tatlong buwang gulang na anak na si River nang wala sa kanyang tabi buhat ng pagkakapiit niya sa kulungan. Si Ina ay isang organisador ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, o KADAMAY, sa mga komunidad ng Maynila. Siya ay naging kasapi rin ng Anakbayan at kalaunan ay naglaan ng panahon upang maglingkod sa mga maralitang lungsod sa ilalim ng Manila Urban Poor Network. Isinusulong nito ang mga kampanya ng komunidad para sa ekonomikong pag-unlad at batayang serbisyo sa mga mamamayan. Nang maupo si Duterte sa pwesto, naging kritikal din si Ina sa paglaban sa mga paglabag nito sa mga karapatang pantao, partikular sa programa ng war on drugs kung saan primaryang target ay ang mga maralita. Ito ay isa sa mga dahilan upang siya ay arestuhin noong nakaraang taon kasama sina Ram Bautista at Alma Moran sa opisina ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila. Ikinulong ang tatlo sa paratang ng ilegal na pag-aari ng mga baril at pampasabog. Tulad nina Ina, kinasuhan din ang higit sa 44 na aktibista sa Bacolod, Negros, at Maynila sa kaparehong dahilan. Gamit ang “kilala nang teknik” ng pulisya para ipiit ang mga aktibista

sa mga gawa-gawang kaso, ang pagtatanim nila ng ebidensya ang nagiging kasangkapan upang maikulong ang mga progresibo sa sala ng pagiging kritikal sa kasalukuyang administrasyon. Lingid sa kaalaman ni Ina na siya’y isang buwan nang nagdadalang-tao noong sila ay inaresto. Hulyo ngayong taon, habang nasa piitan, ipinanganak ni Ina si River ngunit pumanaw rin nitong Oktubre sa sakit na pneumonia. “Iyong anak ko, namatay nang wala ako sa tabi niya dahil kinulong kami. Sinampahan kami ng gawa-gawang kaso,” ani Ina sa isang panayam sa burol ni River. Inihiwalay agad kay Ina ang kaniyang anak isang buwan matapos niya ito ipanganak. Nitong Setyembre, humingi ng pahintulot si Ina sa korte para bantayan si River sa ospital dahil ito ay nagkasakit. Naging kritikal ang kalagayan ni River ngunit hindi pinayagan ng korte ang kaniyang nanay na siya’y makasama at maalagaan. Matatandaan ding binabaan ang araw at muntik pang hindi maibigay ang furlough ni Ina dahil ayon sa BJMP, kulang ang kanilang police personnel na maaaring magbantay kay Ina sa burol ni River. Kabalintunaan ng nangyari noong burol at libing ng kaniyang anak kung saan napapaligiran sila ng higit 40 na pulis.

Wika ni Ina, “ Wa l a n g terorista rito, walang kriminal, pero bakit ganiyan nila kami ituring?” Hanggang ngayon, si Ina ay nakakulong at hindi pa nahahatulan ng korte. Si Ina na nakilala sa pagkakampanya at pagsusulong para sa serbisyo at karapatang dapat ay ibinibigay ng gobyerno ngunit hindi umaabot sa mga marhinalisado. Kasama ng mga progresibong grupo at ng mga tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng karapatang pantao, patuloy na inilalaban at mas pinalalakas ang panawagan na palayain ang lahat ng mga bilanggong pulitikal at pagbayarin ang rehimeng Duterte sa pagkawala ni baby River. ▼

BABANGON ANG NUNONG IBINAON SA

PULANG BUHANGIN NG BORACAY ROMA ANGELOU DIZON

umabot lamang sa 3.2 ektarya. ‘Utang na Dugo’ Ang pakikibaka sa lupa ay nakatali sa ‘di maka-masang modernisasyon. Malaki ang utang na dugo sa mga Ating inipit at dinahas para sa komersalisasyon ng lupa. Binaril nang anim na beses ang Ati youth leader na si Dexter Conde noong 2013. Ang kaniyang pagkamatay ang nag-udyok sa maraming Ati na palakasin ang kanilang pag-organisa laban sa pangangamkam ng lupa at komersalisasyong sumisira sa kanilang kabuhayan. Nang ipamahagi ng DENR at DAR ang 3.2 ektarya noong 2018, ilang ulit na pinayuhan ni Duterte ang mga Ati na ibenta nila sa mga malalaking negosyante ang kanilang lupa para pagkakitaan. Bukod pa rito, ang lupang dapat pagtatayuan ng bahay at pagtatamnan ng mga Ati ay pinasok kaagad ng DAR para itaguyod ang paghahardin at produksyon ng mga high-value crops na ibebenta sa mga Boracay hotel owners at sa kalunsuran. Wika ng DAR, mapalalakas nito ang agro-turismo kasama ang partisipasyon ng mga Ati. Sa kabilang banda, malinaw para sa katutubo ang tunay na layunin ng pangulo sa likod ng pagpapasara niya sa Boracay. Hindi umano ito para sa pangangalaga ng kalikasan at ng mga

residente kundi para paigtingin ang pagpasok ng malalaking negosyong pangkomersyo at pang-agrikultura. Isa itong malinaw na pagsasantabi sa sagradong relasyon ng mga Ati sa kanilang tinubuang lupa. ‘Titulong Bigay ng Kasaysayan’ Kasaysayan na ang magpapatunay na ‘di lahat ng lupa ay kailangan ng titulo. Ang mga Ati ay isa sa mga nomad tribes na lumibot sa Panay bago pa man dumating ang mga dayuhan mula sa kanluran. Sila ang nagpangalan sa Boracay. Ngunit dahil sa pagpasok ng komersalisasyon at iba pang industriya na nagtulak sa kanila papunta sa mga kinakalbong kabundukan, tuluyan nang nasakop ng mga dayuhan ang lupang maraming taon na nilang pinangangalagaan. Ngayong pandemya, naging mas agresibo ang gobyerno sa pagtulak ng lokal na turismo upang iangat ang bagsak na ekonomiya. Untiunting niluwagan ang mga travel restrictions sa Boracay dahil sa inihain na “recovery” plan ng DOT noong Hunyo. Katulad ng pagkalimot sa nuno, limot din sa recovery plan ang mga Ati ng Boracay. Sa kasalukuyan, patuloy ang laban ng mga Ati para sa kanilang karapatan sa lupa, kabuhayan, at karapatan.▼

