Lente ng Masa Isyu 3

Page 1


Higit sa isang buwan na ang nakalipas nang tamaan ang bansa ng sunod-sunod na bagyong Rolly, Quinta, at Ulysses na nagdulot ng malubhang pinsala sa pang-araw-araw na pamumuhay ng milyong Pilipino.



Ilan sa mga napuruhan ang mga lalawigan sa Timog na parte ng Pilipinas na kadalasang nakararanas ng matitinding pagbaha, landslides, at iba pang epekto ng bagyo.


Bakas sa mga nilipad na yero at nasirang mga bahay ang hagupit ng mga nagdaang bagyo. Nanatiling mga labi na lamang ang mga tagpi-tagping dingding na hindi na muling matitirhan ng mga residente ng Calabanga at Tinambac sa Camarines Sur lalo na ang mga nasa coastal area.


Kabilang sa mga napinsalang imprastraktura ang isang day care center sa Calabanga.


Tinatalang 40,000 ang kinailangang lumikas mula sa kanilang mga tirahan.


Bukod sa flashfloods na nagdulot ng pagkasira ng ibang tulay at kalsada, nakadagdag pa ang kawalan ng kuryente sa kahirapan ng mga residente at ng local government units.


Nasa 12.9 bilyon ang kabuuang pinsala ng bagyong Ulysses sa agrikultura at imprastraktura habang may mahigit 88,000 kabahayan ang napinsala at mahigit 9,000 ang nasira.


Panawagan ng mga biktima ay maayos na tirahan, panibagong pangkabuhayan, at serbisyong pangkalusugan. Ang mga estudyante naman ay nakikiusap na luwagan ang implementasyon sa online classes.




Bilang tugon sa dulot na pinsala ng nangyaring kalamidad, kaisa ang Panday Sining ng grupong Tulong Kabataan na tumungo sa mga munisipalidad ng Calabanga at Tinambac upang maglunsad ng relief operations. Kasama sa proyekto na ito ang iba pang mga organisasyon at pribadong institusyon tulad ng Bangon Bayan, Asia Pacific Alliance, Naga City People’s Council, Metro Naga Chamber of Commerce Industry, Bicol Movement for Disaster Response, at Tindig Bikol.


Saksi ang mga progresibong organisasayon at mamamayan sa kapabayaan ng gobyerno sa gitna ng sakuna. Dagdag pa rito ang siyam na buwan na walang kongkretong aksyon sa COVID-19 pandemic.



Sa kabilang banda, tuloy-tuloy pa rin ang pinagsama-samang tulong galing sa non-government organizations at karaniwang mamamayan.




Patunay lamang ito na ang masa ay handang maglingkod at makiisa para sa pambansang kaunlaran.











Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.