OCTOBER 2020

“TABI TABI PO”—mga salitang nagpapahiwatig ng kabatiran na ang mga nuno ay ‘di lamang alamat kundi representasyon ng pangangalaga sa kultura at kalikasan—dalawang mahalagang sangkap ng turismo—ngunit hindi lahat ay nagpapatabi. Sa gitna ng mapambulag na puting buhangin at makislap na dagat ng Boracay, ibinabaon nito patago ang mga katutubong Ati mula sa halos 2 milyong dumaragsang bakasyonista taun-taon. ‘Laban para sa Lupa’ Matagal nang napag-iwanan ang mga Ati sa komplikadong proseso ng pagkuha ng titulo sa lupa. Noong 2011 lamang legal na ibinigay sa mga Ati ang 2.1 ektarya na binabandi rin ng malalaking pangalan sa lugar na kung saan 1.57 lamang ang okupado sa kasalukuyan. Nitong 2018, binungkal muli ang usapin ng pamamahagi ng lupa sa mga Ati nang ilagay sa anim na buwang rehabilitasyon ang Boracay. Ayon sa Proclamation No. 1064 s. 2006 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, 628.96 ektarya ang klasipikado bilang lupang agrikultural. Mula sa binabalak na 150 ektarya na ipapamahagi ng administrasyon Duterte, lumagapak ito sa 7.8 na wala pa sa 1% ng kabuuang laki ng Boracay. Mas kakarampot pa rito ang tuluyang naibigay sa may 200 Ati na


balitang lathalain

0 6

PAMANA NG PAGLABAN. Nagpapatuloy ang paglaban ng mga Bacooreño para igiit ang kanilang karapatan sa Sitio Silangan mula sa mga nais umangkin nito tulad ng grupo ni Amy Gawaran, katuwang ang mga opisyal ng lokal na gubyerno ng Bacoor, para sa binabalak na “Urban Redevelopment and Heritage Preservation Area” dito. LITRATO PANDAY SINING BACOOR

Ang Patuloy na Paglaban ng Sitio Silangan PANDAY SINING BACOOR

Sining at Pakikibaka

MULA PA NOONG 2019, nang dahil sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) sa Lungsod ng Bacoor na binuo noong si Strike Revilla pa ang alkalde at ngayo’y pinalalawig ng kasalukuyang alkalde na si Lani MercadoRevilla, ginigipit at pinapalayas ang maralita ng Sitio Silangan. Pinagpapatuloy at mas pinalalala ng kasalukuyang lokal na pamahalaan ang malawakang plano ng pagpapalayas, gibaan at sunugan sa Bacoor. Isa sa mga nakasaad sa plano ay ang pagtransporma sa “Lumang Bacoor,” na kalakhaan ay ang Lupang Cuenca kung saan matatagpuan ang Sitio Silangan, bilang isang “Urban Redevelopment and Heritage Preservation Area.” Layon itong gawin bilang sentro ng turismo at pagtatanghal ng mga “pamana ng kasaysayan” ng lungsod. Ngunit para mangyari ito, kinakailangang “linisin” ang Lumang Bacoor. Ibig sabihin, sa

planong ito, walang puwang ang maralita. Ang pagkikibitbalikat ni MercadoRevilla at pagpayag niya na abusuhin ang CLUP ang dalawang pangunahing dahilan ng sunud-sunod na mga gibaan at clearing operations sa iba’t ibang lugar sa Bacoor. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming nangangamkam sa Lupang Cuenca. Sa gitna ng pandemya, nagpapatuloy pa rin ang pang-aagaw ng lupa dito. Napakaraming take at pananakot sa maralita ang naganap sa loob ng pitong buwan. Ang dating tatlong lagusan papasok at palabas ng sitio na esensyal sa kanilang pang-araw-araw ay ngayo’y isa na lamang matapos iligal na isinara ng mga security guard na tauhan ni Amy Gawaran, isa sa mga nang-aagaw ng lupa. Kung matatandaan noong Setyembre 21, nagpaputok ng baril ang mga tauhan ni Gawaran upang sindakin ang mga lumahok sa protesta ng pag-alala sa Batas Militar kasabay ng pagtambol ng kanilang mga panawagan. Isa lamang ito sa napakaraming ulit ng panunupil at pananakot na ginagawa niya sa mga tagaSitio Silangan.

Ngunit patuloy ang kanilang paglaban. Naninindigan sila sa kanilang karapatan sa lupa at nananawagan para sa paglayas ng mga nais magnakaw nito. “Matagal na kami ritong naninirahan, kami ang may karapatan dito. Bakit ninyo kami kukuhaan ng karapatan?” Tanong ng isang lokal na lider matapos paputukan noong Setyembre. Nitong Oktubre, kasama ang sektor ng simbahan at hanay ng kabataan, dinaos ng komunidad ang unang anibersaryo ng kanilang paglaban. Nakipamuhay ang mga kabataang ng Cavite sa komunidad at natuto at nagturo sa masa. Noong mismong araw ng anibersaryo, Oktubre 18, nagkaroon ng salu-salo habang naghanda ng mga kultural na pagtatanghal at pagsambang bayan para gunitain ang pakikibaka para sa karapatan sa lupang kanilang nilinang. Mulat ang masang maralita sa kanilang mga karapatan. Alam nilang walang ligal na basehan ang mga pangangamkam ng lupa at alam nila kung paano ito labanan. Buhay ang pakikibaka sa diwa ng mga taga-Sitio Silangan. Kitang-kita ito sa mga pangkultural na pagtatanghal ng mga kabataan tuwing may kilos-protesta, sa mga mamamayang sama-samang kumikilos para sa kapakanan ng komunidad, at sa malawak na hanay ng mga kabataang Kabitenyo na sumasapi at nakikipamuhay sa kanila. ▼

PAG-ASA NG BAYAN. Buhay ang diwang mapanlaban ng mga tagaSitio Silangan maging sa mga kabataan nitong magbibitbit ng sulo tungo sa tagumpay ng kanilang pakikibaka para sa mga karapatan. LITRATO PANDAY SINING BACOOR


Build! Build! Build! to Oust! Oust! Oust!

REXSON BERNAL DIBUHO NATHAN

MAGMULA NOONG MAGING PRESIDENTE SI DUTERTE, ibinibida na niya ang kanyang plano para itaguyod ang “Golden Age of Infrastructure” sa pamamagitan ng “Build! Build! Build!” na mahalagang sangkap sa mga pang-sosyoekonomikong polisiya ng gobyerno. Ngunit sa likod ng mga mabubulaklak na salita ay ang paglapastangan at pagsasawalangbahala nito sa karapatan at kabuhayan ng mga mamamayan. ‘Build, Build, Build ng mga Pangako’ Taong 2017 inilunsad ang BBB kung saan ibinabandera nito ang pagsugpo sa kahirapan sa paglikha ng maraming trabaho at pagpapaunlad ng ekonomiya. Ngunit katulad ng kanyang ibang pangako, ito ay napako at maraming Pilipino ang nagoyo. Plano nito ang makapagpatayo ng 20,000 na imprastraktura sa bansa, tulad ng mga kalsada, paliparan, paaralan, ospital, at iba pa. Magandang pakinggan ngunit kaakibat nito ay ang pagpapalayas sa maraming komunidad ng magsasaka at maralitang lungsod. Sa humigit kumulang P8.4 trillion na pondo ng BBB, malaking bahagdan rin nito ay mula sa buwis ng masa. Sa pagkapasa ng TRAIN law, nabawasan ang tax mula sa sahod na inuuwi ng mga Pilipino ngunit nadagdagan naman ang presyo ng mga serbisyo at bilihin. Sa binabalak na pagpasa ng ikalawang bahagi nito na CREATE Law, titindi pa ang pasanin ng taumbayan sa

pagbawis ng buwis ng mga malalaking korporasyon. Nasa 34% ng mga ipinangakong proyekto ang naisagawa na ng administrasyon ngunit malaking tanong dito ay ilan sa mga ito ang kapaki-pakinabang talaga sa taumbayan. Habang sinisingil ng pagkalaki-laki mula sa buwis, patuloy na nangungutang pa ang pamahalaan para pondohan ang anti-mahirap na proyektong ito. Saan nga ba talaga napupunta ang buwis ng mga Pilipino? ‘Trabaho Para sa Pilipino o Negosyo Para sa Tsino?’ Nitong Hulyo, lumagapak sa 7.3 milyon o 17.7% ng populasyon ang nawalan ng trabaho buhat ng pandemya ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority. Mula rito, 4,152,684 ang kabilang sa construction industry. Maaaring pa itong tumaas habang patuloy na nasa krisis ang ekonomiya. Karamihan pa sa mga imprastraktura ay sa ganansya ng mga dayuhang korporasyon. Mas binigyang prayoridad rin ng ng gobyerno ang pagbibigay ng negosyo sa mga Tsino, na lantarang ipinamukha sa taumbayan nang payagan ang patuloy na operasyon ng mga POGO sa bansa. ‘Demolisyon Kapalit ng Korapsyon’ Sa ilalim ng rehimeng Duterte, humigit kumulang 4,209 ang bilang ng pamilyang naapektuhan ng kabi-kabilang demolisyon sa Metro Manila at 23,000 naman sa buong bansa. Ang mga demolisyong ay walang

OCTOBER 2020

habas na ipinagpatuloy ng mga lokal na pamahalaan, pahirap na presidente, at mga pribadong korporasyon para sa kanilang sariling interes. Nitong Marso, habang nasa lockdown, halos 120 pamilya sa lungsod ng Pasay ang pinatalsik ng walang abiso. Nitong Hulyo naman, 300 pamilya sa Cabuyao, Laguna ang pinalayas. Sa dalawang insidenteng ito, hindi nagbigay ng kahit na anong solusyon sa problema sa pabahay ang estado. Ayon sa R.A. No. 7279 o “Urban Development and Housing Act,” dapat magbigyan ng relocation site ang mga pamilyang naapektuhan ng pagpapaalis sa kanilang kasalukuyang panirahan. Ngunit sa dami ng mga nawalan ng tahanan, naisawalang bahala na lang ang batas na ito. Matindi ang krisis sa pabahay sa bansa at ito dapat ang tunguhin ng infrastructure plan ng gubyerno ngunit makikita na wala sa layunin ng estado na tugunan ang suliraning ito. ‘Ang Laban ng Mamamayan para sa Karapatan sa Panirahan’ Isa ang Sitio San Roque sa Quezon City sa ilang ulit nang niraragasa ng demolisyon ng pasistang gobyerno noon pang 1990. Ngunit sa kabila ng mga pagpapalayas, ang 100,000 na residente nito ay hindi tumitigil upang igiit ang kanilang karapatan. Nagpatuloy ang pagbarikada ng komunidad upang protektahan ang kanilang tahanan na kinalauna’y nakakalap ng malawak na suporta sa maraming sektor at grupo. Ito ang nagtulak para makabuo ng Community Development Plan ang San Roque upang itulak ang murang pabahay sa sitio. Ngunit isa lamang ito sa mga labang nagpapatuloy sa gitna ng tumitinding krisis. Mula sa aplaya at lansangan ng Bacoor, sa loob ng bakot ng Intramuros, at sa baybayin ng Taliptip, buhay na buhay ang diwang mapanlaban ng masa na nagsusumigaw ng panawagan para sa kalusugan, kabuhayan, at karapatan. Patuloy na maninindigan ang mamamayan para sa mga karapatan at alam nilang makakamit lamang ito sa pagpapatalsik kay Duterte! ▼

lathalain

ANG MGA KALAWANG NG GOLDEN AGE OF INFRASTRUCTURE

0 7


lathalain

0 8

WALANG PANGINOON ANG LUPA RAY MARK ESPIRITU

DIBUHO VALERIE CAJAYON & ALLIANA

Sa mundong ating kinabibilangan, tiyak na may pananagutan siyang naghahari-harian at siyang dahilan ng kahirapan.

Sining at Pakikibaka

Lahat tayo ay may tungkulin, alam man natin o hindi, nakasaad man sa kautusan ng relihiyon o alinsunod sa panuntunan ng sariling moralidad. Maging ang mga daga, kuhol, insekto, at ibang mga uri ng peste ay may katungkulan. Isang gabi, nagkaroon ng pagpupulong ang mga peste sa kanayunan. Nagbatuhan sila ng mga nasagap na alimuom; binusisi kung sila ba ay walang katuturang kwentong bayan lamang o katotohanan na hindi na nila natutugunan ang kanilang gampanin na sirain ang mga palayan. Tila may umaagaw, may sumasapaw—mga bagong uri ng salot sa sakahan, sa lipunan. Ano-ano nga ba itong mga modernong peste na pumalit sa kanila? ‘Munting pugad’ Ang lupa ang kanlungan ng bawat anakpawis. Dito sila isinilang, nagkamuwang, at natutong magbanat ng buto alinsunod sa kinagisnang buhay. Mahal nila ang lupa, gayon din ang lupa sa kanila. Alam ng mga

peste kung gaano ito kahalaga hindi lamang sa mga magsasaka, pati na rin sa kanila—dahil dito sa lupa ang pangunahing hanapbuhay ng parehong mga magsasaka at mga peste. Ngunit, sabi sa pulong, simula nang magkaroon ng malawakang pangangamkam ng lupa, hindi na naging payapa ang kanilang pamumuhay. Pati ang lupang kinagisnan ay inaagaw ng mga mayayamang magnanakaw. Nanakawin upang gawing komersyalisadong pabahay na tanging ang mga naghaharing-uri lang ang makikinabang. Paano na ang mga tagapangalaga ng lupa? Wala na silang tahanan, wala na silang uuwian. ‘Hindi makitang kita’ Hindi na nga pag-aari ng mga magsasaka ang kanilang lupang pinagtatrabahuhan, hindi pa sapat ang kanilang kinikita sa bawat buti; ng palay na pinagpapaguran. Nakatatakot isiping may mga bagay na sulpot-litaw; kapag hinahanap ay ‘di makita, kahit pinaghirapan parang walang bunga. Nang bumagsak

ang presyo ng palay, nagsimula na raw maramdaman ng mga peste ang kanilang pagkawalang silbi. Kitang-kita nila ang hirap na dinaranas ng mga magsasaka sa pagkalugi sa bentahan ng palay. Hindi kayang patayin ng lason ang pesteng ito, dahil ito’y batas na layong pahirapan ang mga Pilipino. Mahirap na kalaban ang Rice Tariffication Law. ‘Laro ng mga halimaw’ Matapos pasadahan ang pagpapalit-gamit ng lupa at pagbaba ng presyo ng palay, naglakas-loob ang mga peste na pag-usapan ang mga usaping pilit nilang iniiwasan. Isa na rito ang kwento ng mga naglalarong halimaw. Noong unang panahon, pinaniniwalaan na sinumpa ang mga probinsya; sa masulasok at liblib na parte nito, kung saan gabi-gabi ang pangamba ng bawat mamamayan—ito raw ang lungga, hindi ng insekto’t daga, kundi ng mga aswang. Lingid sa ating kaalaman, totoo ang mga sabi-sabi. Totoo ang sumpa. Hindi


0 9 lathalain

man sila gaya sa kung paano inilarawan ng mga alamat, lipas na ang panahon na ang aswang ay guni-guni lang. Naka-uniporme, may pangalan at may katungkulan. Walang pangil pero may baril—ang pangunahing laruan ng halimaw at ang unang sangkap sa militarismong pinalalaganap. ‘Multo sa sakahan’ Ito ang kwentong kinatatakutan ng lahat. Hindi ito bunga ng imahinasyon; laganap ito sa buong bansa. Dahil minsan nang nadiligan ng luha at dugo ang mga tanim, hindi na kailanman matatahimik ang mga multo sa sakahan. Sila ay biktima ng mga halimaw; mga walang awang pinagpapapaslang ng mga nanumpang poprotektahan ang sambayanan. Minsang narinig ng mga peste na mayroon ng 288 na nabiktima ang mga halimaw simula nang maupo sa palasyo si Satanas. Ngunit ang mga tunay na nagmumulto ay silang pilit na sinusupil ng takot.

Buhay ma’y parang patay na rin. Sa bawat araw, akap-akap nila, hindi pag-asa, kundi pagkabahala. ‘Maybahay ni Satanas’ Ang mga kawal ay may sinusunod na hari, na siyang may kaagapay na reyna. Hindi raw masipag ang ating mga magsasaka sabi ng reyna. Bukambibig din niya na mas mahalaga ang pagpapalaganap ng mga bagong komersyalisadong pabahay kaysa sa mga sakahan. Kung hindi siya ang kapitalismo na nagkatawang-tao, siya ang pinuno ng mga ito. Dumadaloy sa kanyang ugat ang mga ideolohiya ng isang tunay na burges, ang minorya na nagpapahirap sa nakararami. Siya ang dahilan ng lahat. ‘Silang may-ari ng lupa’ Natigil bigla ang mga peste. Sa gitna ng kanilang pagpupulong, hindi nila sinasadyang marinig ang pag-uusap ng mga magsasaka. Hindi malinaw ngunit nabatid na may dapat

panagutin at patalsikin. Hindi malinaw ngunit narinig nila na dapat kitilin ang puno’t dulo ng kahirapan. Hindi malinaw sapagkat tanging palitan ng nagngingitngitang tunog ang kanilang narinig. Sa likod ng gigil na sigawan ng mga magsasaka, mayroong isang malinaw na narinig ang mga peste—ito ang may dapat silang bawiin, babawiin ang kanila. Babawiin ang lupang sinilangan, lupang kinalakihan, at lupang kanilang ipinaglalaban. Minsan na silang natakot, hindi na muli. Hindi pa tapos ang kanilang laban. Tulad sa mga epiko, mitolohiya, at maging sa mata ng kasaysayan, ang inapi ay matagumpay na umalpas laban sa mapanupil na sistema nang kanilang pabagsakin ang mga nagbabanal-banalan gamit ang kolektibong pakikibaka. Hindi bahag ang buntot ng mga Pilipino. ▼

Sa araw ng paniningil, ating paiigtingin ang lakas ng bawat Pilipinong manggagawa. Kung sino man siyang taksil, ay dapat gawing sakripisyo at pataba. Hindi magtatagal ay patutunayan nating muli na walang panginoon ang lupa.

OCTOBER 2020


lathalain

1 0

CULTURAL IMPERIALISM:

not all people are the same, as reflected by our race, gender, and class. With that realization, beauty has become yet a source of pleasure for most people but insecurity. The concept of beauty is not free from the taint of cultural imperialism. In fact, it is an epitome of how it converges with economy and politics to perpetrate exploitation: as developing countries like the Philippines liberate their markets for exported products, global capitalists saturate in order to control economies of other nations and consciousness of other people. White supremacy has always been the purveyor of beauty standards as it continues to uphold unrealistic measures and soil people’s cognizance. But then again, the notion that one should have a fair complexion, blemishfree skin, pointy nose, straight hair, and pearly white teeth to be considered “beautiful” is not insensibly drilled into the masses but by conscious apparatuses of the global capitalist system. As a result, it has led to a worldwide surge in objectification and failure to reach

Mis haps of Beauty in the East SHIN OMAYAO, FRANCES BRYLE GELVORIA, & LOUELLE VIZCARRA

DIBUHO SIYA

BEAUTY HAS BECOME A COMMON SUBJECT OF ENTERTAINMENT—reaffirming its identification to please the society. Standards of beauty vary among cultures, but with the influence of globalization, particularly the western hegemony, eurocentric standards have been pedestalled and glorified as “the standard” to the point that parameters of beauty have now hinge on borderline fetishism, bastardization, and misrepresentation. In order to play along with this cultural phenomenon, numerous cosmetic products, accessories, and surgeries which aim to modify, enhance, and pattern people’s looks to fit this “standard” have flooded the market. Personalities and media who continue to uphold and endorse these ideals have become its primary agents. But with this celebration of resplendence looms the inevitable truth that

these standards results in face and body shaming, body-related disorders, and an obsession with plastic surgery. The obsession towards self modification among the youth became a psychological stereotype because there is already an urge to satisfy such interests of the society influenced under capitalist notions of beauty. By extension, “beauty,” an impressionistic quality, has been commodified through the power of purchasing products that help people shape themselves into the “standard.” Without the ability to do so, an individual is alienated from the world of grandeur. This creates an abandonment of natural self as an assessment of worth. As we look closer, this objectification of beauty brought upon by cultural imperialism dehumanizes people for treating them as mere consumers of a product that should have not been commodified in the first place. It has no intention to please the society but only to tether its members into the world of consumerism. However, purchasing power cannot liberate people from the perils of capitalism and the ideals it perpetuates. Then again, it is certain that the influence of cultural imperialism in beauty is already rooted in social and individual costs. However, we should strengthen our cultural practices and denounce the influence of imperialism socially, economically and culturally. In the progression of nationalism, we must reject the powerful; it is a necessity to work en masse to overthrow the cultural practice in beauty, which is subject to oppression. ▼

DepEd Marathon 2020 breaks record for biggest organizing flop

Sining at Pakikibaka

ROMA ANGELOU DIZON DIBUHO MIGUEL

DEPED ORGANIZERS OF BALIK ESKWELA MARATHON 2020 found themselves at the end of criticisms in a series of mishaps during a 3-lap race participated by students, parents, and teachers on October 5. What was supposed to be a marathon became a hurdles race after runners suffered several injuries caused by logistics and organizing errors. Instead of delivering an apology, Briones who heads the agency claimed victory in launching the event, saying that DepEd did not fold up in its fight against COVID-19. The race must continue. In her words, “Our learners cannot wait, we continue with the process so we can give hope and continuity, and contribute to the normalization of activities of our country.” While Briones rejoices, runners clocked last in their own race. To them, Briones’ victory speech is all sweet talk to cover up the incompetence of the organizing agency. Here are the highlights of the 3-lap blunders in this year’s Balik Eskwela Marathon: ‘No Runners Left Behind?’ Earlythisyear,DepEdpromisedthatnorunneris left behind, yet 3 million students failed to register due to their inability to fulfill all requirements, not including thousands more parents and teachers

who are unable to compete. DepEd changed several policies and logistics in conducting the race in light of the pandemic. Responsibilities to purchase special running equipment, meet training prerequisites, and pay hiked registration fees were passed onto students, teachers, and parents, respectively. ‘Little Budget for Million Runners’ DepEd failed to secure a P65 billion supplemental budget despite the huge amount of debt of the national government to recuperate from losses and support new logistical strategies in the pandemic. The Congress and the Palace who fund the event proposed a meager amount for the 2021 budget despite urgent needs of runners. Even the 800 athletes in the teacher’s category who contracted COVID-19 during field training were left unsupported due to lack of funds. Besides training and equipment, insufficient funds pushed runners and private sponsors to find ways in reproducing training manuals published by DepEd. These controversial manuals sparked outrage when the public found glaring content errors and anti-democratic implications in the marathon guidelines that dispel the right to free speech and organization among athletes.

‘Mudded Tracks and Jobless Runners’ Participants from the teachers and parents division pushed out of the profession add to more than 7 million unemployed Filipinos. Moreover, 748 private schools suspended operations, while 200 Lumad schools were forcibly closed down by DepEd since 2016. Documented reports of harassment and intimidation of military and paramilitary forces against Lumad athletes tagged as political usurpers rose to 600. Amidst the scandalous marathon mishaps, runners remain unfazed in their call to hold DepEd and the government accountable not only for the event blunders but also for the failed COVID-19 response. That is why on October 21, student, parent, and teacher runners marched the streets to bring down the platform where the treacherous tyrant stood with calls for better economic and livelihood conditions. ▼


TATLONG TAON NA ang nagdaan matapos ideklara ng pangulo ang huwad na “liberasyon” ng Marawi. Mapait sa panlasa ang pagdiriwang ng estado habang daanlibong katao ang patuloy na nagdurusa mula sa destruksyong dulot ng giyera. Ang pagbibigay pakahulugan sa pagiging malaya — sa liberasyon — ay dapat nakasandig sa mga Maranao na mismong ninakawan ng lupa

PAULINE FERNANDEZ DIBUHO SOPH

at buhay. Sa halip, ang utak-pulburang estado ay panay ang puri sa sarili at desperadong umangkin lamang ng tagumpay. Tago sa mga mata ang mga tanikalang bumabalot sa mga bakwit ng Marawi. Dama ang paghatak at pagbigat sa paglipas ng bawat araw na hindi makabalik sa tahanan, walang natatanggap na kompensasyon, at hinaharap ang mga patong-

Bagong Mukha, Lumang Sistema AYANG RICAFRANCA

masabi nilang naipanalo nga nila ang laban sa pamamagitan ng demokratikong pagboto. Sa kabilang banda, kasabay ng sinasabi pagkapanalo ang patuloy na pagkabigo ng mga bansang neokolonya ng Estados Unidos. Napalitan lamang ang pangalan at ang mukha, ngunit parehong istilo ng imperyalismo pa rin ang nagpapahirap sa demokrasya ng mga apektadong bansa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, at isa rito ang Pilipinas. Bago pa man opisyal na ideklara ang pagkapanalo ni Biden at Harris ay hindi na nagkaugaga sa pagpapaabot ng kanyang pagbati si Pangulong Duterte. Ayon sa kanyang tagapagsalita na si Harry Roque, inaasahan ng pamahalaan ang mahigpit na pakikipagugnayan ng administrasyong Duterte sa bagong administrasyong Biden, ugnayang ayon sa kanila ay dapat na nakaangkla sa palitan ng respeto, benepisyo, at pangako ng

OCTOBER 2020

LUBOS NA IKINAGALAK ng mayorya ng Estados Unidos ang pagkapanalo nina Joe Biden at Kamala Harris bilang bagong presidente at bise-presidente sa katatapos lamang na US Presidential Elections. Ang matagumpay na pagpapatalsik kay Donald Trump mula sa kanyang pwesto ay patunay lamang na sukang-suka na ang mga mamamayan nito sa pananamantala at pamamasista ng rehimen sa loob lamang ng isang termino. Sumasalungat sa pagkakakilala ng mundo sa napalitang rehimeng US ang pinapakilalang mukha ng bagong panunungkulan nina Biden at Harris. Ang katagang, “A President for All Americans” ni Biden, at ang pagbandera kay Harris bilang “The first female, first Black and first South Asian Vice-President” ay ilan lamang sa mga naglipanang propaganda na posibleng nakaapekto sa mga mamamayan ng US upang

demokrasya, kalayaan at paggalang sa batas. Ang pagpapaabot ng pagbati ni Duterte kay Biden ay tila senyales ng kanyang mainit na pagtanggap sa isang bisitang ang totoong pakay ay sakupin ang hindi nya tirahan. Ang malugod na pagpapatuloy ni Duterte sa iba’t-ibang Amerikanong bisita noon pa man ay malinaw na nakikita sa presensya ng US Troops dito sa bansa sa pamamagitan ng VFA, EDCA, at kung anu-ano pang programang patuloy na nagsasailalim sa Pilipinas sa hegemonya ng US. Kaakibat nito ang patuloy na pangangamkam sa mga likas na yaman at pang-aagaw ng mga lupain ng mga dayuhang korporasyon. Bilang mga mamamayan ng bayang patuloy na nakikipagtunggali sa mahigpit na kapit ng tiraniya at diktadura, maaari nating paghugutan ng inspirasyon ang pagpapatalsik ng mga Amerikano sa pasistang si Trump, ngunit hindi sapat na mukha at pangalan lamang ang ating isulong na mapalitan. Kasabay ng pagpapababa sa traydor, pahirap, korap, at pasistang si Duterte ang pagsulong sa tungkulin nating bakahin ang mapang-api, mapagsamantala at naghaharing sistema ng kapitalismo at imperyalismo tungo sa totoong tagumpay! ▼

1 1 opinyon

Huwad na Liberasyon

patong na pahirap. Bagaman taon na ang lumipas mula nang tumigil ang putukan sa loob ng ground zero, bota ng militar pa rin ang laman ng kalsada imbis na mga residente. Wala pa ring klarong kasagutan ang patuloy na pag-antala ng rehabilitasyon at kawalan ng transparency sa pinaglalaanan ng pondo. Bingi ang tainga ng estado sa mga hiyaw para sa pananagutan sa mga kabiguan ng pagtugon sa krisis sa Marawi at sa mga kalakip nitong pang-aabuso. Karapatan ng lahat na makatanggap ng proteksyon at pagkalinga mula sa estado, ngunit ang mismong kapabayaan at pang-aabuso nito ang bumiibihag at nagpapanatiling lugmok sa kalagayan ng mga bakwit. Sa kasagsagan ng pagkubkob sa Marawi, nagdeklara ng batas militar si Duterte sa buong Mindanao. Nagsilbi lamang itong daan upang pangatwiranan ang kanilang pandarahas at paglabag sa karapatang pantao. Pangunahing problema ang matagal nang dinaranas ng mga Moro na pag-profile base sa relihiyon at walang-ebidensyang pagbansag bilang terorista. Ang dati nang laganap na mistaken identity sa mga Moro na komunidad ay lalo pang naging talamak sa mga bakwit ng Marawi na naiwan ang mga ari-arian at opisyal na dokumento noong lumilikas sa kasagsagan ng pagkubkob. Daan-daan ang pinagbibintangang parte o nakikisimpatya sa mga teroristang grupo base lamang sa pagiging Muslim at sa mga stereotype na kalakip nito. Imbis na tulong at serbisyo, ang natatanggap ng mga naipit sa gulo ay maling pagkulong, sapilitang pagkawala, at extra-judicial na pagpaslang. Inaalingawngaw ng krisis sa Marawi ang siglo-siglong pakikibaka ng mga Moro na makakamit ng tunay na kapayapaan. Nakakawing ang pagtugon sa mga suliranin ng Maranao sa pagwasto sa mga historikal na paglabag sa katarungan ng mga Moro sa kamay ng mapaniil na estado. Walang hustisya. Walang kapayapaan. Walang kalayaan. Walang liberasyon. ▼


Awit ng Magsasaka

opinyon

1 2

RAYMARK ESPIRITU

“MAGTANIM AY ‘DI biro,” ‘ika nga ng awiting bayan na ipinamana sa atin ng mga Pilipinong ninuno. Inaawit natin ito nang pintado ng ngiti at galak ang ating mga mukha habang silang nasa bukirin ay arawaraw pasan ang bigat ng sistematikong paniniil na hatid ng pyudalismo. Sa kasagsagan ng pandemya, hindi maikakailang sila rin ang nasa unang hanay ng mga pinakamasisipag na manggagawang Pilipino—frontliners sa kanayunan. Pero bakit kung sino pa ang pagal para malamnan ang sikmura ng sambayanan ay sila ring ginugutom ng pasistang rehimen na ito? Mahigit isang taon na ang lumipas matapos lagdaan ni Duterte ang RA 11203 o Rice Tariffication Law (RTL) na pinanguahan ni Sen. Cynthia Villar, ang tagapangulo ng komite ng agrikultura. Layunin nitong pagyabungin

JULIAN KARL DIBUHO CASIE

Mental Health at ang Lumang Problema sa Bagong Normal

HINDI NA BAGO sa tainga ng karaniwang mamamayan ang paulit-ulit na katagang bunsod ng pandemya na ang kalusugan ay kayamanan. Sinusundan ito ng patuloy na pagpapaalala sa social media, telebisyon, at radyo, na magsuot ng face mask at face shield. Iyon ay ilan sa mga hakbang upang mapangalagaan ang pisikal na kalusugan, ngunit paano naman ang kalusugang pangkaisipan? Simula Marso ngayong taon, tumaas ang bilang ng mga dumudulog sa crisis hotline ng National Center for Mental Health (NCMH) na pumapalo hanggang 37 araw-araw mula sa karaniwang 15 na indibidwal bago magsimula ang pandemya; karamihan sa kanila ay nakararanas ng depresyon. Kaugnay dito ang iniulat ng Department of Health ngayong

Sining at Pakikibaka

‘di umano ang lokal na agrikultura sa pamamagitan ng pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Imbes tulungan ay lalo lang nitong pinahihirapan ang mga tagapangasiwa ng mga sakahan. Ayon sa pagsusuring ginawa ng Philippine Statistics Authority, nasa P16.84 kada kilo ang presyo ng palay. Ngunit mismong mga magsasaka na ang nagsabi na sumasadsad sa sampung piso na lamang ang bentahan ng palay sa kani-kanilang lugar. Sa Pangasinan, mula P11 hanggang P15 ang bawat kilo ng palay habang sa Isabela nama’y bumubulusok na sa P7. Dahil dito, nalulugi ang ating lokal na agrikultura at nagugutom ang ating mga magsasaka. Malinaw na hindi makamaralita at walang magandang idinudulot ang pagsasabatas ng RTL. Ang Rice Tariffication Law ay direktang pagdura sa karapatan ng mga magsasaka dahil

Oktubre na 3.6 milyong Pilipino ang may pinagdaraanang mental health conditions, at inaasahan pa ang pagtaas ng numerong ito sa susunod pang mga taon. Sa halos walong buwan at patuloy na pagsasailalim ng bansa sa community quarantine dulot ng COVID-19, tila wala nang kasiguraduhan kung kailan ito matatapos. Hindi rin maitatangging ang mabagal na pagtugon ng gobyerno sa pandemya ay patuloy na nagbibigay ng pangamba at kahirapan sa mga Pilipino. Bukod sa puro tugong militar, nariyan din ang pagsulong nila ng “New Normal” sa aspekto ng edukasyon, hanapbuhay, at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan. Dahil sa pag-aadjust sa “new normal”, kita sa datos na malaki ang naging negatibong

isinasakripisyo nito ang kanilang kabuhayan. Ang kababaan ng benta ng ani ay matinding pasakit sa kanila. Matapos madungisan ng putik, mabilad sa init, at indahin ang sakit ng katawan, bibilhin lang sa mababang presyo ang kanilang pinaghirapan? Hindi ito makatarungan. Pagkabangkarote at pagkabaon sa utang ang kanilang dinaranas magkapantawid-gutom lamang. Noon pa man, malinaw na ang magtanim ay ‘di biro; panahon na para pakinggan naman ang pilit pinatatahimik na mga tinig mula sa kanayunan. Ngayon, umaawit pa rin ang ating mga magsasaka—sa liriko ng pagkakaisa, sa tono ng pakikibaka. Kasabay ng panawagan sa tunay na reporma sa lupa, pagtaas ng presyo ng palay, at suporta sa lokal na agrikultura ang sigaw na panagutin ang siyang dahilan kung bakit patuloy na naghihirap ang mga manggagawang bukid ng bansa. Bunutin ang ugat ng peste sa sakahan! ▼

epekto nito sa mental health ng ilan sa mga Pilipino. Sa kabila nito, nananatiling ‘di bukas ang mga serbisyo tulad ng pagbibigay ng mga gamot, counseling at therapy sa bansa. Maging noong wala pang pandemya, hindi na ito abot-kaya ng ordinaryong mamamayan. Iyon ay dulot ng patuloy na umiiral na sistemang neoliberal kung saan, tinatrato pa rin ang pisikal at mental na kalusugan bilang negosyo at hindi bilang mga karapatang pantao. Dahil doon, ang mga may kaya lamang ang may akses sa mga serbisyong medikal na nabanggit. Sa bawat araw na sinusundan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay mas nagiging malinaw ang kahalagahan ng pangangalaga hindi lamang sa pisikal na kalusugan, kundi pati na rin sa kalusugang pangkaisipan. Ngunit paano ito maisasakatuparan nang walang mabisang hakbang na nagmumula sa pamahalaan upang maging abot-kaya’t bukas ang mga serbisyong kinakailangan? Hindi na nga nila masolusyunan ang mga problemang dati na tayong mayroon, patuloy pa nila itong dinaragdagan sa gitna ng pandemya. Hindi ito matatapos hangga’t nakaluklok sa puwesto ang pahirap at numero unong sakit sa ulo ng mga Pilipino na si Duterte. ▼


Gaya Sa Pelikula: Inciting Incident ng Pinoy BL

1 3 opinyon

APOLLO

MAITUTURING NA ISANG penomena ang paglaganap sa popular na kultura ng mga palabas na Boys’ Love (BL), o genre ng kwento na nagtatampok ng pag-iibigan ng dalawang lalaki. Maraming suliranin ang lumilitaw patungkol sa papel ng BL sa pagrepresenta ng LGBTQ+ community at ang pag-angkop nito sa konteksto ng Pilipinas. Unang lumaganap ang genre na “Boys’ Love,” o yaoi, sa bansang Hapon noong dekada ‘70. Bagaman tumutugon sa usapin ng pagrerelasyon ng dalawang lalaki, problematiko ang pinagmulan ng BL dahil sa pagpokus nito sa homoerotikong naratibo na naglalayong pagsilbihan lamang ang sekswal na fetish ng mga babaeng tagapanuod. Kalaunan ay lumaganap ang BL sa bansang Thailand at ang palabas na 2gether: The Series ang maikokonsiderang nagsimula ng “BL phenomenon” sa Pilipinas at nagengganyo sa mga Pilipinong manlilikha na angkupin ang genre. Isa ang online seryeng Gaya sa Pelikula, mula sa manunulat na si Juan Miguel Severo, sa mga bunga ng pagtaas ng demand sa mga palabas na Boys’ Love. Ayon sa pahayag ni Severo, na bahagi ng LGBTQ+ community, kanilang kinikilala ang mga kontradisyon ng genre. Bunga ng pambabatikos sa genre ang hamon sa mga Pilipinong manlillikha na lumayo sa mga problematikong elemento ng mga naunang BL, at saklawin at bigyang-importansya sa

naratibo ang danas at pagkatao ng mga karakter. Bilang pagtugon, sumailalim ang buong cast at crew (na karamihan ay miyembro ng LGBTQ+ community) sa gender sensitivity at Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE) workshop bago ang produksyon upang maging mas responsable ang proseso ng paglikha. “It’s time to take back our story,” tagline ng Gaya Sa Pelikula. Tunay na malayo pa ang lalakbayin ng mga queer artists at creators upang maipakilala ang katauhan at danas ng komunidad sa midya na naaabot ng masa. Mapapansin sa palabas ang GAYA SA PELIKULA. Ito ay isang bagong Pinoy BL series ni pagbibigay komentaryo sa Juan Miguel Severo sa direksyon ni JP Habac. (Larawan mula lipunan, pagsulong sa mga usapin sa Globe Studios.) ng sosyalismo, at pagkikritiko sa kapitalismo. Sa pagtatagpo pagkekwento upang maliwanagan ang ng mga isyung ito sa isang BL na serye, mayorya ng lipunan sa mga isyu na minsan ipinapakita ang pagiging interseksyunal ng nilang ipinagkibit-balikat at hinusgahan. mga danas na kinakaharap ng komunidad, Sa kabila nito, lagi’t laging may espasyo sa dahil ang paglaya ng malawak na hanay ng pagyabong ang bawat likhang sining, at kung masa ay paglaya rin ng sektor ng LGBTQ+. gagamitin ang penomenong Boys’ Love para Ito ay dapat na nagmumulat at nagpapakilos sa lehitimong representasyon ng LGBTQ+ upang makapaghain ng kasagutan sa masang community, walang dahilan upang pigilan umaasa sa impormasyon sa midya. ang pag-unlad at pagbabago ng genre. ▼ Mananatiling hamon ang patuloy na

Pagtingin sa BalikEskwela: Mga Bata, Kaya Pa Ba? VALERIE CAJAYON

nawalan ng trabaho o ‘di kaya’y hindi sapat ang kinikita para ipantustos sa pamilya at ipambayad sa nagmamahalang matrikula. Maliban pa sa kani-kanilang trabaho ay inaalalayan din nila ang kanilang mga anak sa pag-aaral, kaya labis ang naramdaman nilang inis nang makita ang mga sablay na modyul. Nitong unang tatlong linggo ng Oktubre, natagpuan ang 35 na kamalian sa mga modyul. Pahayag ng DepEd, hindi raw lahat ng modyul ay sumasailalim sa quality control. Kahit daw ang dumaan sa kanila’y may nakakaligtaan pa ring kamalian. Inilagay naman sa panganib ang mga guro sa pag-atas sa kanilang magpamigay ng mga modyul. Bukod pa sa pagtuturo, ang ibang mga guro ang gumagawa, nag-eedit at nagpapamahagi ng mga ito, na naging rason sa pagpopositibo sa COVID-19 ng 10 guro sa Ilagan West National High School sa Isabela.

OCTOBER 2020

HANDA NA BA kayo, mga bata? Balikeskwela na! Balita ko, sabi ni DepEd Secretary Leonor Briones, tagumpay raw ang balikeskwela? Totoo ba? Tingnan natin! Mula nang magsimula ang klase, maraming estudyante ang naghayag ng kanilang saloobin at karanasan sa modular at distance learning. Samu’t sari ang suliraning dala ng balik-eskwela ngayong taon gaya ng kawalan o kabagalan ng internet, mas mabigat na workload, mas malalang kapaguran, at kakulangan sa pera para sa gamit at load. Halos hindi na natututo ang mga estudyante at nakapokus na lamang sa pagpasa ng natatambak na gawain. Ang mga magulang ang pumapasan ng gampanin sa pagtuturo sa anak sa ilalim ng modular learning. Dahil sa pangkalusugan at pang-ekonomiyang krisis na dala ng pandemya, maraming magulang ang

Dahil iniratsada ang pagbabalik-eskwela, humantong sa mas matinding kahirapan ang nararanasan ng mga pamilyang Pilipino, lalo na ng kabataan. Hindi itiniyak ang kalidad ng mga materyal, pagkatuto ng mga estudyante, sitwasyon ng mga magulang na nahihirapang magbayad ng matrikula, at ang kaligtasan ng mga guro. Samakatuwid, ang mga dapat na responsibilidad ng pamahalaan ay inilipat nila sa mga magulang at guro sa ilalim ng “new normal” na kanilang ipinagduduldulan sa mga mamamayan. Milyon-milyong estudyante ang napag-iwanan o nagpupumilit makasabay sa panibagong moda ng pagkatuto habang maraming mga magulang at guro ang nawalan ng trabaho at nahihirapan. Ano? Tagumpay nga ba ang balikeskwela? Kung bibigyan ng marka, isa itong malaking bokya. Dapat nang lansagin ang mas tumitingkad na neoliberal na edukasyon at isulong ang ligtas, abot-kaya at dekalidad na edukasyon sa bansa. Ang kailangan ng kabataang Pilipino sa panahong ito ay ang pambansa, siyentipiko at makamasang edukasyon, hindi ang kolonyal, komersyalisado at anti-demokratikong sistema ng edukasyon. ▼


lathalain

MALAYA KA NGA BA TALAGA? JESSICA MAE GARCIA DIBUHO PANDAY SINING KALAT

NAKASAAD SA KONSTITUSYON na ang Pilipinas ay isang “demokratikong bansa” kung saan nangangahulugan na ang kapangyarihan ay nasa taumbayan. Saklaw sa usapin ng pagiging “demokratiko” ay ang kalayaang bumoto at kalayaang maipahayag ang mga saloobin at opinyon, maging sa pamamaraan ng pagmumulat sa pag-aaral ng lipunan, pag-oorganisa ng mga komunidad para sa pagtataguyod ng kanilang mga interes, at paglahok sa mga kilos-protesta. Ngunit sa kabila ng mga pangako ng demokrasya, maraming mga indibidwal pa rin ang nagiging biktima ng panggigipit ng estado sa mga kalayaan at karapatan ng mga mamamayan nito. Ngayon, kung ikaw ay tatanungin, malaya ka nga ba talaga? Hindi alintana ang mga isyu na kinakaharap ngayon ng Pilipinas sa kamay ng administrasyong Duterte. Pasista, tuta ng Tsina at Amerika, mamamatay tao, berdugo, diktador—ito ay mga katangian ng kasalukuyang rehimeng taliwas sa kahulugan ng “demokrasya” na kung saan patuloy na nagpapahirap, nagsasamantala, at nagpapatahimik sa taumbayan. Wala silang intensyon na makinig sa mga hinaing ng masa bagkus ay mas ginigipit pa sila at pinarurusahan. Nitong Oktubre ay naglipana sa mga balita ang pagkamatay ng tatlong buwang taong gulang na si River at ang paglaban ng kanyang nanay na si Reina Mae Nasino na isang bilanggong pulitikal na mahagkan ang kanyang anak sa huli nitong mga oras. Si Nasino ay 23 anyos nang iligal na ikulong noong 2019 sa gawa-gawang kasong

“illegal possession of firearms and explosives.” Isa lamang si Nasino sa maraming bilanggong pulitikal na nakaranas ng inhustisya sa kamay ng estado. Dahil hindi kayang ikulong sa prinsipyo at ideolohiya, sinasamantala ng awtoridad ang batas para makulong ang mga katulad niyang progresibo. Mula sa pagtatanim ng ebidensya at ngayo’y pagsasabatas ng Terror Law ni Duterte, nagiging posible para sa gubyerno na ipiit ang mga kritikal sa kanila. Sa kasalukuyan, mayroong 609 na bilanggong pulitikal sa bansa kung saan 63 ang may kapansanan at 47 ang matanda na. Daan-daang boses ang pilit pinatatahimik at buhay na pilit inuubos ng estado upang pigilan ang pagsisiwalat nila sa realidad ng lipunan at palayain mula sa tanikala ng mapang-aping sistema. Ngayon, malaya ka nga ba talaga? Maaaring oo para sa iilan, pero hindi sa mas nakararami. Hindi rito, hangga’t nananatili ang sistemang nagkukulong sa mga katulad ni Nasino, pumapatay sa mga katulad ni River, at bumubusal sa mas marami pang progresibo. Sa kabila ng mapaniil na kalagayan, patuloy ang pagsalubong sa agos ng mga mamamayan. Tulad nga ng mga salitang ipinahayag ni Nasino, “Lalaya ako nang mas matatag. Hindi tayo nag-iisa.” Mas marami tayo. Ipagpapatuloy natin ang laban! Makapangyarihan ang puso at boses ng taumbayan. Pababagsakin natin ang pasistang diktadura ng rehimeng Duterte! Lalaya tayo kaya’t huwag kang pipikit. Huwag kang tatakbo dahil diktador ang dapat yumuko at lumuha, hindi ang ating Inang Bayan. ▼

SINING SA SEMENTO, DANAS NA KONGKRETO AREN AXLE JOHN TEODORO

DIBUHO LISA

ITINAMPOK SA BONIFACIO SHRINE ang isang tipak ng makasaysayang Berlin wall na ibinigay ng Alemanya sa Pilipinas bilang paggunita sa “mapayapang rebolusyong” People Power. Ayon sa alkalde ng Maynila na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang Berlin wall ay sumisimbolo sa dibisyon bunsod ng magkatunggaling ideolohiya at ang pagbagsak nito ay nagsisilbing inspirasyon upang magkaisa. Ngunit higit pa dito ang kahulugan nito. Ang Berlin Wall ay itinayo ng East Germany (na bahagi noon ng sosyalistang paksyon) upang paghiwalayin ang sosyalistang silangan at kapitalistang kanluran. Ngunit kung susuriing maigi, ito rin ang panahon ng paglihis ng USSR sa ideyolohiya at prinsipyo ng komunismo, dahilan para ang pader ay magsilbing bakod lamang sa dalawang magkaibang paksyon ng mga tagapamandila ng kapitalismo. Ito ay nagamit pa mismo ng kapitalistang kanluran upang isulong ang kanilang imperyalistang adyenda: ang pagpinta sa katunggaling “sosyalista” at ang pader na naghahati bilang “monumento ng opresyon.” Bukod dito, maituturing na pinakamalaking eksibit ng graffiti sa buong mundo ang Berlin Wall. Maraming artistang Aleman ang idinaan sa sining ang pagpapakita ng diskuntento sa panghahating ginawa ng pader na ito. Tila isang mahabang lona para sa mga manggagawang kultural ng Alemanya, sa magaspang na balat ng sementong

serpente nila pinadanak ang panawagan at hinaing. Ang sining sa Berlin wall ang nagsilbing sagot ng masa sa pagtuligsa sa isang sistemang mapang-api at mapag-samantala. Mayroong mga likha na kumplikado at pinag-igihan ang pagbuo, mayroon ding idinaan sa simpleng teksto ang pagpapanawagan. Iba-iba man ang estilo at kalidad, iisa pa rin ang layunin: bigyang liwanag ang mga isyung panlipunan. Matatandaan ang poot ni Moreno bunsod ng ginawang graffiti ng Panday Sining sa mga lansangan ng Maynila. Tila mahal na mahal ng alkalde ang isang tipak ng batong hiyang na hiyang sa diwang mapanlaban ng mga banyaga habang ang likha ng kanyang mga kababayan ay kanyang kinamumuhian at binubura. Hindi nakita ng alkalde na ang iniangkat na graffiti ay hindi rin naiiba sa mga likha ng mga lokal na artista ng bayan. Ang sining ay higit pa sa porma nito. Ito ay repleksyon ng realidad. Ang mga ideyang naglalaro sa isip ng mga manlilikha ay nagmumula sa kanilang materyal na kondisyon. Kung nahahati ang mga tao batay sa kanilang kalagayang panlipunan, gayundin ang sining na kanilang nililikha’t tinatangkilik. Dahil sa katangiang ito ng sining, may kakayahan itong magbigay ng pulitikal na mensahe. Ang Berlin Wall ay hindi lamang pader, o eksibit ng graffiti. Ito ay komentaryo rin sa umiiral pandaigdigang pulitika. Sa pagsamantala ng kanluran sa rebisyunismo ng USSR upang pabulaanan ang sosyalismo at isulong ang

imperyalistang adhikain nito, hindi maikakaila ang pagpapabagsak ng masa sa pader na ito ay patunay ng kapangyarihan ng pagkakaisa. Sa panahon ng panlipunang krisis, tinawag ng bayan ng Alemanya ang mga manggagawang kultural nito. Gayundin, ang mga malikhaing kabataang artista ay tinawag ng Pilipinas upang bigyang liwanag ang mga suliranin ng kasalukuyang panahon. Mula sa makikitid na pasilyo ng Lagusnilad hanggang sa mga mausok na kalye ng Maynila, umaalingasaw ang baho ng mapangaping estado. Kasunod ng pagkilos ng isang estado laban sa sarili nitong mamamayan ay ang masikhay at kolektibong pagkilos ng masa. Tanging ang masa lamang ang nagsusulat ng kasaysayan ‘pagkat nasa kanila ang kapangyarihang maghatid ng tunay na pagbabagong makabubuti sa lahat. Tapalan man nila ng tapalan ang graffiti ng mga progresibo, hinding-hindi nila mapapatahimik ang masa. ▼


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.